Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Araling Panlipunan 6

Ikatlong Markahan- Modyul 1-4

Manunulat:
Lourdes P. Ynion – LPES Central
May R. Agne- Moonwalk Elementary School
Maria Nonita D. Salvador – Vergonville Elementay School
Genelyn A. Encarguez Vergonville Elementary School
Concepcion G. Rivero – Doña Manuela Elementary School
Maia Laarni M. Paule – Doña Manuela Elementary School
Emelinda D. Tesorero – Danile Fajardo Elementary School

Balideytor sa Nilalaman:
Liza G. Dipasupil- LPNHS Equitable Annex

Balideytor sa Wika
Marecris S. Belmonte-CAA ES Annex
Minerva B. Arroza-CAA ES Annex

Balideytor sa Pagkakaangkop:
Lourdes Vizcarra

Konsolideytor:
Eden Ruth Reyes
Paano Gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, Kailangang isantabi muna ang lahat ng iyong
mga pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang SLM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyo tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong taga-pagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.
2
Aralin
Hamon at Suliraning Kinaharap ng
1 mga Pilipino mula 1946 hanggang
1972
Layunin sa Pagkatuto
• Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang 1972.

SURIIN
Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng nagdaang digmaang
pandaigdigan, kaya naman, nang maging ganap na Republika ang Pilipinas
noong 1946 ay naharap ito sa malalaking suliranin. Iyong suriin ang mga
kinaharap na suliranin ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972.

Hamon at Suliraning Kinaharap ng mga Pilipino

A. Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan

• Mga Informal Settler mula sa probinsiya at paglaki


ng populasyon.
• Pagdami ng mga kalaban ng pamahalaan tulad
ng mga Hukbalahap.
• Pagkasira ng mga tulay, kalsada, bahay, gusali at
mga paaralan at kalakalan.
Manuel A. Roxas • Kawalan ng katiwasayan at kaayusan.
(Hulyo 4, 1946 - April 15, 1948) • Mababang moralidad ng lipunan.
• Unang pangulo ng Ikatlong
Republika
B. Mga Di-pantay na Kasunduan at Pagsandal sa
Amerikano

• Bell Trade Act -ang pagpataw ng buwis sa


anumang produkto nanggagaling sa Plipinas
patungong Estados Unidos pagkatapos ng 1954.
Limang porsyente ng buwis taon-taon hanggang
marating ang 100 porsyente sa taong 1974.
Itinakda din nito na may kota o takdang dami rin
ng asukal, bigas, tabako, abono, lubid, langis at
niyog at botunes na perlas na mailuluwas ng
Pilipinas sa Amerika, samantalang ang pagluwas
ang Amerika nang walang takdang damo o kota.
• Parity Rights - isang tadhana sa Batas Bell na
nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano sa
3
pagtrotroso, pagpapaunlad ng lahat ng lupang
agrikultural at likas na yaman, gayundin sa
pamamalakad sa paglilingkod ng pambayan ng
Pilipinas.

C. Pakikipag-ugnayang Militar

• Kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol


sa Base Militar na pinirmahan noong Mayo 14,
1947 kung saan binigyan ang Amerika ng
karapatan na upahan ang base militar sa loob ng
99 taon.

A. Suliraning Pangkabuhayan at Politikal


Elpidio R. Quirino • Paglala ng Suliranin sa Hukbalahap na nakabuo
(April 17, 1948 – Disyembre 30,
ng maraming kasapi na pinamumunuan ni Luis
1953)
Taruc dahil sa magulo ang kalagayang politikal
sa bansa.
• Kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa
kakayahan at katapatan ng pamahalaan.
• Banta ng komunismo sa bansa sa bansa.
• Paghina ng produksyon na bansa at kawalan ng
http://malacanang.gov.ph/elpidio-
halaga ng piso.
quirino-2/ • Limitado ang pagpapatayo ng mga industriya na
• Ikalawang pangulo ng nakapagbibigay ng trabaho
Ikatlong Republika • Naharap sa matinding pang-ekonomiya ang
• Humalili bilang pangulo kay
Pilipino dahil sa pagkontrol at paglilimita ng
Manuel A. Roxas matapos
ang hindi inaasahang ekonomiya na tinatawag na Balance of Payment
pagkamatay nito. Deficit.

B. Ang mga Isyu sa pamahalaan ni Elpidio Quirino

• Nagpatuloy na nagdulot ng matinding suliranin sa


kapayapan at kaayusan pampolitika sa bansa.
Nakipagnegosasyon ang pamahalaang Quirino na
magkaloob ng Amnestiya sa mga rebeldeng nais
sumuko ngunit ito ay hindi nagtagumpay.
A. Mga Suliraning kinaharap ni Pang. Ramon F.
Magsaysay
• Lugmok na ekonomiya ng bansa, naapektuhan
ang ekonomiya ng bansa dahil sa madalas na
digmaan.
http://malacanang.gov.ph/?s=ramon • Papapalaganap at pagpapanatili ng seguridad
+magsaysay
4
laban sa mga Huk.
Ramon F. Magsaysay
Disyembre 30, 1953-Marso 17, • Kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayang
1957) Pilipino.
• Ikatlong pangulo ng • Suliranin sa lupain at agrikultura, imprastraktura at
Ikatlong Republika sa kalakalan
• Suliranin sa mga manggagawa at karapatang
pantao.
• Hindi pantay na pakikisalamuha sa mga pangkat
ng mga katutubo.

Carlos P. Garcia A. Ang administrasyon ni Carlos P. Garcia ay umiikot


(Marso 18, 1957-Disyembre sa tatlong bagay pagtitipid, patakarang Pilipino
30, 1961)
• Ika-apat na pangulo ng
Muna, at pagbabagong sigla ng kultura. Subalit
Ikatlong Republika maraming siyang suliraning kinaharap upang
maipatupad ang kanyang mga programa tulad ng:

• Pagtaas ng mga bilihin, hindi natamo ang


katiwasayan ng bansa, at lumaganap din ang
mga katiwalian sa pamahalaan.
• Kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa.
http://malacanang.gov.ph/?s=carlos+p.+garcia
• Pagkontrol ng pag-angkat na naging bunga ng
mahina ang kalakalan.
• Paghabol sa Amerika ng buwis sa kanilang sobrang
paniningil sa bansa.
• Di makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano
sa mga manggagawang Pilipino sa mga base
militar.

B. Pagpapatupad ng mga Pagbabago:

• Pagtaas ng bandilang Pilipino na katabi ng


bandilang Amerikano sa mga base militar.
• Pagbabalik ng Amerikano sa Pilipinas ng daungan
pangmilitar sa Maynila na dating kontrolado nila.
• Pag-alis ng karapatan ng mga Amerikano sa
pagkontrol ng Olongapo
• Pagkakaroon ng limitasyon sa mga instalasyong
militar ng Estados Unidos sa bansa.
5
Mga Hamong Kinaharap ni Pang. Diosdado P.
Diosdado P. Macapagal Macapagal
(Disyembre 30,1961-
Disyembre 30,1965) Reporma sa lupa ang pangunahing
• Ika-limang pangulo ng
Ikatlong Republika
palatuntunan ni Pangulong Macapagal. Pinaghati-
hati niya ang lupa sa mga magsasaka. Inalis nya ang

paghihirap ng bansa sa pag-alis ng sistema ng


pangungupahan.

• Pangunahin sa mga suliranin ng administrasyon ni


Pang. Macapagal ay ang pangkabuhayan.
http://malacanang.gov.ph/?s=diosdado • Ang pabahay, hanapbuhay, mababang pasahod
+macapagal
at pag-papaunlad ng sakahan.
• Katiwalian sa pamahalaan.

B. Mga Isyu at Kontrobersiya:

• Pangunguwalta at Katiwalian/ iskandalo


• Pagtaas sa mga presyo ng pangunahing bilihin.
• Kapayapaan at walang katahimikan dahil sa mga
taong rebelde.
• Pagwawalang bahala ng Philipine peso.

A. Mga Suliraning Panlipunan


Ferdinand E. Marcos
(Disyembre 30,1965- • Nagsimula ng panunungkulan si Pangulong
Setyembre 21,1972) Ferdinand Marcos nang halos walang magasta
• Ika-anim na pangulo ng
ang pamahalaan para sa Edukasyon, kalusugan,
Ikatlong Republika
Tanggulang Pambansa, kagalingang panlipunan
at mga gawaing bayan.

B. Suliranin sa Pambansang Kapayapaan at


Kaayusan:

• Dumami ang mga mayayaman ang may Private


http://malacanang.gov.ph/?s=ferdinand
+e.+marcos Army
• Tumaas ang bilang ng mga mahihirap.
• Gumamit ng kamag-anak system para sa kani-
kanilang pansariling interes.

C. Mga Suliraning Pangkabuhayan

• Patuloy ang paglaki ng utang ng pamahalaan.


6
• Tumaas ang halaga ng langis sa pandaigdigang
palengke.
• Patuloy ang pang-angkat ng mga produkto sa
ibang bansa kaya tumaas ang mga bilihin.
• Patuloy na yumaman ang kapitalista at patuloy
namang naghirap ang mga mahihirap.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano sa palagay mo ang mga naging dahilan bakit dumanas ng sobrang


suliranin ang bawat pangulong namahala sa ating bansa? (Magbigay ng 5
kadahilanan)

2. Ano ang ibig sabihin ng Parity Rights? Ipaliwanag? Sa iyong palagay


nakatulong ba ang programang Parity Rights sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa sa panhon ni Pang. Roxas?

3. Ano ang dalawang malalang suliranin ng ating bansa ang kinaharap ng


bawat pangulo ng bansa sa Ikatlong Republika?

Gawain I :

Batay sa binasang aralin punan ng mga impormayon na hinihingi ng tsart:

Pangulo Mga taon ng Lalawigang Mga Hamon at Mga Isyung


Panunungkulan Pinagmulan Suliraning sa Hinarap
Panunugkulan

Manuel A.
Roxas

Elpidio
Quirino

Ramon
Magsaysay
7
Carlos P.
Garcia

Diosdado
Macapagal

Ferdinand E.
Marcos

Gawain 2 – Kaalaman sa Tiyak na Bagay


Panuto: Isulat sa patlang ang sagot na inilalarawan ng pangungusap.
__________1. Ang pagpapataw ng buwis sa anumang produktong
nanggagaling sa Pilipinas patungo sa Estados Unidos.
__________2. Pangulong nagpatupad ng pantay na karapatan sa mga
Amerikano na linangin ang likas na yaman ng bansa.
__________3. Siya ang pinuno ang mga Huklabahap.
__________4. Ang batas na nagbibigay karapatan sa mga Amerikano na
linangin ang likas na yaman ng bansa.
__________5. Ang programang ito ay naglalayong makatipid sa paggasta ng
pamahalaan.
__________6. Isang suliranin ng pamahaaan ang ugaling ng mga Pilipino sa
pagkahilig sa maka-kanluraning paraan ng pamumuhay.
__________7. Isa sa pangunahing suliranin ng pamahalaan sa kapayapaan at
kaayusan.
__________8. Pangulong minahal ng taong bayan dahil sa kanyang kababaang
loob.
__________9. Pangulong sinundan ni Pangulong Diosdado Macapagal.
_________10. Pangulong nag-alis ng sistemang pangungupahan sa bansa na
hindi nagtagumpay.
8
Aralin
2

Layunin sa Pagkatuto
Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa konstekto ng kasunduang
militar na nagbigay daan sa pagtayo ng base militar ng Estados Unidos sa
Pilipinas. (AP6TDK-IVe-f-6)

SURIIN
Diyagram 1: UGNAYANG PILIPINO-AMERIKANO SA KONSTEKTO NG KASUNDUANG MILITAR NA
NAGBIGAY DAAN SA PAGTAYO NG BASE MILITAR NG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS

Neokolonyalismo

Mga kasunduan sa Pagitan


Ang Pilipinas Matapos ang ng US (United States) at
Ikalawang Digmaang ay humarap sa mga hamon ng
Pilipinas
Pandaigdig
Patuloy na pagsandal sa US

Mga Hamon ng Kasarinlan


Sa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, marami sa mga kolonya
ng Kanluraning bansa sa Asya ang napagkalooban ng kalayaan kabilang rito
ang Pilipinas. Noong Hulyo 4, 1946, sa Independence Grandstand, ipinahayag
ng US ang kalayaan ng Pilipinas kasabay ng simbolikong pagtataas ng
watawat ng Pilipinas at pagbababa ng watawat ng US. Subalit sa kabila ng
natamong kalayaan ng Pilipinas, nanatili pa rin ang impluwensya ng US dito.
Neokolonyalismo ang tawag sa bagong anyo ng kolonyalismong ito. Sa
ganitong sistema, patuloy na naitataguyod ng mas makapangyarihang bansa
9
ang kanilang interes at pagkontrol sa politika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng
mas mahinang bansa.

MGA HINDI PANTAY NA KASUNDUAN AT ANG PAGSANDAL SA UNITED STATES

Bilang kolonya ng US, ang Pilipinas ay lumagda sa mga kasunduan na may


pagkiling at hindi naging patas para sa mga Pilipino. Dahil lugmok ang bansa
pagkatapos ng digmaan, nilagdaan ng pamahalaang Pilipino ang mga
kasunduan kapalit ang katiyakang tutulong ang US sa rehabilitasyong at muling
pagbangon ng bansa.

A. Bell Trade Relations Act


Iniakda ni Charles Jasper Bell ng US. Noong oktobre 1945, inihain ng kongreso ng
US ang panukalang batas na Bell Trade Relations Act. Pinagtibay ang batas na
ito sa Pilipinas noong Abril 30, 1946 at tinatawag na Philippine Trade Act.
Itinakda sa batas na ito ang pagpapatuloy ng malayang kalakalan sa pagitan
ng US at ng Pilipinas (sa loob ng walong taon) hangang taong 1954.

Ang sumusunod ay ilan sa mga probisyon ng batas na ito:

1. Malayang Kalakalan
Magtatakda ng buwis sa lahat ng produktong Pilipinong papasok sa US
pagkatapos ng 1954, 5% bawat taon hangang sa 100% pagdating ng 1974.
May takdang dami o quota ang produktong maaring ipagbili sa pamilihan ng
US. Ang mga Amerikano rin ang nagdidikta ng produktong inaangkat sa
kanilang bansa, samantalang malaya silang makapagpapasok sa Pilipinas ng
ano mang uri ng kalakal nang walang takdang dami.
Ang sinasabing malayang kalakalang ito ay naging pabor lamang sa US
sapagkat habang libre nilang naipapasok ang kanilang kalakal sa Pilipinas ay
pinapatawan naman nila ng mataas na buwis at taripa ang mga produktong
galing sa Pilipinas.

2. Halaga ng Piso at Dolyar


Nakatali ang halaga ng piso sa itinakda na halaga laban sa dolyar ng US. Wala
sa karapatan ng mga Pilipino na baguhin ang halaga ng palitan ng dalawang
salapi. Pati ang malayang paglipat ng pondo sa US mula sa Pilipinas ay dapat
may pahintulot ng pangulo ng US. Kung ano man ang mangyari sa kalakalan,
maaaring bawiin ng mga Amerikano ang kanilang puhunan nang hindi
nagbabago ang halaga ng dolyar.

3. Parity Rights
Ang Parity Rights ay nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano sa paglinang ng mga likas na yaman at sa pagpapalakad ng mga
paglilingkod na pambayan ng Pilipinas. Kasama sa probisyong ito ang
10
“karapatang maibenta, galugarin, paunlarin, at gamitin ang lahat ng lupang
agrikultural, pangkakahuyan, at minahan sa bansa.”
Ang probisyong ito ay labag sa saligang batas ng 1935 kaya’t kinailangan pa
ng pag-amiyenda upang ito ay maipatupad. Naipatupad pa rin ito sapagkat
Malaki ang pangangailangan ng Pilipinas sa pondo para sa pagbangon mula
sa digmaan at ang pagtanggi dito ng mga Pilipino ay nangangahulugang
pagbawi din sa pagbibigay ng sapat na tulong ng US.
Dahil na rin sa pag tutol sa probisyong ito, pinalitan ito ng Laurel- Langley
Agreement noong 1955.

B. Tydings Rehabilitation Act


Ang batas na ito ay naglaan ng $620 milyon sa Pilipinas bilang bayad-pinsala at
tulong sa pagsasaayos sa mga nasira noong panahon ng digmaan. Subalit ang
mga halagang ito ay ipagkakaloob lamang sa Pilipinas kung tatanggapin ang
Parity Rights. Sa harap ng ganitong kondisyon, sumang-ayon ang mga Pilipino
at niratipikahan ang pag-amiyenda sa Saligang Batas ng 1935 noong Marso 11,
1947 tungkol sa paglinang ng mga likas na yaman ng Pilipinas.
Mas pinalubha ang kalagayan ng Pilipinas sa relasyon nito sa US nang lagdaan
ni Pangulong Harry S. Truman ang Tydings Rehabilitation Act noong Abril 30,
1946. Ayon dito, magbibigay lamang ng dagdag na tulong-pinansiyal ang US
sa Pilipinas, na nagkakahalagang $620,000,000, kung aayon ang pangulo ng
Pilipinas sa kahilingan ng Amerika na susugan ang Saligang Batas ng Pilipinas.
Dito, binigyan ng pantay ng karapatan o “parity rights” ang US na galugarin,
hanguin, at gamitin ang likas na yaman ng Pilipinas. Malinaw na sa batas na ito,
nagbagong-anyo lamang ang kolonyalismong pinairal ng US sa Pilipinas na
nakasentro na sa aspektong pang-ekonomiya.
Hindi limitado ang pagpapairal ng neokolonyalismo sa pagbibigay ng foreign
aid sa anyo ng salapi. Halimbawa ay ang ginawang “pagtulong” ni Edward
Landsdale, isang Central Intelligence Agency agent, upang masupil ang
insureksiyon ng mga Huk. Kapalit nito ay ang pananatili ng Pilipinas bilang
“malapit na kaibigan” ng US.
Maaari din itong nasa anyo ng panggigipit. Hindi pinahintulutan ng US na
maging isang industriyalisadong bansa ang Pilipinas. Hinimok itong manatiling
agrikultural kapalit ang tulong-pinasiyal upang pagyaanin ang sektor na ito ng
ekonomiya. Sa ganitong paraan ay higit na mapakikinabangan ng US ang mga
hilaw na materyales at likas na yaman ng Pilipinas, habang ang huli ay patuloy
na aasa sa mga produkto at kalakal mula sa una.
Isa pang paraan ng neokolonyalismo ay sa anyo ng pagpapautang. Sa
pamamagitan ng International Monetary Fund, World Bank, o ng US,
nagpapautang ang maliliit na bansa kapalit ng mga patakarang pang-
ekonomiya na pabor o naaayon sa una. Dahil dito, mapipilitang pumasok sa
isang hindi pantay na kasunduan ang mahihinang bansa, tulad na lamang ng
Pilipinas na sa kasalukuyan ay umabot na sa $59 bilyon ang panlabas na utang.
11
Ikatlong paraan ay sa pagpapakilala ng kultura ng mas makapangyarihan o
malaking bansa sa pamamagitan ng edukasyon. Ilang mga Pilipino ang
ipinadala sa US upang maging pensionado. Dito ay nakapag-aral sila sa
sistemang Kanluranin gamit ang mga aklat na tampok ang kulturang
Amerikano.
Nahubog sa kanilang kaisipan na ano mang gawang Amerikano at maka-
Amerikano ay pinakamahusay sa lahat. Inaasahan na sa kanilang pagbabalik
sa Pilipinas ay dala nila ang pag-uugali at kultura ng mga Amerikano na
ibabahagi nila sa mga Pilipino. Dito umusbong ang colonial mentality o
kaisipang kolonyal. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong banyaga, o
mga “imported” at ang pagkakaroon ng mga bagay na ito ang naging
batayan ng katayuan nila sa lipunan.
Ikaapat na paraan ng neokolonyalismo ay sa anyo ng pagbibigay tulong-
militar o pagpapaigting sa segurigad ng mas mahinang bansa. Sa pagtatapos
ng digmaan, ipinamahagi ng US ang ilan sa kanilang mga armas at kagamitan.
Nagpadala rin sila ng kanilang mga sundalo sa Pilipinas upang sanayin ang
mga sandalong Pilipino sa pakikidigma. Ramdam pa rin ang impluwensyang ito
ng mga Amerikano sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.
Batay sa mga nabanggit sa itaas, napatunayan na hindi lubusang nagwakas
ang kolonyalismo, bagkus ay nagbagong-anyo lamang ito. Patuloy ang mga
impluwensya ng mga dating mananakop hanggang sa tuluyan na nitong
nabago at nahubog upang maging maka-kanluranin ang pag-iisip ng
mamamayan.

C. Treaty of General Relations


Napapaloob sa kasunduang ito ang pagkilala ng US sa kalayaan ng Pilipinas at
paggalang sa kapangyarihan ng pamahalaan nito. Sa kabila nito, patuloy pa
rin ang pag-iral ng kapangyarihan ng US sa pamamagitan ng paggamit ng
base militar sa Pilipinas na ayon sa kanila ay para sa kaligtasan at katiwasayan
ng bansa. Para sa mga Amerikano, ang mga base militar sa Pilipinas ay
makakatulong sa pangalagaan ang interes nito sa Timog-Silangang Asya at sa
kanlurang Pacific.

Ang base militar ay isang pasilidad na direktang pagmamay-ari at


pinamamahalaan na para sa hukbong sandatahan. Naglalaman ang base
militar ng mga kagamitan at tauhang militar at dito nagsasagawa ng mga
pagsasanay at operasyon. Sa pangkalahatan, nagsisilbing tirahan o kampo
para sa isa o higit pang pangkat ng mga sundalo ang base militar ngunit
maaari rin itong gawing sentro ng mga operasyong militar dahil dito
matatagpuan ang mga pinunong militar. Karaniwan sa mga base militar ay
nakadepende sa mga tulong mula sa labas upang maisagawa ang mga
operasyon nitó. Sa kabilang banda, mayroon namang malalaking pasilidad na
may sapat nang pagkain, tubig, at kagamitan upang makatagal habang
nakikipa- glaban.
12
Ang 1947 Military Bases Agreement ay nagbigay ng kapangyarihan sa Estados
Unidos na humawak ng mga lupain upang gawing base militar sa Pilipinas sa
kabila ng pagbibigay ng kasarinlan sa Pilipinas. Kabilang sa itinatag na mga
base sa bansa ang Clark Field Air Base (Pampanga), Fort Stotsenburg
(Pampanga), Mariveles Military Reservation, POL Terminal and Training Area
(Bataan), Camp John Hay Leave and Recreation Center (Baguio). Ang
kasunduang ay may bisà sa loob ng 99 taon at maaaring dugtungan batay sa
mapag-kakasunduan ng Pilipinas at Amerika. Nagkaroon ito ng pagbabago
noong 1966 na ginawang 25 taon na lamang ang bisà at noong 1979 na
inililipat sa Pilipinas ang kapangyarihan sa mga base. Ibinasura naman ng
Senado ng Pilipinas ang balak na dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga
base ng Estados Unidos noong 16 Setyembre 1991.
Ang U.S. Naval Base Subic Bay sa Olongapo, Zambales ang naging
pangunahing pasilidad para sa pag-aayos ng mga barko, pagpupuno ng
suplay, at pahingahan ng hukbong pandagat ng Estados Unidos. Ito rin ang
pinaka-malaking overseas military installation ng puwersang Amerikano
matapos magsara ang Clark Air Base noong 1991. Nang ipasara noong 1992,
ginawa itong Subic Bay Freeport Zone ng ating pamahalaan.
Ang Clark Air Base ang dating base ng hukbong himpapawid ng Estados
Unidos sa Pilipinas. Matatagpuan ito tatlong milya sa kanluran ng Lungsod
Angeles at 40 milya sa hilagang kanluran ng Metro Manila. Nasasakop nito ang
37 km kuwadrado at may reserbasyong militar na 596 km kuwadrado pahilaga.
Ito ang kuta ng puwersang Amerikano at Pilipino noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig hanggang Digmaang Vietnam. Naging pagmamay-ari ito ng mga
Amerikano mula 1903. Dahil sa pinsalang dulot ng pagputok ng Bulkang
Pinatubo at sa lumalaganap noong sentimyento laban sa mga base militar,
iniwan ng Estados Unidos ang Clark noong Nobyembre 1991. Sa kjasalukuyan ito
ang katatagpuan ng Clark International Airport, Clark Freeport Zone, at
Philippine Air Force.
https://tinyurl.com/y2hypwx3

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng neokolonyalismo?


2. Sa papaanong paraan naitataguyod ng mas makapangyarihang bansa ang
kanilang interes at pagkontrol sa pulitika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng mas
mahinang bansa?
3. Anong kasunduan ang nagbigay ng kapangyarihan sa Estados Unidos na
humawak ng mga lupain upang gumawa ng base militar sa Pilipinas sa kabila
ng pagbibigay ng kasarinlan sa Pilipinas?

Sanggunian: Isang Bansa Isang Lahi pahina 171- 175


https://tinyurl.com/y2hypwx3
13
Karagdagang Gawain:

Isulat sa mga patlang ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang salita na
tinutukoy sa bawat pangnungusap.

N__ __ K O __ __ __ Y __ L __ S __ O 1. Ito ang bagong anyo ng kolonyalismo, sa


ganitong sistema patuloy na naitataguyod ng mas makapangyarihang bansa
ang kanilang interes at pagkontrol sa politika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng
mas mahinang bansa.

B __ __ L T __ __ D __ A __ __ 2. Itinakda sa batas na ito ang pagpapatuloy ng


malayang kalakalan sa pagitan ng US at ng Pilipinas sa loob ng walong taon.

TY__ __ N __S R__ H __ __ I L __T __ T __ __ N A __ __ 3. Ang batas na ito ay


naglaan ng $620 milyon sa Pilipinas bilang bayad-pinsala at tulong sa
pagsasaayos sa mga nasira noong panahon ng digmaan

B__ S __ M __ __ __ T __ __ 4. Isang pasilidad na direktang pagmamay-ari at


pinamamahalaan para sa hukbong sandatahan.

TR __ __ T __ OF G __ __ E __ __ L R __ __ __ T __ __ N__ 5. Ito ay kasunduang


pagkilala ng US sa kalayaan ng Pilipinas at paggalang sa kapangyarihan ng
pamahalaan nito
14
Aralin
3
Layunin sa Pagkatuto
Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanya sa
pagpapanatili ng kalayaan ng isang bansa. (AP65HK-IIId3)

SURIIN
Alam mo ba kung kailan sinasabing ganap nang malaya o isa nang estado
ang isang bansa? Ang isang bansa, bago masabing isang ganap na malaya o
estado ay may apat na mahahalagang sangkap o elementong dapat
taglayin. Ang mga ito ay mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at soberanya.

KAHALAGAHAN NG SOBERANYA
Ang soberanya ay ang sukdulan o pinakamataas na kapangyarihan ng
estado o bansang mag-utos at pasunurin ang mga tao. Sumasaklaw ang
pagkilos nito sa lahat ng nangyayari sa bansa. Napakahalagang magkaroon
nito ang isang bansa upang maisakatuparan ang pagtataguyod ng kabutihan
at kapakinabangan ng mga mamamayang kanyang nasasakupan at upang
masabing ito ay ganap na malaya.

KATANGIAN NG SOBERANYA
> Palagian o Permanente- Ito ay pangmatagalan at magpapatuloy hanggang
hindi nawawala ang estado.
> Malawak- Sumasaklaw ito sa lahat ng mga tao at ari-arian ng estado.
> Di-naisasalin- Ang kapangyarihan ng estado ay pansarili lamang at hindi
maaaring ilipat sa ibang bansa.
> Lubos- ang kapangyarihan ng estado ay ganap at walang sinumang bansa o
tao ang may kapangyarihan dito.
15
Ayon sa Artikulo II Seksiyon I ng Saligang Batas 1987, ang soberanya ng
bansa ay angkin ng sambayanan at nagmumula rito ang lahat ng
kapangyarihan ng pamahalaan. Ang mamamayan ay may karapatang mamili
ng mga namumuno ng bansa sa pamamagitan ng halalan. Ipinapakita rin nito
ang bansa ay isang estadong republikano at demokratiko.

ASPEKTO NG SOBERANYA
Ø Panloob na Soberanya (internal sovereignty)- tumutukoy sa
kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng taong naninirahan sa
teritoryong nasasakupan nito. Napakahalaga ng soberanyang panloob
sapagkat dito nakasalakay ang kaayusan at kaunlaran ng isang bansa.
Kabilang sa nasasakupan nito ang pagpapatupad ng batas, pangangasiwa sa
likas na yaman, pagpapanatiling maayos at mapayapa ang bansa at
pagpapanatili ng kalayaan at karapatan ng mga mamamayan.
Ø Panlabas na soberanya (external sovereignty)- Kalayaan ng estadong
itaguyod ang lahat ng mga gawain at naisin ng bansa tunkol sa ekonomiya,
edukasyon, buwis, hanapbuhay at iba pang bagay na nagbibigay ng suliranin
o tinatayang mag-aambag sa kagalingan ng bansang hindi pinapakialaman
ng ibang bansa. Nakikita rin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan bansang
makipagkasundo o makipag-ugnayan sa ibang bansa.

Mga Paraan Upang Mapanatili ng Mamamayan ang Soberanya ng Bansa


1. Magkaroon ng pagkakaisa ang lahat upang mapanatiling matatag ang
pamahalaan.
2. Dapat ay may isang damdamin, saloobin at paniniwala ang mga tao upang
madaling makagawa ng mga hakbang para sa kabutihan at kaunlaran ng
bansa.
3. Magkaroon ng tiwala at pag-asa sa kakayahan at talino ng bawat isa at
alisin ang layuning hindi makakatulong sa bansa.
4. Ipagmalaki ng mga tao ang kanilang sariling kultura at iwasan ang kolonyal
na mentalidad.
16
KARAPATAN NG ISANG BANSANG MALAYA

Ø Karapatan ng bawat estadong pangasiwaan o pamahalaan ang


Karapatan sarili, ito man ay pang-ekonomiya, panlipunan, o pampulitika.
sa Kalayaan Walang ibang bansang maaaring mang-himasok, makialam, at
pumigil sa mga desisyon nito para sa bansa.

Ø Sa batas pandaigdig, ang bawat estado ay may pantay na


Karapatan sa karapatan, tungkulin, pribilehiyo anuman ang kanilang laki, yaman
Pantay na at kulturang mayroon. Ang mga malalakas o nangungunang
Pribilehiyo bansang kabilang sa maunlad ay walang karapatan maki-alam sa
mga papaunlad na bansa. Maari lamang makialam ang isang
bansa sa isang bansa kapag humingi ito ng tulong.

Ø Karapatan ng estadong gumawa at ipatupad ang mga batas at


Karapatan sa kautusan sa kanyang nasasakupan. Walang ibang magagawa ang
Saklaw mga bansa sa mga patakaran at batas na nais ipatupad nito.
Kapangyarihan Kasama rin sa karapatang ito ang ipagtanggol ang mga
mamamayang naninirahan at nagtratrabaho sa ibang bansa.
Karapatan ng pamahalaang magpadala ng mga tulong na legal
sa mga mamamayan nito na nagkakaproblema sa ibang bansa
upang matiyak ang kanilang kaligtasan at mabuting kalagayan.
Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas o Department of Foreign
Affairs ang nangunguna sa mga mamamayang nasa ibang bansa.

Ø Karapatan ng bawat estado ang pagmamay-ari o pag-aangkin ng


Karapatan sa lahat ng ari-arian at bagay-bagay na nasa kanyang teritoryo.
Pagmamay-ari Ø Kabilang dito ang mga likas na yaman, yamang tao, at mga
embahada sa ibang bansa at mga lupaing kinatatayuan nito.

Ø Karapatan ng estado na magpadala at tumanggap ng mga


Karapatan sa pambansang kinatawan sa ibang bansa gaya ng mga diplomat at
Pakikipag- konsul.
ugnayan Ø Layunin nitong makipagkasundo hingil sa mga usaping pampolitika,
pangkabuhayan at pangkultura.
Ø Karapatan ding hindi tumanggap ng mga kinatawang hindi
karapat-dapat o tinatawag na persona non grata dahil sa
paglabag nito sa mga batas. Ang taong ito ay mahirap nang
makabalik sa bansang nagpaalis sa kanila.
17
ANG PAGTATANGGOL SA ATING TERITORYO

Ayon sa Artikulo II Seksiyon 4 ng Saligang Batas, “Ang pagtatanggol sa


estado ay ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan at sambayanang
Pilipino at sa ikatutupad ng tungkuling ito ang lahat ng mamamayan ay
maaaring utusan ng personal na serbisyo o sibil sa ilalim ng kondisyong
itinakda”.

DALAWANG URI NG PANGANIB NA DAPAT MAIPAGTANGGOL ANG BANSA

1. Panloob na panganib – tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng krimen, rebelyon


at iba pang uri ng paghihimagsik na nangyayari sa loob ng teritoryo.
2. Panlabas na panganib – tumutukoy sa pagsakop ng ibang bansa sa ating
bansa.
Isinasaad sa Artikulo II, Seksiyon 3 ng Saligang Batas na ang
Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang tagapangalaga ng sambayanan at
estado. Binubuo ito ng iba’t-ibang sangay:

Hukbong Katihan (Philippine Army) – tagapagtanggol ng bansa sa digmaan o


anumang uri ng rebelyon o paghihimagsik na may layuning pabagsakin ang
pamahalaan.

Hukbong Dagat (Philippine Navy) – nangangalaga at nagbabantay sa ating


mga katubigan, at tinatawag ding bantay-dagat.

Hukbong Himpapawid (Philippine Air-Force) – pinangangalagaan nila ang


katahimikan sa ating papawirin.

Iba pang Ahensiya:

Ø Department of Interior and Local Government (DILG)


Ø Philippine National Police (PNP)
Ø Bureau of Fire Protection (BFP)
Ø Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)
Ø Philippine Public Safety College
Ø Department of Foreign Affairs (DFA)
Ø Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Ang pangangalaga sa teritoryo ng bansa ay mahalaga upang hindi tayo


masakop ng mga dayuhan at upang mapakinabangan natin ang lahat ng
yamang mayroon ito.
18
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanya ng isang bansa?

2. Bakit kinakailangan magkaroon ng karapatan hindi lamang ang mga


mamamayan kundi maging ang bansa?

3. Sa iyong palagay, bakit mahalagang ipagtanggol ang kalayaan at


teritoryo ng isang bansa?

ISAISIP

PANUTO: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
mahahalagang konsepto o ideya na tinalakay sa paksang-aralin.

Ø Ang _______________________ ,__________________________


,______________________________, at____________________________ ay ang
mga elementong dapat taglayin upang matawag na isang ganap na
estado ang isang bansa.

Ø Ang __________________________ ay tumutukoy sa sukdulang


kapangyarihan ng estado o bansa na mag utos at pasunurin ang mga
nasasakupan nito.

Ø __________________________________ ay tumutukoy sa kapangyarihan ng


estadong magpasunod sa lahat ng taong naninirahan sa teritoryong
nansasakupan nito.

Ø __________________________________ ay tumutukoy sa kalayaan ng


estadong itaguyod ang lahat ng gaawain at naisin ng bansa nang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.

Ø Ang isang bansa ay may karapatang tinatamasa. Ito ay ang mga


sumusunod: _______________________________,
__________________________________, _______________________________,
___________________________, ____________________________________ .
19
Ø Ang ating _____________ ay kailangang maipagtanggol sa mga panloob
at panlabas na panganib.

Ø Ang _______________________________________________ ay may tungkuling


tiyakin ang ganap nakapangyarihan ng estado at intigridad ng
pambansang teritoryo.

Ø Ang _______________________, _________________________, at


_________________________ ang mga sangay ng sandatahang lakas ng
Pilipinas na katulung nito sa pagtupad ng kaniyang layunin.

Ø Mayroon ding iba’t ibang ahensiya ang pamahalaang tumutulong


upang lalong mapangalagaan ang gating teritoryo. Ilan sa mga ito ay
ang ___________________________ at _________________________.
20
Aralin
4
Layunin sa Pagkatuto

1. Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon


sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula
1946 hanggang 1972. (AP6SHK-llleg-5)
A. Manuel A Roxas at Elpidio E. Quirino
2. Naiisa isa ang programang ipinatupad nina Manuel Roxas at Elpidio Quirino
sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula
1946 hanggang 1972. (AP6SHK-llleg-5)
Paano sinimulan ng mga Pilipino ang pagbangon muli ng bansa pagkatapos
ng digmaan?

SURIIN
Dahil sa laki ng paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa nagdaang digmaan,
naging isang mabigat na tungkulin sa bagong pamahalaan ang muling
pagbangon nito. Matatag na paninindigan at matapat na panunungkulan ang
kinailangan upang maiayos ang bansang lubhang sinalanta ng digmaan.
Kailangang matugunan ang pangangailangan ng sambayanan upang
maging normal at bumalik sa dati ang pamumuhay.
Nang itinatag ang Ikatlong Republika ay sumailalim sa demokratikong
pamamahala ang bansa sa ilalim ng anim na pangulo. Bawat isa ay may
plataporma de gobyerno at programang pangkabuhayan sa panahon ng
kanilang pamamahala. Ang kanilang mga patakaran, programa, at
pamamalakad ay nagkaroon ng malaking epekto sa bansa.

A. MANUEL A. ROXAS (Hulyo 4, 1946 – Abril 15, 1948)

Nang maging malaya ang ating bansa mula sa


pamamahala ng Estados Unidos, nahalal si Manuel A
Roxas bilang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Naging mahirap ang
gawaing kanyang pinasan dahil sa problemang idinulot
ng digmaan. Buong tatag at tiyagang niyang hinarap ang
mga suliranin upang maibangon muli ang bansa.
21
SULIRANIN
1. Bago pa naging Pangulo si Manuel A. Roxas ang partidong komunista ng
Pilipinas ay nabuo na mula sa miyembro ng samahang HukBaLaHap o Hukbo
ng Bayan Laban sa mga Hapon. Pinamunuan ito nina Luis Taruc at Jesus
Lava. Noong una, layunin nito na labanan ang mga hapones, ngunit
nagpatuloy pa rin sila sa pakikipaglaban kahit tapos na ang digmaan dahil
galit sila sa ginagawa ng pamahalaan. Naging madalas ang engkuwentro
ng military at Huk, pati ang mga nagmamay-ari ng malalaking lupa. Tumagal
ng dalawang taon ang pagpupunyagi ng pamahalaan ni Roxas na malutas
ang problema sa Huk, subalit hindi ito nagtagumpay.
2. Ang pagsasaayos sa kabuhayan ay patuloy na naging mahirap para sa
Pamahalaang Roxas dahil sa pagkasira ng mga daan, tulay, bahay, gusali,
paaralan, aklatan, museo, at iba pa, bukod pa sa kalakalan.
3. Kawalan ng katiwasayan at kaayusan – Dumami ang masasamang-loob
sa Maynila. Nanatili pa ang Huk sa mga lalawigan sa kabila ng pagtatapos
ng digmaan.
4. Mababang moral ng lipunan - Maraming maling gawi at taliwas na
pagpapahalaga at pag-uugali ang natutuhan ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Hapones.

PROGRAMA
* Pagbabawal sa kilusang HukBaLaHap upang mapanatili ang kaayusan at
katahimikan ng bansa
* Pagtatatag ng mga korporasyon upang mangalaga sa kapakanan ng mga
magsasaka gaya ng NARIC- National Rice and Corn Corporation, NACOCO-
National Coconut Corporation at ang NAFCO-National Abaca and Other
Fibers Corporation
* Pagtatag ng Rehabilitation Finance Corporation (RFC) – ang samahang ito
ay nagpapautang sa mga korporasyong nangangailangan ng puhunan at sa
mga nagnanais magsimula ng negosyo. Ito ay mas kilala ngayon na
Development Bank of the Philippines
* Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas
* Pagpapatupad ng Philipine Trade Act of 1946 (Parity Rights) na nagsasabing
ang Amerika ay malayang makipagkalakalan sa Pilipinas
* Pagsapi sa Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations)
* Pagtatayo ng mga base-militar ng mga Amerikano sa bansa
* Parity Rights- na dumaan sa plebisito noong Marso11, 1947, ito ay nagbigay
sa Estados Unidos ng karapatang gumamit at luminang sa yamang likas ng
bansa
22
B. ELPIDIO E. QUIRINO (Abril 17, 1948 – Disyembre 30, 1953)

Nang bawian ng buhay si Pangulong Roxas noong Abril


15, 1948, si Elpidio Quirino ang humalili sa kanya bilang
bagong Pangulo ng ating bansa, dalawang araw
matapos ang pagkamatay ni Manuel Roxas. Nang
matapos ang nalalabing taon ng paninilbihan sa
pinalitang si Manuel Roxas, muli itong kumandidato sa
halalang pampanguluhan noong Nobyembre 9, 1949.
Nanalo siya kasama si Fernando Lopez na naging
pangalawang pangulo.

SULIRANIN
1. Naging mabigat na suliranin para sa pamahalaan ang Huk na nakabuo ng
higit na maraming bilang ng kasapi. Tumangging makiisa sa pamahalaan
ang pangkat ng HukBaLaHap na dati’y nanlaban na sa panahon ng mga
hapon.

2. Patuloy na humihina ang ekonomiya ng bansa.

3. Mas mabilis ang paglaki ng populasyon sa kakailanganing produksyon ng


bansa.

4. Hindi sapat na sahod ng mga kawani at manggagawa

5. Mahinang produksyon ng agrikultura

6. Patuloy na pagdami ng mahihirap na kalagayan kaysa sa


magiginhawang buhay
23
PROGRAMA
* Kapayapaan at kaayusan - pagbibigay ng amnestiya sa halos lahat ng
kasapi ng HukBaLaHap.
* Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law – isinagawa ito upang
mapabuti ang kalagayan ng mga manggagagwa
* Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA) -
layuning makatulong sa lahat ng pangangailangan ng mga magsasaka.
* Labor Management Advisory Board - itinatag upang maging tagapayo ng
pamahalaan tungkol sa paggawa.
* Pagtatatag ng Bangko Sental ng Pilipinas
* Pagpapalawig sa Mutual Defence Assisstance Act - tinatag upang
palawakin ang operasyon ng military laban sa mga HukBaLaHap.
* President’s Action Committee on Social Amelioration (PACSA) – itinatag ito
upang matugunan ang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan
* Economic Development Corporation (EDCOR) - pagbigay ng tirahan sa
mga HukBaLaHap na naglalayong sumuko at magbagong buhay.
* Kasunduang Quirino-Foster - naglalayong maisaayos ang pagpapataw ng
buwis upang makalikom ng pera at hadlangan ang pagtaas ng halaga ng
bilihin.

Pamprosesong Tanong:

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Sagutin ito ayon sa iyong
napag-aralan.

1. Tukuyin ang mga suliraning kinaharap ng bawat administrasyon?

2. Paano nila binigyang solusyon ang mga hamong ito?

3. Kung ikaw ang pangulo sa panahong iyon, anong programa ang nais
mong ipatupad upang masolusyonan ang mga hamon.
24
Pagsasanay 1

Panuto: Kilalanin ang mga programang ipinatupad ng mangulong Manuel


Roxas at Elpidio Quirino. Isulat ang titik na A o B sa sagutang papel

A. Manuel A. Roxas B. Elpidio E. Quirino

____ 1. National Coconut Corporation (NACOCO)


____ 2. Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA)
____ 3. Economic Development Corporation (EDCOR)
____ 4. National Abaca and other Fibers Corporation (NAFCO)
____ 5. Rehabilitation Finance Corporation (RFC)
____ 6. Labor Management Advisory Board
____ 7. Philippine Trade Act of 1946
____ 8. Magna Carta of Labor
____ 9. National Rice and Corn Corporation (NARIC)
____ 10. Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA)

Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag na pangungusap ay


nagsasabi ng tamang impormasyon at salitang Mali kung ito ay salungat sa
impormasyong ipinapahayag.

_____ 1. Napagtibay ang Parity Rights sa administrasyon ni Pangulong Manuel A.


Roxas.
_____ 2. Sa panunungkulan ni pangulong Elpidio Quirino napagtibay ang
Minimum Wage Law.
_____ 3. Ang samahang HukBaLaHap ang katuwang ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng katahimikan sa bansa.
____ 4. Patuloy na pinalalakas nina Pangulong Roxas at Quirino ang sektor ng
agrikultura sa bansa.
____5. Nagpatuloy pa rin ang paghihirap ng mga Pilipino sa panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Elpidio E. Quirino.
____ 6. Pinakamalaking suliranin sa bansa ang kaayusan at katahimikan.
25
____ 7. Sa tulong ng iba’t ibang programa, patuloy na pinaunlad ng dalawang
administrasyon ang ekonomiya at kabuhayan ng mga mamamayan sa bansa.
_____ 8. Hindi tungkulin ng pamahalaan na bigyan ng serbisyo publiko ang
kanilang mga mamamayan.
_____ 9. Maraming Pilipino ang nabigyan ng hanapbuhay matapos ang
digmaan.
_____ 10. Ang matatag na pamahalaan, mataas na literacy rate, malusog na
pamayanan, mabuting ugnayang panlabas, at maunlad na agham at
teknolohiya ay mga sangkap na kailangan sa pambansang kaunlaran.

26
SUSI SA PAGWAWASTO

ARLIN 1

Pamprosesong Tanong

1. Dahil ang bansa ay nakaranas ng digmaan, Ang ibang mga Pilipino ay


patuloy ng pakikipaglaban kahit tapos na ang digmaan, kakulangan ng
trabaho, kawalan ng pagtitiwala ng mga tao sa pamahalaan at kawalan ng
pakikiisa sa pamahalaan.
2. Ang Parity Rights ay batas na pinatupad ni Manuel roxas na nagbibigay
pantay na karapatan sa mga Amerikano na linangin ang likas ng yaman ng
bansa.
3. Kriminalidad at Kahirapan

Gawain 2
1. Bell Trade Act 6. Colonial Mentality
2. Manuel A. Roxas 7. Hukbalahap
3. Luis Taruc 8. Ramon Magsaysay
4. Parity Rights 9. Ferdinand E. Marcos
5. Austerity Program 10. Diosdado Macapagal

Aralin 2

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang neokolonyalismo?

2. Sa papaanong paraan naitataguyod ng mas makapangyarihang bansa ang


kanilang interes at pagkontrol sa pulitika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng mas
mahinang bansa?

3. Anong kasunduan ang nagbigay ng kapangyarihan sa Estados Unidos na


humawak ng mga lupain upang gawing base militar sa Pilipinas sa kabila ng
pagbibigay ng kasarinlan sa Pilipinas?

1. Ang neokolonyalismo ay bagong anyo ng kolonyalismong, sa ganitong


sistema, patuloy na naitataguyod ng mas makapangyarihang bansa ang
kanilang interes at pagkontrol sa politika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng mas
mahinang bansa.
27
2. Naitataguyod ng mas makapangyarihang bansa ang kanilang interes at
pagkontrol sa pulitika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng mas mahinang bansa
sa pamamagitan ng:

a. panggigipit
b. pagpapautang
c. pagpapakilala ng kultura ng mas makapangyarihan o malaking bansa sa
pamamagitan ng edukasyon
d. pagbibigay tulong-militar o pagpapaigting sa segurigad ng mas mahinang
bansa

3. Ang batas ang nagtadhana ng sampung taong transisyon tungo sa


pagsasarili ng mga Pilipino sa pamamahala at tuluyang paglaya ng Pilipinas ay
ang Tydings-McDuffie Act o Philippine Independence Act of 1934.

Karagdagang Gawain:

1. Neokolonyalismo
2. Bell Trade Act
3. Tydings Rehabilitation Act
4. Base Militar
5. Treaty of General Relations

ARALIN 3

Sagot sa Pamprosesong Tanong

1. Mahalaga ang soberanya sa isang bansa upang maisakatuparan ang


pagtataguyod ng kabutihan at kapakinabangan ng mga mamamayang
kanyang nasasakupan at upang masabi ito ay ganap na
malaya.

2. Kailangan ang karapatan ng isang bansang may soberanya upang


mapanatili ang kapayapaan, katahimikan at kaunlaran ng bansa.
Makakatulong din ito upang isulong ang kagalingan ng mga mamamayan.

3. Ang pagtatanggol sa kalayaan at teritoryo ng bansa ay mahalaga sapagkat


ito ay isang paraan ng pagpapakita
ng pamahalaan ng paglilingkod at pangangalaga sa mga mamamayan.
28
ISAISIP

> Mamamayan, Teritoryo, Pamahalaan, at Soberanya


> Soberanya
> Panloob na soberanya
> Panlabas na soberanya
> Karapatan sa Kalayaan, Karapatan sa Pantay na Pribilehiyo, Karapatan sa
Saklaw na Kapangyarihan, Karapatan sa pagmamay-ari, Karapatan sa
Pakikipag-ugnayan
> Teritoryo
> Sandatahang Lakas ng Pilipinas
> Hukbong Katihan, Hukbong Dagat, at Hukbong Himpapawid
> Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, at Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Yaman

ARALIN 4

Pamprosesong Tanong:
Ang kasagutan ay batay sa pagpili ng bata at sa paliwanag nito.

Pagsasanay 1

Panuto: Kilalanin ang mga programang ipinatupad ng mangulong Manuel


Roxas at Elpidio

Quirino. Isulat ang titik na A o B sa sagutang papel

A. Manuel A. Roxas B. Elpidio E. Quirino

__A__ 1. National Coconut Corporation (NACOCO)


__B__ 2. Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA)
__B__ 3. Economic Development Corporation (EDCOR)
__A__ 4. National Abaca and other Fibers Corporation (NAFCO)
__A__ 5. Rehabilitation Finance Corporation (RFC)
__B__ 6. Labor Management Advisory Board
__A__ 7. Philippine Trade Act of 1946
__B__ 8. Magna Carta of Labor
29
__A__ 9. National Rice and Corn Corporation (NARIC)
__B__ 10. Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA)

Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag na pangungusap ay


nagsasabi ng tamang impormasyon at salitang Mali kung ito ay salungat sa
impormasyong ipinapahayag.
TAMA 1. Napagtibay ang Parity Rights sa administrasyon ni Pangulong Manuel
A. Roxas.
TAMA 2. Sa panunungkulan ni pangulong Elpidio Quirino napagtibay ang
Minimum Wage Law.
MALI 3. Ang samahang HukBaLaHap ang katuwang ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng katahimikan sa bansa.
TAMA 4. Patuloy na pinalalakas nina Pangulong Roxas at Quirino ang sektor ng
agrikultura sa bansa.
TAMA 5. Nagpatuloy pa rin ang paghihirap ng mga Pilipino sa panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Elpidio E. Quirino.
TAMA 6. Pinakamalaking suliranin sa bansa ang kaayusan at katahimikan.
TAMA 7. Sa tulong ng iba’t ibang programa, patuloy na pinaunlad ng
dalawang administrasyon ang ekonomiya at kabuhayan ng mga mamamayan
sa bansa.
MALI 8. Hindi tungkulin ng pamahalaan na bigyan ng serbisyo publiko ang
kanilang mga mamamayan.
MALI 9. Maraming Pilipino ang nabigyan ng hanapbuhay matapos ang
digmaan.
TAMA 10. Ang matatag na pamahalaan, mataas na literacy rate, malusog na
pamayanan, mabuting ugnayang panlabas, at maunlad na agham at
teknolohiya ay mga sangkap na kailangan sa pambansang kaunlaran.
30
MGA SANGGUNIAN:

http://malacanang.gov.ph/elpidio-quirino-2/

http://malacanang.gov.ph/?s=ramon+magsaysay

http://malacanang.gov.ph/?s=carlos+p.+garcia

http://malacanang.gov.ph/?s=diosdado

http://malacanang.gov.ph/?s=ferdinand

Isang Bansa Isang Lahi pahina 171- 175

https://tinyurl.com/y2hypwx3
https://tinyurl.com/y2hypwx3

Baisa, Julian G.; Lontoc. Nestor S. Aralin 12 Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
Edited by Alma M. Dayag
PHOENIX PUBLISHING HOUSE,2017

Agno, Lydia N.Ed.D.; Tadena, Rosita D. Ph.D.; Balonso, Celinia E.Ph.D.; dela Cruz,
Marvie M. Aralin 17 Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan
VIBAL GROUP INC. 2016
31

You might also like