Module 2 FIL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 68

Kaligirang Pangkasaysayan ng PagsasalingWika

ANG PAGSASALINGWIKA ay kasintanda na rin halos ng panitikan. Sa Europa, ang kinikilalang unang
tagasalingwika ay isang aliping Griyego na nagngangalang Andronicus. Isinalin niya nang patula sa Latin noong
240 B.C. ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang Griyego. Sinasabing maaaring hindi si Andronicus ang
kaunaunahang tagasalingwika, subalit ang kanyang salin ng Odyssey ang kinawilihang basahin ng marami
kaya’t siyang nabuhay nang matagal. Ang totoo’y may mga pahina na diumano ng nasabing aklat ang
matatagpuan magpahanggang ngayon sa ilang museo sa Europa.

Ang unang pagsasaling ito ay sinundan pa ng ibang pagsasalin. Sina Naevius at Ennius ay gumawa ng mga
pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego, tulad ng mga sinulat ni Euripides. Si Cicero, bukod sa pagiging
dakilang manunulat, ay is ring kilalang tagasalingwika; gayondin si Catulus.

Sa pagdaraan ng maraming taon ay dumami ng dumami ang mga tagasalingwika. Natural lamang ang mga
ganito sapagkat parami na rin nang parami ang mga manunulat at paunlad na nang paunlad ang paguugnayan
ng mga bansa. Natural lamang na ang mga piyesa ng literatura, lalo na ng higit na nakauunlad na mga bansa, ay
isalin sa sariling wika ng mga naiimpluwensyahang bansa. Ang totoo, nakatulong nang malaki sa pagunlad ng
mga bansa sa Europa ang mga pagsasaling isinagawa sa iba’t ibang sangay ng panitikan. Ang mabilis na pag
angat ng Arabya, halimbawa, noong ikalawa at ikasiyam na siglo mula sa kamangmangan ay dulot ng mga
pagsasalingwika na isinagawa mula sa wikang Gyiyego na noon ay siyang prinsipal na daluyan ng iba’t ibang
karunungan sapagkat ang bansang Gresya noon ang kinikilalang sentro ng sibilisasyon.

Sa kabilang dako, may isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang laging nababanggit kapag napagusapan
ang pagsasalingwika. Ang mga iskolar na ito ay sinasabing nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila sa
Arabiko ang mga sinulat nina, Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami pang ibang kilalang pantas at
manunulat. Kaya nga’t sa dakong huli ay nakilala ang lunsod ng Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling
wika, na naging bukal ng kumalat na karunungan sa Arabya.

Dumating ang panahong nawalan ng sigla ang tagapagsaling mga iskolar sapagkat napabaling naman ang
kanilang kawilihan sa iba namang mga bagay na pangintelektuwal, tulad ng pagsusulat ng mga artikulong
pampilosopiya. Kaya’t pagkaraan ng mga tatlong siglo, ang Baghdad ay napalitan ng Toledo bilang sentro ng
karunungan sa larangan ng pagsasalingwika. Maramirami ring salapi at panahon ang ginugol ng mga iskolar sa
Toledo upang isalin naman sa Latin ang mga nasusulat sa wikang Arabiko.

Anupa’t sa Toledo ay naganyak ang maraming iskolar upang maging tagasalingwika sa mga aklatan.
Isangdaang taon din, humigitkumulamg, na nagpatuloy ang gayon. Sa mga tagapagsalin na nahikayat na
magtungo sa Toledo, dalawa ang higit na napatanyag sina Adelard at Retines. Si Adelard ang siyang nagsalin sa
Latin ng Principles ni Euclid na noon ay naisalin na sa Arabiko; si Retines naman ang nagsalin sa Latin ng Koran
noong 1141.

Dahil sa palawak ng palawak na paguugnayan ng mga bansa, noong 1200 A.D. ay nakaabot na sa Toledo
ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa wikang Griyego. Dahil dito ay nagkaroon ng
pagkakataon ang mga tagasalingwika na magsagawa ng tuwirang pagsasalin sa Latin mula sa Griyego. Sa ngayon
ay nabawasbawasan ang mga pagkakamali na karaniwang nagaganap kung ang pagsasalin ay di tuwiran.

1
Sa mga panahong ito lumabas ang naging dakilang salin ang Liber Gestorum et Josapha. Ang orihinal na
teksto nito’y nasusulat sa Griyego. Nagkaroon ng ibat’t ibang salin sa iba’t ibang wika sa Europa ang Barlaan at
Josaphat, kaya’t napilitang kilalanin ng Simbahang Latino bilang mga santo at santa sina Barlaan at Josaphat,
dalawang tauhang uliran sa paguugali at sa pagiging makaDiyos, kahit ang mga ito ay likhangisip lamang. Ang
pangyayaring ito’y itinuturing na siya na marahil pinakadikaraniwang natamo ng alin mang pagsasalingwika.

Nang mga dakong ikalabindalawang siglo ay umabot sa pinakataluktok ang pagsasalingwika. Naniniwala
ang mga palaaral na ang pagsasalingwika ng mga panahong iyon ay maaaring napantayan na sa kasalukuyang
panahon ngunit hindi pa nahihigitan. Noon sinasabing nagsimula ang pagsasalin sa Bibliya. Ang salin ni Wycliffe
ay sinundan ng salin nina Tyndale at Coverdale. Subalit ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang kay Martin
Luther (14831646) sa Wikang Aleman. Sa katotohanan ay dito nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig
na panitikan ang bansang Alemanya. Sa mga panahong iyon luminaw ang mga salin ni Jacques Amyot, isang
obispo sa Auxerre na siyang kinikilala sa Europa bilang ‘Prinsipe ng PagsasalingWika’. Ang pinakamahalagang
utang ng pandaigdig na panitikan kay Amyot ay ang pagkakasalin nito noong 1559 ng Lives of famous Greeks
and Romans ni Plutarch. Ang saling ito sa wikang Aleman ang siya namang pinagkunan ng salin sa Ingles ay
nagkaroon pa ng mga pagsasalin sa iba’t ibang wika sa daigdig.

Sa Inglatera ay nakilala naman noong 14671553 ang isang tagapagsaling si John Bourchier. Karamihan sa
kanyang mga salin ay mula sa wikang Kastila na sa ngayon qy hindi na kinawiwilihang basahin. Subalit si
Bourchier ay nakatala sa kasaysayan bilang tagapaglin ng Chonicles ni Froissart, isang awtor na ang paksa at
estilo ay kanyang labis na kinagiliwan.

Ang panahon ng unang Elizabeth ay siya ring maituturing na unang panahon ng pagsasalingwika ng
Inglatera, bagama’t ang panahon ng pangalawang Elizabeth ang kinikilalang pinakataluktok. Gaya ng nasasaad
sa kasaysayan, ang pambansang diwang nangibabaw ng panahon yaon ay pakikipagsapalaran at pananakop.
Ang mga tagapagsalin ay mapapansing may gayon ding layunin ang pagtuklas sa anumang nababago sa
panitikan.

Si Sir Thomas North ang kinikilalang pinakadakila sa mga tagapagsalin sa Inglatera nang panahong iyon.Ang
salin ni George Chapman sa mga isinulat ni Homer ay nalathala sa pagitan ng 1598 at 1616, kaya’t ito ay
maibibilang din sa panahong iyon. Noong 1603 ay lumabas ang salin ni John Florio sa Essays ni Montaigne, isang
babasahing itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North. Noong 1612 ay isinalin naman ni Thomas Shelton
ang Don Quixote.

Ang ikalabim pitong siglo ay maituturing na tulad din halos ng dalawang nakaraang siglo na ang
kinawiwilihan ay ang pagaaral at pagsasalin ng mga literatura sa ibang bansa. Ang salin ni Hobbes sa Thucydides
at Homer ay hindi gaanong nagustuhan ng mambabasa, gayundin ang salin ni John Dryden sa Jevenal at Virgil.
Gayunpaman, si Dryden ay ibinibilang na isa sa mahuhusay tagapagsalin noong kanyang panahon sa dahilang
pinaguukulan niya ng maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin. Siya ang kaunaunahang kimilala na ang
pagsasalingwika ay isang sining, kaya’t dapat umalinsunod ang sinumang tagapagsalin sa mga prinsipyo at
simulaing nauukol sa sining na ito.

Ang pagsasalingwika ay masasabing kasinsigla pa rin ng mga nakaraang siglo nang sumapit ang ikalabing
walong siglo. Mababanggit ditoang salin nina Alexander Pope at William Cowper sa Ingles ng Homer sa paraang
patula. Ang salin ni Pope sa Iliad ay lumabas sa pagitan ng 1715 at 1720; ang kanyang Odyssey ay noong 1725
at ang Odyssey naman ni Cowper ay noong 1791. Sa mga panahon ding iyon lumabas ang salin ni A.W. von
Schlegel sa Aleman ng mga gawa si Shakespeare.
2
Noong 1792 ay nalathala ang isang namumukod na aklat ni Alexander Tytler na may pamagat na Essay on
the Principles of Translation. Doon ay naglalahad si Tytler ng tatlong panuntunan sa pagkilatis sa isang salin na
gaya ng mga sumusunod:

1. Ang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa.

2. Ang estilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng orihinal.

3. Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng ‘luwag at dulas ng pananalitang tulad ng sa orihinal upang
hangga’t maaari ay magparang orihinal.

Sa mga tagapagsalin ng ikalabinsiyam na siglo ay nakasama ang maraming dakilang pangalan. Unang dapat
banggitin dito ay si Thomas Carlyle na noong 1824 ay nagsalin ng Wilheim Meister ni Goethex. Ang Wilheim
Meister ni Goethex ay makasaysayan sapagkat ito ang napapatunay sa mga mambabasang Ingles na mayroon
din namang mga henyong manunulat sa Alemanya. Dahil din kay Carlyle, dahil sa kanyang mga salin at mga
sinulat, ay nagsimulang pagtuunangpansin ng mga palaaral ang panitikan ng Alemanya.

Marami pang isinasagawang mga pagsasalin ng panahong ito. Ngunit ang saling nangibabaw sa lahat at
maaaring naging dakilang salin, kundi man pinadakila, ay ang Rubaiyat of Omar Khayam ng mga Persyano noong
1859. Dito nagsimulang mauso ang isang uri ng saknong sa tula na may apat na pentametro na ang ikatlong linya
ay hindi nakatugma. Hindi tinangka ni Fritz Gerald na isalin nang literal ang Omar Khayam sa halip ay sinikap
niyang mapanatili ang likas na kagandahang pangestetiko nito na siyang kinagiliwan nang labis ng mga
mambabasa.

Kaalinsabay halos ng panahong ito, noong 1861, ay nagpugay sa mga mambabasa ang On Translating Homer
ni Matthew Arnord, isang sanaysay na tumatalakay sa isang simulain na ang isang salin ay kailangang magtaglay
ng bisang katulad ng sa orihinal. Alalaong baga, ang pagsasaling salitasasalita o ang labisna katapatan sa pagsasalin
ay hindi kasinghalaga ng pagpapanatili ng bisang pangestetiko sa orihinal. Mababanggit dito na ang mga prinsipyo
at simulain ni Arnold ay kataliwas ng kay F.W Newman na isa sa mga nagsalin ng Homer. Ayon
kay Newman, ang salin ay kailangang matapat sa orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kanyang
binabasa ay isang salin at hindi orihinal, kaya nga’t mapapansin na ang Essay ni Arnold at Reply ni Newman ay
tulad ng dalawang tagapagsaling nagtatalo, na para bang bawat isa’y nagpipilit turuan ang isa kung paano
susulat ng isang tula gayong kapwa naman sila kinikilalang dalubhasa.

Sa pagsapit ng ikadalawampung siglo ay masasabing isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasaling
wika. Ang lahat halos ay nagtatangkang magsalin kaya naman ang uri ng mga nagsisunod na salin ay waring
mababa sa uring nararapat at hinihingi ng makabagong panahon. Karamihan sa mga sagsasalin ay wari bang
sahol sa inspirasyon, at ang pangunahing layunin na lamang ay dami at hindi uri. Kaya nga’t noong 1919 ay
nagpalathala sina Ritchie at Moore ng isang artikulo na nagsasabing ang tunay na panitikan ng Pransya ay hindi
lubusang maaabot sa pamamagitan lamang ng mga salin. Kung sabagay, sa kabuuan, ay maituturing na nakabuti
ang ganitong layunin sapagkat kundi dahil sa pagsasalingwika ay maraming manunulat ang hindi makikilala at
dadakilain. Halimbawa ay si Tolstoy ng Rusya na kundi dahil sa mga salin ng kanyang mga sinulat ay hindi
makikilala marahil at dadakilain ng buong daigdig. At dahil din sa mga salin, ang mga drama nina Chekov,
Strindberg at Ibsen ay nakapasok at lumikha ng sariling langitlangitan sa makabagong dulaan.

3
Sa kasalukuyan, ang lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa kanikanilang wika
ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa layuning maihatid sa nakakaraming bahagi ng
mambabasa ang makabagong pananaw sa panitikan. Nagkakaroon din ng mga pagsasalin upang makaabot sa
higit na nakararaming mamamayan ang mga bagong kaalaman at karunungan buhat sa ibang bansa na
karaniwan ay higit na mauunlad. Isa na sa mga bansang ito ang Pilipinas. Ang yaman ng pandaigdig na panitikan
ay nasusulat sa higit na maunlad na wika ng higit na maunlad na mga bansa. Mapapatunayan ito sa mga
literatura ng iba’t ibang disiplina ng karunungan na ginagamit ng mga Pilipino sa pagdukal ng karunungan.

Maramirami na ring pagtatangka sa pagsasalin ang naisagawa ng mga Pilipino, lalo na sa mga akdang
klasika. Subalit, katulad ng kasaysayan ng ibang bansang nagsisimula pa lamang sa larangang ito ng pagsasaling
wika, karamihan sa nasabing mga salin ay nangangailangan pa ng mga pamaraang makaagham na hango sa
karanasan at kasanayan ng mga nauna sa larangang ito.

Interaktibong Gawain

A. Pagtapattapatin ang pahayag mula sa wikang Ingles sa salin nito sa Filipino. Isulat ang titik sa patlang.

1. How are you? a. Mapagbigay ka.

2. What can I do for you? b. Hanggang sa muling pagkikita.

3. Good day! c. Magandang hangarin.

4. You are gorgeous. d. Kamusta ka na?

5. Thank you very much. e. Walang kuwentang tao.

6. Till we meet again. f. Ikinalulugod kung makita ka.

7. You’re welcome! g. Paalam.

8. You are generous. h. Mahal kita.

9. I am placed to see you. i. Magandang araw!

10. I’ll be going to now. j. Madugong labanan.

11. I love you. k. Napakarikit mo.

12. Gory battle. l. Maganda ka.

13. Kindly intent. m. Walang anoman.

14. Farewell. n. Aalis na ako.

15. Goodfornothing. o. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?

p. Iniibig ka.

4
Mga Simulain sa PagsasalingWika

1. Ang isang salin ay dapat magtaglay ng katumbas na mga salita o orihinal.(literal)

Ang isang salin ay dapat magtaglay ng katumbas na diwa ng orihinal.(Idyomatiko)

2. Ang isang salin ay dapat maging himig orihinal kapag binasa.

Ang isang salin ay dapat makilalang salin kapag binasa.

3. Dapat manatili sa isang salin ang estilo ng orihinal na awtor.

Dapat luminaw sa isang salin ang estilo ng tagapagsalin.

4. Ang isang salin ay dapat maging himig kapanahon ng orihinal na awtor.

Ang isang salin ay dapat maging himig kapanahon ng tagapagsalin.

5. Ang isang salin ay maaaring may bawas, dagdag, o pagbabago sa diwa.

Ang isang salin ay hindi dapat bawasan, dagdagan, o baguhin sa diwa.

6. Ang pagsasalin ng isang tula ay dapat maging patula rin.

Ang pagsasalin ng isang tula ay dapat maging pasalaysay o tuluyan.

Ilang Bagay na Dapat Tandaan Hinggil sa Wika Kapag Nagsasalingwika

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.

2. Bawat wika ay may kanikaniyang natatanging kakanyahan.

3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang maunawaan at tanggapin ng
pinaguukulang pangkat na gagamit nito.

4. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayan.

5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, masasabing unibersal na ang gamit ay hindi
na kailangang baguhin baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.

6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang maaaring ipanumbas sa isang katawagang isinasalin, na
ang lahat naman ay pawang tatanggapin ng gagamit sa salin, gamitin ang alinman sa tinatanggap na
katumbas at pagkatapos ay ilagay sa talababa ang iba bilang mga kahulugan.

7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita.

8. Kung walang maitumbas na salita sa isang salitang isinalin, o kaya’y walang eksaktong katumbas na

maibigay, maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod: a) hiramin ang salitang isinasalin at baybayin
ito nang ayon sa ating palabaybayan, b) alamin ang mga sinonimo o kakahulugan ng salita at baka
sakaling mas madaling tumabasan ang isa sa mga iyo, c) alamin ang katumbas na salita sa kastila at baka
higit na madali itong hiramin,d) alamin kung may katumas ang salita sa alinman sa mga prinsipal na
wikang katutubo at siyang hiramin, e) lumikha.

9. Kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng ibang maaaring ipalit
dito.

10. Hanggat magagawa ay iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa ibang wika
sa Pilipinas ngunit hindi kakahulugan (homonimo).

5
11. Kung may kahirapang isalin ang pamagat, isalin ito pagkatapos maisalin ang uong teksto ng
materyales na isinasalin.

12. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y maging bahagi ng
pangungusap.

13. May mga pagkakataon na ang isang kaisipan na ipinahahayag nang tahasan sa Ingles ay kailangang
gamitan ng eupemismong salita sa Filipino upang hindi maging pangit sa pandinig.

14. Ang kawalan ng lubos na tiwala sa likas na kakayahan ng wikang pinagsasalinan ay nauuwi sa
panggagaya o panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati mga idyoma, katutubong paraan ng
pagpapahayag, balangkas ng pangungusap, sa wikang isinasalin.

15. Sapagkat hindi pa estandardisado ang wikang Filipino, sikaping ang mga salitang gagamitin sa salin
ay yaong mga salitang mauunawaan at tatanggapin ng higit na nakakarami.

16. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang wikang kasalukuyang sinasalita ng bayan kaysa wikang
nakasulat.

17. Sa pagpili ng mga salita, isiping lagi kung alin ang sa palagay ng tagapagsalin ay higit na gamitin.

18. Isaalangalang ang kaisahan sa porma ng mga salitang hinihiram sa ibang wika.

19. Bawat wika ay may kanikaniyang natatanging kakanyahan.

20. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi kailangang ilipat sa pinagsasalinang wika.

Kahulugan at Pagpapakahulugan ng Pagsasalin

1. Paglalahad ng orihinal na ideya sa katumbas na wika.

2. Isang pagtatangkang mabigyang pakahulugan ang diwa ng orihinal na akda sa ibang wika.

3. Paglilipat wika ng konsepto at paraan ng pagpapahayag mula sa orihinal na wika.

4. Sining ng matapat na pagbibigay kahulugan at pakahulugan ng isinasaad sa ibang wika mula sa


orihinal na wikas.

5. Pglilipat ng tekstuwal na materyal mula sa orihinal na wika.

6. Paglalapat ng katumbas na kahulugan ng isang akda o sulatin mula sa orihinal na kultura


patungong ibang kultura.

7. Pagtutumbas ng diwa sa diwa ng orihinal na wika patungong paglilipatang wika.

8. Paglalahad ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal na kahulugan ng mensahe mula


sa orihinal na wika patungong paglilipatang wika.

9. Sistematikong paraan ng paglilipatdiwa mula sa isang wika patungong ibang wika.

10. Pagpapahayag ng orihinal na diwa ng isang sulatin sa ibang wika.

11. Paglilipat ng diwa ng isang orihinal na sulatin sa ibang wika gamit ang parehong paraan at estilo
ng pagsulat nito.

12. Paglilipat ng diwa, estilo at paraan ng pagpapahayag mula orihinal na wika patungong ibang
wika.

13. Paglilipat wika ng mga elementong lingguwistika at panitikan ng anomang sulatin o akda na
saklaw ng karunungan ng tao.

14. Pagbabagong wika ng isang ideya o konsepto mula sa orihinal na wika nito.

6
15. Pagtutumbas ng estilo at paraan ng pagpapahayag ng mensahe ng orihinal na piyesa patungong
ibang wika.

Ang Diksyunaryo ng Wikang Filipino Sentinyal Edisyon, 1998 ng Komisyonn ng Wikang Filipino ay
nagbigay ng apat (4) na kakuhugan para sa salitang pagsasalin. Sa apat na ito, ang panghuli ang nais
tukuyin at talakayin ng manwal na ito. Ganito ang kahulugan sa nabanggit na diksyunaryo:

pagsasalin [salin] png. 1. Paglilipat sa ibang lalagyan 2. Muling pagsulat o pagmakinilya o anoman sa
ibang papel; pagkopya, pagsipi. <pagsasalin ng tula sa malinis na papel> 3. Pagkuha ng dugo sa isang
tao o hayop at paglilipat o paglalagay nito sa iba upang mapalitan ng nawalang dugo. 4. Pagsulat o
pagsasabi ng anoman sa ibang wika. < ang pagsasalin ay nangangailangan ng mabuting kaalaman ng mga
wika .>

Sa isang artikulo ni Dizon (1998) na pinamagatang Ideolohiya at Pagsasalin, kanyang sinabi na “Ang
gawaing pagsasalin ay kinasasangkutan ng paglilipat ng isang tekstong nakasulat sa isang wika patungo sa
iba at partikular na wika.” Dito ay ipinapaliwanag niya ang paglalagom ni Roman Jacobson ng gawaing
pagsasalin sa tatlong larangan: pagsasaling interlingual, o paglilipat ng mga tanda ng isang wika patungo
sa mga parehong tanda ng parehong wika; pagsasaling intralingual, kapag ininterpreta ang mga tanda ng
batayang wika batay sa ng wikang ipinagsasalin; pagsasaling intersemiotic o yung paglilipat mula sa
wikang pasalita tungo sa sistema ng di pasalita ng mga tanda, halimbawa , ang paglilipat ng tekstong
nakasulat sa musika o sa sining biswal.

Sa isang artikulo na sinulat naman ni Silapin, na pinamagatang “Mga Pagsasalin Mula sa wikang Iloko
tungo sa Wikang Pambansa”, hinango niya ang katuturan ng pagsasalin mula kay Newmark (1988), na
nagsabing “ang pagsasalin ay ang paglilipat ng kahulugan ng teksto sa ibang wika sa paraang ayon sa
intensyon ng awtor ng teksto.” Binanggit din sa artikulo ang tinuran nina Nida at Taber (1982) na
“reproduksyon ito sa tagatanggap (target) na wika ng pinakamalapit na natural at katumbas ng orihinal
na wika, una, ayon sa kahulugan, at pangalawa, ayon sa estilo.”

Marami pang makikitang kahulugan ng pagsasalin na ibinibigay ng mga awtor at dalubhasa sa


larangang ito gaya nina C. Rabin, J.C Catford, M. Larson, T. Savory, atbp. Mula sa mga ibinigay nilang
kahulugan mapapansin ang mga sumusunod na parirala:

- Intended and presumed to convey the same meaning


- Equivalent
Ang mga pariralang textual
ito ay material
tumutukoy sa salin. Maliwanag na sinasabing ang salin ay dapat naghahatid ng
- A text which communicates the same
parehong kahulugan, katumbas na teksto, parehong messegeat katumbas na diwa ,ng materyal na isinasalin.
mensahe
Equivalence of thought

Mula sa mga kahulugan na binanggit sa unahan, mapapansin natin na sa pagsasalin ay mayroong


nasasangkot na dalawang wika ang wikang isinalin at wikang pinagsasalinan, mayroong nagaganap na paglilipat
at ang inililipat ay ang kahulugan ng isinasalin.

Antas ng Pagsasalingwika

7
1. Karaniwang salin

Gumagamit ng karaniwang mga pangungusap na madaling maunawaan ng karaniwang


mambabasa.

2. Pampanitikan

Mataas na uri ng pagsasalingwika na nagpapahalaga sa timbang na bigat impormasyon at estilo ng


pagkakasulat.

3. Idyomatiko

Nagpapahalaga sa pragmatiks at simbolong kultural sa pagpili ng mga itinutumbas na salita.

4. Teknikal at Pangagham

Nakapokus sa ugnayan ng impormasyong pangagham at epekto nito sa institusyong panlipunan.

5. Malikhaing Pagsasalin

Pagpapahalaga sa bagong kaisipan, estilo o paraan ng paglikha ng sining.

6. Mapanuring pagsasalin

Nakatutok sa pagpapakahulugan kaysa pagtutumbas lamang ng mga salin.

8
GAWAIN 5

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Iskedyul:

A. Ibigay konsepto ng bawat antas ng pagsasalingwika at maglahad ng mga tigdalawang halimbawa.

1. Karaniwang salin

Hal:

a.

b.

2. Pampanitikan

Hal:

a.

b.

3. Idyomatiko

Hal:

a.

_
9
b.

4. Teknikal at Pangagham

Hal:

a.

b.

5. Malikhaing Pagsasalin

Hal:

a.

b.

6. Mapanuring Pagsasalin

Hal:

a.

b.

10
B. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman kung
salungat o hindi wasto ang ipinapahayag nito.

1. Kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, huwag humanap ng


ibang maaaring ipalit dito.

2. Hangga’t magagawa ay iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa


ibang wika sa Pilipinas ngunit hindi homonimo.

3. Kung walang kahirapang isalin ang pamagat, isalin ito pagkatapos maisalin ang buong
teksto ng materyales na isinasalin.

4. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y maging parte ng
pangungusap.

5. May mga pagkakataon na ang isang kaisipan na ipinahahayag nang tahasan sa Ingles ay
kailangang gamitin ng eupemistikong salita sa Pilipino upang maging pangit sa pandinig.

6. Ang pagkakaroonng lubos na tiwala sa likas na kakayahan ng wikang pinagsasalinan ay


nauuwi sa panggagaya o panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati mga idyoma, katutubong paraan ng
pagpapahayag, balangkas ng pangungusap, sa wikang isinasalin.

7. Sapagkat istandardisado na ang wikang Pilipino, sikaping ang mga salitang gagamitin sa
salin ay yaong mga salitang mauunawaan at tatanggapin ng higit na nakararami.

8. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang wikang kasalukuyang sinasalita ng bayan kaysa


wikang nakasulat.

9. Sa pagpili ng mga salita, isiping lagi kung alin ang sa palagay ng tagapagsalin ay higit na
gamitin.

10. Isaalangalang ang kaisahan sa porma ng mga salitang hinihiram sa ibang wika.

11. Bawat wika ay may kanikaniyang natatanging kakanyahan.

12. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay kailangang ilipat sa pinagsasalinang


wika.

13. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.

14. pagpapalit ng tekstuwal na materyal mula sa orihinal na wika ang pagsasalingwika.

15. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang maunawaan at
tanggapin ng pinaguukulang pangkat na gagamit nito.

11
Kahalagahan ng Pagsasalin

Ano ang kahalagahan ng pagsasalin? Bakit kailangang magsalin? Kung pagbabalikan natin ang kasaysayan,
makikita natin ang mahalagang bahaging ginagampanan ng pagsasalin kahit noon pa mang unang panahon gaya
ng sinabi ni Ramos sa kanyang artikulong Pagsasalin Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pambansa (1998). Ayon
kay Ramos bago pa man dumating ang mga tag kanluran, sigurado nang umiiral sa kapuluan impormal na
pagsasalin sa oral na komunikasyon. Mahalaga ito sa interbarangay at/o interetnikong komunikasyon upang
ayusin ang mga gusot sa pagitan ng mga magkakaaway na tribo at barangay. Mahalaga rin siguro ito sa kanilang
kabuhayan tulad ng barter system o pagpapalitan ng mga kalakal hindi lamang sa pagitan ng mga katutubo kundi
sa mga taga ibang bayan sa silangan, tulad ng mga Tsino na napadpad sa kalupaan ng Pilipinas

Nang dumating naman ang mga kastila, kinakailangan ang pagsasalin para sa dalawang layunin (1) ang
pananakop at (2) ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Sa aklat ni Venuti (1998 ay kanyang sinabi sa
pamamagitan ng pagsasalin ay sabay na nagaganap ang pagbibinyag at pananakop. Ang kanyang paliwanag na
batay kay Rafael (1998) ay ganito ang isinaad: ang mananampalataya na tumatanggap sa Diyos ng Kristiyano ay
nagpapasakop din sa Haring Kastila na banal na itinalaga, lalo na sapagkat iniuugnay ng mga misyonero ang
pampolitikang pagpapasakop dito sa lupa sa kaligtasan ng kabilang buhay.

Ayon pa rin kay Ramos, “Bilang bahagi ng layuning mapalaganap sa bansa ang Kristiyanismo, isinalin ng mga
misyonaryong Kastila sa Tagalog (at iba pang wika sa bansa) ang mga aklatdasalan, katekismo, awit
pansimbahan, sermon, pagsasanay sa mga gawaing pangkabanala.” Sa pamamagitan ng pagsasalin ay naitanim
ng mga mananakop na kastila sa isip at damdamin ng kanilang sinasakop ang kanilang mga ideolohiya,
paniniwala at pananampalataya. Ayon kay Santiago (1994):, “Batay sa kanailang karanasan (mga Kastila) sa
Timog at Hilagang Amerika, higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
pamamagitan ng paggamit ng mga wika ng mga katutubo.” Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila ayon
na rin sa huli ang maituturing na unang yugto ng kasiglahan sa pagsasalingwika sa Pilipinas.

Mula sa mga nabanggit, makikita ang kahalagahan ng pagsasalin, sa ugnayang pangkomersyo sa dalawa o
mahigit pang bansa, sa pagpapairal ng kapangyarihan at kamulatang panrelihiyon.

Bukod pa sa mga kahalagahang ito, may malaking bahaging ginagampanan ang pagsasalin sa paglilipat at
palitan ng kultura’t kaalaman sa buong mundo. Sabi ni Almario sa kanyang artikulong Pagsulyap sa Kasaysayan
ng Pagsasalin, “Kung ang makaimbento ng papel ay nagpakahalaga sa lansakan at matagalang pagiimbak ng
matatayog na karunungan at dakilang panitikan, ang pagsasalin naman ang naging mabisang kasangkapan sa
pagkakalat at pagtanggap ng mga naturang paman ng sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.”

Isang halimbawa na ng dakilang panitikang naipamana dahil sa pagsasalin ang epikong Odyssey ni Homer
na sinasabing pinakamatandang nakaulat na salin. Ang mga karunungang isinulat nina Aristotle, Plato, Galen,
Hippocrates at iba pang mga dakilang Griyego ay naipamana rin sa daigdig dahil sa pagsasalin. Mula pa rin sa
artikulong huling binanggit ay sinasabi ni Almario na “Kasangkapan ang pagsasalin upang ganap na makinabang
ang isang bansa o pook sa mga impluwensiyang mula sa isang sentro o sulong na kultura.” Ibinigay niyang
halimbawa dito ang pagsagap at pakikinabang ng mga kulturang Latin at Arabe sa kulturang Griyego sa
pamamagitan ng salin.

Ang ating sariling kulturang Pilipino ay sumagap at nakinabang din sa mga kultura ng mga kolonisador nito
sa pamamagitan ng mga salin. Ayon kay Ramos, “Sa mga kolonisador nito, ang mga Kastila ang may
12
pinakamalaking impluwensiya sa bansa lalo na sa basehan ng unang wikang pambansa natin, ang Tagalog.”
Nalaman natin ang mga batayang aralin sa kristiyanismo sa pamamagitan ng Doctrina Christiana en lengua
Espanola at mula sa iba pang mga salin tungkol sa simbahan o eklesyastik. Nagkaroon tayo ng kaalaman sa
pulitika dahil sa mga salin na pampolitika at nilalaman at layunin. Kabilang dito ang Huling Pahimakas na salin ni
Andres Bonifacio ng Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal.

Kung noong panahon ng pananakop ng mga kastila ay krus o relihiyon ang naging isa sa pangunahing
kasangkapan ng pananakop nila, ayon kay Santiago (1994)”noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o
edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles.” Ipinaliwanag pa niya sa panahong ito nagsimulang makapasok sa
Pilipinas nang lansakan ang iba’t ibang uri ng genre ng panitikan at naging masigla ang pagsasalin sa wikang
pambansa lalo na ng mga akdang klasika. Ang pakikipagugnayan entelektuwal ng mga Pilipino sa ibang bansa
ay naging liberal ang iba’t ibang anyo at uri ng karunungan mula sa kanluran.”

Mahalaga din ang pagsasalin upang madaling mauawaan, matutunan at sa gayon ay mapakinabangan ng
masang Pilipino ang mga bagong teknolohiya mula sa mga dayuhan. Ito ay mapapatunayan ng karanasan ni Teo
Antonio, isang manunulat at tagasalin sa Technology at Livelihood Resource Center, na kanyang inilahad sa
artikulong Pagsasalin ng Kaalaman Panteknolohiya (1995). saartikulong na dumagsa sa pagbili ng mga
babasahing gabay sa kaalamang panteknolohiya na sila ay natuto, nakinabang at nagamit sa kanilang pagunlad
ang mga babasahing naisalin.”

Hindi rin dapat kaligtaan ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagsulong o pagyabong ng wikang pambansa o
sa intelektuwalisasyon nito. Mula sa artikulo ni Furtunato na pinamagatang Pagsasalin: Instrumento sa
Intelektwalisasyon ng Filipino (1991) ay kanyang sinabi:

Napakahalaga ng pagsasalingwika upang mailapat ang mga ‘naimbak na karunungang nasa mga aklat na
nasusulat
Mula pasarinIngles at iba pang
sa artikulog intelektwalisadong
ito, inilahad na mayroongwika. Tumutulong
itinuturing din ang pagsasalin
na mahahalagang na magkaroon
larangan ng ng
na ginagamitan
mga bagong
diskursong impormasyon
intelektuwal kultural ang
at eleganteat mga iskolar na babasa
nangangailangan ng salin.
ng mataas Ang pagintrodyus
na kasanayang ng mga
pangwika lalo bagong
na sa pagbasa
konseptong produkto ng pagsasalin ay nakatutulong sa intelektwalisasyon. Yumayaman ang kultura ng
at pagsulat. Ang mga ito ay edukasyon (lalo na sa hayskul at sa unibersidad), mas midya, siyensya at teknolohiya,
Filipino sa pagdaragdag ng mga bagong leksikon. Sa ganitong paraan napapayaman ang wikang Filipino at
gobyerno, batas, hukuman, komersyo at industriya, propesyong pangmedesina, abogasya at panitikan. Ang
nabubuo ang kultura ng siyensya at mga asignaturang abstrak sa pamamagitan ng behikulong ginagamit.
mahahalagang larangang ito ay dapat na gamitin ng intelektuwalisadong Filipino na naghahangad na makaganap
na dominanteng midyum sa lahat ng larangan ng paggamit nito at makatugon sa mga pangangailangang
komunikasyon tulad ng kasapatan ng Ingles, at gaya ng siniping pahayag sa itaas, makikita ang mahalagang
bahaging ginagampanan ng pagsasalin sa gawaing intelektuwalisasyon.

Bilang pagwawakas, mainam na malaman natin ang sinabi ni Theodore H. Savory (1959) tungkol sa unibersal
na gawin ng pagsasalin. Ganito ang kanyang sinabi na isinalin ni G. Almario: “Sa lahat ng dako, isinagawa ang
mga salin alangalang sa mga dalisay na layuning utilitaryo at walang ibang nasa tagasalin maliban sa pagaalis
ng hadlang na naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng mga wika sa manunulat at sa mambabasa.”

Pagsasalin: Agham ba o Sining?

1
Kung ang mga awtor at dalubhasa sa larangan ng pagsasalin ay nagkakaisa sa pagsasabing diwa, kahulugan
o mensahe ang isinalin sa ibang wika, tila nagkakaiba naman ang kanilang opinyon sa katanungang kung agham
ba ito o isang sining. Tingnan na lamang halimbawa ang pamagat ng mga sumusunod na aklat: Toward a Science
of Translating ni Eugene Theories (1964), The Art of Translation ni Theodore Savory (1959) At Sining ng
Pagsasalingwika ni Alfonso O. Santiago (1994).

Inilahad ni Gentzler (1951) sa kanyang aklat na Contemporary Translation Theories na ang pagdebelop ni
Nida ng agham ng pagsasalin ay udyok ng personal na hindi pagkagusto sa nakikita niyang classical revival sa
ikalabinsiyam na dantaon, pagbibigaydiin sa katumpakang teknikal, pagsunod sa anyo, at literal na
pagpapakahulugan kaugnay ng kanyang gawaing pagsasalin ng bibliya na noong una ay’ practiceoriented’ ang
kanyang sistemang sinusunod. Ayon kay Gentzler, batid ni Nida ang walang sistemang katangian ng lapit na
practiceoriented kaya tinangka niyang maagham na ibalideyt ang kanyang metodolohiya at gamitin ito sa
pagsasalin sa kalahatan. Inilahad pa rin ni Gentzler na ang Toward a Science of Translating na naging ‘Bibliya’
hindi lamang para sa pagsasalin ng Bibliya kundi para sa teoryang pagsasalin sa kalahatan ay nabuo sa paggamit
ng batayang panteorya ni Chomsky, ng kanyang mga tuntuning transpormasyonal at ng kanyang terminolohiya.

Ito ang ipinahayag ni Nida (1964):”..........though no one will deny the artistic elements in good translating,
linguists ang philologist are becoming increasingly aware that the process of translation area amenable to
rigorous description.”

Ang pahayag na ito ni Nida ay may pagpapaliwanag sa aklat ni Santiago na ganito: Ipinaliwanag pa niya
(Nida) na kapag pinagusapan aang agham ng pagsasalingwika (science of translating), hindi natin maiiwasang
mapasuong sa aspekto ng paglalarawan. Kung ang lingguwistika, aniya ay mauuring “descriptive science”, ang
paglilipat ng mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay maaari ring ituring na isang siyentipiko o
makaagham na paglalarawan.

Ipinaliwanag pa niya na ang isang taong nagpipilit na ang pagsasalingwika ay isang sining at wala nang iba
pa ay maaaring nagiging paimbabaw ang kanyang pagsusuri sa kanyang ginagawa. Hindi siya lumalalim nang
husto upang malimi niya ang mga makaagham na aspekto ng pagsasalin na kalimitang nakatago sa ilalim ng
lantad na mga simulain at prinsipyo. Gayonpaman, tinanggap din niya ang katotohanan na ang isang taong
yumayakap naman sa paniniwalang ang pagsasalingwika ay isang agham at wala nang iba pa ay hindi marahil
napagaralan nang husto ang kanyang ginagawa upang mapahalagahan ang makasining na aspekto ng
pagsasalinisang di dapat mawalang sangkap sa isang mabuting salin, lalo na sa mga obrang pampanitikan. Sinabi
pa ng mga hindi naniniwala na ang pagsasalingwika ay isang sining na kung may sining man ng pagsusulat, sa
pagsasalingwika ay wala sapagkat isinalin lamang ang isang likhangsining.

Ano naman ang sabi ni Savory (1959) na naniniwalang isang sining ang gawaing pagsasalin? Ito ang kanyang
pahayag:

The contention that translation is an art will be admitted without hesitation by all who have had much
experience of the work of translating; there may be others who will not so readily agree (but) a sound
method is to compare the task of translating in all its forms with the universally acknowledged arts of
painting and drawing. They will be found to be parallel, step by step.

1
Balikan natin ang aklat ni Santiago para sa paliwanag kaugnay ng pahayag na ito. Ganito ang kanyang
paliwanag:

At kanyang (Savory) ipinaliwanag na sa pagpipinta, ang maling kulay o laki ng isang guhit ay katumbas ng
isang maling salita sa pagsasalingwika; na ang pagkakamali sa dimensyon, sukat o proporsyon ng alinmang
bahagi ng larawan ay katumbas ng pagkakamali sa pagbibigaykahulugan na diwa ng isang parirala.

Kapag ang isang tula, ayon sa kanya (Savory), ay isinalin ng isang karaniwang tagapagsalin sa paraang
tuluyan, katulad lamang ito ng sketch ng isang patakbuhing pintor na hindi naging matapat sa orihinal na
larawan. Ang diwa ng tula ay naroon din sa saling tuluyan at ang tanawin sa sketch ay katulad din sa ng nasa
orihinal subalit sa saling tuluyan ay masasabing nawala na ang “musika” na nadarama ng mambabasa sa orihinal
na tula.

Gayondin naman, sa sketch ng pintor ay namodipika na rin ang “buhay” na pumipintig saorihinal na larawan;
na kung may kulay ang orihinal, ang sketch ay naging black and white. Gayonpaman, ang bihasang tagapagsalin
ay maaaring makagawa ng isang saling tuluyan nang hindi mawawalang lubusan ang himig o “musika” ng
orihinal, tulad din namn ng isang bihasang pintorna nabibigyangpamamaraan. Mababanggit na ang salin ng
mga literatura sa agham at iba pang paksang teknikal ay maihahambing sa mga larawan kuha ng isang litratista.
Ito’y matapat, tiyak, sapagkat ang mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman o diwa at hindi ang estilo ng awtor.
Gayundin ang pagsasaling dimalaya ay maihahambing sa matapat na paglalarawan ni Michaelangelo sa kanyang
mga painting, samantalang ang malayang pagsasalin ay maitutulad naman sa pamaraan ni Picasso.

Batay sa inilahad na mga pahayag at pagpapaliwanag ng mga dalubhasa masasabi natin na ang gawaing
parehong agham at sining.

Mga Katangian ng Tagasalin

Si Santiago sa kanyang librong Sining ng Pagsasalingwika ay naglagom sa tatlong katangiang dapat taglayin
ng nagsasalin ayon kina Nida at Savory. Ang mga ito ay: 1) Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin, 2) Sapat na kaalaman sa paksang isasalin at 3) Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.

Ang unang katangiang binanggit ay nahahati sa dalawa sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin, at sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.

Ang unang katangiang binanggit ang “first and most obvious requirement of any translator”, gaya ng sabi ni
Nida, ay ang pagkakaroon ng “complete control of the receptor language” (TST:150) o lubos na kontrol sa wikang
pagsasalin.

Sakop ng unang katangiang binanggit ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa gramatika ng mga wikang
sangkot. Kabilang dito ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga kakanyahan ng dalawang wika, ang pagkakaunawa
sa pagkakaiba sa balangkas ng pangungusap ng wika, sa sistema na paglalapi at pagbuo ng mga parirala na hindi
maaaring ilipat sa Filipino o sa anomang wikang salinan.

1
Kaugnay ng mga kakanyahan ng wika, may ibinigay si Otanes na ilang kakanyahan ng Filipino at Ingles na
may kinalaman sa pagsasalin sa kanyang panayam sa SeminarWorkshop on Translation of Instructional
Materials from English to Filipino sa Philippine Normal University noong 1973. ipinaliwanag niya ang mga
kakanyahan tungkol sa mga pariralang pangngalan (noun phrases), sa panghalip, mga pangukol, mga ‘noun phrase
complements’, mga pandiwa at ‘word order’. Ang mga ito ay tatalakayin sa susunod na pahina. Bukod sa
pagkakaroon ng kaalaman sa gramatika ng mga wika, isinulong ni Nida na mahalagang katangian din ang
pagkakaroon ng sapat na kakanyahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Mahalaga ang pagkakaroon
ng kakanyahang ito sa pagsasalin ng mga tekstong pampanitikan lalo na’t malikhaing uri ito (creative literature).

Kailangang ang taong magsasagawa ng pagsasalin ay may sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Makatutulong din nang malaki sabi ni Santiago sa pagunawa sa paksa ang pakikipagugnayan ng tagasalin sa
awtor (kung possible). kaugnay din ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang tagasalin tungkol sa konsepto ng
register at sa may varyasyon nito. Ang aspekto ng register (Maminta, 1993) ay isang uri ng intralanguage
bariation o varyasyon sa loob ng wika (Liwanag: 2001).

Ang register ng isang halimbawa ng paggamit ng wika na isinasaalangalang ang lugar, paksa, papel na
ginagampanan at layunin o gamit kaya may iba’t ibang sosyal barayti ang isang wika. Kasama ng sosyal barayti
na ito ang mga register na tulad ng Filipinong pangakademik, Filipinong kolokyal, Filipinong pangkonsultatibo,
Filipinong pangnegosyo, Filipinong pambatas, at iba pa.

Mahalaga din ang tagasalin o transleytor ay may sapat na kaalaman sa kultura ng mga wika bansang
kasangkot sa pagsasalin sapagkat sinasabing alinmang wika ay kabuhol sa kultura ng mga taong likas na
gumagamit nito.1 Paano maisasalin ng isang transleytor ang isang akdang ang kaligiran ay tunay na banyaga sa
kanya? May mga dayuhang nakakaintindi at marunong magsalita ng Filipino na nasa sa larangan ng pagsasalin
ang kailangang makipamuhay o makisalamuha kaya sa mga mamamayan ng bansa upang lalong matuto o
mahasa ang kaalaman sa wika at sa gayo’y mapalawak ang bokabularyo. Hindi nga ba’t sa larangan ng
teknolohiya, karamihan sa mga makabagong kaalaman at/o terminolohiya ay hinihiram natin nang buo o
inaasimila na lamang kumbaga, hinihiram ang tunog at binabaybay ayon sa ating sistema sapagkat wala tayong
tiyak na panumbas sa mga ito at dito nagmula ang teknolohiya, kaya syempre pa, sila ang lumikha ng mga
terminolohiya na kadalasan, kung hindi man lahat ay inangkin na nang buo. Ilan sa mga terminolohiyang ito ay
fax, website, internet, email at marami pang iba.

Tayo naman, ang pagkaPilipino natin ay di rin nila maisalin sa kanilang wika tulad ng ating buko o murang
niyog na tanging ‘young coconut’ lamang ang kahulugan sa kanila. Hindi nila alam na may mga tinatawag tayong
malauhog na isinasama sa buko juice, malakanin na ginagawang salad. Sa Ingles ba ay may makapuno natin
na ginagawang minatamis.

1
GAWAIN 6

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Iskedyul:

A. Itala ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin at ipaliwanag ito sa sarili mong pananalita.

Katangian ng Tagasalin

B. Ibigay ang dalawang layunin ng pagsasalin sa panahon ng Kastila at gawan ito ng konseptuwal na
paradaym.

1
Kaalamang Istruktural ng Wika

Ang bawat wika ay may kanyakanyang natatanging tuntuning estruktural, sa pagbubuo ng mga salita, parirala,
sugnay at pangungusap, at paggamit ng mga pananda ng diskurso. Mapapansin ito sa mga katutubong wika sa
bansa bagama’t galing lahat sa iisang angkan ng mga wika sa Pilipinas. Maaaring magkaroon ng pagkakatulad ang
mga ito subalit sinasabing walang dalawang wikang magkatulad na magkatulad sa estruktura at katangian, lalo’t
higit na yaong mga wikang hindi magkakaangkan katulad ng Filipino at Ingles. Ang wikang Filipino ay mayaman sa
sistema ng pananalapi, samantalang ang Ingles ay mayaman sa mga pagpapahayag na idyomatiko.

Sa pagsasaling wika, higit na mahirap magsalin kapag ang dalawang wikang sangkot ay hindi magkaangkan.
Sa mga wikang Filipino at Ingles bukod na likas na may kaibhan sa estruktura sa mga bansang pinaggamitan ng
mga wikang nabanggit. Alalahaning magkalakip ang mga wika at kultura. Ayon kay Nida (1996):

Ang aspetong sosyolohikal ng bokabularyo, grammar at diskurso ay nagiging pokus sa lahat ng


pagsasalin at pagpapakahulugan
Kung gayon, kailangang maunawaandahil sa ang kakaibang
ng transleytor ang mgakatangian
kakaibangngkatangian
mga wikang
aymga
ang wikang
unang kasangkot
nagbibihay ng mga kahirapan sa komunikasyon (sariling salin).
sa pagsasalin. Sa pamamagitan nito, higit niyangmauunawaan at mabigyan ng katumbas ang diwa o mensahe.

Si Otanes, 1972. kilalang koawtor ng isang respetableng grammar ng Tagalog ay nagbigay ng ilang tiyak na
kakanyahan ng wikang Filipino at Ingles na may kinalaman sa pagsasaling wika. Ipinaliwanag ni Otanes (1972) sa
isang panayam niya na sa Ingles, ang mga pariralang pang ngalan ay nauuri sa dalawa: (1) ang mga tinatawag na
counts noun, nagbabago ang anyo sa bilang isahan/pangmaramihan (hal. desk, desks) at mass nouns na hindi
nagbabago ang anyo sa gayong paraan (hal. water). Ang dawalang uri ng pang ngalang ito ay magkaiba ang
ginagamit na pananda o determiners, tulad ng ‘a desk’ ngunit hindi ‘a water’. Ang karaniwang nagbibigay ng
suliranin sa pagsasalin ay ang mga mass nouns, sapagkat kung minsan ay hindi ginagamit ng determiner ang
mga ito.

Halimbawa:

Trade between nations is called international trade

Kung ito ay isasalin natin sa Filipino nang hindi isasaalangalang ang kakanyahanng wikang ito ay malamang
na maisalin natin ng ganito:

Pagkakalakalan ng mga bansa ay tinatawag na kalakalang panginternational. Karaniwan, kapag ang isang
pang ngalan (maliban ang mga pang ngalang personal, na may sariling pananda, gaya ng si Pedro) ay nasa simula
ang pangungusap, ito ay kinakailangang lagyan ng ang.

Ang pagkakalakalan ng mga bansa ay tinatawag na kalakalang panginternasyonal.

1
Ang iba pang mga halimbawa ay:

Tomatoes are usually Ang kamatis ay karaniwang mapula.

Ang kahoy
Wood is usually for making houses, ay ginagamit
furniture sa boats.
and small paggawa
ng mga bahay,muwebles at bangka.

Kung minsan, hinihingi ng wastong gamit sa Ingles ang paglalagay ng quantifier sa unahan ng mga mass
nouns, samantalang sa salin sa Filipino ay maaaring hindi gumamit ng ganitong uri ng salita sapagkat maliwanag
na ang kahulugan.

Halimbawa:

Get thesabihin
Ito ay hindi maaaring two pieces of wood
na: Get andwoods
the two tie them together
. . . Sa Filipinowith a piecenang
ay maaari of string.
sabihin: ‘Kunin ang
dalawang kahoy’, lalo na kapag nabanggit na sa unahan ang kung ano ang hugis ng kahoy.

Tungkol naman sa mga pangukol (prepositions), binanggit ni Otanes na sa pananaliksik ni Charles Fries
tungkol sa Ingles sa Estados Unidos ay natuklasan niyang 92.6% ng mga tinatawag na mga pangukol
(prepositions) sa mga pangungusap na kanyang sinuri ay binubuo ng siyam anyo: at, but, for, from, in, of, on, to,
with. Napakarami ang kahulugan ng bawat isa sa mga katagang ito, kaya maaaring dito manggaling ang
maraming suliranin sa pagsasalin ng Ingles sa Filipino. May mga pagkakataon na kailangang gumamit ng iba’t
ibang salita sa Filipino upang maging malinaw ang salin.

Ibinigay ni Otanes ang mga sumusunod na halimbawa:

Cut the piece of cheese with a sharp knife.


Hiwain ang kapirasong keso sa pamamagitan ng matalas na kutsilyo.

a clear glass jar with a cover


isang malinaw na garapong may takip

bottle with a label


Boteng may etiketa

the object in the box


ang bagay sa loob ng kahon

the object on the box


ang bagay sa ibabaw ng kahon

1
Sa ibang pagkakataon naman, ang salitang sa o ng ay maari ng gamiting katumbas ng iba’t ibang pangukol
gaya sa mga ganitong halimbawa:

Leave the can on the table


Iwan
Sa iba paang
ringlata
mgasapagkakataon
mesa. ay kinakailangang gumamit ng mga sugnay (clause) upang maisalin nang
malinaw nang malinaw ang kahulugan ng pangukol.
no change in the water level
Walang pagbabago sa taas ng
tubig
Halimbawa:
keep the animals in separate cages.

plants with leaves of different colors


Ayon pa rin kay Otanes, sa Ingles ay karaniwang gumagamit ng mga pariralang pandiwa (verb phrases) na
mga halamang
ang katumbas ibaiba
sa Filipino ang kulay
ay iisahing ng dahon
salita, (sa halip na ‘mga halamang
halimbawa,
may iba’t ibang kulay ng dahon)

Ingles

is attacked by rust Kinalawang


It tastes salty Maalat
Feel hot Mainitin
Let it (The substances) settle patiningin

Mahalagang banggitin dito dito ang naging paliwanag ni Lalunio, 1999 tungkol sa fokus ng pandiwa. Ayon
sa kanya, isa pang dapat isaalang alang sa pagsasalin ng anumang pahayag sa Filipino ay ang naiibang katangian
ng pandiwa. Bukod sa aspekto may pokus ang pandiwa sa Filipino na nauugnay sa panlapi. Ipinaliwanag ni
Laulino na ang pokus ay katangian ng pandiwa na nagpapakita ng kaugnayan ng pandiwa sa paksa o pinag
uusapan. May mga panlapi na bumubuo ng pandiwang ang diin ay naka pokus sa layunin o direksyon ng kilos,
sa aktor, sa instrumento at iba pa.

Halimbawa: Aktor Pokus Bumibili ng dyaryo ang bata

Layon Pokus Binibili ng bata ang dyaryo

2
Ayon sa ibinigay na paliwanag ni Lalunio, ang um ay panlapi ng pandiwa na nagbibigaydiin sa aktor o
tagaganap. Ang aktor sa unang pangungusap ay ang bata na siyang paksa ng pangungusap, at ang layon ay
dyaryo. Sa ikalawang pangungusap, ang paksa ay ang dyaryo na nagpapahayag ng layunin ng kilos. Ang panlaping
ginamit ay in. Marami pang uri ng pokus tulad ng sumusunod:

Pokus sa lugar o lokasyon, pokus sa instrumento o ginamit na bagay, pokus sa pinaglalaanan o


benepaktibong pokus. Tulad ng mga naunang halimbawa, ang panlapi na nagpapaiba ng anyo ng pandiwa ay
kaugnay ng pagbabago ng pokus. Mahalagang maging malinaw lagi ang ugnayan ng paksa at anyo ng pandiwa.

Ang mga sumusunod ay iba pang halimbawa:

Aktor Pokus
Nagbabasa ng aklat si Mercy.
Pokus sa lugar/lokatib pokus
Kumuha ng makakain ang kanyang ina.
Binilhan ng bata ng dyaryo ang tindahan.
Pokus sa instrumento/instrumental fokus
Tinamnan ni Mang Juan ng kamote ang bukid.
Ipinambili ng bata ng dyaryo ang pera niya.
Pokus sa pinaglalaanan/benepaktibong
Ipinanghakot ni Mang Cesar ng pala sapokus.
bukid.
Ibinili
Pansinin nangangbata
mayngmgadyaryo ang amananiya.
salungguhit mga salita ang paksa ng pangungusap. Tungkol naman sa kaayusan
Ikinuha
ng mga salita ko ngorder
o word maligamgam na tubig
ipinaliwanag ang matanda
ni Otanes na sa Ingles ay malaki ang nagagawa ng kaayusan ng mga
salita sa pagiibaiba ng kahulugan ng mga parirala at mga pangungusap. Gaya halimbawa ng pocket watch
(relong pambulsa} vs watch pocket (bulsa para sa relo.) Ipinaliwanag pa niya na sa Ingles, karaniwang ang
pangngalang tumatanggap ng modipikeysyon ay nasa hulihan. Sa Filipino, ang mga katumbas ng mga
pangngalang ito ay karaniwang nasa unahan ng parirala.

Halimbawa:

construction programs = mga palatuntunan ukol sa konstruksyon

flood control projects = mga proyekto ukol sa pagkontrol ng

baha population explosion = biglaang pagdami ng populasyon

oldage insurance = siguro para sa panahon ng katandaan

2
Sa Filipino kapag ang panuring (modifier) ay isang panguri na iisahing salita, maaari itong mauna o sumunod sa
pangngalang binibigyang turing.

Halimbawa:
kind teacher ­mabait na guro

gurong mabait

Mapapansin sa ibinigay na halimbawa sa itaas ang gamit ng mga pangugnay na na, kapag kapag ang unang
salitang pinagugnay ay nagtatapos sa katinig; ng, kapag nagtatapos sa patinig; ‘g, kapag nagtatapos sa n. Narito
pa ang iba pang halimbawa:

Masipag na bata Batang masipag

Dalagang mahinhin Mahinhing dalaga

Ang mga inilahad sa itaas ay ilan lamang sa pagkakaiba sa estruktura ng Ingles at Filipino na maaaring pagmulan
ng kalabuan o kamalian ng salin. Ang mga ito’y nagpapatunay na mahalagang malaman sa tagapagsalin ang
estruktura ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang katangian ng isang wika ay hindi dapat ilipat sa
pinagsasalinang wika. Dahil na rin sa mga binanggit na pagkakaiba sa estruktura hindi maaari ang isasaisang
tumbasan ng mga salita sa pangungusap o literal na pagsasalin dahil nababago ang kahulugan ng salita ayon sa
konteksto.

Ayon rin kay Nida (1996):

One thing, is certain, namely that languages are not completely determined and rulegoverned. There
are always fuzzy ssets, overlapping analogies, constant change (directly proportionate to the density of
communication), and creative innovation, especially in the area of discours, which makes the tasks
translators a constant challenge and sometimes a real headache.

Nangangahulugan lamang ito ng bagamat mayroong mga tuntunin sa estruktura ng bawat wika, hindi
maiiwasan ang paminsanminsang pagbabago sa mga ito. Kung kaya’t napakahalagang kabisado ng tagasalin
ang kayarian ng mga wikang kasangkot sa pagsasalin.

MGA PAALALA SA PAGBABAYBAY KAPAG NAGSASALINGWIKA

Pagbabaybay ng mga salitang may paguulit o reduplikasyon

Mga salitang may panlaping maka at naka na nagkakaroon ng paguulit batay sa tradisyon, ang unang pantig
ng salitangugat at hindi ang ikalawang pantig ng unlaping maka o naka ang inuukit sa pagbuo ng

2
pandiwa sa aspektong kontemplatibo o progresibo (sa kaso ng maka) o panguri (sa kaso ng naka). Kapansin
pansin na malaganap na rin ngayon ang paguulit ng ikalawang pantig ng unlapi o ng ka.

Pag­uulit ng unang pantig kang Pag­uulit ng ­kang


salitang­ugat

makauunawa makakaunawa
makagagaling nakatutuwa makagagaling nakatutuwa nakakainis nakakabagot nakakaunawa nakakaalis
nakaiinis nakababagot nakauunawa nakaaalis

Maaaring gamitin ang alinmang sa dalawang paraan. Piliin ang angkop na paraan ayon sa pangangailangan.
Halimbawa, sa mga akdang pampanitikan, maaaring gamitin ang dalawang paraan para lumikha ng magkaibang
antas ng wikakumbersasyonal pampanitikan.

Para sa ilan, nagiging katanggaptanggap din ang paguulit ng ka dahil konsistent ito sa pagbaybay ng mga
salitang hiram na nilalapian ng maka o naka at nagkakaroon ng paguulit tulad sa makakastrike (sa bowling).

Mga salitang hiram na may pangunang kambal katinig

Kapag kasama sa paguulit ang pantig na nagsisimula sa kambal katinig, karaniwang tinatanggal ang
ikalawang katinig sa unang bahagi ng reduplikasyon.

magbabrown out (sa halip na magbrabrown out)


magboblow out (sa halip na magbloblow out)
magkoclone (sa halip na magkloclone)
magdidribol (sa halip na nadridribol)
magpaflamenco (sa halip na magplaflamenco)
maggogroseri (sa halip na maggrogroseri)
magkokrokis (sa halip na magkrokrokis)
magpoprotesta (sa halip na magproprotesta)
magtatraysikel (sa halip na magtratraysikel)

Pansinin na sa mga kasong pinananatili sa orihinal ang baybay ng salitangugat, karaniwang binabaybay sa
Filipino ang panlapi at ginagamitan ng gitling. Kung ang dalawang katinig ay digrapo o dalawang katinig na may
iisang tunog lamang, karaniwang inuulit ng digrapo at unang patinig o tunog sa Filipino ng unang patinig sa
pagbigkas ng salitangugat.

magsha­shampoo magsha­shopping(sa halip na magsa­shampoo) (sa halip na magsa­shopping)

2
matsitsismis magtsetsek magtsotsokolate
(sa halip na matitsismis) (sa halip na magtetsek)
(sa halip na magtotsokolate)

Sa pagbabaybay ng iba pang pangkat ng katinig (higit sa dalawa) na dumaraan sa paguukit, karaniwang inuulit
ang tunog ng unang katinig at unang patinig ng unang pantig na maririnig sa pagbigkas ng salitangugat.

magkicrystallize
magdadry cleaning

Sa pagbabaybay ng kambal katinig na nagsisimula sa s at dumaraan sa paguulit, karaniwang inuukit ang


tunog ng unang patinig sa pagbigkas ng salitangugat.

mag­is­ can mag­is­ plit mag­is­ pray mag­I­snow mag­iiskedyul mag­i­slow motion

Pagbaybay ng mga salitang inuulit

Pinanatili ang ispeling ng salitangugat kapag ito’y inuulit at nilalagyan ng gitling ().

sarisari (sa halip na sarisari)


sabitkabit (sa halip nasabitkabit)
bitbitbitbit (sa halip na bitbitbitbit)
daladala (sa halip na daladala)
balibali (sa halip na balibali)

Pagbaybay ng mga pinagtambal na salita

Sa mga pinagtambal na salita, ang pagbaybay na may gitling ang mas tinatanggap kaysa ang pagbaybay
nang may asimilasyon, upang makita ang pinagmulang anyo ng mga salita.

kathangbuhay (var. kathambuhay)


katalingpuso (var. katalimpuso)
bagongbuhay (var. bagumbuhay)
daangbakal (var. daangbakal)
lamangdagat (var. lamandagat)

2
Gayonpaman, may mga salitang higit na lumaganap ang baybay nang may asimilasyon tulad ng salitang
taumbayan, talambuhay, sawimpalad, at bukambibig.

May mga pinagtambal na salita na hindi talaga nilalagyan ng gitling. Nangyayari ito kapag nawawala na
ang kahulugan ng bawat salitangugat sa pagtatambal tulad sa mga salitang bahaghari, salimpusa, at
dalagambukid (isda).

Pagbabaybay ng mga Gamiting Parirala

Pinagdugtong na mga salita o Closed Compound

May mga pariralang binubuo ng dalawa o tatlong salita na pinagdugtong na at tinanggap na sa paglipas ng
panahon.

Gayunman < gayon man


Gayunpaman < gayon pa man
Sinuman < sino man
Bagaman < baga man
Kumbaga < kung baga
anuman < ano man

Gayonpaman, ginagamit pa rin ang anyong lalo na sa halip na laluna.

Pinagsamang salita o compound na may at na walang kudlit

May mga pariralang binubuo ng isang salita at at na pinagdurugtong na nang hindi na ginagamitan ng
kudlit.

subalit (sa halip na subali’t)


ngunit (sa halip na nguni’t)
sapagkat (sa halip na sapagka’t)
bawat (sa halip na bawa’t)
datapwat (sa halip na datapwa’t)

Pinagsamang salita o compound na may at na may kudlit

May mga parirala ring binubuo ng isang salita at at na pinagdurugtong at ginagamitan pa rin ng kudlit.
Ginagamit at nakakatayo nang magisa ang mga salitang idinudugtong sa at, kaya’t gumagamit pa rin ng kudlit
kapag idinudugtong ang at.

bagama’t sakali’t (sa halip na bagamat) (sa halip na sakalit)

2
kaya’t (sa halip na kayat)

PASASALIN: PAANO NGA BA?

Sa kabanatang ito, inilalahad at tinatalakay ang iba’t ibang simulain teorya sa pagsasaling wika at ang
prosesong nagaganap sa gawaing ito. Tinalakay din sa kabanatang ito ang iba’t ibang paraan ng pagsasalin.
May mga simulain at prosesong inilahad dito na masasabing nagsasalungatan sa bawat isa dahil ayon pa nga
kay Santiago (1994) “halos imposibleng magbigay ng isang simulain sa pagsasaling wika na hindi sasalungatin
ng iba”.

Layunin lamang ng kabanatang ito na mailahad ang mga ito at hayaan ang mambabasa o magaaral na
piliin ang simulain, teorya o prosesong nais niyang sundin.

Idinagdag sa kabanatang ito ang naging karanasan ng KWF sa larangan ng pagsasalingwika. Malaki ang
maitutulong nito lalo sa mga baguhang tagasalin sapagkat maaari nila itong maging gabay sa kanilang
pagsasalin.

Teorya sa Pagsasalin

Si Theodore Savory ay may itinalang mga nagsasalungatan teorya sa pagsasalin sa kanyang aklat na The
Art of Translation (1968).

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. A translation must give the words of the original.

2. A translation must give the ideas of the original.

3. A translation should read like an original work.

4. A translation should read like a translation.

5. A translation should reflect the style of the original.

6. A translation should possess the style of the translator.

7. A translation should read as a contemporary of the original.

8. A translation should read as a contemporary of the translator.

9. A translation may add to or omit from the original.

10. A translation may never add or omit from the original.

Sa unang teorya, ibinigay lamang ng salin ay ang katumbas na salita ng isinasaling salita. Word of word o
literal ang kinalabasan ng salin. Dahil dito, ang kahulugan ng isinasalin ay hindi nailipat sa wikang
pinagsasalinan.

2
Upang maunawaan ito, tingnan natin bilang halimbawa ang isang kontemporaryong awiting banyaga at
ang salin nito sa Filipino. Ang awitin ay pinamagatang “Two Become One”. Ang nagsalin ay isang artistang
komedyante na kilala sa showbusiness, Michael V. Narito ang orihinal at ang salin nito:

TWO BECOME DALAWA’Y NAGISA


ONE
Salin ni Michael V.
TWOSpiceBECOME
Girls Igagawa ka ng pagibig, sanggol
ONE
Makikita natin narito ay sumunod ang nagsalin Pakawalan ang1.
sa teorya espirito
na nagsasabing dapat ibigay ng salin ang mga
Spice Girls Panaginip na ikaw
salita sa orihinal kaya naman hindi nito naibigay ang ideya na orihinal at ako’y magkasama
na siya naman sinsasabing teorya 2. Hindi
Candle Yan lang ang tanging paraan
ba’t naginglight anf soul forever
katawatawa ang salin lalo na ang tumbasan ng salitang sanggol ang baby. Alalahaning ang nagsalin
Ika’y maniwala, ika’y maniwala
ay isang komedyante kaya marahil ganito ang ginawa Tangangniyang
larongsalin.
nilalaro
Sinadya
mo marahil ito sapagkat ang layunin niya
A dream of you and me together
ay Wanna
patawanin makeanglove
mgatomanonood.
you, baby Lumapitlapit nang konti sanggol
Salitang walang binabanggit
Come a little bit closer, baby
Set your
Ang spirit free naman sa pangatlo at pangapat na teorya ay ang kalalabasang tunog ng pagkakasalin kung
isinaalangalang
natin Magpapawis tayo, totoy
tunog orihinal o tunogsalin. Sinasabing tunog orihinal ang salin kung natural ang daloy nito kapag binasa. Natural
It’s the only way to be
ang daloy ng salin kung ang lumilitaw na estruktura Lahat ngngatng
mgamapagkasunduan
parirala at pangungusap ay ang estruktura ng
Silly games
wikang that you were
pinagsasalinan. playing
Ang karaniwan at natural na ayos ng pangungusap sa Filipino ay panagurisimuno.
Totoy at nene, masarap magsama
Dahil nauuna ang panaguri kaysa simuno, walang salitang ay ang mga pangungusap na nasa ganitong ayos.
Empty words that we both
Kunin o iwan mo, kunin o iwan mo
been saying
Kasinggaling ka ba ng naaalala ko, sanggol
Let’s work it out boy
Tara na, tara na
Any deal that we endeavor
Magisipisip ng konti, sanggol
Let’s work it out, boy
Yan lang ang tanging paraan…
Boys ang girls look good together

Take it or leave it, take it or leave it

2
Halimbawa:

Kilala sa pagiging magalang at matulungin ang mga Pilipino.

Kaysa:

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging magalang at matulungin.

Nagiging tunogsalin naman ang isang salin kapag literal ang pagkakasalin at kapag ang estruktura ng
isinasaaling wika ang sinusunod. Halimbawa nito ay ang ibinigay na salin ni Michael V. na matutunghayan sa
nauunang pahina.

Mapupuna na rito sa pangatlo at pangapat na teorya ay may kinalaman ang mga kakanyahan at katangian
ng mga wika at ang paggamit sa mga ito.

Ang panlima at panganim na teorya ay may kinalaman sa estilong dapat na luminaw sa salinkung estilo ng
awtor ng orihinal o estilo ng tagasalin/transleytor. Upang maunawaan ito, narito ang mga halimbawang ibinigay
ni Santiago (1994) na nagpapaliwanag sa paksang ito: “Kung ang awtor ng piyesang isasalin ay mahilig sa
“winding sentences”, may karapatan ba ang tagasalin na nagkataong mahilig sa “choppy sentences” na baguhin
ang estilo ng awtor at ipalit ang kanyang estilo? Kung ang awtor ng isang kuwento ay mahilig sa pagbibigay ng
mga pahiwatig sa halip na mga tahas na pangungusap, may karapatan ba ang magsasalin ng kanyang kuwento
na baguhin ang mga pahiwatig at palitan ng mga tahas na pahayag? O kaya, kung ang awtor ba ay ng mga tayutay
(figures of speech) sa kanyang tula, may karapatan ba ang magsasalin na palitan ng hindi tayutay ang mga ito
na gayon din ang kahulugan?”

Ang pampito at pangwalong teorya ay tungkol sa panahong kinapapalooban ng orihinal na tekstong isinalin.
Dapat bang baguhin ng tagasalin ang himig ng panahon nang orihinalna teksto at iakma sa panahon niya bilang
tagasalin o dapat bang panatilihin ang himig ng panahon ng orihinal na teksto. Tandaang bawat panahon ay may
sumusulpot na estilo ng pagsulat / wika na masasalamin sa mga nasusulat / akda. Si Santiago ay may sagot sa
tanong na ito. Ayon sa kanya, “Anopa’t sa isyu tungkol sa “panahon”, ang sagot marahil ay depende sa uri ng
babasahin at kung anong “panahon” ang higit na maiibigan ng mambabasang pinagukulan ng tagasalin ng
kanyang salin”.

Ang katanungang pumapasok sa isip kaugnay ng pansiyam at pangsampung teorya ay kung maaari ba o
hindi maaaring dagdagan o bawasan ang nilalaman ng orihinal. Binanggit ni Santiago ang ganito: “Tungkol sa
bagay na ito, binanggit ni Savory ni Lord Woodhouselee, isang kilalang pilosopo at manunulat, na nagsabi
diumano na di dapat bawasan, dagdagan, o palitan ng tagasalin ang anumang ideya sa kanyang isinalin sapagkat
ang gayon ay hindi magiging makatarungan sa awtor.” Gayonpaman, , ipinapayo ni Santiago na kung sa palagay
ng nagsasalin ay may mga dapat nang palitan, kailangang hingin niya ang pahintulot ng awtor.

Sa panghuling paresng nagsasalungatang teorya, ang tanong ay kung isasalin ang tula sa anyong prosa o
kung tula rin dapat ang anyo ng salin ng orihinal.

Kabilang sa mga naniniwalang ang tula ay dapat isalin sa anyong prosa sina Hilarie Belloc at si Sir John
Denham. Ayon pa rin kay Santiago (1994) “. . . tahasan namang sinabi diumano ni Hilarie Belloc na ang pagsasalin
ng isang tula ay higit na mabuti kung gagawin sa paraang tuluyan. Sinusugan pa ito diumano ni Sir John Denham
nang isalin nito ang Aenid. Sa introduksyon daw ng salin ay sinabi ni Denham na ang layunin niya sa kanyang

2
pagsasalin ay hindi upang lumikha ng bagong tula kundi upang isalin lamang ang diwang taglay ng isang tula
hindi sa paraang patula rin kundi sa paraang tuluyan. Ang pagsasalin ng isang tula aniya, ay isang
napakadelikadong gawain; na sa pagsasaling tulasatula, ang bisa ng awtor ay tulad ng gamot na nawawalan ng
‘espirito’”.

Kabilang naman sa mga naniniwalang ang isang tula ay dapat maisalin sa anyong tula rin sina Postgate at
Matthew Arnold. Upang maging makatarungan sa makatang awtor ang pagsasalin ng tula, naniniwala ang mga
tagasalin ayon kay Santiago (1994), na kailangan isalin ang tula ng isa ring makata, at sa paraang patula rin.
Sinabi rin niyang binitiwanni Savory ang ganitong pahayag: “ . . . none but a poet should undertake the
translation of poetry.”

Sangayon kami sa mga tinuran sa itaas na higit na makatarungan para sa makatang awtor kung ang isang
tula ay isalin ng patula at hangga’t maaari ng isa ring makata sapagkat higit niyang naiintindihan ang damdamin
at niloloob ng kanyang kapwa makata. Subalit kailangang taglayin ng magsasaling makata ang mga katangiang
dapat angkin ng isang tagasalin. Maaaring itanong, ang hindi ba makata ay hindi puwedeng magsalin ng tula? Sa
ganang amin maaaring isalin ng isang tagasaling hindi makata ang isang tula hangga’t naaabot niya ang lalim ng
nais ipakahulugan ng makatang awtor sa kanayang akda.

Bukod sa mga teoryang ito, may binanggit si E. Gentzler sa kanyang aklat na Contemporary Translation
Theories na Theory of Luminous Details ni Ezra Pound. Ang teoryang ito sa pagsasalin ay nakapokus sa tiyak na
pagbibigay ng mga detalye, ng mga indibiduwal na salita at isa ng isa o kahit mga pirapirasong larawan. Ayon
kay Genztler, “Rather than assuming the single , unified meaning of the whole work, Pound’s “theory” was based
upon a concept of energy in language; the words on the page, the specific details, were seen not simply as black
and white typed marks on a page representing something else, but as sculpied images words engraved in stone.
Such a approach allowed for more latitude for an individual translator’s response; the translator was seen as an
artist, an engraver, or a calligrapher, one who molds words.”

May dalawang panahon ang mga akdang teoretikal ni Pound ang 1) early imagist phase at ang 2) second
late imagist or vorticist phase.

Proseso ng Makaagham

Tinalakay ni Larson (1984) isang praktisyunerat iskolar ng pagsasalin ang proseso ng pagsasalin sa
pamamagitan ng isang dayagram na nasa ibaba.

Ganito ang kayang gayagram:

Source

Langguage

Form

Meaning

RESTRUCTURING ANALYSIS

2
Ang Source Language Form ang anyo ng wikang isinalin o Simulaang Lengguwahe. Mula rito makikitang may
ginagawang analysis o pagtuklas sa kahulugan. Kapag nakuha na ang kahulugan, isisnasagawa na restructuring
o muling pagpapahayag ng kahulugan sa

Receptor Language Form, ang anyo ng wikang pagsasalin o Tunguhang Lenggwahe.

Ipinaliwanag ni Larson na ang pagsasalin ay binubuo ng paglilipat ng kahulugan ng Simulaing Lenggwahe sa


Tunguhang Lenggwahe. Mula sa anyo ng unang wika ay tutungo sa anyo ng pangalawang wika sa pamamagitan
ng unang wika ay tutungo sa anyo ng pangalawang wika sa pamamagitan ng kayariang semantik. Kahulugan ang
siyang inililipat at hindi dapat magbago. Anyo lamang ang nagbabago. Si Nida ay may tinalakay na modelo ng
proseso ng pagsasalin na binubuo ng tatlong hakbang: (1) Analysis, (2) Transfer at (3) Restructuring. Ang lapit
na ito ay maaaring ilarawan nang ganito:

A (Source) B(Receptor)

(Analysis) (Restructuring)

X (Transfer) Y

Ayon kay Nida, sa analysis, ang paimbabaw na estruktura o surface structure (iyon ay, ang mensahe gaya
ng ibinibigay sa wika ay sinusuri ayon sa mga ugnayang panggramatika at ayon sa kahulugan ng mga salita at
mga kombinasyon ng mga salita. Mayroong tatlong pangunahing hakbang sa analysis o pagsusuri: (1) Pagtiyaksa
makahulugangugnayan ng mga salita at kombinasyon ng mga salita, (2) pagtiyak sa kahulugang referential ng
mga salita at mga natatanging kombinasyon ng mga salita (mga idiyoma), (3) pagtiyak sa kahulugang
connotative, iyon ay, kung ano ang reaksyon ng mga gumagamit ng wika, kung positibo o negatibo ang kanilang
reaksyon sa mga salita at sa mga kombinasyon ng mga iyon.

Pagkaraang makumpleto ang mga proseso ng analysis o pagsusuri, na kinakasasangkutan, ng mga aspektong
panggramatika at sementik ng teksto, mahalaga ngayon, paliwanag ni Nida, na ang mga resulta ng analysis o
pagsususri ay mailipat mula sa wika A patungo sa wika B, iyon ay, mula sa wikang isinalin patungo sa wikang
pagsasalinan. Subalit ito, aniya, ay dapat na maganap na sa utak ng isang tao, at sa utak ng tagasalin nagaganap
ang aktuwal na paglilipat. Marami ang maaaring tumulong sa pamamagitan ng analysis at restruturing, subalit
ang transfer mismo ang pinakamahalaga at sentro ng pagsasalin.

Sa restructuring,kanyang ipinaliwanag na ang bagay na inilipat ay nagkakaroon ng bagong kayarian o


estruktura upang ang panghuli o final na mensahe ay lubos na maging katanggaptanggap sa wikang
pagsasalinan. Pagkaraang mailipat mula sa wikang isinalin patungo sa wikang pagsasalinan, mahalagang

3
isaalangalang ang mga suliranin mula sa tatlong pananaw: (1) ang mga barayti ng wika o ng mga estilo na
maaaring kanaisnais, (2) ang mahahalagang bahagi at katangian ng iba’t ibang estilong ito, at (3) ang mga teknik
na maaaring gamitin upang magkaroon ng estilong ninanais.

Mga Paraan ng Pagsasalin

Sa aklat na A Textbook of Translation ay may walong paraan ng pagsasalin ang itinala ni Peter Newmark (1988).
Ang mga ito ay:

1. Wordforword Ang kaayusan ng Simulaang Lengguwahe ay pinananatili at ang mga salita ay


isinalin sa kanyang pinakapangkaraniwang kahulugan. Maaaring gawing prosesong pretranslation
upang ganap na maunawaan ang may kahirapang unawaing pahayag.

Hal:

“Flowers are love’s truest language.”

salin: Mga bulaklak ay sa pagibig pinakatunay na wika.

2. Literal Ang kayariang gramatikal ng Simulaang Lengguwahe ay isinalin sa kanilang pinakamalapit na


katumbas sa Tunguhang Lengguwahe. Isinasalin din ang mga salita nang labas sa konsteksto.
Bilang proseso sa pretranslation, ipinakikita nito ang mga suliraning lulutasin.

Hal:

“Flowers are love’s truest language.”

salin: Ang mga bulaklak ay sa pagibig pinakatunay na wika.


3. Matapat (Faithful) Ang matapat na pagsasalin ay nagtatangkang makagawa ng eksaktong
kahulugang kontekstuwal ng orihinal sa loob ng mga kayariang gramatikal ng Tunguhang
Lengguwahe.

Hal:

“Flowers are love’s truest language.”

salin: Ang pagbibigay ng bulaklak ng bulaklak ay pinakatunay na pagpapahayag ng pagmamahal.

4. Semantik Ang pagkakaiba lamang ng pagsasaling wika semantik sa ‘matapat na pagsasalin’ ay na


higit nitong pinagtutuunan ng pansin ang kahalagahang estetiko, iyon ay, ang maganda at natural
na tunog ng teksto ng Simulaang Lengguwahecat iniiwasan ang ano mang masakit sa taingang pag-
uulit ng salita o pantig sa panghuling bersyon.

3
Hal:

“Flowers are love’s truest language.”

salin: Pinakadalisay na pagpapahayag ng pagmamahal ang pagbibigay ng bulaklak.

5. Komunikatibo nagtatangkang maisalin ang eksaktong kontekstuwal na kahulugan ng orihinal sa


wikang katanggaptanggap at madaling maunawaan ng target na mababasa.

Hal:

“Flowers are love’s truest language.”

salin: Pinakatunay na pagpapahayag ng pagmamahal ang pagbibigay ng bulaklak.


6. Idyomatik Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal ang isinasalin. Di nakatali sa anyo, ayos o estruktura
ng SL (Simulaang Lengguwahe), bagkus iniangkop ang bagong teksto sa normal at natural na anyo ng TL.

Hal:

“Flowers are love’s truest language.”

salin: Sa pagbibigay ng bulaklak ay dalisay na naipapahayag ang pagmamahal .

7. Adaptasyon itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin. Madalas gamitin ang adaptasyon sa salin ng
dula (komedya) at tula. Kadalasan ay pinananatili ang paksangdiwa, mga tauhan, banghay. Ang kultura
ng SL ay pinapalitan ng kultura ng TL at ang teksto ay muling isinusulat. Isinasalin ang
nilalaman nang wala ang tinatawag na ‘pagsasaling intralingual’. Kadalasan ay masalita at parang
hindi na salin. Isang halimbawa nito ay Ang Trahedya ni Hamlet, Prinsipe ng Dinamarka na salin ni
Rolando S. Tinio na sa Pauna ng aklat ay kanyang sinabi:

Sa saling ito, nagiging mas payak ang lengguwahe kaysa sa orihinal dahil isinalin ang kahulugan ng
Isabelino at barokong Ingles ni Shakespeare na wala nang nakaunawa nang hindi tinutulungan ng mga
tala. Isinalin ito upang maitanghal sa dulaan kaya’t kailangang malinawan agad ng artista at manonood
ang lahat ng pangungusap. May katwiran ang mga kritiko at iskolar na sabihing kulang sa katapatan ang
salin, at unanguna akong sasangayon sa kanila yamang matatagkong paniniwala na nagsasalin tayo
ng panitikang banyaga at sinulat sa ibang panahon hindi upang mapakialaman ang takbo ng pagiisip
nilakundi upang makita kung may matatanglawan sila sa sarili nating karanasan. Dahil doon, maraming
anyo ng pagiisip na inihanap ng katapat sa isipan natin, nawala man ang mga paglalaro sa salitang mga
Ingles at nagaaral ng Ingles lamang ang maaaring makahuli.

Higit sa lahat, itinuturing kong kinakailangan na maparating sa bumabasa ang tindi ng


pagkamatulain ni Shakespeare na, sa palagay ko, hindi maaaring masumpungan lamang sa mga
kadiwarian ng ikalabinganim, ikalabimpitong siglo niyang pangungusap.

3
Katulad ng punang ibinigay ni Peter Newmark, sa inilahad sa itaas na mga paraan ng pagsasalin,
tanging ang semantik at komunikatibong pagsasalin ang nakatupad sa dalawang pangunahing tunguhin
ng pagsasaling wika, una ang kaangkupan at pangalawa ang pagtitipid. Isinusulat ang pagsasaling
semantik ayon sa linggwistikong antas ng mayakda samantalang ang komunikatibong pagsasalin ay
isinulat ayon sa antas ng mga mambabasa. Idinagdag pa ni Newmark “semantic translation is used for
‘expressive’ texts, communicatve for ‘informative and ‘vocative’ texts”.

Dagdag Pang mga Paraan

(1) Transference (Adapsyon) ang ibang katumbas nito ay adoption,transcription, o loan words sa
(salitang hiram) na ang ibig sabihin ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa
PW patungo sa TW nang walang pagbabago sa ispeling. Mahalaga ito lalo na sa mga salitang pekulyar o
tanging sa kultural lamang ng PW makikita o ginagamit.

Italian: pizza Filipino: pizza


English: cake Filipino: cake

(2) OneToOne Translation (Isahang pagtutumbas) o literal na salin na may isasaisang pagtutumbasan ng
salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay, o pangungusap. Ipinalalagay na kapag
humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang pamamaraang ito.

French: un beau jardin


English: a beautiful g arden
Filipino isang magand ang hardens

(3) Through Translation (Saling Hiram) katumbas ng saling hiram o loan translation na ginagamit sa pagsasalin ng
mga karaniwang collocations (i.e. dalawa o higit pang salita na ‘masaya’ o natural na pagsasama), pangalan ng
organisasyon, o kaya’y institusyunal na salita.

(4) Naturalisation ( Naturalisasyon)


brainwashingMay pagkakahawig
paghuhugasisip sa transference
(Tiongson, 1975) ngunit dito ay inaadap muna ang normal
defense
na pagbigkas at pagkatapos mechanism
ng normal mekanismong
na morpolohiya pananggalang
sa target (Inigo,
na wika. Sa 1973)salita, inaayon sa
madaling
ortograpiya ng TW. French: Comite du Commerece et du Development
English: committee on Trade and Development
(Newmark, 1988a)
coup d’etat kudeta
xerox seroks
birthday bertdey

3
(5) Lexical Synonymy (Leksikal na Sinonim) pagsasalin na ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na
kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika.

‘old’ house ’lumang’ bahay


‘old’ man ‘matandang’ lalaki

(6) Transposition (Transposisyon) tinatawag ding shift na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng pagbabago sa
gramatika ng pinagmulang wika kapag isinalin na sa target na wika.

stone mill gilingangbato (nagpapalit ng posisyon


p. uri + p. ngalan = p.guri + p.uri ang mga salita

The baby/cried. = Umiyak/ang sanggol.


paksa + p.uri = p.guri + paksa
(naiba ang ayos ng pangungusap)

(7) Modulation (Modulasyon) pagsasalin na may pagiiba ng punto de bista o pananaw sa pagbibigay
kahulugan sa iba’t ibang konteksto.

reinforcement karagdagang lakas (militar)


- pabuya o reward (edukasyon)
- pagpapatupad (batas)

(8) Cultural Equivalent (Kultural na Katumbas) ito ang malapit o halos wastong salin (approximate translation),
na kung saan ang isang kultural na salita sa TW ay isinasalin sa katimbang ding kultural na salita sa TW.

American: coffee break


English: tea break
Filipino: merienda
(9) Functional Equivalent (Panksyunal na Katumbas) pagsasalin na ibinibigay ang higit na gamitin at
tinatanggap na katumbas o kahulugan. Tinatawag din itong pagdedekulturalisa ng wika (deculturalizing the
language).

refreshment pampalamig (sa halip na malamig nainumin)


uncooked peanuts hilawna mani (sa halipna hindi pa lutong mani)

3
(10) Descriptive Equivalent (Amplipikasyon) tinatawag din itong amplification, na ang ibig sabihin ay
pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng depinisyong naglalarawan, gaya ng paggamit ng
nounphrase o adjectival clause.

kueh isang uri ng kakanin (mula sa ‘Doubt’


shampoo sabong panlinis ng buhok

(11) Recognized Translation (kinikilalang Salin) pagsasalin sa opisyal at tinatanggap ng marami na salin ng
ano mang institusyunal na termino.

mayor mayor o mayor (bihira ang punungbayan)


signature lagda (hindi signatura)

(12) Addition/Expansion (Pagdaragdag) gramatikal na pagdaragdag ng salita sa salin upang maging malinaw
ang kahulugan.

No money? Oh, I have,I have.


- Mula sa Doubt
Walang pera? May pera ‘ko.
- Mula sa Alinlangan
(13) Reduction/Contraction (pagpapaikli) gramatikal na pagpapaikli o pagbabawas ng mga salita na hindi
nababago o nasisira ang kahulugan ng orihinal.

I’ll take them along tomorrow.


- mula sa Doubt
Babaunin ko ‘yon
bukas.

(14) Componential Analysis (Komponensyal na Analysis) paghahatihati ng mga leksikal na yunit sa mga
makabuluhan component o segment.

The beautiful/ rubber doll/ lying/ on the floor/ belongs to/ Selma.
Ang maganda/ gomang/manyika/ na nakahiga/ sa sahig/ ay kay/
Selma.

3
(15) Paraphase (Hawig) ito ang tawag sa malayang pagpapaliwanag sa kahulugan ng isang segment,
pangungusap o talata. Tinatawag din itong recasting of sentences at sinasabing pinakahuling dapat gamitin ng
tagasalin, sapagkat malimit na mas mahaba pa ito kaysa orihinal.

Decades have passed since Filipino historians felt the initial


(16) Compensation (Kompensasyon)
impulse to rewrite ginagamit kapag
Philippine angfrom
history pagkawala
the pointnaofkahulugan ng isang bahagi ng
the Filipino.
parirala, pangungusap,Mula
o talata ay natutumbasan
sa Chapter o nababayaran
I ng The Philippine, A Past sa ibang bahagi.
Revisited Nangyayari ito kung
ni Renato
ipaghalimbawang mayConstantino
kinaltas na salita sa isang pangungusap sapagkat ang kahulugan nito ay nabanggit na sa
naunang pangungusap.
Marami nang taon, at matagal na ring panahon simula ng ang
mga Historyardor na Pilipino ay maramdaman ang
pangangailangan
(17) Improvements (Pagpapabuti) na simulan
pagwawasto nanggramatikal
sa mga isulat na muli ang kasaysayan
o taypograpikal na pagkakamali sa OT,
ng
kaya’t walang mali sa ST. Pilipinas. Ito raw ay kailangang isulat batay sa pananaw o
pagtingin ng mga Pilipino.

. . . because experience told her that her mother


was wont to scold people at such moments.

. . . dahil alam magagalit ang kanyang ina


Kapag may mga gayong pangyayari.
Mula sa “Doubt”
(18) Couplets (Kuplets) pagsasalin na pinagsasama ang paggamit ng dalawa, tatlo, o higit pa sa pamamaraang
nabanggit.

Noel is not here. He went to John’s birthday.


Mga Pinapayagang Literal na Wala
Pagsasalin
dito si Noel. Nagpunta siya sa bertdey ni John.
(Gumamit ng transposisyon at naturalisasyon)

Halimbawa:

1. He went out of the room.

Salin: Lumabas siya ng kwarto.

3
2. Give me a piece of string.

Salin: Bigyan mo ako ng kapirasong tali.

3. The wind is blowing.

Salin: Ang hangin ay umiihip.

4. Reap what you sow.

Salin: Kung anong itinanim siyang aanihin.

5. President Cory was accorded a state funeral.

Salin: Si Pangulong Cory ay bibigyan ng pambansang libing.

Wala dito si Noel. Nagpunta siya sa bertdey ni John.

(Gumamit ng transposisyon at naturalisasyon)

3
GAWAIN 7

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Iskedyul:

Gawaing Pangupuan

A. Isalin ang sumusunod na pahayag at talakayin kung anong teorya o paraan ng pagsasaling wika ang inyong
ginagamit.

1. “I think being in love with life is a key to eternal youth.” Doug Hutchison

2. “A man who dares to waste one hour of time has not discovered the value of life.” Charles Darwin

3. “All life is an experiment. The more experiments you make the better.” Ralph Waldo Emerson

4. “My mission in life is not merely to survive, but to thrive; and to do so with some passion, some
compassion, some humor, and some style,” Maya Angelou

5. “Don’t worry about failures, worry about the chances you miss when you don’t even try.” Jack
Canfield

6. “Many of life’s failures are experience by people who did not realize how close they were to
success when they gave up.” T. Edison

7. “Love takes off masks that we fear we cannot live without and know we cannot live within.” James
Baldwin

8. “Love is a friendship set to music.” Joseph Campbell

9. “You know it’s love when all you want is that person to be happy, even if you’re not part of their
happiness.” Julia Roberts

10. “If I had a flower for every time I thought of you. . . I could walk through my garden forever.”
Alfred Tennyson

B. Tukuyin kung anong paraan ang ginamit sa pagsasalin sa bawat pahayag.

3
1. English: Wine Filipino: Lambanog

2. I’ll take them along tomorrow mula sa Doubt

Babaunin ko ‘yon bukas mula sa Alinlangan

3. Noel is not here. He went to John’s birthday . Wala

dito si Noel. Nagpunta siya sa bertdey ni John.

4. a beautiful garden isang magandang hardin.

5. I’ll take them along tomorrow. mula sa Doubt

Babaunin ko ‘yon bukas mula sa Alinlangan

6. Old’ house ‘lumang’ bahay

7. shampoo sabong panlinis ng buhok

8. stone mill gilingang bato

9.......because experience told her that her mother

was wont to scold people at such moments. . . .

dahil alam magagalit ang kanyang ina kapag

may mga gayong pangyayari.

10. Reinforcement karagdagang lakas (militar)

- pabuya o reward (edukasyon)

- pagpapatupad (batas)

11. The beautiful/ rubber doll/ lying/ on the floor/

Belongs to/ Selma. Ang magandang/gomang/

Manyika/na nakahiga/sa sahig/ay kay/Selma.

12. uncooked peanuts hilaw na mani (sa halip na

hindi pa lutong mani)

13. birthday bertdey

14. English: tea break Filipino: merienda

15. defence mechanism mekanismong pananggalang

3
HAKBANGHAKBANG NA YUGTO NG PAGSASALIN

Masasabing nagkakaibaiba ang mga hakbang sa sinunodng bawat tagasalin. Ang isang tagasalin mismo ay
maaaring magkaroon ng baryasyon sa hakbang na kanyang isasagawa depende sa uri ng tekstong kanyang
isasalin.sakabanatang ito inilahad ang pangkalahatang mga hakbang sa pagsasaling wika mula sa paghahanda
patungo sa aktuwal na pagsasalin hanggang sa ebalwasyon ng salin. Nilalayon ng kabanatang ito na matulungan
ang isang baguhang tagasalin ng magkaroon ng ideya na maaari niyang isaalangalang kung paano niya
sisimulan, isasagawa at tatapusin ang pagsasalin ng isang akda.

PRELIMINARYONG GAWAIN

Ayon kay Larson (1984), may dalawang uri ng paghahanda. Ang unang paghahanda ay yaong dapat taglayin
ng tagasalin bago simulan ang gawaing pagsasalin at ang ikalawa ay ang paghahanda na isinasagawa niya sa
pagsisimula ng gawain kaugnay ng isang tiyak na proyektong pagsasalin. Ang unang uri ng paghahanda ay dapat
na kinabibilangan ng pagsasanay sa pagsusulat sa wikang pinagsasalinan, sapat na pagaaral sa lingguwistika at
sa mga simulain ng pagsasalin.

Ang ikalawang uri ng paghahanda ay ang paghahandang nauugnay sa tekstong isasalin. Unanguna ay
nanaisin niyang maging pamilyar sa teksto. Upang magawa ito ay babasahin niya nang maraming ulit ang buong
teksto. Nilinaw ni Santiago (1994) na mapapangkat sa dalawang uri ang mga tekstong isinasalin. Ang mga ito ay:
1) mga materyal na teknikal o syentipiko at 2) di teknikal o malikhaing panitikan. Ang unang pangkat ay
kinabibilangan ng materyales na tumatalakay sa sopistikadong antas ng agham, teknolohiya at katarungan.
Kalimitan, ang nakauunawa lamang ng mga tekstong ito ay mga tao o propesyunal sa kanikanilang larangan
sapagkat ito ay gumagamit ng espesyalisadong wika. Halimbawa ng mga ito ang mga materyales na nauukol sa
mga kurso o prropesyon ng medisina, inhinyeriya,arkitektura, at iba pa.

Ang ikalawang pangkat ay kinabibilangan ng mga tula, dula, maikling kwento, nobela at sanaysay,
humanidades, komunikasyon at agham panlipunan. Sa panayam tungkol sa paksang Translation as
Communication na ibinigay ni Larson sa DLSU, Manila noong Abril 1986 ay kanyang sinabi na habang binabasa
ang teksto, dapat markahan ang mga bahaging may kalabuan. Ang kanyang layunin ay upang maunawaan ang
mensaheng nilalayon ng mayakda, gayundin upang madama ang kanyang estilo at tono.

Sinabi pa ni Larson na sa paghahanda sa gawaing pagsasalin kailangan ang pagsasagawa ng pagaaral sa


background material na makukuha. Ito ay kinabibilangan ng pagaaral tungkol sa mayakda, tungkol sa mga
kalagayan habang isinusulat ang teksto, sa layunin ng pagkakasulat nito, sa kultura ng source text (tekstong
isinasalin) at kung para kanino isinusulat ang teksto. Kung ang teksto ay pangkasaysayan, dapat magsagawa ng
pagaaral sa panahon kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung kailan isinulat ang teksto.kung ang teksto
ay tungkol sa kulturang hindi pamilyar sa tagasalin, dapat bigyan ng tanging pansin ang pagaaral sa kaligirang
pangkultura ng source text.makakatulong ang mga aklat sa kasaysayan, mga paglalarawang antropolohikal,
ensayklopidya, at mga komentaryo.kung mayroong mahigit sa isang bersyon ng source text, dapat
paghambingin ang mga ito.

Ang pagaaral tungkol sa background material ay dapat din kinabibilangan ng pagaaral sa mga bagay na may
kaugnayan sa lingguwistika.sa ilang mga kalagayan, makatutulong nang malaki sa mismong tagasalin na
magsagawa ng paghahambing ng mga teksto sa mga wikang isinasailn at pinagsasalinan.

4
Pagsusuri (analysis). Ayon kay Larson,habang binabasa ng tagasalin ang teksto,dapat niyang itala ang mga
leksikal aytem na tila mga key words.ang mga ito ay mahalaga sa pagkaunawa sa teksto.isa sa mga unang
hakabang sa pagsusuri ay ang maingat na pagaaral sa mga key word upang makakita ng magandang leksikal na
katumbas sa wikang pagsasalinan. Kailangang sumangguni sa mga diksyunaryo at encyclopedia para sa higit na
impormasyon. Maaaring magingat ng notebook o file para sa mga importanteng salitang ito.

Kapag may kapasyahang narating tungkol sa leksikal na katumbas, dapat niya itong isulat upang masangguni
kapag lumitaw ang salitang ito sa ibang pagkakataon. Ang preliminaryong pagaaral na ito, ayon kay Larson, ay
upang makatulong na mapagukulan ng pansin ang mga salitang magiging mahalaga sa proseso ng paglilipat,
subalit dapat din isaalangalang ang konstekto kapag ginagamit ang mga key word na iyon sa pagsasalin.

Kapag napakahaba ng teksto, kailangang hatiin ito ng tagasalin sa maiikling yunit at isalin muna ang isang
yunit. Dahil dito mahalagang pagaralan ang mga grouping. Dapat pagukulan ng pansin ang pagkilala sa simula
at wakas ng teksto sapagkat dito mahuhulaan ang paksangdiwa. Bilang karagdagan, ang mga ito ay maaaring
nasusulat sa natatanging estilo at kailangang maingat na isaalangalang sa pagsusulat ng draft ng salin. Ang mga
grouping ay batay sa genre ng teksto kung ito ay narrative, procedural, expository, hortatory, descriptive,
repartee. Ang mga pagkakaiba sa mga genre na ito ay makikita sa pamamagitan ng pagiisip sa layunin ng awtor.
Sa narrative discourse, ang layunin ng awtor ay magsalaysay / magkwento;

sa procedural magatas; sa expository, ito ay upang magpaliwanag; sa descriptive maglarawan, sa hortatory


magpanukala, magmungkahi, o magutos; at sa repartee pagsasalaysay sa palitan ng salita (recount of speech
exchange).

Ang isa pang kailangang bigyan ng pansin ng tagasalin, ayon pa rin kay Larson ay ang mga paguugnayang
(relations) namamagitan sa iba’t ibang yunit, tuklasin kung ano ang ipinahihiwatig ng mga ginamit na cohesive
devices. Ang mga cohesive devices ay yaong mga pangugnay na mga kataga na ginagamit sa pagsusunodsunod ng
mga pangungusap sa talata. Mahalagang ang isang tagasalin ay mayroong kabatiran at makilala ang mga ginamit
na cohesive devices, sapagkat kapag ang mga pagugnay na ito ay hindi nabigyan ng angkop na katumbas,
maaaring mabago ang estruktura ng pangungusap at estilo ng pagpapahayag kung kaya’t maiiba ang kahulugan ng
salin. Ayon pa kay Larson, 1984:

Such cohesive devices as pronouns, substitute words, verbs affixes, deictics, proverbs, conjunctions,
special particles, forms of topicalization, and so forth, if translated oneforone from the source language
into the receptor language, will almost certainly distort the meaning intended by the author, it is therefore,
very important that a translator be aware of cohesive devices and recognize them as such.

Bago ang aktuwal na pagsasalin,mahalagang kilalanin din ng tagasalin ang mga yunit na pinakamahalaga
(prominent). Ipinaaalala ni Larson na kung hindi maingat na sususriin ang mga bagay na pinakamahahalaga
(prominence), maaaring masira ang kahulugan ng teksto kapag sumusulat na ng draft o burador ng salin. Sa
sandaling nasuri na ng tagasalin ang pinakalayunin at binibigyang halagang mayakda sa diskurso saka pa lamang
bibigyan ng angkop na katumbas sa wikang pinagsasalinan ng may diin sa bahaging binigyang halaga ng may
akda. Idinagdag pa ni Larson na sa bawat semantik yunit ay may likas na bahaging pinakamahalaga. Ang buod
ng pagkakabuo ng yunit ang likas na pinakamahalaga.Tulad halimbawa sa paglalahad ng pangyayari, ang
konsepto ng pangyayari ang sentral at pinakamahalagang bahagi at ang ibang konsepto ay nauugnay dito. Sa
paglalahad ng sanhi at bunga halimbawa, ang bunga ay mas mahalaga kaysa sanhi.

4
Ipinaliwanag ni Larson na ang pagsusuri sa tekstong isasalin (source text) ay isang aktibo o dynamic na
proseso. Sa bahaging ito ng pagsasalin ay inaalam ng tagasalin ang lahat ng mga pangyayari (events) at lahat ng
mga kalahok (participants) kabilang na ang anoman na maaaring ipinahihiwatig sa tekstong isinasalin (source
text). Dapat din pansinin ang lahat ng mga iba pang kahulugan (secondary senses), mga matalinhagang
kahulugan (figurative senses), at mga tongkuling pangretorika (rhetorical functions) ng mga salita, parirala,
sugnay o pangungusap. Ayon pa rin kay Larson nakatutulong sa maraming tagasalin ang muling pagsulat
(rewrite) sa simulaang lengguwahe (source language) ng bahagi ng tekstong kanilang isasalin sa mga
proposition, na iniiwasan ang paglihis (skewing) ng deep at surface structureng tekstong isinasalin (source text).

AKTWAL NA PAGSASALIN

Paglilipat

Binigyan ng kahulugan ni Larson (1984) ang paglilipat bilang proseso ng pagkilos mula sa pagsusuri sa
kayariang semantik patungo sa pagsulat ng unang burador o initial draft ng salin. Ang paglilipat, aniya, ay
nagaganap sa isip ng tagasalin. Pagkatapos ng pagsusuri, ang tagasalin ay nahaharap sa paglilipat ng kahulugan
sa ikalawang wika. Sa pagsasagawa ng prosesong ito ay maghahanap siya ng magandang leksikal na katumbas
para sa mga konsepto at kultura ng simulaang lengguwahe. Ayon kay Larson, kailangan niyang magpasya kung
ang mga pamamaraang panretorika at pantalinhaga (rhetorical at figurative device) ng simulaang wika ay
maaaring ilipat o kung kailangan magsagawa ng ilang pagsasaayos. Isasaalangalang ng tagasalin kung anong
mga anyong panggramatika ang gagamitin niya upang higit na masabi ang tamang kahulugan. Isasaalangalang
din niya ang kaisahan (cohesion) at kahalagahan (prominence). Ang bunga ng prosesong ito ay ang unang
burador o draft.

Pagsulat ng Unang Burador

Ang mga hakbang na pagsusuri, paglilipat at pagsulat ng unang burador ay mga gawaing magkakaugnay sa isa’t
isa. Sa aklat ni Larson (1984), inilarawan na sa bahaging ito ng pagsasalin, binabalikan ng nagsasalin ang tekstong
isinasalin at ang tekstong salin. Sa pagsusulat na tagasalin ng kanyang unang burador, maaaring mangailangan
siya ng higit pang impormasyon batay sa kanyang pagsusuri at maaaring balikan niya ang ilang bahagi upang
basahin pang mabuti o tingnan muli sa diksyunaryo. Habang inililipat niya ang kahulugan, papansinin niya ang
mga anyo ng tekstong isinasalin, sapagkat may mga pagkakataon na ang pinakamagandang katumbas ay yaong
kamukha ng anyong ginamit sa tekstong isinasalin subalit sa ibang pagkakataon ay ibangiba ang anyong
gagamitin.

Ipinapayo ni Larson na kapag sinimulan ng tagasalin ang pagsusulat ng unang burador, ito ay dapat sa antas
ng talata. Sa sandaling matiyak niya kung ano ang nais sabihin ng talatang iyon, ang burador na kanyang isusulat
ay dapat lumitaw nang natural hanggang sa maaari, nang hindi tinitingnan ang simulaing lengguwahe o kahit
ang kanyang ginagawang rewrite.

Idinagdag pa ni Larson na dapat ay hayaan niya itong tumunog nang natural at malinaw na ipinahahayag
ang kahulugan. Aniya, higit na madaling kinisin ang burador na natural ang pagkakasulat kahit na kulang ang
impormasyong nilalaman nito kaysa ulitin ang teksto upang magmukhang natural. Sa sandaling makasulat siya
ng burador na mukhang natural ang pagkakasalin sa talata, maaari na niyang tingnan ang mga nawalang

4
impormasyon upang ito ay maging wasto. Binigyang diin ni Larson na ang mahusay na salin ay batay sa mabuting
pagsusuri. Kung isinagawang mabuti ang pagsusuri at malinaw ang kahulugan, hindi mahihirapan ang tagasalin
na ipahayag ang kahulugan sa wikang pagsasalinan.

Ipinaaalala pa rin ni Larson ang mga bagay na dapat isaisip ng tagasalin habang isinusulat niya ang unang
burador. Ang mga ito ay: 1) kung sino ang gagamit ng salin, 2) ang antas ng edukasyon ng babasa, 3) ang layunin
ng awtor, 4) ang paksa ng talata, 5) paksangdiwa ng buong materyal na kinapapalooban ng talata. Ang
pagsasaisip ng lahat ng ito ay makatutulong aniya upang makagawa ng wasto at natural na burador ng salin.

Pagsasaayos ng Unang Burador

Ipinapayo ni Larson na ang pagsasaayos ng unang burador ay hindi dapat isigawa hanggang sa may natapos
na higit na malaking seksyon. Higit namabuti, aniya, kung nag burador ay hindi ginalaw nang mga isa o dalawang
linggo sapagkat sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng bagong pagtingin at higit siyang nagiging obhetibo sa
kanyang ebalwasyon at pagsasaayos nito. Ang pagsasaayos ng unang burador ay kinabibilangan ng pagtingin
kung natural ang daloy at kung wasto ang pagsasalin.

Sa hakbang na ito, ang unangunang ginagawa ng tagasalin ay ang pagbabasa sa manuskrito. Nakatutulong
sa gawaing ito ang pagbabasa rito nang malakas (oral reading) o ang paggamit ng tape recorder habang binabasa
ito at pagkatapos ay pakinggan ito. Sa pagsasagawa nito, dapat niyang tingnan kung: 1) may mga maling anyong
panggramatika o malabong kayaria, 2) may mga bahagi na masyadong maraming salita, 3) maling kaayusan,
masasagwang parirala, 4) mga bahaging tila mali ang mga koneksyon at hindi madulas basahin, 5) collocational
clashes, 6) malabo o hindi niya maintindihan ngayong narinig niya, at 7) estilo. Dapat markahan ang lahat ng
hindi natural at iba sa pandinig at pagkatapos ay isaayos. Kailangan niya itong basahin nang maraming ulit, at
isaisang pagukulan ng pansin ang mga suliranin.

Ang ikalawang bagay na kailangan gawin ng tagasalin ay tingnan ang kawastuhan ng kahulugan. Ang ilan sa
mga suliranin na maaari niyang makita ay kung: 1) may nawala, 2) may nadagdag, 3) iba ang kahulugan, o 4)
walang kahulugan. Sa pagtingin sa kawastuhan ng kahulugan, hindi lang kahulugan ng mga salita ang kanyang
titingnan, kundi pati kahulugan ng mga pangungusap ng mga talata at ng higit na malaking yunit.

Ang ikatlong bagay na dapat tingnan ng tagasalin ay kung malinaw na lumutang ang knayangdiwa. Ang
burador ay dapat ding basahin na pinaguukulan ng pansin ang kargang impormasyon. Dapat niyang tingnan
kung napakaraming hayag na impormasyon na nagiging mahirap sundan ang mga pangunahing kaisipan, kung
kailangan ipahiwatig ang ilang impormasyon,o kung kailangang higit itong ihayag sapagkat ang kakulangan sa
ilang impormasyon ay nagiging hadlang sa komunikasyon.

Taglay sa isip ang mga bagay na ito, ang tagasalin ay magsasagawa ng mga pagsasaayos sa unang burador
at gagawa ng pangalawang burador para baguhin ang anomang bagay na kailangan baguhin.

Pagkatapos na makagawa ng pangalawang burador ang tagasalin, maaari na niya itong ipasubok sa iba, ayon
pa rin kay Larson.

4
EBALWASYON NG PAGSASALIN

May limang paraan pagwawasto o ebalwasyon ng salin para kay Larson (1984) na kanyang tinalakay nang
detalyado:

1. Paghahambing ng salin sa orihinal

Layunin nito upang tingnan kung pareho ang nilalamang impormasyon ng dalawa. Upang matiyak na ang
lahat ng impormasyon ay nailipat sa salin. Sino ang gumagawa nito? Ang nagsalin mismo o ang isang tao na
marunong sa dalawang wikang sangkot sa gawaing pagsasalin at marunong ng mga simulain ng pagsasalin.
Dapat tandaan na ang layunin ay hindi ipareho ang salin sa forms ng Simulaing Wika (Source Language). Ang
forms na tinutukoy ay ang mga paimbabaw na estruktura (surface structure) o ang mga aktuwal na salita,
parirala, sugnay, pangungusap na sinasalita o sinusulat.

2. Baliksalin (Backtranslation)

Sino ang gumagawa ng pagwawastong ito? Isang taong bilingguwal sa mga wikang kasangkot sa pagsasalin.
Kailangan ay hindi niya nabasa ang source text o ang tekstong isasalin. Sa baliksalin o backtranslation,
mayroong munang literal rendering ng salin. May isasaisang tumbasan (one to one correspondence) upang
maipakita ang kayarian o structure ng salin. Pero ang mga pangungusap sa baliksalin ay nasa karaniwang anyo
ng gramatika ng wikang isinasalin.

Halimbawa:

What is your name?

Ano ang iyong pangalan? salin

What is your name? Literal rendering ng baliksalin What

is your name?

Sa halimbawa sa itaas, binigyan ng baliksalin ang salin na Ano ang iyong pangalan? Ngunit bago isinagawa
ang baliksalin, ibinigay ang isasaisang tumbasan (literal rendering) ng bawat salita sa pangungusap What the
your name? Sa pamamagitan nito, malalaman ng tagasalin ang kahulugan/nilalaman ng pangungusap at
mabubuo ang baliksalin What is your name?

Sa ganitong paraan ng pagsasalin, ang konsultant ay may access sa salin kahit hindi alam ang wikang
pagsasalinan dahil mula sa literal rendering ay nahuhulaan niya kung ano ang ibig sabihin.

3. Pagsubok sa pagunawa (Comprehension Test)

Ang layunin ng pagsubok na ito ay upang malaman kung ang salin ay naiintindihan nang wasto o hindi ng
mga katutubong nagsasalita ng wikang pinagsasalinan. Layunin din nito na malaman kung ano ang ibig iparating
ng salin sa mga taong kinauukulan. Sa pagsubuk na ito ay kailangan ng tester at mga respondent. Higit na mabuti
kung ang tester ay ibang tao at hindi ang nagsalin.

4
Ang mga respondent naman ay dapat nagnanais talagang tumulong sa pagpapabuti sa salin. Dapat na
sabihin ang mga respondent na hindi sila ang sinusubok kundi ang salin.

Habang isinasagawa ang pagsubok sa pagunawa o komprehensyon, itinatala mg tester ang lahat ng mga
sagot ng respondent. Maaaring gumamit ng cassette recorder subalit dapat din siyang magtala. Pagkatapos ay
magsasagawa ng ebalwasyon ang tester at ang tagasalin.

May sinusunod na hakbang sa paraang tinatalakay. Ang unang hakbang ay para sa overview. Ipinasasalaysay
sa respondent ang materyal na binasa. Ang layunin nito ay upang matiyak na ang pangunahing pangyayari o ang
paksangdiwa ay maliwanag.

Hindi dapat sumabat ang tester habang nagsasalita ang respondent kundi dapat lamang siyang magatala o
magrekord. Maaari rin ang pagsulat na salaysay.

Ang ikalawang hakbang ay pagtatanong tungkol sa salin. Ang mga katanungan ay dapat nakahanda na upang
mapagisipan at mabuo nang maayos ng tester ang mga dapat niyang itanong tungkol sa pagkaunawa ng
respondent at sa nais niyang subukin.

Ayon pa rin kay Larson, mayroong iba’t ibang uri ng tanong, ang bawat isa ay may ib’tibang layunin. Ang
mga tanong ay maaari upang makapagbigay ng impormasyon sa estilo ng diskurso, o sa tema ng teksto, o
maaaring ito ay mga tanong na nauukol sa detalye ng akda o teksto.

4. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginagamit s Salin (Naturalness Test)

Ang layunin ng pagsubok na ito ay upang matiyak na ang anyo ng salin ay natural at nababagay ang estilo.
Natural ang salin kung ito ay madaling basahin at malinaw ang mensahe. Ang ganitong pagsubok ay ginagawa
ng mga reviewer. Ang mga maaaring reviewer ay mga manunulat (skilled writers) ng wikang pagsasalin (receptor
language) at mga bilingguwal. Dapat ay marunong din sila ng mga simulain sa pagsasaling wika. Sila ay handang
magukol ng panahon sa pagbabasa ng salin at magbigay ng puna at mungkahi upang maganda ang salin. Narito
ang paraan na pagsasagawa nito:

a.) Babasahin ng reviewer ang buong salin upang tingnan ang daloy ng salin at ang pangkalahatang
kahulugan (overall meaning) ng teksto.

b.) Markahan ng reviewer ang mga bahaging mahirap basahin o ang mga bahaging hindi malinaw.

c.) Pagkatapos basahin ang buong teksto, babalikan niya ang mga bahaging minarkahan niya.

4
d.) Magbigay siya ng mga mungkahi sa nagsalin gaya ng pagpili ng tamang salita, wastong gramatika, at
iba pa. Makatutulong ng malaki kung sasabihin ng reviewer kung bakit ng bahaging iyon ay may
suliranin o bakit nangangailangan ng pagbabago.

5. Pagsubok sa Gaan ng Pagbasa (Readability Test)

Ang pagsubok na ito ay isinasagawa ng mga nagsalin o tester sa pamamagitan ng pagbasa ng isang tagabasa
sa isang bahagi. Itinala ng tester ang alinmang bahagi na hindi nabasa nang maayos. Maaari ito isagawa anumang
oras na may bumasa sa salin, hindi sa mga formal na sesyon lamang. Sabi ni Larson, “What is readable for one
audience may not be readale for another, therefore, readability test should be done with persons who will be
users of the translation… Style will be different for different audiences”, dagdag pa niya. Ang readability test ay
maaari rin maapektuhan ng formatting matters. Ang mga ito ay ang laki ng tipo, bantas, baybay, laki ng margin
at puwang sa pagitan ng mga linya.

6. Pagsubok sa Konsistensi (Consistency Checks)

Mayroong iba’t ibang uri ng mga pagsubok sa konsistensi. Ang iba ay may kinalaman sa nilalaman ng salin
at ang iba ay may kinalaman sa teknikal na detalye ng presentasyon, gayondin ang paggamit ng pananalita.

Kung mahaba ang dokumentong isinasalin o ginawa sa loob na mahabang panahon, maaaring hindi na
naging konsistent ang tagasalin sa paggamit ng mga leksikal na katumbas para sa ilang mga key term, kaya
kailangang tingnan ang mga ito sa wakas ng proyektong pagsasalin. Ito ay totoo sa mga dokumentong teknikal,
pampolitoka o panrelihiyon.

4
GAWAIN 8

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Iskedyul:

A. Ibigay ang mga proseso sa pageebalweyt sa ginawang pagsasalin at ipaliwanag ang bawat proseso sa
sariling pananalita.

4
Pagsasalin ng Tekstong Teknikal at Pampanitikan

Sa aklat ni Santiago, 1994, hinati sa dalawa ang mga tekstong isinasalin: (1) mga materyales na teknikal at
(2) mga materyakes na diteknikal o tekstong pampanitikan. Ang una ay tumatalakay sa sopistikadong antas ng
agham at teknolohiya, halimbawa ang mga tekstong nauukol sa mga kursong medisina, inhinyera at arkitektura.
Samantalang ang pangalawa ay tumatalakay sa mga teksto ng malikhaing panitikan tulad ng tula, maikling
kuwento, dula at iba pa. Malaki ang maitutulong ng kabanatang ito para sa baguhang transleytor dahil
mabibigyan sila ng kaalaman sa kaibahan ng mga prosesong sinunod sa pagsasalin ng magkaibang materyal.

PAGSASALIN NG MGA TEKSTONG TEKNIKAL

Ayon kay Santiago (1994), ang mga materyales o tekstong teknikal ay ginagamitan ng isang paraan ng
pagpapahayag na tuwiran at tiyak. Ang bawat terminilohiyang teknikal ay karaniwang iisa lamang ang kargang
kahulugan na di tulad sa mga materyales na hindi teknikal. Ipinaliwanag naman ni Batnag sa isa niyang panayam
na espesyalisado at higit na eksakto ang lengguwahe nito at gumagamit ng maraming salitang hiram, lalo kung
tungkol sa syensyang likas o natural sciences ang isinasalin.

Ibinahagi naman ni Antonio (1995) sa kanyang artikulong Pagsasalin ng Kaalamang Panteknolohiya na may
mga terminolohiyang teknikal na pwedeng tapatan ng salin at mayroon ding hindi dapat isalin at panatilihin ang
orihinal na terminolohiya. Mayroon din mga terminolohiyang maaaring tapatan ng baybay sa wikang Filipino
kung gusto itong maging estilo ng isang nagsasalin.

Pagaralan ng mga halimbawang pagsasalin ni G. Antonio ng mga terminolohiyang panteknolohiya

budding pagpapausbong
artificial insemination artipisyal na inseminasyon
saponification saponification
saturated salt saturated salt
Subalit pinaalalahanan niyang hindi lahat ng terminolohiyang panteknolohiya ay baybayin na lamang sa
wikang Filipino dahil kulang ang kaalaman ng tagasalin sa bokabularyo at kadalubhasaan sa wiakng ginagamit
sa pagsasalin. Aniya, hindi magiging mahusay ang salin na namumutiktik sa binaybay lamang sa wikang Filipino
mula sa wikang Ingles. Sa artikulo ring ito ay binigyangdiin niya ang tungkol sa “essential translation”. Sinabi niya,
“ang paglalapat ng angkop na salita o pagpapanatili ng orihinal na terminolohiyang teknikal sa orihinal na
nilalaman ay bahagi ng matatawag nating “essential translation” o ang paghango ng laman ng isinasaling
kaalaman sa pagsasalin at hindi literal na salin lamang.”

PAGSAALIN NG MGA TEKSTONG PAMPANITIKAN

Nabanggit na sa unahan na ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng mga tula, dula, maikling kuwento,
nobela at sanaysay. Ang ganitong uri ng teksto ay sinasabing higit na mahirap isalin sapagkat gaya ng sabi ni Ian
F. Finlay (1971) tungkol sa pagsasalin ng tula sa kanyang aklat na pinamagatang Translating, “The translating of

4
poetry must surely be a case par excellence in which the old Italian saying traduttori, traditori (translators
traitors) applies. Few things are more difficult than the effective and true meaning of poetry into poetry (if,
indee, it is at all possible).” Ayon naman kay Santiago, nangangahulugan ito na ang lahat ng tagapagsalin ay
taksil sapagkat imposible ang ganap na pagsasalin ng tula. Bilang pagpapaliwanag pa, kanyang sinabi ang ganito:
“Mapapatunayang higit na mahirap liripin ang diwang ibig ipahatid ng isang espesyalistang sumulat ng isang
tekstong teknikal tungkol sa kanyang espesyalisasyon. Kasi, may nadaragdag na dimension ng mga problema sa
pagsasalin ng isang tula na wala sa isang tekstong teknikal.”

Sa pagsasalin ng malikhaing teksto gumagamit ng espesyal na wika sa pagpapahayag ng diwa. May paggamit
ng mga tayutay (figures of speech) na kanyang paraan ng pagpapahayag at ang pagbagtas sa pamamagitan ng
salin sa dalawang magkaibang kultura.

PAGSASALIN NG TULA

Maraming tagasalin ang nagsasabi na napakahirap ang magsalin ng tula kung ihahambing sa pagsasalin ng
mga materyal na teknikal. Sa pagsasalin ng mga materyal na teknikal, mahalaga na maunawaan ng tagasalin ang
mensaheng nais ipaabot ng tekstong kanyang isasalin. May mga teknik at paraan na maaari niyang gamitin
upang mapadali ang kanyang pagsasalin. Napakadaling tingnan sa diksyonaryo ang ibig sabihin ng salitang hindi
alam ang katumbas sa wikang tunguhan. Maaari rin niyang lubusang hiramin ang mga termino mula sa wikang
simulaan. Naipaliwanag na ito sa unang bahagi ng manwal na ito. Ngunit, sa pagsasalin ng tula, maraming bagay
ang kailangan isaalangalang ng isang tagasalin. May makahulugan ang bawat salitang ginagamit sa tula,
mahalaga hindi lamang ang kahulugan nito kundi ang tunog nito. Mayroong mga salitang may nakatagong
kahulugan na kailangang maarok muna ng tagasalin. May mga bagay rin siyang kailangang isaalangalang hinggil
sa anyo ng tulang kanyang isinasalin.

Ano nga ba ang tula at bakit mahirap itong isalin? Ang tula ay sining ng paggamit ng mga salita upang
lumikha ng ilusyon sa ating mga pandama; isang sining upang gawin sa pamamagitan ng mga salita ang ginawa
ng pintor sa pamamagitan ng mga guhit at kulay. (Savory sa Santiago, 1994).

Ayon naman kay Almario sa Santiago (1994), “Ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng magsisintunog
na titik at makahulugang salita. Dapat itong maging isang bagong pangungusap; ang mga titik at salitang dapat
isaayos tungo sa isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa, damdamin, pangyayari, larawan o
kakintalan”. Kung ganon ang tula ay isang paraan ng pagpapahayag ng emosyon at imahinasyon ukol sa isang
isnpirasyon.

Idagdag pa, ayon kay Amado V. Hernandez sa Torres (1982), ang tula ay hindi pulos na pangarap at
salimisim. Di pawang halimuyak, silahis, aliwiw, taginting at alingayngay. May kagandahan din sa kapangitan,
kung paanong, ang brilyante’y nabuo sa sinapupunan ng maitim na karbon. Ang totoo, ang tula’y walang
magagawang paksain. Ang paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay ‘lalong malapit sa katotohanan kaysa
istorya’, at ayon kay Alexander Pope ay ‘higit na maringal ang katotohanan kung nakadamit ng tula’. Malinaw
na itinatampok sa pinakamataas na antas ng panitikan ang anyo ng tula na naglalarawan ng buong katotohanan
ukol sa buhay o sa buong daigdig.

Ang tula, poetry sa Ingles ay mula sa Griyegong salitang poesis na nangangahulugang konstruksyon. Kaya
ang manunulat ay isang tagagawa o tagadisenyo.

4
Sa pagsasalin ng tula mahalaga na makuha ng salin ang larawang iginuguhit ng awtor sa pamamagitan ng
kanyang mga salita. Ayon nga kay Dudley Fitts, (1974) “ang magandang pagsasalin ng tula ay kailangang muling
makabuo ng lahat ng kalidad nito sonal, intelekuwal at emosyon ng orihinal. Sa pagkakasabi nito kailangan
nating idagdag agad na napakaimposible nito. Ang ating matatamo ay hindi gaanong maganda, pangalawang
magaling. . . Maaari nitong muling mabuo nang matapat ang mga elementong malilipatang kahulugan, ang imahe
o kaya’y pinapalad siyang makuha paminsanminsan ang indayog o maaari itong gumalaw nang malaya sa
direksyon ng reaksyon, na sinusubok sa modernong mambabasa kung ano man ang sa palagay ng tagasalin ang
kabuuang epekto ng tula sa orihinal na manonood.

Ang babala ni Savory:’”. . . none but a poet should undertake the translation of poetry.” Ang pagpapahalaga
sa babalang iyan ay ipinauubaya natin sa makakabasa. Samantala’y narito ang isang tunog: May makakagawa
kaya ng isang ganap na salin ng isang tula? Dapat tanggapin, ani Savory, na sa panulaan, ito’y imposible, hindi
magagawa. Ngunit gaya ng nabanggit na sa dakong unahan, ang ganap na pagsasalin ay magagawa lamang kung
ang isasalin ay tulad ng maiikling utos o paunawa na ginagamitan ng maiikli, tuwiran, at makahulugang mga
pananalita.

Sa pagsasalin ng mga akdang klasiko, maging ang mga batikang manunulat ay hindi nagkakaisa tungkol sa
pamamaraang dapat alinsunurin. Ang tagapagsaling ibig daw ni Robert Browning ay yaong “literal at every cost
save that of absolute violence to our language.” Para kay Robert Bridges daw naman, ang mahalaga’y ang estilo
ng sumulat, kaya ang wika niya’y “a translation of Homer should read so that it suggests Homer.” Ayon naman
kay Belloc,” . . . you must not translate Virgil by imitating Virgil.” ang minamahalaga naman daw nina Edward

Fitzgerald at Samuel Butler sa isang salin ay ang pagiging magaang basahin. Sa kabila ng mga magkakaibang
kurong iyan, ang isang nagaaral ng pagsasalin ay hindi dapat masiraan ng loob. Ang pagsasalin, lalo na ang
maririkit na akdang pampanitikan ay isang kawiliwiling libangan at nakapagpapayaman ng diwa’t kaisipan. Sa
pagsasalin ng mga ganyang akda ay para na rin tayong nagaaral ng panitikan panitikang may mataas na uri at
ito’y isang mahalagang bahagi ng wastong edukasyon.

Ngunit umalik tayo sa ating paksa: ang pagsasalin ng tula. Anoanong mahalagang paggunita, bukod sa mga
nabanggit na, ang kinakailangan? Narito ang ilang maidaragdag natin, na kapit sa lahat ng uri ng pagsasalin kaya
kapit din sa pagsasalin ng tula.

Sa pagsasalin ay hindi maiiwasan, kahit paano, ang pagpapakahulugan .

Bawat karaniwang salita sa isang wikang buhay ay may katapat na mahigit sa isang kahulugan.

Ang mga salita’y hindi mga bagay na patay na gaya ng kuwalta na ang halaga’y natutuos sa pamamagitan
ng pagkukuwenta. Hindi natin maibibigay sa Filipino ang hustong katapat ng isang salitang Ingles na gaya ng
pagbibigay natin ng hustong katumbas na salaping Filipino sa salaping Amerikano. Ang mga salita’y may mga
bagay na may buhay, nagtataglay ng marami at iba’t ibang uri ng kahulugan, maraming kaugnay na kinauukulan,
bukod pa sa maaaring magbago sa panapanahon.

Bawat wika’y may mga salitang malabo, at mga salitang gumaganap ng dalawao mahigit pang kahulugan.
Kung ang itumbas mong Filipino sa Change before yougo downstairs ay Magbago ka bago ka manaog may
ipahihiwatig kang iba kaysa magbihis o magpalit ng damit.

5
Ang pagiging karaniwang gamit ay di nangangahulugan ng kawastuhan ng gamit. Ang malaking bilang ng
mga nagkakamali ay hindi panakip sa pagkakamali. Kung ang paanunsiyong Try our new stove ay tumbasan mo
sa Filipino ng subukan ninyo ang aming bagong kalan, lumalabas na ang kalan ay parang isang taong may
binabalak na masama at kailangang manmanan. Ang hinihingi ng teksto ay subukin.

Sa Ingles, ang diin ay karaniwang nasa hulihan, ngunit sa Filipino, ang diin ay nasa unahan. Ito’y mahalaga
lalo na sa mga anunsiyo. Sa Use only XY products, ang panumbas ay hindi gumagamit lamang ng mga produktong
XY. Ang tumpak at ganap na salin, taglay ang karampatang diin , ay mga produktong XY lamang ang gamitin.

Tungkol sa pagsasalin ng tula, kailangan bang “isalin” din ang sukat at ang pagtutugmang ginamit ng makata
(aaaa, abba, abab, atbp.)? Narito ang sabi ng isang editor ng mga salin sa Ingles ng mga dulang Griyego.?

The ideal translation of a poem should reproduce all the qualities sonal, intellectual, effective of the
original. Having said this, we must immediately add that it is impossible. “What is well done in one language,”
wrote Roger Bacon, “cannot be possibly reproduced in another with the same authority which it had in the
original.”

. . . A lesser ideal, the second best, may be achieved, I think, in either

of two ways. It may reproduceeas faithfully sd possible those elements

which can be transferred the meaning, the image, perhaps by a stroke of

luck an occasional cadence and rest there, preferably accompanied by

the original text; or, it may move more freely in the direction of re Action,

attempting to communicate to the modern reader whatever the

translator conceives to have been the total impact of the poem upon its

Original audience.

Idagdag natin ang tatlong batayang simulain ni Woodhouslee na sinipi ni Savory sa kanyang aklat, mga
batayang mapagsasaligan sa paghatol sa kahusayan ng isang salin:

(1) Dapat na lubusang mapaloob sa salin ang mga kaisipang nasa orihinal.

(2) Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay dapat namaging kauri ng estilo at pamamaraan ng orihinal.

(3) Ang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahing katulad ng isinaling akda. Sa iniharap
sa itaas na mga pagunita, pamatnubay at batayang pamantayan ay madaling mapagkikilala na ang
pagsasalin ng tula ay isang mahirap na gawain kahit na sa isang propesyunal. Ang pagkakaroon ng ilang mali ay
hindi maiiwasan, at ang totoo, maging ang orihinal ma, kapag dinaan sa mahigpitang pagsusuri ay hindi
masasabing walang ano mang kasarian. Napakadali ng mamintas, palibhasa’y hindi ito nangangailangan ng ano
mang katangian maliban sa kaunting nalalaman at kaloobang hindi kabutihan.

5
Mga Bagay na Kailangang Isaalangalang sa Pagsasalin ng Tula

1. Pisikal na anyo ng tula

Kung ang tulang isasalin ay kumbersyunal, na tumutukoy sa tulang binubuo ng mga sumusunod na
elemento: sukat, tugma at sesura. Kailangang bigyan ng pansin ang mga elementong ito ng panulaang
Filipino.

Sukat ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod o linya. Sa mga tulang Ingles, tinatawag na
stressedtimed ang kanilang sukat at hindi syllabictimed gaya ng Filipino. Karaniwang may wawaluhin,
lalabindalawahin, labinganimin at lalabingwaluhing sukat ang panulaang Filipino.

Ang wawaluhing sukat ay mayroong walong pantig sa isang taludtod na ang karaniwang hati ay
apat/apat. Halimbawa nito ay ang “Pagpuputong ng Koronang Tinik” ni Padre Mariano Pilapil na kilala
bilang isa sa pinakatanyag na manunulat ng pasyon. Narito ang isang saknong mula sa nasabing pasyon:

Alin kaya’t sinong tao


lubhang malupit sa
mundo ang hinampas ng
ganito kundi lamang
isang Berbo at dahilan
Pinakakaraniwan ang tulang may labindalawahing sukat. Mayroong labindalawang pantig ang bawat
taludtod at linya at may hati na anim/anim. Ito ang pinakagamitin sa lahat ng mga sukat. Tingnan itong isang
saknong na hinango sa Florante at Laura ni Balagtas.

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw


mahina ang puso’t lubhang
maramdamin inaakala pa lamang ang
hinahil,
Ang sukat na labinganimin ay karaniwang ginagamit ng makata kung naiisip niyang ang kanyang tula ay
bibigkasin. Ang hati ng sukat na ito ay walo/walo at malimit na maaari ring apat/apat/apat/apat.

Mutyang baying may sariling / kabihasnan at alamat.


At balita sa bayaning / sa dayuha’y nakitulad;
Ang dakilang Lapulapu / ang humadlang at umatras
Nang sa Mactan ay may isang / Magellanes na lumunsad
(Santiago, 1994)

5
Ang labingwaluhing sukat naman ay may labingwalong pantig sa bawat taludtod at ang hati ay
anim/anim/anim. Tingnan bilang halimbawa ang isang saknong mula sa tula ni Amado V. Hernandez na
pinamagatang “Kadakilaan ng Pasko”:

Ang pasko ay isang / malaking bulaklak / na galing sa langit,/


Sa sangkalupaan / ay naghalimuyak / ang bango’t pagibig:/
Bituing laganap / sa mundo ang kanyang / mayamang
silahis/ At niliwanagan / ang otel sa siudad / at dampa sa

Tugma. Isa ito sa sangkap ng mga kumbersyunal na tula. Ito ay ang pagkakahawig ng tunog sa huling dalawa
o higit na pang mga pantig ng mga huling salita sa isang saknong o taludturang tula. Narito ang ilang mga
halimbawa ng tugamaan sa panulaang Filipino:

a. Tugmaan ng pantig na “a”


1. mga salitang malumay at mabilis (karèra, umàga, bàsa, makinà)
2. mga salitang malumi at maragsa (basâ, mutyâ, maralita, luha)

b. Tugmaan
c. Tugmaan sa pantig
sa pantig na “e, i”
na “o,u”
1. mga
1. mga salitang
salitang malumay
malumay at mabilis
at mabilis (sarili,noo,
(palasyo, bayani, tore)
bisyo, nitso, milagro)
d. Tugmaan sa2.katinig
2. mga
mga salitang
salitang malumi
malumi at maragsa
at maragsa (ngiti,
(puso, mithi,
pinto, kili)sampu, sinusuyo)
pulo,
1. mga katinig na “b, k, d, g, p, s, t” (bilibid, babad, tabak, dagdag, atras, sibat)
3. mga katinig na “l, m, n, ng, r, w, y” (balbal, alam, daan, lasing, lugar, pukaw, away)

Sesura. Ito ang tinatawag sa Ingles na “break or pause in a line of verse” (Santiago, 1994). Ang sesura ay
ang hati ng linya o taludtod. Tingnan muli ang mga halimbawang ibinigay sa itaas na may simbolong guhit na
pahilis (/). Mahalagang malaman ang mga kumbersyunal na elemento ng paulaang Filipino sapagkat sa
pagsasalin ng tula, hindi lamang mula sa Ingles patungo sa Filipino kundi mula sa mga wika ng iba’t ibang rehiyon
ng Pilipinas, kailangang mapanatili ang orihinal na pisikal na anyo ng tula. Kung ang orihinal ay may tugma’t
sukat, mabuting ang salin ay mayroon ding tugma at sukat.

Sa pagsasalin ng tula, hindi maiiwasan ang problema na maaaring maidulot ng pagtutugma. Sipiin natin
ang sinabi ni Savory hingil sa problema sa pagtutugma. Aniya,

5
“Rhyme is an infernal nuisance. . .(It) imposes a constraint upon a writer, a constraint which bear most
heavily on the essential features of the translator’s art, his choice of words. One can scarcely find a rhymed
translation of lyric which does not contain evidence of this, as shown either by omission of something that he did
not. . . The translator has been forced to do so because he has handicapped himself with the tyranny of rhyyme.”

Gayonpaman, ipinaliwag pa rin ni Savory sa Santiago, 1994 na ang ganitong suliranin ay napupunan sa
pamamagitan ng tinatawag na compensation. Sa pagsasalin ng tula, ang diwang nawawala sa isang linya o
saknong dahil sa pagtutugma, ay mababawi o natutumbasan pa rin sa ibang linya, saknong o bahagi ng tula.

5
GAWAIN 9

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Iskedyul:

Mga Pagsasanay

A. salin sa Filipino ang mga sumusunod

1. He became swell headed after being alected president of the Student Council.

2. Tone down your voice.

3. You are my life and my soul, my inspiration.

4. Laws grind the poor and the rich man rule the law.

5. He seems to have lost his senses.

B. Isalin sa wika ng rehiyon ang dasal ni St. Francis of Assisi.

PRAYER OF ST. FRANCIS OF ASSISI Subok na Salin

Lord, make me an instrument of your


peace Where there is hatred, let me sow
loved: where there is injury, pardon;
where there is doubt, faith;
where there is despair, hope;
where there is darkness, light;
and where there is sadness,
joy. O Divine Master,
gant that I may not so much
seek to be consoled as to
console;
to be understood as to
understand; to be loved as to love;
for it is in giving that we receive;
it is in pardoning that we are pardoned;

5
My

Love

My love is like an
ocean It goes down so

Friends

A friend is someone we turn to


When our spirits need a lift.
A friend is someone we treasure
for our friendship is a gift.
A friend is someone who fills our lives
with beauty, joy and grace. And
5 makes the whole world we live in
a better and happier place.
The Miracle of Friendship

There is a miracle called


Friendship That dwells within the
heart
And you don’t know how it
happens Or when it ever starts.
But the happiness it brings you
Always gives a special lift
And you realize that
Friendship Is God most
precious gift.

Jean Klyer MacManus

Superhero
My love for you reaches past the
furthest planet,
Burns stronger than the
sun, Will last longer then
eternity

For you I’d travel to the moon and


back, Climb the tallest tower,
Flight the largest army.
5
You are my
friend, My
companion, My
Superhero

You remind me of a flower,


Pretty inside and outside.
A reason why people smile
everyday, A gift to all.

You remind me of
chocolate, Luscious and
sweet.
Someone people can turn to in
crisis, Loved by all.

You remind me of ballon,


Happy and bouncy
Someone people can have fun
with, Enjoyed by all.

You remind of a lot of


things,
But nothing can compare to the real
person, A friend I can look up to,
Cherished by me.

Jenny Yu

5
5
Ang tayutay at idyoma ay lagi nang nagkakapalitan sa tawag sapagkat kapwa ito tumutukoy sa
matatalinghagang pahayag. Ang tayutay at idyoma ay kapwa rin nagbibigay kulay sa mga pahayag
lalo na sa mga tula. Ngunit sa pagsasalingwika kalimitang ito ay pinagmumulan ng kalituhan o
suliranin kung paano tutumbasan.

2. Ang Tayutay at Idyoma

Ang isa sa mga sangkap na nagpapasalimuot sa pagsalin ng tula ay ang pagtataglay nito ng mga
tayutay. Ang paggamit ng mga tayutay ang nagpapaganda sa sining ng pagtula. Pinasasarap ng
tayutay ang emosyon ng tula, ginagawa nitong lalong maharaya, mabisa at kaakitakit ang pagtula.

“Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang kayarian ng wika upang makapagbigay ng sariwa,
naiiba at kasiyasiyang pagpapahayag at pagbibigay katuturan sa tulong ng paghahambing ng
dalawang bagay na magkaiba ngunit naipagtutulad sa isa’t isa.

Ang tayutay ay hindi mabulaklak na paggamit ng wika kundi masining na pagpapahayag .” (Ongoco
sa Santiago, 1994) Kailangang makuha ng tagasalin ang iba’t ibang kahulugang taglay ng bawat salita
o pahayag. Mahalagang maarok niya hindi lamang ang pangunahin at pangalawang kahulugan nito
kundi pati na rin ang patalinghagang kahulugan nito.

Narito ang ilang halimbawa ng tayutay:

a. Pagtutulad / Simili. Isa itong payak na paghahambing, pagtutulad at paglilipat sa ilang bagay,
tao, hayop o ideya, ginagamit ang mga salita at pariralang gaya ng “parang, para ng, gaya ng, tulad
ng, wangis ng o kawangis, gaya ng, animo’y, tila, (ka) sing”

Nakita kong ikaw’y tila isang talang lumilipad


(Mula sa tulang Mga Balat Kayo ni Amado V. Hernandez)

b. Pagwawangis / Metapora. Katulad din ito ng simile na ang isang bagay, tao o hayop ay ihahambing,
itinutulad o ipinapalit sa ibang bagay, tao o hayop subalit hindi ito gumagamit ng mga kataga o
parirala “tulad ng, gaya ng, animo’y, parang, para ng, kawangis ng, tila, (ka) sing” Bilang halimbawa
ay gamitin din natin ang halimbawang ibinigay sa itaas subalit alisin natin ang katagang tila kaya
ganito ang kalalabasan:

Nakita kong ikaw’y isang talang lumilipad

c. Pagpapalittawag/Metonimi. Ito ay ang paggamit ng isang salita para pumalit o kumatawan sa


kahulugan ng ibang salita. Sa Sining ng Pagsasalingwika ni Santiago ay ibinigay niya ang ganitong
halimbawa:

Dalawang bote pa lang ang naiinom ni Ben, nalasing na siya (kaagad)”

6
Ipinaliwang ni Santiago na hindi ang “dalawang bote” ang ininom ni Ben kundi ang lamang alak ng
mga ito.

d. Pagpapalitsaklaw/Sinekdoki. Isang uri ng tayutay na tumutukoy sa relasyon ng bahagi at kabuuan ng


ang bahagi ay kumakatawan sa kabuuan o ang kabaligtaran nito. Ang halimbawang ibinigay ni Larson
ay ito:

“Give us this day our daily bread.” (Larson: 113)

Ipinaliwang ni Larson na ang “bread” ay bahagi lamang ng pinalitang “food” na siyan talagang
tinutukoy ng panalangin.

e. Pagmamalabis/Hayperboli. Ito ay isang eksaheradong pahayag na sinasadyang gamitin ng


nagsasalita o sumusulat upang mapagibayo ang katindihan o epekto ng diwa o mensaheng kanyang
ibig ipahatid.

Pasan ko ang daigdig

f. Paglumanay (Euphemism). Ito ay ang paggamit ng matalinhagang salita o pahayag bilang pamalit
sa ibang salita o pahayag na nakakasakit ng damdamin o malaswang pakinggan.

“labi ng yumao” sa halip na “bangkay ng patay”

g. Pagbibigaykatauhan/Personipikasyon (Personification). Paglilipat ng katangian ng tao sa mga


karaniwang bagay.

Sumasayaw ang mga punungkahoy sa lakas ng hangin.

h. Panawagan (Apostrophe). Kahawig ng pagbibigaykatauhan/personipikasyon. Ang mga bagay na


walang buhay ay waring may buhay at kinakausap.

O sa gabing madilim, wangis mo’y bituin sa langit

i. Parihaya (Prosopopoeia). Kahawig din ng personipikasyon at ng panawagan. Ang hinihiraya o ang


taong wala sa harap ay waring nagsasalita at kinakausap. Ang ikinaiba nito sa panawagan ay tao ang
kinakausap dito.

6
Hayun,
magkaakbay Ako’t
saka ikaw,
At
nagtatampisaw

j. Antitesis (Antithesis). Napapahayag ng magkasalungat na bagay. Masdan ang halimbawang


ibinigay: (Hangosa Retorika ni Sebastian sa Santiago,1994).

Mahirap pakisamahan ang isang taong katulad niya. . . sala sa


lamig, sala sa init, ayaw ng katahimikan at kasayahan, nayayamot sa
mariwasa at sa nagdaralita, naiinggit sa marunong at nayayamot sa
hangal. Aywan ko kung sa anong uri ng nilalang siya napapabilang.
k. Epigram. Kahawig sa antithesis may kaiklian lamang at katalinghagaan.

Ang lakas ng mga babae’y nasa kanilang kahinaan


(Santiago 1994)

l. Paguyam (Irony). Nagpapahayag ng kabalintunaan, pangungutya, panunuya, o panguuyam sa


pamamagitan ng mga salita o pahayag na pumupuri sa tinutukoy subalit kabaligtaran ang ibig sabihin.

Ang ganda mo palang ngumiti, nakangiwi ang labi.

m. Paradoks. Isang paraan ng pagpapahayag na sa biglangisip ay waring taliwas sa katotohanan o sa


sentido komun, ngunit kapag sinusuring mabuti ay mayroon palang matagtag na batayan.

Isa, saka isa ay isa at hindi dalawa. (pagpapakasal o pagaasawa

n. Pagtatambis/Oksimoron. Paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging katanggap


tanggap naman sa nakaririnig o nakababasa.

Nakakabingi ang katahimikan sa tahanan ng pamilyang namatayan.

o. Onomatopeya. Paggamit ng salitang kahawig okatunog ng tunog ng tinutukoy.

At habang siya’y nakaluhod

6
at taimtim na nagdarasal
ng tunog ng batingaw na umaalingawngaw
sa tulog niyang guniguni’y
dambuhalang pumupukaw.
(Santiago, 1994)

Ang Idyoma

Ito ay salita o parirala naang kahulugan ay iba sa literal na kahulugan nito. Sa aklat ni Santiago (1994), may
binanggit siyang dalawang uri ng idyoma ang idyomang leksikal at ang idyomang parirala. Narito ang ibinigay
niyang halimbawa sa dalawang uri ng idyoma:

Idyomang Leksikal

Bata sweetheart, protégé (hindi child na kahulugang literal nito)

Idyomang Parirala

Give me a ring tomorrow. (‘Tawagan mo ako bukas’ at hindi ‘Bigyan mo ako ng singsing bukas’ na kahulugang
literal nito)

6
GAWAIN 10

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Iskedyul:

A. Pumili ng 20 Idyoma at isalin ito sa Filipino.

* leave out in the cold exclude by omission


* put all my eggs in one basket overspecialize, place too much reliance on one source
* have other fish to fry other things to do, other interests to pursue
* sell like hotcakes really “go over’ in a big way
* blow one’s own horn brag, boast
* be in the limelight get lots of attention
* rob Peter to pat Paul use your rent money to make a car payment
* a broken reed someone you cannot lean on (depend upon)
* leave no stone unturned search everywhere
* rode hard and put away wet exhausted and dishevelled so hungry I could eat a horse very hungry
* rich as Croesus very wealthy
* as old as dirt very old
* wear one’s heart on one’s sleeve show one’s emotions plainty
* look at the world through rose coloured glasses be overlyoptimistic and trusting
* close the door on it; put paid to it finish with something (or someone)
* she’s a basket case she’s totally devastated
* put the bite on me asked me for money
* flogging a dead horse pursuing a lost cause
* when all is said and done at the end
* in the final analysis at the end, after all
* after all because of the reason given, something needs to be considered
“You don’t need to phone him. After all, he never phones you.”
* after all is said and done finally, when everything is settled After all is
said and done the mayor of our city is doing a very good job.
* after hours after the regular closing or finishing time The library has a
place to return books after hours
* against one’s will to be without a person’s consent or agreement
The police took the man to jail against his will.
* against the clock to hurry to do something before a particular time We
Worked against the the clock to finish the project.

6
* ahead of one’s time to have ideas or attitudes that are more advanced than those of others
* The ideas of the politician were ahead of his time.
* ahead of schedule before the time on a schedule that has been decided
* We worked hard all week in order to be ahead of the game on Monday morning.
* ahead of time earlier than arranged or planned
* We strated the meeting ahead of time so that we could go home early.
* aim at (something to plan or try to reach a target
* We are aiming at a big increase in sales next year. air one’s dirty laundry/
linen in public to make public something embarrasing that should be
a secret
* That dinner party became uncomfortable when the host began to air his
colleague’s dirty laundry in public.
* air one’s grievances to complain (often publicly)
* We aired our grievances during the monthy meeting.
* air (something) out to freshen something by putting it in the open air
* We put the blankets outside in order to air them out.
* alive and kicking to be well and healthy
* My aunt is 87 years old and she is very much alive and kicking.
* alive and well to be well and healthy
* The worker is alive and well after the accident.
* absentminded: forgetful
* all ears: eager to listen to someone
* all of a sudden: suddenly
* beat around the bush: speak indirectly
* behind the times: old fashioned

B. Diwa sa Diwang Pagsasalin


Isalin ang sumusunod ayon sa diwa sa diwang pagsasalin:

1. Like Father, Like Son,


2. this is a red letter day
3. If I were in your shoes.
4. He is a well known poet.
5. He plants rice.

6
3. Ideolohiya

Nabanggit ni Rosario CruzLucero sa kanyang artikulong Ang Pitong Buhay ni Annabella: Ang
Tagasalin Bilang Malikhaing Manunulat, Kritiko at Literary Historian ang patnubay na kailangang
isaalangalang ng isang tagasalin ayon sa teoristang si André Lefevere. Una niyang binanggit ang
ideolohiya. Mayroon itong dalawang antas, ang individual na ideolohiya ng awtor at ang ideolohiya
ng uring panlipunan na kinabibilangan niya. Sa pagsasalin ng isang akda, kailangang malaman ng
tagasalin ang indibiduwal na ideolohiya ng awtor. Hindi man ito makukuha sa panayam sa awtor
mismo o ang mga nakakikilala sa awtor, maaaninag sa mga naisulat nito ang kanyang sariling
ideolohiya kung siya ay pormalista, marxista, dekonstruktibista o feminista. Mahalaga ring malaman
ang ideolohiyang nakapalibot sa lipunang kanyang ginagalawan. Kailangang malaman kung anong
uri o antas ng lipunan siya napapabilang at kung anong kapangyarihan ang gumagalaw sa lipunan
niya. Ang ideolohiyang ito ay may malakas na impluwensya sa mga salitang kanyang pinili.
Mahalagang makuha ng tagasalin ang ideolohiyang ito upang maipapaabot din ng kanyang salin ang
tunay na ideolohiya ng orihinal na teksto.

4. Pamantayang Pampanitikan

Pangalawa sa mga nabanggit ni André Lefevere (1977) ang pamantayang pampanitikan. Kailangang
magpasya ang isang tagasalin kung anong kumbersyong pampanitikan ang kanyang gagamitin.
Gagamitin ba niya ang kumbersyong pampanitikan ng panahong iniiralan ng awtor o ng kanyang
panahon.

5. Kulturang Materyal

Mahalaga ring isaalangalang ang kulturang materyal ng panahon ng awtor at mga gawi ng kanyang
panahon, na siyang batayang materyal ng kanyang wika. Ito ang pangatlong iminungkahi ni André
Lefevere. Napapanayam ng wika ang kulturang materyal na isang pook.

Sa layuning mapayaman ang kultura ng Pilipinas, may mga salitang ang kahulugan ay hindi
nasasaklaw ng kahulugan ng ibang wika. Kung gayon, mainam na gamitin ang mga terminolohiyang
ito upang lalong mapayaman ang wika ng bansa.

6. Wika ng Awtor

Ang pangapat ng iminungkahi ni André Lefevere na kailangang isaalangalang ay ang wika ng awtor.
Ang wika ng awtor ng instrumento sa pagbihag at paggayuma sa damdamin estetiko ng mambabasa.
Ang salin ay kailangang kakikitaan din ng ganitong panggagayuma.

May mga salin ng akda na masasabing matagumpay kung ito ay matataas sa dila ng wikang tunguhan.
Subalit, higit na matagumpay kung sa proseso ng pagbubuo ng madulas na salin sa wikang tunguhan
ay makalikon ng marami pang mga terminolohiyang magpapayaman sa bokabolaryong Filipino at
mapanatili ang katutubong kulay ng wika at kultura ng pinagkunang panitikan.

6
Pagsasalin ng Dula

Sa panayam noong 1995 sa De la Salle University ni Dr. Isagani Cruz tungkol sa paksang ito, kanyang sinabi
bilang panimula na ang pagsasalin ay malaya at ibinahagi niya na ang dula ay isang communal experience. Upang
mailarawan ang kahulugan niya ay ibinigay niya ang ganitong halimbawa: kung sa pagtatanghal ng dula ay
nakalimutan ng aktor/aktres ang sinaulong linya at nagadlib siya at higit na ‘kinagat’ o nagustuhan ng mga
manonood ang adlib niyang iyon, iyon na ang linyang gagamitin sa mga susunod pang pagtatanghal ng dulang
iyon.

Dahil dito, masasabing ang dula ay isang bagay na samasamangpinagtutulungang buuin ng tao sapagkat
kahit na ano ang isulat ng mandudula, ang gusto ng higit ng nakararaming manonood kaugnay ng dulang iyon
ang dapat na isaalangalang at sundin ng mandudula.

Act ll scene ll

Romeo (coming forward) He jests at scars that never felt a wound.


(Enter Juliet above at a window)
But soft! What light through yonder window breaks?
It is the East, and Juliet is the sun!
Arise, fair sun, and kill the envious moon,
Who is already sick and pale with grief
That thou her maid art far more fair than she.
Be not her maid, since she is envious.
Her vestal livery is but sick and gren,
And none but fools do wear it. Cast it off.
It is my day; o, it is my love!
That she knew she were!
She speaks, yet she says nothing. What of that?
Her eyes discourses; I will answer it.
I am too bold; ‘tis not to me she speaks.
Two of the fairest stars in all the heaven,
Having some business, do entreat her ayes
To twinkle in their spheres till they return.
What if her eyes were there, they in her head?
The brightness of her cheek would shame those stars
As daylight doth lamp; her eyes in heaven
Would through the airy region stream so bright
That birds would sing and think it were not night.
See how she leans her cheeks upon her hand!

6
That I were a glove upon that hand,
That I might touch that cheek!

Marahil ay wala naman tayong mapapansin dito. Sa tingin natin ay maganda at tama ang pagkakasulat nito,
subalit kung aalamin natin ang pagkakasulat natin ang pagkakasulat dito o kung paano ito naisulat ay
matutuklasan natin na balbal pala o slang ang pagkakasulat nito, ayon sa tagapanayam na si Cruz. Paano ito
naging balbal? Sinabi ni Cruz na kung magsasaliksik tayo at kilalanin ang sumulat nito ay malalaman natin na si
Shakespeare pala ay ‘diaral’ na tao sapagkat bagsak pala siya sa klase. Bakit siya bumagsak? Ipinaliwanag ni Cruz
na noong panahon ni Shakespeare, ang wikang panturo o medium of instruction nila ay Latin. Hindi marunong
magLatin si Shakespeare kaya bumagsak siya. Inilahad pa ni Cruz na nagartista si Shakespeare sa Globe theater.
Mahabang uri ang teatrong ito kaya mababa din ang uri ng mga manonood dito. Sa ganitong kalagayan isinulat
ni Shakespeare ang Romeo and Juliet. Kaya kung titingnan nsting muli ang halaw, mapapansin natin na simple
vestal livery. Mapapansin din na mahilig siya sa maikling salita tulad ng makikita sa pamagat na To be or not to
be.

Kaya kung isasalin natin ito, sinabi ni Cruz na dapat ay tapatan din natin ng balbal na pananalita. Dapat ay
hindi gandahan ang salitang Filipino na gagamitin dito. Ang mahalaga, aniya, ay makuha ang kahulugan at
intensyon ng mga salitang isinasalin.

Ngayong nalaman na natin ang historical milieu nito, ang isa pang dapat gawin ayon kay Cruz kapag nagsasalin
ng dula ay palitan ang pangalan ng mga tauhan, lugar at panahon.

Marahil, sasabihin ng iba na hindi na ito pagsasalin kundi isang adaptation. Sa opinyon ng tagapanayam ang
lahat ng pagsasalin ng dula ay adaptation sapagkat kung hindi ito gagawin, hindi maiintindihan at masisiyahan
ang manonood ng dula bukod pa sa dahilang kailangang ibigay/iakma natin ang dula sa ating kultura. Balikan
natin ang halaw sa dulang Romeo and Juliet. Tingnan natin ang pangalawa sa huling linya. Paano kaya natin
isasalin ang salitang glove doon? Alam natin na gumantes ito a pero hindi naman tayo nagguguwantes maliban
kung may okasyon. Mungkahi ng nagpanayam na palitan ito ng panyo na higit na natural sa atin. Bilang
pangwakas, dapat na isaisip na ang higit na mahalaga ay ang aral na makukuha sa dula.

You might also like