Professional Documents
Culture Documents
May Dalawang Batayan NG Pagkakaiba NG Lahi Sa Timog
May Dalawang Batayan NG Pagkakaiba NG Lahi Sa Timog
silangang Asya
Ito ay ang Biolohikal at kultural.
Ang Biolohikal ay katangiang resulta ng matagalang pakikibagay
sa kapaligiran.
Ang halimbawa nito ay nagiging maitim ang nasa lugar ng
equatorial dahil sa mas matagal na pagkabilad sa araw kung
ikumpara sa mga nasa hilagang polar.
Kabilang din ang natural selection sa biolohikal, na tumutukoy sa
pakikibagay ng organismo sa kanyang lugar upang mabuhay at
makapagparami.
Halimbawa nito ay kung maputi ang taong pinanganak sa
sona ng equator, Malaki ang posibilidad na siya ay mamatay
kaagad at hindi makapagparami dahil sa kanser sa balat.
Kultural, pakikibagay sa kapaligiran ngunit ito ay nagaganap sa
mas maikling panahon ng pagsasaling lahi.
Ang wika, isang elemento ng kultura, ay pinagyayaman ng mga
Gawain at pangyayaring partikular sa isang lugar.
Halimbawa nito ay ang naninirahan sa baybaying dagat ay
maraming kilalang isda habang ang mga taga bundok ay
mayaman sa bukabularyo ng mga halaman at mababangis
na hayop.
May dalawang lahi na unang nabuo noong panahon
paleolitiko
Ito ay ang mongoloid o madilaw, na matatagpuan sa mga
Intsik ng hilagang Tsina, at Australoid o maitim na
matatagpuan sa timog partikular sa Melanesia at Papua New
Guinea.
Patuloy na naghalo ang mga lahi habang lumilibot ang mga taong
pre-historiko sa kontinente ng Asya. Sa prosesong ito nabuo ang
lahing Austronesyano na tinatayang pinagmulan ay ang Timog ng
Tsina, partikular sa Taiwan batay sa mga pag-aaral.
Nagmula sa salitang Latin, auster, na ang ibig sabihin ay south
wind, at salitang Greek, nesos, na ang ibig sabihin ay island. May
mga ngiping pangil na hugis pala (shovel-shaped incisors) ang
Austronesyano na nakuha sa lahing mongoloid ngunit ang wikang
austronesyano ay iba sa Intsik kaya’t masasabing hiwalay ito sa
lahing mongoloid sa antas na kultural.