Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

GAWAIN 1: PAG-UNAWA SA BINASA

Layunin: Natatalakay ang mga kalagayan ng kababaihang Asyano sa iba’t-ibang uri ng lipunan.
Panuto: Batay sa iyong pag-unawa sa mga natutunan sa natapos na aralin, sagutin ang talahanayan.

Ipinasa ni: Luis, James C.


Baitang at Seksyon; 7- Makakalikasan

MGA KABABAIHAN SA SINAUNANG LIPUNAN KALAGAYAN

Sa sinaunang India, inaasahan ang pagsasagawa


INDIA ng suttee ng babaeng Hindu, kung saan ang balo
ay sasama sa pagsunog ng bangkay ng kanyang
yumaong asawa. Makakalabas sila ng tahanan
kung may suot na purdah o takip sa kanilang
mukha. Ang pagkakataong kumain ng babae ay
pagkatapos kumain ng kanyang asawa. Maging sa
pamana ay higit na nakalalamang ang bahagi ng
lalaki kaysa sa babaeng Hindu.

CHINA
Una ay ang footbinding o lotus feet sa mga
kababaihan upang mapanatiling maliit ang
kanilang mga paa. Pangalawa ay ang
pangangalakal ng mga walang halagang anak na
babae.

JAPAN
Ang mga kababaihang Heian ay may taglay na
pantay na karapatan sa pag-aasawa, edukasyon,
at pagkakaroon ng mga ari- arian. Kinilala sa
panahong ito ang mga kababaihang marunong
bumasa at sumulat. Ang karamihan ng mga
sulating nakilala noong panahong Heian ay
nagmula sa mga kababaihang tulad nina Shikibu
Murasaki, Sei Shonogon, at iba. pa.

SAUDI ARABIA
Sa Arabia naman at halos sa lahat ng pamilyang
Islam ang mga kababaihan ay itinatago sa publiko,
hindi nakalalabas ng bahay, pinagsusuot ng damit
na tumatakip sa buong katawan na tinatawag na
“purdah” lalo na kung siya ay Muslim at nasa
mababang posisyon ng lipunan. Subalit ang mga
lalaki naman ay malayang nakikipagkalakalan at
maaaring mag-asawa nang hanggang apa t na
asawa kung kaya niyang tustusan ang mga
pangangailangan nito, ang tawag dito ay Harem at
hindi alintana ang damdamin ng unang asawa. Sa
kabuuan sinasabing mababa ang pagtingin sa mga
kababaihan sa tradisyunal na lipunan at
pamumuhay ng mga bansa sa Asya.

PILIPINAS
Sa Pilipinas naman masasabing naging mataas ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan ng
sinaunang panahon, itinuturing silang kapantay ng
mga kalalakihan, iginagalang sila, iniingatan, at
pinoprotektahan ng angkan, mga magulang,
kapatid, asawa, at mga anak. Mayroon silang
karapatan sa mga ari-arian. Maaari siyang maging
pinuno at tagapagmana ng kaharian o barangay.
Higit sa lahat maaari. Higit sa lahat, maaari siyang
pumili ng kakasamahin sa buhay o asawa. Bunga
daw ito ng kuwento ng Alamat ni Malakas at
Maganda na mga unang tao sa bansa na sabay
lumabas sa buho ng kawayan na babae

You might also like