Professional Documents
Culture Documents
Midterm - Elec 1 Malikhaing Pagsulat
Midterm - Elec 1 Malikhaing Pagsulat
Modyul 2
Sa
ELEC 1
MALIKHAING PAGSULAT
2:30 – 4:00
TTH
1
I. Pamagat
Pagbasa at Pagsulat ng Tula
II. Lagom Pananaw
Isa sa uri nang panitikan ay ang Tula. Ito ay isang kaisipan na naglalarawan ng damdamin,
karanasan, hangarin. Nangangailangan ng maingat na pagpili ng mga gagamiting salita upang
mabuo ang tula, upang lalo pang maipabatid ang anumang hangarin o damdamin.
Sa kasalukuyan ay tila nawawala na ang sukat at tugma ng tula, Mas marami ang
gumagamit ng malayang taludturan. Tila nakalulungkot isipin na sa kasulukuyan , ay tila
kumakaunti na ang mga mag-aaral na mahilig masulat ng tula. Bagamat may mga nagtatangkang
sumulat ng Spoken Poetry –nakahihiligang isulat ng mga kabataan sa kasulukuyan. Ito ay
pormang tula din, na nagsasaad din nangkanilang “mga hugot” mula sa ibat-ibang kuwento nang
kanilang buhay.
Pagkatapos maituro ang kahalagahan ng tula at ang paggaawa nito ay naiilinang din
ang pangkaisipan (cognitive), pandamdamin (affective) at kilos o (psychomotor).
III. Layunin
Natutukoy ang iba’t ibang elemento/sangkap, mga teknik, at kagamitang pampanitikan sa
panulaan
Nakasusulat ng tula na gumagamit ng iba’t ibang sangkap,mga teknik, at kagamitang
pampanitikan
Napapahalagahan ang iba’t ibang tula sa Panulaang Filipino
IV. Mga Nilalaman
Mga Elemento/Sangkap ng tula
Mga Esensyal na Elemento/Sangkap
Mga Elemento ng mga Tiyak na Anyo
Kumbensyunal na Tula (halimbawa: maiikling tulang Tagalog tulad ng tanaga at diona;
haiku; soneto)
Malayang Taludturan
Teknik at kagamitang pampanitikan (Mga halimbawang teksto ng mga batikan/kilalang
lokal at banyagang makata)
2
V. Talakayan/ Deliberasyon
Isang anyo ng malikhaing pagsulat na mahirap bigyan ng tiyak na katuturan ang tula.
Magpahanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin ang masisigasig na makata't mapagtangka sa
pagtuklas sa kasiningan nito. Bagamat marami na ring makata mula sa iba't ibang panig ng
mundo sapul kay Aristotle hanggang kay Jose Garcia Villa ang nagbigay rito ng kahulugan, ang
isang tiyak na pangkalahatan ay hindi pa rin matukoy na ganap. Ang nangyayaring mga
pagpapakahulugan ay nagsisilbing mga paglalarawan lamang ng kalamnan at kayarian nito.
3
4. Ang tula ay nagsisilbing ilaw na nagmumulat, hindi nambubulag. Ang tula ay nagsisilbing
kudyaping umaawit ng buhay ng masa, ng kalayaan, demokrasya at katarungan. ... Ang tula ay
nagsisilbing sandatang pangkultura.
-Rogelio Mangahas
Matutuklasan lamang ang kalbahan ng tula sa ibang akda kung pakaoobserbahan muna
ang mga katangiang tinataglay ng mga piniling piyesa ng ilang di-kilala't kilalang makata na
inihahalimbawa sa ibaba:
1. Walang Pamagat
Sappho
2. A Small Discovery
James A. Emanuel
Father,
Where do giants go to cry?
To the hills
Behind the thunder?
Or to the waterfall?
I wonder.
(Giants cry
I know they do.
Do they wait
Till night time too?)
4
3. Alay
Di-Kilala
I. Sa isang nalalayo
(Pinaluha ako
ng pananahimik mo)
Ngayon, dibdib koy
Handa nang kumalinga
Ngunit nasaan ka?
4. TREN
Manuel Principe Bautlsta
O tila may ulan
ka ahas ma’t hangin
kung saan lumuwa
nagbuhat Sumuba
nagsuot ang lyong
sa bundok katawang
sa lunsod hindi
lumabas masansala
Sa aking sipol mo
pananaw sa hangin
sa lahat ang ibig
ng araw sabihin:
sugo ka rumaragasa
ng haring kang
hindi sa aki'y
mahadlangan darating
5
dugo mo dito sa
ay langis Tutuban
uling mo kita'y
ay buhay hinihintay
lakas mo lulan mo
ay apoy na kaya
ugat mo ang mutyang
ay bakal habilin?
5. Sonnet 29
William Shakespeare
6
6. POEM FOR SONYA (lsang Bahagi mula sa kanyang koleksyong
Marjorie E. Pernia Dreamweavers, 1987)
7
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
8
Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
dugo yaman dunong katilisat pagod
buhay may abuting magkalagot lagot.
9
9. BAYAN KO
Jose Corazon de Jesus
10
GAWAIN 1: SANAYAN
1. Sa pagkakabasa ng bawat tula, napagmasid-masid ang porma o kaanyuan ng
bawat isa, ano ang kapuna-punang katangiang tinataglay ng bawat isa? Ilahad
2. Pag-ugnayin ang bawat paksa at ang porma ng bawat tula. Bigyang palagay
3. Sa ibaba nakatala ang ilang paksa, pumili ng isang kinaiinteresan at sumulat ng
isang maikling tulang may sampung taludtod na isinusunod ang anyo sa inaakalang lantad
nitong katangian.
A. Ulan
B. Punong kahoy
C. Bahay
D. Ibon
E. Bakod
11
Ang Mga Elemento ng Tula
Salita ang materyal na ginagamit sa paglikha ng tula. Kung paanong kinakasangkapan-
kinakalap, binibitawan at isinasaayos ang mga salita sa pagsulat ng tula ang tinutukoy na sagot
dito ay ang mga elemento ng tula.
Karaniwan sa mga mambabasa ang mga ito'y hindi napupuna. Tanging may kamalayan
lamang sa panulaan ang nakakapansin ng mga ito. Kaya sa mga nagtatangka pa lamang magsulat
ng tula ang proseso ay sadyang napakamapanghamon dahil sa mga sumusunod:
3. Tinataya ang mga limitasyong iginigiit ng mga kaanyuan nito’t mga katangian.
Nakasalalay sa mga uri ng ginagamit na mga salita ang madaling pag-intindi sa saysay ng
nilalaman ng akda, at ito ay ang mga sumusunod:
1. Sa etimolohiya, ang orihinal na salitang pinagmulan, madaling makita ang literal na kahulugan
ng salita. Kadalasan nang sa diksyunaryo ito natatagpuan. Ang salitang binakayan halimbawa na
ang kahulugan ay pinaglabanan ay maaaring ugatin sa salitang Tagalog Cavite na baka, isang
deklarasyon ng pakikipaglaban, o bakay, isang pagbabantay o pag-eespiya. Samantala, sa Bikol-
Albay na salita ang bakay ay isang pagsugod o pagtugis
2. Sa mga terminong teknikal na karaniwang. naaasimila-ng lengua franca ay nahihinuha rin ang
kahulugan ng nilalaman, datapwat, kinakallangan din ang kaalaman sa partikular na larangang
kinabibilangan ng salita para lubos na maunawaan. sa musika, halimbawa, karaniwan ang
12
salitang boses, pero pag ginamit na ang mezzo soprano, kompositor lang o isang dalubhasa rito
ang magiging pamilyar.
5. Sa mga bagong likhang salita gaya ng salitang jaguar na ginawa pang pamagat ng pelikula ni
Lino Brocka ay isang Ingles-Amerika na nangangahulugan ng isang uri ng mabangis na hayop na
karniborus mula sa pamilya ng mga pusa, ngunit dito sa Pilipinas ang kahulugan nito ay
guwardya na bínaliktad lamang. May kaugnayan din marahil sa guwardyang Gestapo noon sa
Alemanya na jaguar din ang tawag. Sa pamamagitan ng mga pagbabago ng kahulugan at anyo ng
salita lumalawak ang kahulugan nito.
6. Sa mga alusyon na isang di-tuwirang pagtukoy sa pangalan ng tao, lugar, hayop. pangyayari at
sipi na kilala sa iba't ibang partikular na larangan tulad ng Bibliya, Mitolohlya, Literatura,
Kasaysayan, atb, napapalawak lalo at napapalalim ang kahulugan at asosasyon ng nilalaman,
Arketipo kung tawagin ito sa Kritisismo. Halimbawa: Adan, Parnaso, Tsumani sa Ormoc, Silid
Kong Sarili at iba pa.
13
Ang Larawang-Diwa
Imagery kung tawagin ito sa Ingles. Ito ang mga nabubuong larawan o imahen sa isipan
na nililikha ng guniguni ng mga mambabasa. Mula ito sa mga mapapandamang pahayag. Yaong
mga pananalitang nagpapahiwatig ng galaw o kilos, temperatura, tekstura, kulay, amoy, lasa at
mga kapangyarihang pangkalikasan sa katha.
Halimbawa:
Ang Balarila
Kung paanong ang mga salita, mga ideya ay napag-uugna-ugnay sa isa't isa at
napagsusunud-sunod sa pagsusulat ay gawa ng kaalama sa linggwistika o gramar. Subalit ang
mga makata ay may kakaibang kalayaang bumago sa mga nakaugaliang kaayusan ng mga
pangungusap para sa kapakanang magkaroon ng kaibang epekto ang katha. Kung tawagin nila
itoy lisensyang pampoesya o poetic license. Sa halip na isimple o inatural ang ayos, tinataliwas
nila sa pamamagitan ng mga teknikong pansining gaya ng pagsasa-montage o paghahalu-halong
parang walang kawawaang pagsasalansan ng mga ideya, at pagdidisporma o distorsyon ng
imahen.
14
Ang mga Tayutay
GAWAIN 2: PAGTATAMBIS
Bigyang kahulugan sa isang salita lamang ang mga sumusunod na idioma o
pagtatambis
15
Ang mga Elementong Pangkayariang-
Tunog ng Tula
Ang natatanging kulay o kalidad ng tunog na nalilikha ng iba't ibang titik at salita na
bumubuo sa tula (para makabuo sa tula ng isang ganap na kahulugan) ay ang tono nito. Pag-uulit
ang pinakaepektibong kasangkapang ginagamit para makamit ito. Madali itong madetekto saan
mang bahagi ng mga taludtod sapagkat makailang beses ang titik o salita o parirala o
pangungusap nauulit ng gamit. May ilan ding uri ang pag-uulit, at itoy ang mga sumusunod:
1. Aliterasyon kung ang tunog ng titik ay nagkakapareho dahil inuulit ang gayong letra.
Asonansa ito kung patinig, at konsonansa naman pag katinig.
Halimbawa:
a. Gumising ka giliw sa gitna ng gabi
gupili'y gusutit garampot tang gintong
gunitay gunamin.
2. Anapora kung ang inuulit ay ang salita o pariralang nasa unahan ng bawat taludtod.
Halimbawa:
a. Panahon na upang ang diwa'y lumipad.
Panahon na upang ang puso'y tumigas
Panahon na upang ang naipong lakas
ay pahulagpusin at sa'yo ibagsak.
Paraanin Mo Akol
Jose M. Buhain
16
b. Hayaang humagulgol ang aso sa tumana.
Hayaang sa duluha'y may lampong na pusa.
Hayaang sa puso'y may katyaw na tumutuka.
Bahay-Bahayan
Rogello G. Mangahas
3. Anadiplosis - kung ang pag-uulit sa salita ay sa unahan atsa hulihan ng isang taludtod o sa
hulihan at sa unahan ng magkasunod na taludtod o vice versa.
Halimbawa:
a. Ang kaluwagan mo sa "king kagipitan,
kagipitang minsan ay pinagpulasan ...
Bitiwan Mo Ako
Jose M. Buhain
b. Kamukha ng isang sagang walang mukha,
Kabila ay pula't itim ang kabila ...
Ang Buhay
Anacleto L. Bustamante
5. Empanodos - ito ay tinatawag ding pabalik na pag-uulit kung saan ang pahayag ay
binabaliktad pag inuulit.
Halimbawa:
a. Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit
b. Ang Diyos ang simula ng wakas at ang wakas ng simula.
17
Isa pang kasangkapang magagaamit dito ay ang onomatopeya o paghihimig kung saan
ang tunog na salitang ginagamit ay siya ring kahulugan nito.
Halimbawa
1. ngiyaw 7. paswit
2. kariring 8. dagungdong
3. saluysoy 9. kalembang
4. lagaslas 10 tilaok
5. lawiswis 11. kuliglig
6. uha 12. kokak
GAWAIN 3: PAGLIKHA
Sa bawat uri ng pag-uulit, bumuo ng tig-dalawang halimbawa na nasusundan ang
paraan sa pagbuo sa mga ito.
1. Aliterasyon
2. Anapora
3. Anadiplosis
4. Epipora
5. Empanodos
Ang Tugma
Ang pagkakasintunog ng mga pantig sa bawat taludtod ng tula ay ang tugma. Kapag ang
huling mga pantig ay magkakatugma, eksternal ang tawag; kapag nasa loob ng taludtod, internal
naman. Sa Ingles, may tugmaang tinatawag na maskulino at feminino. Kapag nagaganap ang.
tugmaan sa isang pantig na salita lamang. Ito ay maskulino gaya ng: ay!, Tay, Bay, raw, tsaw,
mylaw; datapwat pag binubuo na ng dalawang pantig ang salitang pinagtutugma, ito ay
feminino, gaya ng: solo, polo, pilig, kilig, at gayundin pag binubuo na ng tatlong pantig ang
dalawang salitang pinagtutugma na ang tigdalawang pantig ay magkasintunog gaya ng: diwata,
sawata, salingin, bilingin, at tsubibo, negatibo. Datapwat, sa panulaang-Flipino, dadalawang uri
18
lamang ang tugmaan: tugmaang patinig at tugmaang katinig. Taong mga salitang nagtatapos sa a,
e, i, o, u ay tugma sa patinig at iyon namang mga salita na nagtatapos sa katinig na b, d, g, k, p, t
, s at , m, n, ng, w, y ay tugm na sa katinig.
Dapat tandaan sa palatugmaan ang iba't ibang uri ng dlin malumay, mabilis, maragsa,
malumi- para maging ganap ang pagka kasintunog. Ang pagkakahalu-halo ng diin ay likha-ng
talwasang tunog. balikan ang mga halimbawang tradisyunal na tula sa mga naunang pahina at
makikita roon ang tugmaan.
Ang Sukat
Bagamat ito’y bahagya nang natalakay sa unahan, makagagaling sa pag-intindi ang pag-
uulit.
Ang bilang ng pantig sa isang taludtod ang tinatawag na sukat. Kasama na rin dito ang
bilang ng mga taludtod na bumubuo sa bawat saknong.
Ang sukat ng pantig sa bawat taludtod ay maaaring tatluhan, apatan, limahan, animan,
pituhan, waluhan, siyaman, sampuan, labindalawahan, labing-apatan, labing-animan at
labingwaluhan.
Narito ang lang halimbawa:
19
Waluhan (8) Siyaman (9)
Cung sa langit nabubuhay Mga parang masasalapi,
Ang sa lupa'y namamatay. Mga paring ubod ng yaman,
Ano't kinatatakutan Bakit po ninyo inaapi
Ang oras ng kamatayan? Ang kawawa ninyong tauhan?
Labindalawahan (12)
Ulan! Hala, ulan! punin mo ang bukid
Na ang hinihingi’y ang dala mong tubig.
Basain mo kaming darang na sa init
At iyong sabuyan ang ayaw maglinis.
Dalit sa Ulan
Jose Corazon de Jesus
Labing-apatan (14)
Kinapa ng kamay mo ang init ng palad ko
Na sa gabi ng pagtulog ay nakikiramay..
Pakikipagniig
Ermelita Perez-Baes
Labing-animan (16)
Lumuha ka, aking bayan, buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa;
ang bandilang sagisag mo'y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika;
ganito ring araw noon nang saklutin ang Maynlla.
labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynilla.
Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan
Amado V. Hernandez
20
Labingwaluhan (18)
Tulad mo ay talang kukuti-kutitap sa aking paglakad
Dahilan sa lyo ang gabi ng buhay ay naglahong ganap
lsang aso ka lang sa mata ng iba at napakahamak
Ngunit sa buhay ko, Ikaw ay patnubay, ikaw ay liwanag.
lsang Aso: Sa Buhay ng lsang Batang Bulag
LGT Rubin
Tradisyunal na matatawag ang berso kung binibilang ang mga pantig sa bawat taludtod at
pinagkakasintunog ang mga huling pantig ng salita sa bawat taludtod. Kung tawagin ang una ay
sukat; ang huli’y tugma.
Ang mga tradisyunal na berso ay may bilang na taludtod para makabuo ng saknong.
Maaaring gawing dalawahang taludtod lamang ang bawat saknong na kung tawagin ay
daludturan, sa Ingles, couplet Maaari ding tatluhan o triplet. Pwede ring apatan o quartrain sa
Ingles. Pwede rin namang limahan, animan, pituhan, waluhan, atb. ayon sa kagustuhan ng
makata.
21
Sa mga anyo ng bersong ito, ang mga tiyak na kilala ay ang balada, soneto at blangkong
berso o blank verse. Malaya naman ang taludturan kung hindi sumusunod sa tradisyunal na
kagustuhang panukatan. Hindi pare-pareho ang sukat ng mga taludtod. May mailkli, may
mahahaba. Ang ritmo o Indayog ng tula ay wala sa pagpapantig kundi nasa pagpaprasa o
paggugrupo ng mga salita. Maaaring sa isang salita lang, sa isang parirala, o sa isang sugnay na
kadensa. Ang pinakayunit ng kadensa kung tawagin ay istrope.
Samantala, prosa naman ito kung ang pagsulat ay ayon sa karaniwang pagsasalita ang
kayarian ng mga pangungusap. Ito'y sinusulat na parang komposisyon lamang na patalata ang
pag-uugnay at pagsasaayos ng mga kaisipan.
Halimbawa:
Sa unang tangkang bumangon ay nabigo si Deo. Hindi niya maiangat ang kanyang
katawan. Napakabigat Kailangang ipunin ntya't hilahin pa munang bigla ang kanyang lakas bago
siya makabangon. Lalo siyang nabalisa nang namalas niya ang kanyang kinalalagyan. Nawari
niyang tila wala siya sa daigdig. Napakaingay ng kapaligiran. Masalimuot ang ibat-ibang uri ng
ingay na kanyang naririnig. Mga daing. Mga mabibigat na yabag. Mga kalantong ng lata. Mga
pabagsak na pagbukas at pagsara ng tarangkahang bakal. Mga kulong malalapot ng kung anong
nilalaga. Mga iyak at mga sigaw ng mga nasasaktan o nahihirapan. Mga tunog ng sarisaring
makina at kung anu-ano pa. Nakakatulig, Nakakabingil Nakakabaliw. lsang pook na ganap ang
kabulabugan.
Uminog ang kanyang paligid. Tumayo siya't pasuray-suray na Tinakbo niya ang gutom
na pintuan. Sa kanyang pagmamadali, Sumabit ang balikat niya sa gild ng pinto na kung hindi
siya agad- agad nakakapit, tiyak dapa sa ilong siyang sumubsob. At sa kanyang pagkakatingala,
sumilaw sa mata niya ang bilang ng silid na kanyang pinanggalingan. Kapipinta lamang nito sa
dingding. Mistula itong dugo na sariwa pang tumutulo.
22
GAWAIN 4: PAGSASANAY
Sa makabagong panhon ng panulaan, ikaw ay naatsang gumawa/ lumikha ng
isang tulang may malayang taludturan ayon sa nais na tema. Gumamit at piliin ang
mga salitang ilalagay sa tula na kakikitaan ng mga simbolismo.
VI. Sanggunian
Malikhaing Pagsulat; 2000 ni Jose A. Arogante and Great Books Trading
23