1st MT Fil9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Unang Buwanang Pagsusulit (HULYO) 2018-2019

Filipino 9

Pangalan/ Seksyon _______________________________________Petsa____________Iskor:________


I. Pangkaalaman
Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang masuri at matukoy ang mga ideya tungkol sa
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

A. Panuto: Suriin at intindihing mabuti ang mga ideya sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa
kahon ng mga salita sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Nobela Kwentong Makabanghay Bill France Timawa

Papataas na Aksyon tao laban sa sarili Andres Talon Banghay

Timog-Silangang Asya Konotatibo Malaysia Simula

Denotatibo Myanmar Panlipunan

____________________________1. Ito ay tumutukoy sa hindi tuwiran at hindi pangkaraniwang


pagpapakahulugan.

____________________________2. Uri ng akdang tuluyan na may mahabang kawing ng panahon at


ginagalawan ng maraming tauhan.

____________________________3. Salitang maihahalintulad sa isang aso na sagpang ng sagpang.

____________________________4. Ito ay tumutukoy sa maayos at masinop na daloy ng


magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan.

____________________________5. Bahagi ng banghay na naglalaman ng kilos, paglinang sa tao o mga


hadlang o suliranin.

____________________________6. Isang tunggalian sa nobela kung saan ang pangunahing tauhan ay


laban sa lipunang kanyang ginagalawan.

____________________________7. Sinong tauhan sa nobelang Timawa ang nagsabi ng pahayag na


“Walang maitatago sakin yan. Iyan ang tinatawag na nauuhaw
ngunit ayaw makiinom.”

____________________________8. Rehiyon na tumutukoy sa mga bansang magkakasama sa


dalampasigan ng Dagat- Timog Tsina at Karagatang Pasipiko.

____________________________9. Ito ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita.

___________________________10. Sinong tauhan sa nobelang Timawa ang nagsabi ng pahayag na


“Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko?”

___________________________11. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o


pananaw ng iisang tao.

Ms. Madrigal/Filipino Page 1


___________________________12. Sa bahaging ito ipinakikilala ang suliraning kakaharapin ng
pangunahing tauhan.

___________________________13. Ang mga bansang Laos, Myanmar, France at East Timor ay mga
bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya maliban sa isa.

___________________________14. Ito ang bansa kung saan nagmula ang kwentong Tahanan ng Isang
Sugarol.

___________________________15. Ito ay isang kwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na


daloy ng mga pangyayari.

B. Panuto: Isulat ang PL kung ang tunggalian na makikita sa pahayag ay Pisikal o Tao laban
sa Kalikasan, PN kung Panlipunan o Tao laban sa Kapwa Tao at PB naman kung ang
tunggalian ay Panloob o Tao laban sa Sarili. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

______16. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay sumasailalim sa matinding kalamidad sa kanilang


bayan. Nasira ang lahat ng kanilang bahay at ari-arian dulot ng bagyo at matinding pagbaha.

______17. Ang binatang si Pepe ay hinuli at ipiniit sa Cavite sapagkat ayon sa mga mamamayan sa
kanilang bayan siya raw ang nangunguna sa pagtuligsa sa simbahan.

______18. Sa pagpunta ni Rama sa kakahuyan ay nakatunggali niya ang kanyang mortal na kaaway.
Sila ay naglaban at sa huli ay napatay niya ito.

______19. Si Sarah ay isang ulilang lubos dahil sa pagkamatay ng kanyang pamilya mula sa paglindol
noong isang Linggo.

______20. Ang karakter na si Troy ay nagdadalawang isip kung ililigtas ba niya ang kanyang pamilya
mula sa kapahamakan o iiwan ang kanyang pangarap.

______21. Isang estudyante na umuwi ng gabi sa kanilang tahanan, nag-iisip siya kung
magsisinungaling sya at sasabihing gumawa ng project o magsasabi ng totoo at sasabihing
gumala kasama ng barkada.

______22. Ang tatay ni Anna ay nasuri na may kanser. Ngunit dahil sa kahirapan, kailangang gumawa
ng paraan si Anna para maipagamot ang kanyang tatay.

______23. Ito ay karaniwang idinadaan sa lakas ng katawan, tagisan ng kapangyarihan,paniniwala,


pananaw, prinsipyo at iba pa.

______24. May kaugnayan ito sa pagtitimbang- timbang ng mga pangyayaring kinahaharap ng


pangunahing tauhan at kung ano ang kanyang gagawing pagpapasya.

______25. Madaming namatay, nasugatan, at nawala dahil sa bagyo na halos umabot sa signal #4.

C. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang matukoy kung anong elemento ng banghay
ang taglay ng mga sumusunod na pangyayari.

Panuto: Suriin at tukuyin ang elemento ng banghay ang tinataglay ng bawat


pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A- Panimulang Pangyayari
B- Papataas na Aksyon
C- Kasukdulan
D- Pababang Aksyon
E- Wakas

Ms. Madrigal/Filipino Page 2


______26. Isang gabi, naramdaman ni Lian Chiao na siya ay manganganak na ngunit wala ang kanyang
asawa sa bahay.

______27. Sa isang luma at hungkag na bahay ay may nakatirang isang pamilya. Si Li Hua, ang sugarol
at walang silbing asawa, si Lian Chiao na isang buntis at ang kanilang dalawang anak na sina
Ah Yue at Siao Lan.

______28. Lumabas si Li Hua sa kotse at nagmamadaling pinagalitan sina Ah Yue at Siao Lan. Muli
itong sumakay sa kotse, isinarado ang pinto at saka pinatakbo ng mabilis. Samantala, ang
dalawang bata ay naglalakad na pauwi sa kanilang bahay.

______29. Nagtungo si Lian Chiao sa Hsiang Chi coffee shop upang sunduin ang kanyang asawa.
Pinahiram sila ng may-ari ng kapihan ng sasakyan upang dalhin siya sa ospital.

______30. Sa tuwing hindi pa nakakaluto ng hapunan si Lian Chiao ay sinasaktan siya ng kanyang
asawang si Li Hua. Maging sina Ah Yue at Siao Lan ay napagbubuhatan din nito ng kamay.

______31. Si Andres Talon ay isang mahirap na Pilipino na tinupad ang pangarap sa Amerika.

______32. Isang araw ay isinama siya ng kanyang ama sa bahay ng amo ng kanyang ama para sa isang
pagtitipon. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay dumating ang Donya, ang asawa ng
amo ng kanyang ama at sinabihan sila ng Timawa.

______33. Bago umalis si Andres ay nagpasalamat muna ito sa dalaga at sinabing hindi pangkaraniwan
ang gabi iyon sa kanya.

_____34. Sumama si Andres sa isang kamag-anak na nagtatrabaho sa isang bapor na nagyayaot sa


Pilipinas at Amerika.

_____35. Namatay ang ama ni Andres dahil sa sakit na pulmonya.

II. Pamproseso
Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang makabuo ng isang makabuluhang sanaysay
tungkol sa mga isyung panlipunan na tinalakay sa akdang Tahanan ng Isang Sugarol.

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa pang-aabuso sa mga kababaihan o yung


tinatawag na domestic violence.

36-50.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ms. Madrigal/Filipino Page 3


Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangailangan Iskor
ng Gabay
5 4 3 2 1
Paglalahad Napakahusay Mahusay na Inilalahad May Nangangailangang
ng Paksa na nailahad nailahad ang ang paksa sa papaunlad na paunlarin ang
ang paksa sa paksa at may katamtamang kasanayan sa kasanayan sa
pamamagitan pagkamalikhai pamamaraan pagsulat ayon pagsulat
ng pagiging n sa pagsulat ng pagsulat sa paglalahad
malikhain sa nito. ng may ng paksa.
pagsulat nito. pagtatangka
sa pagiging
malikhain
nito.
Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat angNaisulat ang Hindi naisulat ang
katawan ayon katawan ayon katawan ayonkatawan ayon katawan ayon sa
sa mga sa dalawang sa isang ideya
sa paksang dapat
suportang ideya na batay sa magkakaibang talakayin.
ideya na tumutugon sa paksang ideya na
tumutugon sa kabuuan ng tinatalakay.tumutugon sa
kabuuan ng sanaysay batay kabuuan ng
sanaysay ayon sa paksang sanaysay
sa paksang tinatalakay. batay sa
tinatalakay paksang
tinatalakay.
Konklusyon Naisuma ang Naisuma ang Katamtamang Papaunlad Hindi naisuma
sanaysay ayon sanaysay ayon naisuma ang ang pagsuma ang buong
sa sa isang tiyak sanaysay ng buong sanaysay.
pangkabuuang na kaisipan o ayon sa sanaysay.
kaisipan o mensahe. kaisipan o
mensahe. mensahe.
Kabuuang Iskor: /15

Ms. Madrigal/Filipino Page 4

You might also like