Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Unang Markahang Pagsusulit (Agosto) 2019-2020

Filipino 10

Pangalan/ Seksyon _______________________________________Petsa____________Iskor:________

A. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 mahasa ang pag-unawa upang matukoy ang angkop na kasagutan sa bawat katanungan; at
 matukoy ang mga mahahalagang kaisipan mula sa natalakay

Panuto: Unawaing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin at isulat ang malaking titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A- Kung tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap

B- Kung ang una at ikalawang pangungusap ay tama
C- Kung ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawang pangungusap ay tama
D- Kung ang una at ikalawang pangungusap ay mali

______1. Sa mga Hudyo noong unang panahon, ang kasalan ay nangyayari sa gabi.
Ang Greece ay isang bansa na nakabilang sa Rehiyon ng Mediterranean na kilala sa tawag na
Holy Land o Banal na Lupain.

______2. Si Pygmalion ay isang makisig na pintor na kinahuhumalingan ng maraming kadalagahan.

Ngunit hindi siya nagpakita ng interes sa sinumang babae dahil karamihan sa kanila ay mga
bayaran.

______3. Ang kasalan ng mga Hudyo ay isang maringal na pagdiriwang kaya ito ay umaabot ng buong
magdamag.
Sa pagpasok ng ikakasal ay inaanyayahan ang sinumang tao na pumasok sa pagdarausan ng
kasal upang masaksihan ng lahat ang espesyal na pagdiriwang.

______4. Ang pasulat na komunikasyon ay makikita rin sa mga aklat, magasin, dyaryo, blog at iba pa.
Ang pasalitang pakikipagtalastasan ay maaaring sabayan ng di berbal na mga signal.

______5. Ang mitolohiyang Griyego ay kinatatampukan ng mga kwentong pag-ibig, pakikidigma at

pagpapakita ng iba’t ibang kapangyarihan ng mga diyos at diyosa.
Isa na rito si Aphrodite na diyosa ng katalinuhan at pag-ibig.

______6. Ang limang dalaga ay tinawag na hangal sapagkat hindi sila nakapagbigay ng alay para sa
mga ikakasal.
Samantala, ang limang matatalinong dalaga naman ay naghanda ng isang piging para sa mga
bisita ng ikakasal.

______7. Umibig ang binata sa kanyang likha na si Galatea na gawa sa isang uri ng kahoy.
Tinuring niya ito na parang isang tao. Binibihisan at inaalayan niya ito ng mga bulaklak,
kabibe, ibon at iba pa.

_____8. Ang kasalan ng mga Hudyo ay nagsisimula sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at
ama ng dalagang ikakasal.
Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan ng binatang ikakasal ang
limang hangal na dalaga.

_____9. Ang tamang gamit ng salita, baybay, bantas at gramatika ay naipamamalas sa di berbal na
pakikipagtalastasan.
Sa pamamagutan ng pakikipagtalastasan ay nakapagpapaabot tayo ng impormasyon, kaisipan,
pananaw, opinion, reaksiyon, damdamin at iba pa.
_____10. Dahil sa labis na pagmamahal ni Pygmalion ay binuhay ni Aphrodite si Galatea.

Ms. Baccay/Filipino Page 1

Ikinasal ang dalawa at bumuo ng isang masayang pamilya.

_____11. Nahahati sa dalawang grupo ang sampung dalaga. Ang unang grupo ay tinatawag na
matatalino at ikalawa naman ay mga hangal.
Ang pangunahing paksa ng Parabula ng Sampung Dalaga ay tungkol sa pag-ibig at
kagandahan.

_____12. Si Paphos ang unang anak nina Pygmalion at Galatea. Ang kanyang pangalan ay nagmula sa
bagay na ginamit ni Pygmalion sa paglikha ka Galatea.
Bilang pasasalamat kay Aphrodite ay ipinagkaloob nila ang kanilang ikalawang anak na si
Metharme sa diyosa.

B. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang matukoy at masuri ang aspekto at pokus ng
pandiwang ginamit sa bawat pangungusap.

Panuto: Bilugan ang pandiwa sa pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang ang titik P
kung ito ay Perpektibo, I kung ito ay Imperpektibo at K naman kung ito ay Kontemplatibong
aspekto ng pandiwa.

______13. May sumabit na saranggola sa poste.

______14. Pinapastol niya ang mga kawan ng tupa.
______15. Ang magiting na tagapagsalita ay pinalakpakan dahil sa husay niya.
______16. Maghahanap siya ng tig-sampung pisong panyo sa tiangge.
______17. Ang mga bata ay nakikinig ng maayos sa kanilang guro.

Panuto: Bilugan ang pandiwa sa pangungusap. Salungguhitan naman ang salitang kaugnay ng
pandiwa batay sa pokus ng pandiwang nakasulat sa loob ng saknong bago ang bilang.

( Tagaganap) 18. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.

( Layon) 19. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
( Ganapan) 20. Pinagdausan ng paligsahan ang bagong tyong entablado.
( Tagatanggap) 21. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
(Sanhi) 22. Ikinalulungkot ng bata ang hindi nila pagkikita ng mag-anak.

C. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 masuri ang mga salita ayon sa kayarian nito.
 makabuo ng panibagong salita ayon sa hinihinging kayarian ng salita

Panuto: Bilugan ang salitang naiiba ang kayarian sa bawat bilang.

23. inutos mataas-taas mapagkakatiwalaan duguan

24. bagay-bagay kapuri-puri bagung-bago pakpak

25. alaga tatsulok singsing kahoy

26. binulong karamihan tanim ginawa

27. balikbayan hanapbuhay punongkahoy pambansa

Panuto: Bumuo ng panibagong salita ayon sa hinihinging kayarian ng salita gamit ang salitang-
ugat na nakasulat pagkatapos ang bilang.
28. bigkas (maylapi) _________________________
29. kanina (inuulit) _________________________
30. noo (tambalan) _________________________
31. langoy (maylapi) _________________________
32. palad (tambalan) _________________________

Ms. Baccay/Filipino Page 2

D. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang matukoy ang mga pang-ugnay na ginamit sa talata.

Panuto: Bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit sa talata at isulat sa puwang sa ibaba kung
anong uri ito ng pang-ugnay.

Ayon kay U Nu, ang unang punong ministro ng Myanmar, nahahati ang lipunan sa dalawang
klase ng tao: Ang mahirap at mayaman. Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang may puhunan
sapagkat kalimitan ang isang negosyanteng nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano
niya pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit. Dahil sa
pamamaraang ito ng mayayaman, ang mga mahihirap ay laging napagsasamantalahan, samantalang sila
ay nagkakamal ng yaman. Bunga ng ganitong pamamaraan ang mga mahihirap ay natutong magnakaw,
pumatay at ang kababaihan ay nagbibili ng sariling katawan. Tungkol sa mga aral ni Buddha ay may
apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay maagang namamatay. Ito ay ang Karma, labis na pag-
iisip dahil sa kahirapan, kakulangan sa pagkain at kakulangan sa buhay na isa sa pangunahing kailangan
ng tao. Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang
mga uri ng napagsasamantalahan. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang
mga mamamayan ay mangmang. Anong kaisipang bago ang iaambag ng mga mangmang sa kaunlaran?

33. Pang-ukol __________________ 38. Pang-angkop ______________________

34. Pangatnig __________________ 39. Pang-ukol ______________________
35. Pang-angkop __________________ 40. Pangatnig _______________________
36. Pang-ukol __________________ 41. Pang-ukol _______________________
37. Pangatnig ___________________ 42. Pangatnig _______________________
I.
A. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang mapunan ang mga salitang hinihingi sa
analohiya sa ibaba.

Panuto: Punan ang mga patlang sa bawat aytem sa tulong ng mga pahiwatig na naibigay.

43. ______________________ : Mitolohiya ; Sampung Dalaga : Parabula

44. aklat : magasin : ___________________ ; pagtango : pagngiti : Di Berbal
45. Pygmalion : ________________ ; Sampung Dalaga : Israel
46. Sistematiko : proseso ; __________________ : konstant
47. Eksperimental : laboratory ; Palarawan : _________________
48. Wakas : paglalagom ; ____________________ : sanggunian

49-50. _______________ : email : text message ; ekspresyon ng mukha : kumpas : ______________

51. estatwa : kagandahan ; __________________ ; kahandaan

52. Pang-ugnay : pangatnig ; ___________________ : berbal

53-55. ___________________ : alamat : _____________________ ; Parabula : _______________ :

salita ng Diyos

56. Pasulat : Facebook ; _______________ : Telepono

57. Aphrodite : Griyego ; Venus : _____________________

Ms. Baccay/Filipino Page 3

B. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang matukoy ang salitang nagpapamali sa
pangungusap.

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang bilang ng salita na
nagpapamali sa pangungusap at isulat sa patlang bago ang bilang ang tamang salita.

_______________58. Sa tahanan ng dalaga idaraos ang maringal na kasalan.

1 2 3 4

_______________59. Ang tatlong uri ng pakikipagtalastasan ay berbal, di-berbal at pasalita.

1 2 3 4

_______________60. Kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, ikinakabit ang salitang na sa salita.
1 2 3 4

_______________61. Ang dalagang ikakasal ang kumakatawan sa Panginoon.

1 2 3 4

_______________62. Ang berbal na komunikasyon ay karaniwang isinasagawa nang pagtitig sa kausap.

1 2 3 4

_______________63. Nagdala ang matatalinong dalaga ng sobrang tubig sa pagdating ng ikakasal.

1 2 3 4

II.
Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang makabuo ng sariling pag-unawa batay sa paksa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa pananaliksik.

64-67. Bakit mahalagang gamitin pareho sa pananaliksik ang aklatan at ang internet sa pangangalap ng
datos at impormasyon?

___________________________________________________________________________________

_______
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__

68-70. Ano ang maipapayo mo sa isang taong magsasagawa ng isang pananaliksik upang matiyak na
maayos, tama at beripikado ang mga datos na ilalahad niya?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________
Ms. Baccay/Filipino Page 4
III.
Layunin: Ang mag-aaral ang inaasahang maibibigay ng maligalig na kaisipan.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa pananaliksik.
71-75 - Ano-anong larawan o kaisipan ang naiisip mo kapag narinig mo ang salitang Mediterranean?
Ipaliwanag sa mga linya kung bakit ganitong larawan o kaisipan ang naiuugnay mo rito.

Mediterranean

81-85 - Ang mga ito ang larawan o kaisipang naiuugnay ko sa Mediterranean dahil

___________________________________________________.

Ms. Baccay/Filipino Page 5

http://hannaleahrab.blogspot.com/2014/09/pandiwa.html
https://www.slideshare.net/cherryjoybasug/pandiwa
https://sahm143.blogspot.com/2013/02/filipino-worksheet.html?m=1
https://www.slideshare.net/geraldxdiana/multiple-choice-test-type-questions

Ms. Baccay/Filipino Page 6

You might also like