Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Argumentatibo
Ikatlong Kuwarter - Modyul 5

Junalyn C. Mayo
Manunulat

John Albert B. Colle


Tagasuri

Marissa S. Muldong
Quality Assurance Chair

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Sa araling ito ay higit na magiging malalim ang pagtingin mo sa
kahalagahan ng pagbabasa sa ating buhay. Mas maipamamalas mo pa ang
iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagbasa na maaaring dalhin ka nito
sa realidad ng buhay. Sa pamamagitan ng mga gawain, bukod sa
maipapahayag mo ang iyong sarili ay mahahasa mo pa ang iba mo pang
kasanayan. Nawa’y lagi mong tingnan ito bilang bagong paraan ng
pagkatuto at maging masaya ka sa bawat bahagi.

Sa araling ito, hindi lamang mahahasa ang iyong isipan sa pagbabasa.


Inaasahang magagamit mo ang kabatirang ito sa iyong pagsulong sa
susunod na aralin.

a. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa


F11PS-lllf-92

Piliin sa sumusunod na pangungusap kung ito ay tumutukoy sa


tekstong argumentatibo. Bilugan ang letra ng pinakatamang sagot.
1. A. Malinaw at lohikal na paraan ng paglalahad ng manunulat ng
kaniyang panig, paniniwala at kongklusyon kaugnay sa isyu.
B. Malinaw at lohikal na paraan ng pagpapahayag ng manunulat sa
mga pangyayari sa kaniyang paligid, lalo na kung may kinalaman sa
mga isyu.
2. A. Malinaw at lohikal na transisyon mula sa panimulang talata,
tungo sa katawan ng teksto hanggang sa pangwakas na talata.
B. Malinaw at lohikal na transisyon mula sa panimula, gitna, wakas
ng teksto.
3. A. Ang paggamit ng mga pang-ugnay at iba pang kasangkapang
transisyunal ang siyang makatutulong sa pagbuo ng teksto.

2
B. Ang paggamit ng mga pag-ugnay at iba pang kasangkapang
transisyunal ang siyang magbibigay ng kabuuan sa teksto dahil ito
ang nag-uunay sa bawat bahagi.
4. A. Ang bawat talata sa huling bahagi ay dapat nagtataglay ng
ebidensiya.
B. Ang bawat talata sa huling bahagi ng teksto ay dapat nagtataglay
ng mga ebidensiya
5. A. Ang kongklusyon ay di lamang muling ipinapahayag ang tesis
bagkus inilalahad ang mahalagang punto ng buong argumento.
B. Ang konglusyon ay muling ipinapahayag sa huling bahagi.

Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa


patlang.

1. Kuwentong bayan = _________________________________________


2. Tauhan = ___________________________________________________
3. Tunggalian = ________________________________________________
4. Foreshadowing = ____________________________________________
5. Estruktura = ________________________________________________

Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng tekstong


nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan,
at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng
datos sa pamamagitan ng pakikipanayam, sarbey, at eksperimentasyon.
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing

3
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensiya.
Mga Uri ng Tekstong Argumentatibo:
1. Pangangatwirang Pabuod. (Inductive Reasoning). Nagsisimula sa maliit na
katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang
pangangatuwirang pagbuod.
a. pangangatuwirang gumagamit ng pagtutulad;
b. pangangatuwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa
sanhi;
c. pangangatuwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay.
2. Pangangatwirang Pasaklaw. Humahango ng isang pangyayari sa
pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulaing panlahat ang
pangangatuwirang pasaklaw.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:


a. Mahalaga at napapanahong paksa.
b. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang
talata ng teksto.
c. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
d. Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ng argumento.
e. Matibay na ebidensiya para sa argumento.

Ang Bato sa Agos


Sinasabi nila na ang batong gumugulong at sumasama sa agos ay
hindi kinakapitan ng lumot. Napakagandang halimbawa iyan ng buhay ng
taong nais umunlad. Kapag nakatunganga ka lamang maghapon katulad ni
Juan, walang darating na biyaya sa iyo. Hindi ka nakararanas pa ng bagong
pangyayari sa buhay na magpapaunlad sa iyo. Ngunit kung kumikilos ka ay
hindi lamang sumisigla ang iyong katawan sapagkat sumisigla rin ang
pagdaloy ng iyong dugo at nakararanas pa ng bagong pangyayari sa buhay
na magpapaunlad sa iyo.

4
Nabubuhay ang tao sa pagkilos, at lalong lumalakas kapag siya ay
kumikilos. Wala pang naging marathoner na nakaupo lang maghapon; wala
pang kampiyon sa boksing na hindi nagsusuot ng guwantes upang mag-
ensayo lamang. Tingnan mo kung ikaw ay malungkot at lulugo-lugo. Ang
mga buto’t kalamnan mo’y tila nananakit at ayaw kumilos. Pasalampak na
lang ang upo mo, at lagi kang nakabuntong-hininga. Ngunit tingnan mo
kapag ikaw ay maligaya at may tiwala sa sarili. Para bang laging hilamos ka,
masigla ang iyong pakiramdam, tuwid ang tayo mo, mahusay ang paghinga,
mulat ka sa iyong kapaligiran, at alerto ang iyong pagkilos.
Ang saranggola’y ginawa upang sumuba sa hangin, hindi upang
sumunod sa hihip ng hangin. Ang pinakamalakas na tao ay nagbubuhat ng
mabigat. Ang pinakamarunong na tao ay yaong palabasa at palaaral. Ang
pinakamahusay namang mang-aawit ay yaong laging nagsasanay sa
pagkanta. Ang pinakamabilis na siklista ay yaong araw-araw nagbibisekleta.
Ang taong may hangad paunlarin ang kaniyang sarili ay yaong hindi
nagmumukmok sa mga nakaraang kabiguan, o nananatiling nakalingon sa
kaniyang mga nakaraang tagumpay. Hindi iyan ang taong kumikilos at
umuunlad. Siya iyong taong nakatingin sa kinabukasan sa pamamagitan ng
paggawa ngayon, ngunit hindi pa rin naman niya kinatatakutan ang
maaaring pagkabigo sa kinabukasan.
Sabi niya, “Maghangad ako ng mataas yamang maluwag pa ang lugar
sa itaas”.
Totoo iyan. May puwang pa roon para sa mga taong gustong umunlad.
Anuman ang iyong larangan, laging may puwang para sa taong kumikilos,
laging may hangaring tumaas at umunlad.
Doon, kailangan lamang ang lakas ng loob. Magkakaroon ka ng lakas
ng loob kung patuloy mong daragdagan ang iyong nalalaman, ang iyong
pagtitiwala sa sarili, ang lakas ng iyong katawan.

Gabay na Tanong:
1. Ipaliwanag ang iyong naging damdamin matapos mabasa ang teksto.

5
2. Bakit sinabi na ang batong gumugulong at sumasama sa agos ay
hindi kinakapitan ng lumot? Patunayan.

3. Ipaliwanag ang argumentong isinasaad sa binasang teksto?

 Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng tekstong nagbibigay


pangangatuwiran, na kung saan ang pahayag ng manunulat ay
dumaan sa empirikal na pananaliksik bago magpahayag ng
mahalagang detalye.
 Katangian ng isang mahusay na pangangatuwiran ang
mahalaga at napapanahon ang paksa, maikli ngunit malaman
at malinaw na pagtukoy sa tesis, malinaw at lohikal na
transisyon sa pagitan ng mga bahagi, maayos ang pagkasunod-
sunod ng talatang naglalaman ng ebidensiya ng argumento, at
dapat matibay ang ebidensiya.

6
Sariling Pagtataya

Kasalukuyan tayong apektado ng pandemyang Covid-19 kaya’t


maraming ginagawang aksyon ang ating gobyerno upang maging ligtas ang
ating bansa. Isa na rito ang paggamit ng “facemask.” Mula sa paksang iyong
napag-aralan, gumawa ng isang argumento batay sa kung ano ba ang mas
dapat nating gamitin? Surgical face mask o ang Improvised face mask?
Bigyan ng pangangatuwiran ang paksa. Isulat ang iyong sagot sa espasyo sa
ibaba.

7
pagtalakay ebidensiya pang-ugnay
tesis na pahayag pangkalahatang paksa

Panuto: Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng


angkop na sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa bawat patlang upang
mabuo ang pangungusap.
1.Sa unang talata pa lamang, dapat na ipahayag ng manunulat ang
________ ng argumento kasunod ang paglahad kung bakit mahalaga ang
naturang isyu.
2.Mahalagang ang ____________ ay maikli ngunit may katiyakan dahil ito ay
maingat na binuo ay ang simulain ng epektibong argumentasyon.
3.Ang paggamit ng mga ____________at iba pang kasangkapang transisyunal
ang siyang magbibigay ng kabuuan ng teksto dahil ito ang nag-uugnay ng
bawat bahagi
4.Ang bawat pahayag sa bawat talata ng iisang teksto ay dapat nagtataglay
ng mga _____________.
5.Makatutulong din sa pagpapatibay ng teksto ang _________ ng
sumasalungat na ideya upang mailahad kung bakit ito naiiba sa opinyon ng
manunulat
Mga Sanggunian
Sicat- De Laza, Crizel. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Tekto Tungo sa
Pananaliksik: Manila: Rex Book Store., 2016

Bernardino, Elyria C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Tekto Tungo


sa Pananaliksik: Malabon City: Mutya Publishing House., 2016

You might also like