Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
1ST SEMESTER S.Y. 2020-2021

Module 14: Ang Kakayahang Pragmatiko

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino

Inihanda ni: ROGEN L. BAAY, LPT

1|Pahina
Ang Kakayahang Pragmatiko

Layunin:

Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at


paraan ng pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit
ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas

Introduksyon:

Nalaman na natin ang mga ikalawang Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino


at ito ay ang Kakayahang Sosyolingguwistiko. Nabanggit sa araling ito ang akronim
na SPEAKING bilang gabay upang magkaroon ng maayos na talastasan. Ngayon
naman ay tatalakayin natin ang ikatlong kakayahan at ito ay ang Kayayahang
Pragmatiko. Halina’t sabay-sabay nating alamin!

2|Pahina
Naranasan mo na bang mablangko tuwing nakikipag-usap ka sa iyong mga
kaibigan? at di mo na nauunawaan ang kanilang sinasabi? Naranasan mo na ding
magtampo sa iyong kaibigan? Paano mo ito ipinabatid sa kanya? Sinabi mo ba o pinakita
mo sa aksyon?
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbubuo ng mga pangungusap, batay
sa itinakda ng gramatika, ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng wika. Mahalaga rin na
matutuhan natin ang kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magulang na pagtugon sa
mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan. Halimbawa,
ang tanong na “Sa iyo ba ang panyo na iyan?” ay maaaring mangahulugang ng: 1.
Pagtitiyak sa kung sino ang nagmamay-ari sa panyo; 2. Pagpupuri o pangungutya sa
panyo; 3. Pagkainis sa nakakalat na panyo.
Ang ganitong kakayahan ang nais na ipakita sa araling ito. Ang pag-unawa sa
Kakayahang Pragmatiko. Ayon kina Lightbown at Spada (2006) na nabanggit sa
gawang libro ni Maranan, M.H. Dr. (2016) na Ang Guru: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, ang Pragmatiko ay tumutukoy sa pag-
aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto. Upang makapagpahayag sa
paraang diretsahan at may paggalan. Sa madaling salita ang isang taong may kakayahang
pragmatiko ay nagagamit niya ng buong husay ang wika upang ipahayag ang kaniyang
mga intensiyon at pagtukoy sa mga pahiwatig, pasalita man o hindi.
Kaugnay ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konseptong speech act.
Para kay J.L. Austin na isang pilosopo sa wika na binase ang kaniyang pahayag sa sipi ni
Hoff noong 2001, na ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang
maglarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita”.
Nabanggit ito sa gawang libro ni Maranan, M.H. Dr. (2016) na Ang Guru:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makikita sa ibaba
ang tatlong sangkap ang speech act.

Sangkap Kahulugan Halimbawa


Sadya o intensiyonal na
Illocutionary force Pakiusap, utos, pangako
papel
Locution Anyong Lingguwistiko Patanong, pasalaysay
Pagtugon sa hiling,
Perlocution Epekto sa tagapakinig
pagbibigay-atensiyon
Sa paglilinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip ang pag-iral ng
dalawang uri ng Komunikasyon – Berbal at di-berbal. Ang Berbal na Komunikasyon ay
gumagamit ng salita sa anyong pasalita at pagsulat. Samantalang, ang di-berbal naman

3|Pahina
ay di ginagamitan ng mga salita. Nabanggit sa gawang libro ni Maranan, M.H. Dr.
(2016) na Ang Guru: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino, ang sinabi ni Maggay (2002) na tinatayang 70 porsiyento ng isang karaniwang
kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na element. Narito ang iba’t ibang anyo ng di-
berbal na komunikasyon:
1. Kinesika (Kinesics) – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Kasama dito
ang ekspreyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng
katawan.
2. Prosemika (Proxemics) – tumutukoy ito sa oras at distansya sa pakikipag-
usap. Ang oras ay tumutukoy sa inisaad ng relo kung ito ay pormal, at impormal
naman kung ito ay nakadikit sa kultura gaya ng “ngayon na,”, “mamaya na.”.
Ang distansya naman ay nagbabago depende sa natamong ugnayan sa kausap.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) – tinuturing na isa sa mga pinakaunang
anyo ng Komunikasyon. Madalas na nagsasaad ito ng positibong emosyon o
pakikiramay sa mga panahong hindi maganda. Halimbawa ang pag-yakap sa
kaibigang umiiyak, at pagtapik sa balikat.
4. Paralanguage – tumutukoy ito sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng
pagsasalita.
5. Katahimikan o Kawalang-Kibo – nagpaparating ng mensahe na ikaw ay
nagtatampo o may sama ng loob.
6. Kapaligiran – Mahihinuha na ang intensiyon ng kausap ay batay sa kung saang
lugar niya nais makipag-usap.

A. Panuto: Gamit ang sarili mong mga salita, ihayag at ipaliwanag ang kaibahan ng
mga sumusunod:
1. Illocutionary force -
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Locution -
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4|Pahina
3. Perlocution -
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pangwakas na Gawin
A. Panuto: Makipag-usap o kumustahin ang iyong kaibigan at suriin ang inyong
naging pag-uusap. Tukuyin ang layunin nito batay sa salitang ginamit at mga
paraan sa pagsasalita.

B. Panuto: Sumulat ng isang pormal na sanaysay patungkol sa iba’t ibang


paraan sa paggamit ng wika batay sa grupong sosyal at kultura ng Pilipinas.

Reperensya:

Nuncio, R. V. et.al (2016). SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. C&E Publishing, Inc.:839 EDSA, South Triangle, Quezon City
Marahan, M.H. Dr. (2016).ANG GURU: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Mindshapers Co., Inc.
Taylan, D.R, et,al (2016).Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Rex Book Store: 856 Nicanor Reyes Sr. St.
People speaking different languages with flat design
(https://www.freepik.com/free-vector/people-speaking- different-languages-with-
flat-design_2564895.htm)

5|Pahina

You might also like