Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

#KALIKAALAMAN: The Canopy Project

Ang "The Canopy Project" ay isang proyektong sinimulan at inilunsad ng Earth Day Network o mas kilala
na ngayon sa tawag na EARTHDAY.ORG.

Layunin ng proyektong eto na pabutihin ang ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga
puno sa buong mundo.

Simula noong taong 2010, Ang EARTHDAY.ORG ay nakapag tanim na ng milyong-milyong mga puno sa
pangunguna ng "The Canopy Project".

"Sa bawat isang dolyar na matatanggap ng organization ay isang puno naman ang itatanim."

Sanggunian: https://www.earthday.org/campaign/the-canopy-project/?gclid=Cj0KCQjwse-
DBhC7ARIsAI8YcWLQikf3PH7-9UbP14eglFbZA0RuiykwMo8c1PTNjLa6539iscpqC_MaAh7UEALw_wcB

KaliKaalaman: Five Pillars of Restore Our Earth

"Restore Our Earth." Ito ang tumataginting na tema ng pagbubunyi ng Earth Day ngayong taon.
Alinsunod dito, gumawa ang EARTHDAY.ORG ng komprehensibong climate action na siyang gaganapin sa
loob ng tatlong araw, mula ika-20 hanggang ika-22 ng Abril, upang ipagdaos ang ikalimapu't-isang
anibersaryo ng pagdiriwang ng Earth Day.

Bukod pa riyan, bumalangkas din ang nasabing organisasyon ng Five Pillars of Restore Our Earth upang
mas mapalawig pa ang naturang pagdiriwang at mas mapagyaman ang ating kapaligiran. Ang limang
pillars na mga ito ay ang mga sumusunod:

Una na rito ang tanyag na Canopy Project ng EARTHDAY.ORG. Sa pamamagitan ng pakikiisa ng iba't-
ibang sektor sa buong mundo, ang proyektong ito ay naglalayong pagyamanin ang ating kapaligiran sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno lalong-lalo na sa mga komunidad na patuloy na nanganganib
dahil sa negatibong epektibo ng climate change. Sunod riyan ang kampanya para sa pagkain at
kapaligiran. Ito ay tinatawag na Foodprints for the Future, at ang tunguhin naman nito'y labanan ang
climate change sa pamamaraan ng "change in diet". Ito ay naglalahad ng sari-saring paraan na maaring
gawin ng bawat indibidwal o ng mga institusyon upang baguhin ang kanilang diet at mabawasan ang
kanilang "foodprints," o ang mga epektong nalilikha ng bawat isa sa atin na kaakiba't ng iba't-ibang
proseso sa produksiyon upang tayo'y makapaghain sa ating hapag kainan. Pangatlo na riyan ay ang The
Great Global Clean Up, at ito naman ay magsasagawa ng malawakang Clean Up Drive sa buong buwan
ng Abril sa iba't-ibang lugar sa pamamaraan ng group cleanups, individual cleanups o Plogging
(pamumulot ng basura habang nagdiya-jogging). Ang ika-apat naman na pillar ay ang Climate and
Environmental Literacy, at ito'y ipagsasama sa edukasyong sibiko upang itaguyod ang kamalayan sa mga
isyung pangkapaligiran.

Bukod pa riyan, ang mga ito rin ay makalilikha ng oportunidad, trabaho, at mas luntiang merkado nang
ang bawat mamamayan ay magtutulungan at makikiisa sa ating mga pamahalaan tungo sa ating
pagsugpo ng climate change. Ang huli at ikalimang pillar ay ang proyektong Global Earth Challenge. Ang
Earth Challenge ay isang mobile phone application na pangkapaligiran at ito'y maaring i-download mula
sa App store, (para sa mga IPhone users) at Google Play Store (para sa mga Android users). Sa
pangunguna ng Citizen Science, ang app na ito ay denisenyo upang ang mga users ay maging "citizen
scientist" ng kani-kanilang mga lokalidad at makakalikom ng mga datus patungkol sa kani-kanilang mga
lugar. Sa kasalukuyan, ang pokus nito ay ang pagbabago ng populasyon ng mga insekto, lalong-lalo na sa
mga bubuyog. Bukod pa riyan ay maari ring gamitin ito upang makatulong sa pangongolekta ng mga
impormasyon tungkol sa kalidad ng hangin, mga basura, at seguridad sa pinagmumulan ng mga pagkain.

Nawa'y itong limang haligi ng Restore Our Earth ngayong taon ay isa sa maging susi upang maipalaganap
ang kamalayan ukol sa ating kapaligiran at sa climate change na ating nararanasan. Sa pamamagitan ng
pagkintal sa ating mga isipan at pagsasabuhay ng mga ito sa bawat araw, tunay na ating
maisasakatuparan ang “Restore Our Earth” sa kasalukuyan at sa mga susunod pang mga taon.

#KaliKaalaman: Foodprint

May kamalayan ka ba sa bawat pagkain na iyong kinakain?

Ito man ay hamburger, steak at egg sandwich, ang bawat kinakain natin ay may taglay na epekto sa ating
kapaligiran at sa kapakanan ng mga hayop at sa kalusugan ng publiko.

Ang foodprint ay sinusukat ang mga nagiging epekto ng pagkaing kinakain natin sa mga hayop, kalikasan
at mga tao.
Paano mo mabawasan ang iyong Foodprint? Maraming paraan kabilang ang pagluluto ng pagkain na
nakabatay sa halaman at patuloy na pagtatanim ng iba’t-ibang mga gulay sa hardin. Sa pamamagitan
nito, tunay na gumagawa ka ng positibong epekto sa ating planeta.

Sa kabilang dako, ang maramihang paggawa ng single use plastics na kadalasang ginagamit na packaging
ay isa sa pangunahing epekto ng foodprint dahil nabubuo ito sa pamamagitan ng napakaraming
‘resources’ tulad ng enerhiya, tubig, kemikal, petrolyo, mineral, at iba pa upang makagawa. Ang
paggawa nito ay madalas na bumubuo ng carbon emissions kabilang ang mga greenhouse gases, na
naglalaman ng mga nakakalason na kontaminasyon. Posibleng maiwasan ang maramihang pagkonsumo
ng single use plastics sa pamamgitan ng simpleng pagdadala lagi ng eco bag.

https://www.earthday.org/campaign/foodprints-for-future/

#KaliKaalaman: Clean Up Drive

Tayong mga tayo ay pumupunta sa labas upang huminga sa malinis na hangin, makita ang malinis na
kapaligiran at uminom ng malinis na tubig. Ngunit nagbago ang lahat, nakita natin ang pagbabago mula
sa malinis naging maruming kapaligiran ang ating nakikita. Marami tayong kinakaharap na suliraning
pagkapaligiran gaya ng baha, climate change, pagkatunaw ng mga yelo at polusyon. Kahit na galing ito sa
hangin, tubig, o lupa. Ang pangunahing sanhi ng problema ng mga ito ay tayong mga tao na walang
disiplina sa pagtatapon ng basura.

Ang Clean Up Drive ay layon maitaas ang ating kamalayan ukol sa mga problema sa ating kapaligiran sa
bawat pamayanan. Ang Clean Up Drive ay maaring mapahusay ang kakayanan ng pamayanan na
paunlarin ang maayos na pagtatapon ng basura, Mapaunlad ang pagbabawas ng basura at magtuturo sa
bawat mamamayan kung paano mag recycle, Mapababa ang Greenhouse gases at masugpo ang umiiral
na climate change, at higit sa lahat ay makakatulong ito sa bawat kabataan na magkaroon ng kamalayan
ukol sa climate change.

Ito ay programa na kung saan ito ay mangangala sa ating kalikasan. Kung patuloy natin na ginagawa ang
Clean Up Drive sa bawat pamayanan sa ating bansa, ito ay magsisilbing solusyon sa mga kalamidad na
ginawa ng mga walang pusong mga tao na gumagawa ng kaharasan sa ating kapaligiran.
Kung isasabay ang pagtatanim ng puno sa Clean Up Drive, ito ay magiging solusyon sa hamon na dala ng
climate change. Ito rin ay makakapagdagdag ng kalinisan sa ating hangin kung maraming puno ang
maitatanim. Hangga’t maaga, kinakailangan natin turan ang bawat kabataan na maglinis ng ating
kapaligiran dahil ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

#KaliKaalaman: GLOBAL EARTH CHALLENGE™

Ang GLOBAL EARTH CHALLENGE ay ang pinakamalawak na 'citizen science project' na pinangungunahan
ng iba't ibang organisasyon na nagboluntaryong makilahok sa kampanyang ito na naglalayong makapag-
ambag sa larangan ng agham.

Sa katunayan, iba't ibang organisasyon ang nagsikap, kabilang na rito ang EARTHDAY.ORG, U.S.
Department of State's Eco- Capitals Forum, at ang Woodrow Wilson International Center for Scholars,
upang mailunsad ang GLOBAL EARTH CHALLENGE™ na isang 'mobile app' na nagsisilbing plataporma
upang mangalap ng mga datos sa iba't ibang panig ng mundo at upang maging mas madali para sa mga
mananaliksik na maghanap ng impormasyon patungkol sa mga isyu na kinakaharap ng ating kalikasan.
Hangarin ng mobile app na ito ay ang magsilbing 'monitoring device' ng mga iba't ibang obserbasyon sa
kalikasan gaya ng kalidad ng hangin at tubig, polusyon, abnormal na pagbabago ng klima, at iba pa, nang
sa gayon ay malaman ang masasamang epekto nito sa kalusugan ng mga tao. Layunin din nitong ipaalala
kung bakit mahalaga ang ibayong pag-iingat para sa kaligtasan ng buong komunidad.

Sa pamamagitan ng GLOBAL EARTH CHALLENGE™, sama-samang natutugunan ng mga tao mula sa iba't
ibang bansa ang dagok at hamon na kinakaharap natin at ng ating kalikasan.

Sanggunian:

EARTHDAY.org. (2021). What is Global Earth Challenge™? https://www.earthday.org/campaign/global-


earth-challenge/

#KaliKaalaman: CLIMATE JUSTICE

Hindi maikukubling totoo ang climate change. Marami ang nasalanta at nasawi sa mga nakaraang bagyo
at nagsisiliparang sakit dulot ng pabago-bagong klima. Dahil dito, nararapat lamang na tignan ang
climate change hindi lang isyung pangkapaligiran kundi isa ring etikal at politikal na usapin.
Ang mas malawak na pagtingin o pagkilala sa isyung ito ay tinatawag na Climate Justice. Nilalayon nito
na magbigyang hustisya ang mga taong higit na naaapektuhan ng Climate Change. Ito rin ay ang patas na
pagtrato sa lahat ng mga tao at kalayaan mula sa diskriminasyon sa paglikha ng mga patakaran at
proyekto na tumutugon sa pagbabago ng klima pati na rin ang mga sistemang lumilikha ng pagbabago
ng klima at magpatuloy sa diskriminasyon.

You might also like