Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Justice
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
Quezon City

SHAMIRA FERNANDEZ y
Tumaque,
Complainant,
I.S. No. _________________
-versus- For: Violation of Section
5(i) of RA 9262

MARTINE JOHN FAUSTO y


Olympia and MAYETH
ALVARADO a.k.a YHIE
BAQUERAN ALVARADO a.k.a
SUPLADITA MHALDITA
DEMONYITA a.k.a MYS YHIE
a.k.a MAY BAQUERAN
ALVARADO,
Respondents.
x-----------------------------------------x

SUMBONG SALAYSAY

AKO, SHAMIRA FERNANDEZ y Tumaque, nasa hustong taong


gulang, walang asawa, Filipino, nakatira sa #64 Marine Rd., Brgy. Holy
Spirit, Quezon City, pagkatapos makanumpa ng naaayon sa batas ay buong
katapatang nagsasaad na:

1. Ako ay nagsasampa ng kasong Violation of Section 5(i) ng


Republic Act No. 9262 laban kay MARTINE JOHN FAUSTO y
Olympia, nasa hustong taong gulang at kasalukuyang nakatira sa
#24J Aniceta St., Kaingin Rd., Quezon City, at sa kanyang
kasabwat at kalaguyo na si MAYETH ALVARADO a.k.a YHIE
BAQUERAN ALVARADO a.k.a SUPLADITA MHALDITA
DEMONYITA a.k.a MYS YHIE a.k.a MAY BAQUERAN
ALVARADO, nasa hustong taong gulang at kasalukuyang
nakatira #24J Aniceta St., Kaingin Rd., Quezon City;

2. Nagkakilala kami ni Martine John Fausto Y Olympia (Martine) sa


isang social media application na Facebook. Naging madalas ang
aming pag-uusap sa Messenger hanggang nahulog ang loob namin

1
sa isa’t isa. Kami ay opisyal na naging magkasintahan noong
February 19, 2011;

3. Noong Disyembre 2011, kami ay nagsama at tumira sa bahay ng


aking magulang sa #64 Marine Rd., Brgy. Holy Spirit, Quezon
City. Bunga ng aming pagsasama, kami ay nabiyayaan ng
dalawang anak na sina Sharina Loraine Fernandez at Jhon
Terrence F. Fausto;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang Certificate of Live


Birth ni Jhon Terrence F. Fausto bilang Annex “A”.

4. Noong una ay maayos ang pagsasama namin ni Martine ngunit


kalaunan ay napalitan ito nang pighati. Nalulong sa ipinagbabawal
na gamot si Martine at labis itong nakaapekto sa aming relasyon;

5. Dahil sa paggamit ng masamang gamot, humantong si Martine sa


pagsisinungaling at pagnanakaw upang matugunan ang kanyang
bisyo;

6. Kaugnay nito, labis din ang pagkasumpungin at pagkagalit ni


Martine. Madalas niya akong pinagbubuhatan ng kamay kapag
pinagsasabihan ko siya na tigilan na ang kanyang mga masamang
ginagawa. Ako ay kanyang sinasampal, sinusuntok, sinisipa,
sinasakal, at hinihila ang buhok;

7. Humantong din ang pagkahumaling ni Martine sa kanyang bisyo


sa paggawa ng mga bagay na mapanganib sa ibang tao. Noong
May 1, 2018, sinilipan niya ang nakababata kong kapatid na si
Shaira T. Fernandez habang ito ay naliligo;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang Salaysay ni Shaira T.


Fernandez bilang Annex “B”.

8. Sa loob ng walong taon na aming pagsasama, hindi nagbibigay ng


sustento si Martine. Bagama’t siya ay may hanap-buhay, nakalaan
ang kanyang kinikita sa kanyang bisyo. Dahil dito, katuwang ko sa
pagpapalaki ng dalawa naming anak ang aking mga magulang.
Sinalo nila ang pang-araw-araw na gastusin ng mga bata;

9. Noong March 2020, sinuntok niya ako ng gunting sa dibdib at ito


ay nasaksihan ng aking panganay na anak at ng aking papa na si
Buboy B. Fernandez. Dahil dito, nagpasya akong makipaghiwalay

2
kay Martine. Hindi naging madali para sa akin na isuko ang aming
relasyon ngunit kinailangan kong gawin upang mawakasan ang
pangamba sa kaligtasan ng aking mga anak dahil sa kanyang
lantarang pananakit;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang Salaysay ni Buboy B.


Fernandez bilang Annex “C”;

10. Nang kami ay naghiwalay, maraming beses akong lumapit kay


Martine upang manghingi ng sustento para sa aming mga anak.
Subalit kailanman ay hindi siya nagabot at sa halip ay ininsulto
ako. Sinabihan niya ako ng, “BINGOT KA”, “NGO NGO”,
“SUSUNUGIN KO ANG BAHAY NIYO”, “PUTANG INA MO,
WALA KANG KWENTA”, at “GAGO KA PURO KA
GANYAN PURO KA ASA SA AKIN”. Labis itong nakasakit sa
aking damdamin;

11. Mula May 2020 hanggang March 2021, naglathala ang kalaguyo
ni Martine na si Mayeth Alvarado a.k.a Yhie Baqueran Alvarado
a.k.a Supladita Mhaldita Demonyita a.k.a Mys Yhie a.k.a May
Baqueran Alvarado (Mayeth) ng mga nakakainsultong Facebook
posts patungkol sa akin at sa aking pamilya;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ay ang mga print-out ng


screenshots ng mga Facebook posts ni Mayeth Alvarado bilang
Annexes “D and series”.

12. Gayundin, noong June 20, 2020, nag-chat sa akin si Mayeth sa


Messenger upang kutyain ako;

June 20, 2020 ng 6:31 PM

SHAMIRANGOT SHAMIRA ULO KA


DAW MAITIM NAMAN PLA
UTONG MO SABI NI MARTINE
HAHA

Pagkatapos nito ay finorward niya ang screenshot nang usapan


umano nila ni Martine.

MAYETH : BABE ANO ITSURA NG DEDE NI BINGOT? 😄

MARTINE: MAITIM HEHE

MAYETH : YUNG TOTOO

3
MARTINE: OO NGA

xxx

MAYETH : DBA KINAKAIN MO KAY SHAMIRA 😄

MARTINE: OPO

😄
MAYETH : ANO LASA?

MARTINE: PERO SAGLIT LANG

PINAPAHUGASAN KO MUNA SA KANYA

HAHAHAHAH

PANGIT LASA KAYA SAGLIT LNG


AHAHHAHA

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ay ang mga print-out ng


screenshots ng mga Facebook messages ni Mayeth Alvarado
bilang Annexes “E and series”;

13. Panghuli, gumawa si Mayeth ng Facebook Group Chat na


pinangalanang Diablo’s Reborn na kung saan ako at ang kanyang
mga kaibigan ay kabilang. Sa nasabing group chat, pinagpyestahan
nila Mayeth at ng kanyang mga kaibigan ang panlabas kong
kaanyuan;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ay ang mga print-out ng


screenshot ng mga messages sa Diablo’s Reborn Group Chat
bilang Annexes “F and series”.

14. Ang lahat ng posts at messages ni Mayeth ay nakakainsulto at


nakakasakit sa damdamin. Labis akong naapektuhan sapagkat
marami ang mga nakakabasa, kabilang na ang mga anak namin ni
Martine;

15. Upang maibsan ang bigat ng aking nararamdaman, nakiusap ang


aking mama, Nilda T. Fernandez, kay Martine na pagsabihan si
Mayeth na wag nang magpost patungkol sa akin sa Facebook. Sa
halip na tumigil, minasama nila Martine at Mayeth ang pakiusap
ng aking mama at nagpatuloy si Mayeth sa pagpopost ng mga
hindi kanais nais;

16. Noong November 2020, inireklamo ko sa barangay ang hindi


pagbibigay ng sustento ni Martine pati na rin ang patuloy na

4
pangungutya at panlalait sa akin ni Mayeth sa Facebook.
Pagkatapos ng ilang paghaharap, kami ay nagkasundo na
magbibigay si Martine ng One Thousand Five Hundred Pesos
(P1,500.00) kada lingo samantalang titigil naman sa pagpopost si
Mayeth sa Facebook;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ay ang Minutes sa


barangay na may petsa na November 10, 2020 bilang Annex “G”.

17. Sa kasamaang palad ay walang ibinigay na sustento si Martine sa


aking dalawang anak. Dahil sa tahasang pagwawalang bahala ni
Respondent Martine sa kanyang obligasyon, dumulog ako sa
Public Attorney’s Office upang humingi ng tulong. Nagkaroon ng
Pre-Litigation Conference noong January 29, 2021 at February 1,
2021. Sa huling pagdulog, nangako si Respondent Martine na
magbibigay ng lingguhang supporta sa halagang One Thousand
Pesos (P1,000.00);

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang Notice of Pre-


Litigation Conference at Minutes bilang Annexes “H”, “I”, at
“J”.

18. Lumipas ang ilang linggo ngunit isang beses lamang


nakapagbigay ng sustento si Martine. Dahil rito, nagpadala ang
aking abogado kay Martine ng Demand Letter na may petsang
March 18, 2021;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang Demand Letter na


may petsang March 18, 2021 at LBC Receipt bilang Annexes “K”
at “L”.

19. Muli rin akong nagpunta sa barangay upang ipagbigay-alam sa


lupon na hindi tumupad sa kasunduan sina Martine at Mayeth.
Dahil dito binigyan ako ng Certificate to File Action ng Barangay;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang Certificate to File


Action bilang Annex “M”.

20. Si Martine ay may regular na trabaho ayon sa kanyang mama na si


Maria Christina Fausto at pinsan na si Ariane Guan.

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang print-out ng


screenshot ng Facebook messages ng mama at ng pinsan ni
Martine bilang Annexes “N”, “O” at “O-1”.
5
21. Ito rin ay pinabulaanan ni Martine sa aming huling pag-uusap;

Kalakip sa Sinumpaang Salaysay na ito ang print-out ng


screenshot ng Facebook message namin ni Martine bilang Annex
“P” at “P-1”.

22. Isinasaad ng Sec. 5 (i) ng Republic Act No. 9262 ang mga
sumusunod:

SECTION 5. Acts of Violence Against Women and their Children.- The


crime of violence against women and their children is committed through
any of the following acts:

(i) Causing mental or emotional anguish, ridicule or humiliation to the


woman or her child, including but not limited to, repeated verbal
and emotional abuse, and denial of financial support or custody
of minor children of access to the woman’s child/children.
(Emphasis Supplied)

23. Maraming beses na nangako si Martine na magbibigay ng sustento


sa aming mga anak ngunit hindi man lamang siya tumupad. Kung
kaya, pati ang aking magulang at mga kapamilya ay
nagsasakripisyo at gumagastos para sa aming mag-iina. Dahil dito,
ako ay labis na nahihiya at nababagabag;

24. Maliban pa riyan, si Mayeth na siyang kasalakuyong kalaguyo ni


Martin ay nagsisiwalat nang di kanais-nais patungkol sa akin. Ang
kaniyang pangungutya at paninirang puri ay nagdudulot ng pighati
hindi lamang sa akin ngunit pati rin sa aking mga anak at
kapamilya na nakakabasa ng kanyang mga Facebook posts;

25. Na ang Sumbong Salaysay na ito ay aking ginagawa upang


patotohanan ang lahat ng nakalahad sa itaas at upang ireklamo
sina MARTINE JOHN FAUSTO y Olympia and MAYETH
ALVARADO a.k.a YHIE BAQUERAN ALVARADO a.k.a
SUPLADITA MHALDITA DEMONYITA ng kasong Violation
of Republic Act 9262 o kahit ano pang mga kaso na maaring
maisampa laban sa Respondents na may kaugnayan sa mga
nakasaad sa itaas.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lalagda sa


itaas ng aking pangalan ngayong ika- _______ ng ______________
2021.

6
SHAMIRA FERNANDEZ y Tumaque
Nagrereklamo

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this __________ at


Quezon City, Philippines. Affiant exhibited to me her government issued ID
containing her signature and picture, to wit: ___________ with number
_____________ issued on ___________ issued at _________ .

You might also like