Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Biyaheng Baguio

Bilang isang kabataan mahilig akong maglakbay sa iba’t


ibang lugar dahil nagagandahan ako sa mga tanawin na nakikita
ko at minsan marami pa akong nakikilang mga tao. At sa
paglalakbay, ito din ang mgandang gawin para makapagbonding
kayo ng iyong pamilya. Tulad sa amin noong summer
napagpasiyahan naming pumunta sa Baguio City o mas kilalang
“The summer capital of the Philippines” dahil ditto daw ay
malamig ang klima.
Mayo 20, 2018, ika 6:00 ng gabi ay nag impake na kami ng
aming dadalhin na mga damit at pagkain para sa byahe at ito ay
nilagay naming sa sasakyan naming dalawang van, dalawa ang
sasakyan naming kase marami kami.
Mayo 21, 2018, ika 4:00 pa lamang ng umaga ay umalis na
kami sa bahay. Masaya ang biyahe namin dahil
nagkukuwentuhan at nagtatawanan kami ng aking mga pinsan.
Humigit kumulang anim na oras bago namin narating ang hotel na
aming tutuluyan na Benguet Prime Hotel na matatagpuan sa
Benguet, Baguio City na sa tabi lamang ito ng Jollibee restaurant
kaya nung nakarating na kami ay kumain kami kaagad doon.
Yung hotel na tinuluyan namin ay maraming kama sapat lamang
para magkasya kaming lahat. Pagkatapos kaming kumain ay
pumunta na kami sa Burnharm Park, dito ay may river at
maraming bangka na siyang sinakyan naming, safe naman ito
dahil may life saver naman kami, sunod naming sinakyan ang
bisekleta at habang nagbibisekleta kami ay pinicpicturan kami.
Sobrang enjoy dahil hindi lang yan ang ginawa naming dahil
nagtingin tingin din kami sa mga tiangge at bumili ng mga
souvenirs na gawa sa kahoy at mga magagandang damit,
sinubukan din naming bumili ng kanilang kilalang meryenda ang
strawberry taho. Sunod naming pinuntahan ay ang Mines View
Park nakakapagod maglakad kase bundok ito pero sulit ang
pagod naming dahil nung nasa tuktok na kami ay napakagandag
tanawin ang aming nakita, matatanaw mo din dito ang benguet
gold, copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan, isama
mo na din ang malamig na clima nito sobrang relaxing. Hanggang
sa maggabi na ay pumunta na kami sa hotel kung saan kami
tumuloy. Masaya at maaga kaming nakatulog dahil narin sa
aming pagod.
Mayo 22, 2018, nagpasiya kaming pumunta sa La Trinidad
sa Strawberry Farm, sobrang saya nito dahil mararanasan mo
ang “strawberry picking” kung saan kami mismo ang nanguha ng
mga sariwang strawberry sa kanilang pananim. Bukod sa
strawberry, may itinanim din silang mga prutas at gulay kung
saan nakabili kami nito sa mas murang halaga ng mga prutas at
gulay nila. Sunod naming pinuntahan ang Taoist Bell Church, ito
ay matatagpuan din sa La Trinidad Benguet. Maraming
magagandang hardin at templo na kinuhanan naming litrato.
Pumasok din kami sa loob nito at may nakita kaming mraming
aklat, sinubukan ko din itong buklatin at ang nilalaman nito ay ang
kasaysayan ng Tsina. Pag sapit ng gabi ay napag pasiyahan
naming kumain na sa kilalang Foggy Mountain Cookhouse, sa
San Carlos Heights. Ang sasarap ng kanilang pagkain tulad ng
porchetta, hinayo din nila lahat ito sa Mediterranean kung saan
lahat ng recipe nila ay malinis at healthy, pero ang pinaka
paborito naming kinain ay ang rousted whole chicken isama mo
na din ang masarap na sauce nila, perfect combination. At
habang kumakain kami ay di mawawalan ang kwentuhan,
tawanan at kumuha ng mga litrato.
Mayo 23, 2028, ang huli naming pinuntahan ay ang
Botanical Garden, dito naman ay sobrang saya din kasi
naranasan naming sumakay sa mismong kabayo, at nagsuot ng
kanilang igorot costume. Naka pagpicture din kami sa mga taga
doon at sobrang bait pa nila kasi tinuruan pa kami na sumayaw
ng kanilang cultura. Bumili din kami ng mga palamuting gawa nila,
maganda na mababa pa ang presyo. Nagtuloy tuloy lang ang
aming kasiyahan hanggang sa napagpasiyahan na naming
umuwi sa Ilocos. Ganun parin yung biyahe masaya at lahat kami
nakatulog na dahil na din sa pagod.
Halos tatlong araw lang kami doon pero sulit ang aming
pagpunta kasi lahat kami ay nakapag bonding ng masaya, at ito
ay araw-araw naming babalikan dahil sa mga ala alang kailanman
ay hindi naming malilimutan.

Mga Elemento
a. Karanasan sa paglalakbay
- Pagod ngunit sobrang saya.
b. Larawan ng mga tampok na lugar
c. Mga petsa at oras
- May 20, 2018, ika 6:00 ng gabi ay nag-impake
- May 21, 20218, ika 4:00 pa lamang ng umaga ay
umalis na sa bahay.
- May 22, 2018, pumunta sa La Trinidad
- May 23, 2018, pumunta sa Botanical Garden at nag
pasiyang um umuwi na.
d. Mga gugolin
- Renta sa hotel ay Php 1,900
- Mga pagkain Php 6,000
- Pagbili ng mga souvenirs Php 1,000
e. Mga transportasyon
- Van
f. Mga landmark
- Baguio City
- Burnharm Park
- Mines View Park
- La Trinidad
- Strawberry Farm
- Taoist Bell Church
- Foggy Mountain Cookhouse
- Botanical Garden
g. Mga tutuluyang pahingahan
- Benguet Prime Hotel sa Benguet, Baguio City
h. Mga tampok na pagkain
- Strawberry
- Strawberry Taho
- Porchetta
- Rousted whole chicken

You might also like