Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik
MIDTERM
Week 10-11 Lesson 4
ANG SINING SA PAGSULAT

Gng. Cheryl D. Teodoro, LPT, RGC


Mga Layunin sa Paksa:
Inaasahan sa pagtatapos ng pag-aaral na ito:
1. Maunawaan ang uri ng pagsulat;
2. Makagagawa ng mga halimbawa ng uri ng pagsulat;
3. Maunawaan ang iba’t ibang mapangsasanggunian para
sa isang pagsusulat.
ANG SINING NG PAGSULAT
D. MGA URI NG PAGSULAT
1. AKADEMIKONG PAGSULAT
2. TEKNIKAL NA PAGSULAT
3. JOURNALISTIC
4. REPERENSIYAL NA PAGSULAT
5. PROPESYONAL NA PAGSULAT
6. MALIKHAING PAGSULAT
E. ANG PAGSULAT NG RESUME
F. MGA MAPAGSASANGGUNIAN SA PAGSULAT
1. AKADEMIKONG PAGSULAT
 Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanansang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami
pang pang-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

Kabilang dito ang pagsulat ng:


 ulat-aklat
 repleksiyon sa paksang tinalakay sa klase
 panunuring pampanitikan
 rebyu ng pelikula
 tesis
 disertasyon
Kahulugan Ng Akademikong Pagsulat Ayon Sa Mga Manunulat - sakahulugan
2. Teknikal na Pagsulat
 Uri ito ng pagsulat na may mahigpit  Ito ang mga pagsulat na hinihingi sa
na pormat na sinusunod. pagpupulong sa isang samahan,
 Madalas na isinusulat ito sa antas- isinusulat ng isang may mataas na
propesyonal. katungkulan sa isang institusyon o
Mga Halimbawa: kompanya at mga pagsulat na
naghahanap ng trabaho.
 Liham-aplikasyon
 Hindi basta-basta magagawa ng
 resume
isang di-aral ang uring ito ng
 Resolusyon
pagsusulat sapagkat maingat itong
 katitikang pulong
ginagawa at sumusunod sa isang
 Memorandum
tiyak na estruktura o anyo.
Halimbawa:
Liham-Aplikasyon

Rivera - Liham Aplikasyon | PDF (scribd.com)


3. Journalistic na Pagsulat
 Sa aklat ni Bernales et.al. (2002), may dalawang uri ang pagsusulat
nito batay sa layunin.
Una, ang jornal bilang pang-araw-araw na talaan ng mga
karanasan.
Pangalawa, ang jornal bilang gamit sa pamahayagan.

 Madalas na mababasa ito sa mga pahayagan o


diyaryo. Kabilang sa uring ito ng pagsulat ay:
 editoryal
 lathalain
 balita
 balitang isports
Editoryal
 Nagpapahayag ng
opinyon o kuro-kuro ng
pahayagan sa
pamamagitan ng
pagpapaliwanag o
paglalahad ng isyu sa
paraang madaling
unawain at malinaw para
sa mga mambabasa.
 Dito nagbibigay ng tala, Mga Paraan Ng Pagsulat Ng
ng pagpanig o Editoryal
(pagsulatiskrip.blogspot.com)
pagsalungat sa isyu o
pagbibigay-halimbawa Halimbawa NG Editoryal |
ang sumulat. PDF (scribd.com)
4. Reperensiyal na Pagsulat
 Ito ang pagsulat na nagsisilbing hanguan ng iba pang ideya. Ibig sabihin,ang
mga sulating ito ay maaaring magbigay ng tiyak na patunay mula sa mga
sinasabi sa isinusulat ng tao.
 Binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan niyon (parentetikal, talababa) para sa
sinumang mambabasa na nagnanais na sumangguni sa reperensyang
tinukoy
 Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang
paksa Filipino - Mga Uri ng Pagsulat Flashcards | Quizlet
4. Reperensiyal na Pagsulat

Halimbawa:
 Talababa (footnote)
 kaugnay na literatura at pag-aaral
 sanggunian
 bibliyograpiya
 apendiks
4. Reperensiyal na Pagsulat
Talababa (footnote)
Ibid Op. cit
Pinaikli ito na salitang Latin na Ibidem na Ito ay mula sa pinaikling salitang Latin na
nangangahulugang "sa kaparehong 'Opere Citato' na nangangahulugang "sa
sanggunian o pinagkunan"
binanggit na sanggunian"
Ginagamit ang salitang ito kapag
Ginagamit ito kapag NAPAGITNAAN NG
MAGKASUNOD NA BABANGGITIN ang
sanggunian sa talababa
IBANG SANGGUNIAN
Loc. cit
Idem
Ito ay mula sa pinaikling salitang Latin na
Ito ay salitang Latin na nangangahulugang
Loco Citato o "sa binanggit na lugar"
"kapareho"
Ginagamit ito kapag PUMAPAGITNANG IBANG
SANGGUNIAN sa dalawang talababa na galing
sa MAGKAPAREHONG SANGGUNIAN AT
Filipino-3 Flashcards | Quizlet PAHINA
5. Propesyonal na Pagsulat
 Ito ay mga pagsulat na ginawa sa kani-kaniyang trabaho o disiplina.
 Ang isang guro ay dapat marunong gumawa ng banghay-aralin.
 Ang isang pulis ay dapat may kabatiran sa paggawa ng blotter.
 Ang isang abogado ay dapat marunong gumawa ng kaso at pleadings.
 Ang isang pari ay marunong gumawa ng homilya o sermon.
 Ang isang negosyante ay dapat maalam sa paggawa ng kontrata.
6. Malikhaing Pagsulat
 Ito ang uri ng pagsulat na sangkot ang pagkakaroon ng mayamang hulagway ng
isang tao. Kailangan dito ng isang malikot na imahinasyon.
 Layunin nitong palutangin ang kasiningan ng isang akda.

Mga halimbawa:
 bugtong
 salawikain  dula
 tula  nobela
 dula  awit
 maikling kuwento  sanaysay
 islogan
E. ANG PAGSULAT NG RESUME
Panoorin ang mga link sa YouTube para sa tutorial kung
paano gumawa ng sariling resume.

(44) Paano gumawa ng Resume? | Tagalog Tips and actual making of Resume – YouTube

(44) Difference Between CV and RESUME Explained / CV vs Resume —Interview Skills - YouTube
F. MGA MAPAGSASANGGUNIAN SA PAGSULAT
1. Diksiyonaryo
2. Internet
3. Aklat
4. Ensiklopedya
5. Atlas
6. Tesis
7. Disertasyon
8. Pahayagan
9. Journal
10. Almanake
1. Diksiyonaryo
 Hindi mapasusubaliang napakahalaga ng diksiyonaryo upang
malaman ang tamang baybay o ispeling mga isinusulat.
 Tinatawag din itong talatinigan o talahuluganan.
 Nakaayos dito ang mga entring salita sa paalpabetong
pagkakasunod-sunod.
2. Internet
 Ang internet ang isa sa pinakamabilis na mapagkukunan ng impormasyon
sa pagusulat.
 Ito ay hango sa pinaikling "internet working.“
 Kailangan dito ng kompyuter o anumang gadget upang ito ay magamit.
3. Aklat
 Pinakamabisa pa ring hanguan ng impormasyon sa anumang
pagsusulat ang aklat o libro.

 Kumpara sa internet, mas mapagkakatiwalaan ang aklat


sapagkat may pangalan ito ng mga sumulat nito. Ibig sabihin,
may mananagot at kayang manindigan sa mga impormasyong
mababasa sa libro.
 May mga tagapaglathala ang bawat libro na siya ring kaakibat
sa anumang pananagutan ukol sa nilalaman nito. Higit sa lahat,
ang libro ay may mga editor na nagpapakinis pang lumabas ito
nang malinis at malayo sa mga tipograpikong pagkakamali.
Halimbawa ng aklat ang "Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik" nina Victoria, et al. (2013).
4. Ensiklopedya
 Makapal na libro ang ensiklopedya na naglalaman ng
maraming tomo o bolyum tungkol sa espesipikong
paksa o kaalaman.
 Mamahalin ang uring ito ng sanggunian subalit tiyak na
malaman ang pagtalakay rito sa anumang napiling
paksang inilathala.
 Paalpabeto rin ang pagkakaayos nito at karaniwang
nilalaman nito ang mga kakatwa o pambihirang
pangyayari sa buhay ng tao at sa daigdig.
Halimbawa ng ensiklopedya ang "Guinness Book
of Record”
5. Atlas
 Kung gusto mong sumangguni sa mga impormasyong
may kinalaman sa lugar o tiyak na bansa, malaking tulong
ang atlas.
 Naglalaman ito ng mga larawan, hugis o sukat ng isang
lugar na nais mong puntahan. Para ito sa mga taong
mahilig maglakbay.
 Makikita rito ang tiyak na lokasyon ng iba’t ibang
pasyalan at tanawin gayundin ang iba't ibang anyo ng
tubig at lupa kasama na ang sukat kung gaano ito kalawak
o kakitid.
6. Tesis
 Sa tesis kinukuha ang mga kaugnay na literatura sa isang pananaliksik.
 Ang kaugnay a literatura ay pangalawang bahagi sa paggawa ng isang
pananaliksik.
 Malaking tulong ang tesis sa pagsusulat sapagkat ang mga ito ay mga naunang
pag-aaral at magbibigay-linaw sa isang paksang isinusulat.
7. Disertasyon
 Mataas na uri ng pagsusulat ang disertasyon.
 Ginagawa na ito ng mga nag-aaral sa antas doktorado.
 Kaiba sa tesis, ang disertasyon ay gumagawa ng sariling teorya
ang isang mananaliksik. Ito ang pinal na kahingian upang
makapagtamo na digring doktorado ang isang mag-aaral na
nagpapakadalubhasa sa napiling larang o disiplina.
Halimbawa
Halimbawa ng tesis na isinulat ni disertasyon ang isinulat ni Buban
(2003) na "Pagsasaling Intralingguwal ng Nobelang Moog ni
Medina."
8. Pahayagan
 Ang pahayagan o diyaryo ay arawang lumalabas sa sirkulasyon upang
mabasa ng publiko.

 Makakatulong ang pahayagan upang magkaroon ng batayan ang mga


isinusulat lalo na sa mga napapanahon at maiinit na isyung pinag-
uusapan ng bayan.

 Karaniwang nag lalaman ito ng mga balitang internasyonal, nasyonal at


lokal.
8. Pahayagan
Sa bansa, ang tatlong pangunahing Madalas namang nasusulat ang mga tabloid
pahayagan sa Ingles ay ang Manila Bulletin, sa wikang Filipino gaya ng Bulgar, Pilipino
Philippine Daily Inquirer at Philippine Star. Star, Tiktik at iba pa.
9. Journal
 Maaaring referred o hindi ang isang journal.

 Ito ay kalipunan ng mga pag-aaral na pinaikling bersiyon.

 Maaaring mula ito sa tesis at disertasyon na muling inilalathala


upang itampok lamang ang mga pinakamahalagang bahagi.
 Mga sanaysay ito na bunga ng mga pananaliksik tungkol sa isang
partikular na paksa.
Sa Pamantasang De La Salle ay may Malay Journal.
Pamantasang Ateneo de Naga ay may Gibon Journal.
Daluyan naman ang pamagat ng journal sa Unibersidad na Pilipinas.
10. Almanake
 Kalendaryo ito ng mga araw sa isang taon na
kinatatalaan ng mga oras ng iba't ibang
pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo,
pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng
buwan atbp.
 Makakatulong ito sa pagsusulat tungkol sa
partikular na kasaysayan ng isang bansa o lugar.

 Makikita rin dito ang mga prominenteng tao at


ang mga kasaysayang nag-iwan ng tatak o marka
sa isang lahi o lipi.
Reference:
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
(Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 2)
JOEL S. SALVADOR et al. (2014)

You might also like