Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Angel L.

Marquez
VII- Salem

Performance task 2

Interviewer: Angel L. Marquez


Interviewee: Baby Jean L. Marquez 3rd Year MedTech student

Pandemya

Nitong nakaraang Sabado ay aking inanyayahan ang aking kapatid na si Baby


Jean L. Marquez . Siya ay 20 taong gulang at kasalukuyang nag aaral sa Our Lady of
Fatima University Antipolo campus sa kursong Bachelor of Science in Medical
Technology. Siya ang aking napiling interbyuhin sapakat may kinalaman ang kaniyang
napiling propesyon sa aming pag uusapan, ang pandemya.

Noong dumating ang pandemya sa ating bansa ay isa rin isala sa higit na
naapektuhan nito, pinasarado muna ang mga unibersidad at paaralan upang maiwasan
ang mabilisang pagkalat nito. At base sa aking kapatid, dahil madami rin na mga
medtech ang kanyang nakakasalamuha dahil sa ospital na katabi nila, ay sadyang
pahirapan daw noon makakuha ng space man lamang sa ospital dahil sila ay
lumalagpas na sa limit na kanilang pwedeng tanggapin sa ospital. May mga medtech na
nagiging underpaid din o hindi nagtutugma ang bayad sa kanila sa oras na kanilang
ipinapasok. Tinanong ko ang aking kapatid kung bakit kahit ganon ay hindi nila
maiwanan ang trabaho. Sabi naman niya ay dahil daw bilang isang medtech nakikita
nila na naghihirap lahat ng Pilipino sa oras na iyon, at ang kanila lamang magagawa ay
tumulong nnag libre, nang walang hinihinging kapalit. Lahat tayo ay hinihiniling na sana
matapos na ang pandemyang ito sapagkat gusto natin na bumalik na nag lahat sa dati,
pero hindi natin iyong magagawa kung hindi tayo magtutulungan. Pero kaakibat nito ay
ang panganib naman na maaari mong dalhin sa iyong pamilya sa araw- araw na
pagttrabaho sa ospital. Sabi ng aking kapatid, ang ibang medtech daw ay halos sa
ospital na tumira para lamang maiwasan madala ang virus na ito sa kanilang. Mahirap
pero para sa bayan ay gagawin ang lahat.

Pero hindi mo magagawa ang lahat ng ito kung hindi mo aalagaan ang iyong
sarili, ibayong pag-iingat dapat ang gawin upang hindi mahawa nito. Lahat tayo ay
gusto na din namang mawala ang pandemyang ito, kaya mahalaga pa rin ang pag
iingat kahit na lumuwag na ang mga protocol ngayon dahil tandaan natin, nasa gitna pa
rin tayo ng PANDEMYA.

You might also like