PSMD Beginner - S Guide To Stock Market Part 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PSMD : BEGINNER’S GUIDE TO STOCK MARKET : PART 1

Hello friends, Para dun po sa mga beginners and wala pang masyado idea about the stock
market, I will make a series of guidelines kung pano mag umpisa from the beginning.
Ano nga ba ang Stock Market?
To make it simple, ang stock market ay isang paraan para kumita sa pamamagitan ng
pagbili ng kabahagi/shares ng isang stock/kompanya at pagbebenta nito sa mataas na
halaga.
Maari ka ring kumita sa pamamagitan ng mga dividends na ibinabahagi ng mga
kompanya kung nakabili ka at patuloy mong hinahawakan ang shares nito.
Pero tulad ng ibang investments , hindi po to 100% . There is chance na malugi ka rin kung
ung napili mong kompanya ay humina or na bankcrupt.
Kaya nararapat po lamang na pag aralan natin itong mabuti para maiwasan ang pagkalugi,
dahil may risk din ang pag iinvest sa stock market.
Lagi po nating tandaan na sabe nga ni Lolo Warren Buffet “Risk comes from not knowing
what you are doing”. Lahat naman po ng bagay may risk, gaya ng halimbawa ay ang
pagtawid sa kalsada, Bakit ka tatawid kung alam mo na bawal, or alam mo na may mga
sasakyan pa. May risk pero since na kelangan mo tumawid, hinintay mo muna kung kelan
pwede at safe na. Ganun din sa stock market, kung basta basta ka papasok nakulang sa
kaalaman, malamang masagasaan ka…
So gusto mo ba talaga pumasok sa Stock Market?
In order to learn the concept and “general” Idea, I suggest na panoorin nyo muna yung
mga links sa links na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=9n0q_kfyQgw

https://www.youtube.com/watch?v=DlWgTUCaNB4
Matapos mong panoorin ung mga videos sa link:
Tanong:

Alam mo na ba kung ano ang Stock Market? (kung hindi, watch it again and again) 😊

(Note: Since this is for the beginners, I will be posting muna more on long term investing
kc I suggest if nag uumpisa pa lang, kelangan muna ng at least 1 year exposure sa
market, bago ka mag attempt to do active trading, unless marami ka pera for tuition fees,
because it is a different battlefield.)
(to be continued….)

You might also like