Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

10

Ara
ling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Karapatang Pantao

Kagawaran ng Edukasyon  Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Karapatang Pantao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dale Winston T. Dagasuhan

Editor: Maria Rowena R. Lee


Ella Rosario A. Sencio
Andrew B. Cuarto
Tagaguhit: Dale Winston T. Dagasuhan
Tagapamahala:
Pangulong Tagapamahala: Arturo B. Bayucot, PhD., CESO V
Rehiyunal na Direktor
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia, PhD., CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD., CESO IV
Tagapamahalang Pansangay
Shambaeh A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamahalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, PhD., Chief ES, CLMD
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS_ADM
Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD., Chief ES, CID
Wendell C. Catam-isan, PhD., EPS sa Araling Panlipunan
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD., LRMS Manager
Jenny B. Timbal, PDO II
Shela O. Bolasco, Division Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng : Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Kawanihan ng mga Kaalaman
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay City
Telefax: 088-813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2.a:
Bill of Rights

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador


sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph
Pinapahalagahan namin ang iyong mga tugon at mga
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon  Republika ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman
Takip ng Pahina i
Pahina ng Copyright ii
Pahina ng Titulo iii
Aralin 1 – Bill of Rights
Alamin 1
Subukin 2
Balikan 4
Tuklasin 4
Suriin 7
Pagyamanin 7
Isaisip 8
Isagawa 9
Tayahin 10
Karagdagang Gawain 12

Aralin 2 – Mga Karapatan ng Bata

Alamin 13
Subukin 14
Balikan 16
Tuklasin 16
Suriin 18
Pagyamanin 19
Isaisip 20
Isagawa 21
Tayahin 22
Karagdagang Gawain 23

Aralin 3 – Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Alamin 24
Subukin 25
Balikan 26
Tuklasin 27
Suriin 28
Pagyamanin 29
Isaisip 30
Isagawa 30
Tayahin 31
Karagdagang Gawain 32
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Ikaapat na Markahan hinggil sa Bill of Rights

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
kaalaman, gawain, paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mga mag-aaral kahit sila ay nasa
kanilang sariling tahanan.
Para sa Mga Magulang:
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng
ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong magdulot ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

ii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkunan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Bigyang halaga ang pagbasa at pag-unawa sa mga paksang nakapaloob sa
modyul.
4. Upang maiwasan ang pagkakamali, ugaliing sumunod sa mga panuto sa
bawat gawain at pagsasanay na sasagutin.
5. Magtiwala sa sarili upang ang lahat ng mga tanong ay masagutan at walang
makaligtaan.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

iii
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang modyul ay naglalaman ng mga aralin kagaya ng nakasaad sa ibaba:
 Aralin 1 – Bill of Rights
 Aralin 2 – Karapatan ng Bata
 Aralin 3 – Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.

iv
Aralin
Bill of Rights
2.a1

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa konsepto at katuturan ng


pagkamamamayan kung saan matutunghayan ang pinagmulan ng
mga karaptang pantao at kung paano lumawak ang
pagpapakahulugan nito sa kasalukuyangg panahon.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang paglalayon na
makatulong upang ang bawat isa ay maliwanagan sa pagbibigay
halaga sa pagiging mamamayan ng isang estado o lipunan at
maipatanggol ang sarili sa panahong maaabuso ang iyong karapatan.
Naglalayon ang modyul na ito na mabigyang impormasyon ang
lahat sa kahalagahan ng magiging aksyon, gawi, pag-iisip at
damdamin ng isang tao sa pagganap sa kanyang mga gampanin,
tungkulin at karapatan bilang mamamayan ng isang estado. Kung
paanong ang pagganap nito ay makatutulong sa pagkamit ng isang
mapayapang bansa at matiwasay na pamumuhay.
Sa modyul na ito, matututuhan mo rin na maging isang
aktibong mamamayan sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga
karapatan at pagbibigay halaga sa mga isyung panlipunan na
nangangailangan ng mga hakbang at solusyun upang ang mga ito ay
matugunan at masolusyunan.
 Aralin 2.a1 – Bill of Rights

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan

i
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Ito ay listahan ng mga pinagsama-samang kaapatan ng bawat tao


mula sa dating Konstitusyon at karagdagang karapatan n gmga
indibidwal.
A. Bill of Rights
B. Cyrus Cylinder I ng England
C. Petition of Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
2. Batay sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo III
sa anong seksyon nakapaloob ang karapatang hindi dapat alisan
ng buhay o ari-arian ang isang mamamayan nang hindi
kaparaanan ng batas?
A. Seksyon 1
B. Seksyon 2
C. Seksyon 3
D. Seksyon 4
3. Ang sumusunod ay mga karapatan na nakapaloob sa Sekyon 2,
maliban sa isa.
A. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
pamamamahay
B. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
papeles
C. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
sarili
D. Pagkakaroon ng karapatan na hindi dapat labagin ang
pagiging lihim ng komunikasyon
4. Bawat mamamayan ay mayroong karapatan sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayag, ito ay nakapaloob
sa anong Sekyong ng Bill of Rights?
A. Seksyon 1
B. Seksyon 2
C. Seksyon 3
D. Seksyon 4

ii
5. Karapatan ng bawat isa na hindi dapat papanagutin sa
pagkakasalang criminal nang hindi sa kaparaanan ng batas. Ito ay
nakapaloob sa anong seksyon?
A. Seksyon 5
B. Seksyon 6
C. Seksyon 7
D. Seksyon 8
6. Si Juan bilang isang akusado ay nanatiling tahimik at hindi
tumestigo laban sa kanyang sarili. Ito ay kanyang karapatan na
nakapaloob sa anong seksyon?
A. Seksyon 15
B. Seksyon 16
C. Seksyon 17
D. Seksyon 18
7. Anong seksyon ang nagsasaad na hindi dapat detenihin ang sino
mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring
pampulitika?
A. Seksyon 15
B. Seksyon 16
C. Seksyon 17
D. Seksyon 18
8. Ang karapatang magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,
pamamahay at papeles ay nakapaloob sa anong seksyon?
A. Seksyon 1
B. Seksyon 2
C. Seksyon 3
D. Seksyon 4
9. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa
pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika, ay
karapatang makikita sa anong seksyon ng Bill of Rights?
A. Seksyon 3
B. Seksyon 4
C. Seksyon 5
D. Seksyon 6
10. Ang sumusunod na karapatang pantao ay nakapaloob sa
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 na makikita rin sa
anong artikulo?
A. Artikulo I
B. Artikulo II
C. Artikulo III
D. Artikulo IV

iii
Balikan

Sa pagsisimula ng talakayan sa mga paksa sa modyul na ito


seguradong ikaw ay masisisyahan at malilinawan sa mga katanungan na
tumatakbo sa iyong isipan. Dahil sa modyul na ito mas makikilala mo ang
iyong sarili bilang isang mamamayan. Kaya ihanda ang sarili upang masagot
ang iyong sarili sa mga katanungang- “ano-ano ang aking mga karapatan”?
“paano ko mapangangalagaan ang aking mga karapatan?
Panuto: Isulat sa isang-kapat na papel ang mga karapatang pantao
na iyong alam at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa iyo
bilang isang tao.

Bill of Rights

Ang pagkamamayan ay hindi lamang nangangahulugan bilang kasapi


ng isang estado o lipunan, bagaman ito ay mayroong kaakibat na mga
karapatan na dapat makamtan at mapangalagaan. Halimbawa na lamang ng
mga isyung panlipunan na napapanahon o mga isyung pangkasalukuyan.Sa
kasalukuyan, ating makikita sa mga balita at pahayagan ang lantarang
paglabag sa mga karapatang pantao, nandiyan ang walang habas na
pagpatay, panggagahasa at pati narin diskriminasyon. Ating alalahanin na
kaya nating gumawa ng mga hakbang na ikabubuti ng lahat kahit na tayo ay
walang posisyon o kapangyarihan sa pamahalaan sapagkat bilang
miyembro ng isang estado nasa ating kamay rin ang susi upang ating
makamit ang isang mapayapa at matiwasay na bansa at pamumuhay.
 

Tuklasin

.
Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng
maigting na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang
panig ng daigdig. Ayon sa Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika
ng Pilipinas, 1987 ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at
ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. Binigyang-
diin ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)
na nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III.

iv
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating
bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa
Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 Artikulo III
SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na
pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa
kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi
makatwirang paghahaluglog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat
labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip
maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom
matapos masitasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng
panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga
taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal n autos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba
ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa
paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa sinusundang
seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan
na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang
kanilang mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o
nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman
ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at
pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang
pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng
tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal n
autos ng hukuman. Ni hindi dapat bawahan ang karapatan sa paglalakbay maliban
kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o
kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran hinggil sa
mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na record, at
sa mga dokumento at papeles tugkol sa mga opisyal na Gawain, transaksyon, o pasya,
gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran
sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring
itadhana ng batas.
SEK. 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang
mga 380
SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang criminal ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang
sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang

v
magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at
dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at
hayagang paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang
kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya
para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring
ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na
napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban
kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang
pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang
paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman,
malapanghukuman, o pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang
paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung
ang kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o
di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang
Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot na
krimen. Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.
Sanggunian: Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,
Panuto: Batay sa natalakay na paksa, pumili ng isang seksyon tungkol sa
karapatang pantao at ipaliwanag ang iyong ideya hinggil dito. Isulat ang sagot sa
kahon na makikita sa ibabang bahagi.

Magaling! Mahusay ang iyong pagkasagot sa gawain.

vi
Suriin

Maraming pagkakataon na ating nababasa sa mga pahayagan, naririnig sa


radyo, napanood sa telebisyon, at napag-uusapan ang paksa tungkol sa karapatang
pantao. Ang Bill of Rights o Katipunan ng Karapatang Pantao ng ating bansa ay isa
lamang sa maraming katipunan na naisabatas upang pangalagaan ang ating
karapatan bilang mga mamamayan ng ating estado.
Kung susuriin natin ang nasabing gawain, ito ay tumatalakay sa mga seksyon
na nakapaloob sa nasabing Konstitusyon kung saaan ang bawat mamamayan ng
bansa ay mayroong mga karapatan na dapat taglayin, at ipagtanggol. Nakapaloob
din sa nasabing katipunan ang mga hakbang o bagay na dapat isagawa ng isang
mamamayan sa panahong ang kanyang karapatang pantao ay nalabag o naabuso.

Pagyamanin

Panuto: Balikan ang mga sekyon na tinalakay. Ibigay ang hinihingi sa


bawat sekyon. Gumamit ng isang buong papel sa pagsagot nito. Sundin ang
pormat sa ibaba.

Seksyon Mga Nakapaloob


na Karapatang Pantao
1. Seksyon 1

2. Seksyon 2

3. Seksyon 3

4. Seksyon 4

5. Seksyon 5

vii
Isaisip
Panuto: Pumili ng isang seksyong natalakay at ipaliwanag
kung paano nito nababago ang iyong pananaw sa
pagtatanggol sa mga karapatang pantao at ang
pagbibigay respeto at galang sa kapwa. Isulat ang iyong
sagot sa kahong nakalaan sa ibaba.

Isagawa

Panuto: Pumili ng isang karapatang pantao na nakapaloob sa alinmang


seksyong tinalakay na dokumento. Magbigay ng halimbawa,
sitwasiyon o pangyayari sa iyong komunidad na nagpapatunay na
nagaganap o ipinatutupad ito sa kasalukuyan. Isulat sa kahon ang
iyong sagot.
.

viii
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay listahan ng mga pinagsama-samang kaapatan ng bawat tao


mula sa dating Konstitusyon at karagdagang karapatan n gmga
indibidwal.
A. Bill of Rights
B. Cyrus Cylinder I ng England
C. Petition of Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
2. Batay sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo III
sa anong seksyon nakapaloob ang karapatang hindi dapat alisan
ng buhay o ari-arian ang isang mamamayan nang hindi kaparaanan

ix
ng batas?
A. Seksyon 1
B. Seksyon 2
C. Seksyon 3
D. Seksyon 4
3. Ang sumusunod ay mga karapatan na nakapaloob sa Sekyon 2,
maliban sa isa.
A. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
pamamamahay
B. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
papeles
C. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
sarili
D. Pagkakaroon ng karapatan na hindi dapat labagin ang
pagiging lihim ng komunikasyon
4. Bawat mamamayan ay mayroong karapatan sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayag, ito ay nakapaloob
sa anong Sekyong ng Bill of Rights?
A. Seksyon 1
B. Seksyon 2
C. Seksyon 3
D. Seksyon 4

5. Karapatan ng bawat isa na hindi dapat papanagutin sa


pagkakasalang criminal nang hindi sa kaparaanan ng batas. Ito ay
nakapaloob sa anong seksyon?
A. Seksyon 5
B. Seksyon 6
C. Seksyon 7
D. Seksyon 8
6. Si Juan bilang isang akusado ay nanatiling tahimik at hindi
tumestigo laban sa kanyang sarili. Ito ay kanyang karapatan na
nakapaloob sa anong seksyon?
A. Seksyon 15
B. Seksyon 16
C. Seksyon 17
D. Seksyon 18
8. Anong seksyon ang nagsasaad na hindi dapat detenihin ang sino
mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring
pampulitika?
A. Seksyon 15

x
B. Seksyon 16
C. Seksyon 17
D. Seksyon 18
8. Ang karapatang magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,
pamamahay at papeles ay nakapaloob sa anong seksyon?
A. Seksyon 1
B. Seksyon 2
C. Seksyon 3
D. Seksyon 4
9. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa
pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika, ay
karapatang makikita sa anong seksyon ng Bill of Rights?
A. Seksyon 3
B. Seksyon 4
C. Seksyon 5
D. Seksyon 6
10. Ang sumusunod na karapatang pantao ay nakapaloob sa
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 na makikita rin sa
anong artikulo?
A. Artikulo I
B. Artikulo II
C. Artikulo III
D. Artikulo IV

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang seksyon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas


at maghanap ng larawan sa mga pahayagan o internet na mayroong
kaugnayan nito. Pagkatapos ay ipaliwanag ang iyong ideya sa
nasabing larawan. Gumamit ng short bondpaper sa paggawa nito.

Magaling! Natapos mo nang mahusay ang aralin 2.a1. Magpatuloy sa


susunod na aralin.

xi
Aralin
Mga Karapatan ng Bata
2.a2

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa konsepto at


katuturan ng pagkamamamayan kung saan matutunghayan ang
pinagmulan ng mga karaptang pantao at kung paano lumawak ang
pagpapakahulugan nito sa kasalukuyangg panahon.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang paglalayon na
makatulong upang ang bawat isa ay maliwanagan sa pagbibigay
halaga sa pagiging mamamayan ng isang estado o lipunan at

xii
maipatanggol ang sarili sa panahong maaabuso ang iyong karapatan.
Naglalayon ang modyul na ito na mabigyang impormasyon ang
lahat sa kahalagahan ng magiging aksyon, gawi, pag-iisip at
damdamin ng isang tao sa pagganap sa kanyang mga gampanin,
tungkulin at karapatan bilang mamamayan ng isang estado. Kung
paanong ang pagganap nito ay makatutulong sa pagkamit ng isang
mapayapang bansa at matiwasay na pamumuhay.
Sa modyul na ito, matututuhan mo rin na maging isang
aktibong mamamayan sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga
karapatan at pagbibigay halaga sa mga isyung panlipunan na
nangangailangan ng mga hakbang at solusyun upang ang mga ito ay
matugunan at masolusyunan.

 Aralin 2.a.2 – Karapatan ng Bata

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao


ng indibidwal na may gulang 17 at pababa.
A. Childre’s Act
B. Childre’s Rights
C. Petition of Childre’s Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
2. Sa anong artikulo ng UNCRC nakapaloob ang pagbibigay-diin sa
pagkakapantay-pantay ng bawat bata anuman ang kaniyang lahi, kultura,
relihiyon, kakayahan, o kalagayan sa buhay?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4

xiii
3. Anong artikulo ang nagtatakda sa pamahalaan ng tungkulin nito na tiyakin
ang paggalang, pangangalaga, at pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
bata?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4
4. Nakapaloob sa artikulong ito ang paggalang ng pamahalaan sa karapatan
at tungkulin ng pamilya sa paggabay sa mga bata.
A. Artikulo 2
B. Artikulo 3
C. Artikulo 4
D. Artikulo 5
5. Ang sumusunod ay mga karapatan ng bata na inilahad sa artikulo 6
hanggang 40 maliban sa isa.
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang magpahayag ng kanilang saloobin
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang pumili ng magulang

6. Sa anong artikulo nakapaloob ang pangunahing pagbibigay pansin sa


nararapat na kalagayan at kapakanan ng mga bata sa pagtakda ng mga
batas at polisiyang makaaapekto sa kanila?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4
7. Sa anong artikulo nakalahad ang pagpapakahulugan sa salitang bata?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4
8. Ang sumusunod ay mga pang-aabuso na nararanasan ng mga bata
maliban sa isa.
A. Pagtatapos ng pag-aaral
B. Pang-aabusong mental
C. Pang-aabusong pisikal
D. Pang-aabusong sekswal
9. Si Maria ay lumaking matibay at malusog ang pangangatawan. Ito ay
naaayon sa anong karapatan ng isang bata?
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang sa mabuting pangangalagang pangkalusugan
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
xiv
D. Karapatang pumiling magulang
10. Si Mario at kanyang mga kapatid ay maswerte sapagkat sila ay
nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Ito ay naaayon sa anong
karapatan?
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang magpahayag ng kanilang saloobin
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang sa standard of living

Balikan

Panuto: Bago natin sisimulan ang bagong paksa sa araw na ito ay balikan
muna natin ang naging paksa hinggil sa Bill of Rights. Isulat ang
iyong ideya sa isang-kapat na papel.

Tuklasin

Karapatan ng Bata
Nakatuon din ang maraming pamahalaan sa iba’t ibang panig ng daigdig at
maging ang mga Non-Government Organizations (NGOs) para sa maigting na

xv
pagbuo at pagpapatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang mga
karapatan ng mga bata.
Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC),
tumutukoy ang children’s rights o mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang
pantao ng mga indibiduwal na may gulang na 17 at pababa, maliban sa mga
bansang may sariling batas sa pagtukoy ng “legal age” ng mamamayan nito. Ang
mga karapatang ito ay kailangan ng mga bata upang magkaroon ng mabuti at ligtas
na buhay, at mahubog ang kanilang kakayahan upang magtagumpay sa buhay at
maging yaman ng bansa sa hinaharap. Dagdag pa rito, bawat bata, anuman ang
kasarian at katayuan sa buhay ay nararapat na taglay ang mga karapatang ito.

Nasa talahanayan ang buod ng mga


karapatan ng mga bata batay sa
UNCRC.

Artikulo 1 Paglalahad sa kahulugan ng bata

Artikulo 2 Pagbibigay-diin sa pagkakapantay-


pantay ng bawat bata anuman ang
kaniyang lahi, kultura, relihiyon,
kakayahan, o kalagayan sa buhay
Artikulo 3 Pangunahing pagbibigay ng pansin
sa nararapat na kalagayan at
kapakanan ng mga bata sa
pagtakda ng mga batas at polisiyang
makaaapekto sa kanila
Artikulo 4 Pagtatakda sa pamahalaan ng
tungkulin nito na tiyakin ang
paggalang, pangangalaga, at
pagpapatupad ng mga karapatan ng
mga bata
Artikulo 5 Paggalang ng pamahalaan sa mga
karapatan at tungkulin ng mga
pamilya na turuan at gabayan ang
kanilang mga anak na matutuhan
ang wastong pagganap sa kanilang
mga karapatan

Ang sumusunod na mga karapatan ng mga bata ay inilahad sa Artikulo 6 hanggang


40

 Magkaroon ng ligtas at malusog na buhay, at legal at


rehistradong pangalan, nasyonalidad, manirahan at
maalagaan ng kanilang magulang.
 Magkaroon ng karapatang magpahayag ng kanilang
saloobin at magkaroon ng tinig sa mga
pagpapasyang makaaapekto sa kanilang buhay.
 Magkaroon ng karapatan sa pag-alam ng

xvi
impormasyong makabubuti sa kanilang kalusugan at
pagkatao, kalayaan sa pag-iisip, pananampalataya,
pribadong pamumuhay, at paglahok sa mga
organisasyon.
 Magkaroon ng proteksiyon laban sa lahat ng pang-
aabusong pisikal, seksuwal, at mental. Gayundin ang
child labor, drug abuse, kidnapping, sale, at
trafficking.
 Magkaroon ng espesyal na karapatan sa
pangangalaga sa mga ampon, refugee, biktima ng
digmaan o kaguluhan, may mga kapansanan, at
naakusahan ng paglabag sa batas.
 Magkaroon ng mabuting pangangalagang
pangkalusugan, standard of living, edukasyon,
libangan at paglalaro.

Panuto: Batay sa paksang tinalakay, pumili ng isang artikulo at


ipaliwanag ang iyong naintindihan dito. Isulat sa kahon sa ang iyong
sagot.

xvii
Suriin
Hindi na nabago sa atin ang makabasa sa pahayagan at makarinig sa radyo
ng mga balita tungkol sa mga pang-aabuso sa mga kabataan. Kung saan ang mga
bata ay binubugbog at inaabandona ng kanilang sariling mga magulang. Mayroon
ding mga bata na nanlilimos sa lansangan para lamang mayroong makain at
mapunan ang gutom na iniinda. Ang paksang tinalakay ay tungkol sa mga karapatan
ng bata. Sapagkat, bilang isang tao at kabilang sa estado karapatan din nila na
magkaroon ng maganda at maayos na pamumuhay.
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay ang isa lamang sa mga tugon
upang makamit ng bawat bata ang karapatang kanilang ninanais. Higit sa lahat, ang
mga batas at karapatan na natalakay ay siyang maaring makatulong sa mga
kabataan na naaabuso upang maipatanggol ang kanilang ang kanilang sarili at
makamit ang hustisya na kanilang ninanais.

Pagyamanin

Panuto: Pumili ng isang halimbawa ng karapatan mula sa tinalakay na paksa


at ipaliwanag ang iyong ideya hinggil dito at ang kahalagahan nito
sa isang bata.

xviii
Isaisip

Panuto: Kompletuhin ang talahanayan na nasa ibaba sa pamamagitan


ng paglagay ng mga tamang detalye sa bawat kahon.

Artikulo Karapatang nakapaloob

Artikulo 1

Artikulo 2

Artikulo 3

xix
Artikulo 4

Artikulo 5

Isagawa

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na sasagot sa katanungan sa ibaba. Ang


gagawing sanaysay ay binubuo ng dalawang saknong na mayroong
tig-tatatlong pangungusap. Isulat ang sagot sa kahon na nakalaan
sa ibaba.

1. “Ako bilang isang bata”

xx
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao


ng indibidwal na may gulang 17 at pababa.
A. Childre’s Act
B. Childre’s Rights
C. Petition of Childre’s Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
2. Sa anong artikulo ng UNCRC nakapaloob ang pagbibigay-diin sa
pagkakapantay-pantay ng bawat bata anuman ang kaniyang lahi, kultura,
relihiyon, kakayahan, o kalagayan sa buhay?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4
3. Anong artikulo ang nagtatakda sa pamahalaan ng tungkulin nito na tiyakin
ang paggalang, pangangalaga, at pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
bata?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4
4. Nakapaloob sa artikulong ito ang paggalang ng pamahalaan sa karapatan
at tungkulin ng pamilya sa paggabay sa mga bata.
A. Artikulo 2
B. Artikulo 3
C. Artikulo 4
D. Artikulo 5
5. Ang sumusunod ay mga karapatan ng bata na inilahad sa artikulo 6
hanggang 40 maliban sa isa.
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang magpahayag ng kanilang saloobin

xxi
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang pumili ng magulang

6. Sa anong artikulo nakapaloob ang pangunahing pagbibigay pansin sa


nararapat na kalagayan at kapakanan ng mga bata sa pagtakda ng mga
batas at polisiyang makaaapekto sa kanila?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4
7. Sa anong artikulo nakalahad ang pagpapakahulugan sa salitang bata?
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4
8. Ang sumusunod ay mga pang-aabuso na nararanasan ng mga bata
maliban sa isa.
A. Pagtatapos ng pag-aaral
B. Pang-aabusong mental
C. Pang-aabusong pisikal
D. Pang-aabusong sekswal
9. Si Maria ay lumaking matibay at malusog ang pangangatawan. Ito ay
naaayon sa anong karapatan ng isang bata?
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang sa mabuting pangangalagang pangkalusugan
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang pumiling magulang
10. Si Mario at kanyang mga kapatid ay maswerte sapagkat sila ay
nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Ito ay naaayon sa anong
karapatan?
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang magpahayag ng kanilang saloobin
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang sa standard of living

Karagdagang Gawain

Bumuo ng isang tula na mayroong paksa hinggil sa karapatang pantao. Ang


tula ay binubuo ng tatlong saknong na may apat na taludtud. Ang tula na gagawin ay
isang malayang tula. Isulat ito sa isang buong papel.

xxii
Mahusay! Natapos mo na ang aralin na ito. Ngayon, ihanda
ang sarili para sa susunod na aralin.

Aralin Ang mga Karapatang Pantao at


2.a.3 ang Pagkamamamayan

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa konsepto at katuturan ng


pagkamamamayan kung saan matutunghayan ang pinagmulan ng mga
karaptang pantao at kung paano lumawak ang pagpapakahulugan nito
sa kasalukuyangg panahon.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang paglalayon na makatulong
upang ang bawat isa ay maliwanagan sa pagbibigay halaga sa pagiging
mamamayan ng isang estado o lipunan at maipatanggol ang sarili sa
panahong maaabuso ang iyong karapatan.
Naglalayon ang modyul na ito na mabigyang impormasyon ang lahat
sa kahalagahan ng magiging aksyon, gawi, pag-iisip at damdamin ng
isang tao sa pagganap sa kanyang mga gampanin, tungkulin at
karapatan bilang mamamayan ng isang estado. Kung paanong ang
pagganap nito ay makatutulong sa pagkamit ng isang mapayapang
bansa at matiwasay na pamumuhay.
Sa modyul na ito, matututuhan mo rin na maging isang aktibong
mamamayan sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga karapatan at
pagbibigay halaga sa mga isyung panlipunan na nangangailangan ng
mga hakbang at solusyun upang ang mga ito ay matugunan at
masolusyunan.

 Aralin 2.a.3 – Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan

xxiii
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang kaakibat ng pagiging mamamayan ng isang indibidwal?
A. Kalayaan
B. Kakayahan
C. Karangalan
D. Karapatan
2. Anong antas ng kamalayan nakapaloob ang kawalan ng pagkilos at
interes?
A. Antas 1
B. Antas 2
C. Antas 3
D. Antas 4
3. Ang limitadong pagkukusa ay makikita sa anong antas ng kamalayan sa
pag-unawa?
A. Antas 1
B. Antas 2
C. Antas 3
D. Antas 4
4. Ito ang antas kung saan mayroong kamalayan, aktibo, at malayang
pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at
sama-samang pagsisikap.
A. Antas 1
B. Antas 2
C. Antas 3
D. Antas 4
5. Ano ang nakapaloob sa unang antas ng kamalayan sa pag-unawa?
A. Kawalan ng pagkilos at interes
B. Limitadong Pagkukusa
C. Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa
D. Pagpapaubaya at Pagkakaila
6. Sino ang nagpahayag na maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng
iba pang nakapaloob na karapatang pantao ang perspektibo ng tao na
maging aktibong mamamayan?

xxiv
A. Alex Lacson
B. Eleanor Roosevelt
C. M.S. Diokno
D. Randy David

7. Ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino ay nakasaad sa anong


Saligang-batas ng Pilipinas?
A. Saligang-batas ng 1984
B. Saligang-batas ng 1985
C. Saligang-batas ng 1986
D. Saligang-batas ng 1987
8. Ang sumusunod ay mga tungkulin ng pamahalaan sa mga mamamayan
bilang pagkilala sa karapatang pantao maliban sa isa.
A. Ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal
B. Magbigay ng pagkain
C. Pagsagawa ng mga positibong aksiyon
D. Proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatan
9. Saan nakabatay ang antas ng kamalayan sa pag-unawa?
A. Facilitator’s Manual on Human Rights Education
B. Magna Carta
C. Petition of Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
10. Ang sumusunod ay mga karapatan na dapat itaguyod ng pamahalaan
para sa mga mamamayan maliban sa isa.
A. Karapatang ekonomiko
B. Karapatang legal
C. Karapatang politikal
D. Karapatang sibil

Balikan

Panuto: Bago natin sisimulan ang bagong paksa sa araw na ito ay balikan
muna natin ang naging paksa hinggil sa mga karapatan ng bata.
Sagutin ang tanong sa ibaba at isulat ang mga sagot sa isang-kapat
na papel.

1. Magbigay ng isang artikulo tungkol sa karapatan ng bata at ipaliwanag ito.


2. Magbigay ng isang halimbawa ng karapatan ng bata at ipaliwanag ito.

xxv
Tuklasin

Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao.


Inilahad sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil,
politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural na nararapat na itaguyod ng pamahalaan
para sa mamamayan nito. Ang katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing
pundasyon ng estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at
mapangalagaan ang pagkamamamayan ng mga Pilipino.
Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan,
naging tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal,
proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga
positibong aksiyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot
ng mga karapatang pantaong ito.
Ang mamamayan ay may iba’t ibang antas ng kamalayan sa pag-unawa at
pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao. Makikita ang mga antas na
ito sa sumusunod na talahanayan batay sa Facilitator’s Manual on Human Rights
Education (2003).

Antas 1 – Pagpapaubaya at Pagkakaila – walang pasubaling pagpapaubaya sa mga


paglabag ng karapatang pantao
Antas 2 – Kawalan ng pagkilos at interes – may limitadong kaalaman tungkol sa mga
karapatang pantao ngunit may pagtanggi o kawalan ng interes na igiit ang mga
karapatang ito dahil sa takot, panganib, o kakulangan sa pag-unawa ng mga
kondisyong panlipunan, ekonomiko, at politikal ng bansa
Antas 3 – Limitadong Pagkukusa – kakikitaan ng pagtaguyod ng karapatang pantao,
paghanap ng mga solusyong gamit ang karaniwang pamamaraan tulad ng
paglalahad ng reklamo
Antas 4 – Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa – may kamalayan, aktibo, at
malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at
sama-samang pagsisikap
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan
ay hindi dapat nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito.
Tungkulin din ng mamamayan na isa-alang-alang at isakatuparan ang mga ito upang
maging aktibo ang mamamayan at matutong makiisa at makialam sa mga
nangyayari sa kanilang lipunan. Ayon kay M.S. Diokno (1997), maliban sa pagiging
malaya, pinalalawak pa ng iba pang nakapaloob na karapatang pantao ang
perspektiba ng tao na maging aktibong mamamayan. Hindi lamang mahalaga ang
pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi ang aktuwal na paggiit

xxvi
at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang nararapat na mangibabaw. Ito ang
tunay na pagpapakita ng pakikilahok ng tao bilang mamamayan ng isang bansa.
Sa kasalukuyan, nahaharap ang mamamayang Pilipino sa samu’t saring
suliranin at isyung panlipunan. Batay sa mga paksang iyong tinalakay sa mga
nakaraang modyul, ipinakita ang seryosong kalagayan ng mamamayan na tunay na
nakaaapekto sa pagkakaroon ng mas mabuti at matiwasay na pamumuhay.
Bilang mga aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang
paligid, tungkulin nating tugunan ang mga ito para sa kapakanan ng lahat, at ang
paggiit ng mga karapatang pantao ay isang p araan nito.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa isang kapat na papel.

1. Ano ang tungkulin ng pamahalaan sa pagkilala nito ng mga


karapatang pantao ng mamamayan?
2. Magbigay ng isang patunay na ginagampanan ng pamahalaan ang tungkulin nito
sa pagkilala ng mga karapatang pantao ng mamamayan.

Suriin

Bilang isang mamamayan at kabilang sa isang estado, kaakibat na nito ang


mga karapatan na dapat taglayin ng bawat isa. Ang mga karapatan na ito ay
pinangangalagaan ng pamahalaan bilang patunay na kanilang ginagawa ang
kanilang tungkulin.
Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan,
naging tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal,
proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga
positibong aksiyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot
ng mga karapatang pantaong ito.

xxvii
Pagyamanin

Panuto: Pumili ng isang antas ng kamalayan ng mamamayan sa kanyang


mga karapatan at ipaliwanag ito. Isulat ang iyong sa kahon sa ibaba.

xxviii
Isaisip

Panuto: Bigyang pagpapaliwanag ang mga sumusunod na tanong.


Gumamit ng isang-kalahating papel sa pagsagot nito.

1. Sa mga antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan


ng karapatang pantaong mga mamamayan, alin ang pinaka-mahalaga
sa mga ito? Bakit?
2. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayang mulat sa mga taglay niyang karapatan?

Isagawa

Panuto: Kompletuhin ang diyagram sa pamamagitan ng pagbigay ng mga


detalying hinihingi sa talahayanan. Isulat ang sagot sa isang buong
papel at sundin ang pormat sa pagsagot.

Antas Nakapaloob na kamalayan


1.

2.

3.

4.

xxix
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang kaakibat ng pagiging mamamayan ng isang indibidwal?
A. Kalayaan
B. Kakayahan
C. Karangalan
D. Karapatan
2. Anong antas ng kamalayan nakapaloob ang kawalan ng pagkilos at
interes?
A. Antas 1
B. Antas 2
C. Antas 3
D. Antas 4
3. Ang limitadong pagkukusa ay makikita sa anong antas ng kamalayan sa
pag-unawa?
A. Antas 1
B. Antas 2
C. Antas 3
D. Antas 4
4. Ito ang antas kung saan mayroong kamalayan, aktibo, at malayang
pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at
sama-samang pagsisikap.
A. Antas 1
B. Antas 2
C. Antas 3
D. Antas 4
5. Ano ang nakapaloob sa unang antas ng kamalayan sa pag-unawa?
A. Kawalan ng pagkilos at interes
B. Limitadong Pagkukusa
C. Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa
D. Pagpapaubaya at Pagkakaila
6. Sino ang nagpahayag na maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng
iba pang nakapaloob na karapatang pantao ang perspektibo ng tao na
maging aktibong mamamayan?
A. Alex Lacson
B. Eleanor Roosevelt
C. M.S. Diokno

xxx
D. Randy David

7. Ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino ay nakasaad sa anong


Saligang-batas ng Pilipinas?
A. Saligang-batas ng 1984
B. Saligang-batas ng 1985
C. Saligang-batas ng 1986
D. Saligang-batas ng 1987
8. Ang sumusunod ay mga tungkulin ng pamahalaan sa mga mamamayan
bilang pagkilala sa karapatang pantao maliban sa isa.
A. Ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal
B. Magbigay ng pagkain
C. Pagsagawa ng mga positibong aksiyon
D. Proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatan
9. Saan nakabatay ang antas ng kamalayan sa pag-unawa?
A. Facilitator’s Manual on Human Rights Education
B. Magna Carta
C. Petition of Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
10. Ang sumusunod ay mga karapatan na dapat itaguyod ng pamahalaan
para
sa mga mamamayan maliban sa isa.
A. Karapatang ekonomiko
B. Karapatang legal
C. Karapatang politikal
D. Karapatang sibil

Karagdagang Gawain

Panuto: Upang mas lalong masubok ang iyong kaalaman hinggil sa paksa, bumuo
ng isang poster na mayroong tema na “Ang aking mga karapatan”
Sundin ang gabay sa pagwawasto na ibaba sa pagbuo ng nasabing
gawain.

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Detalye at Pagpapaliwanag Wasto ang detalyeng 15 Puntos
inilahad sa gawain; malinaw
ang pagpapaliwanag sa
ipinakitang diorama;
mahusay na naiugnay ang
angkop na karapatang
pantao sa nakatalagang
situwasyon

xxxi
Pagbuo ng Poster Angkop ang ipinakitang 10 Puntos
scenario sa diorama
tungkol sa nakatalagang
paksa; akma ang
kagamitang pantulong at
kasuotang ginamit sa
pagtatanghal
Pagkamalikhain Masining ang 5 Puntos
pagpapakita ng diorama;
may wastong blocking,
puwesto, at paglalagay
ng kagamitan.
Kabuuan 30 Puntos

xxxii
Susi sa Pagwawasto

ARALIN 2.a1
Subukin
1. A 6. C
2. A 7. D
3. D 8. B
4. D 9. C
5. D 10.B
Balikan
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Pagyamanin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isaisip
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isagawa
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tayahin
1. A 6. C
2. A 7. D
3. D 8. B
4. D 9. C
5. D 10.B
Karagdagang Gawain
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.

xxxiii
ARALIN 2.a2
Subukin
1. B 6. C
2. B 7. A
3. D 8. A
4. D 9. B
5. D 10.D
Balikan
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tuklasin
o Nasa guro an gpagpapasya kung tama.
Pagyamanin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isaisip
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isagawa
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tayahin
1. B 6. C
2. B 7. A
3. D 8. A
4. D 9. B
5. D 10.D
Karagdagang Gawain
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.

xxxiv
ARALIN 2.a3
Subukin
1. D 6. C
2. B 7. D
3. C 8. B
4. D 9. A
5. D 10.B
Balikan
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tuklasin
o Nasa guro an gpagpapasya kung tama.
Pagyamanin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isaisip
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isagawa
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tayahin
1. D 6. C
2. B 7. D
3. C 8. B
4. D 9. A
5. D 10.B
Karagdagang Gawain
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.

xxxv
Sanggunian:

Araling Panlipunan 10 Teacher’s guide


Araling Panlipunan 10 Learner’s guide
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
UNICEF (United Nations International Children's Emergency Fund). (2014).
UNICEF. Retrieved March 26, 2014, from Rights Overview:
http://www.unicef.org/crc/files/Rights_overview.pdf

xxxvi
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like