Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 8:
Papel ng Mamamayan sa
Pagkakaroon ng Mabuting
Pamamahala

Kagawaran ng Edukasyon  Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamamahala

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dale Winston T. Dagasuhan


Editor: Maria Rowena R. Lee
Ella Rosario A. Sencio
Andrew B. Cuarto
Tagaguhit: Dale Winston T. Dagasuhan
Tagapamahala:
Pangulong Tagapamahala: Arturo B. Bayucot, PhD., CESO V
Rehiyunal na Direktor
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia, PhD., CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD., CESO IV
Tagapamahalang Pansangay
Shambaeh A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamahalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, PhD., Chief ES, CLMD
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS_ADM
Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD., Chief ES, CID
Wendell C. Catam-isan, PhD., EPS sa Araling Panlipunan
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD., LRMS Manager
Jenny B. Timbal, PDO II
Shela O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng : Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Kawanihan ng mga Kaalaman


Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay City
Telefax: 088-813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 8:
Papel ng Mamamayan sa
Pagkakaroon ng Mabuting
Pamamahala
( Unang Araw )

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador


sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph
Pinapahalagahan namin ang iyong mga tugon at mga rekomendasyon.
Kagawaran ng Edukasyon  Republika ng Pilipinas
Talaan ng Nilalaman

Takip ng Pahina i
Pahina ng Copyright ii
Pahina ng Titulo iii
Aralin 1 – Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
(Unang araw)
Alamin 1
Subukin 2
Balikan 4
Tuklasin 4
Suriin 6
Pagyamanin 7
Isaisip 8
Isagawa 9
Tayahin 10
Karagdagang Gawain 12

Aralin 2 – Participatory Governance (Pangalawang araw)

Alamin 13
Subukin 14
Balikan 16
Tuklasin 16
Suriin 18
Pagyamanin 19
Isaisip 20
Isagawa 20
Tayahin 21
Karagdagang Gawain 22

Aralin 3 – Pagsasagawa ng Participatory Governance (Pangatlong araw)

Alamin 23
Subukin 24
Balikan 26
Tuklasin 26
Suriin 29
Pagyamanin 29
Isaisip 31
Isagawa 32
Tayahin 33
Karagdagang Gawain 34
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Ikaapat na Markahan hinggil sa Papel ng
Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
kaalaman, gawain, paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mga mag-aaral kahit sila ay nasa
kanilang sariling tahanan.

ii
Para sa Mga Magulang:
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng
ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago magpatuloy sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Bigyang halaga ang pagbasa at pag-unawa sa mga paksang nakapaloob sa
modyul.
4. Upang maiwasan ang pagkakamali, ugaliing sumunod sa mga panuto sa
bawat gawain at pagsasanay na sasagutin.
5. Magtiwala sa sarili upang ang lahat ng mga tanong ay masagutan at walang
makaligtaa

iv
Arali Papel ng Mamamayan sa
n Pagkakaroon ng Mabuting
8.1 Pamamahala

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga politikal na pakikilahok na kung saan


ang aktibong makikilahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa
pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.

Nakapaloob din sa modyul na ito ang paglalayon na maipabatid sa


bawat isa na dapat pahalagahan ang pakikilahok sa mga isyung panlipunan
na nararanasan ng isang estado.
Naglalayon ang modyul na ito na mabigyang impormasyon ang lahat
sa kahalagahan ng magiging aksiyon, gawi, pag-iisip at damdamin ng isang
tao sa pagganap sa kanyang mga gampanin, tungkulin at karapatan bilang
mamamayan ng isang estado. Kung paanong ang pagganap nito ay
makatutulong sa pagkamit ng isang mapayapang bansa at matiwasay na
pamumuhay.
Sa modyul na ito, matututuhan mo rin na maging isang aktibong
mamamayan na may pagpapahalaga sa pagiging isang aktibong
mamamayan.

 Aralin 8.1 – Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting


Pamamahala

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pamamahala ng isang
komunidad.
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay nangangahulugang may malayang halalang nagaganap at


nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito sa isang estado.
A. Civil liberties
B. Flawed democracy
C. Electoral process,
D. Political culture
2. Tumutukoy ito sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin
ang pansariling interes.
A. Family dynasty
B. Political influence
C. Korapsyon
D. Vote buying
3. Sino ang nagpahayag na nagkakaroon ng katiwalian bilang bunga ng
monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay desisyon, at
kawalan ng kapanagutan?
A. Alex Laccson
B. Co at mga kasama
C. Robert Klitgaard
D. Scott
4. Ito ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng
katiwalaan sa isang bansa.
A. Corruptions Perception Index
B. Global Corruption Barometer
C. Democracy Index
D. Survey
5. Ito ay ang kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng
mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa.
A. Corruptions Perception Index
B. Global Corruption Barometer
C. Democracy Index
D. survey
6.  Ayon sa ulat ng Global Corruption Barometer noong 2013 ilang porsyento
ang nagsabing lumala nang husto ang katiwalaan?
A. 19%
B. 20%
C. 21%

2
D. 22%

7. Ayon sa ulat ng Global Corruption Barometer noong 2013 ilang porsyento


ang nagsasabing lumala nang husto ang katiwalaan?
A. 29%
B. 30%
C. 31%
D. 32%
8. Ayon sa pagsusuri ng Transparency International maituturing na dahilan ng
mababang marka ng Asya-Pasipiko ay ang mga sumusunod maliban sa
isa.
A. Hindi pagiging accountable ng mga pamahalaan
B. Kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan
C. Lumiliit na espasyo para sa civil society
D. Uri ng gobyerno at pamahalaan
9. Ang sumusunod ay mga kategoryang pinagbabatayan ng Democracy Index
at Corruption Perception Index maliban sa isa.
A. Civil liberties
B. Electoral process
C. Economic background
D. Political culture
10. Ano ang maituturing na isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng
mga Pilipino sa kasalukuyan?
A. Family dynasty
B. Political influence
C. Katiwalian
D. Vote buying

3
Balikan

Panuto: Bago natin sisimulan ang panibagong paksa sa araw na ito, ay


babalikan muna natin ang ating nakaraang paksa. Isulat sa isang-
kapat na papel ang iyong natutuhan tungkol sa mga tungkulin ng
Non-
Governmental Organizations at People’s Organization.

Tuklasin

Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating


pamahalaan o lipunan sa kabuuan? Ano ba ang kalagayan ng ating demokrasya sa
kasalukuyan?
Maaaring sagutin ang mga katanungang iyan ng mga pag-aaral tungkol sa
ating bansa. Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa
lamang sa mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng ating
bansa. Ang una ay binubuo ng Economist Intelligence Unit. Pinag-aaralan nito ang
kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo. Limang kategorya ang
pinagbabatayan ng index na ito: electoral process, civil liberties, functioning of
government, political participation, at political culture.
Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang limampu sa kabuuang
167 na bansa. Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong
bansa, ang Pilipinas ay itinuturing na isang flawed democracy. Ibig sabihin, may
malayang halalang nagaganap at nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan
nito. Ngunit, may mga ibang aspekto ng demokrasiya ang nakararanas ng suliranin
tulad ng pamamahala at mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan. Ayon sa
index, hindi tayo maituturing na ganap na demokrasiya. Sa katunayan, labingsiyam
na bansa lamang ang maituturing na may ganap na demokrasiya at nangunguna rito
ang bansang Norway. Malaki na ang itinaas ng marka at ranggo ng Pilipinas. Noong
2012 ay nasa 69 ang ranggo ng ating bansa sa index na ito. Ang marka ngating
bansa para sa 2016 ay ang pinakamataas nating nakuha sa nakalipas na 10 taon.
Wala namang bansa sa Asya ang nakapasok sa klasipikasyon bilang ganap na
demokrasiya. Ang mga bansang Japan at South Korea ang itinuturing na may
pinakamataas na marka sa index bagamat kapuwa ito itinuturing na flawed
democracy.
Maituturing ding isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino
sa kasalukuyan ay ang katiwalian,ayon saTransparency International, isang pangkat
na lumalaban sa katiwalian, “corruption ruins lives.” Tumutukoy ang korapsyon o

4
katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang
pansariling interes. Ayon kay Co at mga kasama (2007), ang katiwalian ay ang
pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng
mga nanunungkulan sa pamahalaan. Ayon naman kay Robert Klitgaard (1998),
batay kay Co at mga kasama (2007), nagkakaroon ng katiwalian bilang bunga ng
monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay ng desisyon, at kawalan ng
kapanagutan. Kaya naman naging laganap ang mga katiwalian sa mga bansang
dating kolonya, dahil ginamit ito bilang instrumento ng pananakop (Scott, 2000, ayon
kay Co at mga kasama, 2007).
Hindi maganda ang estado ng Pilipinas kung katiwalian ang pag-uusapan.
Ang Corruptions Perception Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto
tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring
makakuha ng marka na 0 (pinakatiwali) hanggang 100 (pinakamalinis na
pamahalaan). Sa kanilang ulat para sa taong 2016, Ang mga bansang Denmark at
New Zealand ang may pinakamataas na markang nakuha, 90/100 samantalang ang
bansang Somalia naman ang nakakuha ng pinakamababang marka na 10/100.
Noong 2016 ay nakakuha ang Pilipinas na markang 35/100 at ika-101 sa 176 bansa
sa mundo. Hindi maganda ang markang ito sapagkat kasama ang Pilipinas sa 120
bansa na ang marka ay hindi man lang umabot ng 50. Ayon pa sa datos na ito, ang
karamihan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko ay nasa pinakamababang mga ranggo.
Makikita sa kanilang listahan na 19 mula sa 30 bansa sa rehiyon ang nakakuha
lamang ng marking 40 pababa mula sa pinakamataas na marka na 100. Ayon sa
pagsusuri ng Transparency International sa datos na ito, maituturing na dahilan ng
mababang markang ito sa Asya-Pasipiko ay ang sumusunod: hindi pagiging
accountable ng mga pamahalaan, kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng
pamahalaan, at lumiliit na espasyo para sa civil society.
Ang Global Corruption Barometer naman ng Transparency International ay
ang kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao
tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa. Ayon sa ulat nitong 2013, 19% ng mga
respondent ang nagsabing lumala nang husto ang katiwalian sa Pilipinas; 12%
naman ang nagsasabing lumawak nang kaunti ang katiwalian; 31% ang nagsabi na
walang pinagbago sa katayuan ng katiwalian sa bansa; 35% ang nagsabing
nabawasan nang kaunti; at 2% ang nagsabing malaki ang ibinaba ng katiwalian. Sa
mga institusyon naman sa pamahalaan, ang mga pulis ang itinuturing na pinakatiwali
sinundan naman ng ibang opisyal ng pamahalaan. Sa kabila ng mga ito, batid
naman ng mga respondent na malaki ang kanilang papel na gagampanan para
labanan ang katiwalian.
Hindi natin maipagkakailang malaki ang problema ng ating bansa kung
demokrasiya ang pag-uusapan. Kaya naman mahalaga ngayong kumilos ang
mamamayan para tugunan ang mga isyu at suliraning ito. Nararapat na hingin ng
mamamayan sa pamahalaan ang pagbabagong ating hinahangad.
Panuto: Magsaliksik sa internet o mga pahayagan ng larawan na nagpapakita ng
mamamayang nakikilahok sa mga gawaing panlipunan o pangkomunidad.
Pagkatapos ay ipaliwanag ang iyong ideya. Gumamit ng isang short
bondpaper sa paggawa ng gawain.

5
Suriin

Ang pagkamamamayan ay hindi lamang nangangahulugan bilang kasapi ng


isang estado o lipunan, bagaman ito ay mayroong kaakibat na mga karapatan na
dapat makamtan at mapangalagaan. Halimbawa na lamang ng mga isyung
panlipunan na napapanahon o mga isyung pangkasalukuyan. Sa kasalukuyan, ating
makikita sa mga balita at pahayagan ang lantarang paglabag sa mga karapatang
pantao, nandiyan ang walang habas na pagpatay, panggagahasa at pati narin
diskriminasyon. Ating alalahanin na kaya nating gumawa ng mga hakbang na
ikabubuti ng lahat kahit na tayo ay walang posisyon o kapangyarihan sa pamahalaan
sapagkat bilang miyembro ng isang estado nasa ating kamay rin ang susi upang
ating makamit ang isang mapayapa at matiwasay na bansa at pamumuhay.

Pagyamanin

Panuto: Batay sa paksang tinalakay, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang


papel na ginagampanan ng isang mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan? Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng
karapatan sa paboto at pakikilahok sa politikal na aspeto ng
estado.
Isaisip
“Gagampanan ko ang aking papel sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala dahil” ______________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
6
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Isagawa

Panuto: Bumuo ng isang tula na mayroong tema tungkol sa “papel na


ginagampanan ng isang mamamayan para sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala.” (Ang tula ay binubuo ng dalawang saknong na may
tig-aapat na taludtud.) Isulat sa kahon ang iyong tula.

7
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay nangangahulugang may malayang halalang nagaganap at


nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito sa isang estado.
A. Civil liberties
B. Flawed democracy
C. Electoral process,
D. Political culture
2. Tumutukoy ito sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin
ang pansariling interes.
A. Family dynasty
B. Political influence
C. Korapsyon
D. Vote buying

8
3. Sino ang nagpahayag na nagkakaroon ng katiwalian bilang bunga ng
monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay desisyon, at
kawalan ng kapanagutan?
A. Alex Laccson
B. Co at mga kasama
C. Robert Klitgaard
D. Scott
4. Ito ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng
katiwalaan sa isang bansa.
A. Corruptions Perception Index
B. Global Corruption Barometer
C. Democracy Index
D. Survey
5. Ito ay ang kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng
mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa.
A. Corruptions Perception Index
B. Global Corruption Barometer
C. Democracy Index
D. survey

6.  Ayon sa ulat ng Global Corruption Barometer noong 2013 ilang porsyento
ang nagsabing lumala nang husto ang katiwalaan?
A. 19%
B. 20%
C. 21%
D. 22%
7. Ayon sa ulat ng Global Corruption Barometer noong 2013 ilang porsyento
ang nagsabing lumala nang husto ang katiwalaan?
A. 29%
B. 30%
C. 31%
D. 32%
8. Ayon sa pagsusuri ng Transparency International maituturing na dahilan ng
mababang marka ng Asya-Pasipiko ay ang mga sumusunod maliban sa
isa.
A. Hindi pagiging accountable ng mga pamahalaan
B. Kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan
C. Lumiliit na espasyo para sa civil society
D. Uri ng gobyerno at pamahalaan

9
9. Ang sumusunod ay mga kategoryang pinagbabatayan ng Democracy Index
at Corruption Perception Index maliban sa isa.
A. Civil liberties
B. Electoral process
C. Economic background
D. Political culture
10. Ano ang maituturing na isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng
Mga Pilipino sa kasalukuyan?
A. Family dynasty
B. Political influence
C. Katiwalian
D. Vote buying

Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap ng larawan sa mga pahayagan o internet ng larawan na


may kaugnayan sa papel na ginagampanan ng mamamayan para
magkaroon ng isang mabuting pamamahala at ipaliwanag ito. Isulat
sa kahon ang iyong sagot.

10
Natapos mo ng mahusay ang aralin na ito. Ngayon, ikaw ay
handa na para sa susunod na aralin.

Aralin
Participatory Governance
8.2

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga politikal na pakikilahok na kung


saan aktibong makikilahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti
sa pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang paglalayon na maipabatid sa
bawat isa na dapat pahalagahan ang pakikilahok sa mga isyung panlipunan
na nararanasan ng isang estado.
Naglalayon ang modyul na ito na mabigyang impormasyon ang lahat
sa kahalagahan ng magiging aksiyon, gawi, pag-iisip at damdamin ng isang
tao sa pagganap sa kanyang mga gampanin, tungkulin at karapatan bilang
mamamayan ng isang estado. Kung paanong ang pagganap nito ay

11
makatutulong sa pagkamit ng isang mapayapang bansa at matiwasay na
pamumuhay.
Sa modyul na ito, matututuhan mo rin na maging isang aktibong
mamamayan na maypagpapahalaga sa pagiging isang aktibong
mamamayan.

 Aralin 8.2 – Participatory Governance

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pamamahala ng isang
komunidad.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan


ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan.
A. Civil liberties
B. Flawed democracy
C. Participatory Govenance
D. Political culture
2. Ano ang uri ng pamahalaan na kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay
nagmumula lamang sa mga namumuno?
A. Elitist democracy
B. Flawed democracy
C. Participatory Govenance
D. Political culture
3. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagsasagawa ng participatory

12
governance maliban sa isa.
A. Elitist democracy
B. Pagdalo sa mga public hearing
C Pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
4. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong
mamamayan ay katuwang ng pamahalaan upang solusyonan ang mga
hamong lipunan.
A. Corruptions Perception Index
B. Elitist democracy
C. Flawed democracy
D. Participatory governance
5. Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng tiwala sa
pagitan ng pamahalaan. Ito ay mas kilala bilang?
A. Elitist democracy
B. Flawed democracy
C. Participatory governance
D. Social capital
6. Isa itong halimbawa ng paraan ng pagsasagawa ng participatory
governance.
A. Elitist democracy
B. Pagdalo sa mga public hearing
C Pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan

7. Ayon sa mga eksperto, paano mas magiging aktibo ang paraan ng


pakikilahok ng mga mamamayan?
A. Kung sila ay dumalo sa mga public hearing
B. Kung sila ay kasama sa pagbuo ng programa at solusyon.
C Kung sila ay pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
8. Ano ang maituturing na pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan sa pamamahala?
A. Kung sila ay dumalo sa mga public hearing
B. Kung sila ay kasama ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga
programa
C Kung sila ay pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
9. Sino ang nagpahayag na mahalagang makisangkot ang mga mamamayan
sa pamamahala dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung
malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan.
A. Alex Lacson
B. Koryakov at Sisk
C. Robert Klitgaard
D. Scott
10. Ito ay isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting
pamamahala.
A. Civil society organizations

13
B. Corporate sector
C. Governance
D. Mamamayan

Magaling! Napagtagumpayan mo ang pagsagot sa mga katanungan.


Ipagpatuloy!

Balikan

Panuto: Bago natin sisimulan ang bagong paksa sa araw na ito ay balikan
muna natin ang naging paksa hinggil sa Papel ng Mamamayan sa
Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan. Isulat ang iyong ideya sa
kahon na nasa ibaba.

Tuklasin

14
Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan
para maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang
uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay
katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa
suliranin ng bayan. Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa
pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng
lipunan.
Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag
na ‘elitist democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula
lamang sa mga namumuno. Ngunit, may mga namumuno sa pamahalaan na ang
iniisip lamang ay ang kanilang sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang
kapangyarihan ng isang estado ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan,
mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala dahil mas
magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng
mamamayan(Koryakov & Sisk, 2003). Ang participatory governance ay magdudulot
ng pagbuo ng social capital o nanunungkulan sa pamahalaan civil society at mga
mamamayan, na isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting
pamamahala.
Maraming paraan ang participatory governance na maaaring gawin upang
mapaunlad ang isang bansa. Isang paraan ng pagsasagawa ng participatory
governance ay ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan.
Ang mga halimbawa nito ay pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mga
survey. Maituturing rin bilang paraan ng participatory governance ang pagsama sa
mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa
bayan. Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan sa
napapanahong mga isyu at sa mga programang ipatutupad nito. Ayon sa ilang mga
eksperto, mas magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan
kung sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga
desisyon ng pamahalaan. Sa paraang ito, hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang
opinyon ng mamamayan kundi ay magkatuwang nilang ginagawa ang mga
programa nito. Sa kabila nito, maituturing na ang pinakamataas na paraan ng
pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ay kung kasama sila ng pamahalaan
sa mismong pagpapatupad ng mga programa nito (Koryakov & Sisk, 2003).

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba bilang pagtuklas sa iyong kaalaman
sa paksa. Isulat ang sagot sa mga nakalaang linya.

1. Ano ang Participatory Governance?


_____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__.

2. Bakit mahalaga ang isang Participatory Governance?

15
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Suriin

Ang paksang tinalakay ay tungkol sa Participatory Governance kung saan


ito ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang ating
iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok
kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa
pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan. Dito ay
aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga
karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag
na ‘elitist democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula
lamang sa mga namumuno. Ngunit, may mga namumuno sa pamahalaan na ang
iniisip lamang ay ang kanilang sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang
kapangyarihan ng isang estadoay tunay na nagmumula sa mga mamamayan,
mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala dahil mas
magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng
mamamayan(Koryakov & Sisk, 2003).

16
Pagyamanin

Panuto: Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Participatory


Governance ang isang bansa o estado? Isulat ang iyong sagot sa
kahon sa ibaba

17
Panuto: Magbigay ng kahalagahan na naibibigay ng Participatory
Governance sa mamamayan at bansa. Gumamit ng isang-kapat na papel
sa pagsagotIsaisip
sa gawain.
Mamamayan Bansa
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________

Isagawa

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na sasagot sa katanungan sa ibaba. Ang


gagawing sanaysay ay binubuo ng tatlong saknong na mayroong
tig-tatatlong pangungusap.Isulat ang iyong sanaysay sa
isang buong papel.

1. Bakit mahalaga ang isang Participatory Governance?

18
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan


ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan.
A. Civil liberties
B. Flawed democracy
C. Participatory Govenance
D. Political culture
2. Ano ang uri ng pamahalaan na kung saan ang desisyon para sa
pamamahala
Ay nagmumula lamang sa mga namumuno?
A. Elitist democracy
B. Flawed democracy
C. Participatory Govenance
D. Political culture
3. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagsasagawa ng participatory
governance maliban sa isa.
A. Elitist democracy
B. Pagdalo sa mga public hearing
C Pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
4. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong
mamamayan ay katuwang ng pamahalaan upang solusyonan ang mga
hamong lipunan.
A. Corruptions Perception Index
B. Elitist democracy
C. Flawed democracy
D. Participatory governance
5. Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng tiwala sa
pagitan ng pamahalaan. Ito ay mas kilala bilang?
A. Elitist democracy
B. Flawed democracy
C. Participatory governance
D. Social capital
6. Isa itong halimbawa ng paraan ng pagsasagawa ng participatory
governance.

19
A. Elitist democracy
B. Pagdalo sa mga public hearing
C Pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan

7. Ayon sa mga eksperto, paano mas magiging aktibo ang paraan ng


pakikilahok ng mga mamamayan?
A. Kung sila ay dumalo sa mga public hearing
B. Kung sila ay kasama sa pagbuo ng programa at solusyon.
C Kung sila ay pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
8. Ano ang maituturing na pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan sa pamamahala?
A. Kung sila ay dumalo sa mga public hearing
B. Kung sila ay kasama ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga
programa
C Kung sila ay pagsasagawa ng mga survey
D. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
9. Sino ang nagpahayag na mahalagang makisangkot ang mga mamamayan
sa pamamahala dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung
malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan.
A. Alex Lacson
B. Koryakov at Sisk
C. Robert Klitgaard
D. Scott
10. Ito ay isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting
pamamahala.
A. Civil society organizations
B. Corporate sector
C. Governance
D. Mamamayan

Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang poster tungkol sa Participatory Governance.


Gumamit ng isang short bondpaper sa pagsasagawa nito.

20
Aralin Pagsasagawa ng Participatory
8.3 Governance

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga politikal na pakikilahok na kung


saan aktibong makikilahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti
sa pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang paglalayon na maipabatid sa
bawat isa na dapat pahalagahan ang pakikilahok sa mga isyung panlipunan
na nararanasan ng isang estado.
Naglalayon ang modyul na ito na mabigyang impormasyon ang lahat
sa kahalagahan ng magiging aksiyon, gawi, pag-iisip at damdamin ng isang
tao sa pagganap sa kanyang mga gampanin, tungkulin at karapatan bilang
mamamayan ng isang estado. Kung paanong ang pagganap nito ay
makatutulong sa pagkamit ng isang mapayapang bansa at matiwasay na
pamumuhay.
Sa modyul na ito, matututuhan mo rin na maging isang aktibong
mamamayan na maypagpapahalaga sa pagiging isang aktibong
mamamayan.

 Aralin 8.3 – Pagsasagawa ng Participatory governance

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pamamahala ng isang
komunidad.

21
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1.  Anong lungsod ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance
sa mundo bilang modelo ng pamamahala?
A. Lungsod ng Cebu
B. Lungsod ng Naga
C. Porto Alegre, Brazil
D. Puerto Rico
2. Sa anong taon sinimulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang
pagkakaroon ng participatory governance?
A. 1986
B. 1987
C. 1988
D. 1989
3. Ito ay isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa
pamamahala.
A. Local Government Code of 1989
B. Local Government Code of 1990
C. Local Government Code of 1991
D. Local Government Code of 1992
4. Anong lungsod sa Pilipinas ang naging magandang halimbawa ng
participatory governance?
A. Lungsod ng Cebu
B. Lungsod ng Naga
C. Porto Alegre, Brazil
D. Puerto Rico
5. Sino ang alkalde na kilala dahil sa kanyang magandang pamamahala ng
participatory governance?
A. Alex Lacson
B. Jesse Robredo
C. Lenie Robredo
D. Lito Atienza
6. Ito ay isa sa mga programang ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Naga
na mas nagpalakas sa mekanismo ng participatory governance.
A. Civil society organizations

22
B. Corporate sector
C. Good governance
D. Productivity improvement program

7. Anong taon nagpalabas ng isang ordinansa ang lokal na pamahalaan ng


Naga na nag-aanyaya sa lahat ng mga NGO sa bayan na lumahok sa
itatatag na Naga City People’s Council?
A. 1993
B. 1994
C. 1995
D. 1996
8. Tumutukoy ito sa paniwalang kayang mabago ang mga lumang sistema ng
pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan.
A. Functional partnerships
B. People’s Participation
C. Progressive development perspective
D. Progressive Participation
9. Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala.
A. Functional partnerships
B. People’s Participation
C. Progressive development perspective
D. Progressive Participation
10. Ito ay isa sa mga prinsipyo ng participatory governance sa lungsod ng
Naga kung saan walang monopolyo ng lokal na pamahalaan lalo na ang
mga opisyal.
A. Functional partnerships
B. People’s Participation
C. Progressive development perspective
D. Progressive Participation

23
 

Balikan

Panuto: Bago natin sisimulan ang bagong paksa sa araw na ito ay balikan
muna natin ang naging paksa tungkol sa Pagsasagawa ng
Participatory Goernance, sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ito sa
isang-kapat na papel.

1. Ano ang Participatory Governance?


2. Ano ang kahalagahan nito sa isang estado at mga mamamayan nito?

Tuklasin

Pagsasagawa ng Participatory Governance


Ang sumusunod ay dalawang halimbawa kung paano isinasagawa ang
participatory governance. Ang isa ay mula sa Porto Alegre, Brazil at ang ikalawa
naman ay kung paano ito isinasagawa sa ating bansa.
Case Study #1: Porto Alegre, Brazil: Ang Participatory Budgeting Bilang Anyo
ng Participatory Governance(Minos, 2002)
Ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance sa mundo bilang
modelo ng pamamahala ay ang lungsod ng Porto Alegre sa Brazil. Bago ipatupad
ang participatory governance, nakaranas ang lungsod ng maraming suliraning
nakaaapekto sa buhay ng mga mamamayan nito. Hindi sapat ang badyet ng
pamahalaan para tugunan ang kanilang pangangailangan tulad ng serbisyong
medikal at imprastruktura.
Taong 1989 nang simulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang
pagkakaroon ng participatory governance, partikular na ang participatory budgeting.
Sa prosesong ito, isinama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng
lungsod sa pagbalangkas ng badyet.
Layunin ng prosesong ito na magkasamang balangkasin ng pamahalaan at
ng mamamayan ang badyet ng lungsod. Sa pamamagitan nito, naipararating ng
taumbayan ang kanilang mga pangangailangang nararapat paglagakan ng sapat na
badyet. Nagiging magandang lugar ito ng pag-uusap o deliberasyon sa pagitan ng
dalawang panig kung paano mas mapagbubuti ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Nagkaroon ng boses ang taumbayan sa pamamahala. Taliwas ito sa tradisyonal na

24
proseso na ang mga nasa pamahalaan lamang ang nagdedesisyon kung anong mga
proyekto ang dapat paglaanan ng sapat na pondo.
Upang maisagawa ang prosesong ito ay hinati ng pamahalaan ang lungsod
salabing-anim na regional assemblies at mga thematic assemblies. Ang una ay
batay sa rehiyon ng Porto Alegre at ang huli naman ay mga asembliyang nakatuon
sa partikular na aspekto ng lipunan: pampublikong transportasiyon, kultura,
pagbubuwis at kaunlaran, edukasiyon, urban at social development, at kalusugan.
Nagdulot ang inisyatibong ito ng Porto Alegre ng pag-unlad ng antas ng
pamumuhay ng kanilang mamamayan mula sa malalang suliranin ng kahirapan sa
bayan. Nakapagbigay rin ng mas maraming serbisyo ang pamahalaang lokal sa
mamamayan nito tulad nang mas maayos na pangongolekta ng basura,
pagkakaroon ng malinis na tubig, at paglalagay ng mga ilaw sa daan. Bumaba ang
antas ng infant mortality at maging ang bilang ng mga batang natigil sa pag-aaral.
Sa kabuuan, nakabuti sa pamumuhay ng mga taga-Porto Alegre ang sistema ng
participatory budgeting dahil ang pondo ng bayan ay nailalagak sa mga proyektong
pinakakailangan ng mamamayan. Ito ay naging posible dahil sa mahalagang papel
na ginampanan ng mamamayan sa paglalagak ng badyet.
Case Study # 2: Participatory Governance sa Pilipinas

Ang konsepto ng participatory governance ay hindi bago sa ating mga


Pilipino. Sa katunayan, ang Local Government Code of 1991 ay isang testamento sa
pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamamahala(Blair, 2012). Ayon sa batas na
ito, ibinaba ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan ang ilang
tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan tulad ng mga may kinalaman
sa kalusugan, edukasyon at iba pang serbisyo tulad ng mga imprastruktura kung
saan kabilang ang pagpapatayo ng mga kalsada at mga pampublikong pamilihan.
Kinikilala ng batas na ito ang kahalagahan ng papel ng mga people’s
organization at non-governmental organization sa pamamahala ng mga bayan o
lungsod. Binigyang-diin ng batas na ito na ang papel ng mga Pilipino sa
pamamahala ay hindi limitado tuwing araw lamang ng eleksyon sa halip ay isang
pang-araw-araw na tungkulin ng bawat isa sa atin. Binigyang-anyo ng LGC ang
mekanismo kung paano maaaring maging aktibong kabahagi ang mamamayan sa
pamamahala.
Isa sa magandang halimbawa ng participatory governance sa bansa ay ang
Lungsod ng Naga na pinasimulan ng dating alkalde nito, ang yumaong Kalihim
Jesse Robredo. Noong 1995, nagpalabas ng isang ordinansa ang lokal na
pamahalaan ng Naga na nag-aanyaya sa lahat ng mga NGO sa bayan na lumahok
sa itatatag na Naga City People’s Council (NCPC). Mula sa mga miyembro ng mga
NGO na lumahok sa NCPC ay pipili ang konseho ng mga magiging miyembro ng
iba’t ibang komite ng konsehong panlungsod at labing-apat na espesyal na
kawanihan ng lokal na pamahalaan. Binubuo nito ang 25% ng mga miyembro sa
mga nabanggit na sangay ng lokal na pamahalaan, bukod pa sa mga konsehal na
inihalal ng taumbayan. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na makilahok sa
talakayan, bomoto at magpanukala ng mga batas at ordinansa sa mga komite ng
konseho(Blair, 2012). Dahil sa pagkakaroon ng papel sa lokal na pamahalaan ng
mga samahang kumakatawan sa iba’t ibang interes ng mamamayan,binigyan ng
sistemang ito nang mas malawak na boses ang mga mamamayan ng Naga sa
pagpapanukala ng mga ordinansa at programa na makatutulong sa kanila.

25
Naging bahagi rin ng mahahalagang sangay ng lokal na pamahalaan tulad ng
Investment Board at Urban Development and Housing Board ang mga miyembro ng
NCPC. Ang Naga, katulad ng Porto Alegre, ay nagpapatupad din ng participatory
budgeting kung saan ang NCPC naman ang katuwang ng lokal na pamahalaan sa
pagpaplano at alokasiyon ng badyet ng Naga (Blair, 2012). Sa kabuuan, nagdulot ng
transparency sa pamahalaan at mutual trust sa pagitan ng mamamayan at ng mga
lokal na opisyal ang sistemang ito ng ng participatory governance sa Naga (ANGOC,
2006).
Bukod dito, nagpatupad pa ang lokal na pamahalaan ng mga programang
mas nagpalakas sa mekanismo ng participatory governance sa lungsod. Ang isa rito
ay ang productivity improvement program na nag-ayos sa benepisyong nakukuha ng
mga kawani ng lokal na pamahalaan. Nagpatupad din ang lokal na pamahalaan ng
private sector human resource management techniques para sa mga empleyado ng
pamahalaang lungsod na may layuning mas mapaayos ang serbisyong kanilang
ibibigay sa mamamayan ng Naga. Pinatatag niya ang Merit & Promotion Board ng
lungsod upang maalis ang patronage system o ang sistemang padrino. Naging
tanyag din ang lungsod dahil sa Naga City Citizens Charter, isang gabay na aklat na
nagbibigay-impormasyon sa mamamayan tungkol sa mga serbisyong pinagkakaloob
ng lokal na pamahalaan at ang kalakip nitong mga proseso (Asian NGO Coalition for
Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC), 2006).
Ang participatory governance ng lungsod ng Naga ay nakaangkla sa
sumusunod na prinsipyo (ANGOC, 2006):
Progressive development perspective – tumutukoy ito sa paniniwalang kayang
mabago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng
mamamayan. Binubuo ito ng pagbuo at pagkuha ng tiwala ng mamamayan,
pagpapatatag ng kakayahan ng pamahalaan at ang pagmamalaki ng mga Nagueño
sa kanilang sarili.
Functional partnerships – Walang monopolyo ang lokal na pamahalaan lalo na
ang mga opisyal nito sa pagbuo ng mga programa para sa mamamayan ng lungsod.
Kaya naman isinangkot ang mga NGO at PO para sa mas produktibong serbisyo sa
mga Nagueño.
People’s Participation – Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan
sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang programa kung walang
suporta ng mamamayan.

Panuto: Kumpletuhin at ibigay ang mga hinahanap sa bawat tanong.Gumamit ng


isang-kalahating papel sa pagsagot nito.

1. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng Participatory Governance?


2. Paano nito natutulungan ang pamahalaan at mga mamamayan?

26
Suriin

Ang paksang tinalakay ay mga halimbawa ng lugar na nagpapatupad ng


participatory governance ng maayos. Mahalaga ito dahil sa pamamagitan ng
participatory governance, nabibigyan ng boses at halaga ang mga mamamayan sa
pagbuo ng mga programa na makabubuti hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa
kanila. Nagiging isa ang pamahalaan o lokal na gobyerno ng isang lungsod o lugar
kung mayroong tinatawag ng participatory governance. Ito ang nagiging daan upang
maging matiwasay at payapa ang pakikitungo ng bawat mamamayan sa
pamahalaan at gayundin ang pamahalaan sa mga mamamayan.

Pagyamanin

Panuto: Kompletuhin ang compare and contrast matrix tungkol sa paraan ng


participatory governance na ginawa sa Porto Alegre, Brazil at sa
Lungsod ng Naga, Pilipinas. Gamitin ang criteria na nasa unang
kolum sa paghahambing sa dalawang paraan ng participatory
governance.

Porto Alegre Lungsod ng


(Brazil) Naga
(Pilipinas)
Layunin

Paraan ng Participatory

27
Governance

Epekto

Papel ng Mamamayan

Papel ng Pamahalaan

Mga Katanungan:

1. Ano ang pagkakatulad ng Participatory Governance ng Porte Alegre sa


lungsod ng Naga?
2. Ano ang pinagkaiba ng Participatory Governance ng Porte Alegre sa
lungsod ng Naga?
3. Paano naipakita ng dalawang lugar ang kahalagahan ng mga
mamamayan sa pagsasagawa at pagsasakatuparan ng participatory
governance?

Magaling! Mahusay ang iyong ginawa.

28
Isaisip

Panuto: Pagkatapos basahin ang mga tungkol sa participatory governance ng


lungsod ng Naga, ibahagi ang iyong natutunan tungkol sa mga
sumusunod na prinsipyo ng Naga sa pagpapatupad nito ng
participatory governance. Gumamit ng isang buong papel sa
pagsagot
nito.

Progressive development
perspective

Functional partnerships

People’s Participation

29
Isagawa

Panuto: Layunin ng gawaing ito na matukoy ang iyong mga natutuhan


tungkol sa paksang participatory governance. Isang minuto lamang
ang ibibigay sa iyo sa pagsulat ng iyong mga natutuhan. Gamiting
gabay ang sumusunod na katanungan sa pagsulat ng iyong one-
minute essay. Isulat ito sa isang-kalahating papel.

1. Ano ang iyong natutuhan tungkol sa paksang participatory governance.

Magaling! Napakahusay ng iyong gawa.

30
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1.  Anong lungsod ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance
sa mundo bilang modelo ng pamamahala?
A. Lungsod ng Cebu
B. Lungsod ng Naga
C. Porto Alegre, Brazil
D. Puerto Rico
2. Sa anong taon sinimulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang
pagkakaroon ng participatory governance?
A. 1986
B. 1987
C. 1988
D. 1989
3. Ito ay isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa
pamamahala.
A. Local Government Code of 1989
B. Local Government Code of 1990
C. Local Government Code of 1991
D. Local Government Code of 1992
4. Anong lungsod sa Pilipinas ang naging magandang halimbawa ng
participatory governance?
A. Lungsod ng Cebu
B. Lungsod ng Naga
C. Porto Alegre, Brazil
D. Puerto Rico
5. Sino ang alkalde na kilala dahil sa kanyang magandang pamamahala ng
participatory governance?
A. Alex Lacson
B. Jesse Robredo
C. Lenie Robredo
D. Lito Atienza
6. Ito ay isa sa mga programang ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Naga
na mas nagpalakas sa mekanismo ng participatory governance.
A. Civil society organizations
B. Corporate sector
C. Good governance

31
D. Productivity improvement program

7. Anong taon nagpalabas ng isang ordinansa ang lokal na pamahalaan ng


na nag-aanyaya sa lahat ng mga NGO sa bayan na lumahok sa itatatag
na Naga City People’s Council?
A. 1993
B. 1994
C. 1995
D. 1996
8. Tumutukoy ito sa paniwalang kayang mabago ang mga lumang sistema ng
pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan.
A. Functional partnerships
B. People’s Participation
C. Progressive development perspective
D. Progressive Participation
9. Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala.
A. Functional partnerships
B. People’s Participation
C. Progressive development perspective
D. Progressive Participation
10. Ito ay isa sa mga prinsipyo ng participatory governance sa lungsod ng
Naga kung saan walang monopolyo ng lokal na pamahalaan lalo na ang
mga opisyal.
A. Functional partnerships
B. People’s Participation
C. Progressive development perspective
D. Progressive Participation

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik sa internet tungkol sa Participatory Governance sa Naga


City. Isulat ito sa isang-kapat na papel.

Mahusay! Natapos mo na ang modyul na ito. Sana ay


marami kang natutuhan mula sa iyong binasa at
sinagutan.
32
Susi sa Pagwawasto

ARALIN 8.1
Subukin
1. B 6. A
2. C 7. C
3. C 8. D
4. A 9. D
5. B 10. C

Balikan
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tuklasin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Pagyamanin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isaisip
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isagawa
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tayahin
1. B 6. A
2. C 7. C
3. C 8. D
4. A 9. D
5. B 10. C
Karagdagang Gawain
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.

33
ARALIN 8.2
Subukin
1. C 6. D
2. A 7. B
3. A 8. B
4. D 9. B
5. D 10.D

Balikan
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tuklasin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Pagyamanin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isaisip
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isagawa
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tayahin
1. C 6. D
2. A 7. B
3. A 8. B
4. D 9. B
5. D 10.D
Karagdagang Gawain
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.

34
ARALIN 8.3
Subukin
1. C 6. D
2. D 7. C
3. C 8. C
4. B 9. B
5. B 10.A

Balikan
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tuklasin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Pagyamanin
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isaisip
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Isagawa
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Tayahin
1. C 6. D
2. D 7. C
3. C 8. C
4. B 9. B
5. B 10.A
Karagdagang Gawain
o Nasa guro ang pagpapasya kung tama.

35
Sanggunian

Araling Panlipunan 10 Teacher’s guide


Araling Panlipunan 10 Learner’s guide
(Kaufmann, Kraay and Zoido-Lobaton 1999)
(ANGOC, 2006)
(Blair, 2012)
(Minos, 2002)
(Koryakov & Sisk, 2003)
:

36
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

37

You might also like