Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

9 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 7
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: ___________________________ Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo


Baitang at Pangkat: ____________________ Petsa: ________________________

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN BILANG ISANG SALIK


NG EKONOMIYA

Susing Konsepto

• Salapi (money) - ginagamit bilang instrumento ng pamalit sa mga produkto at


serbisyo upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan.
• Kita (income) - pinanggagalingan ng salapi: ang halagang natatanggap ng tao
kapalit ng produkto o serbisyong ibinigay.
• Pagkonsumo (consumption) - paggastos o paggamit ng salapi upang mabili
at magamit ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
• Pag-iimpok (savings) - kita o salaping isinantabi, hindi ginamit sa
pagkonsumo o hindi ginastos sa layunin na magamit ito sa hinaharap.
• Utang (loan) - hiniram na pera na binabayaran ng may interes.
• Interes (interest) - dadag o patong na halaga ng inimpok o inutang na salapi.
• Pamumuhunan (investment) - paglaan ng inimpok o inutang na salapi sa mga
bagay na magbubunga ng inaasahang benepisyo sa hinaharap.
• Pag-aari (assets) - mga bagay na may halaga na pagmamay-ari ng isang tao
o negosyo at may maibibigay na benepisyo.
• Pagkakautang (liabilities) - mga pananagutan o obligasyong pinansyal na
dapat bayaran
• Financial intermediaries - mga bangko o iba pang institusyong pananalapi na
namamagitan sa mga nag-iimpok at nangungutang.

Ang salapi, katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman, ay maaaring maubos.


Nagmumula ang salaping ginagamit ng tao sa kaniyang kita na kapalit ng
pakikipagtrabaho o pagnenegosyo. Ang pagkonsumo ang pangunahing dahilan ng ng
pagkaubos ng kita. Ngunit ito ay kinakailangan pa din iyong gawin upang
mapakinabangan ang mga produkto o serbisyo. Maaari din ipagpaliban ang
paggastos sa pamamagitan ng pag-iimpok. Kasalungat naman ng pag-iimpok ang
pangungutang. Ang salaping inimpok o inutang ay maaaring gamitin sa
pamumuhunan sa pag-asang mapapakinabangan mo ito sa hinaharap. Ang
halimbawa ng pamumuhunan ay pagnenegosyo o pagdadagdag ng kapital sa
negosyo. Ang stocks, bonds, mutual funds, insurance at retirement plans ay mga
magagandang uri din ng pamumuhunan. Maaari din mamuhunan ng mga pag-aari
tulad ng bahay at lupa, sasakyan, gusali at iba pa.

Ang pera na naipon ay maaaring ideposito sa mga financial intermediaries tulad


ng mga bangko. Ang mga financial intermediaries ang nagsisilbing tagapamagitan sa
mga nais mag-ipon at umutang. Maaaring gamitin ang perang inilagak sa bangko
upang makabili ng assets. Para sa mga umuutang, magsisilbi munang liability ang
hindi pa nababayarang halaga ng loan. Ang perang inilagak sa bangko ang siyang
ipinapautang sa mga namumuhuan na binabayaran ng may interes. Dahil dito
maaaring kumita din ng interes o dibidendo ang nag-iimpok.
Makikita sa dayagram sa ibaba ang ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan.
Ang salaping idineposito sa bangko ng mga nag-iimpok ang siyang ipinapautang sa
mga nangungutang upang makapamuhunan. Ang perang inutang ay binabayaran ng
may interes kung saan bahagi nito ay tinatanggap ng nag-iimpok bilang dibidendo.

Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay isang salik ng ekonomiya. Habang


dumadami ang namumuhunan, dumadami ang produksyon, trabaho at kita. Ang
matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na savings rate at
capital formation na nagpapasigla ng mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa.

Hindi lamang ang indibidwal o sambahayan ang nag-iimpok, bagkus maging


ang mga bahay-kalakal at ang pamahalaan. Ang perang nailagak sa mga instutusyong
pinansiyal ay ginagamit ng mga namumuhunan sa pag-asang mapalago ang antas ng
trabaho, produksiyon at kita. Ang paglago ng pamumuhunan sa bansa ay palatandaan
na ang ekonomiya ay sumusulong at nakararanas ng pag-unlad.

Sa panahon ngayon na kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga


produkto at serbisyo, kailangan magtipid, mag impok at iwasan ang sobrang
paggastos. Kung nais natin umasenso at magkaroon ng kalayaan sa pananalapi,
mahalagang alamin din natin at pag-aralan kung ano ang dapat gawin sa pamahahala
ng pera. Darating ang panahon na ikaw ay magiging bahagi na ng lakas-paggawa at
may kakayahan ng kumita. Kaya’t habang maaga at bata pa ay dapat ka ng mag-ipon
at mamuhunan.

Pamantayang Pampagkatuto

Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.

Mga Layunin

1. Nasusuri ang konsepto ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng


ekonomiya
2. Nailalahad ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik
ng ekonomiya.

Pagsasanay 1

PANUTO: Imarka ang sarili ayon sa kung paano mo naisasagawa ang mga pahayag.
Mahalaga ang pagiging totoo at tapat sa pagsagot nito. Isulat ang 3 sa patlang kung
palagi itong ginagawa, 2 kung hindi gaanong ginagawa at 1 kung hindi mo ito
ginagawa. Pagkatapos ay sagutin ang katanungan sa ibaba.

_____ 1.) Una kong binibili ang aking mga pangangailangan bago ang kagustuhan.
_____ 2.) Bumibili ako ng mga gamit na pangmatagalan upang mapakinabangan ko
ito ng mas mahabang panahon.
_____ 3.) Gumagawa ako ng budget plan para sa mga gastusin
_____ 4.) Inuuna kong itinatabi ang ipon bago ang iba ko pang gastusin sa aking
baon
_____ 5.) Nagtatabi ako ng pera para sa mga biglaang pagkakagastusan.
_____ 6.) Inaalam o isinusulat ko ang pinupuntahan ng aking pera.
_____ 7.) Gumagawa ako ng paraan upang magkaroon ng dagdag na kita tulad ng
pagtitinda o pakikipagtrabaho.
_____ 8.) Ginagawan ko ng paraan ang mga lumang gamit upang mapakinabangan
itong muli kaysa bumili ng bago.
_____ 9.) Nagdedeposito ako ng aking ipon sa bangko.
_____ 10.) Kapag may gusto akong bilhin, nagsusumikap akong mag-ipon para hindi
ko na kailangan humingi ng pera o mangutang.

Base sa gawain, paano mo isinasalarawan ang iyong sarili sa paggamit ng salapi?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagsasanay 2

PANUTO: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Maaaring piliin ang tamang
sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat ang pinaka-angkop sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.

_______________ 1.) Ang mga bangko, lending institutions at Insurance companies


ay halimbawa ng ___.
_______________ 2.) Marami ang biniling alcohol at face mask ng pamilya Manaloto
dahil sa COVID19 Pandemic. Ang paggastos upang makabili
ng alcohol at facemask ay halimbawa ng ___.
_______________ 3.) Humiram si Tonyo ng ₱20 sa kaniyang kaklase dahil agad
nitong naubos ang kaniyang baon. Ang paghiram ng pera ni
Tonyo ay tinatawag na ___.
_______________ 4.) Nagdeposito si Bryan ng ₱2,500 sa bangko mula sa kaniyang
kitang ₱10,000 sa pag-oonline selling. Ang paglagak ng pera
ni Bryan sa bangko ay halimbawa ng ___.
_______________ 5.) Pagkalipas ng ilang taon ay ginamit ni Michelle ang kaniyang
ipon upang magpatayo ng sarili niyang negosyo. Ang
paggamit ng salapi sa pagpapatayo ng negosyo ay halimbawa
ng ___.

_______________ 6.) Si Joseph ay may dalang ₱50 upang bumili ng meryenda sa


Tindahan. Ang ₱50 na pinambili sa tindahan kapalit ng
meryenda ay tinatawag na __.
_______________ 7.) Si Kevin ay may pagkakautang sa isang lending company at
sa bangko. Ang mga pagkakautang na ito ay tinatawag din
na __.
_______________ 8.) Si Rea ay may-ari ng isang ektaryang lupa sa Tarlac. Ang
pag-aari nya sa lupa ay kabilang sa kaniyang __.
_______________ 9.) Si Tina ay tumatanggap ng ₱20,000 sahod kada buwan.
Ang ₱20,000 na tinanggap ni Tina kapalit ng pagtratrabaho
ay tinatawag na __.
_______________ 10.) Umutang si Jane ng ₱6,000 sa bangko at ang kabuuang
bayad nya dito sa loob ng 6 na buwan ay ₱7,200 na sobra
ng ₱1,200 sa kaniyang inutang. Ang dagdag na bayad sa
halaga ng utang ay tinatawag na __.

Assets Interes Pag-iimpok Salapi


Ekonomiks Kita Pagkonsumo Singil
Financial Intermediaries Liabilities Pamumuhunan Utang

Pagsasanay 3 (PERFORMANCE TASK)

PANUTO: Basahin at unawain ang kwento sa loob ng kahon. Pagkatapos ay sagutin


ang mga katanungan sa ibaba.

ANG GANDA NI GIRLIE


Grade 9 student si Girlie. Masipag siya mag-ipon. Imbes na
bumili ng bagong notebook sa pasukan, pinagsasama-sama na
lang nya ang mga blank pages para gumawa ng bago. Sa pag-
uwi nga sa school, naglalakad na lang sya imbes na mag-tricycle
dahil kaya naman niyang lakarin ang pag-uwi sa kanila. Hindi na
rin niya kailangan bumili sa canteen dahil palaging masarap ang
baon niya. Siya pa nga ang nagluluto nito dahil daw mas tipid. Pag
may nakita naman siyang empty bottles, dinadampot at iniipon
niya ang mga ito para ibenta.
Kapag weekends, nagtitinda siya ng malamig na Ice
Candy sa umaga at masarap na Barbeque sa gabi sa kaniyang
mga kapit-bahay. Ginamit nya ang ilan niyang ipon para ipuhunan
dito. Imbes naman magshopping ng bagong damit, nag-u-upcycle sya ng old clothes nya. Dahil
sobrang ganda, binebenta niya rin ang ilan sa mga ito online. Siyempre, marami ang bumibili!
Nakakapag-ipon na siya, nakakatulong pa sya sa kaniyang pamilya at komunidad.
Idinadagdag naman niya ang malaking bahagi ng kaniyang kita sa pagtitinda sa kaniyang
ipon sa bangko. Pangarap niya kasing maging Sikat na Fashion Designer. Balang araw, gagamitin
nya ang kaniyang naipon para makapagpatayo ng sarili nyang boutique.
Ang ganda ni Girlie no? Hindi lang maganda, marunong pa sa pera at marunong sa buhay.
Kung kaya’t siya ang tinaguriang “Diskarte Queen!”

1. Ano ang aral na mapupulot mo sa kwento?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano naisasagawa ni Girlie ang kumita, makapag-impok at makapagpuhunan


ayon sa kwento?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, makakatulong ba ang mga gawain at katangian ni Girlie upang


makapag-ambag sa pag-unlad ng kaniyang sarili, sa kaniyang pamilya at sa
bansa? Paano at Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagsasanay 4

PANUTO: Isulat ang T sa patlang bago ang bilang kung Tama ang pahayag at M
naman kung Mali.

_____ 1.) Ang salaping inilalagak ng mga depositors sa bangko ay lumalago dahil
sa interes sa deposito. Ipinapautang naman ito ng bangko sa mga
namumuhunan may dagdag na kaukulang tubo.
_____ 2.) Ang magkaroon ng maraming nakadepositong pera at ang pagpapautang
ng pampuhunan ng mga bangko ay nakakadagdag lamang sa mga
suliranin at problema ng ekonomiya ng bansa.
_____ 3.) Ang matatag na Sistema ng pagbabangko dahil sa pag-iimpok at
pamumuhunan ay magdudulot ng mataas na savings rate at capital
formation na nagpapasigla ng mga economic activities ng bansa.
_____ 4.) Habang lumalaki ang deposito, lumalaki din ang maaaring ipautang at
habang dumadami ang namumuhunan, dumadami ang produksyon,
trabaho at kita.
_____ 5.) Ang pag-iingat at matalinong pamamahala ng salapi ay isang paraan
upang umunlad at maging malaya sa kahirapan.
_____ 6.) Mahalaga na planuhin, subaybayan at bantayan ang daloy ng gastos at
pag-iimpok sa natatanggap na kita.
_____ 7.) Ilagak ang pera sa mga investment na nangangako ng balik ng pera sa
mabilis na panahon at napakadaling paraan.
_____ 8.) Ugaliing magbigay ng mga sensitibong impormasyon sa iba upang
maseguro ang inipong pera sa bangko.
_____ 9.) Bilhin na ang lahat ng kailangan at kagustuhan habang may hawak na
pera.
_____ 10.) Ang layunin ng iyong pag-iimpok ay upang mabilis kang makisabay at
makiuso sa mga bagong gadgets at fashion trends.
Pangwakas

PANUTO: Sagutin ng malinaw at makabuluhan ang bawat katanungan sa ibaba sa


loob ng 2 o higit pang pangungusap.

1. Ano ang pagkakaugnay at kahalagahan ng kita, pagkonsumo, pag-iimpok at


pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano naapektuhan ng pandemya ng COVID19 ang kita, impok at gastusin ng


inyong pamilya? Paano niyo ito pinamamahalaan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang magkaroon ng kalayaang
pinansyal sa hinaharap?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka para sa Pagsasanay 1, Pagsasanay 3 at Pangwakas na


Gawain

Puntos
KRAYTIRYA DESKRIPSYON
1 (Oo) 0 (Hindi)
Malinaw at makabuluhan
Nilalaman ang pagkakalahad ng
ideya
Organisado at
magkakaugnay ang
Organisasyon
pagkakasulat ng mga
ideya
Nasunod ng wasto ang
Kawastuhan mga panuntunan sa
pagsulat
Teacher I - Tagaguhit
PAUL MARION R. VALLENTOS
Teacher II
FRANCIS LOUIE D. MENDOZA
Inihanda nina:
PANGWAKAS PAGSASANAY 3 PAGSASANAY 1
Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral ay
maaaring mgakakaiba ang maaaring mgakakaiba ang maaaring mgakakaiba ang
sagot sa gawain sagot sa gawain sagot sa gawain
PAGSASANAY 4 PAGSASANAY 2
1. T 1. Financial Intermediaries
2. M 2. Pagkonsumo
3. T 3. Utang
4. T 4. Pag-iimpok
5. T 5. Pamumuhunan
6. T 6. Salapi
7. M 7. Liabilities
8. M 8. Assets
9. M 9. Kita
10. M 10. Interes
Susi sa Pagwawasto
https://www.youtube.com/watch?v=WJuTDU8zMqY
BSP-DepEd-BDOF Financial Literacy Video. Ang Ganda ni Girlie. Retrieved from:
Bon, Charo B. 2015. Ekonomiks sa Makabagong Panahon. pp 251-254
Department of Education. 2015. Ekonomiks - Modyul ng mga Mag-aaral. pp 287-300
Sanggunian

You might also like