Professional Documents
Culture Documents
Sulatin Blg. 1: Panuto: Sagutin Ang Mga Katanungan
Sulatin Blg. 1: Panuto: Sagutin Ang Mga Katanungan
1
Panuto : Sagutin ang mga katanungan.
1. Sa iyong sariling pagkaunawa, paano nagkaroon ng pagkakaiba ang tradisyunal na
pagbasa sa makabagong pagbasa ngayon ? Magbigay ng patunay.
Itinuturing na isang proseso ang pagbasa dahil hindi naman agad ito natututunan. Ang pagbasa
ay pinag-aaralan ng mabuti at masinsinan. Ayon nga kay William S. Gray, ang kinikilalang ama
ng pagbasa noon 1950, ang pagbasa ay may apat na hakbang at ito ay ang persepsyon,
komprehensyon, reaksyon, at integrasyon.
Sa unang larawan ay natatambakan ng libro ang batang lalaki. Samantalang sa ilalawang larawan
ay nakapatong ang sombrero sa maayos na pagkakalagay ng mga libro. Maaring ipinapahiwatig
nito na maraming babasahin hindi nabibigyan ng pansin at pagpapahalaga at ang iba pa nga au
naghahanap pa ng ibang librong satingin nila ay mas makakatulong sakanila kahit ang librong
makakapagbigay sakanila ng wastong impormasyon ay nasa harap na nila na naghihintay nalang
na mabuklat ang mga pahina kaya naman natatambak ang mga babasahing ito. Ngunit kung
pagttyagaan nating basahin ito isa-isa, mas magiging malawak ang ating kaalaman at pag-unawa
at maging sanhi ng matagumpay na pagtatapos.