Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 50

I. II.

MAKRONG KASANAYAN
II. (pagpapatuloy para sa PAGSASALITA)

LAYUNIN/ TUNGUHIN

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag- aaral ay:

1. Nakapagbibigay at nakapagpapaliwanag ng kahulugan at kahalagahan ng


pakikipagtalastasan

2. Nakapag-iisa- isa at nakapagtatalakay ng mga sangkap at proseso ng komunikasyon

3. Nakapaghahambing ng dalawang uri ng komunikasyon

4. Nakapaglalahad at nakapagpapaliwanag ng mga konsiderasyon sa mabisang


komunikasyon

1
TALUMPATI

Isa sa makukulay na publikong pagsasalita


ang pagtatalumpati. Kung sa pag-ibig, ang isang
binata ay maaakit maghayag ng ligaw o sa
pangangalakal ang isang representante ay
maengganyo/manghikayat ng kliyente, maitatangi
sa kanila ang ekspresyong matamis ang dita. Sa
pagtatalumpati, kapag ang isang tagapagsalita ang
nagbukas ng bibig at kinatungangaan ng mga tagapakinig, angkop sa kanya ang ekspresyong
dilang anghel siya (Arrogante, et.al. 2013)
Tinatawag na talumpati ang anumang uri ng pagsasalita sa harap ng maraming tao,
mapribado man o mapubliko. Ang isang koponan ng mga magkakaklase kapag nagkatuwaang
magdiwang ng kanilang anibersaryo ay isang okasyong pribado, samantalang ang isang pari
sa paghohomilya o pagsesermon tungkol sa ebanghelyo ay isang okasyong pampubliko. Oka-
okasyon ang pagtatalumpati, ang pagsasagawa ay depende sa sigasig ng anumang samahan.
Ang pagtatalumpati sa pormal na depinisyon ay ang sining ng mahusay at magalang
na pagsasalita sa publiko tungkol sa isang mahalagang paksa, luma man o napapanahon, para
magpabatid, magturo, manghimok, magpaaksyon o mang-aliw.

MGA URI NG TALUMPATI

May tatlong (3) uri ng talumpati:

1. Impromptu o Biglaan. Ito‟y walang paghahandang isinasagawa basta random na


tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain.

2. Ekstemporanyo o Maluwag. Binibigyan ng kaunting panahon ang mananalumpati na


makapag-isip-isip sa paksang noon din lamang ipinaalam sa kanya kaya karaniwan nang
naisasagawa lamang ang balangkas para sundan sa hindi isinaulong sasalitain.

3. Preparado o Handa. Bago sumapit ang oksyon ng pagtatalumpatian ang paksa ay


ipinaaalam na. Ito‟y sadyang pinaghahandaan nang husto, sinasaliksik pa, isinasaulo at
pinagsasanayan. Kung hindi man, pabigkas na lamang itong binabasa.

2
ANG MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG
ISANG MANANALUMPATI

1. May interes sa kapaligiran. Natural niyang kinalulugdan ang lahat-lahat sa kanyang


kapaligiran. Ito ang nagbibigay sa kanya ng likas na sigla sa anumang paksang
tatalakayin niya.

2. May angking kasanayan. Nakukuha ito sa pagbabasa at pakikinig ng iba‟t ibang


talumpati.

3. May pulso sa publiko. Naaangkin ito sa pagkakaroon ng karanasan sa pagsasalita sa


harap ng madla, sa gayon, mapipigil na ang nerbiyos o takot sa entablado.

4. May ganap na kaalaman sa paksa. Palabasa, palakausap, mapagmasid, palaranas,


sa maikling salita, mapanaliksik dapat siya para master sa kanyang mga sasabihin.

5. Mapakiramdam at may pandamang palapatawa. Mapagmasid dapat siya sa


reaksyon ng madla sa kanyang mga sinasabi, sa gayon, alam na niya ang
pagkakataong kailangan niyang maging mapamaraan sa pagsasalita.

6. Kombersasyunal sa pagsasalita. Ang mananalumpati ay hindi parang nagsesermon


o makatang tumutula o actor na nagsaulo ng iskrip. Kailangang nakikipag-usap siya
para agad mapalagay ang loob ng tagapakinig.

7. Mapamaraan. Hindi lahat ng paksa ay kawili-wili. May mga paksang


napakaseryoso na kinababagutan o kinaaantukan ng mga tagapakinig. Ang kaalaman
sa mga mapamukaw-isip na pamamaraan sa pagsasalita ay mahalaga.

8. Mabikas ang tindig, malinis ang pananamit at maginoo ang kilos. Ang mga
katangiang ito ang lumilikha ng unang impresyon sa mga tagapakinig kung
kawiwilihan o hindi ang mananalumpati.

9. May diretsong tingin, may kontroladong boses, may makulay na tono at may
makahulugang kumpas. Tulad ng isang taong nakikipag-usap, ang tingin ay inuukol
sa mata ng kausap hindi sa kung saang direksyon nakatuon. Ang lakas ng boses ay
inaayos sa sukat ng pinagsasalitaang lugar at dami ng tagapakinig. Ang mahinang
boses ay kinababagutan, ang malakas na boses ay kinatutuligan. Ang tono dapat ay
pabago-bago ayon sa hinihingi ng diin ng salita o kahulugang emosyon nito. Ang
kumpas ay akma sa kahulugan ng salitang binibigyang-diin. Hangga‟t maaari‟y
nauuna hindi nahuhuli sa salita. Iwasan ang pasulpot-sulpot at mga di- kinakailangang
kumpas.

10. May malinaw na bigkas ng salita. Palatunugan at diin ang hinihingi ritong
kaalaman para maunawaan ng tagapakinig ang kahulugan ng sinasabi. Isinasaalang-
alang dito ang gamit ng bantas.

3
ANG KUMPAS

Lalong nagiging kaakit- akit ang pagtatalumpati kung ang inaakalang ideya na
kailangang malinaw na maipabatid at matinding maipadama sa mga tagapakinig ay sasabayan
ng makakahulugang kilos at ekspresyon ng mananalumpati.
Ang kumpas ang kilos o ekspresyon ng katawan ng mananalumpati kapag
nagsasalita. Iniaayon ito sa kahulugan ng salita o mga salitang binibitawan para bigyang-diin
ang ipinararating na kahalagahan, para ilarawan ang sinasabi, para magpaniwalang lubos at
marami pang ibang hangad na ipaintindi. Action speak louder than words, sabi nga sa Ingles.
Gayundin, mas mapagpahiwatig ng kahulugan ng salita o mga salita ang lenggwahe ng
katawan kaysa sa purong pagsasalita lamang, at mas malalim ang nililikhang impresyon ng
aksyon kaysa sa pagpaparinig lamang ng mga sinasabi, sapagkat ang mga kilos ng katawan at
mga ekspresyon ng mukha kahit walang salita ay naglalarawan ng libong mensahe
(Arrogante et.al, 2013).
Narito ang karaniwang ginagamit sa pagtatalumpati ng marami na isinalarawan sa
sumusunod:
1. Isa sa mga nagpapakita ng kumpas sa talumpati ay ang kamay. Ang hintuturo ay
naglalahad ng pagturo sa isang bagay para maipakita ang kaisipan, pangyayari,
katotohanan, lugar o tao.

2. Ang kumpas na paturo ay ginagamit sa paghamak,


pagkagalit o pag-aakusa.

4
3. Ang kumpas na ang hintuturo ay nakataas o
nagpapahiwatig ng pagtawag-pansin o pagpapatanda.

4. Ang pagturo ng daliri sa sintido ay isang


kumpas na ginagamit bilang pag-iisip.

5. Ang palad na nakalagay sa dibdib ay pagpapahayag ng katapatan ng damdamin.

5
6. Nagsasaad ng kawalan ang kumpas na ito. Nakababa ang
kamay at laylay ang balikat ay tumutukoy sa wala, walang
tiyak na bagay, kawalang-buhay, kabiguan, kawalang-pag-
asa.

7. Pasasalamat

8. Ito ay nagpapahayag ng simpatya at pagdulog. Ang bukas palad na pagtanggap.

9. Ang kumpas na nakataob ang palad at biglang ibababa ay nagpapahayag ng marahas na


damdamin.

6
10. Ang nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri ay unti-unting itikom ay
nagpapahiwatig ng matimping damdamin.

11. Ang kumpas pantay-balikat ay nagpapaliwanag ng tungkol sa kalawakan at kalangitan.

7
12. Ang kumpas na ito’y paglalarawan ng anyo, hugis, laki at uri ng bagay o lugar na
tinutukoy.

13. Ang kumpas ng pagtanggap ay paghalina, pagpapalapit sa kausap.

14. Ang kamay na nakaharap sa madla, nakabukas ang palad ay nagpapahiwatig ng


pagtanggi, pakabahala, pagkatakot at di- pagtulot.

8
15. Ang dalawang kamay na nakaekis na
karaniwang nakatapat sa dibdib ng
nagtatalumpati ay nagpapahiwatig ng hindi
pagsang-ayon sa isang isyu. Ito’y dagliang
isinasagawa at ibinababa agad ang mga
kamay.

16. Ang palad na itinataas habang nakalahad ay


nagpapahiwatig ng dakilang damdamin.

17. Ang palad na nakataob at ayos na padapa


(parang nakapatong sa balikat ng
pinagpapagunitaan) ay pagpapalamig ng
kalooban ng tagapakinig.

9
18. Nakaharap sa madla, nakabukas
ang palad – ipinahihiwatig nito ang
pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot.

19. Ang kumpas na ito ay nagbibigay-diin


sa paghahati-hati o pagbabaha-bahagi.

20. Ang palad na nakakuyom ay


nagpapahiwatig ng isang masidhing
damdamin (pagkagalit, pagkalungkot at
pagtitimpi).

10
21. Ang pagbagsak ng nakakuyom na kamay sa hangin ay nagsasaad ng galit o ng matinding
damdamin.

22. Ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin, lakas o pagtutol.

23. Ang paghawak ng isang kamaysa kabilang braso ay isang kumpas na nagpapahayag ng
katatagan o katibayan.

11
24. Ito ang kumpas na nagsasabi tungkol sa pagiging maliit
o kaunti ng isang bagay.

25. Ang kumpas na ito ay nagsasaad ng pera.

26. Ang kumpas na ito ay nagpapahiwatig ng isang haka-haka


o kaya ay tsismis.

27. Ang pag-ikot ng kamaty habang nakaturo ay


nagpapahayag ng transisyon sa pagpapatuloy ng
sinasabi.

12
28. Ang paikot pataas at pababa ng kamay ay kumpas na nagpapahiwatig ng
pagpapaliwanag.

29. Ang palakpak ay naghahayag ng kasiyahan o pagpuri o pagpaparangal.

30. Ang kumpas ng kamay na palawak ay nagsasaad ng pagtukoy sa lahat. Pamamayapa din
ito.

13
ANG MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGKUMPAS

Magiging mabisa ang pagkumpas kung isasaalang-alang ang ilang sumusunod na


panuto:

1. Maging natural sa pagkilos at matapat na isaloob ang pagkumpas.


2. Ibagay sa binibigkas na salita o mga salita ang kumpas.
3. Bigyang-buhay ang mga daliri, kamay, bisig, siko at balikat sa pagpapahayag ng
kahulugan ng mga salitang sinasabi.
4. Huwag magpabigla-bigla sa pagkumpas. Ihanda ang kilos saka ialinsabay sa
pananalita.
5. Ang sobrang kumpas ay nakakabawas sa tindi ng diing gustong iparating at ang
kawalan naman ay katuod-tuod panoorin, kaya katamtamanin ang pagkumpas.
6. Hanggahan ang galaw ng kamay, huwag sobrang malayo, dili kaya‟y masyadong
hapit sa katawan. Ilagay ang mga kamay sa dapat kalagyan: sa kalahati, hindi sa
kabuuang katawan.
7. Huwag magpabara-bara sa pagkumpas, gawin itong masining.
8. Isabay sa paa ang kumpas. „Pag nakatayong nakahakbang ang kanang paa, kanang
kamay rin ang ikumpas; „pag kaliw a naman ang nauuna, kaliwa ring kamay ang
gamitin. Ang paggamit ng dalawang kamay ay iniaayon sa magkapantay ring tayo ng
mga paa.

(Mensahe ng guro)
Marahil kayo ay nagtataka kung bakit ang pamantayang pagganap (performance
task) na ibinigay ko sa inyo nang nakaraan, ang tinutukoy ko para sa midterms, ay talumpati
gayong hindi ito tampok sa mga aralin. Ang aking tugon ay ganito: Nasa kolehiyo na kayo at
sa mga nakaraang inyong pag-aaral ay tiyak na natalakay na nang ilang beses sa inyong
mga naging klase ang tungkol sa talumpati o speech sa Ingles kaya batid kong alam niyo na
ang ilang mga panuntunan sa pagtatalumpati. Nakita ko sa inyong mga isinagawang
pagtatalumpati kung gaano kayo kagaling o kahusay magsalita. May mga pagkukulang man
o kahinaan ngunit taglay niyo na ang kasanayan ng pagsasalita. Dito sa modyul na ito ay
maaaring ituring niyong pagbabalik-aral o simpleng karagdagang impormasyon na lamang
upang sa susunod ay maaari niyong magamit ang mga kaalamang ito.

14
SAGUTIN NATIN
Panuto: Basahin at unawain. Kung sang-ayon ka sa nilalaman ng pangungusap, isulat mo sa
patlang ang salitang PAK GANERN! sa unahan ng bilang; kapag hindi, isulat mo naman ang
LIGWAK GANERN!. Ipaliwanag sa nakalaang linya kung bakit iyan ang napiling isagot.

_______ 1. Mahalagang maging wasto ang pagsasalita ng tao.


Paliwanag:
_______________________________________________________________

_______ 2. May isa lamang dahilan kung bakit tayo nagsasalita.


Paliwanag:
_______________________________________________________________

_______ 3. Ang pagsasalita ay isang kasanayan kaya „di nalilinang.


Paliwanag:
______________________________________________________________

_______ 4. Ang isang taong epektibong magsalita ay umaakit ng tagahanga.


Paliwanag:
______________________________________________________________

_______ 5. Ang mabisang tagapagsalita ay may makitid na bokabularyo.


Paliwanag:
_______________________________________________________________

_______ 6. Ang taong walang tiwala sa sarili, karaniwan ay hindi palakibo.


Paliwanag:
_______________________________________________________________

_______ 7. Ang kumpas ay kailangang taliwas sa sinasabi ng nagsasalita.


Paliwanag:
_______________________________________________________________

_______ 8. Ang wala pang karanasan na magsalita sa harap ng madla ay may “stage fright”.
Paliwanag:
_______________________________________________________________

_______ 9. Ang pagsasalita ay nakalulunas ng pagkabagot.


Paliwanag:
_______________________________________________________________

_______ 10. Mabisa ang tagapagsalita kung may sapat na kaalaman sa mga bagay.
Paliwanag:
_______________________________________________________________
15
PAGBABASA

Sa limang makrong, kasanayan, ang pagbasa, na


ramdam yatang bumababa ang antas ng kalinangan sa
kasalukuyan gawa ng pagsulpot ng mass media – radyo,
telebisyon, pelikula, at teknolohiya – kompyuter, internet at
iba pa na sa halip na magbasa, mas kinikilingang hilig ng
mga kabataan ang panonood o pakikinig, tuloy, maraming
detalye ang nakaaalpas sa kaalaman (Arrogante, et. al.
2013)

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBABASA

Bahagi ng pang-araw-araw na gawain ng mga mag-aaral ang mangalap ng mga


kaalaman sa kanilang asignatura o di kaya ay madagdagan pa ang kanilang nalalaman sa mga
paksang may kaugnayan sa kanilang aralin.
Ano ba ang kahalagahan ng pagbasa?Kailan ba masasabing tayo ay marunong
bumasa?
Sinasabing walang pagbasa kung walang pag-unawa. Ginagamitan natin ng masusing
pag-iisip ang anumang bagay na nakalimbag o nakatala bago natin ito mabigyan ng
kahulugan upang patunayan na ang ating natunghayan o binasa ay ating nauunawaan. Ang
pagbasa ay nangangailangan ng mahusay na pagkilala, pakuha, pag-unawa ng mga ideya at
kaisipan at pagbibigay interpretasyon mula sa simbolo o bagay na nakalimbag (Libunao, et.
al. 2008)
Ayon kina Arrogante, et. al.2013, madalas, ang pagbasa ang pangunahing batayan
para masabing “may pinag-aralan” ang isang tao. Kung ang pakikinig at pagsasalita ay
masasabing awtomatiko nang nagagawa ng isang tao sa kanyang paglaki at pag-unlad, sa
pagsulat at pagbasa hindi ito nangyayari. Mangyari, sa pagbasa at pagsulat kinakailangan ang
mahusay na pagkilala, pagkuha at pag-unawa sa mga ideya at/o kaisipan mula sa mga
simbolong nakalimbag, saka ito bibigyan ng interpretasyon. Dito nakasalalay ang kaganapan
ng kahulugan ng pagbasa na dili‟t iba kundi ang paraan ng pagkilala, pag-intindi, pag-
uugnay at pagsasabuhay ng mga simbolong nakalimbag.
Karaniwan nang layunin ng karamihan sa pagbasa ang makapagpalipas-oras o
makapaglibang-libang at ang makapag-alam ng mga impormasyon pangkapaligiran.
Datapwat, sa masisinop at matatalinong mambabasa, higit pa sa dalawang binanggit ang
kanilang inaasahang makukuha at ito ay ang kaliwanagan. Kaliwanagan saan? Sa isip,
siyempre, at sa kaluluwa. Haimbawa‟y ang bagabag ay sanhi ng isang maselang karamdaman
na talagang wala nang lunas. Magbasa ng mga tumutungkol dito para maunawaan ang
kalagayan at maluwag itong matatanggap sa sarili. Sa pamamagitan nito, di-malaon at
mababago ang pananaw at paniniwala sa buhay, at tiyak, tatapang sa pakikibaka na harapan
itong bathin hanggang sa mga di- inaasahang kalalabasan. Kasunod nito, siyempre, ang

16
kapayapaang mararanasan sa sarili na handa nang tanggapin ang anumang kahihinatnan.
Minsan nga, milagro itong nakapagpapagaling (Arrogante, et.al. 2013)
Dagdag pa rito nina Arrogante, et.al. 2013, dahil sa pagbabasa, hindi maikakaila na
patuloy na nadaragdagan ang mga inimbak na kaalaman (stock knowledge) ng isang taong
patuloy na nauuhaw sa batis ng karunungan. Nakararating siya sa mga lugar na maaaring
hindi pa niya nararating o hindi na mararating. Nakapagpapawala rin ito ng kabagutan sa
buhay lalo‟t ayon sa sariling kagustuhan at hindi bilang obligasyong dapat tuparin.
Nakalulutas ito ng mga problemang kailangan ang tiyak at dokumentadong kasagutan. Sa
dakong huli, hindi man sinasadya, ang mga bagay na napupulot sa pauli-ulit na pagbabasa
ang nagiging daan upang mahubog ang pagkatao ng bumabasa. Kung paanong totoo na
katulad ang isang tao ng kanyang mga kasama, totoo rin naman na siya ang kanyang
binabasa.

MGA URI/PATERN/ESTILO NG PAGBASA


(Arrogante, et. al. 2013)

Kung totoo mang lubhang kailangang magbasa, hindi lahat na pagkakataon ay may
panahon tayo para magbasa. Kasabay nito, dahil sa kakulangan ng oras o panahon sa
modernong panahong ito, iilan na lamang ang marahil nakapagbabasa na walang iniintinding
ibang bagay, iyon bang nagbabasa dahil nagpapalipas lamang ng oras.
Gayunman, hindi pa rin sapat na dahilan ang kawalan ng sapat na panahon sa
pagbasa. Kung paanong ang bawat saglit ay ginto, bakit hindi natin gamitin ito upang
maragdagan sa araw-araw ang karunungang ating taglay? May mga estilo ng pagbasa (sa
ibang libro ay tinatawag na patern o uri ng pagbasa) na maaaring gamitin.

A. ISKIMING
- isang estilo ng pagbasa na mabilisa na hindi naisasakripisyo ang pagkilala at pag-
alam sa layunin. Madalas itong mangyari sa mga taong abala sa araw-araw nilang
gawain. Matapos mahawakan ang isang pahayagan sa umaga, sapat nang
masulyapan ang mga pangunahing balita at saka na lamang babasahin ang detalye.
Nagagamit din ito sa paghahanap mula sa maraming babasahin ng mga artikulo sa
riserts, pagkuha ng pangkalahatang impresyon sa nilalaman at iba pa.

B. ISKANING
- mabilis din itong tulad ng iskiming, gayunman, higit na itong nakapokus sa isang
tiyak na impormasyon sa isang pahina. Hindi nito layuning makita ang lahat ng
mga may kinalaman sa kanyang paksa o maging ang kaisipan ng isang awtor. Ang
mahalaga ay makita ang isang tiyak na nais sa pinakamabilis na paraan. Tulad ito
ng paghahanap ng numero ng telepono sa direktori, ng isang salita sa diksyonaryo,
ng pag-alam kung nanalo ka sa lotto o kung nakapasa k aba sa isang board
examination.

17
C. PREBYUWING
- Ang unlaping pre- ay nangangahulugang bago gawin. Ito ang dahilan kung bakit
ang prebyu sa pagbasa ay parang isang prebyu rin ng isang pelikula. Maaari na
ring suriin nang bahagya ang pamagat, tauhan (kung mayroon), panimula, wakas,
at kung naaayon sa binabasa, maging ang mga larawan, talahanayan, grap at tsart
na kasama nito. Karaniwan dig agad na binabasa ang nilalaman ng isang libro.

D. KASWAL
- tulad ng nabanggit sa dakong una, ito na yata ang kadalasang nangyayari sa
modernong mundo ngayon, ang magbasa nang walang layunin kundi ang
magpalipas-oras, kung ituturing na ito‟y pagbasang pansamantala o di palagian
lamang. Makikita ang ganitong pagbasa sa mga naghihintay sa tapat ng
supermarket o kaya ay mga nagpapalamig lamang sa mga tindahan ng libro.

E. IMPORMATIBO
- tulad ng katawagan, ang layunin ay maragdagan pa ang kaalaman. Ganito ang
dapat na pagbasa ng isang pahayagan, librong pinaghahanguan ng impormasyong
nauukol sa iyong asaynment o anumang layuning makapagbigay ng wastong
kabatiran.

F. KRITIKAL
- estilong dapat gamitin kung ang layon ay makagawa ng isang komprehensibong
report, riserts at iba pang dokumentong nangangailangan ng matibay na batayan.
Sa kritikal na pagbabasa, sinusuri nang husto ang bawat pahayag upang hindi
maligaw sa pag-alam ng tunay na kahulugan.

G. MULING-BASA
- ito ay kinakailangan kung nagkaroon ng iba pang bagay na dapat kumpirmahin.
Makabubuti ang ganitong estilo upang matiyak ang mga impormasyong may
kaunting kalabuan pa sa mambabasa. Inirerekomenda rin ang ganitong pagbasa
lalo na sa mga akdang pampanitikan, particular sa tula, na tunay na binabalot ng
matatalinghagang pahayag.

H. PAGTATALA
- sa mga mahahaba at kumplikadong artikulo, ipinapayo ang ganitong estilo lalo
pa‟t may layuning maisaulo ang mga bagay na nabasa. Makabubuti kung gagamit
ng mga nowt pad o kaya naman, kung pag-aari ang libro ay lagyan ng mga marker
na magpapaalala sa mga datos na nais tandaan.

18
PAMARAAN NG PAGBASA

1. PERSEPSYON
Sinumang nagbabasa ay kailangab munang matiyak na gusto niya ang kanyang
binabasa. Paano ito makakamit? Sa persepsyon, alam ng mambabasa ang mga salitang
kanyang nakikita. Nabibigkas at natatanggap niya pagkat gusto niya at pamilyar sa kanya.
Mula rito, kusa niyang babasahin ito nang walang kailangang pamimilit.

2. KOMPREHENSYON
Iba ang nagbasa lamang sa tunay na nakaunawa sa kanyang binasa. Mula pa sa mga
unang baitang sa paaralan, hindi pinalalampas ng sinumang guro ang isang akda nang
hindi niya tiyak na nauunawaan ito ng kanyang mga estudyante. Ito ang tinatawag na
komprehensyon. Kung tutuusin, higit itong binibigyang-diin sa anumang aralin pagkat
ditto nakasalalay ang susunod pang pamaraan. Nararapat lamang na alam ng mambabasa
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa bawat talata, at ang mga talata sa
kabuuan ng mga pahayag.

3. REAKSYON
Ito ang pangatlo na umaayon sa bisang hatid ng binasa sa bumasa. Ayn kina Aban at
Cruz (nabanggit nina Arrogante et.al 2013), may dalawang paraan ang pagsasagawa ng
reaksyon: intelektwal at emosyonal. Intelektwal kung tuwirang nasaling ang kanyang pag-
iisip na humantong sa pagpapasya sa kawastuhan at lohika ng binasa. Ngunit kung higit
sa paghanga sa estilo at nilalaman, emosyonal ang ganitong reaksyon.

4. INTEGRASYON o ASIMILASYON
Ito ay para sa mga mambabasang may malawak nang kaalaman. Gayunman, maaari
rin itong makamit ng mga taong kahit hindi palabasa ay may sapat nang karanasan.
Nagkakaroon ng ganitong pamamaraan kapag natapos ang reaksyong naganap, nakuha pa
ng mambabasa na maiugnay ito sa mga bagay na kanya nang nalalaman o di kaya nama‟y
mailapat ang kanyang nabasa sa mga tiyak na suliranin o sitwasyon sa buhay. Dito
makikita o mapahahalagahan ang kabuluhan ng kanyang binabasa.

5. BILIS/BAGAL NG PAGBASA (Reading Rate)


Para kina Aban at Cruz (sa Arrogante et. al, 2013), ito ay may kinalaman sa panahon
o oras na ginugugol ng isang mambabasa sa napili niyang paksa. Maaaring maging
mabagal o mabilis ang pagkakabasa depende sa kanyang layunin (iskiming o iskaning),
ang material na binabasa (sa kanya bang larangan o hindi), wika (Filipino, Ingles o
Espanyol), kasanayan at lawak ng kaalaman.

6. KASANAYAN AT KAUGALIAN SA PAG-AARAL (Study Habit and Skills)


Masasabing ito na ang mismong layunin ng buong proseso ng pabasa. Kung
kinagiliwan, nauunawaan at nailapat niya ang lahat ng kanyang binasa at paulit-ulit na
niya itong ginagawa nang may giliw at kusa, naging mabisang tunay ang mga pamaraang
inilahad.

19
MGA KASANAYAN O TULONG SA PAG-UNAWA NG BINASA

Mahalagang elemento sa pag-unawa ng seleksyong binabasa ang iba‟t ibang


kasanayan na dapat natutuhan ng isang mambabasa. May iba‟t ibang paraan ng pagkuha ng
kahulugan. Ito ay ang mga sumusunod:

A. Pahiwatig na kontekstwal (context clues). Mauunawaan ang kahulugan ng salita ayon


sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Mabunga ang itinanim niyang manga.
2. Mabunga ang ginawang pag-aalaga ng nars sa pasyente.

Sa unang pangungusap, ang mabunga ay nangangahulugan ng maraming naging


bunga ang punong manggang itinanim niya.

Sa ikalawang pangungusap, ang mabunga ay may pasawikaing pahayag o idyoma. Ito


ay nangangahulugan na nakaramdam ng kaginhawaan ang pasyente sa pag-aalaga ng nars.

Alam natin na ang isang salita ay hindi lamang iisa ang kahulugan. Ang kahulugan
nito ay maaaring mabatay sa konteksto o gamit nito sa isang pahayag. Mula dito, ang
pahayag ay may anyong:

a. Depinisyon
Ang kahulugan ng salita o mga salita ay mababasa sa ibang bahagi ng
pangungusap.

Halimbawa:
Mabibigat at matatalim na salitang pangungutya ang kanyang tinanggap mula
sa kanyang amo.

b. Karanasan
Ang kahulugan ay nahahanap batay mismo sa kahulugang nabanggit sa
pangungusap.

Halimbawa:
Labis ang kanyang kabalisahan sanhi ng biglang pagkamatay ng kanyang ina.

c. Salungatan
Ang kasalungat na salita ay kailangan din nating malaman upang madali
nating maunawaan ang salita.
Halimbawa:

mabango – mabaho maluwang – makipot


matalino – mangmang malalim – mababaw
mayaman – mahirap mataas – mababaw
20
d. Pahiwatig
Ang kahulugan ay ating mababatid kung ating matitiyak ang sanhi o dahilan at
bunga ng pahayag.

Halimbawa:
Ang pag-unlad ng bansa ay matatamo kung lahat ng mamamayan ay
magsisikap at magtutulungan.

e. Pagsusuri
Sa pagsusuri ay lubhang kailangan ang kakayahan at kaalamang pang-
linggwistika.

Halimbawa:
Nagkakaiba ang kahulugang ng salitang may salungguhit sa mga sumusunod
na pangungusap:
a. Huwag mong putikan ang damit mo.
b. “Huwag mong putikan an gating pangalan” babala ng ama sa anak.

B. Kolokasyon
Dito ang kahulugan ng pangunahing salita ang iniisip muna bago pa ang pangalawa o
subordineyt na kahulugan.

Halimbawa:
Ang “maitim na budhi” bago ang “maitim na kulay”, “maitim na balak” at “maitim na
layunin”.

C. Cline
Ang kahulugan ng salita ay naaayon o nababatay sa intensidad ng kahulugan nito sa
pahayag.
Halimbawa: pagsuyo, pagsinta, pagmamahal, pag-ibig, pagsamba

D. Denotasyon at Konotasyon
Denotasyon ang tawag sa kahulugang hinango sa diksyunaryo, gayong ang
konotasyon naman ay umaangkop sa gamit sa isang pahayag.

Halimbawa:
Mabango ang bulaklak na rosas. (bahagi ng halaman – denotasyon)

Tulad mo‟y isang magandang bulaklak sa halamanan. (dalaga – konotasyon)

Mabulaklak ang iyong dila, kaibigan! (mambobola – konotasyon)

21
MGA KATANGIAN NG INDIBIDWAL NA MAY KRITIKAL
NA PAG-IISIP

Sinuman sa atin ay maaaring maging kritikal sa pag-iisip, paghuhusga at pagpapasya.


Isa itong katangiang hindi naman mahirap matamo basta may pagnanais. Ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:

1. Laging may paglilinaw sa mga impormasyong natatanggap.


2. Bukas at laging handing tumanggap ng mga bagong ideya at perspektiba.
3. May pagkilala sa pluralistikong pananaw.
4. Sistematiko ang paraan ng pagharap sa iba‟t ibang uri ng usapin at pangyayari

Narito ang yugto sa pagtatamo ng kritikal na pag-iisip:

LEBEL Kahulugan
1. Pangkaalaman  Pagtukoy at pag-uulit sa mga pngunahin at tiyak
na detalye ng impormasyon.
2. Pangkomprehensyon  Pag-unawa sa mga ideya batay sa mga
nakatakdang tuntunin o pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
3. Pang-aplikasyon  Paglalapat ng natutuhan sa isang sitwasyon.
4. Analitikal  Ipinapakita ang ugnayan ng mga ideya gamit ang
maliliit na detalye.
5. Pang-ebalwasyon  Nagbibigay ng paghuhusga at tinutukoy ang
halaga ng impormasyon.
6. Pang-sintesis  Pinagsasama-sama ang mga impormasyon upang
makabuo ng panibagong kaalaman o pagtuklas.

Dahil ikaw ay nasa kolehiyo na, higit na inaasahan sa iyo ang mga lebel analitikal,
pang-ebalwaston at pang-sintesis lalo na ang pag-unawa sa mga material na naka-Filipino
gaya ng sumusunod: akademikong babasahin, mga peryodiko, dokumentaryo, pelikula at iba
pa. Mula sa mga nabanggit na uri ng diskurso, mapalalalim nito ang kahusayan mo sa pag-
iisip at higit sa lahat ang paggamit mo sa wikang Filipino.

22
SAGUTIN NATIN

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang na nasa unahan ng bilang.

___ 1. Mahalaga ang _______________ sa pagbasa dahil sinasabing walang pagbasa kung
wala nito.
A. pag-unawa B. pagsagot C. pagsulat
___ 2. Ang pagbasa ay pagbibigay-interpretasyon sa mga __________ o salitang
nakalimbag.
A. alpabeto B. simbolo C. numero
___ 3. Ang kaalaman sa denotasyon at konotasyon ng salita ay may kinalaman sa
___________ .
A. kaisahan B. kahulugan C. kaugnayan
___ 4. Ang Pagbasang _____________ ay paraan ng pagbasa na hindi binubuka ang labi
at ginagamit lamang ay mga mata.
A. Tahimik B. Pabigkas C. Pasalita
___ 5. Ang ____________ ay paraan na pagbasa na naghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa aklat o babasahin.
A. Iskiming B. Iskaning C. Pabigkas

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit nagbabasa ang tao?


2. Mahalaga ba ang kaalaman sa kasanayan sa pag-unawa sa pagbabasa? Bakit?
3. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng, “Ang pagbasa ay gintong susi sa daigdig ng
kaliwanagan.”

RUBRIK SA PAGSULAT NG MGA PANGUNGUSAP/TALATA

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman
Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
Balarila
Wastong gamit ng wika/salita, baybay, at bantas
Hikayat
Lohikal na pagkakaayos/ daloy ng mga ideya

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay
4 – Mahusay 1 – Nangangailang ng pagsasanay
3 – Katanggap-tanggap

23
PAGSUSULAT
Ang pagsulat ay isang natatanging kakayahan ng tao na malinaw na makapagtala o
makapag-imprenta sa papel ng mga karakter at simbolo, tuloy, makaporma ng mga salita,
pangungusap at talata para makapagbigay ng mga ideya o mga impormasyon sa mga
mambabasa sa tawag ng komunikasyon (Arrogante, et. al. 2013)

Nabanggit sa aklat nina Bernales, et.al. 2017 (Filipino sa Larangang Akademiko), na


minsa‟y may nagsabing “Kapag tumigil sa pgsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-
iisip”. Isang mapapanaligang pananaw ito sa pagpapaunlad ng isang tao, hindi lamang sa
pagtugon sa mga personal na pangangailangan, kundi maging sa propesyonal na larangan.
Dahil sa pagsulat, naitatala ng tao ang lahat ng karunungan at kaalaman, mula sa mga
pansariling karanasan hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon.
Hindi basta-basta natututunan ng tao ang pagsulat sapagkat kinakailangan pa niyang
magsanay sa pagpili ng paksa, organisasyon ng diwa, gramatika at lohika ng presentasyon ng
ano mang paksang nais talakayin (Bernales, et.al.2017).

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit


na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti
na ginagawa para sa iba‟t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit ditto
ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa
pagsusulat. Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay
nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at
pagkamalikhain. (Bernales, et.al.2017)

Paliwanag pa nina Nuncio et.al.2015, magkatambal ang kognisyon at pagsulat dahil


nagsisilbing unang papel ang isip ng tao. Inoorganisa ng isip ang mga idea at salita batay sa
mental map ng tao. Ang mental map niya ay binubuo ng mga karanasan, damdamin kaugnay
ng karanasan, direktang kaalaman (stock knowledge), imahinasyon at malalim na pag-iisip o
repleksyon. Nilalangkapan ng mga salita, kataga, ekspresyon at pangungusap ang bawat

24
mental na prosesong ito. Kausap ng tao ang kanyang isip kung kaya‟t nabubuo ang isang
kognitibong gawain. Madalas mailalarawan ito sa pamamagitan ng “thought ballon” o sa
paraang monologo – kausap natin an gating sarili sa pabigkaas na paraan. Habang nangyayari
ito nagkakaroon ng pangangailangan na maging permanente ito upang hindi mawaglit sa
ating isip. Kung kaya‟t kukuha tayo ng papel at bolpen at malaya nating isusulat ang laman
ng ating isip.

Ayon kina Xing at Jin (sa Bernales, et. al. 2017), ang pagsulat ay isang
komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng
kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Kaugnay nito, ang pakikinig, pagsasalita at
pagbasa. Komprehensibo ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika,
inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. Kung
gayon, maituturing ito bilang isang mataas na uri ng komunikasyon sapagkat esensyal dito
ang napakaraming elemento at rekwayrment ng gramatika at bokabularyo.

URI NG PAGSULAT

Maraming uri ang pagsulat.Mauuri ito ayon sa iba‟t ibang pangangailangan ng mga
tao sa lipunan. Ang isang manunulat ay maaaring magbigay-impormasyon ukol sa isang
paksa o isyu. Maaari rin naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari
at pook o kaya‟y magsulat ng simpleng akdang nagbibigay-aliw sa mga mambabasa. Ang
mga ito ang itunuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit nagsusulat ang
isang tao.
Sa bahaging ito ng pag-aaral,tatalakayin ang mga uri ng pagsulat na madals na
kailanganin sa pag-aaral.

1. Akademiko. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa


antas primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral. Ang akademikong pagsulat ay
maaaring maging kritikal na sanaysay,lab report,eksperimento,term paper o
pamanahong papel,tesis o disertasyon. Itinuturing din itong intelektwal na pagsulat
dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.
Ito ang pokus ng paaralan sa baitang na ito at ang mga sulating isusulat sa bawat
kabanata ay nasa anyong ito.

2. Teknikal. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga


kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa,at minsan,maging
ang manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa
pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. Malawak itong uri ng saklaw
nito ang iba pang sabkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga
korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit
ng mga teknikal na terminolohiya sa isang particular na paksa tulad ng science o

25
technology. Samakatawid,ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang ispesipikong
audience o pangkat ng mga mambabasa.

3. Journalistic. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng


mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum,
lathalahin at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Napakaespesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong kurso
para rito, ang AB Journalism, bagama‟t bahagi rin ito ng pag-aaral ng ibang kurso
tulad ng AB at BSE sa Ingles at Filipino. May mga pagkakataon ding ino-offer ang uri
ng pagsulat na ito bilang isang elektib sa mga paaralang panghayskul.

4. Reperensyal. Reperensyal ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng


ibang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang
manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na
maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sino mang mambabasa
na nagnanais na mag-refer sa reperens na tinukoy. Madalas itong makita sa mga
teksbuk na tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik at literature mula sa
mga awtoridad. Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo
na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Dahil nga reperensyal ang
pangunahing layunin nito, samakatwid, ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging
ang pagtatala ng mga imporamasyon sa note cards ay maihahanay sa ilalim ng uring
ito.

5. Propesyonal. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na


propesyon. Bagama‟t propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang
paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral. Maituturing na
halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng
mga imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng mga abugado at legal
researchers at medical report at patient’s journal ng mga doctor at nars.

6. Malikhain. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon
ng manunulat, bagama‟t maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isunusulat.
Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin
ng mga mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura. Samakatwid,
ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at malikhaing sanaysay ay
maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma,
tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda sa uring
ito. Ang pagsulat na ito ay isa nang asignatura sa Senior High School.

26
ANG PROSESO NG PAGSULAT

Sa aklat nina Bernales, et. al. 2017 (Filipino sa Larangang Akademiko), may ibinigay
silang mga batayang tanong na mahalagang masagot para sa paghahanda ng isang sulatin:

1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?


2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
3. Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?
7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ito dapat ipasa?
8. Paano ko pa madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto? Ano-ano ang mga dapat
ko pang gawin para sa layuning ito?

Mahalagang masagot ng isang manunulat ang mga tanong na ito bago siya
magsimulang sumulat.Makatutulong ito upang paghandaan ang mga posibleng suliranin na
magaganap sa proseso ng pagsulat at kung paano magagawan ng solusyon ang mga ito. Ang
proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. Nag-iiba-iba rin ito depende sa manunulat.
Magkagayunman, mabubuod ito sa tatlong pangunahing hakbang: Pre-writing, Actual
Writing, at Rewriting. Ngunit tandaan, na sa bawat kasunod na hakbang ay maraming sub-
hakbang na nakapaloob (Bernales, et.al. 2017).

A. Pre-writing
- sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rito ang
pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong
kailangan sa pagsulat. Sa aklat na Mabisang Retorika nina Bernales et. al. 2001 at
Masining na Pagpapahayag nina Bernales et. al. 2006 (nabanggit sa Bernales
et.al. 2017) ay nagmungkahi ng iba‟t ibang pre-writing activities na makatutulong
sa isang manunulat lalo na sa mga baguhan. Ilan sa mga mungkahing gawaing
inilahad ay ang sumusunod: pagsulat sa journal, brainstorming, questioning,
pagbabasa at pananaliksik, sounding-out friends, pag-iinterbyu, pagsasarbey,
obserbasyon, imersyon at eksperimentasyon.

B. Actual Writing
- ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat.
Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.

C. Rewriting
- ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag-i-edit at pagrerebisa
ng draft batay sa wastong grammar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga
ideya o lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging kumpleto at epektibo kung
hindi ito dadaan sa editing at rebisyon. Mahalagang Makita ang mataas na uri ng

27
pagkakasulat sa isang obra upang maging kapanipaniwala ito sa mga mambabasa
at maging mahusay na batayan ng iba pang impormasyon.

Pansinin ang kasunod na ilustrasyon.

Bago Magsulat Aktwal na Pagsulat Muling Pagsulat Pinal na Awtput


(Pre-writing) (Actual Writing) (Rewriting) (Final Output)

Mapapansing hindi linear ang proseso ng pagsulat. May mga pagkakataong ang isang
manunulat ay kailangang magpabalik-balik sa una, ikalawa o ikatlong hakbang bago pa
maprodyus ang pinal na awtput o sulatin.

Para sa karagdagang kaalaman, ayon naman kina Arrogante et. al.2013, binubuo ng
apat na hakbang ang proseso ng pagsulat: Una, bago magsulat; pangalawa, pagsulat ng
unang draft; pangatlo, pagrerebisa; at pang-apat, pag-i-edit.

A. Bago Magsulat

Pagplaplano ng Sulatin
May proseso ang anumang gawaing balak na maisakatuparan, at ang
pagsulat ng takdang-araling asaynment ay hindi naiiba na kailangang pag-isipang
mabuti ang mga naaangkop na paraan at pamamaraan para maging makahulugan at
makabuluhan ang kalalabasan. Sa pagpaplano ng susulatin, ang sumusunod ang mga
dapat isaalang-alang:

1. Tiyakin ang susulating asaynment at ang takdang panahong sasaklawin sa


paggawa.
2. Ihanda ang mga gagamiting reperensya gaya ng diksyunaryo, mga hand-awt, mga
tala, atb.
3. Pasyahan ang panahong magugugol sa pagsasagawa nito at gawan ng plano.
4. Itakda ang lugar at panahon ng pagsulat, iyong makapagsusulat nang tahimik at
kompotable.
5. Kapag medyo alumpihit at di agad makapagsimula gawa ng mood at inspirasyon
na kailangan pang hintayin, kondisyonin ang sarili sa lugar at oras na itinakda‟t
pasasaan ba‟t makapagsusulat din.
6. Ihanda ang sarili, iyong hindi pagod, inaantok, kaya ay gutom, bago magsulat.
7. Isalugar ang pamamahinga, iyong hindi sa kalagitnaan ng pagsulat. Sikaping
matapos muna ang isang bahagi bago mag-relax. Idagdag sa plano ang
pagpapaalala sa mga kasambahay na huwag mang-iistorbo, gayundin, isaisantabi
muna ang cellphone.

28
Paghahanda sa Pagsulat
Alalahaning pag-iisip ang pagsusulat kaya nangangailangan ito ng matamang
konsentrasyon. Sundin dito ang sumusunod na detalye.

1. Tiyakin ang layunin at kainteresan ang susulatin para positibo ang pag-upo sa
pagsulat.
2. May mahirap na sulating asaynment, mayroon ding madali kaya iba-ibahin
ang direksyon at konsentrasyon ayon sa taya rito.
3. Intindihin munang mabuti ang mga panuto at tuntuning ibinigay ng titser bago
magpasimula.
4. Kunsultahin ang diksyonaryo sa bawat salitang di gaanong maintindihan at
siguraduhing maitala ito para madaling matandaan.
5. Maglista ng mga bagay na kailangang itanong sa titser. Intindihin muna nang
husto ang problema sa asaynment bago maghagilap ng solusyon.

Pagpili ng Paksa at mga Pansuportang Materyal


Maaaring my itinakdang mga mapagpipiliang paksa ang asaynment, at maaari
din naming malayang makakapamili ang estudyante ng paksang personal na
kinaiinteresan, ngunit sakali mang walang espisipikong itinatampok, maisasaalang-
alang ang sumusunod na tagubilin:

1. Maglista ng mga kinawiwilihang paksaing may mga bagay-bagay nang


nalalaman tungkol sa mga ito.
2. Kumonsulta sa mga babasahin, dyaryo o magasin, atb. ng mga ideya kung
kinakailangan.
3. Pagkatapos na makapamili ng paksang inaakalang mapangyayaring sulatin,
ipahayag ang tesis o proposisyon sa tiyak at malinaw na pangungusap dahil ito
ang magsisilbing ideya na kukontrol sa pagsulat.
4. Balakin kung papaano ito maisasakatuparan.
5. Magtala ng mga agarang kaisipang may kinalaman sa paksa kasama ang mga
detalyeng mailalakip kalaunan sa pagsulat.
6. Magpatuloy sa pangangalap ng mga impormasyon sa lahat ng
masusumpungang reperensya nang mas higit sa inaakalang kinakailangan
hanggang sa magkaroon ng sapat na imbak pansuporta sa pamaksang
pangungusap.

Pagsasaayos ng mga Impormasyon


Madaling panghawakan ang mga material kung maingat ang mga itong masisinop
sa maayos na pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng mga mukhaing ito:

1. Isaayos ang mga data ayon sa importansya, pakronolohika man o paespesyal.


2. Balangkasin ang mga pangunahing ideya.
3. Balansehin ang lagay ng bawat punto. Tantayin ang bawat bahagi kung
nasosobrahan o nakukulangan ng detalye.

29
B. Pagsulat ng Unang Draft

Pagsulat na Mismo ng Sulatin


Sa aktwal na pagsulat, makatutulong nang malaki ang pagiging natural at matapat sa
sarili. Ganito ang gawin:

1. Pakinggan ang mga ideya habang isinusulat.


2. Iwasan ang paggamit ng matatayog na salita, hamggat maaari, iyong parang
nakikipag-usap lamang sa loob ng klase.
3. Huwag gagamitin ng mga salitang balbal baka hindi maintindihan ng nakararami.
4. Gumamit lamang ng mga kontraksyong natural na naririnig sa mga usapan.
5. Iwasan ang mga gasgas ng idioma.
6. Gumamit ng mga salita o pariralang sariwa pa‟t mapang-akit na kaiinteresan ng
bumabasa.
7. Sabihin lang ang dapat sabihin nang makaiwas sa sobrang palabok.
8. Isaalang-alang lamang ang mahahalagang detalyeng makasasapat sa
paglalarawang-diwa o pagpapatunay sap unto.
9. Maging limitado sa panuring (pang-uri o pang-abay) nang hind imaging
redundant, halimbawa: nagbubunga ng resultang …, higit na mas mahusay …,
nagtititiling sobrang pagkalakas-lakas …, atb.
10. Isakongkreto ang mga pangngalan at isaaktibo ang mga pandiwa para mabawasan
ang pagdaragdag ng mga panuring, halimbawa: nagsasaibon, hindi nagtataglay ng
mga katangiang parang sa ibon; lampong, sa halip na lalaking pusa; koral, sa halip
na malawak na kulungan ng mga alagang baka …,atb.
11. Ipagpatuloy ang pagsulat hanggang maramdamang sapat na.
12. Magwakas sa inaakalang kikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang binasa
at hindi mapipigilan ang sariling maibahagi ito sa iba karakaraka.

C. PAGREREBISA

Pagkatapos sulatin ang unang borador, mamahinga. Palipasin muna ang isa o
dalawang araw bago ito balikan, sa gayon, maging obhektibo sa pagharap muli rito. Saka
maingat itong basahin nang paulit-ulit, hanggat maaari nang malakas. Kapag sa pagbasa may
bahagyang naramdamang patid o untol, makatitiyak, may kailangan ditong rebyuhin,
trabahuhin, at pinuhin. Kumustahin ang dating ng paksa. Bago ba sa pandinig o parang
madalas nang matunghayan? Obserbahan ang epekto ng introduksyon at kongklusyon.
Mabisa ba o nakakawalang gana? Nababahaginhan ba sa pagpapatibay ng kabuuan? May
sumosobra ba o may pagkukulang pa o sapat na? Tingnan ang gamit ng mga salita. Angkop
ba o dapat palitan? Tama ba ang mga gramar at gamit ng mga bantas? Kasiya-siya ba ang
lenggwahe at estilo? Ilan lamang ito sa mga aspektong dapat busisiin, at pakatayahin.
Sa pagrerebisa, makatutulong ang ilang sumusunod na mungkahi: 1) Iwasan ang
pagdagdag pa ng mga bagong impormasyon. 2) Kaltasin ang mga di kinakailangang
katibayan at detalye. 3) Ilagay lamang yaong mga impormasyong pinakaposible. 4) Ilagay

30
ang bawat bahagi sa dapat kalagyan at 5) Di kailangan pang muling isulat ang buong
komposisyon, yaong kaunting kinakailangan lamang.

D. Pag-i-edit at Pagwawastong-basa

Pagkatapos na marebisa at maisulat na muli ang unang borador, ang editing at


pagwawastong-basa o proofreading ang pinakahuling hakbang na dapat isakatuparan para
maging ganap ang proseso ng pagsulat.

Pag-i-edit
Gawain sa pag-i-edit ang pagrerebisa sa nilalaman ar estilo ng pagkakasulat, gayundin,
pinakatitiyak sa yugtong ito na maitama ang mga nagawang kamalian sa gramar at sa
mekaniks gaya ng gamit ng mga batas, ng malalaking titik, at ispeling. Kinukonsulta sa pag-i-
edit ang mga batayang kasangkapang pangwika para makatiyak sa ispeling at kaangkupan ng
mga salitang ginamit gaya ng diksyunaryo at tesauro, gayundin ang mga aklat sa mekaniks ng
pagsusulat. Sa pag-i-edit, ipinababasa sa mga taong inaakalang may sapat na kaalaman sa
pagsulat na makakapayo o makakapagbigay-opinyon tungkol sa manuskrito. Pagkatapos na
maedit ang manuskrito, isulat itong muli nang maayos na mabuti ang pinal na kopya ayon sa
kahingiang pormat. Iwastong-basa pa minsan ang pinal na kopya bago ipasa sa kinauukulan.

Pagwawastong-basa o Proofreading
Ang pagwawastong-basa ay dili‟t iba kundi ang masinsinang pagbasa sa pinal kopya ng
manuskrito para makatiyak sa kalinisan nito, na wala nang anupamang kamaliang makikita
pa sa kopya gaya ng ispeling, mga gamit ng bantas, mga kamaliang tipograpikal, atb., sa
gayon, makatiyak sa kalidad ng anumang akda at naaayon sa kahilingan ng istandard.
Ginagamitan ng masisimbolong pananda o pangmarka ang pagwawastong-basa. Mga
markang nagpapaikli sa mga instruksyon sa gagawing pagbabago na madaling makilala,
maintindihan, at magamit ninumang may kinalaman sa trabaho at kasanayan sa paglalathala.

Pagrerebisa
Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga kamaliang
nagawa na kailangang maiwasto nang maging madulas ang mga pananalita sa pagbasa.

1. Huwag magmadali sa pagsusumite. “Take your time”, wika nga sa Ingles, sa muling
pagbasa.
2. Maging maingat sa pagwawasto ng bawat pangungusap para walang makaalpas na
pagkakamali.
3. Pakatingnan ang ispeling, ang gamit ng mga salita kung naaangkop o hindi, ang gamit
ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap para maging pulido ang pinal
na kopya ng manuskrito.

31
Pagsulat ng Pinal na Manuskrito

Manuskrito ang tawag sa pinal na kopya. makinilyado na ito, kaya‟y kompyuterisado ayon sa
pormang estandardisado o itinakda ng guro. Sundin ang sumusunod:

1. Sundin ang panuto o mga kahilingang pormat ng guro sa pagmamakinilya o


pagkukompyuter.
2. Ingatan ang kopyang matupiu, kaya‟y mabasa nang mapanatiling malinis o makinis.
3. Isumite ang asaynment sa takdang panahon.
4. Maging bukas ang isip sa anumang suhestiyon para mapaigi pa ang sulatin.
5. Huwag katamaran ang pamuling pagsulat at pagsulat pa uli.
6. Repleksyon ng sarili ang anumang ginawa kaya pagbutihin ang pagsulat bilang
pagpapabuti sa sarili.

32
33
34
Halimbawa:

Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, Sipi, o Kopya Mila pagwawasto (slideshare.net)

35
SAGUTIN NATIN
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng uri ng pagsulat na tinutukoy ng mga sumusunod
na pahayag.
A. Akademiko C. Dyornalistik E. Propesyonal
B. Teknikal D. Reperensyal F. Malikhain

_____ 1. Masining ang uring ito ng pagsulat.

_____ 2. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing nasa uring ito mula sa antas
primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral.

_____ 3. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga


mamamahayag o journalist.

_____ 4. Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors
hinggil sa isang paksa.

_____ 5. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, term paper o pamanahong-papel, tesis
o disertasyon.

_____ 6. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin
ng mga mambabasa.

_____ 7. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis,
investigative report ng mga imbestigador o „di kaya ay patient‟s journal ng mga
doctor at nars.

_____ 8. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa
isang partikular na asignatura tulad ng sa science at technology.

_____ 9. Makikita ito sa mga pamanahong- papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.

_____ 10. Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig ang
mga akda sa uring ito.

_____ 11. Ito ay uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.

_____ 12. Itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon
na napili ng mga mag-aaral tulad ng Medicine, Nursing, Law at Criminology.

_____ 13. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

_____ 14. Ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagtatala ng mga
impormasyon sa note cards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.

_____ 15. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.

36
PANONOOD

Watching Tv Stock Illustrations – 4,401 Watching Tv Stock Illustrations, Vectors & Clipart - Dreamstime

Ang panonood bilang kasanayang napadagdag sa komunikasyon, ay isang


penomenang di maitatatwang lundayan ng modernong paraan ng pag-alam ng mga
impormasyon. Mula pagkabata, marunong ng manood. Isa itong kakayahang
pangkomunikasyon na umuunawa sa mga nakikitang imahe sa kapaligiran ng isang tao. Ang
mga imaheng ito ay ang anumang bagay na binubuo ng kulay, salita, may animasyon at
hugis. Pagtuklas din ito sa mga natatagong kaalaman na makikita sa tema ng produksyon o sa
pinapanood sa pamamagitan ng pag-iinterpreta sa kilos, ekspresyon ng mukha, sa imahe, sa
plot o balangkas ng iskrip, sa panahon na ginagaygay ang isang palabas at sa daloy ng
programa na nais iwanan ng mga taong nagsasabuhay o nagsisiganap dito.Samakatuwid, ang
panonood ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa higit na malalim na paghihinuha
sa mga nakikita at napakikinggan (Arrogante, et.al. 2013).

Sa isang artikulo na isinulat ni David Considene na pinamagatang Critical Viewing


and Critical Thinking Skills, ipinaliwanag niya na ang mga iskrin ng bidyo ay tumutulong sa
mga bata na madebelop ang isang bagong karunungan- ang biswal na kaalaman na dapat
nilang paunlarin sa isang teknolohikal na mundo. Sa mga telebisyon o pelikula,ang mga
manonood ay nararapat na may taglay na kakayahang maiugnay ang iba‟t ibang kuha ng
kamera sa isang senaryo upang makabuo ng imahe ng kabuuan nito.

Sa panonood, malalim na nabibigyan ng interpretasyon ang mga nakikita sa iba‟t


ibang uri ng palabas, napapaunlad ang kakayahang makapag-interpreta sa pamamagitan ng
masusing obserbasyon sa pinapanood .Ito ang natutunang kasanayan na nagbibigay sa mga
manonood ng abilidad na mahusgahan ang halaga, katotohanan at mga teknik ng isang
programa at ang mga elemento nito gayundin, na mapahalagahan ang pagkakaroon at
kawalang importansya ng isang programa.

Sa pamamagitan ng panonood, nalilinang ang kaalaman sa pag-intindi ng mga bagay-


bagay sa pamamagitan ng pagtingin sa ginagawa ng mga tao at ng iba pang bagay kaya
mabilis itong natutuhan at maari ding tularan. May pagkakataong nagiging gabay ito kung
ano ang dapat gawin sa buhay.
37
KAHALAGAHAN NG PANONOOD
Ang patuloy na paglinang sa makrong kasanayang panonood ay nakapagdudulot sa
isang indibidwal na:

1. Mapaunlad ang kakayahang mag-interpreta at mapalawak amg kaalamang


pangkaisipan at pag-unawa.
2. Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa katotohanan ng isang bagay.
3. Mataya ang iba‟t ibang elemento ng isang produksyon (pangyayari, suliranin,
kagamitan at iba pa,)
4. Maging mulat sa katotohanan ng buhay.
5. Makatulong para maging alerto sa mga nangyayari sa paligid.
6. Magising ang kamalayan ng indibidwal. Maaring maging inspirasyon at maging
sandigan upang gumawa ng tama.

Hadlang sa Epektibong Panonood


INTRINSIK EKSTRINSIK
 Karamdaman  Kaliwanagan- mas madilim, mas
 Maling pag-unawa sa nakita Malabo ang imehe
 Kapansanan sa mata  Kasuotan ng ispiker
 Di malinaw na tsanel
 Biglaang gawain

URI NG MANONOOD AT PANOORIN

1. Kaswal – Ginagawa lamang na pampalipas oras o libangan ang panonood


Hal.
 Music video
 Soap opera o drama
 Game shows o talk shows
(Eat Bulag, Show Time, Happy Yippe Yehey at iba pa)
 Cartoon Anime
 Aksyon
 Komedya

2. Impormal – Nanood lamang dahil sa pangangailangan; hindi inuunawaang mabuti ang


pinapanood
Hal.
 Bawal na presentasyon (talakayang pangklase)

38
3. Kritikal – Sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood na presentasyon o
pelikula. Karaniwan itong gumagawa ng komentaryo o rating sa pinapanood
Hal
 Kolumnistang nanonood ng pelikula para i-review.
 Balita
 Dokumentaryo
 Reality shows
 Edukasyonal na panoorin
 Trahedya
 Debate

Ayon kina Nuncio, et. al. 2016 (Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino), ang panonood ay proseso ng pagbabasa, pagkuha at pag-unawa ng
mensahe mula sa palabas. isang uri ng pagbasa ang panonood dahil imbis na tekstong
nakalimbag, ang tekstong audio-visual ang binibigyang-kahulugan at inuunawa ng
manonood. Dagdag pa nila na laging magkarugtong ang naririnig at nakikitang nilalaman ng
palabas. hindi kasi binabasa ang audio kundi pinakikinggan at ang visual naman ay
pinagmamasdan o pinanonood. Maaari rin namang basahin ang visual kung ito‟y susuriin o
bibigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng kritika at teorya tulad ng ginagawa sa
panunuring pansining sa guhit, larawan, estruktura, disenyo at arkitektura. Subalit ang mga
visual na nabanggit ay hindi gumagalaw.

MGA URI NG PALABAS


(Nuncio, et.al. 2016)

A. Tanghalan o Teatro
Ang panonood ay maaaring panonood ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang
mga tauhan; diyalogo/ monologo; may iskoring o musika; may tunggalian; tagpuan at
wakas. Samakatwid, ang palabas ay kwentong napapanood sa pagtatanghal sa teatro.

B. Pelikula
Tulad ng panonood sa teatro, nanonood tayo ng kuwento sa pelikula. Ngunit, kaiba sa
teatro, nauna na ang pagtatanghal o pag-arte ng mga tauhan na nairekord lamang gamit
ang kamera. Ibig sabihin hindi aktuwal na napapanood ang palabas. Ang sine ay
tinatawag ding motion picture o mga larawang gumagalaw. Ayon sa mga iskolar,
magkarugtong ang kasaysayan ng teatro at pelikula. Kumbaga, iisa ang kuwento,
nagkakaiba lang sa midyum ng palabas; teatro ang sa pagtatanghal, sinehan ang sa
pelikula.

39
C. Telibisyon
Ang telebisyon naman ang midyum samantalang ang mga programa sa telebisyon ang
palabas.
narito ang iba‟t ibang uri ng palabas sa telebisyon:

1. Palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye, komidiserye, telenovela, pelikula sa


telebisyon at iba pa.
2. Balita tungkol sa mga pangyayari sa paligid, sa pamahalaan, sa mga artista, serbisyo-
publiko at mga dokumentaryo.
3. Variety show tuwing tanghali at kung Linggo.
4. Reality TV show o reality TV gameshow

D. Youtube
Dahil sa makabagong teknolohiya ng Internet, maaari na ring manood ng mga palabas
sa Youtube (http://youtube.com). Ang mga personal na video ng mga tao‟y maaaring i-
upload sa Internet sa pamamagitan ng Youtube o maaari ring sa ibang video site. Maaari
ring mag-upload sa Facebook at ibang mga social networking sites, subalit
pinakapopular ang Youtube. Kapag ang simpleng personal na video ay nasa Internet na,
maaari na itong mapanood ng madla. Samakatwid, nagiging palabas na ito at marami
nang maaaring makapanood.

MABUTING EPEKTO NG PANONOOD

1. Nae-expose sa maraming bagay kung saan maraming matututuhan at malalaman.


2. Nakakapaghatid ng mga bagong balita.
3. Nagiging updated kung ano ang nangyayari sa loob at labas ng bansa.
4. Mas magandang libangan ang panonood ng TV kaysa lumabas.
5. Nagiging paraan ng komunikasyon.
6. Nakaka-relax at nakakatanggal ng stress at pagud pagkatapos ng isang mahabang
araw na puro trabaho at pag aaral.
7. Magandang bonding time din ng buong pamilya upang mas maging matatag ang
pagsasama.

MASAMANG EPEKTO NG PANONOOD

1. Maaring lumabo ang paningin.


2. Hindi magagawa ang mga gawain dahil mas abala sa panonood kaysa mag-aral o
magtrabaho.
3. Maaaring maging masamang impluwensiya sa mga manonood dala ng mga paksa at
mga nakikita rito.
4. Maaaring gayahin ng mga kabataan ang mga napapanood nilang di angkop sa
kanilang edad.

40
5. Nagiging sanhi ng katamaran.
6. Nawawalan na ng halaga ang mga libro dahil mas pinipili na ang manood kaysa ang
magbasa.
7. Maaaring maging sanhi ng mga sakit dahil sa kawalan ng ehersisyo (nakaupo lamang
maghapon)

KATANGIAN NG ISANG KRITIKAL NG MANONOOD

1. Nadedetermina ng kritikal na manonood ang kinagawian o kinaugalian niya sa


panonood.
2. Nalalaman ang mga komplikadong usapin na hindi pinagkakasunduan at
nangangailangan ng agarang solusyon. Nakakapagdesisyon kung sang-ayon o hindi
sang-ayon sa pinagtatalunang isyu o sa pinapanood. Nakakahanap o nakakapag-isip
ng mas angkop na solusyon sa problema.
3. Nakakikilala sa mga paulit-ulit, pabalik-balik na konseptong ipinapakita sa
pinapanood, katulad halimbawa ng stereo type na karakter.
4. Nakakikilala sa pagkakakaiba ng mga produktong nabenta na bukod sa produktong
ipinapatalastas sa telebisyon.
5. Nagbibigay-atensyon sa karakteristiks/katangian ng isang TV personality.
6. Nagtatanong sa mga katotohanan/pagkiling sa pinagmulan ng mga impormasyon
(balita o dokumentaryo).
7. Hindi agad naniniwala sa lahat ng kanyang napapakinggan at nakikita sa telebisyon,
kahit pa kailangan niya itong tanggapin bilang representante sa katotohanan ng buhay.

Kalinangan ng Iba pang Makrong Kasanayan

Sa kasalukuyan, dala ng modernisasyon, halos lahat ng tao sa mundo ay nanonood


upang makakuha ng mga impormasyon gayundin, para makapaglibang. Ang panonood nga
ba ay gawaing tamad? Tanda mo ba ang mga nobela na ginawang pelikula? Ilan sa mga ito ay
Dekada“70, Bulaklak ng Maynila, Nole Me Tangere, at iba na sa halip na basahin,
pinanonood na lamang para mapadali ang gawain.
Ano nga bang kasanayan ang nalilinang kapag nanonood? Kapag nanonood,
gumagana ang pakikinig sa mga diyalogo mula sa mga balita, pelikula, adbertisment, at iba
pa. Kaalinsabay nito ay nagagamit din ang pagsulat kapag may mahahalagang
impormasyong kailangan mula sa pinanonood tulad ng mga pangalan ng lugar, numero ng
telepono, recipe, at iba pa, Gayundin naman, ang pagbabasa ng mga kapsyon, mga plakard na
nasa senaryo o mga anunsyo ay naisasagawa rin. Patunay lamang ito na sa panonood,
panabay na nalilinang ang iba pang makrong kasanayan.

41
SAGUTIN NATIN

I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Ano ang panonood, sa sarili mong pagpapaliwanag batay sa natutuhan sa aralin?
Bakit itinuturing na ito bilang isa sa makrong kasanayan?
2. Anong uri ka ng manonood? Ipaliwanag.
3. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng to see is to believe at ang kaugnayan nito sa panonood.

RUBRIK SA PAGSULAT NG MGA PANGUNGUSAP/TALATA

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman
Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
Balarila
Wastong gamit ng wika/salita, baybay, at bantas
Hikayat
Lohikal na pagkakaayos/ daloy ng mga ideya

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay
4 – Mahusay 1 – Nangangailang ng pagsasanay
3 – Katanggap-tanggap

42
REPLEKSYON

Sa pang-araw- araw na buhay, ang bawat isa ay naghahangad na magkaroon ng


mabisang komunikasyon, at ang pangangailangan sa epektibong pakikinig ay masasabing
lubhang mahalaga. Ang pakikinig ay kasinghalaga rin ng pagsasalita. Imposibleng maganap
ang komunikasyon kung wala namang tatanggap ng mensahe mula sa nagpadala nito. Ano na
lamang ang mangyayari sa iyo kung ikaw ay magsasalita sa isang kwarto na walang laman?
Hindi ba‟t magiging katawa-tawa ka?
Sa mga trabaho, pamilya, paaralan, sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at kapwa,
mahalaga ang mga makrong kasanayan dahil nakapagpapatatag ang mga ito ng ugnayan sa
kanila. Kaya dapat lamang na bigyang-pansin ang mga kasanayang ito at pag-aralang mabuti
upang maging matagumpay palagi ang pakikipag-usap sa kapwa.

43
GAWIN NATIN

PAALALA: Pumili lang ng isa sa mga gawain.

A. Panuto: Mamili sa sumusunod na mga pelikulang Pilipino na nais


panoorin at bigyan ng reaksyon at repleksyon. Gamitin ang
talahanayan sa ibaba bilang pormat. Pagkatapos ay ipaliwanag ang
pahayag na: “Hindi libangan ang sine, isa rin itong eskuwelahan.” Isulat ang paliwanag
sa ibaba ng pagsusuring gagawin.
Filipinas (2003) sa direksyon ni Joel Lamangan
Maynila sa Kuko ng Liwanag (1975) sa direksyon ni Lino Brocka
Bata, Bata… Paano ka Ginawa (1998) sa direksyon ni Chito Roño
Ekstra (2013) sa direksyon ni Jeffrey Jeturian
Rainbow’s Sunset sa direksyon ni Joel Lamangan

Pamagat ng Pelikula
Direktor
Mga Tauhan
Kompanyang Naglabas
Prodyuser
Taon ng Paglabas

Sagutin ang sumusunod kaugnay ng pinanood na pelikula.

1. Tungkol saan ang palabas? Ilarawan ang pelikula.


2. Ano-anong kulturang Pilipino ang ipinakikita sa mga eksena ng pelikula?
3. Punan ang talahanayan kaugnay ng gamit ng wika sa pelikulang pinanood.

Gamit ng Wika
Paano naging instrumento
ang pelikula sa ekspresyon
ng damdamin at sining?
Bilang Instrumento
Ano ang itinuturo ng
pelikula? Anong kaalaman
ang natutuhan?
Ano-ano ang dinidiktang
kalakaran o kaugalian,
moralidad o kumbensyon ng
Regulatoryo pelikula?
Sumasalungat bas a pananaw
ng nakararami ang mensahe
ng pelikula? Paano?
Paano ipinakikita ng pelikula
ang ugnayan ng mga tauhan,
Interaksyonal
bida at kontrabida?
Ano-anong eksena ang
44
nagpapakita ng masidhing
ugnayan o kawalan ng
ugnayan ng mga tauhan na
iba‟t iba ang kinahinatnan?
Tumagos bas a iyong
damdamin ang mensahe ng
pelikula? Bakit?
Personal May mga katulad bang
karanasan sa iyong buhay
ang ilang eksena ng pelikula?
Ano-ano iyon?

B. Panuto: Gumawa ng jingle. Gawin ang mga sumusunod na hakbang.


1. Bumuo ng pangkat na may tigtatlo hanggang apat na miyembro. Huwag nang sobra.
Huwag nang humiling na “Ma’am, pwedeng lima po kami sa pangkat?” Mas
mabuting ang kaklaseng miyembro ay sa iisang barangay lamang.
2. Sumulat ng jingle na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon at makrong
kasanayan sa pang-araw-araw na ating buhay o di kaya ay kahalagahan ng wikang
Filipino saliw ng mga sikat na awitin ngayon. Kayo na ang pumili. Maaari ring
gumawa ng sariling komposisyon. Paano makikita ng guro? – gumawa ng video na
kung saan kayo rin ang mga tauhan o kayo mismo ang umaawit. Ang mga kilos at
galaw ay naaayon sa ginawang komposisyon. Maaaring i-rekord muna ang ginawang
awit saka ilapat sa ginawang video. Sa gawaing ito, mahahasa ang iyong kasanayan sa
pag-edit ng video.
3. Lapatan lyrics o subtitle ang video upang makita o mabasa ko ang naging nilalaman
ng iyong komposisyon.
4. Ang inyong ginawa ay kinakailangang hindi bababa sa tatlong minuto at hindi rin
hihigit sa limang minuto. Kung hindi maipasa sag mail ko o messenger dahil sa
kalakihan ng file, i- save sa USB at kokontak ako ng isa sa inyong mga kaklase na
magko-compile ng videos.
5. Ang palugit o nakatakdang araw ng pagpasa ay sa huling linggo ng Enero taong 2021.

C. Panuto: Masusubukan ngayon ang iyong husay sa paggamit ng ating wikang pambansa.
Bubuo ka ng isang maikling talumpating maglalahad sa kalagayan ng ating bansa sa
kasalukuyan. Maaring ito ay tungkol sa isyung pangkalusugan, edukasyon, pamahalaan,
ekonomiya, relihiyon, pag-ibig at iba pa. Ilahad kung bakit ito ang paksang napili, ano
ang kaugnayan ng paksa sa sarili o sa mga kakilala, paano mo mapahahalagahan,
mapauunlad, mababago o masosolusyunan ang suliraning kinaharap. Magsaliksik upang
ang bubuoing talumpati ay nakabatay sa mga totoong datos at hindi sa pansariling
opinyon mo lamang. Ipasok mo rin ang ilang konseptong pangwikang natutuhan mula sa
araling ito. Ihanda ang iyong dalawang minutong talumpati sa pamamagitan ng pag-
video sa sarili. Ipadala ang inyong video sa pamamagitan ng pag- pm (Messenger) sa

45
inyong guro sa Filipino. Ang huling araw ng pagpasa ng output ay huling linggo ng Enero
2021. Gawing gabay ang rubric sa susunod na pahina para sa iyong gagawin.

RUBRIK SA PAGSULAT NG MGA PANGUNGUSAP/TALATA

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman
Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
Balarila
Wastong gamit ng wika/salita, baybay, at bantas
Hikayat
Lohikal na pagkakaayos/ daloy ng mga ideya

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay
4 – Mahusay 1 – Nangangailang ng pagsasanay
3 – Katanggap-tanggap

RUBRIC SA JINGLE at PAGGAWA NG VIDEO


D.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi Gaanong Kailangan pa
(5) (4) Mahusay ng Pagsasanay
(3) (2)
Mensahe Ang liriko ay Ang liriko ay Ang liriko ay Ang liriko ay
lubhang tuwirang hindi gaanong maligoy at hindi
nakapagbigay- nakapagbigay- nakapagbigay- nakapagbibigay-
pansin sa paksa pansin sa paksa o pansin sa paksa pansin sa paksa
o mensaheng mensaheng nais o mensaheng o mensaheng
nais iparating iparating nais iparating nais iparating
Pagtawag Madaling Madali-daling Madali-daling Hindi gaanong
Pansin tandaan at tandaan at medyo tandaan subalit nakatatawag
nakatatawag nakatatawag hindi gaanong pansin ang
pansin ang pansin ang nakatatawag melodiya at
melodiya at melodiya at ritmo pansin ang ritmo
ritmo melodiya at
ritmo
Napakahusay May lohikal ang Hindi gaanong Hindi maayos
ang organisasyon maayos ang ang
organisasyon at ngunit hindi organisasyon ng organisasyon ng
napakaayos ang masyadong mga ideya / mga ideya /
Organisasyon pagkakasunod- mabisa ang pangyayari, pangyayari,
sunod ng mga pagkakasunod- walang angkop walang angkop
pangyayari sa sunod ng mga na panimula at na panimula at
video pangyayari wakas wakas

46
Ang paggamit Ang paggamit ng Ang lahat ng Ang lahat ng
ng font style, ilang font style, font style, font font style, font
font size, font size, size, transitions size, transitions
transitions at transitions at at animations ay at animations ay
animations ay animations ay hindi gaanong hindi angkop at
napakagandang magandang angkop at hindi paminsan ay
tingnan at tingnan at nababasa ng masakit sa mata
napakalinaw nababasa ng mga mga kung tingnan
nito na nababasa tagapanood. tagapanood. dahil hindi tama
ng mga ang
tagapanood kombinasyon ng
kahit na nasa mga kulay at
Produksyon
malayo. hindi nababasa
ng mga
tagapanood.
Ang music at Ang boses ng Ang boses ng Ang boses ng
sound effects ay tagapagsalaysay tagapagkwento tagapagkwento
mas lalong ay panaka-nakang ay hindi ay hindi
nagpapaganda natatabunan ng gaanong malinaw dahil
sa kinalalabasan mga sound malinaw dahil mas malakas /
ng effects. mas malakas / nangingibabaw
presentasyon. nangingibabaw ang music at
ang music at sound effects
sound effects

Puntos Kahulugan
17- 20 Napakahusay
13 – 16 Mahusay
8 – 12 Hindi Gaanong Mahusay
5–7 Kailangan pa ng Pagsasanay

47
RUBRICS SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI

Sadyang
Mga Kahanga-hanga
Kahanga-hanga Nalilinang (2) Nagsisimula (1)
Pamantayan (3)
(4)
Malinaw na Taglay ng Bahagyang Hindi nakikita
malinaw na talumpati ang taglay ng sa talumpati ang
makikita sa mensahe tungkol talumpati ang mensaheng nais
talumpati ang sa tunay na mensaheng ipabatid tungkol
mensaheng kalagayan ng tungkol sa tunay sa tunay na
tungkol sa tunay wikang Filipino na kalagayan ng kalagayan ng
na kalagayan ng sa ating panahon wikang Filipino wikang Filipino
wikang Filipino na nakabatay sa sa ating sa ating
Nilalaman/ sa ating konseptong kasalukuyang kasalukuyang
Mensahe kasalukuyang pangwikang panahon. panahon.
panahon na natalakay at Bahagya rin Pawang sariling
nakabatay sa nasaliksik. itong nakabatay opinion lamang
konseptong sa konseptong ang nilalaman at
pangwikang pangwikang hindi nakabatay
natalakay at natalakay at sa konseptong
nasaliksik. nasaliksik. pangwikang
natalakay at
nasaliksik.
Buong lakas at Hindi Ilan sa mga Marami sa mga
ubod ng linaw kinaringgan ng salitang binigkas salitang
ang pagkautal bagkus ay di-gaanong binigkas ay
Katatasan o
pagkakabigkas ng maliwanag ang narinig at malabo at di-
Kalinawan sa
lahat ng salita, at bigkas sa lahat naintindihan nauunawaan
pagbigkas
„di man lamang ng salita
kariringgan ng
pagkaantala.
Angkop na Nakatulong ang Nakasira ang Di- nabigyang-
angkop ang lahat bawat kumpas at ilang kumpas at diin ang
ng kumpas at galaw upang galaw sa daloy kahalagahan ng
Kaangkupan galaw kaya higit na ng talumpati nilalaman ng
ng mga nakuha nag buong maunawaan ang dahil ilan sa mga talumpati dahil
Kumpas at atensyon ng mga nilalaman ng ito ay „di-akma sa walang
galaw tagapakinig mula talumpati. sa sinasabi at kumpas o galaw
simula hanggang halatang pilit ang na ipinakita
matapos ang ginawang
talumpati. pagkumpas
Tindig pa lamang, Nakatulong ang Kinakitaan ng Walang
mahihikayat ka maayos na tindig panlulupaypay konbiksyon at
Tindig o nang making upang madama ng balikat at „di ramdam ang
pagharap sa dahil ramdam ang ang ilang palatandaan sensiridad sa
madla mong totoo sa sensiridad ng ng kawalan ng sinasabi.
bawat pahayag na sinasabi tiwala sa sarili
sasambitin.

48
Dahil sa saulado Napapanatili ang Kinariringgan ng Binabasa ang
ang piyesa, bawat audience contact pagkaantala dahil piyesa kaya
ekspresyon ng at natural ang iniisip ang nakapagdulot
mukha, kumpas at pagpapahayag susunod na ito ng
galaw ay nang dahil sa pahayag na kabagutan sa
Saulado ang
nakatulong nang saulado ang sasabihin. tagapakinig.
piyesa
husto upang piyesa.
maunawaang
Mabuti ang
nilalaman ng
talumpati.

Puntos Kahulugan

17 - 20 Napakahusay

13 – 16 Mahusay

8 – 12 Katamtaman

5–7 Nangangailangan pa ng pagsasanay

49
SANGGUNIAN
AKLAT:
Arrogante, Jose A., Mojica, May L., Peňalosa, Merilyn T., Torreliza, Myrna A. Ugnayan:
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mandaluyong, City: National Book
Store. 2012.

Bernales, Rolando A., Pascual, Maria Esmeralda A., Ravina, Elimar A. Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Valenzuela, City: JO-ES Publishing
House, Inc. 2016.

Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino. Quezon, City: Phoenix Publishing House, Inc. 2016.

Libunao, Lydia L., Ledesma, Avelina S., Reyes, Leticia G., Miranda, Erlinda R.,Mianda,
Jesselyn B. Abayan, Letecia G. Modyul sa Filipino 1: Sining ng
Pakikipagtalastasan.Quezon, City: Rex Book Store Inc. 2008

Nuncio, Rhoderick V. Ph.D., Nuncio, Elizabeth M. Ph.D., Valenzuela, Rogelio,


Malabuyoc, Vilma A., Saul, Aileen Joy G. Ph.D., Gragasin, Jean Marie D.,
Villanueva, Ma. Anna. Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Quezon, City: C & E Publishing Inc. 2016.

INTERNET:
https://www.trainingjournal.com/blog/building-successful-multinational-operations-
better-business-communications

https://www.lynda.com/Leadership-Management-tutorials/Improving-Your-Listening-
Skills/653220-2.html

https://educationalresearchtechniques.com/2017/07/21/types-of-speaking-in-esl/

50

You might also like