Quarter 3 Module 6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan-Modyul 6
ANG MGA KAKABAIHAN SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA TUNGO SA
PAGKAKAPANTAY -PANTAY, PAGKAKATAONG
PANG - EKONOMIYA AT KARAPATANG
PAMPULITIKA

Page 1| 8
Aralin 1

Gawain 1: Suri-teksto

ANG MGA KAKABAIHAN SA TIMOG AT KANLURANG ASYA TUNGO SA PAGAKAKAPANTAY-PANTAY,


PAGKAKATAONG PANG-EKONOMIYA AT KARAPATANG PAMPULITIKA

Bunsod ng mga pangyayaring naranasan ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya tulad
ng iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan at kanilang pamilya, sila ay nag-organisa
ng iba’t ibang samahan upang maisulong nila ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses
sa lipunan.

Sa Talahanayan 1, makikita ang ilan sa mga naging resulta ng pagsusulong, pangangampanya


at pakikipaglaban ng mga kababaihan upang makamit ang pagkakapantay-pantay mula sa panig ng
kababaihan at kalalakihan, mabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya
at gayundin mabigyan ng karapatan sa usaping pampulitika.

TALAHANAYAN 1:Mga Nakamit ng mga Kababaihan sa Timog Asya at


Kanlurang Asya

• Binigyan ng pagkakataon na makaboto, iboto at magkaroon ng matataas na


posisyon sa lipunan.

• Ginawang legal ang deborsyo.

• Nabigyan ng benepisyo ang mga mga kababaihan sa pagbubuntis at pantay


na sahod.

• Nabigyang pansin ang kampanya laban sa maagang pag-aasawa, poligamiya


at karapatan sa pagpili ng mapapangasawa.

• Nabuo ang CEDAW (Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women). Samahan na pumoprotekta sa panig ng
mga kababaihan.

• Nagkaroon din ng mga batas na tumutugon sa problemang may kinalaman


sa karahasan o “sexual harassment”.
• Nagkaroon ng hiwalay na palikuran para sa lalaki at babae.

• Nagkaroon ng karapatang makapagtrabaho ang mga kababaihan.


Binigyang-pansin ang hindi makatwirang bilang ng oras sa pagtatrabaho.
Pinayagan din na hindi pagtrabahuhin ang mga kababaihan sa mga
trabahong gumagamit ng delikadong makinarya.

• Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kakabihan na makapag-aral.

Page 2| 8
GAWAIN 2: Kulayan Mo Ako!

PANUTO: Kulayan ng “berde” ang HINDI naisulong ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya upang
magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampulitika.

KARAPATAN SA PAGPILI NG ISYU NA MAY KINALAMAN SA SEXUAL


MAPAPANGASAWA HARASSMENT

LIBRENG PAGKAIN SA ARAW-ARAW HIWALAY NA PALIKURAN PARA SA


LALAKI AT BABAE

GINAWANG LEGAL ANG DIBORSYO MAKAPAGLAKBAY SA IBANG BANSA

MAKAPAGMANEHO NG SASAKYAN KARAPATANG MAKAPAG-ARAL

KARAPATANG MAKAPAGTRABAHO HIWALAY NA LUGAR-PASYALAN

KARAPATAN SA PAGBOTO PANTAY NA BENEPISYO SA PASAHOD

Aralin 2

Gawain 3: Suri-teksto
PAG-USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA
NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Nasyonalismo sa Asya
Nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya ang ginawang pananakop, pagpapasailalim
sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano.
Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa bayan. May iba’t ibang anyo ang nasyonalismo: (a) mapagtanggol na nasyonalismo
(defensive nationalism), gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at (b) mapusok na nasyonalismo (aggressive
nationalism), na ginawa naman ng bansang Hapon. Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging
makatwiran at makatarungan. Maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo ang
kahandaang mangtanggol at mamatay ng isang tao para sa bayan.
Dahil sa kagustuhan ng mga Asyano na wakasan na ang panghihimasok ng mga Kanluraning bansa
sa kanilang kinagisnang pamumuhay at makamtan ang kalayaan, marami ang makabayang samahan ang
naitatag sa Asya. Ang mga samahang naitatag ay pinangungunahan ng mga kabataang nakapag-aral.

PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA


Nasyonalismo sa India
Nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo sa India, ito ay dahil sa pananakop ng
mga Ingles sa naturang bansa. Magkakaiba man ang wika at relihiyon, ang mga Indian ay kumilos at
nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India. Siya ay nagpakita ng mapayapang
paraan sa paghingi ng kalayaan.

Page 3| 8
Female Infanticide- Ito ay ang pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa
mga magulang pagdating ng panahon na ito’y mag-aasawa.
Suttee- Ito ay ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
Rebelyong Sepoy- Ito ay pag-aalsa ng mga sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa
pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
Amritsar Massacre- Maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril
ng mga sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay namatay ang may 400 katao at mayroong 1200 na mga
nasugatan.
Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang
pananampalataya. Ang All Indian National Congress ay naitatag sa panig ng mga Hindu na ang layunin ay
matamo ang kalayaan ng India. Naitatag naman ang All Indian Muslim League noong 1906. Ito naman ay
pinangunahan ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang-pansin. Layunin ng
mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
Si Mohandas Gandhi ay nanguna sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Siya ay isang Hindu
na nakapag-aral. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non-violence means na
pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Si Mohandas Gandhi ay naniniwala sa Ahimsa at Satyagraha.
Siya rin ang humimok sa mga Indian ng pagboykot sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may
kaugnayan sa mga Ingles. Sinimulan din ni Mohandas Gandhi ang civil disobedience o hindi pagsunod sa
pamahalaan. Naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong dahil sa pamumuno niya sa mga protesta.
Agosto 15, 1947, naideklara ang kalayaan ng India. Lumaya sila sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni
Jawaharlal Nehru. Kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa
ilalim naman ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.
Nasyonalismo sa Kanlurang Asya.
Hindi magkatulad ang nasyonalismong naipakita ng Kanlurang Asya sa ipjnakitang nasyonalismo ng
mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil
karamihan sa mga bansa dito ay hawak ng dating malakas at matatag na imperyong Ottoman bago pa man
masakop ng mga Kanluraning bansa noong 1918. Matapos bumagsak ang Imperyong Ottoman, masakop at
mapasailalim sa mga Kanluraning bansa, naipatupad sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang
mandato. Ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay nagsumikap na unti-unting makamtam ang kalayaan mula
sa Imperyong Ottoman at mga Kanluraning bansa. Pinasimulan ng mga Arabo, Iranians at mga Turko ang
nasyonalismo sa Kanlurang Asya bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759. Ang Lebanaon
naman ay natamo ang kanyang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong 1770, at noong 1926, ang
Lebanon ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato ng bansang France. Isa rin ang bansang Turkey
na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal na nagsulong naman sa pagkakaroon ng isang
republika. Sa pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923, naisilang ang Republika ng Turkey.
Ipinahayag naman ni Al Hijaz ang sarili bilang hari noong 1926 matapos niyang malipol ang lahat ng teritoryo
at pinangalanan nya itong Saudi Arabia. Samantala ang Iraq naman ay naging protektado ng England noong
1932.
Holocaust- Ito ay ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelita.
Sistemang Mandato- Ito ay nangangahulugan na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang
Malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
Zionism- Ito ay ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

MGA PAMAMARAANG GINAMIT SA TIMOG AT KANLURANG ASYA SA PAGTATAMO NG KALAYAAN


MULA SA KOLONYALISMONG KILUSANG NASYONALISTA
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, nakilala ang mga lider
nasyonalista na nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sa kanilang pamumuhay. Kilalanin natin ang mga
nasabing lider nasyonalista.

Mohandas Karamchad Gandhi


Si Mohandas Gandi ay isang Hindu na nakapag-aral sa isang pamantasan sa England.
Nakapagtrabaho sa South Africa. Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa
mga mananakop na Ingles. Inspirasyon din si Mohandas Gandhi ng marami dahil sa kaniyang katang-
tanging tahimik na pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng India ang kalayaan. Siya ay nakilala bilang
Page 4| 8
Mahatma o “ Dakilang Kaluluwa”. Tinuruan nya ang mga mamamayan na himingi ng kalayaan na hindi
gagamit ng karahasan dahil naniniwala siya sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa) at Satyagraha sa pakikipaglaban.
Hindi rin siya sumang-ayon sa pagtatangi sa untouchables at sati para sa mga kababaihan. Siya ang
nagpakilala sa paraang civil disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga Indian na gumawa ng
pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produktong Ingles lalo na ang telang negosyo ng mga ito.
Nagsagawa din si Gandhi ng pagaayuno o hunger strike upang makuha ang atesyon ng mga Ingles at upang
mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya. Labas masok man sa kulungan ay hindi pa
rin siya natatakot sa halip ay ipinagpatuloy pa rin ni Gandhi ang kaniyang mapayapang pakikibaka
hanggang sa makamit ng mga Indian ang kanilang kalayaan. Nakamit ng India ang kanilang kalayaan noong
Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru. Si Gandhi ay nabaril at napatay noong Enero 30, 1948
na hindi nagtagumpay sa kaniyang kagustuhan na mapagkasundo ang mga Hindu at Muslim.
Mohammed Ali Jinnah
Si Mohammed Ali Jinnah ay nakilala bilang “Ama ng Pakistan”, isang abogado at pandaigdigang lider.
Siya ay ipinanganak noong Disyembre 25, 1876 sa Karachi, Pakistan. Nakapag-aral sa Pamantasan ng
Bombay, Lincoln Inn, Christian Missionary Society High School, Sind Madrassa Gohal Das Tej Primary
School at Sindh Madrasatul-Islam. Naganyak ng kaibigan ng kaniyang ama na isang dayuhan tulad ni Sir
Frederick Leigh Craft na mag-aral sa London. Siya ay kabilang sa Khoja Muslim sect. Nakapag-asawa sa
edad na 15 taong gulang. Namuno sa Muslim League noong 1905 na ang layunin ng samahan ay magkaroon
ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Namuno rin sya upang ang Pakistan ay lumaya mula sa India.
Naipagkaloob sa Pakistan ang kalayaan noong Agosto 14, 1947. Siya ay itinanghal na kauna-unahang
gobernor heneral ng Pakistan.
Namatay si Mohammed Ali Jinnah noong Setyembre 11, 1948.
Muztafa Kemal Ataturk
Si Muztafa Kemal Ataturk ay isinilang sa Salonika, bahagi ng Imperyong Ottoman noon, ngayon ay
Saloniki, Greece. Sinasabing nagmula ang pamilya ng mga nomads sa Konya, Turkey. Siya ay nakapag-aral
ng elemetarya sa Semsi Efendi School at sekondarya naman sa Monastir High School noong taong 1899.
Natapos nya ang kanyang pag-aaral sa Ottoman Military College at naging ganap na isang sundalo noong
1905. Si Muztafa ay naging kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi sa 5 th Army sa Damascus na ngayon ay
Syria hanggang 1907. Isa siya sa hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France matapos ang kanilang
digmaan noong 1911 hanggang 1912 na hatiin ang Imperyo ng Ottoman. Si Mustafa ang naging susi sa
isang pagkilos na naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko at
Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000 Italyanong naitaboy at 200 na nahuli at napatay, pero
nagtagumpay pa rin ang mga Italyano. Siya ang nagbigay-daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa
kabila na ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Britain, Greece at
Armenia. Siya ang nanguna sa pagtawag ng halalang pambansa at hiwalay na parliamento na siya ang
nagsilbing tagapagsalita. Ito ang Grand National Assembly ng Turkey na nagbigay daan upang ang mga
Turkong militar ay mapakilos na hingin ang kalayaan ng bansang Turkey. Noong Hulyo 24, 1923, Ang Grand
National Assembly kasama ang mga Kanluranin ay lumagda sa isang kasunduan na tinawag na Treaty of
Luasanne na kumilala ng kalayaan ng Turkey. Si Ataturk ang unang nahalal na pinuno ng bagong
Republika. Tinawag siyang Ataturk na nangangahulugang “Ama ng mga Turko”.

Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini


Si Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini ay isinilang noong Setyembre 24, 1902. Lumaki sa
pangangalaga ng kaniyang ina at tiyahin, matapos mamatay ang kaniyang ama sa kamay ng mga bandido.
Nang mamatay ang kaniyang ina siya ay naiwan sa pangangalaga at pagsubaybay ng kaniyang
nakatatandang kapatid. Noong 1962, nagsimula siya na maging aktibo sa larangan ng politika. Kasama siya
sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang Shah sa mga mamamayan at
ang tahasang pagpanig at pangangalaga nito sa interes ng mga dayuhan tulad ng Estados Unidos. Si
Ayatollah rin ay gumawa ng makasaysayang pagtalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na
pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa Israel. Sa pamamagitan
ng gawaing ito ay naaresto at nakulong siya na umani ng malawakang pagsuporta ng mga mamamayan na
naging sanhi ng kaguluhan sa bansa. Naranasan din ni Ayatollah ang maipatapon sa ibang bansa tulad sa
Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964 dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuang mayroon
ang kaniyang bansa. Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng Rebolusyong
Islamic noong 1979 at mapatalsik ang Shah muling bumalik si Ayatollah sa Iran na muling tinanggap ng
mga mamamayan. Noong Pebrero 1989, siya ay nagpalabas ng isang Fatwa sa estasyon ng Tehran radio na
nagbibigay ng parusang kamatayan laban sa isang manunulat na Ingles na si Salman Rushdie at sa
kaniyang tagapagpalimbag ng aklat na may titulong Satanic Verses. Namatay si Ayatollah noong Hunyo 3,
1989 sa gulang na 70 taon. Kinilala bilang isa sa mga malupit na lider ng ika-20 siglo. Ibn Saud

Page 5| 8
Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Isinilang noong Nobyembre 24, 1880 sa Riyadh,
anak ni Abdul Rahman Bin Faisal. Ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyunal ng
kilusang Wahhabi ng Islam (ultra orthodox). Ang kaniyang pamilya ay minsang nakulong sa Kuwait. Taong
1902 nang muling mapasakamay nila ang Riyadh samantalang taong 1912 naman ng masakop niya ang
Najd at dito ay bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig,
sinikap ng mga Ingles na mapalapit sa kaniya, ngunit hindi ito nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang
kaniyang katunggali na si Husayn Ibn Ali ng Hejaz. Taong 1924-1925, napabagsak ni Ibn Saud si Husayn
at ipinoroklama ang kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at Nejd. Pagkatapos matipon ang halos kabuuan
ng Tangway Arabia taong 1932 binigyan ni Ibn Saud ang kaniyang kaharian ng bagong pangalan bilang
Saudi Arabia. Nagtagumpay siya na mahimok ang mga nomadikong tribo o pangkat-etniko na mapaayos
ang kanilang pamumuhay at iwasan na ang gawain ng panggugulo at paghihiganti. Sa kaniya ring
pamumuno ay nawala ang mga nakawan at pangingikil na nagyayari sa mga dumadalo ng pilgrimage sa
Mecca at Medina. Si Haring Ibn Saud ang nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos
noong 1936 at 1939 upang magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia. Pinatunayan ng bansa na ang
mina ng langis ang pinakamayaman sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng pambansang pag-
unlad. Noong Ikalawang Digmang Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay nanatiling neutral ngunit di rin
naiwasan ng siya ay minsang pumabor sa mga Allies. Hindi siya seryosong nakialam sa Digmaang Arab-
Israel noong 1948. Pinalitan sya ng kaniyang panganay na anak na si Prince Saud.
Tunay na maraming Lider Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging makabayan,
nagpunyagi at nagtagumpay na matamo ang inaasan na kalayaan ng kani-kanilang mamamayan at bansa.

GAWAIN 4
PANUTO: Punan ang patlang ng tamang sagot. Hanapin ang sagot sa “puzzle”.

S I S T E M A N G M A N D A T O C V B H
A C F R H S J V D Y S H C S E B N T W O
B A S D F G H J K L Q W R T Y Y U R W L
C O R E B E L Y O N G S E P O Y A S D O
D Z X C V B N M A S F G G H J V B D G C
E Q W E R T Y U I U I O P A S D F G H A
F V F R C G H Y H R K O M S I N O I Z U
G A B S D V R T Y O N H Y G S C V Z X S
H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z T
F E M A L E I N F A N T I C I D E A B C

1. Nangangahulugan na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at nagsasariling
bansa ay ipapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
2. Pag-aalsa ng mga sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial
discrimination.
3. Pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa mga magulang pagdating
ng panahon na ito’y mag-aasawa.
4. Pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew sa iba’t ibang panig ng daigdig.
5. Sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew at Israelita.

Susi sa Pagwawasto: Module 6 ( Quarter 3 )

Gawain 2 Gawain 4
Kulayan mo Ako PUZZLE
1. Libreng pagkain sa araw-araw 1. Sistemang Mandato
2. Makapagmaneho ng sasakyan 2. Rebelyong Sepoy
3. Makapaglakbay sa ibang bansa 3. Female Infanticide
4. Hiwalay na lugar-pasyalan 4. Zionism
5. Holocaust

Page 6| 8
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Agusan del Sur

Gawaing Pagkatuto (Learning Activity Sheets)

Quarter 3 : Module 6

Aralin 2 : PAG-USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG


ASYA

Panimula
Pagkatapos mong basahin at suriin ang teksto, maari mo nang lagyan ng wastong kaalaman ang
kahon. Isulat sa kahon ang mahahalagang impormasyon na natutuhan sa paksang tinalakay.

Kasanayang Pagkatuto at Koda: AP7KSA-11h-1.12

Gawain: Punan mo ako!

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na natutunan buhat sa paksang
tinalakay.

NASYONALISMO SA TIMOG ASYA

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG GAWAIN


PAMANTAYAN INDIKASYON ISKOR KATUMBAS NA KABUUANG
ISKALA INTERPRETASYON ISKOR
Nailahad ng buong husay ang
5 Mahusay 17-20
Nilalaman mahalagang impormasyon
4 Lubhang kasiya-siya 13-16
Nailalahad ng buong husay 3 Kasiya-siya 10-12
Presentasyon ang kinalabasan ng gawain Hindi gaanong
7-9
2 kasiya-siya
Pagkamalikhain Naipakita ang pagkamalikhain 1 Dapat pang linangin 4-6

Page 7| 8
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Agusan del Sur

SUMMATIVE EXAM FOR MODULE 6 ( Quarter 3)


Araling Panlipunan 7
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng
wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang lahat ay mga layunin kaya kumilos ang mga kababaihan para sa kanilang panig maliban sa isa.
A.Karapatang Pampulitika C. Pagkakataong Pang-Ekonomiya
B.Pagkakapantay-Pantay D. Pagtutulungan
2. Ang lahat ay kabilang sa mga ipinangampanya at ipinaglaban ng mga kababaihan maliban sa isa.
A. Mabigyan ng pagkakataon na humawak ng posisyon sa lipunan ang mga kababaihan.
B. Makapag-aral ang mga kababaihan.
C. Makapagmaneho ng sasakyan ang mga kababaihan.
D. Makapagtrabaho ang mga kababaihan.
3. Ang lahat ay may kinalaman sa pagkakaroon ng karapatan sa pagboto maliban sa isa.
A. Maiboto ng mga taong kaniyang nasasakupan.
B. Makaboto at makapili ng mga taong mammuno.
C. Makagamit ng pera ng taong-bayan para sa kaniyang pangangampanya.
D. Makahawak ng posisyon sa lipunan.
4. Ito ay ang pangunahing layunin kaya naitatag ang CEDAW bilang isang samahan.
A. Mabigyan ng papel ang mga kababaihan sa lipunan upang maging sikat.
B. Maging mababa ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan.
C. Maging makapangyarihan ang mga kababaihan sa lipunan.
D. Maipagtanggol sa anumang uri ng diskriminasyon at pag-aabuso ang mga kababaihan.
5. Sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kababaihan na makapagtrabaho, anong aspeto ang natulungan
nilang maitaas?
A. Ekonomiya B. Espiritwal C. Pulitika D. Sosyal
6. Ang kahulugan ng salitang “Mahatma” na kung saan ay nakilala si Mohandas Gandhi.
A. Ang Naliwanagan B. Ang Nasumpungan C. Dakilang Isip D. Dakilang Kaluluwa
7. Ang pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o “racial
discrimination”.
A. Rebelyong Boxer B. Rebelyong Sepoy C. Rebelyong Sepoy D. Rebelyong Taiping
8. Isa siya sa hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France matapos ang kanilang digmaan noong 1911
hanggang 1912 na hatiin ang Imperyo ng Ottoman.
A. Ibn Saud B. Jawaharlal Nehru C. Mohandas Gandhi D. Muztafa Kemal Ataturk
9. Ito ay ang tawag sa pag-uwi ng mga Jews sa lupain ng Palestine mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Nasyonalismo B. Patriotismo C. Sosyalismo D. Zionismo
10. Siya ay itinanghal na kauna-unahang gobernador-heneral ng Pakistan.

A. Ayatollah Khomeini B. Mohammed Ali Jinnah C. Mohandas Gandhi D. Muztafa Kemal Ataturk

II. Panuto: Punan ng mga salita ang mga patlang upang maipaliwanag ang mga natutunan tungkol sa
nasyonalismo sa timog at kanlurang asya .
11-15. Ang Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya ay _______________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Page 8| 8

You might also like