March 30 Kagitingan Grade6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

6

ARAW NG KAGITINGAN
MODYUL
Ang Partisipasyon ng
Kababaihan sa Rebolusyon
ARAW NG KAGITINGAN MODYUL
Title
Unang Edisyon, 2022
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Pangalawang Kalihim: Tonisito M.C Umali, Esq.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lycel D. Malang, Carmela T. Bulatao
Marianne I. Quitalig, Rico Paulo Sangalang

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag


Tagasuri ng Wika:

Tagasuri ng Anyo at Larawan:


Tagadisenyo ng Modyul: Jeremy P. Daos, Donnell C. Gomez,
Mark Anthony D. Mangiduyos, Danilo V. Nuñez Jr.
Jonathan Paranada, John Paul C. Paje,
Ryan C. Pastor, Jay Ahr E. Sison, Mauryl P. Maulawin
Tagaguhit: Genesis C. Dador
Tagalapat: Gizelle R. Libed
Tagapamahala: Jocelyn D. Andaya, Leila P. Areola,
Ariz Delson Acay Cawilan, Ernani O. Jaime,
Rowel Padernal, Rosalie Masilang, Staff of Directors
May B. Eclar, Librada M. Rubio
Angelica M. Burayag, Ma. Editha R. Caparas,
CID Chief, LRMS EPS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III


Office Address: Matalino St., D. M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6
ARAW NG KAGITINGAN
MODYUL
Ang Partisipasyon ng Kababaihan
sa Rebolusyon
Pagkilala at Pasasalamat
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot namin sa mga may-akda ng
mga sanggunian, huwaran at lunsarang akda na aming ginamit sa Magiting
modyul na ito. Sila ay hindi matatawaran sa higit na kasanayan at
kakayahan sa paglikha ng mga akdang maipagkakapuri’t maipagmamalaki
ng lahing Kayumanggi.
Pasasalamat sa mga pinagpipitaganang kawani ng Kagawaran ng
Edukasyon sa pangunguna ni Tonisito M.C. Umali, Esq., Deped
Undersecretary, Edel B. Carag, Director III, External Partnership Services,
Ernani O. Jaime, PhD, Supervising Education Program Specialist, Bureau
of Learning Delivery, Rosalie Masilang, PhD, Supervising Education
Program Specialist, Rowel Padernal, Senior Education Program Specialist,
Bureau of Curriculum Development, at Romeo Parayno, Head - Special
Event,
Pasasalamat din kina May B. Eclar, PhD, CESO III - Regional
Director, Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V- Director III, Officer-In-
Charge, Office of the Regional Director, Rhoda T. Razon, EdD, CESO V -
Assistant Regional Director, Ronelo AL K. Firmo, PhD, CESO V - Schools
Division Superintendent, Officer-In-Charge, Office of the Assistant Regional
Director, Librada M. Rubio, PhD, Chief CLMD, at Angelica
Mangawang-Burayag, PhD, Regional Digital Magiting Module Focal Person.
Gayundin kina Ruel T. Maranan, President, Ayala
Foundation Incorporated, at Celerina R. Amores, Senior
Director, Corporate Communication, at Ayala Foundation Incorporated.
Pasasalamat pa rin kina Rebecca K. Sotto PhD, EPSvr-Araling
Panlipunan, Anita P. Domingo, EPSvr-Edukasyon sa Pagpapakatao,
Rowena D. Tiamzon, EPSvr- Filipino, at Lily Beth B. Mallari, EPSvr-
Learning Resource Management Section, sa motibasyon at pagtataguyod na
ibinigay nila.
Sa mga manunulat na nagsipaghandog ng tulong at nagbahagi ng
kaalaman upang mapadali’t mabuo ang Magiting modyul na ito, maraming
salamat.
Naging mahalagang bahagi kayo ng pamanang ihahain sa ating mga
kabataan at mamamayang naghahanap ng yaman ng ating kinagisnang
kultura at panitikan.
Ipinaaabot din ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naglaan ng
oras at panahon upang matapos ang modyul na ito, at higit sa lahat
pasasalamat sa Dakilang Maykapal na gabay nating lahat.

Mga May-akda

ii
Paunang Salita
Para sa mga dakilang Guro:

Isang mabungang paggabay na matutuhan ang mga aralin sa asignaturang


Araling Panlipunan, Halina’t pagsumikapang basahin at unawain ang nilalaman ng
Magiting Modyul.

Inihanda ang modyul na ito para sa mga mag-aaral upang mapahalagahan


ang mga natatanging kultura na ipinamana ng mga bayaning Pilipino. Kinalap ang
mahahalagang paksa, inayos at sinuri ng mga dalubhasa upang epektibo na
maisabuhay ang pagiging magiting ng sambayanang Pilipino. Sasamahan ka ng
iyong guro na unawain ang nilalaman ng modyul na ito salig sa itinakda ng K to 12
Kurikulum upang maitanim sa iyong isipan at maisagawa ang kabutihang-asal sa
kapwa na tatak ng Pagka-Pilipino.

Ang modyul na ito ay magsisilbing instrumento upang malinang ang


kasanayan ng bawat mag-aaral, magabayan sa malayang pagkatuto ng mga gawain
at maipagmalaki ang pagiging magiting na isa sa pagkakakilanlang Pilipino.

Ito ay binubuo ng mahahalagang aralin at mga kaukulang gawain na


lilinang sa kanilang kasanayan na maipakita ang angking husay at
pagmamalasakit sa kapwa Pilipino. Tumutugon sa itinadhana ng batas ng Pilipinas
para mapatnubayan ang mga mag-aaral na gawin ang kabutihan para sa
karangalan ng bansa.

Sisikapin ding matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na


magkaroon ng mga kaalaman na kanilang magagamit sa sariling pag-unlad bilang
isang magiting na Pilipino. Isinaalang-alang din ng mga dalubhasa ang kalagayan
ng mga mag-aaral na mapagtagumpayan na masagutan ang bawat gawain.

Bilang tagapamatnubay, inaasahan na nakapaghanda ka ng panimulang


impormasyon na gagabay sa mga mag-aaral kung paano magiging instrumento ang
modyul na ito sa kanilang pag-aaral. Sa ibibigay na modyul ay inaasahan na
gagabayan at aalalayan ng guro ang mga mag-aaral kaugnay sa kanilang mga tala
ng pag-unlad na siyang magiging batayan sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Pananatilihin ang pagsubaybay sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang pagsagot
sa mga nakalagay na tanong sa bawat gawain ng modyul.

Para sa mga mag-aaral:

Maalab na pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng malalim na pag-


unawa at pagpapahalaga sa Magiting Modyul.

Ang ilaw ng lampara ay magsisilbing tanglaw ng bawat mag-aaral upang


makita ang liwanag na gagabay sa paglinang ng bawat kasanayan upang matuto at
mapagtagumpayan ang bawat gawain. Ang magiting modyul na ito ay tulad ng
isang ilaw na sumisimbolo na handa sa mga pagsubok o hamon ng buhay. Sa
kabila ng mga unos ay nananatiling maliwanag sapagkat ikaw, bilang isang mag-
aaral ay may kalayaang linangin ang bawat kasanayan anuman ang iyong

iii
matututuhan ay magiging kaagapay mo ito upang ikaw ay maging matagumpay na
kabataang Pilipino.

Binuo ang modyul na ito upang matulungan ka na malinang ang


pagpapahalaga sa kulturang pamana gaya ng pagiging magiting na taglay ng ating
mga bayaning Pilipino. Habang ikaw ay wala sa pormal na silid-aralan, layunin ng
modyul na ito na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral at pagkatuto kaugnay sa
mahahalagang aralin na bahagi ng ating kultura na makatutulong sa bawat
indibidwal na tiyak na maipagmamalaki hindi lamang ng ating sarili kundi sa
buong mundo. Nawa’y magiging kapaki-pakinabang ang bagay na ito para sa iyong
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay madaling gamitin o user friendly. May pitong bahagi
ito na binigyan ng katumbas na icon upang madali mong maunawaan ang mga
gawaing nakapaloob sa bawat bahagi nito.

Narito ang mga bahagi ng modyul na dapat mong matandaan.

Sa bahaging ito sisimulang ilahad ang


Magsimula Tayo mga pangunahing konsepto na dapat
mong matutuhan sa buong modyul.

Nilalaman ng bahaging ito ang mga


Pamantayan sa Pagkatuto, Most
Adhikai’y Tipunin Essential Learning Competencies
(MELC), mga layunin na inaasahang
iyong matatamo sa pagtatapos ng aralin

Ang maikling pagsusulit na nilalaman


Gumising sa ng bahaging ito ay naglalayong tayahin
Panimulang Gawain ang iyong mga paunang kaalaman
tungkol sa aralin.

Ipakikilala sa iyo sa bahaging ito ang


Isagawa Natin bagong aralin sa pamamagitan ng mga
kakaiba at mapanghamong gawain na
dapat mong maisagawa
Patatalasin ang iyong isipan ng
bahaging ito habang binibigyan ka ng
Taliman ang maikling pagtalakay sa aralin. Dito ay
Pagsusuri bubuksan sa iyo ang mga bagong
konsepto at mga kasanayan na dapat
mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang mga
gawain para sa mapatnubay at
Isapuso’t Isaisip malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pagkaunawa sa
aralin. Matitiyak mo ang katumpakan

iv
ng iyong sagot sa mga gawain dito sa
bahaging Susi ng Pagwawasto.
Naglalaman ito ng mga gawain o
katanungan na may layuning
maiproseso ang iyong mga natutuhan
Naisasabuhay at
Napagninilayan mula sa aralin. Sa bahaging ito ay
isasalin mo ang natamong bagong
kasanayan o kaalaman sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Susukatin ng mga gawain sa bahaging


Galing ay Patunayan ito ang antas ng iyong pagkatuto na
nakamit sa aralin o kompetensi.

Sa bahaging ito makikita ang mga


Talahulugan terminolohiya at hindi pamilyar na
salitang ginamit sa modyul at ang
kahulugan ng mga ito.
Dito mo matutunghayan ang mga
tamang sagot sa lahat ng mga gawain
Susi sa sa modyul. Ang antas ng puntos na
Pagwawasto iyong makukuha ang magpapakita sa
iyo kung nakasunod ka ba sa gawain at
aralin.
Ito ang nakaayos na tala ng lahat ng
naging sanggunian, reperensiya,
Sanggunian babasahin at iba pang materyal na
naging batayan ng mga konsepto at
aralin na tinalakay sa modyul na ito.

Pakatandaan ang mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Huwag kabagutan ang pagbabasa. Basahin nang may pag-unawa ang bawat
bahagi ng modyul. Tandaan na sa pagbasa nakasalalay ang pagkatuto.
2. Pakaingatan ang paggamit ng modyul. Hindi marapat na lagyan ng anumang
marka, guhit o sulat ang alinmang bahagi ng modyul. Huwag ding itupi o
pilasin ang alinmang pahina nito.
3. Sagutin ang lahat ng gawain sa modyul simula sa bahaging Gumising sa
Panimulang Gawain bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Ang Karagdagang gawain ay ang huling gawaing dapat maisakatuparan.
4. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutin o gawin ang bawat
pagsasanay. Maglaan ng hiwalay na papel para sa pagsagot sa mga gawain.

v
5. Maging matapat sa sarili, sa pagsagot sa pagsasanay, pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
6. Huwag magpalipat-lipat sa mga bahagi ng modyul. Makabubuting simulan ito
sa pinakaunang bahagi hanggang sa pinakahuli. Makatutulong ito sa iyo
upang maiwasan ang kalituhan sa mga konsepto at nang masagot mo nang
wasto ang mga gawain at pagsasanay.
7. Pananagutan mong ibalik ang modyul na ito sa iyong guro para sa tamang
pagtataya kung ikaw nga ay naging matagumpay sa pagtatamo ng pagkatuto
gamit ang modyul na ito.
Kung may bahagi ng modyul na ito na nahihirapan kang unawain ang aralin
at sagutin ang mga gawain, sumangguni o humingi ng tulong kay nanay o tatay,
o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasambahay na
makapagtuturo at gagabay sa iyo. Kung hindi pa rin ito sapat ay komunsulta
agad sa iyong guro o tagapagdaloy. Marapat na bukas lagi ang linya ng
komunikasyon sa pagitan mo at ng iyong guro.

Tandaan na ang ikapagtatagumpay mo sa pag-aaral sa modyul na ito ay


nasa iyong mga kamay. Tara na at simulan mo na ang pagtuklas ng karunungan,
magtiwala ka lamang sa iyong sarili. Kaya mo ito!

vi
Magsimula Tayo
Mabuhay ka, kabataan!
Ang modyul na ito ay magbubukas ng iyong kaalaman sa pakikisama
ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino upang makamit ng bansang
Pilipinas ang Kalayaan nito mula sa mga mananakop.

Kahit ngayong nasa bagong kadawyan (new normal) ay magkakaroon ka pa


rin ng bagong kaalaman tungkol sa kasaysayan ng ating bansa sa pamamagitan ng
pagbabasa mo sa modyul na ito. Ituturo nito sa iyo ang kahalagahan ng
pagkakaroon mo ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw
sa kasaysayan.
Sa kabila ng kanilang kasarian, napakalaki ng kontribusyon ng mga
kababaihan sa pagkamit ng Kalayaan ng Pilipinas noong panahon ng himagsikan.
Sa labis na pagmamahal nila sa bayan at kalayaan, napilitan silang makibahagi at
makipaglaban sa mga mananakop. Bukod sa mga matatapang na kababaihang
nakisali sa labanan, napakarami ring kababaihan ang tumulong sa panahon ng
himagsikan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga rebolusyonaryong nasaktan,
nasugatan, at may mga karamdaman.
Bukod pa rito, mapagkakatiwalaan din ang mga kababaihan sa pagtatago at
pag-aalaga ng mga mahahalagang dokumento at papeles ng Katipunan. Ilan din sa
mga gawain ng mga kababaihang ito ay ang pagiging mamamahayag at makata ng
samahan at sila’y naging tagatahi rin ng mga bandila ng himagsikan.
Hindi naging hadlang ang kasarian at kakayahan ng mga kababaihan noong
panahon ng himagsikan upang sila’y hindi makatulong sa mga rebolusyonaryo at
mga katipunero. Sa labis na pagmamahal sa bayan, kapwa, at Kalayaan, naglakas-
loob silang makilahok sa himagsikan. Kaya naman nararapat mong maintindihan
na hindi nalilimitahan ng iyong katalinuhan, kayamanan, o kasarian ang
kakayahan mo upang maglingkod at magmahal sa sariling bayan. Nasa iyong puso
ang kakayahan mong maging isang magiting na mamamayan na makatutulong sa
pag-unlad ng bayan.

Adhikai’y Tipunin

1
Sa magiting modyul na ito ay inaasahang:

1. Natatalakay ang partisipasyon ng kababaihan sa himagsikang Pilipino tungo


sa pagkamit ng bayan sa sarili nitong Kalayaan mula sa mga mananakop;
2. Naiisa-isa ang iba’t ibang kababaihang nakilahok sa himagsikang Pilipino
upang maging isang magiting at mabuting ehemplo sa mga kabataan ng
bagong henerasyon;
3. Napaiigting ang pagpapahalaga sa damdaming Makabayan ng mga Pilipino
sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ginampanan ng mga kababaihan
noong panahon ng himagsikan; at,
4. Nakabubuo ng isang concept map tungkol sa ginampanan ng mga
kababaihan noong himagsikan at nakasusulat ng konklusyon sa
kahalagahan ng gampaning ito ng mga kababaihan

2
Gumising sa Panimulang Gawain
Handa ka na ba? Umpisahan na natin.

Kilalanin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
_____1. Pagmamahal sa bayan ay kanyang ipinadama sa pagkupkop sa mga
rebolusyunaryong nasugatan sa labanan.
a. Agueda Kahabagan c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Teresa Magbanua
______2. Ang Katapatan sa bayan kanyang pinatunayan sa pag-iingat ng
mahahalagang dokumento ng Katipunan.
a. Agueda Kahabagan c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Teresa Magbanua
_______3. Ipinamalas niya ang kanyang katapangan sa pamamagitan ng pagsunog
ng mga mahahalagang dokumento upang hindi madakip at ipinagbili ang kanyang
mga hiyas at ari-arian pansuhol sa mga guwardiyang dumakip sa asawa.
a. Gabriela Silang c. Josefa Rizal
b. Gregoria Montoya d. Marina Dizon
______4. Ipinakita niya ang kanyang kagitingan bilang nag-iisang babae sa
kasaysayan ng Kabisayaan na namunò ng mga mandirigma laban sa mga
sundalong Español at Amerikano.
a. Agueda Kahabagan c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Teresa Magbanua
_______5. Ang kabayanihan niya ay isinakatuparan bilang unang Filipinang
namunò ng isang paghihimagsik noong panahon ng pananakop ng mga Español.
a. Gabriela Silang c. Josefa Rizal
b. Gregoria Montoya d. Marina Dizon
______6. Pinatunayan niya ang kanyang katapangan bilang isa sa iilang
kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasáma ng mga kalalakihan
sa rebolusyon.
a. Agueda Kahabagan c. Teresa Magbanua
b. Marcella Agoncillo d. Trinidad Tecson

3
______7. Ang pagmamahal sa bayan kanyang ibinahagi bilang pangunahing
tagahabi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas.
a. Agueda Kahabagan c. Teresa Magbanua
b. Marcella Agoncillo d. Trinidad Tecson
_____8. Ang kabayanihan ay pinaigting sa pagkakahalal bilang pangulo ng mga
babae sa Katipunan sa kabila ng kanyang sakit na epilepsy.
a. Gabriela Silang c. Josefa Rizal
b. Gregoria Montoya d. Marina Dizon
________9. Nangibabaw ang kagitingan nang pangunahan niya ang Magdalo sa
Labanan sa Imus kung saan nakakuha sila ng 13 armas mula sa kalaban.
a. Gabriela Silang c. Josefa Rizal
b. Gregoria Montoya d. Marina Dizon
________10. Ang bansag na Henerala ay isinabuhay bilang nag-iisang babaeng
heneral ng himagsikang Pilipino.
a. Agueda Kahabagan c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Teresa Magbanua

4
Isagawa Natin

Isang mapagpalang araw sa inyo mga


bata! Bago tayo dumako sa ating
talakayan ay nais ko munang sagutan
ninyo ang mga tanong sa ibaba upang
magkaroon ng ideya sa paksang ating
tatalakayin sa araw na ito.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

1. Ano-anong mga katangian ang taglay ng mga kababaihan noon na naipakikita at


taglay pa rin ng mga kababaihan sa ngayon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa iyong sariling pananaw, kung hindi nakibahagi ang mga kababaihan noon sa
rebolusyon, maituturing pa rin ba silang isang magiting na ehemplo sa
kasalukuyang panahon? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Sa iyong sariling opinyon, sino ang maituturing mong isang halimbawa ng


pagiging magiting at nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa bayan ngayong
panahon ng pandemya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5
Taliman ang Pagsusuri

Upang lubos ninyong maunawaan ang mga


partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyon
ay basahin ang ilan sa mga mahahalagang
impormasyon na magbibigay kaalaman at
magpapalalim ng inyong pang-unawa sa ating
aralin.

ANG PARTISIPASYON NG KABABAIHAN SA REBOLUSYON


Sa simula, lalaki lamang ang mga kasapi sa Katipunan. Dahil sa
paghihinala ng kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi,
nababawasan ang kanilang sahod, napilitan silang itatag ang isang Samahan para
lamang sa mga asawa, kapatid, at anak ng mga Katipunero.
Napakalaki ng ginampanan ng kababaihan noong panahon ng himagsikan.
Sa labis ding pagmamahal nila sa Kalayaan, ang iba sa kanila ay napilitang
makipaglaban sa kabila ng kanilang kasarian. Isa sa mga ito ay si Agueda
Kahabagan ng Sta. Cruz, Laguna na nakilala bilang natatanging babaeng Heneral
ng himagsikan. Nakilala rin si Gregoria Montoya ng Cavite na nasawi habang
nakikipaglaban. Nakilala naman si Teresa Magbanua ng Capiz sa Visayas dahil din
sa kanyang tapang na mamuno at makisangkot sa mga labanan.
Bukod sa pagsali sa mga labanan, marami rin sa kababaihang Pilipino ang
tumulong sa panahon ng himagsikan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga
rebolusyonaryo kapag sila ay nasusugatan o may karamdaman. Hindi
matatawaran ang ginawang kabayanihan ni Melchora Aquino o Tandang Sora na
sa kabila ng kanyang katandaan ay kanyang kinupkop at pinakain ang maraming
mga Katipunero sa kanilang tahanan. Ito ang dahilan kung bakit siya ay
ipinatapon ng mga Espanyol sa Guam.
Nakilala rin sa mga babaeng tumulong sa pag-aaruga sa mga sugatang
Katipunero sina Trinidad Tecson na tinaguriang Ina ng Biak-na-Bato, Eleuteria
Florentino-Reyes ng Ilocos, at Bernarda Tagalog ng Cavite. Siya rin ay tinuturing
na “Ina ng Philippine Red Cross” at tinagurian din siya bilang “Mother of Mercy”.
Pagsapit niya ng edad 47 ay sumapi siya sa Katipunan kahit hindi naman
kailangan para sa mga kababaihan na pumirma sa dokumento ng panunumpa
gamit ang sarili niyang dugo ay ginawa pa rin niya iyon. Hinangaan siya dahil sa
kaniyang tapang sa paghawak ng sandata, tinulungan niya ang grupo sa
pamamagitan ng pagpuslit ng mga armas. Kasama rin siya sa mga laban na
pinamunuan ni Heneral Francisco Macabulos ng Nueva Ecija at Heneral Gregorio
Del Pilar ng Bulacan. Noong digmaang Amerikano-Pilipino ay lumaban si Tecson

6
sa ilalim ng pamumuno ni Gregorio Del Pilar. Pagkatapos ng giyera ipinagpatuloy
niya ang pagnenegosyo sa Nueva Ecija na pagbebenta ng karne. Namatay siya
noong Enero 28, 1928 sa Philippine General Hospital sa edad na 79.
Hindi rin mawawala sa talaan ng magigiting na babae ng himagsikan si
Gregoria de Jesus na asawa ni Andres Bonifacio na tinaguriang “Lakambini ng
Katipunan.” Siya ay isa sa mga nakatuwang ng mga Katipunero sa pag-iingat sa
mga papeles ng Katipunan. Ilan din sa mga naging gawain ng ibang kababaihan ay
pagiging mamamahayag at makata ng Samahan at tagatahi ng mga bandila ng
himagsikan. Siya ang nagsilbing taga-ingat ng mga mahahalagang kasulatan ng
Katipunan. Mahalaga ang naging papel ni Gregoria sa pag-iingat ng mga lihim na
papeles at dokumento ng Katipunan mabilis niya itong nalikom at naitakas nang
minsang magsiyasat sa kanilang pook. Panahon ng pananakop ng mga Hapones
nang mamatay si Gregoria noong ika-15 ng Marso taong 1943 dahil sa atake sa
puso.
Si Gabriela Silang, ay isa rin sa may mahalagang naging partisipasyon sa
rebolusyong Pilipino. Siya ang unang babae na namuno ng himagsikan laban sa
pamahalaang Kastila. Siya ay nagpakasal ng labag sa kaniyang kagustuhan nang
siya ay menor- de- edad pa lamang, namatay ang kaniyang asawa at lumipas ang
maraming taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na
lumaban si Diego sa mga kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa
Vigan hanggang sa mamamtay si Diego at muli nitong pagkabyuda. Ang naudlot na
pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Si Gabriela
Silang ay dinakip at binitay noong ika-20 ng Setyembre taong 1763 siya ay
tinaguriang unang babaeng Pilipinong Heneral. Tinagurian din siyang unang
babaeng martir dahil sa kaniyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng
bayan.
Isa rin sa mga matatapang na katipunera ay ang ika siyam na anak ng
pamilyang Rizal na ipinanganak noong 1865 at siya ay si Josefa Rizal. Sa kabila ng
kaniyang sakit siya ay naihalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa rin
siya sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama si Gregoria De Jesus at
ilan pa. Namatay siya nang walang asawa o anak noong 1945.
Patrocinio Gamboa Y. Villareal, nakilala siya sa tawag na Tiya Patron at
“Bayani ng Jaro”. Siya kasama ng iba pang mga kababaihan ay tumahi ng watawat
ng Pilipinas na iwinagayway sa Bisayas noong ika-17 ng Nobyembre taong 1898 na
isinunod niya ang mga simbolo ng watawat sa tinahi ni Marcela Agoncillo at naging
taga- ingat ng watawat ng rebolusyong pamahalaan sa Bisayas. Sumama siya sa
mga lider na naghihimagsik sa kanilang lalawigan. At bukod sa mapanganib ang
pagdadala ng watawat tinupad ni Tiya Patron ang maraming tungkulin bilang
espiya at tagahatid ng mensahe ng rebolosyon, at malaking tulong ang kaniyang
reputasyon bilang anak mayaman, nangolekta rin siya ng mga salapi, pagkain,
gamot at armas. Namatay siya noong ika-24 ng Nobyembre taong 1953.
Marcela Agoncillo, ipinanganak siya noong ika- 21 ng Hunyo taong 1860 sa
Taal Batangas. Sa gulang na 30 ikinasal siya kay Felipe Agoncillo ang abogadong
kumatawan sa Pilipinas sa kasunduan sa Paris 1898. Habang nasa Hongkong
pinakiusapan siya ni Heneral Emillo Aguinaldo na humabi ng watawat na
sasagisag sa bansang Pilipinas at ayon ito sa disenyo ni Aguinaldo. Gamit ang seda
na binili niya sa Hongkong. Si Marcela Agoncillo ang pangunahing tagahabi ng una

7
at opisyal na watawat ng Pilipinas kasama ng kaniyang anak at kaibigan sa loob ng
limang araw. Dahil dito binansagan siyang “Ina ng watawat ng Pilipinas”.
Pumanaw siya noong ika-30 ng Mayo taong 1946 at inilagak kasama ang mga labi
ng kaniyang asawa sa sementeryo sa Maynila. Sang- ayon sa kaniyang hiling
ginawang museo ang kanilang bahay sa Taal na ngayon ay nakapangalan na sa
kaniya.
Esperidiona Bonifacio, isang katipunera na isa sa mga kauna-unahang
babaeng kasapi ng Katipunan na itinatag ng kaniyang nakatatandang kapatid na
si Andres Bonifacio. Asawa siya ni Tedoro Plata na isa rin sa nagtatag ng
Katipunan. Siya ay nabalo pagkaraan ng tatlong taon nang madakip at bitayin si
Plata sa Bagumbayan.
Agueda Esteban Dela Cruz, isang katipunera na siyang tagabili ng bala at
pulbura sa Maynila at dinadala niya ito sa kaniyang asawa sa Cavite. Siya rin ay
pinagkakatiwalaang magdala ng mga mahahalagang dokumento at mga planong
pag-atake sa mga instilasyon ng mga Espanyol. Matapos ang mahabang panahon
ng palipat-lipat na paninirahan sa ibang bansa ay bumalik si Agueda sa Pilipinas
nang panahon ng pananakop ng mga Hapones at doon na rin ito namatay.
Hindi man pinagkalooban ng pisikal na kalakasan ang mga kababaihan na
tulad ng sa mga lalaki subalit ang ilan sa mga kababaihan noong panahon ng
rebolusyon ay malaki ang ginampanan upang makatulong nang makamit ng
Pilipinas ang inaasam na kalayaan. Ang paglahok ng ilang mga kababaihan sa
rebolusyon ay aksidente lamang o hindi kasama sa kanilang plano, ito ay ayon sa
kasaysayan. Ang ilan sa mga tungkulin ng mga kababaihan noong rebolusyon ay
ang mga sumusunod:  

 Ang ilan ay nagsanay sa paghawak ng armas panlaban at natutong


sumakay sa kabayo upang makalaban kasabay ng mga kalalakihan sa
rebolusyon.  
 Kumikilos ang mga kababaihan ayon sa kanilang pagnanais at walang
kautusang tinatanggap.  
 Nagkaroon ng sariling pangkat ang mga kababaihan noong panahon ng
katipunan.  
 Nanguna sa kontra-paniniktik o pagtatangkang matuklasan ng mga kalaban
ang kanilang istratehiya sa labanan.
 Sa tulong ng mga kababaihan, napanatiling lihim ang pangkat ng katipunan
sa loob ng apat na taon.  
 Ang ilan sa kanila ay nagsilbing tagasubi o tagatago ng mga mahahalagang
dokumento.  
 Nagpakita ng katatagan sa kabila ng paglisan ng kanilang mga kabiyak
upang tumakas sa digmaan.  
 Mayroon ding mga kababaihang nagpakita ng kanilang katapangan sa
pamamagitan ng pagsusulat ng mga akdang laban sa mga dayuhan.  

Taliwas sa ikinikintal sa tradisyunal na imahen bilang tipikal na ina at


asawa, masusumpungan sa kasaysayan ang naging gampanin nila sa pagpasok ng
daan taon. Ito ay pagkilala sa kababaihan bilang kapantay o kung hindi man,
kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan.

8
Isapuso’t Isaisip

Gawain 1
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

_____1. Siya ang tinaguriang Ina ng Katipunan. A. Gregoria de Jesus


_____2. Siya ay kilala bilang Ina ng Biak ng Bato. B. Marcela Agoncillo
_____3. Kinilala siya bilang Joan of Arc ng C. Melchora Aquino
ng Kabisayaan.
_____4. Tinagurian siyang Lakambini ng D. Teresa Magbanua
Katipunan.
_____5. Kilala siya bilang Ina ng Watawat ng E. Trinidad Tecson
Pilipinas.
_____6. Siya ang nagsilbing inspirasyon sa F. Gregoria Montoya
isang samahang nagtataguyod ng
karapatan ng mga kababaihan.
_____7. Binansagan siyang Henerala bilang G. Agueda Kahabagan
unang babaeng heneral ng himagsikang
Pilipino.
_____8. Siya ay tanyag bilang Joan of Arc H. Gabriela Silang
ng Cavite.
_____9. Ang kagitingan at pagmamahal sa bayan I. Marina Dizon
ay nananalaytay sa kanyang dugo bilang
kapatid ng pambansang bayani.
_____10. Mga ari-arian at hiyas ay kanyang J. Josefa Rizal
ipinagbili upang masiguro ang kalayaan
ng mga mahal sa buhay na ikinulong ng
mga guwardiya.

9
Gawain 2: Tara, Hanapin Natin!
Panuto: Punan ang concept map ng hinihinging impormasyon. Sa unang
hanay, sumulat ng pangalan ng mga kababaihang may partisipasyon sa
himagsikang Pilipino at sa katapat na hanay ay isulat naman ang naging
kontribusyon ng bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Kababaihang may


Partisipasyon sa Himagsikang
Pilipino

10
Naisasabuhay at Napagninilayan

Iyo nang natutuhan ang pagiging isang magiting na ehemplo sa mga


kababaihan sa panahon ng himagsikan. Ngayon naman ay ating basahin ang
kuwento mula sa isang babaeng nars mula sa bayan ng Pampanga na naging
magiting sa panahon ng pandemya.

Mga Bayani sa Gitna ng Covid – 19


ni: Jonald Samuel S. Da Jose
Buod:
Sapat at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni
Samuela, ang nag-iisang anghel ng mag-asawang Dr. Nathan
Sangil at Ms. Alexa Sangil. Isang larawan ng masayang pamilya, na
may anak na busog sa payo ng mga magulang. Nakatira ang mag-
anak na Sangil sa Pampanga. Isang lugar na tinatawag na
Christmas Capital ng Pilipinas. Isang mabuting doktor ang
kanyang ama. Marami siyang nagawang kabayanihan ngunit hindi
niya ugaling ipagkalat ang kanyang mga nagawa. Katulong niya
ang kaniyang kabiyak na isang nars.
Labis ang paghanga ni Samuela sa haligi ng tahanan kaya
nais niya itong tularan. Kumuha siya ng kursong medisina sa
malaking Unibersidad sa Metro Manila. Dahil sa nais nitong
makapagtapos at maging katulad ng kanyang mga magulang, siya
ay nagtapos sa kolehiyo ng may karangalan. Labis ang tuwang
nadama ng kanyang mga magulang, ngunit ito ay napalitan ng
pag-aalala dahil sa kumakalat ng virus, ito ay tinawag na COVID-
19 na nagresulta sa malawakang pandemya. Dahil dito, nagkaroon
ng Community Quarantine na kalaunan naging Enhanced
Community Quarantine. Ito ay ayon na rin sa utos ni Pangulong
Rodrigo R. Duterte. Dahil sa pangyayaring ito, kinailangan ng
Pamahalaang Panglungsod ng San Fernando ang tulong ng mag-
asawang Sangil.

11
Napilitang umuwi sa kanilang lungsod si Samuela upang hindi
maipit sa mahigpit na lockdown. Sa kanyang pag-uwi, nakita niya ang
takot at pag-aalala sa mga mukha ng mga taong nais umuwi sa kani-
kanilang mga probinsya. Nagkaroon ng kaguluhan dahil sa pila.
Tinangka niyang pakalmahin ang mga tao, ngunit ito ay mahirap. Sa
kanyang pananatili sa terminal, nakita niya ang isang tao na minsan ay
tinulungan ng kanyang ama. Nakilala siya nito at kinausap. Ito ay si
Mang Bert na nag-aangkat ng bigas. Isinabay ni Mang Bert si Samuela
hanggang sa kanilang mismong bahay.
Sa kanilang tahanan, hindi mapakali ang dalaga dahil alam
niyang nasa hospital ang kanyang mga magulang bilang Frontliners.
Hindi niya maiwasang mag-alala lalo na at nakamamatay ang nasabing
virus. Ang kanyang Tiya Linda ay pumunta sa kanilang tahanan at
ibinalita ang kalagayan ng kanyang mga magulang. Labis ang panalangin
ni Samuela para sa kanyang mga magulang. Pinilit din ng kanyang tita
na sa kanila na muna siya mamalagi.
Isang araw, narinig sa balita ni Samuela na isang doktor ang
namatay dahil sa COVID–19. Labis ang kanyang kalungkutang nadama
nang nalamang ito ay ang kanyang ama. Nalaman na lamang niya na
unang nagkaroon ng karamdaman ang kanyang ina dahil sa virus. Dahil
walang pinapahintulutan na makasama ang taong may COVID-19,
napilitan ang kanyang ama na bantayan ang kanyang asawa. Dahil dito,
ito ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Labis ang hinagpis ni
Samuela dahil hindi man niya nasilayan ang kanyang ama kahit sa
huling sandali ng kanyang pananatili sa mundong ibabaw.
Kumalat ang balita sa lalawigan at iba’t ibang panig ng bansa.
Nagsilitawan ang taong natulungan ng doktor, pinabatid nila sa mga
mamamayan ang kabayanihan at kabutihan nito sa social media.
Sinimulan na rin ni Samuela na kumilos upang ipagpatuloy ang naiwang
laban ng kanyang ama. Namahagi siya ng grocery sa mga walang makain
dahil sa lockdown, Nag-volunteer na maging katuwang ng DOH dahil sa
kakulangan ng mga Health Workers dahil na rin sa ilan sa mga ito ay
nahawa na ng COVID - 19. Binigyan niya ng pag-asa at inspirasyon ang
mga tao na patuloy na lumalaban sa sakit at manatiling naka kapit sa
Diyos. Humanga ang Mayor sa kanyang dedikasyon na makatulong sa
kapwa at tapang na suungin ang panganib. “Katulad siya ng kanyang
ama.”

Dahil sa kanyang pagkakawang-gawa, at pagmamahal sa


kanyang amang namayapa, 12 nagbibigay-pugay ang mga
Frontliners, kabilang ang kanilang Alkalde. Labis siyang nagalak
dahil sa wakas magkakaroon na nang pagpupugay sa kanyang
ama na hindi man lamang nakatikim ng burol o paglalamay.
Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon batay sa nabasang kuwento tungkol sa
kagitingang ipanamalas ng tinatawag nating mga makabagong bayani sa panahon
ng pandemya. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________

Galing ay Patunayan

13
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

________ 1. Bakit tinaguriang “Ina ng Katipunan” si Melchora Aquino o kilala rin sa


tawag na Tandang Sora?
a. Dahil sa angking kagandahan.
b. Dahil sa ginawa niyang pagtulong at pagkupkop sa mga nagugutom at
sugatang mga rebolusyonaryo.
c. Dahil sa yaman at dami ng lupain ng kanilang pamilya.
d.Dahil sa siya ang nag-iisang lakambini ng Katipunan.
________ 2. Si Gabriela Silang ay kilala bilang “Joan of Arc” ng Ilokandia dahil
sa____?
a. Siya ay lumaki sa isang marangyang pamilya sa Ilocos Sur.
b. Ilokanang nakapag-aral sa mga tanyag na paaralan sa bansa.
c. Kilala na asawa ni Diego Silang na isa ring tanyag na rebolusyonaryong
Pilipino.
d. Unang Filipinang namuno ng isang matagumpay na paghihimagsik laban
sa pananakop ng mga Español.
________3. Sinasabing si Teresa Magbanua ang isa sa mga taong ipinaglaban ang
kapangyarihan ng mga kababaihan, tanging naitalang babae na namuno ng hukbo
sa Visayas sa panahon ng himagsikan at _______?
a. Nag-iisang babae sa kasaysayan ng Kabisayaan na namuno ng mga
mandirigma laban sa mga sundalong Español at Amerikano.
b. Nag-iisang tanyag na Filipina sa Iloilo.
c. Nag-iisang anak ng kanyang ama na si Don Juan Magbanua at Dona
Alejandra Ferraris.
d. Nag-iisang Visaya na bihasa sa paggamit ng sandata.

________4. Ang napakahalagang kontribusyon ni Marcela M. Aquino sa Pilipinas at


sa rebolusyong Pilipino ay bilang _____?
a. Tagapagpanatili ng kaayusan sa Katipunan.
b. Bilang pangunahing tagahabi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas.
c. Tagasuporta sa pamamahala ni Emilio Aguinaldo.
d. Komposer ng ating Lupang Hinirang.

14
________5. Ang pangunahing kontribusyon sa katipunan ni Gregoria De Jesus na
karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na “Inang Oriang” ay ang _____?
a. Pagiging maybahay at kabiyak ni Andres Bonifacio.
b. Natatangi at unang babaeng kasapi ng Katipunan.
c. Pagiging lakambini nito at ang pagiging pinuno ng mga kababaihang
kasapi ng Samahan.
d. Paglikom ng pondo para sa himagsikan.
________6. Si Trinidad Tecson na tinaguriang “Ina ng Biak-na-Bato” ay may
mahalagang ambag sa katipunan at isa sa iilang kababaihan na _____?
a. Humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng mga kalalakihan sa
rebolusyon upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas.
b. Nagbigay ng pinansyal na tulong sa Katipunan.
c. Nakatapos ng pag-aaral sa mga tanyag na Unibersidad sa loob at labas ng
bansa.
d. Lahat ng nabanggit.
________7. Isa sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan ay si Josefa Rizal na may
malaking ginampanan sa panahon ng rebolusyon bilang _____?
a. Tagapag-ingat ng mga mahahalagang kasulatan.
b. Unang babaeng lumahok sa Katipunan.
c. Naihalal na Pangulo ng mga kababaihan sa Katipunan sa kabila ng
kanyang sakit na epilepsy.
d. Tagapagtanggol ng mga rebolusyonaryong Pilipino.
________8. Katipunera sa puso at kaluluwa. Iyan ang nagpapaliwanag sa katangian
sa katauhan ni Marina Dizon na kilala rin bilang _____?
a. Lider ng mga Katipunerong manghihimagsik.
b. Unang kasaping babae ng katipunan na naging tagapag ingat ng mga
dokumento.
c. Tanyag sa larangan ng pakikipaglaban.
d. Wala sa nabanggit.
________9. Si Agueda I. Kahabagan ay binansagang “Henerala” sapagkat
siya ang nag-iisang babaeng heneral ng himagsikang Pilipino na_____?
a. Nakipaglaban sa Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano.
b. Naging pinuno ng mga Katipunero.
c. Tagapagtanggol ng mga sundalong Pilipino.
d. Naglingkod sa pamahalaang Espanya.

15
________10. Mahalaga ang partisipasyon ni Gregoria Montoya sa rebolusyong
Pilipino dahil sa_______?
a. Naglingkod bilang Pangulo ng lupon ng mga kababaihan.
b. Nakipaglaban sa mga Amerikano sa Pampanga.
c. Pagtulong sa mga nasugatan at nagkasakit dahil sa labanan.
d. Nag-iisang babae na namuno ng 30 na kawal na Magdalo laban sa mga
Espanyol sa digmaan sa Dalahican.

Susi sa Pagwawasto
masipag
Tula
Magsulat Galing ay Patunayan
Kalayaan 1. b 6. a
Katipunan 2. d 7. c
Gawain 1 3. a 8. b
mag-aaral 4. b 9. a
iba’t- ibang sagot ang mga 5. c 10. d
Maaring magkaroon ng
16
Napagninilayan
Naisasabuhay at
mag-aaral mag-aaral
iba’t- ibang sagot ang mga iba’t- ibang sagot ang mga
Maaring magkaroon ng Maaring magkaroon ng
Isagawa Natin Gawain 2
17
Isapuso’ t Isaisip Gumising sa panimulang
Gawain
Gawain 1
1. C6. H 1. c6. d
2. E7. G 2. b7. b
3. D8. F 3. d8. c
4. A9. I 4. d9. b
5. B10. J 5. c10. a
Sanggunian

Tecson, Trinidad. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).


Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/tecson-
trinidad/
De Jesus, Gregoria. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/de-jesus-
gregoria/
Dizon, Marina. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/dizon-marina/
Magbanua, Teresa. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/magbanua-
teresa/
Aquino, Melchora. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/melchora-
aquino/
Silang, Gabriela. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/silang-gabriela/
Agoncillo, Marcela. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/agoncillo-
marcela/
Quennie Ann J. Palafox September 4, 2012: Our Founding Mothers: Lest We
Forget. https://nhcp.gov.ph/our-founding-mothers-lest-we-
forget/
Baisa, Ailene G. Lontoc, Julian Nestor S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Ikalawang Edisyon. Phoenix Publishing House 2012 p.60.
Antonio, Eleanor D.et.al., Kayamanan 6. Rex Book Store Inc.2015 p.42.

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like