Professional Documents
Culture Documents
M.f-U, 463q (NNQ@ !Q
M.f-U, 463q (NNQ@ !Q
M.f-U, 463q (NNQ@ !Q
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
MIDTERM MODULES
Ang pagkakaiba sa kultura at wika ay nagbubunga sa bawat panahon, at pag-uugali at kaasalan, na may kaugnayan sa di pagkapantay-pantay ng mg wika, sangkot at
tagapagsalita, kultura at sibilisasyon.
HUDSON (1996)
Ang barayti ng wika ay isang set ng mga lingwistik aytem na may pagkakatulad na pamamahagi o distribusyon.
ALFONSO (2002)
Ang barayti ng wika ay isang maliit na grupo ng pormal o makabuluhang katangian na nauugnay sa particular na uri ng katangiang osoyo-sitwasyon na nakabatay sa
teoryang sosyolingwistik na siyang nagbibigay daan sa pagkakaroon ng barsasyon ng isang wika.
Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Ito ang wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ay ginagamit sa isang lalawigan o pook. \
Batay kay Halliday (1998 sa Lewandowski, 2010) may mga salik na nagpapakilala sa isang dayalek:
a. Isang Barayti na naayon sa ispiker o gumagamit ng wika.
b. Ang dayalek ay ang wikang ginagamit ng isang ispiker na nabuo kung saan siyang lugar nagmula.
c. Ito ay ang paraan ng pagsabi ng iisang mensahe na maaaring dulot ng ponetika o mga tunog na nalilikha ng tao.
JARGON
Ang tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng Gawain o larangan.
Halimbawa:
Mga legal jargon ng mga ABOGADO (court, pleading, hearing, appeal atbp.)
IDYOLEK
Nagmula ang salitang idyolek sa mga salitang Greek na ‘idio’ na ang ibig sabihin ay “pansarili o kakaiba,” at ‘lect’ ang ibig sabihin ay “pagkakaiba ng wika.” Ayon sa
mga linggiwistiko, wala raw kasing dalawang tao ang may eksaktong paraan ng pananalita, maging sa mga pangkat ng salitang ginagmit nito.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Sosyolek
Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo
ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Etnolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang
uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Ekolek
barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit
itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Pidgin
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na
nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang
wika lamang.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Creole
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong
Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Register
Ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.
Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa
maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Kung mapapansin sa bawat ginagawa natin ay may kaakibat na proseso na tulad sa pang-araw-araw nating Gawain. Ang pagluluto. Paliligo, pakikipagtransak sa mga
kalakalan at maging sa sarili nating pangangailangan ay kakikitaan natin ng proseso.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
1. Nagpapadala/ Sender
- Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.
2. Mensahe
- Ang ideya o salitang nabuo na ipapadala sa kausap. May dalawang uri ang mensahe na dapat na mabigyan ng tuon ng nagpapadala at ng taong tatanggap.
a. Mensaheng Pangnilalalaman- ito ang kahulugan sa loob ng mensaheng ipinadala,
b. Mensaheng Pangrelasyunal- Binibigyang tuon ditto ang relasyon o pagitan ng dalawang nag-uusap.
3. Daluyan
- Ito ang namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe at ito ay nakategorya sa dalawa.
a. Sensori- kung saan ginagamit ang limang pangunahing pandama ng katawan bilang daan sa pakikipagkomunikasyon.
b. Institusyonal- tumutukoy ito sa mga makakabagong teknolohiyang ginagamit ng tao bilang daan sa pag-unlad ng panahon sa pakikipagkomunikasyon.
4. Tagatanggap/ Decoder
- Siya ang nagdedecode ng mensaheng ipinapadala ng kanyang kausap. Ang pagbibigay pakahulugan sa mensaheng ipindala ay nakasalalay sa kanyang pag-
unawa.
5. Tugon/ Fidbak
- Ditto nakatuon kung nagging mabisa ang pagpapadala ng mensahe s akanyang kausap sapagkat ito ang magiging sukatan ng siklo ng komunikasyon. Ito ay
nauuri sa tatlo:
a. Tuwiran- ang mensaheng agad-agad na natatanggap ng kanyang kausap.
b. Di- tuwiran- ang mensahe kung ito ay natatanggap sa pamamagitan ng paggamit ng di-berbal.
c. Naantala- kung ang mensaheng ipadadala ay nangangailangan pa ng oras at panahon.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
nagsasalita
ang sinasabi
ang nakikinig
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Pinanggalingan
Tagapaghatid (transmitter)
Senyas o Kodigo
Tagatanggap ng pahatid (reciever)
Distinasyon
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Batay sa pag-aaral ni Shanman at Weaver, mayroong pinagmulan ng mensahe o sino ang tagabigay ng mensahe. Ikalawa sino ang tagapahatid ng menshae o sino
ang nagdadala o naghahatid ng mensahe. Pangatlo, saan nagdadaan ang mensahe, sa celfon, telepono, senyas ba o nagsasalita? Malinaw ba o magulo ang linya?
Senyas, simbolo o salita ang pinagdadaanan ng mensahe? Marami bang tao o maingay ang kapaligiran? Ayon kay Shanman at Weaver, ang inga ay malaking epekto
sa pagkakaunawa ng mensahe. Dapat malinaw at maliwanag ang pinagdadaanan ng mensahe upang maunawaan ang komunikasyon.
Modelo ni Berlo
Painagmumulan
Mensahe
Tsanel
Tagatanggap
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Pinagmumulan ng mensahe – maaring isang tao, grupo ng mga tao, tagapagsalita o tagapanayam kung may pulong o seminar, professor sa loob ng klase o estudyante
na nagpapaliwanag. Maaari ring isang brodkaster, sa radio o telebisyon. Manunulat sa isang pahayagan o magasino o aklat o anumang babasahin o karaniwang usapan
ng mag-ama o mag-ina o mag-pamilya.
Mensahe – anumang ideya, opinion, kaisipan: maaaring ito ay nagtuturo, nagpapatawa, nagbibigay ng impormasyon formal o di-formal.
Tsanel o daluyan ng mensahe – saan dumdaan ang mensahe, gaya ng fax machine, celfon, telepono, radio, telebisyon, advertisement, sulat, e-mail, senyas, anumang
daanan, verbal o di-verbal. Tinaggap ang mensahe sa pamamagitan ng pagbasa ,sa pakikinig, paningin, pandama at iba pa.
Tagatanggap ng mensahe – ang taong tumatanggap at nagpapakahulugan ng mensahe. Halimbawa : ang taong nakabasa ng pahayagan, paano tinanggap ang mensahe,
ang taong nakarinig, paano tinanggap ang narinig na mensahe; ang taong nakapanood, ano ang reaksyon sa pagpapakahulugan ng mensahe.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Ang Pinanggalingan - Halimbawa: taong nagsasalita, sumusulat, gumuguguhit, palimbagan, estasyon ng radio at telebisyon o mula sa tanghalian.
Ang Mensahe – Halimbawa: porma ng tinta sa papel, usok buhat sa siga, tunog ng tambol o kampana, tunog na dala ng hangin, kampaw ng kamay, bandilang
iwinawagayway, kodigong morse.
Ang Distinasyon – Halimbawa: taong nakikinig, nanonood o nagbabasa, pangkat ng nagtatalakayan, pangkat na nakikinig sa panayam, pangkat na nanonood ng
basketball, nagbabasa ng pahayaganm nanonood n gtelebisyon, nakikinig sa radio at iba pa.
FLORENCIO L. VARGAS COLLEGE INC.
KAMPUS NG ABULUG
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Ayon naman kay Richard Swanson at Charles Marquard, 1974 lima ang sangkap ng komunikasyon.
May anim (6) na mahalagang elemento sa proseso ng komunikasyon: ang tagabigay, ang mensahe, ang daluyan o daanan ng mensahe, ang tagatanggap, ang tugon at
ang mga maaaring sagabal sa komunikasyon.
o Edad – mahalagang makilala ang tagapakinig o tagatanggap upang maiangkop ang wikang gagamitin, halimbawa: kung ang mga tagapakinig ay mga
batang magtatapos sa Day Care School o kindergarden o magtatapos sa kolehiyo, tiyak na malayo ang agwat ng tagapakinig o mga kabataang nasa
kolehiyo. Maliban sa mga nattanging okasyon kung ang mga taong makikinig ay mga retirado o kaya may mga kapansanan
o Pinag-aralan – kilalanin ang mga tagatanggao ng mensahe o tagapakinig kung ito’y mga pangkat ng propesyonal, gaya ng akademya, mangangalakal,
enhenyero, medesina at ba pa. Kung nattango ang makikinig, kailangan iangkop ang wikang gagamitin sa linya ng disiplina na kanilang kinabibilingan,
depende rin sa anong pakse o okasyon ang pagtitipon. Ang bawat disiplina ay may kanya-kanyang wika na napapaloob sa kanilang propesyon.
o Hanapbuhay – mahalagang malaman ng tagapagsalita nag kinabibilangan na hanapbuhay ng mga tagapakinig. Sila ba’y karaniwang manggagawa sa
lunsod o sa probinsya, magkaiba ang pangangailangan nila sa buhay at magkaiba ang ginagawalang pamumuhay gaya ng mga magsasaka, mangingisda,
nag-aalaga ng hayop o kaya manggagawa sa mga pabrika. Iba rin ang pangkat ng mga nagtatrabaho sa mga opisina, artista, administrador sa iba’t ibang
uri ng kompanya. May kanya-kanyang linya o wika maliban sa pook at panahon na kinabibilangan ng bawat tagapakinig.
o Kalagayang sosyal – nagkakroon ng suliranin ditto lalo na sa mga katawagan ng ginagamit ng mga tao sa kanilang antas ng buhay na kanilang
gingalawan at pook na kanilang kinabibilangan. Malaki ang suliranin ng tagapagsalita kung hindi niya alam kung sino ang kanyang tagapakinig.
o Daluyan o daanan ng komunikasyon – maaaring maingay ang linya ng telepono o celfon, mahina ang baterya o kaya hindi maganda ang ginagamit na
mikropono.
o Pagpapakahulugan ng salita – maaaring iba o mali ang pagtanggap o pagkakahulugan ng salita gaya ng salitang bumigay – maaaring pumayag na o
namatay na.