Inobasyon Compilation

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

I.

KAHULUGAN NG WIKA

Ayon kay Henry Gleason

“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na


isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang tunog ay hinugisan/binigyan ng
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga
salita na gamit sa pagpapahayg.”

Ayon kay Webster (1974, pahina 536)

“Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa


pamamagitan ng mga pasulat o pasaling simbulo.”

Ayon kay Archibald A. Hill

“Ang wika ang pangunahing at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong


pantao.”

*Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ngmga


simbulo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin
ng kaisipan.

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005)

“Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa


pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid
at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”
*Ang wika ang nagmula sa wikang Malay.

*Sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.

*Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na


nangangahulugang “dila”.

Ayon kina Pamela Constantino at Galileo Zafra (2008)

“Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng


pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang
isang grupo ng mga tao.”

*Ang wika ay instrumento ng komunikasyon, at sa pamamagitan nito


naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin sa ibang tao.
Nagagamit niya ito sa iba’t ibang aspekto ng buhay gaya ng pang-ekonomiya,
pampolitikal, pang-edukasyon, at ang panlipunan.

Ang wika ay:

 kasangkapan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan


 tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ng
tao, ang isip at damdamin
 nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kultura. Hindi matatawag
na isang lipunan ang isang grupo ng mga tao kung wala silang wikang
komon
II. KATANGIAN NG WIKA

1. May sistematik na balangkas.


Pangunahing katangian ng isang tunay na agham ang pagiging
sistematik. Dahil may katangiang makaagham ang isang wika, naging batayan
ito upang umiral ang larangan ng Linggwistiks, ang pag-aaral ng wika. Hindi
lamang nakabatay sa ngayon sa Balarila o Gramar ang pagtuturo ng wika.
Malaliman ngayong tinatalakay ang isang wika mula sa fonoloji, morfoloji,
hanggang sa stintaks.

2. Binibigkas na tunog.
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay
makabuluhan. Ang ponemik ang tunog na makabuluhan. Ang pagiging
makabuluhan ng tunog ay yaong nakapagpapaiba ng kahulugan ng salita. Ang
ganitong phenomenon ng wika ay siyang dahilan kung bakit sa kabila ng
pagkakaroon ng 28 na letra ng ating bagong alfabeto, 21 lamang ang fonim o
ponema at 1 sa 21 ito ay walang katumbas na grafim o letra – ang glottal na
pasara sa lumang balarila ay tinatawag na impit na tunog. Mapapansin ito sa
mga salitang malumi o maragsa.

3. Pinipili at isinasaayos.
Kasama ang retorika sa mga batayang kurso sa kolehiyo. Layon nito ang
makapagpahayag nang mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at
pagsasaayos ng wika. Hindi lamang kasi basta binibigkas at inaalam ang
kahulugan ng mga salita.

4. Arbitrari
Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa napagkasunduang
termino ng mga taong gumagamit nito. Dahil dito, nagkaroon ng identidad ang
bawat wika na sadyang ikinaiba ng bawat isa.
5. Kapantay ng kultura.
Kaugnay ng pagiging arbitrary ang pagiging kapantay ng kulturang wika.
Walang wikang uunlad pa kaysa sa kanyang kultura, gayundin walang
kulturang yumabong nang di kasabay ang wika.

6. Patuloy na ginagamit.
Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito ginagamit.
Kapag hindi ginagamit, nangangahulugan lamang na wala itong silbi. Ito ang
dahilan kung bakit mahalaga ang katangian ng wika ang pagiging gamitin nito.

7. Daynamiko o nagbabago.
Itinuturing na “patay” ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na
pagbabago. Hindi totoo na patay na ang wika ay wala nang gumagamit dahil
doon, ay wala ng silbi.

III. KAHALAGAHAN NG WIKA (Garcia, et.al., 2008)

1. Kahalagahang pansarili.
Nakapaloob dito ang indibidwal na kapakinabangan. Sa oras na
matutuhan ng isang indibidwal ang kakayahang magsalita, kailangan na
niyang magamit nang wasto ang wikang kanyang kinagisnan (vernakular).
Halos lahat ng teorya ng wika ay nag-uugat sa pansariling kapakinabangan:
pagpapahayag ng damdamin, iniisip at maging ng mismong pagkatao.

2. Kahalagahang panlipunan.
Kailangan ng tao ang kanyang mga kapwa upang bumuo ng isang
lipunang sasagisag sa kanilang iisang mithiin, sa kanilang natatanging
kultura. Ito ang dahilan kung bakit may iba’t ibang lipunan. At sa pagbanggit
sa kultura, naroon ang katotohan ng pag-iral ng wika. Wika ang dahilan kung
bakit minamahal ng sinumang nilalang ang kanyang sariling kultura, at mula
sa pagmamahal na ito, uusbong ang kanyang pagkakakilanlan.

3. Kahalagahang global o internasyonal.


Naging mainit ang isyung ito nang magkaroon ng 2001 Revisyon ng
Alfabeto. Maraming nagtaas ng kilay sa paggamit ng mga letrang F, J, V at Z
bilang mga letrang maaari nang gamitin sa pagbabaybay ng mga karaniwang
salitang hiram. Sa katunayan, malinaw na nakasaad sa Konstitusyon ng 1987
(Art. XIV, Sek. 7) na “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga’t wala ng ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.”

4. Ang nabanggit ay patunay na sa Pilipinas.


Itinatagubiling matutuhan ng mga Pilipino ang dalawang wikang opisyal
na ito upang maging kasangkapan sa komunikasyon: ang Filipino sa loob ng
bansa at ang Ingles sa pandaigdig. Ngunit dahil ang wika ay buhay at patuloy
at patuloy na nagbabago, napansin ng mga dalubwikang bansa na sa
pamamagitan ng paglalapat ng linggwistiks, masasabing mailalapat na ang
Filipino sa ispeling sa Ingles. Sa paggamit ng apat na letrang nabanggit sa
dakong unahan, maraming salita ang papasok sa lesikong Filipino na hindi
kailangan pang baguhin ang ispeling.

IV. TUNGKULIN NG WIKA

FERDINAN SAUSURE (functionalist)


Mas kailangan pagtuunan ng pansin ang anyo at paraan ng wikang
ginagamit, subalit sa katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay
nakasalalay sa paraan at anyo ng nagsasalita.
Ang bawat salitang ginagamit ay makabuluhan at magkakaugnay.
7 Tungkulin ng Wika – “Explorations in the functions of Language”
(M.A.K. Halliday, 1973)

1. Pang-instrumental – tugunan ang pangangailangan


2. Panregulatori – pagkontrol ng ugali o asal ng tao. Halimbawa ay ang
pagbibigay ng direksyon.
3. Pang-interaksyon – paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang
kapwa tao.
4. Pampersonal – pala-palagay o kuro-kuro. Halimbawa: talaarawan, jornal.
5. Pang-imahinasyon – malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat
o pasalita.
6. Pang-heuristiko – pagkuha o paghahanap ng impormasyon. Halimbawa:
pag- iinterbyu, pakikinig sa radio.
7. Pang-impormatibo – pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o
pasalita. Halimbawa: ulat, pamanahunang tesis,
panayam at pagtuturo.

Ayon naman kay GORDON WELLS (1981, sa Fortunato 2001) ang tungkulin
ng wika ay:
1. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba. (Controlling – pakikiusap, pag-uutos,
pagmumungkahi, pagtatanggi)
2. Pagbabahagi ng damdamin. (Share feelings)
3. Pagbibigay o pagkuha ng imformasyon. (Informing)
4. Pagpapanatili ng pakikipag kapwa at pagkakaroon ng interaksyon sa
kapwa. (Ritualizing)
5. Pangangarap o paglikha. (Imagining)
V. ANTAS NG WIKA

A. PORMAL

Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit


ng higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

1. Pambansa
 Ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
 Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.
 Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika
 Ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan.
 Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalim, makukulay
at masining.
 Halimbawa: Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

B. IMPORMAL

1. Lalawiganin
 Ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
 Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o ang
tinatawag ng marami na punto.
 Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal
 Ito’y mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal.
 Maaring may kagaspangan ng kaunti ang salita ngunit maari rin
itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita.
 Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higut pang salita lalo na sa
pasalitang komunikasyon ay mauri rin sa antas na ito.
3. Balbal
 Ito ang tinatawag sa Ingles na slang.
 Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa
sa antas na bulgar.
 Halimbawa:
Chiks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

VI. TEORYA TUNGKOL SA WIKA

You might also like