FIl 11 Pagbasa Q3 Module 6 Final PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

9

11 SENIOR HIGH SCHOOL

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 6
MABISANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mabisang Paraan ng Pagpapahayag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elmira Q. Quilario
Editor: Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Maria Chona S. Mongcopa, Romie G. Benolaria
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mabisang Paraan ng pagpapahayag!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mabisang Paraan ng Pagpapahayag!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta ka? Sa araw na ito, may mahalagang


paksa kayong tatalakayin. Bilang isang estudyante, makatutulong ang paksa
para madagdagan ang iyong mga kaalaman sa pagpapadali ng pag-iintindi
gayon man ang pag-uunawa ng mga teksto.
Nilalaman nito ang paggamit ng mabisang paraan sa pagpapahayag
na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksyong papel na isusulat.
Napakahalaga ang modyul na ito sa hinaharap kaya seryosohin mong pag-
aralan ang nilalaman nito. Halina’t simulan mo na!

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


 Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: a. kalinawan b.
kaugnayan c. bisa sa reaksyong papel na isinulat. (F11PU-IIIg-90)

1
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakasusuri at nakakikilala sa mabisang paraan ng pagpapahayag;


2. Nakasusulat ng isang reaksyong papel gamit ang mabisang
paraan ng pagpapahaya; at.
3. Napapahalagahan ang gamit ng mga mabibisang paraan ng
pagpapahayag ng mga teksto.

SUBUKIN

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi sa
sariling kuwaderno.

1. Ang kalinawan ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang


pahayag, gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap.
2. Ipinapalagay na mabisa ang isang pahayag kung nagtataglay ito ng mga
sumusunod na katangian – makatotohanan, nababakas ang katapatan at
binibigyang pagpapalahaga ang dignidad ng isang tao.
3. Maituturing na may bisa ang mga pangungusap sa anumang uri ng
pagpapahayag kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o
pangyayaring tinatalakay.
4. Sa pamamagitan ng kaugnayan, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng
pagpapahayag.
5. Ang bisa ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag.
6. Naging malinaw ang mga pahayag kung ang salitang ginagamit ay hindi
angkop para sa kontekstong nakapaloob sa pahayag.
7. Ang kaugnayan ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang
pahayag, gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap.
8. Ang isang mabisang pahayag ay dapat nagtataglay ng tatlong pangunahing
katangian – kalinawan, kaugnayan at bisa.
9. Ipinapalagay na may bisa ang isang pahayag kung nagtataglay ito ng mga
sumusunod na katangian – makatotohanan, nababakas ang katapatan at
binibigyang pagpapalahaga ang dignidad ng isang tao.
10. Sa pamamagitang ng kaugnayan, hindi magiging tuloy-tuloy ang daloy ng mga
ideya.

2
TUKLASIN

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Madali lang ba ang pagguhit ng sagisag?


2. Anong katangian mayroon kayo na may kaugnayan sa sagisag na iginuhit?
3. Sa tingin mo, nakatutulong ba ang gawaing ito sa araling pag-aaralan? Bakit?

SURIIN

Batay sa pagmamasid sa paligid, mga balita sa radio at telebisyon at mga


kaganapan sa sosyal midya ay hindi maikakaila na madalas ay marami ang hindi
nagkakaintidihan sa iba’t ibang usapin. Bilang tulong para maiwasan ang madalas
na hindi pagkakaunawaan, sa araw na ito ay aalamin mo kung ano ang pahayag at
ano ang mabisang paraan ng pagpapahayag.

Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng mga pananaw, mga paniniwala at


kaalaman sa pamamagitan ng anyong pasalita o pasulat. Mahalaga para sa isang
pahayag ang maayos, organisado at tiyak na pagkakahanay ng mga ideya para mas
madaling maunawaan.

Ang isang mabisang pahayag ay dapat na nagtataglay ng tatlong pangunahing


katangian ang kalinawan, kaugnayan at bisa.

Kalinawan
 Tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang pangungusap, gayundin
ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap.
 Iwasang maging maligoy upang hindi magbigay ng kalituhan ang pahayag na
inilahad.

3
Kaugnayan
 Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa anumang uri ng
pagpapahayag, kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o
pangyayaring tinalakay.
 Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng
pagpapahayag.
Bisa
 Ito ay tumutukoy sa bigat ng pahayag.
 Ipinapalagay na mabisa ang pahayag kung ito ay makatotohanan,
nababakas ang katapatan at binibigyang -halaga ang dignidad ng isang tao.

Halimbawang Pangungusap

Basahin ang dalawang halimbawang pangungusap at suriin kung alin ang


nagtataglay ng kalinawan, kaugnayan at bisa.

Pangungusap A Pangungusap B
“Kung tayo ay magmasid sa ating “Dahil sa hirap ng buhay sa
paligid ay mapapansin nating kasalukuyan ay nagnanais ang
naghihirap na talaga ang mga Pilipino, maraming Pilipino na makapagtayo ng
kaya naman ang lahat ay gumagawa ng kahit munting negosyo, madagdagan
maraming paraan upang mabuhay. man lamang ang kaunting kita sa
Sadya talagang mahirap ang buhay. pagtatrabaho.”
Ang maraming Pilipino ngayon ay
nagtatayo ng kani-kanilang negosyo sa
iba’t ibang paligid. Patunay lamang ang
pagnenegosyo ay magandang
pagkakitaan. Ang pagnenegosyo rin ay
dahilan nang hindi tama ang sinasahod
sa kani-kanilang trabaho sa loob ng
isang buwan.

Pangungusap A
 Masyadong maligoy ang pahayag, sapagkat maraming salitang ginamit na
ang ilan ay hindi tama ang gamit para sa konteksto ng pahayag.
 Hindi rin tama ang pagkakahanay ng mga salita kung kaya’t hindi
nagkaugnay ang mga pangungusap ng buong pahayag.
 Bunga nito, hindi naging malinaw, hindi magkakaugnay at walang bisa ang
naturang pahayag.
Pangungusap B
 Masasabing ang pahayag na ito ay malinaw na naihatid ang konteksto,
sapagkat tama ang pagkakagamit at paghahanay ng mga salita.

4
 Masasabi rin na mabisa ang pahayag, sapagkat taglay nito ang katapatan
at katotohanan sa nilalaman.
 Bagaman maikli ay taglay ang kalinawan, pagkakaugnay, at bisa ng mga
pangungusap ng buong pahayag.

Mga Paalala
 Sikaping maging organisado ang ideya ng mga ipinapahayag upang
maiwasang maging maligoy sa paglalahad.
 Laging isipin muna kung ano ang ipahahayag at kung paano ito
ipahahayag. (https://www.scribd.com/document/449716981/Grade-11-
filipino-Mabisang-Paraan-ng-Pagpapahayag-docx)

PAGYAMANIN

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Suriin kung alin sa dalawang
pahayag ang nagtataglay ng kalinawan, kaugnayan at bisa. Isulat ang sagot sa
sariling kuwaderno.

Pahayag A Pahayag B
“Mahirap at nakakatakot ang kasalukuyang “Sa kasalukuyan, nasisira na
panahon. Kung pagmamasdan nating maigi ang ating kapaligiran.
ang kapaligiran ay makikita natin na unti- Nakatatakot dahil nakasalalay
unti nang nasisira ang ating mahal na rito ang ating kaligtasan.
kalikasan. Nakakatakot at talagang Kailangan ang pagtutulungan
nakakabahala dahil delikado ito sa para alagaan ang kalikasan.”
sangkatauhan. Nasisira na ang ating
kagubatan, yamang tubig maging ang nasa
karagatan at ang kapaligiran dahil sa mga
lapastangan na ganid sa pera. Mahirap pero
hindi pa huli ang lahat. Magtulungan tayong
ipamulat sa ating kapwa ang kahalagahan
sa pag-aalaga sa kalikasan. Ito ay ating
pagyamanin.”

5
Pahayag A

Pahayag B
 .

Gawain 3
Panuto: Basahing mabuti ang talata sa ibaba. Batay sa talatang nakasaad, sumulat
ng pahayag na may tatlo o apat na pangungusap lamang na may kalinawan,
kaugnayan at bisa sa iyong kwaderno.

Ang mga sakuna o kalamidad ay maaaring nasa paligid lamang na maaaring


darating anumang oras. Labis ang pagkalugmok ng ating mga kababayang Pilipino
sa sunod-sunod na pananalasa ng malalakas na mga bagyong Quinta, Rolly at
Ulysses sa ating bansa. Nakahabag ng damdamin ang mga pangyayari. Libo-libong
mamamayan ang apektado. Malaking pinsala at dagok sa buhay ng mga
apektadong residente ang mga nasabing bagyo. Maraming mga pananim ang
napinsala, mga ari-ariang nasira at mga buhay na nasawi. Tinitingnan na isa sa
sanhi nito ay ang mga iligal na gawain tulad ng pagpuputol ng mga puno at ang
quarrying kung kaya mabilis bumaha nitong mga nakaraan. Patuloy na nasisira ang
kapaligiran araw- araw. Kapit bisig ang mga mamamayang Pilipino sa pag-abot ng
tulong at ayuda para sa pagbangon ng mga biktima. Panawagan ng karamihan ay
ang seryosong rehabilitasyon ng kalikasan.

6
ISAISIP

Ang mabisang pahayag ay dapat


nagtataglay ng kalinawan, kaugnayan at bisa para
maging malinaw ang paglalahad ng mga ideya.
Maiiwasan din nitong maging maligoy sa paggamit
ng mga salita. Kapag mabisa ang paraan ng
pagpapahayag, maiiwasan ang hindi
pagkakaintindihan.

ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng isang reaksyong papel sa iyong kuwaderno tungkol sa


paksang “Bagsik ng Kalikasan”. Gamitin ang mabisang paraan ng pagpapahayag
na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa iyong reaksyong papel.

Pamantayan Sa Pagmamarka:

Kalinawan at Bisa ng mga salita ……..……………………… 5 puntos


Kaugnayan ng mga ideya ….………………………………… 5 puntos
Panggramatika ……………………………………………….. 5 puntos
Nilalaman -----------------------------------------------------------------10 puntos

Kabuuan-------------------------------------------------------------------25 puntos

7
TAYAHIN

I. Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot. Titik lamang
ang isulat sa iyong kuwaderno.

1. Ang pahayag ay may __________ kung nagtataglay ito ng sumusunod na


katangian – makatotohanan, nababakas ang katapatan at binibigyang
halaga ang dignidad ng isang tao.
A. kalinawan B. bisa C. kaugnayan D. pahayag

2. Ito ay tumutukoy sa pahayag na angkop sa konteksto at hindi maligoy ang


detalye.
A. kalinawan B. bisa C. kaugnayan D. pahayag

3. Ito ay tumutukoy sa pahayag na tuloy-tuloy ang daloy mula simula


hanggang dulo.
A. kalinawan B. bisa C. kaugnayan D. pahayag

4. Ito ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita at angkop na pagkabuo


nito sa pangungusap.
A. kalinawan B. bisa C. kaugnayan D. pahayag

5. Ang mabisang _______ ay dapat nagtataglay ng tatlong pangunahing


katangian.
A. kalinawan B. bisa C. kaugnayan D. pahayag

II. Panuto: Sa iyong kwaderno, isulat ang TAMA kapag wasto ang pahayag at
MALI naman kapag hindi.

1. Mahalaga ang maayos na pagkakalahad ng mga ideya sa isang pahayag.


2. Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng saloobin na maaring pasalita o
pasulat.
3. Kailangan angkop ang mga salita na gagamitin para sa isang konteksto.
4. Okay lang na di malinaw ang pahayag basta mabilis maihatid ito.
5. Ang mabisang pahayag ay nakasalalay sa tagapakinig lamang.
6. Huwag maging maligoy para madaling maintindihan ang pahayag.
7. Epektibo ang isang pahayag kapag ganap ang pagkatuto ng tagapakinig.
8. Nakasalalay sa tamang gamit ng mabisang pahayag ang kaayusan ng
sangkatauhan.
9. Hindi mahalaga ang gamit ng mabisang pahayag sa kabuuan.
10. Mahalaga ang pahayag kahit di naintihan ng karamihan ang mensahe.

8
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Bakit kailangan ang mabisang paraan ng pagpapahayag?
2. Paano nakatutulong ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa buhay
estudyante?

REFLEKSIYON

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat espasyo. Isulat ito sa sariling
kuwaderno.
1. Ang makabuluhang aral na aking napulot sa araling ito ay _________________.
2. Ang mabisang paraan ng pagpapahayag ay nakatutulong sa _______________.
3. Hindi dapat basta-basta lang na______________________________________.
4. Maiiwasan ang _______________________kung________________________.

9
10
PANIMULANG PAGTATAYA
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
6. MALI
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
Gawain 2
Pahayag A
 Masyadong maligoy ang pahayag.
 Hindi magkaugnay ang mga salita.
Pahagayag B
 Malinaw at tiyak ang mensahe
 Mabisa at magkaugnay ang mga ideya.
Gawain 3
Patuloy pa ring bumabangon ang mga biktima ng malakas na pagbaha. Isa sa mga sahi nito ay ang mga iligal na
gawain na nakakasira sa paligid. Hiling ng karamihan ang rehabilitasyon sa kalikasan.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I.
1. B
2. A
3. C
4. A
5. D
II.
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. MALI
10. MALI
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Lahaylahay, Ernie, Grade 11 Filipino Mabisang Paraan ng Pagpapahayag.docx last


modified March 2, 2020
https://www.scribd.com/document/449716981/Grade-11-filipino-Mabisang-
Paraan-ng-Pagpapahayag-docx

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

12

You might also like