Last

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KOM AT PAN

Kasagutan ko:
Gagamitin ko ang komunikasyon upang magkaroon ng maayos na pagkakaunawaan sa kapwa sa
pamamaraang kami ay gumagamit ng iisang lengguwahe. Ang mensahe na aking nais iparating
ay mas mauunawaan nang maayos kung pareho kami ng lengguwahe o ng diyalekto. Idaragdag
ko na rin ang mahinahon na tono ng aking boses nang sa gayon ay hindi magkamali ng
pakahulugan sa aking sinasabi ang aking kausap.
Kasagutan ng aking pamilya:
Kahit magkaiba ng lengguwahe ay maaaring magkaintindihan ang dalawang maguusap kung
gumagamit sila ng parte ng katawan upang mas maintindihan ng kausap ang sinasabi. Tunay na
ang tono rin ay makatutulong upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

ALAMIN NATIN!
1. Kakayahang Pangkomunikatibo – tumutukoy ito sa kakayahang magamit ang wika sa sa
pakikipagtalastasan nang naaayon at wasto.
2. Kakayahang Lingguwistiko – kakayahan ng isang indibidwal na bumuo at umunawa ng
isang pangungusap
3. Gramatika – gabay sa tama at maayos na pagsasama-sama ng mga salita upang
makabuo ng pangungusap.
4. Ponolohiya – pag-aaral at pagkukumpara ng tunog ng isang wika
5. Sintaks – pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala,
sugnay at mga pangungusap.

SUBUKIN NATIN
A.
 Ang wikang aking gagamitin ay alinman sa Tagalog o Ingles. Kung mas maiintindihan ako
at ang aking adhikain ng mga kapwa ko kabataan sa dalawang lengguwahe ay sa palagay
ko’y iyon ang pinakaimportante.
 Ipararating ko sa paraan ng pagdayo sa kada silid aralan nila kada seksyon. Ito ay sa
kadahilanang upang mas makapagpokus sila sa aking sasabihin at maintindihan ang
layunin ng aking pagbisita.
 Kailangan kong isaalang alang ito sapagkat ang kinabukasan ng Pilipinas ang nakataya sa
nalalapit na eleksyon. Bagamat ibat ibang rehiyon ang aking pupuntahan na may ibat
ibang diyalekto, nais kong mapagbuklod ang aming opinyona at magkaroon ng iisang
layunin patungo sa mas maunlad na bansa.
B.
 Kung Tagalog ang naiintindihan ng nakararami ay mas mainam na Tagalog ang gamitin
upang makipagtalakayan. Kung Cebuano naman ay Cebuano. Subalit kung halohalo ang
nasa pangkat ay mas mainam na gamitin ang wikang pinakamarami sa lahat at kumuha
ng isang representatibo na magpapaliwanag sa mga di nakakaintindi sa diyalektong
ginamit.
 Maaaring di maging komportable ang nagiisang Tagalog at minsan pa’y mainis sa
ganitong senaryo sapagkat hindi nya maiintindihan ang diskusyon.
 Oo. Dapat isaalang-alang ang wikang gagamitin sa pakikipagusap sapagkat ito ang
magiging basehan ninyo upang magkaintindihan.

You might also like