Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI WEST DISTRICT
NANCAMARINAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

TEACHER: LARA MELISSA E. CHANCHICO DATE: NOVEMBER , 2019


LEVEL: GRADE 1 – MASUNURIN TIME:

DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO (Day 1)


I. Layunin:
- natutukoy kung sino ang inilalarawan ng iba gamit ang mga pang-uri dito sa wikang
Filipino

II. Paksa: Pang-uri


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng
iba gamit ang mga payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga
kaklase.
Sanggunian:
K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)
pah. 11-13
Alab ng Wikang Filipino 1 pah. 159-169
Pangalawang Hakbang sa Pagbasa pah. 38
Kagamitan: plaskard, tsart ng kuwento, mga larawan

TEACHERS ACTIVITY PUPILS ACTIVITY


1.Paunang Pagtataya:
Ipakita ang mga larawan:
aso, manyika, damit, lapis, bola, puno, bata
Kumuha ng isang larawan at magsabi ng
isang salitang maglalarawan sa ipinakita.
Hal. bilog na bola
magandang manyika
2. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw ay pag-
uusapan natin ang mga kaibigan sa paaralan
gamit ang mga pang-uri o salitang
naglalarawan.
Ipabasa ang kwento:
Mga Kaibigan Natin
Sa paaralan ay marami tayong mga
kaibigan. Ang mabait na nars ay nagbibisita
sa mga bata. Tinitingnan din ng matalinong
doctor at matiyagang dentista ang mga bata.
Lahat sila ay nagiging gabay sa kalusugan.
Tumutulong naman sa pag-aayos ng
paligid ng paaralan ang mahusay na
karpintero. Nagpipinta ng paligid ang
mabilis na pintor. nag-aayos naman ng
hardin ang masipag na dyanitor.
Lahat sila ay dapat igalang at pasalamatan
sa kanilang kabutihan.

3. Tukoy-Alam:
A. Itanong: Sinu-sino ang mga kaibigan
natin sa paaralan? Gamitin ang character
map sa paglalarawan sa bawat isa.

Batay sa paglalarawan sa kwento, hayaang


itambal sa larawan ng mga bata ang salitang
naglalarawan sa bawat isa na nakasulat sa
strip ng cartolina.
Ipabasa:
mabait na nars
matalinong doctor
matiyagang dentista
mahusay na karpintero
mabilis na pintor
masipag na dyanitor
B. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga salitang may
salungguhit?
Tandaan:
Ang mga salitang nagsasabi ng katangian,
kulay, dami o bilang, hugis, laki, amoy
at lasa ay mga salitang naglalarawan o
pang-uri.
Inilalarawan ng mga ito ang mga
pangngalan at mga salitang pamalit sa
pangngalan.
Hal.
katangian - masipag
kulay – asul
dami o bilang – sampu
hugis – bilog
laki – maliit
amoy – mabango
lasa – maasim
4. Paglalahad:
May ilalarawan akong isang mag-aaral
dito sa atin. Tingnan ko kung mahuhulaan
ninyo kung sino ito.
Maputi, maganda, marunong mahusay sa
Math._____
Maglarawan pa ng ilang bata.
5. Pagtuturo at Paglalarawan:
Laro: Magpahulaan ng paboritong
kaibigan ng bata sa paaralan. Tumawag ng
bata para ilarawan ang kaibigan niya sa
paaralan.
Hal. Matangkad, mataba at mahilig sa ice
candy.

IV. PAGTATAYA
Tukuyin kung sino ang inilalarawan.
Piliin sa kahon ang sagot at isulat sa patlang.
guro mag-aaral dyanitor nars kaibigan

1. Matiyaga siya sa pagtuturo sa maliliit na mga bata._______


2. Mahilig siya sa pagbabasa ng mga aklat._____
3. Masipag siya sa paglilinis ng paligid ng paaralan.________
4. Malambing siya sa mga batang may karamdaman.______________
5. Maunawain siya sa kapwa lalo na sa oras ng kagipitan_______________.

V. Kasunduan: Gumamit ng pang-uri at ilarawan ang iyong:


ina
ama
ate
kuya

Gng. Lara Melissa E. Chanchico


Naobserbahan na Guro

Inobserbahan ni:
___________________

You might also like