Professional Documents
Culture Documents
REVALIDATED ESP 10 Q3 Weeks 7 8
REVALIDATED ESP 10 Q3 Weeks 7 8
Mga Inaasahan
“Karaniwang tao, anong magagawa upang bantayan ang kalikasan?” Ito ay isa sa linya sa
awiting “Karaniwang Tao” ni Joey Ayala. Sa tuwing tatalakayin ang kahit anong bagay tungkol sa
kalikasan, hindi maiiwasang iugnay ang awiting ito. Kung ating mapapansin, napakarami na ng
naging pagbabago ng ating kapaligiran at kalikasan sa nagdaang panahon. Ang unti-unting
pagkaubos ng ating pinagkukunang-yaman ay nakapagdudulot ng matinding pagbaha, pagguho ng
lupa, at matinding polusyon. Hindi lang ito nakaaapekto sa kapaligiran maging sa buhay ng tao.
Sa dami ng mga kalamidad na kinaharap at maaaring kaharapin pa ng tao sa hinaharap, ano
nga ba ang gampanin ng tao upang mabantayan at mapangalagaan ang kalikasan upang maiwasan o
mabawasan ang epektong dulot ng mga kalamidad?
Ang modyul na ito ay inaasahang makapagbibigay ng gabay upang mas maunawaan mo ang
iyong gampanin bilang tagapangalaga ng kalikasan. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na
ito, inaasahang natutuhan mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:
1. Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan
2. Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan
3. Napangangatwiranan na:
a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao ay may
paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan
b. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan
(Mother Nature) Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hind
maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon
c. Binubuhay tayo ng kalikasan
4. Nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan
at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan
Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang unang
gawain.
Paunang Pagsubok
Panuto: Pagtambalin ang mga SANHI na nasa Hanay A sa mga BUNGA na nasa Hanay
B. Isulat ng titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
____1. Maruming usok na nagmumula sa mga sasakyan A. Pagguho ng lupa
____2. Paggamit ng dinamita sa pangingisda B. Pagbaha
____3. Pagtatapon ng basura sa daluyan ng tubig o kanal C. Polusyon sa hangin
____4. Pagputol ng mga kahoy sa kabundukan D. Pagkamatay ng mga maliliit
na isda
____5. El Niño o La Niña E. Global warming
F.Paggamit ng iba’t bang kemikal
Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa mga sagot sa itaas at pagkatuto sa nakaraang modyul, ano ang sarili mong
pakahulugan sa pagmamahal sa bayan?
___________________________________________________________________________
2. Patunayan na ang pagmamahal sa bayan ay may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan.
_____________________________________________________________________
Pagpapakilala ng Aralin
Maraming iba’t ibang kampanya tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Kalimitan sa mga
kampanya tungkol sa pangangalaga dito ay patungkol sa paglilinis ng karagatan. Ngunit kung pag-
iisipang mabuti, ano ba ang ibig sabihin ng kalikasan? Ano ang bumubuo dito? Ang kalikasan ay
tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng
mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki.
Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa
mga pangangailangan ng mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay.
Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay man o wala, kapag
sumusuporta sa pagpapatuloy ng buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na bahagi ng
kalikasan.
Ang mundo natin ay ang tahanan na nilikha ng Diyos para sa atin upang mabuhay. Ang mga
bagay na Kanyang nilikha ay nararapat lamang na bigyan ng karampatang pagkalinga at paggalang
ngunit dahil sa kapabayaan ng tao at pagiging makasarili, ito ay unti-unting nauubos at naaabuso.
Katunayan nito ay ang kasalukuyang kalagayan ng kalikasan at mga sakuna na may kinalaman sa
pagkasira ng kalikasan.
Mga Gawain
Gawain 1.1 Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang
mga kasunod na tanong.
Ang Pagkawasak
(halaw sa Kaganapan sa Maylalang, 2009)
Noong unang araw ng pagkawasak, sinabi ng tao: “Kailangang magkaroon ng kadiliman. Sa
kadilimang ito magagawa ko ang anumang kabuktutang aking babalakin. At lumaganap nga ang
kadiliman sa buong santinakpan.”
Sa ikalawing araw ng pagwasak, sinabi ng tao: “Nagustuhan ko ang kadilimang ito.
Pasisimulan ko na ngayon ang paghahasik ng kaguluhan. Sisiguruhin kong magkakawatak-watak ang
nagkakaisang pamilya. Paghihiwalayin ko ang mga mag-asawa at uudyukan kong mag-alsa ang lahat
ng lahi laban sa isa’t isa.”
Sa ikatlong araw ng pagwasak, sinabi ng tao: “Nasisiyahan ako sa lahat ng kaguluhang ito.
Kailangang ang katubigan at lupa ay sumailalim din sa aking kapangyarihan. Gagamitan ko ng
dinamita ang mga karagatan. Sa gayon, mapapasakamay ko ang lahat ng buhay na nasa pusod nito –
malaki man o maliit. Kakalbuhin ko ang mga kagubatan upang pakinabangan ko ang mga hayop na
nananahan dito.”
Sa ikaapat na araw ng pagwasak, sinabi ng tao: “Kinawiwilihan ko ang lahat ng nangyayari
subalit tila mayroon pang kulang.” Pagtingala niya sa langit, napansin niya ang mga nakasuksok na
naggagandahang ulap. Ipinangako niya sa sarili: “Ang lahat ng usok ng mga sasakyan, makinarya at
mga pagawaan ay ipadadala ko sa iyo upang sa gayon ay huwag akong mainggit sa kagandahan mo.”
Sa ikalimang araw ng pagwasak, sinabi ng tao: “Matatalinong hakbang ang aking ginagawa.
Hindi ko na kailangan ang iba pang nilalang sa lupa. Huhulihin ko ang mga ibon at hayop nang sa
Tandaan
Pagninilay
1.________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________
Gawain 1.1
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
Gawain 1.2
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________
Pangwakas na pagtataya
1. 4.
2. 5.
3.
Pagninilay