Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

WEEK 1, Third Quarter

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PADAPADA NATIONAL HIGH SCHOOL
Padapada, Santa Ignacia, Tarlac

FILIPINO 8

Mga Layunin:
1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: ( F8PB-IIIa-c 29)
▪ Paksa • Paraan ng pagkakasulat
• Layon • Pagbuo ng salita
• Tono • Pagbuo ng talata
• Pananaw • Pagbuo ng pangungusap
2. Nabibigyang kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia
(F8PT- IIIa-c-30)
3. Naiuulat ng maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik ( F8PS-IIIa-c- 30)
4. Nagagamit ang iba’t- ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng
balita, komentaryo, at iba pa (F8PU-IIIa-c-30)

ALAMIN NATIN

A. Kaligirang Pangkasaysayang ng Panitikang Popular

Noon, lagi’t laging sinasabi sa atin, at ating tinatanggap, ang literatura ay maaring pasalita o
kaya naman, nakasulat. Kaya ang literatura, kagaya ng mga bugtong, salawikain, alamat,
kuwentong bayan o ang mga epiko ay itinuturing na pasalita o oral na literatura, dahil sa ang duluyan
nito ay ang pasalin-saling pagsasalaysay o pagtula. Aminin natin, na ang mga Pilipino ay hindi pa
sumusulat ng ating mga katutubong alibata, ang literatura ng ating lahi ay pasalita o oral lamang, na
nagpapasalin-salin sa mga pamayanan o tribo, nagpasalin-salin sa mga panahon at henerasyon. Sa
ganitong pagtingin, ang modo o pamamaraan, daluyan kung ibig ninyo, ng pagbuhay at pagpapatuloy
ng buhay na literatura ay ang pasalaysay na naghahatid nito sa mga tao at panahon.
Nang sumapit ang kultura ng letra, nagbago rin ang daluyan ng paghahatid ng literatura.
Itinitik na ang literature, kundi marahil nasira ang mga material na midyum ng ating katutubong letra
o sangkap ng letra ng ating alibata, maaaring noon pa man, may mga pamana na ang ating mga ninuno
na nakasulat sa literatura sa panitikang pasalita ay ang nakasulat na literatura, at hindi lamang
nakasulat, kundi isang uri ng literaturang nakalimbag. Dahil dito, mula nang ang kultura ng imprenta
ay dumating sa Pilipinas, naging napakahalagang sangkap ng paghahatid ng diwang panliteratura ang
nakaimprentang midyum.
Sa pagsapit sa ating ng elektronikong media, isinama kong bagong daluyan ng literature ang radio,
telebisyon at cinema. Kaipala, sa pagsapit din ng internet, ang elektronikong media ay nadagdagan
pa ng isa pang midyum, napakadaling mabago dahil sa ito ay bahagi ng napakalaking negosyo ng
mga industriyalisadong bansa kagaya ng Amerika, ng Estados Unidos at ng japan. Ang totoo,
sa nakaraang Asia-Pacific Economic Cooperation ang walang sagwil na globalisasyon nito ay
puspusang iginigiit ni Pangulong Bill Clinton ng Estados Unidos na tinanggap naman ng mga lider ng
kasaping bansa ng Asya-Pasipiko.
Ang itatanong natin sa ating sarili, bakit waring ang buhay ng tao sa pangkabuuan o ang
buhay ng mga Pilipino sa partikular na dimension ay laging pangkabuuan o ang buhay ng mga
Pilipino sa partikular na dimension ay laging tinatanglawan o nililigalig sa isang klase ng pagtingin ng
literatura? Pinatunayan ng ating oral na literatura ng mga bugtong at salawikain, alamat,
kuwentong-bayan at mga epiko ng bighani o halaga nito sa buhay ng ating lahi. Kaya bukangbibig,
siyang lamang ng dibdib, o aanhin pa nag damo kung patay na ang kabayo, o kung may isinabit sa
dingding, may titingalain – mga salawikaing tunay na nagpapakita ng pananaw-mundo ng ating mga
ninuno. Ang tutuo, kung susundin lamang natin ang Nawala marahil mauunawaan natin ang
kahulugan ng pagtayo sa sarili at ang pag-iwas sa pagiging palasandalin sa iba- lalo sa mga
dambuhala.
Napakahalaga kaipalang tandaan na para ang literatura ay maging popular, dapat muna
itong nakaugat at nakugnay sa buhay at pangangailangan ng mga tao. Kaya sa mga modong
pagbigkas ng popularisasyon hindi lamang ang daluyan ang mahalaga, kundi ang higit na
importante’y ang dinadaloy sa mga daluyan. Ang mga pasalitang katutubong anyong panliteratura
gaya ng mga salawikain at kasabihan ay nananatiling hindi mnamamatay dahil sa ang mga ito ay
nakabase sa panlahing pananaw at pilosopiya. Ang mga patulang binibigkas na modo kagaya ng
dupluhan, balagtasan at iba pang anyo ay nananatiling buhay dahil sa ang mga ito ay anyo lamang ng
mga usaping buhay ay isang partikular na panahon.
Isang bagay ang ating mapapansin sa konsepto ng popularisasyon: napapalaki ang lebel ng
ugnayan ng kulturang bayan at kamalayan ng lipunan. Kaya lagging ang mga bagay tungkol sa
kasaysayan ay may pangakong maging popular dahil sa mga literaturang nakaugnay sa kasaysayan at
buhay-bayani ng kultura. Ang mga obrang hinabi ng kasaysayan sa literature ay nagtataas ng sining
sa kasaysayan ng lipunang Pilipino: kolonyal na panahon nsa ilalim ng mga Espanyol, Amerikano at
mga hapones. Sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa pananakop ng mga dayuhan at pananakop ng
kalahi.Sangkap din ng popularisasayon ang maituturing na aykon ng ating klasikong mga akda na
ssinulat ng mga tintingalang haligi ng pambansang panitikan. Dahil dito, nanganak na ng sangkatutak
na mga supling ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal, ilang tula, dula, kuwento at pelikula ang naging
bunga ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Isa pang sangkap ng popularisasyon na mahalagang isaalang-alang ang wika. Tutuong
popular ang mga akda ni Dr. Jose Rizal, peor kundi sumakay ang kanyang mga nobela sa wikang higit
na nauunawaan ng nakararami at opisyal na wika ng Sistema ng edukasyon ang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo ay maaring hindi pa rin naging mhuon ng kultura at kamalayang panlahi. Kung hindi
isinawika ng bayang ang dulang “Portrait of an Artist as Filipino” ni Nick Joaquin, mananatili itong
isang babasahing panglibro lamang at hindi naging bahagi ng kulturang pambayan at midyum ng
teatro.
B. Kontemporaryong Panitikan: Tungo sa Kultura at Panitilkang Popular
Ang mga mayamang kasaysayan ng panitikang Piipinong nagsimula noon bago pa man dumating ang mga
Espanyol sa bansa hanggang sa kasulukuyan ay isang buhay na patotoo sa kasabihang “Ang panulat o pluma ay
higit na makapangyarihan kaysa anumang tabak o espada” (The pen is mightier than sword) na siya ring
pinaniniwalaan at prinsipyo ng aklat na iyong magagamit – Ang PLUMA. Dahil sa panulat ay higit na tumimo at
naging maalab ang damdamin ng mga Pilipino sa Kalayaan.
Nang sumapit ang taong 2000 hanggang sa kasalukuyang panahon ay lalong namumulat ang mamamayang
Pilipino sa kahalagahan ng Pambansang Wika, marami na rin ang sumusubok na sumulat gamit ang wika sa
kanilang rehiyon lalo na’t isinusulong sa programa ng K to 12 ang aralin sa Pantulong na Wika o Mother Tongue.
Mas mayaman ang pinagkukuhanan ng paksang isnusulat. Malaki ang naging impluwensya ng teknolohiya
at agham sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng panitikan. Malayo na rin ang naabot ng midya sa panlokal at pang-
internasyonal na arena. Kahit sa larangan ng telebisyon ay nagbabago na rin ang wikang ginagamit. Maging ang
paggamit ng Internet ay malawakan narin sa bansa. Naging napakabiis ng pagpapalitan ng mga pahayag sa
komunikasyon gamit ang mga social media gaya ng e-mail, Twitter, Facebook, Skype, at iba pa. Hindi lamang
pampanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansing maraming akda ang gumagamit na rin ng
pabalbal, kolokyal, at coied words na naging katanggap-taggap na sa marami. Sa larangan naman ng pelikula ay
halos hindi na mabilang ang mga pelikulang Pilipino. Sa kasalukuyan ay nauuso ang paggawa ng mga
dokumentaryong pampelikula at mga pelikulang indie (independent) na kinikilala hindi lamang sa local na
industriya kundi maging internasyonal na pamayanan.
Sa ganitong kalagayan ng mga pangayayari sa banda hangga’t tayo ay sumasabay at hindi nagpapaiwan sa
mga ito ay makaaasa tayong sa pamamagitan ng patuloy na pagmamasid at pagsasatinig ng mga inaasahang
pagbabago ay patuloy na uunlad ang ating panitikan kasabay ng pag-unlad ng ating bayan.
SAGUTIN NATIN

PANUTO: Punan ang Venn Diagram gamit ang nilalaman ng tekstong A at B. Gumamit ng ekstrang
papel kung kinakailangan.

Ano-ano ng pagkakaiba ng tekstong A at B ayon sa;


1. paksa 2. Layon 3. Tono 4. Pananaw 5. paraan ng pagkakasulat 6.pagbuo
ng salita 7. Pagtatalata

SUBUKIN NATIN

PANUTO: Ang mga salitang nakasulat nang may diin sa mga pahayag sa hanay A ay mga salitang
ginagamit sa mundo ng media. Bigyag kahulugan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili ng kahulugan nito sa
mga salitang nakasulat sa hanay B.

Hanay A

___1. Epekto ng social media ___5. paggamit ng jejemon


___2. mga gawain ng blogger ___6. Mahalaga ang netiquette sa
___3. paggamit ng hashtag paggamit ng social media
___4. responsableng netizens ___7. Trending ang post o status

Hanay B
d. Malawakang nababanggit o napag-
a. Salito o pariralang inuumpisahan gamit uusapan sa Internet particular sa social media
ang simbolong # na nakatutulong upang web sites.
mapagsama-sama sa isang kategorya ang e. Tamang kaasalan o pag-uugaling dapat
mga tweet sa twitter o maging posts sa ipamalas sa paggamit ng Internet o Social
Facebook. media.
b. Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao f. Tumutukoy sa mga tao lalo na sa mga
kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at kabataang mahilig gumamit ng mga simbolo
nakikipagpalitan ng impormasyon at ng mga at mga kakaibgang karakter (titik at simbolo)
ideya sa isang virtual na komnidad at sa pagtetext na kadalasan ay nagdudulot ng
network kalituhan; isang paraan ng
c. Nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, pakikipagtalastasan ng mga kabataan sa
larawan, tunog, muskoa, video, at iba pa kasalukuyan
gamit ang isang tiyak na web site. g. Isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa
pamamaitang ng elektronikong paraan
h. Taong aktibong gumagamit ng Internet;
taong eksperto sa paggamit ng social
network.
BASAHIN NATIN

Iba’t ibang Estratehiya ng Pangangalap ng mg Datos o Impormasyon sa Pagsulat

Sa pagsulat ng anumang popular na babasahin, napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman


hinggil sa paksa o isyung isusulat. Ang pangangalap ng impromasyon ay maari ding tawagin “pagpapayaman ng
kaalaman” ng susulat. Tumutuoy ito sa paghahanap pa at pagtitipong ng mga kaalamang hindi pa taglay ng
magsusulat, ito ay napagagaaan.

Narito ang ilang mungkahin paraan o estratehiya sa pagsasagawa nito upang higit na maging
maayos at hitik sa impormasyon ang mga susulating popular na babasahin.

1. Pagbabasa at Pananaliksik – Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at


pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga
libor at iba pang materyales na karaniwang matatagpuan sa mga aklatan o Internet.
2. Obserbasyon – Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga
bagay bagay, tao , pangkat , at pangyayari. Inaalam dito ang mga gawi katangian, at iba pang datos kaugnay ng
inoobserbahang paksa.
3. Pakikipanayam o Interbyu – Makapagtitipong din ng mga kaalamn at impormasyon sa pamamgitan ng
pakikipanayam o interbyu sa mga taong Malaki ang karanasan at awtoridad sa paksang inihahanap ng mga
impormasyon.
4. Pagtatanong o Questioning – Sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang isang tiyak na
paksang gustong isulat. Kadalasang ginagamit sa prosesong ito ang pagtatanong na kinapapalooban ng 5Ws at 1H
(What, When, Where, Who, Why at How). Makatutulong ito upang maidetalye ang paksang gustong palawakin sa
pagsulat.
5. Pagsulat ng Journal – Ang journal ay isang talaan ng mga pangsariling gawain, mga repleksiyon, mga naiisip o
nadrama, at kung ano-ano pa. Para sa mga manunulat, napakahalaga ng pagsusulat ng journal. Madlas, sa journal
nila hinahango o ibinabatay ang mga akdang kanilang sinusulat. Ang mga draft ng kanilang akda ay kadalasang
isinusulat sa journal. Ang mga ideya o inspirasyon ay agad din nilang itinatala rio upang hindi makalimutan at
muling binabalikan sa sandaling may panahon na silang magsulat. Ang iba naman ay naglalarawan sa journal ng
mga taong kanilang nakilala, nakikita, o likhang-isip lamang na kalauna’y maaring magamit upang maging tauhan
ng kanilang kuwento, dula, o nobela. May nagtatala rin sa journal ng mga bagong salita, idyoma, tayutay, at mga
pahayag na nagpapalawak sa bokabularyo ng manunulat.
6. Brainstorming – Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinion at katwiran ng ibang tao. Naisasagawa ito
sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
7. Pagsasarbey – ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormsayon hinggil sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng pagsasagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.
8. Sounding- out Friends – Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit ng mga kasambahay,
kaibigan, kapitbahay, o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang
paksa. Kalimitang ang usapan ay maikli lamang at impormal.
9. Imersyon – Ito ay isng sadyang paglalagay sa sari sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa
aranasa o gawaing kinapalooban. Sa halip na simpleng pagmamasid, ang manunulat ay nakiisalamuha sa isang
grupo ng mga tao sa pamamgitan ng pakikisangkot sa kanilang mga gawain bilang paghahanda sa pagsulat ng
isang akda o ulat hinggil sa kanila.
10. Pag-eeksperiment – Sa paraang ito, sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol dito sa
pamamagitan ng isang eksperiment. Madalas itong ginagamit sa pagsulat ng mga sulating siyentipiko.

TAYAIN NATIN
PANUTO: Pumili ng paksa pagkatapos ay punan ang Grapik Organizer ng Ibat ibang estratehiya sa
pangangalap ng Datos na iyong gagamitin sa pagsulat ng balita

WEEK 2, Third Quarter


Mga Layunin:

1. Nagagamit ang iba’t-ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na


komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga. lalawiganin) . ( F8WG-IIIa-c-30)

ALAMIN NATIN
Mga Salitang Ginagamit sa Impromal na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakkikipag-usap at


pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na salita. Ang impromal na salita ay nauuri
sa apat.
1. Lalawiganin (Provincialism) – Ito ang mga salitang kakilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan
nito. Kapansin-pansin ang mga lalawigang saita, bukods a iba ang bigkas, may kakaiba pang tonoi to.
Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaa), ngarud (Ilokano
2. Balbal (Slang) – Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang/ Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang
balbal ay tinawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa: erpat – tatay tsikot – kotse
Sikyo – security guard lispu – pulis
Yosi – sigarilyo praning – baliw
3. Kolokyal (Colloquial) – Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgarm bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Halimbawa: Pormal Kolokyal
Aywan ewan
Piyesta pista
Nasaan nasan
4. Banyaga – Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang banyaga.
Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong matematika, o mga salitang
banyagang wala salin sa wikan Filipino.
Halimbawa: Digitization, Cartesian plane, X-ray, Toothpaste, Keyboard, xylophone
GAWAING PAMPORTFOLIO

PANUTO: Lagyan ng angkop na dayalogo ang sumusunod na Komiks Strip gamit ang mga impormal na salita.
Gayahin o maaring ibahan ang mga karakter sa komik strip. Gawin ito sa BOND PAPER.

You might also like