Pagsulyap Sa Cross-Cultural Na Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGSULYAP SA CROSS-CULTURAL NA KOMUNIKASYON

A REVIEW ON CROSS-CULURAL COMMUNICATION

Josefina C. Mangahis

PANIMULA

Nagiging matagumpay ang pakikipag-ugnayan hindi lamang sa simpleng pagbuka ng bibig

kundi ang pag-unawa sa kultura ng taong kausap. Iyan ang tawag sa konsepto ng Cross-Cultural na

Komunikasyon. Paano nga ba nakaaapekto ang pagkakaiba-iba ng kultura tungo sa tiyak na pag-unawa

sa konteksto ng komunikasyon? May mga pagkakataong nagkakaroon ng Cross-Cultural na

komunikasyon sa mismong bahay, trabaho at lansangan dahil bawat isa ay may natatanging kinagisnan

batay sa lipunang pinagmulan. Mahalaga ang pag-unawa sa konsepto ng Cross-Culture sapagkat

napadadali nito ang pagtukoy sa gawing dapat ipamalas.

Sa pag-aaral na ito, itinampok kung papaano matagumpay na maisasagawa ang Cros-Cultural

na KoSmunikasyon. Binigyang-tuon dito ang di-verbal na komunikasyon sa iba’t ibang bansa at kung

paano nagkakaiba ang kahulugan nito sa kani-kanilang kultura. Sinisikap nitong buwagin ang mga

hadlang sa Cross-cultural na komunikasyon tungo sa pagkakaisa ng mga bansa sa mundo. Nasa mundo

tayo ng globalisasyon at kaakibat nito ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng mamamayang Pilipino sa

iba’t ibang panig ng mundo upang mamasyal, o mamasukan pra sa isang trabaho. Ayon kay Hallowel

(168), ipinalalagay ang isang nangingibang bansa na naiiba ang mundong kasalukuyang ginagalawan

sa kulturang kinagisnan. Ito ang nagsisilbing balakid sa maayos na komunikasyon at pakikipag-

ugnayan sa dayuhang bansa. Binigyang-diin din ni Kealy (48) na hindi ang bagong kulturang tinatahak

ang sanhi ng hindi matagumpay na pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa kundi ang pakikibagay ng

tao sa isang lipunan.


POKUS NG PANANALIKSIK

Nakatuon ang pananaliksik sa epektibong pakikipanayam sa magkaibang lipunang kinagisnan

tungo sa matagumpay na pag-unawa sa aspetong kultural nito. binigyang-diin nito ang mga

pangyayaring nagpapakita ng Cross-Culture sa mga bansang may kalayong tradisyon at gawi.

Ipinapaliwanag nito ang mga dapat gawin upang maging kapaki-pakinbang ang nangyayaring Cross-

Cultural na komunikasyon.

PARAAN NG PANGANGALAP AT PAGSUSURI SA DATOS

Dahil sa kwaliteytib ang pananaliksik na ito, nagbigay lamang ng mga halinbawa at

paghahambing sa mga di berbal na komunikasyon sa mga bansang Russia, Estados Unidos, at iba pang

karatig bansa sa Asya. Mayroon itong labimpitong kauganay na literatura at pag-aaral na siyang naging

basehan sa konsepto ng Cross-Cultural na Komunikasyon.

MGA KATANGIAN AT KAHINAAN NG ISINAGAWANG PANANALIKSIK

Maraming kaugnay na literatura at pag-aaral ang sinanggunian ngunit limitado lamang ang

pagpapatunay na naipakita ukol dito. Hindi naging malinaw ang tunguhin ng pananaliksik sapagkat

inusisa lamang nito ang mga kamalayan at di-kamalayan ng isang persona sa kultura ng iba, hindi ang

pagpapananatili ng epektibong komunikasyon sa likod ng pagkakaiba ng kinagisnan. Nagkulang sa

mga datos at mga halimbawa ukol dito. Sa may parteng suhestiyon, may kalabisan (redundant) ang

mga salitang ginamit katulad ng mga sumusunod:

Estratihiya sa Epektibong Cross-Cultural na Komunikasyon

1. Irespeto ang kultura ng iba – Isa sa pinakamahalagang katangian ay ang pagrespeto sa kultura ng

iba upang irespeto rin ang nakagisnang wika.

Imbis na bigyan kahulugan ang konseptong inilahad ay mamaaring sabihin na lamang na “ Isa sa

pinakamahalagang katangian ng epektibong pakikipanayam ay ang paggalang sa kultura ng bawat isa

na kalahok sa isang kumbersasyon.”


2. Pahalagahan ang kulturang natutuhan – Hindi sapat ang pagrespeto sa kultura ng iba. Kailangan

ding maipakita ang pagpapahalaga sa natutunang kultura.

3. Maging bukas pa sa ibang kultura – Hindi magiging matagumpay ang Cross-Cultural na

Komuniksasyon kung hindi magiging bukas ang isipan at puso.

Ang mga suhestiyong ito ay nagbigay ng kalituhan sapagkat walang sapat na halimbawa upang bigyang

dulog ang isyung paggalang at pagtanggap sa kultura ng iba.

MGA MUNGKAHI UPANG MAPABUTI ANG PANANALIKSIK

1. Maglapat ng mga halimbawang nagpapakita ng malinaw na pagtanggap sa kultura at kung paano ito

naisasagawa.

2. Magpakita ng iba pang suliranin bukod sa misinterpretasyon ng magkabilang panig sa wika at

kultura nito.

3. Maglatag ng mga kwantity (istatistiks at dayagram) kung saan may pagpapatunay sa hindi

kaangkupan, at pagkakaiba ng kontekstong pangwika, berbal man o hindi upang matukoy ang nararapat

na tugon dito.

KONGKLUSYON

May kanya-kanyang kultura ang bawat bansa na nakapailalim sa sistema ng lipunan, tradisyon,

gawi, paniniwala at paraan ng pakikisalamuha sa kapwa. Sa kabila ng magkakaibang wika at kultura,

mahalagang may malawak na kaalaman at maunawaan ang kultura at kahulugan ng wika ng ibang

bansa upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Mahalaga ring matukoy ang tunay na kahulugan at

interpretasyon ng di-verbal na komunikasyon sa bawat kultura.

Sa pag-aaral at pakikibagay sa kultura ng iba, hindi dapat ,maging sagwil sa pagkakaunawaan

ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa ang kanya kanyang kultura ng indibidwal manapa’y

hanapin ang pagkakatulad sa sariling kultura. Maktutulong sa pagpapayaman ng kaalaman ang pag-

aaral sa magkakaibang paraan ng pakikipagkomunikasyon na siyang nagsisilbing identidad ng bawat


nasyon. Kung wala mang lalabas na pagkakatulad sikaping pahalagahan ang natutuhang bagong

kultura. Iwasan ang panghuhusga o pamimintas sa kultura at sa halip ay igalang ang kultura ng iba.

Ang pagtanggap sa natutuhang kultura ang magsisilbing tulay sa mabilis na pakikipag-ugnayan at

pakikibagay sa iba’t ibang panig ng mundo.

SANGGUNIAN

Mangahis, Josefina C. Pagsulyap sa Cross-Cultural na Komunikasyon.

Dalumat e-Journal. https://ejournals.ph

You might also like