Tanghalan Sa Teatro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Introduksiyon sa Pag-aaral ng Wika

1. Ayon sa kanya ang wikang hindi nanghihiram ay patungo sa pagkamatay?


a. Alfoso Santiago
b. Chomsky (1965)
c. Gleason
d. Hill (2000)

Rationalization:
a. Tama, dahil isa sa katangian ng wika na ang lahat ng wika ay nanghihiram. At ang
panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa mas mabisang
pagpapahayg at mahusay na pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang tao sa lipunan.
b. Mali, dahil ayon sa kanya ang wika ay malikhain at dinamiko.
c. Mali, ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo.
d. Mali, ayon naman sa kanya ang wika ay isang pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawainng pantao na binubuo ng mga tunog na nalilikha ng
aparato sa pagsasalita.

2. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita. Anong
katangian ito ng wika?
a. Ang wika ay sinasalitang tunog
b. Ang wika ay ginagamit
c. Ang wika ay nagbabago
d. Ang wika ay komunikasyon

Rationalization:
a. Mali, makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog.
b. Mali, ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.
c. Mali, dinamiko ang wika, hindi ito maaring tumangging magbago.
d. Tama, dahil ang tunay na wika ay wikang sinasalita.

3. Ang wika raw ay bunga ng masidhing damdaming naibubulalas ng tao.


a. Teoyang Pooh-pooh
b. Teoryang Yo-he-ho
c. Teoryang Bow-wow
d. Teoryang Ta-ta

Rationalization:
a. Tama, ang unang tao ay natutong magsalita dahil sa hindi sinasadyang
pagbulalas ng kanilang masidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, takot, sakit,
lungkot, pagkagulat at iba pa.
b. Mali, ayon sa teoryang ito ay mula sa pwersang pisikal ng tao, naklilikha siya ng
mga tunog.
c. Mali, ayon sa teoryang ito ginagagad ng tao ang mga tunog na nagmumula sa
kalikasan.
d. Mali, ayon sa teoryang ito ang wika ay resulta ng paggalaw ng mga parte ng
katawan lalo na ng dila at bunganga.

4. Ayon sa teoryang ito, ang tunog daw ay nagmumula sa mga ritwal na isinasagawa ng
ating mga ninuno.
a. Teorayng Yum-yum
b. Teoryang Ma-ma
c. Teoryang Hey you!
d. Teoryang Tara-ra-boom-de-ay

Rationalization:
a. Mali, ayon sa teoryang ito, ang tao ay tumutugon sa mga bagay na
nangangailangan ng reaksyon tulad ng pag-ungol, pagtanggi, o pagdududa man.
b. Mali, nagsasabing ang wika nagsimula sa mga madaling ibigkas na mga salita na
tinutukoy nila sa mga bagay-bagay.
c. Mali, ayon sa teoryang ito dahil sa kagustuhan ng tao na makipag-ugnayan sa
ibang tao o bagay sa paligid niya gumagawa siya paraan upang maisakatuparan
ito.
d. Tama, dahil may mga seremonyang ginagawa ang mga sinaunang tao sa kanilang
mga mahahalagang Gawain gaya ng pag-aasawa, pagtatanim at pakikidigma.

5. Tunog na pangagaya sa mga hayop.


a. Teoryang Bow-wow
b. Teoryang Ding-dong
c. Teoryang Yo-he-ho
d. Teoryang Pooh-pooh

Ratinalzation:
a. Tama, ayon sa teoryang ito, ginagagad ng tao ang mga tunog na nagmumula sa
kalikasan tulad ng tunog ng tuko, niyaw, tilaok at tagiti.
b. Mali,ang lahat ng tao o bagay sa paligid ay kusang lumilikha ng sariling tunog.
c. Mali, ang pagsasalita ng tao ay bunga ng pwersa pangkatawan.
d. Mali, ang wika raw ay bunga ng masidhing damdaming naibubulalas ng tao.

You might also like