Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

7

Araling Panlipunan
Activity Sheet
Kuwarter 3 - MELC 1 (Wk 2)
Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo ng mga Kanluraning
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
(Ika-16 Hanggang Ika-17 Siglo)

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Araling Panlipunan 7
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 2
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang
magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 7

Manunulat: Lorna G. Cajolo


Editor: Ida Flor C. Ferraris, Ceferina M. Aplaon
Tagasuri: Ronita T. Vingno, Agnes L. Paraba
Tagaguhit: Anthony M. Cordilla
Tagalapat: Annamor M. Eleccion, Llaine Grace B. Coronel
Schools Division Quality Assurance Team:
Ronald B. Acson
Khan J. Montalvo
Ramona M. Bisonaya
Schools Division of Sipalay City Management Team:
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Agnes L. Paraba
Ronita T. Vingno
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico, Ed.D. CESO IV
Pedro T. Escobarte Jr., CESO V
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Mary Hazel Vivien M. Pineda

2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa
pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sipalay City-Division sa pakikipagtulungan
ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan
at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi
ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang matulungan
ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga
gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.2

Pangalan: _________________________________________Seksiyon:________________
Petsa: ____________________________________________ Grado: _________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7


Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluraning
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
(Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


● Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
kanluranin sa unang yugto ng pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya noong Ika-
16 na siglo (AP7TKA-IIIa-1.1-WEEK 2)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Maaaring nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang nakasakop sa


mga bansa sa Asya. Napakalayo ng Europe sa mga bansa sa Asya pero nakarating pa rin
sila at nanakop pa ng teritoryo. Ang pananakop na ito ay nagdudulot ng maraming pagbabago
sa buhay ng mga Asyano- mga mabuti at hindi mabuting pagbabago.

Sa Araling ito, isa-isahin natin ang mga pangyayaring naganap sa Timog at


Kanlurang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya noong ika-16 hanggang ika-17 siglo.

Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at Educational Sites)


III.

Mula sa Aklat:
● Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba , Araling Panlipunan :
Modyul para sa mga Mag – aaral, pahina 196 –201-214
● Kabihasnang Asyano Kasaysayan at Kultura, - nina Grace Estelita C. Mateo,
Ph.D., Et al, pahina 266-270
● Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. –Araling Panlipunan- Ikalawang
Taon,pahina 272-276- nina Grace Estelita C. Mateo, Ph.D., Et al

● Project Ease Araling Panlipunan II: Modyul 3 – Sinaunang


Kabihasnan sa Asya pahina 41 – 49

4
Basahin at suriin ang nilalaman ng teksto sa ibaba.

A. Mga Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluraning Bansa sa


Timog at Kanlurang Asya noong Ika-16 hanggang Ika-17 siglo.

Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin

Nagpaligsahan ang mga bansang ito sa pangunguna ng Portugal sinundan ng


Spain,England, France , Netherlands at iba pa, para tanghaling pinakamakapangyarihan na
bansa sa mundo sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga lupain.

Taong 1494 ay nagtalaga ng line of Demarcation o hangganan kung saang bahagi ng


bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang nangungunang bansa ang Portugal at Spain
sa pamamagitan ng Papa ng Simbahang Katoliko. Ayon sa Kasunduang Tordesillas, ang
Portugal ay maggagalugad sa bandang silangan samantala ang Spain ay sa bandang
kanluran.

1. Portugal. Noong1502 nagbalik at nagtalaga si Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan


sa Calicut, India. Noong 1505 ipinadala ni Francisco de Almeida bilang unang viceroy
sa Silangan. 1510 sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque nasakop ang Ormuz sa
Golpo ng Persia (Iran ngayon). Diu,Goa sa India, Aden sa Red Sea, Malacca sa
Malaya at Moluccas sa Ternate, Macao sa China at Formusa (Taiwan sa
ngayon).Noong una ang kanilang motibo o pamamaraan ay pangkabuhayan o pang-
ekonomiya hanggang maipasok ang kristiyanismong katolisismo sa nasasakupan
nito.Mga daungan ang piling sakupin ng Portugal upang makontrol ang kalakalan.

2. Spain. Noong 1580 sinakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon. 1640, Nakalaya ang
Portugal, ang kanyang kolonya nakuha ng England at France. Isinagawa ang
ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ang paglalayag kakaiba ang kanyang ruta
naglayag siya pakanluran at narating ang Silangan. Tinawid ang Atlantic Ocean at
binaybay ang South America at tinawid ang Pacific Ocean.

Noong 1521, narating ni Magellan ang Pilipinas.Ang kapuluang kanyang


inangkin ay para sa hari ng Spain at nakapagtatag si Magellan ng permanenteng
pamayanan sa Pilipinas, Noong 1565, sa pamumuno ni Roy Lopez de Legaspi, pormal
na nasakop ng Spain ang Pilipinas at itinatag ang Maynila bilang kolonyal na kapitolyo.
Ipinalaganap ang Kristiyanong Katolisismo sa pamamagitan ng mga Prayle.
Pagkatapos ng ika-16 na siglo napalawig ng Spain ang soberenya sa Piliipinas sa
halos buong kapuluan.

3. England. Nakipagpaligsahan rin ang England sa pamamagitan ng Italyanong mariner


na si John Cabot. Napasailalim ng England ang Nova, Scotia, Canada. Noong 1588
natalo ang England ng Spanish Armada ibinuhos nito ang kanyang atensyon sa
kalakalan. Sa pamamagitan ng pagtatag ng East India Company naging sentro ng
kalakalan ang India.Sinundan ang pagsakop sa Ceylon (Sri Lanka), Malaya at
Singapore at pulo ng Hilagang Pasipiko.1612 nagtatag ng paggawaan sa Surat. 1622
tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban sa Portuges sa dahilan makapagtatag ng

5
sentro ng kalakalan sa kanluran at silangang baybayin ng India. Sa pamamagitan ng
concession ( pagbibigay ng espesyal na karapatang pagnegosyo) lider ng Imperyong
Mogul.Noong una pangkbuhayan ang dahilan ng England sa pagpunta sa Sa India
hanggang sa Nakuha ng Ingles ang Imperyo sa dahilang mahina ang pamumuno sa
tuluyang sinakpo ng England ang India sa malaking pakinabang sa likas na yaman
nito.

4. France. Nakahuha rin ng teritoryo ang France sa Quebec, Canada, Louisian sa


Amerika. Noong 1664, Ginamit ang French East India Company upang
makipagsabwatan sa pinunong local ng Bengal. Nakapagtatag ng pamayanang
pangkomersiyal sa Pondicherry, Chandarnagore, Mahe at Karikal. Noong 1756-1773
ang “Seven Years War’ (global Conflict) ng Egland at France sa tulong ni Robert Clive
na siyang nagtatag ng tunay na pundasyon ng Ingles sa India. Natapos ang interes
nito ng nagtagumpay ang England na nananatiling matagal na mananakop ng India.

5. Netherlands. Sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namamahala rin


sa isang bahagi ng India. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies (Indonesia sa
ngayon).

Pananakop sa Kanlurang Asya

Sa unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Asya ay hindi nagkainteres sa


Kanlurang Asya ang mga kanluranin dahil sakop ito ng Ottoman Turk sa pamamagitan
pagahahari ng relihiyong Islam. 1507 nakuha ang Oman at Muscat ng mangangalakal na
Portuges ngunit napatalsik ng Arabe noong 1650. 1907, ang Bahrain ay naging protectorate
ng Great Bretain. Ngunit napatalsik ang British ni Heneral Shah Pahlavi.

B. Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluraning Bansa sa


Timog at Kanlurang Asya noong Ika-16 hanggang Ika-17 siglo.

1. Portugal. Sinakop nito ang mga daungan sa baybaying –dagat upang makontrol ang
mga daungan ng kalakan mula Persian Gulf, India hanggang China.
2. Spain. Naipalaganap ang Katolisismong Kristiyanismo, sistemang pamahalaang
kolonyalismo, at merkantilismo
3. Netherlands. Pagbuo ng Dutch East India Company upang mapasailalim ang
kalakalan sa pamamagitan ng pananakop ng lupain.
4. Sistemang Merkantilismo. Ang mga bansang sumunod sa merkantilismo ay higit na
maraming iniluluwas na mga yaring produkto galing sa kanilang bansa kaysa
iniaangkat na produkto mula sa kanilang kolonya. Sa ganitong kalagayan laong
umunlad ang mga makapangyarihang bansa ng mga estado sa Europe. Ang pananaw
ng kolonya ng bansa na ang produkto nabili sa Europa ay higit na mataas ang kalidad,
bibili kahit mahal.

6
Ang Portugal, England, at France ang mga bansang kanluranin na nakarating sa India.

Sa pag-iral ng prinsipyong pang–ekonomiyang merkantilismo , ang bansang


Kanluranin ay may iisang layunin papunta sa Asya, ang masakop ang lupain. Sa huli ang
England ay nagtagumpay para maisakatuparan ang interes sa likas na yaman at hilaw na
materyales ng India.Samantala ang Kanlurang Asya sa panahong ito ay hindi nasakop agad
dahil sa pinaghaharian ito ng napakalakas na Imperyong Ottoman, at pinagpatibay ng
pagkakaisa dahil sa relihiyong Islam sa rehiyon.

IV.Gawain
PANUTO. Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga gawain na
magtatakda kung ano ang iyong alam sa mga aralin. Basahing mabuti at suriin ang bawat
pahayag. Bigyan pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan upang mabigyang
linaw at malaman ang mga tamang kasagutan sa mga aralin na itatakda sa Learning Activity
Sheet na ito.

Gawain 1: Suriin Natin!

PANUTO. Suriin ang nilalaman ayon sa tekstong nabasa. Ano kaya ang mga paraan
ng mga bansa sa Europe na nangunguna sa paggagalugad ng mga lupain?

A. Gamit ang bunga ng iyong pagsusuri isulat sa pamamagitan ng RETRIEVAL


CHART sa ibaba ang mga paraan na ginamit ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga sagot ay isulat sa pormang
pangungusap sa inyong sagutang papel.

Mga Paraan Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanluran


Asya (Ika-16 Hanggang Ika-17 na Siglo)

Mananakop Mga Paraan ng Pananakop Epekto sa Bansang sakop

1. Portugal

2. Spain

3. England

4. France

5. Netherlands

7
Gawain 2: Magsalita Tayo!

PANUTO: Ayon sa inyong pagsusuri sa teksto, isa-isahin ang mga epekto


ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa ika- 16
hanggang ika-17 siglo.

Ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Timog at Kanlurang


Asya ay ang mga sumusunod:

1. _______________________________________________________________________.
______________________________________________________________________.

2. _______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

3. _______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

4. _______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

5. _______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Gawain 3: Ano Kaya?

PANUTO: Sagutin ang mga katanungan ukol sa nabasang teksto. Ayon sa iyong
pagsusuri ang mga paraan at epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluraning
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya noong Ika-16 hanggang Ika-17 siglo.

1. Paano nagtagumpay ang mga Bansang Kanluranin sa kanilang paraan sa pagsakop


ng mga lupain sa Timog at Kanlurang Asya?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________.

2. Sa pagsusuri sa epekto sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismong naganap


sa Asya noong ika-16 hanggang ika-17 siglo, paano nagbago ang pamumuhay ng
Timog at Kanlurang Asyano?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________.

8
Gawain 4: Gawin mo!

PANUTO: Ayon sa inyong pagsusuri sa teksto, gumawa ng EDITORIAL CARTOON


o POSTER na nagtatampok sa simbolo ng kolonyalismo at imperyalismo at mga epekto ng
kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa Ika-16 hanggang
Ika-17 siglo.

Rubric sa paggawa ng EDITORIAL CARTOON o PAGGAWA NG POSTER

Criteria 20 18 15 10
Napakahusay Mahusay Kulang sa Walang
Husay kahusayan
Nilalaman -7 Ang Di masyado Di masyadong Walang
pagkakagawa tumpak ngunit tumpak at may kaugnayan sa
ay tumpak sa may kaugnayan kaunting paksa.
paksa. sa paksa. kaugnayan sa
paksa.
Presentasyon/ Ang Ang Di masyadong Di maunawaan
organisasyon- pagkakagawa pagkakagawa maunawaan at ang
7 ay klaro at ay klaro ngunit di kalinisan ang pagkagawa
malinis. di masyado pagkagawa.
malinis.
Pagkamalikhain Mayroong Orihinal ngunit Walang Di natapos ang
-6 orihinalidad at di masyadong orihinalidad at di gawain.
mahusay ang mahusay ang mahusay ang
pagkakagawa. pagkakagawa. pagkakagawa.
TOTAL- 20

9
V. Repleksiyon

Gawain 5.

PANUTO: Gumawa ng inyong repleksyon mula sa teksto.


Batay sa iyong pagsusuri mula sa akda, bilang isang mag-aaral, paano mo
maisasabuhay ang paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa pagtataguyod ng
pagmamalasakit sa sariling bayan? Isulat sa isang talata na binubuo ng tatlo hanggang limang
pangungusap sa inyong sagutang papel.

10
11
GAWAIN 1,
Manankop Paraan ng Pananakop Epakto sa Bansang Sakop
Portugal Pangkabuhayan at pang-ekonomiya,, pagpairal Nagbago ang pangkabuhayan at
ng kristiyanismo sistema ng pamahalaan
Spain Sa pamamgitan ng ekspedisyon , pagpalaganap Niyakap ang Kristiyanong Katoliko a.
ng kristyiyanong katoliko, pagtatag ng Pamhalaang Sistemang kolonyal .
permanenteng payanan
Naitatag ang permanenteng pamayanan
ng pamayanan
England Sa pamamaraang pagtatag ng kalakalan East Nakapagpaggawa ng pagawaaan,
India Company , concession o espesyal na
karapatan sa pagnenegosyo Nakinabangang a ng kanluranin ang
likas na yaman
France Sa pamamagitan ng French East India Company Pagpairal ng sistemang Merkantilismo
Netherlands Sa pamamagitang ng pagtatag ng Dutch East Pagbuo ng Dutch East India Company
India Company
Gawain 2.
1.Nagtagumpay ang Bansang Kanluranin sa pagsakop sa mga bansa sa Tomog at Kanlrang Asya noong Ika-16 hanggang Ika-
17 siglo sa Pag-iral ng prinsipyong pang –ekonomiyang merkantilismo o kalakalan ….
2. Batay sa aking pagsusuri ang pagpapalaganap ng kristiyanismong katolisismo ng bansang Kanluranin sa Asya ay…
3.Ayon sa aking pagsusuri sa epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo ng bansang Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya noong Ika-16 hanggang Ika-17 siglo ay ang pananaw ng kolonyang bansa na ang produkto nabili sa Europa
ay higit na mataas ang kalidad, bibilhin kahit mahal at pagbabago sa pinairal na pamamahala batay sa kolonyang sistema ng
pamahalaan ng Kanluranin…….
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like