Professional Documents
Culture Documents
Worksheets 3rd Quarter Filipino 5
Worksheets 3rd Quarter Filipino 5
Filipino
3 Quarter
rd Gamit ng Pang-uri at Pang-abay
Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.
1. _____________ Ang tumatakbong kabayong itim sa Manila Jockey ay matulin.
_____________ Matulin tumakbo ang kabayong itim sa Manila Jockey.
2. _____________ Masigla ang mga tao sa Carmona tuwing piyesta.
_____________ Masiglang sumasayaw ang mga tao sa Carmona sa piyesta.
3. _____________ Ang guro namin ay mahusay magpaliwanag ng mga kababalaghan.
_____________ Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa mga kababalaghan.
4. _____________ Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.
_____________ Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong pambata.
5. _____________ Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang manggagawa sa Saudi Arabia.
_____________ Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris sa Saudi Arabia.
Worksheet #2
Filipino
3 Quarter
rd
Pagsusunod – sunod ng mga Pangyayari
Panuto: Basahin ang kuwento. Pagsunod sunorin ang mga pangyayari ayon sa kuwentong
binasa. Ilagay ang bilang 1-10 sa patlang.
“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili ninyo
para sa akin,” pagtatapat ng bata.
“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana,
inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nagsinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.
Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang
magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga
binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at
mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling.
____ Nangako si Kulas na pahahalagahan na niya ang ibibigay sa kanya ng mga magulang at hindi siya
muling magsisinungaling.
____ Humingi ng tawad si Kulas sa kanyang ina sa pagsisinungaling na ginawa niya.
____ Balisa si Kulas sa kaniyang kwarto.
____ Inutusan ng kanyang nanay si Kulas na kunin at dalhin sa kanya ang bagong sapatos.
____ Tinanong ng ina si Kulas kung bakit luma pa din ang suot niyang sapatos.
____ Habang itinatali ng in ani Kulas ang sintas ng anyang sapatos, napansin nyang luma ang suot na
sapatos ni Kulas.
____ Hindi na nakasagot si Kulas dahil dumating na ang sasakyang maghahatid sa kanila sa paaralan ng
kanyang kapatid na si Leon.
____ Nagulat si Kulas pagdating sa kanilang bahay dahil sa kahon ng sapatos.
____ Isinuot ni Kulas ang bagong sapatos kinabukasan dahil may klase sila sa P.E
____ Sinumbatan ng kanyang tatay ang kaniyang nanay dahil Nakita nitong luma pa din ang ginagamit na
sapatos ni Kulas.
Worksheet
#3
Filipino Opinyon o Katotohanan
3 Quarter
rd
Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O kung
ito ay isang opinyon.
________ 1. Ang Sorteo Festival ay isang kilalang pagdiriwang sa Carmona.
________ 2. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
________ 3. Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
________ 4. Sa aking palagay ay ligtas manirahan sa Carmona.
________ 5. Maraming paragliders ang nagpapalipad ng parachute sa paragliding sa Carmona.
________ 6. Ang paggamit facemask at face shield ay isang paraan upang maproteksyonan ang ating sarili
laban sa COVID 19.
________ 7. Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
________ 8. May pitong araw sa isang linggo.
________ 9. Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
________ 10. Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
Worksheet
#4 Paggamit ng mga Pang - Angkop
Filipino
3 Quarter
rd
Worksheet
#5
Filipino Salitang Magkasingkahulugan at Magkasalungat
3 Quarter
rd
Dalawa sa tatlong salita sa bawat bilang ay magkasingkahulugan. Lagyan ng ekis ang salitang kasalungat ng dalawang
salita.
Halimbawa:
(magkasingkahulugan ang maikli at maigsi kaya ang nilagyan ng ekis ay mahaba dahil ito ang kaslungat ng dalawang
salita)
Worksheet
#6 Pagtukoy ng Simuno at Panaguri
Filipino
3 Quarter
rd
2. Mas makakaiwas sa mas malalang epekto ng COVID 19 ang mga taong nabakunahan.
3. Ang mga sentrong pangkalusugan ng pamayanan ay magbibigay ng libreng bakuna sa mga mamamayan ng
Carmona.
7. Pumupunta sa dentista dalawang beses sa isang taon ang buong pamilya Santos.
8. Ang mabuting paghuhugas ng mga kamay ay mabisang paraan para maiwasan ang iba’t ibang sakit.
Panuto: Basahin ang teksto. Piliin ang angkop na pamagat sa nabasang teksto.
1. Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limandaang uri ng pating.
Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang
pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay
umaabot sa haba na labindalawang metro. Ano ang maaari nating ibigay na pamagat dito?
2. Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Kagabi pa lamang ay inihanda na niya
ang kanyang uniporme. Naka-ayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo, mabilis na
bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. "Julia, mukhang handa ka
na para sa unang araw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay. "Opo! Sabik na po akong pumasok!" ang sagot ng
bata. Ano kaya ang magandang pamagat para sa kuwentong ito?
a. Ang Unang Araw ng Pasukan c. Sabik nang Pumasok si Julia
b. Ang Paaralan ni Julia d. Si Julia at ang Paaralan
3. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang
ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang
bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa
ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan
a. Tradisyon ng mga Pilipino c. Kapistahan ng mga Pilipino
b. Ang Bayanihan d. Mga Kapistahan sa lalawigan
4. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang
pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang
problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating
pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
a. Ang Pamilyang Pilipino c. Ang Pamilya
b. Ang Problema sa Pamilya d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
5. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog
sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
a. ang niyog b. Ang mga Gamit ng Niyog c. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog
6. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa
pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling
magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa
pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
a. Ang kawanihan ng Rentas Internas c. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas
b. Ang kawanihan ng internas rentas d. ang kawanihan ng internas rentas
7. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang
kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa
bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
8. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado ng buwan
ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi nakakadalo sa Setyembre.
Bago ang mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa
dambana ang imahen at idinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga bangka
a. Kapistahan ng Bicol b. Kapistahan ng Our Lady of Penafrancia
b. Kapistahan sa Buwan ng Mayo d. Setyembre, Kapistan ng Penafrancia
9. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130
kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa
mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga corals at iba pang laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga
katubigan.
a. Ang Puerto Galera c. Sa Bahagi ng Region IV
b. Ang Dinarayo sa Mindoro d. Ang Oriental Mindoro
10. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin.
Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-
aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin.
Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.
a. Ang Katangian ng mga Pilipino c. Ang mabuting Pagtanggap
b. Ang PAglilinis ng Kabahayan d. Pinagkakaabalahan ng mga Pilipino
Worksheet
#8
Filipino Pangkalahatang Sanggunian /Pormularyo
3 Quarter
rd
Panuto: Tukuyin ang sangguniang dapat gamitin upang matugunan ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang sa kahon
ang sagot.