Cot 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

COT 1

FILIPINO- 5
TEACHER: AMELIA T. BALASABAS
DATE: FEBRUARY 24, 2022
QUARTER: 2
I. LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan
ng kasingkahulugan (F5PT-IIf-1-4)
 Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F5PB-IIc-6.1)
 Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito. (F5PL-)a-j1)

II. PAKSA
Pagbibigay ang Sanhi at Bunga
Integration: Science, ESP, EPP, HEALTH, DRRM
Mult-intelligence Developed: Verbal, linguistics , Interpersonal
Value: Pagpapahalaga sa tubig, Paggalang sa nakakatanda

Kagamitan: Charted exercises, activity sheets, video, larawan, power point


Mga pahina sa textbook: Wika at pagbasa 5 Pp 154-159, 146-147, 173-175

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Balik-aral
Pagpapakita ng tubig

Mahalaga ba ang tubig?


Paano gamitin ang tubig?

Piliin sa kahon ang kahulugan ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa pangungusap.


Sumunod
Ibinigay
Kulang na kulang
lumabas
Nawala
_____________1. Ang mga balong panustos ng tubig ay salat para sa dami ng tao.
_____________2. Marami ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
_____________3. Animo isang malaking telebisyon ang lumitaw sa kumpol ng alapaap.
_____________4. Ang tanawin ay agad napawi kaya wala na akong nakikita.
_____________5. Mabilis na tumalima ang katulong sa utos ni Raul.
B. PAGHAHABI NG LAYUNIN
Ngayun ay ating pag-aralan ang sanhi at bunga pagkatapos basahin ang isang kwento tungkol sa
tubig.

Tubig
Isinulat Ni Amelia T. Balasabas

Alas 3:00 ng madaling araw ng magising si Sean upag umihi. Siya ay natungo
sa banyo ng papikit-pikit pa ang kanyang mga mata. Agad niyang binuksan ang ilaw.
Nang kanyang makita ang balde ay wala itong lamang tubig pambuhos ng banyo kaya
ito ay kanyang binuksan. Nang siya ay matapos umihi agad siyang bumalik sa kwarto
upang matulog muli. Nakalimutan niyang patayin ang gripo.
Alas 6:00 ng umaga ng magising naman ang kanyang Ina. Tumambad sa
kanyang mga mata ang umaagos na tubig galing sa banyo patungo sa sala. Ano ang
nangyari dito? Bakit hindi pinatay ang tubig. ( Sigaw ng kanyang Ina). Nagising naman
si Sean at ito’y tumungo sa kanyang Ina. Kaya siya’y tinanong nito. Sean? Ano ang
nangyari? May alam kaba dito?.Umiling lamang si Sean. At nang maalala niya na siya
pala ang dahilan nito. Ma, sorry po. Nakalimutan ko po palang patayin ang gripo
kaninang madaling araw gawa po ng antok na antok pa po ako.Ito nama’y
naiintindihan ng kanyang Ina . Bagkus na magalit ay kanya itong pinayuhan na sana
huwag na itong mangyari ulit. Dahil bukod sa pagbaha sa loob ng sala, ay tataas din
ang bayarin sa tubig. Sinabihan din niya na maraming mga tao lalo na sa syudad ang
kapos sa tubig. Mula noon ay maingat na si Sean at hindi na iyon nangyari ulit.

(Apple graphic organizer)

C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG


ARALIN

Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


Bakit nagising si Sean ng madaling araw?
Ano ang nakalimutang patayin ni Sean?
Sa tingin mo ba maraming Sean ang nag-aksaya ng tubig ng hindi sinasadya? O sinadya?
Ginagamit mo ba ng wasto ang tubig?
Ano ang gamit ng tubig?
Kung walang tubig, ano ang mangyari sa atin?
Ano ang dapat nating gawin sa tubig?
D. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD
NG BAGONG KASANAYAN #1

Magbigay ng pangungusap batay sa nakitaninyong larawan na


may sanhi at bunga.

Piliin sa Hanay B ang Bunga ng mga sanhi sa Hanay A batay sa pangyayari sa kwento.
HANAY A- SANHI HANAY B- BUNGA
Nag-aaksaya ng tubig Baha sa loob ng banyo
Nakalimutang patayin ang gripo sa banyo Pinayuhan si Sean na huwag kalimutang patayin
ang tubig upang hindi tumaas ang bayarin ng tubig
Inamin ni Sean na siya ang may kasalanan sa Basa ang mga gamit sa salat
pagbaha ng tubig sa banyo
Baha ang sala Kinapos sa tubig

E. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASAYANAN #2


Bakit ang nasa Hanay A ay sanhi? Bakit ang nasa Hanay B ay bunga?
Ano ang ipinapahayag ng sanhi? Ano ang ipinapahayag ng Bunga?

SANHI: Ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.


Kadahilanan ng mga pangyayari.

BUNGA: Kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.


Epekto ng pangyayari
F. PAGLINANG SA KABIHASAAN (TUNGO SA FORMATIVE TEST ASSESSMENT)
GROUP ACTIVITY
 UNANG GRUPO
Piliin ang mga sanhing nasa kahon at ang mga bunga sa sumusunod :
 Hindi naligo ng dalawang araw
 Kumain si Maria ng hindi naghugas ng kamay
 Maagang lumandi si Carlly Mae

 Namasyal sa parke ng hindi nagsuot ng mask


 Pinutol ang mga puno sa paligid

_____________________________________________
Mabaho ang katawan
_____________________________________________
Maagang nabuntis.
_____________________________________________
Maini tang paligid
______________________________________________
Hinuli ng pulis

Group II
Tingnan ang larawan, Sumulat ng 5 pangungusap na may sanhi at bunga.

Group III
Isadula ang isang pangyayari ng may sanhi at bunga
Pangyayari:
G. PAGLAPAT NG ARALIN SA ANG- ARAW-ARAW NA BUHAY
Kung may gagawin tayo sa buhay tandaaan na mayroon palaging bunga, kaya, ano ang dapat
para
Maganda ang bunga ng lahat ng ating ginagawa?
Kung mag-aksaya ng pera , ano ang bunga?
Kung mag-aksaya ng tubig , ano ang bunga?
Kung mag-aksaya ng kuryente, ano ang bunga?
H. PAGLALAHAT NG ARALIN
SANHI: Ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Kadahilanan ng mga pangyayari.

BUNGA: Kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.


Epekto ng pangyayari

IV. PAGTATAYA
Pagtambalin ang sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagguhit sa Hanay A hanggang
Hanay B.

Hanay A Hanay B
 Pagkat may bisita tayo bukas 1. Kaya hindi kona binili
 Masyadong mahal ang sapatos 2. Maghanda tayo ng pancit bihon
 Bukas ay mamamasyal tayo at 3. Sapagkat araw-araw nitong
manuod ng seni inaalagaan
 Napakaganda ng hardin ni lola
 Maaga akong gumising kanina 4. Ayaw kong mahuli sa klase

5. Dahil kaarawan mo

V. KARAGDAGANG GAWIN
Ibigay ang Sanhi
1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil _____________________________
2. Hindi pumasok sa opisina si Amelia pagka’t _________________________________
3. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate__________________________

Ibigay ang bunga


1. Tulog ang sanggol kaya ________________________________________
2. Pagka’t malakas ang sikat ng araw __________________________________

Prepared by:
AMELIA T. BALASABAS
TEACHER 1
CHECKED BY:
VILMA V. SIENES
PRINCIPAL

You might also like