Professional Documents
Culture Documents
AP ESP10 Q4 W1 Supplemental
AP ESP10 Q4 W1 Supplemental
WRITTEN TASKS #1
A. MULTIPLE CHOICE. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang sumusunod ay mga isyu sa kawalan mg paggalang sa sekswalidad at dignidad ng tao.
Alin ang hindi?
a. Pornograpiya b. Postitusyon c. Pang-aabusong sekswal d. Pag-aasawa
2. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung sekswal?
a. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kanyang amain sa maseselang bahagi ng
kanyang katawan.
b. Matagal nang magkasintahan sina Lino at Ailen kaya niyaya na ni Lino si Ailen na
magpakasal para bumuo ng pamilya.
c. Isang linggo pa lamang na magkasintahan sina Bing at Leni. Niyaya ni Bing si Leni na
pumasok sa isang motel para patunayan nito ang pagmamahal.
d. Nagkayayaan ang magbabarkada na manood nag bold movies sa bahay ng isa nilang
kaibigan.
3. Ang mga sumusunod na inilalahad sa bawat sitwasyon ay mga maaaring kadahilan ng
pagkakasangkot sa pre-marital sex, maliban sa isa.
a. Matalik na magkaibigan sina Jana at Alfred. Sila’y nagkayayaang mag inuman tapos
nalasing at nakalimutan ang kanilang mga sarili.
b. Ang mga kaibigang babae ni Trisha ay may kanya-kanyang boyfriend.
c. Malimit na manood ng porn si Leo. Inanyayahan niya ang kanyang girlfriend na
manood.
d. Katatapos pa lamang ng kolehiyo ni Rusvy at Chinie. Sila’y magkasintahan sa loob ng
dalawang taon. Malaki ang respeto ni Rusvy kay Chinie. Siya ay namanhikan at silay
nagpakasal.
4. Tamang panahon kung saan maaaring magtalik ang isang babae at lalaki.
a. Kapag nagustuhan ang isa’t-isa c. Kapag sexually-active na
b. Pagtapos ng unang halik d. Pagkatapos ng kasal
5. Ang sekswal na gawain ay ginagawa ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal para sa
dalawang layunin.
a. magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa (unitive)
b. makaranas ng kasiyahan at kaayusan.
c. makapagmana at makapagmay-ari sa mga ari-arian ng mga magulang
d. para paglingkuran ng babae ang lalaki dahil pagmamay-ari nya ito.
6. Uri ng sekswal na pang-aabuso, maliban sa isa
a. panghihipo c. panliligalig (sexual harassment)
b. pangmomolestiya d. pagsasalita ng masasakit
7. Ang mga sumusunod ay mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik sa mga nagbebenta
ng panandaliang –aliw, maliban sa isa.
a. sexually transmitted disease b. AIDS c. skin disease d. liver cirrhosis
8. Mga dahilan kung bakit napapasok sa pagbenta ng katawan. Alin ang hindi?
a. kahirapan b. walang muwang c. nakapagtapos ng pag-aaral d. human trafficking
9. Siya ang nagkaloob sa sekswal na damdamin.
a. Diyos b. Pamilya c. Tao d. Pari
10. Mga isyu sa kawalang ng paggalang sa sekswalidad
a. premarital sex, pornograpiya, pagpapatiwakal, abortion
b. premarital sex, prostitusyon, pornograpiya, sexual abuse
c. euthanasia, plagiarism, prostitution, drug addiction
d. terorismo, alkoholismo, nepotism, sexual harassment
B. HANAP-SALITA Hanapin sa kahon ang mga salitang hinihingi sa bawat numero. Bilugan
ang mga salita at isulat ito sa nakalaang patlang.
C Y B E R S E X O A K M N K
H O T M A M A Y G I W O L A
I U W A P A M P A D Y L L S
L T A T E R A O U S I L P A
D U G R R T E L U I I O E L
A B U T M E N T O P S I D E
B A B O R T I O N Y I J O S
U N R R O T J Y Y Y U K P A
S T A S S A K E N Y G M H F
E O R O S V E N U S G E I V
P O R N O G R A P I Y A L X
T P R E M A R I T A L S E X
1. Pagtingin o pagbabasa ng malalaswang panoorin at babasahin. _____________________
2. Pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ang pera. _______________________________
3. Mga taong nahuhumaling sa maliliit na bata. ____________________________________
4. Paglalaglag sa fetus mula sa sinapupunan ng isang ina. ___________________________
5. Pagtatalik na ginagawa na walang basbas ng Diyos. ______________________________
6. Pakikipagtalalik sa pamamagitan ng internet. ___________________________________
7. Sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik sa taong nagbebenta ng aliw. ____________
8. Salitang Ingles ng panggagahasa. _____________________________________________
9. Isang manunulsol o tagapangalakal ng patutot o prostitute. ________________________
10.Pag-iisang dibdib ng babae at lalaki. Basbas ng Diyos. ____________________________
C. KOMENTO Tukuyin kung sa anong isyu ang mga ito nabibilang at ilagay ang inyong
komento.
1. Si Miaka ay isang fresh graduate ng college, matalino, at maganda. Nagpunta siya sa isang
kompanya para mag-apply. Nandoon ang isang lalaking tagatanggap ng application. Sinabi nya
kay Miaka na magbalik sa opisina nila ng alas 10 ng gabi dahil pagkabukas umano’y
matatanggap na siya agad. Nagbalik si Miaka sa nasabing kompanya. Nagulat siya nang makita
nyang walang ibang tao dito. Lumapit ang lalaki at ibinulong kay Miaka na matatanggap agad
siya kapag pumayag siya sa gusto nito.
Isyung nabibilang: ___________________________________________________________
Komento: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Si Tama ay batang lalaking mahilig magcomputer. May nag-chat na hindi nya kakilala. Sa
simula ay nagpakilala nang maayos ang tao. Ito nama’y sinagot ni Tama nang maayos. Naging
kampante sila sa pag cha-chat. Habang lumilipas ang mga araw ay naging agresibo ang tao at
hiniling nyang ipakita ni Tama ang kanyang paa hanggang hita papunta sa maseselang bahagi
ng kanyang katawan. Lingid sa kaalaman ni Tama na sini-save ng lalaki ang kanyang larawan at
ibinibenta ang mga ito.
Isyung nabibilang: ___________________________________________________________
Komento: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. May mga taong magagara ang pananamit na umakyat sa bundok kung saan nakatira ang
pamilya ni Susan. Kahit nasa bundok ay nakapag-aral si Susan, hanggang grade 6 nga lang.
Nagpunta sa bahay nila ang mga iyon. Hinikayat nila ang magulang ni Susan na papuntahin sa
malaking ciudad ang dalaga para maghanap-buhay bilang assistant ng mga artista. Pumayag ang
magulang. Dumating sila sa ciudad. Pinapasok si Susan sa isang bahay na may mga babaeng
magaganda. Iyon pala ay mga babaeng nagbebenta ng sarili para magkapera.
Isyung nabibilang: ___________________________________________________________
Komento: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Si Lea at Noel ay parehong nasa ika-10 baitang. Nanligaw si Noel kay Lea. Sinagot naman
ito ng dalaga. Lumipas ang 3 buwan at parang nababagot na si Noel sa kanilang relasyon.
Tinanong ni Lea si Noel kung ano ang nangyayari, at sumagot ito na wala daw excitement ang
kanilang relasyon. Kung gusto daw ni Lea ng matatag na relasyon ay patunayan ito. Ayaw ni
Lea na magkatampuhan sila. Alam ni Lea na pagagalitan siya ng kanyang mga magulang sa
magiging desisyon. Sumama si Lea kay Noel at sila’y nagtanan.
Isyung nabibilang: ___________________________________________________________
Komento: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________