Araling Panlipunan: Ikatlong Markahan-Modyul 8: Pamana NG Mga Sinaunang Asyano Sa Daigdig

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Modyul 8:
Pamana ng mga Sinaunang Asyano sa Daigdig

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
0
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Geraldine R. Pegalan
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Marilou T. Ramirez
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD


EPS – Araling Panlipunan

Alamin
Sa Araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-uunawa:
1. Napahagalahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa
kulturang asyano (AP7KSA
a. Natutukoy ang mga ambag o kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya na
naging daan para makilala ang kulturang Asyano
b. Naipapahayag ang panghanga at pagmalaki sa mga kontribusyon ng rehiyon
ng Timog at Kanlurang Asya

2
KONTRIBUSYON NG TIMOG AT
Aralin KANLURANG ASYA AT ANG
1 PAGKAKAKILANLAN NG
KULTURANG ASYANO

Balikan

Gawain 1: Malayang Pagpipilian:


Panuto: Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik lamang sa iyong sagutang
kwaderno sa Araling Panlipunan 7.

1. Naghangad ng kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito


upang matugunan ang kanyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin
b. Itinatag ang Indian National Congress
c. Binoykot ang mga produktong Ingles
d. Tinulungan ang mga Inles sa panahon ng digmaan

2. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng pagbabago sa India na hindi katanggap-


tanggap sa mga India. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga
India?
a. Pagpapalaganap ng Sistema ng edukasyon na ayon sa pamanatayang
Ingles
b. Paglilipat ng sentro ng gawaing pangkabuhayan sa baybaying dagat
c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay posisyon sa
pamahalaan
d. Pagpapahusay sa transportasyon at komunikasyon

3. Ito ay isang simpleng uri ng pakikipagkalakalan na hindi nakabatay sa salapi.


a. Online Business
b. Barter
c. Import
d. Microfinance

4. Anong bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang kumukontrol sa lahat ng mga


ginagamit ng mga mag-aaral sa mga paaralan?
a. Pakista
b. Turkey
c. Saudi Arabia
d. Yemen

5. Ano ang dahilan kung bakit nakaangat ang bansang Saudi Arabia sa iba pang
bansa sa Kanlurang Asya?

3
a. Dahil sa pagkatuklas nito sa pag-alis ng asin sa Dagat
b. Dahil mayaman ang mga taong nakatira ditto
c. Nagtitinda sila ng ginto
d. Maraming magagaling na mangagawa sa kanilang lugar

6. Ang larong chess, baraha at martial arts tulad ng judo, karate ay nagmula sa
anong bansa?
a. China
b. Japan
c. Korea
d. India

7. Ano ang maituturing na pinakamahalagang sinaunang ruta ng kalakalan na


nag-uugnay sa bansa tulad ng China, Gitnang Asya at India?
a. Silkroute
b. Airways
c. Airport
d. Seaport

8. Ano ang tawag sa di-tuwirang pananakop sa isang bansang Malaya na


mahina na ekonomiya at umaasa lamang sa makapangyarihang bansa?
a. Neokolonyalismo
b. Kolonyalismo
c. Merkantilismo
d. Sosyalismo

9. Ano ang kung bakit nag-uunahan ang mga kanluraning bansa na masakop
ang Kanlurang Asya?
a. Dahil sa natuklasang langis sa rehiyon
b. Dahil sa magandang ang klima nito
c. Dahil sa mababait ang mga tao rito
d. Dahil sikat ang mga bansa rito

10. Ano ang tawag sa pag-alis ng asin sa tubig mula sa dagat at ginagamit ang
tubig mula sa prosesong ito mula sa tahanan?
a. Salinization
b. Desalinasyon
c. Desertification
d. Siltation

Tuklasin
Ngayon naman ay inaasahang babasahin mo nang may pag-unawa ang paksa
na kung saan makikilala ang naging ambag at kontribusyon ng Timog at Kanlurang
Asya (Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at ang pagkakakilanlan ng
Kulturang Asyano). Isagawa ang gawaing dapat na maisakatuparan matapos ang
iyong masinsinang pagbasa.

4
ARKITEKTURANG ASYANO

Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kabila ng mga naranasang


pananakop, naipakita rito kung paano ipinagmalaki ang pagkakakilanlan, ang
kanilang mga kakayahan, talino, galing ng mga Asyano sa iba’t-ibang larangan tulad
ng sining humanidades at pampalakasan.

Timog Asya

Kakaiba ang rehiyon ng Timog Asya na sa kabila ng mga impluwensya ng


iba’t-ibang manankop hindi natinag ang kanilang kulturang nabuo para makilala
ang kanilang rehiyon bilang mayamang kultura.

Naiuugnay ang kanilang mga gusali sa kani-kanilang relihiyon tulad ng


Hinduismo, Buddhismo at Islam. May dalawang tanda ang arkitekturang Indian,
ang kanilang templong budista sa India, ang Stupa na gawa sa laryo o bato na may
bilugang umbok na may tulis na tore. Dito rin inilagay ang mga sagrado at
panrelihiyong relikya at ang Taj Mahal na ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang
pinakamamahal na asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa panganganak. Ang
mga obra maestro ng arkitekturang Indian ay ang temple ng Borobudur sa Java at
Angkor Wat sa Cambodia

Kanlurang Asya

Ang kilalang arkitekturang Islamic ay ang masjid o moske. Itinuturing ito na


pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik. Ang tala tungkol dito ay
naglalarawan ng istrukturang minbar o pulpit at mihrab o nitso na may madetalyeng
disenyo. Ang moske ay napapalamutian ng marmol, mosaic at gawang kahoy. Ang
gusaling panrelihiyon na tinatawag na ribat ay may parisukat na hugis, ang entrada
ay napapalamutian, at sa gitna ay may patyo. Ang isa pang uri ng gusaling Islamik
ay ang turbe (tomb), ang musoleo ng sektang Shi’ite. Ito ay may maliit na gusali na
hugis bilugan, ang bubungan ay may turret na hugis dulo ng lapis.

PANITIKANG ASYANO

Maraming nagawa ang mga Asyano sa larangan ng panitikan halimbawa na


rito ay ang mga kwentong bayan, alamat, tula, maikling kwento at dula.

Timog Asya

Nasusulat ang wikang klasikal ng panitikang Indian ang Sanskrit, na


nakaimpluwensya sa mga wika ng karatig bansa sa Asya. May dalawang mahalagang
epiko ang India ang “Mahabharata” at “Ramayana.” Ang “Mahabharata” ay
nagsasalaysay ng pantribong digmaan samantalang ang “Ramayana” ay patungkol
sa buhay ni Rama, ang lalaking bida sa epiko.

Si Kalidasa ang pinakadakilang dramatist na may akda ng “Shakuntala”. Ito


ay tungkol sa pag-ibig ni Haring Dusyanta sa ermitanya. Ang “Panchantra” naman
ay ang pinakamatandang at pinakatanyag na koleksyon ng mga pabula na may
maraming kwento tungkol sa alamat, engkantada at pabula. Ang “Gitanjali” ay isang
aklat ng mga tula at ang “Gulpa Guccha” ay ang koleksyon ng mga kwento ukol sa
ordinaryong pamumuhay at dinadanas na paghihirap ng mga tao.

5
Kanlurang Asya

Ang panitikan ay repleksyon ng kanilang kultura ng mamamayan dito.

Si Yehuda Anichai ay nakilala sa kanyang akda na “Song of Jerusalem and


Myself”, popular din ang kanyang akda na “A Thousand and One Nights” na mas
kilalang “Arabian Nights”. Isinalaysay ito ngisang magandang prinsesa na nilibang
ang hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kaniya. Ang “Ang Pakipagsapalaran
ni Sinbad,” ang “The Tale of Alibaba and the Forty Thieves” ay lubhang makasining
ang pagkasulat.

MUSIKA AT SAYAW NG MGA ASYANO

Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal sa


panganganak, pag-aasawa at kamatayan. Bagaman maraming bansa sa Asya ang
nasakop ng Kanluranin, nananatiling buo ang tradisyong musical ng mga Asyano
dahil na rin sa mahigpit at matibay na pundasyon nito.

Musika at Sayaw ng Indian

Mahigpit ang pagtuturo sa mga nais na mag-aral sa musika. Dahil sa higpit


at dedikasyob sa pagtuturo, nagbunga ito ng maraming nalikhang musika.
Naniniwala ang mga Hindu na upang makamit ang Nirvana (ganap na kaligayahan),
ang pinakamadaling paraan ay ang paggamait ng musika. Maraming instrument
samusika ang ginagamit tulad ng tamburin, plawta (vina), at tambol (marindangan).

Ang ragas ay isang musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na oras at


panahon sa pagtugtog nito. May paniniwala ang mga Hindu na ang ayaw sumunod
sa itinakdang oras ay malalagay sa panganib ang tinugtugan at nakikinig nito.
Mahilig ang mga Hindu sa pagsasayaw. May paniniwala sila na ito ay libangan
ng diyos nila. Patunay nito na kahit sa kanilang temple ay may mga babaing
nakaukit na sumasayaw.

Musika at Sayaw ng mga Arabe

Sa mga lungsod ng Mecca, Ukash, at Medina sa Saudi Arabia pumupunta ang


manunula, payaso, at musikero upang mag-aral at magpakadalubhasa sa musika.
May mga instrumenting pangmusikal na ginagamit tulad ng mi’zafa, gussaba,
mizmar, at tambourine. Ang harpa at trumpeta ay nagmula sa Iraq. May sistemang
ginagamit ng mga unang musikerong Arabe na katulad ng Ragas ng mga Hindu.
Makikita ito sa kanilang martsa na gumagamit ng instrumentong banyaga

PAMPALAKASAN

Ang palakasan ay nagging daan upang magbuklod-buklod ang mamamayang


Asyano. Hindi na mabilang ang mga Asyanong nagging matagumpay, nakilala, at
hinangaan sa iba’t-ibang palaro. Nagsilbing inspirasyon upang patuloy na magkaisa
at magnais ng kapayapaan sa lahat ng mamamayan sa Asya.

Karamihan ng mga larong kilala sa buong Asya at sa daigdig ay nagmula sa


India. Hindi lamang ang rehiyon sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ang
nakilala bilang isang orihinal na tagapagtatag ng mga natatanging palakasan

6
nakilala rin sa iba’t-ibang bansa ang rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya. May
tanyag na laro sa India, ang kabaddi, napakasimple, hindi magastos, at hindi
nangangailangan ng malaking espasyo para ito maisagawa.

Ang larong chess, baraha, at martial arts tulad ng judo at karate ay nagmula
sa India. Ang baraha ang popular na laro sa mga hari at maharlika sa kahariang
korte ng India. Ang judo at karate ay mahalagang pananggalangng mga Budista sa
mapanganib na paglalakbay patungong Japan, China, at Korea na nag-uugnay sa
repleksyong panloob ng mga Budista sa kanilang buhay.

Mahulig sa palakasan ang mga Asyano hindi lamang para Manalo at makilala
sa buong mundo, kundi taglay din ang katangiang dapat mataglay ng isang kasali
sa laro

Suriin
GAWAIN 1: Pagpupuno sa Tsart:
Sa pagkakataong ito, ay iyong suriin gamit ang tsart ang tungkol sa
Kontribusyon ng rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya na naging daan para makilala
ang Kultura ng Asya. Punan ang tsart sa maayos na pagpapahayag.

KONTRIBUSYON
REHIYON
MUSIKA PANITIKANG PAMPALAKASAN
Arkitekturang AT SAYAW ASYANO
Asyano

TIMOG ASYA

KANLURANG
ASYA

GAWAIN 2:
Pamprosesong Tanong:
Mangyayaring sasagutin nyo ang katanungan na may kaugnayan sa tekstong
binasa na sinuri mula sa Gawain 1.

1. Ano ang mga kontribusyong Asyano?


2. Paano ipinakita ng mga taga-Timog at Kanlurang Asya ang kanilang
pagkakakilanlan sa kanilang kultura

7
3. Ikaw, bilang Asyano at Pilipino, paano mo mabibigyang halaga ang mga
kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya?

GAWAIN 3: VENN DIAGRAM

PANUTO: Paghambing at pagibahin ang dalawang Rehiyon ang Timog


at Kanlurang Asya sa kanilang kultura, kontribusyon at ambag na naging daan para
makilala ang Asya.

TIMOG ASYA KANLURANG


ASYA

8
GAWAIN 4. Triad Web
Isulat sa triad web ang kailangang mga Impormasyon. Gawin ito sa kuwaderno.

Mga epekto ng Kontribusyon


sa Timog at Kanlurang Asya
sa Ekonomiya at Pamumuhay
ng mga Asyano

Pamumuhay
Ekonomiya

Gawain 5.Concept Map Ko!

Buuin ang isang concept map sa ibaba, sa pamamagitan ng paglalagay


ng tamang impormasyon sa bawat bahagi nito. Maaring kulayan ang iyong concept
map sa nabuo

Kahulugan

KONTRIBUSYON URI

Kahalagahan

9
Pagyamanin

Gawain 1: Punan ko, Sagot ko!


Panuto: Piliin sa mga salita sa loob ng kahon ang tinutukoy sa mga kahulugan sa
bawat bilang. Titik lamang ang piliin ng may katumbas na tamang sagot sa bawat
bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Stupa g. Panchantra
b. Moske h. Kalidasa
c. Taj Mahal i. Golpa Guccha
d. Arabian Nights j. Gitanjali
e. Ramayana at Mahabharata
f. Turbe

1. Ito ay gawa sa laryo o bato na may bilugang umbok na may tulis na tore.
2. Ipinatayo ito ni Shah Jahan para sa kaniyang pinakamamahal na asawa
na si Mumtaz Mahal na namatay sa panganganak sa ikalabing-apat na
anak.
3. It ay kilalang arkitekturang Islamik
4. Dalawang mahalagang epiko ng India na nagsasalaysay sa pantribong
digmaan at ang kwento tungkol sa buhay ni Rama na bida sa epiko.
5. Kwentong Persiano na hango sa kuwentong ng isang magandang prinsesa
na nilibang ng hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kanya.
6. Isang uri ng gusaling Islamek
7. Siya ang may akda ng Shakuntala na naging daan upang maging
pinakadakilang dramatist.
8. Isang aklat ng mga tula ng mga taga Timog Asya
9. Pinakamatanda at pinakatanyag ng koleksyon ng mga pabula.
10. Ito ay mga kwento ukol sa mga ordinaryong pamumuhay at dinadanas na
paghihirap ng mga tao.

10
Gawain 2: Napili ko, Ang Sagot ko!
Panuto: Isulat sa sagutan kwaderno ang T kung ang kontribusyon ay nasa
Rehiyon ng Timog Asya at K kung ang kontribusyon ay nasa Rehiyon ng Kanlurang
Asya.

____1. Stupa
____2. Epikong Mahabharata at Ramayana
____3. Mecca
____4. Ragas
____5. Panchantra
____6. Ribat
____7. Sanskrit
____8. Sektang Shi’ite
____9. Turret
____10. Judo at karate

Gawain 3: Pahayag-suri!!
Lagyan ng tsek () kung ang mga pahayag ay tama at ekis (×) naman
kung ang mga pahayag ay mali.
1. Ang palakasan ay naging daan upang magbuklod-buklod ang
mamamayang Asyano.
2. Ang mga istruktura na itinayo ay pawang may kinalaman sa
kultura na makikita sa mga bansa sa Kanluran at Timog Asya.
3. Ang Taj Mahal ay ipinatayo ni Shah Reza Pahlavi para sa
kaniyang pinakamamahal pumanaw na asawa.
4. Nasusulat ang wikang klasikal ng panitikang Indian sa Sanskrit.
5. Ang mga obra maestro ng arkitekturang Indian ay ang templo
ng Borobudur sa Java at Angkor Wat sa Cambodia.
6. Karamihan sa mga larong kilala sa buong Asya at daigdig ay
nagmula sa India.
7. Sa kanta mas binigyang diin ng mga Asyano ang galaw ng kamay
at katawan ng tao.
8. May paniniwala ang mga Hindi na ang ayaw sumunod sa
takdang oras ay malalagay sa panganganib ang tinugtugan at
nakikinig nito.
9. Nalinang ang laro sa apat na libong taon na ang nakaraan upang
makapagbigay tulong sa Indian na maproteksyonan ang
kanilang sarili laban sa paglusob ng kaaway.
10. Pangangaso ang naging libangan nga mga mahihirap na mga
Indian.

11
Isaisip

 Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano naipamalas nila ang kanilang


kakaibang galing sa iba’t-ibang larangan.
 Maraming nagawa ang mga Asyano sa larangan ng panitikan.
Mayaman ang panitikang Asyano sa mga kwentong bayan, alamat,
epiko, tula at maikling kwento.
 Ang inspirasyon ng mga Arabe ay ang paggawa may kaugnay sa
kanilang relihiyon.

Tayahin

Malayang Pagpipilian:
Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakatamang sagot. Isulat
ang titik lamang sa iyong sagutang kwaderno sa Araling Panlipunan 7.

1. Saan iniugnay ang templo at gusali na ginagawa ng nasa rehiyon ng Timog


Asya?
a. Sa kanilang mga relihiyon c. Sa kanilang pamumuhay
b. Sa kanilang kultura d. Sa kanilang lahi

2. Ano ang naging daan kung bakit ipinatayo ni Shah Jahan ang Taj Mahal?
a. Naging daan para sa alaala ng namatay na asawa na si Mumtaz Mahal.
b. Para maipakita ang kagandahang ipinakita ng kanilang obra.
c. Ginagawa nila para mapatunayan ang kanilang galing sa larangan ng
arkitektura
d. Ipinagawa nila para Makita ang kanilang impluwensya sa arkitekto

3. Pinaniwalaang ang India ay nagmula sa dalawang mahalagang epiko, ang


Mahabharata at Ramayana, paano isinalaysay at kanino ipinatungkol ang
kanilang epiko?
a. Ito ay nagsasalaysay sa pantribong Digmaan na ipinatungkol sa buhay
ni Rama
b. Ito ay nagtuturo sa banal na pamumuhay ng mga Indian
c. Ito ay ginagawa para maipakita ang kanilang mayamang kultura
d. Ito ay may kinalaman sa turo ng kanilang relihiyon.

4. Si Kalidasa ay ang pinakadakilang dramatist na may akda ng “Shakuntala”


na tungkol sa .
a. Pag-ibig ng isang Reyna na isinagip ng isang Hari sa ermitanya.
b. Pag-ibig para sa kultura
c. Pag-ibig ng isang Hari na naging daan para mawakasan ang pananakop
d. Pag-ibig ni Haring Dusyanta sa isang ermitanya

12
5. Ang ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng
mga pabula na may maraming kuwento ukol sa alamat, engkantada, at
pabula.
a. Shakuntala b. Sanskrit c. Panchantra d. Gitanjali

6. Ito ay isang kwentong Persiano na hango sa kuwentong Indian, isinalaysay


ito ng isang magandang prinsesa na nilibang ng hari para hindi matuloy ang
kaniyang pagbitay.
a. Arabian Nights c. Song of Jerusalem
b. The tale of Alibaba and Forty Thieves d. Rubaiyat

7. Pangkatang laro ng Indian na nangangailangan ng dalawang pangkat para


makakuha ng mataas na iskor.
a. Kabaddi b. martial arts c. judo d. karate

8. Ang ay mahalagang pananggalang ng mga Budista sa


mapanganib na paglalakbay patungong Japan, China, at Korea na nauugnay
sa repleksyong panloob ng mga Budista sa kanilang bulay.
a. Kabaddi b. martial arts c. judo at karate d. chess

9. Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kablia ng nararanasang pananakop


naipapakita ang kagalingan ng Asyano sa iba’t-ibang larangan. Ang sentro ng
paggawa ay hango sa Kontinente ng Europe na nakapaloob sa relihiyong
niyakap at kinagisnan.
a. Tama ang unang pangungusap at mali ang pangalawa
b. Mali ang unang pangungusap at tama naman ang pangalawa
c. Tama lahat ang pangungusap
d. Mali lahat ang pangungusap

10. Ang mga karanasan ng mga Asyano mula sa pananakop ng mga kanluranin
ay nagbigay daan sa pag-unlad ng damdaming nasyonalismo
Nagbigay daan ang kanilang pagpapatuloy at pagbabago na makikita sa
kanilang pamahalaan, tugon sa neokolonyalismo at iba pang aspekto ng
kanilang pamumuhay sa kasalukuyan.
a. Tama ang unang pangungusap at mali ang pangalawa
b. Mali ang unang pangungusap at tama naman ang pangalawa
c. Tama lahat ang pangungusap
d. Mali lahat ang pangungusap

Karagdagang Gawain
Magsaliksik tungkol sa mga kilalang personalidad sa Timog at Kanlurang
Asya na may mahalagang Kontribusyon sa Asya at sa daigdig. Isulat sa isang buong
bondpaper, iuri ito ayon sa kanilang katangian, paano siya nakatulong sa kaniyang
pamilya, karanasan sa buhay para marating ang kaniyang mithiin at mga hadlang
na kanyang nalampasan para marating ang tagumpay na kaniyang minimithiin.

13
14
GAWAIN 3 GAWAIN 2 GAWAIN 1
1.  1. T 1. A
2. × 2. T 2. C
3.  3. K 3. B
4.  4. T 4. E
5.  5. T 5. D
6.  6. K 6. F
7. × 7. T 7. H
8.  8. K 8. J
9.  9. K 9. G
10.× 10.K 10.I
PAGYAMANIN
TAYAHIN Balikan
1. A 1. A
2. A 2. C
3. A 3. B
4. D 4. A
5. C 5. A
6. A 6. D
7. A 7. A
8. C 8. A
A
9. A 9. A
10.C 10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Asya sa Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Rosemary Blando, et al. pp. 289-294

Mga Sanggunian sa Larawan:

Source:
https://www.google.com/search?q=venn+diagram&source=lnms&tbm=isch&sa=X
&ved=2ahUKEwi-
1pO7jL7tAhWXfXAKHSscDSAQ_AUoAXoECBQQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=t8
00lc2iJWlqkM

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like