Suprasegmental BanghayAralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI
Sangay ng Davao del Sur

MASUSING-BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa
kanilang lugar.

Kasanayang Pampagkatuto
Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala).
F7PN-IIIa-c-13

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, inaasahang matamo ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

A. Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental.


Nakikilala ang iba’t ibang ponemang suprasegmental at ang gamit nito,

B. Nagagamit ang ponemang suprasegmental sa pangungusap sa pagsasadula.


Napapahalagahan ang iba’t ibang gamit ng mga ponemang suprasegmental
sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

C. Nakukumpara ang iba’t ibang gamit ng suprasegmental.


Naihahambing ang ibat’ibang gamit ng ponemang suprasegmental gamit ang
venn diagram.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ponemang Suprasegmental

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Phoenix Publishing House.

Kagamitan: Laptop, Powerpoint

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala sa lumiban
4. Pagbabalik-aral
Guro: Kahapon ay napag-aralan natin ang tungkol sa pangawing.
Tanong: Ano ang silbi ng pangawing sa pangungusap?
: Saang parte ng pangungusap kadalasan makikita ang pangawing?

B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
Guro: Magpapakita ng mga simbolo ang guro sa harap ng klase, tatawag ang guro ng
boluntaryong sasagot at magbabahagi ng sariling pagkakaintindi sa nasabing simbolo.
Itanong: Sabibin kung ano ang ipanahihiwatig sa larawan?

Palitan ang mga larawan ng mas klaro dahil ang mga simbolo na nasa taas ay gigagamit sa trapiko,
baka mamisinterpret ang iyong lesson.

Guro: Tama, ito ay nagpapahiwatig ng katanungan.

: Tumpak ito ay tandang padamdam na nagpapahiwatig ng matinding damdamin.

: Sakto, ito ay nagpapahiwatig ng katapusan o paghinto.

: Tama, karong-klaro ito ay simbolo ng paghinto.

1. Gawain (Activity)
A. Paglalahad
Itanong : Sa inyong palagay saan kabilang ang mga simbolong aking ipinakita?
(ponemang suprasegmental)

- Magbibigay ng mga halimbawang pangngusap, tutukuyin ng mga mag-aaral kung


ano ang wastong bantas na ilalagay sa katapusan ng pangungusap.

2. Pagtatalakay Pagsusuri/ Analisis


Guro: Magaling at natumbok ninyo ang paksang tatalakayin natin ngayon. Ang
paksang tatalakayin natin ngayon ay ang Ponemang Suprasegmental.

Ponemang Suprasegmental
-ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastan. Nakatutulong ito upang maging
mas maliwanag at maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag. May
tatlong uri ng ponemang suprasegmental ito ay ang intonasyon, diin, at antala.

1. Intonasyon, Tono, at Punto – ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at


pagbaba na inuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba sa
Kahulugan ng salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Ang tono
ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang ang punto qy
ang rehiyonal na tunog o accent.

Hal.

-Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/ Nagdududa)

-Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)

-Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)

2. Diin at Haba – ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita sa


patinig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas at bigkas sa patinig ng
salita.

Hal.

/balah/ - bullet

/bala/ - threat

/tu.boh/ - pipe

/tubo/ - sugar cane

3. Hinto at Antala – ito’y saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging


malinaw ang mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, at semi-kolon
at kolon sa pagsulat upang maipakita ito.

Hal.

Hindi maganda. (sinasabing hindi maganda ang isang bagay)

Hindi, maganda. (pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito.)

3. Abstraksyon

a. Ano ang pagkakaiba ng intonasyon, diin, at antala?


b. Mahalaga ba ang ponemang suprasegmental sa ating pang-araw-araw na
pakikipag-usap? Bakit o sa paanong paraan?

Note: maaring ilagay ang affective na layunin, pwede in a form of question or activity.
HOTS!!!!!! (bakit, ipaliwanag, paano)
4. Paglalapat

Guro: Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat.


(Unang pangkat) Panuto: Mag-isip ng limang senaryo at e-akting. Dapat ipakita at
marinig ang pagtatanong, masidhing damdamin, at nagsasalaysay.

Rubrics:
Malinaw na pag-arte 5
Tamang paggamit ng ponemang suprasegmental 5 _
Total: 10 pts.

(Ikalawang Pangkat) Panuto: Bumuo at mag-isip ng limang salita na pareho ang


pagbaybay ngunit magkaiba ang pagbigkas at ibig sabihin.

Palitan ang mga activities na angkop para sa online class.

Pwede unang pangkat- ang nasa pagtataya

Ikalawa- magbigay ng mga halimbawa

Ikatatlo-n gamitin sa pangungusap.

OR IF MAYROONG NKITA NA MAS MAGANDA AT MAS NKAKAPARTICIPATE ANG MGA


MAG-AARAL, GOO

VI. PAGTATAYA (5 min.)


Panuto: Kumuha ng isang-kapat na papel, gumuhit ng tsart at ikumpara ang tono,
diin, at antala. At magbigay ng tig-iisang halimbawa.

Para sa online class, magbigay ng iba pang Gawain, halimbawa 1-10 na mga tanong,
with choices.

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Mag-isip ng isang topiko at gawan ito ng isang diyalogo na hindi bababa sa
tatlong tauhan gamit ang ponemang suprasegmental sa paglikha.

You might also like