Name: - Score: - Grade IV - Teacher: Glydel Eveth Enriquez

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

School ID: 109741

DOMOIT ELEMENTARY
SCHOOL
Purok Sampaguita, Brgy. Domoit, Lucena City
WORKSHEET IN EPP 4 – HOME ECONOMICS
QUARTER 2 – WEEK 2
Name: ___________________________________ Score: _______________
Grade IV - ________________________________ Teacher: GLYDEL EVETH ENRIQUEZ

Layunin: Napangangalagaan ang sariling kasuotan.


Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ng kasuotan. (PAMAMALANTSA)

Paalala: Basahin lamang ang module sa EPP IV-Home Economics ang aralin tungkol sa Pangangalaga sa Kasuotan sa
page 12-14 tungkol sa Ang Pamamalantsa ng Damit upang masagutan ang mga pagsasanay.
 Walang sasagutan sa module.

Gawain 1: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa papel.
_______1. Lukot ang damit ni Joash. Anong kasangkapan ang dapat niyang gamitin upang maalis ang lukot nito?
a. sabon b. plantsa c. karayom d. sinulid
_______2. Namamalantsa ng blusa ang Nanay mo. Hindi maalis ang lukot nito. Aling kagamitan ang maari niyang
gamitin upang maalis ang lukot nito?
a. pangwisik na may lamang tubig b. sabon c. hanger d. plantsa
_______3. Nakita mong inilapag ni Gracel ang damit na kanyang pinlantsa sa upuan. Ano ang gagawin mo?
a. isasabit ito gamit ang hanger b. hahayaan na lamang ito
c. uupuan ito d. ilalapag ito sa lalagyan ng marumi
______4. Namamalantsa si Sarah ng kanyang uniporme sa higaan. Anong kasangkapan sa pamamalantsa ang dapat
niyang gamitin?
a. pangwisik b. plantsa c. plantsahan d. basket
______5. Walang gamit na pangwisik sa pamamalantsa ng damit si Aling Mameng. Ano ang maari niyang gamiting
pambasa upang madaling maalis ang lukot nito?
a. basket b. hanger c. pangwisik d. basang bimpo
______6. Tapos ng mamalantsa ang iyong Ate Ellen at isasabit na niya ito. Aling kagamitan ang dapat niyang gamitin?
a. basket b. hanger c. plantsa d. plantsahan
______7. Habang namamalantsa si Tel, nakita mong nakalapag sa upuan ang mga kasuotang kanyang paplantsahin.
Anong kagamitan ang ibibigay mo kay Tel napaglalagyan ng kanyang plantsahin?
a. timba b. basket o ropero c. hanger d. basang bimpo
______8. Lukot ang bestida si Ellen at gusto niyang maalis ito, ngunit hindi niya alam ang kanyang gagamitin. Anong
kasangkapan kaya ang maaring gamitin ni Ellen sa pamamalantsa ng kanyang bestida?
a. plantsa b. plantsahan c. hanger d. basket
______9. Namamalantsa ka ng iyong polo ngunit wala kang makitang pangwisik upang maalis ang lukot dito. Ano ang
maari mong gamitin na pambasa sa iyong polo?
a. hanger b. basket c. basang bimpo d. plantsahan
______10. Pinagdadala kayo ng inyong guro ng kagamitan at kasangkapan sa pamamalantsa. Dadalhin ng iyong mga
Kagrupo ang plantsahan, pangwisik, hanger, basket na may lamang lukot na damit, at basang bimpo. Ano
pa ang maari mong dalhin?
a. plantsa b. damit c. bimpo d. hanger
School ID: 109741
DOMOIT ELEMENTARY
SCHOOL
Purok Sampaguita, Brgy. Domoit, Lucena City

PERFORMANCE TASK NO. 2

PAALALA: Huwag kalimutan gawin ang performance task. Ang assessment components
ng EPP ay:
70% Performance Task
30% Written Works

 Ilabas ang mga kagamitan sa pamamalantsa at kunin ang isa mong damit sa loob ng aparador maaaring ito ay
blusa/polo o palda/short/pantalon na sinusuot mop ag pumapasok sa paaralan. Subuking plantsahin ito sa
tulong ng wastong hakbang sa pamamalantsa na nasa inyong modyul sa page 12-14.
 Humingi ng tulong saiyong magulang o sa nakakatandang kasama mo sa bahay.
 Ipakita ang gagawin mo sa pamamagitan ng:
- maaari mong i-video ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbloblog o picturan habang ginagawa ito at
ipasa gamit ang messenger.
- Kung namang kakahayan o walang gadget at internet connection maaari mong i-drawing ang mga hakbang
sa pamamalantsa sa isang buong bond paper.
 Gagamitin ang Rubric sa ibaba bilang batayan sa gagawing pamamalantsa.

RUBRIK:
10 puntos = kung nasunod lahat ang wastong pamamaraan ng paglalabang hindi nanghihingi ng tulong.
8 puntos = kung may isang pamamaraan sa paglalaba ang di-nasunod.
6 puntos = kung may dalawang pamamaraan sa paglalaba ang di-nasunod.
3 puntos = kung may tatlong pamamaraan sa paglalaba ang di-nasunod.
1 puntos = kung may apat na pamamaraan sa paglalaba ang di nasunod

You might also like