Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika

Varayti at Baryasyon ng Wika: Historya, Teorya at Praktika

Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino

Ang unang pagsisikap na magkaroon tayo ng opisyal na wikang gagamitin ay unang naitadhana sa Saligang Batas ng Biak-
na-Bato noong 1897 ng ginawang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Kastila noong 1896. Nasasaad sa probisyon ang
ganito:

“Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino”

Ang pagkakaisang ipinamalas ng mga sumapi sa samahang katipunan na pinangungunahan ni Andres Bonifacio ang lalong
nagpatibay sa paniniwala ng mga lider na Pilipino na ang daan sa pagkakaroon ng kasarinlan ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng
isang wikang pambansa.

Sa mahigit na 7, 100 pulo ng Pilipinas ay naroon ang katotohanang nakikipaligsahan dahil sa dami ng wika/lengguwahe at
wikain/ diyalekto ng bawat rehiyon ng bansa. Ito marahil ang dahilan na sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa halip na ituro
nila nang tuwiran ang kanilang wika, minabuti nilang pag-aralan iasngg katutubong wika (partikular na ang wikang Tagalog, Bisaya,
Bikolano, Ilokano at Kapampangan).

Sa panahon ng Amerikano, wikang Ingles ang naging wikang opisyal ng bansa. Sa ilalim ng Batas 74 ng 1901 – alinsunod sa
itinakda ng Philippine Commission na ang Ingles ang midyum ng instruksiyon ng pampublikong paaralan. Itinuro at pinag-aralan sa
loob ng klase ang mga paksa tungkol sa kasaysayan, kultura, literature, ekonomiya at politika ng Amerika. Nilimitahan ang pag-aaral
ng maraming paksang nauukol sa Pilipinas kaya’t hindi naging interesado ang mga mag-aaral sa mga bagay na may relasyon sa
sariling bansa at kultura. Nagsimula rin ang kolonyal na mentalidad ng nakararaming mamamayan sa panahong ito hanggang sa
kasalukuyan.

Binanggit nina Resuma at Semorian (2002) na batay sa sarbey ng Komisyong Monroe noong 1925, napatunayang may
kakulangan pa rin sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa primary. Ito raw ang dahilan kung bakit noong 1931, nagmungkahi
ang dati noo’y Bise Gobernador-Heneral at Kalihim din ng pampublikong edukasyon na si Butte na gamitin ang bernakular na wika
upang gawing midyum sa pagtuturo. (bagay na binuhay ng dating Kalihim ng Edukasyon, Bro. Andrew Gonzales, FSC)

Noong 1935, sa pamamagitan ni Pang. Manuel Luis M. Quezon na kinilalang Ama ng Wikang Pambansa ay sumang-ayon sa
panukala ng pangkat nina Lope K. Santos ( C naman dapat para sa Cariño, ang panggitnang ngalan ni Santos, ngunit dahil sa
pagmamahal nito sa ABAKADA, mas nais niyang gamitin ang K) ang Ama ng Balarilang Tagalog.

Sa panunungkulan ni Pang. Quezon bilang pangulo ng Pilipinas ay nadama niya ang kahirapan ng pakikipagtalastasan sa
mga mamamayan ng Pilipinas na hindi marunong ng Ingles o Kastila. Sa tuwing magtatalumpati siya sa pook na hindi tagalog ay
nahihirapan siya kung anong wika iasng kanyang gagamitin, kaya naman ito ang nagmulat sa kanya upang magkaroon ng iisang
wikang pambansa na mauunawaan ng bawat isa. Iniharap sa kanya ng isang pangkat na binubuo nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez,
Sofronio Calderon, Jose N. Sevilla at iba pa ang isang mungkahi tungo sa iisang wika at iyon ay ang Tagalog.

Probisyong 1935 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV Sek. 3:

Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang mga wikang Ingles at Kastila ang mananatiling wikang
opisyal.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa upang
magsagawa ng isang pag-aaral at sarbey ng bawat umiiral na wikaing katutubo na may layuning pumili mula sa mga ito ng gagamitin
bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.

Pitong palaaral na Pilipino na bumubuo sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP):

Tagapangulo: Jaime C. De Veyra (Samar-Leyte)

Kalihim at Punong Tagapagpaganap: Cecilip Lopez (Tagalog)

Mga Kagawad:

Santiago Fonacier (Ilokano) Casimiro Perfecto (Bikol) Hadji Butu (Muslim-Mindanao)

Pahina 1 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika
Filemon Sotto ( Cebuano) Felix S. Sales Rodriguez (Panay) Kagawad at Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)

Kraytirya ng lupon na gagamitin sa pagpili ng wikang magiging batayan ng wikang pambasa:

1. Ginagamiit ng nakararaming Pilipino, lalo na sa Maynila na siyang sentro ng edukasyon at kalakalan.

2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Pilipino.

3. Wikang may ppinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at madaling matutuhan ng mga mamamayang Pilipino.

Sa pagpili ng wika, kinonsidera nila ang sumusunod na mga walong (8) pangunahing wika ng bansa – Tagalog, Sebwano,
Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan at Pangasinan. Lumabas sa pag-aaral na ang wikang Tagalog ang nakatugon sa
mga krayteryang kanilang binuo.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937 – Tagalog ang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Nagkabisa ang nasabing kautusan pagkatapos ng dalawang taon – Disyembre 30, 1939.

Mula sa anak ni Lope K. Santos na si Paraluman S. Asperilla (1985), narito ang mga dahilan kung bakit Tagalog ang napili
noon bilang batayan ng wikang pambansa.

1. Marami ang nagsasalita ng Tagalog at pinakahigit na nauunawaan sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas.

2. Hindi ito nahahati sa mga wikain, hindi tulad ng wikang Bisaya.

3. Pinakamayaman ang wikang Tagalog higit na marami ang nasusulat na libro sa Tagalog kaysa sa iba pang katutubong wika.

4. Mula pa nang dumating ang mga Espanyol, Tagalog na ang wika ng Maynila., ang kabisera ng Pilipinas, at:

5. Tagalog ang wikang ginagamit ng Himagsikan at ng Katipunan – dalawang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na nag-iwan sa
atin ng parnanang ating ipagmamalaki.

Pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hunyo 7, 1940 na kumilala sa Pambansang
Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas (kasama ang Ingles at Espanyol) sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Pagsapit ng Hulyo 4, 1946 kaalinsabay ng pagsasarili ng Pilipinas mula sa mga Amerikano.

Sirkular Blg. 26, s.1940 – nilagdaan ng Direktor ng Edukasyon, Celedonio Salvador. Unang itinuturo ito sa mga mag-aaral na
nasa ikaapat na taon ng mas mataas na paaralan at sa mga nasa ikalawang taon ng Paaralang Normal.

Hunyo 19, 1940 – sinimulang ituro ang wikang pambansa sa mga paaralang publiko at pribado sa pamamagitan ng
Kautusang Pangkagawaran na inilabas noon ni Kalihim ng Pagtuturong Pambayan, Jorge Bacobo.

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon ay inalis ang wikang Ingles at inuro ang wikang Niponggo sa lahat ng antas. Sa ias
ng Ordinansa Militar Blg. 13, ginawang mga opisyal na wika ng bansa na Tagalog at Niponggo. Ipinagbawal din ang pagsusulat sa
Ingles at sa panahong ito masasabing lubos na namulaklak at umunlad ang wikang pambansa pati na ang literaturang Pilipino.

Sa panunungkulan ni Pang. Ramon Magsaysay sa ias ng kanyang Proklamasyon Blg.12 na nilagdaan noong Marso 26, 1954
unang ipinagdiwang ang Linggo ng Wika noong Marso 29 hanggang Abril 2 bilang pagtatampok sa kapanganakan ng Dakilang
Makatang Francisco Balagtas.

Proklamasyon Blg. 186 – inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Agosto 13-19 bilang pagtatampok naman sa kaarawan ni
Manuel L. Quezon tuwing Agosto 19.

Kautusang Pangkagawaran Blg.7 (1959) – inihayag ni Jose F. Romero (kalihim ng Edukasyon) na ang wikang pambansa ay
tatawaging Pilipino. Higit na binigyang-halaga noon ang paggamit ng wikang ito sa iba’t ibang larangan kaya’t naging mas malaganap
ito.

1973 Kostitusyon, Art. XIV, Sek.3:

Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at formal na pagpapatibay ng isang
panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.

Pahina 2 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika
Nagkaroon ng kongkretong pangalan ang wikang pambansa matapos ang 24 taon. Sa wakas, tinawag itong PILIPINO noong
Agosto 13, 1959 sa bias ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Jose F. Romero

Sa pamumuno ni Pang. Ferdinand E. Marcos, bagamat isang Ilokano, siya’y kinakitaan nang higit na sigla sa paggamit ng
wikang pambansa. Unang-una na rito ang kanyang oanunumpa sa tungkulin na sa halip na nasa Ingles tulad ng nakagawian ay buong
pagmamalaki niyang binigkas sa Plipino. Ilan sa kanyang mga itinakdang batas hinggil sa wika ay ang mga sumusunod:

a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 – na nagtadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali at opisina ng


gobyerno
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 – nagpapatatag sa SWP at naghahayag ng kanyang mga kapangyarihan at
tungkulin
c. Kautusang Panlahat Blg. 17 – nag-uutos na limbagin ang Konstitusyon sa mga wikang Pilipino at Ingles bago idaos ang
plebisito sa ratipikasyon nito noong Enero 15, 1973
d. Atas ng Pangulo Blg. 73 – nag-aatas sa SWP na ang Konstitusyon ay isalin sa wikang sinasalita ng mga 50, 000
mamamayan alisunod sa probisyon ng Konstitusyon (Art. XIV, Sek. 3 [1])

Ang Saligang Batas o Konstitusyong ito ng 1973 ay naging kontrobersyal sapagkat kung pakasusuriin, mababanaag na rito
ang muling pagbabago sa pagtawag sa wikang pambansa. Narito ang mismong talata:

Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang
panlahat na wikang pambansa na tatawaging FILIPINO.

Ang edukasyong bilinnguwal ay mapapansing unang naisakatuparan sa panahon pa ni Marcos. Sinimulan ito noong taong
pampaaralan, 1974-175 sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran lg. 25 na nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura (Badayos, 2007).

Kautusang Pangministri Blg. 22 – nilagdaan ni Ministri ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel na nag-uutos na isama ang
Filipino sa lahat ng kurikulum pandalubhasaan, simula taong pampaaralan 1979-1980.

Nagpakita nang lubos na suporta ang dating Pangulong Corazon C. Aquino sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa
pamahalaan. Ayon pa sa kanya, “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sa pamahalaan ay makatutulong sa sambayanan na
maintindihan at lalong mapahalagahan ang mga programa ng gobyerno, pati na ang mga proyekto”.

Tiniyak ng Konstitusyong 1987 (Art.XIV, Sek 6-9) ang kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng Pilipinas ang FILIPINO.

Sek. 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.

Alinsunod sa nakatadhana sa batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangiin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 – ukol sa mga layuning komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino ay hangga;t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang
panturo roon.

Sek. 8 – ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Araboc
at Kastila.

Sek. 9 – dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba’t ibang rehiyon
at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Atas Tagapagpagganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988) – nag-aatas sa lahat ng kagawaran/kawanihan/opisina /ahensiya/ instrumentaliti
ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na sa layuning magamit ang Filipino. Binanggit din ni Pang. Corazon Aquino na dapat
magsagawa ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ng mga sumusunod na hakbang:

Pahina 3 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika
1. Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon, transaksiyon at korespondensya
sa kani-kanilang opisina, maging nasyonal at lokal;
2. Magtalaga ng isa o higit pang ltauhan, ayon sa pangangailangan ng bawat tanggapan upang mangasiwa sa mga
komunikasyon at korespondensiya na nasusulat sa Filipino.
3. Isalin sa Filipino ang pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko at mga karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon
nito o instrumentaliti ng mga iyon at kung nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliit na letra ang tekstong Ingles.
4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan ; at
5. Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan ng bawat opisina ang kasanayan sa
paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya opisyal.

Batas Republika Blg. 7104 – pinagtibay noong Agosto 14, 1991 ni Pang. Corazon C. Aquino na lumikha ng Komisyon sa Wikang
Filipino. Ang komisyong ito ang nag-iisang ahensiyang pangwika ng pamahalaan na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang grupong
etnolingguwistiko atiba-ibang disiplina. Nilikha ito upang magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas na tuwirang sasailalim sa
Tanggapan ng Pangulo.

Narito ang mga naging direktor/tagapangulo ng KWF at ang kasalukuyang kalupunan na binubuo ng labing-isa (11) na mga
komisyoner:

Virgilio S. Almario (2013-kasalukuyan)

Jose Laderas Santos (2008-2013)

Ricardo Ma. Duran Nolasco (2006-2008)

Nita P. Buenaobra (1999-2006)

Ponciano BP. Pineda (1970-1999)

Jose Villa Panganiban (1955-1970) (1946-1947)

Cecilio Lopez (1954-1955)

Cirio H. Panganiban (1948-1954)

Julian Cruz Balmaceda (1947-1948)

Lope K. Santos (1941-1946)

Jaime C. De Veyra (1937-1941)

Kasalukuyang Kalupunan ng mga Komisyoner

Virgilio S. Almario – Tagapangulo

Jerry B. Gracio- Samar-Leyte

Purificacion Delima – Ilokano

Abdon M. Balde Jr. – Bikol

Noriam H. Ladjagais – Mga Wika sa Muslim Mindanao

John E. Barrios – Hiligaynon

Orlando B. Magno – Sebwano

Jimmy B. Fong – Mga Wka sa Kahilagaang Pamayanang Kultural

Lucena P. Samson – Kapampangan

Ma. Crisanta N. Flores – Pangasinan

Lorna E. Flores – Mga Wika sa Katimugang Pamayanang Kultural

Pahina 4 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 343 ni Pangulong Ramos noong Hunyo 12, 1996 na nagpapatibay sa Panunumpa ng Katapatan sa
Watawat bilang opisyal na panata ng katapatan para sa lahat ng Filipino

Prokalamsyon Blg. 1041 – nilagdaan ito ni Pang. Fidel V. Ramos na sa halip na isang libggong pagdiriwang lamang, itinakda niyang
buong buwan ng Agosto ay tanghaling Buwan ng Wikang Pambansa.

Kalagayang Global ng Filiipno sa Kasalukuyan (San Juan, 2015)

1. Itinuturo ang Filipino sa 40 Philippine Schools Overseas (PSOs) na may 27,500 na mag-aaral sa sampung bansa tulad ng Bahrain,
China, East Timor, Greece, Kuwait, Libya, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia at Unite Arab Emirates.

2. Itinuturo ang wikang Filipino at Araling Filipino sa mga unibersidad sa mga bansang university of Hawaii-Manoa, University of
Michigan, Osaka University, Kyoto University, Sorbonne University (France), Columbia University (USA) University of Queensland
(Australia), Universiti Brunei Darussalam, , Tokyo University of Foreign Studies, Moscow State University, St. Petersburg State
University, Northern Illinios University, Yale University, University of San Fracisco, University of Chicago, Universitat Luzen
(Switzerland) at sa marami pang bansa.

3. Itinuturo ang Filipino sa iba pang institusyon sa ibang bansa tulad sa Filipino Language and Culture School of Calgary (FLCSC) , 70
hay-iskul sa San Diego, California, Converse International School of Languages (USA), Philippine Language School of Victoria
(Australia) at Council for Teaching Filipino Language and Culture (USA).

Mga Teorya sa Pagkakaroon ng Varayti ng Wika

Ayon kay Sapir (1949), ang pangunahin sa teoryang ito ang sosyolingguwistikong teorya na batay sa pamamalagay na ang
wika ay panlipunan at ang speech (language) at pang-indibidwal. Ang wika ay isang instrument o kasangkapan ng sosyalisasyon na
ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala ang mga ito. Ang pagkakaroon ng isang simbolo ng solidaridad na mag-iisa sa mga
indibidwal na tagapagsalita ng naturang wika.

Para kay Saussure (1915) ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita, umiiral lamang ito sa loob ng isang
kolektibo o pangkat. Ang wika ay binubuo ng parallel at magkaugnay na serye: ang signifier (langue) ang isang kabuuang set ng mga
gawaing pangwika na nagbibigay daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan samantalang ang signified (parole) ang gamit ng
wika sa pagsasalita. Para sa kanya, pinakamahalaga ang langue dahil ito ay isang produktibong sosyal ng kakayahang magsalita at
koleksyon ng mahahalagang kumbensyong binuo at ginamit ng isang grupo para magamit ng mga indibidwal.

Ayon kay Labov (1972), isang socio-psychologist at ang nagtaguyod ng variability concept na kontra sa deficit hypothesis ni
Bernstein. Para sa kanya, natural a phenomenon ang pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Dapat tignang pantay ang varayti: walang
mababa, walang mataas. Ang ganitong paniniwala ay makabuluhang konsepto sa wikang Filipino.

Ayon kay Giles (1982) sa teorya ng akomodasyon na ang tao ay may kakayahan sa pagkatuto at pag-aaral ng panngalawang
wika o Second Language Acquisition (SLA). Sa convergence, ipinaliliwanag dito na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng
tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipalagayang-loob,
pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Divergence naman kung pilit na iniiba ang pananalita sa kausap
para ipakita o ipahayag ang pagiging iba o naiiba, di pakikiisa o kaya’y lalong paggigiit sa sariling kakayahan at identidad.

Ang interference phenomenon at interlanguage naman ay nakapokus sa mga wikang kasangkot. Ang impluwensya ng unang
wika sa pangalawang wika (sinasalita, napag-aralan/ pinag-aaralan o kaya’y lingua franca) ang kapansin-pansin dito. Ang
interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon batay sa proseso ng pagkatuto ng
pangalawang wika. Dito binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago sa
mga alituntunin. Halimbawa nito ang salitang malling na ginagamit na mula sa salitang mall sa Ingles.

Uri at Varayti ng Wika

Ayon kay Villafuerte (2008)

Dalawang paraan para mapag-iba ang wika sa diyalekto. Ito ay ang mga sumusunod:

Pahina 5 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika
1. Batay sa bilang ng nagsasalita – higit na malaki ang wika sa diyalekto at higit na marami rin ang aytem ng wika kaysa sa
diyalekto. Kaya’t masasabi natin na ang Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng diyalekto nito tulad ng Filipino sa Metro Manila,
Filipino sa Metro Cebu o Filipino sa rehiyong Bikol.

2. Batay sa prestihiyo – sinasabing ang wika ay may prestihiyong hindi makikita sa diyalekto na gaya halimbawa ng Ingles at Filipino
na karaniwang ginagamit sa mga pormal na pagsulat at mga opisyal na transaksyon at komunikasyon subalit hindi sa diyalekto.

Dalawang Uri ng Varayti ng Wika ayon sa Katangian

1. Permanente – nauukol ito sa tagapagsaliita/tagabasa. Ito ay binubuo ng idyolek at diyalekto. Ang idyolek ay ang varayti ng wikang
kaugnay sa personal na kakanyahan o katangian ng tagapagsalita gaya ng kalidad ng kanyang boses, katayuang pisikal,paraan ng
kanyang pagsasalita at uri ng wikang ginagamit na maaaring bunga ng kanyang mga karanasan, at kaligirang kinalakhan. Samantala
ang diyalekto ay ang varayting batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay kaya’t may tinatawag na diyalektong heyograpikal,
diyalektong temporal at diyalektong sosyal.

2. Pansamantala - nagkakaroon ng ganitong uri ng varayti ng wika dahil sa pagbabago ng sitwasyon ng pahayag, gaya ng kung sino o
anong pangkat ng mga tao ang kinakausap at ano ang paraan ng pakikipag-usap. Kabilang sa varyating ito ang mga sumusunod:

a. register – ang varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng kanyang pagpapahayag tulad
ng siyentipikong register, relihiyosong register at register ng magsasaka.

b. mode – ang varayting kaugnay ng midyum na ginagamit na maaaring pasalita at pasulat

c. estilo – ang varayting kaugnay ng bilang at katangian ng nagsasalita at ang relasyon nito sa kanila.

Batay sa teorya ni Fantini (1974) ang varayti ng wika ay bunga ng ilang mahahalagang salik palipunan tulad ng lugar, paksa,
uri ng komunikasyon, gamit ng interkasyon at participant.

Ang mga komponent o salik sa pagpili ng uri ng wikang gagamitin ay ginawang payak at isinaayos ni Hymes (1972) sa
akronim na SPEAKING.

S – setting. Ito ay tumutukoy sa panahon at lugar na pinangyarihan ng usapan.

P – Participants. Ito ay tumutukoy sa mga taong kasangkot sa usapan gaya ng nagsasalita at nakikinig.

E – ends. Ito ay tumutukoy sa layunin o intensiyon ng usapan.

A – act sequence. Ito ay tumutukoy sa anyo at nilalaman o takbo ng usapan.

K – keys. Ito ay tumutukoy sa himig, paraan o kalagayan ng pagkaganap ng usapan.

I – instrumentalities. Ito ay tumutukoy sa midyum ng paghahatid ng pahayag.

N – norms. Ito ay tumutukoy sa pamantayang dapat sundin sa interaksyon.

G – genre. Ito ay tumutukoy sa kategorya ng usapan.

Kahulugan ng Diyalek

Tumutukoy ito sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika. Ang pagkakaiba-iba ay maaaring nasa diin, tono, leksikograpiya o
talasalitaan at sa paraan ng pagbigkas. Ang Tagalog ay isang wika at nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba.

Halimbawa:

(Batangas) Sir, pwede pa po bang magpasa ng tesis bukas? Matatapos ko na po eh!

(Quezon) Sir, pwede pa po bang magpasa ng tesis bukas? Matatapos ko nap o ay!

(Mindoro) Mapasa ko na Sir bukas ang tesis ko, matatapos ko na.

(Marinduque) A ah sir! Pwede ko na bang ipasa bukas ang tesis ko?


Pahina 6 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika
May dalawang basehan ng pag-uuri sa mga diyalek ng isang wika, ito ay ang mga sumusunod:

a. Rehiyunal na diyalek - tumutukoy sa lugar na kinamulatan na ginagamit ang kanilang unang wika.
Halimbawa:
Tagalog – Batangas
Tagalog – Waray
Tagalog – Davao

b. Sosyal na diyalek – tumutukoy sa uri ng wikang sinasalita ng pangkat ng mga tao sa isang lipunan.

Halimbawa:

Usapan ng mayaman sa mayaman

Usapan ng mahirap sa mahirap

Idyolek

Ang tawag sa indibidwal o personal na paggamit ng isang tao sa isang wika. Tumutukoy rin ito sa pangkalahatang katipunan
ng mga lingguwistika na perkulyaridad ng isang tao. Halimbawa ang paggamit ng siya sa mga bagay kahit na ito ay panghalip panao.

Halimbawa:

Malaki siya, hindi kasya sa paa ko. (sapatos ang tinutukoy)

Masarap ta;aga siya. Ang dami kong nakain (pagkain ang tinutukoy)

Sosyolek

Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan na siyang nagsasaad sa
pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.

Kabilang din sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o tinatawag ding gay lingo.

Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika ng mga “coño” na tinatawag ding coñotic o consyospeak isang baryant ng
Taglish. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching na nangyayari.

Isa pa sa barayti ng sosyolek ay ang jejemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabaty rin sa mga wikang Ingles at Filipino
subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap
basahin o intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping.

Maliban sa mga nabanggit, ang sosyolek ay maaari ring tumukoy sa pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho o
gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o
gawain. Halimbawa, ang mga abogado ay makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complainant at iba pa.

Etnolek

Ito ay barayti na wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at
dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Halimbawa’y ang mga
sumusunod:

 Ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
 Ang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon
 Ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
 Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal
 Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa), sadshak (kaligayahan),
peshen (hawak)

Domeyn

Pahina 7 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika
Tumutukoy ito sa anumang disiplina, gawain , grupo o samahan na nagkakaroon ng pagkakabuklod-buklod tungo sa isang
partikular na mithiin. Mayroon itong tatlong klasipikasyon upang mas lubos na mauunawaan.

1. Larangang pangwika na nagkokontrol (Controlling domain of Language). Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito ay idinidikta
kapwa ng pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita. Kadalasan itong ginagawa sa
matataas na antas ng karunungan gaya ng simbahan, batas, midya, paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo, komersyon atbp.
Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang gagamitin, nadedebelop ang isang wika tungo sa tinatawag na estandardisado at
intelektwalisado. Nagkokontrol ito dahil may tiyak na mga salitang kailangang gamitin upang mas malinaw ang akto ng pag-uusap.

2. Nagkokontrol nang bahagya sa larangang pangwika (Semi-controlling domain of language). Ang wika at ang varayting ginagamit
naman dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang gumagamit nito. Di-tulad ng nauna, hindi kasinghigpit ang paggamit nf
wika rito. Ipinahihintulot rin ito ang pakikibahai ng tao sa iba’t ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang
tao sa paggamit ng wika.

3. Di-nagkokontrol na mga karangan ng wika (Non-controlling domain of Language). Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na
kadalasang nakikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa. Kaiba sa dalawang nauna dito, puno ng kalayaan ang isang ispiker
kaugnay sa gamit ng wika.

Register

Ayon kay Francisco (2008), tumutukoy ang register sa gamit ng wika sa isang partikular na gawain kung saan ang salitang
ginagamit ay pekulyar sa kanila bilang bahagi ng kanilang gawi. Nagaganap ito dahil may pangangailangan ang mga tao na makabuo
ng sariling wika upang maging madali ang paraan ng daloy ng interakasyon ng isa’t isa.

Ayon naman kay Villafuerte (2005), binigyang kahulugan niya ang register bilang isang istilo sa pananalita ng isang tao. Dahil
ang isang tao ay maaaring gumagamit ng iba’t ibang istilo sa kanyang pagsasalita at maging sa pagsulat upang maipahayag ang
kanyang damdamin.

Pidgin at Creole

Ito ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “ nobody’s native language” o katutubong wikang di-pag-aari
ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang uang wika
kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa. Halibawa’y ang nagyari nang dumating ang mga Espanyol sa
Zamboanga at makipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon
sila ng tinatawag na makeshift language. Sa kaso ng mga katutubo ng Zamboanga at Espanyol, nakalikha sila ng wikang may
pinaghalong Espanyol ay wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.

Tinatawag na creole ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Halimbawa, ang sinimulang
wika ng mga Espanyol at wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin subalit nang maging unang wika na ito ng mga batang isinilang sa
lugar, nagkaroon ng sariling tuntuning panggramatika at tinawag na Chavacano (kung saan ang wikang katutubo ay nahaluan nan g
impluwensya at bokabularyo ng wikang Espanyol o Kastila).

Pahina 8 ng 9
FIL 111a – Barayti at Baryasyon ng Wika

Pahina 9 ng 9

You might also like