EsP10 Q4-Mod3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 3
Mga Isyung Moral Moral Tungkol sa
Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mga Isyung Moral Moral Tungkol sa
Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Janice S. Pejo, T III

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Sa modyul na ito, tatalakayin naman ang mga isyung moral tungkol sa


kawalan ng paggalang sa katotohanan. Bilang tao, inaasahang maging matapat at
gawing makabuluhan ang buhay sa abot ng ating pagsisikap na makamit ito. Ito
rin ay hakbang tungo sa maayos at mabuting pamumuhay na may pagmamahal
sa katotohanan. Mahirap nga ba o madali ang manindigan sa katotohanan? Paano
ba ang maging totoo na hindi isinasantabi ang kahihinatnan o epekto ng
pinanindigang pasiya at ang kalakip na obligasyon bilang tao? Bibigyan ka ng
babasahing ito ng pagkakataon na maging bukas, mapanindigan, at hayag sa iyong
saloobin na mahalin at igalang ang katotohanan.

Inaasahan din na maipamamalas mo sa modyul na ito ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

14.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan


(EsP10PI-IVc-14.1)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
1. Natatalakay ang mga isyu kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan
2. Naipaliliwanag ang mga isyu kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan

14.2 Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa


katotohanan (EsP10PI-IVc-14.2)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
1. Nakapagsusuri ng mga kasalukuyang isyung may kinalaman sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan
2. Nakagagawa ng angkop na paraan upang mabigyan ng solusyon ang mga
isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.

1
Aralin Paninindigan Para sa Katotohanan at
1 Pagsasabi ng Totoo Para sa Kabutihan

Simulan

Gawain 1
Panuto: Isulat ang FACT kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan
subalit kung hindi, isulat ang BLUFF.
___________1. Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng
kaalaman at layunin niya sa buhay.
___________2. Ayon kay Sambajon Jr, ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at
pagsang-ayon sa katotohanan.
___________3. Ang Officious lie ay isang uri ng kasinungalingan na kung saan
sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang.
___________4. Ang Pernicious lie ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon
ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
___________5. Isang halimbawa ng Jocose lie ay ang pagtanggi niya sa pagkain ng
hita ng pritong manok na nasa malaking pinggan, na ang totoo ay
kinain naman niya.
___________6. Ang Natural secrets ay mga lihim na ipinangako ng taong
pinagkatiwalaan nito.
___________7. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit
pasulat, tinatawag itong di-hayag.
___________8. Ang Committed or entrusted secrets ay naging lihim bago ang mga
impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag.
___________9. Isang halimbawa ng di-hayag ay ang isang sekretarya ng doktor, na
inililihim ang mga medical records ng isang pasyente.
___________10. Natural secrets kung ang mga katotohanan na nakasulat dito ay
magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa.

2
Lakbayin

Ang Misyon ng Katotohanan


• Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa
paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.
• Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kondisyon ng
pagiging totoo
• Ang pagsasabi ng totoo ay mahalaga sa paninindigan ng
katotohanan. Ang tunay nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na
ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman.

Ang imoralidad ng pagsisinungaling


Ayon kay Sambajon Jr. et.al (2011), ang pagsisinungaling ay ang hindi
pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa
bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa
pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.

Ang kasinungalingan ay may tatlong uri:

1. Jocose lies – isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng
kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang
pagsisinungaling.
Halimbawa: Pagkukuwento ng isang nanay tungkol sa Santa Klaus na nagbigay ng
regalo sa isang bata dahil sa pagiging masunurin at mabait nito.

2. Officious lie – tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang


sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Ito
ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat
na dahilan.
Halimbawa: Pagtanggi niya sa pagkain ng hita ng pritong manok na nasa malaking
pinggan, na ang totoo ay kinain naman niya.

3. Pernicious lie – ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao


na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Halimbawa: Pagkakalat ng maling bintang kay Pedro ng pagnanakaw niya sa wallet
ng kaniyang kaklase na hindi naman siya ang kumuha nito, na kung saan siya ay
kinuhaan din.

Ang Kahulugan ng Lihim, Mental Reservation, at Prinsipyo ng


Confidentiality
Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o
naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang
nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang
walang pahintulot ng taong may-alam ditto
Ang sumusunod ay mga lihim na hindi basta-basta maaaring ihayag:

3
1. Natural secrets – ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral.
- Ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding
hinagpis at sakit sa isa’t isa.
Halimbawa: Ang pagtatago ng isang maambisyong babae na isa siyang ampon na
pinipilit pagtakpan ang kaniyang nakaraan. Ito ay maaaring magdulot ng kahihiyan
sa kaniyang pagkatao.

2. Promised secrets – ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan


nito.
- Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na.
Halimbawa: Paglihim sa isang sinisimulang magandang negosyo hangga’t hindi pa
ito nagtatagumpay. Hindi rin sinasabi ang mga mahahalagang detalye at
impormasyon kahit sa mga kasamahan at kaibigan man.

3. Committed or entrusted secrets – naging lihim bago ang mga impormasyon at


kaalaman sa isang bagay ay nabunyag.
Ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring:

a. Hayag. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.

Halimbawa: Ang isang sekretarya ng doktor, na inililihim ang mga medical records
ng isang pasyente.

b. Di hayag. Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit


inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o
institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin.

Mga halimbawa nito ay mga impormasyon na natatanggap ng mga doktor at nars


mula sa kanilang mga pasyente, mga facts na nasa pangangalaga ng government
intelligence men, mga pambihirang kaalaman (priviledge knowledge) na nakuha ng
mga abogado, social workers, mga pari (at iba pang mga lihim sa kumpisalan na
binigyan ng ganap na kapatawaran at iba pang di ginagawa ng hayagan), at iba pang
mga tungkulin na binigyan ng tiwala upang humawak ng mga lihim.

Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t higit kung may matinding
dahilan upang gawin ito. Maaaring itago ang katotohanan gamit ang Mental
Reservation. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na
kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may
katotohanan nga ito.

4
Galugarin

Gawain 2
Panuto: Bilugan, hanapin at tukuyin ang mga salita sa puzzle. Maaaring
ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik, o padayagonal. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

A. Hayag F. Di-Hayag
B. Jocose Lie G. Natural Secrets
C. Katotohanan H. Pernicious Lie
D. Pagsisinungaling I. Lihim
E. Officious Lie J. Entrusted Secrets

A S D F G H J K L Y U T I O B G S
W E N A N A H O T O T A K E N N T
J R T Y U I A F G J K I L I O P E
O O Y R D S Y N H V X Z L S N V R
A S C Q W E A G B H J A N U C X C
S D F O G H G E R T G U I O P F E
A I X F S V H T Y N R T Y I C G S
C H E R T E B G U T L B M C C F D
Q A E R T Y L N S D I C V I T G E
S Y D F G H I I T R H C G F F B T
T A Y U I S C F E V I B N F F G S
R G T Y I C V B N B M E R O D F U
S D F S J A N I C E K A T E J A R
A S G J A K E D F G H J K L Y B T
A A S T E R C E S L A R U T A N N
P E R N I C I O U S L I E N B E E

Gawain 3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa mga salita sa Gawain 2.
Isulat ito sa sagutang papel.

______1. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang


bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao
sa isang grupo o lipunan.
______2. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit
pasulat.
______3. Ito ay naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang
bagay ay nabunyag.
______4. Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit
inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang
kompanya o institusyon.

5
______5. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay
nitong mabigat na dahilan.
______6. Ito ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral.
______7. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang
pagsisinungaling.
______8. Ito ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o
naisisiwalat.
______9. Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin
niya sa buhay.
______10. Ito ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao
na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba

Palalimin

Gawain 4
Panuto: Gumawa ng isang “ADVOCACY CAMPAIGN” na nanghihikayat sa
mga kabataang kagaya mo na pahalagahan ang pagsasabi ng katotohanan
at iwasan ang pagsisinungaling.

Rubric sa Paggawa ng Advocacy Campaign


Mga Batayan Mga Puntos
10 6 3
1. Nilalaman Naipakita at Naipakita at Di-gaanong
naipaliwanag ng naipaliwanag ang naipakita at
maayos ang ugnayan ng naipaliwanag
ugnayan ng konsepto sa ang ugnayan
konsepto sa paggawa ng ng konsepto
paggawa ng advocacy sa paggawa ng
advocacy campaign campaign. advocacy
campaign
2. Kaangkupan ng Mahusay, May kaangkupan Di-gaanong
konsepto at iba pang maliwanag at ang konsepto at maliwanag at
materyal na ginamit angkop na angkop iba pang materyal angkop ang
ang konsepto at iba tulad ng larawan, konsepto at
pang material tulad slogan at iba pa iba pang
ng larawan, slogan upang materyal sa
at iba pa upang mailarawan ang paglalarawan
mailarawan ang mensahe ng at pagbibigay
mensahe ng advocacy mensahe ng
advocacy campaign campaign advocacy
campaign
3.Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya May Ang advocacy
sa paggawa ng pagkakatulad sa campaign ay
advocacy campaign iba ang ginawang kinopya
advocacy lamang sa iba
campaign

6
Mga Isyu na Humahamon sa
Aralin Kasagraduhan ng
2 Katotohanan

Simulan

Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang TITIK ng pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.
______1. Ito ay tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang
sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito
maibaling.
A. Jocose Lie B. Pernicious Lie C. White Lie D. Officious Lie
______2. Ito ay isang uri ng kasinungalingan kung saan sinasabi o
sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang.
A. Jocose Lie B. Pernicious Lie C. White Lie D. Officious Lie
______3. Ito ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na
pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
A. Jocose Lie B. Pernicious Lie C. White Lie D. Officious Lie
______4. Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito.
A. Natural Secrets B. Promised Secrets
C. Committed Secrets D. Hidden Secrets
______5. Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-
aari, MALIBAN sa isa:
A. Intellectual Piracy B. Copyright Infringement
C. Theft D. Whistleblowing
______6. Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan
eh. Ayaw na ng pamilya ko, at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy ko na
rin.” Paano pinanindigan ng whistleblower ang kaniyang pakikibaka
para sa katotohanan?
A. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya.
B. Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya.
C. Mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan.
D. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya.
______7. Ang sumusunod ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas
nahihikayat na gawin ang pagnanakaw sa gawa ng iba kaysa sa lumikha
ng sarili at paulit-ulit na pagsasagawa nito, MALIBAN sa isa:
A. Mababang presyo B. Anonymity
C. Madaling transaksiyon D. Hindi sistematiko
______8. Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin
niya sa buhay.
A. Katotohanan B. Katalinuhan C. Kapayapaan D. Kaliwanagan

7
______9. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang
bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng
mga tao.
A. Krimen B. Karahasan C. Pagsisinungaling D. Panloloko
______10. Ito ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral.
A. Natural Secrets B. Promised Secrets
C. Committed Secrets D. Hidden Secrets
______11. Ito ay maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na
kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig.
A. Mental Telapathy B. Mental Disorder
C. Mental Reservation D. Mental Answer
______12. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng
katotohanan sa mga datos, mga ideya, balangkas ng isang akda ngunit
hindi kinilala ang pinagmulan.
A. Whistleblowing B. Piracy C. Fair Use D. Plagiarism
______13. Anong prinsipyo ito na ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga
salita at mga datos na nakuha at nahiram ay dapat bigyan ng kredito o
pagkilala ang may akda o pinagmulan.
A. Plagiarism B. Intellectual Honesty
C. Intellectual Piracy D. Whistleblowing
______14. Anong prinsipyo ito na magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng
anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa
kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan.
A. Fair Use B. Intellectual Honesty
C. Intellectual Piracy D. Whistleblowing
______15. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiswalat mula sa tao na
karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/
korporasyon.
A. Whistleblowing B. Piracy C. Fair Use D. Plagiarism

Lakbayin

Ano ang mga itinuturing na paglabag sa intelektuwal na gawain at pag-aari


ng tao?

Plgiarism
• Ang plagiarism ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al,
2003).
• Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng
katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod
at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala
ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya.

Sumasailalim sa prinsipyo ng Intellectual Honesty ang lahat ng mga


orihinal na ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at nahiram na dapat bigyan
ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan.

8
Paano ito maiiwasan?
1. Magpahayag sa sariling paraan.
2. Mahalaga rin na magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling
posisyon o stand sa anumang argumento o pagtatalo.
3. Ang tamang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento at
pagbuo ng sariling konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na
magpahayag.

Intellectual piracy
• Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita sa
paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong
pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of
the Philippines 1987.
• Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at
panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
• Copyright holder ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag
sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.

Ngunit kahit pa ipinagbabawal ang mga ito at may mga pinagtibay na batas,
bakit may mga tao pa ring nahihikayat na gawin o di kaya ay paulit-ulit na
pagsasagawa nito?

1. Presyo - Kawalan ng kakayahan na makabili dahil sa mataas na presyo


2. Kawalan ng mapagkukunan - Kung ang produkto ay limitado sa mga pamilihan
at may kahirapang hanapin, maiisipan na mas madali itong maangkat sa ibang
paraan tulad ng pag-access sa internet o ibang website address.
3. Kahusayan ng produkto - Kung ang produkto ay napakinabangan ng lahat at
nakatutulong sa iba, ito ay magandang oportunidad upang tangkilikin ng lahat.
4. Sistema/paraan ng pamimili - Ang sistemang ito ang nagbibigay sa mamimili ng
komportableng paraan na mapadali ang mga transaksiyon gamit ang online order
5. Anonymity - Dahil sa napakadali ng access sa internet, hindi na rin mahirap
ang mag download o makakuha ng mga impormasyon at detalye mula sa nais na
website ng isang copyright owner na hindi na kailangan pa ng anumang
pagkakakilanlan o identification.

Karapatang-ari at ang Prinsipyo ng Fair Use

Prinsipyo ng Fair Use


• magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi ng likha o
kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili
ang kaniyang karapatan at tamasahin ito.
• sa patakaran ng Fair Use sa ilalim ng Copyright Law, ang mga awtor ay
maaaring magtakda ng paggamit sa gawa ng ibang kapuwa awtor kahit hindi
pa humingi ng pahintulot dito.
• Ang fair use ay mula sa paniniwala na ang publiko ay may karapatan sa
malayang paggamit ng mga bahagi ng inilathalang babasahin para sa
pagbibigaypuna at komentaryo.

Whistleblowing
• ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay
empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.

9
• Whistleblower naman ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o
pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o
ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.

Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay na mabuti at matuwid na gawain at


walang pasubali na isa itong moral na obligasyon ng bawat tao.

Galugarin

Gawain 2
Panuto: Pag-aralan o siyasating mabuti ang mga kaso sa ibaba, at ibigay
ang mga resolusyon mo dito. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Dahil sa mababang presyo ng mga pirated cd, mas gusto pa ng ilan na tangkilikin
ito kaysa sa bumili ng orihinal o di kaya ay pumila pa at manood sa mga cinema
theater.
Tanong:
a. Makatwiran ba ang pahayag sa itaas? Paano ito nakaapekto sa taong lumikha
nito?
b. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Bakit?
Mungkahing resolusyon sa kaso:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Dahil sa kakulangan ng mapagkukunang datos sa pananaliksik na ginagawa ng


isang gurong-mananaliksik sa kaniyang pag-aaral, minabuti ng guro na gamitin ang
isang pribadong dokumento nang walang pahintulot sa gumawa.
Tanong:
a. Mayroon bang sapat na kondisyon na makalilimita sa paggamit ng lihim na
dokumento tulad ng kaso sa itaas na maging katuwiran sa paggamit ng pribadong
pag-aari ng isang tao? Pangatuwiranan.
Mungkahing resolusyon sa kaso:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Dahil sa takot na maparusahan ng kaniyang ama, ang isang mag-aaral sa kolehiyo


na nakakuha ng lagpak na marka sa isa niyang asignatura, ay gumawa ng isang
pandaraya na gawin itong mga pasado.
Tanong:
a. Nabigyan ba ng sapat na kutwiran ng mag-aaral ang kaniyang ginawang
pandaraya? Bakit?
b. Sa iyong palagay, ano ang nararapat gawin? Ipaliwanag.
Mungkahing resolusyon sa kaso:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
Pamantayan sa Pagwawasto sa Gawain

Pamantayan NAPAKA- MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


HUSAY
(8 (6) (4)
(10)

Kalidad ng Nasuri ng Nasuri ang mga Nasuri ang ilang Hindi nasuri ng
Pagpapaliwanag mabuti ang naibigay na kaso kaso at maayos ang
at may mabuting matatanggap mga naibigay
mga naibigay pagpapa – ang pagpapa na kaso at
na kaso at liwanag –liwanag kailangang
(Katamtamang (May kaunting isaayos ang
napaka -
pagpapa – kamalian ang pagpapaliwanag
husay ng
liwanag) pagpapa – (Malaki ang
pagpapali liwanag) kakulangan,
wanag nagpapakita ng
(Buo at kaunting
maliwanag) kaalaman)

Palalimin

Gawain 3
Panuto: Pumili ng limang isyung napanood sa telebisyon na tumatalakay sa
mga isyung may kinalaman sa kasagraduhan ng katotohanan. Magbigay ng
iyong reaksyon tungkol sa mga isyung ito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Rubrics sa Paggawa ng Reaksyon


Pamantayan Indikator Puntos Natatamong
(5 puntos) Puntos
Organisasyon Mahusay ang pagkakalahad ng
ideya sa kabuuan ng talata at
mabisa ang panimula at
kongklusyon.
Paggamit ng Napakahusay ang paggamit ng
Wika at wika, walang mali sa grammar,
Mekaniks baybay, at gamit ng bantas,
may mayamang bokabularyo.

Presentasyon Malinis at maayos ang


pagkakasulat ng reaksyon.
Kabuuan

11
Sukatin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
______1. Ito ay isang uri ng kasinungalingan kung saan sinasabi o
sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang.
A. Jocose Lie B. Pernicious Lie C. White Lie D. Officious Lie
______2. Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito.
A. Natural Secrets B. Promised Secrets
C. Committed Secrets D. Hidden Secrets
______3. Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan
eh. Ayaw na ng pamilya ko, at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy ko na
rin.” Paano pinanindigan ng whistleblower ang kaniyang pakikibaka para sa
katotohanan?
A. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya.
B. Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya.
C. Mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan.
D. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya.
______4. Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin
niya sa buhay.
A. Katotohanan B. Katalinuhan C. Kapayapaan D. Kaliwanagan
______5. Ito ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral.
A. Natural Secrets B. Promised Secrets
C. Committed Secrets D. Hidden Secrets
______6. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng
katotohanan sa mga datos, mga ideya, balangkas ng isang akda ngunit
hindi kinilala ang pinagmulan.
A. Whistleblowing B. Piracy C. Fair Use D. Plagiarism
______7. Anong prinsipyo ito na magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang
bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa kaniyang
pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan.
A. Fair Use B. Intellectual Honesty
C. Intellectual Piracy D. Whistleblowing
______8. Ito ay tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang
sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito
maibaling.
A. Jocose Lie B. Pernicious Lie C. White Lie D. Officious Lie
______9. Ito ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na
pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
A. Jocose Lie B. Pernicious Lie C. White Lie D. Officious Lie
______10. Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa
pag- aari, MALIBAN sa isa:
A. Intellectual Piracy B. Copyright Infringement
C. Theft D. Whistleblowing
______11. Ang sumusunod ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas
nahihikayat na gawin ang pagnanakaw sa gawa ng iba kaysa sa lumikha
ng sarili at paulit-ulit na pagsasagawa nito, MALIBAN sa isa:
A. Mababang presyo B. Anonymity
C. Madaling transaksiyon D. Hindi sistematiko

12
______12. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng
isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng
mga tao.
A. Krimen B. Karahasan C. Pagsisinungaling D. Panloloko
______13. Ito ay maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na
kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig.
A. Mental Telapathy B. Mental Disorder
C. Mental Reservation D. Mental Answer
______14. Anong prinsipyo ito na ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga
salita at mga datos na nakuha at nahiram ay dapat bigyan ng kredito o
pagkilala ang may akda o pinagmulan.
A. Plagiarism B. Intellectual Honesty
C. Intellectual Piracy D. Whistleblowing
______15. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiswalat mula sa tao na
karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/
korporasyon.
A. Whistleblowing B. Piracy C. Fair Use D. Plagiarism

Sanggunian
Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing Corporation Department
of Education - Instructional Materials Council Secretariat, Deped Complex Meralco Avenue, Pasig
City, Philippines 1600

Mula sa Internet

https://images.app.goo.gl/sASCxUouLwZfwQ9J6
https://images.app.goo.gl/s6sYVKTzZPAn4f6w5

13
14
ARALIN 1:
Gawain 1
1. FACT 6. BLUFF
2. FACT 7. BLUFF
3. BLUFF 8. FACT
4. FACT 9. BLUFF
5. BLUFF 10. FACT
Gawain 2
G S
N A N A H O T O T A K E N T
J A I E
O Y L S R
C A A U C
D O G G O E
I S N I S
H E U L C D
A L N I I E
Y I I H F T
A S E I F S
G I M O U
S R
G T
A S T E R C E S L A R U T A N N
P E R N I C I O U S L I E E
Gawain 3
1. D 6. G
2. A 7. B
3. J 8. I
4. F 9. C
5. E 10. H
ARALIN 2:
Gawain 1
1. D 6. B 11. C
2. A 7. D 12. D
3. B 8. A 13. B
4. B 9. C 14. A
5. D 10. A 15. A
SUKATIN
1. A 6. D 11. D
2. B 7. A 12. C
3. B 8. D 13. C
4. A 9. B 14. B
5. A 10. D 15. A
Susi ng Pagwawasto

You might also like