ESP10 Q4-Mod2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

10

00
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 2
Mga Isyung Moral Moral Tungkol sa Kawalan
ng Paggalang sa Dignidad at Seksuwalidad

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Mga Isyung Moral Moral Tungkol sa
Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Seksuwalidad
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Ano mang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Charmaine B. Dumaguin, T I

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Kapag nababanggit ang salitang sekswalidad, ano ang unang pumapasok sa


isipan mo? Bakit ito ang naiisip mo? May kinalaman ba ito sa iyong pagpapahalaga
o pananaw mo patungkol dito? Bakit nga ba mahalagang magkaroon ng malinaw
na posisyon sa mga isyung patungkol sa kawalan ng paggalang sa sekswalidad?

Sa modyul na ito, inaasahang malinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at


pag-unawa sa mga sumusunod:

Napangangatwiranan na:

1. Makakatulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng


paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa
mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad ng tao. (EsP 10-Pl-lva-13.3)
2. Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at sekswalidad. (EsP 10-Pl-lVb-13.4)

Narito ang mga layunin sa pag-aaral sa modyul na ito.

a. Naiintindihan ang kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao.


b. Nakakagawa ng personal at malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa
kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.

1
Aralin Mga Isyu ng Kawalan ng
1 Paggalang sa Sekswalidad

Simulan

Gawain 1.

Panuto: Gamit ang nakaraang natutunan at kaalaman, magtala ng


limang mga isyung nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad ng tao. Isulat ang mga isyung ito sa unang kolum at sa
pangalawang kolum, isulat ang mga solusyon sa mga ito. Gamiting gabay sa
pagsagot ang pormat at rubriks sa ibaba. (3 puntos bawat bilang)

Isyu Solusyon

1.

2.

3.

4.

5.

Rubriks sa Pagsagot

2
Puntos Pamantayan
3 puntos Nakapagsulat ng isyu at malinaw na solusyon upang
maiwasan o malutas ang isyu
2 puntos Nakapagsulat ng isyu ngunit walang malinaw na solusyon
upang maiwasan o malutas ang isyu
1 punto Nakapagsulat ngunit hindi wasto

Lakbayin

Ang kasarian at sekswalidad ay mga salitang kadalasang hindi malinaw ang


pagkakaintindi ng mga tao. Subalit sa paglipas ng panahon, unti- unting
nabibigyang linaw ang pagkakaiba ng mga ito.
Ang kasarian ng tao ay mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang
kaniyang pagtanggap at pagganap sa kaniyang sekswalidad. Ito ay nararapat na
naaayon sa tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya
– ang pagkakaisa ng katawan at espiritu.
Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o
lalaki. Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao at bukod-tangi sa
pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae.
Ang mga sumusunod na isyu patungkol sa seks at sekswalidad ay mga
isyung natukoy ayon sa survey na ikinomisyon ng National Secretariat for Youth
Apostolate (NSYA). Kabilang sa mga ito ay ang pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-
marital sex), pornograpiya, pang-aabusong seksuwal, at prostitusyon.

Pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex)


- Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong
edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
- Ang mga sumusunod ay mga maituturing na maling pananaw ng mga taong
nakikipagtalik nang hindi pa naayon.
1. Ang pakikipagtalik ay likas at normal na gampanin ng katawan ng tao
upang matugunan ang pangangailangan ng katawan.
2. Karapatan ng tao ang makipagtalik nang malaya lalo na kung may
pagsang-ayon mula sa mga gagawa nito.
3. Ito ay isang uri ng ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.

3
- Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay mabuti
sapagkat ito ay regalo o banal na kaloob sa atin ng Diyos. Subalit maaari lamang
itong gawin ng mga taong pinagbuklod sa Sakramento ng Kasal. Ang layunin ng
pakikipagtalik ay pagsasakatawan sa tunay na pagmamahal sa pagitan ng mag-
asawa upang magkabuo ng pamilya.
- Kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon sa katapat na kasarian
ang negatibong naipapahayag ng pakikipagtalik nang hindi kasal. Ito ay sa
kadahilanang, itinuturing ng taong nagsagawa nito na isang seksuwal na bagay
lamang ang kaniyang kapareha na tutugon sa kaniyang pansariling kasiyahan.
Bukod pa rito, ang hindi pagiging handa ng katawan at kaisipan ng kabataang
gagawa nito ay higit na makakaapekto dahil sa panibagong responsibilidad na
kaniyang kakaharapin.
Pornograpiya
- Ito ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may kahulugang
prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na
nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
- Ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan
o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o
nagbabasa. Tinatawag na pornograpo o pornograper ang mga lumilikha ng
ganitong mga uri ng babasahin at panoorin.
- Ito ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos seksuwal na
kadalasan ay suggestive at provocative. Hinihikayat nito ang taong tumitingin na
mag-isip ng masama at magkaroon ng hindi magandang pagtingin sa katawan ng
taong nasa larawan. At nawawala na ang propriety at decency na dapat sana ay
kaakibat ng makabuluhang pagtingin sa katawan ng tao.
Mga Pang-aabusong Seksuwal
- Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o
katawan ng iba o ang paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na
gawain at sexual harassment.
Prostitusyon
- Itinuturing na pinakamatandang propesyon o gawain nagbibigay ng
panandaliang-aliw kapalit ng pera. Ang pakikipagtalik ay binabayaran ng taong
umupa upang makadama ng kasiyahang seksuwal.

Mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng sekswalidad upang makamit


ang tunay na layunin ng pagkakaroon ng paggalang sa pagkatao ng tao.

4
Galugarin

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang T kung ang
pahayag ay tama, at M naman kung mali.

_____ 1. Karapatan ng tao ang makipagtalik kahit hindi pa ikinasal.

_____ 2. Banal na kaloob o regalo ng Diyos ang kakayahang seksuwal ng tao.

______3. Makakamit lamang ang tunay na kaganapan ng tao sa pamamagitan ng


pakikipagtalik.

_____4. Ang paggamit ng puwersa ng isang nakakatanda sa nakakabata sa


paggawa ng gawaing pangsekswal ay saing halimbawa ng pag-aabusong
seksuwal.

_____ 5. Nilalayon ng pornograpiya na hikayatin ang sinuman na tignan nang may


pagnanasa sa isang larawan or babasahin.

______6. Napaghahandaan ng isang kabataang maagang nakipagtalik ang


responsibilidad na kaakibat nito.

______7. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at


nagpapababa ng dignidad ng isang tao.

_____ 8. Itinuturing na pinakamatandang gawaing nagbibigay ng panandaliang-


aliw kapalit ng pera ang prostitusyon.

_____9. Walang pinipiling edad, kasarian o estado sa buhay ang mga taong
nakakaranas ng pang-aabusong sekswal.

_____ 10. Hindi lamang sa pakikipagtalik maipapahayag ang pagmamahal sa isang


tao.

5
Palalimin

Gawain 3

Panuto: Magsulat ng mga salitang tumatak sa iyong isipan na nagbibigay


kahulugan sa mga isyung natalakay. Gamiting gabay sa pagsagot ang pormat sa
ibaba.

Pang-aabusong sekswal

Pornograpiya

Prostitusyon

Pakikipagtalik nang hindi kasal

6
Rubrik

Nangangailang
Napakahusay Mahusay Katamtaman an pa ng
PAMANTAYAN
4 3 2 Kasanayan
1
Napakahusay Mahusay ng May kahusayan Maligoy ang
ng pagkakabuo pagkakabuo ng ang sagot.
ng sagot. sagot. Malinaw pagkakabuo ng Nakalilito at
Malawak at at tiyak ang sagot. Tiyak ang hindi tiyak ang
NILALAMAN
marami ang pahayag at mga pahayag at mga punto.
angkop na paliwanag. paliwanag.
pahayag at
elaborasyon.

7
Aralin
Seksuwalidad
2

Simulan

Gawain 4
Panuto: Sumulat ng positibong katangiang tumutukoy sa bawat letra ng
salitang SEKSUWALIDAD. Gamitin ang pormat at rubriks sa paggawa.

SEKSUWALIDAD
S-
E-
K-
S-
U-
W-
A-
L-
I-
D-
A-
D-
Rubrik

Nangangailang
Napakahusay Mahusay Katamtaman an pa ng
PAMANTAYAN
16 12 8 Kasanayan
4
Napakahusay ng Mahusay ng May kahusayan Hindi malinaw
pagkakabuo ng pagkakabuo ng ang pagkakabuo ang sagot.
sagot. Angkop na sagot. ng sagot. Karamihan sa
angkop ang mga Angkop ang mga May mga hindi mga napiling
napiling napiling angkop na paglalarawang
NILALAMAN
paglalarawan na paglalarawan na napiling salita ay hindi
salita. Gumamit salita. Gumamit paglalarawang angkop.
ng sukat at ng sukat at salita. Hindi
tugma tugma gumamit ng
sukat at tugma

8
Lakbayin

Ang pagkaunawa sa bawat isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang


sa sekswalidad ng isang tao ay malaking bagay upang mabigyang halaga ang tunay
na layunin ng sekswalidad.

Ang kakayahang pangseksuwal ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ito ay may


mabuting layunin na maari lamang gawin ng isang babae at isang lalaki na
pinagbuklod ng kasal o pag-isang dibdib- ang magkaroon ng anak (procreative) at
mapag-isa (unitive). Anumang layuning taliwas sa dalawang nabanggit ay
magdadala sa katotohanang mali ang kilos ng isang tao sa paggamit ng kaniyang
sekswalidad. Halimbawa na lamang ay ang mga pakikipagtalik nang hindi kasal,
pang-aabusong sekswal, pornograpiya at prostitusyon na nagpapakita ng kawalan
ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ng isang tao.

Malaya tayong gawin ang mga bagay na ninanais natin. Subalit, ating
pakatandaan na dapat maging mapanuri at timbanging mabuti kung ang kilos na
ito ay mabuti o masama. Dahil sa huli, mayroong pananagutan at epekto ang mga
kilos na ito sa atin at sa ibang tao.

Galugarin

Gawain 5

Panuto: Ibigay at ipaliwanag ang iyong posisyon sa sumusunod na mga isyu na


may kinalaman sa seksuwalidad at dignidad.

1. Same Sex Marriage


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
2. Cyber sex
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik

Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman
PAMANTAYAN pa ng Kasanayan
4 3 2
1
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang sagot.
ng pagkakabuo pagkakabuo kahusayan ang Nakalilito at hindi
ng sagot. ng sagot. pagkakabuo ng tiyak ang mga
Malawak at Malinaw at sagot. Tiyak punto.
NILALAMAN
marami ang tiyak ang ang mga
angkop na pahayag at pahayag at
pahayag at paliwanag. paliwanag.
elaborasyon.

Palalimin

Gawain 6

Panuto: Sa isang malinis na papel, sumulat ng isang sanaysay na naglalaman ng


iyong posisyon tungkol sa isang isyung nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad. Gamiting gabay ang rubriks sa ibaba.

Rubrik

Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman
PAMANTAYAN pa ng Kasanayan
20 18 15
10
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang
ng pagkakabuo kahusayan sagot. Nakalilito
pagkakabuo ng sanaysay. ang at hindi tiyak ang
ng sanaysay. Malinaw at pagkakabuo mga punto.
NILALAMAN Malawak at tiyak ang ng sanaysay.
marami ang pahayag at Tiyak ang
angkop na paliwanag. mga pahayag
pahayag at at paliwanag.
elaborasyon.

10
Sukatin

Gawain 6

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang
pinaka-angkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong
sagutang papel.

____ 1. Ano ang tawag sa pagiging bukod-tangi sa pamamagitan ng pagkalalaki o


pagkababae?
A. Dignidad B. Integridad C. Kasarian D. Sekswalidad
____ 2. Ano ang gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong
edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal?
A. Pang-aabusong sekswal B. Pakikipagtalik nang hindi kasal
C. Pornograpiya D. Prostitusyon
____ 3. Alin sa mga sumusunod na isyu ang tumutukoy sa pinakamatandang
gawain na nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng salapi?
A. Pang-aabusong sekswal B. Pakikipagtalik nang hindi kasal
C. Pornograpiya D. Prostitusyon
____ 4. Sino ang taong lumilikha ng mga uri ng babasahin at palabas na
pumupukaw sa sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa?
A. Artista B. Litratista C. Pornograpo D. Prostitute
____ 5. Anong isyu ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ang nanggaling sa
dalawang salitang Griyego, “porne” at “graphos”?
A. Pang-aabusong sekswal B. Pakikipagtalik nang hindi kasal
C. Pornograpiya D. Prostitusyon
____ 6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng makamundong pagnanasa sa
pamamagitan ng malalaswang babasahin o palabas?
A. Pang-aabusong sekswal B. Pakikipagtalik nang hindi kasal
C. Pornograpiya D. Prostitusyon
____ 7. Ano ang mga layunin na maaari lamang gawin ng isang lalaki at isang
babae na pinagbuklod ng kasal?
A. Makamit ang layuning ninanais
B. Mapag-isa at magkaroon ng anak
C. Magtamo ang kasiyahan na kaloob ng Diyos
D. Maisakatawan ang pagmamahalan sa isa’t-isa na may kalayaan

11
____ 8. Ano ang maaring mawala o mapababa kung nakipagtalik ka bago ang
kasal?
A. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa
B. Integridad at kakayahang maging masaya
C. Paggalang at kalayaang ipahayag ang sarili
D. Respeto at dignidad bilang isang indibidwal
____ 9. Ano ang magiging epekto kung nakipagtalik bago ang kasal?
A. Magiging normal ang pakikipagtalik
B. Maisasakatuparan ang karapatang pantao maging masaya
C. Hindi pagiging handa sa magiging bunga sa kanilang buhay
D. Maipapakita ang dedikasyon at komitment sa katapat na kasarian
____ 10. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa pornograpiya?
A. Nagdudulot ng makamundong pagnanasa sa isang tao
B. Nagpapakita ng hubad at lantad na larawan bilang isang sining
C. May layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o
nagbabasa
D. Nagpapawala sa propriety at decency na dapat ay kaakibat sa
makabuluhang pagtingin sa katawan ng tao
____ 11. Kailan masasabing ang paggamit sa sekswalidad ng tao ay masama?
A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan
B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
sekswalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan.
____ 12. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.
B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay.
C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa
nito.
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag
ng mag-asawa sa bawat isa.

12
____13. Alin sa sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pornograpiya?
A. Hinihipuan ni Mang Kepweng si Nena tuwing sila’y nagkikita
B. Inihayag ni Erwan ang kanyang pagmamahal kay Anne sa pamamagitan ng
kasal
C. Niyaya ni Esteban na manood ng malalaswang palabas ang kaniyang mga
kaibigan.
D. Walang ibang mapagkuhanan si Marimar ng pantustos sa kaniyang anak
bukod sa pagpasok bilang entertainer sa gabi
____ 14. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa prostitusyon?
A. Pakikipagtalik kapalit ng salapi
B. Pakikipagtalik nang hindi pa ikinakasal
C. Paglalaro ng katawan ng iba upang makadama ng kasiyahan
D. Paggamit ng malalaswang larawan o babasahin upang pukawin ang
manonood o mambabasa
____ 15. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng sexual harassment?
A. Panonood ng malalaswang palabas
B. Paglalaro sa maseselang bahagi ng katawan ng iba
C. Paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan
D. Paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 280-301, Unang Edisyon 2015

https://www.wikiwand.com/tl/Pornograpiya

13
14
Sukatin
1. D
2. B
3. B Gawain 2:
4. C
Tama o Mali
5. C
6. C 1. M
7. B 2. T
8. D 3. M
9. C 4. T
10. B 5. T
11. C 6. M
12. D 7. T
13. C 8. T
14. A 9. T
15. A 10. T
Susi ng Pagwawasto

You might also like