Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan -Modyul 4
Mga Isyung Moral Tungkol sa Kawalan ng
Paggalang sa Katotohanan

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Isyung Moral Tungkol sa Kawalan
ng Paggalang sa Katotohanan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mary Rose C. Mallari, T III


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin

Mahirap ba ang manindigan sa katotohanan? Paano ba maging totoo na hindi


isinasantabi ang kahihinatnan o epekto ng pinanindigang pasiya at ang kalakip na
obligasyon bilang tao?

Bibigyan ka ng babasahing ito ng pagkakataon na maging bukas,


mapanindigan, at hayag sa iyong saloobin na mahalin at igalang ang katotohanan.
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito inaasahang masasagot mo ang
mahalagang tanong na: Bakit mahalaga na maging mulat sa mga isyu tungkol sa
kawalan ng paggalang sa katotohanan?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo


ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

a. Napatutunayang ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa


kawalan ng paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at
isabuhay ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang.
(EsP 10 - PI-IVd-14.3)
b. Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa
katotohanan. (EsP 10 – PI-IVd-14.4)

1
Aralin Paggalang sa Katotohanan:
Daan ng Pagiging Mapanagutan at
1 Tapat na Nilalang

Simulan

Gawain 1
Panuto. Basahin at timbangin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek

() ang angkop na hanay. Kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag sa hanay ng


masayang mukha at kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa pahayag, sa malungkot
na mukha.

Mga Pahayag ☺ 
1. Ang sinuman ay may karapatan na itago ang
katotohanan kung ikapapahamak ito ng kapwa.
2. Ang mga tagapagturo ay may moral na obligasyon
na ingatan ang mga dokumento ng kanilang mag-
aaral tulad ng kanilang academic records.
3. Ang mga sensitibong usapin tulad ng pagbubunyag
ng mga lihim ay nararapat na pag-usapan nang
bukas, may paggalang, at pagmamalasakit sa
nagpapahayag nito.
4. Marapat na gawing pribado ang anumang pag-
uusap lalo na kung ito ay mga anomalyang
nangyayari sa loob ng samahan o organisasyon.
5. Hindi masama ang pagbibigay ng special
assignment sa mga mag-aaral lalo na kung
gagamitin ito ng guro sa kaniyang research paper
upang mabawasan ang kaniyang hirap sa paggawa
nito

2
Lakbayin

Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at


layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan
ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat tao na naghahanap nito,
masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at
walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin ito. Ang sinumang
sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may
kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.

Pagmamahal sa Katotohanan
• Ang pagmamahal sa katotohanan ay mahalagang gabay sa buhay na tapat
at mapanagutan
• Kapag malinis ang ating puso at ang ating hangarin, lalo tayong
magniningning at lumiliwanag ang ilaw na ibinigay sa atin ng Diyos na
siyang pinanggalingan ng katotohanan.
• Ang pagmamahal sa katotohanan ay dapat maisabuhay at mapagsikapang
mapairal sa lahat ng pagkakataon

Dahil sa kawalan ng pagmamahal sa katotohanan, ang kasinungalingan ang


nangingibabaw. Ito ngayon ang hamon sa bawat tao – maging instrumento tungo sa
katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya
at mga pagpapahalaga.

3
Galugarin

Gawain 2
Panuto. Sa pamamagitan ng isang flower chart magbigay ng mga maaaring gawin
upang maisabuhay ang pagmamahal at paggalang sa katotohanan.

Paggalang sa
Katotohanan

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa
Pamantayan ng Kasanayan
5 3 1
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang naaayon naaayon ang ngunit hindi tiyak ang
Nilalaman
ang nakapaloob na nakapaloob na ilang nakapaloob na
(5 puntos)
kaisipan sa kaisipan sa kaisipan sa ginawa.
ginawa. ginawa.
Maayos, malinis at Organisado Hindi organisado ang
Organisasyon organisado ang ngunit hindi pagkakagawa.
(5 puntos) pagkakagawa. malinis ang
pagkakagawa.

4
Palalimin

Gawain 3
Panuto: Balikan ang mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan sa Modyul 3 at tukuyin ang mga sumusunod na konsepto. Sa huling
bahagi ng concept map ay isulat ang iyong posisyon o pasiya upang mapanumbalik
ang paggalang sa katotohanan.

Mga isyu tungkol


sa kawalan ng
paggalang sa
katotohanan

Tatlong uri ng kasinungalingan

Mga lihim na hindi basta-basta maaaring ihayag

Posisyon o pasiya upang mapanumbalik ang paggalang sa katotohanan

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

___________
5
Pamantayan sa Pagwawasto sa Gawain

Pamantayan NAPAKA- MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


HUSAY
(7) (5) (3)
(10)

Kalidad ng Napakahusay Mahusay ang Nabuo ang Hindi nabuo


Paggawa at ang pagkakabuo ng concept map. ang concept
Posisyon pagkakabuo ng concept map. Matatanggap map at
concept map. Malinaw ang ang pagpapa maraming
Napakalinaw pagpapaliwanag –liwanag kailangang
ang sa posisyon (May kaunting isaayos ang
pagpapaliwanag kamalian ang pagpapaliwanag
sa posisyon (Katamtamang pagpapa – (Malaki ang
(Buo at pagpapa – liwanag) kakulangan,
maliwanag) liwanag) nagpapakita ng
kaunting
kaalaman)

6
Aralin Paggalang sa Katotohanan,
2 Isasabuhay ko!

Simulan

Gawain 4
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap
at MALI naman kung hindi wasto.

_____ 1. Ang Facebook, Twitter, at Instagram ay ilan lamang sa mga halimbawa ng


social networking sites.
_____ 2. Ang social media ay isang tulay na nagdudugtong sa ating nakaraan at sa
kasalukuyan.
_____ 3. Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon
at pagbabahagi ng impormasyon.
_____ 4. Ang social media ay may kaakibat na responsibilidad at maingat na paggamit
upang hindi mapinsala at huwag makapaminsala.
_____ 5. Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming
impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad
upang magamit ang mga ito.
_____ 6. Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may
mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito.
_____ 7. Maaaring maging biktima ang sinuman ng panggigipit (harassment), Fake
News, pangingikil at ng cyber-bullying sa kanilang sobrang pagkahumaling
sa mga social networking sites.
_____ 8. Hindi masama ang pagdaya sa edad na kailangan upang magkaroon ng
facebook account.
_____ 9. Walang masamang epekto ang social media lalo na sa mga kabataang
maagang nahumaling dito.
_____ 10. Hindi na kailangan ang patnubay ng magulang sa paggamit ng mga
kabataan sa iba’t ibang social networking sites dahil alam naman nila ang
kanilang ginagawa.

7
Lakbayin

Kung mayroon mang bansang lubos na naiimpluwensyahan ng social media,


ito’y walang iba kundi ang Pilipinas, ang tinaguriang “social networking capital of the
world.” Mayroon na tayong tinatawag na “Filipino cyberculture.” Hindi na nga
maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang papel nito sa
pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon.

Bahagi na ng ating kultura ang social media. Ayon sa Digital Global Review,
sa buong mundo, ang mga Pilipino ang nag-uukol ng pinakamahabang oras sa
pagbisita sa mga social media sites na tulad ng Facebook, Instagram, Snapchat at
Twitter. Apat na oras at 17 minuto araw-araw ang average na panahong ginugugol
ng 58 porsyento ng mga Pilipinong aktibo sa paggamit ng social media.

Bago tayo mag-share o mag-like ng nababasa natin sa Facebook, alamin muna


natin kung saan nagmula ang mga ito. Kung hindi tayo mag-iingat, nagiging tulay
tayo sa pagpapakalat ng kasinungalingan at hindi lamang tayo ang mapapahamak;
madadamay din ang mga taong pinadalhan natin ng pekeng balita. Ang paggamit ng
media—kasama na ang social media—ay dapat na nakaugat sa layuning itaguyod
ang kabutihan ng ating kapwa, ang kanilang halaga at dignidad. Hindi natin ito
magagawa kung pinapahintulutan nating lumaganap ang mga fake news at kung
nakikisali tayo sa paninira .

Katungkulan nating lahat na maging responsable sa paggamit ng social


media. Iisa lang naman ang gabay: katotohanan at malasakit sa kapwa. Huwag
magpopost ng alam mong kasinungalingan o kung hindi mo sigurado kung ito’y tama
o mali; huwag gamitin ang social media sa pagsira sa kapwa. Sa halip, gamitin ang
social media sa pagpapalaganap ng katotohanan at pagpapahalaga sa kapwa.

8
Galugarin

Gawain 5
Panuto: Ikaw ngayon ay bibigyan ng pagkakataon na makabuo ng mga hakbang sa
paninindigan at paggalang sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na sitwasyon.

Mga Sitwasyon Ang gagawin ko Paliwanag


1. Nakatakda ng ipasa ang inyong book
review dalawang araw mula ngayon. May
nakita kang kahawig nito sa isang site sa
internet.
2. Isa kang club officer at adbokasiya
ninyo ang “No to Cyberbullying
Campaign”. Nag-post sa kaniyang
facebook account ang iyong matalik na
kaibigan ng mga pasaring tungkol sa
pangongopya ng inyong kaklase kaya ng
top 1 ito sa klase.
3. Dumaraing ang iyong ama tungkol sa
kalupitan at anomalyang ginagawa ng
kaniyang boss sa opisina. Nagbabanta na
itong gumawa ng anonymous letter bilang
ganti sa boss nito.

Rubrik
Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman
PAMANTAYAN pa ng Kasanayan
4 3 2
1
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang
ng pagkakabuo kahusayan sagot. Nakalilito
pagkakabuo ng sagot. ang at hindi tiyak
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo ang mga punto.
NILALAMAN Malawak at tiyak ang ng sagot.
marami ang pahayag at Tiyak ang
angkop na paliwanag. mga pahayag
pahayag at at paliwanag.
elaborasyon.

9
Palalimin
Gawain 6
Panuto: Bilang mag-aaral, ano-ano ang mga hakbang na maaaring gawin upang
maisabuhay ang paggalang sa katotohanan? Pumili ng isa sa sumusunod na paraan
ng paglalahad at gawin ito sa isang bond paper:
-pagsulat ng essay
-paggawa ng awit,
-pagsulat ng tula
-paggawa ng poster
-paggawa ng islogan.

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa
Pamantayan ng Kasanayan
7 5 3
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang angkop angkop ang ngunit hindi angkop
Nilalaman na angkop ang nakapaloob na ang ilang nakapaloob
nakapaloob na kaisipan sa na kaisipan sa
kaisipan sa ginawa. ginawa.
ginawa.
Napaka-ayos, Maayos, malinis Hindi maayos, hindi
Organisasyon napakalinis at at organisado malinis at hindi
napaka-organisado ang organisado ang
ang pagkakagawa pagkakagawa. pagkakagawa.

10
Sukatin

Gawain 7
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap
at MALI naman kung hindi wasto.
_____ 1. Walang masamang epekto ang social media lalo na sa mga kabataang
maagang nahumaling dito.
_____ 2. Hindi masama ang pagdaya sa edad na kailangan upang magkaroon ng
facebook account.
_____ 3. Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman
at layunin niya sa buhay.
_____ 4. Ang social media ay may kaakibat na responsibilidad at maingat na
paggamit upang hindi mapinsala at huwag makapaminsala.
_____ 5. Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming
impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad
upang magamit ang mga ito.
_____ 6. Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may
mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito.
_____ 7. Maaaring maging biktima ang sinuman ng panggigipit (harassment), Fake
News, pangingikil at ng cyber-bullying sa kanilang sobrang pagkahumaling
sa mga social networking sites.
_____ 8. Gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng katotohanan at
pagpapahalaga sa kapwa .
_____ 9. Ang social media ay isang tulay na nagdudugtong sa ating nakaraan at sa
kasalukuyan.
_____ 10. Masusumpungan lamang natin ang katotohanan kung tayo ay
naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at
pagyamanin ito.

11
Sanggunian
Brizuela, MJ B. et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10. FEP Printing Corporation. Meralco
Avenue, Pasig City

Online Sources:

https://brainly.ph/question/2650616

https://warenation.wordpress.com/

https://www.veritas846.ph/responsableng-paggamit-ng-social-media/

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/02/03/1784057/maging-responsible-sa-
paggamit-ng-social-media

https://brainly.ph/question/13089672

12
13
Sukatin (Gawain Simulan (Gawain Simulan (Gawain 1)
7) 4)
1. Mali 6. Tama 1. Tama 6. Tama 1.
2. Mali 7. Tama 2. Tama 7. Tama 2.
3. Tama 8. Tama 3. Tama 8. Mali 3.
4. Tama 9. Tama 4. Tama 9. Mali 4.
5. Tama 10. Tama 5. Tama 10. Mali
5.
Susi ng Pagwawasto

You might also like