Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan: Ikaapat Na Markahan - Modyul 2
Araling Panlipunan: Ikaapat Na Markahan - Modyul 2
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Gampanin ng Mamamayang Pilipino
sa Pambansang Kaunlaran
AIRs - LM
Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan - Modyul 2: Gampanin ng Mamamayang Pilipino sa
Pambansang Kaunlaran
Unang Edisyon, 2021
Tagapamahala:
Gawain 2: OO o HINDI
Panuto: Sagutin kung ang pahayag ay may kinalaman sa pag-unlad.
Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung sumasang-ayon o hindi.
PAHAYAG Oo Hindi
1. May pag-unad kapag patuloy na tumataas ang sahod
2. Umuunlad ang bansa kung malaya ang mga tao.
3. May pag-unlad kung lumalaki ang kita ng bansa.
4. May pag-unlad kung nalutas ang suliranin ng
pandemya sa bansa.
5. May pag-unlad kung wala nang utang ang Pilipinas
sa mga dayuhang bansa.
Pamprosesong tanong:
1. Mahalaga ba ang sapat na kita ng mga manggagawa upang
masabing umuunlad ang bansa? Bakit? Pangatwiranan ang sagot.
2. Paano nakaaapekto ang pandemya sap ag-unlad at pagsulong ng
pambansang ekonomiya?
3. Sa iyong palagay, mas mapapadali kaya ang pambansang
pagunlad kung walang banta ng dayuhang pananakop sa
Pilipinas? Pangatwiranan ang sagot.
Lakbayin
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga
mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring
ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan
ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa
kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang
indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi.
Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan.
Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratihiya na
makakatulong sa pag-unlad ng bansa:
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis- Ang pagkakaroon ng
responsableng pagbabayad ng buwis ay malaking tulong upang
makalikom ng sapat na pondo ang pamahalaan para sa mga
serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, abot-kayang
programang pangkalusugan, at iba pa.
2. Makialam- Mahalaga ang mulat na kamalayan ng mga
mamamayan. Ang mali ay labanan, at ang tama ay ipaglaban.
Kailangang itaguyod ang paninindigan sa pagtuwid sa mga
katiwalian at mga anomalya ng korapsiyon maliit man o malaki at
palakasin ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong
buhay. Ang pagsasawalang- kibo o pananahimik ay di katanggap-
tanggap lalo na sa mga maling kaganapan sa bahay, sa
komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho.
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba- Ang kooperatiba ang nagbibigay
ng pagkakataon na makibahagi sa paglikha ng yaman ng bansa.
Ang mga kasapi ay sama-samang nagbibigay puhunan para sa
maitayo ang negosyo at sa huli ay naghahati-hati sa kita sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo. Ang nagpapatakbo
ng kooperatiba ay ang mga kasapi na naniniwala sa sama-samang
pag-unlad.
2. Pagnenegosyo- Dapat nating sikaping maging negosyante upang
tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi
ng mga dayuhan.
MAKABANSA
1. Pagtangkilik sa sariling produkto- Ang pagmamahal sa sariling
bansa ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sarili
nating produkto at hindi pagbili o paggamit ng mga bagay na gawa
sa ibang bansa.
2. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang mamamayang
Pilipino ay dapat maging aktibo sa pakikilahok sa pamamahala ng
barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan.
MAALAM
1. Tamang pagboto- Maging maparaan sa pagsusuri ng mga
programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng
iboboto. Alamin kung sinong kandidato ang may malalim na
kaalaman sa isyung pangkaunlaran ng bansa.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa komunidad- Ang pag-unlad ay hindi maaabot
kung mag-isang kumikilos ang pamahalaan. Dapat ay magkaroon
tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at
makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating
bayan. (Pinagkunan: Department of Education Culture and Sports
(DECS). (n.d.). Project EASEModule. Pasig City: DECS)
Estratehiya ng
mamamayang
Pilipino sa
Pag-unlad
• AMALIBIDD
• KAMASABAN
• LAMAAM
• PAGUNAMANAT
Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong mga nailista, alin sa mga ito ang prayoridad na dapat
bigyang- pansin ng pamahalaan? Bakit?
2. Paano kaya mabibigyang kalutasan ang mga suliraning
bumabalakid sa pambansang kaunlaran batay sa mga nailistang
isyu?
3. Bilang mag-aaral, ilahad ang iyong hangarin at papel upang
makatulong sa pagtataguyod ng pambansang kaunlaran.
Palalimin
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan ng mga kaisipan 4 Puntos
Nilalaman 4 Puntos
Kabuuang paglalahad 2 Puntos
Kabuuan 10 Puntos
Sukatin
A. Maramihang Pagpipili
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
https://cnnphilippines.com/news/2019/12/10/undp-human development-
index-2019-philippines.html
www.business-standard.com»article»