Ang Syota Kong Astig (Book 2)

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1076

Basahin po muna ang ANG ALALAY KONG ASTIG. Check the said book in my profile.

Thank
you.♡♡♡

Sa pagsalba mo sa kanya, hindi sinasadyang natuto kang umibig...

Natuto kang baguhin ang iyong personalidad.

Umayon ka sa kung ano sa tingin mo ang tama sa mga mata ng iyong minamahal...

Inuna mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa taong mahal mo.

Ngunit paano kung dumating ulit ang sandali na kailangan mo siyang iligtas at
protektahan?

Magpapadala ka ba sa tukso ng tadhana na muling balikan ang dati mong katauhan?

Kahit pa magdulot ito ng lamat sa inyong pagmamahalan...

Kahit pa maging banta ito ng pagkawala sayo ng taong pinakamamahal mo...

At kahit pa... kapalit nito ay ang pagkakapira-piraso ng pangarap niyong pagsasama


ng habambuhay...
****

New Jersey, United States.

Malamig ang panahon. Nakasarado ang mga bintanang salamin at pinto ng balkonahe ng
isang condominium upang huwag itong pasukin ng malamig na hangin.

Sa tabi ng nakasarang salaming pinto ng balkonahe, may isang maliit na pabilog na


mesa at dalawang silya. Nakapatong sa mesa ang magkatapatang plato ng steak na may
tinidor at kutsilyo sa magkabilaang gilid, wine glass, vegetable salad, isang bote
ng wine at isang maliit na cake na may kandila sa gitna. Mula sa mesa, makikita ang
kabuuang tanawin at nagagandahang ilaw sa gabi ng lungsod.

Naupo sa magkatapatang silya ang isang binata at dalaga. Binuksan ng lalaki ang
bote ng wine at sinalinan ang baso ng kaharap.

"Thank you for coming. Or else baka mag-isa ako ngayon. Thank you also for cooking
this wonderful dinner." nakangiting sambit ng binata sabay salin din ng wine sa
kanyang baso.

"No problem. I'm glad to join you on your special day."

Itinaas ng dalaga ang kanyang baso. "Cheers."

"Cheers."
"Happy 21st birthday Blake!"

"Thank you... Debbie."

Sabay inom ng dalawa sa kani-kanilang wine glass.

Inilapag ni Blake ang kanyang baso at dinampot ang kutsilyo't tinidor. "What
happened to the other guys? Are they still coming or what?"

"I don't know. Marlon said he'll just finish first his report paper coz it's
already due tomorrow while Jason naman texted me that he'll be coming pa from New
York. Susubukan niya daw humabol."

"Argh those guys are really good in lying. They are just making excuses, siguro
nasa gimikan lang ang mga yun. I've told them a week ago that I'm planning to have
a simple birthday celebration here at my place, if they are really willing to come
then they should've fixed their schedules. Look at you, you're here eventhough you
have to do a reporting in our class tomorrow." napapailing na wika ni Blake sabay
subo ng pagkain.

"Yeah you're right. Namomroblema tuloy ako kung papaano natin uubusin ang mga
niluto ko. Those two are really bad!"

Napatingin si Blake sa kasamang babae. Kung wala ito, baka nabaliw na siya sa
lungkot sa gabing iyon. Si Debbie ay kaklase niya sa Princeton University. Isa
itong Oil and Petroleum Chemist na pinadala ng kumpanya ng kanyang lolo para mag-
aral din ng management kasama niya. Babaeng-babae ito manamit subalit may
pagkabruskong kumilos kaya nga siguro halos karamihan sa mga kaibigan nito ay mga
lalaki. Pati gupit nito ay maiksing-maiksi rin. Magaling ito maglagay ng make-up at
mag-ayos ng sarili kaya't kahit tila may panlalaking buhok, mukha pa rin itong
isang sosyaling fashionista. Maganda rin ang mukha nito kaya madalas itong pabirong
pinapahagingan ng mga lalaking kabarkada nila sa unibersidad.

"Why are you looking at me that way?" tanong nito sa kanya.

"Nothing. I've just realized kung gaano ka kabait sa akin and I really appreciate
it."

"Siyempre dahil pagdating natin sa Pilipinas, siguradong magiging amo kita. Kaya
ngayon pa lang ay sumisipsip na ako."pabirong wika ng babae sabay bitiw nito sa
hawak na tinidor at seryosong tumingin sa kausap. "Teka bakit mukha yatang nag-
eemote ka? Are you still sad? Hindi mo pa ba nakakausap ang girlfriend mo?"

Ngumiti ng matamlay si Blake. "Yeah since yesterday. And I'm worrying to death."

"You're overthinking, baka naman may sobrang importante lang itong ginawa kaya
hindi nakakatawag."

"Kaya nga ako nag-aalala because of that important thing na sinasabi mo. I called
her family and they were all saying that she's at work. And for her to forget my
birthday, it only means one thing. She's maybe back doing some crazy actions and
risking her life again. That's one of the things she loves the most, and that's the
only thing that will make her forget about this day... I think I'm going crazy if I
keep thinking about it." sabay inom ni Blake ng wine upang maibsan ang pag-aalala.

"I hope you don't mind. I know we don't talk about our personal matters a lot, but
can I ask if what does she do?"
"She's a policewoman."

"Really?! Wow that's cool!"

"Yeah you have no idea how cool she is." nakangiting wika ng binata ng may
nagmamalaking mukha ngunit agad din niyang binawi ang mga ngiti. "But
unfortunately, if you fell inlove with her, the job doesn't look cool anymore."

"At bakit naman?"

"I don't find it cool when all I do is worry. Hoping that she's not caught up
between fighting, raiding or firing guns. Alam kong nangako siya na sa headquarters
office na lang siya magduduty and I should trust her. She's been doing that since
she decided to be in this relationship. But I don't know what's going on with me
lately, I'm becoming paranoid. Maybe its because of our distance, laging kong
naiisip na malay mo the situation calls her and she'll be tempted to be back in the
field."

"How long have you been apart from each other?"

"Almost six months."

"Wow. That's still short my boy, you must really love her a lot to miss her that
way. Too bad, you still have one and a half year to spend in Princeton so medyo
mahaba-habang panahon pa ang titiisin mo."
"I know that's why I can't wait for our school break. I'm dying to fly back to the
Philippines."

"I've heard that she's older than you. How old is she?"

"Same with your age."

Tumahimik ng ilang saglit ang babae at uminom muna ito ng wine. "Do you like older
women?" nakangiting tanong nito.

"Not really. I used to date younger girls. Nagkataon lang na sa kanya ako na-
inlove. I never saw her as an older woman, all I cared was for her to be my woman."

Muling napainom si Debbie ng alak. "She's one hell of a lucky woman for having a
man like you"

"No. I'm one hell of a lucky man for having a woman like her." tatawa-tawang tugon
ni Blake. "Cheers."

"Cheers."

Ding dong.
"Thanks God! Finally, someone is being true to his words. Akala ko buong gabi tayo
magwa-one on one dito," sabay tayo ni Debbie upang pagbuksan ang pinto.

Pinigilan ni Blake ang kasama sa pagtayo. "Ako na. Just sit there," sabay tungo
niya sa pinto.

"Are you done with your clubbing guys?" patungkol na wika niya para sa mga
hinihintay na kaibigan habang nagbubukas ng pinto.

Pagkabukas ng pintuan ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang tumambad ang di
inaasahang bisitang may dalang isang malaking maleta. Nakabihis ito ng puting
winter coat, itim na hapit na pantalon, hanggang tuhod na brown boots na may
matataas na takong, brown na gloves at kulay pulang scarf na nakapulupot sa leeg.
Nakangangang napatingin siya sa mukha ng bisita habang tila nangangarera ang
kanyang puso sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi niya alam kung totoo ba ang
kanyang nakikita o nalasing na siya sa wine at naghahallucinate lamang siya.
Nakasuot ang kaharap ng malaking sunglasses, nakatali ng mataas ang mahabang buhok
at nakakapanibagong naglagay din ito ng make-up. Naghubad ito ng suot na salamin at
noon lumutang ang napakagandang mukha nito.

"A-Alex?" nahihirapang bigkas ng natutulalang si Blake.

Agad na gumuhit sa mukha ni Alex ang abot tengang mga ngiti at idinipa niya ang mga
kamay para yakapin ang gulat na gulat na kasintahan.

"Happy Birthday!"
Bago tuluyang mayakap ng dalaga ang boyfriend ay bigla itong natigilan nang marinig
ang boses ng isang babae.

"Sila na ba yan?" tanong ni Debbie.

Naglaho ang mga ngiti sa mukha ni Alex at dahan-dahan niyang binigyan ng


nagdududang mga tingin ang hindi pa rin makapagsalitang binata. Tinulak niya ang
hindi gaanong nakaumang na pintuan at doon ay nakita niya ang isang nakatayong
babae sa loob ng condo.

Biglang nagpanting ang tenga niya sa nakita at walang pasabing nagdire-diretso siya
sa loob ng unit. Nilapitan niya ang nakatayong babae at inikutan ito nang may
nakakahiwang mga titig.

"Sino ka?" tanong nito sa kanya.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan? Sino ka at anong ginagawa mo dito?"
nakangising tanong niya habang tinitingnan ang babae mula ulo hanggang paa.

"Why would you question my presence here? Sino ka ba na basta-basta na lamang


pumapasok sa loob ng bahay ng may bahay?"

Mas lalong kumulo ang dugo niya sa sagot ng babae. Malapit na siyang hindi
makapagpigil. "Ako? Sino ako? Ako lang naman ang girlfriend ng may-ari ng bahay na
basta-basta ko na lang pinapasok!"
Saka lamang natauhan si Blake. Ang pagkakatulala niya ay dali-daling napalitan ng
pagkakataranta nang makita ang namumulang mukha sa galit ni Alex. Nilapitan niya
ang girlfriend para magpaliwanag subalit agad din siyang napaatras nang maisip ang
pwede nitong gawin sa kanya.

"Wait! Debbie don't talk back to her. You have no idea what she can do if she gets
angry. Let me do the talking." natatarantang awat niya sa noon ay sasagot na naman
sanang babae. "Alex, you're getting the wrong idea. Debbie and I are just friends!"
kabadong- kabadong paliwanag niya sa kasintahan.

"Debbie? Friends?" sabay ikot ni Alex sa mga mata niya at nakita ang mesa sa tabi
ng balkonahe. "Ano yan romantic dinner niyong dalawa? At kulang na lang ay mag
candlelight pa kayo, yan ba ang magkaibigan lang?! Ikaw Blake Monteverde, hindi pa
man bumibilang ang isang taon na nagkakalayo tayo pero bumabalik ka na ulit sa
pambabae mo! Ano to sinusurpresa kita pero ako pala ang masusurpresa?! Pasalamat ka
bawal ang baril sa airport kaya hindi ako nakapagdala, kung hindi baka hindi pa man
ako tumatagal ng bente-kuwatro oras dito sa amerika ay may nabaril na ako!"

Napalunok si Debbie sa narinig at unti-unting nawalan ng kulay ang pisngi niya.


Akala niya ay tipikal na babae lamang ang kanyang nakakasagutan. Ngunit nang
magsimulang rumatsada ang bibig nito ay doon niya lang napatunayan na ito nga yata
ang nilalarawang girlfriend ni Blake. Biglang nanginig ang mga tuhod niya sa takot
at nahalata niyang maging si Blake ay hindi makalapit dito.

"M-Miss nagkakamali ka ng iniisip. I'm one of Blake's Filipino friends from


Princeton University. Magkaklase kami. Meron pa sana kaming ibang hinihintay na
darating dito tonight but unfortunately they coudn't make it. You can even check
the food that we prepared, it's good for more than two persons." kinakabahang
paliwanag ni Debbie.

Hinanap ng mga mata ni Alex ang kusina at dali-daling naglakad patungo dito.
Pinagbubungkal niya ang mga pinaglutuan at nakitang marami ngang sobrang mga
pagkain.
"See. I'm not cheating Alex. We're telling you the truth. I really prepared a small
party nagkataon lang na si Debbie lang talaga ang dumating. " wika ni Blake habang
bumubuntot sa girlfriend subalit nananatiling may distansiya pa rin ito sa dalaga.

Huminga ng malalim si Alex. Unti-unti na siyang nahihimasmasan subalit hindi pa rin


siya gaanong kumbinsido. Nilapitan niya ulit ang bisitang babae, gusto niyang
pakiramdaman kung may interes ba ito kay Blake kaya ganun na lamang ito
kakomportableng manatili mag-isa sa isang condo kasama ang isang lalaki. Muli niya
itong inikutan at tinitigan sa mga mata at wala siyang ibang nabasa sa mukha nito
kundi takot at nerbyos.

"D-Don't do anything to her Alex. S-She can't fight back." nag-aalalang sabi ni
Blake.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?" madiing tanong ni Alex kay Debbie na animo'y nag-


iinterrogate ng isang kriminal.

"O-Oo. Wait I'll even show you some of our friend's text saying that they may not
make it here." Nagmamadaling kinalikot ni Debbie ang kanyang cellphone at pinabasa
kay Alex ang text habang nanginginig sa kaba ang mga kamay.

Napansin ni Blake ang pagbabago sa reaksiyon ng girlfriend pagkatapos mabasa ang


mensahe sa cellphone. "Naniniwala ka na ba?" tanong niya.

Hindi sumagot si Alex. Isiniksik nito ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng suot
na coat at patay-malisyang ibinaling ang mga paningin sa ibang direksiyon habang
napapakagat sa mga labi. Ang kaninang nanggagalaiti sa galit na mukha ay unti-
unting napapalitan ng napapahiyang reaksiyon.
"I'm sorry Debbie but can you leave us now?" pakiusap ni Blake sa kaibigan.

"Sure! No problem." sabay dampot ng babae sa kanyang dala-dalang mga gamit at


walang pag-aalinlangang umalis.

Pagkalabas ng bisitang babae ay ipinasok ni Blake ang maletang naiwan sa labas ng


pintuan at saka isinarado ang pinto. Napapabuntong hiningang lumapit siya sa
natahimik na girlfriend na noon ay hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan. Kilala
niya si Alex. Nahihiya ito dahil sa naging padalos-dalos na kilos nito. Ganito ito
sa tuwing nagpapadala sa galit at selos. Tumayo siya sa harap ng babae. Hinawakan
niya ito sa baba at iniaangat ang nakayukong mukha.

"Are we calm now?" nakatitig na wika niya dito.

Marahang tumango si Alex.

"Can we talk normal now?"

Nahihiyang tumango ulit ang dalaga.

"Hi Alex." nakangiting bati ni Blake. "We haven't greeted each other properly yet."

"H-Hi Blake."
Huminga ng malalim si Blake at sabay yapos ng mahigpit sa girlfriend. Gusto niyang
maiyak sa tuwa. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya si Alex sa mga
sandaling iyon.

"S-Sorry ha. Ikaw naman kasi eh. Sino ba namang girlfriend ang matutuwa kapag
naabutan ang boyfriend niya na may kasamang ibang babae sa condo nito." mahinang
wika ni Alex habang nakayakap din ng mahigpit sa boyfriend.

"Ssshhhh...It's okay, tapos na yan. I'm still flattered though na ganun pa rin pala
ako kamahal ng girlfriend ko."

"H-Happy Birthday."

Seryosong tinitigan ni Blake sa mukha ang kayakap. "Thank you, this is the best
birthday surprise I've ever received in my whole life." sabay dahan-dahan niyang
inilapat ang mga labi sa labi ng dalaga. "I miss you so much, Alex."

"I miss you too, Blake."

Ninanam ng magkasintahan ang halik ng bawat isa. Hindi maikukubli ng kanilang nag-
uusap na mga matatamis na dila kung gaano sila nasabik sa isa't isa. At ang halik
na marahang nagsimula ay unti-unting naging agresibo...

"I miss your lips Alex. This kiss is turning me crazy right now." bulong ni Blake
at sabay baba niya sa mga labi patungo sa leeg ng kasintahan. Nagsisimula na ring
gumapang ang kanyang mga kamay.

Agad na nakutuban ni Alex ang binabalak ng binata. "Sandali.Sandali pwede bang mag-
ayos muna ako ng sarili? Kagagaling ko lang sa mahabang biyahe, g-gusto ko munang
magpahinga." sabay pigil niya sa malikot na kamay ng boyfriend.

Ngumiti ng pilyo si Blake. "We just met after six months, sa tingin mo ba
makakapagpahinga ka?" at binuhat nito ang girlfriend.

"Blake ano ba? Ibaba mo ako! Ibaba mo ako sabi!"

"I just had my birthday dinner, now I'll have my birthday dessert."

"Tumigil ka Blake Monteverde sa iniisip mo! Ibaba mo ako sabi!"

Hindi pinakinggan ng lalaki ang tumututol na girlfriend sa halip ay nakangising


dinala niya ito sa kuwarto.

"How long will you be staying here?"

"Pinayagan ako sa headquarters na mag-leave ng tatlong linggo."

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Blake." So are you saying that I'll have a wife
for three weeks?"

Ngumiti si Alex at ipinulupot ang kanyang mga kamay sa leeg ng nakangising


boyfriend. "Yes, reporting for duty sir."...

****

Mahimbing ang tulog ni Alex ngunit unti-unting kumurap ang kanyang mga mata nang
may maramdamang bagay na kumikiskis sa kanyang ilong. Dahan-dahan siyang nagmulat
at tumama sa kanyang mga mata ang liwanag na nagmumula sa bintana.

Nag-aagaw tulog na napatingin siya sa daliring naglalaro sa kanyang ilong. At nang


tuluyang maidilat ang mga mata ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng
kasintahan. Titig na titig ito sa inaantok niyang mukha.

"Wake up wifey."

"I-Inaantok pa ako Blake."

"It's breakfast time."

Biglang nagising ang kanyang diwa. Napatingin siya sa relos na nakapatong sa mesang
katabi ng higaan. Mag-aalas nuwebe na ng umaga. Mapapabalikwas na sana siya ng
bangon ngunit naalala niyang wala nga pala siyang ni isang saplot sa katawan.
Nagtapis muna siya ng kumot at saka naupo sa kama.

"Bakit di mo ako ginising? May pasok ka ng ten thirty di ba?"


"Coz I know you're still tired."

Dali-dali siyang tumayo. Pinagdadampot niya ang mga damit sa sahig at natatarantang
nagbihis.

"You don't have to do that. It's fine with me if you just walk naked around the
house." wika ni Blake nang may pilyong mga ngiti habang pinapanood siyang
nagbibihis.

"Ang aga pa para magbiro Blake," sabay tungo niya papunta sa banyo ng kuwarto para
mag-ayos ng sarili.

Wala pang sampung minuto ay lumabas din siya ng banyo. "Anong gusto mong breakfast?
Magluluto ako." tanong niya habang pinupunasan ng tuwalya ang bagong hilamos na
mukha.

Tumayo si Blake at lumapit sa kanya. Pinulupot nito ang mga kamay sa kanyang
beywang. "There's no need to worry about that, nakapagluto na ako. The table is set
for my beautiful woman."

"Wow. Ang bait naman ng boyfriend ko."

"I'm just paying my debt because I didn't give you time to rest last night." sambit
ni Blake ng may nakakalokong mga ngiti.
"Buti naman at alam mo." kunwari'y nakasimangot na sagot niya.

Inilapit ng lalaki ang mga labi sa kanyang tenga at bumulong ng may maiinit na
hininga. "Ano nakapagrecharge ka na ba?"

"At bakit naman ganyan agad ang mga tanong mo? Tumigil ka Blake, may pasok ka."

"Appetizer lang before we have our meal."

Siniil siya ng halik ni Blake. Ilang minutong naglapat ang mamatamis nilang mga
dila ngunit nang mahalata niya na nagsisimula na namang mag-init ang boyfriend ay
agad siyang kumawala sa mga halik at yakap nito.

"Tama na. Appetizer lang di ba? Halika na magbreakfast na tayo para makapag-ayos
ka na." sabay lakad niya papalabas ng kuwarto.

"Argh! Mean woman." nakangiting reklamo ni Blake sa pambibiting ginawa niya at


sabay buntot nito sa kanya. "Can I not go to class now? I'm still dying to spend
more time with you."

"Hindi pwede." diretsong sagot niya.

"Cold girl."
Bago maupo sa mesa, nagtimpla muna ng kape si Alex. "Anong gusto mong inumin?"
tanong niya sa lalaki.

"Coffee too."

Naupo si Blake sa mesa at tiningnan ang kasintahang nagtitimpla ng kape. "Is it


okay to your parents na dito ka mag-stay sa place ko?"

"Yap."

Napangiti si Alex sa isipan. Kung alam lang ng lalaki na ang ina niya mismo ang
nagtulak sa kanya na dito siya tumuloy. Ipinagkatiwala niya sa ina ang pagpapabook
sa mga malalapit na hotel at sinabi nitong ayos na daw ang lahat subalit nang mag
check-in siya ay wala naman pala siyang reservation. Tinawagan niya ang magulang at
ito pa ang may ganang magalit sa kanya dahil dapat daw ay sa boyfriend siya tumira.

Tumunog ang cellphone ni Blake. Tumayo ito at kinuha ang teleponong nakapatong sa
center table sa may living room. "Huh speaking of them, you're mom is calling...
Hello Tita."

"HELLO BLAKE!"

Nailayo bigla ng lalaki ang telepono sa tenga sa lakas ng boses ng kausap.


"Y-Yes Tita?"

"Nandyan na ba si Alex?!"

"O-Opo. She's here."

"Diyan ba tumuloy?"

"Oho. Bakit po? Hindi po ba kayo pumapayag?"

"Pumapayag! Payag kami! Kaya nga ako tumatawag para siguraduhing diyan nga siya
tumuloy."

"Ah ganun ho ba. Don't worry Tita, she arrived safely last night."

"Mabuti naman. Pwede ko ba siyang makausap?"

Lumapit si Blake sa dalaga at inabot ang telepono. "Your mom wants to talk to you."

"Hello Ma,"
"HELLO ALEXANDRA!"

Biglang nailayo din ni Alex ang telepono sa tenga sa lakas ng boses ng ina.

"Bakit ho?"

"Mag-usap tayo sa skype. Gusto kitang kausapin ng matagal, marami akong mga dapat
ipaalala sayo."

"Mamaya na Ma. Mag-aalmusal lang muna kami. Sige na ho at may pasok pa si Blake."

"Hihintayin ko. Bilisan mo ha dahil baka makatulog na ako! Alam mo namang pasado
alas nuwebe na ng gabi dito sa Pilipinas."

"Alam ko ho. Sige na Ma, mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Bye!"

"Bye. Maghihintay ako Alexandra!"

Naupo ang dalawa sa mesa. Inilapit ni Alex ang kape sa tatawa-tawang kasintahan.
"You're mom doesn't change. She's still a hands-on mother in regards to her
daughter's lovelife. I couldn't imagine how she suffered when you were still crazy
and wild doing those risky action stuff."

"Ewan ko ba diyan kay Mama. Kung kailan hindi na ako nagsasasama sa mga operations,
saka naman ako masyadong binabakuran." napapailing na sagot ng dalaga.

Pagkatapos mag-almusal, nagpaiwan si Alex sa kusina para magligpit. "Sige na mag-


ayos ka na ng sarili. Lilinisin ko lang muna tong kusina."

Nakangising lumapit si Blake sa kasintahang naghuhugas ng pinggan. Niyakap niya ito


mula sa likuran at malambing na pinaghahalikan sa batok.

"Do you want to join me in the shower?"

"Ano ba Blake? Tumigil ka na nga sa mga biro mo baka ma-late ka."

"Don't worry my school is only fifteen minutes drive away so we still have time to
do it." bulong ng nanunuksong lalaki habang hinahalik-halikan ang tenga ng dalaga.

Hinugusan ni Alex ang sabon sa mga kamay niya at nakangiting hinarap ang makulit na
boyfriend. "Namimiss mo na bang mapilipitan ng kamay?"

"Sabi ko nga maliligo na ako... argh can't you think of new weapon para mapasunod
ako."
"New weapon new weapon ka dyan, pasalamat ka dahil yan na nga ang pinakamild na
pwede kong maipanakot sayo." tatawa-tawang bulong ni Alex sa sarili habang
hinahabol ng tingin ang lalaking naglalakad papasok ng kuwarto.

"Hey wifey, can you choose clothes for me!" sigaw ng binata.

"Opo! Tatapusin ko lang itong hinuhugasan ko!"

Mula kusina, dumiretso si Alex sa walk-in closet ng boyfriend. Napanganga siya sa


dami ng damit, sapatos at mga aksesorya. Hindi niya lubos maisip kung papaano ito
napuno sa maiksing panahong pamamalagi ni Blake sa Amerika. Napailing siya, naalala
niyang isa nga palang prinsipe ang kanyang karelasyon.

Pumili siya ng sky blue na long sleeve, puting panloob na t-shirt, itim na coat at
kulay brown na slacks. Inilabas niya ang mga ito sa closet at inilapag sa kama.
Inayos niya rin ang higaan at ipinagpag ang mga unan. Pagkatapos ay inilabas niya
naman ang mga sariling damit sa dala niyang maleta.

"Natawagan mo na ba si Tita?" tanong ng katatapos lang mag-shower na si Blake


habang nagpupunas ng basang buhok.

"Naku po! Oo nga pala. Pahiram nga ng Ipad mo."

"Nasa study table."


Agad na binitawan ni Alex ang ginagawa at kinuha ang ipad. Naupo siya sa may study
table at binuksan ang kanyang skype account. Nakahinga siya ng maluwag nang
makitang naka-online pa rin ang nanay. Bago matawagan ang ina, napansin niya ang
isang papel na nakadikit sa mesa, napangiti siya sa nakita. Ito ang sinulat niyang
mga paalala na ibinigay niya kay Blake sa airport bago ito umalis ng Pilipinas.
Hinaplos niya ito at ilang saglit na tinitigan. Sinunod nga ng lalaki ang sinabi
niya na idikit ito sa study table.

Bigla siyang natauhan nang tumunog ang ipad. Ang ina niya na mismo ang tumatawag.

"Hello Ma."

Tumambad sa screen ang mukha na naka-mudpack pang ina.

"Ano ka ba Alexandra?! Nalalaglag na ang mga mata ko sa antok."

"Sorry Ma, nag-ayos kasi ako ng maleta ko. Ano ho ba kasi ang importanteng
sasabihin ninyo?"

"Itutok mo muna ang kamera sa mukha mo. Gusto kong makita kung hindi ka ba
nahaggard sa biyahe."

Napilitan si Alex na itutok ang tablet sa kanyang mukha at ngumiti ng plastik.


"Ayan na oh."
"Mabuti naman at hindi nanlaki yang eyebags mo. May isiniksik akong cream dyan sa
maleta, gamitin mo yun bago matulog para magmukha kang fresh lagi. Panlaban din yan
sa dryness lalo na't malamig diyan ngayon."

"Ma ano ba? Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin, kailangan ko pang asikasuhin
si Blake."

"Ayan yan ang gusto kong marinig, na inaasikaso mo yang boyfriend mo. Hoy
Alexandra, gusto kong ipaalala sayo na hindi ka na pwedeng umastang senyorita dyan!
Matuto kang maglinis ng bahay, magluto at sumunod sa mga iuutos sayo ni Blake.
Walang katu-katulong diyan sa amerika, lahat ng bagay diyan ikaw ang gagawa. At pag
nasa eskwela si Blake, mag-aral kang magluto. Nakakahiya kung puro sunog ang
ipapakain mo diyan sa mapapangasawa mo. Oras na para magpraktis ka kung paano ang
buhay may asawa."

"Ma, hanggang dito ba naman ay yan pa rin ang nililitanya niyo. Dumudugo na ang
tenga ko sa paulit-ulit na sermon na yan."

"Aba! Intindihin mo ako dahil hindi ako mapapakali hangga't hindi pa kayo
kinakasal. Kaya ikaw Alexandra pagbutihan mong maigi ang pag-aalaga kay Blake baka
isang araw magising na lang yan na wala ng helmet sa ulo, biglang matauhan at
iwanan ka!"

"Kayo naman Ma, para niyo namang sinasabing luging-lugi sa akin ang boyfriend ko."

"Lugi talaga! Isa lang naman ang naibibigay mo sa mga taong nagmamahal sayo,
nerbiyos o kaya atake sa puso! Nasaan ba si Blake? Gusto kung makita at makausap
ang guwapo kong mamanugangin."

Tiningnan muna ni Alex ang binata, nang makitang tapos na itong magbihis ay inabot
niya dito ang tablet. "Kakausapin ka daw ni Mama. Ngumiti ka sa kamera, magpacute
ka. Gusto daw makita yang guwapo mong mukha."

"Hi Tita." sabay kaway at ngiti ni Blake sa camera.

"Naku, ang gwapo talaga ng mamanugangin ko! Blake, ikaw na ang bahala diyan kay
Alex ha. Pagpasensiyahan mo na lang kung may magawa yang mga kapalpakan, alam mo
naman na sa suntukan lang yan magaling."

"Ma!" saway ni Alex sa harap-harapang paninira sa kanya ng ina.

"Don't worry Tita, I'll take care of her." tatawa-tawang sagot ni Blake.

"Teka muna, tatlong linggo dyan si Alex baka naman pag-uwi niyan ay may baon ng
bata ang tiyan niyan?"

"MA!"

Biglang namula si Blake sa walang kapreno-prenong mga salita ng kausap. "D-don't


worry po Tita, that will not happen. N-Nag-iingat naman ho kami ni Alex."

"Naku, huwag na kayong mag-ingat! Buntisin mo na yan at nang matigil na yan sa


pagpupulis niya. Ayaw niyo yun pag kinasal kayo, may instant ring bearer o kaya
flower girl na agad. Tutal dun din naman kayo pupunta, huwag niyo ng patagalin pa!
Mapipirmi pa yan sa bahay si Alex."
"Ma ano ba! Sige na babay na! Bye!"

Nagmamadaling pinatay ni Alex ang tawag at nahihiyang ngumiti sa boyfriend. "Huwag


mong pansinin yang nanay ko, sukang-suka na lang siguro sa akin kaya pinagtutulakan
na ako sa pag-aasawa na yan." sabay lapag niya ng tablet sa kama.

Natahimik ng ilang sandali si Blake, nag-isip at saka ngumisi. "Well, if I think


about it, Tita has a point."

Nanlaki bigla ang mga mata ni Alex. "Subukan mo lang! At ora mismo ay lilipat ako
ng hotel. Ikaw, nasulsulan ka lang ng nanay ko kung ano-ano na agad yang naiisip
mo."

Hinawakan ni Blake ang beywang ng dalaga at kinabig ito papalapit sa kanya.

"Bakit ayaw mo sa idea? Tama naman si Tita ah na at the end of it all, we're going
to get married. And I'm sure my grandpa will be the happiest here. Why? Are you
still unsure about me?"

Itinaas ni Alex ang kanang kamay at itinapat ang mga daliri sa mukha ng lalaki.
"Nakikita mo ba yang singsing na yan?"

"Yap."
"Simula nang isinuot mo yan dyan, ni minsan hindi ko pa yan tinatanggal. Bakit?
Dahil natatakot ako na baka sa bawat pagtanggal ko ng singsing ay madadagdagan ang
chance na hindi tayo maikasal."

"So what's you're reason? Bakit ayaw mong mabuntis?"

"Nag-aaral ka pa. Gusto ko tapusin mo muna yang masteral mo na yan ng walang


gaanong iniintinding mga bagay. Napag-usapan na natin to di ba? Kaya nga tayo
parehong nagtitiis na mahiwalay sa isa't isa tapos hindi rin naman pala natin
susundin. Hayaan mo pag natapos mo na ang obligasyon na to, pag-uwing pag-uwi mo ng
Pilipinas kahit tatlong anak pagsasabay-sabayin ko para sayo."

"Promise? Is that the real reason? O baka naman because of your work."

"Work? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin talaga naniniwalang kaya kong igive-up
ang trabaho ko para sayo. Nakita mo nang nagpakaburyong na nga ako sa headquarters
para sayo, eh ipagpalit ko pa kaya ang kasal natin dito." yumakap ng mahigpit si
Alex sa katawan ng nobyo. "Alam ko nag-aalala ka pa rin dahil sa trabaho ko pero
ako na mismo ang magsasabing hinding-hindi na ako babalik sa dati, Blake. Dalawang
taon na akong nasa opisina at nasanay na rin ako, nakakapagpaputok na nga lang ako
ng baril kapag sinasamahan ko si lolo sa target shooting. Saka sa tingin mo ba pag
kinasal na tayo ay magtatrabaho pa ako, siyempre hindi na...Ikaw at ang mga
magiging anak na lang natin ang aasikasuhin ko."

"I trust you, natatakot lang ako na baka within the remaining one and a half year
ng pag-aaral ko ay biglang may magbago."

"Sinong magbabago ako? Imposibleng mangyari yun, baka naman ikaw." natatawang wika
ni Alex.
"I don't know. Lately I'm full of fears. Maybe because I missed you so much."

Hinalikan ng mariin ni Blake sa mga labi ang kasintahan. Gumanti naman ng malalim
na halik si Alex. Naamoy ng dalaga ang mabangong katawan ng boyfriend at
nagsimulang manghina ang kanyang mga tuhod. Kumawala kaagad siya sa kanilang
yakapan bago pa man tuluyang gumapang ang namumuong init sa kanyang katawan.

"Again?" reklamo ni Blake.

"A-Ang damit mo baka magusot. Sige na umalis ka na." patay malisyang sagot ni Alex.

"Are you sure na okay lang sayong mag-isa dito? I have alot of DVD's there in case
you get bored."

"Huwag mo akong isipin sanay akong mag-isa."

Sangkatutak munang paalaman at goodbye kiss ang naubos bago tuluyang nakaalis si
Blake.

Pagkaalis ng boyfriend, itinuloy ni Alex ang pag-aayos ng sariling mga gamit.


Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit. Nagbihis ng maiksing cycling at midriff.
Nagsuot ng rubbershoes at pumuntang sala. Naglatag ng exercise mat. Nagsuot ng
headphone at isiniksik ang ipod sa kanyang bra. Bumuga ng isang malakas na hinga.
Humiga sa mat at sinimulan ang kanyang ritwal na dalawandaang push-ups at
apatnaraang sit-ups...
*****

Pinagmamasdang maigi ni Blake si Alex habang nag-aayos ito ng mukha. Ingat na ingat
ang babae sa paglalagay ng liquid eyeliner sa mga talukap. Kanina pa tapos magbihis
ang binata at mag-iisang oras na nitong hinihintay ang girlfriend na matapos sa
pag-aayos ng sarili.

"Naiinip ka na ba? Sandali na lang to." wika ni Alex nang mapansing maya't maya
nang tumitingin sa relos niya ang lalaki.

"It's okay. Take your time. My friends are still on their way to the bar pa lang
naman."

"Fifteen minutes tapos na ito."

"Kelan ka pa natutong mag make-up?"

"Nung umalis ka. Isa ito sa mga naisipan kong gawin para mailihis ang lungkot ko.
Tinuruan ako ni Margareth."

"So you decided to look beautiful while I wasn't around. Bakit meron ka bang
pinapagandahan maliban sa akin?"

Natigilan si Alex sa ginagawa at napatingin sa boyfriend. "Ano yan? Selos ba o


komento lang?"
"Both. I don't want you to look too beautiful pag wala ako sa tabi mo. Paano pag
biglang may sumungkit na naman sayo. I will not be around to defend my place."

"Bakit sa tingin mo ba magpapasungkit naman ako? Wala ka bang tiwala sa akin?"

Lumapit si Blake sa dalaga at niyakap ito mula sa likuran. "Sayo meron, pero sa
magkakagusto sayo, wala." sabay halik niya sa batok ng babae.

"Blake ano ba? Itigil mo yan magugusot ang buhok ko. Matagal kong plinantsa yan."

Hindi tumigil ang lalaki.

"Isa!"

Tuloy pa rin ang binata hanggang sa umakyat pa sa tenga ni Alex ang mga labi nito.

"Dalawa!"

"Eto na po. Lalayo na."


Humarap si Alex sa boyfriend at pinagpagan ito ng damit. "Ayan tuloy nagusot na
itong polo mo."

"Hey since when you started to care for things like these? Dati naman nakakalabas
ka ng bahay without even checking yourself in the mirror. Saka ba't ba masyado kang
nagpapaganda?"

Huminga ng malalim si Alex at nakapamewang na kinausap ang binata. "Ginagawa ko to


para sayo. Gusto mo bang mukha pa rin akong basagulera pag pinakilala mo ako sa mga
kaibigan mo? Ayokong masabi nilang pangit ang taste mo sa babae. Saka nag-aaral na
akong mag-ayos ng ganito, dahil paano kung magtrabaho ka na sa kumpanya niyo di ba
dapat maging presentable din ako pag pinakilala mo?"

Lumapit si Blake at tinitigan ang magandang mukha ni Alex. Hinaplos ang nakalugay
nitong buhok at inipit sa tenga."I get your point pero pwede bang maganda lang but
not like now, you look too beautiful. Mas kinakabahan ako kaysa sa nagiging proud."

Inilapit ng lalaki ang kanyang mga labi sa mga labi ni Alex subalit mabilis na
umiwas ang babae.

"Oh ang lipstick ko baka masira. Tara na tapos na ako mag-ayos."

"See when you're like that hindi ka na rin pwedeng lambingin."

"Sus huwag ka nang magtampo Blake Monteverde. Bumawi ka na lang mamaya pagkatapos
ng lakad natin. Sige ka gusto mo bang ulitin ko ang pag-aayos ko pag nasira tong
make-up ko?"
"Then I'll wait again for another hour? No way!"

"Kitam." tatawa-tawang wika ni Alex at sabay suot ng pares ng itim na sapatos na


may matataas na takong.

"Are you sure you can walk comfortably with that kind of high shoes?"

"Nakakalimutan mo na bang kasama ito sa training ko. Ilang beses na ba ako


nakipaghabulan sa mga kriminal nang nakatakong."

Tiningnan ni Blake mula ulo hanggang paa ang kasintahan. Nakabihis ito ng kulay
brown na turtle neck long sleeve dress. Hapit ito sa katawan at mga isang dangkal
bago umabot sa tuhod ang haba. Nakasuot din ito ng makapal na itim na stockings.
Pinatungan din nito ang damit ng medyo nagkukulay gray na mini fur coat. Mayroon
ding suot na malaking bilog na hikaw ang dalaga na kitang-kita pa rin kahit
nakalugay ang mahabang buhok nito.

"Tara na ready na ako." yaya ni Alex habang nag-ispray ng perfume sabay dampot sa
isang mamahaling handbag.

"'Looks like I'm dating a cosmo girl." nakangiti at napapailing na wika ni Blake.

-----
Pumasok sina Blake at Alex sa isang bar. Puno ito ng mga taong karamihan ay mga
binata't dalaga. May live performer sa stage at sa baba nito ay isang dance floor
na okupado ng mga sumasayaw. Inakay ni Blake ang kasintahan patungo sa isang mesa.
Nakaupo doon ang dalawang lalaki at dalawang babae.

"Hi guys!" nakangiting bati ni Blake sa mga kaibigan.

Agad na hinanap ng mga mata ng dalawang lalaki ang inaasahang kasama ng kanilang
bagong dating na kabarkada.

"By the way guys, this is my girlfriend Alex." pagpapakilala ni Blake sa kasintahan
bago sila umupo.

"Hi!" nakangiting bati ni Alex.

"Alex, this is Marlon and his girlfriend, Lovelle. This is Jason a-and of course
Debbie. They are my Filipino friends from the University."

Nakangiting kinamayan isa-isa ni Alex ang mga kaibigang pinakilala sa kanya.

"Nice to meet you, Alex." nakangiting bati sa kanya ni Marlon ang lalaking may
hitsura ngunit nerdy ang dating dahil sa suot nitong salamin at sa ayos ng buhok na
tila plantsadong-plantsado ang pagkakalagay ng gel.

"Hi!" masayang bati rin naman sa kanya ng maganda at medyo chubby na girlfriend
nito.
"Whoah! Damn now I understand why Blake is such a good boy. You've got one real
beautiful woman here bro. Lucky man!"

"Thank you." sagot niya kay Jason. Gwapo ang nasabing lalaki ngunit kita sa mukha
nito ang pagiging babaero. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya at napansin
niyang may palihim na himas itong ginawa sa palad niya nang kinamayan niya ito.

Idinako naman niya ang mga mata sa huling kaibigang naroroon. May naasiwa itong mga
ngiti at halatang nagdadalawang-isip na makipagkamay sa kanya.

"Hi Debbie!" bati niya rito at siya na rin ang kusang nag-abot ng kamay niya sa
babae.

"H-Hi Alex." sagot ni Debbie at nakipagkamay ito habang bakas pa rin sa mga mata
ang takot nito sa kanya.

Magkatabi silang naupo ni Blake. Kaharap niya si Jason at ang katabi nitong si
Debbie. Katabi naman ni Blake si Marlon at sa dulo ng mesa naman nakaupo si
Lovelle. Binigyan sila ng mga kasama ng maiinom na beer.

"Oh dahan-dahan sa pag-inom, magmamaneho ka." bulong niya kay Blake.

"Yeah I know, ma'am." ngingiti-ngiting sagot sa kanya ng lalaki.


"Marunong ba itong mga ito magtagalog?" bulong niya ulit kay Blake.

"Yeah." natatawang sagot nito.

"Buti naman."

"So how long have you been together?" tanong sa kanila ni Jason.

"Almost two years." maiksing sagot ni Blake.

"How did you guys meet?" usisa ulit ng lalaki.

Nagkatinginan muna ang magkasintahan.

"Sa school ni Blake." sagot ni Alex.

"What do you mean?"

"Alex and I meet in UP." paliwanag ni Blake.


"Ah you mean. You were classmates."

"Sort of." tatawa-tawang sagot ni Blake habang napapatingin sa girlfriend.

Nag-umpisang magkuwentuhan ang magkakaibigan habang tahimik lamang na umiinom at


nakikinig si Alex. Hindi siya gaanong nakakasabay sa usapan dahil kadalasan ay
tungkol sa eskwela ang pinag-uusapan ng mga ito. Inaliw niya na lamang ang mga mata
sa pagmamasid sa paligid.

Para lamang siyang nasa isang mamahaling club sa Makati. Ang tipo ng club na
madalas nilang i-raid dahil sa mga kabataang talamak kung gumamit ng ecstasy.
Napansin niyang masyadong liberated ang mga tao dito. May mga nagsisexy dance na
halos parang isang tulak na lang ay magtatalik na ang mga ito. May mga pailan-ilan
ding naghahalikan na tila walang mga tao sa paligid nila. Bagamat wild ang
karamihan sa mga naroroon, ngunit halatang walang menor de edad dito.

Natigilan siya sa pagmamasid nang may maramdamang paang tumatama sa kanyang binti.
Napatingin siya kay Blake subalit abala ito sa pakikipagkuwentuhan sa katabi.
Hanggang sa naramdaman niyang humahaplos na ng marahan ang paa papaakyat sa kanyang
tuhod. Napatingin siya sa kaharap na si Jason. At doon ay nahuli niya itong
nakatitig at palihim na ngumingisi sa kanya. Kanina niya pa napapansin ang
malanding mga ngiti at tingin sa kanya ng lalaki ngunit hindi niya lang ito
pinapansin. Napangisi lamang siya sa isipan. Pinili niyang huwag na itong
intindihin para walang gulong mangyari. Palihim na iniilag niya na lamang mga binti
mula sa paa ng lalaki.

Ilang saglit lang ay tumayo si Blake. Nagpaalam ito para pumuntang comfort room.
Pagkaalis ng nobyo ay agad siyang kinausap ni Jason.

"How long have you been here in New Jersey?"


"3 days." tipid na sagot niya.

"So, you and Blake are still in honeymoon stage now. That's explain why he's always
on the rush going home. Well, I can't blame him. He got one hell of a hot
girlfriend."ngingiti-ngiting wika nito habang umiinom sa bote ng beer.

Siniko ni Debbie ang katabing lalaki. "Jason be careful with your words to her."

"Okay lang Debbie." nagtitimpi ngunit nakangiting sagot ni Alex. "Mukhang


interesado ka ata masyado sa relasyon namin ni Blake. Bakit Jason wala ka bang
pinagkakaabalahang sariling relasyon?"

"Me? Relationship. Hell no! Why would I enter into a commitment if I can have
flings to fill my cravings. Speaking of flings, ikaw Alex are you open to have
fling?"

"Jason!" saway ulit ni Debbie.

Sasagot na sana si Alex subalit biglang may lumapit na seksing amerikana kay Jason.

"Hi Jason!" malambing na wika ng babaeng medyo namumungay na ang mga mata sa alak.

"Oh hi Brenda! Who's with you?" gulat na wika ng lalaki.


"My boyfriend and some of our friends."

Tumabi ng ilang sandali ang babae kay Jason at malambing na nag-usap ang dalawa.
Kahit may kausap na ang palikerong lalaki ay nagnanakaw pa rin ito ng sulyap kay
Alex. Bago lisanin ng babae ang kanilang mesa ay nag-iwan ito ng damping halik sa
mga labi ni Jason.

Bumalik si Blake mula banyo at saka naman nagpaalam para tumayo si Jason. Nagtungo
ito malapit sa bar at nakipag-usap sa ilan sa mga halatang kakilala na nitong mga
kababaihang nag-iinom din doon.

"Lapitin ka talaga ng mga babaerong kaibigan ano?" tugon ni Alex sa nobyo habang
nginunguso si Jason.

"Paano mo nalamang babaero si Jason? Bakit dinidiskartehan ka ba?" nagtatakang


tanong ng lalaki.

"Hindi naman. Natuto lang akong mangilatis dahil sayo, ganyan ka rin dati di ba?
Yan na yan ang version mo dati."

"No we're not the same. Because unlike him, I always get the ladies I want."

"At talagang proud ka pa!"


Tumawa si Blake. "You started it. Why brought up the old stories."

Natigilan sa pag-uusap sina Blake at Alex nang makita ng magkasintahan na may isang
lalaking biglang lumapit kay Jason. Tinutulak-tulak nito ang kanilang kabarkada
habang mainit na nakikipagtalo. Nagkaroon ng komosyon hanggang sa mauwi ito sa
suntukan.

"You asian brat! How dare you touch my woman!" sigaw ng galit na galit na lalaki
habang pinagsusuntok si Jason.

Gumanti rin ng suntok si Jason at nang medyo natatalo na nito sa suntukan ang
kaaway ay biglang lumapit ang mga kasamahang lalaki ng kalaban. Inumpisahan ng mga
itong pagtulung-tulungan si Jason.

Tumayo si Marlon at mabilis na lumapit sa kaibigan para awatin ang mga sumusuntok
dito ngunit ang nangyari pati ito ay pinagsusuntok na rin kaya't napilitan din
itong lumaban. Lumala ang away at nahirapan ang mga securities na awatin ito.
Lumapit na rin si Lovelle at Debbie habang parehong napapatili sa nerbyos.

Hindi na nakatiis si Blake. Tumayo na rin siya para makialam ngunit bago siya
makahakbang ay mahigpit na pinigilan ni Alex ang kanyang kamay at hinila siya nito
pabalik sa upuan.

"Saan ka pupunta?" madiing wika ng dalaga habang kalmadong pinanonood lamang ang
nangyayaring away.

"Can't you see, they are beating my friends?! I need to stop them!"
"Sa tingin mo maawat mo ang mga lasing na iyan. Hayaan mong mga security guards ang
gumawa niyan. Mapapaaway ka rin lang, tingnan mo si Marlon."

Nagtatakang napatingin si Blake sa girlfriend. "What's wrong with you? Can't you
feel any adrenaline rush? This is what you like pero bakit parang relax na relax ka
lang diyan?"

"Bakit anong gusto mo, ang makipagsuntukan din ako diyan?"

"No! But let me do it."

"Sa tingin mo ba pag nakipagsuntukan ka diyan, uupo lang ako dito?"

Napapatikom ang kamao na walang nagawa si Blake. Dire-diretsong napalagok na lamang


siya ng isang bote ng beer para dito ibunton ang kagustuhang makialam sa away.

Ilang saglit lamang ay nailabas din ng security ang mga nag-aaway at maya-maya lang
ay may dumating na mga pulis.

"We can't just sit here Alex. Siguradong dadalhin sila sa police station. We have
to show them at least our support nadamay din naman si Marlon kahit wala ring
kasalanan."

Huminga ng malalim si Alex at tumayo. "Okay, let's see kung anong magagawa natin."
-----

Nagtungo sina Alex at Blake sa malapit na police station kasama nila si Lovelle at
Debbie na noon ay parehong namumutla sa pag-aalala.

Bago bumaba ng kotse ay nagpagpag muna ng damit at nag-ayos ng buhok si Alex.


"Aish, pati ba naman dito sa Amerika ay presinto pa rin ang pupuntahan ko."
napapailing na bulong niya sa sarili.

Pagdating nila doon ay hilerang nakaupo sa harap ng isang opisyal ang mga sangkot
sa away. Isa-isang kinakapanayam ang mga ito ng mga pulis habang panaka-naka pa
ring nagsasagutan ang mga nag-aaway. Nakatayo lamang sila sa waiting area malapit
sa bukana ng presinto at tahimik na nakikiramdam sa kalalabasan ng pag-uusap.

"Alex, don't you think we should call a lawyer now?" di mapakaling tanong ni Blake.

"Huwag muna. Mukhang madadaan naman sa usapan ito."

Dumating ang apat na nakasibilyang mga kalalakihan pero halatang mga awtoridad din
ang mga ito dahil sinasaluduhan ang mga ito ng mga nakaunipormeng pulis. Nangunguna
dito ang isang pamilyar na mehikanong mukha kay Alex na halos kaedaran niya lang.
Inisip ng dalaga kung saan niya ito nakita ngunit nahirapan siyang alalahanin.

"What's this, bar fight again?" matapang na wika ngnasabing lalaki nang mapadaan
ito sa grupo nina Jason.
"Yes sir." sagot ng isa sa mga nag-iinterview na pulis sa mga kalalakihang
binitbit.

"Any students?"

"Yeah, two of them are from Princeton."

Ngumisi ang lalaki. "You don't want to be expelled, do you guys?"

Sabay na napailing si Jason at Marlon.

"We didn't started it. They did. I was just trying to mediate but they beat me
too." pangangatwiran ni Marlon.

"Let me guess, it's because of a woman again. Am I right young men?" sabay tingin
ng lalaki sa mga babaeng nadaanan niya sa waiting area.

Huminto ang mga mata ng lalaki pagdating kay Alex. Napakunot ito ng noo at
tinitigang mabuti ang dalaga. Napatingin na rin si Alex sa lalaki habang pilit ding
inaalala kung saan niya ito nakita.

"A-Alex?" sambit ng pulis.


Nag-aalangang ngumiti ang dalaga.

"Alex Valdemor is that you?"

"Y-Yes." sabay tango ng babae.

Nagliwanag ang mukha ng lalaki at kaagad itong lumapit sa dalaga. "Hey don't you
remember me?"

"Ahhh..." napapangangang sagot ni Alex habang nakakaramdam ng hiya dahil hindi niya
pa rin maalala ang lalaki.

"It's me Joshua Granger. Your buddy!" bulalas ng lalaki.

Saka lamang naalala ng dalaga ang kausap at agad ding nagliwanag ang kanyang mukha.
" Yeah Joshua Granger! I remember now. Training camp in Russia and Kazakhstan!"

Halos napalingon ang lahat sa lakas ng batian ng dalawa. Bigla namang nagsalubong
ang kilay ni Blake lalo na nang niyakap ng lalaki ang kasintahan at tinapik ito sa
likod na para bang isa itong kabarkadang lalaki.

"Whoah! Good to see you again Valdemor! You look..." sabay tingin ng lalaki sa
dalagang pulis mula ulo hanggang paa. "..different."
Niyakag ni Joshua patungo sa pinakaloob ng presinto ang dalaga at ipinakilala ito
sa mga kasamahan. "Listen up guys. I want you to meet an old friend and a buddy of
mine, Alex Valdemor. We'd been together in a training camp for.. how long?"sabay
tingin nito sa babae nang may nagtatanong na mukha.

"F-Four months." sagot ni Alex.

"Yeah, that's right! She's an intelligence officer from the Philippines. And I was
a big fan of her. She's an incredible fighter and undeniably a sharp shooter! She
was the best fighter in our team. We actually called her in the camp as
Philippine's Lara Croft."

Binati ng lahat ng mga kasamahan ni Joshua si Alex. Samantalang napapatakip naman


sa mukha niya si Jason sa mga narinig. Para itong nanlilit sa kinauupuan.

"By the way, what are you doing here Valdemor? Do you have some assignments to deal
in our office?"

"A-Actually, these two students here are my friends. We were together in the bar."
nahihiyang sambit ng dalaga.

Biglang natigilan ang lalaki na tila hindi makapaniwala sa narinig. "They are your
friends? And you were with them during the fight?"
"Yes."

"What happened?"

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Alex.

"You weren't involved? You were the stubborn Alex I know. You didn't join the
fight." natatawang wika ni Joshua.

"No I didn't. This is not my jurisdiction so I decided to stay out of it."

"Wow! You really changed... for the better though." bawi ng lalaki.

Hinarap ni Joshua ang mga kalalakihang sangkot sa away nang nakangiti. " Be
thankful that this woman didn't join your fights or else, most of you will end up
first to the hospital before you end up here."

Pagkatapos ng pakikipag-usap ni Alex sa dating kasamahan ay pinakawalan din ng mga


pulis ang mga lalaking binitbit. Dahil sa pakiusap ng dalaga, kaya napilitan si
Joshua na palampasin na lamang ang nangyari. Binigyan na lamang nito ng warning ang
mga kalalakihan na sa susunod na mahuli ulit sinuman sa kanila sa anumang klase ng
offense ay sasampahan na agad ito ng reklamo.
"Thank you Joshua." wika ni Alex habang nakikipagkamay sa lalaki at nagpapaalam
dito sa harap ng presinto.

"How long will you be staying here in New Jersey?"

"Two more weeks." nakangiting sagot ng babae.

Naglabas ng calling card si Joshua at iniabot ito sa dalaga. "Call me if you have
time. Maybe we can hang out sometime."

"Sure." excited na sagot ni Alex habang tinatanggap ang calling cards.

"Wait. Can I have your contact number too?" pahabol na tanong ng lalaki.

Hindi na nakatiis si Blake na noon ay nakatayo lamang sa tabi ng pinto ng presinto


at tahimik na nakikinig sa dalawang nag-uusap.

"Excuse us but can we leave now? I just remember, my girlfriend and I has a very
important appointment that shoudn't be missed." wika ng binata at walang pasabing
hinawakan niya ang kamay ng girlfriend at hinila ito patungo sa kanilang sasakyan.

"I'll call you Joshua! Thank you again!" pahabol na sigaw ni Alex habang hinihila
ng kasintahan papalayo.

Pagdating sa pinagparadahan ng sasakyan ay naghihintay na doon ang lahat ng mga


kaibigan ni Blake. Hinihintay ng mga ito si Alex para pasalamatan.

Tinanggap agad ni Alex ang pasasalamat ni Marlon at ng girlfriend nito. Ngunit


pagdating kay Jason, matapang na tiningnan muna ito ng dalaga at saka nilapitan.

"T-Thanks.." naasiwang bigkas ng lalaki habang iniaabot ang kanyang kamay sa babae.

Tinanggap ni Alex ang alok na pakikipagkamay ni Jason at bumulong dito ng


nakangisi. "Sa susunod matuto kang rumespeto ng babae para hindi ka nabubugbog.
Malay mo, kung hindi ka sana naging bastos sa akin baka walang suntok na nakadapo
diyan sa mukha mo." sabay pisil niya ng sobrang lakas sa kamay ng lalaki. "By the
way, nice to meet you."

"A-Aaahhh!..N-Nice t-to meet you too." nasasaktang wika ni Jason habang pilit
nagkukunwaring ngumiti upang hindi mahalata ni Blake...
*****

Gigil na gigil na nakikipagtuos ang mga ngipin ni Alex sa ginawang cookie habang
may mga pahid ng harina sa mukha at sa nakataas na gusot-gusot na buhok.
Napapangiwi siya sa sobrang tigas ng kinakagat.

"Aish! Masisira ang ngipin ko sayo!"

Iritableng ibinato niya ang pagkain papabalik sa tray at nakapamewang na tinitigan


ang kaaahon pa lamang mula sa oven na mga cookies.

"Bakit ba pagdating sa pagluluto wala na akong magawang tama?!" napapakamot sa


ulong reklamo niya sa sarili at sabay pagpag sa balikat ng mga naglalaglagang
harina mula sa buhok.

Nakasimangot na dinampot niya uli ang ibinalik na cookie, itinapat sa kanyang mukha
at pinandilatan ito ng mga mata.

"Ikaw! Dalawang oras ang inubos ko sa paggawa sayo tapos hindi ka man lang
makisama! Ano bang problema mo? Bakit ayaw mo magpakain? Sinunod ko naman ang
instruction sa internet ah, tama naman ang mga ingredients ko pero ba't ganyan pa
rin ang kinalabasan mo?! Matigas ka pa sa bato!"
Binitawan niya ang cookie at binatukan sa inis ang sarili. "Ang tanga-tanga mo
talaga Alex kaya hindi sineseryoso ni Blake ang mga niluluto mo eh. Ang tagal-tagal
mo nang nag-aaral magluto pero palagi ka pa ring palpak!"

Natigilan siya sa panenermon ng sarili nang may biglang pumasok na tao sa kanyang
utak. Unti-unting nagliwanag ang kanyang mukha habang naalala ang kaibigang si
Margareth.

Nagmadali siya sa pagkuha sa cellphone para tawagan ito sa skype. Napatingin muna
siya sa orasan at napagtantong hatinggabi na sa Pilipinas. Nag-alinlangan siya ng
ilang saglit subalit itinuloy niya pa rin ang tawag.

"O bakit?" bungad sa kanya ng kaibigan.

"Gising ka pa?" malambing niyang sagot dito.

"Malamang dahil nakakausap mo pa ako. Bakit ngayon mo lang ako naisipang tawagan?
May problema ka ba kaya mo ako naalala?"

"Marunong ka bang gumawa ng cookies?"

"Ikaw kaya ang tanungin ko kung marunong kang humawak ng baril?!"

"Natural dahil pulis ako!"


"Pwes natural din na marunong ako dahil bakery ang negosyo ko!"

"Ang dami mo namang sinasabi sasagot ka lang ng oo o hindi."

"Paano napaka wrong timing mo tumawag. Ano ba ang sasabihin mo bilisan mo at busy
ako."

"Hatinggabi na busy ka pa rin?"

"Alex ano ba! Bilisan mo."

"Nababagot ako kaya nagtry ako gumawa ng cookies kaso ang tigas eh. Turuan mo nga
ako. Magta-try ulit ako habang nasa school pa si Blake. Mamaya pa ang uwi nun kaya
kailangan kong may magawa, ayokong ma-bored."

"My god Alex nasa amerika ka na't lahat hindi mo pa rin talaga ako tantanan sa
pang-iistorbo mong yan! Pwede ba utang na loob maliit na problema lang yan para
paabutin mo pa dito sa Pilipinas. Manghingi ka ng tulong sa google!"

"Ginawa ko na. Dun ko nga binase ang instruction na sinunod ko eh kaso palpak eh.
Hindi makain sa tigas."

"Baka may mali sa ginamit mong ingredients, o kaya nasobrahan sa taas ang
temperature ng oven mo o baka naman nasobrahan ka sa kakamasa ng dough. Pati
pagmamasa hitsurang binubugbog mo rin ata eh."

"Eh ano ba kasi ang tama?"

"Aish Alex pwede ba bukas na lang natin pag-usapan yan at may ginagawa ako! Hindi
ako pwedeng makipag live patch sayo ngayon."

"Sige na nga. Bye!"

"Teka, teka sandali! Open mo ang webcam at gusto kong makita ang ipinagmamalaki ni
Tita Sylvia na blooming na blooming daw na mukha ng anak niya."

Nakabusangot na binuksan ni Alex ang camera ng telepono.

"Ay multo!" bulalas ni Margareth pagkakita sa patsi-patsing puti sa mukha ng


kausap. "Ano ka ba Alex? Ang harina inihahalo sa tinapay hindi inilalagay sa
mukha!"

"Eh sa napapahiran ko, alangan namang unahin ko pang intindihin yan kaysa sa
niluluto ko. Teka ba't maingay dyan? Nasan ka ba?"

"Nasa restaurant."
"Restaurant o bar? Sinong kasama mo?"

"Si James! Kaya pwede ba putulin na natin to at nakakistorbo ka na?"

"Huh? Ano yan date? Kayo na ba? Sinagot ka na ba?"

"Hindi pa! Pinagbigyan lang akong kumain kami sa labas at dahil sa pang-iistorbo mo
baka lalong maging hindi kami!"

"Sus huwag ka ngang OA dyan! Pakausap nga tamang-tama gusto ko nga ring makausap
yan."

"Aba at talaga naman!"

"Ano? Teka lang pinagdadamot mo na ba si James? Baka nakakalimutan mong dahil sa


akin kaya mo nakilala yan. Margareth, tatlong linggo lang ako dito sa Amerika. Ano
kaya kung pagbalik ko dyan ay tanggihan din kitang tulungan sa pambubuliglig mo
dyan sa kasamahan ko!"

"Eto na nga ibibigay ko na ang telepono! Sandali lang at lumabas ako ng restaurant
dahil nahiya naman ako na sa harap niya tayo magkuwentuhan."

Naalala ni Alex ang kanyang hitsura kaya dali-dali niyang pinatay ang camera.
"Hi Alex!" masiglang bungad sa kanya ng lalaki.

"Hi James! Kumusta na?"

"Everything's fine. How about you? Kumusta na kayo ni Blake diyan?"

"Okay naman. Pasensiya na sa istorbo ha. Kumusta na sa headquarters? Ano na pala


ang nangyari sa kaso ni Mr. Javier?"

"Finally, we found a witness. We're getting closer in catching the murderer Alex."
pabulong na wika ni James na halatang umiiwas na marinig ng kasama.

"Ganun ba mabuti naman kung ganun. Nakakaawa na kasi ang pamilya ng biktima."

Narinig ni Alex na natawa ng bahagya sa kanya ang kausap.

"Alex I can't believe na kahit malayo ka ay naiisip mo pa ring mangumusta ng


trabaho."

Ngumiti ng matamlay ang dalagang pulis. "Alam mo namang isa yan sa mga energizers
ko."
"Yeah, I know that and you can't deny from me na namimiss mo pa rin ang dating
duties mo. Why don't you accept lighter cases? Yung hindi masyadong mga risky. I
agree with Chief Martinez na you're wasting your skill sa research and filing jobs
na yan. Tutal kasama mo na rin lang naman diyan si Blake, why don't you ask for his
permission sa pagtanggap mo ng kahit mga simpleng kaso lang."

Nag-isip ng ilang saglit si Alex. Bigla siyang natukso sa sinabi ng kasamahan


subalit agad din naman siyang pinanghinaan ng kalooban.

"Huwag na baka pagtalunan pa namin yan. Hayaan mo na nag-eenjoy na rin naman ako sa
research job ko ngayon."

"No you're not. I saw in your face that you're still craving for excitement sa
tuwing may dumarating na exciting na mga kaso."

Humugot ng isang malalim na buntong hininga si Alex. Hindi niya kayang


pasinungalingan ang sinabi ng kasamahan dahil tama ang mga binitawang salita nito.

"Alam mo namang mahihirapan ako dahil simula nang nabaril ako, hindi lamang ako kay
Blake nakapangako kundi pati na rin sa pamilya ko."

"I know and I understand that. I'm not saying na bumalik ka sa dati, all I'm saying
is don't hold back yourself too much. You know that I was one of the people who
felt happy when you decided to tame your agressiveness but Alex you shifted more
than 360 degrees from your old self. And since then, I coudn't see any sparks from
your eyes while you're sitting on your desk."

"Salamat sa advise James pero parte yan ng sakripisyo ko para kay Blake at sa
pamilya ko. Sige na mukhang napahaba na yata ang kuwentuhan natin. Baka
nakakaistorbo na ako sa date niyo... Ah tsaka nga pala James, kung may balak ka rin
namang makipagrelasyon sa kaibigan ko. Pwede bang sagutin mo na? At kung talagang
wala, pakiprangka na para mabawas-bawasan naman ang iniintindi ko sa buhay.
Nakakapagod din maging tulay ha."

Tumawa ng malakas si James. "I'll think about it. Kakausapin mo pa ba si


Margareth?"

"Oo please."

"I'll give the phone to her then. By the way, give my regards to Blake at ingat ka
na rin dyan. Enjoy your vacation."

"Salamat."

"Oh ano na naman?" reklamo ni Margareth.

"Bukas magtatry ulit akong gumawa ng cookies, tutulungan mo na ako ha."

"Oo sige na, sige na. Kung gusto mo nakalive video pa kasama ang panadero ko para
mas lalo kang makuntento."

"Promise yan ha. Sige na bye. Ah at saka nga pala kung sakaling maging kayo na ni
James, balitaan mo agad ako ha."
"Gustong-gusto kong ibalita sayo yan pero mukhang hindi yan mangyayari dahil imbes
na masaya kaming nag-uusap ngayon ay heto't ikaw at ang cookies mo ang iniintindi
namin. Kaya pwede ba pakibaba na ng tawag na ito!"

"Eto na nga ibaba na. I miss you. Bye. Enjoy your date."

"Tse! I miss you too. Bye!"

Nakangiting ibinaba ni Alex ang telepono. "Hay naku basta talaga pagdating kay
James, nawawala ka sa sarili, Margareth." napapailing na wika niya.

Binalikan niya ang ginawang mga cookies. Nilagay niya ito sa malaking plato at
iginilid sa tabi ng lutuan. Pagkatapos ay naisipan niyang tingnan ang sarili sa
salamin. Maging siya man ay nagulat sa kanyang hitsura.

"Kaya naman pala natakot si Margareth. Makaligo na nga baka pati si Blake ay
mapagkamalan din akong multo."

Matapos maligo at mag-ayos ng sarili ay muli siyang nag-isip ng gagawin.


Nakapaglinis na siya, tapos niya na ang ritwal na ehersisyo at gustuhin man niyang
magluto na ng hapunan ngunit masyado pang maaga. Wala na siyang magawa kaya't naupo
na lamang siya sa sopa at nanood ng TV. Palipat-lipat siya ng channel hanggang sa
napahinto siya sa kapipindot ng remote nang pinapalabas sa HBO ang pelikulang Tomb
Raider. Eksangtong labanan ang eksenang kanyang nabungaran. Para siyang
nahihipnotismo habang pinapanood ang makapigil hiningang mga aksiyon. Unti-unting
nangislap ang kanyang mga mata. Naalala niya ang dating sarili at sa mga sandaling
iyon ay parang may isang bagay na napukaw mula sa matagal nitong pagkakahimbing sa
kanyang dibdib. Nakikita niya ang sarili habang maaksiyong nakikipaglaban.
Naglalaro sa kanyang imahinasyon na siya ang babaeng nasa pinapanood na pelikula.
Subalit ilang saglit lamang ay bigla siyang natauhan. Binatukan niya ang sarili at
paulit-ulit na umiling.

"Nababagot ka lang Alex kaya ka nagkakaganyan!" matigas na paalala niya sa sarili.

"Huh? Teka lang Lara Croft? Makakuwentuhan nga ang taong tumatawag nito sa akin."

Tumayo siya at pumasok ng kuwarto. Kinuha niya ang handbag at hinalungkat ito.

"Nasan na ba yung calling card na yun? Alam ko dito ko lang yun nilagay."

Nahirapan siyang makita ang hinahanap kahit inisa-isa niya na lahat ng pwedeng
pagsisikan nito sa loob ng bag. Binulatlat niya rin ang wallet at hinanap niya rin
ito sa mga bulsa ng ginamit na damit subalit hindi niya pa rin ito natagpuan.

Inisa-isa niya ang pwede niyang pagpatungan at maging ang ilalim ng mga mesa, silya
at higaan ay tiningnan niya na rin. Hanggang sa mapadako siya sa study table ni
Blake. Napansin niya ang pira-pirasong maliliit na papel sa ibabaw nito. Nanlaki
ang mga mata niya nang mapagtantong ito ang calling card na hinahanap.

"BLLAKEEEE!" nanggigigil na sigaw niya.


Nagmamadali niyang pinagdadampot ang bawat piraso ng card. Pinagdikit-dikit niya
ang mga ito para malaman lamang sa bandang huli na hindi niya na rin pala mababasa
ang telephone number dahil natakpan na ito ng isang makapal na sulat ng itim na
pentel pen.

"Argh! Blake lahat na lang ba ng kalinya ko ng trabaho pagseselosan mo?!"

Ding Dong.

Bago buksan ang pinto, kinuyom niya ang punit-punit na calling card at inilipat sa
talk show channel ang pinapanood sa telebisyon.

Binuksan niya ang pinto at agad na naglahong parang bula ang pagkabagot na
nararamdaman niya nang bumungad sa kanya si Blake.

"Bakit maaga ka yata ngayon?"

"Maagang natapos ang exams namin." sabay dampi ni Blake ng halik sa mga labi ni
Alex. "How's your day? You look too excited after seeing me. Nabored ka ba
masyado?"

"Hindi naman. Actually, maganda ang pinapanood kong TV show kaya hindi ko na rin
namalayan ang oras."
Inilapag ni Blake ang dalang gamit sa sopa at dumiretso ito sa kusina para kumuha
ng maiinom na tubig. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang itinabing mga cookies ni
Alex.

"What's this? Did you try baking again?"

Tumango ang dalaga.

"It doesn't look burn so I suppose it's edible."

"Huwag mo nang tikman." matamlay na tugon ni Alex.

Kumuha ng isa si Blake at napangiwi rin ito sa tigas ng pagkain. Tatawa-tawang


hinarap niya ang babae.

"Are you sure you were trying to make food and not weapons?"

Hindi sumagot si Alex. Bahagya siyang nasaktan sa biro ng lalaki. Bagama't hindi
ito nagsasalita ng direkta pero ramdam niyang hindi nito nagugustuhan ang mga luto
niya. Masakit para sa kanyang tanggapin na may isang aspeto ng responsibilidad niya
bilang babae na hindi niya magawa ng tama.

Sinimangutan niya ang tila nang-aasar na mukha ng nobyo. Naalala niya ang hawak na
punit-punit na calling card at ibinunton dito ang sama ng loob. Ipinakita niya ito
sa lalaki.
"Ano to? Bakit ganito na to?"

"Why? Ano ba yan?" patay malisyang sambit sa kanya ng binata.

"Bakit mo pinunit ang calling card na binigay ni Joshua!"

"Calling card ba yan? I thought that was a scratch paper. Sorry." sabay inom ng
lalaki ng tubig.

"Scratch paper! May scratch paper bang ganito kaliit?!"

Natigilan si Blake nang mapansin ang pagtataas ng tono ng dalaga. Inilapag niya ang
hawak na baso at unti-unting nagseryoso ng mukha.

"Are you that eager to talk to that guy?"

"Hindi yan ang point ko. Importante sa akin ang magkaroon ng connection sa trabaho
ko. Sana maintindihan mo na sa aming mga pulis ay importante kahit ang simpleng
kumustahan at balitaan sa isa't isa. Mahalaga sa amin ang pakikipag-usap lalo na't
sa kagaya ni Joshua dahil sa ganitong paraan kami nakikipagpalitan o natuto ng mga
bagong impormasyon at kaalaman!"

Tumahimik ng ilang saglit ang lalaki at tiningnan ng seryoso ang nagtataas ng boses
na kausap.
"So, are we going to fight now because of him?" matigas na wika nito sabay lakad
patungong kuwarto.

Hindi nakasagot si Alex. Agad siyang natauhan nang makita ang seryoso at tila galit
na hitsura ni Blake. Bigla niyang narealize na nasobrahan yata ang kanyang
reaksiyon. Hindi na muling nagbitiw pa ng salita si Blake at dumaan ito sa harap
niya nang hindi man lang siya tinitingnan. Dinampot nito ang gamit sa sopa at
naglakad papasok ng kuwarto.

"N-Nagugutom ka na ba? Magluluto na ako." biglang hinahong tanong niya.

"Bahala ka." tipid na sagot nito nang hindi lumilingon.

Napabuntong hininga na lamang si Alex. Itinapon niya sa basurahan ang punit na


calling card at sinimulang magluto. Hindi na muling lumabas ng kuwarto si Blake at
hindi niya na rin ito sinundan. Tahimik na namalagi na lang siya sa kusina. Nang
matapos siya sa paghahanda ng mesa ay saka niya lamang pinuntahan sa kuwarto ang
lalaki. Seryoso itong nagbabasa sa kanyang study table.

"Kakain na." yaya niya dito.

Tumayo ang lalaki at tahimik na lumabas ng kuwarto. Bago maupo sa mesa ay tiningnan
muna nito ang ulam na niluto niya. At nang sumubo ito ay bigla itong nasamid. Dali-
dali niya itong sinalinan ng tubig sa baso.

"Okay ka lang ba? Masama na naman ba ang lasa ng luto ko?"


Uminom ng tubig si Blake at umiling. "It's fine." sabay subo ulit nito ng pagkain.

Habang kumakain, palihim na sinusulyapan ni Alex ang binata. Napansin niyang hirap
na hirap itong lumunok habang maya't mayang umiinom ng tubig. Lalong nadagdagan ang
pagkadismaya niya sa sarili.

"Gusto mo bang magbukas ako ng de lata?"

"Bahala ka." tipid na sagot ulit ng lalaki.

Tumayo si Alex at nagbukas siya ng de lata. Pagkahain na pagkahain niya nito sa


mesa ay agad na sumandok si Blake. Saka lamang ginanahan sa pagkain ang lalaki.
Hindi na ito muling kumuha pa ng niluto niyang ulam.

Lalong naging tahimik ang hapag kainan. Dahil sa pinaghalong pagtatampo at


pagkadismaya, hindi na rin kinausap ni Alex ang walang imik na boyfriend.

-----

Nakahiga na ang magkasintahan. Hindi pa rin gaanong nag-iimikan ang mg ito.


Nakatingin lamang sa kisame si Blake samantalang nakatalikod naman sa kanya si Alex
na noon ay nakadilat pa rin at nag-iisip ng malalim.
Huminga ng malalim si Blake at nilingon ang nakatalikod na katabi. Hindi niya na
natiis ang katahimikan. Dumikit siya sa babae. Iniunan niya ang kanyang braso sa
ulo nito. Kinabig niya ito papalapit at iniharap sa kanya.

"Sorry na. Nagselos lang ako. Nagtatampo ka pa rin ba dahil sa calling card?" sabay
halik niya sa noo ng babae habang hinahaplos ang buhok nito.

"Sino ba sa atin ang nagtatampo? Hindi ba ikaw?" nakangusong sambit ng babae.

"I felt bad kasi masyado kang apektado sa calling card na iyan. But if you really
want to communicate with that person, we can just visit that police station again."

"Huwag na. Hindi naman yan ang dahilan kung bakit matamlay ako."

"Then what is it?"

Yumakap si Alex sa kasintahan at seryoso itong tumitig sa mga mata ng kayakap.


"Hindi ka ba talaga nasasarapan sa mga luto ko?" tila batang tanong niya sa lalaki.

Bahagyang natawa si Blake sa tanong ng girlfriend. "I don't think it matters kung
nagugustuhan ko man o hindi ang mga luto mo. I know from the very start that
cooking is one of your weaknesses. That is not a big deal for me dahil kasama yan
sa mga minahal ko sayo."

"Sayo hindi big deal. Pero sa akin importanteng bagay yan." bumuntong hininga ang
babae. "Natatakot kasi ako Blake. Kung ang simpleng responsibilidad ng isang babae
ay nahihirapan akong gawin paano pa kaya ang ibang bagay. Kinakabahan ako na baka
hindi pala kita kayang alagaan. Paano kung hindi ko pala kaya mag-alaga ng isang
pamilya?"

Yumakap ng mahigpit si Blake sa dalaga. "Shhh...don't think too much. Pagluluto


lang yan. Maids can do it for you."

"Hindi eh. Siyempre iba pa rin kapag ako ang gumagawa ng mga bagay na yan para
sayo."

"There is no such thing as perfect husband or perfect wife. If you're starting to


grade yourself now, that will only cause you more fears or maybe a cold feet in the
future." tumitig si Blake sa mga mata ng dalaga at hinaplos ang buhok nito sa noo.
"You're not the only one who's having fear. Ako rin naman. May mga oras ding
tinatanong ko ang sarili ko if I can really be a good husband to you. Or if I'm
really capable of keeping you in my side forever. Pero naiisip ko na hindi naman
lahat ng bagay ay nadadaan sa plano at paghahanda. I thik if you have the sincerity
in your heart to make effort and to try your hardest then everything will go well.
We sincerely love each other and no fear can break that fact...About you're
cooking, yes... my tounge may not like it yet but don't you know that my heart is
jumping with joy kapag nakikita kita na nasa kusina with you're messy hair up,
sweaty forehead and makeup-less face. That's the most beautiful sight for me,
Alex."

"B-Blake..."

"So stop worrying about your cooking issue. Maliit na bagay lang yan para hindi
tayo magkibuan. Understand?"
Parang batang nahihiyang tumango ang dalaga.

"Alex..." sabay haplos ni Blake sa palad ng girlfriend. "After I finish my study


here at pagbalik na pagbalik ko sa Pilipinas...Let's start with our wedding
preparation. I can't wait to start a family with you..."

"B-Blake..."

Naluluhang muling tumango si Alex at hindi niya na nagawang magsalita pa dahil


tinakpan na ang mga labi niya ng mga labi ni Blake...

******

Makalipas ang isa't kalahating taon...

Papasok si Blake sa isang modernong building na binubuo ng limampung palapag. Mula


sa labas, ang nasabing gusali ay mistulang isang higanteng kahon na gawa sa salamin
na kapag tinatamaan ng sikat ng araw ay nagmumukhang babasaging kristal na may
liwanag na pinaghalong bughaw at pilak. Sa pinakamataas na bahagi ng harapan ng
building ay nakakabit ang higanteng pangalan na gawa sa makikinang na tansong mga
letra, ang Golden Pacific Oil Corporation.

Nakasuot ang binata ng mamahaling suit. Ayos na ayos ang buhok. Makinis na makinis
ang mukha. Walang bahid ng kahit kaunting gusot ang damit. Makintab ang sapatos.
Kahit langaw ay mahihiyang lumapit sa sobrang linis at bango nitong pagmasdan.
Nakabuntot sa kanya ang limang mga tauhang pawang nakabihis din ng mga amerikana.
Habang naglalakad sa lobby, lahat ay napapahinto at napapalingon kay Blake lalong-
lalo na ang mga kababaihan.

"Grabe ang guwapo. Sa wakas, natsambahan ko rin siyang makita dito sa building.
Totoo pala ang balita na mala prinsipe nga ang apo ni chairman."

"Kahit habambuhay akong magtatrabaho dito, okay lang basta't ganyang mukha lagi ang
makikita ko."

"Buti na lang napadaan ako ngayon dito sa lobby at least gumanda ang araw ko."

"Ang sarap magtrabaho kung araw-araw ay may nakikita akong inspirasyon."

"Sa tingin mo may girlfriend na kaya si Sir Blake? Sana wala pa, para mabuhayan
naman ng loob lahat ng mga dalaga dito."

"Hhaaaay sana ako na lang ang mapangasawa niyan..."

Tuluy-tuloy lamang sa paglalakad si Blake patungong elevator. Seryoso ang mukha at


walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya. Manhid din ang kanyang mga tenga
sa lahat ng mga komento at pasaring ng mga babaeng empleyado.

"Mr. Sarmiento, where are the research files I asked you yesterday?" tanong niya
habang naghihintay ng elevator.

Lumapit sa kanya ang empleyadong nasa mga limampung taong gulang na at iniabot sa
kanya ang isang folder. "Eto na po sir."
Tiningnan niya ang mga pahina ng dokumentong ibinigay sa kanya. "Kulang ito."

"There are more files to come sir. Hahanapin pa daw po kasi ng incharge yung ibang
mga folders."

"When I ask for something, either you submit it completely or you don't submit it
at all. I don't like half baked works. Anong klaseng department ba ang pinagkuhanan
mo nito? It seems that they don't do proper filings."

"Matagal na daw kasi yang records na pinapahanap niyo kaya medyo natatagalan sa
paghahalungkat yung tao."

"I know but that's not an excuse. Files like this should be saved in a database for
easy reference. The whole world is becoming digital and yet you guys are still
stuck with this ancient filing system. Baka naman may asthma na ang naghahanap
nito."

Ilang saglit munang natahimik ang empleyado bago nakasagot . "I-I understand sir.
Di bale po ifofollow-up ko na lang ulit."

"Thank you for being sensible." sarkastikong sagot ng binata.

Nagbukas ang pinto ng elevator. Naunang pumasok si Blake at nang susunod na sa


kanya ang mga nakabuntot na empleyado, agad niyang pinigilan ang mga ito.
"No need to follow. I'm heading to my office alone." sabay sarado niya sa pinto.

Mag-isang sakay ng elevator ang binata at kapag nagbubukas ang pinto pagdating sa
ibang palapag ay walang nagtatangkang sumabay sa kanya. Alam na ng karamihan na
medyo may pagkamaselan at istrikto ang bago nilang amo kaya nag-aalangan ang mga
ito na makasabay ang lalaki.

Lumabas ng elevator si Blake pagdating sa 42nd floor at naglakad patungo sa isang


silid na napapalibutan halos ng mga dingding na gawa sa salamin. Pumasok siya sa
isang pintong may nakasulat na Director's Office. Dinaanan niya ang labindalawang
cubicles at lahat ng mga nakaupo doon ay isa-isang nagsitayuan at bumati sa kanya.

"Good morning sir!"

"Good morning." sagot niya sa bawat nadadaanang empleyado nang may seryosong mukha.

Nang makalampas sa mga mesa ng mga staff, pumasok siya sa isang maganda at
maaliwalas na silid. Naupo siya sa isang mesa kung saan nakapatong ang ang isang
table name plate na may pangalan niya. Makikita din sa nasabing silid ang malaking
kulay platinum na pangalan ng kumpanya na nakakabit sa likurang dingding ng kanyang
upuan. At mula sa kanyang personal office, kita halos ang kabuuang tanawin ng Metro
Manila.

Pagkaupong-pagkaupo niya ay niluwagan niya ang suot na necktie at saka huminga ng


malalim. Magdadalawang buwan pa lamang siya sa kumpanya pero ramdam na ramdam niya
na ang bigat ng responsibilidad na ipinapasa sa kanya ng kanyang lolo. Nag-umpisa
ang lahat nang ipinakilala siya sa board meeting. Maluwag siyang tinanggap ng
karamihan sa mga direktor ngunit kaakibat nito ay ang pagpapahiwatig ng bawat isa
ng mataas na expectation sa kanya. Dahil sa kanyang pinag-aralan, inaasahan ng
nakararami na mas mahihigitan pa niya ang pamamalakad ng kanyang lolo at umaasa din
ang mga ito na mas mapapalawak pa niya ang kumpanya pagdating ng tamang panahon.

Sa loob lamang ng maiksing panahong iginugol niya sa kumpanya, agad na namulat ang
mga mata niya sa reyalidad ng mundo ng kanyang lolo. Para bang sa isang iglap
lamang ay nabaliktad ang tahimik at masaya niyang buhay. Dito, dapat lahat ng kilos
at desisyon ay pinag-iisipang mabuti. Malayo ito sa pag-aaral kung saan ang mga
solusyon sa mga ibinibigay sa kanyang problema ay ibinabase niya sa mga libro.
Subalit ngayon, karamihan sa mga problema ay kailangan niyang solusyunan sa
pamamagitan ng tamang pagtitimbang sa nakikitang sitwasyon.

Hindi niya rin inaasahan ang dami ng taong papaligid sa kanya. Lalo siyang
nahihirapan dahil karamihan sa mga nakakasalamuha niya ay higit na mas nakatatanda
sa kanya. May mga hindi pa gaanong nagtitiwala dahil sa batang edad niya. May mga
nagsisipsip sa pag-aakalang mas madali pang mabilog ang ulo niya. At ang
pinakanagpapainit ng dugo niya ay kapag nakakaharap ang mga taong pinag-iinteresang
agawin sa lolo niya ang pamunuan ng Golden Pacific Oil, ang mga director na ayaw
siyang kilalanin bilang kwalipikadong tagapagmana ng pamunuan ng kumpanya.

Noon niya din lamang nabigyan ng pagpapahalaga ang uri ng pagpapalaki sa kanya ni
Don Henry. Inilayo siya nito sa kumpanya. Hindi nito ipinamulat sa kanya ang laro
ng negosyo. Binigyan siya ng kanyang lolo ng pagkakataon na pansamantalang
maranasan ang masaya at malayang buhay ng isang binata. Kaya naman, lumaki siyang
ang pag-aakala na ang buhay ay para lamang sa kaligayahan ng sarili, pamilya,
kaibigan at pag-ibig... Ngunit ang lahat ng ito ay unti-unting nagbabago. Dahan-
dahan niya nang naiintindihan kung bakit bibihira niyang makasama ang lolo... dahil
ang mundo pala nito ay puno ng pakikibaka at pakikipagsapalaran na hindi dapat
matalo alang-alang sa libo-libong mga pamilyang umaasa sa kumpanya.

"Sir nandito po si Ms. Debbie Madrigal." pagputol ng nagpapacute na sekretarya sa


malalim na pag-iisip ni Blake.

"Let her in."

Pumasok si Debbie sa opisina nang may abot tengang mga ngiti. Nakasuot ito ng plain
orange na sleeveless, maiksing bulaklaking pencil skirt at kulay puting pares ng
sapatos na may matataas na takong. Puno ng mamahaling aksesorya ang katawan nito.
Nagpahaba na rin ito ng buhok at nagpakulay ng blonde kaya't mas lalong tumingkad
ang ganda ng dalaga. Nakadekuwatrong naupo ito sa mamahaling puting sofa set ng
opisina ng binata.
"Look at that handsome face. Take it easy young man." biro ni Debbie sa naabutang
nagbabasang lalaki.

Napatingin ng masama si Blake sa masiglang babae nang marinig ang tawag nito sa
kanya.

"Oops sorry, Sir Monteverde, I mean."

Saka lamang bumalik sa pagbabasa ang binata. "I love your work, you always have
time to visit someone else's office."

"Hindi rin ako magkandaugaga sa trabaho ko, akala mo lang. I just need some
breathing space." sabay buntong-hininga ni Debbie. "Want to have a lunch break with
me? I don't want to eat alone." yaya ng dalaga.

"I can't join you now. I'm reviewing some files."

"Ano na naman yan? Everyone is so worried here. They said you've got a frightening
working habit. They are alarmed na mas magiging mahigpit ka pa than the chairman."

"I'm reading the records of all failed oil exploration attempts of the company
outside the country."

"Wait. What's running in your mind now Blake?"


"The chairman is asking me to submit a proposal within two months."

"Oh and you think of oil exploration? Whoah isn't that too ambitious?" namimilog
ang mga matang sambit ni Debbie.

Tiningnan ni Blake ang kausap at nginisian. "Yeah, I'm young and ambitious because
I'm the grandson of my grandfather."

"... and besides you're there to help me out with the research." dagdag na wika ng
binata.

"Excuse me! And what makes you think I'll help you? I'm under somebody else's
supervision, you're not the chairman yet so I don't have the obligation to follow
your orders."

Tumigil sa pagbabasa si Blake at tumingin sa mukha ng kausap. Tinitigan niya nang


may maamong mga mata ang kaibigan. Hindi niya inalis ang mga paningin sa babae
hangga't hindi nito sinasabi ang bagay na gusto niyang marinig.

"I'll see what I can do..." hindi nakatiis na sagot ng dalaga sabay patay-malisyang
kumawala sa mga titig ng lalaki nang may namumulang mukha.

Saka lamang ngumiti at bumalik sa pagbabasa si Blake. "You told me back in New
Jersey that you wanted to be good to me because I'd be your boss in the future. So
what's with the hesitation now?" ngingiti-ngiting bigkas niya.
"Pinagsisihan ko nang sinabi ko yun! I thought I can take advantage of my temporary
freedom while working in different department, hindi rin pala." nakasimangot na
wika ng babae.

Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang pumasok ang sekretaryang may dalang kape.
Inilapag nito ang inumin sa center table ng inuupuang sofa ni Debbie.

"Coffee po ma'am."

"Thank you."

Hindi nakaligtas sa mga mata ni Debbie ang panakaw na sulyap ng dalagang sekretarya
sa nagbabasang amo. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng pinto.
Mula sa glasswall napansin niya rin ang maya't mayang paglingon ng mga dalagang
empleyado sa opisina ng binata.

"By the way, don't you know that every single woman here sees you as their prince
charming?"

Natawa ng mahina ang lalaki. "You're such an observant. Kasama ba yan sa job
descriptions mo?"

"I can't help but notice since almost everyone here is curious about your personal
life. They actually keep bugging me if I'm you're girlfriend. To be honest I was
tempted to say yes just to boost my pride but of course I couldn't lie." tatawa-
tawang biro ng dalaga habang umiinom ng kape." Hindi mo pa ba isinasama dito si
Alex? Stop giving them false hopes."
"Alex doesn't want to come here unless it's obligatory and I understand her point.
This is not a nature park para maglakad-lakad kami ng nakaholding hands."

"Bilib din naman talaga ako diyan sa girlfriend mo. Hindi man lang ba siya
kinakabahan na baka maagaw ka ng iba? If I were her, baka unang araw mo pa lang
dito ay ipinarada ko na ang sarili ko para malaman lang ng lahat na off-limits ka
na."

"She's not that kind of woman. We'd taken our relationship to a higher level. We
are more matured now and jealousy has almost no room for us already. We both trust
each other."

"Are you sure that's trust? When I look into your eyes whenever you talk about her,
I couldn't see anymore that 'I miss her look'. I hope coldness won't wrap the two
of you just like what usually happen to other long term relationships."

Ngumisi si Blake sa narinig. "Coldness? I don't think so.. I'm still on fire
whenever I'm with her."

"Loko-loko, isusumbong kita kay Alex!"

"Be glad. I'm bragging to you my private life." tatawa-tawang sagot ng lalaki.

"Huwag mong sabihin sa akin yan. Sabihin mo yan sa mga babaeng nangangarap sayo!"
sabay tayo ni Debbie." I leave you now. I guess I have no choice but to eat alone.
How about dinner tonight? In case you'll work overtime again."
"I'm going to the airport to pick-up the chairman."

"Woah look at you! You're starting to treat the chairman more of a boss now than a
grandfather."

"People do mature and that doesn't exempt me ...By the way, can you drop by again
later? I want you to read this file too after I finish it." pahabol na wika ni
Blake sa papalabas na kaibigan.

"I can't . Marami rin akong ginagawa." diretsong tanggi ng babae.

"If that's so, I will let someone to bring this to your office."

"BLAKE!"

Ngingiti-ngiti at kibit-balikat na tiningnan lamang ni Blake ang babaeng may


nagrereklamong mukha...

-----

"HINDI AKO NAGSISISI NA PALUIN KA NG BOTE! BAGAY LAMANG SAYO YAN DAHIL
NAPAKATSISMOSA MO!!! SINISIRAAN MO AKO SA MGA KAPITBAHAY NATIN! PASALAMAT KA WALA
AKONG KUTSILYONG DALA KUNG HINDI BAKA SINAKSAK PA KITA!!!"

"AT ANONG PANINIRA ANG GINAWA KO? BAKIT AKO ANG PINAGDUDUDAHAN MO? GAGAWA-GAWA KA
NG KALANDIAN TAPOS MANDADAMAY KA NG INOSENTENG TAO!!!"

"HUWAG KA NANG MAGSINUNGALING! IKAW ANG TINUTURO NG MGA KAPITBAHAY NA NAGKAKALAT NG


TSISMIS NA BAYARANG BABAE AKO AT KABIT AKO NI KAPITAN!"

"HINDI AKO ANG NAGKAKALAT! SAKA BAKIT KA NAGAGALIT EH TOTOO NAMAN TALAGA YAN DI
BA?!"

"TSISMOSA KA! INGITTERA! SASABUNUTAN KITANG BRUHA KA!!!"

Pinalo ng pagkalakas-lakas ni Alex ang mesa.

"PWEDE BA TUMAHIMIK KAYO!!! BOSES NIYO NA LANG ANG NANGINGIBABAW DITO SA BUONG
HEADQUARTERS!"

Sabay na napalingon ang dalawang nagbabangayang babae sa sumigaw. Nakakunot noong


tiningnan ng mga ito ang dalaga na noon ay nakahalukipkip at pinandidilatan sila ng
mga mata. Tinitigan nila ito mula ulo pababa... Pulidong-pulido ang pagkakatali ng
mahabang buhok. May ternong hikaw at kuwintas na perlas. Sosyalin ang make-up.
Nakasuot ng dilaw na tube, black and white checkered coat at itim na mini skirt.
Nakapatong din sa mesa ang isang Louis Vuitton na handbag.

"Sino ka?" mataray na tanong ng inirereklamong babae.


Hindi sumagot si Alex. Sa halip ay kumuha siya ng tissue paper sa bag at iniabot
ito sa babaeng pinalo ng bote sa ulo.

"Pahiran mo yang dugo sa noo mo baka matuluan itong table."

Hindi makapagsalitang tinanggap ng babae ang tissue at tahimik na nagpahid ng dugo


sa mukha.

Umupo ng tuwid si Alex. Nagdekuwatro ng paa. Humarap sa computer. Inumpisahang mag-


type. At tumingin sa babaeng nanugod.

"Pangalan?"

Hindi sumagot ang babaeng tinatanong.

"Pangalan sabi!"

"At bakit kita sasagutin? Sino ka ba? Bakit ikaw ang nandiyan?! Hindi ka naman
mukhang pulis!"

Huminga ng malalim si Alex at ngumisi. "Mamili ka. Sasagot ka o isasalaksak ko


diyan sa maingay mong bunganga ang tsapa ko!" sabay palo niya ulit sa mesa.
"PANGALAN?!"
"Minerva Concepcion Madulid." nagmamadaling sagot ng babae.

"Address!"

"34-A Masakrot Street, Road 2, Sta.Ana, Manila."

"Edad!"

"Twenty nine."

Hinarap naman ni Alex ang babaeng duguan ang mukha.

"Ikaw naman. Pangalan?"

"Mary Rose De Leon Almadovar ho."

"San nakatira?"

" 34-C Masakrot Street, Road 2, Sta. Ana, Manila."

"Magkapitbahay lang pala kayo tapos nagsasakitan kayo ng ganyan... Edad?"


"Thirty one years old ho."

Tumigil sa pagtatype sa computer si Alex at humarap nang maiigi sa dalawang babae.


"Bakit dito kayo dumiretso? Sinubukan na ba kayong pag-ayusin sa barangay?"

"Hindi! Dahil hindi ako pumapayag na doon magreklamo! Kabit yan ng kapitan kaya't
siguradong papaburan ang babaeng yan!"

"KITA MO NA SA BIBIG MO NA RIN NAGMULA ANG MGA SALITANG YAN! TAPOS MAGDEDENY KA
PA!"

"TAHIMIK!" muling pinandilatan ni Alex ang inirereklamong babae. "Ikaw! Alam mo


bang sa ginawa mong pamamalo ng bote sa ulo ay pwede kang makulong hanggang
dalawang taon kapag nagkaroon ng side effects ang ginawa mo!" sabay lipat niya sa
mga mata sa isang babae. "Ikaw naman dapat inuna mo munang patingnan sa hospital
yang kondisyon mo."

"Mas gusto kong ipakita ang pruweba ng pananakit ng babaeng yan. Gusto kong
makulong yan!"

"KULONG?! IKAW ANG IPAPAKULONG KO! IDEDEMANDA KITA NG LIBEL!"

Lumapit ang isang nakaunipormeng lalaking pulis. "UMAYOS KAYO HA!" awat din nito sa
dalawang babae at saka ngumiti kay Alex. "Kapitan Valdemor, telepono ho line 4."

"Salamat Tenyente." bago iangat ng dalaga ang telepono, pinandilatan muna niya ang
dalawang kaharap para ipahiwatig sa mga itong manahimik.
"Captain Valdemor speaking."

"Hi Captain!"

"B-Blake? Bakit dito ka tumawag?"

"I need to talk to you right now but you're not answering your phone."

Kinuha ng dalaga ang cellphone sa bag at nakitang may siyam na miscall nga ang
boyfriend.

"Pasensiya ka na, hindi ko narinig may inaayos kasi akong reklamo dito sa
headquarters."

"It's okay. By the way, are you---"

"IPAPAKULONG DIN KITA!!! HAHANAP AKO NG MAGALING NA ABOGADO!!!!"

Muntik ng mabitawan ni Alex ang handset sa pagkagulat. "Blake sandali lang ha."
nanggigigil na tinakpan niya ng kamay ang mouthpiece ng telepono. "TUMAHIMIK KA!
KAPAG HINDI KAMI NAGKAINTINDIHAN NG KAUSAP KO DAHIL SA INGAY MO, IBUBUSAL KO SA
BUNGANGA MO ANG BOTENG IPINAMPALO MO!"
"POLICE BRUTALITY YAN! IDEDEMANDA DIN KITA!"

"Ah police brutality pala ha! SPO2 Diaz!" sabay lingon ng dalagang pulis sa isang
kalapit na mesa.

"Yes Kap!"

"Alisin mo ang babaeng yan sa harap ko. Dalhin mo sa selda dahil kapag hindi ako
nakapagpigil baka mawalan ng buhay yan!"

Mabilis na lumapit ang inutusang pulis. Biglang nataranta at namutla naman ang
babae.

"Tatahimik na ho ako! Ma'am ano... Ma'am Barbie."

"Anong tawag mo sa akin?"

"Ma'am Barbie po. Ang ganda niyo kasi para sa isang pulis."

"SPO2 ikulong mo na yan ngayon din!"


Inakay ni SPO2 Diaz ang babae. "Ikaw kasi mambobola ka lang maling tawag pa ang
napili mo!" ngingiti-ngiting bigkas ng lalaking pulis.

"SUNGIT MO! IKAW NA NGA ANG PINUPURI!" nakasimangot na sigaw ng babae kay Alex.

Binalikan ng dalagang pulis sa telepono ang boyfriend habang senesenyasan ang


kasamahan na tuluyang ilayo sa kanya ang maingay na babae.

"Pasensiya ka na ha may makulit lang dito."

"What's that noise? Are you fighting someone? Are you hurt?" nag-aalalang mga
tanong ni Blake.

"Hindi. May sinasaway lang ako. Teka, ano bang sasabihin mo?"

"Pwede na ba kitang sunduin? I'll be on my way to the airport to pick-up grandpa.


It will be inconvenient kong babalikan pa kita after kong masundo si Lolo. He wants
to have a dinner with us somewhere right after airport."

"Ah-eh hindi pa ako pwedeng umalis. Paano ba yan?"

"Did you bring a car?"


"Hindi eh pero okay lang magtataxi na lang ako. Sunduin mo na ang lolo, then
sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo magdidinner. Doon na lang ako didiretso,
okay?"

"No don't take a cab. Ipapasundo na lang kita sa driver later."

"Huwag na Blake. Magtataxi na lang ako. Okay lang ako, wala pang isang oras na
biyahe yan para magpahatid pa ako sa driver."

"Okay if that's what you want. See you later. I'm leaving the office now. Bye."

"Bye. Ingat ka."

"Boyfriend mo?" usisa agad ng naiwang babae pagkababang-pagkababa ni Alex ng


telepono.

"Ikaw, kaya ka napapalo sa ulo dahil sa pagiging tsimosa mo!" sagot ng dalagang
pulis.

Natigilan si Alex nang dumaan sa harapan niya si James. Hinabol niya ng tingin ang
lalaki hanggang sa makapasok ito sa sarili nitong opisina. Nagkataong kababalik din
lamang ni SPO2 Diaz sa mesa niya.

"SPO2 ikaw na ang tumapos sa report na ito may kakausapin lang ako."
"Sige ho Kap!"

Nagmadaling tumayo si Alex at nagtungo sa opisina ni James. Pagdating niya doon ay


nagulat sa ayos niya ang kasamahan.

"You're so..." sabay tingin ni James mula ulo hanggang paa sa kasamahang nakatayo
sa harap ng mesa niya. "... dressed up."

"May dinner kami ni Blake sa lolo niya." pairap na paliwanag ni Alex sa ngingisi-
ngising lalaki at sabay upo sa silyang nasa harapan ng mesa.

"Why are you here?" nagdududang tanong ni James.

"Pinatawag ka ni Chief sa meeting room di ba? Anong pinag-usapan niyo? May bagong
kaso ba?" sunud-sunod na tanong ng dalaga nang may namimilog na mga mata.

"You're drooling." tatawa-tawang wika ni James sabay bukas sa isang folder. "If
you're that excited then why didn't you join the meeting."

"Aish! Sagutin mo na lang ako. Alam mo namang hindi ako pwede. Ano, exciting ba?"

"Nope just a suicide incident. A young woman was found dead this morning in her
bathtub. Pill overdose."
"Ah ganun ba. Mukhang laging boring yata ang mga kasong dumarating sa atin ngayon."

Inilapag ni James sa mesa ang hawak na folder at sumilip dito ang isang litrato.
Napansin ito ni Alex kaya't hinugot niya ang larawan mula sa folder at tinitigan
ang isang close-up at nakangiting kuha ng isang babae.

"Eto ba ang nagpakamatay?"

"Yap."

"Sayang, ang ganda pa naman. Ilang taon na ba ito?"

"Twenty three."

"Tsk, tsk, tsk.. ang sarap-sarap mabuhay eh. Anong sabi ng pamilya?

"We're still searching for her family. Mag-isa lang kasi siyang nakatira sa
condominium." biglang may naalala si James. "Ah and there something that might
interest you..."

"Ano yun?"
"That woman is an employee of Golden Pacific Oil, your boyfriend's company."

"Talaga?! Hay kawawa naman, ano kayang pinagdadaanang problema ng babaeng ito."

Tinitigang muli ni Alex ang larawan at dahan-dahang kumunot ang noo niya nang
mapansing tila pamilyar sa kanya ang mga mata ng babae. Inilapag niya ang larawan
sa mesa at tinakpan ang ibang bahagi ng mukha ng babae maliban sa mga mata.

"What are you doing?" puno ng pagtatakang tanong ni James.

"Kilala ko ang mga matang to eh, parang nakita ko na to."

Napanganga si Alex nang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na mga mata.

"G-G-Grace?"

"Grace, who's Grace?"

"S-Si Grace! Y-Yung classmate ko dati sa UP!"

Tumawa ng malakas ang lalaki. "Are you joking? You must be dreaming. Hindi ka nag-
aral sa UP, Captain Valdemor!...Besides, that woman's name is Divine Hillary
Francisco, not Grace."

Paulit-ulit na umiling si Alex. "Hindi, si Grace ito. Hindi ako maaring magkamali!
Kilala mo rin to, Captain Corpuz. S-Siya yung ginamit dati ng venomus na spy sa
balak na pangingidnap kay Blake. Titigan mong mabuti!" sabay abot niya ng litrato
sa hindi maniwalang kausap.

Tinitigan ni James ang larawan subalit hindi niya na rin matandaan ang mukha ni
Grace. "I can't make a comparison because I can't remember the face of that kid
anymore."

"Tingnan mo sa record! Biliss!" natatarantang utos ni Alex.

"Calm down. Eto na, titingnan na."

Binuksan ni James ang record sa computer. "Do you remember the complete name of
that kid? Para madali nating mahanap ang file."

"Ano ba yan? Ano bang nangyayari sa memory mo James? Sa kakasama mo diyan kay
Margareth, mukhang nahila na rin yata pababa pati IQ mo." Ipinikit ni Alex ang mga
mata at nag-isip ng malalim. "Grace ano nga ba yun? Grace... Grace... Grace
Capulong! Tama Grace Capulong!"

"Grace Capulong, okay here it comes."

Lumabas sa screen lahat ng record ng isang Grace Capulong. Pinindot ni James ang
larawan ng nasabing babae. Pinalaki niya ito at ikinumpara sa hawak-hawak na
litrato.

"They look different. Grace looks nerdy, with darker skin and has different aura
compare to this woman. This woman is much more whiter, mas matangos ang ilong, got
a better lips, a better cheekbones, a better teeth and a better smile. Although
hindi ko masyadong makumpara ang mga mata nila coz Grace was wearing thick
eyeglasses in this picture but i can say na they are totally different person.
What's wrong with your eyes, Captain Valdemor? Even if I imagine Grace after a
makeover, she will never be as beautiful as this woman... pwera na lang kung
magparetoke siya."

Nagkaroon ng katahimikan. Biglang natigilan ang dalawang pulis at parehong napaisip


dahil sa huling mga salita ni James.

"Nakuhanan niyo na ba ng fingerprints ang bangkay?" tanong ni Alex.

"Yes."

Dali-daling hinanap ni James ang record at pinagkumpara ang dalawang set ng


fingerprints.

"T-They're the same." natutulalang bigkas ng binatang pulis.

Nagkaroon ulit ng katahimikan. Sabay na nag-isip ng malalim ang dalawa, nagtinginan


at nag-usap ang mga mata.

"She changed her name, her face, her identity. And she is an employee of Golden
Pacific Oil... Is it a coincidence? Or hanggang sa huling minuto ng buhay niya ay
nanatili pa rin siyang stalker ni Blake?" mahinang sambit ni James habang nakatitig
sa nag-aalalang mga mata ng kausap.

Hindi makasagot si Alex. Napapalunok lamang siya. Sa hindi niya mapaliwanag na


kadahilanan ay bigla siyang kinutuban. Unti-unting lumakas ang kabog ng kanyang
dibdib hanggang sa may mamuong kaba sa loob nito.

"Uh-uh... I guess we've just found an interesting case for you, Captain Valdemor."

Hindi pa rin makapagsalita si Alex. Napapakagat lamang siya ng madiin sa mga labi.

"The body is still undergoing autopsy, so we don't know yet kung may foul play...
Ano sa tingin mo. Should you take this case?"

Napatingin lamang ang babae sa kausap nang may nagdadalawang-isip na mukha.

"Alex, I think it's time na pagbigyan mo naman kahit papaano ang sarili mo. Why
don't you consider this as your last case... before getting married. What do you
think?"

"J-James... "...
****

Lumilipad ang isip ni Alex habang kumakain. Ilang segundo munang nakatapat ang
kutsara sa bibig niya bago ito tuluyang maisubo. Hindi mawala-wala sa utak niya ang
pinag-usapan nila ni James. Maging ang kaba sa kanyang dibdib ay hindi pa rin
tuluyang naglalaho. Stalker pa rin nga kaya ni Blake si Grace? Nagpakamatay ba ito
dahil sa pagkabigo sa pag-ibig? Pero kung totoo mang hinahabol-habol pa rin nito
ang lalaki hanggang sa kasalukuyan, ibig sabihin ay hindi ito ang tipo ng babaeng
basta-basta na lang sumusuko. Sa haba ng panahong kinimkim nito ang damdamin, hindi
makatwiran kung magpapakamatay ito ng ganun-ganun na lang. Ni hindi pa nga nito
nagagawang ipagtapat ang totoong nararamdaman sa taong inibig ng pagkahaba-habang
panahon.

Paulit-ulit siyang umiling upang burahin sa utak ang hindi magandang naiisip .
Imposibleng magpakamatay si Grace dahil kay Blake. Siguro ay may iba pa itong
mabigat na problemang pinagdadaanan.

"Iha mukhang wala kang gana. Hindi mo ba gusto ang lasa ng pagkain? Gusto mo bang
omorder ng ibang ulam?" wika ni Don Henry nang mapuna ang matamlay at natutulalang
hitsura ni Alex habang kumakain.

Hindi sumagot ang dalaga, halatang hindi nito narinig ang tanong. Nakatitig lamang
ito sa plato habang nag-iisip ng malalim. Natauhan lamang ang babae nang palihim na
tinapik ito sa beywang nang katabing nobyo.

"Lolo is asking you." pabulong na sambit ni Blake sa natutulalang girlfriend.

"Ha?" natatarantang umayos ng upo si Alex at ngumiti kay Don Henry. "Pasensiya na
po, ano po yun?"

"Mukhang wala kang gana. Do you want to order more foods?" ulit ng matanda.

"Hindi na po. Tama na po ito, masasarap naman ho ang mga ito."

"You look dull. Mukhang malalim ang iniisip mo, may problema ka ba iha? May
tampuhan ba kayo ng apo ko?"

"Naku wala ho!"


Nag-aalalang napatingin si Blake sa girlfriend na noon din lamang napansin ang
nababahalang hitsura ng babae. "Something is bothering you." may kasiguraduhang
wika niya. Sa mga mata lamang ni Alex, alam niya na kung may pinoproblema ito o
wala. "Dahil ba yan sa trouble kanina sa headquarters niyo? Although you said
everything was fine but based from the noises that I'd heard, the place seemed to
be very chaotic. Are you hurt somewhere?"

"Okay lang ako. Wala akong problema sa trabaho. May inayos lang ako na nag-aaway na
magkapitbahay kaya maingay nung tumawag ka."

"Are you sure? It seems that you're hiding something."

Ngumiti ng pilit si Alex. "A-Ano naman ang itatago ko? Napagod lang siguro ako kaya
medyo wala akong ganang kumain."

Sumandok si Blake sa bawat putaheng nakahain sa mesa at inilagay ang mga pagkain sa
pinggan ng dalaga. "The more na dapat kang kumain. Don't overlook your health just
because your tired."

"Tama na, Blake baka hindi ko maubos yan."

Napapangiti si Don Henry habang lihim na inoobserbahan ang pag-aasikaso ni Blake sa


kasintahan. Natutuwa siya na makitang wala pa ring pagbabago sa pagtitinginan ng
dalawa. Para pa ring mga bagong magkasintahan lamang kung maglambingan ang mga ito.

"I can see that you're still very dedicated to your work. But I hope you won't mind
if I ask you this...When are you planning to quit your job?" diretsong tanong ng
matanda sa dalaga.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Alex sa hindi inaasahang tanong ni Don


Henry. Bigla nabura sa isip niya ang tungkol sa kaso ni Grace. Napatingin siya kay
Blake nang may nanghihinging saklolong reaksiyon. Pinagreresign na ba siya ng
matanda?

"Grandpa, both of us agreed that she'll quit her job after we get married." kusang
paliwanag ni Blake sa lolo.
"Right, good that you brought that up. Speaking of your marriage, what's going on
with the two of you? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na plano
tungkol sa pagpapakasal niyo? Are you both having cold feet? What's happening
Blake? When you were in the states, wala kang bukambibig kundi ang pagpaplano ng
kasal niyo right after you arrive here in the Philippines. You've been here for
more than two months pero bakit wala pa rin yata kayong ginagawa."

Uminom ng tubig si Alex at pasimpleng tumingin sa mukha ni Blake. Bumilis ang tibok
ng kanyang puso habang inaabangan ang magiging sagot ng binata. Lihim siyang
nagpapasalamat na naitanong ito ni Don Henry. Eto rin ang bagay na gusto niyang
marinig mula sa boyfriend. Siya man ay nagtataka rin kung bakit simula nang
dumating ito, ni minsan ay hindi pa ulit ito nagbabanggit tungkol sa kasal nila.
Matagal niya nang gustong alamin kung ano ang dahilan ng pagbabago sa desisyon nito
ngunit nahihiya lamang siyang magtanong. Kahit papaano ay umiiral pa rin naman ang
pride niya bilang babae, ayaw niyang lumabas na siya ang nagmamadali sa kanilang
dalawa. Hindi niya naman pinagdududahan ang intensiyon ng boyfriend. Alam niyang
may rason ito kung bakit ayaw pa nitong pag-usapan ang kasal.

Kagaya ni Alex, napainom din muna ng tubig si Blake at paulit-ulit na napalunok.


Ilang segundo muna ang bumilang bago ito nakasagot.

"Pinafamiliariaze ko muna ang sarili ko sa kumpanya. After I feel comfortable to my


work then that's the time we'll start planning our wedding. I am afraid I can't
handle both at the same time. I don't want to be unfair to Alex. Gusto ko pag
nagsimula kami sa wedding preparation, both of us should put focus on it." tila
kaswal na paliwanag niya habang sumusubo ng pagkain.

Hindi makatingin ng diretso si Blake sa girlfriend habang nagpapaliwanag sa lolo.


Pagkatapos magsalita ay agad niyang ibinaling ang atensiyon sa sariling plato at
tahimik na kumain. Lihim na dinadaga ang kanyang dibdib. May higit na mas malalim
siyang dahilan kaysa sa binitawang mga paliwanag.

Noong papalapit na ang araw nang pag-uwi niya sa Pilipinas ay pinag-isipan niyang
mabuti ang desisyong pagpapakasal. Inalisa niyang maigi ang sarili kung handa na
nga ba siya sa papasuking bagong yugto ng kanyang buhay. At noon ay napagtanto
niyang may kailangan pa siyang patunayan sa sarili. Gusto niyang magkaroon ng
kumpyansa na kaya niyang alagaan si Alex hanggang sa kadulu-duluhan. Gusto niyang
patunayang magiging isa siyang responsableng lalaki...at sisimulan niya ito sa pag-
alam sa sariling kakayahan kung papaano niya pamamahalaan ang kumpanyang ipapamana
sa kanya ni Don Henry, na mas lalo niya pa itong mapapalaki. Hindi maaring bumagsak
ang negosyo habang nasa mga kamay niya ito. Gusto niyang patunayan na kaya niyang
buhayin ang kanyang magiging pamilya dahil sa sarili niyang kakayanan at
pagsusumikap, at hindi dahil sa kayamanang ipapamana sa kanya ng kanyang lolo.

Eto ang gusto niyang mangyari bago magpakasal...dahil ito ang kanyang pangako kay
Alex nang umalis siya para mag-aral sa Amerika. Ang maipagmalaki siya nito dahil sa
sarili niya pagsusumikap at sa pagiging responsableng lalaki niya. At kapag
nagkaroon na siya ng tiwala sa sarili, saka lamang siya haharap sa altar nang may
buong kumpyansa sa dibdib. Hindi siya humihingi ng mahabang panahon para dito, ang
kailangan niya lang ay sapat na oras para magamay ang responsibilidad at mga
trabaho niya sa kanilang kumpanya. Wala rin siyang balak paghintayin ng matagal ang
kasintahan.

"Kung yan ang iniisip mo, why don't you hire a very good wedding planner? That's
why, in my opinion, Alex should stop working already. Hayaan mong siya ang mag-
asikaso with the help of a wedding coordinator." pagpupumilit ni Don Henry at sabay
baling naman ng atensiyon niya sa babae. " Alex, I don't think you'll dislike my
idea. Most women love to be hands-on in their wedding preperation."

"O-Okay lang ho sa akin kung ako ang mag-asikaso...P-Pero susundin ko ho kung ano
ang gusto ni Blake."

Napapalunok si Alex. Kinakabahan siya sa patutunguhan ng kanilang pag-uusap. Ayaw


niyang ipahalata ngunit pakiramdam niya ay parang gumuho ang buong paligid nang
marinig ang mga katagang dapat na siyang magbitiw sa trabaho. Bagamat nangako
siyang gagawin niya ito pagdating ng tamang oras ngunit ni minsan ay hindi niya pa
inihanda ang sarili para dito. Ni hindi niya pa nga inuumpisahang pag-aralang
tanggapin ang katotohanang mapapahiwalay siya sa pinakamamahal niyang propesyon.

"Sorry Lo but I don't agree on that. Wedding preparation is something that only
comes once in our lifetime kaya gusto kong pareho naming maenjoy ni Alex ang
experience na yan."

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Don Henry at nagkibit-balikat. "Well, if


that's what you want then so be it pero huwag mong gaanong patagalin. Alex is not
getting any younger. Her age now is the right time to get married and to bear a
child. Kung hindi niyo pa maasikaso ang kasal, then how about starting to work hard
on giving me a new grandchild tutal doon din lang naman kayo pupunta. Sayang ang
panahon."

Biglang nasamid si Alex sa sinabi ng matanda. Natatarantang napainom ulit siya ng


tubig. "H-Hindi ho kaya mas may chance na baka lalong hindi kami maikasal agad ni
Blake kapag nabuntis ako nang wala sa oras?" nahihiyang bigkas niya.
"Well, if I have to choose between a grandchild and your marriage. I'll choose the
first one." diretsong sagot ni Don Henry.

"Don't worry Lo, I promise that our wedding will be done within a year. Alex also
need time to prepare herself before she quits her job. She loves her profession a
lot kaya hindi magiging ganun kadali para sa kanya na iwanan ang pagpupulis."

"Young generations do confuse me. Lahat ay nagiging kumplikado samantala noon pag
sinabi ng mga magulang na kasal, kasal agad." napapailing na wika na lamang ng
matanda.

Naunang natapos kumain si Don Henry at hiningi nito ang susi ng sasakyan sa apo. "
I'll wait for you at the car, this place is a little noisy may kakausapin lang ako
sa telepono."

Nagmamadaling inabot ni Blake ang susi bago pa man magbago ang isip ng matanda. At
nang makaalis ito ay saka lamang nakahinga ng maluwag ang magkasintahan.

"I knew it! Kaya siya nanghingi ng dinner from us to meddle again in our affairs.
Are you okay? You seemed tense kanina." nag-aalalang tanong ng binata.

"Pagbigyan na natin, wala namang masama kung makinig tayo. Maayos pa nga ang
pakipag-usap sa atin ng lolo mo. Hindi kagaya sa amin na si lolo na lang ang ayaw
na mag-asawa muna ako."

Tatawa-tawang tumango si Blake. " Yeah I know." ngunit ilang saglit lamang ay unti-
unting nagseryoso ito ng mukha."...and I'm sorry if we have to wait a little more
time. Pasensiya ka na kung pinaghihintay na naman kita."

Ngumiti ng tipid si Alex. Hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o malulungkot.
Malungkot dahil hindi pa sila ikakasal at masaya dahil hindi niya pa kailangang
iwanan ang trabaho. "Naintindihan naman kita. Alam kong masyado ka ring
napepressure sa pag-aadopt mo sa kumpanya niyo. Huwag mo akong isipin, mag-focus ka
lang muna ngayon sa trabaho mo. Makakapaghintay pa naman ang kasal na yan. Para
namang may magbabago sa atin kung hindi tayo ikasal agad." nakangiting wika niya.

"Thanks for understanding. I promise you that when that time comes, you'll be one
happy proud wife of a loving husband." Hinawakan ng lalaki ang palad ng kasintahan
at bumulong ito nang may pilyong ngiti. "Can you sleep in my place tonight?"

"Hindi pwede. May maagang lakad kami ni Mama bukas. Nangako akong sasamahan ko siya
sa dermatologist niya." walang pagdadalawang-isip na tanggi ni Alex.

Nag-unat ng mga braso si Blake at sinuntok-suntok ang balikat. "Ahhh... my body is


aching. I'm really really tired. I guess my body needs some hard massage tonight.
Sino kaya ang gagawa nito para sa akin if my wifey won't be around. Should I go to
a massage parlor or itutulog ko na lang ang sakit ng katawan ko?"

Nakataas ang isang kilay habang natatawang tiningnan ni Alex ang umaarteng lalaki.
Sa estado ng kanilang relasyon, hindi na alintana ng kani-kanilang mga pamilya kung
matulog man sila sa bahay ng isa't isa. Ang mga ito pa nga ang nag-uudyok sa
kanilang dalawa na magsama na sa iisang bubong. Mas madalas matulog si Alex sa
bahay nina Blake dahil kapag ang lalaki ang nagpapalipas ng gabi sa bahay ng dalaga
ay kadalasang hindi sila nagkakaroon ng oras para sa isa't isa. Nauubos lahat ng
oras ni Blake sa pakikipag-usap sa buong pamilya ng babae. May mga pagkakataon din
na nalalasing ang binata dahil sa pakikipag-inuman sa lolo, ama o di kaya'y sa kuya
ng kasintahan. Kaya, si Alex na mismo ang nagdesisyon na huwag patulugin sa kanila
ang nobyo hangga't maaari.

"Huwag mo nga akong dramahan Blake Monteverde."

"I miss you. I haven't spend enough time with you these past few days. I think I
need some hugs tonight to recharge." lambing ng lalaki sabay isod sa inuupuang
silya papalapit sa dalaga at inakap ng isang kamay sa beywang ang kasintahan.

Napaisip bigla si Alex. Bumalik sa isip niya ang tungkol sa kaso ni Grace. Bakit
nga kaya hindi niya subukang lambingin ang boyfriend at sabihin dito ang tungkol sa
kasong pinag-iinteresan niyang hawakan. Baka sakaling pagbigyan din siya nito...
------

Nakadapa si Blake sa kama na tanging boxer short lamang ang suot. Nakaupo sa
likuran ng binata ang nakapajamang si Alex. Pinapahiran ng dalaga ng peppermint oil
ang likod ng boyfriend.

"I want a harder massage now wifey. Pwede mong ibunton sa likod ko ang galit mo sa
magkapitbahay na nag-away sa headquarters niyo kanina. Provided you won't break my
bones."

Ngumiti ng malambing si Alex habang sinisimulan ang pagmamasahe. "Sasaktan ko ba


naman ang mahal ko. Sabihin mo lang ha kung kulang pa ang diin."

"Harder wifey."

"Ayan..Okay na ba?"

"Ahh...that feels good."

"Saan pa ang masakit?"

"My shoulders...Ooh how I love to work hard if my day will end like this."

Pinagbutihang maiigi ni Alex ang ginagawa. Gusto niyang siguraduhing gaganda ang
pakiramdam ng lalaki.

"Blake..." malambing na wika niya habang madiing hinihimas ang batok ng nobyo.

"Yes?"
"N-Naaalala mo ba si Grace?"

"Grace? Who's Grace?"

"Y-Yung kaklase mo dati sa UP. Yung una kong naging kaibigan nang magundercover ako
para sayo. Yung nakakasama ko lagi nung mga panahong suplado ka pa sa akin."

Nag-isip ng ilang saglit si Blake at pilit inalala ang taong tinutukoy ni Alex.
"Grace? Ah yeah I remember. The nerdy one. Yung bigla na lang nawala sa klase
namin. Why? What about her?"

Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring alam si Blake sa katotohanan tungkol
sa dating kaklase. Bilang proteksiyon kay Grace, hindi ibinunyag ng pulisya at
maging ni Alex ang pagiging stalker nito kay Blake at ang panggagamit ng venomus sa
inosenteng estudyante.

"P-Patay na siya."

Natigilan si Blake. Nag-angat ito ng ulo at panandaliang napalingon kay Alex.


"Really?"

Tumango ang dalaga nang may malungkot na mukha.

"That's sad." sabay ayos ulit ng lalaki sa kanyang pagkakadapa sa kama. "How did
you know she died?"

Natigilan si Alex. Hindi siya nakapaghanda ng paliwanag kung papaano niya nalamang
patay na ang babae. "Ahh... n-nabasa ko sa profile page niya sa facebook."

"Facebook? You don't have a facebook account."

"G-Gumawa ako kailan lang. N-Narealize ko na parang ako na lang yata ang walang
facebook sa buong Pilipinas. T-Tapos hinanap ko yung mga taong matagal na akong
walang balita at isa si Grace sa mga nahanap ko."
"I feel bad for her. She's too young to die."

Nakahinga nang maluwag si Alex nang mapansing napaniwala niya ang nobyo sa kanyang
alibay. Tumahimik muna siya ng ilang saglit at muli niyang pinagbutihan ang
pagmamasahe. May kasamang lambing na iginapang niya ang nagmamasaheng kamay sa
balikat ng lalaki.

"More force wifey... Ahh press it harder."

"B-Blake..."

"Yes?"

"Pwede ba akong maglambing?"

"Did I ever prohibit you na lambingin ako?"

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Y-Yung tungkol sa tabaho ko."

"Why? What about your work?" seryosong tono ng binata na para bang nakukutuban na
nito na may hindi magandang sasabihin ang babae.

"M-Meron kasi akong gustong hawakang simpleng kaso. P-Pwede mo ba akong payagan na
humawak ng kaso bago ako magbitiw sa trabaho?"

Humikab si Blake at halatang bigla itong inantok. "Case about what?"

"Hindi ko pwedeng sabihin. Bawal kasi sa aming mga pulis ang magshare ng
confidentiality ng anumang kaso."

"Then how can I say yes to it if I don't understand the situation." nakapikit na
sagot ng binata.
"Huwag kang mag-alala simpleng kaso lang ito Blake. More on investigation lang ito.
Hindi ito kagaya ng mga kasong hinawakan ko dati" paninigurado ni Alex sa
boyfriend.

"Will you work in the field because of it?"

"P-Pag kailangan kong mag-imbestiga."

"No." diretsong sagot ni Blake.

"Bakit naman?" dismayadong sambit ng babae.

"When it comes to crime cases, I don't believe that there is such thing as high-
risk and low-risk. Once you're back in the field you'll always be one foot away
from the grave. So I say no."

Tumigil sa pagmamasahe si Alex at niyugyog ang balikat ni Blake. "Pagbigyan mo na


naman ako pleaseeee... Last request ko na yan. Tutal titigil na rin naman ako di
ba?"

"That's the point, you'll soon to quit your job then why choose to face danger in
the last minute of it."

Dumapa si Alex sa likod ng binata. Niyakap niya ng puno ng paglalambing ang


boyfriend at hinalik-halikan ito sa bandang tenga. "Sige na naman please. Pagbigyan
mo na ako, importante lang sa akin ang kasong ito at ayokong mapunta ito sa iba.
Hindi ito delikado promise! Tsaka nandito ka na rin naman di ba? Mababantayan mo na
ang mga galaw ko. Pangako, bibitawan ko ito pag nararamdaman kong magiging delikado
ang takbo ng imbestigasyon. Blake pumayag ka na please. Pleaseeee!"

Walang narinig na sagot ang dalaga.


"Blake?"

Wala pa ring sagot.

Tinitigan ni Alex ang nakapikit na lalaki. Tinulugan na ba siya nito? "B-Blake,


tulog ka na ba?" bulong niya.

Hindi pa rin sumagot si Blake. Mukhang nakatulog na nga ito.

"Aish, tulugan ba ako."

Nakasimangot na umalis si Alex sa pagkakayakap sa lalaki. Tumayo siya at inalis sa


kama ang bote ng peppermint oil. Pagkatapos ay kinumutan niya ang binata ngunit
hinayaan niya lamang itong nakadapa. Baka magising ito kung aayusin niya pa ang
pagkakahiga nito.

Pinatay niya ang ilaw sa kuwarto ngunit iniwan niyang nakabukas ang lampshade sa
may bedside table. Dismayado siyang nahiga sa kama at paulit-ulit na huminga ng
malalim. Hinubad niya ang suot na bra at siniksik ito sa ilalim ng unan. Pagkatapos
ay tumitig siya sa kisame at nag-isip ng malalim.

Ngayong hindi siya pinayagan ni Blake, pakikiusapan niya na lang si James na siyang
kumuha sa kaso. Maaring simpleng suicide lang naman talaga ang nangyari. Masyado
lang siguro siyang nagrereact dahil konektado ang taong nagpakamatay kay Blake.
Tama lang na maalarma siya dahil sa kaduda-dudang pagbabago sa pagkatao ni Grace at
lihim pa rin pala itong nasa paligid lamang ng boyfriend. Ngunit ano pa ang dapat
niyang ipangamba kung patay na rin naman yung tao?
Nahinto siya sa malalim na pag-iisip nang may maramdamang kamay na gumagapang
papasok sa suot niyang pantaas. Naglakbay ang kamay papaakyat sa kanyang dibdib.
Nilingon niya ang katabi. Nakapikit pa rin ito habang marahang hinihimas ang
kanyang dibdib. Nakaungos ang labi na tinitigan niya ang binata at idiniin niya ang
hintuturo sa pisngi nito.

"Ang galing mong magtulug-tulugan ha."

Dahan-dahan nagmulat ng mga mata ang lalaki at umisod papalapit sa kanya.

"I'm too sleepy... but grandpa's words keep playing on my mind." sabay ngiti nito
ng pilyo. "... that we should start working hard on giving him a new grandchild."

Umayos ng higa si Blake at kinabig siya nito sa beywang. Nang magkadikit ang
kanilang mga katawan ay agad siya nitong siniil ng halik sa mga labi. Gusto niya
itong tanggihan dahil sa hindi nito pagpayag sa hiling niya. Naramdaman naman ng
lalaki na hindi siya gumaganti ng halik. Tumigil ito sa paghalik at nakakunot noong
tinitigan siya.

"What's this? Are you rebelling?" .

Sinimangutan niya ang lalaki. "Wala ako sa mood."

Ngumisi lamang ang boyfriend at marahan siyang hinalikan sa tenga na tila hindi
naaapektuhan sa pagtatampo niya. "You may protest but what to do my answer is still
no." bulong nito nang may mainit na hininga habang naglalaro pa rin ang kamay sa
kanyang dibdib. "I don't believe you're not in mood because you're breasts say
differently."

Gumagapang na rin ang init sa kanyang buong katawan habang nararamdaman ang mga
basang labi ni Blake na naglalakbay mula sa kanyang tenga pababa sa kanyang leeg at
ang nakakapanghinang paglalaro ng kamay nito sa magkabilaang dibdib niya. Subalit
inutusan niya ang sarili na huwag magpadala sa init. Gusto niyang panindigan ang
kanyang sinabi kaya't nanatili siyang tuod at walang reaksiyon.

"I love this. Are you playing a challenge game with me now?"

Hindi siya sumagot. Inirapan niya lang ang ngingisi-ngising lalaki.


"Fine, let's start the game..."

Isa-isang binuksan ni Blake ang butones ng suot niyang pantaas na pajama. Dahan-
dahan nitong pinagapang ang mga labi mula sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib.
Pinagsasabay nitong maglaro ang dila at ang mga daliri sa magkabilaang tuktok ng
kanyang hinaharap. Hindi pa rin siya gumagalaw ngunit napapabaluktot ang mga daliri
niya sa paa dahil sa di mapigilang pagbalot ng mainit na sensasyon sa kanyang buong
katawan. Palihim siyang napapakagat sa mga labi upang huwag mapaungol. Nang mag-
angat ng mukha si Blake ay agad-agad niyang tinanggal ang pagkakagat sa kanyang mga
labi. Nagkunwari pa rin siyang walang reaksiyon.

"No effect yet?"

Hindi pa rin siya sumagot kahit nagsusumigaw na nang panghihina ang kanyang kaloob-
looban. Paninindigan niya ang kanyang protesta.

"Tsk. I guess I'm getting bad in bed."

Hinalikan ulit ni Blake ang magkabilaan niyang dibdib at nag-umpisang maglakbay


pababa ang kamay nito patungo sa kanyang hita. Marahan nitong hinaplos ang kanyang
binti hanggang sa dahan-dahang pumasok ang kamay nito sa loob ng suot niyang
pambaba. At nang malapit na nitong marating ang tiyak na ikapanghihina niya, agad
niyang pinigilan ang kamay ng lalaki. Napatingin ito sa kanya.

"Pandaraya na iyan." nakairap na wika niya.

Natatawang tumigil sa ginagawa si Blake. Inangat nito ang katawan at kunwa'y


pwersadong pumaibabaw sa kanya. Itinaas nito ang magkabilaang kamay niya. Hinawakan
ang mga ito ng mahigpit at idiniin sa kama na animo'y naghahanda sa pagpalag at
panlalaban niya. Pagkatapos ay binigyan siya ng nakakapasong mga titig.

"You want to handle a case, I'll give you one. How about a rape case?" sabay siil
nito ng halik sa mga labi niya ng puno ng panggigigil.

Hindi tumigil ang lalaki sa malalim na paghalik hanggang sa hindi niya na rin ito
matiis. At nang maramdamang gumaganti na siya, mas lalong lumalim ang mga halik
nito. Kulang na lang ay kagatin din nito pati dila niya.
"You always excite me Alex. You can make me go crazy over and over again."

Muling bumaba ang mga labi nito sa kanyang dibdib at nang maglaro ulit ang dila
nito ay hindi niya na napigilang huwag umungol.

"Oooooh Blake."

Sinabunutan niya ang binata at mas lalong idiniin ang ulo nito sa kanyang dibdib.
Napapapikit, napapaliyad at mariing napapakagat siya sa mga labi. At sa sobrang
init ng sensasyon na nanggagaling sa kanyang dibdib, hindi niya namalayang
gumagapang din pala ang kamay ng lalaki.

"Ahh!" impit na sigaw niya nang bigla na lang maramdamang ang mga nakawalang daliri
sa pagitan ng kanyang mga binti.

"Ahhh Blake..." ungol niya habang hindi malaman kung saan ididiin ang mga kamay at
ipapaling ang ulo. Para siyang mababaliw sa mainit na paghalik ng lalaki sa kanyang
dibdib habang nararamdaman din ang malikot na kamay nito sa kanyang pagkababae.

"Did I win the game?" ngingiti-ngiting tanong ng lalaki nang may nang-aakit na
boses.

Paulit-ulit siyang tumango habang nakapikit at napapakagat pa rin sa labi.

"I'm claiming my prize now..." sabay gapang ulit ng mga labi nito. Patungo sa
kanyang tiyan, papuntang puson hanggang sa dahan-dahan nitong hinubad ang suot
niyang pang ibabang pajama. Tinanggal nito hanggang ang kahuli-hulihang saplot niya
at saka marahang pinaghiwalay ang kanyang mga hita.

"Blaaaakeeee...aaah" may kalakasang ungol niya nang sa pinakamaselang bahagi naman


ng kanyang katawan naglaro ang dila at mga labi ng binata.

Paulit-ulit siyang napapaliyad habang napapahawak ng madiin sa unan. Ayaw paawat ng


pagsabay ng katawan niya sa di maawat-awat ding mga labi at kamay ni Blake.
Papabilis ng papabilis ang kanyang paghinga ngunit nang malapit ng sumabog ang
kanyang kaloob-looban ay biglang tumigil si Blake.
"Not yet wifey... you can't leave me behind."

Naghubad ng saplot ang nobyo at saka dahan-dahang pumaibabaw sa kanya. Siniil ulit
siya nito ng halik sa mga labi.

"That's how you taste...sweet as always...."

Ibinuka niya pa ang mga binti at napaigtad siya nang maramdaman ang pagpasok ni
Blake sa kanyang pagkababae. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinaplos-haplos ang
likod habang patuloy pa rin sila sa malalim na paghahalikan. Nag-umpisang maglabas-
masok sa kanya ang kasintahan. Walang pag-aatubiling sinabayan at sinalubong niya
ng pagliyad ang bawat galaw nito.

Uminit ang buong paligid at napuno ng ungol at nakakapasong mga hininga ang buong
kuwarto.

"Ahhh...I love you wifey..."

"I love you too Blake..."

Bumilis ang paggalaw ni Blake habang hindi naman malaman ni Alex kung ididiin ang
mga kuko sa likod ng binata o sasabunutan ito. Pinulupot ng lalaki sa beywang ang
isang binti ng kaniig at muling gumalaw ng mabilis.

"Oh my...Alex."

"Ahhh..Blake..."

"Alex...I'm getting there.."

"B-Blake..."

"I'm coming wifey..."


"Ohhh. Blake...I love you."

"I love you more Alex...I love you...Aaaaahhhh!"

"Ahhhh pleaseeee B-Blakkeee!"

Humahangos at pawisang napasubsob sa dibdib ng dalaga si Blake. Samantala, habang


humuhupa ang init na bumabalot sa katawan, unti-unting nanlaki ang mga mata ni
Alex. Walang proteksiyong gamit ang nobyo at sa loob niya ito natapos!

Bumalik sa normal ang paghinga ni Blake at inangat niya ang mukha mula sa
pagkakasubsob sa dibdib ng dalaga. Noon ay nakita niya ang nabibiglang reaksiyon ng
girlfriend. Nginisian niya ito. Inangat niya ang kanyang katawan at mapanuksong
hinalik-halikan si Alex sa tenga.

"I told you, we're making a baby...So stop planning other things..." bulong niya sa
gulat na gulat na babae.

"Ahhhh! Blake naman eh!' nagpapadyak na reklamo ng walang magawang dalaga.

------

Walang tigil sa pabalik-balik na paglalakad si Alex sa loob ng kanyang opisina.


Kanina pa siya hindi mapakali. Maya't maya din siyang napapakutkot sa kuko sa pag-
aalala. Nasa meeting room ulit si James kasama sina Chief Martinez. Kanina niya pa
inaabangan ang pagbabalik ng kasamahan sa mesa nito, sabik na sabik na siyang
malaman ang resulta ng panimulang imbestigasyon sa kaso ni Grace.

"Captain Valdemor, pinapatawag po kayo ni Chief Martinez sa meeting room!" wika ng


isang kasamahang pulis na bigla na lamang tumambad sa pinto ng kanyang opisina.

Walang pagdadalawang-isip na tumayo siya. Hindi niya na mapigilan ang sarili sa


sobrang interes niya sa kaso. Nagmamadaling umakyat siya second floor at patakbong
tumungo sa meeting room.
Pagdating niya sa nasabing silid ay sumaludo siya sa hepe. Tiningnan naman siya ng
makahulugan ni James at ngumiti ito ng tipid. May tatlo pang mga kasamahang pulis
na naroroon at lahat ng mga ito ay sinaluduhan niya.

"Pinapatawag niyo daw ho ako."

"Sit down, Valdemor." anang hepe.

Umayos siya ng upo at agad na nakuha ang atensiyon niya ng mga dokumentong
nakalatag sa mesa.

"Pinatawag kita para makinig dahil may mga taong konektado sa namatay na maaring
nakilala mo rin noong panahong hinahawakan mo ang kaso ng venomus. Baka sakaling
may impormasyon kang maibigay." paglilinaw ng hepe sa pag-aalalang baka isipin ng
dalagang pulis na iniimbitahan niya itong sumama sa kaso.

"Sige ho..."

Kinuha ni James ang dalawang birth certificates mula sa mesa.

"Grace Rivera Capulong changed her name two years ago. She applied for late
registration of Birth Certificate in Makati City Hall and by then she registered
herself as Divine Hillary Reyes Francisco. She changed her birthday, birthplace and
even created a fictional parents. After being involved in venomus case, she dropped
out from UP and transferred to Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. She graduated as
cum laude, with BS Economics Degree. After graduation, hindi siya nagtrabaho in any
field related to her course but rather she applied as personal assistant to the
popular celebrity named Sophia Bernabe Vasquez," tumingin si James sa nakakunot-noo
at seryosong reaksiyon ni Alex."..the ex-girlfriend of the man she used to stalk
none other than, Blake Marlon Monteverde. She became a personal assistant for
almost two years. And a month before Blake Monteverde return to the country, she
quitted her job. She applied at Golden Pacific Oil Corporation and because of her
good school credentials she was easily hired by this multi-million corporaton. She
worked as account executive in Marketing Department. She started working in the
company two weeks before Blake Monteverde enters the company."

"Paano siya nakapag submit ng school credentials? Sabi mo two years ago lang siya
nagparehistro ng bagong pangalan, ibig sabihin grumaduate siya as Grace Capulong pa
rin." tanong ni Alex habang pinipiga ang dibdib sa selos sa tuwing naiisip na
mayroon palang lihim na matinding nagkakainteres sa lalaking pagmamay-ari niya.

"She was able to change all her records using the new Birth Certificate. She even
got a passport with that new name. It seems that this woman got a strong
connection."

Inilapag ni James ang hawak na Birth Certificate at kinuha naman ang larawan ng
gusali ng condominium na tinitirhan ng babae kasama na ang mga kuha mismo ng loob
ng unit nito. Ipinakita sa lahat ng binatang pulis ang larawan ng magarang lugar.

"She is living in that luxurios place for one year and seven months. The lowest
amount of unit in that place is 3.2 million pesos and the lowest rental fee is
fifty thousand a month. Her family in the province is not even rich. And if we
think about her job as personal assistant, this lifestyle is too extravagant."

"Ibig bang sabihin may iba siyang source of income? Baka naman may iba siyang
extrang trabaho." wika ni Alex.

"Yeah, she surely had another source of money or else she coudn't afford this type
of lifestyle . Maybe she has another high earning job which we haven't found out
yet. Or maybe someone is providing that money for her."

"Katulad ng sponsor? DOM? Matandang benefactor?" tanong ng isa sa mga pulis.

Natawa si Alex. "Imposible. Wala sa pagkatao ni Grace ang magkaroon ng DOM."

"We never know, wala rin sa pagkatao niya na isa pala siyang masugid na stalker ng
boyfriend mo." diretsong sagot ni James.

Biglang natameme si Alex at agad na nabura ang mga ngiti niya sa labi. Umayos siya
ng upo, tumikhim at nagdekuwatro. Ayaw niyang ipahalatang naapektuhan siya sa
pangi-stalk kay Blake ng pumanaw na babae. " Teka bakit ba kailangang kalkalin pa
ng maigi ang pagkatao ni Grace. Patay na siya. Suicide case lang ang
iniimbestigahan dito. Hindi ba ang dapat lang nating gawin ay ang maghanap ng mga
ebidensiya kung my foul play o wala?"
Tumayo si James at binuhay ang projector. Pinalabas dito ang mga kuha sa isang
CCTV. "These are the people who walked in the hallway sa floor ng unit ni Grace a
night before she was found dead." sabay pause ng lalaki sa eksena kung saan
naglalakad si Grace. "Time 7:30 in the evening, Grace arrived in her place."
Itinuloy ni James ang video at pagkatapos ay pinindot niya ang fast forward.
Inihinto niya ulit ito sa eksena kung saan may isang lalaking dumaan. nakasuot ito
ng puting T-shirt, maong na pantalon, sumbrero at malaking sunglasses. "8:00 in the
evening this man also passed the hallway, thirty minutes right after Grace arrived.
Sa lahat ng taong napadaan dito, this man is the only person we found doubtful. He
wore a cap and a sunglasses na para bang alam niya na may CCTV sa area. and if you
noticed, siya lang ang hindi makita ang mukha because he walked with his head down.
But of course, we don't know yet kung papunta ba siya sa unit ni Grace or maybe he
was going somewhere else. Nothing is clear yet para masabing may foul play ang
nasabing suicide."

Pinatay ni James ang projector at bumalik sa pagkakaupo sa mesa. Kinuha naman nito
ang isang papel. " This is the suicide note she left it in her dresser. A very
short note that says....'I'm tired living my whole life in frustrations. Now I
decided to end everything.'... A note that in my opinion also means ' I kill
myself, so don't investigate'"...

Tumingin ang binatang pulis sa seryosong nakikinig na si Alex at tiningnan muli ang
babae ng makahulagan. "Now to answer your question Captain Valdemor... Yes, maybe
Grace Capulong death is just merely a suicide , or maybe there are some small hint
of a foul play but what draws our attention here... is her mysterious personality.
And what drives us to investigate more...is the high possibility that maybe there
is a bigger picture outside her suicide incident. So what do you think Captain
Valdemor? Do you sense it too?"

Sabay-sabay na napatingin kay Alex ang lahat ng mga kasamahan sa mesa. Hinihintay
ng mga ito ang sagot ng babae. Maging ang hepe ay nakatitig sa dalagang pulis na
halatang inaabangan ang sasabihin nito.

Napalunok si Alex. Nararamdaman niya kung ano ang hinihintay ng mga kasamahan na
sasabihin niya. Subalit paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang pagtutol ni
Blake. Patay malisyang ngumiti siya ng pilit at tumango upang ipahiwatig na
sumasang-ayon siya sa sinabi ni James. "Tama ka Captain Corpuz na maaring hindi
lamang ito foulplay. At maaring meron ding iba pang krimen na nakadikit dito kaya
goodluck sa magiging imbestigasyon niyo. Alam kong mareresolve nyo ang kasong ito,
masyadong madali ito kumpara sa husay at galing niyo." huminga siya ng malalim at
nakangiting tinapik ang hawakan ng inuupuang silya. "May kailangan pa ba akong
marinig? Wala na akong maidadagdag na impormasyon tungkol kay Grace dahil simula
nang maglaho siya sa UP ay nawalan na rin ako ng balita tungkol sa kanya. Chief,
pwede na ba akong bumalik sa table ko? Medyo hindi yata bagay na nandidito ako
dahil hindi naman ako kasama sa mga hahawak ng kasong ito."
"Go ahead." matamlay na sagot ng hepe.

Tiningnan muna ni Alex ang iba pang mga kasamahan sa silid bago tumayo. Lahat ng
mga ito ay may dismayadong mukha lalong-lalo na si James. At nang papalabas na siya
ng pinto ay muli siyang kinausap ni James.

"By the way Captain Valdemor, there's a small percentage that Blake Monteverde is
included in the bigger picture that I mentioned."

Binigyan ni Alex ng matamlay na ngiti ang kasamahan. "Alam ko...Kaya nga dapat
pagbutihan niyo."

Sinarado niya ang pinto at matamlay na naglakad sa pasilyo. Napapalunok siya habang
naiisip ang mga narinig sa meeting. Nabibigatan siya sa mga paa at parang may
malakas na pwersang humihila sa kanya papabalik ng meeting room. Huminto siya sa
paglalakad at natutulalang nag-isip. Unti-unting tumigas ang kanyang mukha habang
isa-isang hinihimay ang sitwasyon. Kahit maliit lamang ang posibilidad na madamay
si Blake, pero bakit niya iaasa ang kaligtasan ng taong pinakamamahal niya sa kamay
ng mga kasamahan kung pwede namang siya ang humawak nito? At ilang minuto lamang ng
pag-iisip ay agad siyang bumalik ng meeting room. Naitulak niya ng malakas ang
pinto habang nagmamadaling pumasok sa loob.

"Ibigay mo sa akin ang kasong yan Chief!" matigas at walang kagatol-gatol na wika
niya.

Sabay-sabay na napalingon at nagulat ang lahat sa biglang pagbalik niya sa silid.


Napatitig sa kanya ang hepe at tinitigan niya rin ito nang may desididong mga mata.
Unti-unting nagliwanag ang mga mata ng nakatataas na opisyal. Ngumiti ito at
malakas na pinalo ng kamay ang mesa.

"That's what I'm waiting for you to say Valdemor! At last, you've been
awakened!"...
******

Bumaba ng patrol car si Alex hawak ang isang sumbrero. Nakabihis siya ng dating
kinagawiang kasuotan. Puting hapit na panloob na T-shirt, brown leather jacket,
hapit na itim na maong na pantalon at flat leather boots. Hinawi niya mula sa
balikat ang nakatirintas na mahabang buhok at isinuot ang hawak na sumbrero. Kinuha
ang aviator sunglasses na nakasabit sa harapang bulsa ng kanyang jacket at isinuot
din ito.

Tumingala siya upang tingnan ang kabuuan ng higanteng gusaling pupuntahan. Nalulula
siya sa nakikita. Ganito ba talaga kayaman ang boyfriend niya? Paulit-ulit siyang
umiling at kumurap nang mapagtantong iniisip niya si Blake. Dapat niyang
pansamantalang burahin sa utak ang kasintahan, mas lalo lang siyang kinakabahan
kapag naiisip ang pangalan nito.

"Kaya mo yan, Alex!" pampatibay-loob na sambit niya sa sarili.

Tumawid siya sa kabilang kalsada at lakas-loob na naglakad patungo sa bukana ng


building ng Golden Pacific Oil. Subalit nang malapit niya nang marating ang
entrance, bigla siyang napaatras at tumalikod. Napahawak siya sa dibdib habang
paulit-ulit na humihinga ng malalim. Tila sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba.

"Inhale, exhale, inhale, exhale. Kaya mo yan. Huwag ka lang magpapahuli Alex."
kinakabahang paalala niya sa sarili.

Ibinaba niya pa lalo ang harapan ng suot na sumbrero at saka muling naglakas-loob
na pumasok ng gusali. Pagdating sa entrance ay tinitigan siya mula ulo hanggang paa
ng mga guwardiya. Hindi agad siya pinapasok ng mga ito.

" Mukhang hindi kayo empleyado dito. Saang floor kayo papunta? Sino ho ang
bibisitahin niyo?"

Bumunot siya sa likurang bulsa ng pantalon. Inilabas niya ang kanyang tsapa. Taas-
noong ipinakita niya ito sa mga guwardiya at tumikhim.

"Nandito ako para mag-imbestiga tungkol sa namatay na empleyadong si Divine Hillary


Francisco. Anong floor ang Marketing Department?" tila kalmadong tanong niya.

Nagbago ang mukha ng mga guwardiya. Biglang nataranta ang mga itong papasukin siya.
"Pasok ho kayo Ma'am. Sa 15th floor ho. Paglabas niyo ng elevator, kanan ho kayo."

"Salamat."

Pumasok siya at naglakad sa lobby ng walang lingon-lingon. Nilakihan niya ang mga
hakbang habang diretso lamang ang mga mata sa kinaroroonan ng elevator.
Napapatingin sa kanya ang mga kasabay sa paghihintay ng elevator. Nakabihis ng
pormal at sosyal ang mga ito kaya't marahil hindi sanay ang mga ito na makakita ng
bisitang kagaya niya ang ayos.

"Ang cool naman tingnan ng babaeng yan." bulong ng isa sa mga nasa edad bente dos
pa lamang na babaeng empleyado.

"Cool pag sa labas, pero kung ganitong lugar ang pupuntahan mo hindi bagay.
Pagtitinginan ka dahil halatang outsider ka." sagot naman ng halos kaedaran din
nitong kasamang babae.

Napapangiti na lamang siya sa isipan habang naririnig ang bulungan ng dalawang


babae. Nagbukas ang pinto ng elevator. Pinauna niyang sumakay ang ibang mga
naghihintay. Pinakahuli siyang pumasok at nang makasakay siya, muling rumagasa ang
kaba sa kanyang dibdib. Nakita niya ang naglalakad sa lobby na sina Blake at
Debbie. Papalapit din ang mga ito sa elevator.

"Si Sir Blake!" bulalas ng isa sa mga babaeng empleyado.

"Oo nga! Sana sumabay siya dito sa atin." kinikilig na wika ng isa pang babae.

Natatarantang pinindot niya ang close button. Habang sumasara ang pinto ng
elevator, napansin niyang napatingin sa gawi niya si Blake. Dali-dali siyang
yumuko.

"Hay ano ba yan isinara agad ang pinto!" reklamo ng babaeng hindi pabor sa style ng
pananamit niya.

"Sayang. Pero ang alam ko hindi naman nakikisabay sa elevator sa mga empleyado yan
si Sir Blake." bigkas naman ng babaeng nagsasabing cool siya.

"Pasensiya na. Nagmamadali kasi ako." paliwanag niya sa mga dismayadong kasakay.

Umirap sa kanya ang mataray na babae.


"Okay lang, miss." nakangiting sagot naman ng isa.

Lumabas siya pagdating ng 15th floor. Lumabas din ang dalawang babae. Pinauna niya
ang mga ito sa paglalakad at nakita niyang papasok din ang dalawa sa opisina ng
departamentong pupuntahan niya.

Pumasok siya sa glass door na may nakaukit na Marketing. Mayroong mahigit


dalawampung cubicles sa departamento at limang nakahiwalay na mga silid na siyang
personal na mga opisina ng mga nakatataas. Pagkapasok na pagkapasok niya sa pinto,
halos sabay-sabay na napalingon sa kanya ang lahat ng mga empleyado. Naghubad siya
ng sunglasses. Inilabas niya ang tsapa at malakas na nagpakilala.

"Captain Alexandra Valdemor from PNP. Andito ako para mag-imbestiga sa pagkamatay
ni Divine Hillary Francisco."

"Imbestiga? Di ba suicide lang ang nangyari? Bakit kailangan pang imbestigahan?"


wika ng ilan sa mga empleyado.

Mabilis na lumapit sa kanya ang manager.

"Pasok po kayo officer. Nakatanggap nga ho ako ng tawag mula sa pulisya na may
pupunta dito."

Inalalayan siya papasok ng manager.

"Hay kaya pala ang cool mo tingnan, pulis ka pala. Ang ganda-ganda mo namang
pulis." narinig niyang nakapangalumbabang sambit ng babaeng nakasabay niya sa
elevator nang madaanan niya ang mesa nito.
Nilingon niya ang babae. Ginantihan niya ito ng ngiti at sabay kininditan.
Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa cubicle ni Grace...

----

"Did you enjoy our lunch? You liked it, didn't you? I told you I found a nice
restaurant nearby." nakangiting wika ni Debbie.

Hindi sumagot si Blake. Nakakunot noo lamang itong naglalakad sa hallway.

"What wrong with you?" puna ng dalaga sa kasamang kanina pa nag-iisip ng malalim.

"Debbie I think I just saw someone who looks like Alex in one of the elevators."

"Really? Baka naman si Alex talaga yun."

"I'm not sure. Dahil kung siya yun then she should have approached me. Or kung
pupunta man siya dito, I'm sure sasabihin niya yan sa akin."

"Hindi kaya sinusurpresa ka. Mahilig manurpresa yang girlfriend mo di ba? Gaya nang
minsang pagbisita niya sayo sa Amerika."
"I don't think she'll do that here."

Napapailing na dinukot ni Blake ang cellphone sa bulsa ng suit upang tawagan si


Alex. Ilang ring ang bumilang bago ito sagutin ng girlfriend.

"Hello." sagot ni Alex.

"Where are you?"

"Sa headquarters."

"Are you sure?"

"Oo naman. Bakit ka nagtatanong?"

"Nothing. I thought I saw you somewhere else."

"Saan naman ako pupunta? Andito ako sa office may tinatapos akong mga blotter
reports." tatawa-tawang sagot ng dalaga.

"Okay I believe you. I'm just checking. Bye. I love you."


"I love you too. Bye."

"Nasan daw siya?" usisa ni Debbie pagkababa ng binata sa telepono.

"Nasa headquarters."

"Baka naman kamukha nga lang talaga yung nakita mo or baka naman namamalikmata ka
lang dahil sa sobrang pagkahead over heels mo dyan sa girlfriend mo."

"Maybe,"kibit-balikat na sagot ni Blake. "By the way, aren't you going back to your
office?" tanong niya nang mapansing nakabuntot pa rin patungo sa opisina niya ang
babae.

"I want to discuss first the researches I've read. Tungkol diyan sa pinaplano mong
proposal."

Agad na nagliwanag ang mukha ng binata. "Really? Are you done reading the files?
Wow you're fast!"

"Opo. Basta para sayo kamahalan!" nakaingos na sabi ni Debbie.

Pumasok ang dalawa sa opisina ni Blake. May pailan-ilang mga staff na tumayo upang
bumati subalit karamihan sa mga ito ay hindi namalayan ang pagdaan ng amo nila.
Abala ang mga ito sa pagkukuwentuhan. Hindi naman pinuna ng binata ang
nagtsitsismisang mga empleyado sa halip ay nagdire-diretso lang ito patungo sa
sariling silid.

"It seems that everyone is busy gossiping." komento ni Blake pagkaupong-pagkaupo sa


sariling desk.

"Ah I think it's because of that employee who died." sagot ni Debbie habang nauupo
naman ito sa sofa.

"Died? Who?"

"There's a young employee from Marketing who committed suicide."

"Suicide? That's bad... Tsk, I notice I keep receiving death news lately."

"I've heard na halos hindi makapaniwala ang mga co-workers niya sa marketing na
magpapakamatay ang employee na iyon. They said she's a lively and high-spirited
pretty young lady."

"Well, some people are good in hiding their true feelings. I hope it won't affect
our image. I'm afraid people will have an impression that employees here are
committing suicide because of work pressure." malamig na wika ni Blake.

"Hey how about a little sympathy to your staff who just died instead of thinking
first about the image of your company."
"Suicide is a sin. Taking your own life and taking other's life are the same. I
don't give sympathy to murderers."

"I told you hindi pa sigurado kung nagpakamatay nga yung tao. Actually, police
officers are still investigating about this case."

"Let's stop talking about that. You're here to discuss about my proposal, right?"

Inismiran ni Debbie ang nagsusuplado na namang kausap. At nang sisimulan niya na


ang seryosong pakikipag-usap, napansin niya ang biglang pananahimik ni Blake.
Dahan-dahang nagsalubong ang mga kilay nito.

"Wait. Did you just say that police are investigating about this case?" tanong ng
lalaki.

"Yeah, they are actually maybe doing some inspections and inquiries right now. I
saw their patrol car outside the building. What's up with you? Akala ko ba ayaw mo
na itong pag-usapan."

Unti-unting nagseryoso ng mukha si Blake dahil sa naiisip. Tumayo siya at nagpaalam


sa kausap. "Let's talk some other time Debbie, may pupuntahan lang ako."

"What's going on? What's with the sudden change of mind?"gulat na gulat na tanong
ng dalaga.
"I don't think my eyes deceived me. Anong floor nga ang marketing?" seryosong
bigkas ni Blake.

"F-Fifteenth floor."...

----

Nakaupo si Alex sa cubicle ni Grace. Tinitingnan niya ang computer na gamit ng


pumanaw na babae. Sinusuri niya ang history nito upang malaman kung ano-ano ang mga
binuksang pahina sa internet ng babae sa mga huling araw nito sa opisina. Habang
seryoso sa pagiimbestiga, may mga sandaling hindi sinasadyang nauulinigan niya ang
pag-uusap ng mga empleyado.

"Hazel, bakit mukhang lagi ka atang blooming ngayon?" wika ng isang lalaking
empleyado.

Ang tinatawag nilang Hazel ay ang babaeng mataray na nakasabay niya sa elevator.
Katabi ang puwesto nito ng cubicle ni Grace. Panaka-naka niya itong sinusulyapan at
napansin niyang tila wala itong gaanong kinaaabalahan maliban sa maya't mayang
pagtingin sa sarili sa salamin.

"Meron bang dalagang empleyado dito na hindi naging blooming simula nang mag-
umpisang magtrabaho dito si Sir Blake. Lahat yata ay nangangarap na mapansin ng apo
ni chairman. Napakaswerte ng babaeng mapapansin niya at sana ako na iyon. Hay
ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking saksakan sa yaman, saksakan sa gwapo at
balita ko saksakan din sa talino."

"Sa tingin mo ba naman papansinin ka ng apo ni chairman. Dito pa lang sa kumpanya


ang dami mo ng kakompetensiya, paano pa kaya sa labas? Siyempre pipili yun ng
babaeng pinakabagay sa kanya." tatawa-tawang salita ng lalaki na halatang inaasar
ang kausap.
"Malay mo naman matisod ko. Wala namang pinipili ang pag-ibig ah. Kung kanino ka
tamaan yun na yun kaya nga gagawin ko ang lahat para makuha ko ang atensiyon niya.
Kung kinakailangang akitin ko siya, gagawin ko." nakapangalumbaba na tila
nangangarap ng gising at kinikilig na wika ni Hazel. "Hindi ako magpapatalo sa
ibang mga babaeng nagkakacrush din kay Sir Blake dito."

"Naungusan na kita Hazel dahil kahapon nginitian ako ni Sir Blake. Sana ibig
sabihin nun ay natatandaan niya na ang mukha ko." wika naman ng isa pang babaeng
empleyado.

Napapahawak ng mahigpit sa mouse si Alex sa panggigigil habang pinapakinggan ang


mga malalanding komento tungkol sa kanyang boyfriend.

"Sigurado kang nginitian ka o baka naman nanaginip ka lang ng gising? Balita ko


sobrang suplado daw ng apo ni chairman. Ni hindi nga daw nito magawang tingnan man
lang kahit ang mga babaeng lantarang nagpapahiwatig sa kanya ng paghanga." sabi
ulit ng lalaki.

Napangiti si Alex. "Mabuti naman kung ganun." bulong niya.

Napansin niyang natatagalan na siya sa ginagawa kaya't ibinalik niya ang buong
atensiyon sa pagbabasa sa computer.

"Haist, bakit ka ba kasi nagpapapatol sa mga naririnig mo. Magconcentrate ka nga


Alex. Andito ka para mag-imbestiga hindi para magselos." paalala niya sa sarili.
Tumigil siya sa pagbubusi sa computer nang walang mahanap na anumang kaduda-duda
dito. Isa-isa niyang binuksan ang mga drawers sa desk. Doon ay nakita niya ang
isang planner. Binulatlat niya ito. Nakita niya ang isang nakaipit na litrato.
Masayang kuha ito ni Grace kasama si Sophia at isang lalaking hindi niya kilala.
Pawang nakangiti ang tatlo. Nasa gitna ang lalaki at magkabilaang akbay nito sina
Grace at Sophia.

Lumapit siya kay Hazel. Ipinakita niya sa babae ang litrato.

"Kilala mo ba ang lalaking to?" tanong niya.

Tiningnan muna siya ng babae na tila hindi makapaniwala sa tanong niya. "Okay ka
lang? Hindi mo kilala yan?" sabay inikutan siya nito ng mga mata.

Napakagat siya sa labi at huminga ng malalim. Kanina pa siya nagpipigil sa mga


pabalang na sagot sa kanya ng babae kapag tinatanong niya ito.

"Miss, magtatanong ba ako kung kilala ko to?"

"Si Sir Tyron Garcia, boyfriend ng sikat na model na si Sophia Vasquez. Madalas
yang lumalabas at iniinterview sa mga TV shows, hindi mo ba napapanood?"

"Miss wala kaming panahong manood ng TV sa presinto," dahan-dahan niyang


pinandilatan ng mga mata ang babae. "ang madalas kong napapanood ay bugbugan, mga
dugo, saksak, pasa at patayan. Busy ako sa pagdidisiplina ng mga pasaway na mga
kriminal lalong-lalo na yung mga nakakausap kong walang modong sumagot."
Napalunok bigla ang babae at pansamantalang tumahimik.

"Teka, bakit Sir Tyron ang tawag mo sa kanya?"

"Ah kasi ho anak yan ng isa sa mga directors ng Golden Pacific Oil." biglang
magalang na tonong sagot ng babae.

"Ah ganun ba."

Bumalik si Alex sa pagbubulatlat ng mga gamit ni Grace. Nakita niya ang isang
iphone sa isa sa mga drawers. Nakapatay ito kaya't sinubukan niyang buhayin subalit
hindi ito mabuksan.

"Sira ba ito o lowbat lang? " bulong niya.

"...Cellphone ba to ni Gra-... Ms. Francisco?" tanong niya ulit kay Hazel.

"Huh? Oho. Oo nga pala naalala ko sinabi niya sa akin nung nakausap ko siya na
naiwanan niya ang cellphone sa office."

"Kelan mo siya nakausap?"


Biglang lumungkot ang mukha ni Hazel."Tinawagan ko siya nung gabi bago siya
nagpakamatay."

"Paano mo siya tinawagan? Akala ko ba naiwan niya ang cellphone na to?"

"Tinawagan ko ho ang landline niya sa bahay."

"Close ba kayo ni Ms. Francisco para magtawagan kayo pati sa landline?"

Tumango ang babae. "Medyo ho, ako ang una niyang naging kaibigan dito sa kumpanya.
Pero hindi pa naman ho kami ganoon ka-close kasi iilang buwan pa lang naman siya
dito."

"Nakakasama mo ba siyang lumabas?"

"Hmmm...mga apat o limang beses siguro."

"Saan kayo pumupunta?"

"Sa disco, bars, restaurant.. mga ganun. Minsan isinama niya na rin ako nang
nakipagkita siya sa dati niyang boss na si Sophia sa isang bar."
"Sa bahay ni Ms. Francisco, nakarating ka na ba?"

"Hindi pa ho."

Ibinalik ni Alex ang atensiyon sa cellphone. "Mukhang low bat na to. May charger ka
ba ng iphone?"

"Wala ho eh... pero magtatanong ako sa iba." sabay tayo at tingin nito sa mga
kaopisina. "Sino dito ang may charger ng iphone? Kailangan ni Ma'am agent!"

"Ako meron!" sigaw ng isang lalaki at nagmamadali itong lumapit bitbit ang charger.

Nakangiting inabot ng lalaki ang charger kay Alex habang titig na titig ito sa
mukha ng dalagang pulis.

"Ang ganda-ganda niyo naman Ma'am Agent. Ang cool ng dating niyo. Para kayo yung
bida sa Ms. Congeniality." di mapigilang puri nito.

"S-Salamat." sagot ni Alex nang may naasiwang ngiti habang isinasaksak ang charger.

"Magaling din ho ba kayo sa action?"

"Gusto mong subukan? Tara suntukan tayo." biro ng dalaga.


"Ah hindi ho. Nagtatanong lang. Sige baka naiistorbo ko na kayo."

Umalis ang lalaki at ngingiti-ngiting binuksan ni Alex ang cellphone.

"Aish, may password!" iritableng wika niya sa sarili.

Dinampot niya ang planner at inipit ulit dito ang nakitang larawan. Siniksik niya
ito kasama ng iphone sa panloob na bulsa ng suot na jacket. Nasuri niya na ang
buong cubicle at iyon lamang ang mga mahahalagang bagay na nakita niya. Bago
lisanin ang opisina, nagsulat muna siya sa isang maliit na papel. Saka siya tumayo
at lumapit kay Hazel. Inabot niya dito ang papel.

"A-Ano ho ito?" nagtatakang tanong ng babae habang tinititigan ang papel.

"Cellphone number ko. Kapag naakit mo na ang Sir Blake mo, tawagan mo ako at ako
ang unang babati sayo. May kasama pang fireworks."

"Ho?!"

Nginisian ni Alex ang naguguluhang babae at saka ito tinalikuran.

"Bye! Salamat ha. Pasensiya na sa istorbo." nakangiting wika niya sa lahat habang
kumakaway at naglalakad patungong pintuan.

"Bye Ma'am beautiful agent!" sigaw ng mga lalaking empleyado.

"Oh my god si Sir Blake!" bulalas ng isang dalagang staff.

Nanlalaki ang mga matang sinundan ni Alex ang direksiyon ng mga mata ng tumiling
empleyado. Nakita niya mula sa salaming dingding ang boyfriend habang lumalabas ito
ng elevator. Papalapit ito sa opisinang kinaroroonan niya. Para siyang binuhusan ng
kumukulong tubig sa nakita. Natatarantang bumalik siya sa pwesto ni Grace ngunit
bigla siyang napaisip. Kailangan niyang magtago sa ibang lugar dahil baka uusisain
ng lalaki ang nasabing cubicle.

"Pag may naghanap sa akin na kahit sinuman, walang sasagot! Bibitbitin ko sa


presinto ang sinumang magtuturo sa akin! Kakasuhan ko ng obstruction of justice!
Kahit sino ang magtanong, tandaan niyo kahit sino!" matigas na babala niya sa lahat
habang natataranta sa paghahanap ng matataguan.

Tumakbo siya sa cubicle ng lalaking nagpahiram ng charger.

"Alis ka muna diyan, bilisss!"

Nagmamadaling tumayo at umalis ang lalaki. Tiningnan siya nito nang may
naguguluhang mukha. At mas lalo itong nagtaka nang makitang nagtago siya sa ilalim
ng mesa. Sinenyasan niya ito na layuan siya at huwag siyang tingnan.

Samantala, tahimik na pumasok sa Marketing office si Blake nang may seryosong


seryosong mukha.

"Good afternoon Sir!" sabay-sabay na bati sa kanya ng lahat.

Inilibot niya ang mga mata habang naglalakad sa loob ng nasabing opisina. Tahimik
ang lahat at halatang nagtataka ang mga ito kung bakit siya naroroon.

"Where is the desk of the employee who died from suicide?" tanong niya sa isang
nakangangang babaeng empleyado.

"Doon po... oh my god kinausap ako! Grabe ang gwapo lalo na sa malapitan!"

Nilapitan niya ang itinurong cubicle. Bakante ito. Nababalot pa rin ng katahimikan
ang paligid. Kinukutuban siya sa kakaibang katahimikan ng opisina. Nilingon niya
ang katabing cubicle. Nakita niya ang isang babaeng natutulala habang nakatingin sa
kanya. Ngumiti ito nang makita siyang nakatingin.

"Someone was here, a police officer right?" tanong niya sa babae habang itinuturo
niya ang upuan ng bakanteng cubicle.

"O-Opo."

"That person was here to investigate, right?"


"O-Opo."

"That police officer, is it a man or a woman?"

"Woman po."

"I see...Where is she now?"

Biglang itinikom ng babae ang bibig. Inalis nito ang pagkakatitig sa kanya.

"H-Hindi ko po alam."

"Nandidito pa ba siya sa building or... perhaps nandidito pa ba siya sa loob ng


opisinang ito?"

Napapalunok lamang ang babaeng kinakausap. Hindi pa rin ito makatingin ng diretso
sa kanyang mga mata.

"Ayoko pong mabitbit sa presinto." mabilis na sagot sa kanya ng empleyado.

Natawa siya sa narinig. Nahuhulaan niya na ang nangyayari. Tiyak na tinakot ang mga
ito kaya hindi makapagsalita. Kinuha niya ang cellphone at nagdiyal. Kasabay ng
pagtawag niya ay ang pagring ng isang cellphone mula sa isang cubicle. Walang
sumasagot sa tawag niya habang hindi rin tumitigil sa pagriring ang naririnig na
cellphone. Pinatay niya ang tawag. Tumigil din ang naririnig niyang ring. Idinayal
niya ulit ang telepono. Narinig niya ulit ang ring. Ibinaba niya ang tawag. Namatay
din ang ring. Tumawag ulit siya at muling narinig ang ring. Hindi niya ibinaba ang
tawag sa halip ay sinundan niya ang pinanggagalingan ng tumutunog na telepono.

Samantala, sa ilalim ng pinatataguang desk, hindi magkandaugaga si Alex sa kanyang


cellphone. Dahil sa pagkataranta, hindi niya maitama-tama ang pagsasilent sa
telepono.

"Huwag mo akong ipahamak please..." bulong niya sa kinakalikot na telepono.

Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay napatahimik niya rin ang telepono.
Subalit nang magawa niya ito, may aninong tumapat sa kinaroroonan niya. Dahan-dahan
siyang nag-angat ng ulo. Nakita niya ang nakatayo at nakapamulsang si Blake habang
seryosong nakatitig sa kanya. Binatukan niya ang sarili at naasiwang ngumiti sa
lalaki.

"Get up." madiing utos nito.

Tumayo siya at napapalunok na tiningnan ang galit na mukha ni Blake. Napatingin din
siya sa paligid. Lahat ng mga mata ng empleyado ay nakatutok sa kanilang dalawa.
Lahat ay nagtataka sa kanilang nakikita.

"G-Good afternoon, Mr. Monteverde."

Lalong nagsalubong ang mga kilay ng boyfriend nang marinig nito ang sinabi niya.
"What did you just call me?" natatawa at di makapaniwalang tanong nito.

"M-Mr. Monteverde..."

Lalong nangalit ang mga panga ng nobyo. Tinangka nitong hablutin ang kamay niya
ngunit mabilis niyang iniwas ang mga ito. Nagulat ulit ang lalaki sa naging
reaksiyon niya. Muli nitong tinangkang hawakan ang palad niya pero agad siyang
humakbang papaatras. Kailangan manatili siyang isang simpleng pulis lamang sa mga
mata ng mga empleyado kung gusto niyang makakuha ng matinong impormasyon mula sa
mga ito. Hindi pwedeng mabunyag na girlfriend siya ni Blake, lalo na sa mga
kababaihan. Dahil maaaring mabahiran nito ang kredibilidad at motibo ng magiging
takbo ng kanyang imbestigasyon.

"P-Pasensiya na po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo tungkol sa pagpunta ko


dito." may kalakasang wika niya upang sadyang iparinig ito sa lahat.

Mas lalong napikon si Blake sa kakaibang kilos ng girlfriend. Nararamdaman niyang


gumagawa ito ng palabas.

"Follow me." matigas na utos niya sa kasintahan.

Tumalikod si Blake at naglakad papalabas. Tahimik at tila maamong tupa namang


sumunod si Alex sa lalaki. Naiwan ang mga empleyadong halos nakanganga lahat dahil
sa hindi maintindihang tono ng pag-uusap ng babaeng pulis at ng kanilang amo.

Tumigil sa paglalakad si Blake nang marating ang isang tahimik na parte ng hallway.
Saka din lamang niya hinarap ang nakabuntot na girlfriend.
"Explain yourself."

Napapalunok si Alex. Hindi siya makatingin ng diretso sa nakakahiwang mga titig ng


lalaki. Parang puputok ang dibdib niya sa nerbiyos.

"N-Napag-utusan lang ako ni Chief. Wala kasing ibang pwedeng mag-inspect ngayon
kaya ako ang pinapunta."

"You're lying again..." napapangising wika ng lalaki." Is this the case you want to
handle?"

Dahan-dahang tumango ang babae.

"I said no to this... but did you just disobey my words?"

Hindi sumagot si Alex. Tahimik lamang siyang nakayuko. Inihahanda niya na ang mga
tenga sa galit ng lalaki.

"Tinanggap mo pa rin ba ang kasong ito?"

Hindi pa rin sumagot ang dalaga nanatili lamang itong nakayuko.


"ANSWER ME ALEX!"

Kinakabahang tumango ang babae. "Oo."

Napapabuntong-hininga at napapatingala si Blake habang isinusuklay ang kamay sa


buhok. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Ngayon lang ulit siya sinuway ng
girlfriend. Tanda ba ito na maaring unti-unting bumabalik na naman ang kakaibang
pagkahumaling nito sa trabaho?

"Go back to your headquarters and tell them your quitting from this case."

Agad na napaangat ng ulo si Alex. "Blake hindi pwede! Wala ng ibang pwedeng humawak
ng kasong ito kundi ako lang. Lahat ng nasa department, may kanya-kanya na ring
hawak na kaso." nakikiusap na paliwanag niya.

"I don't believe you. They have a choice or else hindi ka na magpapaalam sa akin.
It just you who decided to disobey me."

"Sige na naman Blake, payagan mo na ako. Ayoko talagang mapunta sa iba ang kasong
to."

"I said no!" sabay lapit ng mukha ng binata sa girlfriend. "Alex, I will never ever
take the chance, not even the smallest percentage, na makita ka ulit sa hospital
na may tama ng bala. That kind of nightmare is not going to happen again,
understand?"
"Pero Blake, iba naman ito eh. Hindi ito delikado. Kung saka-sakali man baka dito
rin lang sa lugar niyo mapapadalas ang pag-iimbestiga ko. Tsaka baka sandali din
lang naman ito Blake. Sige na Blake pumayag ka na."

"I SAID QUIT IT ALEX!" namumula sa galit na sigaw ng binata.

Napapalingon kay Blake ang mga napapadaang empleyado. Maging ang mga staff ng
marketing ay napapasilip pa rin mula sa salaming dingding ng opisina sa
kinaroroonan ng dalawa. Nagtataka ang mga ito sa galit na pakikipag-usap ng binata
sa babaeng pulis.

"Blake naman eh...Sige na please...." hindi matinag-tinag na pakiusap ni Alex sa


kasintahan.

"You choose. You handle that case or mag-aaway tayo?"

Biglang natahimik si Alex. Hindi niya alam kung papaano titimbangin ang sitwasyon.
Alam niyang mas mabigat ang pagnanais niya na huwag silang mag-away ni Blake,
subalit hindi niya rin kayang balewalain ang silakbo ng kanyang damdamin na hawakan
ang kaso. Hindi siya nag-isip ng matagal upang huwag ipahalata sa binata na
nahihirapan siyang pumili.

"Ibibigay ko na sa iba ang kaso..." matamlay na sagot niya.

"Good." nakahinga ng maluwag na wika ni Blake.


Matapos mapasunod ang dalaga, saka lamang napansin ni Blake ang mga matang
nakatingin sa kanila. Ngingiti-ngiti niyang tiningnan ang malungkot at nakayukong
girlfriend. Nilapitan niya ito at hinubad ang suot nitong sumbrero. Hinawi niya ang
sumasagabal na buhok sa pisngi nito. Hinawakan niya ito sa baba, inangat ang
matamlay na mukha at tinitigan ang malungkot na mga mata.

"Sometimes, you are really unbelievable. Ni hindi mo man lang ako dito binibisita
leaving everyone guessing whether I have a girlfriend or none. At ang unang punta
mo pa dito is not because of me but because of some dead employee. Plus the worst
of it all, you wanted to hide our relationship in front of everyone else. But what
to do... I don't agree to any of these."

Dahan-dahang inilapit niya ang kanyang mga labi sa labi ng kasintahan. Hinalikan
niya ito ng malalim sa kabila ng mga matang nakatingin sa kanila. Naririnig niya
ang mga gulat na gulat na reaksiyon ng lahat. Nang maghiwalay ang kanilang mga
labi ay hinawakan niya ang palad ng dalaga. Hawak kamay silang naglakad patungong
elevator.

"Now that you're here, I'll show you my office,"...

*****

"Sino yun? Kaibigan?"

"Mukhang hindi, magkaholding hands nung dumaan...baka girlfriend."

"Girlfriend? Ba't ganun ang ayos, mukhang stunt woman? Hindi naman siguro ganyan
ang tipo ng babae ni Sir Blake."

" Maganda naman siya pero parang hindi sila bagay. Mas bagay kay Sir Blake yung mga
sopistikada at babaeng-babae ang hitsura."
"Baka naman magkabarkada nga lang kasi may pagka boyish yung babae."

"Uh-uh..Nagtext ang kaibigan ko sa marketing. Girlfriend nga daw yan ni Sir Blake.
At eto pa, pulis daw ang babaeng yan. At mukhang hindi raw pipitsuging pulis kaya
lagot ang mga babaeng umaali-aligid sa amo natin."

"Hayyyyy... Goodbye Prince Charming..."

Tumigil sa seryoso at tahimik na pagbabasa si Blake at tumingin sa girlfriend.

"You look uneasy."

Naaasiwa si Alex habang nakaupo sa mahabang sopa sa loob ng opisina ng nobyo.


Iniiwas niya ang mga mata sa mga empleyadong maya't mayang napapasulyap sa kanya
mula sa glass wall. Nararamdaman niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Nakakahiya. Tingnan mo naman ang hitsura ko baka isipin ng mga staff mo na


bodyguard mo ako." sagot niya habang pasimpleng itinatakip ang kamay sa mukha.

"Who told you to come here wearing your old style?" natatawang bigkas ng lalaki.

Nilingon ni Alex ang tatawa-tawang boyfriend sa desk nito."Nagtatanong ka pa. Alam


mo naman kung ano ang ipinunta ko dito. Nahuli mo na nga ako di ba?" nagmamaktol na
sagot niya.
"So is it my fault now?" biglang pagseseryoso ng binata.

Agad na lumambot ang mukha ng dalaga "Hindi... Kasalanan ko." maamong tugon nito.

Muling napangiti si Blake sa bilis ng pagpapalit ng reaksiyon ng girlfriend. "Why


do you have to worry about your look? I brought you here to show you my office,
hindi para sa mga empleyado. And besides, para kanino ba yang pagpapaganda mo?
Don't tell me you want to look good to the male employees here?."

Inismiran ni Alex ang kunway nagseselos na lalaki." Huwag mo nga akong paandaran
diyan. Kung may dapat magselos sa atin, ako yun. Sandaling oras pa lang ako dito,
kung ano-ano na ang mga naririnig ko mula sa mga babaeng nagkakandarapa sa
atensiyon mo!"

"I can't do anything about it. Your boyfriend is irresistible, handsome and
lovable. I guess I'm fated to be loved by women."

Unti-unting lumaki ang mga butas ng ilong ni Alex habang tinititigan ang
nagmamayabang na kasintahan.

"... but don't worry they can all set their eyes on me while I can only set mine to
you." sabay kindat ng binata sa girlfriend.

Unti-unting nagseryoso ng mukha si Alex. Naalala niya si Grace dahil sa biro ng


lalaki. Tahimik niyang pinagmasdan ang nagbabasang binata habang nakikipagbiruan sa
kanya.
"Blake..." pagseseryosong wika niya.

"Uhm?... Are you gonna say how good looking I am while sitting on this desk?" wika
nito habang nakatingin pa rin sa binabasa.

"Masama ata ang nakain mo ngayon. Mukhang nakakapagpalaki yata ng ulo masyado...
Hindi yan ang sasabihin ko," nakaingos na sabi niya.

"Then what is it?"

"Y-Yung nagsuicide na empleyado, nakita mo na ba minsan yun dito sa building?"

"I told you, I don't look to other women."

"Blake tinatanong kita ng seryoso!"

Nag-angat ng mukha si Blake at napapangiting tiningnan ang bahagyang naaasar na


mukha ng kausap. "No. I don't even know her name."

"Divine Hillary Francisco. Yan ang pangalan niya. Wala bang nagpakilala sayo nang
may ganyang pangalan?"
"Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan. At siguro even if I met her, I don't
think I'll remember her face sa dami ng mga employees dito." kaswal na sagot ng
lalaki sabay balik ng atensiyon nito sa binabasa.

Nagmamadaling dinukot ni Alex ang planner sa bulsa ng kanyang jacket. Kinuha niya
ang nakaipit ditong litrato ngunit bago ito ipakita sa boyfriend, tinupi niya ang
parte ng kuha ni Sophia. Lumapit siya kay Blake at ipinatong ang nasabing larawan
sa binabasa nito.

"What's this?" nagtatakang wika ng lalaki.

Itinuro ng dalaga ang mukha ni Grace. "Yan! Yan si Ms. Francisco. Tingnan mong
mabuti. Alalahanin mo kung minsan ba ay nakausap o nakasabay mo na yan."

Tinitigan ni Blake ang larawan. Napapakunot ito ng noo habang nag-iisip. "I don't
think I met her. Her face doesn't look familiar at all."

"Sigurado ka?"

"Yeah, I'm sure."

Napansin ni Alex na nahalata ni Blake na may nakatuping parte ang larawan. Mabilis
niyang binawi ang litrato bago pa man ito usisain ng lalaki.
"... but I know the guy in the picture." dugtong ng binata.

Agad na napatingin si Alex sa nobyo. "Anong ibig mong sabihin? Paano mo siya
nakilala?"

"He's the son of Mr. Pablo Garcia, one of the directors of this company."

"Close ba kayo ng lalaking yan?" madiing tanong ng dalaga habang nakahalukipkip,


seryoso ang mukha at pabalik-balik na naglalakad.

"Not really. I only met him twice or thrice during parties," natigilan si Blake
nang mapansin ang hitsura ng kausap. "Wait a minute. Are you trying to do an
interrogation with me now? What's this, a continuation of your inquiries from the
marketing department?"

Natauhan bigla si Alex, malambing na nginitian niya ang lalaki at nilapitan ito.
Tumayo siya sa likuran ng inuupuan nitong silya at minasahe ito sa balikat. Alam
niyang pinagtitinginan sila ng mga empleyado subalit wala siyang pakialam. Mas
pipiliin niyang lambingin ang boyfriend kaysa ungkatin na naman nito ang tungkol sa
pagpapabitiw sa kanya sa kaso.

"Kulang pa kasi ang isusulat kong report tungkol sa inspection na ginawa ko ngayon
kaya't nag-iisip pa ako ng idadagdag. Pero siyempre hindi kita idadamay, kumukuha
lang ako ng idea." malambing na paliwanag niya.

"When are you planning to tell your chief that your quitting on that case?"
diretsong tanong ni Blake na noon ay naramdaman agad ang motibo ng paglalambing ng
babae.
Inikot ni Alex ang mga paningin sa opisina at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi
ng kasintahan.

"Whoah ngayon ko lang napansin, ang laki pala nitong opisina mo," tumigil siya sa
pagmamasahe at naglakad-lakad paikot ng silid.

Huminto siya sa tapat ng salaming dingding kung saan kita ang buong tanawin sa
labas. Pinag-aralan niya ang buong paligid at ang lokasyon ng mga katabing gusaling
natatanaw nang tila may malateleskopyong mga mata.

Tumayo si Blake at tumabi sa kasintahang nakatanaw sa malayo na halatang may


seryosong iniisip dahil sa naniningkit nitong mga mata. Bumuntong-hininga siya at
inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

"Huwag mong ibahin ang usapan. When do you plan to tell your chief about quitting
the case?"

Hindi siya sinagot ng kausap. Nanatiling nakatingin lamang ito sa malayo.

"I'm asking you Alex."

Hindi pa rin sumagot ang babae.

Hinawakan niya ito sa balikat at marahang niyugyog. Saka lamang ito natauhan at
napatingin sa kanya.

"I'm talking to you. What's wrong with you? Ano bang iniisip mo at natutulala ka?"

"Hindi ako natutulala. Pinag-aaralan ko lang ang lokasyon nitong opisina mo."

Napakunot siya ng noo. "Pinag-aaralan? Why do you have to do that?"

"Tinitingnan ko kung merong pwedeng pagpwestuhan ang sniper kung sakaling ang
target nila ay nasa silid na to. So far, wala akong makita. Maganda ang lokasyon
nitong opisina mo."

Napanganga siya sa sinabi ng girlfriend. Hindi niya alam kung seseryosuhin ito o
pagtatawanan.

"Is that a joke?"

"Hindi." sabay iling ng dalaga.

"Hah! You're being funny again Alex. Of all the comments you can give, you choose
to praise my office for being safe from any snipers."

Napaisip bigla si Alex. Bakit nga pala sinasabi niya ang ganitong bagay kay Blake?
Naasiwang ngumiti siya sa naguguluhang lalaki. Kunyari'y nahihiyang tinapik niya
ang kanyang bibig.

"Pasensiya ka na. Ganito lang talaga kaming mga intelligence officer. Una naming
binibigyang atensiyon ang kaligtasan ng mga nakapaligid sa amin."

"See what happens when you hook yourself in that investigation thing. You are again
starting to treat everything as part of your work."

Naramdaman ni Alex na magsisimula na namang maglitanya ang lalaki. Kaya't agad


siyang nag-isip ng dahilan para magpaalam.

"Naku nakalimutan ko! Kanina pa pala ako hinihintay sa patrol car ng kasamahan ko.
Kailangan ko nang umalis Blake." kunway natatarantang wika niya.

Mabilis na hinawakan ng nobyo ang kamay niya. "Wait. You haven't answered my
question yet." matigas na wika nito.

"A-Ano nga yung tanong mo?"

"When are you going to tell Chief Martinez that you're quitting?"

Nilihis ng dalaga sa ibang direksiyon ang mga mata at nag-isip ng ilang saglit.
"If you'll have difficulty telling him. Ask the help of your grandpa. He's a
respected general, I'm sure your chief will listen to his request. Do you want me
to talk to your lolo?"

Huminga ng malalim si Alex at pinilit ngumiti sa boyfriend. "Hindi mo na kailangang


gawin yan Blake. Ako na ang bahala. Sinabi ko naman sayo na ayokong pag-awayan
natin to."

Napangiti si Blake sa sinabi ng dalaga. Unti-unting nagliwanag ang kanyang


nababahalang mukha.

"Thank you for being a good girl," sabay bigay niya ng isang damping halik sa mga
labi ng babae. "You can go now. See you after work. By the way, I'll stay in your
house tonight. I miss your family, I want to meet them."

"S-Sige. Bye." napapalunok na paalam ng dalaga at bago ito umalis ay muli itong
humalik sa mga labi ng boyfriend.

Sa aktong papalabas na si Alex sa opisina ng binata ay siya namang dating ni


Debbie.

"Oh hi Alex, you're here. I think I should comeback later."

"Huwag, okay lang. Paalis na rin naman ako."

Tumingin si Alex ng diretso sa mga mata ng bagong dating na babae. Pinakiramdaman


niya ang reaksiyon nito. Bagama't alam niyang kaibigan at katrabaho lang ito ni
Blake subalit hindi niya maikakaila sa sarili na may kaunting selos pa rin siyang
nararamdaman sa pagiging malapit nito sa boyfriend. At nang makaharap niya ito ng
malapitan sa may pintuan, binigyan niya ito ng isang ngiti.

"Pag-usapan niyong mabuti ang trabaho ha. Abalahin mo yang boyfriend ko para hindi
ako masyadong pinag-iisip." nakangiting pasaring niya at sabay tapik sa balikat ng
babae...

----

Inilapag ni Margareth ang isang tasa ng kape sa tapat ni Alex. Simula nang dumating
ang kaibigan sa bakeshop niya, hindi nakaligtas sa mga mata niya na may malalim
itong iniisip. Pagkaupo pa lang nito sa mesa ay agad na itong nangalumbaba at
tumingin sa malayo. Nakatitig lamang ito sa kalsada mula sa salaming dingding na
tila bagang binibilang ang mga dumadaang sasakyan. Maya't maya rin itong
napapabuntong-hininga habang makailang ulit na binabatukan ang sarili.

"Magkape ka muna." sabay upo niya sa tapat ng kaibigan.

"Salamat." matamlay na sagot nito.

"May problema ka ba?"

"W-Wala."

"Eh bakit parang kanina ka pa natutulala diyan? Kahit nasa counter ako, dinig ko
yang mga buntong-hininga mo."

"May iniisip lang ako tungkol sa trabaho." sabay inom nito sa kape.

"Ganun ba. Teka ba't ba nandidito ka, di ba dapat nasa headquarters ka? May
problema ka nga siguro sa trabaho kaya ka napasyal dito."

Umiling si Alex at muling nangalumbaba. "Magkikita kami ni James, dito niya ako
pinapunta. May importante kaming pag-uusapan."

Nagbago ang hulma ng mukha ni Margareth at pinandilatan nito ang kaibigan. "Hoy
Alexandra! Minsan na nga lang ako puntahan dito ng boyfriend ko, hahatian mo pa ako
sa oras."

"Eto naman, sobra kong ipagdamot yung tao. Baka nakakalimutan mong una siyang
naging akin." pabirong wika ni Alex ngunit may halo pa ring lungkot ang tono nito.

"Hindi siya naging sayo dahil hindi mo siya pinili!"

"Kung pinili ko siya, di sana hindi siya napunta sayo."

"Ayan nagsisimula ka na naman sa mga banat mong yan. Oo na, ikaw na ang first
choice pero sorry ka dahil ako na ang mahal niya ngayon," nakairap na sagot ni
Margareth at sabay dila sa matamlay na kaibigan.
"Paanong hindi ka mamahalin, napilitan na siguro dahil sa kabubuntot mo."

"Tse! May Blake ka na't lahat pero panay pa rin ang pamukha mo sa akin tungkol sa
nakaraan niyo ni James."

"Sino ba ang nag-umpisa? Kakausapin ko lang yung tao, umuusok agad yang ilong mo."

"Bakit kasi dito pa kayo mag-uusap? Pwede namang hintayin mo siya sa headquarters
at kausapin siya pagbalik niya dun mamaya."

"Kailangan ko na siyang makausap ngayon. Galing din kasi ako sa office ni Blake at
nasa labas din si James kaya dito niya na lang ako pinapunta."

Natahimik si Margareth. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kaibigan. "Pumunta
ka sa opisina ng boyfriend mong prinsipe na ganyan ang hitsura mo?"

Tumango si Alex.

"Anong nakain mo at naisipan mong magbihis ng ganyan? Buti naniwala silang


girlfriend ka at hindi alalay ni Blake."

"Hindi naman kasi ako pumunta dun para ibandera ang sarili ko bilang girlfriend."
"Eh ba't ka pumunta?"

"Ah basta! Ang dami mo namang tanong..."

Napaisip si Margareth at muling tinitigan ang kaibigan nang may nagdududang mga
mata. "Sandali nga. Ganyan ang suot mo, wala ka sa headquarters, hindi ka na naman
matanong ng maayos at naririnig ko na naman yang 'ah basta' mong sagot," puna niya
at biglang namilog ang kanyang mga mata sa naisip. "Kaharap ko ba ngayon ang dati
kong amasonang kaibigan? Siguro bumalik ka na naman sa pagiging undercover mo."

Hindi sumagot si Alex at agad namang nakuha ni Margareth ang ibig sabihin ng
pananahimik ng kausap.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo Alex!" nanlalaki ang mga matang singhal ni Margareth.


"Alam ba to ni Blake?"

Tumango si Alex.

"Huh?Pinayagan ka?"

Umiling si Alex.

"Siyempre naman! Kahit ako, hindi ako papayag!...Kaya ba ganyan na lang


kaproblemado yang pagmumukha mo?"
Tumango ulit ng matamlay ang dalagang pulis.

Bumuntong-hininga si Margareth habang unti-unti ring nagiging problemado ang mukha.


"Anong sabi niya?"

"Pinapa-quit niya ako."

"Mabuti naman."

Tumingin si Alex ng diretso sa mga mata ng kaibigan at muling huminga ng malalim.


"Margareth, simpleng kaso lang naman itong gusto kong hawakan...pero bakit hirap na
hirap akong mapapayag si Blake? Pakiramdam ko parang nasosobrahan naman yata ang
paghihigpit niya sa akin pagdating sa trabaho. Tingin ko tuloy sa sarili ko para
akong batang kinukulong at pinagbabawalang maglaro upang huwag madapa o masugatan.
Ngayon lang naman ulit ako humiling na humawak ng kaso pagkatapos ng mahabang
panahon. Hindi ba dapat naiisip niya na siguro ay may malalim akong rason para
gawin ulit ito ngayon?"

"Naiintindihan ko ang boyfriend mo Alex. Kahit ako man ang nasa lugar niya, hindi
kita pagbibigyan. Pasalamat ka nga at hinahayaan ka pa niya diyan sa pagpupulis
mo."

"Bakit hindi ka naman ganyan pagdating kay James?"

"Huwag mong ikukumpara si James sayo dahil magkaibang-magkaiba kayo. Matalino ang
boyfriend ko pagdating sa paghahawak ng mga kaso, hindi siya kasing pusok gaya mo.
Ikaw, nawawala ka sa sarili kapag ginagamit mo na yang baril mo. Kung makasugod ka
pakiramdam mo bullet proof yang katawan mo. Kaya tama lang si Blake na pagbawalan
ka, kahit gaano pa man kasimple yang sinasabi mong kaso. Tama na yung minsan ka
nang nag-agaw buhay ng dahil diyan sa kapusukan mo."

"Ewan ko ba Margareth, naguguluhan din ako sa sarili ko. Dati naman magaan sa loob
ko na sundin lahat ng gusto ni Blake. Pero ngayon parang ramdam na ramdam ko kung
gaano kabigat sa dibdib ang pagbawalan ka sa isang bagay na gustung-gusto mong
gawin."

"Teka nga sa tono ng pananalita mo, may balak ka bang suwayin si Blake?"
nagdududang tanong ni Margareth.

Muling nanahimik si Alex. "Hindi ko alam..."

"Haist! Nababaliw ka nga siguro! Ano bang meron ang kasong yan para mahirapan ka sa
pagdedesisyon?!"

" Hindi ko pwedeng sabihin, " sabay titig ng seryoso ni Alex sa kaharap.
"Margareth, sa tingin ko pwede ko namang ituloy to. Kailangan ko lang talaga maging
maingat para hindi malaman ni Blake."

"Paanong hindi malalaman ni Blake? Ngayon pa lang malalaman niya na dahil sasabihin
ko!"

Nagmamadaling kinuha ni Margareth ang cellphone ngunit agad naman itong inagaw ni
Alex.
"Ibalik mo sa akin yan Alex!"

"Tutulungan mo akong ilihim ito kay Blake, Margareth. Maaatim mo bang mag-away kami
ng dahil sa pagsusumbong mo?" tugon ni Alex habang inilalayo ang cellphone mula sa
kamay ng kaibigan.

"Hindi ang pagsusumbong ko ang magiging dahilan ng pag-aaway niyo, kundi ang
katigasan ng ulo mo! Akin na sabi yan." galit na wika ni Margareth.

"Tulungan mo ang kaibigan mo please. Ikaw lang ang matatakbuhan ko ngayon. Minsan
ko lang pagbibigyan ang sarili ko na gawin ang bagay na gusto ko. Huli na ito
Margareth... Sandaling panahon na lang ang ibibilang ng pagiging pulis ko at
tuluyan nang magbabago ang mundo ko. Alam mong hindi ko gugustuhing masira ang
relasyon namin ni Blake dahil nakahanda akong isakripisyo ang isang bagay na simula
pagkabata ay minahal ko na. Pero sa ngayon ay may malalim akong rason na hindi ko
pwedeng sabihin... a-at kasama na rin dito ang kagustuhan kong pagbigyan ang sarili
sa huling pagkakataon. Kaya tulungan mo ako Margareth please..." nagsusumamong
salita ni Alex habang hawak-hawak ang pinipigilang kamay ng kaibigan.

Dahan-dahang lumambot ang mukha ni Margareth. Tiningnan niya ang nakikiusap na


hitsura ng kaibigan.

Nangyayari na nga ba ang isang bagay na matagal niya ng kinatatakutan?...


Nang makarelasyon ni Alex si Blake, isa siya sa mga hindi matatawaran ang tuwang
naramdaman. Wala siyang mapagsidlan ng kaligayahan lalo pa't napakalaki ng naging
pagbabago ng kaibigan. Naging pino ang galaw nito, natuto itong kumilos ng akma at
magbihis bilang isang tunay na dalaga, nabawasan ang katigasan ng ulo, natutong
makaramdam ng takot sa lalaking nagpaibig sa kanya at higit sa lahat napatigil ito
ni Blake sa pagtanggap ng mga trabahong may kaakibat na mga panganib.

Subalit sa kabila ng mga pagbabagong ito, may takot siyang nararamdaman. Simula
pagkabata ay kilala niya na si Alex, ramdam niyang may hangganan ang lahat ng
pagsunod nito. Noong malilit pa lamang sila ay madalas siyang pagbigyan nito sa mga
kahilingan niya. Matigas ang ulo nito subalit malambot naman ang puso pagdating sa
kaibigan. Siya lagi ang nasusunod sa kanilang dalawa. Kung saan maglalaro, kung ano
ang lalaruin at kung kanino mapupunta ang mas magandang laruan... lahat ng mga ito
ay madalas pabor sa kung ano ang gusto niya.

Ngunit kapag may isang bagay namang ginusto si Alex, tiyak na aangkinin ito ng
kaibigan. Kesihodang masaktan at mapaiyak siya nito. Ang katwiran nito, ano man ang
nagawa nito tiyak na mapapatawad at maiintindihan pa rin niya ito sa bandang dulo.
Ito ang nakikita niyang sitwasyon ngayon ng magkasintahan. Hindi papipigil si Alex
sa gusto nitong gawin dahil alam nitong sa bandang huli ay matatanggap pa rin naman
siya ni Blake.

"Nakakasigurado ka bang hindi ka mapapahamak sa pinapasok mong iyan?" mahinahong


tanong niya

Nagliwanag ang mukha ni Alex nang maramdamang lumambot na ang kanyang kalooban.

"Oo naman, Margareth. Hindi delikado ang sitwasyong ito. Sinusuway ko si Blake pero
alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko. Kaya please tulungan mo ako."
pakiusap nito habang hinahawakan ng mahigpit ang kanyang palad.

Binawi niya ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ng kaibigan at humalukipkip.
"Hindi ako magsasalita pero pag-iisipan ko muna kung tutulungan kita."
Dahan-dahang gumuhit ang mga ngiti sa labi ni Alex nang marinig ang sinabi niya.
Kilala rin siya ng kaibigan, alam nitong hindi niya ito matitis.

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang dumating si James. Pagkapasok nito sa bakeshop
ay naupo ito sa tabi ni Margareth at kinausap agad ang naghihintay na kasamahan.

"Sorry to keep you waiting. Hinintay ko pa kasi ang cellphone na pinadaanan mo...
Here." sabay abot nito sa telepono kay Alex.

"Siya talaga ang unang inintindi mo at hindi ako!" pagmamaktol ni Margareth sa


nobyo.

Nakangiting tiningnan ni James ang nagtatampong babae. "Hi Babes!" sabay dampi niya
ng halik sa mga labi ng dalaga.

"Magpakipot ka naman ng kaunti." komento ni Alex sa kaibigan.

"Hep tumahimik ka! Tapos na tayong mag-usap. Nandito na ang mahal ko kaya't siya
naman ang aasikasuhin ko." nakairap na sagot ni Margareth.

"Mamaya mo na siya asikasuhin dahil may pag-uusapan pa kami." utos ni Alex.


"Ano naman ngayon?"

"Alex and I need to talk privately." mahinang tugon ni James sa kasintahan.

Tumingin ng masama si Margareth sa ngingisi-ngising kaibigan. "Ang galing mo


talaga! Minsan na nga lang dumalaw dito ang boyfriend ko, sumisingit ka pa!"

Napilitang tumayo at bumalik ng counter si Margareth. Lalo itong sumimangot nang


dumila sa kanya ang nang-aasar pang kaibigan.

"I heard Blake caught you." tanong agad ni James sa dalagang pulis nang masolo ng
mga ito ang mesa.

"Oo."

"So what's your plan now?"

"Itutuloy ko pa rin ang paghawak ng kaso. Bibitawan ko lang ito kapag nasigurado ko
nang ligtas si Blake mula dito." matigas na wika ng babae.

"There's the resurrection of the hardheaded woman." napapangiting sambit ni James.


"Sekreto pa rin ito kay Blake. Ang alam niya bibitawan ko na ang kaso kaya't ikaw
na ang bahalang sumalo sa akin ha pag bumulaga na lang siya bigla sa presinto tapos
wala ako dun."

"Should I involve myself sa affair niyong dalawa?"

"Oo. Dapat mo akong tulungan dahil ikaw ang isa sa mga nag-udyok sa akin sa kasong
ito." nakangusong sagot ng dalaga.

Natahimik ang dalawa nang muling lumapit si Margareth para hatiran ng kape ang
boyfriend.

"Thanks!" nakangiting tugon ni James sa kasintahan.

Nang dumaan ang katahimikan, kinuha ni Alex ang pinaayos na cellphone ni Grace at
binusisi ito. Pinatanggalan niya na ito ng password.

"Na check mo na ba ito?" tanong niya sa lalaki nang muling makaalis si Margareth.

"Not yet. That's your case kaya dapat ikaw ang first hand na makakaalam ng mga
information."

Tahimik na binusisi ni Alex ang telepono. Una niyang inusisa ang lamang mga mensahe
nito. Kadalasan sa mga text ay mula sa mga kaibigan at kaopisina, kasama na rito
ang nakausap na niyang si Hazel. Nakita niya ring nagpapalitan pa rin ng mga
mensahe ang babae at si Sophia. Karamihan sa laman ng inbox nito ay nakarehistro
ang pangalan sa telepono, maliban sa isa na numero lamang ang lumabas. Tiningnan
niya ang mga mensahe ng nasabing numero at pansamantalang napako ang kanyang mga
mata dito...

'You can't escape my love.'

'I don't give up on my woman.'

'You've been with me for a long time. We can't end this way.'

'I'll hurt that person.'

'I'm the one who loves you and not him.'

'How can you choose him over someone whose been beside you thru difficult times.'

'Stop with your craziness or else I'll make you regret your decision. I'll do
everything until you stop loving him.'

'That man will hate you for loving him. I'll ruin his life and the person beside
him.'

Napuno ng kaba ang dibdib ni Alex dahil sa mga nababasa. May karelasyon si Grace at
ipinagpalit niya ito sa ibang lalaki. Si Blake ba ang tinutukoy na ibang lalaki
dito?

Dali-daling kinuha niya ang sariling telepono at idinayal ang numerong may mga
kaduda-dudang mensahe.Paulit-ulit niya itong tinawagan subalit hindi na ito
makontak.
"Basahin mo ito." sabay abot niya sa cellphone kay James.

Habang binabasa ng kasamahan ang mga mensahe, inilabas niya ang planner ng pumanaw
na babae. Pinag-aralan niya ang mga nakasulat dito. Karamihan sa mga nakasulat dito
ay schedule ni Sophia. Kahit nang mga panahong nagtatrabaho na ang babae sa
kumpanya nina Blake, nakalagay pa rin sa planner nito ang mga schedule ng nasabing
modelo. Natigilan siya sa pagbabasa nang dumulas mula sa planner ang nakaipit na
larawan dito.

"What do you think?" nakakunot ang noo na tanong ni James sa kanya pagkatapos
mabasa ang mga mensahe.

"May pakiramdam ako na si Blake ang tinutukoy na kinalolokohan ni Grace ng kung


sinumang nagpapadala ng mga text na ito ," sagot ni Alex habang nakatitig sa
nalaglag na larawan at napapailing. "Pero may kutob din akong maaring ang lalaking
ito ang binabanggit sa text." sabay abot niya sa larawan kay James.

"What makes you think so?" tanong ni James habang tinititigan ang mukha ng lalaking
nasa larawan.

"Napansin ko dito sa planner na halos lahat ng nakasulat ay schedules ni Sophia


kahit nung mga panahong nagtatrabaho na si Grace sa Golden Pacific. Hindi kaya
inaalam niya ang bawat galaw ng dati niyang amo dahil na rin sa lalaking yan?"

"Who is this man?"

"Tyron Garcia. Boyfriend ni Sophia."


Napangisi si James. "That woman has a habit of falling in love to other woman's
man....But if she's into this guy, bakit kailangan niyang magresign from Sophia at
lumipat sa kumpanya nina Blake? Wasn't it more adventageous to her if she stayed
beside Sophia?"

Napapakagat sa kuko habang nag-iisip ng isasagot si Alex."Hindi rin ako sigurado


kung si Blake pa rin ba ang dahilan ng paglipat niya ng trabaho dahil ang lalaking
iyan ay anak din ng isa sa mga direktor ng Golden Pacific."

"Wait. Look, someone in the contact list named as 'Mahal Ko'."

Mabilis na hinablot ni Alex ang telepono at tiningnan ang tinutukoy ni James.


Nagmamadaling idinayal niya ang numero ng nasabing contact gamit ang kanyang
sariling cellphone subalit nakapatay na rin ito. Tiningnan niya uli ang mga text.
Wala rin ni isa mang mensahe mula dito. Binitawan niya ang telepono at muling
binusisi ang planner. Baka sakaling may nakasulat doon na mga telepono ng mga
mahahalagang tao. Hindi numero ni Blake ang may pangalang Mahal Ko kaya't maaring
may bagong lalaki ngang kinahuhumalingan si Grace.

"C-Captain Valdemor, I guess Blake was the reason why she changed her job."
kumpiyansang sabi ni James habang nakatitig sa cellphone ni Grace.

Napaangat ng mukha si Alex mula sa binabasang planner. "Paano mo nasabi?"

Inabot sa kanya ni James ang telepono at ipinakita ang mga naka-save na litrato
dito. Lahat ay mga nakaw na kuha ni Blake. May kuha sa lobby, parking lot, hallway,
at sa iba't iba pang parte ng gusali ng kumpanya. At lalong nanlaki ang mga mata
niya nang makitang may mga kuha rin siya habang magkasama sila ni Blake. Hindi siya
makapaniwala na maging sa labas ng opisina ay sinusundan pa rin ng babae ang
kanyang boyfriend. Muling sumagi sa isip niya ang mga nabasang text.
"Kung si Blake pa rin ang kinalolokohan ni Grace, kung ganoon siya rin ang taong
tinutukoy na sasaktan ng nagbabantang text." kinakabahang sabi niya.

"Big possibility," sagot ni James.

"Pupuntahan natin ang condominium ni Grace. Kailangan nating makahanap ng mas


maraming clue," sabay tayo niya.

"Ngayon na?" nagtatakang tanong sa kanya ng kasamahan.

"Ngayon na," matigas na wika niya.

Muli niyang idinayal ang telepono habang naglalakad papalapit sa counter. Tumayo
siya malapit sa kinaroroonan ni Margareth.

"Hello Blake," malambing na wika niya.

"Yes, bakit napatawag ka. Are you done with your work? Magpapasundo ka na ba?"

"Huwag mo na akong sunduin..."


"Why?"

"Andito ako sa bakeshop ni Margareth. Blake pwede bang sa ibang araw ka na lang
pumunta sa bahay? Napag-usapan kasi namin ni Margareth na tuturuan niya ako
mamayang gabi sa paggawa ng paborito mong cake. Okay lang ba na sa kanila ako
matulog tonight? Matagal na rin kasi kaming hindi gaanong nagbobonding ng kaibigan
ko."

Sabay na nanlaki ang mga mata at butas ng ilong ni Margareth nang marinig ang
sinabi ng kaibigan.

"...Andito siya sa tabi ko, gusto ka nga niyang kausapin para huwag ka daw mag-
alala."

Tinakpan ni Alex ang telepono habang inaabot ito sa kaibigang natataranta.

"Anong pinagsasabi mo diyan Alex?" hindi mapakaling bulong ni Margareth.

"Umoo ka lang. Narinig mo naman ang sinabi ko di ba?" bulong din ni Alex.

"Ano ka ba?!Huwag mo akong dinadamay sa pagsisinungaling mo."

"Bilisss kausapin mo na, baka maghinala pa."


Walang nagawa si Margareth kundi tanggapin ang cellphone.

"H-H-Hi B-Blake!" kinakabahang bati niya habang nanginginig ang kamay sa paghawak
sa telepono.

"Hi Margareth! How are you?" masiglang boses ng binata.

"O-Okay naman. I-Ikaw kumusta ka na? O-Okay lang ba na sa bahay matulog si Alex m-
mamaya?" napapalunok na sabi niya habang pinandidilatan ng mga mata ang kaibigan.

"No problem. As long as you're the one with her, I won't worry." masayang wika
nito.

"T-Thank you..."

"It's okay. Enjoy your baking later. Teach her well."

"S-Sure. T-Thanks...N-Nice talking to you."

"Nice talking to you too...May I talk to Alex now?"


Nakabusangot na ibinalik ni Margareth ang telepono sa kaibigan. Napapahawak siya sa
dibdib sa sobrang kaba. Pakiramdam niya ay inilaglag siya ni Alex sa isang kawang
may kumukulong tubig.

"Huwag mo na akong sunduin sa headquarters ha kasi hindi na ako babalik doon.


Didiretso na ako sa bahay ni Margareth." ubod ng lambing na wika ng dalagang pulis.

"Okay. Let's talk later coz I'm busy right now. I'm in the middle of some
discussion with my staff. Enjoy your time together and make sure you'll learn
something from her. I want to taste that cake in the future."

"Opo.Bye."

"Bye. I love you wifey."

"I love you too...mwah!" sabay halik ng dalaga sa telepono.

Pagkababa ng tawag ay agad na nagbago ang mukha ni Alex. Mabilis na nawala ang mga
ngiti at bakas ng pagiging malambing dito. Seryoso ito habang sinisiksik ang
cellphone sa likurang bulsa ng suot na pantalon. Balewala rin sa babae ang mga
mapang-usig na titig mula sa nakahalukipkip na kaibigan sa harap niya.

"Papatayin mo ba ako sa nerbiyos Alex?! Paano pag biglang pumunta yan si Blake dito
at wala ka? Anong sasabihin ko?!"
Bumuntong-hininga ang dalagang pulis at tumingin ng seryoso sa kaibigan. "Pasensiya
ka na Margareth pero pahiram muna ng boyfriend mo. Kailangan naming umalis dahil
may iimbestigahan kaming lugar. Pag may naghanap sa akin, sabihin mo pumuntang
supermarket. Namili ng lulutuin." matigas na salita nito sa napapangangang kausap.

"A-Anong aalis?! K-Kadarating lang ni James...h-hindi pa nga k-kami nakakapag-usap


ng m-mabuti...A-Alex!" nauutal sa pagkalitong bigkas ni Margareth.

Tahimik na tumalikod si Alex na tila hindi naririnig ang mga reklamo ng kaibigan.
Naglakad siya papabalik ng mesa. Inayos niya ang suot na jacket , nagsuot ng
sumbrero at huminga ng malalim.

"Tara na Captain Corpuz..." madiing salita niya sa kasamahan...

****

Naalimpungatan si Alex nang tumama sa kanyang mukha ang liwanag mula sa bintana ng
sasakyan. Nagmulat siya ng mga mata. Nang makita niyang maliwanag na, bigla siyang
nataranta. Nakatulog siya dahil sa magdamag na pagmamanman sa labas ng condominium
ni Grace.

Tumunog ang kanyang telepono. Mas lalo siyang nataranta. Si Blake tumatawag na!

Tumikhim muna siya.


"Aaaah-aaaah." pagklaro niya sa boses bago sagutin ang kasintahan. "Good morning!
Late na yang wake up call mo. Kanina pa ako gising," kunwa'y masiglang bungad niya
sa boyfriend.

"Good morning. Kumusta ang tulog mo? Mahimbing ba kahit hindi mo ako katabi?" biro
ng lalaki.

"Mahimbing pa rin. Kasi kahit hindi kita katabi kasama ka pa rin naman sa panaginip
ko," malambing na pagsakay niya sa biro ng lalaki. "Nagbreakfast ka na ba?"

"Not yet. Katatapos ko lang magshower. I'll pick you up after an hour. Ihahatid na
kita sa headquarters."

Patay! Isang oras? Kulang yun.

Madali siyang nag-isip ng magandang alibay. "Blake afer one and half hour mo na
lang ako sunduin. M-May pinahid kasi ako sa mukha ko na kailangan kong ibabad ng
thirty minutes."

"Okay, I guess that won't hurt my schedule."

"Sige. Bye."

"Bye. I love you."


"I love you too."

Pagkababa sa telepono ay mabilis pa sa alas kuwatrong pinaharutot niya ang kotse.

"Haist, ayan ka na naman Alex!" pagalit niya sa sarili habang tila nakikipagkarera
sa kalsada sa sobrang bilis ng kanyang pagmamaneho.

Pagdating niya sa bahay ay tumatakbo siyang pumasok dito. Naabutan niya ang kanyang
pamilya na nag-aalmusal. Sabay-sabay ang mga itong napalingon sa kanya nang may mga
nagtatakang mukha.

Hindi niya pinansin ang mga ito sa halip ay nagdire-diretso lamang siya sa pag-
akyat patungo sa kanyang kuwarto. Subalit nang nasa kalagitnaan na siya ng hagdan,
hindi niya rin natiis ang sarili. Bumalik siya sa hapag kainan at humalik sa pisngi
ng kanyang lolo.

"Good morning po, Lo."

"Good morning iha. Nag-almusal ka na ba?"

"Mamaya na ho lo, mag-aayos lang po ako. Good morning dad, ma." sabay halik niya
rin sa pisngi ng mga magulang.

"Good morning. Ba't ganyan ang hitsura mo? Hindi ka pa nakakapag-ayos. Akala ko ba
sa kabila ka natulog? Bakit napadaan ka dito? May nakalimutan ka ba? Kasama mo ba
si Blake?" umpisa na ng sunud-sunod na pangungusisa ng kanyang ina.

"Hindi ko kasama si Blake. Hindi na ako nagpahatid tutal may dala akong sasakyan.
Dito ko naisipang magbihis, wala kasi akong magustuhan sa mga damit ko sa kabila,"
pangangatwiran niya. "Sige ma, mag-aayos na ako dadaanan pa rin kasi ako ni Blake,"
sabay pagmamadali niya ulit sa pag-akyat sa hagdan.

"Bakit kasi hindi pa kayo magsama nang tuluyan! Ako ang nahihilo sa paroo't parito
ninyong dalawa!" sigaw ng ina. "TSAKA MAY BINILI PALA AKONG MGA DAMIT PARA SAYO
NASA KUWARTO KO. YUN ANG ISUOT MO KUNG GUSTO MO!"

"SAKA KO NA TITINGNAN MA, NAGMAMADALI KASI AKO!"

Nagmadaling naligo at nag-ayos ng sarili si Alex. Nagbihis siya ng medyo maluwang


na purong puting long sleeve. Naka tuck-in ito sa hanggang tuhod na itim na palda.
Nagsuot siya ng itim na closed high heels. Itinali niya ng mataas ang buhok at
nilagyan ng maliit na ipit ang bandang bahagi ng kanyang bangs.

Pagkatapos mag-ayos ng sarili. Tumungo siya sa kanyang aparador. Naglabas siya ng


malaking bag. Inilagay niya dito ang ilan sa mga komportableng damit na ginagamit
niya. Jackets, t-shirts at mga pantalong maong. Pati ilan sa kanyang mga
komportableng sapatos ay ibinalot niya rin at inilagay dito.

Sinarado niya ang malaking bag. Pagkatapos maimpake ang mga gamit, tumungo siya
ulit sa cabinet at naglabas ng baril. Inilapag niya ito sa kama. Kumuha siya ng leg
holster at isinuot ito. Dinampot niya muli ang baril, ikinasa ito at saka isiniksik
sa kanyang hita.

Lumabas siya ng kuwarto bitbit ang malaking bag.


"Saan ka pupunta? Lilipat ka na kina Blake? Sa wakas ay mukhang nakapagisip-isip ka
na ng maayos," tanong ng ina nang makasalubong niya ito.

Inabot niya sa magulang ang bag. "Mga damit ito na hindi ko na ginagamit.
Magdodonate si Margareth sa isang charity. Pakibigay na lang ho, dadaanan niya ito
ngayon."

Biglang nagbago ang hulma ng mukha ng kanyang nanay. "Hay, akala ko pa naman
nakakakita na ako ng magandang senyales."

"Pakibigay Ma ha? Labas na ho ako malapit na kasi si Blake."

"Hindi ka na ba magbi-breakfast?"

"Sa headquarters na ho."

Pagkalabas niya ng bahay, nagmamadaling tinawagan niya si Margareth sa isa sa mga


tahimik na parte ng kanilang hardin.

"Hello Margareth, dumaan ka sa bahay after one hour. Kuhanin mo ang isang bag kay
Mama. Sabi ko mga lumang damit ko yun na idodonate mo sa isang charity..."

"Donation sa isang charity? Tapos na yun Alex nung isang buwan pa."
"Sandali patapusin mo muna akong magsalita... Pagkakuha mo sa bag, dalhin mo sa
headquarters ha. Basta after one hour, hindi ka pwedeng mahuli dahil pampalit ko
ang mga yun."

"Alex!!!! Inuutusan mo na naman ba ako?!"

"Oo. Hihintayin kita sa headquarters. Salamat. Bye!"

Ibinaba agad ni Alex ang telepono bago pa man makatanggi ang kaibigan. Ngingiti-
ngiting ibinalik niya ang cellphone sa handbag. Huminga siya ng malalim at payapang
hinintay si Blake sa kanilang bakuran habang pinagmamasdan ang mga pananim ng
kanyang ina. Babantayan niya na ito baka maisipan pa nitong pumasok at bumati sa
kanyang mga magulang. Sa daldal ng kanyang ina malamang na mabanggit nitong hindi
siya natulog sa bahay.

"Where have you gone this morning?"

Napaigtad siya nang marinig ang boses ng kanyang lolo. Nakangiti itong lumapit sa
kanya. Inakbayan siya nito, tinapik sa balikat at tumingin ito sa kalangitan.

"I guess my granddaughter is starting to be naughty again," nakangiting wika muna


nito bago ito bumuntong-hininga. " I heard something from Chief Martinez..."

"Lolo..."
Biglang namutla ang kanyang mukha sa pasaring ng kanyang lolo. Kinabahan siya sa
pag-aalalang hindi ito sasang-ayon sa nalaman.

Tumingin ito sa kanya habang napapangiti. "You really are my granddaughter..." wika
nito habang napapailing ng ilang beses. "... pilit mang pigilan, lulutang at
lulutang pa rin ang nananalantay na dugo ng pagiging isang pulis. Sa gitna ng pag-
ibig, nangingibabaw pa rin ang bugso ng damdamin na magtanggol lalo't lalo na kung
ito'y para sa taong minamaha;. Handang isugal kahit ang sariling kaligayahan just
to protect a person. As your grandfather and a fellow policeman, I couldn't be
prouder for your bravery..."

"Salamat po Lolo. Sadyang sa lahat ng bagay, kayo lang lagi ang nakakaintindi sa
akin."

"Don't talk that way...gusto ka rin namang intindihin ng iba pang mga taong
nagmamahal sayo kaya lang hindi mo rin sila masisi na huwag mag-alala para sayo. It
just happened that we shared the same passion that's why we understand each other
more... But Alex, I may not disagree on your decision now pero umaasa ako na sana
tinimbang mo muna nang maayos ang sitwasyon bago mo ito pinasok. Ayokong pagsisihan
mo ito sa bandang dulo."

Dahan-dahang tumigas ang mukha ni Alex at tumingin ng seryoso sa kanyang lolo.

"Lolo, alam niyong sa ating mga pulis minsan hindi mahalaga ang paninimbang sa
sitwasyon. Hindi natin kailangan ng eksaktong pormula para masabing dapat o hindi
natin dapat gawin ang isang bagay. Minsan, ang pinakaimportante sa atin ay kung ano
ang kutob na isinisigaw ng ating dibdib. At sa ngayon, sinasabi ng dibdib ko na
kailangan kong proteksiyonan si Blake. Ito ang mas pinipili kong pakinggan. Kung
sakali mang may bagay na masasakripisyo dahil sa ginawa kong ito, wala akong
magagawa kundi tanggapin iyon. Wala akong pagsisihan dahil sa ikalawang pagkakataon
wala akong ibang hangad kundi ang gawin ang obligasyon ko bilang isang pulis at
protektahan si Blake bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya..."

"Tama kayo lolo...Sa lahat ng pagmamahal na natatanggap ko at dahil nagmamahal din


ako, pansamantala kong nakalimutan ang totoong pagkatao ko. Lumutang ako sa
kaligayahan kaya't madali kong natanggap at napapaniwala ang sarili kong tuluyan na
akong binago ng pagmamahal. Para bang nakakulong lamang kami ni Blake isa isang
malaking bula at pareho kaming inililipad nito sa kaligayahang nararamdaman namin.
Pero ngayon biglang nagkaroon ng butas ang bulang nagpapalutang sa amin at alam
kong kapag hinayaan ko lang ang butas na iyon ay pareho kaming babagsak at
masasaktan. At sa aming dalawa ni Blake, ako ang nasa sitwasyon para takpan ang
butas na iyon. At kung kinakailangang ako ang magpatihulog, gagawin ko. Manatili
lamang ligtas ang taong mahal ko..."

"...at ngayong muling bumabalik na ang aking sarili, napagtanto kong hindi ko dapat
ikaila kung ano ako. Dapat kong tanggapin na hindi lamang ako isang babaeng
umiibig, kundi ako ay isang pulis din na may sinumpaang tungkulin para sa mga taong
nakapaligid sa akin. Kaya't hanggang hawak ko ang tsapa ko obligasyon kong tuparin
ang mga tungkuling iyon. At sana matanggap din ng mga taong nagmamahal sa akin na
may mga responsibilidad ako sa aking trabaho at hindi ko ito pwedeng balewalain at
pabayaan dahil lamang nagmamahal na ako. Kasama ito sa pagkatao ko kaya't dapat
kasama rin ito sa kung ano ang minahal sa akin. Sabi niyo nga minsan, na kahit
gaano man ito supilin ngunit kapag tinatawag ka na ng sitwasyon, mananaig at
mananaig pa rin ang damdamin mo bilang isang pulis."

"...kagabi habang nasa sasakyan ako at tahimik na nagmamanman para sa


imbestigasyon ng kasong hinahawakan ko. Nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-isip
ng malalim. Naisip kong hindi sagot ang pag-iwas ko sa tungkulin para manatiling
maayos at masaya kami ni Blake, ang kailangan ay pagkatiwalaan niya ako sa trabaho
ko. Ilang beses ko nang inilagay sa alanganin ang buhay ko dahil sa pagmamahal ko
sa tungkulin ko at ayokong sa kahuli-hulihang sandali ng pagiging pulis ko ay
karuwagan ang magiging dahilan kung bakit ako bibitiw. Hindi ako duwag, hindi ako
takot at lalong hindi ako iresponsable."

"Mahal na mahal ko si Blake at walang dudang handa kong iwanan ang pagiging pulis
ko para sa kanya. Ngunit aalis ako nang may magandang pangalang maiiwan at hindi
bilang isang katawa-tawang pulis na napilitang magbitiw para lamang makaiwas sa mga
panganib. Hindi ko minahal buong buhay ang kaisa-isang pangarap kong ito para
lamang humantong sa ganyan ang lahat ng pinagpaguran ko."

Huminga ng malalim si General Valdemor muling tinapik sa balikat ang seryosong


apo"I know how you feel. Alam kong nahihirapan ka ngayon. But are you sure na tama
yang desisyon mo? You can't hide this truth from Blake for a long time."

"Sa ngayon ay naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon para ipagtapat ito sa
kanya. Pinipilit kong ilihim para hindi kami mag-away. Pero alam kong kapag tumagal
at lumalim pa ang takbo ng imbestigasyon at lalo na kapag lumutang na sadyang
nakataya ang kaligtasan niya wala akong magagawa kundi sabihin sa kanya ang buong
katotohanan."

"You know I'm always on your side but please this time take good care of yourself.
You can do what you want but be responsible also for your safety for Blake's
sake."

Ngumiti si Alex at tiningnan ng diretso sa mga mata ang kanyang lolo. "Mag-iingat
po ako lolo...Wala naman ho sigurong may gustong ilagay sa kapahamakan ang kanyang
sarili."

"Ang ipinangangamba ko lang apo, hindi kaya mawala sayo si Blake nang dahil dito."

Natigilan si Alex sa narinig. Sa ilang taong relasyon nila ng kasintahan, iyon ang
unang pagkakataong may nagpasok sa isipan niya na may posibilidad na magkahiwalay
pa rin sila ng taong mahal niya. Ang isipin lang ang bagay na iyon ay parang
dinudurog na ng paulit-ulit ang kanyang puso. Pinilit niyang ngumiti upang huwag
ipahalata ang umusbong na takot sa kanyang dibdib.
"H-Hindi mangyayari yan lolo. Hindi ganyan kababaw si Blake. Kaya niya ako
pinagbabawalan dahil natatakot lang siya para sa kaligtasan ko kagaya ng takot na
nararamdaman ko na harapin ang galit niya kaya hindi ko magawang ipagtapat sa kanya
ang desisyon ko. Yan ang dapat naming tanggalin sa isa't isa, ang mga takot na
siyang maaring maging lamat ng relasyon namin. At siguro kaya dumating ang ganitong
sitwasyon para bigyan kami ng pagkakataon upang tanggalin at ayusin ang mga bagay
na kinatatakutan namin."

Ibinaling ni General Valdemor sa ibang direksiyon ang kanyang mga mata. Tumingin
ito sa may gate na tila seryoso habang nag-iisip pa rin ng malalim. Humugot muli
ito ng isang malalim na buntong-hininga.

"Alex..."

"Lolo?..."

"Si Blake?..."

"Oho Lolo.."

"Si Blake, Alex.."

"Oho lo, si Blake nga ho ang pinag-uusapan natin..." nagtatakang tugon ng dalaga
habang nakatingin sa seryosong mukha ng kanyang lolo.

"Si Blake nandyan na." sabay nguso ng matanda sa gate.


Mabilis na napalingon si Alex sa gate at agad-agad siyang nagpalit ng mukha nang
makita ang papalapit na boyfriend. Bigla siyang ngumiti ng abot tenga na para bang
wala siyang binitawang mga seryosong salita nang nakalipas lamang na ilang sandali.
Lumapit kaagad siya sa lalaki at nakangiting kumapit sa braso nito.

"Tara na Blake!" masiglang yaya niya sa binata.

"Wait. I'll greet lolo first."

Lumapit si Blake sa matandang heneral at nagmano dito. Napapailing sabay


napapalatak si General Valdemor sa bilis ng pagpapalit ng mood ng apo. Sadyang
nagiging iba ang katauhan nito kapag kasama na ang lalaking iniibig.

"Mano po lo," magalang na bati ni Blake.

"God bless you iho. How's work?" nakangiting tanong ng matanda.

"Okay naman po medyo busy but nevertheless I'm starting to enjoy it."

"Mabuti naman kung ganoon."

Humakbang patungo sa bahay si Blake ngunit mabilis itong hinarangan ni Alex.


"Oops, oops! Saan ka pupunta?"

"I'll say hi to Tita Sylvia."

"Naku huwag na! Malilate ka! Alam mo namang pag naumpisahan nun magsalita ,
napakahirap nang patigilin. Next time ka na lang bumati. Tara na. Bilisss!"

Hinila papalabas ng gate ni Alex ang nobyo. Wala namang nagawa si Blake kundi
sumunod sa gusto ng babae. At bago tuluyang makaalis ang magkasintahan, nagpahabol
muna ang mga ito ng kaway sa matandang napapangiti na lamang sa kanilang dalawa.

------

Sa loob ng sasakyan, pasimpleng numanakaw ng tingin si Alex sa paligid. Maya't maya


din siyang tumitingin sa rearview mirror.

"What's wrong with you?" puna ni Blake habang nagmamaneho.

"Wala. Bakit?" patay-malisyang sagot ni Alex na noon ay biglang umayos sa


pagkakaupo at kunwa'y nagpagpag ng suot niyang palda.
"You look worried about something. Kanina ka pa tumitingin sa salamin. May
bumubuntot ba sa atin? Did you had a dream about my old kidnapping days? It seems
that you're becoming paranoid lately."

"Eh kasi may natanggap akong report sa office. Mayroon daw kriminal na pagala-gala
ngayon tapos ang binibiktima nito ay mga gwapong mayayaman," kwento ni Alex na tila
batang nagbabalita ng isang nakakatakot na sabi-sabi.

"Ano naman ngayon?"

"Siyempre nag-aalala ako na baka isa ka sa mabiktima!" namimilog ang mga matang
sagot ng dalaga.

"I don't think so...I don't belong to the category of his victims," tatawa-tawang
sagot ni Blake.

"At bakit hindi ka kasama? Eh qualified na qualified ka nga!"

"Sabi mo gwapo at mayaman... Hindi mo sinabing ultimately handsome and extremely


rich guy," kumpiyansang sagot ng lalaki habang diretso lamang ang mga mata sa daan
at napapangiti.

"Haist! Lagi ka na lang may pangontra!" nakasimangot na bigkas ni Alex at sabay


sandal niya sa upuan habang nakahalukipkip.
"I'm just joking to loosen you up. Parang masyado yatang mabilis matense ang wifey
ko lately and your temper is starting to get shorter too," biglang may sumagi sa
isip ng lalaki at unti-unting nagliwanag ang mga mata nito. "Wait, don't tell me
there's already a little one in here," sabay haplos nito sa tiyan ng babae.

Napalunok bigla si Alex sa sinabi ng boyfriend. Tila nanlamig ang kanyang buong
katawan ngunit hindi niya ito ipinahalata sa halip ay pinilit niyang tumawa ng
mahina. Kunwa'y biro lamang ang dating sa kanya ng sinabi ng boyfriend.

"Ano ba itigil mo nga yang mga birong ganyan," malambing na tonong sabi niya.
"Hindi nga Blake huwag mong ibahin ang usapan. Nitong mga huling araw, wala ka bang
napapansin na umaaligid-aligid sayo?" may lamang tanong niya habang pilit
inililihis sa utak ng kausap ang huling sinabi nito.

Tumahimik ng ilang saglit si Blake at kunwari'y nag-isip ng mabuti. "No. I don't


recall any doubtful person around me. Isa lang naman ang madalas na umaaligid-
aligid sa akin."

"May umaaligid-aligid sayo? Kilala mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ng babae.

"Yap."

"Sino?"

"You."
"Aish! Puro ka biro!"

Kunwari'y napipikong napasandal muli si Alex sa upuan ngunit kasabay nito ay


palihim niyang kinuha ang kanyang cellphone. Patagong tinext niya si Margareth
upang maghabilin ulit dito ng isang bagay...

-------

"Good that you're already here. Kanina pa kita hinihintay," bungad ni James sa may
pintuan sa hindi pa man nakakaupong dalagang pulis.

"Bakit may update ba?" tanong ni Alex habang ipinapatong ang isang paa sa upuan
upang tanggalin ang baril na nakatago sa kanyang binti.

Lumapit si James sa mesa ng babae bitbit ang isang papel. Tiningnan muna nito mula
ulo hanggang paa ang kasamahang tila walang pakialam sa pagpapakita ng kanyang
hita. Napapangisi ito sa bihis ng babae na animo'y magtuturo sa isang unibersidad.

"Bakit ngingisi-ngisi ka diyan? Yang mga mata mo, may girlfriend ka nang tao
tumitingin ka pa sa hita ng ibang babae!"

"You're the one who's voluntarily showing your thigh. And what's with your outfit
now? Mag-iimbetistiga ka ba ng ganyan ang damit? Baka hindi ka seryosohin ng
pagtatanungan mo, aakalain nilang propesor ang kausap nila at hindi pulis."
Ibinaba ni Alex ang paa at inayos ang palda. "Dumaan na ba si Margareth?"

"Not yet. But she called, malapit na daw siya," napakunot bigla ang noo ni James.
"Teka nga, bakit mukhang inaabuso mo yata ang kabaitan ng girlfriend ko?"

"Oh huwag kang makialam sa tratuhan naming magkaibigan. Labas ka na doon. Tandaan
mo kelan ka lang pumasok sa buhay niya samantalang ako hindi pa man siya
nakakapagsalita ng tuwid, kaibigan ko na siya!" pataray na sagot ni Alex sabay
tingin sa hawak na papel ng tatawa-tawang kausap. "Ano ba yan?"

"Finger prints record sa bahay ni Divine Francisco."

Hinablot ni Alex ang papel at naupo. Nakakunot ang noo habang tahimik niya itong
pinag-aaralan.

"Anong nangyari? Bakit fingerprints na lang ng isang tao ang lumalabas? At bakit
kahit mga fingerprints ni Grace nawala?" naguguluhang tanong niya.

"I guess may naglinis ng buong bahay."

Napapalo sa mesa si Alex sa narinig. "ANO?!"

"Yeah, somebody violated our instruction."


"Sino ang naglakas loob na gumawa nito?" mataas na tonong wika niya.

"Well I can't think of anyone else except the owner of that fingerprints,"
mahinahong sagot ni James.

"Pero ano naman ang intensiyon ng naglinis ng lugar para mag-iwan siya ng
ebidensiya ng mga fingerprints niya? Teka sino ba itong Cresencia Flores na
nagmamay-ari ng mga fingerprints na to?"

"She's one of the janitress of the building."

"J-Janitress? So ibig mong sabihin maaring kapabayaan lang ito ng building


admistration kaya nalinisan yung lugar? Pero teka lang nasa atin ang susi ng
kuwarto ni Grace. Tayo ang nagtago nito para makasiguradong walang ibang
makakapasok dito habang hindi pa tapos ang imbestigasyon. Paano nakapasok ang
janitress na ito?"

"Yan ang dagdag na mga bagay na dapat mong alamin," maiksing sagot ni James kumpara
sa sunud-sunod na mga tanong ng kausap.

"Puwes, nasaan ang taong ito? Pinatawag niyo na na ba? Kailangang managot siya sa
paglabag na ginawa niya!"

"We haven't invited her yet for interrogation. I'm waiting for your instruction.
Ano ipapatawag na ba natin?"

"ALEXANDRA!!!!!"
Natigil ang seryosong pag-uusap ng dalawang pulis. Sabay na napalingon ang mga ito
sa nakatayo sa pintong si Margareth. Halata sa namumulang mukha ng bagong dating na
babae ang pagkapikon nito sa kaibigan. Galit na lumapit ito sa mesa ni Alex at
pabulagsak na inilapag ang bitbit na bag sa ibabaw ng mesa.

"Sumusobra ka na Alex! Huli na to ha?! Hindi na ako papayag na utusan mo ulit ako
ng anumang bagay na may kinalaman diyan sa pagsisinungaling mo. Ang sabi ko hindi
ako magsasalita! Wala akong sinasabing pwede mo akong kutsabahin!" nakapamewang na
sermon ng babae sa kaibigan.

Nag tengang-kawali lamang si Alex. Iniwasan niyang tingnan ang mukha ng galit na
kaibigan. Sa halip ay kinuha niya ang dinala nitong bag at mahinahong tumayo.

"Magpapalit lang ako. Magbonding muna kayo baka kulang sa lambing yang girlfriend
mo kaya mabilis uminit ang ulo," kalmadong sabi niya kay James.

Ngunit bago tuluyang tumungo sa banyo, bigla siyang may naalala. Tiningnan niya ang
nakasimangot na kaibigan at inilahad niya ang kanyang palad para hingin ang isang
bagay.

"Nasan na?" mahinang sabi niya.

"Ang alin?!" iritable pa ring tugon ni Margareth.


Tumingin muna si Alex kay James na tila bahagyang nakaramdam ng pagkaasiwa.

"Yung ano.." mahina pa ring wika niya habang isinesenyas ang nguso.

"Alin nga?!"

"Y-Yung pinabili ko sa iyo..."

"Ahh. Yun ba? Pregnancy test pack lang di mo pa masabi!"

Namula ang pisngi ni Alex sa pagkataklesa ng kausap. Binitawan niya ang bag at
natatarantang lumapit sa kaibigan. Tinakpan niya ng kamay ang bibig nito nang may
nanlalaking mga mata.

"Ano ka ba?! Pumreno ka naman! Baka may makarinig sayo, nakakahiya!"

Sapilitang tinanggal ni Margareth ang madiing nakatakip na kamay sa kanyang bibig.


"Anong nakakahiya dun? Sa edad mong yan nahihiya ka pa pagdating sa bagay na iyan,
dapat nga nag-aalaga ka na ng mga anak ngayon!" sabay abot niya kay Alex ng isang
maliit na supot.

"Tumahimik ka sabi. Hays diyan ka na nga!" napatingin si Alex sa ngingisi-ngisi


ulit na si James. "Patahimikin mo yan James, baka isipin ng mga kapwa-pulis natin
na may nagwawalang kriminal dito sa opisina ko."

"Bilisan mo ha..." utos ni Margareth.

"Oh, bakit pati pagbibihis ko oorasan mo pa? Akala ko ba mas gusto mo akong
tumagal para makapag-usap kayo ng may helmet mong boyfriend?"

Unti-unting ngumiti si Margareth. "Siyempre excited din akong malaman ang resulta."

Biglang kinabahan si Alex. "A-At bakit naman excited ka? Wala kang dapat ika-excite
alam ko ang katawan ko. Gusto ko lang makasigurado kaya ako nagpabili nito sayo."

"Siyempre alam kong may possibilidad dahil kung wala hindi ka magpapabili niyan.
Sige na pumunta ka na ng CR. Siguraduhin mong gagamitin mo yan ha! Gusto mo samahan
pa kita baka magbago ang isip mo eh."

"Huwag na. Natural gagamitin ko to, para saan pa at nagpabili ako sayo."
"Bilisan mo na. Sana naman may magandang resulta. Marami pa akong gagawin sa
bakeshop pero maghihintay ako dito para lang diyan. Ipapakita mo mismo sa akin ang
resulta ha," hindi mapakaling wika ni Margareth nang may abot tengang mga ngiti.

"Oo na..." tila kalmadong sagot ni Alex subalit ang totoo ay para siyang mabibingi
sa lakas ng ingay ng mga naghahabulang daga sa kanyang dibdib...

*****

"Ano nagdalawang guhit ba?" hindi makapag-antay na tanong ni Margareth.

Taas noong inilapag ni Alex sa mesa ang may isang guhit lamang na pregnancy test
kit. "Sinabi ko naman sayong wala kang dapat ipagdiwang dyan!" nagmamalaking sabi
niya.

Mabilis namang ipinaling ni James ang ulo sa ibang direksiyon pagkatapos makita ang
nakabuyangyang na pregnancy test pack. Siya na mismo ang nakaramdam ng hiya sa
nakikita at naririnig na sensitibong bagay na pinag-uusapan ng magkaibigan.
"May kukunin lang muna ako sa table ko. I'll give you guys some moments to discuss
your female issues," sabay lakad ng lalaki papuntang pintuan.

"Sandali Babes!" tawag ni Margareth sa nobyo. "Aalis na rin ako. Wala na kaming
pag-uusapan ni Alex. Haist, sayang lang ang oras ng pinaghintay ko. Akala ko pa
mandin may dahilan na para tumigil ka diyan sa mga pinagagawa mo ngayon."

"I'll be back in a while Alex," paalam ni James sa kasamahan.

"Okay. Bye Margareth!" masiglang wika ni Alex nang may abot tengang mga ngiti.

Pagkalabas na pagkalabas ng magkasintahan sa silid ay agad na nabura ang mga ngiti


ni Alex. Napahawak siya sa dibdib at paulit-ulit na bumuntong-hininga. Tinitigan
niya muna ang ginamit na PT pack at saka ito itinapon. Hanggang sa natigilan siya
nang biglang may pumasok sa kanyang isipan. Napatingin siya sa computer at dali-
dali niya itong ginamit.

"Contraceptives..."

"How to use pills..."

Nagpalingon-lingon muna siya sa paligid at saka tahimik na binasa ang mga


impormasyong nahanap sa internet. Sa sitwasyon niya ngayon, mas lalong hindi siya
dapat mabuntis. Siya na lang muna ang mag-iingat.

"Pwede na bang ituloy ang pag-uusap natin?"


Napaigtad siya sa kinauupuan. Sa sobrang kaseryosohan sa pagbabasa, hindi niya
namalayang nakabalik na at nakaupo na pala sa harap niya si James.

"Mukhang seryoso ka sa binabasa mo. Tungkol ba sa kaso yan?" tanong nito at sabay
dako ng mga mata sa monitor.

Natatarantang pinatay ni Alex ang computer bago pa man makita ng kasamahan kung ano
ang pinagkakaabalahan niya.

"Ah wala! Tinitingnan ko lang ang mga latest na articles tungkol kay Sophia
Vasquez.. Balak ko kasing makipagkita sa kanya isa sa mga araw na to," nakangiting
palusot niya.

"Ah I see, pero bakit kailangan mo pang patayin ang pc?"

"Oo nga pala, bakit ko nga naman pinatay? Siguro dahil nagulat ako. Alam mo na,
nasanay na ang aking subconcious sa pagiging alerto dahil sa pagsesekreto ko kay
Blake," dagdag na pangangatwiran niya. "Itigil mo na nga yang pang-uurirat mo,
nakaalis na nga si Margareth tapos ikaw naman ang papalit. Ituloy na natin yung
pinag-uusapan natin. Nasan na nga ba tayo?"

"About the janitress. Ipapatawag na ba natin siya? Sabihin mo lang at paiimbitahan


ko na siya dito."

"Huwag muna. Magmamanman pa rin tayo at kasama na ang janitress na yan sa mga
oobserbahan ko. Mas hindi nakapagsisinungaling ang mga galaw kaysa sa mga salita,"
seryosong sagot ng babae at sabay tayo nito.

"Where are you going?"

"Sa condo ni Grace, magmamasid-masid ulit. Sayang ang oras. Importante sa akin ang
bawat minuto para sa kasong ito dahil maiksi lamang ang ibinigay kong panahon sa
aking sarili para tapusin ito."

"Do you want an escort?"

"Huwag na, istorbo lang yan sa diskarte ko."...

-----

Napatayo si Blake sa kanyang desk nang makita kung sino ang walang pasabing bisita
na bumulaga sa kanyang opisina.

"Lo-... I mean chairman?" gulat na bungad niya sa kanyang lolo pagkapasok nito ng
pintuan.
Inayos muna ni Don Henry ang kanyang coat bago komportableng sumandal sa mahabang
sopa. Agad namang pumasok ang sekretarya ni Blake at inalok ng maiinom ang dalawang
amo.

"Give me a hot tea please," pormal na wika ng matanda.

"Yes chairman. Kayo po Sir Blake?" tanong ng sekretarya.

"I'm fine. I don't need anything."

Naupo si Blake sa tapat ng chairman. Naalarma siya sa pagdalaw nito sa kanya.


Pagdating sa kumpanya, napakaimportante ng oras nito para magawa pa siyang puntahan
sa kanyang opisina.

"If you need to talk to me then you should've told me to visit your office
instead," mapagkumbabang wika niya sa chairman.

"It's alright gusto lang ng lolo mo na bisitahin ang personal na opisina ng kanyang
apo. I'll be flying to France tonight so I want to see you before I leave."

"I know, you'll be attending a series of conventions worldwide, right?"

"That's right. I'll be gone again for almost a month so I'm worried about you."
Napangiti si Blake."Stop worrying about me, I'm a grown-up man now. Stop treating
me like the older days baka may makarinig na mga empleyado, nakakahiya."

Pumasok ang sekretarya na may dalang tsaa. Tumahimik muna si Don Henry at hinintay
na makalabas ang nasabing staff.

"You're my precious grandson so how come I can stop worrying about you. Even until
now, your grandfather can't accept the idea na magalusan ka kahit kaunti," tatawa-
tawang bigkas ni Don Henry.

"Lolo, that joke is giving me a goosebump. You don't mean it right? You know that
in our business, there's not enough room for softness. So if you want me to take
over, then I need to be wounded all over my body to learn toughness. Trust me I
won't bend to any hardship." nakangiti ngunit malamang sagot ni Blake.

"Look at you, totally acting like a different person in front of your lolo. Where
was my grandson Blake who whines most of the time?"

"He changed but don't worry he's still your grandson," tatawa-tawa ring sagot ng
binata.

Huminga ng malalim si Don Henry at inilibot ang mga paningin sa loob ng opisina ng
apo. "Okay ka lang ba dito sa opisina mo? Do you feel comfortable working here?"

"Yes. This office is nice and even Alex liked it. She said it's location is good
too."
"Really? I'm glad that she liked it," nakangiting sabi ng matanda habang umiinom
ang tsaa.

Napalunok si Blake. Hindi niya nga lang masabi ang dahilan kung bakit natuwa ang
girlfriend sa lokasyon ng opisina niya.

"You're here not just because you worry about me right? You won't waste your
working time just to babysit your grandson. I assume na may pag-uusapan din tayong
trabaho," diretsong sabi niya sa lolong nagpapasikot-sikot ng paksa.

"Yes," nakangiting sagot ni Don Henry na noon ay hindi maikakaila sa sarili ang
sayang nararamdaman sa nakikitang malaking pagbabago ng apo. "You're really a smart
one although I'm a bit disappointed na hindi ka na pwedeng lambingin ng iyong
lolo."

Ngumiti ulit si Blake. "Pwede pa naman tayong maglambingan Lolo but this time let
show it by exchanging good jobs in this company."

"Okay let's start discussing our good job," napapabuntong-hiningang wika ng


chairman.

Umayos ng pagkakaupo niya si Blake upang ihanda ang sarili sa seryosong pakikinig
sa kausap.

"I read the draft of your business proposal and I must say it's too risky. Don't
propose it yet to the next board meeting. I don't think they'll be impressed."
Napakunot ng noo si Blake. "Why is it too risky? I don't see any impossibilities
with my proposal."

"Oil exploration is too big for you."

"Too big? But that's what this company dreams pero hanggang ngayon ay hindi pa rin
narerealize. And that's the thing I want to achieve once I take over this company,
so can't I start as early as now? I believe that we can only call ourselves oil
tycoons if we have our own oil resources."

"I understand your point. But if you tell those words to the board, same as what I
feel about you now, they'll be scared of you too."

Napangisi si Blake sa narinig. "Why am I being scary? Is it because I show such


high ambition for my age?"

"Yes," diretsong sagot ni Don Henry. " And you'll bring fears to the board. You're
still too raw to think this big. So instead of gaining the trust of the directors,
they will see your agressiveness. At minsan ang sobrang tapang, ambisyon at
pagiging agresibo ay nagbubunga ng mga maling desisyon. This project is too risky,
costly and dangerous so I don't think you'll get the trust of the board as early as
now for this kind of big project."

"So what do you want me to do?" mahinahong tanong ni Blake na noon ay bahagyang
nahimasmasan sa paliwanag ng lolo.

"For now, give up on this business proposal. I trust you and I believe that it
won't be impossible for you to turn it into a reality in the future. Pero sa ngayon
magsimula ka muna sa maliliit na project."
"Like what?"

"Golden Pacific will be launching a new brand of car lubricant and I want you to be
the overall incharge of it."

"New car lubricant? Wait, are you referring about the proposal of Debbie?"

"Yes."

Napangisi ulit si Blake. " So are you telling me that you're favoring Debbie's
proposal over your grandson's proposal?"

"For now, yes. Because her proposal is the most appropriate for you to handle
nowadays. I want you to make this project to be an extremely successful one and I
believe you can do it. Blake, I want you to achieve something for the company as
early as possible because after that I'm planning to tell the board that I want you
to start functioning as Golden Pacific's CEO."

Natahimik ng ilang saglit si Blake upang pag-isipan ang sinabi ng kanyang lolo.

"Okay, if that's what you want. I guess I have no choice but to trust you. I know
you're not capable of making a wrong decision."
"Mabuti naman at ang pagsunod sa iyong lolo ay hindi isa sa mga nagbago sayo,"
nakangiting wika ni Don Henry at sabay tayo nito. "I won't stay any longer, marami
pa akong gagawin."

Tumayo din si Blake. "I'll walk you to your office."

Sinamahan ng binata ang kanyang lolo sa paglalakad patungo sa opisina nito. At


habang binabaybay nila ang pasilyo biglang may inungkat si Don Henry.

"Oo nga pala. May nakarating na balita sa akin na pumunta daw dito si Alex."

"Yes she did, that's why I was able to tell you earlier that she liked my office."

Napailing ng ulo ang matanda. "That's not what I meant. They said that she came
here to investigate about the death of one of our employees?" sabay dahan-dahang
kumunot ang noo nito. "Don't tell me she's back with her undercover job again.
What's wrong with her doing these risky things again instead of thinking about your
marriage?"

Biglang napalunok si Blake. Pakiramdam niya ay pansamantalang nawalan ng kulay ang


kanyang mukha.

"D-Don't overreact, Lo. A-Alex won't do that. She won't break her promise. S-She
already explained to me what happened. Yung kasamahan niya na gagawa ng inspeksiyon
at interviews was not around that day so she temporarily took the job,"
kinakabahang pagtatakip niya sa girlfriend. "I talked to her about that matter. She
already apologized and promised me that she won't do it again."
"Mabuti naman kung ganun. How about the thing I told you to start working hard?"
ngingisi-ngising tanong ng matanda.

"Which one?" nagtatakang sambit ni Blake.

"The new grandchild."

Agad na gumuhit ang pilyong mga ngiti sa mukha ng binata. "Ah, I guess in that one
I'll wholeheartedly follow you Grandpa. Don't worry, this grandson of yours is
starting to really really work hard on that."

Ngumiti din ng pilyo si Don Henry at pabulong na kinausap ang apo. "Why don't you
let her stay in our house habang nasa biyahe ako. Use this as an excuse to her para
samahan at alagaan ka niya," sabay bigay sa nakangising si Blake ng isang
makahulugang kindat.

"Yes. I will. Thanks for the idea," tatawa-tawang sagot ng binata.

----

Nakaupo sa hood ng sasakyan si Alex habang naglalaro sa cellphone. Nagpapahangin


lang siya ng ilang saglit dahil mahigit dalawang oras na siyang nasa loob ng
sasakyan habang seryosong nagmamasid malapit sa iniimbestigahang gusali. Nang mag-
angat siya ng mukha, eksaktong lumalabas naman ng building ang janitress na lumabag
sa kanilang utos.
Nagmadali siyang bumalik sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina nito. Pinatakbo
niya ito ng mabagal upang sundan ang naglalakad na nasabing empleyado. Medyo may
katandaan na ang janitress. Sa tantiya niya ay malapit na itong umedad ng sisenta
kaya't nagtataka siya sa motibo nito at kung paano ito nagkalakas-loob na galawin
ang iniimbestigahan nilang lugar.

Habang naglalakad ang matandang babae, biglang may tumigil na itim na kotseng BMW
sa tabi nito. Napahinto ito nang mapansin ang sasakyan. Mabilis ring itinigil ni
Alex ang pagmamaneho at kinuhanan ng mga litrato ang tanawing nakikita. Bumaba sa
nasabing kotse ang isang lalaking nakasuot ng sombrero, itim na t-shirt at maong na
pantalon. May katangkaran ito, matipuno ang pangangatawan at mukhang nasa trentahan
pa lamang ang edad nito. Lumapit ito sa janitress at kita niyang may iniabot ito sa
matanda.

Sa kalagitnaan ng sidewalk, natural lamang ang hitsura ng pag-uusap ng dalawa.


Nakangiti ang janitress habang nakikinig at tumatango sa kausap. Pinag-aralang
mabuti ni Alex ang hitsura, tindig at pangangatawan ng lalaki. Pamilyar ito sa
kanyang mga mata. Inisip niyang maiigi kung saan niya nakita ang ganung hitsura. At
nang natapos na ang pag-uusap ng janitress at ng lalaki saka lamang niya naalala
kung saan niya ito nakita. Sa CCTV na ipinapanood sa kanila ni James! Mukha siya
ang lalaking nakajacket at nakasombrero doon.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan at nang makaalis ang lalaki, bumaba siya dito.
Binilisan niya ang paglalakad upang sundan ang janitress. At nang makalapit siya
dito, nakangiting tinabihan at sinabayan niya ito sa paglalakad.

"Hi Nay!" masigla at nakangiting bati niya dito.

Gumanti rin ito ng ngiti sa kanya bagama't halatang nagtataka ito. "Sino ka ineng?"

"Ako po si Alex, madalas po akong bumisita sa pinagtatrabahuan niyong condominuim,


sa Helvia Tower. Palagi ko kayong nakikita doon, di po ba isa kayo sa mga utility
staff doon?" sagot niya nang may palakaibigang tono.
"Tama ka doon nga ako nagtatrabaho. Naku pasensiya ka na ineng medyo may kahinaan
na ang memorya ko kaya hindi na ako masyadong nakakatanda ng mukha."

"Hindi niyo ho ba naalala na minsan ay nagkakasabay tayo sa elevator?" tanong ni


Alex nang may namimilog na mga mata.

"Hindi eh," naguguluhang sagot ng matanda. "Bakit mo nga pala ako nilalapitan? May
kailangan ka ba ineng?"

"Ah wala naman ho. Magkasunod lang ho tayong lumabas ng building at napansin kong
medyo napagod ho ata kayo ng sobra sa trabaho. Tapos na ho ba ang duty niyo?"

"Oo, pauwi na ako sa amin. Naglalakad lang ako hanggang sakayan, wala kasing
dumadaang jeep dito papunta sa amin."

"Tamang-tama Nay! Nagugutom ho ako, gusto niyong kumain sa may fastfood diyan sa
kanto," yaya ng dalaga nang may abot tengang mga ngiti.

"Naku huwag na. Nakakahiya naman sayo."

"Sige na Nay, wala ho sa akin ito. Sa totoo lang matagal ko na kayong gustong
yayain kumain lalo na't pag nakikita ko kayong parang pagod na pagod sa trabaho.
Kaso hindi ko lang talaga natitiyempuhang libre kayo. Kaya pagbigyan niyo na ako
ngayon pleaseeee," maamong pakiusap ng dalagang pulis.
Nag-aalangang ngumiti ang janitress. "S-Sige nagugutom na nga rin ako. K-Kaya lang
baka kulangin ako sa pambayad," nahihiyang sabi nito habang napapakamot sa ulo.

"Huwag kayong mag-alala Nay! Akong bahala, orderin niyo lahat ng gusto niyong
kainin. Ililibre ko kayo!"

Isinama ni Alex sa isang malapit na fastfood ang janitress. Masigla at masaya


silang kumain. Mabait naman kausap ang matandang babae at halatang tuwang-tuwa ito
sa kanya. At nang maubos nila ang lahat ng nakahaing pagkain sa mesa, saka niya
sinimulang magpahaging ng mga katanungan.

"Naalala ko lang Nay. Nang hinahabol kita kanina may nakita akong lalaking kumausap
sa inyo kaya hindi agad ako nakalapit. Sino po ba yun? Anak niyo po ba? Pamangkin o
kamag-anak? Hindi ko gaanong nakita ang mukha nakasumbrero kasi eh. Gwapo ho ba?
Pakilala niyo naman ako para magkaboyfriend na ako."

Natawa ang matanda sa kanya. "Hindi ko siya kaano-ano. May pinapakisuyo lang sa
akin ang taong yun. Nakita mo namang mukhang mayaman di ba? Ang kasinghirap na
katulad ko imposibleng magkaroon ng ganung anak o kahit pa malapit na kamag-anak
man lang.Tsaka hindi rin ako naniniwalang wala kang boyfriend, sa ganda mong yan,"
napapailing na sagot ng janitress.

Unti-unting nagseryoso ng mukha si Alex. "Ano ho ba ang pinapakisuyo niya sayo?"

"Naku alam mo bang kawawa naman ang taong iyon," namimilog ang mga matang bulong ng
matanda.

"Bakit naman ho?"


"Eh kasi boyfriend pala yun nang nagpakamatay na babae sa building. Kawawa naman
yun, laging sinisisi ang sarili sa pagkamatay nung tao. Ayaw daw kasi ng magulang
niya sa babae kaya't nagkaroon sila ng kaunting hindi pagkakaunawaan at nang
kinaumagahan nga ay nagpakamatay na ang babae. Sabi niya gusto niya na nga ring
magpakamatay at sumunod sa girlfriend niya. Kinausap ko nga yun ng masinsinan upang
payuhan at kumbinsihing huwag tularan ang pagkakamaling ginawa ng kanyang
girlfriend. Hay, nakakatakot ang ganyang pag-ibig. Kaya't ikaw kung iibig ka,
umibig ka sa tamang paraan. Hindi solusyon ang pagpapakamatay sa kahit anong
problema."

"Ah-eh huwag kayong mag-alala, hindi po ako ganyan pag nagmahal. Eh ano nga ho ba
ang pinakisuyo niya sayo?"

"Pinalinis niya sa akin ang bahay ng pumanaw niyang girlfriend. Sabi niya gusto
niyang manatili itong malinis dahil naniniwala siyang naroroon pa rin ang kaluluwa
ng babaeng mahal niya. Kaya't nakiusap siyang linisin ko maging ang kasuluksulukan
ng unit. Galit daw kasi ang girlfriend niya sa maduming lugar."

"Teka sa pagkakaalam ko ang unit na iyon ay hindi pinapagalaw ng mga pulis. Pero
bakit niyo pinakialaman hindi ba kayo natakot na baka makasuhan kayo?"

"Alam ko pero sabi niya pumayag daw ang mga pulis at sila pa daw mismo ang nagbigay
sa kanya ng susi ng unit. Naniwala na ako nang iniabot niya sa akin ang susi kasi
ang alam ko rin ang mga pulis nga ang nagtatago ng susi ng bahay nung babae."

"Eh bakit siya ulit nakipagkita sa inyo kanina?" tanong ulit ng dalaga.

"Inabot niya ulit sa akin ang susi ng unit. Pinapahanap niya ulit sa akin ang
cellphone ng girlfriend niya. Pinahanap niya na rin iyon sa akin nung naglinis ako
kaso hindi ko nakita. Sabi niya importanteng-importante daw yun sa kanya dahil
marami daw dung mahahalagang mga alaalang larawan nilang dalawa."
"Bakit kailangan ikaw pa ang maghanap? Bakit hindi na lang siya tutal may susi
naman pala siya?"

"Hindi niya pa daw kayang makita ang bahay ng namatay na girlfriend. Masasaktan daw
siya ng sobra kapag bumalik sa alaala niya ang masasayang sandali nila ng babae sa
bahay na iyon," malungkot na wika ng janitress na noon ay halos naluluha-luha na sa
sobrang pagsisimpatiya sa lalaki.

Napangisi si Alex sa mga sinabi ng kausap. Unti-unting nagbago ang hulma ng kanyang
mukha. Nawala ang palakaibigang mga ngiti at dahan-dahan itong nagseryoso.
Tiningnan niya ng diretso sa mga mata ang kausap at bumuntong-hininga.

"Ganito ho ba kayo kabilis maniwala sa mga di kilalang taong nakakausap niyo?"

"A-Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ng matandang babae na noon ay


napansin din ang biglang pagbabago sa tono at pananalita ng kausap.

"Hindi niyo man lang ba pinag-isipan munang maigi ang mga utos sa inyo ng lalaking
iyon bago ito sundin? Hindi man lang ba pumasok sa isip niyo na baka kaya ka
pinaglilinis ay para mabura ang mga fingerprints sa unit? At kaya pinapahanap sa
inyo ang cellphone dahil maaring may mga ebidensiyang makita dito? Sa tingin niyo
ba walang posibilidad na may iba pang duplicate ang susi ng bahay ng namatay. Sa
tingin niyo iimbestigihan pa ba ng mga pulis ang pagkamatay ng nakatira sa unit na
iyon kung kumbinsido silang simpleng suicide nga lang ito?" dirediretsong madiing
pagtatanong ni Alex.

Natulala ang janitress habang nag-iisip ng malalim. Halatang noon din lamang nito
napagtanto ang ibig sabihin ng mga katanungan ng dalaga.
"S-Sa tingin mo, nagsisinungaling lang ang lalaking iyon?" kinakabahang bigkas
nito.

Tumango si Alex.

"P-Papaano ngayon yan? Makukulong ba ako? Makakasuhan ba ako kahit hindi ko namang
intensiyong suwayin ang mga pulis? Kahit ba niloko din lang ako, makukulong pa rin
ako?"

"Malaki ang posibilidad na madiin kayo dahil fingerprints niyo na lang ang nagkalat
sa buong unit... Pero huwag kayong mag-alala hindi ko kayo ikukulong basta't
susunod kayo sa iuutos ko."

Natigilan ang janitress at nagtatakang tiningnan nito ang dalaga. " Anong ibig mong
sabihing hindi mo ako ikukulong?" sabay bigla itong napanganga. "P-Pu-Pulis ka ba?"

Nakangiting tumango si Alex sabay labas niya ng kanyang tsapa. "Ako lang naman ho
ang pinahirapan niyo dahil sa paglilinis na ginawa niyo."

"Kaya ka ba lumapit sa akin dahil diyan?"

"Oho. Sino ho ba ang mas magaling umarte sa amin ng lalaking yun?" nakangising
tanong ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata ng janitress at bigla itong nataranta. "Ma'am huwag niyo po
akong ikukulong! Patawarin niyo ako! Wala po talaga akong kasalanan!"

"Huminahon ho kayo. Sinabi ko naman sa inyong palalampasin ko ang ginawa niyo...


kapalit ng isang kondisyon." nakangiti ngunit madiing wika ni Alex sabay hawak sa
isang palad ng kausap.

"A-Anong kondisyon?" kinakabahang tanong ng matanda.

"Siguradong babalikan ka ulit ng lalaking iyon para hanapin sa iyo ang cellphone at
bawiin ang susi. At kapag nangyari yun, ang una mong gagawin ay ang huwag sabihing
kinausap ka na ng pulis tungkol dito. Sakyan mo lamang ang bawat sasabihin niya
ngunit wala kang susing dapat ibalik. Sabihin mong nakalimutan mo ito at magkita na
lamang kayo sa ibang araw," sabay naglabas ng ballpen si Alex at nagsulat ng numero
sa tissue paper." Pagkatapos tawagan mo ako sa number na to. Ako ang magbibigay
sayo ng araw at lugar kung kelan at saan mo isusuli ang susi."

"P-Paano kong hindi ko kaya? Baka mahalata ako Ma'am dahil hindi ho ako magaling
magsinungaling."

"Kayanin niyo...dahil ito ang kabayaran ng padalos-dalos niyong desisyon. Kung


hindi niyo pinakialaman ang unit baka natrace ko na ngayon kung sino ang lalaking
yan!"

"P-Papaano kung hindi niya na balikan ang susi?"

"Babalikan niya yan, basta't pag kinausap ka niya sabihin mong nahanap mo na rin
pati cellphone at sabay mo ang mga itong ibibigay sa kanya. Ako na ang bahala sa
cellphone, alam ko kung nasaan ito."
"S-Sige ho, susubukan ko."

"Huwag niyong subukan, gawin niyo," matigas na salita ng dalagang pulis. "Dahil
kung hindi wala ho akong magagawa kundi ang idamay kayo sa mga makakasuhang
suspects."

"Sige ho. Gagawin ko," namumutlang sagot ng janitress.

Ngumisi si Alex, nagpagpag ng suot na jacket at tumayo. "Paano ho. Hihintayin ko na


lang ang tawag niyo. Huwag na huwag ho kayong magkakamaling suwayin ulit ang utos
ko. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na nasa paligid lamang ako, tahimik na nagmamasid
sa mga taong pinagdududahan ko."

"H-Hindi ko ho kayo susuwayin. S-Susunod po ako sa utos niyo."

"Aasahan ko yan. Sige ho mauna na ako."

"S-Salamat sa pagkain, Ma'am."

"Walang anuman."

Taas noong naglakad papalabas ng pintuan si Alex at bago pa man siya makalayo sa
fastfood, tumunog ang kanyang cellphone.
"Oh James bakit?"

"Where are you?!" nagpapanic na tanong nito.

"Tinatrabaho ang kaso. Bakit sa palagay mo ba naglalakwatsa lang ako? May magandang
balita ako sayo mamaya, nakabingo ako ng malaking impormasyon ngayon. Yes!" tuwang-
tuwang balita ng dalaga.

"Mamaya ka na magsaya. Bilisan mo! Andito sa headquarters si Blake!"

Muntik nang mabitawan ni Alex ang cellphone. Natatarantang tumingin siya sa relos.
Alas-sais na ng hapon, oras na nga pala ng sundo sa kanya ng boyfriend. Napapalo
siya sa noo dahil na naman sa kanyang kapalpakan. Sa lahat ng pwedeng makalimutan,
ang sundo pa ng lalaki ang nakalimutan niya.

"Te-te-teka James...Anong sabi mo? Nasaan siya? Pumasok ba sa headquarters?"

"No he's outside waiting inside his car. Sabi ko kausap ka ni Chief sa meeting
room. I told him na baka magtagal pa ng mga thirty minutes ang pag-uusap niyo."

"Naku! Salamat James. Babalik na ako diyan!"

"Hurry up!"
"Oo paliliparin ko na ang kotse ngayon na!. Bye!"

Mabilis na tumakbo si Alex patungo sa pinagparadahan ng sasakyan at agad itong


pinaharurot. Habang nagmamaneho, tumawag muli siya kay James.

"Yes SPO Rodriguez?" sagot sa kanya ni James.

"Anong pinagsasabi mo? Si Captain Valdemor to."

"Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap because I'm in front of an important
friend right now," sagot ulit ng kasamahang pulis.

"Kaharap mo ngayon si Blake?"

"Yap. Kaya't importante ba yang sasabihin mo or pwedeng mamaya na."

"J-James, kasi yung nakahanger kong mga damit sa office ko. Pwede bang pakipadala
malapit sa likurang pinto ng headquarters. Doon kasi ako dadaan, kailangan kong
magpalit ng damit bago humarap kay Blake. Pakisabi na lang kahit sa sino diyan."

"Sure SPO Rodriguez, sasabihin ko sa ibang kasamahan natin yang request mo. Is that
all?"

"Twenty minutes nandiyan na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Blake ha. Iwasan mo
ring makita niyan si Chief ha!"

"Sure. I know what to do, trust me. Bye."

"Bye. Thank you."

Hitsurang nangangarera na naman si Alex habang nagmamaneho at sa tuwing may


namamataan siyang mga traffic enforcer na tila may balak mangharang sa kanya ay
agad niya itong pinapakitaan ng tsapa.

Pagdating sa headquarters, sa likod niya ipinarada ang sasakyan. Walang gate dito
at wala siyang madadaanan maliban sa may kataasang pader. Tumawid siya sa kabilang
sidewalk para bumuwelo. Mula sa kabilang sidewalk, tumakbo siya ng mabilis at
tumalon ng mataas. Parang lumilipad sa gaan ng katawan na inakyat niya ang mataas
na pader at saka tumalon nang tila hindi man lamang nahirapan. Nakatayo pa rin
siyang sumayad sa lupa.

Tumakbo siya papasok ng headquarters at pagkapasok niya sa likurang pintuan, agad


niyang hinanap ang kanyang pamalit na damit. Pagkakita dito ay nagmamadali siyang
pumunta sa pinakamalapit na banyo. Pagkabihis ay hinihingal na iniligpit niya ang
pinagbihisan at tumungo sa kanyang opisina para kunin ang handbag at magsuot ng
sapatos na may takong. Naglagay din muna siya ng kaunting lipstick at pabango bago
tuluyang lumabas ng headquarters.
"Oh Alex is here," sambit ni James pagkakita nito sa kanya.

Nag-uusap ang dalawang lalaki sa tabi ng nakaparadang sasakyan ng nobyo at halatang


parehong nag-eenjoy ang mga ito sa kanilang pinaguusapan.

Nakangiting lumapit siya kay Blake at binigyan ito ng isang damping halik sa labi.
Pagkatapos ay makahulugang ngumiti siya sa kasamahan.

"Salamat James sa pag-aasikaso kay Blake."

"No problem. It's a good thing though dahiil medyo may katagalan na rin kaming
hindi nagkakausap ng maayos ni Blake. Paano Bro, I'll go inside now," paalam nito.

"Thanks James! Nice talking to you. Let's have a drink some other time,"
nakangiting paalam ni Blake.

"Sure!" nakangiti ring sagot ni James at sabay kaway nito.

Pumasok ang magkasintahan sa sasakyan.

"As you promised, you're sleeping in my house tonight, right?" sabi agad ng binata
sa kasintahan.
"O-Okay," hinihingal na tugon ni Alex.

"What's wrong with you? You look like you're gasping for breath," puna ng lalaki.

"Ah-eh tumakbo kasi ako ng mabilis mula meeting room. Alam mo namang ayokong
pinaghihintay ka. Ganyan kita kamahal, sobra. Whooh!" sabay buga ng dalaga ng isang
malakas na hinga na noon ay halatang hindi pa rin nakakarecover sa matinding
pagkahingal at nerbiyos...

*****

"Sophia pahinging autograph!"

"Papicture naman Sophia!"

"Ang ganda mo Sophia Vasquez. I love you!"

Mula sa di kalayuan tinatanaw ni Alex ang sikat na dalaga habang papasakay ito sa
SUV at pinagkakaguluhan ng mga tagahanga. Nakakubli siya sa isang puno sa may
sidewalk habang kinakausap ng tingin ang isang lalaking mukhang snatcher na
nakatayo mga ilang metro ang layo mula sa kanya.

Sumakay ang modelo at nag-umpisang umandar ang sasakyan nito, sinenyasan niya ang
nakatayong lalaki. At nang malapit na sa kanila ang sasakyan, bigla patakbong
tumawid ng kalsada ang lalaki.
Kunwa'y hinabol niya ito. "Hoy bumalik ka dito! Magnanakaw ka!"

Huminto siya sa gitna ng kalsada at lumingon sa paparating na sasakyan. Pumereno ng


malakas ang SUV at napahinto ito sa eksaktong kinatatayuan niya. Sinadya niyang
ibundol ng mahina ang kanyang katawan sa sasakyan pagkuwa'y agad siyang humandusay
sa kalsada at nagkunwaring nahimatay.

"Miss! Miss! Okay ka lang?" narinig niyang sabi ng isang boses lalaki na sa wari
niya'y siyang driver ng sasakyan.

Hindi siya gumalaw at nanatiling nagkunwaring walang malay. Binuhat siya ng driver
at natatarantang isinakay siya sa sasakyan. Sa mga sandaling iyon ay
ipinapanalangin niya na sana ay natatandaan pa rin siya ni Sophia para maging
madali ang lahat.

"Anong nangyari Manong? Nakasagasa ka ba? Oh my god! I'm about to die in


nervousness!" dinig niyang salita ni Avina habang inaayos ng drayber ang
pagkakasandal niya sa upuan.

"Hindi ko alam Ma'am kung natamaan ko siya. Dalhin na lang ho natin sa hospital!"

"Hurry up Manong! She looks hurt!"

Iniupo siya sa tabi ni Sophia. At nang maramdaman niyang umaandar na ang sasakyan,
umungol siya ng mahina.
"Huh? She's moving now!" bulalas ni Sophia.

Saka siya unti-unting nagmulat ng mga mata. Nakatutok sa kanya ang mukha ng modelo
at nang magkatitigan sila ay bigla itong napakunot ng noo.

"M-Maya?" naghahalong pagtataka at pagkagulat na sambit nito.

Nagkunwari din siyang nagulat pagkakita sa babae. "S-Sophia?"

"Oh my god! Manong I know her! Maya, ikaw nga!" biglang bulalas ni Sophia at
kinapa-kapa siya nito sa katawan. "Are you hurt?! We're bringing you to the
hospital now," sabi nito nang puno ng pag-aalala habang nanlalaki ang mga mata.

Umayos siya ng pagkakaupo at nag-inat ng leeg. "O-Okay lang ako, hindi naman ako
nasaktan. Huwag niyo na akong dalhin sa hospital."

Nakita niya kung gaano nakahinga ng maluwag ang driver.

"But you fainted. Baka you're hurt somewhere else kaya dapat ka pa ring madala sa
hospital," pagpupumilit ni Sophia.

"Nahimatay ako dahil sa matinding pagkagulat pero hindi naman ako tinamaan ng
sasakyan. Kaya huwag kayong mag-alala, okay lang ako," nakangiting sabi niya at
sabay tingin niya sa driver. "Huwag niyo na akong dalhin sa hospital Manong. Itabi
niyo na lang ho bababa na ako."

"Sigurado kayo Miss?"

"Oo itabi niyo na lang ho ang sasakyan," maamong salita niya.

"Wait! You can't just leave like that. Although medyo awkward ang muli nating
pagkikita, still I'm happy to see you again. Let's have some coffee or any
refreshments so you can calm yourself too. I want to have chat with you more," yaya
sa kanya ng modelo.

Bingo! Hindi masukat ang ngiti niya sa isipan.

Hindi agad siya sumagot. Kunwari'y nag-isip muna siya saka ngumiti. "S-
Sige...natutuwa nga rin akong makita ka uli. Kaya lang hindi ka ba busy ngayon?"

"No. I'm done with my appointments for the day. Pwedeng-pwede tayong magkumustahan
ng matagal! How about you? Do you have some spare time now?"

"Okay din lang sa akin."

"It's great then! Manong can you bring us to my favorite coffee shop in Mandarin
Hotel."
Dinala sila ng driver sa nabanggit na hotel at pagdating sa coffee shop sabik na
sabik na nakipagkumustahan sa kanya si Sophia. Wala pa ring gaanong pagbabago sa
ugali nito. Ito pa rin ang palakaibigan, mabait at malambing na Sophiang nakilala
niya.

"I still can't believe we meet again this way," masiglang wika nito nang makaupo
sila sa mesa.

"Kumusta ka na?" tanong niya sa modelo.

"I'm fine. I finished studying but still eto pagmomodel pa rin ang
pinagkakaabalahan ko."

"Balita ko nga na mas lalong gumanda ang career mo at pati ikaw gumanda rin ng
sobra," nakangiting puri niya sa dalaga.

"Thank you. How about you?" sabi ng modelo habang dahan-dahang nagseseryoso ng
mukha. "I discovered something from the news way back when Blake and I just ended
things between us, you were a secret agent, right? A-And was it true that you
pretended to be Blake's classmate to protect him from the kidnappers?" nag-
aalinlangang tanong nito.

Tumango siya.

"And one more thing Maya..."


"Actually Sophia, hindi Maya ang totoo kong pangalan. I'm Alexandra or tawagin mo
na lang akong Alex," pagputol niya sa sinasabi ng kausap.

"Yeah I've learned about that too, hindi ko nga lang matandaan kung ano ang totoo
mong pangalan. The name Maya is the one that still sticks to my mind... So it's
Alex then. Do you stil have the same job, Alex?"

"O-Oo...Actually may hinahabol nga akong snatcher kanina nung muntikan niyo na
akong mabangga," ngingiti-ngiting paliwanag niya habang umiinom ng kape.

"That's explain why you were so brave and cool back then... Ah back to what I was
saying, n-nabalitaan kong nagkamabutihan daw kayo ni Blake," naasiwang bigkas ni
Sophia.

Tumango ulit siya. "Sophia, sana hindi mo ako mamisinterpret sapagkat sa totoo lang
nung magkarelasyon pa kayo ni Blake, ni sa hinagap ay hindi ko inisip na mahuhulog
ako sa kanya. At lalong hindi rin ako natuwa nang magkahiwalay kayo.."

"Don't worry I trusted you. Besides, you were not really the reason why we broke
up. It was because of another woman," dahan-dahang napangiti ang modelo at namilog
ang mga mata nito. " I guess with your personality, you easily tamed him, didn't
you?"

"Malaki ang pinagbago niya pero sa palagay ko dahil iyon sa pagmamatured niya at
hindi dahil sa akin."

"I'm glad na hindi siya naging bad boyfriend to you. So how long did your
relationship last?" kaswal na tanong nito habang umiinom ng kape.
"A-Actually, kami pa rin hanggang ngayon?"

Muntik nang masamid si Sophia sa sagot niya. "Really?! But why?" gulat na gulat na
tanong nito nang may namimilog na mga mata. "I-I mean, you continue working this
way while you're in a relationship with Blake? Pinapayagan ka niya?! Okay lang ba
sa kanya na nakikipaghabulan ka pa rin sa mga kriminal?"

Siya naman ang muntik nang masamid sa iniinom na kape. Makailang ulit muna siyang
lumunok bago nasagot ang kausap. "O-Oo, p-pinapayagan niya ako. S-Sa una pa lang,
alam niya namang ganito ang trabaho ko kaya't kasama ito sa mga nirerespeto niya sa
akin," paliwanag niya nang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng kausap.

"That's wierd. That's so unlikely of him. I guess he really loves you a lot para
pagbigyan ka niya sa ganitong hilig mo," nakangiti ngunit napapailing na sabi ng
modelo. "If I were to think about it, you two are some kind of a love story. A
handsome billionaire heir and a cool police woman." tatawa-tawang dagdag nito.

Binigyan niya ng masayang ngiti ang kausap at pagkuwa'y pasimple siyang dumukot sa
bulsa ng kanyang jacket. Inilabas niya ang lumang larawan ni Grace kung kelan hindi
pa ito nakakapagparetoke ng mukha. Humahaba na ang kanilang pag-uusap kaya't
kailangan niya nang ilihis ang kanilang paksa sa totoong sadya niya sa babae.

"Ah oo nga pala Sophia tutal nakaharap na rin lang din kita okay lang ba kung
magtanong ako tungkol sa isang taong maaring nakasama mo na sa trabaho?" pasakalye
niya sa kausap.

"Sure. No problem. Sino?" walang pag-aalinlangang sagot ng modelo.


"May hinahanap kasi akong dating malapit na kaibigan na nabalitaan kong
nagtatrabaho daw bilang assistant ng isang model. Hindi ko nga lang alam kung
sinong model ang pinagtatrabahuan niya," sabay pakita niya sa litrato. "Eto siya
oh, baka sakaling nakita mo na siya sa isang event o di kaya'y nakasama mo na sa
trabaho ang boss nito."

Tiningnan ni Sophia ang larawang iniabot niya. Lihim niyang pinag-aralan ang
reaksiyon ng dalaga habang tinititigan nito ang litrato. Halatang hindi nito
nakikilala ang babaeng nasa larawan. Ibig sabihin ay nakapagparetoke na si Grace
nang maging assistant ito ng modelo.

"She is not familiar. Kung gusto mo, I'll keep this picture and I'll call you when
I see her."

Dali-dali niyang binawi ang larawan. "Huwag na, nakakahiya maabala ka pa. Naitanong
ko lang naman at saka hindi naman ito ganun kaimportante," nakangiting paliwanag
niya.

"You said she's an assistant of a model," malungkot na sabi ni Sophia.

"Oo, b-bakit may problema ba?"

"Wala naman. Naalala ko lang yung dati kong assistant who just had tragedy,"
matamlay na wika nito.

"Anong nangyari sa kanya?"

"S-She committed suicide."


"Suicide? Tsk, nakakalungkot nga yan. Malapit ka ba sa assistant na yun?" kunwari'y
nag-aalalang sabi niya.

"Yeah, she became a close friend to me. It really depresses me kapag naiisip kong
nagawa niyang magpakamatay because she seemed to be a happy person in my eyes,"
maluha-luhang salita ng kausap pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at pinilit
ngumiti. "Ah bakit ba kita kinakausap ng ganito, it's not even your concern."

"Okay lang sa akin. Kilala ko ang ugali mong pagiging palakaibigan kaya't
naiintindihan ko kung nalulungkot ka sa nangyari sa assistant mo...Pero hindi ba
nabroken-hearted yang assistant mo kaya niya nagawang magsuicide?" hirit niyang
tanong.

"I don't know. Although we were close she didn't talk about her lovelife."

Gusto pa sana niyang ituloy ang pagtatanong subalit iniiwasan niyang mahalata ng
kausap. Nakipagkuwentuhan pa siya ng mga ilang minuto at nang wala na silang
gaanong mapag-usapan ay nagtangka na siyang magpaalam.

"Papaano Sophia baka naabala na kita saka naalala ko hindi nga pala ako pwedeng
magtagal dahil may utos sa akin sa opisina."

"Okay, you can go ahead if you're busy. I'll stay here may hinihintay lang ako.
Thank you for spending time with me at nice meeting you again."

"Nice meeting you again din. Sana magkita pa ulit tayo," nakangiting sagot niya at
habang itinataas ng kausap ang tasa ng kape napansin niyang may pasang dumungaw sa
kanang braso ng dalaga mula sa maiksing manggas ng suot nitong blouse.

"Are you sure you're not hurt from the incident kanina?" nag-aalalang tanong ulit
nito sa kanya.

"Sigurado ako. Ikaw okay ka lang ba? Ano yan? Pasa ba yan? Nadumog ka ba ng mga
fans mo?" pagtatanong niya at sabay turo sa nakitang pasa.

Dali-daling tinakpan ng modelo ang pasa at nahihiyang nagpaliwanag sa kanya. " Wala
ito, sensitive kasi masyado ang balat ko. Nabangga ako sa isang malaking light
stand kanina sa pictorial."

"Ah ganun ba akala kung napano ka na. Sige mauna na ako," tatayo na sana siya
ngunit bigla siyang nagdalawang-isip. "O-Okay ka lang bang mag-isa dito? Kung gusto
mo samahan na lang muna kita hangga't hindi dumarating ang hinihintay mo."

"Okay lang ako dito. You can leave now, don't worry I'm very comfortable to this
place. Madalas na akong pumunta dito... Oh he's here!" sabi nito habang nakatingin
sa pintuan ng coffee shop.

Lumingon siya sa tinitingnang direksiyon ng kausap at doon ay nakita niya ang isang
pamilyar na mukha. Si Tyron Garcia, ang kasintahan ng modelo. Kinawayan ito ni
Sophia at pagkakita nito sa babae ay agad naman itong napangiti.

Lumapit sa mesa nila ang lalaki at humalik ito sa pisngi ng girlfriend.


"Hi! Sweetheart naghintay ka ba ng matagal?" sabi nito sa modelo.

"Not at all. I had fun talking with an old friend," sagot ni Sophia. "Ah by the
way, Alex I'd like you to meet my boyfriend Tyron."

"Hi! I'm Alex." nakangiting bati niya sa lalaki at sabay abot niya ng kamay dito.

"Hello, nice to meet you." nakangiting sagot nito sa kanya at sabay tanggap sa alok
niyang pakikipagkamay.

Mas magandang lalaki ito sa personal kumpara sa litratong nakita niya. Matangkad
din ito at matikas ang pangangatawan. Hindi ito kaputian kaya't lalaking lalaki ang
dating. Malakas ang appeal at malinis kung manamit. Sa porma nito, alam na kaagad
na nagmula ito sa mayamang pamilya. Sa suot nitong blue at itim na checkered long
sleeve, brown na medyo may kahapitang corduroy slacks at designer leather shoes ay
napakadisente nitong tingnan. Sa taglay nitong gandang lalaki, marahil ay
napakadali rin para dito na magpaibig ng babae...kaya't may posibilidad na
magkagusto rin si Grace dito. Sunod kay Blake, ang lalaking ito ang maaring
tinutukoy sa text na nalalagay sa panganib ang buhay.

"So how did you two become friends? How come I only meet today this pretty and
cool-looking friend of yours," dagdag na wika nito habang umuupo.

Matamis magsalita, mukhang may pagkabolero din ang lalaki.

"Nagkakilala kami nung karela..."


"I met her when I was still studying! Like four years ago..." mabilis na pagputol
ni Sophia sa sinasabi niya at binigyan siya nito ng makahulugan tingin at iling na
tila nagsasabing huwag banggitin ang tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

"Ah oo, nagkakilala kami sa university. After four years, ngayon lang ulit kami
nagkita at masuwerte ako na makilala rin sa araw na ito pati boyfriend ng kaibigan
ko," nakangiting dugtong niya sa paliwanag ni Sophia. "Paano hindi na ako pwedeng
magtagal, iwanan ko na kayo," paalam niya at sabay tayo.

"Wait Alex! Can I have your number?" pahabol ni Sophia.

"Sure."

Nagpalitan sila ng numero ng babae. At bago niya tuluyang lisanin ang mesa,
binigyan niya ng isang huling sulyap ang boyfriend ng modelo. Nahuli niyang
nakatingin din ito sa kanya at ngumiti ito nang makitang napatingin siya.

"Nice meeting you Alex."

"Nice meeting you too, Tyron."...

-----

Nakapangalumbaba si Blake habang titig na titig sa mukha ng nagsasalitang si


Debbie. Hangang-hanga siya sa katalinuhan ng babae habang pinapaliwanag sa dinner
meeting nilang dalawa ang bagong produktong ipapakilala ng kanilang kumpanya.
"Wow! You are really amazing. With your intelligence and looks, how come you have
no man on your side until now?" di mapigilang puri niya sa babae.

"Mr. Monteverde not all women need a man in their side. There are women who are
happier being single," nakairap na sagot ni Debbie.

"Since I met you, I haven't seen you dated any man at all. Could it be that your a
man hater or...don't tell me you're one of them..."

"One of them? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ng babae.

"You know. Them. Girls who like girls," kaswal na sagot ng binata.

"What?!" bulalas ni Debbie at sabay inom ng dirediretso sa isang basong wine. " You
should have not praised me if it would only end up accusing me of being a lesbian!"

"I'm not accusing you. I'm just asking," natatawang depensa ni Blake.

"Sa araw-araw na pagsusuot ko ng miniskirt at five-inch stilletos nagagawa mo akong


tanungin kung lesbiana ako!" namumulang sabi ng dalaga sabay inom naman nito ng
tubig.

"Hey relax, I'm joking para naman maprovoke ka nang magboyfriend."


"Blake papaano ako magkakaboyfriend kung sa araw-araw ay wala akong ginawa kundi
ang mag-isip tungkol sa produktong ito at ang tulungan ka sa lahat ng mga
pagdedesisyon mo sa kumpanya."

"Ah so I guess you are really the true meaning of career first woman and a
dedicated friend. Point taken. Let's shift the topic, I apologize for bringing that
up," ngingiti-ngiting wika pa rin ng binata.

Bumuntong-hininga si Debbie at nakasimangot na inabot ang isang file sa lalaki.

"What's this?"

"Yan ang marketing plan para sa launching. Nandyan na rin pati advertising plan."

Binasang maigi ni Blake ang plano. "Who made this?" tanong niya.

"Marketing Department. But most of them are my suggestions, they listened to me


since this is my business proposal afterall," nagmamalaking paliwanag ng dalaga.

"You're really good. How I wish Alex could be like you."

Natigilan si Debbie sa narinig at nakangangang napatitig ito sa mukha ng kausap.


Maging si Blake ay pansamantalang napaisip sa sinabi.

"W-What I mean sana maging katulad rin ng mga interests mo ang mga hilig ni Alex.
S-So that I can also talk to her about works the way I talk to you," napapahiyang
paliwanag ng binata.

Pomormal ng mukha si Debbie at seryosong nagbitiw ng salita. "Don't ever talk that
way again or else you'll be misunderstood. I thought you perfectly love your
girlfriend the way she is. Besides if I were in Alex shoes, sa tingin mo ba hindi
ko rin gugustuhin na makahanap ng lalaking mas kapareho ko ng interest. I might
even pick a guy who could add excitement and adventures in facing that risky job
kaysa ikulong ko ang sarili ko sa isang bilyonaryong prinsipe."

"I didn't mean those words. They came came out recklessly. Forget I said that
because nowhere on earth that I'll ask for more for what she is now," napapalunok
na wika ng lalaki.

Muling nagseryoso si Blake sa pagbabasa ng reports na ibinigay sa kanya ni Debbie.


"Everything in here is aggreable except for one," sabi niya matapos basahin ang
buong files.

"Alin diyan ang ayaw mo?" tanong ng babae.

"Getting Sophia Vasquez as our model."

"Why? What's wrong with her? Ako ang pumili sa kanya. She's popular at girlfriend
siya ng anak ng isa sa mga direktor ng Golden Pacific so I'm sure she'll have
attachment and concern to our company. For me, she's the best fit for us."
"I'll ask the permission of Alex first," determinadong wika ni Blake.

"What?! At ano naman ang kinalaman ni Alex dito?! I thought she doesn't care about
the company," hindi makapaniwalang sabi ni Debbie.

"Sophia is my ex-girlfriend," diretsong sagot ng binata.

Biglang natahimik si Debbie at muli itong napainom ng tubig.

"Y-You have a point. Better get her permission first, nakakatakot magselos yang
girlfriend mo," napapalunok at walang pagdadalawang-isip na wika ng babae.

-----

"Sigurado ka bang nagdinner ka na? Do you want me to ask Yaya Cora to prepare some
food for you?" nag-aalalang tanong ni Blake sa kasintahang kalalabas lamang ng
shower room.

"Oo nung sinabi mong may dinner meeting kayo ni Debbie, sumama ako sa mga kasamahan
kong mag-dinner sa paborito naming kainan malapit sa presinto," sagot ni Alex
habang pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok at noon ay nakatapis lamang ng
tuwalya.

Sa mga sandaling iyon ay nakaupo si Blake sa kanyang working table at abala sa


harap ng kanyang laptop. Nirereview niya lahat ng mga napag-usapan nila ni Debbie
kasama na ang mga files na ibinigay nito sa kanya.
Samantala, si Alex naman ay naglilinis at nag-aayos ng sarili makalipas ang
nakakapagod na maghapon. Medyo nakakaramdam siya ng pananakit ng katawan dahil sa
sinadyang pagpapabundol sa sasakyan. Nagmamadali siyang tapusin ang pag-aayos para
makatulog na tutal hindi niya rin naman pwedeng kausapin at istorbohin ang abalang
boyfriend.

"By the way, Alex... Do you remember Sophia, m-my ex?" biglang kausap sa kanya ng
lalaki habang nakaharap pa rin ito sa computer.

Natigilan siya at biglang kinabahan. Nagkausap ba ang modelo at si Blake? Nabanggit


ba ni Sophia na nagkita sila?

"O-Oo natatandaan ko. B-Bakit mo naitanong?"

"We're planning to get her as our model in one of our products. W-What do you
think?"

"W-What I think? B-Bakit mo naman ako tinatanong ng ganyan?"

"I want to know kung okay lang na makasama ko ulit siya. You know we might spend
time together because of work. Okay lang ba sa iyo, wala bang selos na mangyayari?"

"B-Bakit naman ako magseselos. Eh trabaho naman yan."

"So are you saying yes?"


"O-Oo naman..."

Napaisip siya sa naging sagot. Hindi niya sigurado kung tama ito. Una, nakakita
siya ng mas madaling koneksiyon para mas mapalapit muli kay Sophia at maging sa
boyfriend nitong si Tyron. Subalit sa bandang huli ay napagtanto niyang maaring
daan din ito para mabuko siya ni Blake. Nag-iisip ng malalim na itinuloy niya ang
pag-aayos ng sarili habang ibinalik naman ng kausap ang atensiyon nito sa ginagawa.

"Alex..." tawag ni Blake nang mapadaan sa likod niya ang nakatapis na girlfriend.

"Bakit?" tanong ng dalaga sabay harap sa lalaki.

Tumayo si Blake at kunot noong lumapit sa babae. Hinawakan niya ang kaliwang
balikat nito at pinatalikod. Pagkatapos ay tinitigan niyang maiigi ang likurang
bahagi ng dalaga malapit sa kanang balikat nito.

"What happened to your back?" seryosong tanong ng lalaki nang may matigas na mukha.

"Ha? A-Anong meron?" kinakabahang tanong ng babae.

"You have a big bruise and some scratches on it." madiing wika ni Blake na may
tonong pag-aalala ngunit may mukhang nagdududa.

Dali-Daling lumapit si Alex sa salamin at tiningnan ang sarili. Nanlaki ang mga
mata niya nang makita ang malakamaong kulay violet sa kanyang likuran. Mabilis pa
sa alas-kuwatrong pinagana niya ang utak sa pag-iisip ng dahilan.

"Haaist! Sabi ko na nga ba napasama ang pagkakadulas ko kanina sa hagdan sa


opisina. Kanina ko pa nararamdamang may sumasakit sa katawan ko, eto pala yun!"
palusot niya at sabay tingin sa lalaki.

Unti-unting nagbago ang mukha ng binata. Nawala ang nagdududang reaksiyon nito sa
halip ay napalitan ng purong pag-aalala. Lumapit ito sa kanya at pinaupo siya sa
kama. Kinuha nito ang medicine kit sa banyo at marahang nilagyan ng gamot ang likod
niya.

"Ganito ka ba talaga? Maliban sa madalas na pagiging careless, you don't know your
body enough. Do you have problem with your senses kapag nasasaktan ka? Ganito ka
rin dati when you had cut in your arms. Mauubusan ka na lang ng dugo hindi mo pa
alam na may sugat ka pala," panenermon sa kanya ng boyfriend habang pinapahiran ng
gamot ang pasa. "Take off that towel, baka may iba ka pang mga pasa."

"Huwag na Blake. Likod ko lang naman talaga ang tumama kanina."

"I don't trust you." sabay hablot nito sa tuwalyang tapis niya at pinaikot ang
katawan niyang tanging panloob lamang ang saplot.

"A-Ano meron pa ba?" tanong niya matapos tingnan ng lalaki ang buong katawan niya.

"None."

Nakahinga siya ng maluwag. At nagmamadaling ibinalik niya ang tapis sa katawan.


"What happened?" seryoso uling tanong nito sa kanya.

"H-Habang bumababa ako ng hagdan may narinig akong nagwawalang inirereklamong


lasing na lalaki. Sa pagmamadali ko para makatulong sa pag-awat, ayun nadulas ako,"
mahina at nakayukong paliwanag niya na tila batang takot mapagalitan ng
nakatatanda.

"Why do you have to meddle in such violent situation? Wala bang ibang lalaking
pulis na naroroon? Don't tell me you were planning to have a fist fight with a
drunk man." medyo galit nang tono ng kasintahan.

"T-Tinatakot ko lang naman sa salita ang mga pasaway na nirereklamo sa presinto,"


pangangatwiran niya ulit.

Napabuntong-hininga ulit si Blake subalit hindi pa rin humuhupa ang pag-aalala at


galit sa mukha nito. "You should have told me you were hurt, sana inireset ko na
lang ang meeting ko at sinundo kita...Stop acting tough Alex because you're making
me feel like I'm a useless man!"

"S-Sorry."

Hindi na muling nagsalita pa si Blake ngunit halatang galit pa rin ito. Seryoso
itong bumalik sa working table samantalang ipinagpatuloy naman niya ang pagbibihis.
Hindi na siya muling kinausap ng lalaki. Ni tingnan siya ay hindi rin nito ginawa.
Kaya't nahiga na lamang siya sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.

Gusto niyang maiyak sa bigat ng pakiramdam. Inuusig siya ng kanyang konsensiya.


Sinasaksak ang dibdib niya habang iniisip na nagagalit at nasasaktan ang lalaki ng
dahil sa kanya... at lalo siyang nahihirapan sa tuwing iniisip na sa likod ng mga
nararamdamang sakit ni Blake sa mga sandaling iyon ay ang malaking kasinungalingang
ginagawa niya.

Tumulo ang kanyang luha. At upang huwag mahalata ng kasintahan na umiiyak siya,
tumagilid siya at tumalikod mula sa kinauupuan nito nang hindi tinatanggal ang unan
sa kanyang mukha. Tahimik siyang umiyak...hanggang sa maramdaman niyang may mga
brasong yumayakap sa kanya.

"I'm sorry. Alam mo namang the idea alone na masasaktan ka could flare me up
already. What more pag nakakita mismo ako ng malaking pasa sa katawan mo.."

Mas lalong lumalim ang pagkakabaon ng saksak sa dibdib niya nang marinig ang
malambing na pag-alo sa kanya ng boyfriend. Unti-unti niya nang nararamdaman ang
mga takot. Natatakot siya sa galit ni Blake. Natatakot siya kung gaano ito
masasaktan kapag nalaman nito ang buong katotohanan. At natatakot din siya sa
maaring mangyari kong hindi niya naman ito mapoprotektahan.

"Hey are you crying? I'm sorry... sorry na wifey," maamo at pabulong na wika nito
habang tinatanggal ang unan sa kanyang mukha.

Humarap siya sa lalaki habang tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha. Agad siyang
niyakap nito nang makitang umiiyak siya.

"Sshh stop crying. I'm sorry it's my fault, I guess I overreacted again,"alo ng
lalaki habang hinahalik-halikan ang noo niya at hinahaplos ang kanyang buhok.
Hindi pa rin tumigil ang pagpatak ng mga luha niya sa halip ay nag-umpisang
yumugyog ang kanyang balikat. Pakiramdam niya ay papaliit na ng papaliit ang mundo
ng pagsisinungaling niya. Malapit nang dumating ang oras na kailangan niya ng
sabihin ang katotohanan... at noon niya lang napagtantong takot na takot siya sa
kalalabasan ng naging desisyon niya.

"Blake. I'm sorry... sorry Blake, sorry..." paulit-ulit na paghingi niya ng tawad
habang napapahagulhol at niyayakap ng mahigpit ang lalaking pinakamamahal...

*****

Sa loob ng taxi, inuunat ni Alex ang kaunting gusot na nakikita sa suot na blouse.
Nagmadali kasi siya sa pagbibihis bago umalis ng headquarters nang makatanggap ng
tawag mula kay Margareth. Inayos niya rin ang pagkakasuot ng sapatos na may mga
matataas na takong. Tiningnan niya rin ang sarili sa salamin. Nagpahid ng makeup at
nilagyan ng kaunting istilo ang pagkakatali ng kanyang buhok.

"Manong sa tabi na lang ho," sabi niya sa drayber.

Bumaba siya sa tapat ng isang malaking disco bar na may umiikot na malaking
spotlight sa bukana. Mula sa kinatatayuan niya, dinig na dinig niya na ang ingay ng
musika mula sa loob.

"Hayss, ano ba tong napiling lugar ni Margareth? Ano ba ang akala niya sa sarili
niya, teenager?" nakasimangot na wika niya habang ibinababa ng bahagya ang suot
niyang mini skirt at isinisiksik ng maayos ang mga paa sa suot na sapatos.
Pagkapasok niya sa loob ay agad na hinanap ng mga mata niya ang kaibigan. Pasado
alas-otso pa lamang ng gabi kung kaya't hindi pa gaanong matao ang lugar at hindi
pa nagsisimula ang nakabibinging tugtugan. Mabuti na lang ay may oras pa para
magkarinigan sila sa kanilang pag-uusap. Nakita niyang tahimik na nakaupo at
umiinom ang kaibigan sa medyo may kasulukang mesa. Napapailing ang ulo na lumapit
siya dito.

"Malaki ba talaga ang problema mo para puntahan natin ang ganitong lugar?" tanong
niya habang pabulagsak na inilapag sa mesa ang kanyang handbag at naupo sa harap ng
kausap.

Hindi sumagot ang kaibigan sa halip ay patuloy lamang itong umiinom sa hawak na
wineglass. Tila wala itong reaksiyon sa pagdating niya. Nakatitig lamang ito sa mga
kumikislap-kislap na mga ilaw sa bahagi ng dance floor. Mayroon ng isang boteng
wine na nakalagay sa mesa at meron na ring naghihintay na wineglass para sa kanya.

"Hoy! Margareth kinakausap kita!" sabay palo niya sa mesa upang agawin ang
atensiyon ng kaibigang nag-iisip ng malalim.

"Alex sa edad natin ngayon, pakiramdam mo ba ay hindi na tayo bagay sa ganitong


lugar?" nakapangalumbabang tanong ni Margareth habang napapabuntong-hininga at
nanatiling nakatingin lamang sa dance floor.

Nangalumbaba din si Alex at sinundan ang mga tingin ng kausap. "Hmmm... Kung
iisiping mabuti, matanda na tayo para sa ganitong disco bar ngunit napakabata pa
rin naman natin para tumambay sa isang lounge bar..."

"Exactly. Alex don't you think that our environment is starting to make us realize
that we're not getting any younger?"

"Uhmm, not really. Bawat araw na dumadaan alam kong tumatanda na ako," kalmadong
sagot ni Alex at sabay tingin niya sa bote ng wine. "May balak ka bang maglasing?
May problema ka ba? Masyado pa naman yatang maaga para magkaroon ka ng middle age
crisis. Hindi pa tayo tumutuntong ng trenta, Margareth."

Inabot ni Margareth ang bote ng alak at sinalinan ang baso ng kaibigan. "Gusto ko
lang maranasan ulit ang isang bagay na hindi natin gaanong na-enjoy nung kabataan
natin. As I recall, hindi tayo nagpupunta sa ganitong lugar. When we had our youth,
we deprived ourselves with this kind of fun," wika nito nang may matamlay na ngiti.

"Uh-uh mali ka dyan nakakalimutan mo na bang dati akong tambay sa ganitong mga
lugar," nakangisi at nagmamalaking sagot ni Alex.

"Iba naman ang dahilan mo kung bakit ka pumupunta. Hindi para magsaya, kundi para
manghuli ng mga adik at pasaway!" nakangiwing sagot ni Margareth.

Muling nilibot ni Alex ang mga paningin sa paligid at ngumisi. "Ano naman ang
nakakaenjoy sa ganitong lugar? Hintayin mong magsidatingan ang mga kabataan mamaya,
lumakas ang tugtugan at magsiksikan ang mga tao. Tingnan ko lang kung mahanap mo
ang enjoyment na sinasabi mong namiss natin."

"Hey! Stop looking at negative things," sabay nangislap ang mga mata ni Margareth.
"Alex, let's try to feel our youth again. Sabayan natin ang mga kabataang sinasabi
mo. Let's discover the fun before we reach the age in which we totally misfit in
this kind of place ," at saka ito muling uminom ng dirediretso sa basong puno ng
wine.

Pagkalapag ni Margareth ng baso ay mabilis na inilayo ito sa kanya ni Alex.

"May problema ka ba? Nag-away ba kayo ni James? Masyadong abnormal ang kilos mo
ngayon eh, kinikilabutan ako sa mga pagi-emote mo!"
Ngumisi si Margareth at kinabig papalapit ang basong inilayo sa kanya ng kaibigan.
Muli nitong sinalinan ng alak ang baso.

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

Napakunot ng noo si Alex sa tanong ng kausap. "Hindi ko alam. Birthday mo lang


naman ang mahalagang araw na tinatandaan ko tungkol sayo," kaswal na sagot niya.

"1st year anniversary namin ni James."

Humalukipkip si Alex at seryosong pinanood ang pag-inom ng nagpapakalasing na


kaibigan. "Ganito ka ba magcelebrate ng anniversary nyo? Imbes na ang boyfriend ang
kasama mo, kaibigan ang kinakaladkad mo sa paglalasing."

"Bakit? Nasaan ba ang magaling mong partner at kaibigan na yan?!" mataas ang tonong
tanong ni Margareth nang may sarkastikong mga ngiti.

Natigilan si Alex at biglang napaisip. Nasa mahalagang operation nga pala ang
kasamahang pulis. Bigla siyang napalunok at medyo napapahiyang tumingin sa kaharap.

"Ganyan ba talaga kayong magpartner? Yung isa ay ginagawang tanga ang boyfriend
samantalang yung isa naman ay nagagawang kalimutan ang girlfriend niya sa araw
mismo ng anniversary nila! Ano yan, special requirement ba yan ng pagiging pulis!
Ang pagmukhaing tanga ang mga karelasyon nila!" galit na wika ni Margareth habang
walang humpay pa rin sa pag-inom ng alak.
"Kaya ba pinili mong pumunta sa ganitong lugar para lubus-lubusin yang
pagpapakachildish mo? Haist, maysado ka namang nagiging sensitive. Akala ko ba
ipinagmamalaki mo sa aking tanggap na tanggap mo ang trabaho ng boyfriend mo?
Ganito kababaw pa lang na sitwasyon nagkakaganyan ka na. Hindi lang yan ang maaring
maranasan mo Margareth. Pasko, new year, birthdays, valentines o sa iba pang
mahahalagang okasyon... laging walang kasiguraduhan na nasa tabi mo lagi si James
dahil yan ang nature ng trabaho namin Margareth. Matagal ka ng may kaibigang pulis
kaya't dapat hindi ka na naninibago sa ganito."

"Naiintindihan ko naman eh. Pero kahit anong pag-iintindi ang gawin ko, tao pa rin
ako Alex. Nalulungkot at nasasaktan pa rin ako. Alam mo ba kung ilang beses kong
inimagine at plinano kung papaano naming dalawa isi-celebrate ang araw na to? Wala
na nga akong mapaglagyan ng excitement eh tapos yun pala sa bandang dulo
magkakaroon siya ng biglaang operation. Hindi niya man lang ako tinawagan o binati
man lang buong araw! Imbes na saya, lungkot at nerbiyos ang nararamdaman ko sa araw
na to!... Ngayon, masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito? Hindi ako
nagagalit diyan sa kasamahan mo pero huwag mong sasabihin sa akin na nagiging
sensitive ako! Normal lang sa sinumang nasa sitwasyon ko ngayon ang maging
malungkot! Hindi mo naiintindihan yun dahil palibhasa ganyan ka rin pagdating kay
Blake, ikaw lagi ang nagbibigay ng problema sa relasyon ninyong dalawa! Maaring
hindi niya pa alam ang ginagawa mong kasinungalingan ngayon, pero pag nalaman niya
ang lahat....sa tingin mo hindi yun masasaktan dahil lamang sa rason na
naiintindihan niyang parte yan ng trabaho mo!"

Hindi agad nakasagot si Alex. Sumapol sa dibdib niya ang lahat ng mga sinabi ng
kausap. Bumuntong-hininga siya ng malalim at lumunok. Tiningnan niya ang mukha ng
malungkot na kaibigan, hinawakan ang palad nito, binigyan ito ng isang malambing na
ngiti at maamong kinausap.

"Sa tingin mo ba masaya rin kami kapag nangyayari ang ganitong problema? Katulad ng
nararamdaman ko para kay Blake, maaring mas nasasaktan si James kapag iniisip
niyang malungkot ka ngayon. Mas nahihirapan kami Margareth sa tuwing iniisip naming
kami ang nagiging dahilan ng nararamdamang sakit ng mga taong mahal namin. At mas
lalo kaming nahihirapan dahil kahit dinudurog na sa kailalim-ilaliman ang puso
namin, kailangan pa rin naming magpakatibay para sa mga taong umaasang mabibigyan
namin sila ng katarungan at maililigtas sa anumang kapahamakan. Wala kaming
pinagkaiba sa mga doktor kung saan sana pwedeng mai-schedule ang sakit ng mga
pasyente nila. Hindi namin pwedeng diktahan ang mga kriminal kung kailan sila
pwedeng gumawa ng krimen," paliwanag niya sa nagtatampong kausap at lalo pa niyang
hinigpitan ang pagkakahawak sa palad nito. " Huwag ka ng malungkot dahil alam ko
kung ano ang totoong nararamdaman ni James ngayon. Kaya hindi ka niya tinawagan
dahil baka natatakot siyang hindi siya makakapagconcentrate ng maayos sa operation
kapag narinig niya ang malungkot na boses mo."
"Sigurado kang yan ang dahilan kung bakit hindi niya ako tinawagan? Hindi ba dahil
sa nakalimutan niya kung ano ang araw na to?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Margareth.

Nakangiting tumango si Alex. "Maniwala ka dahil ganyan din ako dati. Bago ako
sumabak sa mga operation, wala akong sinumang kinakausap sa mga taong mahal ko.
Kaya huwag maging biyernes santo yang mukha mo, maging masigla ka para maging
maganda ang kalabasan ng operasyon ngayon ng boyfriend mo," sabay unti-unting
nangislap ang mga mata niya. "Ah, dahil kaibigan mo ako at partner din ako ni James
sige payag na akong maging proxy niya sa araw na to. Magpakasaya tayo ngayon at
bukas na lang kayo magcelebrate ni James ng para sa inyong dalawa. Agree na akong
makipagsabayan sa mga kabataang yan. Hah! Sino ang tumatanda tayo, no way!" pag-alo
niya sa kaibigan na noon ay medyo nagiging maaliwalas na ang mukha.

"Pinayagan ka ba naman ni Blake? Baka naman magalit yun kapag nalamang niyaya kita
dito," may katamlayan pa ring sagot ni Margareth.

"Alam niyang magkasama tayo ngayon. Wala namang problema sa kanya basta ikaw ang
kasama ko saka may meeting din sila ng mga empleyado niya sa labas. Sinabi niya na
rin sa aking mamaya pa siya makakauwi dahil baka lumabas din sila. Hindi ko na nga
iniistorbo masyado dahil kahit papaano ay natutuwa ako't natututo na rin siyang
makisalamuha sa mga kasamahan niya sa kumpanya. Kaya huwag muna nating isipin
masyado yang mga boyfriend natin ngayon. Sabi mo nga let's enjoy the night! At saka
pababayaan ba naman kitang mag-isa dito. Kahit hindi pa ako payagan ni Blake,
sasamahan ko pa rin ang kaibigan ko. Basta huwag ka lang masyadong magpakalasing
ha," malambing na wika ni Alex.

"Alam niya ba kung nasan tayo?"

"Oo. Susunduin niya rin ako mamaya," nakangiting sagot ni Alex.

"Mabuti naman at magpapahatid na rin ako. Hindi ako nagdala ng sasakyan dahil balak
ko talagang mag-inom," nakangiti nang sagot ni Margareth at sabay puno nito ng alak
sa mga baso nilang magkaibigan.
"Cheers!"

"Cheers!"

Pinilit ni Alex na maging masaya ang nanamlay na kaibigan. Inilihis niya ang
atensiyon nito sa pag-iisip tungkol kay James. Masiglang pinag-usapan nila ang
kanilang mga childhood memories, mga nakatutuwang karanasan sa hayskul at maging
ang mga naging tampuhan nila. Hanggang sa unti-unti na silang di magkarinigan dahil
nag-umpisa nang magsidatingan ang mga kabataang kostumer. Nagsimula na ring
dumagundong ang mga modernong musika habang napupuno na rin ng mga sumasayaw sa
dance floor. At nag-uumpisa na ring malasing si Margareth. .

"Margareth hinay-hinay na sa pag-inom baka masobrahan ka," awat niya sa kaibigan


nang mapansing napapabilis na ito sa pag-inom.

Umiling lamang ang kausap. "Okay lang na malasing ako. Matagal-tagal na ring akong
hindi nagiging pasaway."

"Hindi ka pwedeng magpakalasing ng sobra, kilala kita pag nalalasing. Literal na


nawawala ka sa sarili."

Binigyan lamang siya ni Margareth ng isang ngiti habang bahagyang namumungay na ang
mga mata. " Nandiyan ka naman para bantayan ako di ba?" naglalambing na wika nito
at sabay na ibinaling ang atensiyon sa paligid. "Alex, do you want to dance?"
dagdag na sabi nito habang nakatingin sa dance floor.

"Ayoko, alam mo namang wala akong hilig sumayaw. Saka nakikita mo ba ang mga
sumasayaw? Halos lahat mga bata, hindi na tayo bagay diyan. Makuntento na lamang
tayong nakaupo dito sa mesa," kinakabahang sagot niya dahil unti-unti nang nagiging
makulit ang kaibigan.

"Alex, may gwapong kumakaway sayo," sambit ng kaibigan habang nakatitig sa isang
mesang hindi gaanong kalayuan mula sa kanila.

Sinundan niya ang mga mata ni Margareth at doon ay nakita niya ang pamilyar na
mukha. Si Tyron Garcia. Dahil sa kumukurap-kurap na mga ilaw, tinitigan niya munang
maigi ang lalaking kumakaway para siguraduhing hindi siya nagkakamali. At nang
makasiguradong ang boyfriend nga ni Sophia ang nakikita, ginantihan niya rin ito ng
kaway at ngiti. May kasama itong apat na mga kalalakihan at dalawang magagandang
babaeng halatang mga girlfriend ng mga kabarkada nito. Hindi nito kasama si Sophia.

"Huh? Kakilala mo... Teka parang kilala ko rin yan. Si Tyron Garcia yan di ba? Yung
boyfriend ni Sophia Vasquez," tanong ni Margareth nang may namimilog na mga mata. "
Whoah! Pano mo yan nakilala? Iba ka talaga Alex! Masyado kang lapitin ng mga
guwapo."

"Si Sophia ang talagang kakilala ko. Kailan ko lang naman nameet yan at pinakilala
lang sa akin ng saglit ni Sophia. Hindi ko ineexpect na matatandaan niya pa rin
ako," napapailing na sagot niya matapos bawiin ang mga paningin mula sa lalaki.

"Kakilala mo rin si Sophia Vasquez? Ngayon ko lang nalaman yan ah. Bakit hindi mo
naikuwento sa akin ang tungkol sa kanya?"

"D-Dahil naging parte siya ng isa sa mga naging assignment ko dati," paglilihim
niya sa kaibigan. "Kelan ba naman ako nagbanggit sayo ng anumang detalye tungkol sa
mga nagiging misyon ko," dagdag na paliwanag niya.

"Kunsabagay....Alex, look! He's heading to our table!" natatarantang sabi ni


Margareth at sabay lagok ulit nito ng wine. "Pag kinausap ka, ipakilala mo ako ha."
Nilingon niya ulit ang lalaki. Papalapit nga ito patungo sa direksiyon nila pero
hindi siya sigurado kung sila nga ang lalapitan nito, marahil ay may iba pa itong
kakilala na kalapit lamang ng table nila. Ngunit habang papalapit, nakikita niyang
sa kanya nga ito nakatingin.

"Hi Alex!" bati nito sa kanya at tumayo ito sa tabi ng kanilang table.

"H-Hi!" sabay tayo niya at nakipagkamay sa lalaki nang may nag-aalangang ngiti.

Inalok niya ng mauupuan si Tyron. Hindi naman nagdalawang isip na maupo sa table
nila ang lalaki. At hindi pa man ito nakakaayos ng upo, naramdaman niya na ang mga
sumisipang paa ni Margareth sa ilalim ng mesa.

"Ah Tyron siya nga pala, bestfriend ko si Margareth."

"Hi, I'm Margareth!" walang pag-aalinlangang inalok ni Margareth ang kanyang kamay
nang may abot tengang mga ngiti.

"Hi. I'm Tyron," nakangiting bati rin ng lalaki at nakipagkamay ito, pagkatapos ay
ibinalik nito ang mga paningin kay Alex. "I almost didn't recognize you, you look
different tonight."

"Ah...k-kasi nasa field ako nun nang magkita tayo. P-Pero ganito talaga ang ayos ko
pag nakaduty lang ako sa office," paliwanag ni Alex nang may naasiwa pa ring mga
ngiti.
"Do you guys love to hang out in this kind of place?" tanong ni Tyron.

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Margareth at sabay kindat nito sa kaibigan.

Natawa sa isipan si Alex. Umaatake na naman ang pagiging flirt ng kaibigan. Gusto
niya itong sawayin, ngunit pagkakataon niya na ring pag-aralan ang ugali ng lalaki.
Gusto niyang kumpirmahin kung tama ang kutob niyang babaero nga ito.

"How about you guys? Madalas ba kayong pumunta dito?" tanong ni Margareth sa
binata.

"Not really This is my first time to visit this place. Birthday kasi ng isa kong
kaibigan kaya nagkayayaan."

"So saan kayo madalas pumunta?" tanong ulit ni Margareth na noon ay animo'y isang
modelong poise na poise sa pagkakaupo habang nakapangalumbaba.

"Mas prefer ko actually ang hindi masyadong maingay na lugar."

Tahimik na umiinom lamang si Alex habang inoobserbahan ang mga kilos ni Tyron.
Maayos namang nakikipag-usap ito kay Margareth. Hindi pagiging babaero ang nakikita
niya dito sa halip ay mukhang palakaibigan lamang ito. Bagamat halatang nagpapacute
dito ang lasing na kaibigan, hindi niya naman nakitaang sinasamantala ito ng
lalaki. Napansin niya rin na medyo naasiwa na nga ito sa pangungulit ni Margareth.
"Nasan pala si Sophia? Bakit hindi mo kasama?" pagbasag niya sa pag-uusap ng
dalawa.

"She doesn't like to go to this kind of place kaya hindi ko na isinama."

"Ah oo nga, naaalala ko ngang hindi siya mahilig lumabas sa gabi. Ganun pa rin pala
siya hanggang ngayon," nakangiting wika niya at nang mapansin niyang gusto na
namang kausapin ni Margareth ang lalaki agad niya itong inunahang magsalita. " Sige
Tyron mukhang naaabala ka na namin, nakakahiya sa mga kasama mo..."

"Pasensiya ka na sa pangungulit ng kaibigan ko, medyo napadami na kasi ng inom,"


pabulong na dugtong niya.

"No problem. I'll go back to our table now, nice talking to you guys. 'Seems that
you're enjoying the night, I'll send you more wines if you want," alok ng binata
bago tumayo.

"Naku huwag na! Actually, pangalawang bote na namin itong nasa table ngayon,"
mabilis na pagtanggi niya subalit naramdaman niya na naman ang mga lihim na sipa ni
Margareth.

"Okay lang Tyron your offer is very much appreaciated, our throats are really
craving for more wines!" bulalas ng kaibigan habang palihim siya nitong
pinandidilatan ng mga mata.

"Okay, I'll tell the waiter then. Enjoy the rest of the night."
"Salamat, Tyron," nahihiyang sabi niya sa lalaki. Wala siyang magawa kundi
pagbigyan ang kagustuhan ng kasama kaysa maisipan na naman nitong magmaktol uli.

"Thank you!" masayang sabi naman ni Margareth habang kinakawayan ang papaalis na
lalaki.

"Ano ka ba Margareth?! Nakakahiya dun sa tao, baka isipin nun na saksakan tayo sa
takaw sa alak!" panenermon niya pagkaalis na pagkaalis ni Tyron.

"Oh huwag kang killjoy! Hayaan mong maranasan naman nating padalhan ng alak ng
isang gwapong lalaki. Akala ko ba we will enjoy this night to the fullest?"

"Oo sinabi ko yan, pero hindi ibig sabihin ay kasama diyan ang pagpapacute sa mga
lalaki! Hindi ka man lang ba kinikilabutan diyan sa ginagawa mo. May boyfriend ka
ng tao pero kung makangiti at makatitig ka kay Tyron, wagas na wagas!"

"I don't have any other intention except to know kung uubra pa ba ang ganda natin
sa mga kagaya niya. Alam mo bang pakiramdam ko ay tayo ang pinakamagagandang babae
ngayong gabi sa lugar na ito. Imagine the popular and good looking bachelor like
him, voluntarily approached us and even offered us a drink. Siyempre nakakaboost ng
confidence yun ha," taas noong wika ni Margareth ng may ngiti sa mukha subalit
ilang saglit lamang ay sumimangot din ito. "Pero sa ating dalawa, mas maganda ka pa
rin!" nakairap na sabi nito sa kanya.

"Ako? Bakit naman ako? Wala akong ginagawang pagpapacute ha. Nakita mo namang hindi
ko nga gaanong kinausap yung tao."

"Yun na nga eh! You didn't do anything but it seemed that he was more interested to
you. Ibang klase talaga yang magnet mo sa mga gwapong lalaki. Lagpas-langit ang
power."

"Lasing ka na nga Margareth. Nakakalimutan mo na bang si Sophia Vasquez ang


girlfriend ni Tyron Garcia. Paano mangyayaring magkakainteres siya sa kagaya ko?"

" Kagaya mo? Bakit ano bang tingin mo sa sarili mo, pangit? My god Alex baka
nakakalimutan mo kung sino ang boyfriend mo! Are you saying na pangit ang taste ng
isang Blake Monteverde pagdating sa babae."

Pansamantala siyang natameme. "H-Hindi naman sa ganun. Ang ibig ko lang sabihin ay
imposibleng magkainteres siya sa kagaya ko ang style na masyadong malayo kumpara sa
style ni Sophia. Isa pa, alam naman nating may girlfriend na siya kaya't imposible
naman atang maglalakas loob pa siyang magpahaging."

"Alam mo kung ang pagbabasa ng utak ng mga lalaki ang magiging mission mo siguro
walang mapapala sa iyo ang opisina niyo. Wala ka talagang kaalam-alam pagdating sa
lalaki!"

"Anong ibig mong sabihin? Minamaliit mo ba ako? Baka nakakalimutan mong mas madalas
na napapaligiran ako ng mga lalaki kaysa sayo," nakangisi at nagmamalaking sabi
niya.

"Oo pagdating sa trabaho at hobbies, mas madalas na lalaki ang nakakasalamuha mo.
Pero pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa puso, napakanaive mo pa rin
masyado. Alam mo, hindi porke't may girlfriend na ang isang lalaki ay
nangangahulugan ito na ang katipo lamang ng girlfriend niya ang magugustuhan niyang
babae. What I mean is, oo maganda si Sophia elegant type ika nga pero hindi ibig
sabihin niyan hindi na makukuha ang atensiyon ng boyfriend nito ang mga intelligent
type, cool type, innocent type, o di kaya naman seductive type. Parang pagkain lang
yan eh na kunyari paborito mo ang adobo pero hindi nangangahulugan na hindi ka na
nasasarapan sa ibang pagkain."
"So sinasabi mo bang kahit si Blake o si James ay posibleng magkainteres pa rin sa
ibang babae?"

"W-Well...If we'll think realistically, hindi imposibleng mangyari pero interest


lang naman ang pinag-uusapan natin dito hindi pagmamahal. Normal naman sa lahat ng
lalaki na paminsan-minsan ay napapalingon din sa ibang babae pero ang importante na
kahit ilang babae pa man ang tingnan nila siyempre mananatili pa rin sila sa tabi
ng mga babaeng totong mahal nila."

"See yan ang sinasabi ko sayo. Sa tingin mo ba hindi mahal ni Tyron si Sophia para
tumingin pa ito sa ibang babae?"

"Alex, ang sinasabi ko mukhang interesado lang sayo si Tyron. Wala akong sinasabing
mahal ka niya kaya't huwag kang masyadong assuming para makipag level-up kay
Sophia. Di ba nga ang sabi ko kahit may mahal na ang isang lalaki posible pa ring
tumingin ito sa iba especially to a guy who's not in his marrying age yet just like
Tyron. Ang pagkakaalam ko that guy isn't even in his mid-twenties yet so the more
na hindi pa nito sinasarado ang sarili sa ibang babae."

Napataas ng isang kilay si Alex sa sinabi ng kaibigan. Pasimple siyang lumingon sa


mesa nina Tyron at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito habang
may isang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Kung totoo ang sinasabi ng
kaibigan, may posibilidad din bang nagkaroon ito ng lihim na relasyon kay Grace?

"Paano mo naman nasabing interesado sa akin si Tyron?" patay malisyang tanong niya
ngunit sa likod ng kanyang isipan ay bigla siyang ginanahang pag-usapan ang lalaki.

"Sabi mo nga isang beses mo pa lang namemeet ang lalaking yan, sa klase ng social
life niyan tiyak na araw-araw ay tambak ang mga bagong mukha na nakakasalamuha
niyan...pero take note, natatandaan ka niya ha. Plus siya pa ang nag-effort na
lumapit sa atin. Ang haba ng buhok mo!"
"Sa tingin mo Margareth, babaero ba si Tyron?"

"Hmmm... hindi naman siguro. Sa tingin ko ay medyo choosy din naman siya pagdating
sa babae. Kung garapal na babaero yun, di sana pinatulan niya na pati pagpapacute
ko sa kanya. Nagkataon lang talaga siguro na medyo natutuwa siya sayo."

"Pero sa tingin mo faithful siyang lalaki?"

"Bakit ako ang tinatanong mo ng ganyan? Ako ba ang karelasyon niya? Kung gusto mong
malaman, pwes akitin mo! Pag pinatulan ka niya, hindi siya faithful. Pag hindi
naman, di alam mo na ang sagot!"

Humalukipkip si Alex at humawak sa kanyang baba habang iniisip ang sinabi ng


kaibigan.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Margareth ang pagseseryoso ng kasama. "Teka
bakit mukhang pinag-iisipan mo ang sinabi ko, interesado ka rin ba kay Tyron?"

"Oo, interesado ako sa kanya," diretsong sagot ni Alex.

Nanlaki ang mga mata ni Margareth sa narinig. "Nagbibiro lang ako! Pakiusap Alex,
huwag mo nang dagdagan ang mga kasalanan mo kay Blake dahil baka kahit ilang
rosaryo pa ang gawin natin ay hindi ka pa rin nito maisalba."
Natigil sa pag-uusap ang magkaibigan nang dumating ang wine na inorder ni Tyron
para sa kanila. Tumingin muli si Alex sa table ng lalaki. Nang mapadako sa mesa
nila ang mga paningin nito, binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti at sumenyas
dito ng papasalamat.

"Ano yan Alex? Sinisimulan mo na ba ang pang-aakit? Sabi ko naman sayo nagbibiro
lang ako! Isa pa, nasisiraan ka na ba ng ulo. Akala ko ba mahal na mahal mo si
Blake pero bakit napakabilis mong madala sa tukso. Y-Yan ba ang pagmamahal na
sinasabi mo para kay Blake! Nalaman mo lang na baka may gusto sayo ang isang
lalaki, nagpapa-impress ka na agad!" medyo emosyonal na sermon ni Margareth habang
namumungay na ang mga mata at hitsurang malalaglag na ang mukha mula sa
pagkakapangalumbaba.

Natatawa at napapailing na tiningnan ni Alex ang lasing na kaibigan. "Mali yang


tinatakbo ng utak mo. Lasing ka na nga, tama na yang pag-iinom mo ha!"

"Hindi pwede. Kailangan tikman pa rin natin ang alak na pinadala ng isang Tyron
Garcia! Minsan lang mangyari sa buhay natin to, kaya samantalahin na natin. Lalo ka
na! Ngayon ka lang ata nahatiran ng alak sa isang bar."

"Bahala ka pero hindi kita sasabayan. Hindi pwedeng pareho tayong malasing," sabay
tayo at dampot ni Alex sa kanyang bag. "Diyan ka lang muna ha, punta lang ako ng
CR. "

Naglakad siya patungong banyo. Nadaanan niya ang mesa nina Tyron at muli niya itong
nahuling nakatingin sa kanya. Nginitian niya ulit ito at kinawayan. Pagdating sa
banyo ay inilabas niya agad ang telepono mula sa bag. Wala ni isa mang miscall at
message mula kay Blake. Bagama't nakakapanibago ay ipinagkibit balikat niya na
lamang ito. Marahil ay nasa kalagitnaan pa rin ito ng pakikipagsalamuha sa mga
empleyado. Dinayal niya ang telepono para tawagan naman si James.

"Alex?"

"Awa ng diyos at sumagot ka rin!" singhal niya sa kasamahan.


"B-Bakit did you call me several times? I didn't see any missed call from you ,"
nagtatakang sagot sa kanya ng lalaki.

Bigla siyang napaisip. Oo nga naman ngayon nga lang pala siya tumawag kay James.

"Ah-eh s-sinisigawan kita in behalf of Margareth," nahihiyang paliwanag niya. "K-


Kumusta ang operation?"

"We caught the culprits pero nakaligtas ang pinakamaster mind."

"May casualties ba?"

"Wala naman maliban sa isang nakipagbarilang suspect na may tama sa braso."

"Mabuti naman. Ikaw kumusta ka?"

"I'm fine."

"Mabuti naman kung ganun. Ingatan mo yang sarili mo para sa kaibigan ko ha?"
"A-Are you with her now?" tanong ni James.

"Oo, ako gumagawa ng obligasyon mo para sa araw na ito!" singhal niya ulit.

"Don't nag. Ikaw dapat ang unang nakakaintindi sa akin."

Tumikhim siya at agad na huminahon. "Huwag mo akong pagbintangang hindi kita


naiintindihan. Kung narinig mo lang kung papaano kita idenepensa baka bigyan mo ako
ng medal."

"What is she doing now? Is she okay?"

Natigilan siya. Nagdalawang-isip siya kung sasabihin sa lalaki na naglalasing ang


girlfriend nito. "Natural hindi siya okay kaya eto wala akong choice kundi libangin
siya! Nasan ka na ba?"

"Andito pa ako sa site. Hindi pa tapos ang imbestigasyon. Alex, ikaw na muna ang
bahala sa kaibigan mo ha. Babawi na lang ako bukas."

"Huwag kang mag-alala ako ng bahala sa kanya. Ahh saka nga pala James bago ko
makalimutan, tulungan mo naman akong makakuha ng mga impormasyon tungkol kay Tyron
Garcia."

"Sure. I'll work on that one."


"Sige. ingat ka na lang diyan. Ako ng bahala dito sa girlfriend mo."

"Thank you. Please take good care of her tonight. Can you send her home too?"

"Oo ihahatid ko siya, huwag kang masyadong mag-alala, magfocus ka na lang diyan.
Sige na bye."

"Bye. Thanks again."

Napapabuntong-hininga na ibinaba niya ang telepono. Tatawagan niya pa sana si Blake


ngunit naisip niyang huwag na itong istorbohin. Nanalamin na lamang siya at nag-
ayos ng sarili. Paglabas niya ng banyo, napansin niyang nagkakasayahan sa may dance
floor. Sobrang ingay na rin ng paligid at wala siyang gaanong maaninag dahil sa
usok na ibinubuga ng fog machine. Nagulat siya pagdating sa kanilang table dahil
wala doon ang kaibigan. Hindi niya naman ito nakita sa banyo o nakasalubong. Kunot
noong dinampot niya ang bote ng wine. Wala na itong laman.

"Haist, sinabi ng dahan-dahan na sa pag-inom!"

Muli siyang napalingon sa dance floor dahil sa ingay ng mga nagsasayaw. Aalisin
niya na sana ang mga paningin mula dito ngunit bigla siyang natigilan. Nanlalaki
ang mga matang pinanood niya ang isang nagsasayaw. Nagsesexy dance ito kapartner ng
isang di-kilalang lalaki. Bigay na bigay ito sa paggiling ng katawan habang
namumungay ang mga mata at namumula ang mga pisngi. Kitang-kita niya ring
sinasamantala ng lalaking kasayaw ang kalasingan nito.

"MARGARETHHHHH!!!!!!"
****

"Excuse me miss, can't you see we're dancing!" galit na sabi ng lalaking kasayaw ni
Margareth nang hinila ni Alex papalayo ng dance floor ang kaibigan.

"Oo nakikita ko! At nakikita ko rin kong paano mo siya tsansingan!"

Nasa edad mga bente pa lamang ang lalaki at halatang lasing na rin ito. Bagamat
kita sa mukha na napipikon ito, hindi ito inintindi ni Alex sa halip ay inakay ng
dalaga pabalik sa kanilang mesa si Margareth.

"Gusto ko pang sumayaw Alex! Come on the music is really nice!" reklamo ng lasing
na babae habang nakasubsob na sa mesa.

"Tumigil ka na. Hindi mo na alam ang pinagagawa mo. Uuwi na tayo!"

Nanatiling nakatayo lamang si Alex sa tabi ng kanilang mesa. Iginala niya ang mga
mata at kinawayan ang isang waiter upang hingin ang kanilang bill. Ngunit bago pa
man ito makalapit sa kanya ay biglang may humawak sa kanyang braso. Ang lalaking
kasayaw ni Margareth. Walang kaabog-abog na hinila siya nito patungong dance floor.
"Bitawan mo ako!" babala niya.

"You took away my dance partner so you must replace her!"

Nilingon niya muna ang kinaroroonan ni Tyron. Nang makita niyang nakatingin ito sa
kanya, kusa siyang nagpahila sa di-kilalang lalaki. Pagdating sa dance floor ay
nanatili lang siyang nakatayo at nakapamewang habang nakangising pinagmamasdan ang
lalaki nagsesexy dance sa harap niya. Pilit nitong idinidikit ang katawan sa kanya.
At nang hindi niya na maatim ang pinagagawa nito ay walang pagdadalawang-isip na
binatukan niya ito ng malakas.

"Kaya kayo napapaaway sa ganitong mga lugar dahil sa mga pambabastos niyo eh!"
malakas na sabi niya sa gulat na gulat na lalaki habang napapahawak ito sa ulo.

Pinandilatan siya ng mga mata ng lalaki at kitang-kita niya ang galit sa mukha
nito.

"DID YOU JUST HIT ME?BITCH!"

"B-Bi-bitch? Hoy alam mo ba kung ilang taon na ang tinatawag mo ng ganyang salita?"
nakangising sagot niya nang may hindi makapaniwalang mukha.

Tinulak siya ng lalaki sa balikat at bahagyang napaatras siya.

"I KNOW BITCH! YOU'RE WAY OLDER THAN ME. SO WHAT? YOU'RE COMPLAINING? DIDN'T WOMEN
LIKE YOU COME TO THIS PLACE TO FLIRT WITH YOUNG GUYS LIKE ME?" nakangising sabi
nito habang tinititigan siya ng nakakaloko at tinutulak-tulak sa balikat.

Maya't maya niyang hinahawi ang kamay na nanunulak sa kanya habang ginagantihan din
ng ngisi at mga titig ang lalaki.

"Tumigil ka sa pambabastos mo kung gusto mong ma-enjoy ang gabing ito hanggang
mamaya," babala niya at sabay na tinalikuran niya ang bastos na kausap.

Wala siyang balak patulan ang lalaki. Tungkulin niya ang umayos ng gulo at hindi
ang magpasimula nito. Bukod dito, kailangan niya ring maging maingat sa mga kilos
dahil meron siyang gustong mabuong imahe ng sarili sa mga mata ni Tyron.

Subalit, nakakaisang hakbang pa lang siya ay biglang hinawakan ng pagkahigpit-


higpit ng lalaki ang kanyang isang braso at hinila siya papabalik. Nasaktan siya sa
ginawa nito.

"WHERE ARE YOU GOING WOMAN?! WE'RE NOT DONE YET!"

Nagulat siya kaya naman kusang nag-react ang katawan niya dahil sa pagkabigla.
Malakas na tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki, pinisil ang kamay
nito at sinipa sa tiyan. Tumilapon ang lalaki at humambalos ang katawan nito sa
isang malapit na mesa.

Natigilan ang mga sumasayaw dahil sa komosyun. Nagsipagtabi ang mga ito nang makita
ang lalaking tumama sa mesa habang napapangiwi ito sa sakit. Palipat-lipat ang mga
mata ng mga ito sa lalaking nasasaktan at kay Alex na noon ay nakatayo lamang sa
may dance floor.
Nanlaki ang mga mata ni Alex nang mapagtanto ang ginawa. Nagmamadaling nilapitan
niya ang lalaki at tinulungan itong makatayo.

"Naku sorry! Sorry. Pasensiya ka na, ikaw naman kasi ginulat mo ako!" natatarantang
sabi niya habang pinapagpagan ang damit ng lalaki. " Nasaktan ka ba?"

Hindi sumagot ang lalaki sa halip ay binigyan lamang siya nito ng isang ngisi at
sabay tingin ng makahulugan sa parteng likuran niya. Sinundan niya ang mga mata
nito at noon ay nakita niyang may apat na mga kabataang lalaking nakatayo sa
likuran niya.

"Huh? Ano to reinforcement?" sabay bitiw niya ng isang malambing na ngiti habang
humahaharap sa mga lalaki. "Kayo naman, huwag niyong sabihing pagtutulung-tulungan
niyo ang isang babaeng kagaya ko."

"ARE YOU EVEN A WOMAN! We clearly saw what you did to our friend!" galit na wika ng
isa sa mga lalaki.

"H-Hindi ko sinasadya. N-Nagulat lang ako kaya ko siguro nagawa yun. Dapat nakita
niyo rin kung papaano ako bastusin nitong kaibigan niyo," maamong paliwanag niya.

Lumapit sa kanya ang kausap. Tinitigan siya nito at hinawakan sa magkabilaang


braso. " Woman, that's the culture here. If you find it rude, then you don't belong
in this place," sabay yugyog nito ng mahina sa kanya.

"That's enough!"
Napalingon siya sa nagsalita. Si Tyron. Lumapit ito sa kanila at tinanggal ang mga
kamay ng lalaking nakahawak sa mga braso niya. Nakita niya ring papalapit na ang
mga bouncers at manager ng club. Pansamantalang tumigil ang tugtugan nang tuluyan
ng maagaw ng kaguluhan ang atensiyon ng buong paligid.

"She's a woman. Don't you feel ashame fighting with her! These unrespectful kids!"
saway ni Tyron sa mga kabataang lalaki.

Medyo kumalma ang mga kalalakihan nang makilala ng mga ito kung sino ang
pumapagitan sa kanila.

"She started this! She hurt me and I've got a lot of witnesses!" katwiran ng
nasipang lalaki.

"No. You started this. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan and you were harrassing
her," matigas na sabi ni Tyron.

Napikon ang isa sa mga lalaki at tinangka nitong suntukin si Tyron subalit mabilis
na pinigilan ito ng mga bouncer. Nakialam na rin ang mga kabarkadang lalaki ni
Tyron nang makita ng mga ito na susuntukin ang kanilang kaibigan.

"Tumigil kayo! Naiistorbo ang ibang mga kustomer!" galit na wika ng lalaking
manager ng club at sabay tingin nito kay Alex. "Ikaw ang nagpasimula ng gulo kaya't
bayaran mo lahat ng mga nabasag dito. Pati na yang nasirang mesa na yan! Kung hindi
ay tatawag ako ng pulis!" matapang na sabi nito sa dalaga.

Huminahon ang mga lalaki at halatang natuwa ang mga ito sa sinabi ng manager.
Nagsipagbalikan ang mga ito sa kanilang mesa ganun din ang mga kasamahan ni Tyron.
"Guard, huwag mong palalabasin ang mga yan! Lalong-lalo na ang nagpasimula ng gulo
na ito hangga't hindi dumarating ang mga pulis. How dare you caused trouble in my
place!" dagdag na sabi ng manager at sabay tingin ulit nito kay Alex na noon ay
hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya.

"Hey, she's not the one at fault! I saw everything," pagdepensa ni Tyron sa dalaga.

"Matagal na naming kustomer ang inaway ng babaeng yan. At ni minsan wala pang
nakakaaway ang lalaking yun dito maliban ngayon," pagtatanggol naman ng manager sa
nakaaway ni Alex.

Magsasalita pa sana si Tyron ngunit pinigilan ito ni Alex.

"Tama na yan Tyron. Kasalanan ko naman talaga dahil ako ang unang nanakit,"
mapagkumbabang humarap ang babae sa manager. "Pasensiya na ho kayo. Sige ho,
babayaran ko na lang ang mga na-damage dito."

"Sige hintayin mo ang bills pero tatawag pa rin ako ng pulis baka sakaling
kailangan mong bayaran pati pampahospital ng taong sinaktan mo," sabay talikod nang
manager para tumungo sa cashier's office.

Sinundan ni Alex ang manager. Tinabihan niya ito sa paglalakad at pasimpleng


inakbayan ito. Nagulat ito at nagtatakang tiningnan siya. Malambing na nginitian
niya ito at tinapik sa balikat.

"Hindi niyo na ho kailangang tumawag ng pulis," nakangiting sabi niya.

"At bakit hindi? Kailangang turuan ng leksiyon ang mga kagaya mong takaw-gulo!"

"Hindi na kailangan dahil meron ng pulis ngayon dito," mahinahong tugon niya sa
galit na kausap.

"Anong ibig mong sabihin?!"

Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa kausap at nakapamewang na tiningnan ang buong


paligid. "Hmmm...Alam niyo, mukhang isa ang lugar na to sa hindi pa namin gaanong
napapasyalan. Buti na lang pala at niyaya ako ng kaibigan ko dito kaya't nalaman
kong mukhang kakaiba yata ang sistema ng pagpapatakbo niyo sa lugar na ito ah.
Kinukunsinte niyo ba ang sexual harrassment dito?" kaswal ngunit makahulugang mga
salita niya.

"Binablack mail mo ba ako? Anong pinagsasabi mong meron ng pulis dito?" matapang pa
ring sagot ng manager.

Inilapit ni Alex ang bibig sa tenga ng kausap. "Gusto ko sanang mag-stay dito
bilang kustomer pero mukhang mapipilitan akong ipakita sayo ang tsapa ko. Kung
gusto mo ako na ang magpapapunta dito sa mga kasamahan ko at ako na rin mismo ang
magsasabi sa kanila kung anu-ano ang dapat nilang imbestigahan."

Mabilis na nagbago ang hilatsa ng mukha ng manager. Napapalunok na tiningnan nito


ang kausap.

"Papaalis na sana ako eh kaya lang mukhang marami akong nakikitang mga menor de
edad at mga kabataang halatang mga nakadroga kaya't hihintayin ko na lang ang mga
kasamahan ko, tutal tatawagan mo rin naman sila di ba?" dagdag na wika ni Alex
habang nakangisi at patingin-tingin pa rin sa paligid.

Tumawa ng malakas ang manager. "Ma'am kayo naman hindi na kayo mabiro! Sino ang may
sabing tatawag pa ako ng pulis? Tinatakot ko lang ang mga pasaway na mga
kalalakihang iyan! Ipapahamak pa nila kami sa pambabastos sa isang magandang
dalagang kagaya mo! Huwag kayong mag-alala ma'am ako na ang bahalang magdisiplina
sa taong nambastos sa yo," halatang kinakabahang paliwanag nito.

"Kung ganon pwede na ba kaming magbill-out ng kasama ko?"

"Naku huwag na kayong magbayad ng bill ma'am! Sagot na ho namin yan. Nakakahiya
naman sa inyo, nabastos na nga kayo dito pagbabayarin pa namin kayo," maamo at
nakangiti nang wika ng manager.

Inakbayan ulit ni Alex ang kausap at muli itong tinapik sa balikat. "Kayo naman
sir, obligasyon ko pa ring magbayad ng mga na-consume namin.Tanggalin niyo ho ang
ganyang impression sa mga pulis. Ang gusto ko lang ay ayusin niyo ang sistema ng
pagtanggap niyo ng mga kustomer dito para next time pupunta pa rin ako dito bilang
kustomer at hindi bilang miyembro ng raid team namin. Sige, hintayin ko ang bill
namin ha?" malambing na sabi niya sa kinakabahang kausap.

"S-Sige po ma'am. K-Kung yan po ang gusto niyo, masusunod po..."

Tatawa-tawang bumalik siya sa kanilang mesa. Ngunit agad siyang napabuntong-hininga


nang makita ang nakasubsob sa mesa at tulog na tulog na kaibigan.
"Hays, paano ba kita iuuwi?" napapakamot sa ulong sabi niya.

Naalala niya si Blake. Kinuha niya ang telepono at lumabas muna sa maingay na lugar
upang tawagan ang boyfriend. Nakailang dial muna siya bago nito sagutin ang tawag
niya.

"Hello..."

"Nasaan ka na?!" medyo iritableng bungad niya dahil sa nangyaring trouble at dahil
na rin sa hindi pagpaparamdam ng lalaki ng mahabang oras.

"Kalalabas lang namin from a karaoke bar. Bakit, are you guys done?"

"Oo, lasing na lasing na si Margareth. Matagal ka pa ba?"

"I'm already driving now but I'm on my way to Debbie's house. She's too drunk so
I'm sending her home first."

Napabuntong-hininga siya sa narinig. Ayaw niya nang maghintay pa ng matagal sa


kinaroroonang diskuhan. Hiyang-hiya na siya sa nangyari at kinakabahan din siya na
baka mapaaway ulit siya pag nagtagal pa sila doon.

"Saan ba nakatira si Debbie?" tanong niya.


"Sa Fairview."

"Ang layo niyan mula dito Blake. Magtataxi na lang ako. Natutulog na si Margareth
eh kaya kailangan ko nang ihatid."

"Sandali, how's your condition? Hindi ka ba lasing?" tanong ng lalaki.

"Okay lang ako. Hindi naman ako masyadong uminom."

"But you don't sound okay. You sound annoyed. Is there a problem? Hindi ba kayo
nag-enjoy magkaibigan sa lakad niyo?"

Saka lamang nahimasmasan si Alex sa kanyang pagkairita. Bakit nga naman idinadamay
niya ang boyfriend sa init ng ulo niya sa nangyari.

"W-Walang problema. Nagpapaalam lang ako kung okay lang na magtaxi na lang ako,"
medyo maamo at malambing nang wika niya.

"Well, If you think that you'll be uncomfortable there, you can take a cab. Sorry
wifey, I hope I can be there right now pero with Debbie's condition now hindi ko
siya pwedeng pabayaang umuwing mag-isa."
"Naiintindihan ko. Ikaw, hindi ka ba lasing? Nagmamaneho ka pa mandin."

"I'm fine. I had three glasses of wine only. Alex if you want, you can sleep at
your house tonight since ihahatid mo na rin lang si Margareth."

"Nangako akong sasamahan ka sa inyo habang wala ang lolo mo diba? Alam kong pagod
ka today kaya dapat sa inyo ako tumuloy para may mag-asikaso sayo."

"It's okay, I can take care of myself. It's past midnight already and I'm worried
kung magtataxi ka pa going to our house."

"Asus, eto namang mahal ko over protective masyado. Nakakalimutan mo na yatang si


supergirl ang girlfriend mo. Ah basta, sa inyo ako uuwi hindi tayo masyadong nag-
usap buong araw kaya namimiss kita."

"Talaga namimiss mo ako? Eh bakit mukhang galit ang bati mo sa akin kanina?"
naglalambing na wika ng lalaki.

"Kasi naman ilang oras mo akong hindi kinumusta," nagtatampong sagot ng dalaga.

"It's because I don't want to disturb your moment with Margareth. But since you
insist to stay with me tonight, you might prepare yourself as well dahil babawi
ako," pilyong sagot ni Blake. "I miss you too wifey. Argh, I'm dying to hug you
now."

"Shhh mamaya na tayo magharutan. Baka naririnig ka ng sakay mo," kunwa'y nahihiya
ngunit kinikilig namang tugon ni Alex.
"Don't worry. She's sleeping."

Naalala bigla ni Alex ang natutulog na ring kaibigan.

"Naku si Margareth, nakalimutan ko na! Sige na Blake babalik na ako sa loob. Bye, I
love you."

"I love you too wifey. Mag-iingat ka."

"Ikaw din mag-ingat ka sa pagdadrive."

Nagmamadaling bumalik sa loob ng club si Alex. Binayaran niya ang bill at binitbit
ang gamit nilang magkaibigan. Ginising niya si Margareth at sa kabutihang palad ay
nagising naman ito subalit susuray-suray na ito kung kaya't kinakailangan niya pa
itong alalayan sa paglalakad. Tinulungan naman siya ng manager sa pag-akay sa
kaibigan hanggang sa labas ng club.

"Sige na ma'am. Pumara na po kayo ng taxi, babantayan ko muna itong kasama niyo,"
sabi ng manager.

"Sige, salamat ho."


At nang papara na siya ng taxi, siya namang labas ni Tyron. May pumasok agad na
bagay sa isip niya at agad na itinigil niya planong pagtawag ng taxi.

"Wala ba kayong sasakyan?" tanong nito.

"Wala eh. Susunduin sana kami kaso hindi natuloy."

"Kung gusto niyo ihatid ko na kayo. It's hard to commute lalo pa't lasing na yang
kaibigan mo," alok ng binata.

"Huwag na, nakakahiya naman sayo," medyo pakipot munang sagot niya.

"It's okay. Pauwi na rin naman ako and besides I'm worried na baka sundan kayo ng
mga nambastos sayo kanina. Pareho pa naman kayong babae plus the fact na lasing na
yang kasama mo."

Kunwari'y nag-isip muna siya ng ilang saglit bago magdesisyon. "Sigurado bang okay
lang baka naman makakaistorbo kami sayo," nakangiting sabi niya.

"Don't worry. I'll take this chance too para makilala ng mas mabuti ang isa sa mga
kaibigan ng girlfriend ko," nakangiting sagot ni Tyron.

"Salamat ha."
Inakay ni Alex ang kaibigan upang alalayan itong sumakay sa kotse ni Tyron.
Binuksan ng lalaki ang likurang pinto ng kotse at biglang sumigla ang mukha ni
Margareth nang makita kung sino ang nagbubukas ng pinto para sa kanya.

"Huh? Ang g-gwapong si Tyron a-andidito, s-sabi ko na nga ba n-natutuwa ka sa k-


kaibigan ko. O-Okay lang matuwa ka, h-huwag ka lang magpapahuli kay Bl-..."

Mabilis na tinakpan ni Alex ng kanyang kamay ang bibig ng lasing na kaibigan.

"Pasensiya na. Huwag mong seryosohin ang pinagsasabi nito. Ganito talaga to pag
nalalasing, ang lawak ng imagination," nakangiting sabi niya sa lalaki.

"I understand," tatawa-tawang sagot nito sa kanya.

Pinagtulungan nilang isakay si Margareth. Nakahinga si Alex ng maluwag nang


pagkaupo ng kaibigan sa sasakyan ay muli itong nakatulog. Naupo naman siya sa
unahang upuan.

"Salamat ha," wika niya ulit sa lalaki bago ito mag-umpisang magmaneho.

-----
Napagod si Alex sa pag-asikaso kay Margareth. Nagsuka ito kung kaya't kinailangan
niya pang bantayan. Sa sobrang kalasingan, pinainom niya muna ito ng mainit na
sabaw, pinunasan, binihisan at saka inihiga sa kama. Sinigurado niya munang maayos
ang lagay nito bago siya tuluyang umalis.

"Hays, sinabi nang huwag masyadong uminom. Paano kaya sila makakalabas ni James
bukas kung may hangover siya!" problemadong sambit niya habang naglalakad papalabas
ng gate ng bahay ng kaibigan.

Nagulat siya pagdating sa labas. Naroroon pa rin ang sasakyan ni Tyron at


naghihintay ito sa kanya. Nagpaalam na siya dito at sinabihan itong huwag na siyang
hintayin dahil malamang na matagalan siya sa loob ng bahay nina Margareth. Mag-
iisang oras siya sa loob kaya't inaasahan niyang nakaalis na ang lalaki.
Nagtatakang lumapit siya dito at kinatok ang bintana ng sasakyan.

"Tyron ba't nandidito ka pa? Sabi ko naman sayong huwag mo na akong hintayin."

"I couldn't leave you here. Hatinggabi na and I notice na walang pumapasok na taxi
dito. Delikado kung maglalakad ka pa palabas ng subdividion. Get inside, I'll give
you a ride hanggang sa inyo."

Nagdalawang-isip siya kung tama bang magpahatid siya sa ibang lalaki patungo sa
bahay ng boyfriend niya. Kaya lang nakakahiya namang tumanggi kay Tyron matapos
siya nitong hintayin ng matagal. Bahala na. Mag-iisip na lang siya ng paraan sa
daan.

"Ganito ka ba kabait sa mga kaibigan at malalapit kay Sophia?" tanong niya habang
nagsusuot ng seatbelt.
Natawa ang lalaki sa sinabi niya. "It's not because of Sophia. It's an etiquette of
a guy to show some concern sa babaeng nangangailangan ng tulong. But of course,
people who are important to Sophia are also important to me."

Eh sa dating assistant ng girlfriend mo nagmamalasakit ka rin ba? Gusto niyang


itanong dito habang palihim itong sinusulyapan.

"So are you and you're friend both single? Coz if not, imposibleng pabayaan kayo ng
mga ito na umuwi by yourselves during this late-night hour," usisa ng lalaki.

Kunot-noong napalingon si Alex sa katabi. Hindi ba nabanggit dito ni Sophia ang


tungkol sa kanila ni Blake.

"Meron. Kaya lang parehong may importanteng inaasikaso ang mga boyfriend namin."

"Really even at this late hour? Mas importante pa kesa sa inyo?"

"Hindi naman sa ganun. Hindi naman makatwiran kung pababayaan nila ang kanilang
ginagawa para lang sunduin kami. Maliit na bagay lang naman ito," katwiran niya.
"Kunsabagay as I watched you in the club kanina. I guess you're boyfriend doesn't
need to worry much about you. You can defend yourself very well," ngingiti-ngiting
sabi ng lalaki.

Nakaramdam ng kaunting hiya si Alex nang maalala ang nangyari. "Pasensiya ka na


kanina ha. Muntik ka nang madamay sa gulo. May sumpa ata ako pag pumupunta sa mga
club, madalas lagi na lang may away," sabi niya nang may naaasiwang ngiti.

"Don't tell me, you were involved in all those fights," pabirong sabi ng binata.

"Hindi naman. Ngayon lang naman ako nainvolve. At wala naman akong intensiyong
makipag-away. Nagulat lang talaga ako kanina nang hinablot ako kaya nasaktan ko
yung lalaki."

"I can see that you're very flexible and you're strong too. Are you a black
belter?" pabirong sabi ulit ni Tyron.

"Naku hindi! Wala akong alam masyado sa pakikipag-away. Nakatsamba lang ako kanina.
Adrenaline rush ika nga," kunwa'y mapagkumbabang sagot ng babae habang paulit-ulit
na umiiling.

"What do you do?" usisa ulit ni Tyron.

Muling natigilan si Alex. "W-Wala bang nabanggit sayo si Sophia tungkol sa akin?"
"She did talk about you. She said you're an engineer," nakangiting sagot ng lalaki.

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Alex. Mas lalong nadagdagan ang pagtataka


niya. Bakit nagsisinungaling si Sophia? Hindi nito binanggit sa lalaki na siya ang
girlfriend ni Blake, ayaw din nitong ipaalam na kaya sila nagkakilala dahil kay
Blake at ngayon naman binigyan siya nito ng ibang trabaho.

"So, are you really an engineer?"

"Ha?! Ah-eh oo...parang ganun na nga," pagsakay niya sa pagsisinungaling ni Sophia.

"Saang company ka nagtatrabaho? Sophia didn't mention it."

"D-Diyan lang sa tabi-tabi. M-Maliit lang kasing company kaya siguro hindi na sayo
binanggit ni Sophia."

"Are you not proud of your work? Mukhang nahihiya kang sabihin ang pangalan ng
kumpanya mo."
"Hindi naman sa ganun..." sabay nakita niyang malapit na sila sa pasukan ng village
nina Blake. "Kanan ka na diyan, Tyron!" malakas na bigkas niya upang mailihis ang
kanilang usapan.

"F-Forbes Park? Y-You live here?" tila hindi makapaniwalang tanong ng lalaki habang
binabaybay nila ang nasabing lugar.

Mabilis na nag-isip ng isasagot si Alex. "N-Nakikitira lang ako sa kamag-anak ko.


Nakakapanghinayang kasi kung kukuha pa ako ng sariling apartment tutal ang laki-
laki naman ng bahay nila."

"You don't own a house here in Manila?"

"W-Wala, sa probinsiya kasi ako lumaki," napapalunok na sagot niya. "Dito na lang
Tyron."

Bumaba siya sa tapat ng isang bahay na may layo pa ng mga isandaang metro mula sa
bahay nina Blake. Iniwasan niyang magpahatid mismo sa tapat ng bahay ng boyfriend
upang huwag makita ng mga guwardiya.

"Salamat Tyron. Sige ingat ka sa pagmamaneho. Ikumusta mo na lang ako kay Sophia,"
paalam niya sa binata pagkababa ng sasakyan habang kumakaway sa tapat ng bintana ng
kotse.
" Get inside your house now. Hintayin na kitang makapasok before I leave," sabi ng
lalaki.

"Naku huwag na! Medyo istrikta ang tiyahin ko. Ayaw nung makikitang may naghahatid
sa aking ibang lalaki maliban sa boyfriend ko."

"Ganun ba. Then, can I ask for you number first before I leave?" hirit ulit ng
lalaki.

"Oo naman!"

Walang pagdadalawang-isip na ibinigay niya ang kanyang cellphone number at kinuha


niya rin ang numero ng lalaki. Mas pabor sa imbestigasyon niya kung magkakaroon
siya ng direktang komunikasyon sa kausap.

"I'll go ahead then. Nice meeting you again," nakangiting paalam ng binata.
"Bye! Salamat ulit. Ingat ka!" nakangiting wika niya.

Hinintay niyang makaalis ang sasakyan ni Tyron at nang mawala na ito sa paningin
niya ay saka lamang siya nakahinga ng malalim. Ngingiti-ngiting inumpisahan niyang
maglakad patungo sa bahay ng boyfriend. Subalit, nakakailang hakbang pa lamang siya
ay biglang bumagal ang kanyang mga paa nang makita ang isang nakahintong pamilyar
na kotse sa bandang unahan niya. Nabura ang mga ngiti sa kanyang mukha.

Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan
sa nakita hanggang sa tuluyan na siyang napahinto sa paglalakad. Lumabas si Blake
sa sasakyan. Pabulagsak nitong isinara ang pinto ng kotse at seryosong humarap sa
kanya nang hindi umaalis sa tabi ng sasakyan. Binigyan siya nito ng naghihinalang
mga titig. Ilang saglit muna itong tumitig sa kanya bago nagsalita.

"What were you doing inside Tyron Garcia's car?"

"B-Blake..."...

*****

"Get in the car," matigas na utos ni Blake kay Alex.


"B-Blake..."

"Mamaya ka na magpaliwanag," pagputol ng lalaki sa sasabihin ng dalaga.

Napapalunok na itinikom ni Alex ang bibig at tila maamong tupang sumakay sa kotse.
Maya't maya niyang sinusulyapan ang nagmamanehong boyfriend. Walang imik ito at
hindi tumitingin sa kanya. Para siyang sinasakal sa nerbiyos. Umaapaw ang kaba niya
habang iniisip ang maaring mangyari pagdating nila sa bahay.

Pinarada ni Blake ang sasakyan sa garahe at lumabas dito nang hindi pa rin
tumitingin sa kanya. Padabog nitong isinara ang pinto ng kotse at naglakad papasok
ng bahay nang hindi man lamang siya nililingon. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan
at sinundan ang lalaki.

"B-Blake galit ka ba?" hindi makatiis na tanong niya. "P-Pwede na ba akong


magpaliwanag?"

Dire-diretsong lamang sa paglalakad si Blake patungong elevator ng bahay na para


bang walang naririnig na kausap. Nagmamadaling inunahan niya ito sa pagsakay ng
elevator nang hindi inaalis ang mga paningin sa seryosong mukha ng kasama.

"Blake naman, pansinin mo naman ako. Wala naman akong ginawang masama.
Nagmagandang-loob lang naman si Tyron at wala namang ibang kahulugan yung paghatid
niya sa akin kaya huwag ka namang magalit oh."

Hindi pa rin siya pinansin ng lalaki. Pagkalabas nila ng elevator ay binilisan lalo
nito ang paglalakad...ngunit nang makarating sila ng kuwarto ay isinarado nito ng
pagkalakas-lakas ang pinto.
Biglang napaangat ang kanyang balikat at napapikit siya sa lakas ng pagkakabalibag
ng pinto. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at saka kabadong-kabadong
tumingin sa galit na mukha ng boyfriend.

Ilang ulit munang huminga ng malalim si Blake bago siya nito tiningnan. Binigyan
siya nito ng matatapang na mga titig.

"Start talking," maiksi at tila mahinahong sabi ng binata ngunit kitang-kita pa rin
ang nangangalit na mga panga nito.

Nagtaka si Alex sa mahinahong salita ng lalaki. Sa pagkaseloso nito, inaasahan


niyang bubungaran kaagad siya nito ng sigaw. Ngunit sa halip na magtaka pa binigyan
niya na lamang ito ng malambing na ngiti, marahil ay naibunton na nito ang ilang
bahagi ng galit sa pintuan.

"G-Galit ka pa ba?" kinakabahang tanong niya.

Napangisi si Blake nang may hindi makapaniwalang mukha. "Anong klaseng tanong yan?
Sinong boyfriend ang matutuwang makita ang girlfriend niya na inihahatid ng ibang
lalaki?"

"M-Magtataxi naman talaga kami kaya lang nag-alok na si Tyron na ihatid kami dahil
nakita niyang lasing na lasing na si Margareth..." umpisang paliwanag ni Alex.

"Is it that easy for you to trust anybody? Pag may nag-alok sayong lalaki na ihatid
ka, sasama ka kaagad. And for all people si Tyron Garcia pa ang sinamahan mo. How
did you know him? I remember he was the guy na kasama ng nagsuicide na empleyado
namin sa picture. Was it because of that case again?"

Panandaliang nawalan ng kulay ang mga pisngi ni Alex ngunit mabilis din siyang
nakabawi mula sa mas malalim na kabang naramdaman. Ngumiti siya at paulit-ulit na
umiling.

"Hindi, walang kinalaman ang namatay niyong empleyado kung bakit ko siya nakilala.
T-Tapos na yun, wala na akong pakialam sa kasong yun. I-Ibang pulis na ang
humahawak sa kasong yan," napapalunok na sabi niya habang pinipilit maging masigla
ang boses. "N-Nakilala ko si Tyron dahil kay Sophia."

"Sophia? Sinong Sophia?" kunot noong tanong ni Blake.

"S-Si Sophia... yung ex mo," mahina at napapayukong sagot ng dalaga.

"Nagkikita kayo ni Sophia? And you didn't even bother to mention that to me, not
even once. I was hesitating to accept the proposal na maging model namin siya
because of you but all the while meron ka pa rin palang communication sa kanya,"
nangungunsensiyang wika ng lalaki.

"N-Ngayong linggo din lang ako nagkaroon ng contact sa kanya. Isang beses ko lang
siya nakita. N-Nagkasabay kami nung minsang nagtake-out ako sa isang coffee shop
malapit sa headquarters. A-At noon niya rin lang ipinakilala sa akin Tyron. N-
Nakalimutan ko lang banggitin sayo."

"Why would she introduce you to Tyron? What's the connection between the two of
them?" nagtatakang tanong ni Blake.
Namilog ang mga mata ni Alex at muntik na itong matawa sa tanong ng kausap. "Hindi
mo alam?!"

"Magtatanong pa ba ako kung alam ko?"

"Kitam kaya ka pala nagagalit ng ganyan dahil hindi mo alam. Boyfriend ni Sophia si
Tyron!" nagmamalaking sagot ng babae.

Pansamantalang natahimik si Blake. Kita sa mukha nito na nagulat ito sa nalaman. "I
heard that Sophia is in a relationship with a son of one of our directors but I
didn't know it was Tyron Garcia."

Lumapit si Alex sa lalaki at lakas loob na yumakap sa katawan nito para lambingin.
"May girlfriend na yung tao kaya huwag ka nang magselos ha? Coincidence lang na
nagkita kami sa pinuntahan naming club ni Margareth, siguro napansin niya lang na
nahirapan ako sa kaibigan ko kaya't inalok niya kaming ihatid."

"But why would he offer a ride to a woman he only met once or twice? It might be
nothing to you but it might be something for him," sabay tanggal ni Blake sa mga
kamay na nakayakap sa kanya at saka naglakad patungong cabinet upang simulang
magpalit ng damit.

Natawa si Alex sa sinabi ng lalaki. Sinundan niya ang boyfriend at sinabayan ito sa
pagbibihis. "Blake, ano ba yang iniisip mo? Girlfriend niya ang isang napakagandang
Sophia Vasquez. Sa tingin mo ba magkakainteres siya sa isang ordinaryong babaeng
katulad ko?" ngingiti-ngiting wika niya habang kumukuha ng isusuot na pajama.

Natigilan si Blake at tumingin ito ng seryoso sa tatawa-tawang kausap. "Who said


you're ordinary? And what makes you think that Sophia is prettier and better than
you?"
"Ah-eh....sa palagay ko lang, y-yung ganda naman depende sa mga mata ng tumitingin
di ba?" napapakamot sa ulong sagot ng dalaga.

"Stop underestimating yourself. Nakalimutan mo na bang Sophia was one of the women
I gave up because of you. So what I see in you are not impossible to be seen by
other guys too and that doesn't exempt Tyron," madiing wika ni Blake.

Iningusan ni Alex ang boyfriend nang hindi na ito nakatingin sa kanya. "Sigurado ka
bang ipinagpalit mo si Sophia sa akin? Baka naman si Marianne ang tinutukoy mo at
hindi ako," mahina ngunit dinig pa ring pagkakasabi niya.

Napatingin ulit sa kanya si Blake. At muli siya nitong binigyan ng matatapang na


mga titig. "Don't bring back the past."

"Tinatama ko lang ang sinabi mo. Saka sino ba ang nag-umpisang kalkalin ang past na
yan?" nakasimangot na sagot niya.

Hindi sumagot si Blake ngunit nakatingin pa rin ito ng masama sa kanya. Agad niyang
itinikom ang bibig nang mapagtantong ginagatungan niya ang galit ng lalaki at saka
siya dahan-dahang ngumiti ng malambing.

"Nagpapaliwanag lang naman ako. Sino ba namang matinong lalaki ang magpapakita ng
motibo sa babaeng kaibigan ng girlfriend niya? Hindi naman siguro ako mukhang uto-
uto sa mga mata ni Tyron kaya huwag na nating bigyan ng malisya ang ginawa niya.
Huwag na nating pag-awayan to pleaseee,"dagdag na wika niya.
Huminga ng malalim si Blake habang unti-unting kumakalma ang mukha nito. "I'm not
fighting with you. I'm only expressing my disappointment. Ah basta! I don't want
you to get closer sa kahit na sinumang lalaki."

"Huh? Parang may mali sa sinabi mo, baka nakakalimutan mong halos buong oras ko sa
trabaho ay napapalibutan ako ng mga lalaki. Huwag mong sabihing hindi ka pa rin
sanay diyan."

"I mean men outside your work, especially Tyron."

"B-Bakit naman specific talaga si Tyron?"

"Because I hate his father. Director Garcia is the director who has the most desire
to replace grandpa in his position. He's one of those people who want to see me
fail with my projects para ipamukha sa board na hindi pa ako handang manahin ang
posisyon ni Lolo. There's no way that he could steal the chairman's seat from my
family," madiing sagot ni Blake at sabay tingin niya ng diretso sa mga mata ng
babae. "That's why don't get closer even to his son because somehow I feel that his
whole family want to steal anything that belong to me."

Biglang natigilan si Alex sa narinig at pansamantalang napanganga. Hindi niya


akalaing may ganoon palang hinaharap na pressure ang boyfriend sa kanilang
kumpanya.

Natapos sa pagpapalit ng damit si Blake at naglakad patungong banyo. Nagmadali


naman sa pagbibihis si Alex at sinundan ang boyfriend.
"Pero siguro naman okay lang kung maging malapit ulit ako kay Sophia. Wala namang
kaming masamang pinagsamahan nun, di ba nga mas boto pa nga ako sa kanya kaysa kay
Marianne noon," nakangiting bigkas ng dalaga.

Tumigil sa paglalakad si Blake at binigyan ulit ang babae ng matatapang na mga


tingin. "I told you not to mention about the past. Can you be a little less
tactless?"

Panandaliang tinakpan ni Alex ng kamay ang bibig nang mapagtanto ang sinabi. "S-
Sorry nakalimutan ko... Gusto ko lang naman itanong kung pwede akong regular na
makipagkita kay Sophia," mahinang sabi niya.

"You can," maiksing sagot ni Blake.

Agad na nagliwanag ang mukha ni Alex. "Talaga?! Then, pwede bang mahingi ang
schedule ng mga pictorials or shooting ng commercial niya sa inyo para madalaw ko
siya."

"That won't happen because she didn't accept our modelling offer. Her agent said
she's fully booked. Too bad coz our marketing think that she really fits our
product."

Napaisip si Alex sa sinabi ng lalaki. Bigla siyang nagduda sa totoong dahilan ng


pagtanggi ng modelo. Sa palagay niya ay hindi schedule ang rason nito, gusto lang
nitong umiwas na muling makaharap si Blake.

"Gusto mo bang kumbinsihin ko siya?" malambing na alok niya.


"You think you can do that?"

"Oo naman! Akong bahala. Wala ka bang tiwala sa karisma ng girlfriend mo?"

"Well...If you could, then I'd be thankful," walang ganang sagot ng lalaki.

Pumasok si Blake ng banyo at sinundan pa rin ito ni Alex. Sinabayan ng dalaga ang
boyfriend sa paghihilamos at pagsisipilyo nito. Tinitingnan niya ang lalaki sa
salamin at napansin niyang umiiwas pa rin ito ng tingin sa kanya. Sa lahat ng mga
paliwanag niya at pailan-ilang mga tila kaswal na naging pag-uusap nila, akala niya
ay okay na sila nito. Subalit ramdam niya pa rin ang pagiging malamig ng mga kilos
nito. Naguguluhan siya kung nagseselos pa rin ba ito o nag-uumpisa na itong
maghinala sa kanya. Napapailing siya ngunit hindi na muling kinulit pa ang lalaki.
Tahimik na tinapos na lamang nila ang pag-aayos ng sarili.

Paglabas ng banyo ay diretso kaagad sa kama si Blake. Binuhay naman ni Alex ang
lampshade at pinatay ang pinakailaw ng kuwarto. Tahimik na tumabi ang dalaga sa
lalaking nakapatong ang isang kamay sa mga mata na noon ay mukhang natutulog na.

Maya't mayang pinapakiramdaman ni Alex ang katabi. Alam niyang hindi pa ito totoong
tulog. "B-Blake, galit ka pa rin ba sa akin?" hindi makatiis na tanong niya.

"No. I'm not," nakapikit na sagot ng lalaki.

"Eh ba't ang tamlay-tamlay mo pa rin?"


"I'm tired, Alex..."

"Gusto mo i-massage kita?" masiglang sabi ng dalaga.

"No need. I'm sleepy. Matulog ka na rin, madaling araw na and both of us have works
in the morning. Good night," sagot ng binata at sabay talikod nito sa katabi.

"G-Good night," mahinang bigkas ni Alex.

Nagmulat ng mga si Blake at tahimik na tumitig sa dingding. Inisip niya ang isang
bagay na totoo at mas higit na bumabagabag sa kanya. Naglaro sa isipan niya ang
eksena ng mga huling sandali ng paghahatid niya kay Debbie...

Ibinaba niya ang natutulog na babae sa sasakyan at inakay ito papasok ng gate. Mag-
isa lang itong nakatira sa isang townhouse kaya't nag-alangan siyang ihatid ito
pati sa loob. Bagama't malapit niya itong kaibigan at walang anumang malisya sila
sa isa't isa, hindi pa rin magandang tingnan kung papasok siya sa loob ng bahay ng
isang dalagang lasing. Kaya pinilit niyang gisingin ang babae nang nasa tapat na
sila ng main door ng bahay. Subalit nagulat siya nang magkamalay ito.

Tumitig ito sa kanyang mga mata at binigyan siya ng mapang-akit na mga ngiti.

"Who says I'm a lonely woman? I can make men fall in love with me too...and that
includes you Blake," pabulong na sabi nito sa kanya nang may namumungay na mga
mata.

Hindi agad siya nakaimik at lalong hindi siya nakagalaw nang hawakan nito ang
kanyang magkabilaang pisngi. Dahan-dahang inilapat nito ang mga labi sa kanyang mga
labi at hinalikan siya ng malalim.

Mabilis siyang natauhan mula sa mga halik ng babae at agad niya itong hinawakan sa
magkabilaang braso upang ihiwalay ang kanilang mga labi. Nanlalaki ang mga matang
tinitigan niya ang mukha ng lasing na babae. Alam niyang hindi nito alam ang
pinagagawa...ngunit hindi niya maikakailang kinabahan siya at ramdam na ramdam niya
kung paano bumilis ang tibok ng kanyang puso...

Natigilan sa pag-iisip si Blake nang dumantay sa hita niya ang isang paa ni Alex.
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga habang nananatili pa ring
nakatitig ng seryoso sa dingding. Binabagabag siya ng konsensiya. Sinisisi niya ang
sarili sa lahat ng nangyari sa kanila ni Alex sa gabing iyun. Kung nagagalit man
siya yun ay hindi kay Alex, kundi sa kanyang sarili. Sana pinahatid niya na lang sa
ibang empleyado si Debbie. Sana naisip niyang kahit gaano pa man siya ka kumpiyansa
sa girlfriend na kaya nito ang sarili, ito pa rin ang dapat niyang unahing
asikasuhin. Hindi sana nabahiran ng ibang bagay ang pagkakaibigan nila ni Debbie at
sana hindi ibang lalaki ang naghatid kay Alex. Nakaramdam din siya ng takot sa
ginawa ni Debbie. Hindi niya maitatanggi na may maiksing sandaling nadala siya sa
mga halik ng babae.

Napaisip siya sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Alex. May pakiramdaman


siyang tila may hindi tamang nangyayari sa kanilang dalawa. Masyado na ba silang
komportable at tiwala sa damdamin nila para sa isa't isa? Kung kaya't parang
napakadali na lamang para sa kanila ang kagaya ng isang sitwasyong maghatid ng
ibang babae at magpahatid sa ibang lalaki. Kampante na ba sila masyado na walang
anumang bagay na makakasira sa relasyon nila? Nakalimutan na ba nilang kahit gaano
man katibay ang pagmamahal nila sa isa't isa ay maaring may dumating pa ring mga di
inaasahang tukso sa pagitan nilang dalawa?

Dahan-dahan siyang bumaling papaharap kay Alex at tinitigan ng seryoso ang payapa
at natutulog na mukha nito. Hinaplos niya ito sa ulo at maingat na hinawi ang
nakaharang na buhok sa pisngi nito. Bahagyang kumilos at kumurap ang babae.

"Hey are you asleep already?" bulong niya.


"Hmmm...bakit?" nag-aagaw tulog na sagot nito.

"Can we talk for a while..."

"T-Tungkol s-saan..." nakapikit at inaantok na wika ng dalaga.

"Alex, let's start planning our wedding."

Biglang napadilat si Alex at agad na tumingin sa mukha ng kausap. "Blake anong


nangyayari sayo? Dahil pa rin ba sa paghatid sa akin ni Tyron kaya ka
nagkakaganyan? Hindi pa rin ba ito tapos?"

Yumakap si Blake sa girlfriend at marahang hinalikan ito sa noo. "It's not because
of that. I'm not sure... but I have this feeling that if we keep prolonging our
marriage, things between us might start to get complicated."

Tumagilid si Alex upang humarap sa boyfriend at nakangiting tinitigan ito sa mga


mata. "Mr. Monteverde, ano naman ang magiging complicated sa ating dalawa? Pagod at
selos lang yan kaya kung anu-ano ang pumapasok diyan sa isip mo, " sabay pisil niya
sa pisngi ng lalaki. "Huwag kang mag-alala, kahit sa dalawampung Tyron, sampung
Brad Pitt at limang Tom Cruise hinding-hindi kita ipagpapalit."
"You sound as if you don't want to get married with me," kunwa'y nagtatampong sabi
ni Blake.

"Blake napag-usapan na natin to. Isasabay mo pa ba ang stress mo diyan sa kumpanya


mo sa pressure ng paghahanda ng kasal natin. Hayaan mo munang maging successful ang
mga projects mo bago natin asikasuhin ang kasal. Huwag mong hatiin ang focus mo
baka mas lalong matuwa ang mga taong nag-aabang na pumalpak ka sa trabaho. Ayoko
yatang maliitin ka nila baka pag nangyari yun, ako mismo ang lumusob sa mga nang-
aaway sayo..."

"Then, can you quit your job now and just stay by my side the whole time..."

Natahimik at panandaliang hindi nakakibo si Alex sa narinig. Pagkuwa'y tumalikod


siya sa kausap at kinumutan ang sarili.

"M-Matulog na tayo Blake. Pagod at antok lang yan. Paggising mo bukas tiyak na
mabubura din lahat ng mga kakaibang bagay na tumatakbo diyan sa isip mo ngayon,"
kunwari ay inaantok ngunit kabadong sagot niya at agad siyang nagtulug-tulugan bago
pa man magsalitang muli ang lalaki tungkol sa pagbibitiw niya sa trabaho...

-----

"You haven't changed. You still eat a lot."


Natatawa sa isipan si Sophia habang pinanonood ang maganang kumakaing kaharap.
Umorder ito ng isang malaking burger, isang steak, chicken buffalo at isang pasta.
Naalala niya tuloy ang sandaling nakasama nila ito ni Blake sa isang dinner at kung
gaano siya namangha noon sa lakas nitong kumain.

"Kailangan to sa trabaho. Alam mo na, hindi pwede sa amin ang papatay-patay kaya
kailangang may nakareserve laging energy," tatawa-tawang sagot ni Alex habang
sumusubo. "Ikaw sigurado ka bang vegetable salad lang ang kakainin mo? Mabubusog ka
na ba diyan? Hindi ka ba manghihina niyan sa trabaho? Sa palagay ko kailangan mo
kahit konting lakas," sabay tingin niya sa bagong pasang nakikita sa braso ng
modelo. "Kaya ka natutumba o nababangga sa kung saan-saan dahil siguro wala kang
kalakas-lakas."

Ngumiti si Sophia at mabilis na tinakpan ng isang kamay ang tinititigang pasa ni


Alex. "Tumama to sa pinto ng sasakyan. Nagmamadali kasi ako sa pagpasok dahil may
mga agresibong fans na naghahabol sa akin."

"Bakit naman naisipan mo akong imbitahing maglunch? Hindi ka ba busy ngayon?"


kusang paglihis ni Alex sa paksa nang mahalatang ayaw pag-usapan ng kausap ang
nakita niyang pasa.

"I'm free for two hours. And right after my pictorial, ikaw kaagad ang pumasok sa
isip ko," masiglang sagot ni Sophia.

"Bakit naman ako?" nagtatakang tanong ni Alex habang puno ng pagkain ang bibig.

"Well now that I had contact with you, I really love to get closer to you again. I
think I missed you. You are one of those few people na gustung-gusto kong maging
malapit na kaibigan," namimilog ang mga matang sagot ng modelo.
"Pareho pala tayo. Gusto ko ring maging close ulit sayo. Pero sa part mo hindi ba
napapaligiran ka na ng maraming mga kaibigan? Sigurado ka bang kailangan mo pa
ako?"

"Yeah I'm sure about it! You know, it's hard to explain but you bring a different
feeling for me. Yun bang parang napakakomportable ko pag kasama kita. Yung I can do
anything I want without any pretentions or hesitations," nakangiting paliwanag ni
Sophia habang tinutusok-tusok ng tinidor ang mga gulay sa plato.

"Ahh... yung para bang safe ka pag kasama ako," makahulugang wika ni Alex at sabay
tingin ng diretso sa mga mata ng kausap. "....A-Ang ibig kong sabihin ay safe kang
magpakatotoo," dagdag na paliwanag niya nang mapansing nagbago ang mukha ng modelo
nang marinig ang sinabi niya.

"Yeah, it's somewhat true... I feel safe too when I'm with you," mahinang sagot ni
Sophia nang may matamlay na ngiti.

"Bakit hindi ka ba safe sa ibang mga nakakasama mo?"

"Hindi naman sa ganun. Kaya lang kadalasan I need to restrict my actions sa mga
taong nakapaligid sa akin. You know, I have to be careful with my image because of
my status."

"Ganun ba? Yan ang mahirap pag sikat ka, laging may mga matang nakatingin at
handang humusga sayo. Pero para sa akin hindi mo kailangang limitahan ang kilos mo
o magpanggap dahil alam kong isa kang mabuting tao," nakangiting sabi ni Alex.

"Thank you."
Nagseryoso ang dalawa sa pagkain at halatang nagpapakiramdaman ang mga ito nang
dumaan sa kanila ang ilang sandali ng katahimikan. Minadaling tapusin ni Alex ang
kinakain at nang tanggalin ng waiter ang mga gamit na plato sa kanilang mesa,
inumpisahang pahagingan ng dalagang pulis ang kausap.

"Oo nga pala, nalaman kong kinukuha kang model ng kumpanya nina Blake kaya lang
hindi ka na daw pwede dahil puno na ang schedules mo. Nanghihinayang nga si Blake
dahil ikaw daw talaga ang pinakabagay na magmodel sa bagong produkto nila."

Napalunok si Sophia at binigyan ng pilit na ngiti ang kausap. "O-Oo may nauna na
kasing mga offers ang ibang kumpanya. H-Hindi na kaya ng schedules ko na tumanggap
pa ng bagong offer," sagot nito nang hindi makatingin ng diretso sa mukha ng
kaharap.

"Seloso ba si Tyron?" diretsong tanong ni Alex.

"B-Bakit mo naman naitanong?"

"Napansin kong ayaw mong banggitin sa kanya si Blake. Hindi niya ba alam na ex mo
si Blake?"

"A-Alam niya... H-Hindi naman seloso si Tyron kaya lang bago ko siya naging
boyfriend, nagkaroon ako ng karelasyon na lahat na lang ng lalaking napapalapit sa
akin ay pinagseselosan. N-Na-trauma ako sa relasyong iyon that's why as much as
possible I don't want that to happen also to my relationship with Tyron,"nauutal na
sagot ng modelo.
Napabuntong-hininga si Alex. Alam niya agad na nagsisinungaling ang kausap dahil sa
research at pagbabasang ginawa niya tungkol sa sikat na dalaga...wala itong naging
karelasyon maliban kina Blake at Tyron.

"Ah saka nga pala nagkita kami ng boyfriend mo sa isang club. Nabanggit niya ba ito
sayo?" patay malisyang tanong niya.

"O-Oo...sinabi niyang inihatid ka raw niya at ang kaibigan mo," sagot ni Sophia na
noon ay halatang alam na ang susunod na sasabihin ng kausap. "Pasensiya ka na ha,
hindi ko sinabi sa kanya ang totoong trabaho mo," kusang pag-amin nito sa ginawang
pagsisinungaling.

Tumango at ngumiti lamang si Alex. "Kailangan pala pag kaharap ko si Tyron magmukha
akong engineer," pabirong wika niya. "Bakit may masama ba sa pagiging pulis ko?
Bawal ka bang makipagkaibigan sa katulad ko?"

Mabilis na umiling ng paulit-ulit si Sophia. Namula ang mukha nito sa hiya. "Wala!
Walang masama! Kaya lang conservative kasi ang pamilya ni Tyron lalong-lalo na ang
Mommy niya. Hindi naman sa ikinahihiya ko ang trabaho mo, kaya lang pinupuna noon
pati buhay ng mga taong malalapit sa akin. Alam mo na, the typical rich
conservative mother. Kaya para wala ng mahabang paliwanagan pa pinakilala na lang
kita kay Tyron bilang babaeng may normal na trabaho."

Ngumiti si Alex at huminga ng malalim. Bagama't wala ni isa mang sagot ang kausap
na nakakumbinsi sa kanya, hindi niya pinahalatang wala siyang pinaniniwalaan ni isa
man sa mga sinabi nito.

"Sophia kung anuman ang dahilan mo sa lahat ng mga ito ay naiintindihan ko. Alam
kong may sarili kang rason na maaring ikaw lamang ang nakakaunawa kung bakit mo
nagagawang magsinungaling. Sa totoo lang, may pagkakapareho ang sitwasyon natin.
Nagagawa ko ring magsinungaling kay Blake dahil sa rasong ako din lamang ang
nakakaintindi,"mahinahon at seryosong mga salita niya.

"W-What do you mean?" nalilitong tanong ni Sophia.

Tiningnan muna ni Alex ang mga mata ng kausap. Pinag-aralan niya ng mabilisan kung
malaki ba ang posibilidad na makuha niya ang tiwala nito."A-Actually yung nakita
mong insidente kung saan may hinahabol akong magnanakaw. Hindi alam yun ni Blake.
Hindi totoo ang sinabi ko sayong pinapayagan niya akong tumanggap ulit ng mga
delikadong trabaho. Ang pagkakaalam niya nasa opisina lang ako kasama ang mga
nakatambak na paper works," kunwa'y nahihiyang pag-amin niya sa kausap.

Natawa agad si Sophia ng malakas. "I knew it! Knowing his characters, he will never
allow you to do those things. But of course, knowing you're character too I know
you're unstoppable!"

Nahawa si Alex sa malutong na tawa ng kausap kaya't natawa na rin siya.

"See this is why we're really meant to be closer to one another!" masayang dugtong
ng modelo.

Humupa ang kanilang tawanan at dahan-dahan uling nagseryoso si Alex. Hinawakan niya
ang palad ng kausap at tinitigan ito sa mukha. " Sophia, mangako tayong pagtatakpan
natin ang mga bagay na inililihim natin sa sari-sarili nating boyfriend.
Magpapanggap ako sa kung papaano mo ako inilarawan kay Tyron. Alam kong ayaw mo
ring ipaalam na ako ang karelasyon ni Blake kaya't paninindigan ko rin iyon."
"No problem. But's what will you get in return? I think it's unfair on your part. I
have no chance on seeing Blake so I don't have an oppurtunity at all to reveal your
secrets," pabiro at natatawang sagot ni Sophia.

Tumawa rin si Alex ngunit tumingin ito ng makahulugan sa kaharap. "May chance pa
rin na magkita kayo."

"How?"

"Dahil pagbibigyan mo ang pakiusap kong tanggapin ang modelling offer sayo nina
Blake," nakangising sambit ng dalagang pulis.

Biglang nabura ang mga ngiti sa mukha ni Sophia at nagtatakang tumingin ito sa
kausap. "A-Alex...."

"Siguro naman ay hindi mahirap ang pag-aadjust ng schedule mo kung totoong ito lang
ang dahilan ng pagtanggi mo," ngingiti-ngiting sabi ni Alex.

Napalunok si Sophia at pasimple itong uminom ng tubig. Nakita kaagad ni Alex ang
bakas ng takot sa mukha ng babae.

"S-Susubukan ko..." sagot nito nang may nag-aalangang ngiti.

"Magbigayan tayo Sophia. Kung anuman ang pumipigil sayo para gawin to, ako ang
bahalang mag-ayos nito para sayo. Sabihin mo lang. Sabi mo nga na pakiramdam mo ay
ligtas ka pagdating sa akin. Hindi ko ipagkakait sayo ang pagkiramdam at
pagkakataong iyan. Nasa tabi mo ako anumang oras na kailanganin mo ako..pero
siguro naman hindi mahirap para sayo na pagbigyan din ang lambing ko bilang isang
kaibigan," wika ni Alex sabay tingin niya sa pasa ng kaharap, sa mga mata nito at
saka nakangisi niya itong kinindatan.

Hindi agad sumagot si Sophia. Humingi ulit ito ng tubig sa waiter at seryosong
tumitig sa dalagang pulis. Ibinuka nito ang bibig nang may nanginginig na mga labi
habang pinipilit ngumiti.

"O-Okay. I'll do it... B-But don't you dare ignore any of my calls."

Unti-unting nagliwanag ang mukha ni Alex. "Sure. Kung gusto mo kumuha pa ako ng
bagong cellphone at number na exclusive lang para sayo. Anong klase akong kaibigan
kung hindi ko mapagbibigyan ang napakasimpleng hiling mo na yan?" nakangising sagot
niya habang seryosong nakikipagtitigan at nakikipag-usap ang mga mata sa mga mata
ng kausap.

Si Sophia ang unang kumawala sa kanilang titigan. " I-I have to leave now. I need
to talk to my manager as soon as possible about your request," sabay inom ulit nito
ng tubig at saka tila natatarantang hiningi sa waiter ang kanilang bill...

*****

Mag-isang pinapanood ni Blake sa kanyang laptop ang mga video profiles ng mga model
na ipapalit nila kay Sophia. Ilang beses nya na itong pinag-aaralan ngunit wala
siyang napipili. Sa kanyang mga mata, hindi nagkakalayo ang kalidad ng ganda ng mga
ito ngunit wala ni isa man sa mga nasabing modelo ang makakapantay sa appeal at
karisma ni Sophia pagdating sa harap ng camera. Ngayon ay naiintindihan niya na
kung bakit sikat na sikat ang dating girlfriend sa larangan ng trabaho nito.

"Pinapatawag mo daw ako?" may kalakasan ngunit kaswal na tanong ni Debbie.


Medyo napaigtad si Blake sa kinauupuan nang bigla-bigla na lamang pumasok sa
kanyang opisina ang kaibigan. Subalit mabilis din siyang kumalma at hindi
ipinahalata ang panandaliang pagkataranta nang marinig ang boses ng babae. Simula
nang inihatid niya ito ng lasing, ngayon niya lang ulit ito nakita.

"Yes. I want to ask your opinion about these models,"sagot niya habang itinuturo
ang pinapanood.

Panakaw niyang sinulyapan si Debbie habang nauupo ito sa mahabang sopa. Natural
lamang ang reaksiyon ng babae. Hindi bakas sa mukha nito na apektado ito sa
nangyari.

Tumayo siya sa kanyang mesa bitbit ang laptop. Napapalunok na tumabi siya sa dalaga
nang hindi tumitingin sa mukha nito at mahinahong inilapag ang laptop sa center
table.

"Let's watch this together and help me decide," wika niya sa babae.

"Why do you need my help? I thought you have sharp eyes when it comes to women,"
natatawang sagot nito sa kanya.

"I'm not saying I don't trust my taste. But I believe kailangan ko rin ang opinyon
ng isang babae. Our product is not just for men. There are women who are crazy
about cars too therefore I need to pick a model whose personality is attractive to
everyone," paliwanag niya habang naasiwang tumitingin ng diretso sa mukha ng
kausap.

Nagtataka pa rin siya sa reaksiyon ni Debbie. Normal na normal lamang ang mga kilos
at galaw nito. At bakit sa kanilang dalawa tila mas mukhang siya pa ang naasiwa?
Siguro ay wala itong naalala. Mas mabuti naman kung ganoon para hindi magkaroon ng
anumang bahid ng ibang kahulugan ang kanilang pagkakaibigan. Marahil ay
pansamantala ngang nalason ng alak ang isip nito at hindi siya nakilala nang mga
sandaling hinalikan siya nito.

"What's wrong with you? Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?"nagtatakang tanong sa


kanya ng babae.

Why did you kiss me that night? Gustung-gusto niyang itanong kay Debbie subalit
walang lumabas na boses mula sa kanyang lalamunan. Sa halip, napapahiyang inalis na
lamang niya ang mga mata sa kausap.

"Nothing. May naalala lang ako."

Ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang ginawa nito. Imposibleng higit pa sa
kaibigan ang turing nito sa kanya dahil mas higit itong nakakaalam kaysa sa
karamihan kung gaano niya kamahal si Alex.

Huminga siya ng malalim at ibinalik ang mga mata sa laptop... ngunit hindi niya
maibuhos ang buong atensiyon sa pinapanood. Mayroon siyang kakaibang nararamdaman.
Naiinsulto ba siya na pagkatapos ng matinding pagkaguilty niya sa girlfriend ay
tila balewala lamang kay Debbie ang lahat? O naaapakan ang ego niya dahil parang
lumalabas na isa siyang lalaking matapos halikan ay basta na lang nakakalimutan?
Napakadalang mangyari na binabalewala siya ng isang babae at si Alex lamang ang
nakakagawa nun dati sa kanya.

Muli niyang tiningnan si Debbie. Tila hindi siya makukuntento hangga't hindi
naririnig ang paliwanag nito. Gusto niyang makumpirma at marinig na sana ibang
lalaki nga ang nasa isip nito nang gabing yun. Na hindi lamang siya nito nakilala
dahil sa kalasingan... Subalit, muli na naman siyang naguluhan nang maalalalang
binanggit nga pala nito ang kanyang pangalan bago siya nito halikan.
"Oh bakit tinitingnan mo na naman ako ng ganyan?" tanong ng babae.

"Where were you these past two days? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?"
nakakunot ang noong pasakalye niya.

Ibinaling ni Debbie sa ibang direksiyon ang paningin at ilang saglit itong nag-
isip. "I-I was busy. Ang dami mong pinapagawa sa akin kaya wala akong libreng oras
para tumambay dito sa opisina mo," pakibit balikat na sagot nito.

Natigil ang kanilang pag-uusap nang pumasok ang sekretarya at inilatag sa mesa ang
dalawang hot tea.

"Thank you!" nakangiting sabi ni Debbie sa empleyada.

Pagkaalis ng sekretarya ay agad na tinikman ng dalaga ang tsaa. "Try this tea,
Blake. This is good. My friend bought it from Japan and I want you to taste it kaya
pinatimpla ko sa secretary mo."

Hindi inintindi ni Blake ang sinasabi ng kausap. Desidido pa rin siyang ituloy ang
kanilang pinag-uusapan.

"Are you seeing a man lately? Dating? Or heartbroken perhaps?"

Ibinaba ni Debbie ang hawak na tasa at halatang muntik na itong humalakhak sa


sinabi niya.
"What are you talking about? What makes you ask those things?" natatawang sabi nito
nang may namimilog na mga mata.

"W-Well... because the last time I sent you home...w- when you were drunk, y-you
acted strange," nag-aalangang paliwanag niya.

Nanlaki ang mga mata ng babae at halatang bigla itong nag-alala. "Why? What did I
do? May ginawa ba akong nakakahiya or something stupid? Nagkuwento ba ako ng kung
ano-anong kakornihan. Argh! I hate myself when I'm drunk. I don't remember a single
thing ng mga pinagagawa ko! I didn't do something embarassing, right?"

Mabilis na iniiwas ni Blake ang mga mata sa babae at dinampot ang tasa sa harap
niya. Nakahinga siya ng maluwag sa sagot nito matapos makumpirmang wala nga itong
maalala.

"N-No you didn't...b-but you seemed depressed that night. O-Or...lonely perhaps,"
patay malisyang sagot niya habang iniinom ang tsaa.

"HI!!!"

Nasamid si Blake nang marinig ang masayang boses ng bumati at bahagya niyang
naibuga ang iniinom na tsaa dahil sa pagkabigla.

Dali-dali at natataranta namang kumuha ng tissue paper si Debbie at pinunasan ang


gilid ng bibig ng lalaki pati na ang damit nito.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito habang tinatapik-tapik ang likod ng
binata.

Samantala, natigilan si Alex sa may pintuan. Kunot-noong pinagmasdan nito ang


dalawa. Ayaw niyang magbigay ng malisya ngunit may naramdaman siyang kakaiba nang
makita ang pag-aasikaso ni Debbie at ang pag-aalala sa mukha nito para kay Blake.

"S-Sorry, nagulat ko ba kayo?" wika niya na noon ay hindi malaman kung dapat ba
siyang magtaka o mahiya na para bang may naistorbo siyang mahalagang pinag-uusapan
ng dalawa.

Saka lamang natauhan si Debbie at napatingin sa bagong dating na si Alex. Unti-unti


itong lumayo sa pagkakatabi kay Blake at naasiwang ngumiti.

"H-Hi Alex!"

Natatarantang umayos naman ng pagkakaupo niya si Blake at medyo namumula ang pisngi
na napatingin sa kinatatayuan ng girlfriend.

"Alex, what are you doing here? Hindi mo sinabing pupunta ka dito," tila
kinakabahang sambit ng lalaki.

Nagbago ang naguguluhang reaksiyon ni Alex. Napalitan ito ng isang masayang mukha
na may abot tengang ngiti.
"Gusto lang kitang i-surprise, kasi meron akong magandang balita! At gusto ko ako
mismo ang personal na magsasabi nito sayo," masiglang sagot ng dalaga at sabay upo
nito sa harap ng dalawa.

Tumayo si Debbie bago pa man sumagot si Blake. "Iwanan ko na muna kayong


dalawa,"sabay tingin niya sa lalaki. "I'll be back mamaya na lang natin pag-aralan
ang mga videos na yan," dagdag na wika niya ng nakangiti.

"Huwag ka ng umalis. Hindi na kailangan, sandali lang naman ako," pigil ni Alex sa
papaalis na babae.

"A-Are you sure? Hindi ba ako makakaistorbo sa inyong dalawa?" medyo nag-aalangang
tanong ni Debbie.

"Bakit ka naman makakaistorbo? Saka sa palagay ko importante ring marinig mo ang


sasabihin ko," masayang sagot ni Alex na noon ay parang nakalimutan na ang
nabungarang eksena sa opisina.

Nag-aalangang bumalik si Debbie sa kinauupuan habang tinatantiya ang distansya ng


pagkakaupo niya sa tabi ni Blake.

"You did surprise me. What is that very important news para magawa mo akong
bisitahin ng personal sa opisina ko," ngingiti-ngiting wika ni Blake na bagama't
nagulat ngunit hindi rin maikakailang natuwa ito sa pagbisita ng dalaga.

Bumuntong-hininga muna si Alex, mayabang na naupo ng de-kuwatro at humawak sa


kanyang baba.
"Gusto ko lang sabihin na nakausap ko na si Sophia at pumayag na siyang maging
model niyo," nagmamalaking wika niya.

Hindi agad nakasagot ang dalawang kaharap. Hindi alam ng mga ito kung seseryosuhin
ba ang narinig o hindi.

"You're joking, right? Our whole team provided her with the best and most
comfortable contract but she still turned us down. So how did you convince her by
youself in a very short period of time para magmodel sa amin?"tatawa-tawa at hirap
maniwalang sabi ni Blake.

Biglang tumunog ang cellphone ni Debbie at nagpasintabi muna ito sa dalawang kasama
bago sagutin ang tawag. Habang nakikinig sa kausap sa telepono, bakas sa mukha nito
ang pagkagulat. Mabilis na pinutol nito ang tawag at agad na napatingin kay Blake.

"It's from the Marketing Department," nagmamadaling sabi nito.

"What about them?"

"They received a call from Sophia's manager and he said they are accepting the
job," napapanganga at hindi makapaniwalang wika ng babae.

Parehong natahimik si Blake at Debbie. Sabay na napatinging ang mga ito kay Alex na
noon ay komportableng nakasandal sa couch, nakataas ang isang kilay at taas-noong
nakahalukipkip habang naghihintay sa sasabihin ng mga kausap.
"Sabi ko sa inyo eh," ngingisi-ngising bigkas ng dalagang pulis.

Natutulala at hindi makapagsalitang lumapit si Blake sa girlfriend. Dahan-dahang


nagseryoso ang mukha nito at tumitig sa dalaga.

Nagbago naman ang hilatsa ng mukha ni Alex. Ang kanina'y mayabang na reaksiyon ay
unti-unting naging maamo. Tumayo sa harap niya si Blake at hindi nito inaalis ang
seryosong pagkakatitig sa kanya. Napapalunok na tumayo din siya. Kinakabahan na
hinarap niya ang mga titig ng boyfriend. Inilapit pa lalo ng lalaki ang mukha nito
sa kanya.

"I smell something fishy..." nagdududang wika ng binata. "Anong ginawa mo para
mapapayag si Sophia?"

"K-Kinausap ko..." kinakabahang sagot niya habang napapaatras ng bahagya.

"You're not that close para mapapayag mo siya agad. Tell me, tinutukan mo ba siya
ng baril?" seryosong-seryosong sabi ni Blake sa kanya.

"Hindi ah!" ngingiti-ngiting tugon niya habang paulit-ulit na umiiling.

"Pinagbantaan mo ba siya?"

Umiling ulit siya ngunit panaka-naka niyang iniiwas ang mga mata mula sa
nagdududang mga titig ng lalaki.
"Ginulpi mo ba ang manager niya?"

"Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yan?!" tatawa-tawa ngunit nininerbyos pa ring
sagot niya.

Tumahimik si Blake at hindi na muling nagtanong pa. Seryosong pinagmasdan nitong


maiigi ang mukha niya at hinaplos ng isang kamay ang kanyang pisngi.

"B-Blake..." kinakabahang bulong niya.

"Kung anuman ang paraang ginawa mo..." sabay unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha
ni Blake. "I don't care! Thank you wifey!" at madiing hinalikan siya nito sa mga
labi at niyakap ng mahigpit. "You're the best, i love you!" dugtong nito nang may
abot tengang ngiti.

Kumawala siya sa yakap ng boyfriend at itinulak ito ng mahina. "Blake! Ano ba?
Papatayin mo ba ako sa nerbiyos!"

"Bakit ka naman ninerbiyosin?" naguguluhang tanong ng lalaki.

Napaisip ng ilang saglit si Alex at agad na ngumiti. "Ah-eh siyempre naman! Akala
ko kasi pinagbibintangan mo ako ng hindi maganda. Ikaw kasi magpapasalamat ka lang
ang dami mo pang adlib!" sabay ingus niya.
"Nah! I'm just happy and proud of you!" Nakangiting lumingon si Blake kay Debbie
habang inaakbayan si Alex. "See why i love this woman, her charisma is
overflowing!"

Sumagot ng tipid na ngiti si Debbie at muling uminom ng tsaa. Halatang naasiwa ito
sa nakikitang paglalambingan ng magkasintahan.

Inalis naman ni Alex ang pagkakaakbay sa kanya ni Blake. "Tama na yang pambobola mo
baka lumaki masyado ang tenga ko," bulong niya sa boyfriend at saka pinabalik ang
lalaki sa upuan nito. "Hindi pa ako tapos magsalita. Kahit napapayag ko si Sophia,
may mga kondisyon pa rin siya ,'" seryosong sabi niya habang palipat-lipat na
tinitingnan ang mukha ng dalawang kausap.

"Whoah! Are you acting as her manager now?" pabirong sabi ni Blake.

Hindi inintindi ni Alex ang biro ng boyfriend sa halip ay itinuon niya na lamang
ang mga mata kay Debbie na noon ay seryosong nakikinig sa mga sasabihin niya.

"What is it that she wants?" tanong ni Debbie.

"Gusto niyang tapusin ang lahat ng pictorials at shootings sa loob ng maiksing


panahon."

"Tsk, tsk, so she's acting like a superstar now," napapailing na komento ni Blake.
"B-But if that's her condition, I guess we have no choice. Debbie, take care of her
schedule and discuss that to the advertising team."
"Okay," tipid na sagot ng babae.

"What else?" tanong ulit ng binata.

"Ayaw niyang magtrabaho sa gabi. Ibig sabihin, lahat ng pictorials at taping niya
sa araw lang dapat gawin," diretsong sabi ni Alex.

"Why? Is she some kind of Cinderella na kapag inabutan siya ng gabi ay sasabog ang
carraige niya and she'll eventually turn into an ugly swan?" sarakastikong tugon ni
Blake na noon ay takang-taka sa pagbabago ng ugali ng modelo.

"We can handle that. I'll talk directly to the photographer and CF director to fix
the working time. Meron pa ba siyang ibang demand?" wika ni Debbie.

"Sabi niya, sa bawat pictorial at shooting dapat daw ay nandodoon ako."

"W-Well I think that demand doesn't concern us. I-It's depend on you," nalilitong
sambit ni Debbie.

"S-Sana nga depende sa akin..." sagot ni Alex at sabay tingin sa boyfriend na


halatang hinihintay ang sasabihin nito.

Unti-unting ngumisi si Blake nang may di makapaniwalang mukha. "That's a crappy


demand! She made you act as her manager and now she wanted you to be her personal
assistant. Why do you have to be in her side while working with us? Hindi ka niya
alalay. Besides, you have your own job. What is her motive? Gusto niyang palabasin
na bodyguard ka niya sa harap ng mga empleyado ng Golden Pacific. You're my fiancee
for god sake! No! I won't agree on that one, if she wants to have bodyguards I'll
provide her as many as possible but not you! And if she'll still insist sa
pagmamaliit niyang ito sayo then fine. I don't need her! There's a lot of models
out there and I can even hire an international model if I want to. I can't believe
she's this big headed already!" pikon na pikong litanya ng lalaki habang namumula
ang mga pisngi sa inis.

"Sabi ko sayo eh," pabulong na wika ni Alex kay Debbie sabay palihim na sumimangot.

Tumikhim muna si Alex at humugot ng isang malalim na buntong-hininga bago


magpaliwanag sa galit na lalaki. Binigyan niyamuna ito ng isang malambing na ngiti
at saka maamong nagsalita.

"Blake, nagkakamali ka ng iniisip tungkol kay Sophia. Walang nagbago sa ugali niya.
Siya pa rin ang dating mabait at malambing na Sophia na kilala natin."

"Kung ganun bakit mayroon siyang ganitong klaseng mga demands? I'm not happy with
these especially yang demand niya sayo."

"Hindi ko alam yung tungkol sa mga demand niya sa schedule, siguro medyo organized
lang siya pagdating sa trabaho. Yung tungkol naman sa request niya sa akin, alam
kong wala siyang intensiyon na maliitin ako or may ibang kahulugan ito. Siya na
mismo ang nagsabi sa akin na hindi siya komportableng tanggapin ang modelling job
na ito at para lamang mapalagay ang loob niya, nirequest nya na sana kung pwede
nasa tabi niya lang ako."

"Why? Are you some kind of tranquilizer for her? May trabaho ka rin, buti kung
payagan kang umalis ng opisina everytime she has shooting or pictorial just to
satisfy her selfishness," hindi pa rin kumbinsidong wika ni Blake.
"Blake baka naman pwedeng pagbigyan na lang natin siya. Ako na ang bahala makipag-
usap sa headquarters namin, mag-iisip na lang ako ng paraan para makalabas. Kung
anuman ang dahilan niya, igalang na lang natin. Tutal sa simpleng pakiusap ko
pinagbigyan naman ako nung tao, mahirap ba na pagbigyan ko rin siya sa simpleng
hiling niya na ito," maamong pagkumbinsi pa rin ni Alex sa iritableng boyfriend.

"I agree with Alex... Let's not be stubborn here Blake," mahinahong dugtong ni
Debbie.

Panandaliang tumahimik at nag-isip si Blake. Papalit-palit ang mga tingin niya sa


dalawang babaeng kasama na noon ay parehong may nakikiusap na mukha hanggang sa
ipinako niya ang mga mata kay Alex.

"Sigurado kang okay lang sayo to?"

Nakangiting tumango ng paulit-ulit si Alex.

"Won't you feel abused or belittled?"

"Blake naman para namang hindi mo ako kilala. Pumapayag ba naman ako na may mang-
api sa akin?"

"I know.. but you have a tendency also to be too kind to some people."

"Hindi naman magagawa sa akin yan ni Sophia. Ano Blake, pumapayag ka na?" malambing
na tanong ni Alex nang may namimilog na mga mata.
Hindi agad sumagot si Blake Nag-isip ulit ito ng ilang saglit at sabay inom sa
tsaa. "It's fine as long as it won't give you any discomfort," nahihirapang bigkas
nito.

Gumuhit kaagad ang malaking ngiti sa mukha ni Alex. Para siyang nakakita ng isang
firework display sa sagot ng boyfriend. Yes! Sigaw niya sa isipan.

"Huwag kang mag-alala hinding-hindi ito magiging discomfort sa akin. Excited din
naman akong makatulong sayo no? Hayaan mo naman akong maging responsableng
girlfriend paminsan-minsan baka iniisip ng mga tao dito na porke't malayo ang linya
ng trabaho ko ay wala na akong concern sa kumpanya niyo."

"You don't have to tell me those lines and you don't have to prove your worth to
anybody else. I know what you're capable of doing and that's enough, youre not
running for any political office para magpabango sa kung sinuman," seryosong sagot
ng lalaki na halatang napipilitan lamang sa ginawang pagpayag.

Agad na itinikom ni Alex ang bibig at nakinig na lamang muna sa sunud-sunod na


buntong-hininga ng boyfriend. At nang maramdaman niyang medyo kalmado na ito, saka
na lamang ulit siya nagsalita.

"Ahhh...meron pa siyang isang kondisyon. Last na to!"

"What else?" tanong ni Debbie na inunahan na sa pagsasalita si Blake bago pa man


muling mairita ang lalaki.

"Ayaw niyang magkatagpo sila ng landas ni Blake," sabay tingin ni Alex sa


boyfriend. "In short, kung nasaan si Sophia dapat wala ka dun..."

"Are you sure that's what Sophia wants or that's what you want?" prangkang tanong
ni Debbie.

Natigilan si Alex sa narinig. Hindi siya natuwa sa sinabi ng babae. Dahan-dahang


tumigas ang mukha niya at tiningnan ng matapang ang nagsalita.

"At bakit ko naman pagbabawalan si Blake na makita si Sophia?"

Mabilis na nagbago ang hitsura ni Debbie nang mapansin ang napipikong mukha ni
Alex. Ngumiti ito at agad na maamong nagpaliwanag.

"B-Blake told me, Sophia is his ex-girlfriend. So I assume that maybe you won't be
happy seeing them together..But of course, that's pretty normal! I'm not saying
it's a bad thing! Natural lang naman yun at kung magselos ka man normal lang yun
bilang girlfriend ni Blake," medyo kinakabahan at natatarantang paliwanag ng babae.

Tumaas ang isang kilay ni Alex at ngumisi. "Sa lahat ng babaeng pwedeng mapalapit
kay Blake, alam mo bang si Sophia lang ang hinding-hindi ko pagseselosan at
pagdududahan. Dahil siya ang tipo ng taong kahit sa galaw ay hindi marunong
magsinungaling... Kung may nararamdaman siya sa isang lalaki, alam mo na kaagad.
Hindi gaya ng iba na kayang-kaya magpasikut-sikot pero sa bandang dulo may
itinatago palang ibang motibo...Ah at siyempre huwag mong iisipin na kasama ka sa
mga babaeng tinutukoy ko, sa tinagal-tagal ba naman ninyong magkaibigan ni Blake
pag-iisipan pa kita ng masama. Sa una lang naman kita pinagselosan pero hindi na
mauulit yun...dahil alam kung wala namang dahilan para pagselosan kita di ba?"

"A-Alex you sound sarcastic," puna ni Blake.


"Sinasagot ko lang naman ang tanong ni Debbie kung bakit hindi ako nag-aalala
pagdating kay Sophia," sagot ng dalaga ng may pilit na ngiti sabay muli itong
tumingin sa babaeng kausap. "Ah at saka hindi na ako nag-aaksaya ng selos ngayon
tutal alam ko namang kahit sino pa ang pumulupot sa boyfriend ko, hinding-hindi
niya ako magagawang ipagpalit. Hindi ba Blake?" nakahalukipkip at nakangising
dagdag ng dalaga.

"That's enough Alex. You're provoking a fight," saway ng lalaki.

"Fight?" tumawa ng mahina si Alex. "Blake naiintindihan mo ba yang sinasabi mo?


Alam mo naman siguro kung ano ang category ko ng away."

"Stop it Alex!" mataas na tono at madiing bigkas ng binata.

"It's okay Blake. I guess it's my mistake. I wasn't careful with my words. I'm
sorry Alex if I offended you," mahina at napapayukong paumanhin ni Debbie.

"Okay lang naiintindihan ko. Ganyan naman tayong mga babae, minsan kahit anong
pigil natin sa ating sarili. Nadudulas at nadudulas pa rin tayo," malamang sagot ng
dalagang pulis at sabay tayo nito. "Tutal nasabi ko na lahat ng mga kondisyon ni
Sophia hindi na ako magtatagal. Ituloy niyo na ang mahalagang pinag-uusapan niyo na
mukhang naistorbo ko."

Walang pagdadalawang-isip na lumabas si Alex ng opisina ngunit agad naman siyang


sinundan ni Blake.
"Hey where are you going?"

Hindi siya sumagot at dire-diretso lamang sa paglalakad papalabas. Hindi niya


pinansin ang nagtatakang mga mata ng mga empleyado at ang nobyong bumubuntot sa
kanya. Ngunit nang maabutan siya ng lalaki sa may hallway ay mahigpit na pinigilan
nito ang kanyang isang braso.

"What's going on with you? Come on Alex, let's not ruin the day. We're supposed to
have a nice mood because of your good news,"mahinahong pag-alo nito sa kanya.

"Hah! At ako pa talaga ang sumira ng araw ha! Bitawan mo ako, nagmamadali ako dahil
marami pa akong gagawin sa opisina," napipikong sagot niya at sabay tanggal sa
kamay ng binata sa pagkakahawak nito sa kanya.

"Huwag ka munang umalis please. Pag-usapan natin to. Let's have a lunch together
since nandidito ka na rin lang."

"Wala akong panahong makipaglunch, sinabi ko namang nagmamadali ako. Bakit hindi si
Debbie ang yayain mo tutal sanay ka na namang kasama siyang kumain di ba?"

"Alex stop acting like a child please," kalmadong pakiusap ni Blake.

Tumahimik si Alex at bumuntong-hininga. Hinarap niya ang boyfriend at tiningnan ito


nang may nakakalokong ngiti. "Ako pa ngayon ang childish? Bakit wala ba akong
karapatang ma-offend? Narinig mo naman ang sinabi sa akin ng kaibigan mo di ba?
Kung childish ako hindi ako lalabas ng opisina mo at pinilayan ko na lamang ang
babaeng yun!"
"I heard but you're at fault too. You overreacted. Debbie apologized alreay.
Narinig mo naman ang sinabi niya that she didn't mean to offend you kaya please
calm down."

"Hah! Calm down! Pagkatapos mong harap-harapang kampihan ang babaeng yun, tapos
ngayon gusto mo akong huminahon!"

"Hindi ko siya kinakampihan. I reacted that way because I didn't want to see you
act unreasonably. I have the right na pagsabihan ka pag mali ang kinikilos mo."

"So mali ako? Sorry ha!" sabay talikod ni Alex at naglakad muli papuntang elevator.

"Kaibigan ko si Debbie and she's doing a lot of favor to me kaya ayokong mag-away
kayong dalawa."

Tumigil si Alex at matigas ang mukha na muling hinarap ang lalaki. "Blake, kailan
ba ako nagsalita o nakialam tungkol sa pagiging malapit niyong dalawa? Ni minsan ba
may narinig kang reklamo sa akin kahit may mga pagkakataong mas inuuna mo pa siyang
asikasuhin kaysa sa akin? Na kahit pakiramdam ko mas madalas mo pa siyang kasama
kaysa sa akin. Hindi ba wala? Dahil may tiwala ako sayo at ginagalang ko ang
pagkakaibigan niyong dalawa. Pero may hangganan ang pang-unawa ko Blake at lalong
hindi ako tanga kaya huwag na huwag mo akong bibigyan ng dahilan para pagselosan ko
ang babaeng yun."

"What are you talking about? T-There's no reason at all para pagselosan mo si
Debbie," napapalunok na sagot ng lalaki.

"Ang galing mong mangilatis ng mga lalaking pinagseselosan mo sa akin pero wala
kang panahon na pakiramdaman kung may mga nakapaligid din ba sayo na pwede kong
pagselosan," nakangising reklamo ng dalaga.
Tatalikod na sanang muli si Alex ngunit nang maisip niyang susundan ulit siya ng
binata ay agad niya itong pinagsabihan. "Huwag na huwag mo akong susundan kung ayaw
mong masaktan," madiing banta niya sa lalaki.

"C'mon Alex, let's settle this before you leave."

Pinandilatan ng babae ang boyfriend at sabay na dinuro sa kinatatayuan nito na tila


isang batang pinapagalitan. "Diyan ka lang!"

Walang nagawa si Blake kundi sundin ang gusto ng girlfriend. Napapabuntong-hininga


na pinagmasdan niya na lamang ito habang sumasakay ng elevator. Hindi niya kayang
makipagmatigasan kapag galit ito. Hahayaan niya na munang humupa ang sama ng loob
nito bago ito ulit suyuin. Alam niyang lilipas din ang galit nito bago matapos ang
buong araw.

Samantala, seryosong-seryoso pa rin ang mukha ni Alex habang sumasakay ng elevator.


At hindi niya man lang nagawang lingunin kahit saglit si Blake bago sumakay dito.
Pagkapasok niya ng elevator at pagkasara ng pinto nito ay unti-unting gumuhit ang
mga ngiti sa kanyang mukha. Sinuklay niya ng kamay ang kanyang buhok at pairap na
pinindot ang 15th floor.

"Ako pa ang kakalabanin mo sa aktingan Debbie! Nagbabait-baitan ka ha... tingnan ko


lang kong sino sa atin ang may hawak ng best actress trophy," ngingisi-ngising sabi
niya sa sarili.

Hindi totoong nanggagalaiti siya sa selos. Sa laki ng tiwala niya kay Blake at sa
lalim na ng relasyon nilang dalawa, matagal ng walang lugar sa dibdib niya ang
selos. Nirerespeto niya rin ang mga kaibigan at mahahalagang tao sa paligid ng
kanyang boyfriend at isa na doon si Debbie. Subalit hindi niya maikakaila na may
kakaiba siyang naramdaman sa magkaibigan nang sandaling maabutan niya ang mga ito
sa opisina ng boyfriend. Lalong-lalo na nang makita niya kung paano inasikaso ni
Debbie si Blake nang masamid ito sa iniinom. Maaring mali ang tumatakbo sa isip
niya at gusto niyang burahin sa dibdib ang pagdududa subalit hindi mawala-wala ang
eksenang iyon sa kanyang utak. Kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon na
maggalit-galitan upang iparamdam kay Blake na dapat na itong matauhan sa paggiging
insensitive nito pagdating kay Debbie.

Nagbukas ang elevator pagdating ng 15th floor. Inayos niya muna ang damit at
pinagpagan ito bago lumabas. Tinanggal niya sa isip ang nangyari. May isa pa siyang
mahalagang pakay kung bakit siya pumunta ng Gloden Pacific at ito rin ang totoong
dahilan kung bakit tinakot niya ang boyfriend upang huwag siyang sundan.

Tumayo siya sa lobby ng nasabing palapag habang tinatanaw ang opisina ng marketing
department. Tumingin siya sa relos. Alas dose ng tanghali. Tamang-tama, breaktime.
Matiyagang naghintay siya sa labas para abangan ang paglabas ng isang empleyado. At
nang makita niya ang isang babaeng mag-isang lumalabas ng nasabing departamento,
nagmamadali siyang lumapit dito.

"Hi Hazel!" masayang bati niya sa babae.

Nagulat ang empleyado at nagtatakang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
Ilang sandali siya nitong tinitigan hanggang sa dahan-dahang nanlaki ang mga mata
nito nang makilala siya. Kagaya ng reaksiyon na madalas niyang matanggap,
naninibago rin ito sa babaeng-babaeng ayos niya.

"Huh? Ma'am agent, kayo yung pulis na pumunta dito dati di ba?"

Tumango siya at ngumiti.

"Teka! Kayo rin ang girlfriend ni Sir Blake!" namimilog ang mga mata na sabi nito.
"Yap."

"Wow ibang-iba ang hitsura niyo ngayon ah," pagtukoy nito sa pananamit niya. "Ang
ganda niyo pala talaga, bagay na bagay naman pala kayo ni Sir Blake eh! Pero iba
rin naman ang dating niyo kapag na ka get-up kayo ng pang agent, ang cool din."

"Salamat."

"Teka bakit kayo nandidito, may inspeksiyon pa rin ba kayo?" sabay lapit nito sa
kanya at pabulong na nagsalita. "Sabi nila pinagbawalan na kayo ni Sir Blake?
Naging usap-usapan yan dito ayon sa mga nakarinig sa pagtatalo niyo."

Natawa ng mahina si Alex ngunit hindi kinumpirma ang sinabi ni Hazel. "Hindi ako
pumunta dito para magimbestiga."

"Eh anong kailangan niyo dito? Hinahanap niyo ba si Sir Blake? Wala siya dito."

"Hinihintay kitang lumabas," diretsong sagot ng dalagang pulis.

"A-Ako?" nagtatakang sagot ng babae habang itinuturo ang sarili. "Bakit? Naku po
masama pa rin ba ang loob niyo sa akin? Wala na akong gusto sa boyfriend niyo.
Hindi ko na siya pinapantasya, promise nakamove-on na ako," biglang kinakabahang
sabi nito.
"Huwag kang matakot, wala akong gagawing masama," tatawa-tawang sagot ni Alex.
"Galing ako sa opisina ni Blake tapos naalala kita habang naghihintay ako sa
elevator. Gusto ko lang humingi ng despensa sa pagtataray na ginawa ko sayo dati."

"Naisip niyo talaga ako? Wow ang bait niyo naman pala! Akalain niyo naalala pa ng
isang bigating gaya niyo ang isang ordinaryong taong kagaya ko."

"Bakit naman ako naging bigatin? Pareho lang tayo, walang bigatin at ordinaryo sa
ating dalawa. May kanya-kanya tayong kakayahan kaya hindi tama na maliitin natin
ang ating sarili at iangat ang iba," mapagkumbabang sabi ni Alex.

"Pero girlfriend kayo ng may-ari ng napakalaking kumpanyang ito kaya big time pa
rin kayo," katwiran ni Hazel.

"Hindi lang naman pera ang sukatan ng pagkatao ah. Teka maiba ako, nag lunch ka na
ba?"

"Ngayon pa lang. Bakit ho?"

Nagliwanag ang mukha ni Alex. "Tamang-tama naghahanap nga ako ng makakasabay


kumain. Busy pa kasi si Blake. Pwede bang sabay na lang tayo maglunch? Iti-treat
kita bilang paghingi ko ng sorry sayo. Saan mo gustong kumain?" maamo at
nakangiting pag-imbita niya sa empleyado.

"Talaga? Sigurado kayong gusto niyo akong makasabay kumain? Ang bait niyo pala kaya
naman siguro mahal na mahal kayo ni Sir Blake. Sa totoo lang wala naman kayong
dapat ihingi ng sorry kasi ako naman ang unang nagtaray sa inyo."
"Kahit pa, may mali pa rin ako kaya babawi ako," hinawakan ni Alex ang kamay ng
empleyada at nakangiting niyakag ito sa paglalakad. "Tara!"

"Saan tayo kakain, Ma'am?"

"Saan mo ba gusto?"

"Hmmm...sigurado kayong kahit saan?"

"Oo naman!"

"Kunsabagay marami naman kayong pera....Sa wakas, makakain na rin ako sa sinasabi
nilang masarap at sosyal na restaurant malapit dito."

"Saan ba yan? Ituro mo lang..." ngingiti-ngiting tugon ni Alex sa excited na


empleyada habang masiglang naglalakad ang mga ito pababa ng palapag...

****

"Totoo nga ang sabi ng mga officemates ko na sobrang sarap sa restaurant na to. No
wonder kung bakit ang mahal dito," sabi ni Hazel habang dinadampian ng tissue ang
bibig.
"Mabuti naman at nag-enjoy ka sa lunch natin. Nakabawi na ba ako sa ginawa ko
sayo?" nakangiting wika ni Alex.

"Oo naman, bawing-bawi na ho kayo. Sobra-sobra pa!" namimilog ang mga matang sagot
ng empleyada.

"Gusto mo pa ba ng dessert?"

"Tama na Ma'am Alex busog na busog na ho ako," masiglang sabi ni Hazel habang
iginagala ang mga mata sa magarang restaurant. "Salamat ha kung hindi dahil sa inyo
hindi pa ako makakain sa lugar na to."

"Walang anuman.Hindi ka ba isinasama ng mga officemates mo pag kumakain sila dito?"


bigkas ni Alex habang hinihingi ang bill sa waiter.

Tumamlay ang mukha ni Hazel at nahihiyang ngumiti siya sa kausap."Hindi ko kayang


makipagsabayan sa mga sosyal kong mga officemates. Ako ang bread winner sa amin
kaya nakabudget na ang buong suweldo ko. Actually, ang pinakaluho ko lang ay ang
mag-ayos ng sarili at mamili ng mga discounted na signatures na mga damit dahil
kahit papaano ayokong magpahuli sa hitsura at pananamit ng mga empleyado dito.
Bukod dun wala na, lahat pagtitipid na," sabay tingin ulit niya sa paligid. "Balak
nga sana akong ilibre ni Divine dito kaso bago pa man mangyari yun, alam mo na..."
mahina at malungkot na sabi niya.

Umayos ng upo niya si Alex nang kusang magsalita ang kaharap tungkol kay Grace.
Dahan-dahan siyang nagseryoso upang sakyan ang pagiging matamlay ng kausap. "Sa
ganitong mga restaurant din ba hilig kumain ni Divine?"

Tumango si Hazel.

"Sabi mo dati isinasama ka din niya pumunta ng mga bar, may pagka high maintainance
pala ang lifestyle ni Divine. Pero teka, di ba pareho lang kayo ng posisyon sa
opisina so pareho lang kayo ng kinikita?...Ahh, siguro kasi hindi siya bread winner
sa kanila," kunway nagtatakang wika ng dalagang pulis.
"Magkaiba naman kasi kami ni Divine. Hindi ako kasing suwerte niya."

"Anong pagkakaiba ninyong dalawa?"

"M-May lalaking nagmamahal sa kanya at binibigay nito lahat ng gusto niya," mahina
at nag-aalangang sagot ni Hazel.

Natigilan si Alex...ngunit hindi siya nagpahalatang may impact sa kanya ang sinabi
ng babae. Natural at ngingiti-ngiting itinuloy niya ang kanilang pag-uusap.
Kailangang huwag mahalata ng empleyada na namimingwit siya ng impormasyon.

"Pana-panahon lang naman ang pag-ibig na iyan. Huwag kang mag-alala, darating din
ang tamang lalaki na magmamahal at mag-aalaga sayo. Malay mo mayroon palang
nakatakda sayong mas gwapo at mas mayaman," nakangiting alo niya sa matamlay na
babae.

"Sana nga magdilang-anghel kayo. Aaminin ko na kaya ako patay na patay dati kay Sir
Blake dahil siya talaga ang ideal man ko. Gwapo, matalino at higit sa lahat
mayaman," nahihiyang pag-amin ni Hazel at sabay tingin ng diretso sa mukha ni Alex.
"Kaya lang nang makilala ko kayo, sumabog lahat ng pag-asa ko," tatawa-tawang
dagdag na wika nito.

Natawa rin si Alex at hindi ipinaramdam na may negatibong epekto sa kanya ang pag-
amin ng empleyada.

Gumaan lalo ang loob ni Hazel sa kausap nang makitang natawa lamang ito sa sinabi
niya."Eh sino ba naman kasi ang babaeng hindi magkakagusto sa boyfriend niyo. Kaya
nga nagtataka ako sa inyo kung bakit hindi kayo bantay sarado kay Sir Blake. Naku
kung ako kayo itaitali ko siya sa katawan ko!"

"Sanay na ako. Makukunsumi lang ako kung iisipin ko ang mga babaeng naghahabol sa
kanya!" nakatawa pa ring sagot ni Alex.

"Kunsabagay sa opisina pa lang namin, kung isa-isa mong haharangin lahat ng


pumapantasya kay Sir Blake baka sa opisina ka na tumira," sabay tawa ng malakas ni
Hazel.

Uminom ng tubig si Alex at dahan-dahang nagseryoso ng mukha. "Si Divine, kasama ba


siya sa mga nagkakagusto kay Blake?" kaswal na tanong niya.

"Hindi," diretsong sagot ni Hazel.

Napakunot ng noo ang dalagang pulis sa narinig. At napansin naman ni Hazel ang
hindi kumbinsidong mukha ng kausap.

"Seryoso si Divine, pagdating sa lovelife niya. Sa tingin ko totoong mahal na mahal


niya ang boyfriend niya. Siya nga lang ang hindi naapektuhan sa amin kapag nakikita
o nakakasalubong namin si Sir Blake."

Napailing si Alex habang lihim na napapangiti sa isipan. Hasang-hasa na nga si


Grace pagdating sa pang-iistalk. "Ilang beses ka bang dumalaw sa burol ni Divine?"
tanong niya.
"Halos gabi-gabi."

"Sa mga sandaling dumalaw ka, nakita mo ba doon ang sinasabing boyfriend niya?
Kawawa naman siguro ang lalaking yun, hindi ko mai-magine kung gaano kalalim ang
pagdadalamhati niya."

Natigilan si Hazel at bigla itong nag-isip ng malalim. "T-Teka, oo nga no?" sabay
tingin nito sa kaharap nang may naguguluhang mukha. "Hindi ko nakitang may lalaking
nagluluksa roon. Siguro hindi pa alam ng boyfriend niya ang masamang nangyari.
Kawawa naman ito kung ganun nga ang nangyari. Pero di ba nag-imbestiga kayo tungkol
sa kanya. Nalaman niyo ba kung nakarating sa boyfriend niya ang nangyari?"

"Hindi ko rin alam. Binitawan ko na kasi ang kaso niya," kunwa'y natural na sagot
ni Alex.

"Ah oo nga pala... dahil kay Sir Blake," napapangiting sagot ng empleyada.

"Tsk, tsk, tsk... kung totoo ang sinabi mong mahal na mahal siya ng boyfriend niya,
ano kaya ang pumasok sa isip ni Divine para gawin iyon sa sarili niya? Hindi niya
man lang naisip ang damdamin ng mga taong nagmamahal sa kanya," napapailing na sabi
ni Alex.

"Hindi ko nga rin maintindihan. Masayahin naman siyang tao. Wala naman siyang
naikukuwento na may mabigat siyang problema maliban na lang doon sa hindi magandang
nakaraan niya tungkol sa first love niya."

"F-First love?" biglang tanong ng dalagang pulis nang may pormal na tono.
Tumango si Hazel. "May naikuwento siya sa akin tungkol sa isang lalaking minahal
niya ng sobra sobra na nauwi pa daw sa obsession. Hindi niya nga lang nabanggit ang
mga detalye pero sabi niya binabagabag daw siya lagi ng konsensiya niya dahil
dito."

"Anong nagawa niya?"

"Malaking kasalanan at halos walang kapatawaran. Dahil daw sa sobra-sobra at maling


pagmamahal niya dito, nailagay niya daw sa panganib ang buhay ng lalaking iyon.
Sabit niya ang pagkakamali iyon ang pinakamalaking bagay na pinagsisihan niya sa
buong buhay niya at hinding-hindi niya na uulitin pa. Kaya dahil daw sa karanasang
iyon natuto siyang maging maingat sa susunod na lalaking mamahalin niya."

Natahimik si Alex sa narinig. Pinagsisihan ni Grace ang ginawa niya kay Blake?
Ngunit ano ang ibig sabihin ng patagong pagkuha nito ng mga litrato ng lalaki sa
cellphone?

"Ma'am Alex, malapit ng matapos ang breaktime ko pwede na ho ba akong bumalik sa


opisina?" nahihiyang pag-aya ni Hazel.

"Ah oo, sorry ha napasarap yata ako sa pakikipagkuwentuhan sayo."

Binayaran ni Alex ang bill at pagkalabas ng restaurant, inalok niya ang empleyada
na ihatid ito pabalik ng opisina. " Halika idadaan na kita."

Panandaliang huminto si Hazel bago sumakay sa nakaparadang sasakyan sa harap ng


restaurant. Nagtatakang tinitigan niya ang kabuuan ng isang lumang model ng itim na
Toyota corona. Noon niya lamang napansin ang minamahehong sasakyan ng dalagang
pulis.
"Kakaiba talaga kayo Ma'am Alex. Ang yaman-yaman ng boyfriend niyo tapos
napakasimple lamang ng sasakyan niyo. Akala ko mga luxury car ang minamaneho ng mga
kagaya niyo. Napakahumble niyo pala talaga," komento niya pagkaupong-pagkaupo nila
sa sasakyan.

"Kotse ng opisina ito, hiniram ko lang. Saka hindi naman ako pihikan sa sasakyan
basta umaandar at mabilis tumakbo, okay na sa akin," sagot ni Alex habang
tumitingin sa salamin at sinususian ang kotse.

Binuhay ni Alex ang makina ng kotse ngunit bago niya ito mapaandar, pumarada sa
harap nila ang sasakyan ni Blake. Bigla siyang kinabahan. Muntik na siyang
mataranta ngunit pansamantala siyang natigilan nang makitang magkasabay na
lumalabas ng sasakyan ang boyfriend at si Debbie.

Binunot niya ang susi ng kotse at sinadya itong ihulog. Pasimple niya itong
dinampot at ilang saglit na kunway nahihirapan sa pagkapa nito. At nang matantiya
niyang nakalampas na sina Blake saka lamang siya nag-angat ng ulo at umayos ng upo.

"Huh? Sina Sir Blake yun di ba?" turo ni Hazel habang hinahabol ng tingin ang
dalawang magkasama na noon ay papasok sa restaurant na pinanggalingan nila.

Tiningnan kunwari ni Alex ang direksiyong itinuturo ng kasama. "Diyan din pala
kumakain si Blake. Yan siguro ang kinukuwento niyang masarap na restaurant malapit
sa opisina niyo na madalas niyang puntahan," nakangiting sagot niya habang
sinususian ulit ang kotse.

Natigilan ang kausap sa sinabi niya. Tiningnan siya nito nang may naguguluhang
mukha. "H-Hindi niyo man lang ho ba lalapitan si Sir?"
"Hindi na baka may importante silang pag-uusapan tungkol sa trabaho," natural na
sagot niya at saka pinaandar ang sasakyan.

Tumahimik ng ilang sandali si Hazel ngunit ramdam ni Alex na maya't maya siya
nitong sinusulyapan.

"Hmmm...Ma'am Alex may itatanong lang ako, huwag ho kayong magagalit ha?" medyo
nahihiyang wika ng empleyada.

"Ano yun?"

"Okay lang ba sa inyo yung nakita natin kanina? Hindi ba kayo nagwoworry kahit may
kasamang ibang babae si Sir Blake?"

Ngumiti si Alex nang hindi tumitingin sa mukha ng kausap. "Sino si Debbie? Bakit
naman ako magseselos? Hindi naman basta kung sinong babae lang si Debbie. Matagal
nang kaibigan ni Blake yun simula pa man nang mag-aral siya sa America,"
nakangiting sagot niya.

"Buti pa kayo."

"Bakit naman buti pa ako? Anong ibig mong sabihin?"

Hindi agad sumagot si Hazel. Nagdalawang-isip muna ito kung sasagutin ang tanong ng
kausap. "S-Sasabihin ko ho ito kasi concern ako sa inyo pero sana huwag niyong
mamasamain..."

Kinutuban si Alex sa sagot ng kasama ngunit hindi niya ito pinahalata sa halip ay
nanatili siyang nakangiti habang hinihintay ang karugtong na sasabihin ng
empleyada.

"Nakakapagtaka ho kasi yung closeness nilang dalawa lalo na sa part ni Ma'am


Debbie. Noong una akala nga namin siya ang girlfriend ni Sir Blake grabe ho kasi
kong makabakod, mas matindi pa sa inyo! Pinandidilatan niya ang mga nahuhuling
babaeng nakatingin kay Sir Blake. Tinatarayan niya yung mga nagpapacute at
sinusupalpal niya ang sinumang nagpapakita ng motibo. Lagi niyang
pinangangalandakan na may girlfriend na daw ang boss namin kaya huwag na kaming
mangarap. Ako nga, ilang beses niyang natarayan. Sa totoo lang maraming naiinis sa
kanyang mga staff kasi kung makaasta akala mo siya ang karelasyon ni Sir!"
nakasimangot na sabi ni Hazel.

Natawa ng mahina si Alex subalit humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.


"Nagmamalasakit lang siguro sa akin si Debbie. Biniro ko kasi siya minsan na
bantayan niya si Blake para sa akin. Huwag niyo na lang masyadong dibdibin ang mga
pagtataray niya."

"Ah ganun ho ba, kaya pala....pero parang sobra-sobra naman ata kung makareact talo
pa kayo kaya marami tuloy ang nagdududa."

Ngumiti lamang si Alex at hindi na dinugtungan pa ang sinabi ng kausap. Ayaw niyang
ilihis ang konsentrasyon mula sa pag-iimbestigang ginagawa. Imbes na bigyan ng
ibang kahulugan ang sinabi ng empleyada, pinag-isipan niya na lang ng mabuti ang
mga nalamang bagong impormasyon tungkol kay Grace lalo na ang narinig na nagsisisi
ito tungkol sa kasalanang nagawa nito dati kay Blake. Kung totoo nga ito, ano ang
dahilan ng muli nitong pang-iistalk sa lalaki? Bakit ito nagtrabaho sa Golden
Pacific at nagpalit ng kanyang buong identity?

"Ma'am Alex lampas na ho tayo. Dito na lang po."


Natigilan siya sa malalim na pag-iisip at agad na itinabi ang sasakyan. "Naku
sorry!" medyo natatarantang sabi niya.

"Mukhang malalim ang iniisip niyo. Pasensiya na kayo ha dapat pala hindi na lang
ako nagsalita tungkol kay Ma'am Debbie, mukhang nag-alala tuloy kayo," mahina at
nahihiyang sabi ni Hazel.

Umiling si Alex at ngumiti. "Hindi iyon ang iniisip ko. Salamat sa concern mo pero
mali ang impression niyo tungkol kay Debbie."

"Naiintindihan ko na ho. Napakaunawain niyo palang girlfriend. Ang swerte naman sa


inyo ni Sir Blake... Paano ho bababa na ako. Thank you ho sa lunch!" masayang
paalam ng empleyada.

"Salamat din at pinagbigyan mo ako," sagot ng dalagang pulis.

"Hayaan niyo Ma'am Alex sa susunod ako naman ang manlilibre sa inyo. Thank you
ulit!" pahabol na wika ni Hazel bago lumabas ng kotse. "Babay ho!"

"Bye!"

Humugot ng isang napakalalim na buntong-hininga si Alex nang makaalis si Hazel.


Umiling siya at ilang beses na kumurap upang burahin sa isip ang pinaalalang bagay
ng empleyada. Walang maidudulot na maganda kung pag-iisipan niya nang masama sina
Blake at Debbie. Matagal na ang mga itong magkaibigan at kung meron mang nagaganap
sa mga ito na higit pa sa pagkakaibigan dapat ay noon niya pa nahalata. Sa America
pa lang ay close na ang mga ito sa isa't isa. Hindi nga gumawa si Blake ng
kalokohan nang nasa malayo ito, dito pa kaya kung saan malapit lang sa kanya.
Pinaandar niya ang sasakyan at binilisan ang takbo. Kailangan niyang makabalik agad
ng headquarters para mairecord lahat ng mga nalaman mula kay Hazel habang sariwa pa
ang mga ito sa kanyang utak. Subalit hindi pa man siya nakakalayo bigla niyang
ibinalik ang sasakyan. Natutukso siyang dumaan sa pinanggalingang restaurant. Kahit
anong pagpapaliwanag na gawin niya sa sarili, inuutusan pa rin siya nitong
kumpirmahin ang mga narinig mula sa empleyada.

Pumarada siya sa harap ng restaurant at natanaw niya agad ang magkaibigan na noon
ay nakapuwesto sa tabi ng salaming dingding na nakaharap sa kalsada. Tahimik siyang
nagmasid habang naririnig ang lumalakas na kabog sa kanyang dibdib. Masayang
nagkukuwentuhan ang mga ito at maya't mayang nagpapalitan ng mga tawa habang
maganang kumakain. Bagama't wala siyang nakikitang masama subalit parang may
matalim na kutsilyong dahan-dahang humihiwa sa kanyang dibdib. Mas lalong bumigat
ang kanyang pakiramdam nang mapagtantong hindi bakas sa mukha ni Blake na apektado
pa ito sa ginawa niyang paggagalit-galitan.

Sinampal niya nang mahina ang sarili upang matauhan sa maling nararamdaman. Umiling
siya ng paulit-ulit upang tanggalin ang bagay na naglalaro sa kanyang isipan.
Binalak niyang umalis na lamang at huwag nang bigyan pa ng sama ng loob ang sarili
dahil sa isang sitwasyong hindi niya dapat bigyan ng malisya. Ngunit nang
paanandarin niya na ang sasakyan, nakita niyang sinasandokan ni Debbie ng pagkain
ang pinggan ni Blake.

Pansamantala siyang natigilan at natulala sa nakita. Tiningnan niya si Blake.


Normal lamang ang reaksiyon nito at tila balewala ang ginawa ng babae. Mas lalong
nanlamig ang pakiramdam niya nang makitang pinahiran ni Debbie ng tissue sa bibig
ang lalaki. Napansin niyang bahagyang napaatras si Blake at halatang nagulat din
ito sa kakaibang pag-aasikaso ng kasama.

Tama ang kutob niyang hindi simpleng kaibigan lamang ang turing ni Debbie kay
Blake. Nanlalaki ang mga matang nagtanggal siya ng seatbelt. Nakahanda na siyang
sumugod subalit bago niya buksan ang pintuan, bigla siyang napaisip. Mapapahiya si
Blake sa maraming tao kapag nagpadala siya sa selos. Malapit pa mandin ang lugar sa
kumpanya nito at baka pagpiyestahan ito ng mga tsismosang empleyado. Kung may
espesyal mang nararamdaman si Debbie para kay Blake pwes hindi ang boyfriend niya.
Sigurado siyang kaibigan lamang ang tingin nito sa babae.
Muli siyang nagsuot ng seatbelt at sumandal ng maiigi sa upuan. Panandalian niyang
ipinikit ang mga mata habang humihinga ng malalim. Pinapakalma niya ang sarili at
pilit inuunawa ang sitwasyon ng boyfriend. Kasalanan niya rin dahil nagyaya itong
kumain ngunit hindi niya pinagbigyan. Ganito na ba kalapit ngayon ang magkaibigang
ito? Normal na ba sa kanila ang ganitong mga kilos? Dahil sa kagustuhan niyang
ilihis ang atensiyon ni Blake para mapagtakpan ang bagay na inililihim niya, hindi
niya ba namamalayang naitutulak niya ito para lalong mapalapit kay Debbie?

Kinapa niya ang cellphone sa bag at nanginginig ang kamay na tinawagan niya ang
boyfriend. Hindi niya inaalis ang mga mata sa magkaibigan at napansin niyang
biglang nagseryoso ng mukha si Blake nang makita nitong siya ang tumatawag.

"Are you feeling better now? Hindi ka na ba galit? " bungad agad sa kanya ng
lalaki.

"Ha? Ah o-oo...pasensiya ka na sa inasal ko kanina," sagot niya habang nanataling


nakatanaw sa lalaki.

"Where are you? Did you arrive safely to your office?"

"Ah k-kadarating ko lang ng headquarters. I-Ikaw nasaan ka? Kumain ka na ba?"


napapalunok na sabi niya.

Hindi agad siya sinagot ng kausap sa halip ay tumingin ito ng makahulugan sa


kasama. "I'm at the office. Mamaya na ako magla-lunch coz I'm still busy. How about
you? Kumain ka na ba? Don't starve yourself."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sagot ng lalaki. Tila nanigas ang buo
niyang katawan at pansamantala siyang natulala. Nagsisinungaling sa kanya si Blake.
Bakit? Dahil ba magkasama sila ni Debbie? Kelan pa ito nag-umpisang maglihim sa
kanya kapag kasama nito ang babaeng kaibigan?

"Alex are you still there? Alex...Alex...Alex."

Natauhan siya mula sa pagkakatulala matapos marinig ng paulit-ulit ang kanyang


pangalan. "Ah oo, m-may sinesenyas kasi sa akin ang kasamahan ko, pasensiya na.
Sige Blake magla-lunch na muna ako. Bye!"

Nagmamadaling ibinaba niya ang telepono bago pa man siya madala ng emosyon.
Nanginginig ang mga kamay na binuhay niya ang sasakyan. Inalis niya ang mga
paningin sa magkaibigan at bahagyang nangingilid ang luha na pinaharurot ang
sasakyan...

------

"Thanks god, you're here. Kanina pa kita hinihintay," bungad ni James sa bagong
dating na si Alex habang nakaupo sa harap ng table ng dalaga.

Tila walang narinig si Alex na bumati sa kanya. Seryoso ang mukha at magkasalubong
ang kilay na dire-diretso lamang ito sa kanyang table. Pabagsak na naupo siya sa
silya habang natutulalang nakatingin sa dingding. Hindi pa rin nawawala sa isip
niya ang mga nakita at ang nagawang pagsisinungaling sa kanya ng boyfriend.

"Where have you been? I keep calling and texting you," usisa ni James.

Hindi pa rin sumagot si Alex. Halatang wala pa rin ito sa sarili at lumilipad ang
isip.
"Hey what's wrong with you?" puna ng binatang pulis habang ikinakaway ang kamay sa
harap ng nakatulalang mukha ng babae.

"Huh? Andiyan ka pala Captain Corpuz," sambit ni Alex matapos matauhan at bigla
itong nagkunwaring masigla.

"Kanina pa kita hinihintay," sagot ng lalaki.

"Bakit? May maganda ka bang balita?"

Inilapag ni James ang isang buong folder sa table.

"Ano to?" tanong ni Alex.

"Private infos ni Tyron Garcia."

"Whoah! Ang bilis mo talagang magtrabaho, bilib na ako sayo!" nakangiting puri ng
dalaga.

"Bayad ko sayo yan sa pagproxy mo sa akin sa anniversary date namin ni Margareth,"


tatawa-tawang sabi ng binatang pulis.
Kinuha ni Alex ang files at tiningnan. Sinubukan niya itong basahin subalit habang
tinititigan ang papel, ang larawan nina Blake at Debbie ang kanyang nakikita.

"May problema ka ba?" komento ulit ni James.

"W-Wala," nag-aalinlangang sagot ng dalaga.

"Eh bakit ka natutulala?"

"S-Sinong natutulala ako? Hindi mo ba nakikitang nagbabasa ako?" natatawang sagot


ni Alex.

"No you're not reading."

"Bakit mo naman nasabi?"

"You're eyeballs are not moving. Nakatitig ka lang sa files."

Isinara ni Alex ang folder at napapabuntong-hiningang ibinalik sa table ang files.

"See you're troubled," dagdag na wika ng lalaki matapos marinig ang buntong-hininga
ng kausap.

"Wala akong problema. Pinag-iisipan ko lang mabuti yung nakuha kong mga bagong
impormasyon tungkol kay Grace."

"Really? You have new information? Saan galing?" excited na tanong ni James.

"Nakausap ko yung kaclose niyang empleyado sa Golden Pacific."

Natigilan si James sa sagot ng babae. " Galing ka sa opisina nina Blake? Now I know
kung bakit ka nagkakaganyan."

"B-Bakit anong alam mo?" kinakabahang wika ni Alex sa pag-aakalang baka may alam
ang lalaki tungkol kina Blake at Debbie.

"Siguro nahuli ka na naman ng boyfriend mo na nag-iimbestiga. Mahaba-habang pag-


iisip na naman ng palusot yan," biro ng lalaki.

Nakahinga ng maluwag si Alex sa sagot ng kausap sabay simangot niya dito. "Sinong
nahuli ako? Hindi ah! Magaling na ata akong gumawa ng diskarte ngayon!" mayabang na
sagot niya at saka bumulong. "Baka kamo siya ang nahuli ko."

"What did you say?"


"Wala."

Humarap si Alex sa kanyang computer at inumpisahang irecord ang mga napag-usapan


nila ni Hazel.

"Aren't you going to read first the files of Tyron Garcia?" tanong ni James sa
seryosong babae.

"Mamaya na, tatapusin ko lang itype tong mga impormasyong nakuha ko bago ko
makalimutan. Hindi kasi ako nakapagdala ng recorder."

"I'll go back to my desk then. Wala pa pala tayong dapat pag-usapan since you're
not in the mood too to share the infos that you've gathered today."

Tatayo na sana si James ngunit biglang tinigil ni Alex ang ginagawa at alinlangan
itong humarap sa lalaki.

"J-James..."

"Yes?"

"G-Gaano mo kamahal si Margareth?"


Napanganga ng ilang saglit si James sa tanong at muli itong umayos sa pagkakaupo.
Kunot-noong tinitigan nito ang kausap.

"Captain Valdemor may hormonal imbalance ka ba ngayon?"

"Seryosohin mo naman ang tanong ko!" naiinis na sagot ni Alex.

"Why would you come up with that kind of question? And seriously instead of
discussing about your case, mas interesado kang pag-usapan ang lovelife ko,"
natatawang bigkas ng lalaki. "Tell me the truth. Something happened to you today,
am I right?"

"N-Nakita ko kasi ang boyfriend ng k-kaibigan ko na may kasamang ibang babae sa


isang restaurant," nahihirapang bigkas ng dalaga habang pinipilit ngumiti at
iniiwas ang mga mata sa kaharap.

"Bakit bumabalik na ba sa pagiging babaero niya si Blake?" diretsong sabi ni James.

Namula ang pisngi ni Alex sa sinabi ng kausap. "Hindi si Blake! Ano ka ba? Di ba
sabi ko boyfriend ng kaibigan ko."

"Do you have any female friend other than Margareth? Maybe you saw it wrongly dahil
hindi pa ako umaalis dito sa headquartes simula kanina," pabirong wika ng lalaki
matapos mapansing nataranta ang babae.

"O-Oo naman m-may mga kaibigan pa akong ibang babae . A-Anong akala mo sa akin
outcast?" nauutal na sagot ni Alex.

"Then anong kinalaman ng feelings ko kay Margareth sa nakita mong boyfriend ng


kaibigan mo?"

"Hmmm....gusto ko lang malaman kung kahit ba mahal mo ang girlfriend mo tumitingin


ka pa rin sa ibang babae."

"Oo naman," walang kagatol-gatol na sagot ni James.

"ANO??!!!" bulalas ni Alex sabay palo sa mesa nang may nanlalaking mga mata.

Natawa ng malakas si James sa reaksiyon ng kausap. "Don't take it the wrong way.
Natural lang sa aming mga lalaki na maapreciate ang ganda ng isang babae pero hindi
ibig sabihin nito ay mamahalin na namin sila kagaya ng pagmamahal namin sa aming
girlfriends."

"Eh ang madevelop sa isang kaibigang babae, posible bang mangyari sayo kahit may
mahal ka ng iba?"

"Hmm of course I'll say no pero depende pa rin ito sa sitwasyon because sometimes
there are things you don't want to happen pero kapag pinaglaruan ka ng kapalaran,
you can't escape from it."

Nagsalubong ang kilay ni Alex sa sagot ng lalaki. "Ibig mong sabihin may balak ka
pa ring magmahal ng iba kahit mahal mo na si Margareth?"
"I told you my answer is no but if we will rephrase your question, it's the same as
'Is it possible for someone to fall in love to another person although he or she is
already in love with someone else? If I ask you that, what will be your answer?"

Natahimik ng ilang saglit si Alex at nakapangalumbabang nag-isip ng malalim.


"Depende."

"Bakit depende?" tanong ni James.

"Kasi madalas may mga bagay na di mo inaasahang mangyayari o darating sa buhay mo


kagaya ng pagmamahal. Minsan ang pag-ibig naman na yan bigla na lang yang
dumarating sa kahit ano pa mang sitwasyon. Kahit pa sabihin mong sarado na ang puso
mo sa isang tao, minsan may makikilala kang mas magpapatibok ng dibdib mo ng mas
higit pa kaysa sa taong akala mo ay totoong minamahal mo na."

"See you already know the answer so why ask me about that."

"Hindi... Iba naman ang sitwasyong tinatanong ko sayo," pagpupumilit ng dalaga


habang umiiling. "Papaano halimbawa kung ang taong balak mong ipagpalit sa
girlfriend mo ay matagal mo ng kakilala or kaibigan. Matagal na kayong nagkakasama
pero all throughout kaibigan lang talaga ang turing mo sa kanya dahil nga may mahal
ka na pero dumating na lang ang isang araw na narealize mo na may nararamdaman ka
pala sa kaibigan mo na yun. Possible bang mangyari sayo yan?"

"Yes. And it actually happened already to me," sagot ni James nang may seryosong
mukha at sabay titig kay Alex.
"K-Kelan? H-Huwag mong sabihing niloloko mo ang kaibigan ko," kinakabahang tanong
ng dalaga.

"Have you forgotten about our past? When Margareth came into the picture I was
still deeply inlove with you, so I only see her as friend. Pero habang tumatagal
ang panahon na nakakasama ko siya, I started seeing something from her na wala sa
ibang babae. And since then, I started falling to her and my feelings for you
started to fade away hanggang sa magising na lang ako telling myself na wala na
akong ibang mamahaling babae maliban kay Margareth."

Naantig si Alex sa sinabi ni James. Pansamantala siyang natahimik habang


ginagantihan ang mga titig ng lalaki. Sana naririnig ng kaibigan niya ang mga
binitawang matatamis na salita ng boyfriend nito. Tiyak na sasabog ang puso nito sa
kaligayahan. Napapangiti siya habang tinitingnan ang kaharap hanggang sa unti-unti
niyang mapagtanto na papaano kung ang nangyari kay James ay mangyari din kay Blake.
Paano kung unti-unti na ring mawala sa kanya si Blake at mahulog din ito kay
Debbie? Bigla ulit siyang kinabahan sa naisip lalo na nang maalala niya ang
nakaraan ng boyfriend. Pinili nito si Marianne kaysa kay Sophia. Pinili siya nito
kaysa kay Marianne...ngayon ba ay maaring iwan din siya nito para kay Debbie?

"Pero James may pagkakaiba pa rin sa sitwasyon natin. Dapat mo talagang burahin ang
nararamdaman mo para sa akin dahil may iba rin akong mahal at may karapatan kang
maghanap ng bagong mamahalin p-pero yung boyfriend ng kaibigan kong yun wala!"
mataas ang tonong paliwanag niya.

"Teka nga muna, how is falling to a friend topic related to your friend's
boyfriend?" naguguluhang tanong ni James.

"K-Kasi yung babaeng nakita kong kasama nung lalaki ay isa sa mga close friends
nito."

"Kaibigan naman pala ang kasama niya so why are you implying he's cheating on your
friend," nagtatakang tanong ng lalaki.
"K-Kasi may nakita akong kakaiba sa kanilang dalawa..." mahinang sagot ng dalaga
habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng kausap.

"Ano bang nakita mo to react that way in behalf of your friend?" napapailing na
wika ni James. "Did they kiss?"

"Hindi ah!" malakas na sagot ni Alex habang pinandidilatan ng mga mata ang kaharap.

"Magkaholding hands ba sila?"

"Subukan lang nila!"

"Nakita mo ba silang naglalambingan?"

"Eh di sinugod ko talaga sila!"

"Then what did you see to react this way?"

Panandaliang tumahimik si Alex at dahan-dahang huminahon ang galit na hitsura nito.


"N-Nakita kong nilalagyan ng pagkain nung babae yung pinggan ng lalaki," mahinang
sabi niya.
"Yun lang?" gulat na wika ni James na noon ay muntik ng matawa.

"N-Nakita ko ring pinupunasan nung babae ng tissue ang bibig nung lalaki..."

"Kapag pinunasan mo ba ng tissue ang bibig ng isang tao ibig sabihin may relasyon
na kayo? You said they were friends, although that scene was a bit awkward but that
doesn't mean that you can't do that kind of caring to a friend," paliwanag ng
binatang pulis.

"Ibig mong sabihin mali ang iniisip ko sa kanila?" tanong ni Alex na noon ay unti-
unting nagliwanag ang mukha.

"Look Captain Valdemor, don't tell your friend about what you saw baka pag-awayan
lang nila yan ng boyfriend niya. You're an investigator so I assume that you have a
fair judgement to everything. You are the person who should know best na hindi ka
dapat magbigay ng isang conclusion unless you have a solid evidence. And what you
saw is not enough para sabihing that man is having an affair with other woman,"
seryosong payo ng lalaki.

"S-Sa palagay mo maling pagdudahan ko sila?" tanong ni Alex na noon ay gustong


marinig na sana nga ay mali siya.

"Well... if we will only base sa sinabi mong nakita mo, I guess so."

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha ni Alex ngunit agad din itong nawala nang
maalalang nagsinungaling sa kanya si Blake. "Pero papaano mo ipapaliwanag ang
pagsisinungaling nung lalaki sa girlfriend niya?" matamlay na sabi niya.

"What did he lied about?"

"Sabi niya sa mga oras na iyon ay nasa opisina daw siya. Bakit kailangan niyang
magsinungaling?! Bakit hindi niya sinabing magkasama sila ng babaeng yun?" medyo
galit ulit na tanong ni Alex.

Bumuntong-hininga si James at sabay tingin sa iritableng kausap. "Are you sure he


lied because he's with that woman?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Maybe he lied because of some other reasons at hindi dahil may ginagawa siyang
kalokohan kasama ang babaeng kaibigan niya."

Hindi nakapagsalita si Alex. Napapalunok na napaisip siya sa maaring ibang dahilan


sa pagsisinungaling ni Blake. Siguro ayaw lang nitong sabihin sa kanya na magkasama
sila ni Debbie sa pag-aakalang ito ang dahilan kung bakit sila nagtalo. Bigla
siyang nakonsensiya sa mga naging reaksiyon niya at sa mga masasamang bagay na
naisip tungkol sa lalaki. Naging sarado nga ba ang utak niya dahil sa nasaksihang
hindi naman sapat na katibayan para masabing may ginagawang kalokohan ang kanyang
boyfriend?

Habang nag-iisip siya ng malalim saka naman nagpaalam si James.


"Are we done discussing about your friend?" ngingiti-ngiting sabi nito. "Wow she's
so lucky, we wasted a lot of time talking about her. I guess you're really a good
friend to everyone," nanunuksong dagdag na wika nito.

Tumayo ang kasamahang pulis ngunit bago ito lumabas ng pintuan ay muli siya nitong
nilingon. "Ah by the way a piece of advise to your friend, tell her to evaluate
herself too not just the situation of her boyfriend. We men are human too. Baka
naman may mga pagkukulang din ang kaibigan mo sa boyfriend niya dahil kung wala why
was he having meal with a female friend instead of her. Where was she at that
moment? Don't you think things like that might be avoided kung inaasikaso niyang
mabuti ang lalaking mahal niya," nakangiti at kalmadong sabi nito sabay labas ng
pinto.

Napanganga siya sa narinig. Ipinapahiwatig ba ni James na may mga pagkakamali din


siya? Sumandal siya ng mabuti sa upuan at pumikit. Isa-isa niyang hinimay ang
kalagayan ng relasyon nila ni Blake. Inaamin niyang simula nang tanggapin niya ang
kaso ay may malaking pagbabago sa oras na inilalaan niya para sa boyfriend. Hindi
niya ito gustong mangyari pero wala siyang magagawa dahil kailangan niya rin bigyan
ng panahon ang kasong hinahawakan.

Isa-isang nagsulputan sa utak niya ang bawat pagtanggi niya sa mga imbitasyon ni
Blake. Sa bawat pagyaya nito ng lunch, dinner o date ay lagi siyang may dahilan
para umiwas. Kadalasan ay sa gabi na lamang sila nagkikita at minsan ay nag-iisip
pa siya ng alibi para huwag umuwi kung may kinakailangan siyang manmanan ng
magdamagan. Mas natutuwa rin siya kung may pinagkakaabalahang ibang bagay ang
boyfriend para malaya siyang makakilos.

Napapabayaan na nga ba niya si Blake? Siya rin ba ang dahilan kung bakit mas lalong
napapalapit ito kay Debbie? Sapat na ba ang tiwala para huwag niyang isiping hindi
mahuhulog ang loob nito sa ibang babaeng nagpapahiwatig din ng pagmamahal at
pagkalinga?

Napasabunot siya sa sarili at sinapo niya ng mga palad ang mukha habang nag-iisip
ng paraan para muling makabawi kay Blake. Subalit ano ang gagawin niya? Hindi niya
kayang hatiin ang katawan niya para lubusang magampanan ang obligasyon sa kaso at
ang obligasyon sa boyfriend. Kung sana ay nauunawaan lang siya ni Blake. Kung sana
malaya siyang mahalin ang trabaho niya. Bakit kailangang ganito? Hindi ba talaga
pwedeng maging madali ang lahat para sa kanya? Darating ba talaga ang isang mabigat
na sitwasyon kung saan mapipilitan siyang mamili?...
*****

Sa loob ng sinehan, nakasandal ang ulo ni Alex sa balikat ni Blake. Nakaakbay naman
ang lalaki sa dalaga habang parehong nakatutok ang kanilang mga mata sa pelikula.

Seryoso si Blake sa panonood samantalang si Alex naman ay nakatingin lamang sa


telon subalit iba ang tinatakbo ng isip habang panaka-nakang sumusubo ng popcorn.
Maya't maya niyang nararamdaman ang pagvivibrate ng cellphone na nasa bulsa ng
kanyang suot na slack pants. Kanina pa siya inaabala ng taong inutusan niyang
magmanman sa gusali ng condo ni Grace.

Dahil sa pagyaya ni Blake ng date, nag-assign siya ng ibang kasamahan upang


pansamantala munang magmasid sa nasabing lugar. Wala pa rin siyang natatanggap na
bagong impormasyon mula sa kinutsabang matandang janitress kaya't napagdesisyunan
niyang muling pasubaybayan ang tagalinis.

Datapwa't kanina pa siya iniistorbo ng telepono, hindi niya ito pinapahalata sa


boyfriend. Palihim din siya kung magbasa ng mga text at sinisigurado munang hindi
sa kanya nakatingin ang lalaki. Simula nang masaksihan niya ang mas nagiging
malapit nito kay Debbie, naisipan niyang paglaanan muna ito ng panahon. Kailangan
niyang bumawi. Itinago niya na lamang sa sarili ang namuong pagdududa mula sa
nasaksihan sa magkaibigan, sa halip ay binuksan niya na lang ang isipan at
tinanggap sa sarili na siya ang nagkulang.

Nangako siya sa sarili na pansamantala munang tatanggalin sa kanyang priyoridad ang


ginagawang imbestigasyon. Hahatiin niya na ng tama ang kanyang oras para sa trabaho
at para sa boyfriend bago pa man magkalamat ang kanilang relasyon. Napagdesisyunan
niyang huwag munang gaanong madaliin ang kaso dahil kung ibabase sa itinatakbo
nito, hindi naman gaanong nagiging malinaw na nasa panganib nga si Blake. Kung
kaya, ang mga trabahong pwede niya namang i-assign sa iba ay ipinauubaya niya muna
sa kanyang mga kasamahan.
Ayaw tumigil sa pagvivibrate ng kanyang cellphone kaya't naisip niyang lumabas muna
para sagutin ang tawag.

"Where are you going?" bulong sa kanya ni Blake bago pa man siya tuluyang makatayo.

"M-Magsi-cr lang..."

"Kanina ka pa pabalik-balik ng comfort room. Is there something wrong with your


stomach?" mahinang bigkas nito.

"Wala naman. Napadami lang siguro ako sa tubig."

Tumigil sa pagvibrate ang telepono niya ngunit itinuloy niya pa rin ang paglabas ng
sinehan. At pagdating ng CR, tinawagan niya agad ang maya't maya niyang nangungulit
na kasamahan.

"Ano SPO1 Balatbat nahuli mo ba ang suspect dahil parang wala ng bukas kung
makabulabog ka?!" bungad niya sa kausap.

"Eh kasi, Kapitan Valdemor hindi pala nakaduty ngayon yung janitress na
pinababantayan mo. Pwede na ba akong umuwi?"
Tumingin sa relos niya si Alex. "Anong oras na ba?"

"Alas nuwebe ho ng gabi?" sagot ng kausap.

"Nagtanong ka ba kung hindi siya nakaduty ng panggabi?" nagtitimping wika ng babae.

"Ah oo nga no! Hindi ko nga pala naitanong. Sandali lang ho kapitan andito pa ako
sa may lobby, magtatanong ulit ako."

Napakamot si Alex ng ulo habang hinihintay ang sagot ng kausap.

"Hello Kapitan!"

"O ano daw?"

"Papasok nga daw ho mamayang alas-onse pa ang schedule niya hanggang umaga."

Bumuntong-hininga ang dalagang pulis at napakagat sa kanyang labi sa panggigil sa


tauhan. "SPO Balatbat sa palagay mo ba papupuntahin kita diyan kung alam kong wala
diyan ang taong mamanmanan mo!"

"P-Pasensiya na Kapitan. Akala ko kasi pwede na akong umuwi may importanteng


handaan kasi sa bahay ngayon kaya nagbabakasakali lang."
"Hoy Balatbat! Wala akong pakialam kung may party man kahit ang buong barangay
ninyo. Pag sinabi kong magbantay ka diyan, magbantay ka! At pag sinabi kong huwag
mo akong istorbohin, huwag mo akong istobohin! PERO ANO TONG GINAGAWA MO,
MALOLOWBAT NA TONG CELLPHONE KO NG DAHIL LAMANG SA KATATAWAG MO NG MGA WALANG
KUWENTANG BAGAY!!!"

"S-Sorry po Kapitan. Monthsary din kasi namin ngayon ng girlfriend ko kaya baka
naman pwedeng bukas na lang ako magmanman."

"Sige bukas ka na magbantay pero dun ka magbabantay sa ward ng mga preso sa Munti
dahil bukas na bukas din ipapalipat kita! Kabago-bago mo lang reklamador ka na
ha!"

"Kapitan naman di na mabiro. Sige ho dito lang ho ako, gusto niyo tukuran ko pa ng
toothpick ang mga mata ko para makasiguradong walang makakalusot sa akin."

Ngumisi si Alex at ilang ulit na huminga ng malalim para ikalma ang sarili.
"Balatbat nasa importanteng date ako ha. Dito nakataya ang kapalaran ng kasong yan
sa aking mga kamay. Nagpapagood shot ako sa boyfriend ko kaya't pwede ba itigil mo
yang katatawag mo ng dahil lamang sa mga maliliit na bagay. Paganahin mo yang utak
mo! Haist bakit ba kasi ikaw pa ang naiposte ko diyan. Tandaan mo pag nag-away kami
ng boyfriend ko ng dahil sa kakulitan mo, sisiguraduhin kong hindi ka na
makakaranas ng party at monthsary sa buong buhay mo! Naiintindihan mo?!"

"O-Oho Kapitan. S-Sige ho babalik na ako sa kotse. Hindi na ho ako tatawag!"


"Magbantay kang mabuti ha at huwag kang aalis hangga't hindi ko sinasabi!"

"Yes Ma'am!"

Matapos makipag-usap, iritableng ibinalik niya ang cellphone sa bulsa at


nagmamadaling bumalik sa loob ng sinehan. "Haist, bumalik lang ako sa dati akala
nang mga ito ay wala na uli akong karapatang magkalovelife!"

"What took you so long?" salubong agad sa kanya ni Blake pagkabalik niya ng upuan.

"Mahaba ang pila sa CR," katwiran niya.

"Are you sure you're fine? Do you want to go home now?" nag-aalalang bulong nito.

"Okay lang ako. Tapusin na natin tong movie, maganda eh," nakangiting sagot niya
kahit ang totoo ay wala naman siyang naiintindihan sa pinapanood pero alam niya
kasing nag-eenjoy dito si Blake kaya mas mainam na tapusin nila ito.

Humilig ulit siya sa balikat ng lalaki at muling ibinalik ang atensiyon sa


pelikula. Ipinulupot ng boyfriend ang kamay nito sa beywang niya at marahan siyang
hinahaplos-haplos habang seryosong nanonood. At maya-maya lamang ay nag-umpisang
lumikot ang kamay ng binata nararamdaman niyang umaakyat na ito patungo sa kanyang
dibdib. Tiningnan niya ito ng masama at kinurot ng mahina sa tagiliran.

"Ouch! Why?" natatawang wika nito.


"Wala tayo sa bahay."

"I'm just setting some mood here. Advance warm up para ready ka na pagdating sa
bahay," bulong nito sa kanyang tenga nang may mainit na hininga.

"Mamaya mo na paganahin yang kapilyuhan mo. Manood ka na lang," tatawa-tawa ring


sagot niya saka ibinaling ang ulo ng lalaki papaharap sa telon.

Ibinalik ni Blake ang mga mata sa sine ngunit hindi pa rin nagpapigil ang kanyang
malikot na kamay. At kasabay ng muli nitong paggapang ay siya namang pagvibrate
ulit ng cellphone ng dalaga.

Napaigtad si Alex dahil sa pagkabigla sa telepono."HAIST! SINABI NA NGANG! " hindi


sinasadyang bulalas nito.

Halos sabay-sabay na napatingin ang mga tao sa lakas ng boses ng babae.

"Shhhh...Ano ba ang ingay naman!"

Napatingin si Alex sa paligid at biglang nakaramdam ng hiya nang makita ang mga
nakakahiwang mga tingin sa kanya ng ibang manonood.
"S-Sorry," napapahiyang sabi niya sa mga ito.

Maging si Blake ay nagulat din sa sigaw niya. Agad nitong tinanggal ang kamay mula
sa kanya at naguguluhang tiningnan siya. Halatang hindi ito makapaniwala sa pag-
aakalang nagalit siya dahil sa ginawa nito.

"S-Sorry. Hindi ikaw, y-yung cellphone ko kasi..." mahinang paliwanag niya sa di


makapagsalitang lalaki.

-----

Nagbago ang mood ni Blake dahil sa insidente ng cellphone sa loob ng sinehan.


Nawalan siya ng gana at napagsabihan pa niya ang girlfriend na sa susunod na
lumabas sila ay kailangang patayin nito ang telepono. Matagal-tagal na rin ang
huling date nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho tapos nang magkaroon
sila ng pagkakataong lumabas ay wala pa rin ang buong atensiyon sa kanya ng babae.
Hindi lingid sa kaalaman niya na sa buong gabing lakad nila ay halos cellphone ang
maya't mayang inaatupag nito.

Napansin naman ni Alex ang pananamlay niya kaya't walang tigil ito sa masiglang
pagkukuwento habang nasa sasakyan sila at pagdating naman sa bahay ay walang tigil
din ito sa pag-aasikaso sa kanya. Nagtataka siya sa bigla-biglang pagbabago sa
kilos ng girlfriend, halatang pinipilit nitong dagdagan ang oras at atensiyong
inilalaan sa kanya. Hindi niya tiyak ang dahilan pero sana tama ang kutob niyang
napagtanto na rin nitong nagkukulang na ito sa kanya.

Natural na dapat siyang matuwa dahil sa nangyayari subalit ayaw niya munang
magpadala sa emosyon. Gusto niyang tingnan kung hanggang saan ang mararating ng
ipinapakitang pagbabago ni Alex. Alam niyang kahit magkasama sila ay hati pa rin
ang atensiyon nito. Marami pa ring hindi normal sa mga kilos nito. Gaya na lamang
ng hindi nito muling pag-ungkat sa naging pagtatalo nila tungkol kay Debbie. Kung
ang pagbabasehan ay ang natural na ugali ng girlfriend, hindi siya nito lulubayan
hangga't hindi nagiging malinaw dito ang lahat. Kaya't nakapagtataka kung bakit
hindi na nila ito muling pinag-usapan. Pati ba ang selos ay unti-unti na ring
nawawalan ng lugar sa dibdib ng babae?
Ganito na ba ulit ito kalunod sa trabaho?

"Aren't you going to sleep yet?" seryosong tanong niya habang pinagmamasdan si
Alex.

Nakahiga na siya sa kama at handa nang matulog subalit abala pa rin ang babae sa
ginagawa nito sa closet. Busy ito pero hindi pa rin nito inilalayo ang cellphone sa
katawan.

"Mamaya na tatapusin ko lang muna ang pag-aayos nitong mga damit mo. Oo nga pala
ano ang gusto mong isuot para bukas, ihahanda ko na," nakangiting wika nito.

"Bahala ka na. But it has to be slightly better than usual dahil may meeting ako sa
ilan sa mga board of directors bukas."

"Ganun ba? Tsk ano kayang damit ang pipiliin ko, yung mababawasan ang kagwapuhan mo
o yung madadagdagan?" tatawa-tawang biro ng babae habang nakahawak sa baba at
nakatingin sa mga damit.

"I said I'll wear a nicer one."

Kunwa'y napaisip ng malalim si Alex. "Naisip ko lang na baka kasi pag gumwapo ka
lalo eh mas madadagdagan ang mga insecurities ng mga kumukontra sayong mga
directors. Iisipin nila habang tinitingnan ang gwapo mong mukha na 'Hay ano ba
naman tong batang ito. Ang guwapo-guwapo na, ang yaman-yaman na tapos aagawan pa
tayo ng posisyon dito sa kumpanya! Magiging amo na ba natin ang isang batang kagaya
niya? Dapat sa edad niya ay nag-eenjoy muna siya sa pagkabinata at hindi yung
nakikisawsaw sa negosyo na dapat ay pinapatakbo ng mga matatanda! Hindi naman
siguro tamang nasa kanya na ang lahat?'" nakapamewang na daldal ng dalaga habang
nakatingin sa sahig at kunwari ay may kinakausap na ibang tao.

Natawa ng mahina si Blake habang pinapanood ang babae. "You keep praising me. Do
you really think that your boyfriend is handsome?"

"Oo naman!"

"Well, kunsabagay I keep hearing from the ladies in the office that I'm a perfect
example of their ideal guy," pagmamayabang ng lalaki. "Pero bakit kaya parang hindi
na ako masyadong pinapansin ng girlfriend ko lately? I'm doubting. Does my
personality start to regress? Am I in fact not lovable compare to what those ladies
were saying? " kunwari ay puno ng pagtatakang wika nito sa sarili.

Natigilan si Alex sa narinig. Bagamat pabiro itong sinabi ng lalaki pero sumapol
ito sa kanyang dibdib. Maaring pinapasaringan siya nito sa paraang akala nito ay
hindi siya masasaktan. Huminga siya ng malalim, pinilit ngumiti ng masigla, humarap
sa lalaki at masayang lumapit dito. Dumapa siya sa tabi ng binata at tumitig sa mga
mata nito.

"Sinong ba yang girlfriend na hindi pumapansin sayo? Gusto mong hulihin ko at


ikulong ko?" sabay kurot niya sa pisngi ng boyfriend. "Ah teka siya yata yung
nakausap ko na nagsabi sa aking tambak ang trabaho niya sa opisina kaya may ibang
bagay siyang napabayaan. Pero ngayon babawi na daw siya at aasikasuhin na ang mga
bagay na napabayaan niya lalong-lalo na ang boyfriend niya!" at saka niya binigyan
ng isang mabilis na damping halik sa labi ang lalaki.

"Grabe ang gwapo pala talaga ng boyfriend ng babaeng iyon!" nakangiti at nanggigil
na dugtong niya.
"Is that true?" tanong ni Blake nang may hindi pa rin gaanong kumbinsidong mukha.

"Oo naman! Bakit may nakapagsabi na ba sayong pangit ka?"

"Not about that. Tungkol sa sinabi mong aasikasuhin mo na ulit ako gaya ng dati."

"O-Oo naman," mahinang bigkas ni Alex nang may tipid na ngiti ngunit hindi siya
makatingin ng diretso sa mga mata ng nobyo.

Tinitigan ni Blake ang reaksiyon ng kausap at saka ngingiti-ngiting tumingin sa


hawak-hawak na cellphone ng girlfriend. "Are you cheating on me? Are you seeing
other guy kaya't hindi ka mahiwalay diyan sa cellphone mo? May hinihintay ka bang
text o tawag mula sa kanya?"

Mabilis na itinapon ni Alex sa kama ang telepono at inilayo ito sa sarili. "Ah-eh
may nagoovertime kasi ngayon sa headquarters na mga kasamahan ko sa department.
Inoorganize lahat ng mga records, maya't maya may nagtatanong tungkol sa mga
itinabi kong mga files kaya't importanteng sagutin ko sila."

Napabuntong-hininga si Blake. Tama nga ang hinala niya na wala pa ring katiyakan
ang ipinapakitang pagbabago ng girlfriend. Ramdam niyang maaring pansamantala lang
ito kaya ayaw niya na munang umasa. Gumilid siya sa pagkakahiga, tumalikod sa
kausap at nagkumot.
"I'm sleepy. Pakipatay na lang ng ilaw pagmatutulog ka na," dismayado at kunwa'y
nahihikab na sabi niya.

"Blake huwag ka nga palang aalis ng office bukas sa lunchbreak ha," nakangiting
wika ng babae na noon ay hindi man lamang nakahalata sa pagtatampo ng boyfriend.

"Why?" walang ganang sagot ng lalaki.

"Magluluto ako bukas. Hahatiran kita ng pagkain at sabay na tayong maglunch."

Napaharap muli sa kausap si Blake at bigla itong nagtanggal ng kumot. Bigla siyang
natuwa sa sinabi ng babae ngunit agad din siyang nagpigil ng sarili. Ayaw niya
munang ipahalata ang nararamdaman dahil hindi pa siya sigurado kung sadyang para
nga ba sa pag-aasikaso sa kanya ang gagawin nito o baka may iba na naman itong
rason.

"What about your work? Hindi ka ba papasok?"

Umiling si Alex. "May pictorial bukas ng hapon si Sophia para sa product niyo di ba
kaya kailangan ko siyang puntahan. Pero bago yun, dadaan muna ako sa office niyo at
dadalhan kita ng pagkain kaya huwag kang kakain sa labas ha."

Nabura ang excitement sa mukha ni Blake. Sabi na nga bang may iba pa itong dahilan.
Kung hindi dahil kay Sophia malamang na hindi ito mag-aabsent para lamang ipagluto
siya.

"Okay," tipid na sagot niya saka muling tumalikod sa babae. "Ah and in case you
change your mind, tell me earlier. Ayokong magutom," paalala niya dahil sa
pagdududang baka bigla-bigla na namang may sumingit na ibang bagay sa schedule
nito.

"Huwag kang mag-alala sigurado akong madadalhan kita ng pagkain at sabay din tayong
maglulunch," nakangiting paninigurado ni Alex.

"I hope so..." matamlay na sagot ni Blake at sabay talukbong nito ng kumot...

-------

"Hi Ma'am! Mukhang napapadalas na ang punta niyo dito ah?" masayang bati ng
security guard kay Alex.

"Hi!" nakangiting sagot ng dalaga na noon ay bitbit-bitbit ang pangakong nilutong


pananghalian para sa boyfriend.

Napakabilis ng balita. Ilang beses pa lamang siyang nakakapunta sa kumpanya ay


kilala na agad siya ng mga empleyado bilang girlfriend ni Blake. Naasiwa tuloy siya
sa atensiyong binibigay sa kanya ng mga nakakasalubong. Hindi siya komportable na
maraming nakatingin at pumapansin sa kanya kaya mas minabuti niyang maglakad ng
nakayuko sa lobby. Bago makalapit sa elevator ay biglang tumunog ang kanyang
cellphone. Nahihirapang kinapa niya ito sa bag gamit ang isang kamay. Hindi
kilalang numero ang tumatawag.

"Hello."
"Hello po Ma'am Alex!" masayang bati sa kanya ng isang boses babae.

"Sino to?"

"Si Hazel po, ma'am!"

"H-Hazel? Ahhh... oh Hazel bakit? Teka saan mo nakuha ang number ko?"

"Sa inyo po! Nakalimutan niyo na po bang ibinigay niyo sa akin nung nag-inspeksiyon
kayo sa table ni Divine."

"Ah oo nga pala. O bakit ka napatawag?"

"Andito daw po kayo sa Golden Pacific!"

"Oo kadarating ko lang. Paano mo nalaman?"

"Tinext po ng kaibigan ko sa reception."

"Ang bilis ng balita ah," napapangiting wika niya.


"Pwede ko po ba kayong ma-meet ngayon, may ibibigay po ako sa inyo."

Nagdalawang-isip si Alex kung pagbibigyan ang empleyada. Mahirap na baka mag-isip


na naman ng kung ano si Blake pag nakita silang nag-uusap. "Ah kasi...ano Hazel,
baka hindi ako pwede ngayon. Tingnan ko mamaya pagkatapos kong pumunta sa opisina
ni Blake."

"Sandali lang po ito Ma'am Alex, may iaabot lang po ako sa inyo."

"Sige tawagan kita mamaya pagpaalis na ako."

"Naku! Pwede ho bang ngayon na kasi sasama po ako sa mga officemates ko na maglunch
sa labas."

"Hindi ako pwede ngayon. Ano ba yang ibibigay mo?"

"Picture ho namin nina Divine. Kasama yung bestfriend niya nung college,
ipapakisuyo ko sana sa inyo para ibigay niyo sa taong humahawak sa kaso niya.
Nakalimutan ko kasi ang pangalan ng bestfriend niya kaya litrato na lang ibibigay
ko baka ho makatulong ito para mainterview ninyo. Mukhang marami po itong alam
tungkol kay Divine."

Agad na nagbago ang mukha ni Alex, biglang nangislap ang kanyang mga mata. "Sige,
magkita tayo," mabilis at walang kagatol-gatol na sagot niya.
"Okay magkita na lang ho tayo sa floor ng opisina ni Sir Blake. Punta na po ako dun
ngayon! Bye!"

"T-Teka Hazel, huwag dun... haist binabaan na ako!"

Nagmadali siyang sumakay ng elevator. Kailangang huwag makalapit si Hazel sa


opisina nina Blake. Pagkasakay ng elevator ay isinilent niya ang telepono bago pa
man siya mapuna ulit ng nobyo.

Nang marating niya ang pupuntahang palapag, agad niyang iginala ang mga mata. Ilang
saglit lamang ay nagbukas ang isa pang pinto ng elevator. Lumabas dito si Hazel.

"Hi Ma'am Alex!" kumakaway na bati nito pagkakita sa kanya.

Hinila niya ang empleyada at doon na mismo sa malapit sa elevator niya ito
kinausap.

"Nasaan na?" nagmamadaling wika niya habang patingin-tingin sa paligid.

"Dito na ho ba? Hindi po ba tayo doon sa office ni Sir Blake mag-uusap?"


nagtatakang tanong ni Hazel.

"Hindi pwede dun. Alam mo namang pinagbawalan na ako ni Sir Blake mo tungkol dito
di ba?" pabulong na sagot ni Alex.

"Eh para lang naman ito sa kasamahan niyong nag-iimbestiga dun sa kaso ah."

"Kahit na, magdududa pa rin yun kaya akin na. Bilisan mo."

Dismayado ang mukhang kinuha ni Hazel ang litrato sa bag. "Akala ko pa naman,
makikita ko ngayon ng malapitan si Sir Blake," mahinang bulong nito sa sarili sabay
abot ng isang sobre sa dalagang pulis.

Dali-daling ibinaba ni Alex ang mga bitbit at inilabas ang larawan sa sobre. Kuha
ito nina Hazel at Grace sa isang restaurant kasama ang isang babae sa na halos
kaedaran din lang ng dalawa.

"Isang beses ko lang yan na-meet at hindi ko rin natandaan ang pangalan niya kaya
picture na lang ang ibibigay ko. Buti na lang isa yan sa mga naisave ko sa computer
nung magbura ako ng mga pictures sa cp ko kaya naipaprint ko pa," kusang pahayag ng
empleyada.

"Anong natatandaan mo tungkol sa babaeng ito?"

"Hmmm...ang pagkakaalam ko bestfriend yan ni Divine mula college. Graduate sila sa


iisang university, magkabatch at magkapareho din ng course."

Nagseryoso ng mukha si Alex at napakunot ng noo. Kung magkaklase at magkaibigan ang


dalawa mula college, ibig sabihin alam ng taong ito ang pagpapalit ng pangalan at
malamang pati na rin ang pagpaparetokeng ginawa ni Grace. Maaring alam din nito ang
iba pang mga sekreto ng pumanaw na babae.

"Sa tingin mo ba makakatulong ang picture na yan?" tanong ni Hazel.

Ngumiti si Alex at namimilog ang mga matang sinagot ang kausap. "Oo makakatulong
ito! Salamat Hazel ha."

"May way ba para matunton niyo ang taong yan?" usisa ulit ng empleyada.

"Hazel, madali lang sa aming mga imbestigador maghanap ng tao lalo pa't may
litrato."

"Naku buti na lang pala talaga naisave ko yan! Sana nga makatulong yan para naman
mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Divine kung sakaling hindi nga siya
totoong nagsuicide."

Tumigil ang pag-uusap ng dalawa nang biglang tumunog ang elevator. Nagbukas ito at
nanlaki ang mga mata ni Alex nang makitang lumalabas dito si Blake kasama ang isang
lalaking naka-suit na nasa edad singkuwenta pataas. Dali-dali niyang inilagay ang
litrato sa bag at dinampot ulit ang mga lunchbox na bitbit. Magtatago sana siya
ngunit bigla namang nagsalita si Hazel.

"Huh si Sir Blake!"


Lumingon si Blake pagkarinig sa kanyang pangalan at nagtatakang lumapit ito sa
dalawang babae.

"Hi Sir Blake!" bati ni Hazel nang may abot-tengang ngiti.

"H-Hi."

"Kitam Ma'am Alex kinausap ako nandiyan kasi kayo," kinikilig na bulong ng
empleyada habang napapakapit sa manggas ng blouse ni Alex. "Pagbigyan niyo na ang
kagarapalan ko ah, di ko makontrol eh."

"What are you doing here in the hallway Alex? Why aren't you in my office?" tanong
ng lalaki.

"Ah n-nag-uusap lang kami sandali, kadarating ko din lang," kabadong paliwanag ng
dalaga.

"Who is this lady?" nakapamulsang tanong ni Blake sabay napatingin sa nakakwintas


na ID ni Hazel. "It seems that she's one of the employees. Magkakilala ba kayo?"

"Opo empleyado nga po ako dito at close na po ka-..."


Pinutol ni Alex ang sasabihin ng babae sa pamamagitan ng pasimpleng pag-apak sa paa
nito. "Huwag kang maingay," bulong niya dito nang hindi inaalis ang tingin at ngiti
kay Blake. "Ngayon lang kami nagkakakilala. Nakasabay ko siya sa elevator at
nakiusap sa akin na tulungan siyang magpakilala sayo. Nagmakaawa ng sobra eh,
mukhang isa sa mga die-hard admirers mo kaya pinagbigyan ko na," paliwanag niya
habang palihim na sinisiko si Hazel upang ipahiwatig ditong sakyan siya.

Kahit takang-taka, wala namang nagawa si Hazel kundi pagbigyan ang gusto ni Alex.
"Opo nakiusap nga po ako sa kanya. Ako nga po pala si Hazel Salvacion from the
Marketing Department," masiglang pagpapakilala nito.

"You're from the marketing?" sabay na natigilan si Blake at napatingin ng seryoso


sa girlfriend ngunit agad din itong ngumiti para muling kausapin ang empleyada.
"You're one brave woman to ask that kind of help from my girlfriend," tatawa-tawang
biro nito.

"Mukha naman hong mabait at resonableng tao si Ma'am Alex, mas nakakatakot pa nga
kung tutuusin si Ma'am Debb-..."

Muling siniko ni Alex ang madaldal na babae at agad din namang napagtanto ni Hazel
ang muntik-muntikan ng lumabas sa kanyang bibig kung kaya't ngumiti na lamang siya
at hindi na itinuloy pa ang sasabihin.

Lumapit naman sa kanila ang kasamang lalaki ni Blake.


"Ah by the way, this is Director Garcia. Director Garcia, she's Alex, my fiancee,"
pagpapakilala ng binata sa kasintahan.

Malugod na nakipagkamay ang director sa dalaga. "Nice to meet you. So you're that
pretty police officer whom they're talking about."

"Hello po. Kayo po pala ang tatay ni Tyron," kaswal na wika ni Alex.

Nagulat ang direktor sa narinig. "How did you know Tyron is my son? Magkakilala ba
kayo ng anak ko?" nagtatakang sabi nito.

Napamaang si Alex. Sa mga oras na yun ay gusto niya na namang batukan ang sarili.
Inatake na naman siya ng pagkataklesa. Maging si Blake ay tila hindi rin natuwa sa
madulas niyang dila.

"Ah kilala ko po ang anak niyo pero hindi niya ako kilala," mabilis na
pangangatwiran niya. "Napapanood ko ho kasi siya sa TV at narinig ko ring anak siya
ng isa sa mga director ng Golden Pacific kaya't inassume ko kaagad na baka kayo yun
dahil magka-apelyido kayo."

"Let's go back to my office Alex. Tara na ho Mr. Garcia," paglihis ni Blake sa


hindi magandang itinatakbo ng usapan sabay talikod nito.

"Susunod ako Blake," wika ni Alex.


"Bye Sir Blake!" masayang paalam naman ni Hazel kahit pa hindi na siya pinansing
muli ng amo.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawang lalaki. Nakakailang hakbang pa lamang sila ay


si Alex agad ang unang lumabas sa bibig ni Mr. Gracia.

"I heard she's older than you."

"That's right," tipid na sagot ni Blake.

"Is she really your type of woman?" tanong ulit ng direktor.

"I love her...so I guess so."

Natawa ng mahina si Mr. Garcia. "I didn't know you're this softhearted man."

Natigilan si Blake at napatingin sa mukha ng kausap. "What do you mean?"

"I heard she saved your life. Did you start liking her because of gratitude? Don't
get me wrong. She's pretty and maybe has an incredible vibrant personality but
she's out of your league. You're a billion heir bachelor. You must choose a wife
that could be of help to you for the good image of Golden Pacific and she is not
the one. I don't know what you see in her but I guess she's too ordinary compare to
bunches of great women which you deserve for your status."

Lihim na napakuyom ng kamao si Blake sa sinabi ng direktor. Pati ba naman sa


personal niyang buhay ay kinokontra pa rin siya nito? Gusto niya itong patulan
subalit nagpigil siya ng sarili. Nag-aalala siyang baka marinig sila ni Alex.

"She's not ordinary Mr. Garcia. And in fact she protects me to death, so if I were
you, I'd keep to myself all the negative comments because if she heard about it,
you'll definitely next in her watchlist," ngingisi-ngising sagot niya at sabay
lingon sa girlfriend na noon ay nagpapaalam na rin sa kausap na empleyada. "I'm in
front of my office now, papasok na ako sa loob. Thank you for walking with me up to
here Mr. Garcia, see you at the meeting later."

Panandaliang hindi nakapagsalita ang direktor dahil sa tila pagbabanta ng binata


gamit ang girlfriend nito.

"Ah by the way, since you're curious about what I see in her, why don't you ask
your son if what he sees in a woman like her," dugtong pa ni Blake.

"What are you talking about? My son won't be interested to a woman like her,"
natatawa ngunit naguguluhang tugon ni Mr. Garcia.
"If that is true, then I'm very happy to hear that," sabay ngiti,yukod at alis ng
binata.

Napapailing ng ulo na tumalikod ang direktor habang ngingisi-ngising naglakad


papabalik ng elevator. Nakasalubong nito si Alex at tiningnan ang babae mula ulo
hanggang paa.

Naasiwa naman si Alex sa mga tingin sa kanya ni Mr. Garcia subalit sa kabila nito
ay nagawa niya pa ring yumukod dito bilang paggalang.

"I hope his way of handling business won't be as bad as his taste in women,"
narinig niyang bulong nito sa sarili.

Natigilan siya at hinabol ng tingin ang direktor. Palihim niyang nginusuan ito.
"Hmp, matandang ito dinadamay ako sa cold war nila ni Blake. Subukan mong kantiin
ang boyfriend ko, ipapatikim ko sayo ang bad taste na sinasabi mo," mahinang sabi
niya.

Umirap siya at muling itinuloy ang paglalakad patungong opisina ni Blake.


Siniglahan niya muna ang mukha bago siya pumasok dito. Masayang binati niya ang mga
staff ngunit pagpasok niya sa silid ni Blake napansin niya agad ang walang ganang
hitsura ng lalaki habang nakaupo ito sa desk.

"Mukhang bad mood ka. Gutom ka na ba?" wika niya dito.


"No. I just feel tired after talking to that old man," medyo iritableng sagot ni
Blake.

"Bakit nilait ba ako?" tatawa-tawang bigkas ng dalaga habang inihahanda ang dalang
mga pagkain.

Napaangat sa upuan ang lalaki. "Huh? Did he say something bad to you?" biglang nag-
aalalang sabi nito.

Umiling si Alex. Pinili niyang huwag sabihin sa boyfriend ang totoo upang huwag
nang madagdagan ang pagka-irita nito. "Wala naman. Hula ko lang. Medyo sanay na ako
sa first impression ng mga tao tungkol sa atin. Pero kung iisipin, mga matatandang
mayamang conservative lang naman ang nagsasabing hindi ako bagay sayo pero alam mo
bang sa mga bata mas madalas kong naririnig na masyado daw akong cool para sayo,"
nagmamayabang pang sabi niya.

Natawa si Blake sa biro niya. Tumayo ito at lumapit sa mesang pinaghahandaan niya
ng mga pagkain malapit sa refreshment area ng silid. Tinitigan nito ang mga inihain
niya.

"Ang dami nito ah. Did you cook all this o baka naman si Manang Cora?" pabirong
sabi nito.

"Huwag kang mamintang! Pinagpuyatan kong iresearch sa internet ang mga ito ha!"
nakapamewang na sabi niya at sabay irap sa nang-aasar na nobyo.
Nakangiting tumitig si Blake sa girlfriend at lumapit dito habang dahan-dahang
nagseseryoso ng mukha. Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga at marahang hinaplos. "I
feel better now. Nakita mo na kung papaano mo napapagaan ang pakiramdam ko. Your
presence alone is enough already what more na inaasikaso mo pa ako ng
ganito...Could you do this to me everyday?"

Biglang napalunok si Alex habang ginagantihan ng mga titig ang lalaki. Hindi niya
alam kung papaano ito sasagutin. Pansamantalang nablangko ang utak niya hanggang sa
marinig niyang tila may nagvivibrate sa bag niya.

"B-Blake mukhang may tumatawag sa akin. P-Pwede ko bang sagutin baka importante,"
mabilis na pag-iwas niya sa tanong.

Napabuntong-hininga si Blake at tinanggal ang kamay mula sa pisngi ng dalaga. "Go


ahead," seryosong tugon nito.

Kalmadong kinuha ni Alex ang cellphone sa bag at patay-malisyang tiningnan ang


tumatawag. Si SPO1 Balatbat. Humakbang siya para lumayo ngunit pinuna siya ni
Blake.

"Where are you going? Just answer the call here."

"O-Okay," walang magawang sagot niya. "H-Hello," bungad niya sa tumatawag nang
hindi pinapahalatang kabado siya. Balak niyang pakinggan na lamang ang bawat
sasabihin nito.
"Hello Kapitan! Andito pa rin ako, grabe naman ang matandang janitress na iyon ang
tibay ng katawan. Magdamag na ngang nagduty, nagawa pang mag-overtime!..."

Napangiti si Alex habang pinipilit itago ang namumuo na namang pagkainis sa kausap.
Gusto niyang sabihin ditong huwag ng magpaligoy-ligoy pa at dumiretso na lamang sa
sasabihin nito.

"Ganun ba," nagtitimping sagot niya.

"Oh di ba kapitan, maaasahan din ako. Hindi talaga ako natulog simula nang
magbantay ako dito!"

"Mabuti naman kung ganun..."

"Pagkatapos nito pwede na ba akong umuwi?"

"Oo naman...Balatbat diretsahin mo na ako, ano bang importanteng sasabihin mo kaya


ka napatawag," gigil na gigil na bulong niya nang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa
mga labi habang napapatingin kay Blake.
"Ah oo nga pala, andito yung lalaki sa CCTV. Nasa labas ng building at mukhang
hinihintay si Aling Cresencia."

"ANO?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Kanina pa ba yan diyan?" di napigilang bulalas
niya.

"Ngayon lang ho kaya't itinawag ko na din sayo agad."

Natatarantang ibinaba ni Alex ang telepono at nagmamadaling dinampot ang kanyang


bag.

"Hey where are you going?" nasusurpresang tanong ni Blake nang mahalatang
naghahanda nang umalis ang girlfriend.

"Pasensiya ka na Blake, kailangan ko nang umalis. Pinapatawag ako ni chief saglit,


importante at hindi pwedeng ipagpaliban," natatarantang sagot ng dalaga na noon ay
walang itinatakbo ang isip kundi ang makaalis para maabutan ang suspect.

"You said we're eating together," reklamo ng lalaki.

"Pasensiya ka na talaga Blake. Ngayon lang to please, babawi na lang ako mamaya,
magdinner tayo sa labas," sabay talikod ni Alex at mabilis na naglakad papalabas ng
silid nang hindi na hinintay pa kung papayagan ba siya o hindi ng kausap.
" HEY COME BACK HERE! SAAN KA PUPUNTA?"

"TAWAGAN KITA MAMAYA! WALA AKONG DALANG SASAKYAN KAYA SUNDUIN MO AKO AFTER NG
PICTORIAL NI SOPHIA! MAGDIDINNER TAYO SA LABAS PROMISE!" nakangiting pahabol na
sigaw ng dalaga habang kumakaway.

Walang nagawa si Blake kundi ang mapakamot na lamang sa ulo. Napapalo siya sa mesa
habang napapailing nang may hindi makapaniwalang mukha.

"Look at that woman. This is why I shouldn't get too excited with her sweet words.
Tsk, tsk, tsk"....

****

Mag-isang maganang kumakain si Blake. Sunud-sunod ang subo niya at hindi


binabakante ang bibig. Hindi siya magkandaugaga sa pagnguya na para bang gigil na
gigil sa kinakain. Tinitikman niya ang bawat putahe. Maya't maya rin siyang umiinom
ng tubig dahil ilang ulit na siyang muntik nang mabilaukan. Ibinubuhos niya sa
pagkain ang lahat ng nararamdamang pagkadismaya.

Nilalabanan niya ang sama ng loob at pagtatampong nararamdaman kay Alex.


Sinusubukan niyang intindihin ang girlfriend. Ang iniisip niya na lang ay kahit
papaano nagawa siya nitong ipagluto. Isang malaking improvement na iyon. Simula
nang mag-umpisa siyang magtrabaho sa Golden Pacific, ito ang unang pagkakataong
pinagluto at hinatiran siya ng pagkain ng babae. At para hindi gaanong bumigat pa
ang kalooban, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili na sa simula't sapul pa man
alam niya nang hindi si Alex ang tipo ng babaeng madaling madomisticate.

"What's going on here?"

Napalingon siya sa bagong dating na si Debbie. Napapanganga ito habang tinitingnan


ang hitsura niya. Tila hindi ito makapaniwala sa walang kaclass-class na istilo ng
pagkain niya.

"Oh you're here. Kumain ka na ba?" tanong niya dito habang puno ng pagkain ang
bibig.

"N-Not yet," nagtatakang sagot nito habang nakatitig sa mesa.

"Do you want to join me? There's plenty of food tulungan mo akong ubusin ito," alok
niya sa babae.

Naupo si Debbie sa harap niya at natutulalang kinuha ang isang nakahanda ng set ng
mga kakainan na para sana kay Alex. "Sige sasabayan na kita. With your unusual way
of eating right now, it seems that you're agonizing eating alone. Saan ba galing
ang mga pagkaing ito, mukhang homemade ang mga ito ah?"

"Alex cooked and brought these here," natural na sagot ni Blake habang patuloy pa
rin sa maganang pagkain.
Natigilan si Debbie at muntik nang mapabitiw sa hawak na kutsara't tinidor. "R-
Really?" napapalunok na sambit nito. "B-But where is she?"

"She left," tila balewala lang na sagot ng lalaki.

"How could she let you eat by yourself?"

"Well I guess she has some more important things to do than eating with me," medyo
may kaunting tampo ngunit ngingiti-ngiti lamang na sabi ni Blake.

Biglang nakaramdam ng kaunting awa si Debbie sa binata habang pinagmamasdan ito.


Kahit mukhang ganado at masigla itong kumakain, may bakas pa rin ng lungkot sa mga
mata nito.

"Sigurado kang okay lang na kumain ako? This food is for you," wika ng babae nang
may matamlay na ngiti.

"Sabayan mo na ako kaysa naman kumain ka rin sa labas mag-isa."

Sumubo si Debbie at muntik na itong maubo nang sumayad sa dila niya ang pagkain.
Natawa naman si Blake pagkakita sa reaksiyon ng kasama.

"Oops sorry I forgot to warn you about the taste," sabay salin niya ng tubig sa
baso at tatawa-tawang inabot ito sa babae. "Unlike you, she's a terrible cook."
"T-There's nothing wrong with the taste. Nasamid lang ako," medyo nahihiya pang
sambit ng dalaga.

"Come on. Be honest, I won't mind. Tanggap ko na ang reality na yan," sabay tingin
ni Blake sa isang litro ng mineral water. "There's the water. Sabayan mo na lang ng
maraming tubig, that's the technique pag kumakain ng luto niya."

Tumawa ng sabay ang dalawa hanggang sa mapansin ni Debbie ang pilit pa ring
pagtawa ng lalaki. Masigla man itong nagsasalita ngunit halata pa rin ang pait sa
mga ngiti nito.

"I almost couldn't believe that she cooked all of these this morning but after I
had my first taste, naniwala na ako," tumatawa uling dugtong ng binata.

"Blake, is there something wrong with you?" hindi nakatiis na tanong ni Debbie.

Panandaliang natigilan si Blake at ipinako ang mga mata sa kausap ngunit nang
mapansin niyang tinititigan nito ang kanyang mga mata ay agad siyang umiwas ng
tingin at bumalik sa pagsubo.

"Nope. What could be wrong with me?" ngingiti-ngiti pa ring sagot niya.

"May problema ba kayo ni Alex?" pagpupumilit pa ring tanong ng babae.

"Wala. Can't you see she even cooked and packed lunch for me. Ganito ba ang may
problema?"

Bumuntong-hininga si Debbie. Binitawan niya ang hawak na kutsara't tinidor,


humalukipkip at tumitig sa kaharap na noon ay pilit pa ring umiiwas ng tingin sa
kanya.

"I know you for a long time. I'm your friend Blake at alam ko if there's something
bothering you. Talk to me," seryosong sabi niya sa kaibigan.

Tumawa ng mahina si Blake. "You're thinking too much. Wala akong problema," sabay
sandok niya ng pagkain at inilagay ito sa pinggan ng babae. "Here, kumain ka na
lang hindi yung kung anu-ano ang napapansin mo, gutom lang yan."

Walang nagawa si Debbie kundi simangutan ang binata dahil sa pagsisinungaling nito
samantalang ngingiti-ngiti namang sumubo ulit si Blake at muling pinuno ng pagkain
ang bibig.

"God it's delicious!" gigil na wika ng lalaki at sabay inom ulit nito ng tubig....

-----

"Ano nandiyan pa ba?" di mapakaling sabi ni Alex habang kausap si SPO1 Balatbat sa
cellphone.

"Andito pa ho. Nasan na ba kayo, kapitan?"


"Nasa taxi, papunta na ako diyan. Si Manang janitress nasaan na?"

"Hindi pa rin ho lumalabas ng trabaho."

"Sige huwag mong hahayaang makawala sa mga mata mo ang suspect ha."

"Yes Ma'am!"

Pagkababa ng telepono ay ibinaling ni Alex ang atensiyon sa daan at sa taxi driver.


Humahaba ang leeg niya sa kakatanaw sa dinadaanan ng sasakyan. Kanina niya pa
hinahabaan ang pasensiya sa mabagal na pagmamaneho ng driver.

"Manong pwede bang pakibilisan niyo. Nagmamadali ako eh," di napigilang ika niya.

"Miss hindi pwede ang mabilis na takbo sa kalsadang ito," katwiran ng drayber.

"Maghanap na lang kayo ng ibang madadaanan. Pwede ho ba?"

"Eto na ang pinakamagandang daan, traffic na sa iba."


Tumahimik na lamang si Alex at napasandal sa upuan. Palihim na iningusan niya ang
nagmamagaling na drayber. Napapakuyakoy siya at maya't mayang napapahimas sa mga
tuhod sa pagkainip at sa pag-aalalang baka hindi niya maabutan ang suspek. Ilang
saglit pa ay muling tumunog ang kanyang telepono, tumatawag ulit si Balatbat.

"Anong nangyayari?" bungad niya sa tumatawag.

"Kapitan nakapag-usap na sila... At naku mukhang aalis na ang suspect. Anong


gagawin ko?"

"Sundan mo ang lalaking yan! Ako na ang bahala sa janitress!"

"Copy ho! Bye!"

Matapos magpaalam sa kausap, hindi na napigil ni Alex ang sarili. "Manong sinabi
nang bilisan niyo!"

"Hindi nga pwede, miss."

Galit na inilabas ni Alex ang tsapa. "Pulis ako at may hinahabol akong tao!"
Tiningnan ng drayber ang tsapa niya subalit nginisian lamang siya nito. "Pulis pala
kayo eh bakit nagtataxi kayo, dapat gumagamit ka ng patrol car kung ganun ngang may
hinahabol ka."

Nag-init ang pisngi niya sa sagot ng kausap. Itinaas niya ang laylayan ng suot na
mini skirt at nangangalit ang pangang binunot niya ang nakasukbit na baril sa
kanyang hita. Inilabas niya ito at kinasa, saka pinandilatan ang taxi driver.
"Tandaan mo, kapag nakatakas ang kriminal na yun, IKAW ANG IKUKULONG KO!"

Biglang namutla ang mukha ng drayber pagkakita sa baril ng dalaga. "Bibilisan na


po!"

"Kung kaya mong paliparin, gawin mo kung hindi aagawin ko ang manibela sayo!"
pananakot ulit ng babae.

"Opo! Gagawin na po!"

Eksangtong pagdating ni Alex sa tapat ng condominium ay natanaw niya ang janitress


sa sidewalk. Naglalakad itong mag-isa papunta sa sakayan pauwi. Mabilis niya itong
hinabol at nang medyo nakalapit na dito ay dahan-dahan siyang huminto sa pagtakbo.
Mahinahon na siyang naglakad at tahimik na inakbayan ang matandang babae nang
maabutan ito.

"Hi, Nay!" nakangiting bati niya.

"Ay susmaryosep kang bata ka!" napaiktad sa gulat na bulalas ng janitress.


"Pauwi na ba kayo? Tara mananghalian muna tayo Nay," masiglang yaya niya habang
binibigyan ng makahulugang mga tingin ang matanda.

Dinala ni Alex sa isang malapit na restaurant ang janitress at hindi pa man


dumarating ang mga inorder niyang pagkain, nag-umpisa na silang mag-usap ng
masinsinan.

"Totoo ngang may mga mata ka kahit saan. Akalain mong pagkatapos ng mahaba-habang
panahong hindi pagpaparamdam sa akin ng lalaking iyon, natunugan mo na agad na
pinuntahan niya ako," namamanghang wika ng janitress.

"Sinabi ko naman sa inyo na walang nakakalusot sa mga paningin at pandinig ko. Kaya
wala hong pwedeng magsinungaling sa akin, lalo't lalo na yung mga nakapagbitiw ng
pangako sa akin, " ngingisi-ngising sagot ni Alex.

Ngumiti ang matandang babae nang makuha ang ibig ipakahulugan ng kausap. "Ah
iniisip mo sigurong pinagtataguan kita. Huwag kang mag-alala ineng, wala akong
balak sumira sa kasunduan natin. Tatawagan naman talaga kita nagkataon lang na
naunahan mo ako. Masyadong malakas ang pang-amoy mo, minuto lamang ang pagitan mula
nang makaalis yung lalaki eh akalain mong nasa tabi na pala kita,"tila pabiro pang
sabi nito.

Unti-unting umamo ang nagtatapang-tapangang mukha ni Alex. Medyo nakonsensiya siya


sa agad-agarang panggigiit sa matandang kaharap. "Pasensiya na kayo nay, trabaho
lang ito. Pagdating ho sa pag-iimbestiga kahit maliliit na mga detalye ay
sineseryoso namin at binibigyang importansya. Wala hong kasong nalulutas ng dahil
lamang sa tiwala kaya't kung mukha mang nagdududa ako sa inyo, dahil yun sa
napakaimportante sa akin ng kasong ito."

"Alam ko na isa kang mabuting tao. At nakikita ko ring isa kang mapagkakatiwalaang
pulis. Naiintindihan ko na ang katapangang ipinapakita mo sa akin ay dahil lamang
sa dedikasyon mo sa iyong trabaho. Akala mo ba ay napipilitan lamang akong
makipagtulungan sayo dahil takot akong makulong?" sabay iling ng janitress.
"Pumayag ako dahil naniniwala akong kaya mong palutangin ang katotohan tungkol sa
pagkamatay ng batang iyon. Bagama't hindi ako gaanong malapit sa kanya, pero isa
siya sa mga mababait na residente ng condominium. Hindi man siya personal na
nagpakilala sa akin pero sa tuwing nakikita niya akong pagod, madalas niya akong
inaabutan ng maiinom at makakain. Mabait ang batang yun kaya't kung sakali ngang
hindi totoong nagpakamatay siya, sana mabigyan ng katarungan ang pagpanaw ng isang
mabuting taong gaya niya."

"S-Salamat naman ho kung ganun nga ang tingin niyo sa akin," sabay ayos ni Alex ng
upo, tikhim at inom ng tubig upang pilit huwag ipahalatang naantig siya sa mga
sinabi ng matanda.

Natuwa rin siya sa narinig na sa kabila ng pagbabago ng hitsura at sa istilo ng


pamumuhay ni Grace, hindi pa rin lubusang nagbabago ang ugali nito. Sa simula pa
man nang makilala niya ang pumanaw na babae, alam niyang totoo ang ipinakita nitong
kabaitan sa kanya. Nagiging misteryosa nga lamang ito pagdating kay Blake.

"Kumusta ho pala ang naging pag-uusap niyo ng lalaking iyon?" pagbalik niya sa
orihinal na topic nila ng kausap.
Bumunot si Aling Cresencia sa bulsa ng uniporme, naglabas ng cellphone at inilapag
ito sa mesa.

"Ano ho ito?" takang tanong ni Alex.

"Binigay niya sa akin, gamitin ko daw para kontakin siya kapag nakita ko na ang
pinapahanap niyang cellphone. Ayaw ko nga sanang tanggapin dahil sa edad kong ito
nahihirapan na akong umintindi sa pagkalikot ng mga cellphone na iyan, kaya lang
sabi niya pindutin ko lang daw yung number one tsaka itong call makokonekta na daw
ako sa kanya. O di kaya naman daw siya tatawag sa akin para makibalita."

Dali-daling kinuha ni Alex ang telepono at tinawagan ang number na nakasave dito.

"Ano nakokontak ba?" atat na tanong ng matanda.

"Hindi ho, nakapatay,"dismayadong sagot ng dalaga. "Baka para sa inyo lang talaga
ang numero na ito at baka gagamitin niya lang kapag nakahanda na siyang magpakontak
o kaya naman siya na lang ang tatawag sa inyo,"

"Kelan mo nga pala ibibigay sa akin ang cellphone na hinahanap ng lalaking yun?"
tanong ulit ng janitress.
"Kapag nakapagset na tayo ng lugar kung saan kayo pwedeng magkita. Hindi ko to
basta-basta maibibigay sa inyo dahil isa ito sa mga pinakamahalagang bagay na
nagkoconnect sa amin sa suspect. Sa makalawa, tawagan niyo siya at kung sakaling
makontak niyo sabihin niyong hinahanap niyo ulit ang cellphone at tawagan niyo ako
kaagad. Sa araw ding yan ibibigay natin ang cellphone sa kanya. Kailangan ko lang
ng mga ilang oras para makapaghanda kasama ng mga kasamahan ko bago natin siya
katagpuin."

"I-Ibig mong sabihin, may mga pulis na nakapaligid sa amin pag nagkita kami. H-
Hindi ba delikado yun?" kinakabahang sambit ni Aling Cresencia.

"Huwag kayong mag-alala nay. Mahinahon ko siyang iimbitahan sa presinto para


kwestiyunin dahil wala naman kaming solid na ebidensiyang kriminal nga siya.
Magsasama lang ako ng mga kasamahan ko para makasiguradong hindi kami matatakbuhan
kung sakaling magiging negatibo ang reaksiyon niya sa pag-iimbita ko sa kanya. Ang
magiging reaksiyon niya rin sa sitwasyon na ito ang makakapagpatibay sa duda namin
kung sakali ngang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Divine," maamong paliwanag ni
Alex.

"G-Ganun ba. Sige basta, magtitiwala ako sa iyo. Kahit ganitong may edad na ako,
iniingatan ko pa rin ang sarili ko dahil meron akong dalawang maliliit na apong
umaasa pa rin sa akin," tugon ng matanda nang may matamlay na boses.

"Huwag kayong mag-alala nay, sisiguraduhin ko hong hindi kayo malalagay sa


panganib. Ang kaligtasan niyo pa rin ho ang pinakamahalaga sa amin."

Dumating ang mga inorder nilang pagkain. Habang inilalatag ito sa mesa ng waiter,
tumunog ang telepono ni Alex. Tumatawag ang kanyang hepe.
"VALDEMOR!"

Lumukot ang mukha ng dalaga at mabilis na inilayo ang telepono sa kanyang tenga sa
lakas ng singhal ng opisyal.

"B-Bakit ho chief?" sabay dikit ulit nito ng cellphone sa tenga.

"Ano tong taxi driver na nagrereklamo dito sa headquarters?!"

"Taxi driver, nagrereklamo? Sinong inirereklamo?" takang tanong ng dalagang pulis.

"SINO PA EH DI IKAW?!" singhal ulit ng opisyal.

Muling inilayo ni Alex ang cellphone sa tenga. "Haist,"nakasimangot munang wika


niya habang tinititigan ang telepono, saka ito muling inilapit ng dahan-dahan sa
kanyang tenga. "Ako? Bakit ako? Eh ano naman daw ang reklamo niya?"

"TINUTUKAN MO DAW SIYA NG BARIL!"

Biglang naalala ni Alex ang nasakyang taxi ngunit unti-unti lamang siyang napangisi
sa pagsusumbong nito. " Hindi ko siya tinutukan. Yang driver na yan matigas na ang
ulo, sinungaling pa," mahinahong sagot niya.
"Eh bakit magrereklamo ito ng walang dahilan?!" galit pa ring sabi ng hepe.

"Hindi ko siya tinutukan, naglabas lang ako ng baril para pasunurin ang matigas ang
ulong drayber na yan! Dahil sa pagmamagaling niyan, hindi ko tuloy naabutan ang
suspect," katwiran niya.

"VALDEMOR! Nagsisimula ka na naman sa ugali mong yan ha! Huwag mong sabihing umpisa
na naman ng pagpila ng mga reklamo sayo. Ano ang susunod dito, mga sibilyang
binugbog mo?"

"Chief naman alam mo namang hindi ko gagawin yan kung walang mabigat na dahilan.
Ikaw na munang bahalang umayos niyan nasa kalagitnaan ako ng pag-iimbestiga
ngayon," malambing na pakiusap niya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Teka nga bakit ba hindi ka gumamit ng sarili mong
sasakyan o kaya ng sasakyan dito sa opisina?"

"Ah-eh kasi chief dumaan muna ako sa kumpanya nina Blake at susunduin niya rin ako
mamaya. Alanganing magdala ako ng sasakyan."

"Teka nga muna, hindi pa rin ba alam ng boyfriend mo ang tungkol sa paghawak mo ng
kasong ito?"
Nagkaroon ng ilang saglit na katahimikan. Hindi sinagot ni Alex ang tanong.

"ALEXANDRA!" sigaw ulit ng hepe at napaiktad naman ang dalaga sa kinauupuan sa


pagkabigla. "Ano tong pinagagawa mo?! Huwag mong sabihing nagsisinungaling ka pa
rin hanggang ngayon kay Blake?"

"Ah-eh sasabihin ko na naman ho to chief. Naghahanap lang ako ng magandang


tiyempo."

"Binibigyan kita ng isang linggo para ayusin yang personal na problema mo, kaya
nagkakaletse-letse ang paghawak mo sa kasong yan dahil hindi ka makakilos ng
maayos! At magreport ka sa akin bukas, matagal ka nang walang ibinibigay na update
sa akin tungkol sa kaso!" sabay baba ng opisyal sa telepono.

"Chief sandali! Chief!" pahabol na wika ni Alex subalit naputol na ang tawag.
"Haist, umandar na naman ang pagiging diktador ng ninong kong to!" napapabuntong-
hiningang sambit niya sa sarili habang ibinabalik ang cellphone sa bag.

Panandalian siyang natahimik at napaisip sa sinabi ng opisyal. Binibigyan siya nito


ng isang linggo para sabihin kay Blake ang totoo. Papaano niya ito gagawin?

"May boyfriend ka na ba officer?" tanong ni Aling Cresencia nang mapansin ang


pamomroblema ng kasama.
"Ho? Bakit niyo naman naitanong?" natatauhang sagot ng dalaga at sabay ayos nito sa
pagkakaupo.

"Bilib lang ako sa inyo. Sa edad niyong yan dapat ay boyfriend ang hinahabol-habol
niyo hindi mga kriminal. Sayang naman yang ganda at kabataan niyo kung gugulin niyo
lamang sa ganitong mga mapanganib na trabaho. Kunsabagay naiintindihan ko rin kung
sakaling wala kang karelasyon, sa sobrang dedikasyon niyo sa trabaho tiyak na
mapapabayaan mo lang ang boyfriend mo."

Napapalunok na sinagot lamang ng ngiti ni Alex ang kausap. Agad siyang inusig ng
konsensiya dahil sa sinabi nito. Mabilis na sumagi sa isipan niya si Blake lalo na
nang mapatingin siya sa mga pagkain. Kumusta kaya ang boyfriend? Nakain kaya nito
ang mga niluto niya? Nagtampo kaya ito dahil iniwan niya itong mag-isa?

Muli niyang kinuha sa bag ang cellphone at tinawagan ang lalaki.

"Oh hello Blake," mahina at maamong bati niya sa lalaki.

"Why did you call? Hindi ka na ba busy?" sagot nito.

Natural lamang ang tono ng sagot ng boyfriend ngunit parang may tampo ang dating
nito sa kanya. Siguro ay dahil nagiguilty siya kaya naiisip niyang baka galit ito
sa kanya.
"H-Hindi na masyado. N-Nakapag-usap na kami ni Chief. K-Kumusta ang lunch mo?
Nakakain ka bang mabuti?"

"Yeah, thanks for the food."

"P-Pasensiya ka na Blake ha. Hindi kita nasabayan. Nataranta kasi ako kanina dahil
sa importanteng tawag kaya hindi rin ako nakapagpaalam ng maayos sayo."

"It's alright. Ikaw kumain ka na ba?"

"Heto maglalunch pa lang. Pagkatapos nito pupunta na ako sa location ng pictorial


ni Sophia."

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ng boyfriend.

"S-Sige kumain ka na. Call me later kung saan kita susunduin," medyo matamlay na
wika nito.

"Okay."
"Ah oo nga pala. Saan mo gustong magdinner mamaya?" pahabol na tanong nito.

"Bahala ka na," mahina at may katamlayan ding sagot niya.

"Okay, I love you. Bye."

"Bye. I love..." hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang naputol na ang
linya.

Napapalunok at medyo napapahiyang ngumiti siya sa sarili habang ibinababa ang


telepono. Nagmamadali lang siguro si Blake kaya hindi na nito pinatapos ang
sasabihin niya. Hindi iyon sinasadya ng lalaki.

"May boyfriend ka?!" takang-takang sabi sa kanya ng janitress nang may namimilog na
mga mata.

"O-Oho," walang ganang sagot niya.

"Hindi ba siya nag-aalala tungkol dito sa trabaho mo?" usisa pa nito.

Matamlay na ngiti ang tanging naisagot niya sa kausap at sabay kabig niya sa
pinggan. "Kumain na lang ho muna tayo."...
-----

Nakatayo sa harap ng venue ng fashion show event nina Sophia si Alex sa isang
establishment sa The Fort. Mula sa location ng pictorial, nakiusap sa kanya ang
modelo na samahan niya ito hanggang sa nasabing lugar. Humiling pa sana ito na
manood siya subalit tinanggihan niya na ito dahil sa usapan nilang dinner ni Blake.
At habang hinihintay ang pagsundo sa kanya ng boyfriend, nanatili lamang siya sa
labas para magmasid sa paligid. Tinitingnan niya ng maiigi pati ang mga naglalamas-
masok na mga tao dito.

"Balatbat, sigurado ka bang huli mong nakita sa location ng pictorial ni Sophia


Vasquez ang suspect?" tanong niya sa kasamahan sa telepono habang nagpapalipas ng
oras.

"Oo kapitan sigurado ako. Kaya nga umalis na ako nang dumating kayo doon eh. Bakit
ho?"

"Hindi ko nakita eh. Nandoon ako hanggang matapos ang pictorial pero hindi ko
nakita ni anino ng lalaking iyon," seryosong sabi niya nang hindi inaalis ang mga
paningin sa mga taong napapadaan sa harap niya.

"Hindi kaya kapitan alam niyang pulis kayo at umalis ito nang malamang naroroon
kayo?"

Kunot-noong napaisip siya at saka umiling. "Malabong mangyari yun. Walang


nakakakilala sa akin doon maliban kay Sophia, lahat ng mga crew alam nilang
kaibigan lang ako ng model. Saka ayon sa mga obserbasyon mo habang binubuntutan
ito, halatang hindi pa nito alam na may nagmamanman sa kanya..."
"Alex."

Napalingon siya sa tumawag sa kanya. At dali-dali siyang nagpaalam sa kausap


pagkakita sa pinagmulan ng boses.

"Oh hi Tyron!" masayang bati niya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong sa kanya ng


lalaki.

"Paalis na ako may hinihintay lang ako. Ikaw anong ginagawa mo dito? Ah oo nga pala
siyempre manonood ka dahil kay Sophia," napapakamot sa ulong sabi niya.

Natawa sa kanya ang binata. "Yeah I'll watch her. What about you? Andito ka na rin
lang bakit hindi ka pa manood?"

"Wala naman akong hilig manood ng fashion show,"diretsong sagot niya.

Napakunot ng noo ang kausap. "Really? I thought you're also into this woman stuff,"
sabay tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa.

Agad niyang narealize na may mali sa sagot niya. "Ahh ang ibig kong sabihin, wala
akong hilig sa tema ng fashion show ngayon. Filipiniana, hindi ako mahilig sa mga
may touch ng lumang style," mabilis na palusot niya.
"Ah I see. But aren't you here because Sophia invited you for this show?"

"Hindi. Binisita ko siya kanina sa pictorial niya tapos sinamahan ko lang siya
papunta dito. Hindi ako pwedeng magtagal kasi may importante rin akong
appointment."

"That's too bad. I thought we can have a chance to talk again for a longer time,"
medyo dismayadong wika ng lalaki.

"Don't worry, marami pa namang ibang pagkakataon," ngingiti-ngiting tugon niya.

Inilibot niya muli ang mga paningin at bigla siyang natigilan sa nahagip ng kanyang
mga mata. Ang suspek. Nakatayo ito sa isang malapit na poste at tahimik na
naninigarilyo. Nahuli niyang napatingin ito ng saglit sa kanilang direksiyon.

"Papaano Alex, I'll go inside now. I think the show will start soon."

Mabilis niyang pinigilan ng dalawang kamay ang braso ng binata bago pa man ito
makahakbang. Natigilan at nagulat ito sa kanyang ginawa.

"Why? May sasabihin ka pa ba?" nagtatakang sabi nito.

Agad siyang tumango. "May itatanong ako sayo."


"Ano yun?"

"Nakikita mo ba ang lalaki sa bandang likuran ko. Yung nakatayo sa may poste at
naninigarilyo?" mabilis na wika niya nang hindi nililingon ang taong tinutukoy
habang hindi pa rin tinatanggal ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak kay Tyron.

Tumingin sa direksiyong tinutukoy niya ang binata. "Yeah I can see him. What about
him?" natural lamang na tanong nito.

Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Tyron. Pinag-aralan niya ang reaksiyon nito
pagkakita sa taong itinuro niya. Mukhang hindi nito kilala ang lalaki. Pero bakit
naroroon ang suspek? At kung totoo nga ang sinasabi ni Balatbat na pumunta ito sa
pictorial ni Sophia, ibig sabihin ay maaring may pakay ito sa sinuman sa
magkasintahan.

"Alex, I'm asking you. How about that guy?" ulit ng binata.

Bigla siyang natauhan mula sa malalim na pag-iisip at napakurap. "K-Kilala mo ba


siya?"

"No," walang pag-aatubiling sagot ni Tyron.

"Sigurado ka?" seryosong tanong niya.


"Yeah I'm sure. Bakit? Is there a problem? Mukhang worried na worried ka."

Dahan-dahan siyang napangiti ng pilit nang mapagtantong hindi nga nagsisinungaling


ang kausap. "W-Wala naman,napansin ko kasing kanina ka pa niya tinitingnan."

"Ganun ba. Isa lang siguro sa mga nakakakilala sa akin. I'm used to this
situation," tatawa-tawang tugon ng binata. "Paano pasok na ako sa loob. Ingat ka na
lang sa pupuntahan mo," dugtong nito.

"S-Sige," nakangiting sambit niya.

Hindi pa rin kumilos ang kausap sa halip ay natatawang tiningnan nito ang mga kamay
niyang mahigpit pa ring nakahawak sa braso nito.

"Sorry," sabay napapahiyang binitawan niya ang lalaki.

Pagkaalis ni Tyron ay muli niyang itinuon ang mga mata sa direksiyong kinatatayuan
ng suspect subalit wala na doon ang misteryosong lalaki. Natatarantang iginala niya
ang mga paningin ngunit hindi niya na ito makita sa paligid.

Samantala sa may di-kalayuan, tahimik at seryosong pinagmamasdan ni Blake si Alex


mula sa loob ng minamanehong sasakyan. Nasaksihan niya ang lahat at kanina pa siya
nagpipigil ng selos habang pinapanood ang pakikipag-usap nito kay Tyron, lalo na
nang makita niya kung papaano nito hinawakan sa braso ang lalaki. Parang hinihiwa
ang kanyang dibdib habang nakikitang komportableng-komportable itong nakikipag-usap
sa ibang lalaki. Nang sa palagay niya ay mahihirapan na siyang magpigil ng sarili,
sumandal na lamang siya ng maiigi sa upuan at pansamantalang ipinikit ang mga mata.
Paulit-ulit siyang huminga ng malalim at pilit pinapaniwala ang sariling hindi niya
pwedeng tanggalin ang tiwala niya sa girlfriend. Kailangan niya lang habaan pa ang
pag-unawa dito.

Nang kumalma ang kanyang dibdib, saka lamang siya nagmulat ng mga mata at noon ay
nakita niyang mag-isa na lamang si Alex. Noon niya naisipang tawagan ang dalaga.
Bahagyang gumaan ang pakiramdam niya nang napangiti ito bago sagutin ang cellphone
pagkakita nitong siya ang tumatawag.

"Oh Blake nasaan ka na ba?" masayang bungad nito sa kanya.

"I'm here. Look at your right side. Hindi na ako lumapit diyan baka makita ako ni
Sophia. I'm worried about the rule, you know," kunwa'y masiglang sagot niya dito.

"Oo nga pala," nakangiting wika nito at saka iginala ang mga mata sa direksiyon
kung saan siya nakapark. "Nakita na kita!" sabay kaway nito sa kanya.

Ibinaba nito ang telepono at masiglang lumapit sa sasakyan. Lumabas naman siya ng
kotse para salubungin ito ng ngiti at pagbuksan ng pinto. Ngunit sa kalagitnaan ng
paglalakad nito ay bigla itong napahinto. Nag-ring ang cellphone nito. Nabura ang
mga ngiti niya sa mukha. Nitong mga huling araw, kinakabahan siya sa tuwing
naririnig niyang may tumatawag sa girlfriend.

Tumigil sa paglalakad si Alex para tingnan ang tawag. Wala siyang balak sagutin ito
sa halip ay gusto niyang isilent ang cellphone dahil sa boyfriend. Subalit nang
makita niyang si Sophia ang tumatawag ay wala siyang nagawa kundi ang sagutin ito.
Senenyasan niya muna si Blake para magpasintabi bago kausapin ang modelo, tumango
naman ito bilang sagot sa kanya habang pinagbubuksan siya ng pintuan.

"Hello, Sophia."

Walang siyang natanggap na sagot. Sa halip ay mga pagkaluskos lamang ang kanyang
naririnig.

"Hello Sophia," ulit niya.

Wala pa ring sumasagot. Sa tingin niya ay aksidente lamang na napindot ni Sophia


ang number niya. Malabong tawagan siya nito dahil alam niyang abala ito sa mga oras
na iyon. Ibaba niya na sana ang telepono subalit bago pa man niya ito mailayo sa
kanyang tenga ay may narinig siyang nagsalita.

"B-Bitawan mo ako, you're hurting me," dinig niyang boses ni Sophia. "P-Please s-
stop it. I -I can't breath..."

"Binalaan ka nang huwag tanggapin ang alok na trabaho ni Blake Monteverde pero
ginawa mo pa rin!" sabi ng isang boses ng lalaki.

"Ahh stop it please... I can't breath, you're choking me... S-somebody h-help me
pleasee..."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Agad na sumagi sa isip niyang puntahan ang
babae ngunit bago siya makakilos ay napatingin siya sa kinatatayuan ni Blake.
Nakatitig ito sa kanya at matigas na inuutusan siya ng mga mata nito na pumasok na
sa loob ng sasakyan. Ilang saglit silang nagkatitigan at nagpakiramdaman. Tiyak
niyang magagalit na ito pero wala siyang ibang magagawa kundi dagdagan na naman ang
kanyang kasalanan sa kasintahan.

May isa pang sumagi sa isip niya na maaring mangyari. Kapag tinalikuran niya ang
lalaki ay may posibilidad na sundan siya nito at kapag nangyari yun, hindi malayong
mabuko na siya. Pero hindi niya pwedeng pabayaan si Sophia. Tama nga siguro ang
kanyang hepe, nagiging kumplikado na masyado ang sitwasyon at panahon na para
malaman ng boyfriend ang totoo. Ano ang gagawin niya? Bahala na!

"Sorry Blake," tanging nasambit niya at sabay talikod sa lalaki.

Pansamantala namang naging tuod sa kinatatayuan niya si Blake habang pinagmamasdan


ang likod ng tumatakbo papalayong girlfriend. Hindi niya alam kung ano ang magiging
reaksiyon sa muling inasal ng babae. Pakiramdam niya ay unti-unti na siyang
nagiging invisible sa mga mata ng dalaga. Nasasagad na rin ang pasensiya niya sa
paulit-ulit na pag-apak nito sa kanyang pagkalalaki. Ramdam niya ang panginginig ng
kanyang kamay na nakahawak sa pinto ng kotse habang dahan-dahang nagngingitngit ang
kanyang mga ngipin. At nang maglaho sa mga paningin niya ang dalaga, pabalibag na
isinarado niya ang pinto. May nagtutulak sa kanyang sundan ito, subalit pinigilan
niya ang sarili kaya't sa halip ay nangangalit ang mga pangang bumalik siya sa loob
ng sasakyan. Sa mga sandaling iyon ay gusto niya namang ipagtanggol ang naapakan
niyang pride.

Pagkaupo niya ay tumingin lamang siya ng diretso nang may naniningkit na mga mata
at nag-isip ng malalim. Pagkalipas ng ilang saglit ng pagtitig sa kawalan,
nanggigigil na pinalo niya ng paulit-ulit ang manibela. Pagkuwa'y inilabas niya ang
cellphone at seryosong nag-dial nang may matatalim na mga tingin.
"I need some place to breathe out. 'Care to have a drink with me
tonight...Debbie?"....

****

Mabilis na tumatakbo si Alex patungo sa backstage nang hindi inihihiwalay sa


kanyang tenga ang hawak na cellphone. Pinapakinggan niya pa rin ang bawat ingay na
naririnig sa kabilang linya.

"Ano ba bitawan mo sabi ako! Nasasaktan ako!"

"Kelan ka pa natutong maging suwail? Kapag hindi ka nagback-out sa pag-iendorso mo


sa Golden Pacific, malalagot ka!"

"Who are you para diktahan ako! I'll do whatever I want to do! Arrrgh!"

Nanlaki ang mga mata ni Alex nang muling marinig ang nasasaktang boses ni Sophia.

"Nasaan ka Sophia?!"

Wala siyang narinig na sagot. Alam niyang imposible siyang makausap ng babae. Tiyak
na tinawagan lamang siya nito ng palihim upang iparinig ang mga nangyayari.

Natatarantang hinanap niya ang madadaanan sa backstage. Wala siyang dapat sayanging
oras bago pa man mapahamak si Sophia. Nahanap niya ang entrance subalit may
guwardiyang nakabantay dito. Siguradong hindi siya nito basta-basta papasukin. Kung
papasukin man siya ay tiyak na kakapkapan siya nito at tatanggalan ng armas.

Mabilis na nag-isip siya nang paraan kung papano makakalusot. Nagkataon namang sa
mga sandaling iyon ay may isang babaeng crew na may dala-dalang mga damit na
naglalakad papasok ng backstage. Sinamantala niya ang pagkakataon na lapitan ito at
bago pa man nito marating ang entrance, hinila niya ito patungo sa madilim na
bahagi ng lugar.

"Ssshhh huwag kang maingay pulis ako," bulong niya bago pa man ito makapalag at
sabay pakita niya ng kanyang tsapa. "May kriminal akong hinahabol na malamang ay
nasa dressing room ngayon. Kailangan kong makapasok sa loob ng walang ingay kung
hindi ay magkakagulo at masisira yang show niyo kaya't sabihin mo sa guwardiyang
nagbabantay sa entrance na kasamahan mo ako," mahinang sabi niya ngunit may himig
ng pananakot.

"O-Opo," kinakabahang sagot ng crew.

"Akin na yang mga bitbit mo," sabay agaw niya sa mga damit at saka siya sumabay sa
pagpasok.

Pagdating sa entrance, binati ng guwardiya ang crew at kinausap ito ng ilang


sandali. Pasimpleng nagdire-diretso naman sa loob si Alex habang itinatakip sa
sarili ang mga damit na bitbit.

"Oist sandali!" sigaw ng guwardiya nang mapansing may taong basta-basta na lang
pumasok.
"K-Kasamahan ko siya. Pabayaan mo na, nagmamadali yan kasi kailangang-kailangan na
ng designer ang dala niyang mga damit," kabadong pagtatakip ng crew.

"Ah ganun ba. Sige pasok na rin ho kayo," sagot ng guwardiya.

Nagmamadaling initsa ni Alex sa isang tabi ang mga bitbit na damit. Agad niyang
iginala ang mga mata pagkapasok sa backstage. Nagkalat ang mga palakad-lakad,
natataranta at abalang mga models at staff. Nagsisigawan at halos hindi
magkadaugaga ang lahat sa pagsusukat ng mga damit. Nalilito siya kung ano ang unang
titingnan at hindi niya alam kung saan unang hahanapin si Sophia.

Muli niyang pinakinggan ang telepono.

"Palabasin mo ako dito sa stockroom or else you'll be caught. Malapit ng magsimula


ang show tiyak na may maghahanap sa akin!"

Ibinaba niya ang cellphone at patakbong lumapit sa isang staff.

"Miss, nasaan ang stockroom dito?" hinihingal na tanong niya.

"Lumabas ka sa pintong yan. Kanan ka tapos dire-diretso lang. Sa dulo ng hallway,


after mong madaanan yung CR may spiral stair kang makikita. Nandodoon sa taas ang
stockroom. Bakit mo tinatanong may kukunin ka bang props?" wika ng babae.
"Ah-eh oo, salamat ha!"

Tumakbo ng mabilis si Alex. Para siyang nakikipagpatintero sa mga nakaharang sa


dadaanan. May mga nabangga siyang mga gamit subalit binabalewala niya ang mga ito.
Kailangan niyang magmadali bago pa man sumabog ang dibdib niya sa nerbiyos.

Hinihingal na narating niya ang tinutukoy na stockroom. Isolated room ito kaya't
walang ibang taong naroroon. Medyo may kadiliman din ang lugar. Tanging isang
makulimlim na dilaw na ilaw na nakakabit sa taas ng pintuan ng silid ang nagbibigay
liwanag dito.

Pinihit niya ang doorknob. Nakalock. Hindi siya pwedeng kumatok dahil baka kung
anong gawin ng lalaki kay Sophia kapag malamang may ibang tao. Binunot niya ang
baril na nakasukbit sa hita. Kinabitan ito ng silencer at saka binaril ang pinto.

Maingat at tahimik na pumasok siya sa loob habang hawak pa rin ang baril. Medyo may
kalakihan ang nasabing kuwarto. Puno ito ng mga kagamitang pang-entablado at mga
costumes. Nakabukas ang ilaw ngunit hindi sapat ang liwanag para sa buong lugar
kaya't may mga bahaging madidilim. Inilibot niya ang mga paningin, wala siyang
makitang ibang tao. Dahan-dahan siyang naglakad habang nakikiramdam hanggang sa may
marinig siyang pagkaluskos sa bandang dulo malapit sa isang bintana.

Marahan siyang naglakad patungo sa nasabing direksiyon hanggang sa matanaw niyang


may umakyat na lalaki sa bintana at nagmamadali itong tumakas.

"Tigil!" sigaw niya at sabay tutok dito ng baril.

Hindi siya pinakinggan ng lalaki at parang kidlat ito sa bilis na basta na lamang
naglaho sa kanyang mga paningin. Napamaang siya ng ilang saglit at tila namangha sa
galing ng lalaki sa paglusot ng katawan sa masikip na daanan hanggang sa makarinig
siya ng mahinang pag-iyak. Bigla siyang natauhan at agad niyang naalala si Sophia.
Dali-dali siyang lumapit sa pinagmumulan ng ingay. Doon ay nakita niya si Sophia na
nakaupo't nakasubsob sa kanyang mga tuhod habang nanginginig sa takot. Ibinalik
niya sa pagkakasuksok ang baril at nag-aalalang nilapitan ang babae.

"Sophia, okay ka lang ba? Anong nangyari?" natatarantang tanong niya.

Nag-angat ng mukha ang babae at agad itong yumakap at humagulhol pagkakita sa


kanya.

"Alex..." umiiyak na sambit nito.

Tinapik niya sa likod ang babae ngunit ilang saglit lamang ay kumawala siya sa
pagkakayakap upang usisain ang katawan nito.

"Nasaktan ka ba? May ginawa ba sayong hindi maganda ang taong yun?" nanlalaki ang
mga matang tanong niya.

Hindi pa rin sumagot si Sophia, patuloy lamang ito sa pag-iyak.

"Tara na lumabas na tayo dito," yaya ni Alex at saka inakay ang nanghihina sa takot
na babae.

Pagkababa nila ng stockroom, dinala ni Alex si Sophia sa banyo ng mga babae. Sila
lamang ang tao doon kaya't sinamantala niya ang pagkakataong i-lock ito. Hinintay
niya ng ilang sandali na kumalma ang modelo bago ito muling kausapin.
"T-Thank you for saving me. I thought you wouldn't find me," bigkas ni Sophia nang
bahagya na itong huminahon.

"Anong ginawa sayo ng taong yun?"

"H-He threatened me. S-Sinakal niya rin ako ng ilang beses," gumagaralgal ang boses
at puno pa rin ng takot na wika ng modelo.

"Bukod dun may ginawa pa siyang iba?"

Umiling si Sophia.

"Kilala mo ba ang lalaking yun?"

"N-No..."

"Papaano ka niya nadala sa stockroom?"

"I-I was on my way to the comfort room then bigla na lang niya akong hinablot and
he brought me there."
Napabuntong-hininga si Alex. Hindi pangkaraniwang suspek ang taong iyon. Magaling
ito at tila alam na alam ang ginagawa. Nakakapagtaka rin kung papaano ito nakapasok
sa lugar sa kabila ng mahigpit na security. Muling naglaro sa isipan niya ang
hitsura ng pangangatawan at damit ng lalaki. Ang taong yun at ang minamanmanan
nilang suspect sa pagkamatay ni Grace ay iisa.

"Ano ang dahilan para pagbantaan ka niya? Magsabi ka sa akin ng totoo Sophia,"
maamo ngunit seryosong sabi niya.

"I-I don't know.." tumingin si Sophia sa mga mata niya. "Alex, to be honest with
you. A-Ang dahilan kung bakit tinanggihan ko nung una ang offer nina Blake was
because of this. I received a letter that says I should not accept it or else may
masamang mangyayari sa akin. I didn't take it very seriously and doubted that maybe
it was just a prank letter from my haters that was why I finally accepted your
request pero kahit papaano natakot pa rin ako kaya ipinakiusap ko sayo na sana lagi
masasamahan."

"Kelan ka nakatanggap ng sulat at nasaan na yun?"

"I-I received it two days before Blake gave me a job offer pero natapon ko na ang
letter na yun."

"May ideya ka ba kung saan galing ang sulat?"

"N-No, but don't you think it was from that man who attacked me?"

"Hindi ko rin alam," napapabuntong-hiningang sagot ni Alex. "Sophia kung gusto mong
matulungan kita, huwag kang matakot na sabihin sa akin ang totoo."
"I-I'm telling you the truth. Do you think I'm lying? Aren't you trusting me?"
mangiyak-ngiyak na usal ni Sophia.

"Hindi naman sa ganun kaya lang katulad nang sinabi mong may natanggap ka palang
nagbabantang sulat, dapat sinabi mo yun sa akin."

"I-I told you I thought it was a prank letter from one of my haters."

"Okay pero next time pag may nangyari ulit na kakaiba sa paligid mo, ipaalam mo
kaagad sa akin ha?"

Tumango si Sophia.

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang may kumatok sa pinto.

"Kailangan na nating lumabas dito. Paano gusto mo na bang magpahinga? Gusto mo


ihatid na kita sa inyo," alok ni Alex.

"No I should continue the show or else patay ako sa manager at designer ko," tutol
ng modelo.

"Andito si Tyron, nagkita kami kanina sa labas. Tatawagan ko siya para bantayan ka
sa backstage. Sasabihin ko sa kanya ang nangyari."

Inilabas ni Alex ang cellphone ngunit dali-dali itong hinablot ni Sophia at


nanlalaki ang mga matang tumingin sa kausap.

"Don't do it!" takot na bulalas nito.

Napakunot ng noo si Alex. "Bakit? Boyfriend mo siya kaya dapat niyang malaman kung
ano ang nangyayari sayo. Para ano pa't naging boyfriend mo siya kung hindi ka niya
poprotektahan."

"No! Hindi niya dapat malaman ito. Or else he will start hunting him and that will
put him in danger. Baka pagbawalan niya na rin ako dito sa trabaho ko. I don't want
to quit my job. Please Alex huwag! Tyron can be stubborn sometime especially when
it concerns the person he cares," pagmamakaawa ng modelo.

Pansamantalang hindi nakaimik si Alex. Bigla niyang nakita ang sarili kay Sophia,
katulad niya rin pala itong may mga kinatatakutang ipaalam sa boyfriend para lamang
maprotektahan ang trabaho. Pagbibigyan niya ang hiling ng babae subalit sa kabila
nito ay may kutob pa rin siyang hindi ito nagsasabi ng buong katotohanan. Bibigyan
niya ito ng tamang panahon, pasasaan ba't aamin din ito sa kanya. Ramdam niyang
alam nito kung bakit may banta sa kanya nang dahil kay Blake.

"Ano ba! Kung sino man yang nasa loob, buksan niyo itong pinto! Hindi niyo
pagmamay-ari itong CR!"

"Have you seen Sophia? Sophia are you there?!"


"Kailangan na nating lumabas, hinahanap ka na," yaya ni Alex..

"A-Alex can you stay with me at the backstage hanggang matapos ang show?" pakiusap
ni Sophia.

"Okay, pero ayaw mo bang yayain si Tyron na samahan ka kahit sa backstage man
lang?"

"Huwag na. I want him to enjoy the show."

Pinagbigyan ni Alex ang modelo. Hindi siya umalis sa tabi nito hanggang sa
magsimula ang show. Habang abala ang lahat sa panonood, siya naman ay walang tigil
sa pagmamasid sa paligid...hanggang sa maalala niya si Blake.

Ano na nga pala ang nangyari sa kanyang boyfriend?

Tinawagan niya ito ng ilang beses subalit hindi nito sinasagot ang telepono. Alam
niyang galit ito sa kanya kaya nagtiyaga siya sa paulit-ulit na pagda-dial hanggang
sa unti-unti mamuo ang kaba sa kanyang dibdib.

Lumabas siya at tumakbo patungo sa pinagparadahan ng kotse ni Blake. Wala na doon


ang sasakyan ng lalaki. Lumakas ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kaya'y pagkatapos
kay Sophia ay si Blake naman ang pinuntahan ng suspect? Natatarantang tinawagan
niya ulit ang boyfriend at nang hindi pa rin ito sumagot ay tuluyan ng binalot ng
nerbiyos ang kanyang buong katawan.
"Hello Balatbat nasaan ka?"

"Nasa headquarters kapitan."

"Pumunta ka dito ngayon din sa The Fort, hanapin mo ang fashion show nina Sophia
Vasquez. Magbantay kang mabuti, at sundan mo si Sophia hanggang sa makauwi ito ng
bahay pero huwag mong ipahalatang nagbabantay ka lalo na pag kasama nito ang
boyfriend."

"Yes kapitan, sige punta na ako diyan."....

-----

Naniningkit ang mga matang tinititigan ni Blake ang nangangalahati nang bote ng
whisky. Pagkagaling sa dapat sanang gagawing pagsundo sa girlfriend, dumiretso siya
sa cocktail lounge ng isang five star hotel para makipagkita kay Debbie. Balak
niyang lunurin ang sarili sa alak at dito ibuhos ang lahat ng nararamdamang sama ng
loob.

"Tama na yan Blake," awat sa kanya ni Debbie nang muli siyang magsalin ng alak sa
baso.

Pinigilan ng babae ang kanyang kamay ngunit hindi siya nagpaawat. Inangat niya pa
rin ang baso at dire-diretsong inubos ang laman nito.

"Ano ba talaga ang problema mo? Pinapunta mo ba ako rito para literal na pakinggan
lang yang mga buntong-hininga mo?"

Hindi niya ulit pinansin ang sinabi ng kasama. Muli siyang nagsalin ng alak at
uminom.

"Blake you're getting drunk."

Mukhang lasing na nga siya. Nag-uumpisa nang magkaroon ng epekto ang alak, ramdam
niya na ang umiinit niyang mga pisngi. Nararamdaman niya na rin ang naiibsang bigat
na dinadala sa dibdib. Eto ang gusto niyang mangyari, ang pansamantalang
makalimutan ang lahat ng sama ng loob.

May kalakasang inilapag niya ang baso sa mesa at tumingin ng diretso sa mga mata ng
kasamang babae. Bagama't may kadiliman ang lugar, gusto niyang malaman ng kaharap
na tinititigan niya ito. Nais niyang sagutin ang lahat ng mga tanong nito sa
pamamagitan ng kanyang mga mata. Hindi siya tumigil sa pagtitig hanggang sa dahan-
dahang gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Remember the time when I told you that I wish Alex is like you," seryosong salita
niya.

"Yeah, what about that?" napapalunok na sagot ni Debbie.

"I'm starting to mean it now."

Pansamantalang natigilan ang babae. Nalito ito kung papaano bibigyang kahulugan ang
sinabi ng kausap.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Blake? Nag-away ba kayo ni Alex?"

Umiling si Blake at muling uminom ng alak. "Fight? We don't even have time to
fight," ngingisi-ngising sabi niya at sabay buntong-hininga. "All throughtout our
relationship, I've been wishing that someday she'll turn into a woman who will
always be on my side. Someone who can comfort me when I'm tired, listen to me when
I'm stressed, suggest something when I'm running out of opinion and talk to me like
a friend when I need one...just like what you are to me now."

"Why are you being upset because of that? Akala ko ba naiintindihan mong kailangan
lang ni Alex ng mas mahaba pang panahon para makapag-adjust," seryosong tugon ni
Debbie.

"I think it's hopeless. Alex is turning into a different person now," sagot ni
Blake at sabay inom ulit ng alak.

"What are you talking about?" takang tanong ng babae.

"She's losing her mind again. She's back in her old world."

"B-But why? What's going with her? I thought she's being thoughtful to you and all.
Taking care of your food and even helping you close the deal with Sophia Vasquez,"
naguguluhang tanong ni Debbie at sabay salin na rin ng alak sa kanyang baso.

Sumagot muna ng matamlay na ngiti si Blake at saka napatitig sa sariling baso.


"She's crazy about her job again. Lately, I wanted to believe the sincerity of her
actions toward me but deep inside I could feel that everything she does right now
has doubtful intentions. I'm starting to get this feeling na buong pagkatao niya
ngayon ay umiikot lamang sa trabaho niya and I am having difficulty to control
her."

"Blake are you saying that Alex is starting to go back doing those risky stuffs
again? Yung dahilan kung bakit napaparanoid ka nung nasa amerika ka?" namimilog ang
mga matang tanong ni Debbie.

Hindi sinagot ni Blake ang tanong sa halip ay uminom lamang ito ng alak, ngumisi at
muling tumitig sa baso. "Akala ko sa una lang siya mahirap mahalin. I thought our
love for one another was enough para isakripisyo namin ang ibang mga bagay na
nakakapagpasaya sa amin for the sake of our relationship. Pero ngayon kinakabahan
ako, pakiramdam ko ay darating na lang ang araw na may masisira, may mawawasak o
may magcocollapse. I'm not sure kung ano ang bagay na yun pero sigurado akong that
thing is within the two of us. Now I'm starting to get a daily dose of reminder
that says 'hey she's still that same woman who's hard to love'...I thought I could
change her but I realized you can't turn a tigress into a butterfly just because
you moved her into a beautiful garden."

"Then why don't you tell her about your feeling. Is it because of your pride?
Hinihintay mo bang marealize niya mismo ang pagkakamali niya?"

"Yes," diretsong sagot ng lalaki.

"Aren't you being harsh? Dapat mong ipaalam sa kanya ang nararamdaman mo para naman
maipaliwanag niya ang side niya. After all, she tried her best to sacrifice things
for you. Remember she deprived herself from doing thing she loves for the past four
years that you've been together," paliwanag ni Debbie.

Tumigas ang mukha ni Blake sa narinig at tumingin ng matapang sa kausap. "And what
about me? Tiniis kong malayo sa kanya ng dalawang taon. I listened to her and went
to states dahil inisip ko ang kinabukasan namin. I almost died in loneliness sa
tuwing namimiss ko siya but I decided to be strong because I wanted to become a
better man for her. Lahat ng pagsasakripisyo ginawa ko para sa relasyon namin.
Kinalimutan ko ang dati kong buhay. I tried to be the best bachelor because I
wanted her to be proud of me. I ignored all the hurtful words saying that she's not
the right woman for me or I'm not the right man for her. Pinaglaban ko ang
pagmamahal ko sa kanya kahit ano pa man ang sabihin ng lahat. Tiniis ko ang
kagustuhan kong pakasalan siya pagkarating na pagkarating ko from America because I
wanted to have the best plan for our relationship, for our future..."

Huminto ng ilang saglit ang lalaki para uminom ulit ng alak.

"But what's going on now? Hindi pa man kami nagkakasama ng matagal simula nang
bumalik ako dito sa Pilipinas but she started to change. Bakit parang napakadali sa
kanya na balewalain ako over other things? Yes, my pride is being hurt now! And
it's driving me crazy because I don't deserve this kind of treatment. Nagsakripisyo
ako para iangat ang respeto ko sa pagkalalaki ko but why did I end up feeling
threatened. Pakiramdam ko ay kaya-kaya niya akong ipagpalit sa trabaho niya! Maybe
I was just stupid to believe na mababago ko siya dahil ngayon pa nga lang na unti-
unting bumabalik ang pagkahumaling niya sa trabaho, I already feel that my presence
is being outshadowed."

Huminga ng malalim, humalukipkip at nagdekuwatro ng upo si Debbie. Umayos ito ng


upo habang pinagmamasdan ang nasasaktang kausap. "Hindi ba sa simula't sapul pa
lang ay alam mo na ang personality niya? Besides you meet her and love her because
of her job. Then bakit hindi mo na lang siya pagbigyan sa hilig niya."

"Who's man in his right mind ang hahayaan ang isang girlfriend na gaya ni Alex sa
hilig niya? You have no idea what she's capable of doing. Once she gets crazy over
her job, she won't hesitate risking her life. Yes, I know her personality even from
the start but it doesn't mean na sarado ang isip ko sa katotohanang hindi kami
magtatagal hangga't hindi siya magbabago. Hindi lamang pagmamahal ang bumubuo sa
lahat-lahat. I want to be with her forever that's why I begged her to choose our
relationship and to put limitation on her job as consideration to people who love
her."

Tumahimik ng ilang sandali si Debbie. Alam niyang simpleng pagtatampo lamang ang
nararamdaman ni Blake kay Alex kaya ito nakakapagsalita ng matitigas. Nakahanda na
lamang siyang pakinggan ang lahat ng mga sasabihin nito. Di ba't iyon naman talaga
ang papel niya kaya siya naroroon? Ang amuin ang lalaki sa mga hinanakit nito dahil
kahit anuman ang mangyari, hinding-hindi pa rin nito kayang iwanan ang
pinakamamahal na girlfriend.
"So what's your plan now?"

"I have to win her back but at the same time I want to save my pride," seryosong
sagot ni Blake.

"Paano mo gagawin yan?" walang ganang tanong ni Debbie habang ikinukuyakoy ang
nakadekuwatrong paa.

Nanood muna ng ilang saglit si Blake sa singer na kumakanta sa entablado. Nag-isip


siya ng malalim habang pinapakinggan ang musika. Paulit-ulit siyang huminga ng
malalim at saka muling tumingin sa kausap.

"I'm planning to bring back my old bad self," seryosong-seryosong sabi ng binata.

"What good will you get by doing that? Are you going to ruin yourself because of
your misunderstanding with your girlfriend?"

"I want to give Alex something to think about. Baka sakaling pag nagkaroon siya ng
sakit sa ulo ay marealize niyang nagkukulang na siya sa akin. I want her to miss me
and to feel my worth again."

"So which portion of your old self are you going to revive?"
"The womanizer Blake."

Muntik nang matawa ng malakas si Debbie sa narinig. "You, a womanizer?" di


makapaniwalang sambit nito. "Are you even capable of doing that? I don't think so.
Kaya mo bang irisk ang image mong ideal man of all time?" tatawa-tawa pang dugtong
nito.

Nagseryoso ng mukha si Blake hanggang sa dahan-dahang napangiti ng pilyo. "You


don't believe me? You could only say that because you haven't witnessed how I
behave before. Alex knew how worst I was."

"I don't believe you. At kung saka-sakali mang mambabae ka, I don't think na
makakaya mo yang panindigan."

Lumipat sa tabi ng babae si Blake at walang pasabing inakbayan niya ito na para
bang natural lang ang lahat.

"W-What are you doing?" gulat na gulat na tanong ni Debbie.

"I'm showing you how capable I am of flirting. Don't you know I was the best among
my peers during the old days," pilyong wika ng lalaki at lalo pang idinikit sa
kanya ang babae.

Hindi nakakilos si Debbie. Dinig niya ang biglaang pagkabog ng kanyang dibdib.
Kabadong inabot niya ang basong may lamang alak at walang pakundangang inubos ang
laman nito.
"S-Saan ka naman maghahanap ng babae? And can you even find one na hindi malalagot
sa amasona mong girlfriend?" kunwa'y natatawang bigkas niya.

Muli siyang uminom at sinabayan siya ni Blake. Magkasabay din nilang ibinaba sa
mesa ang kani-kanilang mga baso. At bago niya maalis ang pagkakahawak sa whisky
glass, walang kagatol-gatol na kinuha ng katabi ang kanyang kamay. Hinawakan ito ng
mahigpit at saka siya tinitigan ng seryoso habang hindi pa rin inaalis ang
pagkakaakbay nito sa kanya.

"You're going to help me, right?" seryosong sabi nito.

"W-What are you talking about?" napapangangang tanong niya.

"I know this is a very stupid idea. But you're the only one who's a threat to Alex.
Somehow I feel na nagseselos siya sayo. And next to my girlfriend, you're the woman
whom I feel very comfortable to be with. I know you're a great friend and the best
co-worker but for now... can you act as my other woman too?"

Natulala si Debbie at di sinasadyang napatitig rin siya sa katabi. Napapangangang


pinagmasdan niya ang namumulang pisngi ng lalaki. Seryosong nakatitig din ito nang
may nakikiusap na mga mata. Napapalunok na iniwas niya agad ang mga mata. Lasing
lamang ito kaya't kung ano-ano ang lumalabas sa bibig. At kung sakali mang hindi
nga ito nagbibiro, tanga ba siya para patulan ang sinabi nito? May hangganan ang
pagpapakababa niya para sa lalaki. Pati ba naman pagkakaibigan nila ay
isasakripisyo nito para lamang kay Alex? At kung pagbibigyan niya man ito, ano na
lang ang sasabihin sa kanila sa kumpanya? Pagpapapanggap man ito o totoo, masisira
pa rin ang tingin sa kanya ng mga tao sa opisina kapag kumalat ang balitang may
lihim silang relasyon. Hindi niya inalagaan ang kanyang pangalan ng mahabang
panahon para lamang magpakasira sa taong nagmamahal na ng iba.

Bigla siyang nauhaw sa sinabi ng lalaki kaya't muli siyang nagsalin ng alak at sa
mga sandaling iyon ay pinuno niya ang baso, saka niya nilagok ang laman nito.
Tiningnan niya ulit ang mukha ng lalaki na noon ay nakatitig pa rin sa kanya habang
naghihintay ng isasagot niya.
"You're drunk Blake so stop joking," tanging nasabi niya nang may naasiwang ngiti.

Hindi naman inalis ni Blake ang pagkakatitig sa babae. Hindi siya naniniwalang kaya
siya nitong tanggihan. Siguro nga ay napakalaking pabor ang hinihingi niha sa mga
oras na iyon pero wala siyang pwedeng pagkatiwalaan ng damdamin niya kundi ang
babae lamang dahil anu't anuman ang mangyari alam niyang nagmamalasakit ito sa
kanya. Sa lahat ng hiniling niya dito, hindi ito kailanman nanghingi ng kapalit at
sa pagkakataong ito kahit magpanggap man silang may lihim na relasyon, alam niyang
hindi ito maghahangad ng totoong pagmamahal.

"Is it a yes or no?" tanong niya sa babaeng umiiwas ng tingin sa kanya.

"You're crazy. How can you come up with such idea. Ano sa tingin mo ang papasukin
mo simpleng larong pambata? Lasing ka lang kaya't kung ano-ano ang pinagsasabi mo,"
kunway natatawa uling sagot nito.

"I know it silly but I'm willing to take the risk just to upset Alex. I want her to
realize na ang mabait niyang boyfriend ay natuto na uling magloko. So just give me
an answer if it's a yes or no."

Hindi siya sinagot ng kausap at muli tiningnan siya nito nang may seryosong mukha.
Alam niyang nagdadalawang-isip ito at pinag-iisipan nitong mabuti ang sasabihin.
Lumalakas na ang tama sa kanya ng alak kaya't iba ang naging dating sa kanya ng
pananahimik nito. Ramdam niyang naapakan ang kanyang ego. Hindi pa man ito
tumatanggi subalit para siyang sinampal na kahit ang kaibigang akala niya ay
nandiyan lagi sa kanya ay nagdadalawang-isip rin na mahalin siya ng kahit
pagkukunwari lamang. Patunay ba ito na kumukupas na ang karisma niya pagdating sa
mga babae? Humahanga na lang ba sa kanya ang karamihan dahil lamang mayaman siya?

"Hindi mo alam ang pinagsasabi mo Blake kaya tumigil ka na. You won't solve your
problem with Alex by creating another problem," pilit pa ring pagmamatigas ni
Debbie.

Nag-umpisa na ngang mangibabaw ang epekto ng alak kay Blake kaya't mas lalo siyang
hindi natuwa sa sagot ng babae. Hinigpitan niya ang pagkakaakbay dito at kinabig pa
ito papalapit sa kanya. Hinawakan niya muli ang palad nito at marahang hinaplos. Sa
mga sandaling iyon hindi niya namamalayang tinototoo niya na ang ginagawang
panglalandi sa kasama. Iniharap niya sa kanya ang mukha nitong nagkukunwaring
nakatuon sa ibang direksiyon at pilit itong na pinaganti ng mga titig sa kanya.
Hindi na gumagana ng maayos ang utak niya at sa mga sandaling iyon wala siyang
ibang gustong mangyari kundi ang mapatunayang kaya niya pa ring mang-akit ng
sinumang babae.

"I don't want to hear other comments. All I need is your answer whether it's a yes
or no," sabi niya dito nang may nang-aakit na boses.

Hindi na nakipagmatigasan pa si Debbie sa kanya. Matapang din siyang tinitigan nito


at ipinaramdam sa kanyang komportable ito sa pagdidikit ng kanilang katawan.
Nagmatapang na rin itong makipagpalitan sa kanya ng malalagkit na mga titig at sa
oras na iyon biglang may lumundag na bagay sa kanyang dibdib. Nag-umpisang gumapang
ang init sa kanyang katawan. Dahil ba ito sa alak? Hindi niya alam ang dahilan pero
tiyak niyang ang pakiramdam na iyon ay katulad ng naramdaman niya nang minsang
halikan siya ng babae nang malasing ito.

"I'll ask again, can you be my other woman?" pabulong na sabi niya dito habang
hindi namamalayang unti-unti niya nang inilalapit ang mukha sa babae.

Hindi ulit sumagot ang kausap ngunit sa pagkakatitig nito sa kanya ay tila alam
niya na ang kasagutan. Nag-usap ng ilang saglit ang kanilang mga mata at humigpit
ang pagkakahawak niya sa palad nito.

"And...can we start it right now?" dugtong na bulong niya nang may maiinit na
hininga at sabay lapit niya pa lalo sa mukha ng kaakbay hanggang sa di niya
namalayang naglapat na ang kanilang mga labi.
Natulala naman si Debbie nang maramdaman ang mga labi ni Blake. Nanlaki ang kanyang
mga mata habang pansamantalang nanigas ang buo niyang katawan. Sumisigaw ng
pagtutol ang kanyang isipan. Hindi siya dapat matukso ng lasing. Nababalot lamang
ng alak ang buong katauhan ng lalaki kaya't hindi nito alam ang pinagagawa. Binalak
niya itong itulak subalit hindi niya namalayang unti-unti na rin siyang napapikit.

Isa-isang naglaho ang pagtutol sa kanyang isip at ang tanging nagawa niya ay
gumanti sa mainit na paghalik ni Blake. Tila nag alsa balutan ang laman ng kanyang
utak hanggang sa mangibabaw ang nakalutang na pakiramdam kasabay ng paglalim pa
lalo ng kanilang paghahalikan. Hindi niya inalintana ang mga matang maaring
makakita sa kanila dahil pakiramdam niya ay sila lamang ni Blake ang nagmamay-ari
ng kinaroroonang lugar sa mga sandaling iyon.

Nanlaban man ang kanyang utak pero tututol pa ba siya? Nangyayari na ang isang
bagay na akala niya ay isang imposibleng pangarap lamang? Hiram man ang mga
sandaling iyon subalit wala siyang pakialam. Handa siyang pagbigyan ang lalaki sa
anumang gusto nito. Pansamantala o hindi man totoo ang lahat pero tatanggapin niya.
Dahil ito lamang ang paraan para mapasakanya ng ilang sandali si Blake. Oo matalino
siya pero siguro nga ay nakahanda siyang magpakatanga para sa taong... matagal niya
ng lihim na iniibig ng sobra-sobra...

-----

Nanlalamig ang buong katawan ni Alex sa nakikita. Hindi niya maigalaw ang mga kamay
habang noon sana ay isinusurrender sa guwardiya ang dala niyang baril. Para siyang
yelong naninigas at pati utak niya ay pansamantalang hindi gumana. Hindi niya alam
ang gagawin kung tutuloy pa ba siyang pumasok o babalik na lamang sa sasakyan.
Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan at tila hindi niya kayang dalhin ang sakit
na nararamdaman. Para bang paulit-ulit na sinusuwag ng nagwawalang mga toro ang
kanyang dibdib habang sabay-sabay na bumabaon sa kanyang puso ang inihahagis na
punyal ng mga naghuhurumentadong kriminal.

Totoo ba ang kanyang nakikita o dapat niya lamang sampalin ang sarili para
magising? Hindi simpleng subuan o masayang pag-uusap lamang ang kanyang
nasasaksihan. Ito ay isang malalim at mainit na halikan at hindi ibang tao ang
gumagawa nito kundi ang kanyang sariling kasintahan. Pinagtataksilan na siya ni
Blake? Kung ganun ay tama ang kutob na nararamdaman niya sa boyfriend at sa
kaibigan nitong si Debbie? Matagal na ba siyang niloloko ng dalawa?

Gisto niyang isiping dinadaya lamang siya ng mga paningin. Ngunit maging ang mga
mata niya ay pilit siyang iminumulat sa katotohanan. Nanatili lamang itong nakapako
sa tanawing humihiwa sa kanyang buong pagkatao hanggang sa maramdaman niya na lang
ang mainit na mga luha na dahan-dahang umaagos sa kanyang mga pisngi.

"Ma'am okay lang po ba kayo? Tutuloy pa po ba kayo sa loob?" tanong sa kanya ng


guwardiya.

Tutuloy pa ba siya? Lalapit ba siya at ipapamukha na nakita niya ang ginagawang


panloloko ng mga ito? Gusto niyang manugod ngunit pinanghinaan siya ng loob.
Matapang siyang tao pero sa mga sandaling iyon ay naduduwag siyang harapin ang
katotohanan.

"H-Hindi na..." natutulalang sagot niya.

Ibinalik niya sa pagkakasukbit ang baril at wala sa sariling tumalikod.


Napapanganga, tumutulo ang luha at nanghihina ang mga tuhod na bumalik siya sa
dalang sasakyan. Bago sumakay ay nanghihinang napasandal muna siya pintuan nito.

Ganito ba kabigat ang kabayaran ng kasalanan niya kay Blake?


Pero kahit ano pa man ang kanyang ginawa, hindi ito nararapat sa kanya. Nagkulang
man siya sa kasintahan pero kapalit nito ay may ginagawa naman siyang kabutihan
para sa ibang tao. Wala siyang ginagawang masama. Sa huling punto ng pagiging pulis
niya ang tanging gusto niya lamang ay mapatunayang karapat-dapat pa rin siya sa
kanyang tungkulin. Hindi siya nagtataksil, hindi siya nang-aapak ng tao at lalong
hindi siya nagmamahal ng ibang lalaki. Pero bakit ganito ang kapalit?

Nagpahid siya ng mga luha at pumasok sa sasakyan. Nanginginig ang mga kamay na
napahawak siya manibela. Tumitig siya sa kawalan hanggang sa dahan-dahan siyang
napasubsob. Pinakawalan niya ang pinipigilang pag-iyak at malaya siyang humagulhol.
Ibinuhos niya ang lahat ng naramramdamang sakit hanggang sa unti-unti siyang
matauhan. Humina ang pagyugyog ng kanyang balikat at muli siyang nag-angat ng ulo.
Pinahid niya ang mga luha at inumpisahang buuin ang biglang natunaw na tapang sa
kanyang dibdib.

Hindi siya magpapatalo sa sakit. Bahagi lamang ito ng sakripisyong kailangan niyang
pagdaanan. Hindi siya susuko sa sitwasyon. Marahil ay nangyari lamang ito dahil na
rin sa kasalanan niya. Wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili. Nakagawa
man ng pagkakamali si Blake ay dahil na rin sa kapabayaan niya. Tama man o mali ay
aakuin niya ang lahat ng kasalanan...dahil ito lamang ang paraan para maisalba ang
kanilang relasyon at manatili sa kanya ang taong mahal niya.

Huminga siya ng paulit-ulit upang maibsan ang paninikip ng kanyang dibdib. Hanggang
sa hindi niya namamalayang natatawa na siya. Para siyang tanga, halos mamatay siya
sa nerbiyos sa pag-iisip na baka may nangyaring masama sa boyfriend. Magkadaugaga
siya sa pag-uwi sa bahay para lamang alamin kung naroroon na ang lalaki. At nang
malamang wala pa ito doon ay halos sumabog ang dibdib niya sa pag-aalala. Tinawagan
niya ang lahat na pwedeng tawagan hanggang sa makausap niya ang family driver at
sinabing pinapunta siya sa isang bar ng amo para ipagmaneho ito.

Sana alam ni Blake na halos paliparin niya ang sasakyan para lamang mahanap at
makitang ligtas ito. Na sana alam din nitong na sa gabing iyon ay muntik na siyang
malagay sa panganib sa pagliligtas kay Sophia. Wala man siyang balak ipaalam ang
anumang kapahamakang sinusuong pero naghahangad pa rin siya na sana ay may mauuwian
siyang nakahandang umunawa at magbigay sa kanya ng tibay ng loob. Na magsasabing
kahit ano man ang mangyari, walang masamang mangyayari sa kanya. Bato man ang
kanyang dibdib pagdating sa trabaho subalit malambot pa rin ang kanyang puso
pagdating sa taong mahal niya.
Pero ano ang sumalubong sa kanya sa kabila ng lahat? Isang surpresang
pansamantalang dumurog sa kanyang dibdib. Umpisa na naman ba ng paghamon ng
kapalaran sa pagmamahalan nila ni Blake?

Ngumisi siya sa naisip. Ngayon pa ba siya susuko? Sa dinami-dami na ng pinagdaanan


nila, ngayon pa ba matitinag ang kanilang relasyon? Katulad din ito ng dati... ang
pagkakaiba lang ay mas matibay na siya at mas alam niya na kung papaano ito harapin
ngayon.

Naisip niyang umalis na lamang at hintayin sa bahay si Blake. Hindi niya ito
susumbatan. Wala rin siyang balak itong awayin, hihintayin niyang ito ang kusang
umamin. Dito niya malalaman kung hanggang saan siya kayang tiisin ng lalaki.
Maninimbang muna siya bago gumawa ng sariling hakbang.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan subalit biglang nagbago ang kanyang isip. Tutal
naroroon na rin lang siya, bakit hindi niya pa alamin kung hanggang saan ang kayang
gawing pagtataksil ng dalawa.

Naghintay siya sa labas kung saan nakaparada sa may di-kalayuan ang dalang sasakyan
ni Blake. Natatanaw niya pa halos ang driver na nakatayo sa tabi nito at matiyagang
naghihintay sa paglabas ng amo.

Wala pang isang oras ng paghihintay niya ay lumabas na sina Blake at Debbie at
pansin niya agad na lasing na ang lalaki. Muling humigpit ang pagkakahawak niya sa
manibela nang magkaakbay na naglakad ang mga ito patungo sa sasakyan. Sumakay din
si Debbie at dahil doon ay inaasahan niyang ihahatid muna ang babae pauwi. Umandar
ang sasakyan ng mga ito at hinayaan niya munang makadistansiya ito ng kaunti bago
niya ito sinundan.

Nagtaka siya nang mapansing hindi daan patungong fairview kung saan nakatira si
Debbie ang tinatahak ng sinusundang sasakyan. Muling lumakas ang kaba sa kanyang
dibdib subalit ayaw niyang mag-isip ng patapos. Marahil ay ihahatid muna ng mga ito
si Blake. Pansamatala niyang nilimot ang kaba at sakit na nararamdaman at ibinalik
ang atensiyon sa pagsunod sa sasakyan.

Paulit-ulit siyang napapakagat sa labi habang nagmamaneho hanggang sa muling


nanlamig ang kanyang mga kamay nang biglang lumiko ang mga ito sa kung saan hindi
rin daan patungo sa bahay ng boyfriend. Napapalunok na sinundan niya pa rin ang mga
ito. Nagpipigil siya ng sarili. Nakarating sila ng Ayala Avenue at doon ay unti-
unting bumagal ang takbo ng sinusundang kotse lalo na pagdating sa hilera ng mga
hotel. Sinubukan niya pa ring magtimpi subalit nang makita niya nagsisignal light
na ang kotse papasok sa daan patungo sa isang hotel, hindi niya na napigilan ang
sarili.

Pinaharurot niya ang minamanehong kotse para maabutan ang sasakyan nina Blake.
Nilampasan niya ang mga ito ng bahagya, saka buong tapang na kinabig ang manibela
at hinarangan ng papahalang ang dadaanan ng mga ito. Narinig niya ang malakas na
pagpreno ng kabilang sasakyan.

Samantala, halos mapasubsob naman sina Blake sa lakas ng prenong ginawa ng driver.
Tila nabawasan ang kalasingan ng lalaki dahil sa pag-aakalang maaksidente sila.
Maging si Debbie ay napatili sa tindi ng pagkagulat.

"What's going on?! Who's that crazy reckless driver?!" galit na wika ni Blake.

"S-Sir..." napapamaang na sambit ng driver habang nakatingin sa pamilyar na kotseng


humarang sa kanila.

"What? Tell that person to get out of..." natigilan sa pagsasalita ang lalaki nang
makita kung sino ang lumalabas sa kotseng nakaharang sa kanila.

Natulala si Blake at biglang humulas ang kalasingan nito habang nakangangang


pinagmamasdan ang papalapit na babaeng may matapang na mukha.

"Blake what are we going to do?" kinakabahan at natatarantang bigkas naman ni


Debbie.

"Don't worry I'll handle it," matapang pa ring sagot ng lalaki sa kabila ng
nararamdamang takot.

Kinatok ni Alex ang bintana ng kotse.

"S-Sir ano pong gagawin natin?" kinakabahan ding tanong ng driver habang
nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa manibela.

"Unlock the door."

Sumunod ang driver at agad namang binuksan ni Alex ang likurang pintuan. Bumungad
sa kanila ang matatalim na mga mata ng babae at ang mukha nitong namumula sa galit.

"BABA!" sigaw ng dalaga sa boyfriend habang nakatitig dito nang may nanlalaking mga
mata.

"Alex calm down," napapalunok ngunit mahinahong sagot ni Blake nang hindi pa rin
gumagalaw sa kanyang kinauupuan.
"BABA SABI!"

"Alex let me explain. It's not what you think it is."

"BABABA KA BA O KAKALADKARIN KO KAYONG LAHAT PAPALABAS DIYAN?!"

"A-Alex..."....

*****

Lumabas ng sasakyan si Blake. Kailangan niyang sumunod dahil hindi niya pwedeng
banggain ang galit ni Alex. Magkakagulo lang kapag nakipagmatigasan siya. Hindi
niya alam kung papaano sila nito nasundan, kunsabagay sa husay nito sa trabaho
meron ba itong hindi nagagawa kapag ginusto nitong alamin ang isang bagay.

Nakaramdam siya ng takot sa pagkakahuli nito sa kanya pero hindi nangangahulugang


naibsan ang sama ng loob na kinikimkim niya para sa babae. Tatanggapin niya anuman
ang kaparusahan ng pagkakamaling nagawa niya ngunit maniningil din siya ng
paliwanag na matagal niya ng hinihintay na maibigay sa kanya.

Kinakabahan siya sa susunod na mga mangyayari pero aaminin niyang hindi niya
sinisisi ang sarili sa nagawang kasalanan. Bagamat nagpadala siya sa alak at galit,
siguro ay itinakda itong mangyari para mapag-usapan at maungkat ang puno't dulo ng
unti-unting gumugulo nilang relasyon.
"Manong please drive Debbie home," nakasilip sa bintana ng sasakyan na utos niya sa
driver.

"Opo sir."

Napapalunok na tiningnan niya si Debbie. Dahil sa biglang pagkawala ng kalasingan,


noon din lamang siya dahan-dahang inusig ng konsensiya. Nagkatinginan sila ng babae
at sa mga sandaling iyon ay ramdam na nila ang pamumuo ng pagkaasiwa nila sa isa't
isa. Kung meron man siyang dapat unang hingan ng tawad, yun ay si Debbie. Dahil
nadamay niya ang babae sa problema nila ni Alex at napilitan itong gumawa ng isang
bagay na alam niyang labag sa prinsipyo nito.

"See you tomorrow at the office," kaswal at nakangiting tugon niya sa babae.

"O-Okay... see you," sagot nito nang may naasiwang ngiti habang panaka-nakang
napapatingin sa kinatatayuan ni Alex.

Tila huminahon naman si Alex nang bumaba si Blake sa sasakyan. Nag-aapoy pa sa


galit ang kanyang dibdib ngunit pinili niyang manahimik na. Ang mahalaga ay
napigilan niya ang lalaki na gumawa ng isang kasalanang hindi niya alam kong kaya
niyang patawarin.

Nakahalukipkip na sumandal siya sa pinto ng nakaharang niyang kotse habang tahimik


na pinapanood ang dalawang nagpapaalaman. Napapangisi siya sa isipan habang
nakatingin ng may matatalim na mga mata, nagagawa pa ng mga ito na mag-usap sa
harap niya na para bang walang ginawang mga kalokohan.

Tumingin sa kanya si Blake matapos magpaalam sa babae. Nagkatitigan sila ng ilang


saglit. Seryoso ang kanilang mga mukha habang parehong itinatago ang totoong
nararamdaman. Bumuntong-hininga muna ang lalaki bago ito lumapit sa kanya.
Pinagbuksan niya ito ng unahang pinto ng kotse. Tahimik naman itong sumunod at
sumakay.

Pinaandar niya ang kotse. Itinuwid niya ito mula sa pagkakahalang. At bago ito
simulang patakbuhin, tumingin muna siya sa side mirror para silipin ang naghihintay
na sasakyan sa likuran nila. Nakita niyang nakatingin sa kanila si Debbie. Tumaas
ang isang sulok ng bibig niya sa nakitang reaksiyon ng babae, tila bang umaasa pa
itong bababa si Blake sa kotse para bumalik sa kanya. Nakairap na inilipat niya ang
mga paningin sa kalsada at napapabuntong-hiningang nagmaneho.

Mula nang sumakay sa kanya si Blake, hindi niya ito kinausap o kahit tingnan ay
hindi niya ginawa. Puno pa rin ng galit ang kanyang dibdib kaya kailangan niya muna
itong pahupain. May kaunting nginig pa rin ng panggigil ang kanyang mga kamay
habang nakahawak sa manibela.

Hanggang sa bahay ay wala pa rin silang imikan. Pareho silang nagbihis at nag-ayos
ng sari-sarili habang nababalot ang buong kuwarto ng katahimikan.

Samantala, nakikiramdam lamang si Blake. Hinihintay niya ang anumang oras na


pagsabog ng babae. Naupo siya sa gilid ng kama habang nag-iisip kung
pasisinungalingan ba ang nagawang pagkakamali o tahasang aaminin at sabihin ang
dahilan ng pansamantala niyang pagkawala sa katinuan.

Tumingin siya kay Alex. Umiiwas pa rin ito na magkasalubong ang kanilang mga mata.
Tapos na itong magbihis ng pantulog at nahalata niyang pinaparusahan siya nito sa
pamamagitan ng katahimikan. Hindi siya papayag. Hindi pwedeng matapos ang gabi nang
hindi nila pinag-uusapan ang nangyari.

Lumapit ang babae sa kama. Buong akala niya ay naghahanda na ito para matulog
ngunit nagulat siya nang kumuha lamang ito ng unan at saka naglakad patungong
pintuan.
"Where are you going?" hindi nakatiis na tanong niya.

Huminto si Alex nang marinig ang lalaki. Ilang saglit muna itong nag-isip kung
sasagutin ang tanong.

"Tutal matagal na akong hindi nakakatulog sa kabilang kuwarto... Sa tingin ko mas


bagay na dun ako matulog ngayon," napipilitang sagot nito nang hindi pa rin
tumitingin sa kausap.

Napatayo si Blake. "Stay here. Let's talk."

Walang sagot na narinig ang lalaki. Sa halip ay nakita niyang humigpit ang
pagkakahawak sa unan ng kausap.

"May gusto ka bang sabihin?" seryosong tanong ni Blake.

Hindi pa rin umimik ang babae. Nanatili lamang itong nakatitig ng diretso sa
pintuan nang may matigas na mukha.

"May gusto ka bang itanong?" ulit ng lalaki.

Wala pa ring sagot.


"SAY SOMETHING ALEX! NGAYON NA NATIN TO PAG-USAPAN!"

Mas lalong dumiin ang pagkakahawak ni Alex sa unan hanggang sa unti-unting bumuka
ang nanginginig niyang mga labi.

"K-Kailan niyo pa ako niloloko?" mahina ngunit madiing wika niya nang hindi pa rin
tumitingin sa lalaki.

"H-Hindi kita niloko at wala akong intensiyong lokohin ka Alex."

"M-May nararamdaman ka ba kay Debbie?"

"Anong klaseng tanong yan Alex. Do you think I'm capable of loving someone other
than you?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Blake sa halip ay binitawan niya ang unan at
dahan-dahang humarap sa lalaki nang may nangingilid na mga luha. "May nararamdaman
ka ba sa kunwari'y kaibigan mo lang?" gumagaralgal ang boses na ulit niya habang
tinititigan ang kaharap.

"W-Wala."
Humakbang siya papalapit sa boyfriend na noon ay napapalunok at umiiwas sa kanyang
mga titig.

"Kung ganun, napakadali na ba ulit para sayo na pumunta sa hotel kasama ng taong
hindi mo gusto?" nangangalit ang mga pangang tanong niya.

"I told you mali ang iniisip mo. I'm supposed to spend my night there dahil gusto
ko namang maramdaman mong mag-alala. Sa paulit-ulit na pambabalewala mo sa akin,
baka sakaling maisip mo namang may boyfriend ka pa palang dapat intindihin,"
matigas na paliwanag nito.

Tila wala pa rin siyang narinig na paliwanag. Napakalayo sa posibilidad na


paniwalaan niya ang sagot ng lalaki. Humakbang pa siya papalapit sa kausap nang may
napapangising mukha.

"Ganun na lang ba kadali sayo na makipaghalikan sa taong hindi mo gusto?" mas


madiing tanong niya habang naniningkit ang mga mata sa galit.

"A-Alex..." nanlalaki ang mga mata at medyo namumutlang sambit ni Blake sa hindi
inaasahang tanong na narinig.
"OO! NAKITA KO! KITANG-KITA NG DALAWANG MATA KO ANG KATARANTADUHANG GINAWA NIYO!"

Pak!

Binigyan ni Alex ng isang malakas na sampal ang lalaki na halos ikatumba na nito.
Namumula ang mga pisngi, nangingilid ang mga luha, nanlalaki ang mga mata, nagngi-
ngitngit ang mga ngipin at nanginginig ang buong kalamnan niya sa galit.

"MAGSABI KA NG TOTOO! MAY NARARAMDAMAN KA BA KAY DEBBIE?!"

"I DON'T KNOW!" biglang sigaw ni Blake habang napapahawak sa nasampal na pisngi.

Hindi nakakilos ang babae sa narinig. Samantalang unti-unti namang napangisi si


Blake habang pinagmamasdan ang hindi makapaniwalang reaksiyon ng girlfriend.

"You want to hear the truth? My answer is I don't know! Maybe yes, maybe no! Siya
ang laging nasa tabi ko, siya ang nakikinig at tumutulong sa akin pag may problema
ako, siya ang madalas na nakakausap ko, siya ang madalas na nakakasama kong kumain,
siya ang mas nag-aasikaso sa akin, siya ang gumagawa ng paraan para mapangiti ako
pag nalulungkot ako! KAYA OO HINDI KO ALAM KUNG MAY NARARARAMDAN NA BA AKO PARA SA
KANYA DAHIL SIYA ANG GUMAGAWA NG MGA BAGAY NA DAPAT SANA AY GINAGAWA MO!"
Nanigas ang buong katawan ni Alex. Ramdam niya ang matinding paninikip ng kanyang
dibdib. Nag-aapoy ang kanyang mga pisngi hanggang sa dahan-dahan siyang napakuyom
ng mga kamao.

"What's with that fists? You want to punch me now. Fine, hit me! That's your
expertise, right? You prefer to act as a thug than to act as my fiancee!"

Dahan-dahang napapikit si Alex at paulit-ulit na huminga ng malalim. Ramdam niya


ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa palad ng nakakuyom na mga kamay. Kailangan
niyang magpigil dahil baka sakaling iyon ang unang pagkakataong makabugbog siya ng
taong mahal niya.

"Oo pansamantala kitang napapabayaan, pansamantala akong nagkulang sayo, maaring


madalas ay wala ako sa tabi mo....pero napakabigat na ba ng kasalanan ko para
matukso ka sa iba at sumbatan mo ako ng ganito?" nanginginig na wika niya habang
pinipigilang pumatak ang namumuong mga luha.

Nagbitiw ng mahinang sarkastikong tawa si Blake. "Napabayaan mo ako, oo. Nagkulang


ka, yeah you did. Pero sa tingin mo, yan lang ang dahilan kung bakit napuno ako at
kung bakit nawala ako sa sarili ko ngayong gabi?"

Nagbago ang hilatsa ng mukha ni Alex at nanlalaki ang mga matang napatingin sa
kausap. "A-Anong ibig mong sabihin?"
"Aren't you going to tell me the truth Alex? Hanggang kailan mo ba balak
magsinungaling?" seryosong-seryosong bigkas ng lalaki.

"B-Blake.."

Unti-unting namula ang mukha ni Blake at nangalit ang mga panga. "HINDI AKO TANGA
ALEX! Pinipilit kitang intindihin dahil mahal kita! Pero may hangganan din ang
pang-unawang kaya kong ibigay! PUNUNG-PUNO NA AKO!"

"A-Anong pinagsasabi mo?" kinakabahang wika ng babae na noon ay parang binuhusan ng


malamig na tubig.

"Do you think I don't know kung anong pinaggagawa mo? I'm not a dumb guy so stop
treating me as one Alex! You're still handling that suicide case, right? Akala mo
ba wala akong idea if why you're after Sophia? Or why you seem to keep chasing
Tyron Garcia? O kung bakit napapadalas ka nang dumalaw sa kumpanya?! You were
making an excuse for everything! Hindi mo ako tinulungan kay Sophia because you
wanted to help me. Hindi ba kaya mo ginawa yun para may dahilan para mas lalong
mapalapit sa kanya?! Kaya ka nagkukunwari na napapadalas ka ng pagbibisita sa akin
para may makausap kang mga empleyado! YOU WERE NOT DOING THOSE THINGS FOR ME ALEX,
THOSE WERE JUST STUPID EXCUSES FOR YOUR STUPID WORK! AND I KNEW IT RIGHT FROM THE
START!"

"B-Blake..." napapangangang usal ni Alex habang dumudungaw ang mga luha sa mga
mata.
Matapos ang ilang saglit ng pagsabog ng dibdib ay ilang ulit munang huminga ng
malalim si Blake. Yumuko ito habang napapahawak sa noo at panaka-nakang ginugulo
ang buhok. Naglakad ito ng pabalik-balik sa harap ng natutulala at namumutlang
kausap na tila nagpapalipas ng oras para humupa ang galit sa dibdib. Pagkuway
seryoso ulit itong tumingin sa girlfriend nang may nangingilid na rin luha sa mga
mata.

"Look Alex, I tried to understand you. Pinilit ko ang sarili kong pagbigyan ka
because I wanted you to be happy. Inisip ko na siguro namiss mo lang talaga ang
dating mga ginagawa mo kaya mo nagawang suwayin ako. Inintindi ko na lang na you
needed at least that final excitement in your job before we get married...."

Malungkot na napangiti muna si Blake sa girlfriend habang nagpipigil ng mga luha


bago muling magpatuloy sa palabas ng kinikimkim na sama ng loob.

"You said it was a simple case kaya hinayaan kita...pero as time goes by, you don't
seem to treat it as a simple case anymore. You're drowning yourself unto it. You
were running out of control and you eventually started to ignore me and our
relationship....Hanggang sa unti-unti akong natakot dahil nararamdaman kong kaya mo
na akong ipagpalit sa trabaho mo. And what I'm afraid the most is if you'll reach
that point again na kayang-kaya mo na uling isugal ang buhay mo without thinking
the fact na may taong mas masasaktan at magiging miserable ang buhay kapag may
nangyaring masama sayo... That's why I'm begging you now to stop Alex."

"N-Nagkakamali ka Blake... Kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang relasyon


natin..." mangiyak-ngiyak na paliwanag ng babae.
"Hindi ba? Sigurado ka? Because as far as I know sa umpisa pa lang ay ginawa mo
na!"

Lumapit ang lalaki sa bag ni Alex at hinalungkat ito.

"B-Blake, anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ng babae.

Inilabas ni Blake ang isang kahon ng gamot at itinaas ito sa tapat ng nanlalaking
mga mata ng kausap.

"Since when did you start taking these pills?" nakangising tanong nito habang
napapabuntong-hininga. "Ganito ka na ba kadesperada na pagmukhain akong tanga?"

"M-Magpapaliwanag ako B-Blake," nanginginig ang boses na wika ni Alex habang pilit
inaagaw ang mga gamot sa lalaki.

"HINDI KO KAILANGAN ANG PALIWANAG MO! ANG KAILANGAN KO AY ANG PAGTIGIL MO SA MGA
KALOKOHAN MO ALEX!" muling pagsabog ng galit ni Blake at sabay bato nito ng malakas
sa hawak na kahon ng pills sa sahig.
Hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha ni Alex. Tumingin siya sa galit na
boyfriend nang may nagmamakaawang mukha.

"Hindi pwede Blake... Hindi ako pwedeng tumigil. May mabigat akong dahilan kung
bakit ko ito ginagawa. Ngayon lang ito Blake, parang awa mo na intindihin mo na
naman ako. M-Maniwala ka naman sa akin oh."

Napanganga ng ilang sandali si Blake sa pagmamakaawang ginawa ng kausap. "Ano bang


meron sa kasong yan para magkaganyan ka Alex?"

"Alam mo namang hindi ko pwedeng sabihin Blake pero napakahalaga sa akin ng kasong
ito kaya please magtiwala ka naman sa akin please..."

"I did Alex. I tried everything para pagkatiwalaan ka pero hindi ko na kaya!"

Hindi sumagot ang babae sa halip ay nagmamakaawang umiyak na lamang ito sa harap ng
lalaki.

"What will make you stop? A marriage? You promise to quit your job after we had
one. FINE LET'S GET MARRIED! KELAN MO GUSTO BUKAS, SA MAKALAWA O KAHIT NGAYON NA,
TUMIGIL KA LANG SA KINAHUHUMALINGAN MONG YAN!"
Mabilis na yumapos si Alex sa katawan ng nobyo. "Please Blake... huwag mong dalhin
dyan ang usapan. Hindi kasal ang pinag-uusapan natin ngayon," nagmamakaawa pa ring
tugon nito.

Napapatangang inalis ni Blake sa pagkakayakap ang babae. Hinawakan niya ito sa


magkabilaang braso at tinitigan ito ng diretso sa mga mata nang may hirap
makapaniwalang mukha.

"I can't believe na pati pagpapakasal ay kaya mong tanggihan because of that. Ano
ba ang dahilan mo? Was it because that woman who died was attached to my company?
Ikinatatakot mo ba na may chance na masira ang kumpanya nang dahil sa pagkamatay
niya? If these are your reasons, sige ako na ang aako! I'll hire the best private
investigators in the world para gawin ito. I'll spend any amount para lamang mawala
ang kung anumang ipinag-aalala mo!"

"Blake huwag mo namang maliitin ang kakayahan ko..."

"Yeah I know you're a good cop! Hindi kita minamaliit pero ang gusto kong marinig
sayo ngayon ay ang tumigil ka na sa kasong yan! So answer me Alex!"

Napapalunok na tiningnan lamang ni Alex ang boyfriend. Bumitiw naman ang lalaki sa
pagkakahawak sa kanya nang makitang nahihirapan pa rin siyang sumagot sa kabila ng
lahat ng mga sinabi nito, tumalikod ito at napapabuntong-hiningang tumingala.
"I'm sorry to tell you Alex. You have to make a choice now or else mananatili
tayong ganito. Paulit-ulit lang nating masasaktan ang isa't isa at hindi
magkakaroon ng katahimikan ang ating relasyon ," mahinahon ngunit puno ng hinanakit
na sabi ng lalaki.

Napapikit si Alex sa narinig kasabay ng muling pag-agos ng kanyang mga luha. Kung
sana pwede niyang sabihin sa boyfriend ang buong katotohanan sa kasong hinahawakan
niya. Ano man ang piliin niya, alam niyang maaring parehong may hindi magandang
epektong mangyayari. Napapakagat sa labing tumalikod siya. Pinahid niya ang kamay
sa mga basang pisngi habang pilit na ibinubuka ang nanginginig na bibig.

"I-I'm s-sorry Blake pero h-hindi pa kita k-kayang saguting ngayon..."

Inihakbang niya ang mabibigat na mga paa. Dinampot niya ang unan sa sahig at
yumuyog ang mga balikat na lumabas siya ng kuwarto.

Napalingon si Blake nang maramdaman ang papalayong mga yapak ng kausap.


Napapatulala at di makapagsalitang hinabol niya ng tingin ang lumalabas sa
kuwartong girlfriend. At nang isarado nito ang pinto ay agad siyang napakuyom ng
mga kamao. Dahan-dahang nanginig ang kanyang mga kalamnan sa galit. Lumapit siya sa
isang side table at galit na galit na hinawi ang lahat nang nasa ibabaw nito.
Nagdadampot siya ng mga kagamitan at nanlalaki ang mga matang pinaghahagis ang mga
ito sa dingding at sahig.
"AAAAA!"

Nanghihinang napaupo naman sa kama sa kabilang kuwarto si Alex habang nauulinigan


ang pagwawala ng lalaki. Mas lalong lumakas ang pag-agos ng kanyang mga luha at
ilang saglit lamang ay humahagulhol na napasubsob siya sa kanyang mga palad.

Marahil nga ay pareho silang may pagkakamali sa isa't isa at hindi niya alam kung
sino sa kanilang dalawa ang mas mali o kung sino ang mas tama. Ngunit isang bagay
lang ang tiyak niya...na pareho silang nahihirapan at nasasaktan...

-----

Sa headquarters, kaharap ni Alex sa meeting room sina Chief Martinez at James.


Nagpatawag ng meeting ang hepe para pag-usapan ang development ng kasong
hinahawakan ng dalagang pulis.

Nagsasalita ang hepe at seryosong nakikinig si James. Subalit wala naman sa sarili
si Alex. Tulalang nakatitig lamang ito mesa. Nakasandal ito sa silya at tamad na
nakaupo habang iniikot-ikot ang hawak na lapis sa kanyang kamay. Hindi pa rin
mawala ng kahit ilang saglit sa isipan niya ang naging matinding away nila ni Blake
at hanggang sa mga sandaling iyon binibiyak pa rin ang dibdib niya sa sakit.

Nag-iisip siya ng malalim habang pinag-iisipang mabuti kung bibitawan niya na ba


ang kaso. Sasamantalahin niya na ba ang pagkakataong ito para sabihin sa mga
kasamahan na aatras na siya?

"VALDEMOR!" sigaw ng hepe habang napapalo sa mesa.

Napalingon si Alex nang walang anumang bakas ng pagkabigla.

"Yes chief?" mahina at walang ganang sagot niya.

"Tinatanong kita, kung ano na ang update tungkol sa kasong hawak mo?!" medyo
napipikong tanong ni Chief Martinez sa babaeng lumilipad ang isip.

Ibinalik ni Alex ang pagkakatitig sa mesa. Paulit-ulit siyang nagsulat ng walang


katuturan sa isang papel at matamlay na nagsalita.

"Nagpakita na ulit ang suspect sa janitress."

"Yun lang? Ilang araw na ang lumipas yan lang ang development ng imbestigasyon
mo?!" magkasalubong ang kilay na sabi ng opisyal.
"Ah pinagbantaan niya at panandaling inabduct si Sophia Vasquez. Sinaktan niya rin
ito bilang pananakot," mahinang sagot ulit ng babae.

"Si Sophia Vasquez, ang model?"

"Yap."

"Why would he attack that popular person?" naguguluhang tanong ni Chief Martinez.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Alex at medyo umayos ng upo. "Hindi ko rin


alam. Dating nagtatrabaho si Grace kay Sophia kaya malamang na may kinalaman pa rin
ito kay Grace," tamad pa ring sagot niya nang hindi tumitingin sa opisyal.

"Captain Valdemor is there something wrong with you? Mukhang kanina ka pa


matamlay," puna ni James.

Umiling ang dalaga subalit nagdududang tiningnan ito ng nakatataas na opisyal.


"Sinunod mo na ba ang sinabi ko sayo? Alam na ba ni Blake Monteverde ang tungkol sa
pagtanggap mo sa kasong ito?"

"O-Oho," sagot ni Alex nang may pilit na ngiti.

"Kaya ka ba nagkakaganyan ngayon? Nag-away ba kayo dahil dito?"

Agad na nagkunwaring masigla ang babae. "Naku hindi chief! M-Medyo masakit lang ho
ang ulo ko kaya wala akong gana simula pa kaninang umaga."

"Ganun ba. Mabuti naman at wala ka ng problema diyan sa mapapangasawa mo. Siguro
naman ay makakapagconcentrate ka nang mabuti sa trabaho ngayon."

"Ah-eh yes chief..."

"Let's go back ot our main topic, paano hanggang ngayon ba ay wala pa rin tayong
pinanghahawakang ebidensiyang may foul play ngang nangyari sa pagkamatay ni Ms.
Francisco?"
"Wala pa rin chief. Ang pwede ko lang ikaso sa suspect sa ngayon ay physical
assault at grave threat tungkol sa ginawa niya kay Sophia Vasquez dahil narinig ko
mismo at nakita nang malapitan ang mga nangyari."

"You mean you witnessed the whole thing?" gulat na tanong ni James.

Tumango si Alex.

"Kung ganun nakaharap mo na nang malapitan ang suspect, bakit hindi mo pa inaresto
at binitbit dito sa presinto nang sana na-interrogate na?" takang tanong ng hepe.

"Nakatakas," kaswal na sagot ng dalaga. "Mukhang hindi madaling mahuli ang taong
yun. Magaling. Sa tingin ko mahusay sa aksyon yun."

"Puwes kung ganun, mas galingan niyo rin dapat ang pagkilos! Valdemor binibigyan na
lamang tayo ng dalawang linggo para makapagpresent ng solid evidence to justify our
investigation. Kapag wala pa ring tayong maipakitang ebidensiya sa loob ng
itinakdang panahon na yan, we will be forced to rule out Ms. Francisco's case as a
suicide."
Mabilis na napalingon sa hepe ang babae. "Anong sabi niyo chief?"

"I said you have to come up with a positive result within two weeks dahil kung
hindi ay ipapatigil na sa atin ang imbestigasyon na ito. Actually, may gusto silang
ibigay na smuggling case kaya lang nakahold pa dahil nga hinahawakan pa ng team mo
ang suicide case na ito kaya bilis-bilisan mo ang pagkilos Valdemor!"

Natigilan si Alex. Hindi niya alam kung tututol o matutuwa siya sa narinig.
Matutuwa siya dahil wala na silang pag-aawayan ni Blake at wala na rin siyang balak
tumanggap pa ng panibagong kaso. Tumututol naman siya dahil sa maiksing panahong
ibinibigay na palugit sa kanila. Mabagal man ang takbo ng imbestigasyon pero
malakas ang kutob niyang may malaking pangyayari sa likod ng pagkamatay ni Grace.
At habang umuusad ang imbestigasyon mas lumalakas ang pagdududa niyang may
kaugnayan ang pagkamatay ng babae ito sa kaligtasan ng mga taong malalapit sa
kanya.

Anong gagawin niya? Hahayaan niya na lang ba na marule out na simpleng suicide nga
ang kaso o paninindigan niyang may mga taong nasa panganib sa likod ng suicide na
ito at kailangan niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang taong minsan
niya ring naging kaibigan.

"That's all for now," wika ng hepe at sabay tayo nito. " I expect a good result
from you Valdemor. And do it sa lalong madaling panahon," pahabol na paalala nito.

"Y-Yes chief," napipilitang sagot ng dalaga.


Naiwan sa meeting room sina Alex at James. Pinagmasdang maiigi ng binatang pulis
ang hitsura ng kasama na noon ay tulala pa rin at nag-iisip ng malalim.

"Tell me the truth. Alam na ba talaga ni Blake ang tungkol sa mga ginagawa mo?"

Tumango si Alex at napangiti ng matamlay. "Oo at sa totoo lang alam naman pala
talaga niya sa simula't sapul pa lamang."

"Then kung ganun naman pala bakit mukhang problemado ka pa rin? Since he was quiet
eventhough he knew it from the very start, ibig sabihin he accepted it."

"Sana nga ganun, kaso hindi eh. Pinag-awayan pa rin namin ito," malungkot at
mahinang pagkakasabi ng dalaga.

Binigyan ni James ng isang masiglang ngiti ang kausap. "Don't worry pasasaan ba't
maiintindihan ka rin niya. Blake loves you so much so I doubt na matitiis ka niya."

Sumagot si Alex ng isang malungkot na ngiti.


"I'll go back to my desk now," paalam ng lalaki.

"Sige sunod na rin ako."

"Cheer up! Hindi ka matitiis nun baka nga mamaya ay nandidiyan na yan sa labas para
sunduin ka," pahabol na wika ni James habang lumalabas ng pintuan.

"S-Salamat."

Nag-isip ng malalim si Alex nang mapag-isa. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga


habang seryosong nakatitig sa mesa. Ano na ang dapat niyang gawin? Mas mabuti bang
pabayaan niya na lang ang kaso ni Grace para sadyang ipatigil na ang imbestigasyon?
Makakaya ba ng konsensiya niya na gawin ito? Matatahimik na sila ni Blake ngunit
isang malaking kahihiyan naman sa trabaho at dignidad niya bilang pulis ang gagawin
niya.

Natigil siya sa pag-iisip nang makatanggap ng text sa telepono. Walang ganang


tiningnan niya ito. Agad siyang napatuwid ng upo nang makitang galing ito kay
Blake. Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Ang dati niyang nanamlay na pakiramdam
ay lalo pang nanlamig. Ang sakit na nararamdaman niya ay mas lalong nagpatong-
patong.
Nanginginig ang kamay na inilapag niya sa mesa ang cellphone.

'Let's not see each other for a while. I'm giving you time to think and decide.'...

******

Ganadong ganado sa pag-aalmusal si Alex. Walang humpay ito sa pagsubo at halos


kamayin na ang pagkain, kulang na nga lang ay magtaas pa siya ng isang paa.

"Ma, paabot nga ng tuyo."

Nakangiwing inabot ni Sylvia ang hinihingi ng anak. Kaya pala may naamoy siyang
mabaho sa kusina dahil nagpaluto ito ng tuyo.

"Ma, pahingi pang sinangag."

Inabot ulit ng ina ang kanin sa di na makapagsalitang maiging babae dahil punumpuno
ng pagkain ang bibig.
"Paabot na rin ng itlog...ah sabay niyo na pati yung bacon."

"Yaya Maring! Bigyan mo pa nga ng tubig itong si Alex!" sigaw ni Dennis sa


katulong.

"Ayoko, gusto ko ng kape at ihingi mo rin ako ng tinapay," kaswal na tugon ni Alex
nang hindi inaaalis ang konsentrasyon sa kanyang plato.

"Yaya Maring kape at tinapay na lang daw!" sigaw ulit ng kapatid.

Dumating ang kape at tinapay. Kinabig agad ang mga ito ni Alex. Dinampot niya ang
tinapay, hinati-hati at isinawsaw sa kape, saka isinubo lahat.

"Burrrp!" medyo may kalakasang dighay niya.

Nag-angat siya ng mukha at nahihiyang tiningnan ang mga kasalo sa mesa. "Sorry."

Ibabalik niya na sana ang mga mata sa kanyang pinggan ngunit natigilan siya nang
mapansin ang reaksiyon ng mga kasama sa mesa. Lahat ng mga ito ay tulalang
nakatitig sa kanya.

"B-Bakit may problema ba?" takang tanong niya .


Napansin niyang hindi pa ginagalaw ng mga ito ang kani-kanilang mga pagkain
samantalang siya ay kanina pa di magkandaugaga sa pagsubo.

"Bakit di pa kayo kumakain? Nababahuan ba kayo sa tuyong pinaluto ko? Amina ako na
lang ang uubos."

"Iha, binabantayan ka lang namin mukha kasing anumang minuto ay mabibilaukan ka at


kailangan ka naming agapan," paliwanag ng lolo.

"Alexandra, napanaginipan mo ba kagabi na nakatira ka sa isang squatter area?"


napapangangang sabi naman ng ina.

"Gusto mo bang sumama sa hospital baka kailangan mong magpa pregnancy test,"
komento ng nakatatandang kapatid.

"Alex ginutom ka ba ni Blake sa ilang linggo mong pag-stay sa kanila?" tanong ng


ama.

Ngumiti si Alex at sabay subo ulit ng pagkain. "Marami akong gagawin sa


headquarters ngayon, kailangan ko ng resistensiya," maksing paliwanag niya.

Nagdududang tiningnan ni Sylvia ang anak. "Oo nga pala ano bang pinagagawa mo
ngayon sa headquarters? Bakit sa tuwing tumatawag ako ang sagot sa akin lagi ay may
iniuutos sayo sa labas. Teka muna minamaltrato ka na ba ngayon sa presinto porke't
nasa opisina ka na lang?! Isa ka na lang bang utus-utusan ngayon?!"
Nasamid si Alex at bigla itong napainom ng tubig.

"B-Busy kasi kami. Maraming pinapatapos na reports sa taas kaya't marami akong
pinipick-up na mga importanteng files sa ibang mga presinto," di makatinging sagot
ng dalaga.

"Bakit liason officer ka na lang ba ngayon? Hon, kausapin mo nga yang kumpare mo
bakit mukhang inaalila na nila itong si Alex! "

"Ma, huwag na kayong makialam! Ipapahiya niyo na naman ako eh, sa tanda ko ng ito
manghihimasok pa rin kayo sa trabaho ko," reklamo ni Alex.

"Oo nga naman Mom. Ano bang mas gusto niyo ang gawin siyang utusan o ang gawing
isang magiting na panangga ulit sa mga kriminal," ngingiti-ngiting ika naman ni
Dennis.

"Heh! Pwede ba Dennis, huwag na huwag kang magbabanggit ulit ng ganyang bagay baka
dahil sa kakasabi mo ng ganyan ay biglang may pumasok na namang kabulastugan dito
sa utak ng kapatid mo!"

Napainom ulit ng tubig si Alex at pagkuwa'y tumingin siya sa kanyang lolo. Tahimik
na nag-usap ang kanilang mga mata at saka sabay na tumingin sa kani-kanilang mga
plato.

Tinitigan ulit ni Sylvia ang anak. Napansin niya ang walang kadating-dating na
pagkakaayos nito ng sarili. Nakasuot lamang ito ng puting plain t-shirt, hapit na
pantalong maong at rubber shoes.
"Bakit ganyan ang hitsura mo? Sobrang sama ba ng gising mo? Tingnan mo nga yang
mukha mo, ang putla-putla! Ni hindi ka man lang yata naglagay kahit konting pulbos.
Mag-ayos ka nga, ganyan ba ang hitsura ng mapapangasawa ng isang tagapagmana ng
Golden Pacific. Dapat kahit saan maganda at presentable ka, paano na lang kung
bigla-biglang may ipakilala sayo si Blake na big time na tao. Ano na lang ang
magiging impression nila sayo?"

Ibinaba ni Alex ang hawak na kutsara at nakasimangot na tiningnan ng masama ang


nagbubunganga na namang ina. "Alam niyo Ma, para na kayo yung napapanood ko sa
drama. Yung mga nanay na di makandaugaga sa panunulak sa mga babaeng anak nila sa
mayayamang lalaki. Bakit pakakasalan ko ba si Blake dahil sa pera niya?!"
nakasimangot niyang wika.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang ay isipin mo rin ang mukhang
ihaharap ni Blake sa mga kakilala niya!"

"Ngayon lang ito. Maglilinis kasi kami ng mga records sa opisina kaya marami kaming
ililipat na mga boxes. Alangan namang bihis na bihis ako habang nagbubuhat ng mga
kahon," biglang tamlay na sagot ni Alex sabay yuko ulit at subo.

"Speaking of Blake, ba't mukhang hindi ko yata nakikita yang boyfriend mo simula
nang bumalik ka dito sa bahay? Halos isang linggo ka ng naririto ah pero ba't hindi
ata napapadalaw. Susunduin ka ba niya ngayon?" pagtataka naman ng ama.

Muntik na uling masamid si Alex ngunit dali-dali siyang nagkunwaring masaya. "Busy
ho si Blake lately. Lagi kasing may out of town dahil nag-iinspect sa mga
provincial branches nila, kaya baka hindi niyo po muna siya makikita ng mga ilang
araw o linggo."

Nagdududang tumingin sa kanya ang ina. " Hindi kaya nag-away kayo?"
"Hindi ah! Ano naman ang pag-aawayan namin?" agad niyang depensa.

"Malay namin kung natauhan na si Blake. Nawala na ang helmet, nauntog at pagmulat
nakapagisip-isip," hirit ulit ni Dennis.

Inirapan ni Alex ang kapatid. "Teka nga muna, bakit ako na naman ang ginigisa dito?
Bakit hindi yang magaling na doktor na yan ang pag-usapan dito. Eh ikaw kelan ka ba
mag-aasawa? Tsaka bakit ni minsan hindi ka pa rin nagpapakilala ng babae sa amin?
Ma, dapat kay Dennis kayo mag-worry dahil yan ang totoong tumatanda na!"

"Aanhin mo yang kapatid mong yan eh lalaki naman yan. Tsaka sa propesyon niya
napakadaling maghanap ng matinong babaeng papatol sa kanya. Eh ikaw, diyos ko po
nakatisod ka na ng prinsipeng bulag sa katotohanan kaya siguraduhin mong hindi na
ito makakawala. Dapat nga bago yun pumunta sa amerika noon, pinikot mo na! Tingnan
mo tuloy ngayon na extend na ng naextend yang plano niyong pagpapakasal.
Kinakabahan tuloy ako."

Napapalunok na bumalik sa pagsubo ang dalaga at agad na iniwas ang mga mata sa ina.
"Kayo naman kung makapagsalita, para namang ang pangit ko at wala ng ibang
magkakamaling pumatol sa akin." mahinang sabi nito.

"Hindi ko sinasabing pangit ka ang problema sayo ay ang direksiyon ng takbo ng utak
mo na pakiramdam ko ay maaring pumalya na naman anumang oras. Hindi ako kinakabahan
kay Blake eh, mas kinakabahan ako sayo!"

Nawalan ng gana si Alex dahil sa itinatakbo ng kanilang pag-uusap. Pakiramdam niya


na sa mesang iyon pa lamang ay mabubuko na ang pagsisinungaling niya. Napakatalas
talaga ng pang-amoy ng nanay niya.
Binitawan niya ang kutsara't tinidor, uminom ng tubig, nagpahid ng tissue at saka
tumayo. Humalik siya sa pisngi ng lolo't mga magulang.

"Oh saan ka na pupunta? Huwag mong sasabihing papasok ka na, masyado pang maaga,"
takang wika ng ina.

"Maaga naming sisimulan ang paglilinis para matapos namin ng maghapon. Sige ho."

"Umiiwas ka naman yata eh. Ganyan ka lagi pag pinag-uusapan na ang tungkol sa
sitwasyon niyo ni Blake, lagi ka na lang nagkakaroon ng ibang gagawin," pahabol na
wika ng ginang.

Naglakad papalabas ng bahay si Alex na tila hindi na narinig ang huling sinabi ng
ina. Pagkalabas na pagkalabas niya ng pinto ay agad niyang itinaktak ang tenga.

"Haist ang aga-aga na namang sermonan."

Tumingala siya sa langit at bumuntong-hininga. Ngumiti siya at nakapikit na


lumanghap ng malamig na simoy ng hangin sa umaga. Tapos na ang ilang araw ng
pagmumukmok niya. Nahihirapan pa rin siya sa paghanap ng tamang solusyon sa
problema nila ni Blake. Ngunit habang hindi pa siya nakakapagdesisyon, nanamnamin
niya muna ang pansamantalang kalayaan. Sasamantalahin niyang i-enjoy ang sandaling
ito para kung saka-sakali mang araw o linggo na lamang ang ibibilang ng kasong
hawak niya at least naranasan niya uling gawin ang gusto niya na walang
pinagtataguan at walang kinatatakutang may makakahuli sa kanya. Sa loob ng maiksing
panahon, ibabalik niya ang totoong dating Alex.

Naglakad siya patungo sa hardin at doon ay namitas ng mga bulaklak ng orchids. Nang
makaipon ng isang bungkos, saka siya sumakay sa kanyang kotse...

-----

Seryosong tinatanaw ni Blake ang lumalabas ng gate na sasakyan ni Alex. Limang araw
na ang nakalipas simula nang binigyan niya ito ng panahong magdesisyon. Gustung-
gusto niya ng makipag-ayos dito. Miss na miss niya na ang babae at nahihirapan na
siya sa ilang araw na hindi ito nakakasama o nakakausap man lamang. Kaya para
mabawasan ang lungkot na nararamdaman, palihim niya na lang itong pinupuntahan
upang makita kahit isang beses man lamang sa loob ng isang araw. Tahimik niya itong
pinagmamasdan mula sa kanyang sasakyan kapag lumalabas ito ng headquarters,
dumarating sa bahay sa gabi o di kaya'y pag-umaalis ng bahay sa umaga.

Hirap na hirap na siya sa kanilang sitwasyon ngunit kailangan niyang tiisin ang
lahat. Paninindigan niya ang kanyang desisyon na kailangan nitong mamili. Naranasan
niya na ang mabuhay at lumaki sa lungkot dahil sa pagkawala ng kanyang mga
magulang. Ngayon hindi niya hahayaang mawala din sa kanya ang isa pang taong
pinakamamahal niya. Hindi niya alam kung kakayanin niya pa ang sakit at lungkot
kapag may masamang nangyari kay Alex. Hindi siya galit sa trabaho nito, galit siya
sa panganib na ibinibigay nito. Selos na selos siya sa trabaho nito dahil alam
niyang ito lang ang maaring makaagaw sa kanya sa dalaga.

Malaki na ang naging trauma niya dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang mga
magulang. Pinilit niyang intindihin at tanggapin ulit ang kagustuhan ni Alex na
bumalik sa dati nitong ginagawa ngunit hindi niya kaya. Hindi niya kayang mabuhay
sa araw-araw na pangamba na anumang oras ay maaring may masamang mangyari dito.
Nitong mga huling araw ay paulit-ulit na bumabalik at dinadalaw siya kahit sa
panaginip ng alaala ng pagkakabaril nito. Nanariwa ulit ang pakiramdam niya habang
nakikita itong duguan, walang malay at nag-aagaw buhay. Masisiraan siya ng ulo
kapag nangyari ulit iyon sa babae.

Subalit habang dumadaan ang araw na palihim niya itong pinagmamasdan, nadadagdagan
ang naghahalong kaba at hinanakit niya sa girlfriend. Tila hindi niya man lang ito
nakikitaan ng lungkot o tamlay, sa halip ay parang naging ganado pa ito sa trabaho.
Mas mabigat ba ang pagpapahalaga niya sa babae kumpara sa pagpapahalaga nito sa
kanya?
Nang mawala sa mga paningin niya ang sasakyan ni Alex, saka lamang siya umalis para
pumasok na rin ng opisina. Pagdating niya sa lobby ng Golden Pacific nakita niya
doon si Debbie. Agad itong nagtangkang umiwas pagkakita sa kanya subalit mabilis
niya itong sinundan. Simula nang mangyari ang gabing nagkaproblema sila nina Alex,
hindi na ito nagpakita o nagparamdam sa kanya.

"Debbie!" tawag niya.

Huminto ang babae at napipilitang lumingon sa kanya. "Oh hi Blake!" kunwa'y


masayang tugon nito nang may nagkukunwaring ngiti.

Lumapit siya dito nang may seryosong mukha. "Can we talk?"

Hindi agad nakasagot ang babae, ilang saglit muna itong nagdalawang-isip. "S-Sure."

Pumunta sila sa pinakamataas na siya ring pinakatahimik na palapag sa buong gusali.


Seryoso silang nag-usap habang parehong nakatayo at nakaharap sa salaming dingding
kung saan kita ang buong tanawing nakapaligid sa Golden Pacific.

"I'm sorry about what happened last time. I'm the one who's at fault. I should have
not dragged you in my problem," seryosong sabi ni Blake habang nakatanaw sa malayo.

Napapalunok na ngumiti si Debbie. Kita sa bibig nito na nahihirapan itong


magsalita.
"I-It's okay. I understand that you were not on your right mind that night. I
should have stopped you in the first place," mahinang sagot ng babae.

"No. Malaki pa rin ang kasalanan ko sayo. I know I was drunk but it wasn't an
excuse para gawin ko sayo yun. I was disrespectful to a good friend that's why I
deserve a punishment. Naiintindihan ko kung ayaw mo na akong makita o makausap.
Naglakas loob lang akong hingin ang pagkakataong ito ngayon na makausap ka to say
sorry," malungkot na paliwanag ng lalaki.

Unti-unting nangilid ang mga luha ni Debbie. Palihim siyang napapikit at napakagat
sa labi. Hinihiwa sa sakit ang kanyang dibdib sa harap-harapang pag-amin sa kanya
ng binata na pagkakamali lang ang ginawa nito sa kanya. Alam naman niyang
napakahirap kalaban ni Alex sa puso nito subalit napakasakit pa rin na marinig mula
mismo sa bibig ng lalaki, na sa kabila ng mga nangyari wala man lamang siyang
maramdaman na kahit konti ay may lugar siya sa puso nito. Mali man ang hinahangad
niya ngunit wala siyang magawa dahil ito ang sinisigaw ng kanyang dibdib.

"D-Debbie," nag-aalalang sambit ni Blake nang mapansin ang naluluhang hitsura ng


kausap. "Are you crying? G-Ganyan ka ba kagalit sa akin? If you want, you can slap
me right now. I'm ready to accept it, mailabas mo lang ang sama ng loob mo."

Tumingala si Debbie at kumurap ng ilang beses upang huwag matuloy ang mga
nangingilid niyang luha. Pagkuwa'y ngumiti ulit siya at tumingin sa kausap. Kung
sana ay pwede niya ring sabihin ditong wala itong nagawang pagkakamali. Na may
kasalanan din siya dahil ginusto niya rin ang nangyari. Nasasaktan man siya ngunit
ayaw niyang mahirapan ang binata ng dahil sa kanya kaya't kailangan niyang
magkunwaring balewala lang ang lahat.

"Don't worry. This is not anger. Hindi ako galit sayo, nalulungkot lang ako na baka
dahil sa akin ay nag-away kayo ni Alex. I don't want that to happen. Ayokong
masaktan ka because of me."
"Alex and I have a problem right now and we're still working on it. But don't ever
think na it's because of you. Isa ka lang sa mga nadamay dahil sa problema namin."

"W-What happened that night? Did she really misunderstand that we're planning to
stay in a hotel together?" pag-ungkat ng dalaga sa nangyari.

Ngumiti ng matamlay si Blake at tumango. Hindi niya masabi sa babae na hindi lang
iyon ang nakita ni Alex, na pati ang nangyaring halikan ay nakita nito kaya hindi
lamang simpleng misunderstanding ang dahilan ng ikinagalit nito. "Yeah, I wish you
listened when I said na ikaw muna ang ihahatid namin pauwi. Sana hindi ka namis-
interpret ni Alex. But don't worry I already explain to her my real purpose kung
bakit ako magii-stay sa hotel that night."

"You're drunk so I couldn't leave you alone unless I saw that your condition is
okay," katwiran ni Debbie. "B-But anyway did she beat you? I saw how angry she was
and it was scary."

Natawa ng mahina si Blake. "Thanks God she didn't because if she did baka nasa
hospital pa ako ngayon."

Napatawa na rin si Debbie. "Somehow I notice that although she's a fighter she
still have a very strong self-control. Natakot nga rin ako na baka isa ako sa mga
ibalibag niya," biro pa niya.
Nagkatawanan silang dalawa hanggang sa magkatinginan. Unti-unting nagseryoso ang
mukha ni Blake habang nakatingin sa mga mata ng kausap.

"A-Are we still friends? I know what I did is unforgivable pero I'm still hoping
that the friendship we had for a longtime won't end because of my one stupid
mistake."

Bumuntong-hininga si Debbie. Gumanti ng seryosong tingin sa lalaki at pilit na


nagbitiw ng masayang ngiti. Hindi niya ginustong mahulog ang loob niya sa binata.
Masakit man ay titiisin niya na hanggang pagkakaibigan lamang ang maaaring ibigay
nito sa kanya. Dahil kahit papaano ito lamang ang paraan para manatili siya sa tabi
nito.

"Oo naman. We're adults and we're both living in a one wide modern world. Ano ba
naman yang halik na yan, isipin na lang natin naglaro lang tayo ng truth or dare.
Madalas nilalaro yan ng magkakaibigan di ba? At least we experienced that silly
game in our own way!"

Gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi ni Blake habang hindi maitago sa mga mata
nito ang saya dahil sa sagot ng babae. "Thank you, Debbie. I thought I'm going to
lose you too while I'm having a hard time with Alex."

"Let's go back to our work now Blake. Alam ko marami ka pang gagawin. Let's not
talk about it anymore and let's just pretend it never happened. Starting today,
ibalik natin sa normal ang ating pagkakaibigan."....

------

Inilapag ni Alex ang mga pinitas na bulaklak sa kanilang hardin sa harap ng isang
nitso. Inilagay niya ito sa flower vase na may lamang tubig kaya't kahit dumaan na
ang maghapon ay sariwa pa rin ang mga ito. Naupo siya sa tabi ng nitso, huminga ng
malalim at tumingin sa buong paligid ng tahimik na cemetery park.

"Pasensiya ka na Grace ngayon lang ako nakabisita sayo. Siguro nalulungkot ka kasi
walang gaanong nakakadalaw sayo dahil lahat ng kamag-anak mo nasa probinsiya.
Natagalan kasi ang pagkaka-autopsy sayo kaya siguro dito ka na nila ipinalibing..."

"Oo nga pala, pasensiya ka na kung hanggang ngayon ay wala pa ring nagiging resulta
sa kaso mo. Naguguluhan na nga ako Grace kung tama pa ba itong ginagawa ko," natawa
siya ng mahina nang may lungkot sa mga mata. "Ikaw naman kasi nagpaparamdam ka lang
pag may problema kang ibibigay kay Blake pagkatapos bigla ka na lang nawawala.
Bakit kasi hindi ka na lang nagtapat sa kanya ng totoo mong nararamdaman? Hindi
naman sa nagyayabang ako, oo alam kong mahirap na mahalin ka niya dahil ako ang
mahal niya pero sana ipinagtapat mo na lang sa kanya ang totoo mong nararamdaman.
Tiyak na iba pa rin ang epekto nito sa sarili mo kaysa sa kinimkim mo ang lahat
dyan sa dibdib mo. Ang hirap niyan eh, bakit hinayaan mo pang umabot ka sa ganito?
Alam kong hindi ka masamang tao, siguro takot ka lang magpakatotoo sa sarili
mo...."

"Grace gustung-gusto kong malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay mo, pero
ngayon pa lang manghihingi na ako ng sorry kung saka-sakaling hindi ko matapos ang
kasong ito. May tao kasing nasasaktan dahil dito at ang taong iyon ay mahalaga din
sayo. Siguro katulad ko ayaw mo rin itong nakikitang nasasaktan. Hindi ko na yata
kayang i-extend ang paghihirap niya kaya kung hindi ko man matapos ang kasong ito
nang dahil sa kanya, humihingi ako ng tawad bilang pulis at kaibigan..."
Unti-unting nangilid ang kanyang mga luha. "Siguro nga dapat ko nang igive-up ang
pagpupulis dahil parang hindi na rin naman magiging kagaya ng dati ang lahat. Hindi
ko na yata kayang gampanan ang trabaho ko tulad ng dati. Siguro nga kailangan ko
nang mamili... pero naguguluhan pa rin ako eh. Minsan pakiramdam ko tama ako, pero
pag naiisip ko namang nasasaktan si Blake pakiramdam ko maling-mali ako. Hindi ko
na alam ang gagawin kong desisyon."

Kinusot niya ang naluluhang mga mata at matamlay na ngumiti sa kinakausap na


puntod.

"Sorry ha, naiingayan ka ba sa akin? Wala kasi akong makausap ngayon na makikinig
lang sa akin. Yan lang kasi muna ang kailangan ko sa ngayon para makapagisip-isip
ng mabuti na wala gaanong bagahe sa dibdib," Bumuntong-hininga siya at humaplos sa
puntod. "Grace tulungan mo ako pero hindi ko sinasabing multuhin mo ako ah,"
natatawang sabi niya. "Mahigit isang linggo na lang ang natitirang panahong
ibinigay sa akin para sa kasong ito. Sa loob ng panahong iyan pwede ka bang
magbigay ng sign na dapat kong ipaglaban ang kaso mo. Na tama ang kutob kong
kasabay ng pagbibigay ng katarungan sa pagkamatay mo ay ang pagligtas ko kay Blake
sa kapahamakan...."

"At kung magtuluy-tuloy man ako sa kasong ito tulungan mo rin ako na sana
maintindihan at matutunan niya nang tanggapin kung ano ang katotohanan sa trabaho
ko. Na masaya ako dito at lumaki akong ang pangarap lamang na makatulong sa tao ang
naririto sa puso ko. Alam mo kasi akala ko nagbago na ako. Akala ko dahil
nagmamahal na ako ay nag-iba na ang pagkatao ko. Pero nitong mga huling araw,
narealize kong hindi naman pala ako nagbago. At wala naman pala akong dapat baguhin
dahil wala namang mali sa kung ano ako dati. Siguro ibinibigay lang sa amin ngayon
ng Diyos ang sitwasyong ito para ipaunawang kailangan din naming intindihin at
kilalanin ang kung ano ang totoong nakakapagpasaya sa amin maliban sa pagmamahalan
namin sa isa't isa. Na ang totoo ay mayroon kaming magkaibang mundo na kung hindi
man namin kayang pag-isahin ay dapat naming tanggapin..."

Natigilan siya sa pagsasalita nang mapansing bukod sa dala niyang bulaklak ay may
isa pa palang bungkos ng mga bulaklak na naroroon at hindi pa ito gaanong
nalalanta.
"Huh? May dumadalaw din naman pala sayo. Ah siguro ito yung kaibigan mong ipinakita
sa akin ni Hazel sa litrato. Kung ganun dito ko na rin pala siya maaring
makita...."

Naputol ang kanyang sinasabi nang tumunog ang kanyang telepono. Si Hazel,
tumatawag.

"Grace, binibigyan mo na ba kaagad ako ng sign. Bakit mukhang nagpaparamdam bigla


sa akin ang mga kaibigan mo?" namimilog ang mga matang sabi niya bago sagutin ang
telepono.

"Hello Grace este Hazel."

"Ma'am Alex!"

"O bakit? Ba't ganyan ang tono ng boses mo para kang natataranta?"

"Eh kasi Ma'am ano?A-Ano eh..."

"Anong ano?"
"A-Ano eh...ang hirap sabihin eh!"

"Importante ba yang sasabihin mo?"

"S-Sa palagay ko po napakaimportante."

Tumingin muna siya sa relos. Oras na ng labasan ng trabaho.

"Mas mabuti bang pag-usapan ng personal?" tanong niya.

"Oho sa tingin ko po mas masasabi ko ng maayos sayo sa personal. N-Nasan ho ba


kayo? Pwede ba akong makipagkita sa inyo?"

Napatingin siya sa puntod ni Grace. "May dinalaw lang akong kaibigan. Pero paalis
na rin ako. Nasa opisina ka pa ba?"

"Oho."

"Sige puntahan kita diyan. Hintayin mo na lang ako sa lobby."


"Naku! Huwag ho sa ibang lu-..."

Ibinaba niya ang telepono sa pagmamadali nang hindi napansing may sinasabi pa ang
kausap. Bigla siyang nakaramdam ng excitement nang sa wakas ay may dahilan siya sa
sarili para pumunta ng Golden Pacific. Gustung-gusto niya ng makita si Blake at
sana matiyempuhan niya ito sa paglabas o kahit matanaw man lang mula sa kanyang
sasakyan.

Sa loob lamang ng tatlumpong minuto ay narating niya ang kumpanya ng binata. Ilang
sandali muna siyang nag-isip sa loob ng sasakyan kung papasok ba siya sa lobby o
palalabasin na lamang si Hazel.

Bumuga siya ng isang malakas na hinga para humugot ng lakas ng loob.

Bahala na...

Lumabas siya ng kotse at pumasok sa loob ng building. Binati ulit siya ng mga
gwardiya.

"Mukhang ngayon lang ulit kayo napasyal dito ma'am ah," sabi ng isang gwardya.

"Ah oo, busy rin kasi ako," nakangiting sagot niya.


Nagtuluy-tuloy siya sa lobby at doon ay inikot niya ang mga paningin. Hindi si
Hazel ang una niyang hinanap kundi ang lalaking gusto niyang masilayan ang mukha ng
kahit sandali. Ngunit sa laki ng building na yun at sa dami ng mga naglalabas-masok
na mga empleyado, mukhang mahirap mangyari ang iniisip niya.

Tinawagan niya na lamang ang empleyadang kakatagpuin. Habang hinihintay niyang


sagutin nito ang telepono, napansin niyang maya't mayang napapatingin sa kanya ang
ibang dumadaang mga empleyado at nagbubulungan ang mga ito. Nagtataka siya kung
bakit tila walang gaanong bumabati sa kanya sa halip karamihan sa mga ito ay
napapatingin lamang sa kanya mula ulo hanggang paa. Dahil ba ito sa simple at
rugged na hitsura niya?

"Hello Ma'am Alex!"

"Oh Hazel andito na ako sa lobby. Nasaan ka na?"

"Hoooo?! Bakit nandiyan kayo?!Di ba nagtext ako na magkita na lang tayo sa coffee
shop malapit dito?"

Natanggap niya ang text pero hindi niya sinunod dahil sa kagustuhan niyang makita
si Blake.

"H-Hindi ko napansin," pagsisinungaling niya. "Nasaan ka na ba?"

"Andito pa ho ako sa floor namin. Sige ho bababa na ako diyan, ngayon din! Ma'am
Alex umalis na ho kayo diyan, hintayin niyo na lang ako sa kotse niyo!"
natatarantang sabi ng empleyada.
"O-Okay," naguguluhang sagot niya dahil sa kakaibang tono ng kausap.

Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Babalik na siya ng sasakyan dahil
pakiramdam niya ay nagmumukha lang siyang kawawa doon na pinagtitinginan ng marami
habang umaasang makikita ang taong ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa kanya.

"Ms. Alex Valdemor."

Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan. Si Mr. Garcia, ang tatay ni Tyron.
Yumukod siya bilang bati dito.

"Hi po."

Ngingisi-ngisi itong lumapit sa kanya at tiningnan siya nito mula taas hanggang
baba na para bang minamaliit na naman siya dahil sa kanyang simpleng kasuotan.

"Wow, Officer Valdemor now I believe that you're really one brave woman! I didn't
expect to see you here inspite of what's going on right now."

"Ho? Anong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong niya.

"Never mind."
"MA'AM ALEX!" sigaw ni Hazel pagkalabas na pagkalabas nito sa elevator.

Lumapit ito sa kanya. Binati muna nito ang kausap niyang direktor pagkatapos ay
humawak ito sa kanyang braso at tinangka siyang hilahin papalabas.

Hindi siya nagpadala sa hila ng babae. Tiningnan niya lamang ang mukha ng matandang
lalaki. Alam niyang may ibig sabihin ang sinabi nito kaya gusto niyang malaman.

"Tara na ho," pabulong na yaya sa kanya ni Hazel.

"Sandali lang kausap ko pa si Mr. Garcia."

Ibubuka niya na sana ang bibig ngunit biglang napatingin siya sa elevator.
Lumalabas dito si Blake. Lumundag ang puso niya ng ilang sandali pagkakita sa mukha
ng binata ngunit agad din naman itong tila binuhusan ng malamig na tubig nang
makitang kasunod nito sa paglabas si Debbie.

Napatingin din si Mr. Garcia sa direksiyon ng elevator at bahagyang napangisi ito


sa nakita. Tumingin ulit ito sa kanya ng makahulugan.

"I'll go ahead. Nice meeting you again, Officer Valdemor," ngingiti-ngiting sabi
nito at saka nagtuluy-tuloy ng lakad papalabas.

Napalingon ulit siya kay Blake at Debbie na noon ay magkatabing nakatayo habang
hindi makapaniwalang naroroon siya.

"A-Alex?" gulat na gulat na sambit ni Blake.

"Ma'am tara na sabi!" pangungulit ni Hazel habang hindi pa rin tumitigil sa paghila
sa braso niya.

Hindi pa rin siya gumagalaw. Nanatiling nakatingin lamang siya kina Blake at Debbie
habang ramdam ang bumabaong kirot sa kanyang dibdib. Nagbalik sa alaala niya ang
nakitang paghahalikan ng dalawa at ang sinabi ng lalaki na maaring nahuhulog na ang
loob nito sa babaeng kaibigan.

Kaya ba siya binibigyan nito ng panahong mag-isip para bigyan din ang sarili ng
panahon kay Debbie? Bakit sa kabila ng lahat ay nagagawa pa rin ng mga itong
magsama na para bang normal lang ang lahat at hindi sila nakapanakit ng iba?

Natauhan sa pansamantalang pagkakatulala si Blake at nakita niyang hahakbang ito


papalapit sa kanya. Saka niya lamang tiningnan ang kanina pang nangungulit na
kasama. Ngumiti siya at nagkunwaring tila hindi apektado sa pagkikita nila ng
lalaki.

"Tara na," mismong yaya niya kay Hazel bago pa man makalapit sa kanila ang binata.

Dali-dali siyang tumalikod. Mahinahon ngunit malalaki ang hakbang na naglakad siya
papalabas ng lobby.
"Alex wait!" dinig niyang tawag sa kanya ni Blake.

Hindi siya lumingon sa halip ay mas binilisan pa niya ang paglalakad. Pumasok siya
sa sasakyan at nagmamadali ring sumakay dito si Hazel. Pinaharurot niya ang kotse
ngunit palihim niya ring tiningnan si Blake sa side mirror. Nakatayo ito sa labas
ng building habang nakatingin sa papalayo nilang sasakyan.

"Ma'am Alex, okay lang ba kayo?"hinihingal at nag-aalalang sabi ni Hazel.

Nagtaka siya sa reaksiyon ng kasama. Bakit tila kanina pa nito alam na may problema
sila ng boyfriend.

"Ano ba ang nangyayari? Bakit parang kanina ka pa natataranta?" kunwa'y mahinahon


at nakangiting tanong niya.

"Eh yun na nga ang importanteng sasabihin ko sa inyo eh. Yung tungkol sa inyo ni
Sir Blake..."
"Tungkol sa amin ni Blake?"

"Oo at saka tungkol kay Ma'am Debbie!"

Bigla siyang napapreno at napatingin ng seryoso sa kausap. "T-Tungkol kay Debbie?"

Tumango si Hazel at napayuko ito.

"Ano yung sasabihin mo tungkol sa kanila?" kabado at di makapaghintay na tanong


niya.

Tahimik na dumukot ang empleyada sa bag at iniabot nito sa kanya ang nakatuping
isang bond paper size na papel. Kinuha niya ito at binuklat. Nanlaki ang mga mata
niya sa nakita. Pinagsama-sama itong kuha ng nasaksihan niyang mainit na halikan
nina Blake at Debbie. Iba't ibang anggulo ang kuha. Pati pagpasok at paglabas ng
mga ito sa bar ay may litrato din.

Itinabi niya ang sasakyan at nanlalaki ang mga matang tumingin siya kay Hazel.

"Saan ito galing?"


"N-Nakuha ko sa internet. K-Kalat na kalat yan sa opisina ngayon."

Mas lalong bumilis ang kaba sa kanyang dibdib.

"P-Papaano nagkaroon ng ganitong mga pictures sa internet?!"

"S-Sabi nila may nakakita yatang taga Golden Pacific sa nangyari at siya rin yung
kumuha ng mga litrato."

"Kelan pa ito lumabas?"

"N-Ngayong hapon lang ho."

Napaisip siya. Kaya ba ganun na lang kung makatingin sa kanya ang mga empleyado at
kaya rin ba ganun na lang kung magsalita si Mr. Garcia dahil nakita na rin nito ang
mga litrato? Si Blake, alam na rin ba ito ng lalaki?
"Alam na ba ito ni Sir Blake mo?"

"M-Mukhang hindi pa ho ata kasi nung napadaan siya kanina sa department namin
parang kalmado lang naman siya. Mukhang sa aming mga mababang empleyado lang naman
ata kumalat ang pictures na ito para may mapagtsismisan."

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Tsismis? Anong tsismis ang pinagsasabi mo?"

"N-Na pinagtataksilan kayo ni Sir Blake," napapayukong sagot ni Hazel nang hindi
makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Iba-iba nga po ang naging reaksiyon.
Marami ang nadisappoint kay Sir Blake pero mas maraming nagalit kay Ma'am Debbie.
May mga naawa sa inyo pero meron din hong mga natuwa dahil hindi naman daw talaga
kayo bagay."

Nanghihinang napasandal siya sa upuan at napapikit. Bakit may dumagdag pang


ganitong problema?
"M-Ma'am Alex..."

"Uhm...." nakapikit na tugon niya.

"Ba't ganyan ang reaction niyo. Parang hindi man lang kayo nagalit o nasaktan
pagkakita niyo sa mga pictures?"

Biglang nawalang ng lugar ang selos sa dibdib niya. Ang nangingibabaw sa kanya sa
mga sandaling iyon ay ang pag-aalala kay Blake. Ano na lamang ang magiging tingin
ng mga tao sa lalaki? Tiyak na masisira ang imahe nito sa kumpanya at
pagpipiyestahan ito ng mga taong gustong magpabagsak sa binata.

Nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa kausap. "Wala naman akong karapatang
magalit o masaktan."

"A-Anong ibig niyong sabihin?"

"H-Hindi nagtaksil sa akin si Blake..."


"Hoo?! P-Pero ano tong mga nasa pictures."

"M-May karapatan na siyang makipag-date o makipagrelasyon sa sinumang babae...dahil


ilang linggo na kaming hiwalay. K-Kaya hindi siya nagtaksil at lalong hindi niya
ako niloko," pagsisinungaling niya ng may mapait na ngiti para lamang mapagtakpan
ang pagkakamaling nagawa ng binata....

*****

"WHAT THE HELL IS GOING ON HERE BLAKE!" namumula sa galit na sigaw ni Don Henry
habang kinakausap ang apo sa kanyang personal office sa bahay.

"I'm sorry, I didn't expect things to turn out this way," mahinang sagot ng binata.

Maamong nakaupo lamang sa harap ng mesa ni Don Henry si Blake samantalang ang
matandang lalaki naman ay hindi mapakali sa pagpaparoo't parito sa loob ng opisina.

"Nawala lang ako ng isang buwan tapos ganito na ang maabutan ko? A complete mess!
Ano bang pumasok dyan sa kukote mo para gawin ang kalokohang ito?"

"I don't have an excuse for my actions. I admit my stupidity," mapagkumbabang wika
ulit ni Blake.
"Blake do you have any idea if what's going on right now because of your
controversy? Some of the directors are having a backdoor meeting to deny your
appointment as a CEO. They are also recruiting directors from our side and they are
using your personal issue to stain your credibility and degrade your name. At alam
mo kung ano ang mas masamang nangyayari? They are starting to make a background
check of the woman you're engage with. And they are pointing out Alex as your
liability."

Nagpormal ng mukha ang binata matapos marinig ang pangalan ng girlfriend. "Paano
naman ho nakaladkad si Alex dito? And why is she my liability? I'm the one who's
making the mess here and not Alex."

"Of course they can drag her! Ang mga ganid na taong kagaya nila ay may kakayahang
kumalkal ng lahat ng kaliit-liitang baho ng isang taong gusto nilang pabagsakin.
Didn't you realize why we are keeping your personal life very private and low
profile? Because you're engage to a woman whom you're not supposed to get engage
with. In a business world, Alex is your liability and that's a fact!"

"L-Lolo how can you say things like that about Alex?" hirap maniwalang sambit ni
Blake.

"I like Alex as much as you love her... but I'm a businessman Blake and I'm not
blind to the reality of the situation of your relationship. I warned you to keep it
guarded bago pa man ito masilip ng mga board of directors."

Tumigas ang mukha ni Blake. " Why would I care sa kung ano ang opinyon ng board sa
babaeng pakakasalan ko?"

"You should care and you should know it best! Anong klaseng pag-aaral ang ginawa mo
sa Amerika kung ang simpleng business insight na ito ay hindi mo makuha? You are
soon to be the face of a multi-million dollar oil company. A bachelor like you
should have a woman who can help you in the business or a woman who has grace,
background and face to lure investors and business associates. Don't you understand
why big businessmen's children were mostly engaged into arranged marriage? Dahil
mas nauuna sa kanila ang negosyo kaysa sa personal nilang buhay!"

Muling naglaho ang pagmamatigas sa hitsura ni Blake at napayuko ito habang dahan-
dahang naiintindihan ang tinutumbok ng kanyang lolo.

"Binalewala ko ang prinsipyong iyan dahil importante sa akin ang kaligayahan mo.
Pinagbigyan ko ang kung ano ang gusto ng puso mo. I ignored all my business
partners who tried to push their daughters for you. Marami akong nasirang mga
transactions dahil tinanggihan ko ang kagustuhan nilang ipakilala kita sa kanilang
mga anak. I endure all of these....dahil mas binigyan ko ng pagpapahalaga kung saan
ka magiging masaya. But what have you done?! WHAT HAVE YOU DONE?! YOU DISGRACE NOT
JUST YOURSELF BUT ALSO THE FACE OF THE WOMAN YOU LOVE! YAN BA ANG TINATAWAG MONG
PAGMAMAHAL?!"

Napapalunok habang nanatiling nakayuko si Blake. Noon niya lamang nakitang ganoon
kagalit ang kanyang lolo. "Hindi ko sinasadyang mangyari to at alam kong kasalanan
ko ang lahat. Tatanggapin ko anuman ang magiging desisyon niyo sa akin pagdating sa
kumpanya."

"You have to be responsible for the consequence of your action. You're an adult now
so I won't cuddle you anymore. Binigyan na kita ng pagkakataong sundin ang puso mo
but you screwed it up. And this time, you have no choice but to sacrifice Alex for
the meantime."

Napaangat ng ulo ang binata at kinakabahan itong tumingin kay Don Henry. "W-What
sacrifice are you talking about?"

"I'm going to call for a board meeting this week to clear your name. You and Debbie
will be there. We will apologize for the whole situation. I will introduce the two
of you as a couple. Ipapaliwanag natin sa kanilang hiwalay na kayo ni Alex nang
mangyari ang kung anumang nangyari sa inyo ni Debbie. Hindi ka nagloko at wala kang
reputasyong sinisira, what was shown in the picture is nothing but a mere
expression of feelings of a new couple. You and Debbie will pretend to be in a
relationship habang hindi natatapos ang botohan ng pagiging CEO mo," dire-diretsong
sabi ng matanda.

"No! I can't do that!" malakas na tutol ni Blake.

"I told you you don't have a choice!" galit na tugon ni Don Henry.

"I can't do that to Alex. Ako ang may kasalanan dito! Bakit siya ang kailangan kong
isakripisyo?! I'm the one who made a mistake kaya't huwag mo siyang isama sa
parurusahan mo!"

"PAREHO KAYONG MAY KASALANAN!" sigaw ulit ng matandang lalaki.

"L-Lolo?"

Pomormal ng hitsura si Don Henry at humugot muna ng isang malalim na buntong-


hininga. "Alex talked to me. Sinabi niyang kasalanan niya ang lahat dahil
nagdesisyon siyang bumalik sa dati niyang tungkulin. That she broke up with you
because of that. Sinabi niya rin sa aking hiwalay na kayo nang mangyari ang kung
anuman ang nasa kumakalat na litrato."

"She's lying! And you believe her?! Sa tingin niyo maghihiwalay kami ng ganun-ganun
na lang? Ako ang may kasalanan! I kissed Debbie because I was drunk at dahil galit
ako kay Alex. Hindi kami hiwalay that time! We're not breaking up and that's not
gonna happen! Maybe she told you that just to protect me! But what she said were
all lies. This is all my fault!" nanlalaki ang mga matang paliwanag ni Blake.
"So it only means that even Alex understand that that is the only way to protect
you! To pretend that you broke up!...I am very disappointed to you Blake. You can't
even handle your own woman. How can you allow her to handle risky jobs again?
Ganito ba ang preparasyon sa kasal na sinasabi ninyo!"

"I told you I don't have an excuse. It just happened one night and then everything
got overblown! Parusahan niyo na ako ng kahit ano, huwag lang ganito. Hindi ko na
kaya pang dagdagan ang komplikadong sitwasyong nangyayari sa aming dalawa ngayon ni
Alex. Not Alex Lolo, I can't hurt her anymore!" pakiusap ng binata na may halong
pagrerebelde.

"So are you going to give up the company? Itatapon mo na lang ba ang pinaghirapan
ng Lolo mo buong buhay niya? Are you ready to give up your future at ang
kinabukasan ng mga magiging anak mo?"

"All I'm saying is hindi ko kayang magsinungaling na hiwalay na kami ni Alex at ni


sa pagkukunwari ay ayokong isiping mangyayari ito. But It doesn't mean I'm giving
up the company, lolo. Can't we think of another solution? You're the chairman,
don't you a have power over this?" nagkukumbinsing wika ni Blake.

"This is the best that I can do to you! To clear your names from my own mouth dahil
yan ang pinakakapangyarihan ko bilang chairman. Everyone respect and believe my
words but I can't do it without a proof. Hindi ko kayang labanan ang ebidensiyang
kumakalat laban sayo. So you and Debbie has to admit in front of everybody that
there were no cheating done at legal ang inyong relasyon."

"I can't do that! That's the dumbest solution I've ever heard! What will happen to
Alex? " pagmamatigas ng binata.

"That's the only solution Blake! Sa tingin mo ba ay may panahon pa akong mag-isip
ng walang kuwentang bagay? Kapag ang Golden Pacific na ang nakasalalay, I become a
different person."
Naupo sa kanyang mesa ang matanda at unti-unti itong huminahon subalit nanatiling
seryoso pa rin ang mukha. Napapabuntong-hinga itong tumitig sa nagmamatigas na apo.

"Blake, kinakausap kita hindi lamang bilang isang lolo mo kundi bilang isang
negosyante. The voting for your appointment as CEO is the most crucial part for us.
We can't afford to lose and make mistake for this one. Isa yan sa pinakamahalagang
bagay para manatiling kontrolado ng pamilya natin ang Golden Pacific. Hindi natin
pwedeng hayaang may maappoint na CEO maliban sayo. Lalong-lalo na mula sa tao ni
Director Garcia, " unti-unting napakuyom ng kamao si Don Henry pagkabanggit ng
pangalan ng direktor. "That man is a monster of greed! Kapag hinayaan nating maagaw
ng tao niya ang posisyong para sayo, simula na yan ng paglakas ng kapangyarihan
niya sa kumpanya. Everyone knows that I'm retiring, kaya't sigurado akong hindi na
naman mapakali ang taong yun sa pagpaplano kung papaano mapapasakanya ang posisyong
iiwanan ko...."

"I know what he's doing right now. He's secretly buying shares para lalo siyang
lumakas to qualify himself for the chairman's seat. And now that you're in trouble,
he will difinitely take advantage of it. Mas lalo ka niyang dudurugin para lalo
kang hindi makabangon. Haharangin niya ang anumang posisyong makapagbibigay sayo ng
kontrol sa kumpanya. And if he succeed , hindi ka lang niya nanakawan ng posisyon
kundi pati ang kung anong meron ka ngayon ay kukunin niya rin lahat sayo. And I
will not allow that to happen. Hindi pwedeng lahat ng pinaghirapan ko ay mapunta
lamang sa taong gaya niya!" naniningkit ang mga matang pahayag nito.

"I'll play along with whatever game he laid on the table. I'll fight back, hindi
ako tahimik na manonood lamang sa mga pagtatraydor niya sa atin!" kumpiyansang
sagot ni Blake.

Ngumisi si Don Henry at tumingin sa binata nang may nakakalokong ngiti. "How? You
can't even handle your own personal problem, paano pa kaya ang banggain ang isang
kagaya niya?"

"I'll find my own way. Don't you trust me? I'm not a coward!"
Tumawa ng mahina ang matanda. "A neophyte like you has no match for him. He is a
dirty man! Evil! Even me, the founder of the company couldn't oust him from Golden
Pacific. Ibang klaseng lumaro ang taong yun. That's why while I'm still around, I
want to train you mentally and emotionally to fight a demon like him. Kung hindi ko
man siya napalayas sa kumpanya sa loob ng pamamahala ko puwes in your reign you
must get rid of him. Dahil habang nasa Golden Pacific ang taong yun, hindi tayo
makakasiguradong mananatili sa ating mga kamay ang kumpanya. Kaya sa lalong
madaling panahon dapat masolusyunan yang problemang ginawa mo."

"Lolo, naiintindihan ko ang punto mo pero napakahirap pa rin para sa akin ng


pinagagawa niyo. Gusto niyong balewalain ko si Alex hangga't hindi ako nagiging
CEO, that will still take three months from now. Maaring pumayag sa inyo si Alex
pero hindi ko kakayanin. I can't live that long na wala siya sa tabi ko lolo. and
beside I don't even know kung papayag si Debbie sa gusto niyong mangyari,"
pangangatwiran ulit ni Blake.

Unti-unti na namang lumitaw ang galit sa mukha ng matanda. "Debbie is not a problem
here. She must follow my order dahil para rin ito sa ikalilinis ng pangalan niya.
Kasama siya sa gumawa ng problema kaya kasama siya dapat sa paglutas nito. Even if
she wants to, she can't quit her job because she has contract to our company. Hindi
siya pinag-aral ng kumpanya sa America para lamang magbitiw sa anumang oras na
gustuhin niya! Kaya't wala siyang magagawa kundi sumunod kung ayaw niyang pumasok
araw-araw sa trabaho ng puno ng kahihiyan!"

"But Lolo!"

"How many times do I have to tell you na wala kang magagawa kundi magsakripisyo!
Nangyari na ang di dapat mangyari at nagsanga-sanga na ang masasamang epekto nito
kaya wala kang magagawa but to follow what I want! THIS TIME AKO NAMAN ANG
MASUSUNOD!" sabay palo nito sa mesa.

Galit na tumayo si Blake. "You do it your way and I'll do it my way. Maghahanap ako
ng ibang solusyon. Don't ever include a break up announcement with Alex as an
option!" sabay talikod niya at lakad papalabas ng pintuan.
"Where are you going? We're not done talking yet?!"

"I'm going to see Alex. And yes, she is still my girlfriend!" galit na sagot ng
binata nang hindi nililingon ang matandang kausap...

-------

"Teka, teka lang Sophia! B-Bakit bigla-bigla na ka na lang aalis?" natatarantang


sabi ni Alex habang pinipigilan sa paghila ng maleta si Sophia sa airport.

"Why are you here?" tanong ng modelo sabay hubad sa suot nitong malaking
sunglasses.

"Tinawagan ako ng manager mo."

Napakagat ng mga labi si Sophia nang may nangingilid na mga luha. "T-Tyron and I
broke up so I decided to leave the country."

"Ha! Bakit? Pag-usapan muna natin to. Pinapunta ako dito ng manager mo para
kausapin ka ng maayos! Bigla-bigla naman ata ang pagdedesisyon mong ito."

Hinila ni Alex ang dalaga at pinaupo sa tahimik na parte ng waiting area. Tinitigan
niya ng mabuti ang matamlay at malungkot na mukha nito hanggang sa napakunot siya
ng noo nang mahalatang tila may pasa sa kanang pisngi ang babae na natatakpan
lamang ng concealer at foundation. Hinawakan niya ang parteng iyon at agad namang
inilayo ni Sophia ang kanyang pisngi.

"Anong nangyari dyan? Sinaktan ka ba ni Tyron kaya kayo nagbreak?"

Umiling si Sophia at yumuko habang kinikiskis at nilalaro ang kanyang mga kuko sa
daliri. Napansin ni Alex na bahagyang nanginginig din ang mga kamay nito.

"Tyron is not capable of hurting a woman. He's kind and loving. Siya ang dahilan
kung bakit nag-iistay pa rin ako sa relasyon namin. Pero this time, hindi ko na
kaya. I want to live a peaceful life." mangiyak-ngiyak na paliwanag nito.

"H-Hindi kita maintindihan," naguguluhang sambit ni Alex. "Sabi mo mabait si Tyron


pero bakit ka nakipaghiwalay? At ano ang hindi mo na kaya?"

Hindi sumagot si Sophia sa tanong. Ngumisi lamang ito at tumingin sa hawak niyang
ticket.

"I'm leaving the country and I have no plan of coming back unless everything will
be safe again for me here."

"Ano?! Aalis ka ng ganun-ganun na lang. Iiwanan mo ang magandang trabaho at career


mo dito sa Pilipinas?"

"My career is not important right now. Pagod na pagod na ako, aanhin ko ang lahat
ng ito kung wala naman akong peace of mind."
Hinawakan ni Alex sa magkabilaang braso ang katabing babae at niyugyog ito ng
mahina. "Ano bang pinagsasabi mo? Linawin mo Sophia para maintindihan ko? Alam kong
may maling nangyayari sayo sa simula't sapul pa lamang nang muli nating pagkikita.
Sabihin mo sa akin ang totoo! Hindi mo kailangang umalis ng Pilipinas at pabayaan
na lamang ang lahat. Hindi malulutas ng pagtakas ang anumang problema!"

Muling nangilid ang mga luha ni Sophia at sumilip ang takot sa mga mata nito. "H-
He's s-scary..." nauutal na usal nito.

"S-Sino?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Alex.

"T-Tyron's dad."

Tuluyan ng umagos ang mga luha sa mata ng dalaga at lalong lumakas ang panginginig
ng mga kamay nito. Hinawakan naman ng mahigpit ni Alex ang mga palad ng kausap at
seryosong tinitigan ito sa mga mata.

"Magsalita ka Sophia. Ikuwento mo sa akin ang lahat. Pulis ako at ipinapangako ko


sayo ang kaligtasan mo basta't magsabi ka lang ng totoo," seryosong-seryosong sabi
ng dalaga nang may namimilog na mga mata.

Walang ganang ngumiti si Sophia at nagpahid ng luha. "You can't protect me. Not by
someone like you."

"Anong ibig mong sabihin?"


"He's too powerful. He can't be stopped by a simple police woman like you. But
since I'm leaving for good I might tell you my story to warn you not to go against
that person..."

Seryosong tumango si Alex at halata sa hitsura niyang nasasabik siya sa mga


bibitawang salita ng babae. Sa palagay niya ay lalo nitong pagtitibayan ang mga
haka-hakang namumuo sa kanyang isipan.

"I met Tyron thru my former assistant Divine. They were in a friendly relationship
when she started working with me. One time, inimbitahan niya kami ni Divine sa
party sa kanilang bahay at doon ay nakilala ko ang tatay niya na si Mr. Pablo
Garcia. His father was kind to me and he even told me without hesitation that he
wanted me to be his daughter-in-law. At isa pa sa mga ikinagulat ko ay alam niyang
ex-boyfriend ko si Blake... "

Mas lalong naalarma ang mukha ni Alex nang marinig ang pangalan ni Blake.

"Hindi ko masyadong pinansin ang sinabi niya dahil unang-una akala ko ay nagbibiro
lamang siya. Pangalawa, Tyron has no interest in me, close lang talaga sila ni
Divine kaya madalas namin siyang nakakasama. Until one day, Mr. Garcia's personnel
forcefully invited me to talk to him privately. Inungkat niya ulit ang kagustuhan
niyang makarelasyon ko ang anak niya and that time he was serious. Tinanggihan ko
siya nang una but he offered me na pagagandahin niya lalo ang career ko. With all
his power and connections, he said he could make it easy for me to be the top model
in the country. I was lured by his offer kaya basta ko na lang itong tinanggap nang
hindi pinag-isipang mabuti...."

"So I started flirting with Tyron. Ginawa ko ang lahat para magustuhan niya ako at
sa loob lamang ng maiksing panahon I got what I wanted. He finally got his love and
we started dating. Hindi mahirap mahalin si Tyron dahil nasa kanya na rin naman ang
mga katangian ng isang mabuting boyfriend. At simula nga noon ay umangat lalo ang
kasikatan ko. Tinupad ni Mr. Garcia ang pangako niya. I was happy at akala ko ay
mananatili akong nasa mabuting mga kamay...."
"Until one day, I overheard while he was talking to his assistant. They are talking
about my career. Mr. Garcia said he will not stop hanggang sa hindi ako ang
nagiging pinakasikat na babae sa buong Pilipinas. He wanted his son to be envied by
every man...especially by Blake Monteverde."

Tumingin ng seryoso si Sophia kay Alex. "I'm sorry but the next one might be
offensive.." nag-aalangang sambit nito.

"Ituloy mo lang," seryosong sagot ng dalagang pulis.

"N-Narinig kong sinabi nila na papatayin nila sa panghihinayang si Blake dahil


pinakawalan niya ang isang babaeng kagaya ko...a-at ipinagpalit sa isang
ordinaryong police woman lamang. He want to show everyone how capable Blake of
giving up big things just to follow his immature emotions. And there's one thing I
didn't understand. He said he was sending Blake a message na anumang bagay na kunin
niya mula kay Blake ay ipapakita niyang kaya niya itong pagandahin at payamanin...
Do you get what he means by that?" takang tanong ng modelo.

"Oo," napapangising sagot ni Alex habang dahan-dahang gumuguhit ang galit sa


kanyang mukha.

"Simula nang malaman ko ang totoong dahilan kung bakit gusto niya ako para kay
Tyron, kinabahan na ako. Kasabay nga nito ay unti-unti niya nang kinokontrol ang
lahat ng bagay na nakapaligid sa akin. He even fired Divine. Siya na nga lang ang
tanging pinakamalapit kong kaibigan eh inilayo niya pa sa akin. At nagsimula akong
balutin ng takot nang mangyari ang trahedya kay Divine. It was shocking and
painful. I almost couldn't believe she killed herself. Because she's a close
friend, I planned to visit her wake but Mr. Garcia disagree. Sabi niya baka daw
magkaroon ng negatibong epekto ito sa maganda kong pangalan. Hanggang sa naglakas
loob akong suwayin siya, sinubukan kong pumunta ngunit hinarang ako ng mga tauhan
niya. Kinaladkad ako papalabas ng aking kotse at ikinulong ako buong gabi. That was
the first time I felt afraid for my life..."
"My days were always in hell dahil pakiramdam ko ay laging may mga matang nakasunod
sa akin. I decided to break-up with Tyron dahil hindi ko na kaya ang nararanasan ko
sa kanyang tatay pero inunahan na ako ni Mr. Garcia sabi niya kapag nakipaghiwalay
daw ako sa anak niya ay babawiin niya lahat ng tulong na ginawa niya sa akin.
Sisirain niya ang pangalan ko hanggang sa hindi na ako makabangon. Again, I was
scared to death. Mahal ko si Tyron pero mas nangingibabaw ang takot ko sa tatay
niya kesa pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya..."

"And then, I met you. You were like a bright hope that suddenly arrived to me.
Pakiramdam ko I found an old friend na kapag nakakasama ko ay nawawala ang takot
ko. At para mas madalas kitang makasama, tinanggap ko ang offer ni Blake kahit pa
pinagbawalan ako....Alex, nagsinungaling ako nung sinabi kong may natatanggap akong
mga nagbabantang sulat. It was Mr. Garcia who threatened me not to accept the job.
I don't know why he hate Blake so much. He said he doesn't want me to be associated
with him. But I felt braver for the first time kaya't tinanggap ko pa rin ang
trabaho. I kept reminding mysely that Alex would be here to help me. She will stay
by my side whenever I need her. At nagtaka rin ako dahil simula nang nakakasama na
kita, hindi na gaanong nakikialam sa akin si Mr. Garcia so I thought he started to
be quiet because there's a cop beside me. But then the attack at the fashion show
happened. I realized that time na baka anumang oras ay baka ipapatay na lang ako o
baka mamatay na lang ako sa takot. That day I decided na tatapusin ko na lang ang
lahat ng obligasyon ko sa project ni Blake. At pagkatapos ay makikipaghiwalay na
ako kay Tyron. Di bale nang mawala sa akin ang pinaghirapan kong pangalan basta ang
mahalaga ay makatakas ako sa anino ni Mr. Garcia. Now, I finally decided to live in
state for good."

Palihim na napakuyom ng kamao si Alex sa mga narinig ngunit hindi niya pinahalata
sa kausap ang nararamdamang galit.

"Alam ba ni Tyron ang pinagagagawa sayo ng tatay niya?"

"No."

"Bakit hindi ka nagsumbong?! Anong klase siyang lalaki kung hindi niya nahahalatang
may masamang nangyayari sayo?!"
"Then that would be the end of everything for me."

"Anong ibig mong sabihin?"

"If Mr. Garcia has a weakness, that would be Tyron. Kahit kaunting hibla ng
pagiging demonyo niya ay ayaw niyang ipakita sa kanyang anak. He maintain an ideal
father image in front of his son. Kaya naman tiwalang-tiwala sa kanya si Tyron and
he believes whatever his father says."

Napangisi ulit si Alex. "Wow, ngayon ko lang naisip na tanga pala yang Tyron na
yan! Sa tinagal-tagal niyong magkarelasyon wala man lang siyang naamoy na baho sa
tatay niya!"

"No. You can't blame Tyron. Mr. Garcia is a professional gangster. Napakarami
niyang tauhan na silang gumagawa ng maduduming trabaho para sa kanya. Kaya naman
nakakaya niyang imaintain ang magandang imahe sa sinumang gusto niyang
papaniwalain."

"Yang pasa mo sa pisngi, sinong gumawa niyan?"

Muling tumulo ang luha ni Sophia. "One of his men. Pinadampot niya ako after he
learned that I broke up with Tyron. Paulit-ulit akong sinasampal ng tauhan niya
habang kinakausap niya ako. But I told him I won't change my decision even if he
kills me."

"Buti at pinakawalan ka niya."


"I threatened him back. I said since I'm not afraid anymore to lose my career,
sinabi kong kapag hindi niya ako pinabayaan sa desisyon ko ay sasabihin ko ang
lahat-lahat kay Tyron. But you know what he did? Pinatutukan niya ako ng baril sa
tauhan niya. Kaya't wala ulit akong nagawa kundi ang magmakaawa ulit. Sinabi kong
aalis ako ng Pilipinas at magpapakalayo-layo na ako. Pabayaan niya lang ako,
kakalimutan ko ang lahat. Wala akong sinumang pagsasabihan at lalong walang
makakarating kay Tyron."

Napapalunok si Alex habang tinitingnan ang umiyak na kausap. Parang hinihiwa ang
dibdib niya sa nakikita. Hindi niya akalaing ang napakabait na Sophia na nakilala
niya ay napagdaanan ang ganito kasakit na karanasan. Gusto niya itong yakapin
subalit nais niyang manatiling natural ang kanyang reaksiyon sapagkat iniisip
niyang baka sa mga sandaling iyon ay may mga matang nakamasid pa rin sa kanila.

"Pero bakit sinasabi mo pa rin ang lahat ng ito sa akin?"

"Because I trust you. And I feel that maybe one day he will go against Blake too
since he hates him for whatever reason. I want to warn you na huwag kang
makipagsabayan sa kanya. He is a monster Alex. Kaya niyang ituwid ang mga baluktot.
Nagagawa niyang magmukhang malinis ang mga madudumi at napakalinis niyang gumawa ng
kasalanan. Napakarami niyang tauhan at koneksiyon kaya't ngayon pa lamang ay gusto
kong mag-ingat kayo ni Blake."

"Salamat Sophia, huwag kang mag-alala hindi ako pinaninindigan ng balahibo sa mga
taong kagaya niya. Napakarami ng demonyong dumaan sa kamay ko at isa lang si Mr.
Garcia sa mga demonyong dadaan pa sa kamay ko," nakangising sagot ni Alex.

Nanlaki ang mga mata ni Sophia sa pinakitang tapang ng kausap. "A-Alex...Promise me


to take care of yourself. Kung sakali mang pagbalakan niya ng masama si Blake,
pagplanuhan niyong maiigi ang bawat kilos nyo. Huwag kang magpapadalos-dalos dahil
hindi simpleng snatcher lamang ang makakalaban mo."

Sumagot lamang ng simpleng ngiti at tango si Alex."Yung lalaking nanakit sayo sa


fashion show tauhan ba yun ni Mr. Garcia?"
"Oo."

Natigilan siya subalit ramdam niya ang unti-unting pangingislap ng kanyang mga
mata. Sasabihin niya sana kay Sophia na ang taong yun ay suspect sa pagkamatay ng
kanyang dating assistant subalit pinigilan niya ang sarili. Mas pinili niyang huwag
ng pahirapan pa ang dalaga. Tiyak na hindi ito magkakaroon ng katahimikan kahit pa
nasa ibang bansa ito kapag nalamang nagkamali siya ng taong pinagkuwentuhan. Hindi
pa rin kasi alam nito na iniimbestigahan niya ang kaso ng nagpakamatay na babae.
Madadagdagan lamang ang takot nito kapag nalamang magagamit niya sa imbestigasyon
lahat ng mga binitawan nitong mga salita.

"A-Alex I have to go. Malapit ng umalis ang eroplano ko," paalam nito at mangiyak-
ngiyak pa ring yumakap sa kanya ang dalaga. "I will miss you and thank you for
everything."

Niyakap niya rin ang babae at marahan itong tinapik sa likod. "Mag-iingat ka doon."

"Thank you."

Naglakad papasok ng departure area si Sophia ngunit bago ito makalayo sa kanya ay
muli niya itong tinawag.

"Sophia!"

"Y-Yes?"
Kumaway muna siya at ngumiti saka unti-unting nagseryoso ng mukha. "Ipinapangako
ko. Babalik ka rin kaagad ng Pilipinas!"

Sumagot lamang ng ngiti si Sophia at halatang hindi nito nakuha ang ibig niyang
sabihin....

-----

Malalim ang tinatakbo ng isip ni Alex habang nagmamaneho pauwi galing airport. Isa-
Isa niyang hinihimay ang bawat salitang binitawan ni Sophia. Umigting ang kanyang
pagnanais na makahanap ng ebidensiya sa hinahawakang kaso. Manghihingi siya ng
palugit sa deadline na ibinigay sa kanya. Hindi lang simpleng nagkataon ang
pagiging konektado ng suspect kay Mr. Garcia. Kung anuman ang kaugnayan ni Grace sa
matandang lalaki ay aalamin niya. Kakalkalin niya lahat ng baho ng matanda. At kung
sakali man may balak itong masama kay Blake, ipapamukha niya ditong nagkamali ito
ng taong kinakanti.

Nagngingitngit ang kanyang mga ngipin sa tuwing naalala ang mukha ni Mr. Garcia.

"Subukan mo lang kantiin si Blake! Subukan mo lang!" napapapalo sa manibelang sabi


niya.

"Ordinaryong policewoman pala ha!"

Umiinit sa galit ang kanyang mga pisngi lalo na't pag naiisip ang mga pinagdaanan
ni Sophia at ang mga paghihirap na maaring sinapit din ni Grace sa kamay ni Mr.
Garcia.
"Kung ang isang sindikato nga ay hindi ko inuurungan, ikaw pa kayang nagtatago
lamang sa tapang ng mga tauhan mo!"

Pinatakbo niya ng pagkabilis-bilis ang sasakyan sa sobrang pagkairita. Ngunit


pagdating niya sa tapat ng kanilang bahay ay biglang humupa ang galit sa kanyang
dibdib. Nagulat siya nang maabutan doon ang sasakyan ni Blake at nakita ang
lalaking mag-isang nakatayo sa labas ng kanilang gate sa kalagitnaan ng gabi.

Umangat ang gilid ng kanyang mga labi pagkakita sa binata subalit agad din namang
nawala ang gumuguhit na ngiti sa kanyang mukha nang maalala ang kalagayan nito sa
kumpanya. Muling naglaro sa kanyang isipan ang pinag-usapan nila ni Don Henry.
Napapabuntong-hininga siyang lumabas ng kotse, alam niya na kung ano ang sadya sa
kanya ng binata.

Tumingin sa relos niya si Blake pagkakita sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" salubong nito.

"May tinagpo akong kaibigan sa airport."

"Ganitong oras ka na ba lagi umuuwi?"

"Blake, naghintay ka ba dito sa labas ng bahay para lang alamin kung anong oras ako
umuuwi?" tugon niya ng may matigas na mukha.
Napapakuyom ang kanyang mga kamay sa pagpipigil ng totoong nararamdaman. Sa mga
sandaling iyon ay gustong-gusto niyang yakapin ang lalaki. Sa loob ng ilang araw
nilang pagtitikis sa isa't isa, ito ang unang pagkakataong nag-usap at nagkaharap
ulit sila ng malapitan. Subalit kailangan niyang magmatigas dahil hindi niya pa
kayang ibigay sa binata ang hinihingi nito sa kanya, lalong-lalo na sa ngayon.

"Why did you say that to grandpa?" singil sa kanya ng lalaki. "Bakit ka
nagsinungaling na hiwalay na tayo?"

Tiningnan niya ng diretso sa mga mata si Blake at ngumisi. "Dahil mas madaling
sabihin yun kaysa harap-harapang aminin sa lolo mo na hinayaan kitang lokohin mo
ako."

"Don't lie. You did that to protect me again, right? Alex for once hayaan mo akong
panindigan ko ang pagkakamaling nagawa ko. Let me solve my own problem. You know
what happened because of what you said? Lolo wants me to announce our break-up on a
board meeting and the worst of it all he wants me to have a fake relationship with
Debbie habang hindi pa ako naappoint na CEO."

"Sundin mo kung ano ang gusto ng lolo mo," walang kagatol-gatol na sagot ni Alex.

"W-What?!" di makapaniwalang bulalas ni Blake. "Ganun lang sayo kadali yun? Alex,
unti-unti mo na ba akong pinagtutulakan papalayo?"

"Ikaw ang nagtulak sa sarili mo papalayo sa akin Blake," madiing sagot ng babae
habang nakatanaw sa malayo. "Ginawa mo ang kalokohang iyan kaya harapin mo ang
anumang kabayaran. Si Don Henry lamang ang makakasalba sayo sa kumpanya kaya wala
kang magagawa kundi sundin ang anumang solusyong naiisip niya."
Hinawakan siya ni Blake sa braso at iniharap siya para tingnan ng diretso sa mga
mata. "Ito ba ang napagkasunduan niyo na naman ni Lolo. Pumayag ka na na lang basta
sa gusto niya kahit nasasaktan ka? Oo handa akong harapin ang anumang kabayaran sa
pagkakamali ko pero hindi sa ganitong paraan na masasaktan ka rin! Dahil ang
solusyong gusto niyang mangyari ay hindi lamang ako ang magbabayad, pati ikaw
Alex!"

Napangiti si Alex habang itinatago ang nararamdamang sakit. Oo nasasaktan siya.


Sino ba namang babae ang matutuwa na ipahiram sa ibang babae ang kanyang boyfriend.
Ngunit wala siyang magagawa, kailangan nilang lumaban sa laro ng lihim na mga
kaaway. Matapos ang lahat ng narinig niya kay Sophia, mas nababalot ang buong
pagkatao niya ngayon sa pagnanais na mapabagsak si Mr. Garcia at maproteksiyonan si
Blake kaysa unahin ang kanyang puso. Makakapaghintay ang pagmamahal na iyan subalit
hindi ang banta ng mga panganib.

"Pansamantala lang naman to Blake di ba? At hindi niyo rin naman tototohanin ang
relasyon niyo ni Debbie. Ah saka ayaw mo nun magkakaroon ka ng pagkakataong pag-
aralan ang totoong nararamdaman mo para sa kanya," ngingiti-ngiting sabi niya.

"I didn't mean those words nasabi ko lang yun dahil galit ako. At Alex, hindi basta
pansamantala lang ang gustong mangyari ni Lolo, it will take more than three
months. Ganun katagal natin kailangang tiisin ang isa't isa!"

"Sundin mo ang lolo mo dahil wala itong ibang ginusto kundi ang kung ano ang
makakabuti para sayo. Huwag mo akong intindihin. Binigyan mo ako ng panahong
magdesisyon tungkol sa trabaho ko kaya't ako naman ang magbibigay sayo ng panahon
na ayusin ang problema mo sa kumpanya," mahinahon ngunit seryosong sagot ni Alex.

"M-Marami akong ginawa maghapon kaya't gusto ko nang magpahinga Blake, ikaw din
magpahinga ka na rin," dugtong niya para umiwas.

Tinanggal niya ang nakahawak na kamay nang di makapagsalitang lalaki, saka siya
tumalikod para pumasok na ng gate. Subalit ilang hakbang pa lamang ay naramdaman
niya ang mahigpit na yakap mula sa kanyang likuran.
"I miss you wifey. I miss you so much... Itigil na natin to."

Pansamantala siyang hindi nakakilos. Napapikit siya habang pilit nilalabanan ang
pamumuo ng kanyang mga luha. Isa-isang bumabaon sa dibdib niya ang nagsusumamong
mga salita ng binata.

"Let's stop this craziness Alex. I'm begging you to comeback to me. Bumalik na tayo
sa dati please. wifey... please.." pagmamakaawa ng lalaki habang nakayakap sa kanya
ng mahigpit at napapahalik sa likod ng kanyang leeg.

"H-Hindi muna tayo babalik sa dati Blake..." matapang ngunit napapakagat sa labing
sagot niya.

Iniharap siya ng binata at tinitigan ng may hindi makapaniwalang mukha. "I-Ito ba


talaga ang gusto mo? Masaya ka ba sa kung ano ang nangyayari sa ating dalawa
ngayon?"

"Hindi ako masaya pero tanggap kong nangyayari ang mga di dapat mangyari at handa
akong itama muna ang lahat para mas totoong maging masaya tayong dalawa....Sige na
Blake umuwi ka na at pagod na rin ako," gumagaralgal ang boses na sagot niya, saka
muling tumalikod at tuluyan ng pumasok sa loob ng gate.

Natutulalang naiwan si Blake sa labas na noon ay hindi pa rin makapaniwala sa


pagmamatigas na ipinakita ng babae. At nang matauhan ay paulit-ulit niyang sinipa
ang gulong ng kanyang sasakyan sa sama ng loob.
"Aaaaahhh!"

Ngunit ilang saglit lamang ay bigla siyang natigilan nang muling lumabas si Alex.
Lumapit ito sa kanya nang walang reaksiyon ang mukha. Inilahad nito ang kanang
palad na tila hindi apektado sa nasaksihang pagwawala niya.

"Susi."

"W-What?" takang tanong niya.

"Akin na ang susi ng kotse mo."

Napapamaang na ibinigay niya ang susi dito at nagtaka siya nang naglakad ito
patungo sa driver's seat.

"Sakay," matigas na utos nito.

"W-What are you doing?"

"Sabi ko sumakay ka na," sagot nito at sabay pasok sa loob ng sasakyan.

Naguguluhang sumunod siya dito. Naupo siya sa tabi nito at natutulalang pinagmasdan
ang babae habang pinapaandar nito ang sasakyan.
"A-Anong ginagawa mo?" nalilitong tanong niya.

"Ihahatid na kita. Hatinggabi na. Ano bang naisipan mo't di ka man lang nagpasama
sa driver," kaswal na kaswal na sambit nito.

Hindi makapagsalitang tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang dalaga. Nakasuot ito
ng leather jacket, nakapony tail ang mahabang buhok, walang bahid ng make-up ang
mukha, nakasuot ng hapit na maong na pantalon at leather na sapatos. Maya't maya
nitong tinitingnan ang rearview at side mirror habang nagmamaneho. Nakikipag-usap
sa kanya nang diretso lamang ang mga mata sa daan. May kakaibang hatid ang kilos,
galaw at dating ng babae, pero ang lahat ng ito ay pamilyar na sa kanyang mga mata.

May unti-unting bumabalik na dating eksena sa kanyang alaala. Biglang gumaan ang
dibdib niya habang tinitingnan ang katabi hanggang sa hindi niya namamalayang lihim
siyang napapangiti. Pakiramdam niya ay siya ulit ang dating Blake na panakaw kung
tumingin sa kanyang lihim na iniibig na babae. At ang kasama niya ngayon sa
sasakyan ay hindi ang girlfriend na si Alex kundi ang dati niyang alalay na si
Maya.

"Simula bukas may ipapadala akong tao sa tabi mo para bantayan ka."

Natauhan siya nang muling magsalita ang dalaga.

"Anong ibig mong sabihin? Bakit kailangan mo akong pabantayan?"

Tumingin sa kanya si Alex at ngumisi. "Siyempre kailangan may spy ako. Papano kung
totohanin niyo ni Debbie ang relasyon niyo."

Hindi niya alam kong seryoso o nagbibiro ang babae. Walang tono ng selos ang mga
salita nito kaya't nagtaka siya kung meron pa ba itong ibang dahilan para
pabantayan siya....

------

Kunot-noong tinitingnan ni Blake mula sa likurang upuan ang lalaking nagmamaneho sa


kanya. Kung hindi kasing-edad ay marahil mas matanda lamang ito sa kanya ng mga isa
o dalawang taon. Medyo may kapayatan ang pangangatawan nito, maitim ang balat,
pahaba ang mukha, makapal ang kilay, may katulisan ang baba at medyo sarat ang
ilong. Hindi man kapuri-puri ang hitsura, ngunit ramdam niyang mabait ito at
mukhang hindi mahirap kasama. Maya't maya siya nitong nginingitian at sinusulyapan
sa salamin.

"What's your name again?" tanong niya.

"Melchor Balabat ho at your service sir!" sabay saludo pa nito nang may abot
tengang mga ngiti.

"Are you sure your a policeman?"

"Oo naman sir! Medyo payat lang ako pero pagdating sa bakbakan walang sinabi sa
akin ang bida sa crouching tiger!"

"What's your rank?"


"SPO1 pa lang ngayon pero bukas general na hehehe!"

"Isa ka ba sa mga kasamahan ni Alex sa hinahawakan niyang kaso ngayon?"

Natigilan si Balatbat naalala niyang kabilin-bilinan sa kanya ng babaeng kapitan na


huwag magbabanggit ng kahit anuman tungkol sa kaso.

"Ah hindi ho. Inaassign lang talaga ako sainyo ni Captain Valdemor."

"Is this even possible? Pwede ba kayong gamitin ng mga nakatataas sa inyo for their
private matters?"

"Ah-eh, iba po kasi si Ma'am. Malakas po yun sa taas at pag may hiniling yun
siguradong pinagbibigyan."

"Bakit is she that good in her job para maging malakas siya sa taas?"

"Oo naman! Hah baka hindi niyo alam na siya ang aming kaisa-isang Captain Valdemor
a.k.a lara croft, a.k.a Black Widow a.k.a Wonder Woman. Kasingganda pa at kasing
sexy ni Angelina Jolie!"

Binigyan ni Blake ng isang matalim na tingin ang kausap.


"S-Sorry po sir...Pinupuri ko lang. Hindi ko kayang makipagkompetensiya sa inyo,"
ngingiti-ngiting paliwanag nito.

"Does she still do that action stuff right now? Is she back chasing criminals?"

Natigilan ulit si Balatbat. Napansin niyang hinuhuli ulit siya ng kausap. "Ah hindi
na ho. Lumalabas lang naman ng opisina si Captain Valdemor pag mag-iinterview."

"Really? Aren't you lying baka naman pinagtatakpan mo lang si Alex?"

"Ang ganda mo palang lalaki sir! Pwede bang pahiram ng mukha niyo kahit isang gabi
lang? Maranasan ko man lang maging gwapo sa tanang buhau ko!" masiglang paglihis ng
pulis sa usapan.

Tiningnan lamang ni Blake ng blangkong mukha ang nagpapatawang lalaki. Duda pa rin
siya sa bigla-biglang pagkakaroon niya ng bantay. "We're here. Bababa na ako and
I'll go directly to my office. Bahala ka ng magpark nitong kotse."

"Teka sir, anong floor ng opisina niyo?"

"No need for you to go to my office. Hintayin mo na lang ako sa lobby."

"Hindi ho pwede. Kabilin-bilinan sa akin ni Capt. Valdemor na bantayan kayo kahit


sa labas ng opisina niyo!"
"Di huwag mong sabihin sa kanyang pinaghihintay kita sa lobby."

"Naku sir hindi talaga pwede! Ayokong magpandanggo sa bala pag nahuli ako nung
nagsisinungaling!"

"It's in the 42nd floor," walang magawang sagot ng binata.

Pagpasok pa lang ni Blake sa lobby, pinagtitinginan na ulit siya ng lahat. Kampante


lamang siyang naglakad papasok na para bang hindi apektado sa mga matang nakatingin
sa kanya. Nang papalapit na siya sa elevator, namataan niyang naghihintay din doon
si Debbie.

Nakayuko ang babae at halatang hiyang-hiya ito sa buong paligid. Pinagtitinginan


ito ng mga dumadaan samantalang nagbubulungan naman ang mga kasabay nito sa pag-
aabang ng elevator. Nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. Lalo na nang marinig niya
ang masasamang pasaring ng ilang mga empleyado.

"Anaconda."

"Sssssh..."

"Kilala mo si Anne Curtis sa no other woman? Meron din pala tayo dito sa Golden
Pacific..."
Nagmadali siyang lumapit sa nakayukong dalaga. Tumabi siya dito at walang pasabing
kinuha ang kamay nito at hinawakan sa palad sa harap ng mga nag-uusyusong mga
empleyado. Nagulat ang lahat sa ginawa niya at napaangat naman ng mukha si Debbie.

"B-Blake..."

Ngumiti siya at binigyan ng makahulugang tingin ang naguguluhang babae. "Chairman


talked to you,right?" pabulong niyang wika dito.

Napapangangang tumango sa kanya si Debbie.

Unti-unti siyang nagseryoso at tumingin ng diretso sa mga mata ng dalaga nang hindi
inaalis ang pagkakahawak sa palad nito.

"I'll take responsibility for my action. I won't let you suffer in shame because of
my mistake...Let's do what grandpa wants us to do," mahina ngunit determinadong
sabi niya....

*****

Hinahaplos-haplos ni Alex ang kanyang labi't baba habang naniningkit ang mga mata
at seryosong-seryosong tinititigan sa monitor ng kanyang desktop ang kumalat na
litrato nina Blake at Debbie .
"Tinutorture mo ba ang sarili mo?" tanong ni James na noon ay nakaupo sa harap
niya.

"Does Margareth knows about your situation with Blake now?" dagdag pa nito.

Tumango siya nang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa larawan.

"How about your family?"

Sumagot siya ng simpleng iling.

"Hindi mo pwedeng itago yan sa kanila ng matagal," nag-aalalang sabi ng kasamahan.

"Naghahanap ngayon si Margareth ng malilipatan ko."

"For what?"

"Lilipat muna ako ng bahay habang magulo ang sitwasyon namin ni Blake at para
makapagconcentrate ako dito sa kaso. Baka sumabog na ang ulo ko pag sumabay pa sa
pressure ang pamilya ko."

"Papaano yan meron na lang tayong limang araw para makapagpresent ng ebidensiya.
Can we do it?"

Ngumisi si Alex, tumingin sa kausap at muling hinaplos ang kanyang baba. "Tulungan
mo akong humingi ng extension kay Chief. Unti-unti nang nagkakalinaw sa akin ang
lahat. May isang malaking tao na maaring nasa likod ng pagkamatay ni Grace. Hindi
pa ako sigurado pero sa palagay ko kailangan ko lang siyang udyukan ng kaunti para
matukso siyang magpakita ng itinatago niyang baho."

"Who?"

"Isa sa mga taga-Golden Pacific."

Ibinalik ni Alex ang mga paningin sa larawan. "James," tawag niya sa kasamahan.

"Why?"
"Ang hinihinalaang kong tao ay tiyak na siya ring may pakana sa pagpapakalat ng
litratong ito. Tingnan mong mabuti, hindi ito simpleng kuha lamang ng isang
cellphone o isang tsimosong empleyado."

"Yeah that's what I noticed after seeing that picture. Some sort of professional
detective might took that shots and the camera was definitely not an ordinary one.
Actually, there's an easier way to find out kung sino ang gumawa niyan."

Binigyan ni James ng makahulagang tingin ang kaharap.

"Ask Blake if where is that place," dugtong nito.

Ngumisi ang dalaga at bumuntong hininga. "Hindi na kailangan, alam ko kung anong
bar ito..."

"Captain Valdemor, dumating na ho si hepe," singit ng isang kapwa pulis na biglang


bumungad sa may pintuan.

Tumayo ang dalaga at ngingiti-ngiting tiningnan ang nagtatanong na mga mata ng


kausap. "Ako pa. Sa tingin mo makakaligtas sa mga mata ko ang ganitong
kalokohan?... Ah oo nga pala, tutal hindi ka naman busy ngayon, samahan mo ako
mamaya sa bar na yan. Pero bago yan may pupuntahan muna tayo, ipapakilala ko sayo
ng personal ang taong pinaghihinalaan kong nasa likod ng lahat ng ito. Kakausapin
ko lang si hepe tapos alis na tayo," sabay bigay nito ng kindat sa hirap maniwalang
lalaki.

"H-Huwag mong sabihing nagwala ka sa bar na yan? D-Do you think they will
accomodate us if we go there?" napapangangang tanong ni James habang hinahabol ng
tingin ang papalabas ng pinto na babae.

"Don't worry, walang pagdanak ng dugo na naganap," kalmadong pahabol na sagot ng


dalaga habang naglalakad patungo sa opisina ng hepe.

Kumatok muna si Alex sa nakaumang na pinto ni Chief Martinez. May kausap sa


telepono ang opisyal kaya't sinenyasan na lamang siya nitong pumasok. Maaliwalas
ang mukha na naupo siya sa harap ng mesa nito habang pasimpleng nakikinig sa
pakikipag-usap ng hepe sa telepono. Mukhang kausap nito ang isa sa mga matataas
nilang opisyal at pinag-uusapan ng mga ito ang bagong kasong hahawakan ng kanilang
team.

"Anong kailangan mo Valdemor?" tanong ng hepe pagkababa sa telepono.

Ngumiti muna si Alex. "Sir, sinong kausap niyo?" pasakalye niya.


"Tauhan ni General Concepcion, hinihingi sa akin ang line-up ng mga hahawak sa
smuggling case. Ikaw, gusto mo bang sumama sa paghawak ng kasong ito?"

"Ah-eh, huwag na ho chief."

"Bakit ayaw mo? Atat ka na bang bumalik sa mga filing at paper works na iniwan mo?
Valdemor, I'm giving you a last chance para makabawi dahil wala namang nangyayari
diyan sa kasong hinahawakan mo ngayon," matigas na sabi ng opisyal.

Napahimas muna sa magkabilaan niyang tuhod si Alex bago ibuka ang bibig. "Eh chief
yan nga ang gusto kong pag-usapan natin. P-Pwede ba akong humingi ng isang buwang
extension sa deadline na ibinigay nila sa akin?"

Napakunot ng si Chief Martinez sa narinig at tiningnan ng diretso ang mukha ng


kaharap. "Mukhang nag-iba ata ang timpla mo ngayon. Akala ko ba nawawalan ka na ng
gana sa kasong yan?"

"May bago akong lead pero kailangan ko lang chief ng mahaba-haba pang panahon para
sa ebidensiyang hinihingi nila."

Bumuntung-hininga at umiling ang hepe. "Mukhang mahirap ang hinihiling mo dahil


desidido na silang ipasarado ang kaso. Nasasayang lang ang oras natin at
napapabayaan pa ang ibang mga kasong mas dapat asikasuhin."

"Sino po bang higher office ang nag-utos ipasarado ang kasong ito baka pwede kong
ipakausap kay lolo," maamong wika ng dalaga.

"Si General Concepcion at siya pa mismo ang tumawag sa akin tungkol dito. Huwag mo
nang isali pa si General Valdemor sa bagay na ito, maliit na kaso lang yan para
palakihin mo pa."

"Sige na chief positive ho talaga ako sa bagong lead ko ngayon, kung ayaw niyong
ipakausap ko kay lolo kayo na lang makiusap. Isang buwang extension lang."

"Valdemor puro ka lead pero ni katiting na ebidensiya wala ka pang naipapakita! Ano
na naman ba yang bagong lead mo na iyan?"

Masisigla ang mga matang tumitig si Alex sa opisyal. "Nakakuha ako ng mahalagang
impormasyon mula sa reliable source tungkol sa isang malaking taong maaring
konektado sa pagkamatay ni Grace," pabulong na sabi niya.

Nagsalubong ang kilay ni Chief Martinez habang dahan-dahang napapasandal sa upuan.


"Reliable source? Ayan pala eh may witness ka na. Bakit hindi mo siya ipresenta as
your initial evidence."
Nawala ang sigla sa mukha ni Alex at naasiwa itong ngumiti. "Hindi ho pwede chief
kasi kailangan kong proteksiyonan yung tao."

"Proteksiyunan?! Natural naman na binibigyan natin ng proteksiyon ang mga witnesses


natin ah."

"Eh ibang proteksiyon ho ang ibig kong sabihin. Yung hindi ko pwedeng idawit ang
pangalan niya dito. Okay na sa akin na nabigyan niya ako ng mga hints at ang gusto
ko lang gawin ngayon ay ang makakuha ng iba pang mga katibayan na magsusuporta sa
mga sinabi niya."

"Ano bang nangyayari sayo Valdemor? Ginagawa mo na bang laro ang pag-iimbestiga
ngayon? Ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan para maging kumplikado ang kasong yan.
Kung may ebidensiya ka ipakita mo at dalhin mo dito ang sinasabi mong reliable
source na yan!" madiing bigkas ng opisyal.

"Hindi ho pwede chief. Mahalagang tao siya saakin at kapag ginawa ko sa kanya yun
parang lalabas na trinaydor ko siya. Nagsalita lang naman siya sa akin bilang
kaibigan at wala siyang kaalam-alam na magagamit ko ang mga sinabi niya sa kasong
ito. Sige na chief please.... ninong naman oh," pakiusap ni Alex na halos
magmakaawa na sa opisyal.
Huminga ulit ng malalim si Chief Martinez at saka nag-isip ng ilang saglit. "Sige
susubukan kong pakiusapan si Gen. Concepcion."

Muling nagliwanag ang mukha ng dalagang pulis. "Thank you chief! The best talaga
kayo!"

Tumayo si Alex at sumaludo nang may abot tengang ngiti.

"Pano ho lakad na ako, may pupuntahan pa kaming importante ni Capt. Corpuz," sabay
talikod niya at hakbang papapalabas ng pintuan.

"Sandali!" pahabol ng hepe.

Huminto at lumingon si Alex. "Yes, chief?"

"Bago ako humingi ng extension, sabihin mo muna sa akin kung sino ang malaking
taong tinutukoy mo."
Napaatras ang dalaga at napipilitang bumalik ito sa upuan. "S-Si Mr. Garcia ho,"
nahihirapang bigkas nito.

"Sinong Mr. Garcia? Valdemor, ang daming Mr. Garcia sa buong Pilipinas."

"Si Mr. Pablo Garcia."

Muling napakunot ng noo ang opisyal at halatang hindi ito makapaniwala sa narinig.
"Mr. Pablo Garcia? The businessman Mr. Pablo Garcia who's also one of the major
shareholders of Golden Pacific?"

"Yes sir. Bakit ho kilala mo ba siya?" tanong ng dalaga nang mapansin ang reaksiyon
ng kausap.

"Of course I know him! Sigurado ka ba diyan sa pinaggagawa mo Alexandra!" bulalas


ng hepe.

"Oo naman chief!"


"I know Mr. Garcia personally. I met him sa mga gatherings ng matataas nating mga
opisyales. Marami siyang kaibigang mga heneral at high ranking government
officials. And as far as I know isa siyang respetadong negosyante kaya't huwag na
huwag kang magkakamaling kumilos ng hindi tama kung ayaw mong pareho tayong malagay
sa kahihiyan!"

Natigilan si Alex at napaisip. Eto ba ang sinasabi ni Sophia na malakas na


koneksiyon ng negosyante?

"Kaya nga ho humihingi ako ng mahaba-haba pang panahon para makahanap ng sapat na
ebidensiya na direktang magdadawit sa kanya sa kasong ito. Pero teka lang chief,
huwag niyong sabihin pati kayo ay kaibigan ni Mr. Garcia?" napapaisip na tanong
niya.

"Not really. Mga tatlo o apat na beses ko pa lang siyang nakakaharap. Sandali nga
Valdemor, ano ang hint mo para idawit si Mr. Garcia dito?"

Tumikhim muna si Alex, lumunok at saka naniningkit ang mga matang tumingin sa
opisyal. "Chief yung suspect natin na siya ring umatake kay Sophia Vasquez ay
tauhan pala ni Mr. Garcia."

"Baka naman coincident lang ang mga pangyayari. Ano naman ang kaugnayan ni Grace
Capulong kay Mr. Garcia?"
"Yan nga ang aalamin ko pa chief. Sa ngayon ay nalaman kong magkaibigan na pala
sina Grace at Tyron Garcia bago pa man magkakilala sina Tyron at Sophia. Si Mr.
Garcia ang nagtanggal kay Grace sa pagiging assistant niya kay Sophia...pero ang
ipinagtataka ko si Mr. Garcia din ang nagpasok kay Grace sa Golden Pacific,"
napapailing na paliwanag ng dalaga.

"Yeah they were connected pero ayon nga sa janitress, nagpakilala sa kanya ang
suspect bilang boyfriend ni Ms. Capulong. Ibig sabihin di malayong mangyari yun
since he's an employee of Mr. Garcia baka naman nagkakilala silang dalawa ni Grace
because they were both connected to Mr. Garcia," pahayag ni Chief Martinez.

"Eh papaano natin ipapaliwanag ang pananakit at pananakot ng tauhang iyon kay
Sophia?" namimilog ang mga matang pabulong na tanong ni Alex. "At chief alam mong
isa sa pinakarason ko kaya tinanggap ko ang kasong ito dahil kay Blake. Alam niyo
bang may mga kakaibang nangyayari ngayon sa paligid ni Blake at pakiramdam ko ay
kagagawan ang lahat ng yun ni Mr. Garcia. Bakit? Dahil isa siya sa mga humaharang
sa pagtatake-over ni Blake sa Golden Pacific."

"Are you trying to point out that Grace death is directly related to Mr. Garcia and
Blake Monteverde?" kunot noong tanong ng hepe.

"Partially yes pero maaring ibang bagay ang dahilan ng pagkamatay ni Grace. Dahil
sabi ko nga bukod kay Blake may iba pang nagcoconnect kay Grace at Mr. Garcia."

Natigilan at napaisip si Chief Martinez. Unti-unting niyang naalala na isa nga pala
si General Concepcion sa mga kaibigan ni Pablo Garcia. Kaya ba ang heneral mismo
ang nag-utos na itigil ang kaso? May kinalaman ba si Mr. Garcia sa biglaang
pagbibigay ng deadline sa kaso.

Napailing siya sa naiisip, ayaw niyang magbigay ng konklusyon. Hindi niya man
kilala ng lubos si Mr. Garcia pero kilala niyang malinis na pulis si General
Concepcion.

"Si Sophia Vasquez ba ang sinasabi mong source?" diretsong tanong niya sa dalagang
kapitan.

Hindi sumagot si Alex at napapalunok na inilihis lamang nito ang mga paningin.

"Anyway kung siya nga, hindi mo rin naman maipatatawag ang isang taong nasa ibang
bansa na," napapabuntung-hiningang sambit ng hepe.

"Huh? Paano niyo nalaman?"

"It's all over the news. She deserted her career for undisclosed reason. I heard it
from my daughter since she's a big fan of that model. Naisip ko nga ang kaso mo
pagkarinig ko ng balita... May kinalaman ba si Mr. Garcia sa pag-alis niya?"
Hindi ulit sumagot si Alex. Binigyan niya lamang ng isang mabilis na ngiti ang
opisyal.

"Hahayaan kita sa mga plano mo pero uunahan na kita Valdemor. Mr. Garcia seemed to
be a good person nang makaharap ko siya kaya't huwag na huwag kang magpapadala sa
kapusukan mo hangga't wala kang napapatunayan. He has a lot of friends around our
circle kaya't pag-ingatan mo ang bawat galaw at pananalita mo dahil konting
pagkakamali mo lamang ay maaring bumalik ang lahat ng mga iyan sayo. Hindi simpleng
tao lamang yang pinaghihinalaan mo, pag pumalpak ka diyan ay tiyak na pareho
malalagay sa alanganin ang mga tsapa natin."

"Huwag kayong mag-alala chief. Hindi ako gagawa ng anumang bagay na magiging rason
para madismiss ang kasong ito. Napakalaki ng isinakripisyo ko dito at higit sa
lahat kapakanan ng mga mahahalagang tao sa buhay ko ang nakasalalay dito kaya't
sisiguraduhin kong maging maingat sa bawat kilos at desisyong gagawin ko,"
seryosong-seryosong sagot ng dalaga....

-----

"Sigurado ka ba sa gagawin nating to?" tanong ni James.

Tinali ni Alex ang buhok, nagpagpag ng kanyang jacket at magkasunod na isinuot ang
sumbrero at malaking sunglasses, saka tumingala sa mataas na gusali ng Golden
Pacific. "Bahala na, tara!" sagot niya.
Naunang pumasok sa building si James ngunit agad siyang hinarang ng mga guwardiya
samantalang nasa labas lamang si Alex para hintayin ang senyas ng kasamahan kapag
pwede na silang pumasok. Umiiwas siyang makilala ng sinuman kaya't si James muna
ang pinapaharap niya.

"Sir, saan po sila?"

Naglabas ang binatang pulis ng tsapa at pinakita ito. "We're cops and we're here to
see Mr. Pablo Garcia."

"May appointment ho ba sila?"

"Y-Yes," pagsisinungaling ng lalaki habang titingin-tingin sa kasamahang


nakadistansya pa rin sa kanya.

May tiningnang listahan ang guwardiya. "Ano hong pangalan niyo?"

"Ah... James Corpuz."


"Sorry sir pero wala po kayo sa listahan ng mga ibinigay ng secretary niya ng may
appoinment sa kanila ngayon."

"W-We just made an appointment an hour ago kaya siguro hindi pa naiinform sa inyo."

"Pasensiya na sir. Hindi po talaga namin kayo pwedeng basta-basta papasukin medyo
naghigpit na ho kami ng security. Pero kung talagang mapilit kayo, icoconfirm ho
muna namin sa opisina niya. Patatawagin ko lang ang isa sa mga kasamahan namin sa
reception."

Sinenyasan ni James si Alex at ipinahiwatig ditong ayaw silang papasukin. Noon


lamang lumapit ang babae. Tumikhim muna ito at nakapamulsa sa pantalon na hinarap
ang guwardiya.

"Papasukin mo na kami, importanteng makausap namin si Mr. Garcia ngayon."

"Sorry mam hindi ho talaga pwede, mahigpit na hong pinagbabawal ang basta-basta
pagpapasok dito."
Napilitang magtanggal ng salamin si Alex at tinitigan ng diretso sa mga mata ang
gwardiya. "Pinagbawalan na rin ba akong pumasok dito ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ng guwardiya nang makilala ang dalaga. "M-Ma'am Alex?"

"Ano? Ban na ba ako dito?" kunway seryosong bigkas ni Alex.

"Hindi po Ma'am! Pasensiya na po kayo, hindi namin kayo nakilala! Sige po, pasok na
ho kayo!"

Nagsuot ulit ang dalagang pulis ng sunglasses at ibinaba pa ng bahagya ang kanyang
sumbrero para matakpan ang mukha. "Tara na Capt. Corpuz."

Mabilis na naglakad ang dalawang pulis papasok ng lobby. Nagtungo sila sa 40th
floor kung saan matatagpuan ang personal office ni Mr. Garcia. Subalit pagdating pa
lamang nila sa pinto ng opisina ng direktor ay hinarang na sila ng isang lalaking
nakasuot ng itim na suit. Matipuno ang pangangatawan nito at halatang isa itong
bodyguard.

"Sino sila? Hindi kayo empleyado dito."


"We're cops," sagot ni James.

"Kayo ba ang pinapuntang mga tauhan ni General Concepcion?"

Nagkatinginan sina James at Alex.

"No. We're here to have few inquiries about a case we're handling," maiksing
paliwanag ng binatang pulis.

"Sandali lang," nakaharang ang isang kamay na sagot ng bodyguard at saka ito
pumasok sa loob.

Sinubukang buksan ni Alex ang pinto ngunit nakalock ito. "Haist! Ginto ba yang Mr.
Garcia na yan na hindi basta-basta malapitan!" iritableng sabi niya habang
nagpipigil sa pagsipa ng pintuan.

"Patience," paalala ni James.


Lumabas ulit ang lalaking naka-suit. "Sorry pero maraming ginagawa ngayon si sir."

"Pakisabi si Capt. Alex Valdemor ang naghahanap sa kanya," nagtitimping wika ng


dalaga sabay tanggal sa suot na salamin.

"Hindi pwede. Kapag sinabi niyang hindi pwede, hindi pwede," matigas na sagot ng
lalaki.

"Banggitin mo lang sa kanya ang pangalan ko. Kapag hindi pa rin pumayag, aalis na
kami."

Napipilitang pumasok ulit ang bodyguard.

"Sige pasok na ho kayo," sabi nito nang muling lumabas at pinagbuksan pa sila ng
pintuan.

Napangisi si Alex sa isipan. Narinig lamang ng direktor ang pangalan niya, mukhang
naexcite na naman ito sa pang-iinsulto sa kanya.

Pagpasok nila sa loob ay bumungad sa kanila ang malaki ngunit tahimik na opisina.
Maluwang ang lugar ngunit meron lamang itong tatlong working table para sa mga
sekretarya. Nakasabit sa dingding ang mga portrait ni Mr. Garcia at pailan-ilang
mga family pictures. Medyo old style ang design ng opisina. May mga kasangkapan
itong pang living room na gawa sa mga mamahaling muwebles. Pati kulay ng pintura ay
medyo dark at sa atmosphere pa lamang ng paligid, masasabi mong medyo may katandaan
na ang nag-oopisina dito.

May isa pa silang nakitang silid na may pintong gawa sa mamahaling kahoy at doon
sila pinapasok ng sekretaryang humarap sa kanila. May nakasalubong silang dalawang
lalaking kalalabas din lamang galing sa nasabing silid. Kaswal at medyo rugged ang
mga kasuotan at halatang hindi pa aabot ng kuwarenta ang edad ng mga ito.
Nakasumbrero ang isa at nang mapadaan ito kay Alex, tiningnan nito ang dalaga nang
may katalimang titig habang napapangisi. Ginantihan din naman ito ng dalagang pulis
ng tingin mula ulo hanggang paa at ngisi.

Pagdating nila sa loob ay agad na tumayo si Mr. Garcia sa kanyang mesa at naglakad
patungo sa itim na couch set na nasa harap ng desk nito. Gawa din sa salamin ang
isang buong bahagi ng dingding ng nasabing silid kung saan maari rin sanang makita
ang magandang tanawin ng lungsod subalit natatakpan ito ng wood blinds na noon ay
bahagyang nakasarado.

"Ms. Valdemor, what a surprise visit!" nakangiting salubong ni Mr. Garcia.

Sumagot ng yukod at simpleng ngiti si Alex. " Mr. Garcia si Capt. Corpuz, kasamahan
ko."
Magalang na nakipagkamay si James sa ipinakilala sa kanya.

"Have a seat. What do you want? Coffee, tea or water?" masiglang alok ng
negosyante.

"Huwag na ho. Hindi naman kami magtatagal," diretsong sabi ni Alex.

Magkatabing naupo ang dalawang pulis sa mahabang couch at naupo naman sa harap nila
si Mr. Garcia.

"What makes you visit my office unannounce Officer Valdemor? I can see you're
really quite a strong woman. How can you walk comfortably in this building inspite
of your recent broke up with Blake Monteverde?"

Bahagyang napangisi si Alex. Sadyang hindi na ata makapaghintay ang mga pang-
iinsulto ng kausap.
"Pumunta ako dito bilang isang pulis at hindi bilang isang pribadong indibidwal. At
hindi rason ang mga personal na nangyayari sa buhay ko para maapektuhan ang trabaho
ko."

"Well I hope you don't misunderstand my statement. Nag-aalala lang naman ako
because I felt that you were treated unfairly. Kamakailan lang ay inannounce at
ipinakilala sa board meeting ni Don Henry ang bago niyang mamanugangin and most of
the board members were happy for the new couple. It seemed that they'd completely
forgotten about your situation because of the overwhelming feeling of relief that
finally Blake found a new woman suited for him. I hate people who treated women
unfairly that's why in this circus of events, ikaw ang inaalala ko," ngingiti-
ngiting sabi ni Mr. Garcia.

"Sabi niyo nga matapang ako kaya wala kayong dapat ipag-alala. Kung gaano ako
kabilis makipaghabulan sa mga kriminal, ganun din ako kabilis makamove-on sa mga
pagipag-ibig na yan. Pero salamat na rin kung nalulungkot kayo para sa akin.
Natutuwa naman ako at yan ang nararamdaman niyo, hindi gaya ng nagkalat ng mga
nakaw na litrato nina Blake na siguro ngayon ay lihim na naglulundag sa tuwa dahil
wala na kami o pwede ring nag-aapoy pa rin sa galit dahil hindi natupad ang
kagustuhan niyang masira ang imahe ni Blake sa mga tao," sagot ni Alex ng may ngisi
habang nakatingin ng makahulugan sa mga mata ng kausap.

"Ah by the way Mr. Garcia since you said you have a big concern about women, siguro
naman hindi niyo mamasamain kung meron kaming kaunting mga katanungan sa inyo
tungkol sa nagpakamatay na empleyada ng Golden Pacific na si Divine Francisco,"
singit ni James nang mahalatang nag-uumpisa nang mag-init ang tono ng pananalita ni
Alex.

Natigilan ng ilang sandali si Mr. Garcia at agad namang tumaas ang isang sulok ng
labi ni Alex nang makita ang tila nagulat na reaksiyon ng negosyante.
"Why do you have to ask me about her?"

Ibubuka na sana ng dalagang pulis ang kanyang bibig subalit mabilis itong inunahan
ni James sa pagsasalita sa pag-aalalang baka may lamang pasaring na naman ang mga
sasabihin nito.

"We are still investigating her case and we found out that there were a connection
between the two of you. Napag-alaman ho namin na kayo po pala ang nagrekomenda dito
sa Golden Pacific kay Ms. Francisco."

Niluwagan muna ni Mr. Garcia ang suot na necktie bago sumagot.

"She's the former assistant of my son's girlfriend. She asked for my help to find
her a new job after quitting from Sophia. Since I learned that she's an Economics
graduate from a decent university, hindi ako nagdalawang-isip na ipasok siya dito
sa kumpanya."

"Nagquit ho ba talaga si Ms. Francisco sa trabaho niya kay Sophia Vasquez o baka
naman ho may ibang nangyari?" sabat ni Alex.

"Well, I don't know. That's none of my business. I'm a busy person Officer
Valdemor, I don't have time na alamin pa ang mga nangyayari sa paligid ng
girlfriend ng anak ko," kaswal na kaswal na sagot ni Mr. Garcia at sabay kibit pa
nito ng balikat.

Muling ngumiti ng nakakaloko si Alex. "Girlfriend ng anak niyo? Sila pa rin ho ba


hanggang ngayon? Ang pagkakaalam ko ay sa States na maninirahan si Sophia di ba
parang ibig sabihin nun ay hiwalay na silang dalawa?"

"As far as I know they are still together. My son doesn't mention anything to me
about them breaking up. But whatever happened to them I respect their decision,
buhay nila yun at hindi ako gaanong nakikialam sa personal na buhay ng anak ko. I'm
only a father who can guide him but I can't interfere with his decision. Di ba
kaibigan ka ni Sophia? Bakit sa akin mo tinatanong ang mga bagay na yan hindi ba
dapat mas tanungin mo siya?"

"Paano niyo nalamang kaibigan ako ni Sophia?" mabilis na tanong ni Alex.

"Sophia mentioned to me."

Napangisi ulit sa isipan si Alex. Papaano babanggitin ni Sophia ang tungkol sa


pagiging magkaibigan nila kung mismo kay Tyron ay hindi siya nito maipakilala
bilang isang pulis at girlfriend ni Blake. Isa lang ang ibig sabihin nito, na
sadyang pinasusundan nito ang modelo.
"Mabuti naman ho at natandaan niyo. Sa kagaya niyong isang napakabusy na tao,
nakakatuwa naman na binigyan niyo talaga ng atensiyon ang binanggit sa inyo ni
Sophia."

"Wait a minute Officer Valdemor, aren't you here because of Ms. Francisco? Mukhang
lumilihis yata ang takbo ng pinag-uusapan natin," wika ni Mr. Garcia nang medyo may
napipikong reaksiyon.

"Ah pasensiya na kayo, nadala lang ako. Akala ko may kinalaman pa rin ito kay Ms.
Francisco," kunway nakangiting katwiran ng dalaga.

"Sorry Mr. Garcia," dali-daling paghingi ng despensa ni James at sabay pahiwatig


kay Alex sa pamamagitan ng mga tingin na tumahimik na muna ito. "For Ms. Francisco
to have the guts para personal na humingi ng tulong sayo, siguro ay medyo close
siya sayo. Meron ho ba kayong nalalaman tungkol sa personality niya?"

"Since she was Sophia's assistant, nakikita ko lang siya kapag dumadalaw sa bahay
namin si Sophia. I don't have idea about her true personality but what I remember,
masayahing tao siya."

"So isa rin ho ba kayo sa mga di makapaniwalang nagawang magpakamatay ni Ms.


Francisco?" dagdag tanong ni James.
Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Mr. Garcia. "Yes, mahirap paniwalaan
pero since hindi naman natin alam ang totoong pagkatao niya siguro nagawa niya
talaga yun sa sarili niya," may lungkot na sagot nito.

"I'm sorry kung wala akong gaanong maibibigay na impormasyon sa inyo. I'm glad that
you're willing to dig kung anuman ang katotohanan sa pagkamatay ni Ms. Francisco.
Ang akala ko pa naman ay itinigil niyo na ang pag-iimbestiga sa kaso niya," dugtong
pa nito.

"Bakit Mr. Garcia? Paano ka nagkaideya na muntik na naming itigil ang kasong ito?"
mabilis na hirit ni Alex nang may kislap sa mga mata.

"W-Well... as a director of this company, i-importanteng alamin ko rin ang


kapakanan ng mga empleyado dito lalong lalo na ang espesyal na kaso ni Ms.
Francisco na maaring makaapekto sa imahe ng Golden Pacific. Nalaman ko na parang
tumigil na sa mga pagtatanong-tanong sa mga tao dito ang inyong investigation team.
But now, I'm glad to personally know that you're back."

"Hindi ba dahil nabanggit sayo ito ni General Concepcion?"

Parehong nagulat si James at Mr. Garcia sa diretsong tanong ng nakangising dalaga.


"C-Captain Valdemor..." napapangangang sambit ni James.

"At paano naman napasok dito si General Concepcion?" gulat na sabi ng negosyante.

Natawa ng mahina si Alex pagkakita sa reaksiyon ng dalawang kausap. "Ah wala naman,
naisip ko lang na baka may nasabi sayo si General Concepcion. Mukhang personal kasi
kayong magkakilala dahil tinanong kami ng tauhan mo sa labas kung tao ba kami ni
Gen. Concepcion. Pero ang ipinagtataka ko lang siya rin ang heneral na nagbigay sa
amin ng deadline sa kasong ito. Ah, tutal mukhang magkaibigan naman kayo, pwede
bang pakiusapan niyo siya na bigyan ako ng kaunting extension kasi para din naman
ito sa kapakanan ng namatay niyong empleyado," ngingiti-ngiting paliwanag niya.

Unti-unting pomormal ng mukha ang negosyante pagkakita sa nang-uudyok na mga ngisi


ng kausap at binigyan nito ng palihim na matatalim na titig ang dalaga.

"Kakilala ko siya pero hindi sa lebel na pwede akong manghingi ng ganyang klase ng
pabor. May hinihintay akong tao niya dahil may magdadala sa akin ng plano ng bahay
na balak niyang ipatayo. As you know, I have a construction company too Officer
Valdemor," may ngiti ngunit seryoso ang mga matang sagot nito.

"Ah ganun ba... sayang naman akala ko matutulungan niyo ho ako," sabay buntong-
hininga at tingin ni Alex kay James. "Paano yan Captain Corpuz, mukhang wala akong
choice kundi manghingi ng tulong sa lolo kong retired general. Masakit talang
tanggapin ang katotohanan dito sa bansa natin, minsan palakasan pa rin ng
koneksiyon ang nangyayari," dagdag pasaring pa niya.
"Ah by the way, Mr. Garcia we came because of this also," paglihis ulit ni James sa
usapan at sabay dukot sa bulsa ng isang litrato na kuha ni Alex mula sa pagmamanman
nito.

Natigilan ng ilang sandali ang negosyante hanggang sa unti-unting kumunot ang noo
nito habang tinitingnan ang litratong nakalapag sa harap niya.

"Who's this man?" tanong nito.

"Siya ang sinasabing karelasyon ni Ms. Francisco. We tried to trace him but we
couldn't get an oppurtunity to talk to him. Siya rin ang huling bumisita sa unit ni
Ms. Francisco bago ito namatay and that's why it makes him to be our primary
suspect in this case."

"Then, ano ang kinalaman ko dito?" seryosong tugon ni Mr. Garcia sa binatang pulis.

"Napag-alaman ho kasi namin na isa siya sa mga tauhan mo," sagot ni James.

"Is he?" sabay dampot ng matandang lalaki sa litrato at tinitigan itong mabuti.
"Hindi ko siya mamukhaan. Look Captain Corpuz, I have thousands of employees dahil
marami akong iba pang mga negosyo. Just like who you saw kanina when you arrived
here, those two guys are from my construction company."

"Couldn't you remember a moment na nakita niyo siya or perhaps meron bang
pagkakataon na nakita niyo siyang kasama ni Ms. Francisco?"

"No I don't remember," matigas na sagot ni Mr. Garcia. "But about her relationship
with Ms. Francisco, that's possible. Baka sakaling nagkakilala sila within a
certain events held by my company."

Napapatango si James habang pinapakinggan ang sagot ng kaharap.

Tumingin sa relos niya si Mr. Garcia. "Sorry but officers I can't give you more of
my time. Marami pa akong dapat asikasuhin."

"Ah no problem ho. Natanong na ho namin ang mga gusto naming itanong," tugon ni
James.

Sabay-sabay na tumayo ang tatlo at pormal na nagpaalaman.


"I wish you goodluck on Ms. Francisco's case. Work harder," wika ni Mr. Garcia
habang nakikipagkamay kay Alex.

"Huwag kayong mag-alala Mr. Garcia. Handa akong magpawis ng dugo para lamang
mailabas ang katotohanan sa pagkamatay niya. At kung sakali ngang pinatay siya,
sisiguraduhin kong pagbabayaran ng kriminal ang ginawa niya kasama maging kahuli-
hulihang taong kasabwat niya. Mahalaga sa akin ang kasong ito dahil baka hindi niyo
nalalaman na si Ms. Francisco ay isa ko ring dating kaibigan," madiing bigkas ng
dalagang pulis habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng kausap....

-----

Magkatabi sa backseat ng sasakyan sina Blake at Debbie. Inaayos ng dalaga ang


kuwelyo ng suot na long sleeve ng lalaki habang ang huli naman ay iritableng-
iritable sa paulit-ulit na pagdadayal sa kanyang cellphone.

"It's off this time, what's wrong with that woman?!" galit na sambit ni Blake.

Samantala, ang nagmamaneho namang si SPO1 Balatbat ay maya't mayang napapatingin sa


rearview mirror at lihim na pinapanood ang pag-aasikasong ginagawa ni Debbie sa
katabi.

"Kunwari lang ba talaga ang relasyon nilang dalawa?" napapailing na bulong nito sa
sarili.
"Mr. Balatbat!"

"Yes sir?!" paiktad na sagot ng pulis.

"Do you have any idea kung ano ang pinaggagawa ngayon ni Alex?! It seems that I
always have to beg for a chance para lamang makausap siya. She doesn't pick-up my
calls and this time pinatayan niya naman ako ng telepono! Hindi ko na siya
matiyempuhan sa bahay nila. Hindi ko na rin alam kung anong oras siya dumarating at
umuuwi sa kanila! Maging sa headquarters hindi ko rin siya maabutan! Are you sure
she's only doing interviews for a single case. Baka naman sumasama na ulit siya sa
mga raids at iba pang mga operasyon! Magsabi ka sa akin ng totoo!" napipikong wika
ng binata.

"Eh sir hindi ko rin ho alam. Wala naman ho ako sa posisyon para alamin sa kanya
kung ano ang mga ginagawa niya. Nakakausap ko lang naman siya kapag nanghihingi
siya ng report sa akin."

"When was the last time you talked to her?!"

"Kaninang umaga ho, tinawagan niya ako."


"WHAT?! She had the time to call you pero ako hindi niya man lang matawagan!" hindi
makapaniwalang bulalas ni Blake.

"Blake baka naman sobrang busy lang ni Alex sa trabaho niya. Maybe she needs to
have some focus right now," pag-alo naman ni Debbie sa galit na lalaki habang
tinatapik-tapik ito sa likod.

"That's not a valid excuse!"

Nag-ring ang telepono ni Balatbat.

"Who's calling? Is that Alex?" tanong agad ni Blake.

"Hindi ho, girlfriend ko..." mahinang sagot ng pulis.

"Don't answer!!! You're driving!"


"Blake ano ba? Huwag mo ngang idamay si SPO1 Balatbat sa init ng ulo mo. Don't talk
to him that way,hindi mo siya tauhan," saway ni Debbie.

"Okay lang ho ma'am. Naiintindihan ko si Sir Blake. Masama naman ho talaga sa


pakiramdam kapag ilang araw mo nang hindi nakikita at nakakausap ang taong mahal
mo," malamang sagot ni Balabat sa babae.

"Thank you for your understanding."

"Naku mam, huwag kayong magpasalamat! Ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito dahil
kay Capt. Valdemor at hindi dahil sa inyo kaya wala kayong obligasyong pasalamatan
ako."

"Ah ganun ba," napapahiyang sagot ni Debbie. "Blake huwag mo na munang sirain ang
mood mo because of this. Mabuti pa pag-usapan na lang natin yung nangyari sa
pinuntahan nating meeting."

"Let's talk about that after we reach my office," diretsong sabi ng lalaki.
"O-Okay," walang magawang sagot ng dalaga.

Inihinto ni Balatbat ang sasakyan nang marating nila ang tapat ng Golden Pacific.

"Park this car first, sabay-sabay na tayong pumasok sa loob," sabi ni Blake.

"Blake?" naguguluhang sambit ni Debbie.

"Bakit ho?" tanong naman sa binata ni Balatbat.

"Baka tumawag sayo si Alex habang nagpapark ka. I want to talk to her badly."

Walang nagawa ang dalawang kasama kundi sumunod sa gusto ng iritableng lalaki.
Magkakasama silang pumasok ng lobby habang hawak-hawak ni Balatbat ang kanyang
cellphone upang mag-abang ng tawag. Seryoso silang naghintay sa pagbubukas ng
elevator habang maya't maya pa ring pinagtitinginan ng mga tao sina Blake at
Debbie.
Tumunog ang pinto ng kabilang elevator. At hahakbang na sana si Balatbat para doon
na lamang sumakay ngunit mabilis na nagsalita si Blake.

"Don't move. I'm not in the mood na makisabay sa maraming tao sa elevator," wika
nito nang hindi tumitingin sa kinakausap.

"O-Okay po sir."

Nagbukas ang elevator ngunit natukso pa ring lumingon doon si Balatbat. At laking
gulat nito nang makilala kung sino ang magkasamang lumalabas doon.

"C-Captain Corpuz at C-Captain Valdemor?" nauutal na sambit nito.

Natigilan sina Alex at James pagkakita sa hindi inaasahang mga nakasalubong.


Mabilis na sumaludo si Balatbat at ginantihan din ito ng saludo ng dalawang
kapitan.

"W-What are you doing here guys?" napapangangang tanong ni Blake.


Hindi sumagot si Alex. Dahil nakasuot siya ng sunglasses, malaya niyang natititigan
sina Blake at Debbie. Huling-huli niya kung papaano kumapit ng mahigpit ang babae
sa braso at palad ng binata nang makita sila nito. Biglang nabura ang galit na
nararamdaman niya para kay Mr. Garcia, napalitan ito ng dahan-dahang pagkakahiwa ng
kanyang dibdib. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing darating ang araw na harap-
harapan niyang makikitang may ibang kahawak-kamay na babae si Blake habang siya ay
walang magawa kundi ang tanggapin ito at tingnan na lamang ng buong tapang.

"We're here because of Ms. Francisco's case," sagot ni James.

Itinuon ni Blake ang mga paningin sa blangkong mukha ni Alex. Ilang saglit niya
itong tinitigan. Nabura lahat ng pagkairita niya habang unti-unting nararamdaman
kung gaano niya namimiss ang girlfriend. Sa mga sandaling iyon ay gusto niya itong
lapitan, yakapin at halikan subalit pinapaalalahanan siya ng mahigpit na
pagkakahawak ni Debbie sa kanyang palad na hindi pwedeng mangyari ang gusto niya.

"Why aren't you answering your phone?" mahinang tanong niya nang hindi inaalis ang
pagkakatitig sa babae.

Hindi agad sumagot si Alex at nanatili siyang walang reaksiyon, sa halip ay


pinakiramdaman niya ang mga tsismosong mga matang nakatingin sa kanila na para bang
nanonood ang mga ito ng highlight ng isang pelikula. Huminga siya ng malalim,
isinuot ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang pantalon at komportableng
umayos ng pustura ng pagkakatayo.
"Bakit mo naman ako tinatawagan Mr. Monteverde?" mahinahon at natural na natural na
sagot niya.

Napamaang ng ilang saglit si Blake sa sinabi ng kausap. "W-What are you talking
about? Kailangan ba ngayon may rason muna ako para kausapin ka?"

"Pinapatay ko ang telepono kapag nasa gitna ako nang seryosong pag-iimbestiga at
lalong hindi ako sumasagot ng personal na tawag sa oras ng trabaho," malakas at
walang pag-aalinlangang sagot ni Alex nang may matigas at seryoso pa ring mukha.

"Tara na, Capt. Corpuz," sabay yaya ng dalaga sa kasamahan.

"O-Okay...Nice to see you again Blake," pahabol na wika ni James sa di-


makapagsalitang binata.

Kalmado at natural lamang na ipinagpatuloy ng dalawang pulis ang paglalakad


papalabas ng lobby. Susunod sana sa mga ito si Blake subalit bago pa man
makahakbang ang lalaki ay pinigilan ito ni Debbie. Umiling ang babae bilang paalala
sa binata na hindi nito pwedeng sundan ang dalawa sa harap ng maraming tao.

Samantala, walang imik pa rin si Alex at tila hindi apektado sa naging pagkikita
nila ni Blake habang si James naman ay tahimik na nakikiramdam lamang hanggang sa
marating nila ang sasakyan.
"CAPTAIN VALDEMOR!"

Napalingon sa sumigaw ang dalagang pulis na noon ay nagbubukas na sana ng pinto ng


kotse.

"O bakit? Anong problema Balatbat?" kunot noong tanong ni Alex.

"M-Ma'am baka naman pwede niyo namang sagutin ang mga tawag ni Sir Blake,"
hinihingal na sabi ng tauhan.

"Sinundan mo ba kami dito para lang sabihin yan?"

"Eh kasi naman Ma'am ang hirap pala kapag mainit ang ulo ng boyfriend niyo. Ang
tindi magsungit kulang na lang bawal huminga ang mga taong nakapaligid sa kanya!"
sabay lapit ni Balabat sa dalagang kapitan. "Isa pa ma'am dapat asikasuhin niyo at
bantayan niyong maiigi si Sir Blake, mukhang malaki ang posibilidad na masulot siya
sayo. Ang tindi pumulupot at bumakod ng kaloveteam niya dito sa Golden
Pacific,"pabulong na bigkas nito.

Tinaasan ni Alex ng isang kilay ang kausap at pinandilatan ng mga mata. "Balatbat,
pinagbabantay kita para sa seguridad ni Blake hindi para maging tsismoso!"

"Kayo lang naman ang inaalala ko. Sayang naman ang isang kagaya ni Blake Monteverde
kung basta-basta na lang maagaw sa inyo," napapakamot sa ulong katwiran ng SPO1.

"Pwede ba bumalik ka na lang kay Blake kesa nagsasayang ka ng oras para bwisitin
ako. Di ba sabi ko huwag na huwag kang aalis sa tabi niya. Sa susunod huwag kang
magsasalita ng kahit anong tsismis ha kapag hindi kita tinatanong! Ayokong nasisira
ang araw ko! Dalii bilis balik ka na dun!!!" namumula ang pisngi sa panggigigil na
utos ni Alex.

"Eto na nga ho, babalik na."

"BILIS!!!"

"Oho, eto na tumatakbo na!"

Paglaho ni Balatbat sa kanyang mga paningin ,hindi na nakontrol ni Alex ang


pinipigilang pagseselos. Pinukpok niya ng kamao ang bubong ng kotse.
"SHIT!!!"

Nagmamadali namang lumabas ng sasakyan ang nakahanda na sanang magmanehong si James


nang marinig nito ang malakas na kalabog at nang maramdaman ang pag-uga ng kotse

"What was that?" naguguluhang tanong nito habang nakatingin sa bahagyang nayuping
parte ng bubong ng sasakyan.

Agad na natauhan si Alex at mabilis itong ngumiti. "Ah-eh may bato, nahulog. Tumama
sa kotse."

Tumingala si James at napakunot ng noo nang mapagtantong wala namang nakapaligid sa


kanila na pwedeng paggalingan ng bato.

"Selos lang yan. Aaminin mo lang eh," tatawa-tawang sabi nito sabay pasok ulit ng
sasakyan.

Lumingon muna sa pinanggalingang gusali si Alex at ngumuso dito, saka nakasimangot


na sumakay ng kotse. Paulit-ulit itong bumuntong-hininga at magkasalubong ang kilay
na sumandal ng maiigi sa upuan habang diretso lamang ang tingin sa daan.

"Ano, okay ka na?" tanong ni James pagkalipas ng ilang minuto.

Tumingin si Alex sa katabi at ngumiti ng pilit. "Oo."

"But you know, you were a little mean earlier. Hindi mo dapat sinagot ng ganun si
Blake, obvious naman na namimiss ka lang nung tao," hirit ng lalaki.

"James, maunawain lang ako pero hindi ako manhid. Kahit ano pang pag-iintindi ang
gawin ko hindi pa rin madaling tingnang may ibang kaholding hands ang lalaking
mahal ko. At isa pa tama lang na yun ang sinagot ko dahil sa dami ng mga matang
nakatingin kanina baka maamoy nilang may relasyon pa rin kami."

"I understand your point but you should at least choose nicer words."

Humalukipkip si Alex at nakasimangot na umirap sa kausap. "Kanino ka ba kampi?"


Natawa ng mahina si James nang makita ang tila batang reaksiyon ng babae. "Wala
akong kinakampihan sa inyong dalawa. Nagsasabi lang ako ng totoo. The two of you
are already in an awkward situation kaya't sana huwag niyo ng dagdagan pa by being
awkward to one another. Kagaya ngayon you already know that he's upset because he
couldn't contact your cellphone, shouldn't you at least try to attend to your phone
first?"

"Ay oo nga pala!" biglang tarantang wika ng babae.

Nagmamadaling dinukot ni Alex ang telepono sa bulsa ng kanyang jacket, saka binuhay
ito. At hindi pa man lumilipas ang isang minuto agad na itong tumunog.

"Eto na, tumatawag na nga!"

Tumikhim muna ang dalaga, huminga ng malalim at humawak sa dibdib. "H-Hello."

"What happened earlier? What was that all about?!" iritableng bungad ni Blake.

"Ang alin?" nagmamaang-maangang sagot ng babae.


"The way you talked to me! Anong sinasabi mong hindi kita pwedeng tawagan pag nasa
trabaho ka? Are you setting a new rule this time?!"

"Ah yun ba.... Siyempre sinabi ko lang yun kasi maraming nakatingin," malumanay na
paliwanag ni Alex.

"If you say so, bakit ilang araw mo nang hindi sinasagot ang tawag ko? You didn't
even bother to call me back."

"Ah tinatawagan mo ba ako? Pasensiya na hindi ko napapansin."

"How could you ignore more than a hundred missed calls?"

"Huh? Ganun kadaming beses ka tumawag?"

"Stop acting innocent. Tell me frankly, iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Blake nang
may seryosong-seryosong tono.

Bumuntong-hininga si Alex at pansamantalang tumahimik.

"Alex? Are you still there?"

"Oo.....Hindi kita iniiwasan, busy lang talaga ako. Pero Blake di ba napag-usapan
naman natin na bibigyan muna natin ng space ang isa't isa," matamlay na sagot ng
dalaga.

"Yes, napag-usapan natin yan and I think I'm being true to my words but what you
did lately is not just about space, you were completely ignoring me... Alex, space
doesn't mean we won't completely talk and see each other. We're still in a
relationship wifey and I still love you in the same way...I miss you so much that's
why I need to talk to you and see you kahit paminsan-minsan lang," madamdaming
pagkakasabi ng binata.

Napakagat si Alex sa labi at gustong mangilid ng kanyang mga luha sa sinabi ng


lalaki. Unti-unti na namang natutunaw ang nagmamatigas niyang puso. Ito ang dahilan
kung bakit hangga't maari ay ayaw niyang makita at makausap si Blake. Natatakot
siya na mawala ang tapang niya. Na mas maging makasarili siya at unahin ang totoong
sinisigaw ng kanyang dibdib. Na baka sa kalagitnaan ng lahat ng ito...ay bigla niya
na lang bawiin ang pagpayag niya sa pagpapahiram ng boyfriend sa ibang babae.
"A-About earlier, I'm sorry for what you saw... Nag-aalala lang si Debbie na baka
mawalan ako ng control after seeing you," dagdag pa ng binata.

"Naiintidihan ko, Blake."

"Blake I bought a new japanese tea. You want a cup of it? I'll ask your secretary
to make one."

Agad na gumuhit ang ngisi sa mukha ni Alex nang maulinigan ang boses ni Debbie sa
kabilang linya. Mabilis na nagbago ang timpla niya. Ang galing talagang tiyumempo
ng babae. Pati ba naman sa kalagitnaan ng pag-eemote nila ni Blake ay sumisingit
ito? Nagtitimpi lang siya pero alam niyang sinasadya ng babaeng ito ang pambabakod
na ginagawa kay Blake para sa sarili nitong interes.

"Sige na Blake, saka na lang ulit tayo mag-usap. May importante pa akong
aasikasuhin," walang ganang wika niya.

"Wait! We're not done talking yet."

"Sige na may trabaho pa ako. At huwag ka na munang tumawag dahil ko rin ito
masasagot. Bye."
Ibinaba niya ang telepono nang hindi na hinintay ang sasabihin ng kausap. Ibinalik
niya ang cellphone sa bulsa ng jacket at tumingin ng diretso sa daan nang walang
reaksiyon ang mukha.

"So what's your next plan?" tanong ni James makalipas ang ilang minutong
katahimikan.

"James, pwede bang huwag muna nating pag-usapan si Blake."

"I'm not talking about him. I'm referring to Mr. Garcia."

Nagbago ang hilatsa ng mukha ni Alex. Agad na nawala ang tamlay na nararamdaman
niya at muling nag-init ang kanyang dugo pagkarinig sa pangalan ng negosyante.

"Ngayong alam niya nang pursigido akong ituloy ang pag-iimbestiga sa kasong ito,
abangan na lang natin ang susunod na hakbang niya. Tiyak na mag-iisip yun ng paraan
para huwag maiugnay ang pangalan niya sa kasong ito. Sa mga pasaring na ginawa ko,
alam kong ramdam niya nang may mga alam ako tungkol sa kanya."
"Be careful Alex. Kung totoo ngang may itinatagong kademonyohan yan si Mr. Garcia,
kailangan mong mag-ingat. Don't push him too much baka ikaw naman ang pag-initan
niya," pag-aalala ni James.

"Matagal na akong pinag-iinitan nun, simula pa man nang una naming pagkikita. Saka
mabuti ng ako muna ang pag-initan niya para malihis ang atensiyon niya mula sa mga
masasamang balak niya kay Blake at sa Golden Pacific."

"Are you that serious to take all these risks because of Blake?"

Seryosong tumingin si Alex sa mga mata ng kausap. "Una sa lahat, kaya ko ginagawa
ito dahil pulis ako at trabaho ko ito. Pangalawa, kaya ako mas nagpupursige dahil
kaligtasan ni Blake ang nakasalalay dito. At pangatlo, dapat magbayad ng kasalanan
nila ang mga taong nang-agrabyado sa mga kaibigan ko...Hindi lamang dahil kay Blake
ang lahat ng ito James ," paliwanag niya.

Muling tumunog ang cellphone ng dalaga. "Haist! Sinabi nang huwag munang tumawag!"

Napakunot ng noo si Alex nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. "Huh?"
"Why? Who's that?" tanong ni James.

"Si Manang janitress."

Dahan-dahang inilapit ni Alex ang cellphone sa kanyang tenga. "H-Hello, manang."

"Ineng....tulungan mo ako. K-Kinidnap ako ng boyfriend ni Divine..."

"Ano ho?!!!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Alex. "Nasan kayo? Sinaktan ba
kayo? Anong ginawa niya sayo?!"

"Hindi ko alam kung nasan kami. Piniringan niya ako nang magpunta kami dito. Hindi
niya naman ako sinaktan. Wala naman siyang ginawa sa akin basta isinama niya lang
ako dito," kabadong tono ng matanda.

"Asan siya? Hindi ba siya nakabantay ngayon kaya kayo nakatawag?! James, ihinto mo
muna ang sasakyan!" natatarantang wika ng dalaga.

"Hello. Ms. Valdemor."

Natigilan si Alex nang biglang boses lalaki na ang kumausap sa kanya.

"Sino ka? Anong ginawa mo kay Manang?!"

"What's going..." usal ni James ngunit mabilis na tinakpan ni Alex ng kamay ang
bibig nito at senenyasang manahimik.

"Ako ang taong matagal mo nang pinapasundan officer," sagot nito nang may malalim
na boses.

"Anong kailangan mo? Ang cellphone? Sige ibabalik ko sayo ngayon din huwag mo lang
sasaktan si manang!"
Natawa ang lalaki. "Aanhin ko ang cellphone na yan. Kahit pa ibigay mo sa akin yan
ngayon ay tiyak na nakopya niyo na lahat ng nakalagay diyan...Ikaw ang kailangan
ko."

"A-Ako?..." napapangangang sambit ni Alex.

"Oo, ikaw Ms. Valdemor."

"A-Anong gusto mong gawin ko?"

"Pumunta ka sa lugar na sasabihin ko...Huwag na huwag kang magkakamaling magsama ng


iba kung hindi pareho mo kaming hindi aabutan ni Manang dito."

"At bakit naman ako pupuntang mag-isa? Paano ako makatitiyak na pareho kaming
ligtas na makakaalis ni Manang sa lugar na iyan?"

"Gusto mo akong makaharap di ba? Ayaw mo bang marinig ang mga sasabihin ko tungkol
sa pagkamatay ni Divine? Sasabihin ko ang buong istorya subalit sayo ko lamang
ipagtatapat ang lahat ng nalalaman ko."
Nag-isip ng ilang saglit si Alex.

"Paano pag hindi ako pumunta?"

"Hindi ko tinangay itong janitress para lamang sa wala..."

"Text mo sa akin ang lugar," mabilis na sagot ng dalaga sabay baba sa telepono.
"James dito na lang ako!"

"What's going on? Dinukot ba ng suspect si Aling Cresencia?"

"Oo."

"Kung ganun bakit ka bababa ng sasakyan? Don't tell me kakagatin mo ang sinabi
niyang pumunta ka dun mag-isa."
"Kailangan kong iligtas si Manang."

"How about yourself?! Don't be stubborn again Alex!" mataas ang tonong wika ni
James.

"Huwag kang mag-alala, kaya ko ang sarili ko."

Nagmamadaling naghubad ng seatbelt si Alex at lumabas ng sasakyan. Bumaba rin si


James para pigilan ang babae.

"Are you out of your mind, Alex?! Paano kung tambangan ka sa lu

*****

Malapit ng lumubog ang araw nang marating ni Alex ang lugar na pinagdalhan ng
suspect kay Aling Cresencia. Isa itong luma ngunit hindi tapos na abandonadong
gusaling may apat na palapag. Katabi nito ay isang bakanteng lote na tinutubuan na
ng mga talahib at kahilera nito ay mga malalaking warehouse at pagawaan na pawang
may matataas na mga pader.

Mga isandaang metro ang layo ng abandonadong gusali mula sa isang malawak at
sementadong kalsadang hindi gaanong dinadaanan ng mga sasakyan. Maraming nakatambak
at nakaharang na mga kinakalawang na bakal sa bukana ng lugar na maaring siyang
dahilan kung bakit walang nagkakainteres na magtresspass dito.
Pinili ni Alex na dumaan sa talahiban ng bakanteng lote upang sa likurang bahagi
siya ng gusali pumasok. Tahimik ang buong lugar at wala rin siyang makitang ni isa
mang tao sa paligid. Dahan-dahan at walang ingay siyang umakyat sa hagdan habang
nakikiramdam sa anumang pagkaluskos na maririnig. Nakahanda siya kung sakaling may
aatake sa kanyang mga nagtatagong kalaban. Wala siyang hawak na baril subalit
merong kwarenta y singkong nakasuksok sa kanyang likuran at isa sa loob ng bulsa ng
suot niyang leather jacket na kayang-kaya niyang sabay na bunutin nang mabilisan.

Hindi sa kanya sinabi kung saang parte ng gusali sila magkikita kaya't iniisa-isa
niya ang bawat palapag. Maingat niyang tinitingnan ang bawat sulok nito ngunit
sinisiguradong meron siyang poste o dingding na mapagkukublihan. Wala siyang
natagpuan sa unang tatlong palapag ngunit nang nasa kalagitnaan na siya ng hagdan
paakyat sa pang-apat, nakarinig siya ng mahihinang ingay at kahit ang mga malalalim
na paghinga ng mga taong naroroon ay nasasagip ng matatalas niyang mga tenga.

"Diretso lang Officer Valdemor."

Kung matalas ang pandinig niya, ganun din pala kagaling makiramdam ang suspect.
Naalala niya ang nasaksihang pagtakas ng lalaki nang gabing tinakot nito si Sophia.
Maaring hindi pangkaraniwan ang kakayahan nito sa pakikipaglaban kaya't kailangan
niyang maging alerto. Maingat siyang naglakad papaakyat at pagdating niya sa
nasabing palapag, inabutan niya doong kalmadong nakatayo ang suspect habang
tinitingnan ang dahan-dahan niyang paglapit. Nakasumbrero ito at nakatalikod sa
liwanag kung kaya't hindi niya gaanong nasisilayan ang mukha nito.

Walang dingding at dibisyon ang nasabing palapag, tanging sementadong bubong, sahig
at ilang mga poste lamang ang meron dito. Nakapwesto ang lalaki malapit sa
hangganan ng sahig sa bandang dulo mula sa hagdan. At sa harap nito ay nakaupo
naman si Aling Cresencia sa isang silya habang nakagapos patungo sa likuran ang mga
kamay at may takip na tape ang bibig. Walang armas na nakatutok sa matandang babae
subalit kita niya ang nakasiksik na baril sa tagiliran ng lalaki na maaaring
bunutin nito anumang oras. Tumingin siya kay Aling Cresencia, kitang-kita sa mga
mata nito ang takot at pag-aalala.
"Hanggang diyan ka lang!" sigaw nito nang nasa kalagitnaan na siya ng palapag.

Huminto siya. Diretso lamang ang mga tingin niya sa suspect at sa janitress. Blanko
ang kanyang mukha. Hindi siya maaring magpakita ng anumang emosyon upang huwag
mabasa ng lalaki ang tinatakbo ng kanyang utak.

"Sigurado ka bang wala kang kasama?"

Tumango siya.

"Ibaba mo sa sahig ang baril mo!" sigaw ulit nito at sabay hawak din sa nasa
tagilirang armas.

Dinukot niya ang kwarenta y singkong nakasiksik sa likuran niya at dahan-dahan


itong ibinaba sa sahig.
"Bago ko ito bitawan, ibaba mo rin yang baril mo," mahinahon ngunit matigas na sabi
niya sa lalaki.

Sumunod naman ang lalaki. Dahan-dahan din nitong ibinaba sa sahig ang dalang baril.
Nagkatitigan muna silang dalawa, nagpakiramdaman at saka sabay na bumitiw sa kani-
kanilang armas.

Magkasabay din silang tumayo ng dahan-dahan. At ilang saglit munang nag-usap ang
kanilang mga mata.

"Andito na ako, pakawalan mo na si Manang," diretsong sabi niya.

"Hindi pa. Ang usapan natin ay pakikinggan mo muna lahat ng sasabihin ko!"

"Magsalita ka, makikinig ako."

Nagdududang tiningnan muna siya ng lalaki mula ulo hanggang paa.


"Hubarin mo yang jacket mo!" utos nito.

Hindi agad siya gumalaw. Wala siyang balak sumunod. Pareho silang walang hawak na
armas kaya't kung pareho man silang may itinatagong baril, pwes pabilisan na lamang
ng bunot ang magaganap. Malakas lang ang loob niya pero kailanman ay hindi siya
nagtitiwala sa mga kriminal.

Nagkunwari muna siyang maghuhubad ng jacket bago bumunot ngunit bahagya siyang
natigilan. Nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang bandang likuran. Muling gumana ang
matalas niyang mga tenga. Nakakarinig siya ng mahinang pagkaluskos sa may hagdanan.
Mayroong ibang tao.

Hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa mukha ng lalaki habang kunwari'y


nagtatanggal ng jacket ngunit nang lumakas na ang kutob niyang may gagawin ang
nagtatagong tao sa kanyang likuran, mabilis siyang dumapa. Dinampot ng kaliwang
kamay niya ang inilapag na kwarenta y singko sa sahig at dinukot naman ng kanan ang
nakasukbit sa loob ng kanyang jacket. Itinutok niya ang magkabilaang kamay sa
suspek at sa taong nasa hagdan. Magpapaputok na sana siya ngunit naunahan siyang
bumaril ng nasa likod niya. isa itong lalaking nakasuot ng kulay itim na bonnet
mask. Nagulat siya nang makitang hindi siya ang inaasinta nito kundi ang suspect.
Pinaputukan nito ng ilang beses ang lalaki subalit mabilis namang tumalon ang huli
sa gusali. Napanganga siya sa nakita, nagpapakamatay ba iang suspect para talunin
ang apat na palapag?

Sinamantala niya ang pagkakataon. Gumagapang na lumapit siya kay Aling Cresencia
para alisin ito sa pagkakatali sa silya. Tinanggal niya muna ang duct tape nito sa
bibig.
"ALEX!!!" nanlalaki ang matang sigaw ni Aling Cresencia nang makitang ang dalagang
pulis na ang inaasinta ng lalaking nakabonnet.

Nakuha agad ni Alex ang ibig sabihin ng sigaw ng matanda. Mabilis na tinulak niya
ang silyang kinauupuan ng janitress para mapahiga ito sa sahig saka siya
nagpagulung-gulong patungo sa isang pinakamalapit na poste na pwede niyang
pagtaguan. Hinabol siya ng putok ng lalaki at nagtago rin ito sa isang poste
malapit sa hagdanan. Nagpalitan sila ng putok hanggang sa matamaan niya ito sa
balikat. Saka lamang umatras ang lalaki. Binabaril pa rin siya nito habang umaatras
patungong hagdan hanggang sa maglaho ito sa kanyang mga paningin. Tumakbo siya para
habulin ito.

"A-A-Alex....."

Natigilan siya nang marinig ang daing ni Aling Cresencia. Nanlaki ang mga mata niya
at biglang nanlamig ang kanyang buong katawan sa nakita. Namumutla ang nakapikit na
matanda habang dumadaloy sa sahig ang dugo na nagmumula sa katawan nito. Parang
sasabog sa nerbiyos ang dibdib na tumakbo siya papalapit dito.

"MANANG!!!!"

"A-Alex...."
Natatarantang tinanggal niya ang tali nito sa mga kamay at inihiga ito sa kanyang
mga hita. May tama ito sa kanang dibdib. Mangiyak-ngiyak na tinakpan niya ng palad
ang tama nito para mapigilan ang pagbulwak ng dugo.

"A-Alex.... a-ang mga apo ko. H-Huwag mo silang pababayan...." hirap na bigkas ng
matanda habang lumalabas din ang dugo sa bibig.

Tumulo ang mga luha sa pisngi ni Alex. "A-Anong pinagsasabi niyo, Nay walang
masamang mangyayari sa inyo," umiiyak habang natatawang sabi niya. "D-Dadalhin ko
kayo sa hospital ngayon na."

"A-Ang mga apo ko...." sabay na nawalan ng malay ang matanda.

Lumingon sa paligid si Alex. Walang sinumang naroroon ngunit nakarinig siya ng


dalawa pang magkasunod na putok.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!" histerikal na sigaw niya habang marahang niyuyugyog
ang balikat ni Aling Cresencia. "Nay! Gumising kayo nay!" sinubukan niyang buhatin
ang matanda nang hindi inaalis ang kanyang nakatakip na kamay sa tama nito.
"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!"

"ALEX!!!"
Napatingin si Alex sa pinagmulan ng boses at laking pasasalamat niya nang makita
kung sino ang tumatakbo papalapit sa kanila.

"J-James! Tulungan mo ako!"

"What happened?" natatarantang tanong ng binata, sabay siksik sa dala nitong baril
at saka mabilis na binuhat ang matandang babae.

"M-May hitman na d-dumating. P-Pinagbabaril kami, p-pati suspect target niya.."


paliwanag ng dalaga habang patakbo silang bumababa ng gusali.

Pinunit ni Alex ang laylayan ng suot niyang T-shirt at itinapal sa sugat ni Aling
Cresencia. Maya't maya lamang ay may naririnig na siyang wang wang ng patrol car.

"I called for back up," kusang wika ni James. "Manang is still alive, kailangang
madala natin siya sa pinakamalapit na hospital bago pa man siya maubusan ng dugo."
Napahinto si Alex nang biglang may maalala pagdating sa baba.

"Isakay mo na si Manang, may titingnan lang ako. Sa palagay ko ay may isa pa tayong
dapat dalhin sa hospital."

Pumunta siya sa parte na maaring pinagbagsakan ng suspect para hanapin ang katawan
nito. Hindi siya sigurado kung kusa ngang tumalon ito o tinamaan din kaya nahulog.
Ilang saglit siyang naghanap subalit wala siyang natagpuang katawan at ni bakas ng
dugo ay wala siyang nakita....

-----

"Blake hindi pa ba tayo aalis? We will be late for our meeting."

"Sandali lang Debbie. I need to contact Alex, kagabi pa ako hindi mapakali. I feel
that there's something wrong going on with her."

Walang tigil sa pag-dial si Blake habang pabalik-balik na naglalakad sa kanyang


opisina.

"Ano bang magagawa mo, eh patay nga ang telepono? Kahit paulit-ulit kang mag-dial
diyan hindi naman yan mabubuhay kung hindi ito bubuksan ng tinatawagan mo," medyo
napipikon nang sabi ni Debbie.

"I talked to her Mom, she said she didn't go back to their house last night. Sabi
niya baka doon daw ito natulog sa bago niyang apartment. But Margareth checked wala
rin daw tao sa apartment niya."

"Eh sana pinuntahan mo yung apartment para nakita mo ng personal. Malay mo naman
nagsisinungaling yan si Margareth baka naman kasabwat din yan ni Alex sa pag-iwas
na ginagawa sayo."

"Hindi ko alam kung saan siya lumipat."

"Then why didn't you ask her mom?"

"Hindi pwede, magtataka yun kung bakit hindi ko alam baka mahalata niyang may
problema kami ni Alex. Margareth won't tell me too, kabilin-bilinan daw sa kanya ni
Alex na huwag itong ipagsabi kahit kanino."

Humalukipkip si Debbie, bumuntung-hininga at napapailing na tiningnan ang di


mapakaling lalaki.
"Did you call her headquarters? Baka naman may trinabaho lang magdamag."

"I did at dumaan pa ako doon kanina pero lahat ng mga kasamahan niya nagsasabing
nasa labas lang daw si Alex. I felt that they were hiding something from me too.
Even his partner James didn't know where she is samantalang magkasama lang sila
kahapon."

"Look Blake, I think you're being paranoid again. Kung may masamang nangyari kay
Alex, sa tingin mo ba yang si Margareth at James won't be in panic too. Baka naman
may inasikaso lang talaga buong magdamag yang girlfriend mo. O baka naman habang
hindi ka magkandaugaga dyan sa telepono mo ay kasalukuyan lamang itong natutulog
kung saan man."

"Debbie can you cancel our meeting or pwede bang ikaw na lang muna ang pumunta? I
don't think I can face them na ganito ang nararamdaman ko."

Tumaas ang isang kilay ni Debbie at hindi na nito napigilang itago ang pagkapikon.
"WHAT?! Are you out of your mind?!"
Natigilan si Blake at halatang nagulat ito sa galit na reaksiyon ng babae. Ito ang
unang pagkakataong pinagtaasan siya nito ng boses.

"Pinaghirapan nating makakuha ng appointment sa kanila and we worked our ass off
for our presentation today! Pero ganun lang kadali sayo yun na icancel dahil
worried ka kay Alex? Dahil lamang wala kang narinig buong magdamag tungkol sa
walang pakialam mong girlfriend!"

"D-Debbie..." hindi makapaniwalang sambit ng binata habang nakatingin sa galit na


mukha ng kausap.

"Yeah that's right! I'm angry! Because I feel bad! I feel bad for you Blake!
Tingnan mo nga yang sarili mo? Hindi ka ba napapagod na magmukhang tanga! Araw-araw
na lang ay wala kang ginawa kundi ang mag-alala at magmakaawa ng atensiyon diyan
kay Alex! Can't you even realize kung bakit hinahayaan ka niya sa anumang mga
desisyon mo? Because when she said space, she meant it! Because she's happier to do
the things she's doing right now! Hindi mo ba naiintindihan yun?!"

"DEBBIE SOMOSOBRA KA NA! You don't have the right to talk about Alex that way!"
galit ring sagot ni Blake.
Natawa ng sarkastiko si Debbie. "Yeah you're correct, I don't have the right to say
bad things about Alex. But I'm not saying anything bad right now instead what I'm
saying is the truth. Pero dahil ba ayokong nakikita kang nagkakaganito, I deserve
to be told na wala akong karapatang magsalita whatsoever. Don't you think you're
being unfair to me Blake?"

Biglang natauhan si Blake mula sa panandaliang pagkakapikon. "Look Debbie, I'm


sorry if I yelled..."

"Oh well, sino nga ba naman ako? You can yell me anytime. Ako lang naman ang
tangang kaibigan na pumapayag gamit-gamitin, utuin at ipahiya ang sarili sa lahat
para lamang mapagtakpan ka! Ako lang naman ang tangang si Debbie na nagpapakahirap
magtrabaho para sa project mo. Ako lang naman ang taong walang ibang iniisip kundi
ang tulungan ka sa papel mo dito sa kumpanya niyo! At ako lang naman ang babaeng
walang kapride-pride na nagsasakripisyo para masolusyunan mo ang mga problema mo!
Kaya ano ba naman ang karapatan kong magalit kung balewalain mo lahat ng mga
pinaghirapan ko? Eh sa nag-aalala ka sa girlfriend mo at dapat naiintindihan ko rin
yun!"

Dinampot ni Debbie ang kanyang handbag, namumula ang pisngi at mangiyak-ngiyak


itong nag walk out sa opisina ng binata. Nagkatinginan naman ang lahat ng mga staff
na kanina pa lihim na nagpapakiramdaman dahil hindi man nila naririnig ang dalawang
nag-uusap sa loob subalit nakikita nilang tila nagtatalo ang mga ito.
Pansamantala namang hindi nakakilos si Blake dahil tumagos sa dibdib niya lahat ng
mga sinabi ng kaibigan. At nang mawala ang pagkabigla agad niyang hinabol ang
babae.

"Debbie wait!" tawag niya habang sinusundan ito sa hallway.

Hindi siya nito nilingon kaya't dinoblehan niya ang bilis ng paglalakad at nang
maabutan niya ito ay hinawakan niya ito sa kamay. Huminto ito subalit umiwas itong
humarap sa kanya.

"I'm sorry..." seryosong paghingi niya ng tawad.

Hindi pa rin ito humarap sa kanya. "Please let's talk about it. Huwag tayong mag-
away. I know ako ang may mali, I got your point. Hindi ko dapat dinadala ang
personal na problema ko sa trabaho."

Wala pa ring imik ang nagtatampong babae ngunit dahan-dahan niya na itong iniharap
sa kanya at laking gulat niya nang makitang tahimik na tumutulo ang mga luha nito.
Napalunok siya. Nakaramdam ng madiing kurot sa dibdib pagkakita sa umiiyak na mukha
ng kaibigan. Sa tinagal-tagal na nilang nagkakasama noon niya lamang ito nakitang
nagalit at lalong noon niya lang ito nakitang umiyak. At lahat ng ito ay dahil
lamang sa pagiging makasarili niya.

"I'm sorry...Let's go. We will be late for our meeting," sabay labas niya ng panyo
at saka pinahiran ang basang pisngi ng dalaga....

------

Nakaupo si Alex sa waiting area sa labas ng ICU. Tulala, nangangalumata, duguan ang
damit, namumutla sa gutom at puyat, gusot ang buhok at hindi makausap ng matino ng
sinuman.

"Alex, you've been here for more than 20 hours. Hindi ka pa natutulog and they said
you didn't eat or drink anything since we arrived here yesterday," nag-aalalang
sabi ng kadarating lamang na si James nang maupo ito sa tabi ng babae.

Inabutan ng lalaki ng sandwich at kape ang kinakausap na noon ay diretso pa rin ang
mga tingin sa dingding. "Here eat some."

Umiling si Alex.
"Ako na muna ang magbabantay dito, umuwi ka na at magpahinga," sabay lagay ng
binata sa pagkain sa tabi ng kausap.

Umiling ulit ang dalaga.

"Gusto mo bang papuntahin ko dito si Margareth para dalhan ka ng mga damit. You
should at least clean yourself."

Tumanggi ulit si Alex.

"Don't be too harsh to yourself Alex," maamong sabi ni James.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi nagiging stable ang lagay ni Nanay Cresencia,"
pabulong na sabi ng dalaga nang walang anumang reaksiyon ang mukha.

"The bullet has been removed safely at yan na ang pinakamagandang balitang pwede
nating matanggap sa ngayon. The doctors said she will be in critical condition for
at least three days. Ilan sa mga vital parts niya ang nadamage kaya't mananatili
siya sa ICU ng ilang araw."
"Kasalanan ko ang lahat ng ito," natutulalang bulong ng babae.

"Stop blaming yourself Alex. You went there to save her. You also risked your life
for her. Nagkataon lamang na si Aling Cresencia ang napahamak pero hindi pa rin
nito maiaalis ang katotohanang maari ring may mangyaring masama sa iyo sa mga
sandaling iyon."

"Obligasyon kung ilagay sa panganib ang sarili ko dahil tungkulin ko yun, pero wala
siyang obligasyon na ilagay sa panganib ang buhay niya para sa atin," mahina at
wala buhay na sagot ni Alex.

"The fate brought this to her at hindi ikaw Alex. She was the one who involved
herself to the suspect."

"Pero ako ang nagplano ng lahat ng ito. Ginamit ko siyang paraan para makaharap ang
suspect."
"Well, that's how the undercover works. Para namang hindi mo alam ang proseso.
Nagkataon lamang na may unprecedented event na nangyari at kailangan mo siyang
iligtas ora mismo."

"Dapat pinagplanuhan ko muna ang lahat bago ko siya pinuntahan..."

"Pero malamang na may masamang mangyari din sa kanya kung hindi ka dun nakarating
sa tamang oras. Alex nangyari na ang nangyari. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo,
this used to be your field. Hindi ka pa ba sanay sa ganitong mga pangyayari?"

"Hindi. Dahil ngayon lang ako pumalpak ng ganito..."

"Then, consider it as a learning lesson..."

"James hindi experiment ang buhay ng isang inosenteng tao na kapag pumalpak kang
protektahan ay pwede mong sabihing better luck next time..."
Huminga ng malalim si James at pansamantalang tumahimik. Palihim na tiningnan niya
ang tulalang mukha ng kasamahan hanggang sa mapansin ang nakakuyom pa rin nitong
mga kamao. Kagabi pa punung-puno ng galit ang dibdib nito.

"Blake keeps calling you in the headquarters. Ilang beses niya rin akong tinawagan,
buong gabi siyang nag-aalala dahil pakiramdam niya ay may masamang nangyayari sa
iyo," pagbanggit ni James tungkol sa nobyo ng dalaga para magbakasakaling maiiba
ang timpla nito.

Hindi sumagot si Alex at parang wala itong narinig.

"Don't lose your focus nang dahil dito. Alalahanin mong may isang delikadong laban
kang pinasok. After what happened, now you know what type of enemy you have,"
paalala ulit ng lalaki.

"James....buong magdamag walang nangingibabaw sa dibdib ko kundi galit at


pagsisisi. Sinisisi ko ang sarili ko sa naging kahinaan ko sa pagligtas kay Manang
habang galit na galit ako sa demonyong handang pumatay ng mga inosenteng tao nang
dahil sa kasakiman at sariling kapakanan....Huwag kang mag-alala ngayon lang ako
magkakaganito, ninanamnam ko lang ang unti-unting pamamanhid ng pakiramdam ko.
Ngayong alam ko na kung gaano kahaba ang sungay ng taong binabangga ko..." saka
noon lamang tumingin si Alex sa mga mata ng kausap. "....nakahanda na ulit akong
makipagpatintero kay kamatayan."

Napapamaang na tumingin si James sa matigas na mukha ng dalaga. "A-Alex... huwag


mong sabihing makikipagsabayan ka sa kademonyohan ng taong yun.."

"Nasimulan ko na James kaya't hindi na ako pwedeng umatras."

"Then what about your promise to your family and Blake?..."

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang tumunog ang cellphone ni James. Tumatawag si
Margareth.

"Hello, Babes."

"Yes, she's here why?"

"Ano?!"
Inilayo ni James sa tenga ang telepono at dahan-dahan itong iniabot kay Alex.

"Margareth wants to talk to you."

Tumingin si Alex sa kasamahan nang may nag-aalinlangang mukha.

"Don't worry. Wala pa akong sinasabi sa kanya tungkol sa nangyari. We respect your
request to stay quiet. Lahat ng tao sa presinto alam ang sasabihin nila sa sinumang
magtatanong. I know wala kang ganang makipag-usap but I guess this call is
important and you should take it."

Matamlay na tinanggap ng dalaga ang cellphone. "Hello, Margareth..."

"Alex may problema!" bulalas ng babae sa kabilang linya.

"Bakit?" walang reaksiyong tugon ni Alex.


"Si Tita Sylvia kasama ko ngayon! Nakita niya ang pictures ni Blake at Debbie!
Ipinakita daw sa kanya ng isa sa mga amiga niya. Dala-dala niya ngayon ang litrato
at susugod kami sa Golden Pacific! Pinipigilan ko pero ayaw paawat! Pumunta ka dun
ngayon din kailangang pigilan mo siya! Bilisss papunta na kami!"

Ibinaba ni Alex ang telepono. Mas lalong natulala ang dati niya ng natutulalang
mukha. Pagod na pagod na ang utak at dibdib niya para makarinig pa ng gaya ng
sinabi ni Margareth. Hindi niya na maintindihan kung ano pa ba ang dapat na maging
reaksiyon niya. Subalit kahit gaano pa man kamanhid ang pakiramdam niya, alam
niyang dapat ay meron siyang gawin.

"Alex..." nag-aalalang sambit ni James.

Tahimik na tumayo ang dalaga.

"Saan ka pupunta?" tanong ng lalaki.

"May pupuntahan lang ako sandali."


"Pupuntahan mo ba sina Margareth? Ihahatid na kita. Hindi ka pa nakakapagpahinga
kaya't ako na ang magmamaneho."

"Huwag na. Dito ka na lang bantayan mo si Manang."

"Magpapakita ka ba sa Mom mo at kay Blake na ganyan ang hitsura mo?"

Hindi sumagot si Alex sa halip ay wala sa sariling naglakad siya papalayo.


Pagkatapos ay lumapit siya sa isang kapwa pulis na naroroon din sa hospital para
magmanman.

"Dala mo ba ang motorbike mo?" tanong niya dito.

"Oho Kap."

"Pahiram ng susi."
"H-Ho?" gulat na wika ng kasamahan nang may nagdadalawang-isip na mukha.

"Hihiramin ko lang sandali," mahina ngunit may katapangang bigkas niya.

Walang nagawa ang kausap kundi ang iabot sa kanya ang susi.

"Nakapark lang ho sa bandang kanan ng entrance," kusang sabi nito.

Walang imik na itinuloy niya ang paglabas ng hospital. Hinanap niya ang
nakaparadang motorsiklo at pagkakita ay isinuot niya ang nakasabit ditong helmet.
Matatalim ang mga matang inapakan niya ang silenyador at kung gaano katindi ang
poot sa kanyang dibdib, ganun din kalakas ang pag-apak niya dito. Napapalingon ang
mga tao sa lakas ng tunog ng pagpapaandar niya at ilang sandali pa ay pinaharurot
niya ito. Ubod ng bilis ang pagpapatakbo niya habang papalit-palit sa linya ng
kalsada na para bang nakikipagkarera sa kidlat.

------

"Tita naman. Maghunos-dili kayo nakakahiya!" pagmamakaawa ni Margareth sa ina ng


kaibigan habang bumababa sila ng sasakyan.
"Nakakahiya? Mas may nakakahiya pa ba dito sa ginawa ng lalaking iyon sa anak ko?!"
sagot ng ginang habang iwinawagayway ang hawak na litrato.

"Tita dito na lang tayo mag-abang sa parking. Huwag na tayong pumasok sa loob,
pagtitinginan lang tayo ng mga tao dun. Saka ano na lamang ang mukhang ihaharap sa
kanila ni Alex pag nakita nilang nagwala ang nanay niya!" sabay gala ng babae sa
kanyang mga paningin. "Ayun Tita! Ayun yung kotse ni Blake. Dito na lang naman
natin siya hintayin please...."

"Oo talagang wala ng mukhang ihaharap ang anak ko! Pagkatapos nilang pagmukhaing
tanga sa lahat si Alex, sa palagay mo ba may mukha pa siyang ihaharap kahit kanino?
Sinasabi ko na nga ba eh! Nakukutuban ko nang may mali sa dalawang iyon ngayon eh!"

Pinipigilan ni Margareth ang nagpupumiksing ginang habang maya't maya siyang


tumitingin sa paligid para alamin kung dumating na si Alex. Sadyang ayaw paawat ng
ina ng kaibigan. Hirap na hirap na siya sa pagkumbinsi ditong hintayin na lamang
doon ang lalaking inaabangan. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay pareho silang
natigilan nang matanaw nila ang papalapit na sina Blake at Debbie. Nakaingiting
nag-uusap ang mga ito habang walang kamalay-malay na may masamang hanging
naghihintay sa kanila.

Malakas na tinanggal ng ginang ang mahigpit na pagkakahawak ni Margareth sa mga


braso niya at nanggagalaiti ang mga pangang sinalubong ang dalawang masayang nag-
uusap.

"Ang kapal din ng mga mukha niyo!"


Natigilan si Blake, mabilis na nabura ang mga ngiti nito sa labi at biglang namutla
ang mukha pagkakita sa ginang.

"T-Tita..." kabadong sambit ng binata na noon ay parang binuhusan ng balde-baldeng


yelo sa biglang panlalamig ng katawan na naramdaman.

"Nagagawa niyo pang ngumiti samantalang ang anak ko ay siguradong nasasaktan


ngayon!"

"Tita magpapaliwanag ako..." kabadong sabi ni Blake.

"Magpapaliwanag? Ano pang kailangan mong ipaliwanag pagkatapos kong makita ito?!"
sabay na ipinagduldulan ng ginang ang hawak na litrato sa harap ng lalaki, saka ito
lumapit dito at pinagpapalo sa braso. "Pinagkatiwalaan ka namin! Minahal kita ng
parang totoong anak tapos ito pa ang ginawa mo! Akala ko ba mahal mo ang anak ko
pero katulad ka rin pala ng ibang mga lalaki! Hindi kayang mabuhay na isa lang ang
babae sa tabi nila!....Ikaw lang ang kaisa-isang lalaking minahal ni Alex at halos
ibinigay niya na buong buhay niya sayo pero ano? Pinagpalit mo siya sa isang iglap
ng ganun-ganun na lamang!" mangiyak-ngiyak na panunumbat nito.

Hinayaan lamang ni Blake ang pagpalo sa kanya ng ina ng girlfriend. Naiintindihan


niya ang nararamdamang sama ng loob nito.
"T-Tita....that pictures don't tell the whole story. N-Nagkakamali po kayo ng
pagkakaintindi. Hindi ko po ipinagpalit si Alex at kahit kailan hindi ko siya
ipagpapalit. Alam ko pong may nagawa akong isang pagkakamali pero yun lang po ang
kasalanang nagawa ko kay Alex at hinding-hindi na mauulit yun," maamong paliwanag
niya .

"Tita, tama na ho!" awat ni Margareth sa maya't mayang paghampas ng ginang sa braso
ng lalaki habang nangingilid ang mga luha nito.

"It's alright Margareth," tugon ni Blake.

"Kung hindi mo siya ipinagpalit puwes ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Bakit
kasama mo pa rin ang babaeng yan? Akala mo ba hindi ko alam na siya na ang
karelasyon mo ngayon?! Pinagsasabay mo sila, ganyan ba kaliit ang tingin mo sa anak
ko?" sabay baling ng atensiyon ng ginang kay Debbie na noon ay hindi rin
makapagsalita sa nerbiyos.

"Ikaw babae ka! Haliparot ka! Alam kong hindi ka lang pinapatulan ng anak ko dahil
baka mapatay ka lang niya! Pwes kung tahimik lang si Alex, ako hindi!"
Susugurin sana ni Sylvia ang babae subalit mabilis na iniharang ni Blake ang kamay
sa kaibigan. "Tita don't be harsh to her. Wala hong kasalanan si Debbie dito.
There's something you don't know na hindi ko pa po pwedeng sabihin sa inyo ngayon."

Natigilan ang ginang nang marinig ang pagtatanggol ni Blake sa babae. "Anong sabi
mo? Wala siyang kasalanan?"

"Nadamay lang siya sa sitwasyon namin ni Alex, Tita."

Mas lalong nag-apoy ang pisngi ni Sylvia sa galit lalo na nang makita ang tila
maamong tupang mukha ni Debbie na noon ay bahagyang nagtatago sa likod ni Blake.

"Anong wala siyang kasalanan?! Kung totong hindi malandi ang babaeng yan, hindi yan
makikipaghalikan ng basta-basta sa lalaking may karelashon na! Kaya't huwag na
huwag mong sasabihing inosente yan!" sabay walang kaabog-abog na sinugod nito si
Debbie at sinabunutan. "Halika ditong haliparot ka! Huwag kang magbait-baitan
diyan! Hindi nanabunot si Alex kaya ako ang gagawa nito para sa kanya!"

Natumba si Debbie dahil naitulak din siya ng galit na galit na ginang.

"Eee! Blake tulungan mo ako!"


"Malandi ka! Mang-aagaw kunwari ka pa pero sigurado akong nasa loob ang kulo mo!"
gigil na gigil na sabi ni Sylvia habang walang humpay sa pananabunot.

"Tita tama na yan! TAMA NA!" natatarantang awat ni Margareth.

"Tita stop it please! Ako ang may kasalanan sa anak niyo kaya't ako na lang ang
saktan niyo!" pakiusap ni Blake habang isinasangga ang sarili kay Debbie at pilit
inaalis ang nanabunot na mga kamay ng ginang.

"Alam ko tahimik lamang ang anak ko kaya't ako ang magtatanggol sa kanya! Hindi ako
papayag na aapi-apihin niyo siya! MINSAN LANG YUN NAGMAHAL TAPOS SASAKTAN NIYO PA
NG GANITO!!!"

"MA! TAMA NA IYAN!"

Natigilan ang lahat at sabay-sabay ang mga itong napalingon sa pinagmulan ng isang
matigas at maawtoridad na sigaw.
"A-Alex?" napapamaang na sabi ng ginang habang tinitingnan ang hitsura ng papalapit
na anak.

Naglakad papalapit si Alex nang walang reaksiyon ang mukha. Nagkaroon ng


katahimikan at tanging mga yabag niya lamang ang naririnig. Ang kanina lamang na
pinapanood niyang nagkakagulo, ngayon ay lahat natutulala habang pinagmamasdan
siya.

Huminto siya nang may apat na metro ang layo mula sa mga ito. At walang pakiramdam
na pinagmasdan niya si Blake habang tinutulungan nitong tumayo si Debbie. Pagkuwa'y
biglang tumingin sa kanya ang lalaki at agad naman niyang inilipat ang mga mata sa
ina.

"Ano bang ginagawa niyo? Bakit kayo nanunugod ng hindi niyo alam ang totoong
kuwento. Nakakahiya," matapang ngunit may tamlay na sabi niya sa magulang.

Hindi inintindi ni Sylvia ang sinabi ng anak sa halip ay napapangangang lumapit ito
dito at tinitigan ito mula ulo hanggang paa.

"A-Alex, anak. Anong nangyari sayo? B-Bakit ganyan ang hitsura mo?" nag-aalalang
sabi nito habang hinahawakan ang namumutlang pisngi ng dalaga.
"Alex what's wrong with you? M-Mantsa ba ng dugo yang mga nasa damit mo?" nanlalaki
ang mga matang tanong ni Blake.

Hindi sumagot si Alex at tumingin lamang ito kay Margareth. "Margareth, iuwi mo na
si Mama."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasagot ang mga tanong ko at hindi ka
nagpapaliwanag sa nangyari sa inyo ni Blake!" madiing wika ng ina.

Isa-isang tiningnan ni Alex ang mga mukhang naghihintay sa kanyang sasabihin at


panandalian niyang ipinako ang mga mata kay Blake. "Pagod, dahil nakipagbarilan at
nabaril ang taong kinidnap na dapat ay ililigtas ko. Walang tulog, dahil magdamag
akong nasa hospital at nanalangin na sana ay mabuhay siya. Manhid ang utak, dahil
wala akong ginawa kundi ang mag-isip ng paraan kung papaano makakaganti sa taong
nag-utos magpapapatay sa amin. Gutom, sapagkat wala akong gana dahil sa kapalpakang
nagawa ng isang pulis na gaya ko...At wala rin kayo sa lugar na manumbat kina Blake
at Debbie, kaya kami nagkaganito ni Blake dahil pinili kong bumalik sa dating
trabaho ko. Nasagot ko na ang mga tanong niyo, pwede na ho ba kayong umalis dito?"

Tatalikod na sana si Alex ngunit bigla siyang pinigilan ng ina. "Hindi ako
nakikipagbiruan sayo Alex! Anong pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo?!
Papatayin mo ba ulit ako sa nerbiyos?"

"Hindi ako nagbibiro."


Ilang saglit na napanganga si Sylvia. Hindi makapagsalitang tinitigan nito ng
diretso sa mga mata ang anak upang tingnan kung nagsasabi ito ng totoo at ilang
segundo lamang ay bigla na nga itong hinimatay.

"TITA!" sigaw ni Margareth at sabay takbo't salo sa katawan ng nanghinang ginang.


"Alex ang Mama mo, anong gagawin natin?" natatarantang wika nito.

"Magkakamalay din iyan," malamig na sagot ng dalaga habang nakatingin sa walang


malay na ina.

Nagmamadaling lumapit si Blake kay Alex na noon ay hindi pa rin makapaniwala sa


nakakapanibagong kilos at pananalita ng babae. Hinawakan niya ito ng mahigpit sa
braso at tinitigang maigi ang pagod na mukha nito. Kinakabahan siya sa mga narinig
ngunit ayaw niyang paniwalan ni isa man sa sinabi nito.

"What's wrong with you? How can you talk to your mother that way?! You were lying,
right? Sabihin mo sa aking gawa-gawa mo lang ang mga sinabi mo. You promised me you
won't go that far. I know you're aware of your limitations. Siguro ay pagod ka lang
kaya ka nagkakaganito. Hindi ka nawawala sa katinuan para muling makipagbarilan!
That's not a bloodstain, may natapon lang sa damit mo. You're not hurt. Sabihin
mong nagsisinungaling ka lang Alex! Sabihin mo!" natatarantang reaksiyon niya
habang bahagyang nanginginig ang kamay sa kaba.

Tiningnan siya ni Alex ng seryoso. Blangko pa rin ang mga mata nito. Pagkuwa'y
hinawakan ng dalaga ang kamay niya na nasa braso nito, sapilitan itong tinanggal at
unti-unti itong hinawakan ng mahigpit. Nakaramdam siya ng sakit dahil sa higpit ng
pagkakahawak nito sa kanya. Tinitigan siya nito sa mga mata habang dahan-dahang
tumatapang at tumitigas ang mukha. Pagkatapos ay papalit-palit na lumipat ang mga
tingin nito sa kanya at kay Debbie.

"Umpisahan mo nang magmahal ng iba dahil simula sa araw na ito, hindi na ako ang
Alex na nakarelasyon mo."....

******

Nakalabas na ng ICU si Aling Cresecia. Inilipat na ito sa isang pribadong kuwarto


ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin ito gaanong maidedeklarang ligtas dahil
nananatili pa rin itong comatose. May nadamage itong ugat na konektado sa utak
kaya't hindi matiyak ng doktor kung kelan ito magigising o kung may pag-asa pa ba
itong magising.

Ramdam na ramdam ni Alex ang pagkakadurog ng nagmamatapang niyang puso habang nasa
silid ng pasyente. Nagpipigil siyang magpakita ng lungkot habang pinagmamasdan ang
dalawang lalaking apo ng pasyente na noon ay parehong may nagdadalamhating mukha.
Si Kaloy, ang nakatatandang apo na nasa edad trese, ay nagpupunas ng katawan ng
kanyang lola samantalang angsiyam na taong gulang namang si Val ay nakaupo sa tabi
ng kama habang nakatungo at humihikbi.

Hindi niya nakakalimutang sila ang tanging ibinilin ng matanda bago ito mawalan ng
ulirat.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya.


"Oho," sagot ni Kaloy.

"Bakit mukhang hindi naman nabawasan and dala kong pagkain?"

"Tinapay lang ho ang kinain namin, wala po kasi kaming gana," matamlay na sagot ng
nagpupunas na bata.

Inilipat niya ang atensiyon sa malungkot na batang humihikbi. "Val may malapit na
Mcdonald dito, gusto niyo bang lumabas muna at doon kumain?" nakangiting sabi niya.

Umiling si Val. "Huwag na ho. Wala ho kasing kasama dito si lola."

Bumuntong-hininga si Alex at muling tiningnan ng seryoso ang dalawang bata. "Sino


ang nakakasama niyo ngayon sa bahay?"

"Kaming dalawa lang ho," sagot ni Kaloy.

"Wala bang ibang nag-aasikaso sa inyo maliban sa lola niyo?"

"Wala ho."
"Nasaan ang mga magulang niyo?"

"Sanggol pa lang ho si Val ay namatay na ang tatay namin. Ang nanay naman ho namin
ay nagpuntang abroad nung pitong taong gulang pa lamang ako at simula noon, hindi
na siya umuwi. Nagkaroon na daw ng ibang pamilya. Mga apat na taon na ang
nakakaraan nang huling nagkaroon kami ng balita sa kanya."

"Papaano na ang pag-aaral niyo ngayon? Wala ng mag-aasikaso sa inyo. Gusto niyo
bang tumira muna sa apartment ko habang naririto pa sa hospital ang lola niyo?"
malumanay at nakangiting alok niya.

"Salamat pero huwag na ho. Kaya naman ho namin kahit kaming dalawa lang sa bahay.
Lumaki ho kaming kami ang nag-aalaga sa aming mga sarili dahil madalas ay wala si
lola para magtrabaho. Bukod po kasi sa regular na trabaho niya sa condominium ay
nag-eextra rin ho siyang labandera sa ilan-ilang mga maykayang kapitbahay namin."

"Sigurado kayong kaya niyo? Pag nahihirapan kayo sabihin niyo lang sa akin."

Ngumiti ng matamlay si Kaloy. "Maraming salamat ho. Napakabait niyo po officer. Sa


totoo lang ho sobra-sobra na ang tulong na ginagawa niyo sa amin. Bukod sa maya't
mayang paghatid niyo ng mga pagkain at groceries sa bahay, pag-abot sa aming ng
pera, nalaman ko rin pong kayo rin pala ang nag-aasikaso sa mga gamot at bayad dito
sa hospital ni lola."

Napapalunok na sumagot si Alex habang iniiwas ang mga mata sa kausap."W-Wala kayong
dapat ipagpasalamat... a-ako naman kasi ang dahilan kung bakit naririto ang lola
niyo ngayon."

"Officer, huwag niyo na pong masyadong sisihin ang sarili niyo. Alam naman po
naming isinugal niyo rin po ang buhay niyo para iligtas si lola."
Gumaan ang pakiramdam niya sa narinig. Buong akala niya ay sinisisi siya ng mga ito
sa mga nangyari. Lalo na ng nakatatandang apo, sa totoo lang ay noon lamang ito
naglabas ng saloobin sa kanya. Dati sa tuwing kinakausap niya ito ay madalas na
tipid na sagot lamang ang ibinibigay nito.

"S-Salamat...pero sana hayaan niyo pa rin ako sa pagtulong na ginagawa ko sa inyo.


Eto lamang ang magagawa ko sa ngayon para makabawi kay Aling Cresencia. Ibinilin
niya kayo sa akin kaya't hindi ko kayo pwedeng pabayaan...At huwag kayong mag-
alala, ipinapangako kong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para panagutin ang
taong gumawa nito sa lola niyo."

"Pero Officer papaano kung may masamang mangyari din sa inyo kagaya ni lola? Sa
tingin ko po kasi napakasalbahe ng gumawa nito kaya't baka gawin din sa inyo ang
ginawa nila sa lola. Ayaw po naming mangyari yun sa kagaya niyong mabait na tao.
Pabayaan na lang po natin sila at sa halip ay ipagdasal na lang ho natin na
gumaling agad si lola."

Lumapit si Alex sa kausap, kinuha ang hawak nitong pamunas at tumulong sa


paglilinis ng katawan ng matanda. "Kaloy, pulis ako at tungkulin kong papanagutin
ang masasamang tao sa mga kasalanan nila. Kung hahayaan lang natin silang malayang
makagala, maaring mailayo ko ang sarili ko sa panganib pero huwag nating
kalilimutang posibleng mas marami pa silang mabiktimang inosente at mababait na
tao."

"Kaya ba mukhang lagi kayong pagod dahil hinahanap niyo sila?"

"Alam ko naman kung saan sila matatagpuan ang hinahanap ko ngayon ay paraan at
ebidensiya para mahuli sila."

Inosenteng tumingin sa kanya ang batang kausap. "Officer, wala po ba kayong


sariling pamilya?"
"Bakit mo naman naitanong yan?"

"Kasi ho pagkagaling niyo sa trabaho madalas na dito kayo pumupunta. Halos magdamag
rin ho kayong nagbabantay kay lola. Wala po ba kayong sariling anak o asawa na
inaasikaso?"

Natahimik ng ilang sandali si Alex. Dama niya ang biglang pagkirot ng kanyang puso
sa tanong ng bata.

"Wala. Dalaga pa ako," tipid na sagot niya nang may malungkot na ngiti.

"Kunsabagay kung halimbawa na ako ang anak niyo, siguro ay hindi na kayo pulis
dahil hindi ko po kayo hahayaang mapahamak. Papakiusapan kitang maghanap na lang ng
ibang trabaho o di kaya'y alagaan na lang kami."

Muling tumagos sa dibdib niya ang sinabi ng bata ngunit hindi niya ito ipinahalata
sa halip ay nakangiting minasahe niya ang paa ng walang malay na pasyente.

"Kaya nga hindi pa ako nag-aasawa dahil ayoko pang magkaanak ng katulad mo sapagkat
alam kong hindi ko na magagawa ang mga bagay-bagay na nakakapagpasaya sa akin,"
pabirong wika niya. "Tsaka ikaw ha! Hindi pa naman ako ganun katanda para magkaanak
na ng kasing edad mo."

"Halimbawa lang naman po."


Natigil ang kanilang pag-uusap nang may nagbukas ng pinto. Bumungad dito ang pulis
na naka-assign magbantay sa labas ng kuwarto ni Aling Cresencia.

"Kap, may bisita ho kayo."

Napakunot ng noo si Alex dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Subalit, agad
na nabura ang pagtataka sa mukha niya nang makita kung sino ang naghahanap sa
kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" diretsong tanong niya sa sunod na taong bumungad sa may
pintuan.

Hindi agad nakasagot si Debbie. Inilibot niya muna ang mga mata sa nakakalungkot na
sitwasyong nakikita. Natigilan din siya sa naabutang ginagawang pagmasahe ng
dalagang pulis sa walang malay na pasyente. Ito ba ang isa sa mga pinagbubuhusan ng
panahon ng babae?

"P-Pwede ba kitang makausap?" kabadong tanong niya habang hirap makatingin ng


diretso sa matigas na mukha ng kinakausap.

"Officer gusto niyo po bang lumabas muna kami?" wika ni Kaloy.

"Huwag na, kami na lang ang lalabas. Dito lang kayo."


Tumayo si Alex at seryosong naglakad papalabas ng silid. Tahimik namang sumunod si
Debbie. Pagdating sa isang tahimik na lugar, doon lamang tumigil sa paglalakad si
Alex at seryosong hinarap ang di inaasahang bisita.

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"Nagmakaawa ako sa partner mong si James. He won't tell me at first pero nagtiyaga
akong maghintay ng mahigit dalawang oras hanggang sa napapapayag ko rin siya. I
promised him I won't tell Blake about it dahil alam kong iyon ang inaalala mo."

Napalunok si Alex nang marinig ang pangalan ng taong pansamantala niyang iniiwasang
isipin. Pasimpleng inilihis niya ang paningin sa ibang direksiyon.

"Kung naririto ka dahil sa ginawa sayo ng mama ko, ako na ang humihingi ng
despensa. Nagawa niya lang iyon dahil hindi niya pa naiintindihan ang buong
sitwasyon nung mga sandaling iyon," mahinahong wika niya habang pilit pinipigilan
ang sarili na huwag mairita dahil kaharap niya ang isa sa mga taong ayaw niyang
makita.

"I-I did not come here because of that..." malumanay at nag-aalinlangang sagot ni
Debbie.

"Kung ganun, ano ang ipinunta mo dito? Wala na akong ibang makitang dahilan para
kausapin mo ako."

Lumapit ng ilang hakbang si Debbie. "A-Alex... I came here because of Blake..."


Mabilis na tumapang ang mukha ni Alex sa narinig. "Puwes, nagkakamali ka ng
ipinunta dito dahil ikaw ang kahuli-hulihang taong kakausapin ko tungkol sa anumang
bagay na may kinalaman sa kanya," sabay talikod niya.

"Please Alex listen to me," pakiusap ni Debbie habang sinusundan si Alex. "Blake is
in mess right now at alam mong ikaw lang ang makakapagbigay ng solusyon sa
pinagdadaanan niya ngayon."

Saka lamang huminto sa paglalakad ang dalagang pulis at lihim itong napakagat sa
mga labi nang hindi pa rin humaharap sa kausap.

"He's lost since he heard the last words you told him Alex. Hindi siya
makapagtrabaho ng mabuti. Halos gabi-gabi ay nilulunod niya ang sarili sa alak. He
has no focus and he acts as if he's willing to give up everything right now. Ayaw
ka niyang kausapin o abalahin dahil naiintindihan niyang may mabigat kang
pinagdadaanan sa trabaho ngayon. Maybe you were too tired at magulo lang daw ang
isip mo sa mga sandaling iyon so he wanted to give you more time to clear your
mind. Marami siyang naiisip na dahilan kung bakit mo nasabi yun and he made himself
believe those reasons... But in fact, he's still full of fears na baka sakali ngang
totoo ang mga sinabi mo kaya ngayon pa lamang ay unti-unti na siyang nawawala sa
kanyang sarili..."

Dahan-dahan naramdaman ni Alex ang panghihina ng kanyang mga tuhod sa narinig na


balita. Hindi niya maikakaila ang biglang pag-usbong ng pag-aalala sa kanyang
dibdib.

"Umalis ka na Debbie. Bigyan mo ako ng kaunting konsiderasyon, hindi mo ba


nakikitang may inaasikaso akong tao na nasa bingit pa rin ng kamatayan hanggang
ngayon,"matigas na sagot niya habang pilit itinatago ang pag-aalalang nararamdaman
para sa binata.

"Then what about Blake?! Unti-unti mo rin siyang pinapatay ngayon Alex! How can you
be so thoughtful to others and yet you can be so mean to him? After you said those
hurtful words, you decided to disappear na para bang wala kang nasabi. You don't
take his calls, ayaw mong ipaalam sa kanya kung saan ka nakatira at kasabwat mo ang
lahat para pagtaguan siya. Sa gitna ng pag-aalala mo sa ibang tao ni minsan ba
sumagi rin sa isip mo kung okay lang ba si Blake?

Napapabuntong-hiningang napakuyom ng mga kamay si Alex. "Wala akong obligasyong


magpaliwanag sayo Debbie."

"I'm not asking you to explain. I'm asking you to do something about him right now.
Please stop being mean to Blake. I know you didn't mean those words, right?"

Humarap siya kay Debbie at tiningnan ito ng matapang. Dahan-dahan siyang lumapit
dito habang napapaatras naman ang babae ng hakbang. Tumigil lamang siya nang
nakorner niya na ito at napasandal ito sa dingding. Mahigpit na hinawakan niya ang
kuwelyo ng suot nitong coat at binigyan ito ng matatalim na titig.

"A-Alex..." kinakabahang sambit nito.

"Anong karapatan mong kausapin ako ng ganito? Kung may problema man kami ni Blake,
sa amin na lang iyon. Kami ang mag-uusap, kami ang mag-aayos at hindi mo kailangang
makisawsaw. Sino ka ba para makialam sa amin?" nagngingitngit ang mga ngipin na
salita niya.

"I-I'm Blake's friend... I-I may not care about you b-but I care for him," putlang
sagot ni Debbie.

Napangisi si Alex. "Kaibigan? Pwede ba Debbie itigil mo na ang paggamit sa salitang


yan dahil alam naman nating hindi lang yan ang rason kung bakit mo ginagawa ang mga
bagay na ito," saka niya tinanggal ang pagkakakuwelyo sa kausap. "Hindi ka ba
nahihiya sa sarili mo? Ano pa ba ang kailangan mong makita at marinig para magising
ka sa katotohanang ako ang mahal ni Blake?"
Bagamat natatakot sa kausap, naglakas loob pa ring sumagot si Debbie. "I know that
fact Alex dahil kung hindi, di sana ay wala ako dito ngayon para pakiusapan ka.
Pero ikaw Alex hanggang saan ba ang pagmamahal mo kay Blake? Sa paraan ba na
nakakaya mo siyang ipagpalit sa ibang bagay?"

Muling nag-init ang pisngi ni Alex sa tanong. Hahawakan niya sana uli sa leeg ang
babae subalit pinigilan niya ang mga kamay.

"Umalis ka na Debbie, huwag mong sagarin ang pasensiya ko."

Tatalikod na sana siya ngunit natigilan at nagulat siya nang dahan-dahang lumuhod
sa harap niya si Debbie.

"A-Anong ginagawa mo?"

Tumingin sa kanya ng seryoso ang nakaluhod na babae at buong tapang na pinanindigan


ang ginagawa nito.

"Oo, tama ka Alex... na hindi lamang ikaw ang babaeng nagmamahal sa isang Blake
Monteverde... at hindi ko na ikakahiyang aminin na isa ako sa mga babaeng iyon.
Alam kong mali. Alam kong hindi tama but I can't force my heart to unlove him.
Tanggap ko kung pagtatawanan mo ako. Tanggap ko rin kong mamaliitin mo ang
pagkababae ko. At nakahanda rin ako kung kagaya ng nanay mo ay gusto mo rin akong
saktan. Pero ang hindi ko kaya ay ang makitang nasasaktan si Blake ng dahil sa mga
ginagawa mo...Kaya't nagmamakaawa ako na itigil mo na ang pananakit na ginagawa mo
sa kanya ngayon. Mahalin mo na lang ulit siya kagaya ng dati...P-Pero kung hindi mo
kaya because you can't give up things he asked you to,....then let go of him Alex.
Huwag mo na siyang paasahin dahil mas lalo mo lang siyang masasaktan..."
Tinalikuran ni Alex ang babae nang may nangangalit na panga. Nanginginig ang
kanyang mga labi habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Naghahalo na
naman ang galit at sakit sa kanyang dibdib. Ang mga sinasabi ng kausap ay ang mga
salitang ayaw niya muna sanang marinig.

"....Alam kong alam mo rin sa iyong sarili na kapag hindi mo kayang isuko yang
tungkulin mo bilang pulis, you will never be the right woman for a guy like Blake
Monteverde..."

"Diretsahin mo na ako Debbie. Hinihingi mo ba sa akin si Blake?"

"I-Ikaw ang mahal ni Blake pero mahal niya rin ako bilang kaibigan... Kung nagagawa
niya na akong mahalin bilang isang kaibigan siguro ay hindi na mahirap para mahalin
niya ako ng higit pa dito....A-Alex if you mean what you said that he can start
loving another person... maglalakas-loob na akong humingi ng pahintulot sayo...can
I be that woman? I know you have your reason to say those words. I promise to make
him happy. Ipinapangako ko sayong mamahalin ko siya ng totoo. Kung hindi ko man
mahigitan ay susubukan kong pantayan ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya.
Gagawin ko ang lahat para maging isa akong karapat-dapat na babae sa kanya. I'll
give Blake all the things you can't give him....so please allow me to love him
Alex," dumudungaw ang luha na pagmamakaawa ni Debbie.

Dahan-dahang nawalan ng reaksiyon ang mukha ni Alex. Humarap siya sa nagmamakaawang


babae ng may blangkong mga mata.

"Tumayo ka dyan. Mahalin mo siya kung gusto mo siyang mahalin. Pero tandaan mong
hindi nahihingi ang pagmamahal kaya huwag kang umasang mamahalin ka rin ni
Blake.... Hahayaan kita sa gusto mo. Masakit pero hindi ako bulag sa mga
sakripisyong ginagawa mo para sa kanya dahil babae rin ako at naiintindihan ko ang
pakiramdam ng isang babaeng nagmamahal.... ngunit hindi ko maipapangakong hindi
kita masasaktan sa bandang dulo, Debbie. Dahil kung sakaling dumating ang panahon
na bigyan muli ako ng tadhana ng pagkakataong mahalin ulit si Blake at hindi pa
huli ang lahat, kukunin ko ulit ang kaisa-isang lalaking minahal ko. Babawiin ko
siya sa iyo o maging sa sinumang babaeng susunod na magmamay-ari sa kanya."
Tumalikod siya at mabilis na naglakad papalayo. Huminto siya sa harap ng nakatayong
kasamahang nagbabantay sa tapat ng kuwarto ng janitress at walang pasabing hinablot
ang nakasabit na susi ng motor sa beywang nito, saka siya muling naglakad ng dire-
diretso.

"Kap!"

"Huwag kang sumunod! Magbantay ka lang diyan," matigas na utos niya.

Hinanap niya ang pinagparadahan ng motor at pinaandar ito. Pinatakbo niya ito na
para bang pagmamay-ari niya ang buong kalsada. Huminto siya sa harap ng isang
shooting range at nagmamadaling pumasok sa loob.

"Good afternoon po Ma'am Alex!" bati sa kanya ng tao sa reception.

Hindi siya sumagot sa halip ay nagtuloy-tuloy lamang siya sa loob na parang walang
nakikita at naririnig na ibang tao. Tumigil siya sa tapat ng isang target, dinukot
sa jacket ang sariling baril at sunod-sunod na nagpaputok nang may matatalim na mga
mata. Bulls eye lahat ng tama ng target.

Nalulunod sa samu't saring emosyon ang kanyang dibdib. Ngunit nangingibabaw sa


lahat ng mga ito ang galit... galit sa sitwasyon at higit sa lahat ay sa kanyang
sarili.

Nasasaktan ang pamilya niya.


Nasasaktan ang lalaking mahal niya.

Nasasaktan siya.

Nangingilid ang luha ngunit walang tigil pa rin siya sa pagpapaputok ng baril.
Hinayaan niyang maglaro sa kanyang utak ang anumang bagay na sumagi sa kanyang
isipan.

Saktan mo nang lahat Alex. Ibuhos mo na lahat ng sakit para sabay-sabay na kayong
makapag-umpisa ng panibagong buhay.

Tanggapin mo na sa sarili mong kapalaran na ang nagtakda kung saan ka dapat


lumugar. Ito na ang nag-uutos na hindi mo pwedeng pagsabayin ang puso at ang
tungkuling nais mong gampanan bilang pulis.

Nagmahal ka ng lalaking hindi nababagay sa pagkatao mo at yan ang pinakamasakit na


katotohanan. Hindi siya magiging masaya kung patuloy siyang magmamahal ng kagaya
mo.

Ikaw ang hihila sa kanya pababa, Alex.

Kailangan mong mamili at anuman ang piliin mo, hindi ka magiging masaya dahil may
parte ng buhay mo na mawawala. Kaya dapat doon ka sa kung saan mas higit na
nababagay ang pagkatao mo.

Diyos ang nagbigay ng pagsubok na ito upang magising ka na sa mahabang panaginip.


Ang pagiging pulis ang una mong inibig kaya ito rin ang huli mong mamahalin.
Naubos ang laman ng kanyang magasin. Dumukot ulit siya sa jacket at sinaksakan ng
panibagong mga bala ang baril. Sunud-sunod ulit siyang nagpaputok na para bang
gustong sumabay ng dibdib niya sa pagsabog.

Hindi ka pwedeng sumuko. May mga tao kang dapat iligtas at protektahanan.

Sa muli mong pagsusugal sa buhay mo kay kamatayan, tinanggalan mo na ang sarili mo


ng karapatan na mahalin si Blake.

Pag-ibig lang yan, nagbabago, napapalitan at pansamantalang nasasaktan...pero pag


buhay na ang nawala hindi na ito kailanman maibabalik.

Bakit nga ba niya piniling manahimik pagkatapos ng mga masasakit na salitang


binitawan niya kay Blake? Dahil bigla siyang naduwag. Unti-unting nangingibabaw ang
pagiging makasarili niya. Tinitimbang niya pa ang sarili kung kaya niya nga bang
isuko ang taong pinakamamahal niya. Gusto niya pang magmahal. Gusto niya pang
sundin ang puso niya. Subalit lahat ng sinabi ni Debbie ay totoo. Napakasakit
pero...lahat ng narinig niya ay tama.

Pakawalan mo na si Blake.

Hindi na ikaw ang Alex na nababagay para sa kanya.

Huwag mong hayaang patuloy ka niyang mahalin dahil baka mas lalo mo lang siyang
masaktan pagdating ng araw.
Saktan mo na siya ngayon habang may panahon pang maghilom ang sugat. Huwag mong
ipagkait sa kanya ang pagkakataong matuto siyang magmahal ng tamang babae.

Nasa labas na lahat ng tama ng target. Wala na siyang makita dahil unti-unti nang
nababalot ng luha ang kanyang mga mata.

Huwag kang masyadong maging makasarili Alex...

Hindi na pwede....

Tama nang naranasan mong magmahal sa loob ng apat na taon. Pansamantala kang naging
ibang tao... ngayon ay oras na para bumalik ka sa realidad ng buhay mo....Ang buhay
kung saan walang karapatang magmahal ang isang kagaya mo sa isang lalaking tulad ni
Blake Monteverde...

Tumigil siya sa pagbaril. Nanghihinang ibinaba niya ang mga kamay habang yumuyugyog
ang kanyang balikat. Dama niya ang mainit na luhang umaagos sa kanyang mga pisngi.
Hinayaan niyang bumaon ang pinakamahabang punyal sa kanyang puso. Pinakawalan niya
na ang lahat ng pinipigilang sakit sa dibdib. Ibubuhos niya na ang lahat ng luha
at kirot sapagkat paglabas niya sa lugar na iyon ay kailangang manhid at matigas na
ulit ang puso niya....

-----

"Hmmmm..." naaalimpungatang ungol ni Blake.


Humawak siya sa kanyang ulo habang dahan-dahang iminumulat ang mga mata. Nakatulog
siya ng nakadapa at lagpas ang kalahati ng mga paa sa kama. Tumingin siya sa
orasan. Alas dose na ng hatinggabi.

Bumangon siya at agad siyang napaiwas nang muntik niya ng maapakan ang iang bote ng
wine. Nakakalat lamang sa sahig ang ginamit niyang glasswine at ang dalawang walang
lamang bote ng alak.

Maaga siyang nalasing kaya't nakatulog siya ng alanganing oras. Nakaramdam siya ng
sakit ng ulo dahil sa biglaang pagkagising. Naghubad siya ng suot na t-shirt at
nagtungo sa banyo. Binuksan niya ang mainit na shower at ibinabad doon ang katawan
ng mahigit kalahating oras.

Lumabas siya ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. Pinupunasan ang buhok na


nagtungo siya ng closet. Namili siya ng damit at ilang saglit lamang ay bigla
siyang natigilan. Napatuon ang mga mata niya sa mga naiwang damit ni Alex. May
kumurot sa dibdib niya. Kinuha niya ang isang damit, hinawakan at tinitigan ito.

Kailan kaya babalik ang girlfriend para muling isuot ang mga ito?

Lumalim ang kirot at lungkot na nararamdaman niya kaya naman agad niyang ibinalik
sa closet ang hawak na damit. Mas lalo niya lang namimiss ang babae habang
tinititigan ang gamit nito.

Ipinagpatuloy niya ang pagbibihis at pagkatapos ay niligpit ang mga nakakalat na


pinag-inuman. Naupo siya sa harap ng laptop para tapusin ang ilan sa mga maraming
nakabinbing trabaho. Sinimulan niyang magbasa ng files subalit sa bawat titig niya
sa monitor ay mukha ni Alex ang sumusulpot sa kanyang isipan. Kinusot niya ang mga
mata, tumayo para lumapit sa intercom at saka tumawag sa maid's quarter.
"Bring me a cup of coffee."

Bumalik siya sa working table. Inayos niya ang lampshade at saka napatingin sa
cellphone. Kinuha niya ang telepono. Kagaya ng dati tadtad na naman siya ng miscall
ni Debbie. Tatawagan niya ang kaibigan dahil tiyak na nag-aalala na naman ito na
baka nasobrahan na naman siya sa inom. Ngunit bago iyon ay tiningnan niya muna ang
inbox ng kanyang mga text messages at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso
nang makita ang isang mensahe mula kay Alex.

'Nandito ako sa garden niyo. Pwede ba tayong mag-usap?'

Natataranta siyang tumayo at kumaripas sa pagtakbo pababa ng bahay. Sabi na nga ba


hindi rin siya matitiis ng girlfriend. Kailangan lang nito ng panahon para makapag-
isip at kusa rin itong babalik at magpapakita sa kanya.

Pagdating niya sa labas ng bahay ay agad niyang iginala ang mga mata. Parang
puputok ang dibdib niya sa pananabik na muling makita ang dalaga.

"Alex! Alex!"

Walang sumagot. Iginala niya ulit ang mga mata at naglakad-lakad sa hardin.

"Alex!"

Wala uling sagot. Tiningnan niya muli ang mensahe ng babae. Bigla siyang nanlumo
nang mapagtantong alas nuwebe pa pala ito ng gabi pinadala kung kailan kasagsagan
ng mahimbing niyang pagtulog.

Bagamat imposibleng naroroon pa ang babae sinubukan niya pa ring mag-ikot sa hardin
para hanapin ito.

"Alex! Are you still here?"

Wala pa ring sagot. Tinawagan niya ang dalaga subalit nakapatay na naman ang
telepono nito. Tumayo siya ng ilang saglit sa tapat ng isang halamang dati ay
madalas alagaan ni Alex, ilang minuto niya itong tinitigan habang puno ng
panghihinayang ang dibdib. Sana hindi siya nakatulog. Sana ipinagpaliban niya
munang uminom sa gabing iyon. Pero anong magagawa niya kailangan niyang
magpakalasing para makatulog at para pansamantalang makalimutan ang lungkot na
nararamdaman. Matamlay na yumuko siya at sinipa-sipa ang isang halamang damo habang
paulit-ulit na bumubuntong-hininga.

"Blake."

Napaangat siya ng mukha ngunit kasunod nito ay pansamantalang hindi siya nakagalaw.
Tama ba ang boses na narinig niya? Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likuran.
At halos maluha siya sa kaligayahan nang masilayan ang mukha ng taong inaasam-asam
niyang makita.

"A-Alex..."

Walang pagdadalawang-isip na nilapitan niya ang babae at niyakap ito ng mahigpit.


"Wifey..."

Hindi niya alam kung sa papaanong paraan ito yayakapin dahil sa sobrang pananabik
na nararamdaman. Kakawala sana ito sa mga yakap niya subalit bago pa man maghiwalay
ang kanilang mga katawan ay walang pasabing siniil niya ito ng halik sa mga labi
nang punum-puno ng pananabik. Para siyang maiiyak sa tuwa habang hindi pa rin
makapaniwalang pagkatapos ng mahabang panahon ay muli niyang nalalasahan ang
matamis na mga labi ng pinakamamahal na babae.

Ramdam niya ang malamig na ganti ni Alex sa kanyang mga halik. Maging ang yakap
nito ay kulang na rin sa init. Subalit wala siyang pakialam, ayaw niya munang mag-
isip ng negatibong bagay. Ang mahalaga sa mga sandaling iyon ay kayakap niya nang
muli ang mahal niya.

Naghiwalay ang kanilang mga labi. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga at hinaplos-
haplos ang pisngi nito. Gumanti rin ito ng titig sa kanya ngunit kagaya ng huling
beses na nakita niya ito, walang reaksiyon ulit ang mga mata nito. Pagod at
matamlay pa rin ang mga ngiti nito.

"Kanina ka pa ba dito? I'm sorry ngayon ko lang nabasa ang text mo. Why did you
wait here?...You should have gone directly to our room," mahinang sabi niya habang
hinahaplos-halop ang buhok at pisngi ng babae.

Unti-unti siyang nakaramdam ng takot nang makita ang nangingilid na mga luha ng
kaharap.

"B-Blake..."

Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ng babae sa halip ay muli itong niyakap ng
mahigpit. "Shhhh... let me enjoy this moment first."
Nakita niya ang nagdadalawang-isip na pagkilos na mga kamay ni Alex. Nag-
aalinlangang itong gumanti ng mga yakap sa kanya kaya't kinailangan niya pang
hawakan ang mga kamay nito at kusang iniyakap sa katawan niya. Kinakabahan siya sa
dahilan ng pakikipagkita nito sa kanya, pero ano man ang sabihin nito hinding-hindi
siya papayag na may mababago sa kanilang dalawa.

"Do you want to go inside?" tanong niya habang yakap pa rin ng mahigpit ang dalaga.

Sumagot ng iling ang babae.

Ilang saglit pa ay kumawala na ito sa kanyang yakap at tiningnan siya nang may
blangkong mukha.

"Mag-usap na tayo Blake. Kanina pa ako naghihintay dito."

"Don't worry. We can talk all night if you want. Aren't you here to spend the night
with me? Aren't you here because you miss me too, wifey?" nakangiti at malambing na
tugon niya sa kabila ng kabang nararamdaman.

Napalunok si Alex sa sinabi niya at agad nitong inilihis sa ibang direksiyon ang
mga paningin. Lumayo ito ng ilang hakbang at tumingin sa malayo.

"What's wrong Alex?" biglang pagseseryosong tanong niya.


Nanatiling tahimik ang babae ngunit pansin niya ang pasimpleng pagkuyom ng mga
kamay nito.

"May mali na naman ba sa atin?" diretsahang tanong niya.

Saka lamang humarap sa kanya si Alex at sa mga sandaling iyon may bakas na ng
tapang at tigas sa mukha't mga mata nito.

"Pumunta ako dito para linawin ang mga binitawan kong salita nang huli tayong
magkita..."

"Stop," mabilis na pagputol niya sa sasabihin ng dalaga. "I don't want to hear
those words Alex. You don't have to explain. I know you didn't mean them. Magulo
lang ang isip mo kaya ka nakapagsalita ng ganoon."

Tumahimik ulit ng ilang sandali si Alex. Pinipilit niyang labanan ang panginginig
ng kanyang mga labi't boses. Humugot ulit siya ng malalim na buntong-hininga at
saka mapait na ngumiti.

"Hindi ako magpapaliwanag, Blake. Gusto ko lang malaman mo na hindi ka nagkakamali


ng narinig...."

Napangisi si Blake nang may hindi makapaniwalang mukha. Lumapit siya sa kausap at
mahigpit na hinawakan ang mga palad nito.
"Wifey are you trying to break up with me?" nakangiting tanong niya habang
tinititigan ng diretso sa mga mata ang dalaga upang ipakita ditong hindi niya
seseryosohin anuman ang lumabas sa mga labi nito.

Hindi sumagot si Alex sa halip ay matapang na ginantihan niya ang mga titig ng
lalaki at dahan-dahang tumango.

Bumitaw sa kanyang mga palad si Blake at natawa ito ng mahina. Napasuklay ang kamay
nito sa buhok habang hindi alam kung matatawa, maiiyak o magagalit.

"This is the funniest joke I've ever heard."

"Hindi ako nakikipagbiruan Blake."

Napangisi ulit ang lalaki. "May nagawa na naman ba ako Alex? May kasalanan na naman
ba ako sayo? Sabihin mo sa akin para makahingi ako ng tawad. I'll do anything para
patawarin mo ako but don't ever imply on breaking up with me because that's not
gonna happen!"

"Hindi na kita kayang mahalin Blake," diretsong sabi ni Alex nang hindi tumitingin
sa kausap.

"What?" napapamaang na tugon ng binata. "Sabihin mo yan nang diretsong nakatingin


sa aking mga mata."

Tumingin si Alex sa lalaki. "Hindi na kita kayang mahalin," madiing wika nito nang
hindi man lamang kumukurap sa pagkakatitig sa kaharap.
Saka lamang unti-unting bumaon sa puso't isip ni Blake ang mga nangyayari sa
sandaling iyon. Umusbong ang matinding takot sa kanyang dibdib nang makitang
determinado nga ang babae sa mga sinasabi nito. Napapikit siya ng ilang saglit at
napahawak sa kanyang noo. Gusto niyang isiping isang panaginip lang ito at
karugtong lamang ito ng pagtulog niya kanina. Ngunit nang magmulat siya ay ang
nakatitig na seryosong mga mata agad ni Alex ang kanyang nakita patunay na totoo
nga ang lahat.

Nanghihina siyang humakbang at tumabi sa kinatatayuan ng babae. Tumingin din siya


sa malayo kung saan iyon din ang direksiyong tinatanaw ng katabi. Umiwas siyang
tumingin sa mukha ng kasintahan para malayang makapaglaro ang kanyang isipan na
sana hindi pa rin ito seryoso sa mga sinasabi nito.

"Bakit Alex? Nahihirapan ka ba dahil sa pagpapanggap na ginagawa namin ni Debbie?


Di ba eto ang gusto mo? Sinusunod ko lang naman ang mga sinabi mo. Binibigyan naman
kita ng panahon para sa trabaho mo....Ano pa bang dapat kung gawin? Sabihin mo,
gagawin ko. Ang haba na ng pinagsamahan natin Alex pero bakit napakadali para sayo
na sabihin ang bagay na yan?"

"Kaya lamang tayo tumagal dahil isinakripisyo ko ang trabaho ko para sayo. Pero
kung nagmatigas ako noon pa at sinunod ang lukso ng aking dibdib, hindi tayo
magtatagal ng ganito Blake," walang reaksiyong sagot ng babae.

"Kung ganun kaya ka ba nakikipaghiwalay dahil nagbago na ang isip mo? Dahil hindi
mo na kayang ipagpalit sa relasyon natin ang trabaho mo?"

"Oo."

"Are you dumping me because of your job?"


"Oo."

Napapikit si Blake at paulit-ulit na huminga ng malalim. Bukod sa hinihiwa ang


kanyang dibdib, pakiramdam niya ay paulit-ulit din siyang sinasampal ng malakas.

"Why are you doing this to me Alex?" mahinang tanong niya habang nararamdaman ang
unti-unting pangingilid ng kanyang mga luha.

"Dahil nang muli akong nagkaroon ng kalayaang gawin ang mga bagay na gusto kong
gawin unti-unti akong nanghihinayang sa mga panahong sinayang ko dahil lamang
nagmahal ako. Naisip ko na kung hindi ako nagpakabaliw sayo sana mas marami pa
akong natulungan, sana natupad na lahat ng mga gusto kong marating bilang isang
pulis, sana mas nakatagpo ako ng lalaking mas karapat-dapat mahalin ng isang kagaya
ko...a-at sana ganun ka rin..."

"Ganyan ba kababaw ang pagmamahal mo sa akin? Sa loob ng maiksing panahong


pagbabalik mo sa dati mong tungkulin ay nagagawa mo na akong saktan ng ganito. I
love you so much Alex. Hindi lang naman ikaw ang nagsakripisyo sa relasyon na ito,
pareho tayo. But unlike you I don't regret anything because I'm doing it for the
person I love. At kung kailangan mang paulit-ulit akong magsakripisyo para sayo,
gagawin ko Alex dahil mahal na mahal kita... that's why how can you easily treat me
this way? Gusto man kitang intindihin pero my mind won't agree that you're being
reasonable. I still don't think I deserve this pain you're giving me right now,"
nahihirapang bigkas ni Blake habang namumuo na ang mga luha sa mata.

Dahan-dahang tumulo ang mga luha ng binata at pasimple itong nagkusot ng mga mata
para huwag ipakitang pinanghihinaan agad siya ng loob. Wala siyang balak sumuko
pero ganun pa man hindi niya maikakaila sa sarili kung gaano katindi ang sakit na
nararamdaman.

"Siguro nga ay hindi magkasinglalim ang pagmamahal natin sa isa't isa," matigas na
tugon ni Alex.

Lalong nanghina ang mga tuhod ni Blake nang mapansing may hinuhubad na bagay sa
daliri ang dalaga. Nanlalaki ang mga matang hinarap niya ito. Hinawakan niya ang
kamay nito at pinigilan ito sa ginagawa.

"Put it back Alex... put it back please. Ikaw na mismo ang nagsabing huhubarin mo
lamang iyan sa araw ng kasal natin," pagmamakaawa niya habang hayagan nang
ipinapakita sa babae ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Nagmatigas pa rin si Alex at pilit na hinubad ang singsing. "H-Hindi ito para sa
akin Blake. Ibigay mo ito sa babaeng mas karapat-dapat sayo," bigkas nito habang
iniaabot sa kanya ang singsing.

Hindi niya ito tinanggap sa halip ay muli siyang yumakap sa dalaga. "Ano bang
pinagsasabi mo? We're not breaking up wifey. Ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko
at wala ng iba pa. Nakalimutan mo na ba ang mga plano natin? For me, you're already
a wife. Kasal at anak na lang naman ang kulang sa atin di ba? Kaya please stop
saying weird things," tumitig siya sa mukha nito at muling hinalikan ito ng malalim
sa mga labi. "What do you want me to do? Gusto mo ba itigil ko na ang pagpapanggap
na ginagawa namin ni Debbie. I'm willing to disobey grandpa kung nasasaktan ka ng
dahil dito. I don't care also if I won't have any position in the company. I'm
willing to give up everything for you Alex. Kung ang rason mo pa rin ay ang
trabaho, sige pumapayag na ako sa gusto mo. Take whatever duty you want to take,
titiisin ko lahat... you can be a police woman forever if that's what you want.
Sundin mo lahat ng makakapagpasaya sayo... except leaving me Alex. You can't do
this to me. I'll die kung mawawala ka sa buhay ko...You are my life and you are my
only love. I don't know what will happen to me kung wala ka na sa tabi ko," umiiyak
na pagmamakaawa niya.

Hindi pa rin natinag si Alex sa pagmamakaawa ni Blake. Kumawala ito sa yakap,


hinawakan ang palad ng lalaki at sapilitang ibinuka para ibigay dito ang singsing.

"Nakapagdesisyon na ako Blake. I'm sorry kung hindi ko na matutupad ang mga pangako
ko dahil hanggang dito na lang ang kaya kong gawin para sayo."
Natulala si Blake habang mahigpit na nakakuyom sa singsing na inilagay sa kanyang
palad. Hindi siya makapaniwala sa kakaibang tapang at panlalamig na ipinamamalas ng
dalaga. Tumitig ulit ito sa kanya na para bang hindi apektado sa pagmamakaawang
ginawa niya.

"Kailangan ko nang umalis Blake... Salamat sa lahat at lalo na sa pagmamahal mo.


Ikaw pa rin ang parte ng buhay ko na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan....M-
Mag-iingat ka lagi."

Inumpisahang humakbang ni Alex papalayo. Binilisan niya ang paglalakad para agad-
agad na makalabas ng gate.

Bigla namang natauhan si Blake sa pansamantalang pagkakatulala. Mabilis niyang


hinabol ang babae at iniharang ang sarili sa dadaanan nito. "Hindi ka pwedeng
umalis Alex! We're not done talking. You can't do this to me. I'm begging you,
please bawiin mo ang lahat ng mga sinabi mo!"

"Blake padaanin mo ako, kailangan ko ng umalis," wika ni Alex habang hinahawi ang
katawan ng binata upang tuluy-tuloy na makapaglakad papalabas.

Sumunod uit si Blake at mahigpit itong yumakap sa likuran ng dalaga. "Hindi ako
pumapayag Alex! Punch me, shoot me or kill me but you can't leave me wifey... Para
mo na rin akong pinatay sa gusto mong mangyari."

Tinanggal ni Alex ang mga kamay na nakayakap sa kanya at muling naglakad ng


mabilis.
"Please don't do this to me. Do you want more time to think? Space? Sabihin mo lang
susundin ko, huwag lang to Alex...pleaseee," muling pagmamakaawa ng binata habang
sapilitang niyayakap muli ang nagmamatigas na babae.

Hindi na nakatiis si Alex. Hinawakan niya sa magkabilaang braso ang nagpupumilit na


lalaki at itinulak ito ng malakas na ikinatumba nito.

"HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?! SINABI NANG AYOKO NA! Ayoko na! Ayoko na! Ayaw na
kitang mahalin! HINDI NA KITA MAHAL BLAKE!!!" sigaw niya nang may nanalalaking mga
mata.

Pansamatala uling hindi nakakilos ang binata sa matinding pagkagulat dahilan para
samantalahin ni Alex ang pagkakataon na mabilis na sumakay sa kanyang dalang
motorsiklo. Hindi niya na nagawang magsuot pa ng helmet at pinaandar ito nang hindi
na muling nilingon pa si Blake.

"ALEEEX!!! Come back! Noooo! ALEEEX!!!!"

Tumingin siya sa side mirror at nakitang sinusubukan pa rin siyang habulin ni


Blake. Binilisan niya pa lalo ang takbo hanggang sa tuluyan na siyang makalayo sa
bahay ng binata. Makalampas ang ilang kanto ay itinabi niya sa isang tahimik na
kalsada ang motor. Nanghihinang bumaba siya dito at naglakad patungo sa isang puno
sa tabing kalsada. Itinuon niya ang isang kamay sa puno at humawak sa kanyang
dibdib. Yumuko siya habang paulit-ulit na sinusuntok ang kanyang dibdib.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ito na yata ang tipo ng sakit na walang katiyakan kung
mawawala ba o habambuhay na mananatili sa kanyang dibdib. Mas matindi pa ito sa
anumang suntok o tama ng bala.

May pumatak na luha sa kanyang damit. Sinundan ito ng isa pa at isa pa hanggang sa
nagsunod-sunod na ang pagdaloy nito. Yumugyog ang kanyang balikat at hindi niya
namamalayang humahaguhol na pala siya. Napasandal siya sa puno at nanghihinang
umupo sa tabing kalsada.

"T-Tama ang desisyon mo Alex..Sa umpisa lang ito..sa umpisa lang ito..." ilang ulit
na pagkumbinsi niya sa sarili habang nahihirapang huminga dahil sa matinding sakit
at paninikip ng dibdib.

Napasapo siya sa kanyang mukha hanggang sa lalong lumakas ang kanyang pag-iyak.

"I'm sorry Blake...M-Mahal na mahal kita...p-pero wala akong pwedeng gawin simula
ngayon kundi ang mahalin ka na lamang sa ibang paraan...."

PLEASE COMMENT OR VOTE (kunswelo sa puyat ni author :P) ♥


••••••

Nagnanakaw ng idlip si Alex. Nakataas ang dalawang paa niya sa katapat na silya at
komportableng nakasandal sa kinauupuan habang nakatakip ang sumbrero sa mukha.

"VALDEMOR!"

Napaiktad siya. Mabilis na nagising ang kanyang diwa pagkarinig sa sigaw ng hepe.
Ibinababa niya ang mga paa, tinanggal ang sumbrero sa mukha, tumayo at sumaludo.

"Chief!"

Natigilan ng ilang saglit si Chief Martinez at kunot-noong napatingin sa hitsura ng


inaantok pang babae. Gulo-gulo ang buhok, nangingintab ang mukha, may kalakihan ang
eyebags at suot pa rin nito ang damit kahapon.

"Hindi ka pa rin ba umuuwi?" tanong niya.

Napakamot sa ulo ang dalaga at naasiwang ngumiti. "Hindi pa ho, nagpalipas ako ng
gabi sa sementeryo."

"Sementeryo?"

"Oho. Nagmanman ako sa puntod ni Grace. Lately kasi may madalas mag-iwan doon ng
mga bulaklak, gusto kung maabutan ang nagdadala nito baka siya na yung kaibigan ni
Grace na matagal ko nang hinahanap."

"Anyway, follow me to my office," seryosong utos ng hepe.

Walang pagdadalawang-isip na sumunod si Alex. Kinusot niya ang mga mata at tinalian
ng goma ang magulong buhok habang naglalakad.

"May magandang balita ba chief?" ngingiti-ngiting tanong niya. "Tatanggalin na ba


nila ang deadline sa kaso ko?"

Hindi sumagot ang hepe. Pagdating sa opisina ay naghubad muna ito ng jacket,
isinabit ito sa sandalan ng upuan at saka muling tiningnan ang pagod na pagod na
hitsura ni Alex.

"Mukhang inaabuso mo naman yata masyado ang sarili mo," puna nito.

"Kailangan kong magdouble time chief. Bakit naman kasi hanggang ngayon ayaw pa rin
akong pagbigyang tapusin ng dire-diretso ang kasong ito ng walang mga kondisyones."

Komportableng naupo ang hepe sa kanyang desk at seryosong tiningnan sa mukha ang
dalagang tauhan.

"Itigil mo na ang pag-iimbestiga sa kasong yan,"matigas at diretsong utos nito.

"Ho?!"

Mabilis na naupo si Alex sa harap ng opisyal at hinila pa papalapit dito ang upuan.

"A-Ano na naman ho bang order yan?"

"They denied our request for another extension instead pinapatigil na sa atin ang
pag-iimbestiga. This time I couldn't do anything about it. Pinagbigyan na nila tayo
ng isang buwang extension pero hanggang ngayon ay wala pa ring maibigay ang team
niyo na kahit kaunting ebidensiya?

Nag-init ang pisngi ni Alex sa narinig na balita. "Ebidensiya? Eh ang hirap naman
kasi sa kanila chief, ayaw nilang ikonsider na ebidensiya ang pagkakabaril kay
Aling Cresencia at ang pag-atake sa akin. Ano pa ba naman kasing ebidensiya ang
kailangan nila! Video mismo ng aktuwal na pagpatay kay Grace? Yun lang ba ang
ebidensiyang papasa sa kanila?! Garapalan na ata ang pagtatakip ng heneral na yan
sa mga kriminal ah!"

"VALDEMOR! Watch your words!" sigaw ng hepe habang dinuduro ang babae.

"Eh totoo naman chief eh! Lahat na lang yata ng ebidensiyang pinapakita ko ay
hinahanapan nila ng butas at binabasura nila?!" di patitinag na sagot ng dalaga.

"Di ba ipinaliwanag ko na sayo na iba ang kaso ng pagkakabaril ng janitress sa kaso


ni Grace! Tanging ang nag-uugnay lamang sa kanila ay ang pangingidnap sa kanya ng
suspect pero hindi pa rin pwedeng mapatunayan na kaya siya binaril ng hitman ay
dahil may kinalaman ito sa pagkamatay ni Grace! "

Napapabuntong hiningang tumayo si Alex at tumalikod sa hepe. Paulit-ulit muna


siyang huminga ng malalim para ikalma ang sarili at saka nakapamewang na muling
humarap sa nakatataas na opisyal.

"Ibig bang sabihin chief na dahil posibleng wala itong kaugnayan sa kaso, pwedeng
napadaan lang doon ang hitman at napagkatuwaan lang kaming barilin? Ganun ba yun?
Chief huwag niyong sabihing pati kayo ay pumapayag sa ginagawa nilang pagbaluktot
sa katotohan!"

"Hindi natin sila pwedeng pagbintangan Valdemor dahil kung sadyang pinipigilan nila
ang kaso dapat sa una pa lamang ay hindi na nila tayo binigyan ng extension. Nasa
katwiran lamang sila na nasasayang ang oras ng mga tao dito sa departamento dahil
sa isang maliit na kasong yan na hanggang ngayon ay wala pa rin naman tayong
napapatunayan."

"Maliit na kaso? Pinagdidiinan nilang maliit na kaso ito dahil gusto nilang burahin
sa utak niyo na isang malaking tao ang nasa likod nito!" nagngingitngit na sagot ni
Alex.

"Naiintindihan ko na marami ka pang pwedeng mapatunayan Alex, pero hindi ko rin


sila masisi kung ipatigil na ito. Mas maraming kasong nangangailan sa mga tao at
oras natin. At mas maraming maapektuhang inosenteng mamamayan kapag yun ang
pinabayaan nating huwag lutasin. For now we will stop investigating about that
suicide case but the warrant of arrest to the suspect is still up. We will put him
in the wanted list until we catch him and cleared himself."

Napanganga si Alex sa bigla-biglang pagdedesisyon ng hepe. Mabilis itong nag-iba ng


timpla at agad na nakiusap nang may maamong tono. "Chief hindi mo pwedeng gawin sa
akin ito. Dugo't pawis ang ipinuhunan ko para sa kasong ito."

"Binigyan ka na ng karagdagang panahon pero ni katiting na impormasyon tungkol sa


suspect ay wala ka pa ring maiprovide. The mere fact na hindi mo man lamang
mailitaw ang identity ng suspect in that long period of time, papaano kita sa
palagay mo madedepensahan sa ganitong kalagayan?!" napipikong tugon ni Chief
Martinez.

"Yan na nga chief eh. Kilala niyo ako, alam niyong hindi ako ganito magtrabaho.
Kaya ako nahihirapang hanapin ang identity ng lalaking iyon dahil tiyak na
pinoproteksiyonan siya ni Mr. Garcia!" nagsalubong ang kilay ng dalaga at
sumimangot. "Bukod dun mukhang may lahing aswang yata ang lalaking yun kaya ang
galing magtago, akalain mong nagawa niyang tumalon sa apat na palapag na building
na parang wala lang. Mukhang hindi basta-basta ang mga tauhan ng Garcia na iyon."

"Puro ka pagtuturo kay Pablo Garcia but until now you can't provide an acceptable
indication of his involvement to Grace's death," napapabuntong-hiningang sagot ng
hepe.

Ngumisi si Alex nang may hindi makapaniwalang mukha at namimilog na mga mata.
"Anong wala? Yung sumbrerong nakuha sa abandonadong building kung saan nabaril si
Aling Cresencia, tandang-tanda ko na yun ang sumbrerong suot ng nakasalubong kung
tauhan ni Garcia nang binisita naming siya ni Captain Corpuz sa opisina. Noong mga
sandaling iyon ay nginisian at tiningnan ako ng makahulugan ng taong yun na para
bang nagpapahiwatig na may pinaplano silang gagawin. Alam kong ginawa niya ang
pamamaril bilang mensahe sa akin ni Garcia na itigil ko ang planong pagtuloy sa
pag-iimbestiga sa kaso ni Grace. Hindi pwedeng sabihing nagkataon lamang na mismong
pagkatapos naming mag-usap ni Garcia ay siya namang pangingidnap ng suspect kay
Manang."

Binuksan ni Chief Martinez ang isa sa mga drawer ng table niya at inilabas dito ang
isang sumbrero. "Etong sumbrero ba ang tinutukoy mo?"

"Yan! Yan nga! Huh teka, bakit nasa inyo yan?"

Napailing ang hepe. "Hindi ito ang sumbrerong nakuha sa pinangyarihan ng krimen.
Sumbrero ko ito at bente porsyento yata ng kalalakihan sa buong Pilipinas ay may
ganitong sumbrero. Eh kahit saang bangketa ay may tindang ganito! This is a very
common hat Valdemor, so are you planning to investigate and arrest every man who
owns this kind of cap?"

Napangiwi ang dalaga at nag-isip pa ng ibang ikakatwiran. "Yung sa bar na


pinuntahan nina Debbie at..." napatikhim muna ito "B-Blake... may kustomer din dun
na tauhan ni Garcia base sa mga credit cards na ginamit. At posibleng ang taong yun
ang kumuha ng mga litrato para masira si B-Blake Monteverde!"

"Well in that one I might agree with you, maaring totoo ngang ang kampo ni Mr.
Garcia ang nagpakalat ng litrato because of their business rivalry pero papaano mo
maikokonekta ang bagay na iyan sa pagkamatay ni Grace?"

"Dahil naniniwala pa rin ako sa kutob ko na ang pagkamatay ni Grace, pagkabaril ni


Aling Cresencia at lahat ng mga masasamang nangyari ay may kinalaman sa tensiyon
nina Don Henry at Mr. Garcia sa loob ng Golden Pacific," ngingisi-ngisi at
nagmamatalinong sagot ni Alex.

"Hindi pwedeng puro ka na lamang kutob Valdemor!" muling pagtaas ng boses ng


opisyal. "Ang kailangan mo ay mapanghahawakang katibayan para maituloy mo ang
imbestigasyon. Kung puro ka na lamang haka-haka hindi ko sila masisisi kung sabihin
nilang nagsasayang lamang tayo ng oras, pagod at pera!"

"Kaya nga nanghihingi ako ng sapat na panahon. Hindi tangang kriminal ang
iniimbestigahan ko, natural lamang na mahirapan akong maghanap ng ebidensiya."

"Tama na yan Valdemor at tumigil ka na sa pakikipaggitgitan diyan sa gusto mo!


Kailangan ko ng tao sa isang malaking drug dealing case, ilalagay kita doon,"
determinadong sabi ng opisyal.

Nagbago ang nagmamatapang na mukha ni Alex at agad siyang tumingin sa hepe nang may
nakikiusap na hitsura. "Chief naman, ayokong humawak ng ibang kaso. Isama mo na
lang ako sa mga raids at operations huwag mo lang akong pahahawakin ng ibang kaso."

"TUMIGIL KA VALDEMOR! Sino ka para diktahan ako! Hindi porke't madalas kitang
pinagbibigyan ay aabusuhin mo na ang kabaitan ko! Pangalan ko na ang masisira kapag
pumayag pa rin ako sa gusto mo!"

Dahan-dahang nagseryoso ang mukha ni Alex at gumuhit ang lungkot dito. Ilang saglit
itong nanahimik ng nakatungo at saka muling tumingin sa hepe nang may mamasa-masang
mga mata. Napapalunok namang ibinaling ng opisyal sa ibang direksiyon ang mga
paningin na noon ay bigla na namang nakaramdam ng panlalambot ng kalooban pagkakita
sa hitsura ng inaanak.

"Anong gagawin ko? Tatanggapin ko na lang ba na wala akong nagawa para sa kasong
ito? Alam niyo naman kung gaano kalaki ang ipinagpalit ko para dito," nagpapaawang
bigkas ng babae. "N-Nasaktan ko ang mga mahal ko sa buhay tapos mauuwi lang sa wala
lahat ng mga pagsasakripisyong ginawa ko. Bakit? Dahil lamang hindi nila
mapagbigyan ang napakasimpleng bagay na hinihiling ko, ang pansamantalang bigyan
ako ng mahaba-habang panahon para mag-imbestiga. Kahit pa isa o dalawang tao lamang
ang biktima dito, krimen pa rin ito na tungkulin nating lutasin. Dapat ba ay may
pinipili tayong mga biktima na dapat bigyan ng katarungan?"

"Ayan diyan ka magaling! And daanin ako sa mga ganyang pagpapaawa!" kunway
nagmamatigas na tugon ng opisyal ngunit ilang sandali lamang ay tumikhim ito at
umayos ng upo. "Buweno kung talagang ipinagpipilitan mong si Pablo Garcia nga ang
nasa likod ng mga ito. May paraan pa naman para magtuluy-tuloy ang pag-iimbestiga
mo sa kanya," mahinahon at mahinang dugtong nito.

"Huh? Paano ho?" biglang siglang tanong ng babae.


"Pansamantala mong isarado ang kaso ni Grace Capulong at saka mo ngayon simulang
buksan ang kaso ng pamamaril kay Cresencia Flores."

Nawala ang excitement na biglang naramdaman ni Alex. Ayaw niyang isuko ang kaso ni
Grace dahil nag-umpisa ang masasalimuot na mga pangyayari sa buhay niya ng dahil
dito kaya gusto niyang maayos at matapos din ang lahat sa kasong ito. Ngunit may
punto ang opisyal, kung sakali ngang may pumuproteksiyon kay Garcia hindi ito
titigil sa pagsira ng diskarte niya sa pag-iimbestiga hangga't hindi ito
nakakatanggap ng report na sarado na ang kaso.

"Hindi ba ikaw na rin ang nagsabing konektado pa rin kay Grace ang pamamaril sa
janitress. Pwes, kung nakakita ka na ng katibayan saka mo muling buhayin ang
suicide case na iyan," dugtong ni Chief Martinez habang nakatingin sa nag-iisip na
kausap.

Muling naupo si Alex. Tahimik pa rin itong nag-iisip ng malalim at diretsong


nakatingin sa blangkong dingding. Naniningkit ang mga mata habang hinihimas ang mga
labi at ang baba. Nang makapagdesisyon ay saka lamang siya tumingin sa hepe.

"Chief paano kung harangin din nila ang bagong kasong ihahain ko para
imbestigahan?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"Hindi ko muna ipaparating ito sa taas, bibigyan kita ng sapat na panahon para
makapagbuild-up ng acceptable leads. Ako muna ang mag-aaproba sa mission order mo,"
napapabuntong-hiningang turan ng opisyal sa muling pananakip na gagawin sa tauhan.

"Talaga chief?!" nakangiting tugon ng babae.

"Pero ipapaalala ko lang sayo na hindi na pwede ang ginagawa mong basta-basta ka na
lang sumusugod sa mga kumpanya ni Pablo Garcia para kwestiyonin ang mga tauhan nito
kung ayaw mong makasuhan ng illegal investigation. At saka hindi ka na rin pwedeng
hayagang mag-imbestiga ng kahit anumang bagay na may kinalaman kay Grace Capulong.
Kung gusto mo itong ituloy, gawin mo ito sa palihim na pamamaraan."

Unti-unting lumaki ang ngiti sa mga labi at nagliwanag ang mga mata ni Alex. "The
best ka talaga chief! Sabi ko na nga ba pagbali-baliktarin man ang mundo, hindi mo
matitiis ang magandang inaanak mo!"

"Huwag mo akong bolahin at huwag ka munang magsaya dahil kasabay ng pagiging


limitado ng kilos mo ay mababawasan ka rin ng tao."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Hindi na kita pwedeng bigyan ng team dahil ililipat ko na sa drug case ang team na
humahawak sa suicide case na iyan. Kaya't isang tao na lamang ang pwede kong ibigay
sayo. Hindi rin pwede si Capt. Corpuz dahil siya ang leader ng smuggling undercover
team na bubuuin."

"Walang problema chief kahit ako lang mag-isa, kakayanin ko basta't ang importante
walang deadline na pumipressure sa akin. Eh sino namang tao ang maiiwan sa akin?"
nakangiting tanong ng babae.

"Si Balatbat."

Nabura ang mga ngiti sa mukha ni Alex. "Chief wala na bang medyo mas mataas-taas
naman ang IQ dyan. Isa na nga lang ititira niyo eh ang literal na tira-tira talaga
ang ibibigay niyo sa akin."
"Nagrereklamo ka? Di itigil mo na yang pag-iimbestiga mo dahil wala na tayong ibang
taong available," tugon ni Chief Martinez habang pinandidilatan ang babae.

"Ah-eh hindi naman, okay na okay nga si Balatbat!" napapathumbs-up pang sagot ni
Alex. "Kulang lang sa common sense pero punung-puno naman ng loyalty!"

Tumayo ang hepe at pumunta sa lagayan ng mga inumin para magtimpla ng kape. Agad na
tumayo naman ang dalaga at inagaw ang hawak na tasa ng opisyal.

"Chief ako na ho! Maupo na lang kayo diyan!"

Napatapat ang ilong ng hepe sa ulo ng babae at halos mahatsing ito sa amoy ng
tauhan. "Ako na. At pwede ba umuwi ka na. Magpahinga ka at pakiusap, maligo ka na
rin," sabay bawi nito ng tasa.

"Ah eh sige ho," napapakamot sa ulo na sambit ni Alex sabay inaamoy-amoy rin ang
ilang hibla ng buhok niya at maging siya man ay napapangiwi rin sa amoy. "Alis na
po ako chief!" masiglang paalam niya.

Nakangiti siyang naglalakad papalabas ng opisina ngunit natigilan siya pagdating ng


pintuan nang biglang may naalala.

"Ay oo nga pala chief!" bulalas niya sabay lingon ulit sa hepe.

"Bakit na naman?" kunot noong tanong ni Chief Martinez habang humihigop sa bagong
timplang kape.

Bumalik si Alex at muling lumapit sa hepe nang may maamong mukha. "Ninong...." may
lambing na sambit niya.

"Wala na akong maibibigay na pabor sayo Valdemor!" pauna agad ng opisyal matapos
marinig ang tawag sa kanya ng kausap.

Isinarado ni Alex ang bibig at malungkot na yumuko.

"Ano na naman?!" hindi nakatiis na tanong ng hepe matapos ang ilang sandaling
pananahimik ng inaanak.

Mabilis na nag-angat ng ulo ang dalaga at ngumiti. "Pautang naman oh."

Muntik ng maibuga ni Chief Martinez ang kape. "Ano?! At bakit ka naman


mangungutang?"

"Kulang kasi ang pambayad ko sa hospital at sa mga gamot ni Aling Cresencia ngayong
linggo," nakatungong sagot ng dalaga. "Naubos na ang savings ko kaya sa sweldo na
lang ako umaasa kaso kulang pa rin ito."

"Wala rin akong pera," mabilis na tanggi ng opisyal at sabay iwas ng tingin sa
kausap.

"Ninong naman oh sige na. Babayaran din naman kita kaagad."

"Papaano? Eh yung sweldo mo nga lang ay kulang na sa ipambabayad mo diyan sa


hospital. Sinabi ko naman sayo na itigil mo na ang pag-ako ng responsibilidad diyan
kay Manang Cresencia. Bakit kasi hindi mo kontakin ang anak niyan na nasa ibang
bansa?"

"Hindi nga ho malocate. Ilang beses na kaming gumawa ng paraan para makarating sa
kanya ang balita. Humingi na nga rin kami ng tulong sa POEA, wala pa ring nangyari.
Isa lamang ang anak ni manang at wala rin siyang kamag-anak na pwedeng hingan ng
tulong kaya't hindi ko sila pwedeng pabayaan."

Napakamot sa ulo ang hepe na noon ay biglang namroblema sa kunsumisyong hatid ng


inaanak. "Ilipat mo na kasi sa public hospital. Hindi yung nagtitiyaga kang
magbayad sa mamahaling hospital na yan! Huwag mong sabihing hangga't hindi siya
nagigising ay aakuin mo ang pagbabayad sa lahat ng gastusin ng pamilya niya!"

Muling yumuko at nanahimik si Alex.

"Wala rin akong pera! Maawa ka sa mga kinakapatid mo na pinag-aaral ko pa. Teka
yung pamilya mo ang mapera, bakit sa akin ka nangungutang?"

"Eh hindi nga ho ako makalapit sa kanila, alam niyo namang halos itakwil ako ng mga
yun sa ngayon. Pati nga yung bank account na inopen nila para sa akin ay pinafreeze
din."

"Ba't di ka lumapit sa lolo mo?"

"Siya na nga ho lagi ang nagpapautang sa akin. Nautangan ko na lahat. Si Captain


Corpuz, si Margareth, si lolo at pati mga kasamahan ko dito nag-ambag ambag na
rin....Ikaw na lang ang hindi nagpapautang, sige na ninong pleaseeee," pagmamakaawa
ng dalaga.

"WALA!"

"Sige na.."

"WALA SABI!"

"Sige na ho...nong."

"WALA NGA!"

"Sige na pleaseeee..."

"Magkano ba?"

"YES! Bait niyo talaga!"

------

Ala-una ng madaling araw. Seryosong-seryosong sinisipat ni SP01 Balatbat ang isang


malaki't mamahaling disco pub gamit ang teleskopyo sa loob ng sasakyan.

BLAG!

Napaiktad siya at muntik niya nang mabitawan ang teleskopyo nang bumalibag ang
pinto ng kotse. Pansamantala siyang hindi nakaimik nang bigla na lamang pumasok at
tumabi sa kanya ang nakakunot ang noong dalagang kapitan.

"Kanina pa ba siya diyan?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Capt. Valdemor, a-anong ginagawa mo dito?"

"Nababagot ako, ayaw akong dalawin ng antok," diretsong sagot ng babae.

Humupa ang pagkabigla ni Balatbat ay unti-unti itong ngumiti ng mapang-asar.


"Sigurado kayong nababagot lang kayo? Baka naman namimiss niyo lang si Sir Blake?
Yan ang hirap sa inyo Kap, nung mga panahong halos araw-araw ay nagmamakaawa sa
inyo yung tao ang tigas-tigas nyo. Ngayon tumigil na siya, kayo naman ang bubuntot-
buntot. Ano ba talaga?!"

Binigyan ni Alex ng nakakahiwang tingin ang kasamahan. Agad namang natauhan ang
kausap sa mga pinagsasabi kaya't mabilis nitong itinikom ang bibig.

"Sa palagay mo, bakit ako nandirito?" pabulong ngunit madiing bigkas ng dalaga
habang nakatitig pa rin ng matalim at dahan-dahang inilalapit ang mukha sa tauhan.

"D-Dahil ho sa trabaho," napapalunok na sagot ni Balatbat.

"Alam mo naman pala, kung ano-ano pang ibinibigay mong opinyon."

"P-Pasensiya na ho nadulas lang ang dila ko. Kayo naman kasi bigla-bigla na lang
sumusulpot diyan sa tabi ko."

Umayos ng upo si Alex. "Ibang klase ka rin namang madulas ano? Ang haba ng nasasabi
mo."

"Sori ho kap."

"Oh anong petsa mo sasagutin ang tanong ko? Inuna mo pa yang pagkatsimoso mo!" wika
ng babae habang pinandidilatan ang kausap.

"A-Ano nga ho yung tanong nyo?" napapakamot sa ulong sambit ni Balatbat.

"Kita mo to! Umandar na naman ang katalinuhan! Sabi ko kung kanina pa ba siya
diyan."

"Magdadalawang oras na ho. Nung tumawag kayo sa akin kanina, kapapasok din lang ho
nila diyan."

"Sinong mga kasama?"

"Yung mga kaibigan niya sa car racing."

Hinablot ni Alex ang teleskopyo at tiningnang maiigi ang club na pinasok nina
Blake. Natatandaan niyang ito ang babaihang club na madalas puntahan dati ng binata
nung nasa kolehiyo pa lamang ito kasama ng mga kabarkada .

"Ang mga lalaking yun talaga pag nagsama-sama parang mamatay ng sabay-sabay kapag
hindi nakapunta sa ganyang lugar," tila kalmadong bulong niya sa sarili kahit pa sa
kaloob-looban niya ay gusto niyang mag-isang pasukin at i-raid ang lugar. Umiinit
ang pisngi niya lalo pa't naalala ang mga private rooms nito kung saan pwedeng doon
na rin mismo magshow ng malalaswa ang mga babae.

Ibinalik niya kay Balatbat ang teleskopyo nang hindi pinapakita ang nababahalang
emosyon. "Madalas ba siyang nagpupunta sa karerahan ngayon?"

"Tatlong beses pa lang naman ho, kada sabado ng gabi. Ang galing pala ni Sir Blake
mangarera. Akalain niyong lagi siyang nanalo!" namimilog ang mga matang balita
nito.

"Nag-iingat ka ba sa pagsubaybay sa kanya baka naman alam niyang sinusundan mo


siya?"

Ngumisi si Balatbat. Mayabang na itinuro nito ang sarili at tinapik ang dibdib.
"Ako pa! Kap lumelevel up na ang galing ko ngayon. Huwag kayong mag-alala, walang
kaide-ideya si Sir Blake na may nagmamanman sa kanya. At saka hindi na talaga ako
pwedeng magpakita sa kanya dahil pinagtabuyan na ako nun dati di ba? Sabi niya nga
ano pa daw ang purpose ng pagbabantay ko sa kanya eh hindi na naman kayo!"

Umiwas ng tingin si Alex. "Y-Yung mga babae" hirap na bigkas niya "....ibig kong
sabihin, may mga babae ba dun sa karerahan?" napapalunok na urirat niya.

"Naman! Ang dami! Ang gaganda, ang seseksi at ang babata!" nagliliwanag ang mga
matang sagot ng kasamahan. "At halos lahat sila pinagkakaguluhan si Sir Blake!
Hanep! Ang swerte niya talaga, iba talaga pagmayaman at magandang lalaki!"

"Eh ano namang reaksiyon ni Blake sa mga babae?"

"Whoah! Game na game! Ang tindi makipaglaplapan!"

Biglang napatingin ng masama si Alex sa kausap. "Pwede bang salain mo naman ang
salitang gagamitin mo!"

"Eh ano bang dapat kong gamitin?" napapakamot ulit sa ulong bigkas ni Balatbat.

"Uhmmmm... halimbawa smack o kaya halik."

"Eh hindi nga ganun ang nangyari. Deep kiss nga! Ganito oh." Yumakap sa hangin si
Balatbat, ngumuso at umarteng may kahalikan.

Mabilis na binatukan ng babae ang kasama. "Hindi mo na kailangang idemonstrate.


Nakakapandiri kang tingnan!"

"Aray naman Kap! Sinasagot ko lang naman ang mga tanong niyo. Sandali nga ho...
kasama pa rin ba ang mga tanong na yun sa trabaho?"

"O-Oo naman! Dapat tandaan mo rin kung sinong mga babae ang lumalapit sa kanya. P-
Papaano kung tao pala yun ni Pablo Garcia?" paliwanag ni Alex nang hindi tumitingin
sa kasamahan.

"Ah kunsabagay....akala ko pa naman naapektuhan na ang pusong bato niyo. Wala man
lang ba kayong naramdaman kahit konting selos?"

"BAKIT NAMAN AKO MAGSESELOS! EH WALA NA NGA KAMI DI BA?!"

Napaangat sa upuan si Balatbat sa lakas ng sigaw ng dalaga. "S-Sabi ko nga po. B-


Bakit nga naman kayo magseselos, eh hindi niyo na nga siya mahal di ba? K-Kaya nga
kayo naghiwalay dahil ayaw mo na. A-Ang tanga-tanga ko talaga!" napapabatok sa
sarili na sabi nito.

Paulit-ulit na huminga ng malalim si Alex para ikalma ang sarili. At nang tumingin
siya sa katabi ay agad na binago niya ang usapan.

"Oo nga pala Balatbat, simula ngayon tayong dalawa na lang ang magkasama sa kaso.
Pinull out na ni hepe lahat ng tao sa team natin maliban sa ating dalawa kaya alam
mo na ang ibig sabihin nito, dobleng kayod na tayo dapat."

Natigilan si Balatbat. Unti-unting lumungkot ang mukha nito at dahan-dahang itong


napasubsob sa manibela na animo'y umiiyak.

"Anong dinadrama-drama mo diyan?" takang tanong ng dalaga.

Nag-angat ng mukha ang lalaki at kunway nagpahid ito ng luha. "Hindi ko nga pala
nasabi sa inyong wala na kami ng girlfriend ko..."
"Na naman? Aba Balatbat mukhang buwan-buwan na lang ata ay nagpapalit ka ng
girlfriend!"

Lumungkot lalo ang hitsura ni Balatbat. "Ganun talaga pag magandang lalaki,"
mangiyak-ngiyak na tugon nito. "K-Kaya lang walang nagtatagal sa aking babae dahil
dito sa trabaho ko. Wala daw akong oras sa kanila. At dahil diyan sa sinabi niyo
ngayon mukhang mas mabuting huwag na nga muna akong makipagrelasyon pansamantala.
Ganito ba talaga dapat pag kasama kayong humawak ng kaso? Damay-damay, bawal ang
lovelife."

Ngumiwi ang dalaga sa kausap. "Asus! Huwag mo ngang sisihin ang trabaho kung ba't
ka iniiwan! Ayan ang salamin oh, manalamin ka! Kung ano-ano pa ang dinadahilan mo."

Tumingin si Balatbat sa dalagang pulis at walang pasabing hinawakan ang palad nito
ng dalawang kamay. Nanlaki naman ang mga mata ni Alex ngunit pansamantala siyang
hindi nakagalaw at napanganga sa pagkabigla.

"Kap para hindi tayo parehong malungkot, kung gusto mo tayo na lang. Tutal tayo din
lang naman ang magkasama lagi. Wala namang masama di ho ba? Single ka at single din
naman ako. At hindi kagaya ni Sir Blake, hinding-hindi kayo mamomroblema sa akin
pagdating sa ibang babae. Sinusiguro ko na wala kayong magiging kaagaw sa akin..."
seryosong-seryosong sabi ng SPO1 habang nakatingin ng diretso sa nanlalaking mga
mata ng natutulalang dalaga.

Natauhan si Alex at napakurap ng ilang beses. Dahan-dahan siyang napangisi habang


ginagantihan ng titig ang nag-eemote na kasamahan. Hinawakan niya rin ang isang
kamay nito at malambing na nagsalita.

"Balatbat, matanong ko lang. Ilang buto mo ang gusto mong baliin ko ngayon?" sabay
pisil ng malakas sa kamay nito.

"AHHHH! Kap aray! Aray!"

"Ano di ba gusto mong maging tayo? Pwes, ganito ako maglambing. Gusto mo lambingin
pa kita lalo?" nakangiti pa ring sabi ng dalaga habang mas lalong hinihigpitan ang
pagkakapisil sa kamay ng tauhan.

"AHHHH! Nagbibiro lang ho ako! Biro lang kap! Kayo naman huwag kayong assuming
masyado! Papatol ba naman ako sa katulad niyo? Mataas ang standard ko sa babae at
di hamak na mas pogi naman ako kay Sir Blake! Ahhhh tama na ho!"

Binitawan ni Alex si Balatbat nang mapalingon sa minamatyagang club. Lumalabas na


ang grupo nina Blake. Dali-dali niyang kinuha ang teleskopyo at sinilip ang
magkakabarkada. Lahat ito ay may akbay-akbay na mga babae, pati na si Blake.
Halatang lasing na ang lalaki dahil medyo susuray-suray na itong maglakad. Kitang-
kita niya kung paano ito makipagharutan sa babaeng kasama. Bigla siyang kinabahan
parang alam niya na kung saan ang sunod na punta ng mga ito.

Natatarantang ibinaba niya ang teleskopyo at dali-daling nag-isip ng paraan kung


papaano pipigilan ang lalaki. Napatingin siya kay Balatbat na noon ay siya namang
sumisilip sa teleskopyo.

"Grabe kap! Ang ganda ng kasamang chick! The best talaga ang taste ni Sir Blake!"

"Huwag ka na ngang magkomento ng kung ano-ano diyan! Mag-isip ka ng paraan kung


papaano natin mapipigilan ang lalaking yan sa kung anumang tumatakbo sa utak
niyan!"
"Pipigilan natin? Huh? Papaano? Hindi naman natin pwedeng ibuking ang mga sarili
natin."

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Alex nang may naisip na solusyon. "Tawagan mo si
Debbie! Bilisss!"

"Mabubuking pa rin tayo. Alam ni Ma'am Debbie kung ano ang cellphone number ko. Di
nalaman nun na sinusundan ko pa rin si Sir Blake hanggang ngayon," katwiran ni
Balatbat sabay silip ulit nito sa teleskopyo.

"Di ba sabi ko sayo lagi kang magbaon ng ekstrang sim card. Nasaan na?!"

"Naku kap, hindi na kailangan. Nag-aparisyon na ang taong gusto niyong tawagan!"

Mabilis na inagaw ni Alex ang teleskopyo at tiningnan kung nagsasabi nga ng totoo
ang kasama. Nagulat siya nang makitang naroroon nga si Debbie at mukhang
nakikipagsagutan ito sa babaeng kasama ni Blake. Ilang saglit ang mga itong nagtalo
hanggang sa sumama rin ang binata sa bagong dating na babae at magkasamang sumakay
ng kotse ang dalawa.

Nakahinga siya ng maluwag sa nasaksihan. Nanghihinang napasandal siya sa upuan


habang nkahawak sa dibdib.

"Itinuturn-over niyo na talaga si Sir Blake kay Ma'am Debbie ano? Pero bilib din
naman ako diyan sa replacement niyo. Ang tindi talaga bumakod. May talent din
yatang maging undercover yan eh. Bakit di natin irecruit para tatlo na tayo sa kaso
na ito," nakangiting komento ulit ni Balatbat.

Tiningnan ni Alex ang tsimosong katabi at inirapan ito. "Ano pang tinatanga-tanga
mo diyan?"

"B-Bakit ho? Ano ba dapat ang gawin ko?"

"Paandarin mo na itong sasakyan at sundan sila!"

"Susundan pa rin natin?"

"Oo naman!"

"Kasama pa rin ba ito sa trabaho?"

"Oo naman! Ang dami mong tanong, bilis na!"

"Oki doki. Para sa trabaho, sabi niyo eh! Wooh Ang lawak ng scope ng imbestigasyon
na ito!"....

------

"Sige manong ako na ho ang bahala kay Blake," tugon ni Debbie sa driver habang
inaalalayan pababa si Blake ng sasakyan.

"You can leave now Debbie. It's past midnight already. Ako nang bahala sa sarili
ko, I'm still okay," bigkas ni Blake nang medyo namumungay na ang mga mata.

"No you're not okay. You're drunk. At hindi kita iiwanan hangga't hindi ko
nasisigurong tulog ka na baka mamaya kung ano na naman ang maisipan mong puntahan,"
giit ng babae.

Umakbay si Blake sa kaibigan at pumasok ng bahay nang hindi gaanong makalakad ng


tuwid.

"See, yan ba ang okay?" sabi ni Debbie habang nakapulupot ang isang kamay sa
beywang ng binata.

"Bakit ba masyado kang concern sa pag-iinom ko? I'm just enjoying my freedom to the
fullest for being a pure bachelor again. Don't tell me you're worried about my work
because as far as I know I'm doing great right now," nagmamalaki at nakangiting
sabi ni Blake.

Napapailing na lamang si Debbie habang nakatingala sa namumulang mukha ng binata.


Totoo nga naman ang sinabi ng lalaki na mas lalo itong nagpursige sa pagtatrabaho
bilang paraan ng pagbuhos dito sa lahat ng kinikimkim na sama ng loob. Pero iyon
lang ang naging magandang resulta sa nangyaring paghihiwalay nito at ni Alex.
Simula ng sumuko ito sa pagmamakaawa sa dating girlfriend, bumalik ito sa pambabae,
pakikipagbarkada at pag-iinom. Kaya naman kapag naaamoy niya na may binabalak itong
lakad kasama ng mga pilyong kaibigan ay palihim niya itong sinusundan. Minsan,
nahihirapan siyang tingnan ito dahil sa kabila ng totoong sakit na nararamdaman
nito ay pinipilit nitong ipakita sa tao na okay lang ang lahat at idinadaan nga ito
ng binata sa pamamagitan ng pagiging happy-go-lucky sa labas ng trabaho.

Inakay niya si Blake hanggang kuwarto subalit huminto ito pagkarating nila sa tapat
ng pintuan ng silid. Sumandal ito sa dingding katabi ng pinto at dahan-dahang
naupo.

"What's wrong?" takang tanong niya.

"I don't want to get inside yet," seryosong bigkas nito.

"Why?"

Bumuntong-hininga si Blake at nagbitiw ng isang mapait na ngiti hanggang sa unti-


unting nangilid ang mga luha nito. "Everything inside that room reminds me of
Alex."

"Then why don't you try moving to another room?"

"I don't want to. Hindi ko alam kong ayaw ko siyang kalimutan or I still couldn't
accept the fact that I have to forget her," natatawa sa sariling sagot ng binata
hanggang sa dahan-dahan itong napasubsob sa mga tuhod.

"It hurts Debbie...It still hurts like hell... I feel like I'm totally dying
inside..." hirap na hirap sa kaloobang sambit nito.

Naupo si Debbie sa harap ng nakasubsob na binata. Inangat niya ng dalawang kamay


ang mukha nito at parang hinihiwa ang kanyang dibdib nang makita ang mga lihim na
luhang dumadaloy sa mga pisngi nito. Binigyan niya ito ng isang pilit na ngiti,
tinitigan sa mga mata at marahang pinahid ang mga luha nito.

"What exactly do you feel right now?"

"Pain....Loneliness....Love.... Hatred...."

"It's alright. Cry as much as you want. Be free to feel all those emotions. Damhin
mo na lahat ng sakit hanggang sa magsawa din ang puso mo. You're being like that
dahil nag-uumpisa ka pa lang kumawala sa kanya. Don't pressure yourself too
muchpara lamang makalimutan siya. Wala pa namang dalawang buwan ang nakakilpas di
ba? Naiintindihan ko kung gaano pa yan kasakit but don't give up because one day,
magigising ka na lang na manhid na ang dibdib mo para sa kanya. Matatapos din ang
lahat ng paghihirap mo Blake at mawawala din lahat ng sakit na iyan."

"I don't think it will end Debbie...I think I'm going to be in pain forever unless
she comes back to me and love me again..."

"Sssh...huwag kang magsalita ng tapos. Nasasabi mo lang yan ngayon dahil nasasaktan
ka pa at mahal mo pa siya. Lahat ng bagay ay may hangganan at hindi exempted diyan
ang pagmamahal kaya't balang araw mawawala din yang nararamdaman mo para sa kanya.
Just be strong and don't lose your focus on moving on," sabay yakap ng dalaga sa
lalaki at marahang tinapik ito sa likod. "I'm here Blake. I'm here to help you get
rid of that pains."

Kumawala sa yakap si Blake at tinitigan ang nag-aalalang babae. "Why are you doing
all these things Debbie?"

Natigilan si Debbie at bahagyang namula sa tanong ng kausap.

"I've been an asshole lately, hindi ka pa rin ba napapagod sa akin kagaya ni Alex?
Aren't you going to leave my side too? Kung nagawa akong iwanan ni Alex, isn't it
easier for other people to unlove me?"

Mapait na ngumiti ang dalaga at muling hinaplos ang pisngi ng malungkot na lalaki.
"I won't leave your side Blake. Tutulungan kitang malampasan ang pinagdadaanan mo
ngayon....b-because I care for you a lot. I'm staying with you right now at hindi
ko hahayaang sirain mo ang iyong sarili because of that temporary pain."

"W-why?" tanong ni Blake nang may dumudungaw pa ring luha sa mga mata. "And why
can't Alex value our relationship just like how you value our friendship? I still
don't understand her Debbie..."

Natahimik ulit ng ilang sandali si Debbie. Humugot siya ng lakas ng loob. Ito na
siguro ang tamang panahon upang malaman ni Blake ang katotohanan.

"M-Maybe because I love you more than how she loved you."

Hindi nakasagot si Blake. Pansamantalang napaawang ang kanyang bibig na para bang
hindi matiyak kung tama ang kanyang narinig. Nakakarinig na ba siya ng hindi tama
dulot ng kalasingan niya? Dahan-dahan siyang tumayo habang hindi inaalis ang
nagtatakang mga titig sa kaharap. Sinabayan din ng dalaga ang pagtayo niya.

"Debbie..."

"Yes,you heard me right. I love you... not just as a co-worker at lalong hindi
bilang isang kaibigan lamang. I love you as a man....Matagal na kitang mahal,
Blake," matapang na pag-amin ng babae.

Napakurap ng ilang beses si Blake at tila gusto niyang sampalin ang sarili para
matauhan. Pakiramdam niya ay lalong umikot ang mga paningin niya sa pagkabigla.

"Is it because I'm in a desperate mood right now, that's why you're trying to make
me laugh. That's a joke, right?" natatawa at hirap makapaniwalang tugon niya.

Inipit ng kamay ng babae ang magkabilaang pisngi niya at sapilitang pinatingin sa


mukha nito ang umiiwas niyang mga mata.

"I'm not joking Blake. I've been in love with you for years and maybe you didn't
notice it because you were blinded by your love for Alex. Hindi ko gagawin ang
lahat ng ito kung hindi kita mahal... I tried hard to get rid of this feeling but I
couldn't... Mahal kita at nakahanda akong magpakatanga, magtiis at maghintay.
Gagawin ko ang lahat para sayo. Hindi kita sasaktan kagaya ng ginawa sayo ni Alex
at lalong-lalong hindi kita iiwanan. Ibibigay ko ang lahat para sumaya ka lamang
muli...Mahal na mahal kita Blake...Mahal na mahal," nangingilid ang mga luhang
pagtatapat ng dalaga.

Unti-unting nagseryoso ng mukha si Blake at nawala rin ang bakas ng pagkabigla sa


mukha niya. Paulit-ulit na umalingawngaw sa mga tenga niya ang mga salitang huling
binitawan ng kaharap. Kasabay nito ay ang paglala ng pag-ikot ng kanyang mga
paningin.

"Mahal na mahal kita Blake."

Napapikit siya at parang gusto niyang takpan ang mga tenga.

"Mahal na mahal kita Blake..."

"Mahal kita Blake..."

Boses ni Alex ang nangingibabaw sa kanyang mga tenga. At ang mga alala ng sandali
kung kelan sinasabi ito ng dating kasintahan ang naglalaro sa kanyang isipan.
Naalala niya ang matatamis nitong mga ngiti...ang masayang mukha at ang mga matang
punung-puno ng pagmamahal...

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at laking gulat niya nang mukha na rin ni
Alex ang nakikita niya sa harapan niya. Lumundag ang kanyang puso sa tuwa at
pananabik. Batid niyang maaring dinadaya lamang siya ng mga paningin at bunga
lamang ito ng kalasingan. Pero gusto niyang papaniwalain ang sarili sa ilusyong
nakikita at ayaw niyang mawala ang imaheng nasa harapan niya.

Unti-unti siyang lumapit dito. Hinaplos ang mga pisngi at dahan-dahang inilapit ang
kanyang mga labi sa mga labi nito. Niyakap niya ito ng mahigpit at nakapikit na
hinalikan ng malalim. Naramdaman niya ang pagganti nito ng mga halik. Sa una ay
nag-uumapaw sa saya ang kanyang dibdib habang pinapapaniwala ang sarili na si Alex
nga ang kanyang kayakap hanggang sa unti-unting nangibabaw ang init ng kanyang
katawan.

Kinapa niya ang door knob ng kuwarto. Binuksan ito at pumasok nang hindi
inihihiwalay ang mga labi sa kahalikan. Tuluy-tuloy lamang ang kanilang malalim na
paghahalikan habang pinararamdam ang matinding pananabik sa isa't isa. Pinulupot ng
babae ang kamay nito sa kanyang leeg habang nakayakap naman ang kanyang mga kamay
sa beywang nito. Walang tigil sa pag-uusap ang kanilang mga dila hanggang sa dahan-
dahan siyang humakbang patungo sa kama....

PLEASE VOTE AND COMMENT - Sweetmagnolia :)

°°°°

Nakabusangot na binubuklat ni Alex ang isang folder. Pinipilit niya ang sarili na
intindihin ang binabasa ngunit hindi niya magawa dahil paulit-ulit siyang
binabagabag ng pagtataka kung ano ang nangyari kina Blake at Debbie.
Sumunod sila ni Balatbat hanggang sa bahay ng lalaki at inorasan niya kung gaano
katagal namalagi doon si Debbie. Isang oras at labing apat na minuto, kaya't
hanggang sa mga sandaling ito ay hindi siya mapalagay dahil kung anu-anong
pumapasok na bagay sa utak niya.

Inihatid kaya ni Debbie hanggang kuwarto si Blake?

Anong ginawa nila sa loob ng mahigit isang oras na yun?

Nag-usap?

Baka naman hinintay lamang ni Debbie na makatulog ang lalaki bago ito umalis.

O, h-hindi k-kaya b-baka may nangyari sa kanila ng higit pa sa mga naunang naisip
niya?

Pero nasilip niya sa teleskopyo na mukhang malungkot at tila umiiyak si Debbie nang
lumabas ito ng mansiyon. Nag-away ba ang dalawa? Sila na kaya? Ganun ba kabilis na
ipinagpalit agad siya ni Blake?

Binatukan niya ang sarili.

Ano bang ipinag-aalala niya? Wala na siya sa lugar para isipin pa ang mga bagay na
ito. Eh ano ngayon kung may nangyari sa kanila? Dapat niyang tanggapin ito ng
maluwag sa dibdib o kung nasasaktan man siya ay wala siyang magagawa kundi tiisin
ang lahat ng sakit. Ito ang sitwasyong pinili niya. Wala na siyang karapatang
makialam o magselos dahil siya mismo ang nagbigay kay Blake ng kalayaan na magmahal
ng iba.

Dapat nga ay maging panatag pa ang kalooban niya kung sakaling kay Debbie ito
mapunta kesa naman sa mga babaeng kinakalantari nito sa mga bar at sa karerahan.
Bumabalik na naman ang pagiging rebelde ng binata kaya di malayong matukso rin ito
sa mga kaladkaring babaeng lumalandi dito. Alam niya ring punung-puno ng galit ang
dibdib nito para sa kanya kaya't ibinubuhos na naman nito ang sakit at galit sa mga
bagay na nakasanayan nitong gawin dati kasama ng mga barkada. Napakasakit mang
tanggapin pero hindi niya maikakailang dapat niyang ipagpasalamat na nasa tabi nito
si Debbie na totoong nag-aalala, nag-aalaga at nagmamahal dito.

Napailing siya habang iniisip ang paraan ng pagbuhos ng sama ng loob ni Blake.
Ngayon niya lang napagtanto na hindi pa rin pala ito lubusang nagbabago. Lumalabas
pa rin ang pagiging mas bata nito sa kanilang dalawa. Kunsabagay, ano ba naman ang
inaasahan niyang magiging reaksiyon nito? Eto na yata ang pinakamasakit na
naranasan nito pagkalipas ng napakahabang panahon kaya natural lamang na
pansamantala itong malihis sa katinuan. Bukod sa trabaho, isa rin ito sa dahilan
kung bakit kahit patago ay inaalam niya ang ilan sa mga galaw nito. Inaasahan niya
na rin na bibilang ng napakahabang panahon para mapatawad siya nito.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Kinapa niya ang dibdib. Napakasakit masaksihan
kung papaano nahihirapan ang taong mahal niya. Hindi man niya ipinapakita pero mas
dobleng hiwa sa dibdib ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip kung gaano pa rin
ito nasasaktan. Sana bumilis ang takbo ng panahon. Sana bukas wala ng sakit na
maramdaman si Blake. Tanggap niya kung habambuhay siya nitong kamuhian subalit
patuloy siyang masasaktan hangga't alam niyang nasasaktan pa rin ito.

"It's Sunday and yet you're here early. Anong files na naman ba ang binubuklat mo?"

Nagmulat siya ng mga mata at mabilis niyang binago ang hilatsa ng kanyang mukha.
Ngumiti siya pagkakita kay James na noon ay nakaupo na pala sa harap ng mesa niya.

"May binabasa lang akong impormasyon tungkol sa isang tao. Ikaw, bakit ka nandito?
Ayaw mo rin bang mag-off? Naku! Kawawa na naman ang kaibigan ko, nag-eexpect pa
mandin yun ng date ngayon."

Tumawa ng mahina si James. "May meeting kami nina chief tungkol sa binubuo naming
undercover team."

"Ah ganun ba. Pagbutihin mo yang kaso na iyan ha. Di ba first time mong maglead ng
undercover team, sana maging successful pa rin. Akalain mo yun, sinong mag-iisip na
magiging magaling ka rin pala pagdating sa pakikipagbakbakan sa labas," masiglang
puri ni Alex.

Pasimpleng pinagmasdan ni James si Alex habang abala ang huli sa pagbuklat ng mga
pahina ng binabasang files. "Hey, did Margareth tell you something?"

Napaangat ng ulo ang dalaga at nagtatakang tumingin sa maaliwalas na mukha ng


kausap. "Wala. Bakit may dapat ba siyang sabihin sa akin?"

Sumagot ng ngiti ang binatang kapitan. "Maybe."

"Bad or good?" pangungulit ng babae.

"I don't want to ruin her news. Gusto niyang siya mismo ang magsabi sa yo."

"Aish! Pinapasabik mo naman ako eh!" Namilog ang mga mata ni Alex nang biglang may
sumagi sa kanyang isipan. " T-Teka...h-huwag mong sabihing magkakapamangkin na
ako?"
Natawa ulit si James. "No."

"Magsasama na kayo? Finally, tinanggap mo na rin ang offer niya na maglive-in na


kayo?"

"No."

"Hays, ano ba talaga?!"

"Huwag na. Hayaan mo nang si Margareth ang magsabi sayo."

"Ano ba?! Tatawagan ko na si Marge."

"Forget about it, she wants to tell it to you personally."

Kumunot ang noo ng dalaga, unti-unting lumaki ang mga butas ng ilong at naniningkit
ang mga matang tiningnan ang ngingiti-ngiti lamang na kaharap. "Nang-aasar ka ha!"

"By the way whose file are you reading?" mabilis na pag-iba ng lalaki sa paksa.
"Kay Tyron Garcia," nakairap na sagot ng dalaga.

"Bakit mo ulit binabasa yan?"

"Pinag-aaralan kong mabuti. Since wala na si Sophia, nag-iisip ako ng paraan kung
papaano muling mapapalapit sa kanya."

"He's the son of your enemy. Why would you want to get closer to him?" takang
tanong ni James.

Tumingin si Alex sa kausap at dahan-dahang umangat ang sulok ng kanyang mga labi. "
Kaya nga ako makikipagclose sa kanya dahil tatay niya si Mr. Garcia. Balak ko
siyang gawing panangga sa kasamaan ng ama niya." Mabilis na nagpalit ng timpla ang
mukha niya at parang wala lang na nagtanong sa kasamahan. "Oo nga pala, anong
pinagkakaabalahan ngayon ng kapatid mong si Marianne?"

"She's teaching in a university."

"May karelasyon ba siya ngayon?"

Naamoy ni James ang malisyosong tanong ng kausap. " Why are you asking?"

"Pwede ko ba siyang ireto dito kay Tyron?"


Humalukipkip ang binata at nagdududang tiningnan ang kausap. "May itinatago ka pa
rin bang galit sa kapatid ko?"

"Wala na."

"Then why do you want to involve her in the mess you're planning to create? I know
what's running inside your mind now, Captain Valdemor."

"Masama bang humingi ako ng tulong kung para naman ito sa world peace?" pabirong
sagot ni Alex.

"Ba't si Marianne pa, marami ka naming pwedeng hingan ng tulong dyan ah."

"Dahil ex siya ni Blake. hindi ko alam kung coincidence ba o may pagkakapareho sila
ng taste, napansin ko lang kasi na mahilig itong si Tyron sa mga babaeng nagkagusto
dati kay Blake," katwiran ng dalaga.

"Then why don't you do it yourself. You're not an exemption, nakakalimutan mo na


bang ex-girlfriend ka rin ni Blake," walang pag-aalinlangang sabi ni James.

Natigilan si Alex. Kumunot ang noo nito at halatang napaisip.

"How's the character of that guy? Is he bad or good?"


"Uhmmmm... Sa maiksing panahong pagkakakilala ko sa kanya, eh medyo okay at
mukhang mabait naman siya. Saka ayon din kay Sophia ay naging mabuting boyfriend
naman ito sa kanya. Ewan ko nga ba kung paano nagkaanak ng ganito si Pablo Garcia."

"Then forget about what I said, huwag mong ireto ang sarili mo sa kanya" mabilis na
bawi ng binata nang mapansing mukhang siniseryoso ng kausap ang sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Tama nang kaming dalawa lang ni Blake ang nasaktan mo, mean girl!" sabay tayo ng
lalaki at walang paalam na lumabas ito ng pinto.

"A-Anong s-sinaktan?! H-Hoy k-kung m-makapagsalita ka parang ang sama-sama kong


babae ha!" nauutal na pahabol ni Alex sa kasamahang hindi na muling lumingon pa....

-----

Pupungas-pungas na tumagilid si Blake sa kanyang pagkakahiga. Gumapang ang isa


niyang kamay para kapain ang katawan ng katabi sa kama.

"W-Wifey..." ungol niya.

Walang sumagot kaya muli niya itong tinawag.


"Alex..."

Wala siyang makapang katabi kaya't dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. At noon
ay napagtanto niyang walang ibang naroroon sa kama maliban sa kanya at sa mga unan.

Iginala niya ang mga mata. Maliwanag na ang paligid. Ano ang nangyari? Parang
totoong-totoo ang panaginip niya na muli niyang nakatabi ang dating kasintahan.

Bigla siyang natigilan hanggang unti-unting nagising ang buong diwa niya nang
maalala ang mga nangyari. Napatingin siya sa kanyang katawan. Wala siyang suot
maliban sa boxer short. Nanlalaki ang mga matang napabalikwas siya ng bangon.

Mabilis na nagsuot siya ng walking short at T-shirt at saka nanghihinang naupo sa


gilid ng kama habang inaalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Napangiwi siya
ng bahagyang makaramdam ng pananakit sa kaliwang pisngi niya.

Pak!

Agad na naglaro sa isipan niya ang sandaling sinampal siya ng malakas ni Debbie.

Nawala na naman siya sa tuwid na pag-iisip at may nagawa na naman siyang malaking
pagkakamali. Sa sobrang kalasingan, napagkamalan niyang si Alex ang kaibigan.
Sinapo niya ng mga palad ang mukha at sinabunutan ang sarili habang unti-unting
bumabalik sa kanyang isipan ang mga eksenang muntik nang may mangyari sa kanila ni
Debbie.
Natigil lamang ang lahat sapagkat binigyan siya ng isang malakas na sampal ng babae
dahil tinawag niya ito sa pangalan ng dating kasintahan. Natauhan siya ng ilang
saglit subalit pagkatapos nun ay wala na siyang maalala pa at marahil ay tuluyan na
siyang nakatulog.

Inalis niya ang mga palad sa mukha. Nag-angat siya ng mga paningin at muling
natigilan. Napapangangang tumingin siya ng diretso sa dingding. May isang bagay pa
siyang naaalala....

At hindi niya alam kung totoo ba ito o ilusyon niya lamang, gaya ng nakita niyang
imahe ni Alex.

Totoo bang may sinabi sa kanya si Debbie? Tama ba ang natatandaan niyang narinig
niya mula sa bibig nito ang mga katagang 'mahal kita'?

Isa-isang bumabalik sa isip niya ang ang mga salitang binitawan ng babae. At unti-
unting nagiging malinaw ang mga ito. Pati ang larawan ng mukha ng kaibigan habang
nagtatapat ito sa kanya ay muling naglaro sa kanyang utak.

Madiin niyang ipinikit ang mga mata at muling napahilamos ang mga kamay sa mukha.
Sana pwede niyang huwag paniwalaan ang lahat.

"What's going on? Bakit ganito ang mga nangyayari?" naguguluhang sambit niya.

Kumurap siya at paulit-ulit na umiling. Parang gusto niyang iuntog ng malakas ang
ulo sa pader.
"How can you be so clueless and insensitive Blake!" pagalit niya sa sarili.

Tumayo siya at hinanap ang kanyang cellphone. Tatawagan niya si Debbie para muli na
namang manghingi ng despensa dito. Ilang beses siyang tumawag subalit walang
sumasagot. Hindi niya tiyak kung hindi ito naririnig o sadyang ayaw nitong sagutin.
Hindi siya sumuko sa pagtawag hanggang sa pinatayan na lamang siya nito ng
telepono.

Napapabuntong-hiningang itinapon niya ang cellphone sa kama. Kailangan niyang


makausap ang babae bago pa man sila magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Tok. Tok. Tok.

"Blake, iho gising ka na ba?"

Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili pagkarinig sa boses ng lolo. Pinagdadampot niya


ang nagkalat na mga damit sa sahig at mabilis niya munang ikinalma ang sarili bago
buksan ang pintuan.

"Good morning lo," mahinang bati niya.

Tiningnan siya ng ilang sandali ng kanyang lolo. Nakasuot lamang ito ng roba at
nasa likod nito ang isang katulong na may dalang pagkain at tubig.
"I heard you were drunk again last night so I asked the maid to prepare some hot
soup for you," sabi nito at sabay pasok sa kanyang kuwarto kasunod ang maid.

"T-Thanks."

Kinuha niya ang dalang tubig ng katulong bago pa man nito mailapag ang tray sa mesa
at dire-diretsong ininom. Sinundan niya ng tingin ang lolo na noon ay iginagala ang
mga paningin sa loob ng silid.

"Your room looks gloomy. Why don't you ask the maids to rearrange it? Or perhaps do
you want me to ask an interior designer to do it for you?"

"No!" mabilis na tutol niya.

Napatingin sa kanya ang matanda. "Why? Dahil ba si Alex ang nag-arrange nito?"
diretsong tanong nito.

Hindi siya nakasagot at kita niya kung papaano humugot ng isang malalim na buntong-
hininga ang kausap.

"Do you still expect na babalikan ka niya?"

Nanatiling tikom ang kanyang bibig ngunit sa bandang huli ay dahan-dahan siyang
umiling.
"G-Gusto kong isiping magbabago pa rin ang desisyon niya pero hindi na ako umaasa,"
mahinang sagot niya.

"So until when are you going to torture yourself? If you don't expect anymore,
hindi ba mas mabuting simulan mo nang kumbinsihin ang sarili mo na kaya mo ng
mabuhay ulit ng normal?"

"I want to...b-but the pain keeps coming back."

Binuksan ng kanyang lolo ang kurtina ng mga bintana at ngumiti ng makahulugan.


"Huwag mong hintayin na mawala ang sakit na iyan bago ka magsimula ng bagong buhay
dahil hindi mo masasabi kung hanggang kailan mananatili yan dyan sa dibdib mo. Ang
isipin mo ngayon ay kung papaano mo lalabanan yan. Hindi yan mawawala sa
pamamagitan ng alak, barkada o mga babae. Kahit ilang pagogoodtimes pa ang gawin
mo, nothing will change. At the end of the day, you're still in pain...What you
need to do is to be strong enough to face the truth."

Napaupo siya sa kama. Itinukod niya ang magkabilaang siko sa kanyang mga hita at
seryosong tumitig sa sahig habang nakikinig sa payo ng matandang kausap.

"As much as you want her to be back, I am hoping also that she will really change
her decision. She's already a granddaughter for me at nasasaktan din ako sa naging
desisyon niya. Ngunit aaminin ko na ang nangyayari ngayon ay isa sa matagal ko nang
kinakatakutan. I'm lying if I'll say that I had not seen this situation inside my
head. Nung una ko pa lamang makita si Alex, I already sensed what kind of person
she is. She's a woman who has unbelievable heart. She's very kind-hearted ngunit
kasama nito ay isa rin siya sa mga taong nakilala ko na may pinakamatapang na puso.
During the time she stood on your side as a bodyguard, there were moment when her
eyes show nothing but fierce and fearlessness. She possessed this extraordinary
passion to carry the weight of dangerous responsibilities."
Tumingin siya sa kanyang lolo at tumingin din ito sa seryosong mukha niya.

"That what she used to be Blake.... and that what she's going to be in the future,
" madiin ngunit mahinahong bigkas nito. "Don't doubt her love for you dahil kahit
imposible, sinubukan niyang baguhin ang sarili niya para bumagay sa mundo mo...yun
nga lang ay nagkaroon ng hangganan ang ginawa niyang pagsasakripisyo. At kung
anuman ang dahilan niya, siguro ay napakabigat nito para ipagpalit niya ang
kaligayahang hatid ng pag-iibigan niyo. I don't believe that she doesn't love you
anymore but I believe that she has a huge reason why she gave up on loving you.
She's a woman who's willing to sacrifice her own happiness over responsibilities at
wala na tayong magagawa doon kundi ang igalang at tanggapin ang desisyon niyang
ito. Kaya't huwag mong iisiping ikaw lamang ang nasasaktan sa inyong dalawa ngayon.
Kung nahihirapan ka tiyak na mas nahihirapan siya because the burden of conscience
for causing you pain may add more to her suffering..."

Tumabi sa kanya ang kanyang lolo at nakangiting inakbayan siya nito.

"Simple lang ang gusto kong sabihin iho...if you want to continue loving her, then
don't stop loving her. But this time, love her without asking anything in return.
Kung sadyang kayo ay para sa sa isa't isa, kusa siyang babalik sayo. Maaring ang
tadhana ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kayo kaya't tadhana rin ang gagawa
ng paraan para magkabalikan kayo... But if you want to let her go, then let her go
peacefully. Start moving on without doing harm to yourself dahil kahit anumang
pagpapahirap ang gawin mo sa sarili ngayon hindi nito mababago ang sitwasyon.
You've done your part to win her back but nothing changed kaya't hayaan mong ang
kapalaran ang magdikta kung ano ang mangyayari kinabukasan. Move on without ruining
yourself because you don't know what will happen next...maaring bumalik si Alex or
maybe there's a greater love waiting for you out there. But whichever it is, at
least you're prepared to face your fate nang buo pa rin ang pagkatao mo."

Tinapik siya ng malakas sa balikat ng lolo. "Come on be a man in handling your


heartbreak! Wala akong apong lalambot-lambot! Nakakalimutan mo na bang isa kang
Monteverde!" tatawa-tawang sabi nito.

Tumingin siya sa mukha ng kanyang lolo at gumanti ng mahinang tawa. Hindi niya
maikakaila na gumaan ang pakiramdam niya dahil sa mga narinig na payo nito.
Nakadagdag rin ang katotohanang pagkalipas ng mahabang panahon ngayon lang ulit
siya nito inalo at ngayon lang ulit ito nakipag-usap ng masinsinan bilang isang
lolo. Napangiti siya sa isipan at bahagyang lumakas ang kanyang kalooban sapagkat
sa mga sandaling iyon muli siyang napaalalahanang meron pa nga pala siyang
pamilyang nag-aaruga at nagmamahal din sa kanya.

"T-Thanks lolo...I-I will do my best to follow your advices and I'm sorry if I'm
making things difficult for you now," tugon niya nang may tipid na ngiti.

Masiglang tinapik ulit siya ng matanda sa balikat, tumayo ito at muling naglakad-
lakad sa kuwarto. "Do you want to take a break from work? You can fly abroad for
the meantime. Take a vacation and refresh your mind. You were successful in
launching your product. Maganda ang reception dito ng mga costumers and the board
were quite impressed by your performance so I think I owe you a treat. Na-move din
naman ng apat na buwan ang botohan para sa appointment ng bagong CEO so you have
enough time to take a break."

Ngumiti siya at umiling. "No thanks Lo. Your offer is very tempting but I choose to
face this problem without running away from it. I will overcome everything nang
hindi ko kailangang magpakalayo-layo kay Alex. Sabi niyo nga wala kayong duwag na
apo."

"Well if that's what you want then ikaw ang bahala pero kung sakaling magbago ang
isip mo sabhin mo lang sa akin."

"Yes Grandpa."

"I'm going back to my room now. If you need anything just tell your grandpa."

"Yes. I will."
Humakbang ito patungo sa pinto ngunit muli itong lumingon sa kanya nang nakakunot
ang noo.

"By the way, I happened to saw Debbie last night when I was on my way to the
kitchen. She looked upset and almost crying. Did you two had a fight?"

Napapalunok na iniwas niya ang mga tingin sa lolo. "No. W-We didn't...," mahinang
sagot niya.

Muli itong humarap sa kanya.

"That woman... she likes you, right?" diretsong tanong nito.

Napaubo siya ng mahina. Ngumiti siya ng pilit habang hindi pa rin makatingin ng
diretso sa kausap. "What are you talking about Lolo? You know that she's just a
close friend," kinakabahang sagot niya.

"She's been overprotective and excessively caring for you nowadays. Hindi yan
gawain ng simpleng kaibigan lamang," dagdag usisa nito.

"It's because she's aware that I'm having a hard time nowadays," mabilis na
katwiran niya.
Hinigpitan ng matanda ang sinturon ng suot nitong roba at muling naupo sa kanyang
tabi. "Hindi naman sa nangingialam ako, pero sa palagay ko there's a chance for the
two of you to be more than just friends."

"Ano bang pinagsasabi niyo lolo? Not because I listened to your advices, pwede niyo
na akong biruin ng ganito," natatawang sagot niya.

Napakibit ng balikat ang kanyang lolo. "Debbie is not bad for you. Practically
speaking, I think she's a perfect suit for you. It's not that I'm pushing her
towards you, all I mean is that I don't want you to close your heart for the
possibility of loving new person... Sabi nga nila, minsan ang gamot daw para
humilom ang sakit ng dating pag-ibig ay ang pagdating ng bagong pag-ibig."

Ngumiti siya ng bukal sa kalooban at tumingin sa lolo ng may sinseridad. "Thank you
for being such an open minded grandfather... pero hayaan niyo hong ako ang
magdesisyon tungkol sa bagay na yan."...

-----

Nagmamaneho si Blake papuntang Fairview. Pupuntahan niya si Debbie. Kailangan


niyang makausap ang kaibigan dahil ayaw niyang matapos ang araw na hindi nila
napag-uusapan ang nangyari. Hindi solusyon ang pag-iwas kaya't habang maaga ay
dapat maging malinaw ang lahat sa kanilang dalawa.

Habang nagmamaneho, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga payo ng


kanyang lolo. Lahat ng mga sinabi nito ay may punto. At dahil sa suportang
natanggap mula dito, pakiramdam niya ay kakayanin niya na ang lahat ng sakit na
pinagdadaanan niya. Meron pa rin pala siyang lakas na masasandalan. Nakaramdam din
siya ng hiya sa sarili dahil sa pagiging pasaway niya nitong mga nagdaang araw.
Unti-unti niyang napagtanto na siguro kaya't sadyang kinausap na siya ng lolo dahil
hindi na rin nito maatim ang pinaggagawa niya.
Nagkaroon ng linaw ang kanyang isipan kaya't simula sa araw na ito ay lalabanan
niya lahat ng sakit sa tamang pamamaraan. Anong klaseng lalaki siya kung basta-
basta na lamang siyang papatalo sa ganitong pagsubok?

Natigil ang malalim niyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagmadali
siya sa pagdampot sa pag-aakalang si Debbie na ang tumatawag. Ngunit bahagyang
nadismaya siya nang hindi kilalang numero ang lumabas. Nagsuot siya ng headseat at
mahinahong sinagot ang tawag.

"Hello."

Bumilang ang ilang segundo bago may sumagot. "H-Hi Blake," nag-aalangang wika ng
isang boses babae.

"Yes? Who's this?" takang tanong niya.

"M-Margareth."

Natahimik siya ng ilang sandali at ramdam niya ang biglang pagkabog ng kanyang
dibdib.

"Oh, yes Marge. How are you? Napatawag ka," kunway masiglang sabi niya.
"A-Are you busy?" tanong nito.

"Hindi naman. Why?"

"P-Pwede ba tayong magkita?"

Hindi agad siya nakaimik. Nakaramdam na naman siya ng takot. Nag-aalala siya na
baka sa kabila ng lakas ng loob na naipon niya ay panghinaan na naman siya ng loob
matapos makita ang mga taong magpapaalala sa kanya kay Alex.

"Where are you?" tanong niya.

"Andito ako sa bakeshop."

"Susubukan kong dumaan. May pupuntahan pa kasi ako," malamig na sagot niya.

"Okay. Hihintayin kita."

"But Marge....I can't promise kung makakadaan nga ako."

"Okay lang, hihintayin pa rin kita."


Ibinaba niya ang telepono at ibinalik ang buong atensiyon sa daan. Nagtatalo ang
kanyang puso't isipan hanggang sa pagkalipas ng ilang minuto ay hindi rin siya
nakatiis. Kinabig niya ang manibela at tinahak ang daan patungo sa bakeshop ni
Margareth.

Nagulat si Margareth sa bigla-bigla niyang pagsulpot. Napapamaang itong sumalubong


sa kanya sa may pintuan.

"Hi!" nakangiting bati niya.

"Come in. Akala ko mamaya ka pa makakapunta," sabay gabay nito sa kanya patungo sa
isang mesa.

"M-Medyo malapit lang kasi ako dito nang tumawag ka kaya't naisipan kong dumaan na
lang muna," pagsisinungaling niya.

"Ganun ba. Halika, maupo ka. I'll get you a coffee first," masigla ngunit
natatarantang wika nito na para bang kahit papaano ay namiss din nito ang mga
sandaling masaya silang nagkakasama.

"Thanks," sabay upo niya.

"Do you want something to eat? Meron ka bang tinapay na gustong irequest?"
"Nope. Thank you. Coffee is enough."

Tumalikod si Margareth at hinabol niya ito ng tingin. Napapakuyakoy siya sa kaba


habang hinihintay itong muling lumapit sa kanya. Inikot niya ang mga paningin sa
bakeshop at ramdam niya ang kirot na humihiwa sa kanyang dibdib sa muling
pagbabalik sa kanyang alaala ng mga sandaling magkasama silang pumupunta dito ni
Alex para bisitahin si Margareth. Napatingin siya sa mesang madalas nilang
pwestuhang tatlo na minsan ay kasama rin si James. Parang nauulinigan niya ulit ang
mga biruan, ang masasayang kuwentuhan at ang mga asaran.

Inayos niya ang kuwelyo ng suot na polo shirt. Pakiramdam niya ay para siyang
sinasakal ng mga alaalang gusto niya sana munang kalimutan. Naglabas siya ng panyo.
Pinahiran niya ang noo na noon ay alam niyang unti-unting pinapapawisan.

Bumalik si Margareth bitbit ang dalawang tasa ng kape.

"Here," nakangiting sabi nito habang inilalapag ang kape sa mesa.

"Thank you."

Naupo sa harap niya ang babae. Tiningnan niya ang maaliwalas na mukha nito. Ang
unang bagay na gustong lumabas sa bibig niya ay ang tanungin ito kung kelan nito
huling nakita si Alex, kung okay lang ba ito, kung inaalagaan ba nitong mabuti ang
sarili.... subalit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang magpakita ng anumang
bakas ng kahinaan.

"Kumusta ka na? You're looking great,"nakangiting umpisa nito.


"I'm alright. Why do you want to see me?" diretsong tanong niya sa kaharap sabay
inom ng kape.

Naglaho ang mga ngiti sa mukha ng kausap at seryoso itong tumingin sa kanya habang
nakatukod ang mga siko sa mesa.

"B-Blake are you serious about quitting on Alex?"

Natawa siya ng mahina sa tanong ng babae. "Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Who
quitted whom? Hindi ba dapat ay ang kaibigan mo ang kinakausap mo tungkol diyan?"

Unti-unting lumungkot ang mukha ni Margareth. Tumingin ito sa kanya nang may mapait
na ngiti.

"Gustuhin ko man siyang kausapin pero alam mo naman kung gaano katigas ang dibdib
at ulo nun. Blake, talaga bang sumusuko ka na sa kaibigan ko?"

"I've done everything Margareth. Lahat na yata ng klase ng pagmamakaawa nagawa ko


na pero walang nangyari at mas lalo lamang akong pinagtutulakan papalayo ni Alex.
Wala na nga akong pinipiling lugar eh. Sa headquarters, sa bahay niya, sa
kalsada.... lahat ng pwede kong gawin, sinubukan ko na...Hanggang sa marealize ko
na siguro nga ayaw niya na talaga. Siguro nga wala na akong magagawa pa para muli
niya akong balikan. At habang dumadaan ang araw, unti-unti kong narerealize na mas
madali pa ang magmove on at tanggaping hindi niya na ako mahal kaysa araw-araw na
pagmamakawang ginawa ko pero harap-harapan naman akong pinagtutulakan papalayo."

"Hindi mo pa ginawa lahat Blake."


Natigilan siya at napaisip. "What do you mean?"

"Hindi mo pa nagawang maghintay.... Maghintay ka lang... matatapos din yang


pansamantalang pagkabaliw ulit ni Alex sa trabaho. Hindi ako naniniwalang hindi ka
na niya mahal. Mahal ka pa rin niya at alam ko na kahit siya ay nasasaktan pa rin
siya hanggang ngayon."

Tumitig siya sa tasa ng kape at bumuntong-hininga. "She's hurt dahil mas pinili
niyang masaktan. And for now I can't do anything about her pain coz I'm also
dealing with my own."

Hinawakan ni Margareth ang palad niya at tumingin sa kanya nang may nagmamakaawang
mukha. "Please Blake huwag mo siyang hayaang mawala sayo. Wala lang sa sarili
ngayon si Alex kaya ka niya pinagtutulakan papalayo."

"You're wrong Margareth. She's with her real self now kaya niya ako pinagtutulakan
papalayo."

Bumitiw sa palad niya ang babae at lumikot ang mga mata nito na para bang hirap
kung saan maghahanap ng ipapaliwanag. "P-Pero mahal ka niya Blake. M-Mahal na mahal
ka ni Alex at kung ano man ang ginagawa niya ngayon ay tiyak na may mabigat siyang
dahilan. Pakiramdam ko ay sinasadya niya lang magmatigas. Hintayin mo siya,
nakikiusap ako, intindihin mo muna siya at lalong huwag ka munang magmamahal ng
iba."

Masarap paniwalaan ang sinasabi ng kausap. Pero saan niya mang anggulong tingnang
hindi niya makita ang pagmamahal ni Alex na tinutukoy nito.
"Tao rin ako Margareth. Mahal na mahal ko ang kaibigan mo pero hindi ako robot para
sundin ang gusto mong mangyari. Nasasaktan din ako, umaasa din ako, nalulungkot din
ako at higit sa lahat ay napapagod din ako."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Margareth nang mapagtanto nito kung papaano siya
nagmamatigas.

"Why are you doing this Margareth?" seryosong tanong niya.

"D-Dahil gusto kung sumaya ulit si Alex. G-Gusto kong matapos na ang pinagdadaanan
niyong ito. Dahil gusto kong magkabalikan kayo," naluluhang paliwanag nito.

Muli siyang bumuntong-hininga at tumingin ng seryoso sa nakikiusap na kaharap.

"Sino ba ang ayaw maging masaya? Sino ba ang ayaw magmahal? But for the first time
in my life, ngayon ko lang naramdaman na these things are beyond my control.
Nagising na ako sa katotohanang may sarili din akong buhay na dapat
asikasuhin....." tumigil siya ng ilang sandali, nagdalawang-isip kung itutuloy pa
ba ang sasabihin. "I decided to stop loving Alex and from now on I'm willing to
accept what the future holds for me."

Nagulat si Margareth sa sinabi niya at nanlalaki ang mga matang tumitig ito sa
kanya.

"B-Blake..."

"I have to leave now. May importante pa akong taong dapat puntahan. Thanks for the
coffee," kaswal na paalam niya.

Tumayo siya at naglakad patungong pintuan. Pinipiga ang dibdib niya sa sakit.
Pakiramdam niya ay siya naman ngayon ang nakikipaghiwalay kay Alex.

"James and I are getting married! "

Bigla siyang natigilan at napalingon sa babae na noon ay nakatayo na at naluluha pa


ring nakatingin sa kanya.

"Pakiusap mahalin mo ulit siya Blake. Ayokong sa pinakamasayang araw ng buhay ko ay


nasasaktan ang kaibigan ko..."

Tumulo ang luha sa pisngi ni Margareth. Nahirapan siyang tingnan ito at kasabay
nito ay naramdaman niyang may tumarak sa dibdib niya dahil sa balitang narinig.
Hindi ba dapat sila ni Alex ang ikakasal? Hindi ba dapat mauuna muna silang
magsasama ng masaya? Hindi ba dapat ay sila muna ang magiging pamilya?

Naiintindihan niya ang nararamdaman ng nakikiusap na babae. Pero anong magagawa


niya kung ang mismong pinakamasasayang araw sa buhay niya ay hindi niya rin kayang
maibalik.

"Congratulations," tanging nasabi niya nang may pagmamatigas, saka siya dire-
diretsong naglakad patungo sa sasakyan habang naiwang nanghihina at natutulalang
nakaupo si Margareth sa mesa...
****

Tahimik na nakaupo si Debbie sa mesa ng isang mamahaling restaurant sa Tagaytay.


Nakapwesto ang mesa sa labas kung saan kitang-kita ang magandang tanawin ng Taal
Lake. Malamig at mahangin ang lugar. Naglabas siya ng bandana mula sa handbag at
ipinulupot ito sa leeg at balikat habang humahapyaw sa kanyang pisngi ang malamig
na simoy ng hangin.

Tumingala siya at pinagmasdan ang payapang kalangitan. Puno ito ng mga bituin at
medyo may kabilugan rin ang buwan. Huminga siya ng malalim at pagkuwa'y dinampot sa
mesa ang isang basong tubig at uminom. Ibinalik niya sa mesa ang baso at tumingin
sa direksyon ni Blake.

Nakatayo ang binata sa pinakatahimik na parte ng restaurant habang may kausap sa


cellphone. Lumilingon-lingon ito sa kanya na para bang nagpapahiwatig ng paghingi
ng despensa sapagkat medyo may katagalan na ito sa pakikipag-usap. Gumanti siya ng
ngiti upang ipahatid ditong nauunawan niya dahil alam naman niyang may kinalaman sa
trabaho ang tawag.

Hinigpitan niya ang pagkakapulupot ng scarf sa katawan at hiningahaan ang kanyang


mga palad. Nararamdaman niya na ang lamig ng paligid. Tumayo siya at naglakad
papalapit sa bakal na railings na siyang nagsisilbing harang sa patalampas na
landscape ng restaurant. Tahimik niyang pinagmasdan ang magandang tanawin ng lawa
at bulkan. Bagama't gabi na, naaaninag pa rin ito dahil sa liwanag na nagmumula sa
bilog na buwan.

Nitong hapon lamang ay binisita siya sa bahay ni Blake nang walang pasabi. Balak
niya sana itong pagtaguan subalit hindi niya rin ito natiis. Gaya ng inaasahan at
alam niyang siya ring dahilan kung bakit walang tigil ito sa pagtawag sa kanyang
cellphone, humingi agad ito ng tawad sa nagawang pagkakamali dahil sa kalasingan.

Hindi pa man nagtatagal ang binata sa apartment niya ay nagyaya na itong lumabas.
Tinanggihan niya ang unang imbitasyon nito sapagkat bukod sa paghingi ng tawad,
kutob niyang may iba pa itong dahilan sa pakikipagkita sa kanya. Natakot siyang
baka may isang bagay pa itong ungkatin at naduduwag siyang pag-usapan ito.
Subalit hindi agad umalis sa kanyang apartment si Blake. Sa pananatili doon ng
lalaki, naging masayahin ito at hindi niya nakitaan ng anumang pahiwatig na gusto
nitong pag-usapan ang tungkol sa ipinagtapat niya. Walang pagbabago at natural pa
rin ang pakikitungo nito sa kanya na para bang hindi nito naalalang may malaking
bagay siyang inamin.

Nang malapit ng sumapit ang gabi ay muli siya nitong inimbitahang lumabas. Hindi na
siya tumanggi sapagkat medyo naging panatag na ang kalooban niya. Pinagsuot siya
nito ng makapal na damit para huwag daw siyang lamigin. Sumunod naman siya nang
wala ng tanong-tanong pa at nang nagmamaneho na nga ang lalaki, nagtaka na lamang
siya nang tinatahak na nila ang daan papalabas ng Metro Manila. Mas lalo siyang
nagulat nang basta-basta na lamang siya nito dinala sa Tagaytay at tumigil nga ito
sa pagmamaneho nang nasa tapat na sila ng isang eleganteng restaurant.

Ilang saglit siyang napatanga nang pinasok nila ang magandang restaurant, hindi
niya maikakaila kung gaano siya nasorpresa sa ginawa ng lalaki. At habang
inaalalayan siya nito papasok, naghahalo ang saya at takot sa kanyang dibdib.

Inarkila ni Blake ang buong outdoor area ng nasabing restaurant kaya't walang ibang
naroroon maliban sa kanilang dalawa. Elegante at may bahid ng pagkaromantiko ang
lugar. Maging ang mga tugtugin ay pawang mga classical piano na nababagay lamang sa
ambiance ng restaurant.

Naging masaya ang dinner nila at pagkatapos ay omorder pa ang binata ng red wine.
Masigla silang nagkuwentuhan at panaka-nakang nagbiruan habang umiinom. Tuluyang
namayapa ang dibdib niya dahil hindi na muling inungkat pa ng lalaki ang tungkol sa
nangyari nang nagdaang gabi. Naging maasikaso din ito at minsan may bahid pa ng
paglalambing ang ilan sa mga kilos nito.

Muli siyang tumingala sa kalangitan.

Napapangiti siya sa sarili habang ninanamnam ang sariwa at malamig na hanging


tumatama sa kanyang mukha. Huminga siya ng malalim at humalukipkip. Gusto niyang
magpakalunod sa kaligayahan subalit hirap siyang papaniwalain ang sarili sa
ipinamamalas na kakaibang bait at lambing ng lalaki.

"Are you cold?"

Natigil siya sa malalim na pag-iisip sa biglang pagtabi sa kanya ni Blake. Naghubad


ito ng jacket at ipinatong ito sa balikat niya.

"T-Thanks," nakangiting sagot niya habang pilit inuutusan ang sarili na huwag
ipahalatang tumatalon ang puso niya sa pag-aasikasong ginagawa ng lalaki.

"Do you like the view?" tanong nito habang sinasamahan siya sa pagtanaw sa
magandang lawa.

"Y-Yeah."

"Did you enjoy the food?"

"Y-Yes..."

Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan. Naririnig niya ang malalim na paghinga ng


katabi. At sa di malamang kadahilanan, unti-unting napapawi ang tuwa sa kanyang
dibdib at dahan-dahang napapalitan ito ng umuusbong na kaba.
"When did you start to have feelings for me?"

Napahawak si Debbie sa railings. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina ng tuhod sa


walang kagatul-gatol na pagtatanong ng lalaki. Pasalamat siya at gabi na dahil baka
mas lalo siyang mapahiya kapag nakita ng katabi kung gaano namula ang kanyang mga
pisngi.

Hindi niya inaasahan ang tanong kaya't hindi niya malaman kung papaano ito
sasagutin.

"Was it lately? This year? Last year?" seryosong dugtong ng lalaki habang
napapabuntong-hininga.

Napatungo si Debbie at palihim na kinagat ang labi. Paulit-ulit siyang lumunok


habang nag-iipon ng lakas ng loob. Nang medyo nabawasan ang nerbiyos, saka lamang
siya nag-angat ng mukha. Ngumiti siya ng tipid at pilit tinanggal ang anumang bakas
ng kaba o takot sa mukha.

"Sa Amerika pa lang tayo ay mahal na kita, Blake," lakas-loob na pag-amin niya.

Matamlay na napangiti si Blake sa sarili. "So, matagal na pala kitang sinasaktan?


Wow, what an insensitive person I was. I think I should punish myself for that,"
pabiro ngunit may lamang sabi nito.

Tumahimik si Debbie at mabilis namang nabura ang mga ngiti ni Blake.

"Bakit mo hinayaang saktan kita ng ganito katagal?"muling seryosong tanong ng


binata.

"I didn't want to pero wala akong magawa, hindi ko naman kayang pilitin ang sarili
ko na huwag kang mahalin. Huwag kang mag-alala Blake, sa kabila ng pagtatapat ko,
alam ko pa rin kung saan ako lulugar sa puso mo. Tanggap ko namang hangga't nasa
tabi mo si Alex, wala akong pwedeng maging papel sa buhay mo maliban sa pagiging
malapit na kaibigan."

"And now that Alex and I are no longer together, did you start hoping that I'll
love you back?"

"H-Hindi naman masamang umasa di ba?" lakas loob pa ring sagot ni Debbie.

Huminga ng malalim si Blake at isiniksik ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. "I'm
sorry... If only I knew about your true feeling, I should have been more careful
with my actions. Never in my wildest dream na naisip kong may espesyal kang
nararamdaman para sa akin. When we were studying in states, I thought of you as a
cool lady friend who seemed to be one of the boys. And I still see you as one when
we came back here. Ang pagkakaiba nga lang ay naging mas malapit tayo at mas naging
komportable sa isa't isa," sabay tingin niya sa katabi." I'm sorry for causing you
pain. I can imagine how hard it was for you to secretly love someone who's loving
another person."

"Stop it Blake. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Stop saying sorry because it hurts
even more," naluluhang tugon ng dalaga.

"Let me Debbie....because saying sorry is the best thing that I can do for you
now."

Humarap si Debbie sa binata at mapait na ngumiti. "Ayan ka na naman, nagsasalita ka


na naman ng tapos. Hindi ko namang sinasabing mahalin mo rin ako ngayon. I
confessed dahil sa tinagal-tagal na panahon sa wakas ay nabigyan na rin ako ng
tamang pagkakataon na magpakatotoo sayo. Naiintindihan ko naman na hindi mo pa
kayang magmahal ng iba. Hindi ako naghihintay ng kapalit Blake ang hinihingi ko
lang ay hayaan mo akong alagaan at asikasuhin ka ng walang anumang inililihim sa
dibdib ko."

Umiling si Blake bilang pagtutol at humugot ulit ito ng isang malalim na buntong-
hininga. "You're a great woman and you deserve something better than that. Alam
kong hindi ka mahirap mahalin Debbie but a broken person like me doesn't deserve a
woman like you. Ayokong umasa ka sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay. Alam ko
kung gaano kasakit ang magmahal ng tao na hindi naman kayang ibalik ang uri ng
pagmamahal na hinihingi mo...sapagkat yan din ang pinagdadaanan ko ngayon."

Yumakap ng mahigpit si Debbie sa katawan ng binata hanggang sa unti-unting tumulo


ang mga luha nito sa pisngi. "Kaya mo yan Blake. Sinabi ko namang nakahanda akong
maghintay at magtiis. Mahal na mahal kita.... mas tatanggapin kong umasa at
maghintay kaysa utusan ang sarili ko na huwag kang mahalin. Please don't reject me
this early...please..."

Gumanti ng yakap si Blake at tinapik ng marahan ang likod ng umiiyak na kaibigan.


Nasasaktan din siya sa ginagawang pagtanggi dito. Bagamat hindi niya kayang ibigay
ang klase ng pagmamahal na hinihingi nito, mahalagang tao pa rin sa kanya ang
dalaga at hindi madali na makitang nasasaktan ito ng dahil sa kanya. Subalit wala
siyang ibang mapagpipilian kundi sabihin dito ang totoo dahil ito lamang ang paraan
upang maisalba niya ang kanilang pagkakaibigan.

"I'm sorry but I don't want you to expect at lalong ayokong maghintay ka. I will
help you get rid of that feeling. Today, I'm breaking up with you too as my fake
girlfriend. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Lolo. Pagkatapos nito ay iwasan
muna natin ang isa't isa. For us to save our friendship, let's not be friends until
such time that we're both ready to treat each other the way we used to be..."

Mas lalong lumakas ang iyak ng dalaga at marahang pinaghahampas nito sa dibdib si
Blake. "No Blake! No! Nasasabi mo lang ang lahat ng iyan dahil nasasaktan ka pa.
Pero darating din ang panahon na magmamahal ka rin ng iba!"
Pinigilan ni Blake ang sumusuntok na kamay ng babae at saka niya ito mahigpit na
niyakap nang may nangingilid ding mga luha. "Please listen to me Debbie. Yes, I
decided to stop loving Alex...Hindi na ako takot harapin ang bukas na wala siya sa
tabi ko. I'm hoping too that I can fix my broken self on my own. I feel braver
now.....Pero sa likod ng lahat ng mga ito hindi ko pa rin maikakaila ang
katotohanang si Alex pa rin ang tanging makakabuo sa pagkatao ko. Mananatili akong
kulang hangga't wala siya sa tabi ko at hindi yan mababago dahil lamang pinilit ko
ang aking sarili na magmahal ng ibang babae," paliwanag niya ng punung-puno ng
sinseridad.

Hindi na muling sumagot pa si Debbie, matapos marinig ang huling mga salita ng
binata ay wala na siyang nagawa kundi ang sumubsob na lamang sa dibdib nito at
humagulhol ng malakas. Dapat na nga ba siyang sumuko? Dapat niya na bang tanggapin
ang katotohanang kahit kailan ay hindi niya matatalo si Alex sa puso ni Blake?
Lumakas pa lalo ang pag-iyak niya. Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa binata,
gusto niyang damhing mabuti kung ano ang pakiramdam ng nasa mga bisig nito dahil
maaring ito na ang huling pagkakataong mayakap niya ito...

"I'm sorry Debbie... Kaya kong lagpasan ang lahat ng hirap at sakit na
pinagdadaanan ko ngayon nang hindi ko kailangang manggamit at manakit ng ibang
tao..lalong-lalo na ng isang kaibigan," dagdag pa ng lalaki....

-----

Nag-aabang sa loob ng sasakyan si Alex sa labas ng gusali ng Golden Pacific.


Mahigit isang buwan nang walang ibinabalita sa kanya si Balatbat na may ginagawang
kalokohan si Blake kaya't nakipagpalit muna siya sa tauhan sa pagsubaybay sa
lalaki. Gusto niyang kumpirmahin kung sadyang malaki na nga ang pinagbago nito.
Sabi ng kasamahan ay mukhang hindi na nito iniinda ang sakit ng paghihiwalay nila.
Ipinapanalangin niya na sana nga totoo ang lahat ng mga narinig niya.

Maya't maya siyang tumitingin sa relos at ganun din sa paligid. Bukod sa gusto
niyang makita ang dating boyfriend, gusto niya ring matiyempuhan si Pablo Garcia
para muling paalalahanan ang sarili na hinding-hindi siya pwedeng panghinaan ng
loob sa kaso.

Mag-aalas siyete na ng gabi subalit wala pang lumalabas sa sinuman sa dalawang


inaabangan niya. Nakakaramdam na siya ng gutom dahil halos magtatatlong oras na
siyang naghihintay doon at hindi pa rin siya nananghalian dahil sumama siya sa
biglaang pagriraid sa isang inireport na pot session.

Iginala niya ang mga mata sa paligid para maghanap ng tindahang pwede niyang
mabilhan ng kahit anumang makakain. Nakakita siya ng isang maliit na grocery store
na may layong mga isandaang metro mula sa pinagpaparadahan niya. Kumakalam na
talaga ang sikmura niya kaya't napilitan siyang lumabas ng sasakyan. Nagsuot siya
ng sumbrero at saka mabilis na naglakad patungong tindahan.

Namadali siyang pumasok sa loob ng grocery store. Dumampot siya ng isang plastic ng
tinapay at isang can ng pineapple juice.

"Hawak ko na ang litrato pare. Nakita ko na at alam ko na rin ang plate number ng
sasakyan. Hinihintay ko na lang na lumabas, kanina pa nga ako nag-aabang dito."

Natigilan siya sa narinig na pabulong na boses.

"Sige na pare baka malusutan ako."

Napalingon siya sa isang lalaking nakasuot ng uniporme ng isang pizza hut delivery
man. Kumpleto ang uniporme nito. Bukod sa may hawak na itong helmet ay nakasumbrero
pa ito. Nakasuot din ito ng tipikal na makapal na jacket ng isang delivery man.
May kausap ito sa cellphone habang nakatingin sa hawak-hawak na litrato, pagkuway
isiniksik nito ang litrato sa likurang bulsa ng pantalon at saka ibinaba ang
telepono.

Pasimple niyang tiningnan ang mukha nito. Matikas ang pangangatawan ngunit nasa
mahigit kwarenta na ang edad, hindi pangkaraniwan kumpara sa mga regular na
nagdidiliver ng pizza.

Bigla siyang nagduda at kinutuban.

Nagkunwari siyang tumitingin pa rin ng bibilhin habang lumalapit sa lalaki na noon


ay bumibili rin ng makakain. Nang makalapit siya dito ay bigla niya itong binangga
sabay dukot ng mabilis sa litratong nasa bulsa nito at saka isikniksik ang larawan
sa bulsa ng sariling jacket.

Kunwa'y nabitawan niya ang bitbit na juice at tinapay.

"Ay sorry po!" paumanhin niya sabay dampot sa nahulog na mga pagkain.

Tinanguan lamang siya ng lalaki at tumungo ito sa cashier. Sinundan niya ito sa
pila at maging sa paglabas ng tindahan ay magkasunod din sila. Tumigil ito sa labas
ng grocery at doon na nanginain.

Pagkabalik niya ng sasakyan ay ngingisi-ngisi niyang dinukot sa jacket ang litrato.


Alam niya na ang ganitong mga modus, kung hindi grupo ng mga holdaper, carnapper o
kaya ay kidnapper ang mga ito. Tiningnan niya ang larawan. Nawala ang kanyang ngisi
sa mga labi at agad na nanlaki ang mga mata niya nang makitang litrato ito ni
Blake. Dinig na dinig niya ang biglang pagkabog ng kanyang dibdib.
Dali-dali niyang inilabas ang teleskopyo at sinilip ang mamang nakatambay pa rin sa
labas ng tindahan. Kumakain pa rin ito ng tinapay habang nakapako ang mga mata sa
exit ng parking lot ng Golden Pacific. Maya-maya lamang ay lumapit ito sa isang
motorsiklo.

Izinoom niya lalo ang teleskopyo at kitang-kita niya kung papaano nito inangat ang
upuan ng motor. Dinukot nito sa loob ng upuan ang isang pistol at isiniksik sa suot
na makapal na jacket. Binitawan niya ang teleskopyo at nagmamadaling kinuha ang
kanyang cellphone.

"Nasan ka Balatbat?" walang paligoy-ligoy na tanong niya sa tauhan.

"Nasa sementeryo kap!"

"Pumunta ka dito sa Golden Pacific ngayon din!"

"Bakit kap? May nangyari ba?"

"Huwag ka ng magtanong! Umalis ka na diyan bilis!!!"

"Ah-eh opo! Eto na po!"

Pinaandar ni Alex ang sasakyan upang ilipat ito ng puwesto patungo sa loob ng
parking lot ng gusali. Aabangan niya si Blake malapit mismo sa pinagkakaparadahan
ng sasakyan nito. Subalit bago na ang nakaassign na mga guwardiya sa entrance ng
parking lot at hindi pinayagan ng mga ito na makapasok ang sasakyan niya. Umiwas
naman siyang magpakilalang pulis sa pag-aalalang baka isa sa mga ito ay galamay ni
Garcia. Kung sakaling arkiladong hitman ni Garcia ang mama sa grocery store, tiyak
na mag-iiba ng plano ang mga ito pag nalamang nasa paligid lamang siya.

Dinayal niya ulit ang telepono para tawagan na mismo si Blake ngunit hindi rin
makontak ang numero nito.

"Haist! Huwag mong sabihing pati number ay nagpalit ka na!" iritableng wika niya.

Ibinalik niya sa dating pwesto ang sasakyan at dali-daling bumaba dito. Wala siyang
ibang pagpipilian kundi ang puntahan na mismo si Blake sa opisina nito. Inayos niya
ang suot na sumbrero at ibinaba ang harap nito ng maayos para takpan ang halos
kalahati ng mukha niya.

Isa sa mga guwardiya sa entrance ng lobby ang nakakilala sa kanya ngunit mabilis
niya itong sinenyasan.

"Huwag kang maingay," madiing utos niya at sabay bigay dito ng nananakot na mga
tingin.

"Y-Yes ma'am," sagot nito habang napapatangang pinapapasok siya sa loob.

Hindi siya pwedeng makilala para makaiwas sa mga mata ng mga tao ni Garcia.

Tumungo siya sa palapag ng opisina ni Blake at matiyagang naghintay sa pasilyo


malapit sa elevator. Pagkalipas ng mahigit tatlumpung minutong paghihintay,
nakarinig na siya ng mga yabag at boses. Isa sa mga boses ay kay Blake. Nakakita
siya ng nakausling poste sa malapit na dingding at dali-daling nagtago dito.
Maingat niyang sinilip kung sinu-sino ang mga kasama ng binata.

"Ms. Torres, I want that files to be on my table tomorrow as early as possible."

"Yes sir."

Kasama nito ang tatlong sekretarya at mukhang nagbibigay ito ng mga habilin at
instructions. Tumigil sa paglalakad ang mga ito nang marating ang tapat ng
elevator. Patuloy pa rin sa pagsasalita si Blake habang sinusulat naman ng mga
empleyada ang mga sinasabi nito.

Tumunog ang pinto ng elevator kaya't dali-dali siyang lumabas sa pinagtataguan.


Tamang-tama. Alam niyang walang nakikisabay sa lalaki pag sumasakay ito dito.

Seryoso ang mukha na humakbang si Blake papasok ng elevator. "I'll go ahead.


Ayokong may makakalimutan kayo isa man sa mga ibinilin ko," pahabol na wika niya sa
mga tauhan.

"Yes sir."

Pinindot niya ang close button ngunit laking gulat niya nang may isang paang
biglang pumigil sa pagsasara ng pinto. Pumasok sa loob ang isang nakayukong babaeng
halos natatakpan na ng sumbrero ang mukha. Agad na bumilis ang tibok ng kanyang
dibdib, hindi niya kailangang makita ang mukha nito para makilala. At nang mag-
angat na nga ito ng mukha ay tuluyan na siyang hindi nakagalaw.
Ilusyon ba o multo ang nakikita niya?

Kumurap siya ng ilang beses para tiyaking hindi siya dinadaya ng mga mata. Ikinilos
niya ang isang paa upang lapitan at hawakan ito. Gusto niyang makasiguradong
totoong tao nga ang nakikita niya.

"Huwag kang lumapit," mabilis na sabi nito nang hindi tumitingin sa kanya.

Natigilan siya. Boses nga ni Alex ang naririnig niya!

"May CCTV itong elevator kaya posibleng may mga matang nakatingin sa atin. Huwag
kang magsasalita at makinig ka lang sa sasabihin ko."

Nanatili siyang tulala. Gusto niyang intindihin ang sinasabi ng kasabay ngunit ayaw
gumana ng kanyang utak.

"Sundin mo lang ang bawat utos ko," dagdag pa nito habang itinatakip lalo ang
sumbrero sa mukha.

Magtatatlong buwan niya nang hindi nakikita ang dating kasintahan kaya wala siyang
mapaglagyan ng pagkagulat sa bigla-biglang pagsulpot nito sa harap niya.

Nagbukas ang pinto ng elevator.


"Mauna ka na sa parking lot. Susunod ako. Hintayin mo ako sa kotse."

Hindi pa rin niya nagawang ibuka ang bibig. Kaya't kahit hindi naiintindihan kung
para saan ang mga utos ng babae ay walang magawang sumunod na lamang siya. Parang
sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyon na nararamdaman habang naglalakad
patungo sa sasakyan,. Kailangan niya bang kurutin ang sarili para makasiguradong
hindi siya nanaginip? Anong nangyari? Bakit ang babae na mismo ang kusang nagpakita
sa kanya?

Sumakay siya ng kotse at kinakabahang hinintay doon ang babae. Maya't maya siyang
tumitingin sa bukana ng parking lot. Nag-aalala siya na baka wala naman talagang
susunod na Alex. Na isang milagro lamang ang pag-aaparisyon nito sa elevator.

Naghintay siya ng mga sampung minuto at ang sampung minuto na iyon ay siya na
yatang pinakamatagal na sampung minuto sa buong buhay niya. Bawat segundo ay
kabadong inaabangan niya ang muling pagpapakita ng dalaga. Minuto pa lamang ang
lumilipas ay naiinip na siya. At maya-maya nga lamang ay muling bumilis ang tibok
ng kanyang puso nang matanaw niya na ang naglalakad papalapit na babae. Lumapit ito
sa kanyang kotse habang lumilingon-lingon sa paligid. Binuksan nito ang harapang
pinto ng sasakyan at naupo sa tabi niya. Pagkaupong-pagkaupo nito ay humugot agad
ito ng isang malalim na buntong-hininga at sumandal sa upuan na tila ba pagod na
pagod ito.

Naghubad ito ng sumbrero at lalo siyang napatanga nang tumambad sa kanya ang
kabuuang mukha nito.

Dumukot ito ng cellphone at nagdayal. Napansin niya sa kaswal na reaksiyon nito na


para bang hindi ito gaanong apektado na nasa kotse at nasa tabi niya ito.

"Nasan ka na?" kunot noong tanong nito sa kausap. "Okay bilisan mo, itext mo yung
plate number ng dala mong sasakyan. Bilisan mo! Kung kailangan mong paliparin yang
kotse, paliparin mo!"

Binababa nito ang telepono at sa unang pagkakataon ng muli nilang pagkikita, noon
lamang ito tumingin ng diretso sa kanyang mukha. Bahagya itong natigilan nang
mapansin kung gaano kaseryoso ang pagkakatitig niya dito.

"Hi! Kumusta?" natural na natural at nakangiting bati nito sa kanya nang walang
anumang bakas ng pagkaasiwa.

"A-Alex is that really you?"

Sa wakas ay natauhan na rin siya at may lumabas na ring boses sa bibig niya. Hindi
pa siya nakuntento kaya't hinawakan niya ang babae at kinapa ng ilang sandali ang
braso nito.

"Ako nga ito Blake at braso ko nga yang hinahawakan mo," nakangiti at pabiro pang
sagot nito.

"W-Why are you here? W-What's going on? M-May gusto ka bang pag-usapan?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag Blake, sundin mo na lang ang mga sasabihin ko, okay?"

Napapangangang sumagot na lamang siya ng tango.


"Tawagan mo ang guwardiya diyan sa parking at sabihin mong papasukin ang sasakyang
may ganitong plate number," sabay pabasa nito sa kanya ng isang text.

"I don't know the direct line there," nalilito pa ring sagot niya.

"Tawagan mo ang secretary mo at sila ang patawagin mo," seryosong utos nito.

"O-Okay."

Walang pagdadalawang-isip na sumunod siya. Tinawagan niya ang isa sa mga sekretarya
niya nang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa katabi.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong niya sa babaeng hindi pa rin maipako ang mga mata
sa isang direksiyon matapos kausapin ang kanyang sekretarya.

"Wala pa."

"T-Then sasabay ka ba dito sa sasakyan ko? I'm leaving now," sambit niya.

"Huwag ka munang umalis!" biglang taas ng tono na sabi nito.

"Why?" gulat na tanong niya.


"Hihintayin natin yung kotseng itinawag sa guwardiya," di mapakaling sagot nito.
"Hays! Nasan na ba kasi ang taong yun?" iritableng sambit nito habang napapatingin
sa relos.

"O-Okay let's wait."

Tahimik silang naghintay. Nakikiramdam siya habang hirap pa ring makapaniwalang


kasama niya si Alex sa mga sandaling iyon. Samantalang ang babae naman ay halatang
hindi pa rin mapakali sa kung anumang kadahilanan. Maya't maya itong napapakuyakoy
habang napapakagat ng mga kuko sa daliri. Alam niyang wala sa kanya ang takbo ng
isip nito.

Ganito nga ba talaga katapang at katigas ang puso ng babaeng ito? Na para bang
normal na normal lamang sa kanya ang biglaang pakikipagkita sa isang dating
karelasyon? Sa isang taong minahal, sinaktan at iniwan niya? Walang bakas ng
pagkagulat, pagsisisi, pananabik, saya o lungkot?

Nabasag ang katahimikan sa kanilang dalawa nang biglang tumigil sa harap nila ang
isang itim na toyota camry.

"Dumating ka rin!" inis na wika ng babae pagkakita sa sasakyan.

"Yan na ba ang hinihintay mo? A-Are you leaving now?"

Tumingin sa kanya si Alex. "Lilipat tayo ng sasakyan. Si Balatbat ang magmamaneho


nitong kotse mo," maawtoridad na sabi nito.
"B-But why? Teka may nangyayari bang hindi ko alam?" nalilito pa lalong mga tanong
niya.

"Omokey ka sa akin na susunod ka sa bawat sasabihin ko kaya't lumipat ka na lang sa


kabilang kotse ng walang rekla-reklamo," istriktong wika nito at sabay baba ng
sasakyan.

Wala siyang nagawa kundi sumunod.

"Ikaw ang magmaneho," utos ulit sa kanya ni Alex habang inginunguso ang driver's
seat.

"O-Okay but where are we going?"

"Ididikta ko."

Nagsalubong ang mga kilay ni Blake. Natutuwa man siya sa pagkikita nilang muli ng
babae pero parang hindi niya na matiis na huwag mapikon sa asal nito sa kanya.

"Wait a minute. Can I ask for at least a small idea if what's going on here or
else I won't cooperate?" pagmamatigas niya.
Natigilan ng ilang sandali si Alex at medyo nag-isip ng ilang sandali. "May
huhulihin akong kriminal," tipid, nagmamadali at napipilitang sagot nito.

Napangisi si Blake. "So you finally meet me after how many months dahil lamang may
huhulihin kang kriminal?"

"Oo. Tutal may pinagsamahan naman tayo, siguro naman hindi mo ako tatanggihan kung
hihingi ako ng tulong sayo," diretsong tugon nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya sa sagot ng babae subalit wala siyang nagawa kundi


pagbigyan ito. Pumasok sila ng sabay sa kotse.

"Ngayon mo patunayan ang galing mo sa pakikipagkarera," ngingisi-ngisi pang sabi


nito habang ikinakabit ang wireless headset sa tenga.

Napapailing at napapabuntong hiningang pinaandar niya ang sasakyan. Lumabas sila ng


parking lot ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay pinatabi ni Alex ang sasakyan.

"Pauunahin natin si Balatbat," anito.

Tumingin si Alex sa direksyon ng grocery store. Naroroon pa rin ang lalaki at nang
mapadaan sa harap nito ang kotseng minamaneho ni Balatbat ay agad itong sumakay ng
motorsiklo.

"Sundan mo ang kotse mo," utos niya sa binata.


Sumunod si Blake.

"Tatlong kotse mula sa likod namin ang target. Alam mo na kung anong daan ang
papasukan mo," sabi ni Alex habang tumitingin-tingin sa rear mirror.

"What kind of road is that?" tanong ng lalaki.

"Hindi ikaw ang kausap ko, si Balatbat."

"O-Okay," natatamemeng sagot ni Blake.

"Bagalan mo ang takbo. Sabi ko bagalan mo!" sabay tingin ni Alex ng matapang sa
katabi.

Nagulat si Blake. "Wait. Are you talking to me this time?"

"Oo ikaw ang kinakausap ko!"

Binagalan ng binata ang takbo.


Tumingin sa bandang likuran ng sasakyan si Alex. Nakita niyang nag-oovertake na
paisa-isa sa mga sasakyan ang motor.

"Nag-uumpisa na siyang mag-overtake. Bilisan mo na."

Binilisan ni Blake ang takbo at agad na napatingin sa kanya ang babae.

"Hindi ikaw, si Balatbat ang kausap ko."

Binigyan ng binata ng masamang tingin ang kausap. "Can you at least give a sign if
you're talking to him or to me. Hindi ako manghuhula," nagtitimping wika nito.

"Sige pag nakatingin ako sayo ikaw ang kinakausap ko, okay ba?"

"Okay."

"Yan sa kalsadang yan ka pumasok walang gaanong dumadaang sasakyan diyan!"

Hindi sa kanya nakatingin si Alex, kaya't walang naging reaksiyon si Blake.

"Ba't wala kang signal light pakanan?" biglang tanong ng dalaga sa kanya.
"Si Balatbat ang kausap mo di ba?"

"Oo, pero sinusundan natin siya di ba? Pag kumanan siya natural din na kakanan
tayo."

Napipikong tumingin si Blake sa katabi. "I'm not a police officer, so don't expect
that my instict is as good as yours! At pwede ba linawin mo ang pagbibigay mo ng
instructions!" hindi na nakatiis na pagtataas niya ng boses.

Natahimik si Alex. "Kanan ka na," biglang malumanay at napapalunok na wika nito.

Tinahak nila ang malaking kalsadang walang gaanong dumadaang sasakyan. Humarap muli
si Alex sa bandang likuran para tutukang maiigi ang lokasyon ng motorsiklo.
Napansin ni Alex na bumibilis na ang takbo ng motor lalo na nang papalapit na sila
sa isang mapuno at tahimik na daan.

"Bilisan niyo pareho."

Binilisan ng dalawang nagmamaneho ang takbo.

"Huminto ka Balatbat!"

"Banggain mo ang likod ng sasakyan mo Blake!"


"Hey! Are you out of your mind? Why would I do that to my favorite car?!" tutol ng
lalaki.

"BANGGAIN MO SABI!!"

Natakot si Blake sa lakas ng sigaw ng babae kaya't bigla siyang napilitang sumunod
sa utos. Nakapikit na binangga niya ng mahina ang sariling sasakyan at nang
magmulat siya nang mga mata, nakita na lamang niya na may hawak ng baril si Alex.

"Dumapa ka at huwag kang gagalaw diyan!" bilin sa kanya ng babae.

Nakayuko at patagong lumabas ng sasakyan si Alex. Naupo siya sa tabi ng nilabasang


pinto at sinilip ang inaabangang motorsiklo. Kumakaripas na ito ng takbo at segundo
lamang ang binilang nang marating nito ang kotse ni Blake. Nilampasan muna ito ng
mama subalit mga ilang metro pa lamang itong nakakalayo ay bigla nitong iniikot ang
motor at bumalik. Tumigil ito sa harap mismo ng sasakyang minamaneho ni Balatbat.

Mabilis na bumunot ng baril ang lalaki at itinutok ito sa mismong driver seat ng
kotse. Tumayo si Alex sa pinagkukublihang pinto at mabilis ring tinutukan ang
lalaki. Nakita agad siya ng hitman kaya't agad nitong inilipat ang pagkakatutok ng
baril sa kanya. Subalit bago pa man nito makalabit ang gatilyo ay inunahan niya na
ito ng putok. Inasinta niya ito sa kamay at sa unang putok niya pa lamang ay
tinamaan niya na ang braso nito. Nabitawan nito ang baril pagkatapos ay pinaputukan
niya ulit ito ng isa sa hita.

Nahulog ang lalaki sa motor. Siya namang labas ni Balatbat na noon ay may bitbit
ding baril. Tinutukan nito ang lalaki na noon ay nagpupumilt pa sanang gumapang
para abutin ang nahulog na baril.
"Huwag kang kikilos! Arestado ka!" sigaw ni Balatbat at sabay dampot sa nabitawang
baril ng hitman.

Naglabasan ang mga tao matapos makarining ng mga putok at tumigil ang ilan sa mga
napapadaang mga sasakyan. Isa-isang nagsipaglapitan ang mga tao para makiusyoso.

Lumapit si Alex sa kriminal nang may matatalim na mata. Walang awa at galit na
galit na pinagsisipa niya ang nakahandusay na lalaki kahit pa sugatan na ito.

"WALANGHIYA KA! SINONG NAG-UTOS SAYO HA?! SINOOOO???!!!" nanlilisik ang mga matang
sigaw niya habang walang tigil sa pagsipa sa halos mawalan na ng malay na lalaki.

"Tama na kap! Tama na yan baka mapatay niyo yan!" awat ni Balatbat.

Tila walang narinig si Alex. "SA SUSUNOD PIPILI KA NG BIBIKTIMAHIN MO!!! PASALAMAT
KA HINDI KITA PINATAY!!!"

"KAP TAMA NA SABI! MARAMING NAKATINGIN!!!" sabay tulak ni Balatbat papalayo sa


dalagang pulis papalayo sa lalaki.

Saka lamang natauhan si Alex. Noon niya ring lamang napagtantong napapalibutan na
sila ng mga taong nakikiusisa. Itinukod niya ang mga kamay sa tapalodo ng kotse at
paulit-ulit na huminga ng malalim para ikalma ang sarili.
"Tumawag ka ng back-up at ambulansiya," mahinahong utos niya sa tauhan sa kabila ng
hindi pa rin gaanong paghupa ng kanyang galit.

Bigla niyang naalala si Blake! Kabadong tumakbo siya papabalik sa minamaneho nitong
sasakyan. Naabutan niya itong nakatayo na sa labas katabi ng pinto ng kotse. Walang
kibo ito at nakatitig lamang sa kanya. Hindi niya alam kong blangko ba o natutulala
ang reaksiyon nito. Dali-dali niya itong nilapitan nang puno ng pag-aalala.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Ano natakot ka ba?" natatarantang bigkas niya
habang paulit-ulit na kinakapa ang katawan ng binata.

Walang imik si Blake. Nanatili lamang siyang nakatitig kay Alex. Nahihirapan siyang
igalaw ang katawan at kahit simpleng hakbang ay tila hindi niya kayang gawin. Ayaw
niyang maniwala sa nasaksihan. Binabalot pa rin ng kaba at takot ang dibdib niya.
Kitang-kita niya kung gaano katapang na nakipagtutukan ng baril ang dalaga sa
kriminal. Ito pa mismo ang kusang humakbang papalapit sa lalaki. Paulit-ulit na
naglalaro sa isip niya niya kung papaano dumaan ang sandali kung saan maaring ang
babae ang naunang nabaril, na posibleng ito ang unang maputukan.

Pinigilan niya ang humahawak sa kanyang mga kamay ni Alex na abala sa


pagpapahiwatig ng pag-aalala. Unti-unting tumigas ang kanyang mukha nang hindi
inaalis ang pagkakatitig sa dalaga. Hinawakan niya ng mahigpit ang magkabilaang
braso nito at paulit-ulit itong niyugyog.

"ARE YOU CRAZY?!!! ARE YOU TRYING TO KILL YOURSELF IN FRONT OF ME?!!!!" pagsabog ng
dibdib niya at pagkatapos ay niyakap niya ng sobrang higpit ang babae.

"Don't die Alex....please don't ever dare do this again...."


••••••

Sa headquarters meeting room, magkakasamang nakaupo sa mahabang mesa sina Alex,


James at Balatbat. Tahimik ang lahat. Nagpapakiramdaman. Inaabangan ang sasabihin
ng pinagtakaang patayin na binata.

Nakahalukipkip si Blake, nakasandal ng maiigi sa upuan at higit sa lahat hindi niya


maalis-alis ang mga nakakahiwang titig sa mukha ni Alex na noon ay nakaupo sa tapat
niya. Hindi ito makatingin sa kanya habang sinasadyang ibaba ang harapan ng suot na
sumbrero para takpan pa ang mukha.

Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na mangibabaw sa mga nararamdaman niya mula
sa mga pasabog na narinig sa mga kasama sa silid. Ipinagtapat ng mga ito na ang
tangkang pagpatay sa kanya ay maaring konektado sa kasong kasalukuyang hinahawakan
ni Alex. Inamin din ng mga ito na matagal na siyang under surveillance, sinusundan,
binubuntutan at ang hindi niya lang sigurado ay baka pati telepono ay winire tap
din ng mga ito. Ang nangyari nga daw na pagtatangka sa kanyang buhay ay lalong
nagpatibay na tama ang hinala ng mga kausap na isa rin siya sa target ng kriminal
na gusto nilang hulihin. Kaya't humihingi ulit ang kapulisan ng partisipasyon sa
kanya na payagan ang mga itong manatili sa pagbuntot sa kanya. At ang pinakamahirap
himayin sa utak ay ang sinabi ng mga ito na walang ibang gagawa nito kundi si Alex.

"What makes you think na papayag ako sa gusto niyo?"

"It's for your safety too Blake," sagot ni James.

"I'm not crazy enough to agree in this funny idea! How can I allow my ex-fiancee to
become my bodyguard?!"matigas na tutol ni Blake habang diin na diin ang
pagkakabigkas sa salitang 'ex-fiancee'.

Kung kanina ay puno ng pag-aalala ang dibdib niya para kay Alex, ngayon naman ay
hindi niya maintindihan ang sariling pakiramdam. Gusto niyang matawa, mainsulto,
matakot at magalit!
"This is for your own good Blake. Pareho tayong makikinabang dito, you'll get your
protection and we'll get our lead," mahinahong paliwanag ni James.

"Kaya kong kumuha ng kahit ilang bodyguard kung gugustuhin ko. I can get the best
lawyer para kasuhan ang sinumang nagpapatay sa akin. I don't need your protection.
You used me once to capture your target, and this time hindi na ako papayag na
gamitin niyo ulit ako. You do your own investigation and I do my own to protect
myself!" pagmamatigas niya nang hindi pa rin kumukurap sa pagkakatitig kay Alex.

Pansamantalang hindi nakasagot ang mga kausap. Inalis niya sa pagkakahalukipkip ang
kamay at tiningnan isa-isa ang mga kasama sa silid.

"Is this how you do your job? Iniisip niyo muna ang kapakanan ng takbo ng kaso niyo
before the safety of the object of your investigation. Just like what you did
before, hinintay niyo munang pagtangkaan ako bago niyo sabihin sa akin ang totoo!"
galit pang dugtong niya.

"We can't give you an information unless we're sure about it. Hindi namin pwedeng
guluhin ang katahimikan ng isip ng isang tao hangga't wala kaming matibay na
basehan na susuporta sa mga akusasyon namin. And even until now, we don't have it
yet. You may file a case to that hitman but that person is not the only one we want
to put behind bars at yan ang isa sa mga hinahanapan pa namin ng ebidensiya. But
nevertheless we know our responsibilty kaya't kahit wala kaming sinasabi lihim ka
pa rin naming binibigyan ng protection, just like what happened tonight," paliwanag
muli ni James.

Nakakalokong tumawa ng malakas si Blake. "And the best person who can take the
bullet for me is Alex, right?"

Wala uling sumagot at sabay-sabay ang mga itong umiwas ng tingin sa kanya.
"Should I applause you for that? Papalakpak ba ako o magtatalon sa tuwa? Or maybe
you expect me to be touched."

Tahimik pa rin lahat ng kausap.

"Dapat ko bang tanawing isang napakalaking utang na loob na makita siyang harap-
harapang nagpapakamatay para sa akin! IS THAT WHAT YOU ALL WANT ME TO FEEL??!!"
namumula sa galit na sigaw niya.

Lumipas ang ilang sandali bago nakasagot si James. "I-It's Alex decision to protect
you by herself and besides it's her job. We can't do anything about it. Please
don't take everything personally," mahinang sagot nito nang hindi pa rin makatingin
ng diretso sa galit na kausap.

Bumuntong-hininga si Blake at lihim na napakuyom ng mga kamay. Nagpalipas siya ng


ilang sandali para pahupain ang nag-iinit niyang emosyon.

"Pwede bang iwan niyo muna kaming dalawa ni Captain Valdemor? I want to talk to her
alone," seryosong sabi niya matapos kumalma ng bahagya.

Lumabas ng meeting room sina James at Balatbat. Napapalunok na umayos naman ng upo
si Alex habang hindi pa rin tumitingin sa lalaki. Hinahaplos-haplos niya ang
kanyang batok at kunwa'y sumisipol-sipol na nakatingin lamang sa mesa.

Nang mapag-isa sa silid, muling binigyan ng mga nakakahiwang titig ni Blake ang
dalaga. Ilang saglit munang dumaan ang katahimikan bago siya nagsalita.
Nagtitimping pinagmamasdan niya ang tila natural na natural pa ring reaksiyon ng
babae.

"Remove your cap and stop acting cool," matigas na utos niya. "Talk to me properly
if you want me to agree with your plans."

Pasimpleng sumunod si Alex. Pomormal ito ng upo at naghubad ng sumbrero nang hindi
pa rin tumitingin sa kaharap.

"Look at my face while I'm talking to you."

Saka lamang ito napilitang tumingin sa kausap at kabadong napangiti. "A-Ano ba


kasing dapat natin pag-usapan nang tayong dalawa lang?"

Inangat ni Blake ang likod mula sa pagkakasandal sa upuan. Itinukod niya ang mga
siko sa mesa at bahagyang humilig papaharap sa babae para makausap ito ng mas
malapitan.

"I know you worship the confidentiality of your work. But since we are no longer in
a relationship, I'm hoping that you can answer me with total honesty this time.
Although everything between us is already part of the past but there are things I
feel I deserve to know. Huwag kang mag-alala, anuman ang maging sagot mo wala nang
magbabago sa kung anuman tayo ngayon. I won't ask you too to answer me in details,
just simple yes or no is enough."

"A-Ano bang gusto mong malaman?" naasiwang tanong ni Alex.


Humugot muna ng isang malalim na buntong-hininga ang lalaki bago simulan ang
pagtatanong.

"The case you're handling right now, yan pa rin ba ang suicide case na hinahawakan
mo when we were still together?"

Hindi agad nakasagot si Alex, parang nararamdaman niya na kung saan patutungo ang
pagtatanong ng binata.

"Kung nahihirapan kang ibuka ang bibig mo dahil labag yan sa rules ng pinakamamahal
mong trabaho, pwede mo akong sagutin ng tango o iling."

Hindi pa rin sumagot si Alex at muli itong umiwas ng tingin sa lalaki.

"Sagutin mo ako kung gusto mo akong mapapayag na makipagtulungan sa inyo," matigas


na banta ni Blake.

Saka lamang napilitang tumango ng dahan-dahan ang dalaga.

"By the time you started this investigation, were you aware already na maaring
konektado ito sa akin?"

"B-Blake..."
"Just a simple yes or no Alex," mabilis na pagputol ng lalaki sa sasabihin ng
kaharap.

Tumango ulit si Alex.

"Did you take this case because of me?"

"B-Blake..."

"I said only yes or no Alex!"

Dahan-dahan at pilit na pilit na napatangong muli ang dalaga sabay yuko nito.

"Look me in the eyes Alex. I want to see what it says because I'm starting to
believe them more than your words."

Napipilitang ibinalik ni Alex ang tingin sa mga mata ng kausap.

"Did all the mess in our relationship started because you wanted to protect me?"

Sumagot ulit ng tango ang dalaga.


Nanghihinang napasandal si Blake sa upuan. Ipinikit niya ang mga mata habang
nararamdaman ang unti-unting pagkatunaw ng kanyang nagmamatigas na puso. Sa mga
sandaling iyon ay gusto niyang yakapin ng mahigpit si Alex, magmakaawang muli at
bigyang laya ang puso niya na muli itong mahalin.

Subalit pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay napamasahe siya sa kanyang noo
habang nag-iisip ng tamang paraan kung papaano tatanggapin sa sarili ang mga
narinig mula sa dating kasintahan. Ayaw niyang magpadalos-dalos. Unti-unti na
siyang nakakawala mula sa sakit na naranasan kaya dapat ay maging maingat na siya
sa pagdedesisyon pagdating sa dalaga.

Naniniwala siyang ang pagmamahal ni Alex sa kanya ang nag-udyok para bumalik ang
dedikasyon nito sa trabaho. Na siguro nga ay mas nanaig sa lahat ang kagustuhan
nitong protektahan siya kaya siya nito nagawang saktan. Ngunit gaano pa man kaganda
at kapuro ang intensiyon nito o kahit pa sundin niya ang kasalukuyang sinisigaw ng
kanyang dibdib dahil sa natuklasan....hindi pa rin nito mababago ang katotohanang
wala na sila. Iniwan na siya nito at mas pinili nito ang trabaho.

"Maaring nag-umpisa ang lahat dahil sayo Blake. Sa una ay gusto kung masiguro ang
kaligtasan mo pero hindi lang yan ang dahilan kung bakit nagawa kitang saktan at
iwanan..." mahinang paliwanag ni Alex.

"I understand. At first you wanted to protect me then the case became bigger and
complicated until you had no choice but to leave me and sacrifice your relationship
for your duties, right?" pagputol niya sa paliwanag ng dalaga nang may pait sa mga
ngiti.

Tumango si Alex.

"You don't have to explain I'm starting to understand you right now and besides
kahit ano pa mang paliwanag mo, nangyari na ang nangyari at hindi na nito
maibabalik ang ating relasyon, right?...After all, ganun pa rin naman ang magiging
desisyon mo di ba?"

Napapayukong sumagot ulit ng tango si Alex.

Huminga ng malalim si Blake. Gusto niyang papaniwalain ang sarili na nagmamatigas


lamang ang babae, na walang nagbago sa pagmamahal nito at may pag-asa pa rin itong
bumalik sa kanya. Kanina lamang sa pagligtas nito sa kanya mula sa panganib, ramdam
niya pa rin ang hindi masukat na pag-aalala nito.

"I have one last question at pwede bang sagutin mo ako nang diretsong nakatingin sa
aking mga mata," seryosong wika niya nang may bahid ng pakiusap.

Nag-angat ng mukha ang dalaga at matapang na tumingin ng diretso sa mukha niya.


"Okay."

"I remember clearly what you said when you broke up with me. Sinabi mo na ayaw mo
na akong mahalin. Were you able to do it? I mean, nagtagumpay ka bang turuan ang
sarili mo na huwag na akong mahalin?"

Unti-unting naging blangko ang mukha ni Alex. Maging ang mga mata nito ay nawalan
ng reaksiyon hanggang sa dahan-dahan ulit itong tumango.

Napangiti ng matamlay si Blake. Naramdaman niya na naman ang paghiwa ng kanyang


dibdib...subalit ngayon hindi na ito kasing sakit at kasing lalim gaya dati.
Marahil nga ay totoong napag-aralan niya ng tanggapin ang katotohanan sa kanila ni
Alex.
"Can you answer me in words?" pakiusap niya.

"Oo. Natutunan ko nang huwag kang mahalin Blake. Kung iniisip mong kagaya pa rin ng
dati ang nararamdaman ko sayo dahil sa ipinakita kong pag-aalala kanina ay
nagkakamali ka. Ganun lang ang naging reaksiyon ko dahil kahit papaano ay espesyal
ka pa rin sa akin. Hindi pa rin mabubura ang katotohanang ikaw lang kaisa-isang
lalaking minahal ko kahit pa parte na lamang ito ng nakaraan," matapang at walang
pagdadalawang-isip na sagot ng dalaga.

Ngumiti si Blake nang may taglay na tamlay sa mga mata. Bagama't may konting sakit,
napapatango rin siya bilang pagsang-ayon sa sagot ng kausap.

"Thank you for answering everything and for being honest. And thank you for wanting
to save my life for the second time around. Siguro ang pwede ko na lamang maiganti
sa mga mabubuting bagay na nagawa mo para sa akin ay ang burahin ang lahat ng mga
ikinikimkim kong sama ng loob sayo. I'm setting you free from all my grudges. I now
respect your decision and accept your reason for breaking up with me. I wish you
goodluck in your job. Be careful and I hope you'll continue to be happy in
fullfilling your duties. And this time let us let go of each other with peace in
our hearts."

"S-Salamat," napapalunok na sagot ni Alex habang pinipilit ang sarili na ngumiti.

"I'm tired. I want to go home now. Although we met in an awkward situation, still
nice to see you again Alex," paalam ng binata at sabay tayo nito.

Nataranta bigla si Alex nang makitang humahakbang na si Blake papalabas.

"T-Teka, teka. San ka pupunta?"


Hinarangan niya ang lalaki. Hinawakan niya ito sa magkabilaang balikat at
sapilitang ibinalik sa kinauupuan nito.

"Sandali lang, hindi pa tayo tapos, mag-usap!" pigil niya dito.

"B-Bakit may sasabihin ka pa ba?" naguguluhang tanong ni Blake.

Sa pagkakataong iyon ay sa tabi na ng binata naupo si Alex para mapigilan agad o


maharang ito kung saka-sakaling balakin ulit nitong umalis.

"Wala ka pang sinasabi kung pumapayag ka ba sa suggestion namin tungkol sa pagba-


bodyguard ko sayo!"

"No. I don't agree on that one," matigas na sagot ni Blake.

Nagsalubong ang mga kilay ni Alex sa narinig. "Ang daya mo ah! Sabi mo kapag
sinagot ko lahat ng mga tanong mo papayag ka!"

Napamaang si Blake ng ilang saglit sa tila batang reaksiyon ni Alex. Isa pa rin sa
hindi niya maintindihang ugali nito hanggang ngayon ay kung papaano nito nagagawang
magpalit ng timpla ng emosyon ng napakabilis.

"I didn't say na papayag ako. As far as my tone is concerned, ang way ng
pagkakasabi ko ay malamang na pumayag ako," patol niya sa babae.

"Hindi! Malinaw na malinaw na narinig kong sinabi mo na kung gusto kitang mapapayag
ay dapat sagutin ko muna ang mga tanong mo!" giit ni Alex.

Natawa si Blake nang may hirap makapaniwalang mukha. "Do you still see me as a joke
Alex?" tanong nito habang unti-unting pumupormal ng mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" natitigilang bigkas ng dalaga.

"When are you going to reconsider my feelings? Una, pinagmukha mo akong tanga sa
pagsisinungaling mo. Next, sinaktan mo ako na halos kulang na lang ay mamatay ako
sa sakit sa pakikipaghiwalay na ginawa mo. Ngayon naman pinaramdam mo sa akin kung
gaano ako kawalang kuwentang lalaki para ipagtanggol mo pa ako. And what do you
want to happen in the future? Do you want me to live the rest of my life in misery
and guilt kapag may nangyaring masama sayo sa pagbabantay sa akin?"

Hindi agad nakasagot si Alex. Naiintindihan niya ang punto ni Blake subalit
naniniwala siyang ang kaligtasan nito at ang paghuli pa rin sa mga kaaway ang mas
mahalaga sa mga sandaling ito. Wala na munang puwang sa dibdib niya ang pagiging
emosyonal lalo pa't totoo ngang nasa panganib ang buhay ng lalaki. Wala siyang
pakialam anuman ang isipin sa kanya ni Blake, ang importante ay mahuli niya ang
dapat mahuli at pagbayarin ang mga ito sa kanilang mga kasalanan.

"Hindi pwedeng walang magbabantay sayo na pulis Blake. Nakita mo naman kung papaano
ka pinagtangkaang patayin kanina."

"Eversince I was born, the threats in my life were come and go. How many times I
was threatened for kidnapping, extortion and now this. Yan ang nagagawa ng pera sa
buhay ng mga kagaya ko Alex. And I don't worry a lot about that dahil kung oras ko
na, oras ko na. Kung magpapadala ako sa takot, I'm not going to have a normal
life."

"Anong kung oras mo na, oras mo na?! Sa tingin mo buhay ka pa ngayon kung pinili
kong huwag kang bantayan?! Huwag mong lokohin ang sarili mo na hindi mo kailangan
ng proteksiyon! Sa aminin mo man o hindi, hindi sapat na ikaw lang ang magtatanggol
sa sarili mo!" napipikong pahayag ni Alex.

"Did I say I won't seek for ways to protect myself? I'll get the best bodyguards in
the world and guess what, you are not going to be one of them," napapangising sagot
ni Blake.

Huminahon ang babae at muli itong nakiusap ng maamo. "Kahit pa kumuha ka ng


magagaling na bodyguards, iba pa rin pag pulis ang gumawa nito. Dahil mas
naiintindihan namin ang kaso at mas alam namin kung ano ang maaring sunod na galaw
ng kalaban. Please Blake, tulungan mo akong malutas ang kasong ito at ipinapangako
kong mas magiging ligtas ka pag kami ang nagbantay sayo."

"Alex I am a normal human being. Hindi ako kagaya mo na kayang diktahan ang sarili
kung ano ang dapat mong maramdaman. Hindi kasing tigas ng dibdib mo ang dibdib ko.
I hope you understand that I'm still in the middle of moving on from our
relationship. Ngayon, papaano ako makakapag move on ng tuluyan kung nasa tabi
kita?"

"PUTSA MAS IMPORTANTE PA BA YANG MOVE ON-MOVE ON NA YAN KESA SA BUHAY MO!!!" di
napigilang singhal ni Alex.

"YES IT IS!!! DAHIL PARA RIN LANG AKONG UNTI-UNTING NAMAMATAY HANGGA'T HINDI KITA
KINAKALIMUTAN!!!"

Biglang natahimik at natulala si Alex. Siya namang tayo ulit ni Blake at lakad
papalabas ng pintuan.
Natauhan ang dalaga nang mapagtantong nakalabas na ang kausap. Dali-dali niyang
hinabol si Blake at muli itong kinumbinsi habang bumubuntot.

"Blake, okay lang na ibalik mo lahat ng sama ng loob mo sa akin. Kung gusto mo
samantalahin mo ang pagkakataong ito na gantihan ako, okay lang tatanggapin ko!
Kung natatakot ka na muling mahulog ang loob mo sa akin, puwes isipin mo na lang
lahat ng mga kasalanang nagawa ko sayo o kung gusto mo naman gagawin ko ang lahat
huwag ka lang uling magkagusto sa akin! Isipin mo na lang na nauto ka ng pekeng
Alex ng apat na taon. Hayaan mo simula ngayon makikita mo na kung sinong Alex
talaga ako, yung tipong ikaw na mismo ang magpapasalamat at hiniwalayan kita!"

Huminto si Blake at nagtitimping humarap sa nagpupumilit na babae.

"Alex, for once, just for once! Pwede bang pag-isipan mo naman munang mabuti ang
isang bagay bago ka magdesisyon. Bakit ba parang napakadali sayo lahat? You left
when you thought you had to leave. Magpapakita ka kung kelan mo gustong magpakita.
At sa unang pagkakataong nagkita tayo pagkatapos ng matagal na panahon, ginulat mo
ako ng mga pasabog tungkol sa mga bagay na inilihim mo akin . And now you want to
be back in my side as my bodyguard, forcing me to act as if nothing had happened
between us. Please, for god sake stop making fun of me!"

Hindi pa rin sumuko ang dalaga patuloy pa rin ito sa pagkumbinsi sa kausap hanggang
sa makarating si Blake sa kung saan nakaparada ang sasakyan nito.

"Blake hindi ka pwedeng umuwing mag-isa. Baka maliban sa hitman kanina ay may iba
pang nag-aabang sayo, ihahatid na kita!" pilit pa rin ng dalaga.

"Stay away from me Alex. Ayaw kong umabot tayo sa puntong ipagtulakan pa kita
papalayo," mahina ngunit matigas na salita ng lalaki.
Sumakay si Blake ng kotse. Napipikong pinaandar nito ng mabilis ang sasakyan kahit
pa naghahampas si Alex sa bintana habang nakikiusap pa rin. Nang makalayo-layo sa
headquarters ay saka lamang niya ibinalik sa normal ang takbo ng kotse. At
pagkatapos ay nanggigigil na napapalo siya sa manibela.

Nagtatalo ang kanyang puso't isipan. Sa kaloob-looban ng dibdib niya ay natutuwa


ito na kahit papaano ay babalik sa tabi niya si Alex ngunit matindi naman ang
pagtutol ng kayang isipan. Mas lalo niya lang pahihirapan ang sarili, baka muli na
namang lumalim ang pagmamahal niya dito. Babalik nga ito sa tabi niya ngunit iba na
ang papel nito sa kanyang buhay, tiyak na iiwanan lamang ulit siya nito kapag tapos
na ang kaso. At higit sa lahat ayaw niyang mapahamak ito ng dahil sa kanya.

Wala siyang tiwala sa kalagayan ng puso niya ngayon kaya't anuman ang mangyari, ang
dinidikta ng utak ang susundin niya.

Natigilan siya sa malalim na pag-iisip nang mapansin ang isang sasakyang nakabuntot
sa kanya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang si Alex ang nagmamaneho
nito. Itinabi niya ang sasakyan at tumabi rin ang babae. Bumaba siya at lumapit kay
Alex. Lumabas din ng kotse ang babae at sinalubong siya ng ngiti.

"Hindi ka ba titigil? What you're doing right now is an invasion of my privacy.


Gusto mo bang idemanda ko kayo?"

Ngumisi si Alex. "Mr. Monteverde sa ayaw at sa gusto mo susundan kita. Trabaho


namin ito at kung may konsensiya kang tao hindi mo ipagdadamot sa amin ang
pagkakataong malutas namin ang isang krimen. Hindi lamang para sayo kundi para na
rin sa mga taong umaasa rin na mabigyan sila ng katarungan."

Nangalit ang mga panga ni Blake sa pagmamatapang ng babae. "Fine, do whatever you
want to do but don't expect me to cooperate with you! And know your limitations or
else I'll sue you at sisiguraduhin kong mawawala sayo yang pinakamamahal mong
trabaho, "madiing banta niya...

-----

Alas dos na ng madaling araw. Nasa harap pa rin ng gate ng bahay nina Blake si Alex
at matiyagang nagmamanman. Pinaninindigan niya ang pagbabantay sa lalaki gaano man
katindi ang pagtutol nito. Sa umpisa lang ito, alam niyang lalambot din ang
kalooban nito kapag nakapagisip-isip na ito ng mabuti.

Sumandal siya sa upuan ng kotse. Napapangisi siya habang nilalarawan sa isipan ang
maaring naging reaksiyon ni Garcia pagkatapos malamang nabigo ang hitman at nasa
kamay na ito ngayon ng mga pulis. Tiyak na umiikot ang tumbong ngayon ng demonyong
negosyante sa pag-iisip ng paraan kung papaano lulusutan ito. Sisiguraduhin niya
namang pipigain niya hanggang buto ang nahuling lalaki hanggang sa mapaamin niya
ito.

Humikab siya. Unti-unti niya ng nararamdaman ang antok at pagod. Ipinikit niya ang
mga mata para umidlip ng ilang saglit. At nang nag-aagaw tulog na siya ay bigla
siyang nakarinig ng katok sa bintana ng sasakyan. Nagmulat siya at nakita niyang
kinakatok siya ng isa sa mga guwardiya nina Blake. Ibinaba niya ang salamin ng
bintana.

"Ma'am pinapapasok ho kayo sa loob ni Sir Blake."

Nagliwanag ang mukha niya at biglang nawala ang kanyang antok. "Sigurado ka?"

"Oho tinawagan kami sa intercom at siya pa ho mismo ang nag-utos na papasukin na


kayo."

"Ah talaga. Sige salamat!"


Walang pagdadalawang-isip na binuhay niya ang kotse at ipinasok ito sa loob ng
bakuran ng bahay. Pinarada niya ito sa mismong garahe ng mansiyon. Ngingiti-ngiting
lumabas siya ng sasakyan at naglakad papasok ng bahay. Sabi na nga ba't lalambot
din ang dibdib ng lalaki. Eto na ang simula, ramdam niyang malapit niya na itong
mapapayag tungkol sa plano nila.

Iginala niya ang mga mata sa paligid habang naglalakad. Unti-unti niyang
napagtatanto kung gaano niya na-miss ang naturang bahay. Naghahalo ang tuwa at
lungkot sa kanyang dibdib. Umiling siya at kumurap ng ilang beses nang mapansing
medyo nadadala siya ng damdamin.

"Bawal maging sentimental Alex," paalala niya sa sarili.

Pagdating niya sa loob ng bahay ay nakaabang na doon si Manang Cora. Mangiyak-


ngiyak itong lumapit at yumakap sa kanya.

"Kumusta ka ng bata ka? Ano bang nangyari sayo at ngayon ka lamang ulit bumalik
dito?"

Naantig siya sa reaksiyon ng matanda. Nakangiting ginantihan niya rin ito ng yakap.
"Naging busy ho ako sa trabaho."

Kumawala sa yakap ang katulong at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Bakit
ganyan ang hitsura mo? Bakit parang pagod na pagod ka? Mukhang pinababayaan mo na
ata ang sarili mo ah."

"Ah eh salamat manang sa pag-aalala. Talagang ganito ho minsan, may mga


pagkakataong halos wala na akong tulog . Alam niyo naman ho ang nature ng trabaho
ko," sabay gala niya sa mga mata. "Nasaan ho si Blake?"

"Nasa kuwarto niya. Inutusan niya na lang akong asikasuhin ka. Halika sasamahan
kita sa kuwarto mo."

Sumagot siya ng ngiti ngunit sa loob niya ay nakaramdam siya ng kaunting kirot sa
malamig na pagtanggap sa kanya ng lalaki. Umiling ulit siya at kumurap.

"Bawal maging emosyonal Alex," bulong niya sa sarili.

Dinala siya ni Manang Cora sa katabing kuwarto ni Blake. Ang mismong kuwartong dati
niyang ginamit noong nagsisilbing alalay pa lamang siya ng binata.

"Sige ho Ma'am Alex, tawagan niyo na lang ako pag may kailangan kayo," paalam ng
katulong.

"Salamat manang, pasensiya na kayo kung naistorbo ko ang pagtulog niyo."

Pagkaalis ng matanda ay agad siyang pabagsak na nahiga sa kama. Idinipa niya ang
mga kamay at kinapa-kapa ang malambot na higaan.

"Namiss kita," nakangiting sambit niya na tila ba muli silang nagtagpo ang isang
dating kaibigan.
Bigla siyang natigilan habang ninanamnam ang komportableng kama. Naalala niyang
madumi na nga pala ang damit niya at dapat siyang magbihis. Nakakahiya naman atang
dudumihan niya ang napakalinis na higaan. Bumangon siya at naghubad ng jacket at
sapatos. Lumapit siya sa closet para maghanap ng kahit anong damit na naroroon
subalit nang buksan niya ito ay wala itong kalaman-laman.

Dismayadong bumalik siya sa kama at nahigang muli. Ngunit maya't maya siyang hindi
mapakali. Gusto niyang maligo o maglinis man lang ng katawan kaya lang wala siyang
pampalit na malinis na damit. Napipilitan siyang bumangon muli. Lumabas siya ng
silid at lakas-loob na kinatok ang kuwarto ni Blake.

Nakailang katok muna siya bago ito nagbukas. Seryosong mukha ng lalaki ang bumungad
sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Why? Don't ever think that you're still allowed in this room," malamig na sabi
nito.

Nahihiyang nginitian niya ito. "A-Alam ko naman yan...Gusto ko lang magpasalamat at


pinatuloy mo ako dito sa bahay niyo."

"You're welcome."

Walang pasabing pinagsaraduhan siya nito ngunit mabilis na iniharang niya ang kamay
sa pinto.

"What else? May sasabihin ka pa ba?"


"Ah Blake pasensiya na sa istorbo.... p-pero okay lang bang kunin ko yung mga
naiwan kong damit diyan?"

Ngumisi ang lalaki. "Masyado ka naman atang bilib sa sarili mo. What makes you
think na hanggang ngayon ay may mga gamit ka pa rin sa kuwartong ito?"

"Ah-eh hindi naman sa ganun, nagbabaka-sakali lang. Sige, salamat at pasensiya ulit
kung naistorbo kita."

Mabilis itong nagsara ng pinto subalit ilang saglit lamang ay muli niya itong
kinatok.

"Ano pa?" medyo iritableng tanong ng lalaki nang muli siyang pagbuksan.

"Ah pwede bang manghiram ng T-shirt mo?" diretsong sabi niya.

Natigilan ng ilang sandali ang binata. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito
at pabalibag na pinagsaraduhan siya ng pinto.

Napaigtad siya sa pagkabigla. Wala siyang nagawa kundi bumalik ng nakasimangot sa


katabing kuwarto.

"Haist! Kelan ka pa natutong magsungit ulit ng ganyan!" inis na wika niya habang
nakanguso sa direksiyon ng kuwarto ni Blake. "Kasasabi mo lang na wala ka ng sama
ng loob sa akin tapos ganyan ka, sinungaling!"
Napilitan siyang mahiga ulit sa kama. Tinakluban niya ng unan ang mukha at hinintay
na dalawin na lang ulit ng antok.

Tok.Tok.Tok.

Bumangon siya at napangiti. Si Manang Cora nga pala pwede niyang hiraman ng kahit
t-shirt man lang. Nakangiting binuksan niya ang pinto sa pag-aakalang ang matandang
katulong ang kumakatok. Subalit nagulat siya nang bumungad sa kanya si Blake at
bitbit nito ang ilan sa mga naiwan niyang damit.

Walang pasabing pumasok sa loob ng kuwarto ang lalaki at ibinato sa kama ang mga
bitbit. Inismiran niya ito dahil ramdam niya nang nagsisinungaling ito kanina.

"I remember hindi pa nga pala naitatapon ng mga katulong ang box na pinaglagyan ko
ng mga gamit mo," palusot nito.

Nakasimangot na pinagdadampot niya ang mga damit sa kama.

"Salamat,"labas sa ilong na sabi niya.

"By the way, tungkol sa pagbabodyguard mo sa akin. I decided to reconsider it."


Natigilan siya sa ginagawang pag-aayos ng damit. At napapatangang tumingin kay
Blake.

"P-Pumapayag ka na?" di makapaniwalang tanong niya.

Tumango ang lalaki. "If you're going to stalk me like this everyday. I think it's
better to agree."

Unti-unting namilog ang mga mata ni Alex at gumuhit ang abot tengang ngiti sa
kanyang mga labi. Tuwang-tuwang lumapit siya kay Blake at niyakap ito ng mahigpit.

"Salamat! Salamat! Promise gagawin ko ng maayos ang trabaho ko para matapos agad
ang kasong ito!"

Namumula ang pisngi na kumawala si Blake sa mga yakap at ipinaramdam sa babae ang
pagkaasiwa sa pagiging pisikal nito. "Wait a minute. Bago ka matuwa linawin muna
natin ang mga bagay-bagay. Since we look like we're making fool of ourselves here,
let's set rules in this crazy game that you're trying to create."

Naupo si Alex si kama nang hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi. "Okay lang,
kahit anong rules tatanggapin at susundin ko."

Inilabas ni Blake ang isang papel at ballpen mula sa bulsa at ibinato ito sa babae.

"Take note of what I'm going to say."


Sinalo ito ng babae at masiglang naghanda sa pagsusulat. "Okay."

"First, you are my bodyguard and will only act as my bodyguard. Meaning, hindi ka
na pwedeng manghimasok sa buhay ko. We have to keep our distance from each other at
itanim natin pareho sa ating mga isip na wala na tayong relasyon. We have to make
sure na hindi nito maaapektuhan ang ating pagmomove on sa isa't isa. Then, you
can't give opinion unless you're asked to. You're blind and mute for whatever I do.
Pwede ka lang makialam kapag may kinalaman ito sa kaso mo. Second, you'll do the
job of being my driver which means sometimes you have to do some errands for me..."

Seryosong sinusulat ni Alex ang mga naririnig habang tumatango bilang pagsang-ayon.

"Next, you can't enter Golden Pacific. I don't want to look stupid in front of
people there for allowing my ex-girlfriend to be my bodyguard. I think you don't
have to worry about my safety within the company since starting tomorrow mas lalo
ko pang pahihigpitan ang security ng building. You can only wait for me inside the
car in the parking lot. Agree?"

"Agree!" sagot ng babae.

"Next, you must not affect my work schedules. Hindi ako pwedeng ma-late or wala
akong dapat ma-miss na mga appointments because of this. Finally, you can't act as
my bodyguard in front of the people na nakakaalam sa dati nating relasyon except of
course to those close people who knows our real situation today..."

"Eh ano dapat ako?" takang tanong ng dalaga.

"A close friend. Let's pretend to be ex-lovers who eventually become friends...."
"O-Okay," kibit-balikat na tugon ni Alex.

"Naisulat mo bang lahat?"

"Oo."

"Goodnight then. Madaling araw na at maaga pa ako sa office bukas."

"Teka lang!"

Natigilan si Blake. "Bakit may nakalimutan ka bang isulat?"

"Huwag kang one-sided. Kung may rules ka, dapat may rules din ako."

"And what are your rules?" kunot noong tanong ng lalaki.

"Hindi lang pagbabodyguard sayo ang trabaho ko. Marami pa rin akong mga
iniimbestigahang bagay kaya't hindi ko maibibigay sayo ang buong oras ko. Una,
papayagan mo akong umalis kapag naihatid na kita sa opisina at babalik lamang ako
pag susunduin ka na o kung may iba ka pang lakad. Pangalawa, hindi mo ako pwedeng
pakialaman sa mga lakad ko lalong-lalo na pag may kinalaman ito sa trabaho.
Pangatlo, ako ang magpapaliwanag kay Don Henry tungkol sa biglaan kong pagsulpot
dito sa bahay niyo. Panghuli, hindi ka pwedeng lumabas mag-isa anumang oras. Ibig
sabihin kapag wala kang bantay sa tabi mo, dapat nasa bahay ka lang o kaya't nasa
opisina ka."

"Okay, but as I said you should not make any conflict to my schedules," mabilis na
pagsang-ayon ni Blake sabay hakbang palabas ng kuwarto.

"Shoot! Ano okay na nagkakaintindihan na tayo?" masayang sambit ni Alex.

"Okay...Ah before I forget," pahabol na wika ni Blake habang nakahawak na sa door


knob. "Since you told me you totally removed your feelings for me, I trust you to
be firmed about that matter. So I'll have my one last rule.... Don't ever fall in
love with me again, Captain Valdemor."

Napanganga si Alex sa huling narinig. Pansamantala siyang hindi nakagalaw at


kitang-kita niya kung paano siya kinindatan ng nakangising lalaki habang isinasara
nito ang pinto.

"Make sure you wrote everything....especially the last one," ngingiti-ngiting


dagdag pa nito....

••••••

Maaga pa lang ay naghahanda na patungong trabaho si Blake. Ngingiti-ngiting


pinagmasdan niya ang sarili sa salamin habang tinutupi ang manggas ng suot na
longsleeve. Nasasabik siyang isipin kung ano ang mga mangyayari sa unang araw ng
pagbabodyguard sa kanya ni Alex.
"You're one hell of a handsome man....Show her what you got and make her realize
what she's going to lose," pagmamayabang niya sa harap ng salamin.

Hindi niya na pinag-isipan pang mabuti ang pagpayag sa pagbabodyguard ng dating


kasintahan. Hindi niya rin naman matiis na binabantayan pa rin siya nito kahit
madaling araw hanggang sa labas ng kanyang bahay, kung kaya't wala siyang magawa
kundi magtiwala na lamang dito at sa kakayahan nito kesa mahirapan ito o kaya'y
baka lalo itong mapahamak sa paraan ng pagbubuntot nito sa kanya. Bagama't dapat
siyang mag-alala dahil sa kasalukuyang panganib na nakaamba sa kanilang dalawa,
ngunit sa loob-loob niya ay may dahilan pa rin para matuwa siya.

Sabi nga ng kanyang lolo, tadhana ang gumawa ng paraan para lumayo si Alex. Ngayon
ay kapalaran din ang gumawa ng dahilan para muling bumalik sa tabi niya ang babae.
Siguro ay hindi lamang ito para sa kaligtasan niya, kundi isa itong pahiwatig na
binibigyan sila ng panahon para ayusin ang lahat....Kaya't sa muling pagkakataon ay
susubukan niya uling paibigin ang dalaga.

Papaano?

Kung hindi niya ito nakuha sa paulit-ulit na pagmamakaawa, ngayon ay kukunin niya
ang loob nito sa paraan kung papaano ito dating nahulog sa kanya.

Ibabalik niya ang Blake na may magaspang na ugali. Ipapamukha niya kay Alex kung
sino ang mawawalan kapag hindi siya nito muling tinanggap. Hindi naman sa lumalaki
ang ulo niya pero siya si Blake Marlon Monteverde, ilang babae ba ang nag-
aambisyon, nangangarap, umaasa para mahalin niya. Kinaiiinggitan siya ng maraming
kalalakihan dahil sa kanyang hitsura at katayuan sa buhay. Kaya't papaano nangyari
na ang kaisa-isang babaeng mahal niya ay hindi mapapasakanya? Hindi siya
makakapayag. Paiibigin niya ito hanggang sa ito na mismo ang kusang makiusap na
magkabalikan sila. Hindi pa rin siya susuko, makikipagkumpetensiya siya kahit pa sa
pinakamamahal nitong trabaho.

Sa kabila ng planong pagpapaibig dito ay babakuran niya pa rin ang kanyang puso.
Hindi siya lubusang aasa at hindi rin niya tuluyang hahayaan ang sarili na muling
mahulog dito ng sobra-sobra. Kung mapaibig niya ito ay salamat, ngunit kung hindi
ay wala rin siyang magagawa kundi tanggapin na siguro nga ay hindi na sila para sa
isa't isa. Ang mahalaga ay wala siyang pagsisihan dahil kahit paano ay may ginawa
pa rin siya sa muli nilang paglalapit.

"Watch out for my last rule Captain Valdemor.... or else you're mine again,"
ngingisi-ngising pahabol niya sa salamin bago lumabas ng kuwarto.

Napalingon muna siya sa pinto ng dalaga bago bumaba. Lumapit siya dito at kumatok.
Nasasabik siya sa maraming bagay. Na makasama ulit itong mag-almusal, na makasabay
ulit ito sa sasakyan papasok ng opisina at makausap ulit ito habang nagmamaneho.
Hindi man lahat, ngunit kahit papaano ay mangyayari na ulit ang ilan sa mga bagay
na kinagawian nilang gawin.

"Alex, open the door. We're leaving now," pormal at matigas na tawag niya.

Walang nagbukas at wala ring sumagot.

"Alex! I said open the door! I have an early meeting this morning. Kapag nalate
ako, you're dead!"

Wala pa ring sagot.

Tumigil siya sa pagkatok at itinuloy na lamang ang pagbaba ng bahay. Baka sakaling
naghihintay na sa baba ang babae. Pagdating niya ng dining table ay wala pa rin
siyang Alex na nakita.
"Manang Cora, have you seen Alex?" tanong niya sa matandang nag-aasikaso sa kanyang
pag-aalmusal.

"Hindi ho sir."

Tinawag niya ang isa pang katulong upang hanapin nito ang babae.

"Check her in the gym, maybe she's doing her routine exercise," utos niya dito.

"Opo sir," saka ito nagmadaling tumalikod at umalis.

Nagdalawang-isip siya kung hihintayin si Alex sa pag-aalmusal kaya lang ayaw niyang
isipin nitong naatat ulit siyang makasabay ito sa mesa kaya't sinimulan niya ng
sumubo.

"How about grandpa? Kumain na ba siya?" tanong niya kay Manang Cora na noon ay
nakatayo sa bandang likuran niya.

"Eh sir di ba wala si Don Henry dito, nasa ibang bansa."

"Sorry, my bad. Oo nga pala."


Gusto niyang batukan ang sarili. Ano bang nangyayari sa kanya? Madalas na naman
siyang nawawala sa konsentrasyon. Simula nang sumulpot ulit sa harap niya si Alex
ay muli na naman nitong ginulo ang nanahimik na sana niyang utak sumabay pa ang
pag-aalala niya sa nangyaring pagtatangka sa kanyang buhay. Mahigit isang linggo
nang nasa Russia ang kanyang lolo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam ang
tungkol sa nangyaring pananambang sa kanya.

Naging mabilis ang pagkilos nina Alex sa pagsasaayos ng pinangyarihan ng krimen


kaya't hindi lumabas sa medya ang balita. Itinago din agad siya ng dalaga kaya't
walang gaanong nakapansin sa kanya mula sa mga nangungusisang tao. Hindi niya
maintindihan kung bakit mas gustong ilihim ng grupo ng dalaga ang tungkol sa
nangyari kaya't hindi ito kumalat maging sa Golden Pacific. Tanging ilan sa mga
kasamahan niya sa mansiyon na siyang nakasaksi sa crack ng salamin ng bulletproof
niyang kotse ang nagdududang may nangyaring masama sa kanya.

Balak niyang kausapin ang kanyang lolo tungkol sa nangyari pagbalik nito sa bansa.
Sa edad nito ay ayaw niya na itong nag-aalala habang malayo sa kanya. Sa ngayon ay
ipinagkakatiwala niya muna ang imbestigasyon sa grupo nina Alex subalit hindi ibig
sabihin nito ay wala na siyang gagawing sariling hakbang. Ayaw man sabihin ng mga
pulis kung sino ang taong gusto nilang hulihin pero hindi siya tanga para huwag
magkaroon ng ideya kung sino ito. Hindi niya nga lang talaga inasahang aabot pala
sa puntong ipapapatay siya ng taong iyon.

"Sir, wala din po sa gym si Ma'am Alex. Tiningnan ko na rin po yung ibang lugar,
hindi ko rin nakita," sabi ng inutusang katulong.

"Okay, nevermind."

Nagmamadaling tinapos niya ang pag-aalmusal. Baka nasa sasakyan na si Alex. Alas
siyete na ng umaga at alam naman nitong alas-otso lagi ang pasok niya. Siguro naman
ay hindi pa ganun katagal ang apat na buwan nilang paghihiwalay para makalimutan na
nito ang schedule niya.

Malayo pa siya sa garahe ay naaninag niya nang may taong naghihintay sa kanya doon
ngunit habang papalapit ay unti-unting naglalaho ang excitement sa kanyang dibdib.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makaharap ng malapitan ang taong
nakatayo sa tabi ng isa sa mga sasakyang nakaparada. Si Balatbat.

"Hi Sir Blake! Good morning! Miss me?" ngiting-ngiting bati nito.

Imbes na sagutin ang masayang bati ay kumunot ang kanyang noo.

"What are you doing here?"

"I'm the bodyguard on duty today sir!"

"Bakit ikaw? Where's Alex?"

"She's over there and everywhere. Where she's needed the most," pagpupumilit mag-
ingles ni Balatbat habang tinuturo ang iba't ibang direksiyon.

Iritableng binato ni Blake ang susi sa pulis at lumapit sa sasakyang gagamitin.


Magkasalubong ang kilay na naupo siya sa likuran.

Bodyguard on duty? Anong ibig sabihin nito? Hindi talaga si Alex ang magbabantay sa
kanya, pwede ring magproxy ang mga kasamahan niya. Ano to? Inisahan lang ba siya ng
babae? Inaraw-araw siya nitong sundan para magpaawa at mapapayag pagkatapos
itatapon na lang siya sa kung sa sinu-sinong kagrupo.
"Hindi kayo natutuwa, ano? Ako rin hindi natutuwa," kusang sabi ni Balatbat habang
pinapaandar ang sasakyan nang mapansin ang dismayadong mukha niya. "Sadista talaga
yang ex-girlfriend mo sir! Akalain niyong hindi pa nga sumisikat ang araw ay
pinapapunta na ako dito sa inyo."

"Where is she now?"

"Nasa headquarters po. Meron kasing biglaang interrogation sa hitman na nagtangkang


pumatay sa inyo."

Nawala ang lukot sa noo ni Blake. "What time?"

"Hindi ko po alam eh. Pero alam ko ngayong umaga ang labas ng kriminal sa hospital
tapos diretso na siya sa headquarters."

"Let's drop by at your headquarters," utos niya.

"Huh? Anong gagawin niyo dun?" nakamulagat na tanong ni Balatbat.

"Gusto kong makita ng malapitan ang taong gustong pumatay sa akin."

"Teka sandali lang ho! Baka hindi ho pwede, ipagpapaalam ko muna kay Ma'am Alex."
Pomormal ng mukha si Blake at matapang na tiningnan ang kausap sa salamin. "Why do
I have to wait for her permission? I'm the victim of that man. Wala ba akong
karapatang makaharap ang taong yun?"

"P-Pero Sir Blake..." nagdadalawang-isip pa ring usal ni Balatbat.

"Pupunta ba tayo dun o babawiin ko ang pagpayag ko sa pagbubuntot niyo sa akin.


Sabihin niyo lang, madali naman akong kausap. In the first place you didn't really
clarify to me kung ano ang magiging set-up ng pagbabantay niyo sa akin. I'm
starting to become unhappy."

Napapakamot sa ulong napilitan si Balatbat na sundin ang gusto ng lalaki. Ipit na


ipit na siya sa dalawang hindi niya maintindihan kung parehong nagmamatigasan o
nagpapakiputan. Bakit ba kasi hindi na lang ang mga ito ang direktang mag-usap para
nagkakalinawan. Pareho pa namang mahirap suwayin kapag maiinit ang ulo. Napapailing
na lamang na ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Hindi na siya nagsalita pa baka
lalong mairita ang sakay eh pababain pa siya sa kalagitnaan ng daan.

Pagdating sa presinto, seryosong iginala ni Blake ang mga mata. Kailangang makita
niya si Alex. Pakiramdam niya ay hindi mawawala ang pagkairita niya hangga't hindi
nakikita ang babae. Gumising siya ng maaga, pinasabik niya ang sarili tapos yun
pala ay hindi niya man lamang masisilayan kahit anino nito buong araw.

Nagulat ang mga pulis sa bigla niyang pagdating. Wala siyang pakialam sa mga
nagtatakang mukha nito basta diretso lamang siyang naglakad patungo sa opisina ni
Alex. Wala sa table niya ang dalaga sa halip ay inabutan niya doon si James na may
kinukuhang mga files.

"Huh? Blake what are you doing here?" gulat na wika nito.
Tumikhim muna siya at pinilit maging natural ang reaksiyon. "I heard from SPO1 that
you're going to interrogate the hitman today so I came to listen," katwiran niya.

Nag-atubili muna si James kung sasang-ayunan ang narinig. "A-Actually Blake I don't
know if Alex will be okay about this..."

"That's what Balatbat told to me too," pagputol ni Blake sa sinasabi ng binatang


pulis. "But between Alex and me, sino sa palagay mo ang mas may karapatang makinig
sa sasabihin ng kriminal?"

"Well, I got your point," kunsumidong tugon ni James na halatang gustong pagbigyan
ang kausap. "B-But today's interrogation is actually an abrupt plan of Captain
Valdemor. Gusto niyang gawin ito bago pa man makapaghanda ng abogado ang kriminal,"
pabulong na paliwanag nito.

"Hindi ba bawal yan?" kunot noong tanong ni Blake.

"Diskarte ito ni Alex eh," katwiran ni James.

Nagmatigas si Blake sa gusto sa kaya't wala ring nagawa ang kausap kundi pagbigyan
siya. Isinama siya nito patungo sa isang silid. Pagpasok nila dito ay tumayo sila
sa harap ng isang one-way mirror na bintana ng isa pang silid na siya nang lugar ng
interogasyon. Nakikita niya mula sa bintana na tanging si Alex at ang hitman lamang
ang magkasama sa loob.

Pinagsuot siya ni James ng headphone para marinig niya ang usapan sa loob.
Napapabuntong hiningang pinagmasdan niya ang mukha ni Alex. Nakakahiwa ang mga
titig nito sa kriminal habang naghihintay ng mga sasabihin ng lalaki. Bakas na
bakas sa hitsura nito ang pagod at puyat. Madaling araw niya na ito kagabi
pinatuloy ng bahay subalit maaga pa lamang pala ay nakaalis na rin ito. Nagtataka
siya kung may natitirang lakas pa ba ang babae at kasabay nito ay ang pag-aalala na
baka bigla itong atakehin ng ini-interrogate na kriminal kahit pa may suot na posas
ang lalaki.

Matagal ang katahimikan sa gitna ng dalagang pulis at ng hitman. Nagtitigan lamang


ang dalawa na parehong may bakas ng ngisi sa mga labi.

"MAGSASALITA KA BA O GUSTO MONG IBALIK ULIT KITA NG HOSPITAL?!"

Napaiktad si Blake sa pagkagulat sa walang kaabog-abog na pagsigaw ni Alex.


Napakurap din siya nang bigla na lang nitong sinipa ang isang bakanteng katabing
upuan. Tumayo ito at lumapit sa kriminal. Lumakas ang kaba sa kanyang dibdib na
baka basta na lang itong saktan ng lalaki.

Ngunit laking gulat niya nang sikmuraan ng dalaga ang ayaw magsalitang kausap.
Hinawakan nito ang kuwelyo ng lalaki at hinatak papatayo.

"KANINA PA AKO NAGTITIMPI SAYO HA!"

Isinandal ng babae ang kriminal sa dingding at walang awa itong pinagsusuntok sa


tiyan.

"HINDI KA BA TALAGA MAGSASALITA?! SINONG NAG-UTOS SAYO HA?!!!"

Bahagyang napangiwi at napapikit si Blake sa pambubugbog na napapanood. Kung kanina


ay sa dalaga siya nag-aalala, ngayon ay parang mas nag-aalala na siya sa hitman.
"Aren't you going to stop her? Mukhang police brutality na yang ginagawa niya,"
turan niya kay James.

Tumawa lamang ng mahina si James habang nakahalukipkip na pinapanood ang mga


pangyayari. "She knows what she's doing. Criminals like him won't talk if you'll go
easy on them."

"But isn't he still wounded from the gun shots? Baka naman mapasama ang pananakit
niya and it will backfire in her job."

"Don't worry. She has lot of self-control dahil kung wala, dapat sa una pa lang ay
pinuruhan niya na ang pagkakabaril sa lalaking yan."

Tumahimik si Blake. Napapailing na lamang siya sa tapang ng babae ngunit kasabay


nito ay nakaramdam siya ng kaunting pag-aalala tungkol sa plano niya. Papaano niya
magagawang palambutin at paibigin ang babaeng kasalukuyang nagtataglay ng ganito
katigas na dibdib? Mukhang dadaan na naman siya sa isang napakasikip na butas ng
karayom.

Napamaang siya nang muling ibinalik ang atensiyon sa interrogation room. Bumunot ng
.38 caliber si Alex. Tinanggalan ito ng mga bala at nagtira lamang ng isa. Pinaikot
nito ang cylinder at itinutok ang baril sa sintido ng lalaki.

"Gusto mong makipaglaro sa akin ha, pwes maglaro tayo. Ano ngayon kung mamatay ka?
Tutal dapat naman ay tinuluyan na talaga kita nang gabing yun," ngingisi-ngising
sabi ng babae. "Akala mo may magsasalita dito pag pinatay kita? Wala. Pagtutulung-
tulungan ka pa naming ilibing!"
Namutla ang hitman ngunit hindi pa rin ito umiimik. Samantala, napapalunok naman si
Blake sa mga binibitawang salita ng dalaga.

Walang takot na kinalabit ni Alex ang gatilyo.

Napaangat ang mga balikat ni Blake sa pinagsamang kaba at pagkagulat habang


nanlalaki ang mga matang pinapanood ang ginagawa ng walang takot na babae.

Hindi pumutok ang baril. Subalit nanatiling nakatutok pa rin ito sa ulo ng lalaki.
Tinangka ulit ng dalaga na kalabitin ang gatilyo.

"Tama na po! Magsasalita na ako! SASAGOT NA AKO!" namumutlang pakiusap ng hitman.

Saka lamang isiniksik ng dalaga sa likod ang baril. Hinawakan nito sa kuwelyo ang
lalaki at itinulak papabalik sa upuan.

"Sagutin mo ng maayos ang mga itatanong ko sayo kung ayaw mong magdilim ang mga
paningin ko!" hinihingal na sabi ni Alex habang bumabalik sa upuan.

"Sinong nag-utos sayo?"

"H-Hindi ko alam."
Napapalo sa mesa ang dalaga at muling nagtangkang bumunot ng baril. "AKO BA TALAGA
AY PINAGLOLOKO MO LANG!!!"

"Nagsasabi ho ako ng totoo. Hindi ko ho talaga alam. Sa telepono ko lang natanggap


ang order at inihulog lamang nila sa bangko ang bayad," nagmamadaling paliwanag ng
lalaki.

Nagseryoso ng mukha si Blake habang nakikinig sa pagtatapat ng kriminal.

"Sino ang kausap mo sa telepono sa may grocery store?" tanong ni Alex.

Natigilan ang lalaki sa tanong at nagtatakang napatingin sa kaharap.

"Oo nandodoon ako at narinig kita. Hindi mo ba natatandaang ako ang bumangga
sayo?!" sagot ng dalaga habang pinandidilatan ang kausap.

"Y-Yun yung nagbigay sa akin ng utos. Pero sa telepono ko lang siya nakakausap at
hindi rin siya nagpakilala sa anumang pangalan. Boses niya lang ang nakikilala ko."

Dumukot si Alex sa jacket at inilabas ang litrato ni Blake. "Papaano napunta sayo
ang litratong ito?"

Napatanga ulit ang lalaki sa pagtataka kung papaano napunta sa babae ang larawan.
"Dinukot ko sayo yan! Kaya ka pumapalya dahil tatanga-tanga ka! Ang lakas ng loob
mo maging hired killer eh ang hina naman ng kukote mo!"

"N-Nakita ko na lang yang nakaipit sa pinto ng bahay ko. Pagkatapos ay saka ako
nakatanggap ng utos."

"Kilala mo ba kung sino ang taong to?"

Umiling ang hitman. "Hindi ko na inaalam kung sino ang pinaliligpit sa akin. Ang
importante ay magawa ko ang trabaho ko pagkatanggap ko ng bayad."

Bumuntong-hininga si Alex. Ngumisi ito at natatawang tumayo. "Hindi mo kinikilala


kong sino ang pinapapatay sayo? Pwes ngayon ipapakilala ko sayo kung sino siya."
Nakapamewang itong lumapit sa lalaki at walang pasabing hinawakan nito sa ulo ang
kinakausap at sapilitang pinatingala upang iharap sa nanggagalaiti nitong mukha.

"Siya lang naman ang lalaking mahal ko! ANG BOYFRIEND KO AT ANG MAPAPANGASAWA KO!
Ang galing mo rin namang mamili ng papatayin ano?! Pasalamat ka hindi siya nasaktan
dahil kung hindi baka kulang pa kahit paulit-ulit kitang patayin! HAHABULIN PA RIN
KITA KAHIT NASA IMPIYERNO KA NA!" sabay sipa ng babae sa sikmura ng napapatangang
kriminal.

Napanganga si Blake sa narinig. Hindi siya makagalaw at ramdam niya kung gaano tila
nagliyab sa init ang kanyang mga pisngi. Umakyat yata lahat ng dugo niya sa mukha.
Pansamantala siyang nabingi at parang kailangan niyang itaktak ang mga tenga upang
makasiguradong tama ang dinig niya sa mga sinabi ni Alex. Dapat niya rin atang
kurutin ang sarili para makasiguradong hindi siya nag-iilusyon lamang.

Natauhan siya sa panandaliang pagkabigla at napapalunok na tumingin kay James na


noon ay agad na napatikhim at ngingiti-ngiting tumingin sa kanya. Gumanti rin siya
ng ngiti. Talo niya pa sa mga sandaling iyon ang isang binatilyong sinagot sa unang
pagkakataon ng kauna-unahang babaeng niligawan. Ilang sandaling nag-usap ang mga
mata nila ng katabing pulis habang may mga natatawang reaksiyon na para bang
pinagkakatuwaan ang babaeng walang kamalay-malay kung sino ang nakikinig sa labas
ng silid.

Nagkunwari siyang tumingin sa suot na relos habang hindi maalis-alis ang pasimpleng
ngiti sa kanyang mga labi. Mahihirapan yata siyang sukatin kung gaano kataas ang
itinalon ng puso niya.

"I have to go to office now. Don't mention to Alex that I drop by,"paalam niya bago
pa man siya mahuling nakikinig ng babae.

"No worries. By the way congratulations mukhang ikaw yata ang nakajackpot ng
information sa interrogation na to," ngingiti-ngiting tukso ni James....

-----

Matamlay at maingat na naglalakad papasok ng bahay nina Blake si Alex. Bitbit niya
ang isang bag na naglalaman ng mga komportable niyang damit. Dumaan muna siya sa
sariling apartment dahil wala siyang pwedeng magamit para sa trabaho mula sa mga
naiwang damit sa bahay ng binata.

Galing din siya ng sementeryo at nanlulumo siya sa panghihinayang. Mayroon na


namang nag-iwan ng mga bulaklak sa puntod ni Grace at hindi niya na naman ito
naabutan. Malalim ang iniisip na napadaan siya sa sala.

"Habit mo na bang umuwi ngayon ng hatinggabi?"


Napalingon siya sa nagsalita. Si Blake. Nasa sala ito at doon ay abalang nagbabasa
ng mga inuwing trabaho. Nakasuot ito ng reading glasses at seryosong nakatingin
lamang sa binabasa.

"Bakit diyan ka nagtatrabaho?" puna niya.

"I'm waiting for you."

Napakunot siya ng noo. "Bakit mo naman ako hinihintay?"

"I want to clarify something," seryosong sabi nito nang hindi pa rin tumitingin sa
kanya.

Binitawan niya ang bitbit na bag at lumapit sa lalaki. "Anong gusto mong linawin?"

Tinanggal nito ang suot na salamin. Minasahe ang gitna ng mga mata at tiningnan
siya ng pormal.

"Do you really see me as a joke?" matigas na tanong nito.

Napalunok siya nang mahalatang mainit ang ulo ng kausap. " B-Bakit? A-Ano na naman
ang ginawa ko?"
Iritableng tinapon nito sa mesa ang binabasang files. "Bakit si Balatbat ang
nagbantay sa akin maghapon? Did you lie and beg me so I'd say yes pero ang totoo ay
itatapon mo lang ako sa mga kasamahan mo pagkatapos kung pumayag?! How can I trust
those people? Kaya ba nila akong protektahan? I said yes because you assured me of
my safety but how come you were missing already in the first day of your duty! Kung
alam ko lang na ganyan ang mangyayari eh di sana kumuha na lang ako ng mga private
bodyguards!"

Nataranta siya sa panggagalaiti ng binata. "Teka lang Blake huwag ka munang


magalit, magpapaliwanag ako. M-May emergency lang kaninang umaga kaya't si Balatbat
na lang muna ang pinasama ko sayo. Hindi ba ipinaliwanag ko naman sayong marami pa
rin akong ibang inaasikaso maliban sa pagbabodyguard ko sayo pero hindi pa rin
naman kita pababayaan kahit pa busy ako. Pag wala ako pababantayan pa rin kita sa
mga taong pinagkakatiwalaan ko at minomonitor pa rin naman kita," maamong paliwanag
niya.

"And Balatbat is the best that you can give me?" ngingisi-ngising sabi nito.

"Uy huwag mong maliitin yan si Balatbat, kahit gaganun-ganun yun. May itinatagong
galing yun!" nagmamalaking sagot niya.

"I don't care about your excuses! It's either you prioritized me or else babawiin
ko ang pag-oo ko sa mga plano mo!"

Sumimangot si Alex ngunit mabilis na nagbago ang kanyang mukha nang may marinig
siyang papalapit na mga yapak. Bigla siyang nataranta at mabilis na tumakbo't
nagtago sa likod ng couch na kinauupuan ni Blake.

"What are you doing? Naapektuhan na ba yang utak mo dahil sa pakikipagbarilan mo?"
"Sssh huwag kang maingay. Baka ang lolo mo yan," kinakabahang bulong niya.

Ngumisi si Blake. "Ba't ka natatakot magpakita? Akala ko ba ikaw ang magpapaliwanag


kay lolo kung bakit nandirito ka sa bahay?"

"Alam ko pero huwag naman ngayon, hindi ako prepared. Kailangan ko munang mag-isip
ng magandang speech."

Pinagmasdan siya ng binata at halatang natatawa ito sa pagtatago niya.

"Huwag kang tumingin baka mahalata ka!" gigil na sabi niya.

Tumawa muna si Blake at saka mabilis na nagsalita. "Grandpa is out of the country
right now."

Agad na napatayo si Alex at nakataas ang isang kilay na umingos sa lalaki. "Ba't di
mo sinabi kaagad?! Pinagmukha mo pa akong tanga."

"I didn't ask you to hide. Dapat nagtanong ka muna bago ka nagtago."

Napadaan si Manang Cora na siya palang pinagmulan ng mga yabag. Tumigil ito
pagkakita kay Alex at lumapit. "Andito na pala kayo Ma'am Alex. Kanina pa po ba
kayo?"
"Kadarating ko lang ho."

"Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko ho kayo ng makakain."

Nagsalubong ang mga kilay ni Blake sa narinig. "Oops, no need to do that Manang."
Tumayo ito at humalukipkip sa harap ng katulong. "Let me tell you something and
kindly tell also to the rest of the maids, sa muling pananatili dito ni Alex sa
bahay ay hindi niyo na siya kailangang pagsilbihan. Why? Because she is no longer a
special person to me," sabay tingin niya kay Alex. "Right?"

Nakasimangot na tumango ang dalaga.

"She is no longer my fiancee. Am I right Alex?"

Napipilitang tumango ulit ang babae habang binibigyan ng nakakahiwang mga titig ang
binata.

"And she's no longer my girlfriend, right Alex?"

Nakangusong tumango ulit si Alex.

"So para saan pa at pagsisilbihan niyo siya. She's here for her job purposes. Let
her do everything by herself. Hindi niyo siya kailangang tulungan. If she want to
eat let her prepare her own food. Don't follow any instruction from her unless I
agree to it, understand?"

Napipilitang tumango ang matandang katulong.

"Hindi mo na kailangang sabihin pa yan! Alam ko naman kung saan ako lulugar sa
bahay na ito!" nakaismid na sagot ni Alex."Pero teka nga muna kailangan ba talaga
ganyan? Bakit? Hindi mo na ba ako pwedeng itrato bilang kaibigan? Akala ko ba no
hurt feelings na tayong dalawa eh bakit parang bitter ka pa rin?!"nakapamewang na
dugtong nito.

"Uh-Uh,"sabay iling ni Blake nang may nangyayamot na mga ngiti. "Not in my book.
Yes, I told you I have no more grudges and that is true but... I don't make friends
with my exes."

Napakamot naman sa ulo si Manang Cora habang pinakikinggan ang dalawang kaharap na
parang mga batang nagsasagutan.

"Sige na ho manang. Pagod ho ako kaya't wala rin ho akong ganang kumain," sabi ni
Alex sa katulong habang nagtitimpi sa pagkakapikon sa binata.

Umalis ang katulong at sumunod din dito si Alex. Dinampot niya muna ang kanyang bag
at saka humakbang papaalis.

"Where are you going?" tanong ni Blake habang bumabalik ito sa pagkakaupo sa sopa.
"Matutulog na!" yamot na sagot ng babae.

"I haven't eaten my dinner yet," banggit ng binata at sabay na ipinagpatuloy nito
ang pagbabasa.

Natigilan si Alex at napatingin sa relos. Pasado alas dose na ng hatinggabi pero


hindi pa rin naghahapunan ang lalaki. Bigla siyang nag-alala para dito.

"Anong oras na ba't hindi ka pa kumakain?" kunwa'y inis na tanong niya.

"Wala akong gana.... but now I think I'm hungry," napapabuntong-hiningang sagot
nito. "Ihanda mo ako ng makakain."

Napanguso siya at napipilitang ibinaba ulit ang dalang bag. "Ba't ako? Dapat
inutusan mo na si Manang Cora kanina."

"Ngayon lang ako nagutom at ikaw lang ang nandirito para utusan ko. Nagrereklamo ka
ba? Didn't you agree in my rule that you'll do some errands for me."

"Oo pumayag ako pero bilang driver mo. Trabaho na ba ng driver ngayon ang
paghahanda ng pagkain mo?"

"Okay, if you don't want to then it's fine. I think I have no choice but to starve
myself," kibit-balikat na tugon ni Blake.
Nabibigatan ang mga paang sumunod si Alex sa utos. Kahit yamot sa lalaki, hindi
niya kayang tiising nagugutom ito. Nakasimangot na tumungo siya sa kusina.

"Prepare some sandwich for me," pahabol na bilin nito.

"Opo kamahalan!"

Ngingiti-ngiting bumalik sa pagbabasa ng mga reports si Blake. Nagseryoso ulit


siya sa pinag-aaralang mga files hanggang sa mahalata niyang dumaan na ang halos
tatlumpong minuto ay hindi pa rin siya binabalikan ni Alex.

Nagtatakang itinigil niya ang ginagawa at sumunod sa kusina. Pagdating niya doon ay
napatawa siya sa naabutan. Nakasubsob at nakatulog na sa dining table ang dalaga
habang hawak-hawak nito ang platong may lamang sandwich. Dinig niya rin ang
mahinang paghilik nito. Maingat siyang lumapit at naupo sa tabi nito.

Pinagmasdan niya ang natutulog na babae at marahang hinawi ang buhok na tumatakip
sa mukha nito. Umaapaw pa rin sa tuwa ang dibdib niya dahil sa hindi inaasahang
narinig na sinabi nito kanina. Iyon na yata ang pinakamasarap na mga salitang
narinig niya sa nagdaang apat na buwan.

Ngunit sa kabila ng nalaman ay napag-isipan niyang igalang pa rin ang desisyon ng


babae. Sapat na na nalaman niyang mahal pa rin siya nito. Ibibigay niya muna dito
ang isang sitwasyon kung saan ito mas komportable. Wala siyang balak itong
madaliin. At katulad nga ng plano niya, hihintayin niya pa ring ito ang kusang
magsabi na gusto na ulit nitong ibalik ang dati nilang relasyon.

Gumalaw ang dalaga at agad siyang tumayo mula sa pagkakatabi dito. Nagseryoso siya
ng mukha at marahang sinipa ang inuupuan nitong silya.

"Hey wake up! How can you sleep here?" masungit na sabi niya.

Naalimpungatan si Alex. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata at pinahiran ng kamay


ang gilid ng bibig.

"It's not your room. Ganyan ka na ba ngayon? Kung saan-saan ka na lang natutulog?"

"P-Pasensiya na. Nanghihina na talaga ako sa pagod," inaantok na sagot ng babae


habang nanatiling nakasubsob sa mesa.

"Nanghihina ka pero kanina kung makabugbog ka dun sa hitman akala mo kung sino kang
hindi nauubusan ng lakas," mahinang komento ng lalaki.

Natigilan si Alex sa narinig. "Paano mo nalaman na binugbog ko kanina ang taong


yun?" kunot-noong tanong niya.

"Dumaan ako ng headquarters at nanood sa ginawa mong interrogation. I was


interested to hear what that person had to say," kaswal na sagot ni Blake.

Napaisip ng ilang sandali si Alex. At biglang naglaho ang antok niya nang may
maalala. Agad siyang nag-angat ng mukha at tiningnan ang kausap nang may
nanlalaking mga mata.

"Anong mga narinig mo?"

"Your shoutings."

"Ano pa?" tanong niya habang lumalakas ang ingay ng kanyang dibdib.

"Uhmmm... actually I didn't hear a lot but I'd seen a lot. How could you easily
violate the right of that person?" natural na natural na sagot ng binata. "Nakita
ko kung papaano mo siya tinutukan ng baril and how you enjoyed pulling the trigger
in his head.

"P-Pagkatapos noon. A-Ano pang nakita't narinig mo?"

Napakibit ng balikat si Blake. "Wala na. I stopped watching and left. My sanity
couldn't take the sight of actual killing so I decided to stop watching."

Dinampot ni Alex ang ginawang sandwich at napakagat dito sa kaba. Nagdududang


tiningnan niya ulit ang mukha ni Blake.

"Nagsasabi ka ba ng totoo? Sigurado kang umalis ka na nung tinututukan ko yung


hitman?" tanong niya habang puno ang bibig ng nginunguyang pagkain.
"Yap."

"Hindi mo na rin ba narinig yung mga sinagot ng kriminal?"

"Hindi rin," sabay iling nito.

"Eh s-sa mga sinabi ko, wala kang importanteng narinig?" tanong niya at sabay kagat
ulit sa tinapay.

"Wala rin."

"S-Sigurado ka?"

Naupo sa tabi niya si Blake at tinitigan siya nito sa mga mata .

"You look tensed..."

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha at ngumisi.

"Bakit Captain Valdemor, meron ba akong hindi dapat marinig kanina? O baka naman
meron akong dapat mapakinggan... can you say it to me right now?" pabulong na sabi
nito.
"W-Wala..." napapalunok na sagot niya. "N-Nag-aalala lang ako b-baka may nabanggit
akong confidential tungkol sa kaso."

Kakagat ulit sana siya sa tinapay ngunit bigla itong inagaw ng lalaki.

"Stop eating my sandwich," nanunuksong bigkas nito at sabay kagat sa parte ng


pinagkagatan niya habang hindi inaalis ang malagkit na pagkakatitig sa kanya.
"Uhmm..this is good. I miss your sandwich, wifey," pang-aasar pa lalo nito habang
tila sarap na sarap sa pagnguya.

Dahan-dahan siyang sumimangot at walang pasabing inapakan ng madiin ang paa ng


nang-iinis na lalaki.

"I-wifey mo yang mukha mo!" sabay tayo niya at alis.

"AAAAH! Alex umpisa ka na naman sa pananakit mo ha!"....


••••••

Blag!Blag!Blag!

Naalimpungatan si Blake sa kalabog na narinig. Nagpalit siya ng posisyon at dumapa


ng higa. Tinakpan niya ng unan ang ulo at itinuloy ang pagtulog.

Blag!Blag!Blag!

Tinanggal niya ang nakataklob na unan at napilitang magmulat ng mga mata.

"BLAKE! GISING NA!"

Lumukot ang mukha niya nang marinig ang boses ni Alex. Kinapa niya ang alarm clock
na nasa katabing side table. Pasado alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw.

"BLAKE GISING NA SABI!" sigaw pa rin ng babae habang patuloy sa pagkatok ng


malakas.

"What's wrong with that woman..."

Antok na antok pang tumayo siya at lumapit sa pintuan. Pupungas-pungas na


pinagbuksan niya ang makulit na dalaga.
"F-For god sake Alex, it's four in the morning. What is your problem?"

"Mag-ayos ka na at maaga tayong aalis." Nakapamewang na sabi nito.

"W-Why?"

"May pupuntahan pa ako."

"I don't care kung may lakad ka. Why should I adjust my schedule to you?"

Tumalikod si Blake at muling nahiga sa kama. Tinakluban ulit ng unan ang mukha at
bumalik sa pagtulog.

"Aba't tingnan mo tong taong to! Hoy gising na sabi!"

Hahakbang na sana si Alex papasok ng kwarto ngunit naalala niyang off-limits nga
pala siya sa lugar na yun. Pinagsisigawan niya ulit ang lalaki ngunit parang wala
itong naririnig kaya't napipilitan at napipikong pumasok siya sa loob. Binuksan
niya lahat ng ilaw at nakapamewang na tumayo sa tabi ng kama.

"Sabi mo ako dapat ang bodyguard mo ngayon di ba? Hindi pwede ang iba, puwes kung
yan ang gusto mo, kailangan mo ring mag-adjust sa schedule ko dahil may mga bagay
na hindi ko rin pwedeng pabayaan!" pagbubunganga niya.
Hindi pa rin kumilos ang binata at tila sinasadya nitong magtengang-kawali.
Naririnig niya pa ang mahinang paghilik nito. Nanggigigil na kinuha niya ang kamay
nito upang sapilitang hilahin papatayo. Ngunit laking gulat niya nang siya ang
biglang hinatak nito papahiga ng kama.

Napahiga siya sa tabi nito at bago pa man siya makapalag ay mahigpit na niyakap
siya nito ng isang kamay at dinantayan ng isang paa. Hindi siya nakakilos sa
pagkabigla. Ramdam niya ang pagsulpot ng rumaragasang ingay sa kanyang dibdib.
Napapatangang napatingin siya kay Blake na noon ay nakatagilid papaharap sa kanya.
Nakapikit pa rin ito ngunit mahigpit na nakayakap at nakadantay sa katawan niya.

"Five minutes.... just stay still for five minutes then I'll get up," bulong nito.

Ang kanina'y walang tigil sa pagbubunganga niyang bibig ay nanatiling nakatikom na


lamang. Nahihirapan siyang ibuka ito habang tinititigan ang nagtutulug-tulugang
mukha ni Blake. Hindi niya maigalaw ang katawan. Nanginginig ang mga kalamnan niya
sa panghihina.

"F-Five m-minutes lang ha...t-tapos gigising ka na..." nauutal na bigkas niya nang
hindi inaalis ang mga titig sa mukha ng lalaki.

"Promise," nakapikit na bulong nito sabay kabig at yakap pa ng mas mahigpit sa di


makagalaw na katawan niya ....

-----

Naasiwa si Alex habang nakasunod kay Blake sa paglalakad patungong garahe.


Pasimpleng idinadampi niya ang kamay sa pisngi na noon ay pakiramdam niya'y nag-
iinit pa rin sa tuwing naiisip ang muntik niya nang pagkakabuking nang hindi
magawang manlaban sa pagyakap ng binata. Para siyang tangang tuod na nakatabi
lamang sa lalaki at hinintay talaga na lumipas ang limang minuto para lang
mapabangon ito. Hindi siya gumalaw dahil baka pag kumilos siya, hindi siya makatiis
at mayakap niya rin ito.

Tumupad naman si Blake at totoo ngang bumangon ito pagkalipas ng limang minuto. Yun
nga lang, napalitan ang pansamantalang paglipana ng mga paru-paru sa kanyang dibdib
ng unti-unting pagkainis. Basta na lang kasing tumayo ang binata at hindi na siya
muling pinansin na para bang hindi ito nanantsing. Siya pa tuloy ang napapahiyang
lumabas ng kuwarto. Kaya iniiwasan niyang sakyan ang mga pang-aasar nito dahil alam
naman niyang paraan pa rin ito ng paniningil ng lalaki sa pananakit na ginawa niya.
Hindi siya naniniwala na totoong wala na talaga itong sama ng loob sa kanya.

Nginusuan niya ang likod ng naglalakad na binata ngunit bigla siyang natigilan nang
mapansing hindi ayos ang pagkakatuck in ng long sleeve shirt nito sa bandang
likuran. Sa pagkapulido nito manamit siguro nga'y nataranta na rin ito dahil sa
sobrang pagpapamadali niya dito.

"Blake sandali!" tawag niya.

Huminto ang lalaki at lumingon sa kanya. "Bakit?"

Lumapit siya sa likuran nito at inayos ang damit. Tiningnan siya ng binata ng may
nagtatanong na mukha.

"Inaayos ko lang. Baka kasi makasira sa image mo sa office, mabawasan ang mga
tagahanga mo," depensa niya.

Tumikhim ang lalaki. "It's your fault hindi ako nakapagbihis ng maayos dahil sa
kakamadali mo," salubong ang kilay na sabi nito at saka itinuloy ang paglalakad.
"Imbes na magpasalamat, nanisi pa talaga," nakaingus na bulong niya habang
hinahabol ng nakakahiwang tingin ang masungit na lalaki.

Pagdating sa sasakyan, binuksan ni Blake ang pinto ng likurang upuan.

Tumaas agad ang isang kilay ni Alex sa nakita. "Ba't diyan ka uupo?"

Natigilan sa pagpasok sa sasakyan ang lalaki. "Saan ba ako dapat umupo?"

"Sa unahan, sa tabi ko. Ano ako drayber mo talaga?!"

"Yap. Why? Do you expect me to treat you fairly just because we have a past?"

"Huwag na yang tungkol sa past na yan, kilalanin mo na lang ang ranggo ko bilang
pulis. Hindi ako basta driver mo lang baka nakakalimutan mong isang kapitan ang
tagapagmaneho mo."

"You can quit if you want to. Madali naman akong kausap," kibit-balikat na sagot ng
binata at sabay pasok sa loob ng kotse.

Humigpit ang pagkakapit ni Alex sa pinto ng driver seat. Nagtitimping humugot siya
ng isang malalim na buntong-hininga. Basang-basa niya na naman sa lalaki ang
baluktot na ugali ng dating Blake at kapag ganito ito wala siyang magagawa kundi
habaan ang pasensiya sapagkat alam niyang kinakailangan niya pang mag-aksaya ng
oras para mag-isip ng kung anu-anong diskarte upang manalo dito.

Nang humupa ang inis, saka lamang siya pumasok sa loob ng sasakyan. Kunot-noong
tiningnan niya sa salamin ang lalaking walang pakialam sa pagkairita niya. Seryoso
at tahimik lang itong nagbabasa sa laptop, ni hindi man lang siya tingnan.

Ganito na ba ito ngayon? Namumutawi na naman sa dugo ang pagiging babaero. Yayakap-
yakap na lang basta tapos hindi ka na papansinin na parang walang pananamantalang
ginawa. Wala man lang paliwanag!

"Paaandarin mo ba tong sasakyan o titigan mo na lang ang kagwapuhan ko?" puna nito
habang nakatingin lamang sa laptop.

Ngumuso siya. Ang yabang! Nawala lang siya ng apat na buwan, namahay na agad uli sa
katauhan nito ang pagkaconceited.

"Sandali, nag-iisip pa ako ng lugar kung saan magandang ibangga tong sasakyan mo,"
ingus niya.

Ngumisi lamang ang binata at noon din lang siya nito tiningnan."You're wasting time
staring at me. Pumunta na tayo kung saan man yang dadaanan mo, I have some
important things to discuss with my employees this morning kaya bilisan mo na."

Umirap siya at pinaandar ang sasakyan. Habang nasa daan, maya't maya niyang
tinitingnan sa salamin ang hindi pa rin namamansin na lalaki. Abala pa rin ito sa
pagbabasa. Dahil hindi niya na matiis ang katahimikan, tumikhim siya at nag-isip ng
pwedeng pag-usapan.
"Oo nga pala , nabanggit ni Balatbat na may kameeting ka raw kagabi sa vip room ng
isang restaurant. Mukhang abogado daw ito..."

Agad na pinutol ni Blake ang sinasabi niya. "Hmm. Does he need to report to you all
my actions? Iiexpect ko na ba na makakarating sayo lahat ng mga kilos ko? You're my
bodyguard so focus only in my security. You should not concern yourself about my
personal meetings."

Unti-unti na namang lumukot ang mukha ni Alex sa supladong sagot ng kausap.


"Tinatanong ko lang! Gusto ko lang malaman kung sasampahan mo na ng kaso yung
hitman. Kailangan ba pabalang ka lagi magsasagot? Hindi personal ang tinatanong ko
sayo, may kinalaman yan sa kaso! Ano bang pakialam ko sa personal na buhay mo? Sa
tingin mo ba interesado pa ako dyan. Wag kang mag-alala. Hinding-hinding,
hinding,hinding, hindiiii.... ako magtatanong tungkol sa personal na buhay mo!
Tandaan mo yan!"

Naramdaman niya na uli ang pamumula ng mga pisngi niya at lalo pa siyang nainis
nang masulyapang ngumiti lang ng nakakaloko ang lalaki sa kabila ng napipikon
niyang reaksiyon. Tumahimik na lamang siya at ibinalik na lang ulit ang atensiyon
sa pagmamaneho. Masisira lang ang umaga niya kung mag-eexpect siya na kakausapin o
tatratuhin siya nito ng maayos. Ayaw niya mang isipin pero sa pinapakita nito sa
kanya, kinukutuban siyang isa sa mga dahilan kung bakit ito pumayag sa
pagbabodyguard niya ay para magkaroon ng pagkakataong makaganti sa kanya.

Itinabi niya ang sasakyan nang mapadaan sila ng farmer's market sa Cubao.

"What are we doing in this place?" takang tanong ni Blake.

"Bibili lang ako ng bulaklak."


"B-Bulaklak, para saan?"

"May pagbibigyan ako."

Nagtanggal ng seatbelt si Alex. " Hintayin mo na lang ako dito, mabilis lang ako,"
sabi niya sa lalaking iginagala ang mga paningin sa lugar.

Bumaba siya ng kotse at nagtungo sa isa sa mga nakahilerang stall ng flower shop.
Malugod siyang pumili ng mga bulaklak at masiglang nakipag-usap sa tindera. Maya-
maya lamang ay nakita niyang naglalakad papalapit sa kanya si Blake. Lilinga-linga
ito sa mga tindahan na halatang naninibago sa lugar.

"Ba't nandito ka? Di ba sabi ko hintayin mo lang ako sa sasakyan," tanong niya
habang paisa-isang dumadampot ng tangkay ng mga napipiling bulaklak.

"I didn't know there's this kind of flower market here.Good thing we drop by, I
remember I want to give flowers to someone."

Natigilan siya sa sinabi ng binata. Unti-unting nagseryoso ang kanyang mukha.


Palihim na tumaas ang isa niyang kilay at hinabol ng matatalim na tingin si Blake
na noon ay naglalakad patungo sa kalapit na stall. Lumalaki ang mga butas ng ilong
niya habang pinagmamasdan itong pumipili ng mga bulaklak. Nakita niyang tinuturo
nito ang mga pulang rosas.

Hindi niya natiis ang sarili. Nagmamadaling inabot niya sa tindera ang bungkos ng
mga napiling bulaklak.
"Paki-arrange manang," aniya sa tindera at sabay lapit kay Blake.

Patay-malisyang tumabi siya sa lalaki at agad naman itong napatingin sa kanya nang
may nagtatakang mukha. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

"Gusto mo tulungan kitang pumili?" nakangiting alok niya.

"I don't need your help. I have taste even in choosing flowers."

Hindi pa rin siya umalis sa tabi ng lalaki. Pinapakiramdaman niya ito habang
ngunguso-ngusong pinapanood ang pag-aarange ng tindera sa mga pulang rosas.

"Para kanino yan?" hindi na nakatiis na tanong niya.

"Kanino ba sa palagay mo?" balik nito sa tanong niya.

Napahawak siya sa baba, kunwa'y tumingin sa taas at nag-isip. "Hmmm.... kay


Debbie?"

"You think so?" natural na sagot ng lalaki.

Tumango siya. "T-Tama ba ang hula ko?"


Hindi sumagot si Blake at binigyan lamang siya nito ng mabilis na sulyap.
Pagkatapos ay tahimik na hinintay nito ang bulaklak habang napapatingin sa suot na
relos.

Humakbang pa siya ng mas malapit sa binata at tumikhim. "K-Kayo na ba ni Debbie?


Nagkatotoo na ba ngayon ang relasyon niyo?"

Biglang napatingin sa kanya si Blake. Hindi niya alam kung nagulat ba ito sa tanong
niya dahil natigilan ito ng ilang saglit at halatang nag-isip muna ito ng isasagot.
"W-Well, Debbie is not bad. She's treating me very well. What do you think of her?"
kaswal na tugon nito.

Napangiti siya nang may pait. "O-Okay naman si Debbie eh," napapalunok na sagot
niya. "B-Bagay nga kayo. P-Pareho kayong matalino t-tapos halos pareho pa kayo ng
mga interes. T-Tsaka matagal na kayong magkaibigan....S-Sabi nila mas matibay daw
ang mga relasyon na nagsimula muna sa p-pagkakaibigan," hirap na hirap na pahayag
niya habang iniinda ang mga bumabaong punyal sa kanyang dibdib.

"Really? is that what you think?" maiksi at kalmadong sagot ng lalaki.

Tumango siya.

"My grandpa also likes her."

Napamulagat siya sa narinig. "A-Ano? B-Boto din si Don Henry sa kanya?"


"Yap."

Agad na ipinaling niya sa ibang direksiyon ang ulo kung saan hindi makikita ni
Blake ang pansamantalang pamumutla niya. Bigla yata siyang nahilo sa nalaman. Pati
ba naman si Don Henry nakapagmove-on na sa kanya? Ibig bang sabihin nito ay isang
hamak na bodyguard na nga lang talaga ang papel niya sa bahay na yun? Sadyang wala
na ba siyang aasahang matinong tatrato sa kanya maliban sa iilan-ilang mga katulong
na nanatiling kakampi niya. Pagbabayaran niya ba sa ganitong paraan ang pananakit
na nagawa niya sa dating boyfriend?

Tumingin ulit siya kay Blake na noon ay hawak na ang mga bulaklak. Isang bungkos
ito ng isang dosenang pulang rosebuds na hinaluan ng puting baby's breath. Lalong
tumindi ang kirot na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.

"Ma'am tapos na po!" tawag sa kanya ng tinderang binibilhan niya.

Napapalunok na tumalikod siya kay Blake. Tinanggap niya ang mga bulaklak at
nagbayad sa tindera. Palihim niya pa ring sinusulyapan ang lalaki at nakita niyang
sinusulatan nito ang maliit na note card na nakadikit sa mga rosas.

Tumalim na naman ang mga tingin niya. "Hmp. Kahit ordinaryong araw may pabili-bili
ka pa ng bulaklak. Samantalang nung tayo, valentines day mo lang ako binibigyan!"
mahinang paghihimutok niya.

Naglakad papabalik si Blake sa kotse nang hindi man lang siya hinintay. Kaya naman
nagmamadali siyang sumunod dito para kulitin ulit ito.

"Hindi nga Blake, kayo na ba ni Debbie?"


Tumigil ang lalaki sa paglalakad at seryosong humarap sa kanya. "Akala ko ba sabi
mo hinding-hinding,hinding,hinding, hindi ka makikialam sa personal na buhay ko,"
madiing pagkakabigkas nito.

Bigla siyang natameme. Napapahiyang itinikom niya ang bibig ngunit hinabol niya pa
rin ng irap at matatapang na mga tingin ang binata habang papalapit ito sa
sasakyan. Inilagay muna nito ang mga bulaklak sa upuan sa harap, sa sumakay sa
likod.

"Hmp seryosohin ba talaga yung sinabi ko kanina," bulong niya sa sarili.

Sumakay siya sa kotse at pagpasok niya palang ay naalibadbaran na kaagad siya nang
makitang nasa tabi niya pa talaga ang mga rosas. Ipinatong niya rin sa nasabing
upuan ang binili niya.

"Hurry up! You keep wasting my time," reklamo agadsa kanya ng lalaki habang
napapatingin ito sa relos.

Wasting my time? Kaya pala enjoy na enjoy ka sa pamimili ng mga bulaklak! Sagot
niya sa isipan.

Pinaandar niya ang kotse at sinulyapan ulit si Blake sa salamin. Bumalik ito sa
pagbabasa sa laptop. Pagkuwa'y napalingon siya sa mga rosas, nag-iinit ang kanyang
mga mata sa tuwing nakikita ito. Nang makita niyang hindi nakatingin ang kasama,
palihim niyang tinapik sa inis ang walang kamalay-malay na mga bulaklak.
"Saan ka ba talaga pupunta ng ganito kaaga?" tanong ni Blake.

Napaiktad si Alex at agad na tumigil sa pagdidiskita sa mga rosas. Pasimpleng


umarte siyang seryoso sa pagmamaneho.

"Basta may dadaanan lang ako."

"Don't tell me you're going to bring me to the killing field."

"Huwag kang mag-alala busy pa sa pag-aalmusal ang mga kriminal kaya wala tayong
giyerang pupuntahan."

"Basta siguraduhin mo lang na maihahatid mo ako sa opisina on time."

"Masyado ka namang punctual. Hindi ba pwedeng paminsan-minsan ay malate ka naman


tutal ikaw naman ang amo di ba?"

"Only stupid boss has that kind of mentality. Kung mahalaga sa akin ang oras ko,
importante din sa mga staff ang oras nila."

Sumimangot si Alex. Kung di niya lang alam, naatat na siguro itong makita si
Debbie. Ang aga-aga ibang babae na agad ang nasa isip. Akalain mo yun, nakakita
lang ng flower shops naisipan na agad bilhan ang nasabing babae. Napailing siya.
Kita mo nga naman ang ibinunga ng pagtitiyaga ng higad na yun. Tsk,tsk.....
------

Napatanga si Blake nang inihinto ni Alex ang sasakyan sinasabing lugar na


pupuntahan nito. Naguguluhang iginala niya ang mga mata sa isang malawak na
cemetery park.

"W-What are we doing here?"

"May bibisitahin lang ako. Halika samahan mo ako," sagot ng dalaga at sabay kuha
nito sa biniling mga bulaklak.

"Why should I? Wala akong kakilalang nakalibing dito."

Pinandilatan ni Alex ang lalaki. "Samahan mo ako sabi. Kung wala kang kakilala pwes
may ipapakilala ako sayo."

Nagtatakang bumaba ng sasakyan si Blake at sinundan ang kasama. Tumigil sila sa


harap ng isang puntod. Ibinigay sa kanya ni Alex ang hawak nitong mga bulaklak at
naguguluhang tinanggap niya naman ito.

"Ilagay mo," utos nito sa kanya at sabay nguso sa puntod.

Sinunod niya naman ito at nagulat siya nang mabasa ang nakasulat na pangalan sa
lapida. Ang pangalan ng nagpakamatay nilang empleyada. Kumunot ang noo niya at
nalilitong tiningnan niya si Alex. Ang kanina lang na simangot nitong mukha ay
maaliwalas nang nakaharap sa nitso.
"Hi Grace! May surpresa ako sayo tingnan mo kung sino ang kasama ko," nakangiting
sabi nito.

Tiningnan siya ng babae at senenyasan siyang tumingin sa puntod.

"Bumati ka," pabulong na utos nito.

Napangisi siya nang may hirap maniwalang reaksiyon. "Are you asking me to talk to a
dead person?"

"Bumati ka sabi!"

Wala na namang nagawa si Blake kundi pagbigyan ang gusto ng dalaga. Takot niya lang
kapag nagseryoso na ito sa pagtataas ng boses.

"Hi!" bati niya ng may napipilitang ngiti.

"Grace, narinig mo yun. Binati ka niya siguro magiging maganda na ang buong araw
mo!" nakangiting sabi ulit nito sa nitso.

Napapailing na dumikit siya sa pagkakatabi sa babae. Inilapit niya ang bibig sa


tenga nito at kinausap ito ng pabulong.
"When did you become like this? Gusto mo bang samahan kita magpacheck-up sa
hospital? Talking to dead people this way is no longer a good sign Alex. And why do
you keep calling her Grace? Can't you read her name properly? It's Divine."

"Hindi ako nababaliw. Anong masama kung masaya akong makipag-usap sa isang kaibigan
kahit pa patay na siya mas gusto kong isipin na nakikita o naririnig niya pa rin
ako."

Mas lalo siyang naguluhan. "K-Kaibigan? W-When did you become friend to that
employee?"

"Matagal na, nakilala ko siya nung nagpapanggap pa lang akong kaklase mo sa UP. At
hindi pa Divine ang pangalan niya noon kundi Grace."

Napaisip si Blake at kunot-noong tumingin ulit ng seryoso sa kausap. "You met her
at UP? Wala naman akong maalalang ibang Grace na nakaclose mo that time except for
that nerdy classmate..... Wait a minute, you mentioned to me that she died..."

Napatingin sa kanya si Alex nang may sumasang-ayong reaksiyon halatang hinihintay


nito ang sasabihin niya.

"Are you saying that this woman and that classmate are the same person?"

"Oo."
Natawa siya sa sagot ng dalaga. "Alex, maaring hindi ko kaibigan si Grace but I
still remember clearly how she looked like. And she's totally a different person
from Ms. Divine."

Unti-unting nagseryoso ang mukha ni Alex. Tinitigan siya nito ng diretso sa mga
mata. "Iisa lang sila Blake. Kung papaanong nangyari ang malaking ipinagbago ng
hitsura niya ay hindi ko pa alam. Pero napatunayan ko ng iisa lang si Grace at
Divine. Nagbago lang siya ng mukha at pangalan pero ang finger prints nila ay
pareho lang. Ang pamilya niya noon ay parehong pamilya na dumalo sa burol at libing
niya."

Nadagdagan lalo ang pagtataka ni Blake. "You even know her family? I didn't know
you were that close to her," natigilan siya nang biglang may sumagi sa kanyang
isipan at dahan-dahan na rin siyang nagseryoso ng tingin kay Alex. "I remember. The
time you told me the news of Grace death, that was also the time you asked for my
permission na payagan kang humawak ng kaso... Alex may gusto ka bang sabihin sa
akin kaya mo ako dinala dito?"

Tumango ang dalaga at ngumiti ito ng matamlay. "Actually may isang bagay na dapat
kang malaman tungkol kay Grace. Hindi siya basta naging kaklase mo lang. Huwag kang
magagalit sa sasabihin ko sayo ha, hindi ko kasi alam kung tama ba o hindi ang
ginawa kong paglilihim sayo tungkol sa kanya...."

Napahawak si Alex sa batok at napakagat sa mga labi. Umiwas siya ng tingin sa


katabi. Unti-unting tumubo ang kaba sa kanyang dibdib. Planadong-planado na sa utak
niya kung paano sasabihin sa lalaki ang tungkol kay Grace pero bakit ngayon na
tinititigan na siya nito ng seryoso ay bigla na naman siyang naduduwag.

"A-Ano kasi Blake. Wag mo sanang masamain kung bakit hindi ko sinabi sayo ito dati
pa...h-hindi ko kasi naisip na p-pwede pa nga palang magtagpo ang landas niyo ni
Grace..I-Inisip ko kasi na tutal tapos na rin naman yun..."

"Stop stammering. Say clearly what you want to say," napapabuntong-hiningang tugon
ni Blake.

Napalunok si Alex, huminga ng malalim at lumingon muna sa puntod. "Pasensiya ka na


Grace kung sa harap mo mismo ko ito sasabihin... huwag kang mag-alala hindi siya
magagalit sayo, ipapaliwanag ko sa kanya ng mabuti ang mga nangyari." Saka siya
muling humarap sa naghihintay na kausap. " Blake, noong mga panahong muntik ka nang
makidnap ng venomus, si Grace ang ginamit nilang spy para malaman ang mga galaw mo
sa UP....At nang nadiskubre ko yun siya rin ang ginamit ko para naman ma-trap ko
ang mga kidnappers."

Nagsalubong ang kilay ng binata. "She was involved in that crime? How did she do
that? She looked naive, quiet and kind." Bagama't mukhang nagulat ang lalaki ngunit
mas nangingibabaw ang natatawang reaksiyon nito." Wow bilib din naman ako sa
sindikatong yun, mga UPCAT passers pa ang spies nila ha... Teka, kaya ba nawala na
lang siya bigla sa klase? Ikinulong niyo ba siya?"

Umiling si Alex. "Kusa siyang lumayo pagkatapos ng nangyari, malamang dahil


napagtanto niya kung gaano pala kalaki ang epekto ng nagawa niya. Alam kong may
rason para maparusahan din siya pero mas pinili kong palampasin na lamang ang
pagkakamali niya."

"Why? Aren't you a fair policewoman? Bakit hinayaan mo na huwag managot ang isang
taong may pagkakamali sa batas and to think na dahil sa kanya ay baka sakali ngang
nakidnap ako. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit inspite of what she
did, you still see her as a friend."

Ngumiti ng tipid si Alex at bumuntong-hininga. "Isa lang naman ang naging kasalanan
niya...yun ay ang mahalin ka ng sobra-sobra."

"Mahalin ako? I don't understand what you're talking about Alex. You make it sound
like I had a relationship with her. I can't even remember a single moment in which
I had a direct conversation with her ," agad na depensa ni Blake.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Hindi mo lang napapansin pero sa loob ng dalawang
taong naging magkaklase kayo, isa siya sa mga lihim na nagkakagusto sayo. At umabot
pa sa puntong naging stalker mo siya. Natunugan ng venomus ang pangi-stalk niya
sayo kaya't tinakot siya na ibubuking kung hindi susunod sa gusto nila. Inutusan
siya ng grupo na ireport sa kanila lahat ng mga kilos at galaw mo sa campus.
Siyempe ang isang noon ay probinsiyana at babaeng may inferiority complex, madali
naman itong natakot at napasunod. Tumindi pa lalo ang pangi-stalk niya sayo para
masatisfy ang sariling damdamin at ang utos sa kanya. Yun nga lang wala siyang
kaide-ideya na isang sindikato ang nag-uutos sa kanya at kung para saan ang utos na
ito. At yan ang naging pagkakamali niya."

Tiningnan ni Blake ang seryosong mukha ni Alex habang nagkukuwento ito. Bahagyang
nagulat din siya sa nalaman ngunit hindi na gaanong malaki ang epekto nito sa
kanya. Tapos na iyon at nahuli na ang mga dapat mahuli. Ang may epekto sa kanya sa
mga sandaling ito ay ang kusang pagtatapat sa kanya ng dalaga.

"Why are you saying all these things now? That happened four years ago so malaman
ko man, it won't matter anymore."

"Dahil kahit papaano karapatan mo pa rin namang malaman ang totoong nangyari....At
siguro hindi pa rin natatahimik si Grace dahil sa nagawa niyang kasalanan. Tiyak na
isa rin sana sa mga gusto niyang mangyari ay ang mapatawad mo siya... kaya lang
wala na siya dito para humingi pa ng tawad sayo kaya ito rin ang dahilan kung bakit
gusto kong malaman mo ang nagawa niya, para magkaroon ka ng pagkakataon na
mapatawad mo siya."

Nag-isip ng ilang saglit si Blake. Wala naman siyang nararamdaman na anumang galit
para kay Grace ngunit kapag pag-iisipang mabuti ang ginawa nito. Isa pa rin itong
kapabayaan sa parte ng babae, mas ginusto pa rin nitong sundin ang bagay na
nakakapagpasaya dito nang hindi pinag-isipang mabuti ang magiging resulta nito.
Hindi pa rin madali para sa kanya na tanggapin ang ganitong bagay. Subalit sa
nakikita niyang pag-aalala ni Alex para sa babae, mas mabuting kalimutan niya na
lang ang lahat at patawarin ito upang mapanatag ang dibdib ng dalaga.

"That's part of the past at wala namang magandang maidudulot sa akin kung
magtatanim pa ako ng galit para sa kanya," mahinahong sagot niya.
"Salamat," nakangiting wika sa kanya ni Alex sabay tingin ulit nito sa puntod.
"Narinig mo yun Grace, hindi galit sayo si Blake."

"Is she really Grace?" hirap pa ring maniwalang sabi niya.

Masayang tumango ng paulit-ulit si Alex.

Gumaan din ang pakiramdam ni Blake nang makita kung papaano napasaya ng sagot niya
si Alex. Naupo siya sa harap ng puntod at inayos ang pagkakalagay ng bulaklak.

"I forgive you Grace. I feel bad too when I heard about your death. But I am sure
you're happier now in the arms of God ," mahina bigkas niya sa nitso nang may
sinseridad.

Tumingin siya kay Alex at nakita niya ang abot-tengang ngiti nito. Tumayo siya at
gumanti ng ngiti sa babae. Pinagmasdan niya ng ilang sandali ang masayang mukha
nito. Gusto niya pa sanang itanong dito kung ano ang kaugnayan ng pagkakamatay ni
Grace sa kanya. Alam niyang may koneksiyon na naman silang dalawa dahil nag-umpisa
ang lahat sa suicide case nito. Subalit pinili niyang huwag na muna itong ungkatin.
Hihintayin niyang magkusa na lang ulit si Alex na magtapat sa kanya o kung hindi
man ay siya na lang ang gagawa ng paraan para alamin ito.

"Are you happy now?" tanong niya sa dalaga.

Paulit-ulit uling tumango si Alex. "Oo. Pero sa tingin ko mas masaya si Grace.
Siguro ngayon mas matatahimik na siya at siguro mas mapapadali na ang pagkakaroon
ng resulta sa kaso niya," masiglang sagot nito habang hindi pa rin mabura-bura ang
mga ngiti nito sa labi.....
-----

"Blake pwede bang mamaya si Balatbat na lang ang sumundo sayo?" paalam ni Alex
habang patungo na sa opisina ng binata.

"No," madiing sagot ni Blake. "May lakad ako mamaya and I'm not comfortable roaming
around with him. Gagabihin ako sa labas so I need better security."

Hindi nagpumilit si Alex. Dahil sa ginawa ng lalaki para kay Grace, susundin niya
muna ang mga gusto nito. "Ano bang lakad mo mamaya? May meeting ka ba?" maamong
tanong niya.

"I have a date."

Muntik na siyang mapapreno sa narinig at mas naramdaman niya ang muling pagtaas ng
dugo nang di sinasadyang napatingin ulit siya sa katabing mga rosas.

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo na muna yang date na yan? May importante kasi
akong gagawin mamaya," mabilis na pagpalit niya ng timpla.

"I told you. Ayokong may mababago sa routine ko just because you're my bodyguard."

"Eh di si Balatbat na lang ang magbabantay sayo! Date lang naman pala yang
pupuntahan mo. Bakit plano niyo bang mamasyal sa park, libutin ang buong Manila Bay
o di kaya'y magkaroon ng on the spot out-of-town at kailangan mo talaga ng mahigpit
na security?" tumataas nang tono na sabi niya.

"My date won't be comfortable if he's around. You know him, he's noisy and
talkative," kaswal na sagot ng lalaki habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan.

"Eh sa palagay mo mas magiging komportable siya sa akin? Sinong matinong ka-date
ang matutuwa na aali-aligid ang ex ng ka-date niya!"

"Don't worry. Although you're my ex-girlfriend, she won't mind because that woman
knows how much I love her. She won't be threatened ng kahit sinumang babae sa
mundo. Her last priority in life is to get jealous. In fact, nagagawa niya pa ngang
itratong kaibigan ang mga babaeng nagkakagusto sa akin."

"Sigurado ka ha! Huwag na huwag mo akong sisihin pag nasira yang date mo!"

"I'm hundred percent sure," kumpiyansang sagot ng binata.

Tumahimik si Alex ngunit ramdam na ramdam niya ang dahan-dahang pagkulo ng kanyang
dugo. Akala niya ay umpisa na ng pagganda ng araw niya dahil sa naging resulta ng
pag-uusap nila sa sementeryo. Yun pala mukhang matatapos pa rin itong sirang-sira.

"You need to be back by six pm. Ayokong paghintayin ang ka-date ko," dagdag paalala
pa nito habang ngingisi-ngisi.

"Oo na!"
Nanggigigil na dumiin ang pagkakahawak ni Alex sa manibela. Ramdam niya rin ang
pangingitngit ng kanyang mga ngipin. Naniningkit ang mga matang kinabig niya ang
kambyo at inapakan ang gas, saka pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

"Hey slow down!" sita ng lalaki.

"Nagmamadali ka di ba?" sarakastikong sagot niya. "Tingnan natin kung malate ka


pa!" sabay binilisan niya pa lalo ang takbo.

Sa loob lamang ng tatlumpong minuto ay narating nila ang Golden Pacific. Bababa pa
sana si Alex subalit pinigilan siya ni Blake.

"No need to get out of the car. Baka may makakita sayo. I ordered to put CCTV even
in this parking lot."

"Masyado ka naman atang diktador. Pati ba naman dito sa hamak na parking lot wala
pa rin akong kalayaang gumalaw?"

"I want to be extra careful. I don't want to brag but the past time of employees
here is either they admire me or they gossip about me. Kaya't kahit isa lang ang
makakilala sayo dito, I'm sure na kakalat agad ang pagiging bodyguard mo."

Lumabas si Blake ng sasakyan. At walang nagawa si Alex kundi habulin na lamang ito
nang tingin. Napansin niya ang mga rosas.
"Huh? Naiwan." Kinuha niya ito at dali-daling ibinaba ang bintana ng kotse. "BLAKE
YUNG BULAKLAK NAIWAN MO!"sigaw niya habang marahang iwinawagayway ang bulaklak sa
tapat ng bintana.

Hindi lumingon ang binata.

"BLAKE MAY NAKALIMUTAN KA!"

"YUNG BULAKLAK NAIWAN MO!"

Hindi pa rin siya nilingon nito hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng parking
lot. Gustuhin niya man itong habulin ay hindi pwede. Ipinatong niya na lang ulit sa
upuan ang mga rosas. at nakasimangot na tinitigan niya ito ng ilang saglit.

"Buti nga sayo, naiwan ka!" pang-aaway niya dito.

Di siya agad umalis, baka sakaling maalala ni Blake ang nakalimutan nito ay
maisipang bumalik. Habang naghihintay ay may pumasok sa kanyang isipan. Pilyang
napangisi siya at tumaas ang kanyang isang kilay. Napatingin siya sa note card na
nakalagay sa mga bulaklak. Natutukso siyang basahin ito. Tumingin muna siya sa
paligid para siguraduhing wala si Blake. Maingat niyang dinampot ang mga bulaklak
at dahan-dahang binuklat ang card.

'Pick me up at 6pm
or else you're fired!'

-your handsome ex
Muntik niya nang mabitawan ang mga rosas sa lakas ng isinipa ng puso niya. Ilang
ulit niyang binasa ang nakasulat sa card upang tiyakin na para nga ito sa kanya.
Napapakagat siya ng madiin sa labi sa kilig na nararamdaman. Parang gusto niyang
tumili. Ang kanina lang ay tila gustong niyang pagtatapak-tapakang mga bulaklak,
ngayon naman ay parang gusto niya itong durugin sa yakap.

Ngunit nang bahagyang mahimasmasan ay ibinalik niya ang bungkos ng mga bulaklak sa
upuan. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim habang pilit pinapahupa ang ingay sa
kanyang dibdib.

"Focus Alex...Focus. Baka hindi ka sa bala mamatay kundi sa kilig. Isipin mong
ginugoodtime ka lang ng lalaking yun. Huwag kang padadala....Andito ka bilang pulis
at bodyguard. Hindi mo na siya boyfriend. Wala na kayo...."

"Tapos na kayo..."

"Isa ka ng babaeng walang karapatang mangarap sa kagaya niya," seryosong paalala


niya sa sarili...

-----

Madiing inapakan ni Alex ang preno nang marating ang tapat ng isang overlooking
Filipino restaurant sa Valle Verde, Pasig.

"Andito na. Baba ka na. Maghihintay na lang ako dito sa sasakyan," may pait na sabi
niya sa binatang sakay.
"Get out. Samahan mo ako sa loob," natural na utos ni Blake.

Napangisi sa isipan si Alex. Umaandar na naman ang pagkasadista ng kasama. Plano pa


yata nitong isampal sa pagmumukha niya kung papaano tratuhin ang bagong babaeng
ipinagmamalaking pinakamamahal daw sa buong mundo.

"Huwag na dito na lang ako sa sasakyan. Nakakahiya naman sa ka-date mo, baka
pagdudahan ka pa."

"She said she will be late kaya samahan mo muna ako."

Nagliwanag ang mukha ni Alex. Minus point agad sa babae. Ngingiti-ngiting humarap
siya kay Blake.

"Sasamahan lang kita maghintay o pakakainin mo rin ako?" may kaunting lambing na
bigkas niya.

"Are you hungry?"

"Oo. Galing ako sa isang raid, di pa ako kumakain sa pagmamadaling sunduin ka."

"Eat whatever you want."


Bumaba si Blake ng sasakyan at agad namang sumunod si Alex nang may ngiti sa mga
labi.

"Bakit daw siya malilate? Marami bang trabaho si Debbie ngayon?"

"Who said I'm having a date with Debbie?"

"Huh? Hindi siya?" namimilog ang mga matang sambit ni Alex. Mabilis siyang tumabi
sa lalaki, hinawakan ito sa braso at pinaharap sa kanya. "Sinong bago mong dinidate
ngayon? Huwag mong sabihing isa sa mga babaeng nakilala mo sa car racing, disco o
kaya sa mga karaoke bar?!" may kataasang tonong wika niya.

Tumigil si Blake sa paglalakad at seryosong tumingin sa nangungulit na


kasama."Apektado ka ba? I'll have a relationship sa sinumang babaeng gusto kong
makarelasyon and no one can dictate me about that."

Napapahiyang bumitiw si Alex sa braso ng binata. "H-Hindi naman....S-Siyempre kung


ako ang tatanungin mas matutuwa ako kung matino at bagay sayo ang babaeng
makakarelasyon mo," napapatungong sagot nito.

Pumasok ang dalawa sa loob ng restaurant. Naupo si Blake sa isang reserved table
samantalang nakatayo lamang malapit sa mesa si Alex.

"What are you doing?" kunot noong tanong ng binata.

"Saan ako uupo? Kukuha ba ako ng isang table?"


"You can sit here," sabay turo ni Blake sa bakanteng upuan sa tapat niya.

Gumuhit ang ngiti sa pisngi ng babae at walang pagdadalawang-isip na naupo ito sa


mesa. "Pwede na ba akong omorder para matapos agad akong kumain. Promise bibilisan
ko para hindi ako maabutan ng ka-date mo tapos ipalinis mo na lang ulit sa waiter
itong table para hindi obvious."

"You can order now. And eat slowly, take your time."

"O-Okay lang?" takang tanong ni Alex.

Tumango si Blake at sabay tawag nito sa waiter.

"By the way, nasaan na ang binigay kong mga bulaklak? I didn't see it in the car."

Natigilan si Alex, halatang nag-isip muna ito bago sumagot. "N-Nasa headquarters,
iniwan ko," turan niya nang hindi makatingin ng diretso sa kausap. "Hmp. Magbabanta
ka rin lang naman dinadaan mo pa sa bulaklak!" pahabol na sumbat niya.

Lumapit ang isang waiter at ibinigay ang tig-isang set ng menu sa kanila. Napansin
ni Alex na namimili na rin ng pagkain si Blake.

"Huh? Oorder ka na rin?"


"Alangan namang panoorin lang kitang kumain," sarkastikong sagot ng lalaki.

"Hindi mo na hihintayin ang date mo?"

"She said she can't make it to dinner," simpleng tugon ng binata.

Patay-malisyang itinapat ni Alex ang hawak na menu sa mukha at dahan-dahang umangat


ang isang sulok ng kanyang bibig.

"Sigurado ka ba diyan sa ka-date mo na yan? Pumapayag kang paghintayin ng ganito?


Mukhang hindi naman yata seryoso sa pakikipagrelasyon sayo yan ah," pang-uudyok
niya sa kausap habang itinatago ang ngisi sa mga labi.

Sinilip niya mula sa nakatakip na menu ang reaksiyon ng lalaki. Napahimas ito sa
baba at ngumisi rin.

"I'm confident about her feelings for me. I don't care if she's treating me in
weirder ways as long as I know that she loves me. She's proud being my woman.
Actually she's happy to inform people about her undying love for me....Ano ngang
sabi niya? Na ako ang mahal niya, ang boyfriend niya at ang mapapangasawa niya.
That's exactly her words...So what can you say about her?" may nakakalokong ngiting
sabi nito at sabay hawi sa nakatakip na menu sa kanyang mukha.
Sumagot siya ng ngiwi sa binata. Ngunit ilang saglit lamang ay bigla niyang
napagtanto ang laman ng mga sinabi nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya at
muling itinakip ang menu sa kanyang mukha. Namumula ang kanyang mga pisngi at para
siyang binuhusan ng mainit na tubig. Sabi na nga ba't narinig nito ang mga sinabi
niya sa interrogation!

Napapaypay siya sa sarili ng wala sa oras. Sumandal naman si Blake sa upuan,


nagdekuwatro at humalukipkip habang nakangising tinitingnan ang reaksiyon niya.
Halatang tuwang-tuwa ito sa nakikita at tiyak na humahalakhak ito sa isipan.

Tumikhim siya at pinilit ikalma ang sarili. Hindi niya hahayaang pagtawanan siya
nito. Umayos siya ng upo at taas-noong tumingin sa kaharap. Nilabanan niya ang
matinding pagkakapahiyang nararamdaman.

"Naniwala ka naman! Malay mo nagsisinungaling lang siya o baka naman nadala lang
siya ng isang emosyonal na sitwasyon kaya siya nakapagsalita ng ganyan," matigas na
depensa niya.

Ngingiti-ngiting umiling ang lalaki. "I think she meant it. Because as far as I
remember she said it with strong conviction," nang-aasar na sabi pa nito nang hindi
inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

Napapalunok na tumungo siya at mabilis na nagkunwaring nagbasa sa menu. Gusto


niyang batukan ang sarili. Kaya pala kumpiyansang-kumpiyansa ang lalaki sa mga
pang-aasar nito sa kanya dahil may pinaghahawakan itong alas. Pero kahit pa
nabuking siya, paninindigan niyang hindi totoo ang mga narinig nito.

"Sandali nga, siguro wala ka namang ka-date ano? Yan ba ang busy, nag-aaksaya ng
oras para mang-asar lang ng tao?!" mabilis na pag-iba niya sa topic.
"Don't be full of yourself. Why would I make effort having dinner with my
bodyguard? Kung gusto kitang asarin I can do it the whole time na pinagmamaneho mo
ako. I am not the kind of guy who will create an imaginary date."

Hindi siya sumagot. Ayaw niya nang pahabain pa ang usapan baka muli na naman nitong
ungkatin ang mga linya niya. Kunsabagay sa dami ng nagkakandarapang babae dito,
impossibleng mag-imbento ito ng date. Tahimik at parang maamong tupang namili na
lamang siya ng pagkain habang umiiwas ng tingin sa kaharap.

"S-Saan ang lakad niyo, pagkatapos dito?" biglang bait na tanong niya.

"Movie."

"G-ganun ba....Eh, B-Blake p-pwede na ba akong omorder?"

"Go ahead."

"B-Blake, libre mo to ha? Kapos ako sa pera ngayon eh."

"No problem."

"S-Salamat...."
Pagkatapos ng dinner ay pumunta naman sila sa Shangrila Mall.

Nakapamulsang binubuntutan ni Alex si Blake habang naglalakad patungong sinehan.


Palingon-lingon ang dalaga at tinitingnan ang mukha ng bawat nakakasalubong.

"Alex," tawag ng lalaki.

Lumapit si Alex nang may inosenteng nagtatanong na mukha. "Bakit?"

"Stay closer to me."

"Para saan?" salubong ang kilay na tugon ng babae.

"How can you take bullet for me kung masyado kang malayo. Dito ka lang sa tabi ko
at sabayan mo ako sa paglalakad."

Sumunod ang babae ngunit hindi pa rin nito tinatanggal ang konsentrasyon sa
pagmamasid sa paligid. Subalit maya-maya lang ay natigilan siya nang maramdamang
magkahawak-kamay na silang naglalakad ng binata.

"Anong ginagawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong niya sa kasama.
"My date couldn't finally come so you have to replace her," walang pagdadalawang-
isip na sagot ni Blake.

Mabilis na binawi ni Alex ang palad. "Nakakahalata na ako ha. Pinagloloko mo lang
yata ako. Ikaw hindi sisiputin ng date mo? Siguro piniplaytime mo ako at wala ka
naman talagang date! Bakit anong gusto mong mangyari? Ang mapatunayan kung totoo
nga ang narinig mo na sinabi ng isang babaeng wala sa sarili. Pwes, ngayon pa lang
sasabihin ko ng wala kang mahihita dahil hindi totoo yun!" sabay talikod niya.

"Hey where are you going?" kalmado pa ring bigkas ni Blake.

"Umuwi na tayo! Wala ka naman palang hinihintay."

"I had tickets already sayang naman kung hindi magagamit."

"Ayokong manood! At hinding-hindi ako papasok ng sinehan na ikaw lang ang kasama
ko." Humakbang si Alex papalayo.

"Well, if you said so then I guess I have no choice but to ask Debbie," kibit-
balikat na sagot ng lalaki at sabay kuha nito sa cellphone.

Natigilan bigla si Alex. Nilingon niya ang lalaki na noon ay mayroon na ngang
tinatawagan. Nagmamadali niya itong nilapitan at mabilis na hinablot ang cellphone
sa tenga nito.

"Tara na!" sabay taas-noo at nakairap na naglakad siya ng dire-diretso papasok ng


sinehan.

Tatawa-tawang sinundan naman ito ni Blake.

Dahil last full show na, wala ng gaanong nanonood. Pinauna muna ni Alex na umupo
ang kasama at pagkatapos ay umupo siya sa likurang hilera kung saan napakaraming
bakanteng upuan.

"Why are you sitting there?" puna ni Blake.

"Dito ko gustong maupo, bawal?"

"Oo. This place has reserved seating policy you can't just sit anywhere."

"Saan ba ako dapat maupo?"

"Sa tabi ko."


Napipilitang tumayo si Alex at tumabi sa lalaki. Kahit magkatabi, humilig siya sa
kabilang banda ng upuan upang tiyaking hindi mapapadikit sa kasama.

Nagsimula ang palabas. Ngingisi-ngisi si Blake habang nakatingin ng diretso sa


telon at pinapakiramdaman ang katabi. Pinili niya ang pinaka-boring at walng
kwentang pelikula. At hindi pa nga lumilipas ang labinlimang minuto, napansin
niyang namumungay na ang mga mata ng kasama. Maya-maya pa ay nakapikit na ito
habang umuugoy ang ulo hanggang sa tuluyan na nga itong makatulog.

Itinaas niya ang arm chair na pumapagitna sa kanila. Umisod siya papalapit sa
dalaga at maingat na ipinatong ang ulo nito sa kanyang balikat. Tiyak niyang pagod
ito maghapon kaya't gusto niyang makapagpahinga ito ng kahit konting oras.

Kumilos ng bahagya ang dalaga. Umayos ito sa pagkakahilig sa kanyang balikat at


nagulat siya nang yumakap ito sa katawan niya na para bang nanaginip. Pansamantala
siyang hindi nakakilos. Natatakot siyang gumalaw dahil baka magising ang babae.
Napapalunok na pinagmasdan niya ang payapang mukha ng dalaga hanggang sa napatitig
siya sa mga mapupulang labi nito. Natutukso siyang halikan ito. Para bang
napakatagal na panahon na ang lumipas nang huling madampian niya ito ng halik.

Hindi niya pa rin natiis ang sarili kaya't dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi
sa walang malay na babae. Nakaw lang ang balak niyang gawin ngunit nang maglapat
ang kanilang mga labi ay parang ayaw niya nang tumigil. Tinangka niyang pagantihin
ng halik ang dalaga ngunit hindi ito sumasagot at nanatiling mahimbing sa pagtulog.
Ilang saglit niya pang nilasap ang matatamis na mga labing kaytagal niyang hindi
nahalikan...hanggang sa maramdaman niya na lamang ang unti-unting humihigpit na
yakap sa kanya ni Alex.....

••••••
"Anong nakain mo? Bakit dito ka na sa harap umuupo?" sarkastikong tanong ni Alex sa
katabi habang nagmamaneho at nakatingin ng diretso sa daan.

"Nakain ko?" kunot-noong bigkas ni Blake tapos kunway nag-isip ito ng ilang saglit.
"Hmmmm...." saka tumingin sa mga labi ng dalaga. "Last night, I tasted my favorite
dish that's why I'm in a very good mood today."

"Alin dun? Parang hindi mo naman paborito yung inorder mong pagkain kagabi ah,"
inosenteng sabi ng dalaga.

"Who said I tasted it during the dinner?"

"Kumain ka pa ba pagdating sa bahay kagabi?"

"Nope."

Naguguluhang lumingon si Alex sa katabi at nahuli niyang nakatingin ang lalaki sa


mga labi niya. Dali-dali niyang binawi ang mga mata at itinuon muli ang mga ito sa
daan. Lumunok siya habang nararamdaman ang unti-unting pag-init ng kanyang mukha.

"Do you want to know what kind of food I tasted?" wika nito nang may nang-aakit na
tono. "It's something soft...sweet...luscious...and something I hadn't tasted for a
while."
Humigpit ang pagkakahawak ni Alex sa manibela habang ramdam ang lumalakas na kabog
ng kanyang dibdib. Pasimple siyang tumingin sa salamin upang alamin kung namumula
na ba ang mga pisngi niya.

"K-Kendi yata yang tinutukoy mo eh," kunwari ay natatawang sagot niya habang
pinipilit magpatay-malisya.

"It's better and sweeter than any candies," napapakagat sa mga labing sabi pa nito.

Umayos ng upo si Blake at medyo pomormal nang mahalatang hindi na komportable ang
dalaga. Tumahimik siya ng ilang sandali ngunit maya-maya lamang ay hindi niya na
naman napigilan ang sarili sa ginagawang pang-aasar sa babae. Tuwang-tuwa siya sa
tuwing nakikita ang pamumula ng mga pisngi nito. Ito yung mga reaksiyon ng isang
Alex na hindi niya rin gaanong nakita kahit noong magkarelasyon pa sila.

"By the way kaya ako naupo dito dahil gusto kong pag-usapan yung pinanood nating
movie."

Napamenor ang babae sa sinabi niya. Ngumiti ito ng pilit at naasiwang tumingin sa
kanya. "Ano naman ang dapat nating pag-usapan tungkol doon?"

"The story, if it's good or bad," napapakibit-balikat na sagot niya.

Natawa ang dalaga ngunit pansin niyang unti-unti na uling namumula ang mga pisngi
nito kaya't pasimpleng gumuguhit na naman ang ngisi sa kanyang mga labi.
"A-Ano naman ang masasabi ko tungkol dun eh tinulugan ko nga di ba?"

"Are you sure you were sleeping the whole time?"

Napalunok muna ang babae at saka ito taas-noong humarap sa kanya. "Oo sigurado
ako!"

"Hindi ka nagising even for a while?" ngingisi-ngisi pang sabi niya.

"Hindi! Bakit ba pinagdidiinan mo yang tanong na yan? May problema ba kung


nakatulog ako? Pipili-pili ka din lang ng pelikula yung nakakaantok pa!" matapang
na sagot ng babae habang nakatingin ng diretso sa kalsada.

Kaunting hirit na lang ng binata ay pagpapawisan na ng malamig si Alex. Nakakailang


lunok na siya sa biglang panunuyo ng lalamunan. Parang gusto niyang lumaklak ng
isang galong tubig upang mabawasan ang ingay ng kanyang dibdib. Kailangan niyang
kumalma, hindi siya puwedeng mahuli at lalong di siya pwedeng umamin.

Ang totoo ay nagising siya sa halik ni Blake. Sa una akala niya'y nasa loob lamang
siya ng isang magandang panaginip. Ngunit unti-unti siyang nagising nang
maramdamang parang totoong-totoo ang lahat. Nag-uumpisa pa lamang siyang magmulat
ay naaninag niya agad ang napakalapit na mukha ng binata. At kung bakit nakayakap
siya dito habang magkalapat ang kanilang mga labi ay hindi niya alam. Hindi niya
itinuloy ang pagmulat at mabilis na nagkunwaring walang kamalay-malay sa lahat.
Napakahirap ng kanyang pinagdaanan at kung papaano niya nagawang panindigan ang
pagtutulug-tulugan ay hindi niya lubos maisip.

Sa mga sandaling lumilikot ang mapangahas na mga labi ni Blake, nagsusumigaw ng


pananabik ang kanyang dibdib, hinang-hina ang kanyang mga tuhod at ramdam na ramdam
niya ang pagdaloy ng malakas na kuryente sa buong katawan. Gustung-gusto niyang
gumanti at lasaping muli ang mga halik ng binata na hindi niya inasahang
matitikmang muli. Subalit habang pilit nilalabanan ang damdamin, paulit-ulit niyang
pinaalalahan ang sarili...na huwag siyang gagawa ng isang bagay na hindi niya
kayang panindigan ang magiging resulta.

Kahapon, sa ipinakita't ipinaramdam sa kanya ni Blake buong araw, napakasarap


isiping walang nagbago sa pagmamahal sa kanya ng dating kasintahan. Ngunit hindi
ito ang dapat mangyari. Mas gusto niyang papaniwalain ang sarili na pinaglalaruan
lamang siya nito at totoo ngang nakawala na ito sa sakit na ibinigay niya. Na unti-
unti nang natutunan nitong burahin ang nararamdamam para sa kanya. Mas matatanggap
pa niyang gantihan siya nito kaysa mahalin ulit siya. Ang pagbabalik niya sa tabi
nito ay para sa kanyang tungkulin at hindi para magkaroon sila ng pagkakataong
bumalik sa dati. Kaya hangga't maaari ay ginagawa niya ang lahat upang huwag
iparamdam dito ang totoong laman ng kanyang dibdib. Ayaw niyang umasa ito sa isang
bagay na hindi niya pa kayang ibigay.

"Alex your taking the wrong turn! This is not the way to my office."

Natigilan siya sa seryosong pag-iisip.

"May dadaanan lang tayo," maiksing sabi niya.

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "Again?!"

"Madali lang ako."

"Alex kailangan ko na bang baguhin ang oras ng pasok ko para sayo?!" sarkastikong
tugon ng binata.
"Hindi naman ito mangyayari araw-araw, nagkataon lang talaga na kailangan kong
pumunta doon ngayon."

"You better true to your words or else I will find someone better than you who can
respect my time too."

Sumagot ng ngiwi si Alex. "Puro ka banta, sige nga gawin mo! Gusto mo ngayon na
eh."

Nawala ang mga lukot sa noo ni Blake. "Can't you read between the lines? In short
I'm saying okay," napapalunok na sagot nito.

"Takot ka naman pala eh," mahinang sabi ng dalaga at sabay irap sa kausap.

Nagtaka lalo si Blake nang kinabig ni Alex ang manibela papaliko sa isang McDonald
drive-thru.

"Isang bigmac meal, spaghetti at 2 pc chicken," order ng babae sa may speaker.

Nanlaki ang mga mata ni Blake. "Y-You're still hungry? Ang dami mo ng nakain na
breakfast ah."

"Hindi ito para sa akin."


"Four hundred seven pesos po ma'am."

Dinukot ni Alex ang wallet ngunit natigilan siya nang makitang isang buong
singkuwenta at bente pesos na lang pala ang laman nito. Nahihiyang tumingin siya
kay Blake na noon ay nakatitig sa kanya at sa wallet niya.

"Tsk,tsk,tsk..." napapailing na tugon nito. "You haven't change. Hindi mo pa rin


iniintindi kung may laman ba ang wallet mo o wala."

"Ah...eh akala ko kasi..."

"Don't bother to explain."

Dumukot ng pera si Blake sa sariling wallet at inabot ang bayad sa naghihintay na


crew.

"S-Salamat," wika ni Alex nang may napapahiyang ngiti.

Pagkagaling magtake-out sa naturang fast food, dumiretso ang dalawa sa hospital


kung saan nakaconfine si Aling Cresencia.

Tahimik na sumasabay lamang sa paglalakad si Blake kay Alex. Bitbit ng babae ang
tinake-out na mga pagkain. Hindi man lang ito nagbitiw ng kahit konting paliwanag
kung bakit sila naroroon sa isang hospital. Binabaybay nila ang pasilyo ng hilera
ng kuwarto ng mga pasyente. Nagbukas ang isa sa mga pinto at lumabas dito ang isang
matabang batang lalaki. Nagliwanag ang mukha nito pagkakita kay Alex.

"Officer!" ngiting-ngiting tawag nito at sabay takbo papalapit sa dalaga.

Yumakap ang bata sa beywang ni Alex at pagkuwa'y sumabay sa paglalakad sa kanila


nang nakahawak pa rin sa braso ng babae. Nagsalubong ang mga kilay ni Blake habang
naniningkit ang mga matang tinititigan ang mga nakakapit na kamay ng bata sa braso
ng dating kasintahan.

"May pasalubong ako sayo. Yung paborito mong burger at spaghetti," masayang sabi ng
dalaga.

"Yehey!" napapatalon pang tugon ng bata.

Pumasok sila sa loob ng isang pribadong kuwarto at doon ay nakita ni Blake ang
isang nakahiga at walang-malay na matandang pasyente. Nakaoxygen ito at may tubo sa
bibig.

"W-Who is she?" napapatangang tanong niya.

"Si Aling Cresencia, ang janitress ng tinitirhang condo ni Grace."

"W-What happened to her?"


"Siya yung witness ko na nabaril," maiksing paliwanag ni Alex.

"Who did this to her?" tanong ng binata habang tinitingnan mula ulo hanggang paa
ang comatose na matanda.

Ngumisi si Alex at tumingin sa nagugulat na kasama. "Malamang ang taong pumatay kay
Grace na siya ring nagpapatay sayo."

"B-But why would that person do that to an old woman?"

"Huwag mo ng alamin. Mahabang kwento, ang intindihin mo na lang ay kung papaano


mag-iingat para sa sarili mo." Tumingin si Alex sa kasamang bata at iniabot dito
ang dalang mga pagkain.

"Val, nasaan ang kuya mo?"

"Umuwi po muna ng bahay para labhan yung marurumi naming damit."

"Ganun ba? O tirhan mo siya niyan ha."

"Opo."
Pinatong ni Val ang mga pagkain sa mesa at kinuha sa supot ang malaking burger,
kumagat dito at nagdududang tiningnan si Blake habang ngumunguya.

Mahinahon namang naupo si Blake sa isang tabi at maya-maya lamang ay napansin niya
sa isang side table ang bungkos ng pamilyar na mga rosas na nakalagay na sa flower
vase. Nahuli siya ni Alex na nakatingin dito at agad na tiningnan niya ang babae ng
masama. Napapahiya itong sumagot ng ngiti sa kanya.

"Nasa working desk mo pala ha!" madiing singil niya.

"Ah n-naisip ko lang na mas magandang dito ko siya ilagay para makagaan ng
atmosphere ng kuwarto. At least dito mas may pakinabang siya, pampagood vibes. T-
Tutal madalas naman akong pumupunta dito kaya parehas din lang," pagsusumikap
magpaliwanag nito.

Tumahimik si Blake at pinagmasdan na lamang ang dalaga. Nililinisan at minamasahe


nito ang pasyente. Naalala niyang ito ang nabaril na binanggit ni Alex noong bigla
na lamang itong sumulpot sa Golden Pacific na tila wala sa sarili. At umpisa nga
nang araw na iyon, napakalaki na ng pinagbago ng babae hanggang sa tuluyan na ngang
masira ang kanilang relasyon.

Habang tinitingnan niya si Alex sa pag-aasikaso nito sa matanda, napansin niya ang
nakatagong galit sa mga mata nito. At sa bawat malungkot na sulyap nito sa comatose
na pasyente, nababasa niya ang paninisi nito sa sarili. Unti-unting nagkakaroon ng
linaw sa kanya kung bakit siya nito nagawang saktan. Ito ay maaring dahil sa
nagkapatung-patong ng mga responsibilidad na iniatang nito sa sariling mga balikat.
Tiyak na iniisip ng babae na nasa sitwasyon ito na hindi na nito kayang pagsabayin
ang trabaho at ang relasyon.

Sa loob ng ilang araw na pagbalik nito sa kanyang tabi, may isang bagay siyang
unti-unting nakikita sa pagkatao ng dalaga na hindi niya nabigyang-pansin sa loob
ng apat na taon. Ngayon ay dahan-dahan niyang nauunawaan ang puso nito bilang pulis
at bilang ordinaryong babaeng may kakaibang pagmamalasakit sa kapwa. Ang Alex na
nakarelasyon niya ay isang babaeng noon ay tila umiikot lamang ang mundo sa kanya
at sa relasyon nila.
"Pasensiya ka na Blake, sandali lang ito. Sabi kasi ng doktor dapat madalas daw
minamasahe si Nanay Cresencia para manatiling maayos ang circulation ng dugo niya.
Kaya hangga't maari ay naglalaan ako ng oras para dito."

"Go ahead. Take your time. I'm not that busy this morning."

"Salamat."

Napalingon si Blake sa batang kanina pa nakatitig sa kanya ng masama habang


namimilog ang magkabilaang pisngi sa nginunguyang burger.

"Who is this kid?"

Ngumiti si Alex at tumingin sa bata. "Si Val. Apo ni manang. Val, si Tito Blake nga
pala."

Natigilan si Blake nang makitang palihim na dinilaan siya ng bata. Tiningnan niya
rin ito ng masama at nang makitang hindi nakatingin sa kanila si Alex ay ginantihan
niya rin ito ng dila.

Lumapit sa kanya ang bata at naupo sa tabi niya. Tiningnan siya nito mula ulo
hanggang paa. Pagkatapos ay tumingin ito kay Alex na noon ay wala na ang atensiyon
sa kanila dahil abala na sa paglilinis sa katawan ng matanda.
"Sino ka? Bakit kasama ka ni officer? Ano ka niya?" pabulong na mga tanong nito.

Lumukot ang noo niya sa nagdududang tono nito. "She's my wifey," bulong niya rin.

"W-wifey? Ano yun?" mahinang-mahinang tanong ulit ng bata at sabay kagat sa burger.

"Asawa."

Sumimangot ang kausap na animo'y matanda kung makaasta. "Sinungaling ka. Wala pang
asawa si officer."

"I'm her boyfriend."

Napapahawak sa tiyan na humagikhik ng mahina ang bata. "Boyfriend daw oh!" sabay
tiningnan siya nito sa mukha. "Eh ang pangit-pangit mo naman. Ako kaya ang
boyfriend ni officer, mas gwapo kaya ako sayo hahaha!" dagdag tawa pa nito.

Hindi niya natiis ang sarili na huwag patulan ang kausap. Kaya pala kanina pa
mainit ang dugo niya dito dahil isa itong kakumpetensiya. Walang pasabing inagaw
niya ang kinakain nitong burger.

"Don't eat! I'm the one who paid for this."


Nagulat ang bata at napanganga ito. Maya-maya lang ay dahan-dahang lumungkot ang
mukha nito hanggang sa bigla na lang itong umatungal ng iyak.

"WAAAAAAAAAH!"

Nataranta si Blake. Inakbayan niya si Val at palihim na tinakpan ng kamay ang


ngumangawang bibig nito.

"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Alex.

Agad na tinanggal ng binata ang kamay sa bibig ng bata at ngumiti sa nagtatakang


babae.

"Ahh I think we had a misunderstanding," palusot niya.

"WAAAAAAH! Kinuha niya yung burger ko!"

Hinigpitan ni Blake ang pagkaka-akbay sa bata. Pagkuway kinabig ito papalapit at


nakangiting ginusot ang buhok.

"I'm just telling him that these kind of foods are not good for him. Most of the
foods from fastfoods are unhealthy kaya hindi siya dapat pinapakain nito."
"WAAAH! Wala ka namang sinabing ganyan! Nagalit ka lang kasi sinabihan kitang
pangit. Waaah! Akin na yang big mac ko."

Walang magawang isinauli ni Blake ang pagkain at pagkatanggap dito ni Val ay agad
na tumakbo ito papalapit kay Alex. Nagpapakamping yumakap ito sa beywang ng dalaga
at muling tiningnan ng masama ang binata. Dumila ulit ito. Gumanti rin ng masamang
titig si Blake at senenyasan ang batang tanggalin ang pagkakayapos kay Alex.

"Blake ano ka ba? Pati ba naman bata pinapatulan mo!" saway ng dalaga.

"He's the one who started it," pagtatanggol ni Blake sa sarili.

"Sige na Val, lumapit ka na ulit sa kanya. Palabiro lang talaga yan si Tito Blake."

"Ayoko po sa kanya kasi sabi niya siya daw ang boyfriend niyo. Eh di ba ako ang
boyfriend niyo?"

"See!" sabat ni Blake. "How can I like that kid?"

Pinandilatan muna ni Alex ang binata at pagkatapos ay nakangiti namang humarap sa


nakasimangot na si Val. "Sige pag hindi kayo nagbati, wala akong pipiliin sa inyong
dalawa," may lambing na sabi niya sa bata.

Napaisip si Val at ilang saglit lang ay napipilitan ulit itong tumabi kay Blake.
Hindi muna nagpansinan ang dalawa ngunit pagkalipas lamang ng ilang minuto ay
nagtaka na lamang si Alex dahil nagkukulitan na ang mga ito. Tawa na ng tawa ang
bata at mukhang tuwang-tuwa na ito kay Blake. Napapailing na lamang na bumalik sa
ginagawa ang dalaga.

"Promise Tito Blake ibibili niyo ako araw-araw ng burger at spaghetti!"

"Promise. Araw-araw meron kang special delivery dito."

Kumislap ang mga mata ni Val habang ini-imagine na ang mga pagkaing darating para
sa kanya.

"Alam niyo hindi po totoong pangit kayo. Ang pogi-pogi niyo nga ho para kayong
artista. Bakit po si officer ang girlfriend niyo? Bakit hindi na lang si Anne
Curtis?"

Natawa si Blake. "Sino bang mas maganda? Si Captain Valdemor o si Anne Curtis?"
bulong niya sa mausisang kausap.

Lumapit si Val sa tenga niya para sagutin din siya nang pabulong. "Tinatanong pa ba
yun? Siyempre si Anne Curtis."

"Eh sinong mas gusto mo, si Officer o si Anne Curtis?" natatawang tanong ulit niya.

"Tinatanong pa po ba ulit yun? Siyempre si Officer."


Tumawa ulit si Blake. "Then yan din ang sagot ko kung bakit siya ang girlfriend
ko."

"Pero totoo bang boyfriend ka niya? Jinojoke nyo lang ata ako. Sabi ni officer,
kaibigan ka lang daw niya."

"Nagpapakipot lang yan," mahinang-mahinang bulong ni Blake habang parehong


nakatingin ang mga ito sa walang kamalay-malay na babae.

Humagikhik ang bata. "Si officer nagpapakipot pa, eh hindi naman siya singganda ni
Anne Curtis."

"Shhh... huwag kang maingay baka marinig ka. Sekreto lang natin yan ha."

Tumango si Val.

"Kaya matyagan mong mabuti yan si officer. Kapag may isinamang ibang pogi yan dito
na hindi niya naman kasama sa trabaho, isumbong mo agad sa akin."

"Aprub!" sagot ni Val.

"Pag naging magaling kang bantay ko, hindi lang pagkain ang ibibili ko sayo, pati
laruan bibigyan kita. Okay ba?"
"Okay na okay!" sabay na napaisip ang bata. "Madami po ba kayong pera Tito Blake?
Kaya okay lang sa inyo na bumili sa McDonald araw-araw," inosenteng tanong nito.

"Hmmm. Let's say na mas marami akong pera kaysa kay Officer Valdemor."

"Marami din pong pera yan dati si officer kaya lang baka naubos na. Siya kasi ang
nagbabayad sa lahat ng gastos ni lola dito sa hospital. Binibigyan niya rin po si
Kuya ko ng pera para panggastos namin sa bahay at school."

Natigilan si Blake sa narinig. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ay napatingin
siya kay Alex na noon ay katatapos lamang sa ginagawa. Lumapit sa kanila ang babae
at binigyan sila nito ng nagdududang tingin.

"Kanina pa kayo nagbubulungan diyan. Nakakahalata na ako ha. Pinagtsitsismisan niya


ba ako?" nakapamewang nitong sabi.

"Naku hindi ho! Wala po kaming pinag-usapang secret!" mabilis na depensa ni Val.

"Tara na Blake," yaya ni Alex. "Val huwag mong iwan ang Lola Cresencia hanggat di
dumarating ang kuya mo. Pag may emergency...."

"punta po agad ng nurse station,"dugtong ng bata.

"At pag may umaaligi-aligid na hindi kilalang tao ay..."


"magsarado at maglock lagi ng pinto. Paulit-ulit niyo na pong sinasabi yan,"
napapakamot sa ulong tugon ni Val.

"Pinapaalala ko lang baka makalimutan mo pag nawili ka sa paglalaro," katwiran ni


Alex. "Sige na aalis na kami."

"Bye po! Thank you sa pagkain. Ingat po kayo," masayang paalam ni Val habang
kumakaway.

"We're leaving now," sabay palihim na kumindat si Blake sa bata bago tuluyang
lumabas ng pintuan.

Nangingiting gumanti rin ng kindat ang bata at nagthumbs-up pa.

"Anong nangyari? Bakit biglang nagbago ata ang ihip ng hangin sa inyong dalawa ni
Val?" tanong ni Alex pagkalabas ng kuwarto.

"I suddenly felt pity for him."

"Dahil ba sa lola niya?"

"Nope. Because nakikinita-kita ko na kung ano ang hirap na pagdadaanan niya in the
future sa tuwing maiisip niyang ikaw ang kanyang first crush. Tsk,tsk bad
memories," ngingiti-ngiting sagot ng binata.

Gumanti ng simpleng irap si Alex sa biro ng lalaki.

"But seriously, he's a cute kid who's trying to act like a grown-up man," dagdag ni
Blake.

"Buti nga ganyan na siya ngayon. Dati kasi laging malungkot yan dahil napaka lola's
boy. Nakapag-adjust na rin sa sitwasyon. Nagulat nga ako nang malamang ganyan pala
kakulit at kamasayahin ang batang yan."

"I heard he has a kuya."

"Oo. Thirteen years old pa lang yun pero sobrang matured na. Siya kasi nag-aalaga
kay Val at lumaki ring independent."

"But does he like you too?"

Tumingin ng matapang si Alex sa binata. "Ikaw pati mga bata pinapatulan mo!"

"Wala akong iniisip na masama. Concern lang ako sa kanila," tatawa-tawang katwiran
ni Blake.
Sa gitna ng kulitan ng dalawa habang naglalakad papalabas ng hospital ay naalala ni
Alex na may kukunin nga pala siyang bill kaya dumaan muna sila ng cashier.
Pagkatanggap ng listahan ng mga babayaran, agad na bumagsak ang balikat ng dalaga
sa panlulumo. Malaking halaga na naman ang kailangan niya. Kulang pa ang perang
hawak niya kaya't kailangan na namang mag-isip kung saan kukuha ng ipandadagdag.

"What's wrong? Ano yan?" tanong agad sa kanya ni Blake pagkakita sa problemado
niyang mukha.

Dali-dali niyang itinupi ang hawak na papel at isiniksik sa bulsa ng jacket. "Wala
ito. Kinuha ko lang yung listahan ng mga gamot ni Nanay Cresencia," kunway
nakangiting wika niya.

Itinuloy nila ang paglalakad ngunit bigla siyang huminto nang may ideyang pumasok
sa kanyang isipan.

"May dadaanan ka pa rin?" may reklamo ng tono ni Blake.

Umiling si Alex. Tumitig siya sa binata habang unti-unting tumataas ang isang sulok
ng kanyang bibig. Nangislap ang kanyang mga mata. Meron na siyang naiisip na paraan
kung papaano magkakapera.

-----

"LUMAYAS KA! Di ba sabi ko sayo, huwag na huwag kang tutuntong sa pamamahay na ito
hanggat di tumitino yang utak mo!"

Kinukurot-kurot ni Sylvia ang dalagang anak habang itinutulak ito papalabas ng


kanyang kuwarto.

"Aray Ma! Ma naman sorry na, sige na naman oh. Patawarin niyo na ako pleaseee,"
pagmamakaawa ni Alex habang panay iwas sa mga palo at kurot na dumadapo sa kanyang
katawan.

Umatras papalabas ng kuwarto ang dalaga ngunit sinundan ito ni Sylvia para habulin
pa rin ng mga kurot sa tagiliran.

"Anong patawarin ang pinagsasabi mo! Tandaan mo kapag di ka tumitigil sa kalokohan


mong yan, aabutan mo na lang akong isa ng malamig na bangkay sa pangungunsumi
sayo!"

"Ma aray! Nakakadami na kayo ng sakit ah!"

"Nagrereklamo ka sa sakit! Pero sa bala at mga bugbog hindi ka natatakot!"

Patuloy sa pag-atras si Alex ngunit patuloy din sa pagsugod ang nanggagalaiting


ina.

"Ang ganda-ganda na ng buhay mo pero mas pinili mong magpakabaliw! Sinayang mo ang
isang matino at normal na buhay na dapat sana ay naghihintay para sayo! Ipinagpalit
mo ang lalaking mapapangasawa mo, ang pamilya mo at ang katahimikan ng lahat dahil
lamang mas pinili mong magpakamatay diyan sa trabaho mo! Anong pakiramdam mo,
magkakaroon ka ng monumento sa pag-aasal bayani mo?!" sabay hampas ulit ng ginang
sa dalaga.
"Aray ko naman Ma! May sasabihin ako kaya ako pumunta dito. Makinig naman muna
kayo!"

Umabot ng hagdan sa kakaatras si Alex. At pagdating doon ay nagulat si Sylvia nang


mamataan kung sino ang nakaupo sa living room. Tumayo ito pagkakita sa kanya.

"B-Blake?"

"H-Hi Tita," tensiyonadong sagot ng lalaki.

Napatanga ng ilang sandali ang ginang at nagtatakang tumingin sa anak. "Anong ibig
sabihin nito? B-Bakit magkasama kayo?"

Ngumiti si Alex. "Yan na nga ang sasabihin ko sa inyo Ma! Okay na ho kami ni Blake.
Inaayos na ho namin ang problema," masayang balita nito.

Pansamantalang natulala ang ginang.

"Kaya Ma please naman oh, huwag niyo ng ipahold yung isang bank account ko,"
pagsusumamong dugtong ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Sylvia at bigla itong nagduda dahil sa huling sinabi ng anak.
Bumaba ito ng hagdan at lumapit kay Blake.
"Totoo bang nagkabalikan na kayo ni Alex?" tanong nito habang naghahalo ang
pagdududa at sayang nararamdaman.

"Ah-eh..." tumingin si Blake kay Alex na noon ay sinesenyasan siya ng tango. "H-
Hindi po." pagbabalewala niya sa dalaga.

Agad na nawala ang nagbabantang ngiti sa mukha ng ginang. Sa halip ay tumapang lalo
ang mukha nito.

"Kung ganun ba't nandidito ka ngayon?"

"H-Hindi ko rin po alam...Basta na lang po ako isinama ni Alex dito."

Tumaas ulit ang presyon ni Sylvia at nanggalaiting lumapit ito sa anak. Muli nitong
pinaghahampas at kinurot ng mas malakas ang sinungaling na dalaga.

"ARAY! ARAY MA!" nagpupumiksing sigaw ni Alex.

"Wala ka talagang kahihiyan! Pati ang taong iniwanan mo nagawa mo pang gamitin
ngayon!"

"Aray!"
"Akala mo hindi ko alam yang tinatakbo ng utak mo Alexandra! Gumagawa ka lang ng
paraan para makuha mo yang perang inilaan namin ng Daddy mo para magamit mo sa
tamang panahon! Pero anong gusto mong mangyari ngayon? Nagmamakaawa ka upang makuha
ito para ubusin lamang sa pangkakawang-gawa mo! Tandaan mo magagalaw mo lang ang
perang yun kapag tuwid na yang takbo ng isip mo!"

"Aray Ma. Tama na ho!"

"Halika gusto mong maging bayani, pwes pumunta tayo ngayon ng Luneta! Doon
ipapafiring squad na lang kita!"

"Aray!"

"Kanino ka ba nagmana sa katigasan ng ulo!"

"AHHH! Ma aray, somosobra na kayo ah! Child abuse na yang ginagawa niyo!"

"Anong child abuse ang pinagsasabi mo?! Matanda ka na, ang utak mo lang ang hindi
tumatanda sayo! Nagrereklamo ka sa sakit, di ba ito yung gusto mo?! Yung binubugbog
ka! Yung nasusugatan ka! Yung duguan ka!"

Napapalunok si Blake habang pinapanood ang pananakit na ginagawa ng nanggalaiting


ginang. Kanina pa niya gustong umawat ngunit naiintindihan niya ang dahilan ng
ikinagagalit ng ina ng dalaga. Normal lamang sa nag-aalalang magulang na ipahayag
ang totoong nararamdaman nito. Isa pa ay wala siya sa posisyon para makialam sa
dalawa.
"ARAY MA! Tama na sabi. Sige saktan niyo ako hanggat gusto niyo pero sa isang
kondisyon, Bayaran niyo bawat hampas niyo ha, tutal ayaw niyo namang ibigay ang
pera ko."

"Ah ganun! Sige hahampasin na kita hanggang sa malumpo ka para hindi ka na


makalabas ng bahay na ito! At lulumpuhin kita sa harap mismo ng lalaking
hiniwalayan mo! Nagkabalikan pala ha? Sinong lolokohin mo!"

"Wala naman akong sinabing nagkabalikan kami! Ang sabi ko okay na kami! Aray!"

Hindi rin nakatiis si Blake na huwag makialam. Iniharang niya ang sarili sa gitna
ng magnanay nang muli na naman sanang hahampasin ng ina ang anak.

"Tama na ho Tita. Alex is telling the truth. Although we're no longer in a


relationship but we're okay now."

Hinihingal na tumingin si Sylvia sa umaawat na binata.

Akala ni Blake ay hihinahon na ito dahil sa sinabi niya ngunit kabaliktaran ang
nangyari. Sa halip, pati siya ay nadamay sa galit nito.

"Isa ka pa! Pinayag-payagan mo itong si Alex na bumalik diyan sa dati niyang


trabaho! Kung sinunod mo ang payo kong buntisin na yan di sana nag-aalaga na lang
yan ng bata ngayon sa halip na nakikipaghabulan na naman sa mga bala! Tingnan mo
ang nangyari! Iniwan ka niya! Ininsulto at sinaktan ka na niyang lahat tapos ngayon
nagpapauto ka na naman!"
"Hindi naman ho sa ganun Tita. But I'm starting to understand her now. She has her
reasons why she did what she did."

"Pwede ba huwag mo nang ipagtanggol ang pagkakamali ng babaeng yan! Dahil kahit
anong gawin mo hindi ka niyan babalikan! Hanggat hindi yan umaalis sa kinababaliwan
niyang trabaho, parating magiging kumplikado ang buhay niyan at hindi mauubos ang
listahan ng mga taong gusto niyang ipagtanggol! Ganyan-ganyan din yan dati!"

Umayos ng tayo si Alex at nagseryoso na nang mahalatang si Blake na ang


pinagbubuntunan ng galit ng ina. "Tama na yan Ma. Aalis na ho ako. Babalik na lang
ulit ako sa ibang araw," sabay hila niya sa braso ng binata papalabas ng bahay.

"SIGE BUMALIK KA NA DIYAN SA PINAKAMAMAHAL MONG TRABAHO! AT UMUWI KA NA LANG DITO


KAPAG HINDI NA HUMIHINGA ANG MGA MAGULANG MO!"

Napatakip na lamang ng tenga ang dalaga sa pahabol na sigaw ng ina.

----

Sa loob ng sasakyan, panay sulyap ni Blake sa walang imik na si Alex. Simula nang
umalis sila sa bahay nito, hindi pa siya kinakausap ng babae. Panay buntong-hininga
lamang ang naririnig niya mula dito.

Unti-unti siyang nakokonsensiya. Siguro kung sinakyan niya na ang gusto nitong
mangyari, baka sakaling nagkaayos na ito at ang ina. Naisip niya kasing huwag
kunsintihin ang pagsisinungaling ng babae. Nag-aalala siyang baka magkaroon na
naman ng hindi magandang resulta ito.
"Are you okay?" tanong niya.

Sumagot ng tango at matamlay na ngiti ang dalaga. Pagkatapos ay nag-isip ulit ito
ng malalim. Kung gaano kalalim ang mga buntong-hiningang naririnig ni Blake ay
ganun din kabigat ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang problemadong mukha
ng kasama.

Itinabi ni Alex ang sasakyan nang mapadaan sila sa isang tahimik na parke.

"Magpapahangin lang ako saglit Blake. Mga sampung minuto lang."

"Go ahead."

Lumabas ng sasakyan si Alex. Naglakad ito patungong sa ilalim ng isang puno,


isiniksik ang mga kamay sa bulsa ng pantalon, tumingala sa kalangitan at paulit-
ulit na huminga ng malalim.

Tahimik lang munang tinanaw ni Blake ang malungkot na babae. Ngayon niya unti-
unting naiintindihan ang hirap na pinagdadaanan nito. Bukod sa tensiyon ng panganib
sa trabaho, napakalaki ng inako nitong responsibilidad dahil sa pagkakabaril ng
matandang babae. Alam niyang nasasaktan din ito para sa mga nahihirapang mga
magulang. Siguro kung ano ang pinagdaanan niyang sakit sa paghihiwalay nila ay
pinagdaanan din nito. At sa likod ng lahat ng ito, nag-iisa lang ang dalaga. Walang
kakampi. Walang nahihingahan at lalong walang nasasandalan.

Siguro kaya muli silang ipinaglapit ng tadhana, hindi para ayusin ang nararamdaman
nila dahil hindi naman nawala ang pagmamahal nila sa isa't isa, kundi ang bigyan
siya ng pagkakataong tanggapin at intindihin ang totoong mundong ginagalawan ng
babaeng iniibig. Ang iparamdam dito na sa gitna ng mga panganib at responsibilidad
nito sa trabaho, mayroon itong masasandalang mga balikat at mauuwiang mga bisig
kung saan malaya pa rin itong gumalaw bilang isang normal na babae.

Lumabas siya ng sasakyan at sumunod kay Alex. Tumabi siya dito at tumikhim.
Nagtatakang napalingon ito sa kanya.

"Bakit ka lumabas? Naiinip ka na ba?"

"No. I'm here to cheer you up. Do you want a hug?"

Pansamantalang natawa ang dalaga ngunit bumalik din ulit ang tamlay sa mukha nito.

"Pasensiya ka na kay Mama kanina ha. Ikaw kasi nakisabat ka pa."

"I needed to do something or else she wouldn't stop hitting you."

"Sus balewala ang mga palong yun. Naglalabas lang ng sama ng loob si Mama...
Pasensiya ka na rin pala at isinama pa kita, akala ko kasi huhupa ang galit sa akin
ni Mama pag nakita niyang kasama kita."

"I don't think she's more concerned about us. I think what worries her more is your
job."
"Alam ko naman yun. Nag-aaral pa lang ako sa pagpupulis ay malaki na ang pagtutol
ni Mama kaya sanay na ako sa mga pagbubunganga niya."

"If you say so, why you look so down right now?"

"Madami lang akong iniintindi."

"Like what? Financial problem?"

Napalingon si Alex sa kausap at nagtaka kung papaano nito nahulaan.

"You tried to approach your mother because of that, right?" kusang tugon ni Blake.
"And I learned from that grandson that you're the one who's supporting them
including the hospital bills."

Hindi sumagot si Alex sa halip ay iniba niya ang usapan. "Balik na tayo sa sasakyan
Blake. Okay na ako, nagpahangin lang ako ng saglit," kunwa'y nakangiting yaya niya.

Humakbang siya ngunit pinigilan ng binata ang kanyang isang kamay. Bigla siyang
kinabig nito papalapit. Napasandal siya sa dibdib nito. Mabilis na hinawakan nito
ang kanyang magkabilaang pisngi at walang pasabing siniil siya ng halik sa mga
labi.

Napatunganga siya. Hindi siya gumaganti ng halik ngunit kusang bumuka ang kanyang
mga labi sa pagkabigla. Ramdam na ramdam niya ang malayang nakagagalaw na dila ng
lalaki. Gusto niyang pumalag ngunit unti-unti siyang nanghihina. Para bang
tinutunaw ng halik lahat ng bagay na nagpapabigat sa kanyang kalooban.
Nanatili siyang mulat at tulala. Mapapapikit na sana siya at kusa nang gaganti sa
mga halik ngunit siya namang pagtigil ni Blake. Naghiwalay ang kanilang mga labi at
napapatangang nakatitig lamang siya sa lalaki. Nanatiling nakaipit ang magkabilaang
pisngi niya sa mga palad nito habang tinititigan siya ng puno ng pag-aalala.

"Do you need my help?"

Hindi agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi nito. Ilang sandali niya muna itong
iprinoseso at nang bahagyang natauhan saka lamang siya dahan-dahang umiling nang
hindi inaalis ang pagkakatitig sa lalaki.

"Let's stop with this act Alex. I don't hate you and I know you don't hate me too.
Let's be honest to ourselves. Kahit ano pang nangyari o mangyayari sa atin, we know
that we'll keep caring for each other. So please still allow me to do something for
you dahil kahit pagbali-baliktarin man natin ang katotohanan, hindi pa rin natin
kayang tiisin na makitang nahihirapan ang isa't isa."

"Blake..."

"I'm not asking anything in return Alex, gusto ko lang iparamdam sayo na hindi ka
nag-iisa. Na hindi mo kailangang solohin lahat ng bigat diyan sa dibdib mo, na
hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa lahat ng bagay at hindi sa lahat ng oras
ikaw lang ang dapat magtanggol para sa iba. I want you to think that there's also
someone who's willing to protect you from any harm."

Hindi pa rin sumagot ang dalaga. Nabasa ni Blake ang pag-aalinlangan sa mga mata
nito. Tinanggal niya ang mga kamay sa pisngi nito at bumuntong-hininga.
"I know there's one thing that worries you. Huwag kang mag-alala, hindi ako
nakikipagbalikan sayo," kusang paliwanag niya. "So do you accept my help now?"

Saka lamang dahan-dahang tumango ang babae. "S-Salamat," nakatanga pa ring tugon
nito.

"Let's go back to the car."

Inakbayan ni Blake ang natutulala pa ring babae at inalalayan ito pabalik ng


sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinasakay sa harapang upuan.

"I'll drive," matigas na bigkas niya bago pa man makapagreklamo ang dalaga.

Walang pagtutol na sumunod sa kanya si Alex. Ngunit habang nagmamaneho siya


nanatili pa rin itong tahimik sa kanyang tabi. Maya't maya siya nitong sinusulyapan
nang may naguguluhang mukha. At nang nangangalahati na siya sa pagmamaneho saka
lamang nito binasag ang pananahimik.

"Bakit mo ako hinalikan? Nakakadalawa ka na ah!"

"So you were aware of the first one?" napapangising sagot niya.

Tumahimik ulit ang dalaga at patay-malisyang itinuon nito ang mga paningin sa labas
ng bintana.
"Anong nakain mo at gusto mo akong tulungan? Akala ko ba hindi ka nakikipagkaibigan
sa mga ex mo?" nagtatapang-tapangang tanong ulit nito pagkalipas ng mahaba-habang
pananahimik.

"I'd just promoted you to a different level. From now on, you're no longer my ex."

Mabilis na napalingon si Alex nang may nanlalaking mga mata. "Anong ibig mong
sabihin? Porke ba't pumayag akong mahalikan mo iniisip mong tayo na ulit?" medyo
natatarantang wika nito.

"Ops don't assume too much."

"Eh ano ako?!"

"You're a girlfriend-on-leave pretending to be my bodyguard," kalmadong sagot ni


Blake habang lihim na tumataas ang isang sulok ng bibig.

"Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin na papel ko sayo sa buhay mo pero tandaan
mo sa susunod na tsansingan mo ulit ako, babalian na kita ng buto!"

"Really? Then I wonder what will you do to me later when we arrive the house?"

Nagsalubong ang mga kilay ng babae. "Bakit ano na naman ang gagawin mo?"
"I'm planning to have a one-night stand with you."

"BLAKE MONTEVERDE!!!"....

•••••••

Kausap ni Alex sa kanyang desk si Balatbat. Ipinapakita ng tauhang pulis ang mga
litrato ng mga taong may matataas na posisyon sa mga kumpanya ni Pablo Garcia.

"Yan si Nestor Del Valle ang head ng fabric company ni Garcia. Naaresto yan dati sa
kasong drug dealing pero nadismiss din dahil sa kakulangan sa ebidensiya. Eto naman
si Mario Ferrer sa kanya nakapangalan ang isang malaking karaoke lounge ni Garcia.
May record naman yan sa NBI ng carnapping pero pinakawalan din dahil wala rin daw
matibay na ebidensiya. At eto naman si Gabriel Jimenez ang isa sa mga supervisor ng
construction company. Dati na rin itong nakulong sa kasong homicide pero nakalaya
din dahil ang sabi'y nabayaran daw ang pamilya nung biktima." paliwanag ni Balatbat
habang inilalatag ang mga larawan sa mesa ng kapitan.

Dinampot ni Alex ang mga larawan at tinitigan ang mga ito. "Ibig sabihin maaring
nasa likod din si Garcia sa mga krimeng nagawa ng mga taong ito," napapangising
sabi niya.

"Malaki ang posibilidad!" madiing sagot ni Balatbat.


"Totoo nga ang narinig ko na napapaligiran ng mga hoodlums itong nagmamalinis na
Garcia na ito."

"Tumpak ka diyan kap!"

"Nasundan mo ba ang mga taong ito?"

"Mission accomplished! Ang yayaman ng mga iyan at ang dalawa diyan tatlo-tatlo ang
pamilya. Akalain mo kung ang tauhan ni Garcia ganyan na kayayaman, ano pa kaya
siya?"

"Natural, mga illegal ang ginagawa eh. Pa front-front pa kunwari ng mga matitinong
kumpanya," napapailing na komento ni Alex.

"Paano yan kap? Ang lakas pala ng Mr. Garcia na yan tapos tayo, dadalawa lang.
Papaano natin yan mahuhuli? Mukhang imposible yata ang misyon na ito kap!"
problemadong bigkas ni Balatbat.

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Makakahanap din tayo ng magandang tiyempo at


tiyak na may darating din sa ating alas na makakapagpahina sa Garcia na yan," sagot
ng dalaga nang may matatapang na mga mata.

Natigilan si Balatbat nang di sinasadyang napatitig sa ngingisi-ngising kausap.


Napansin niyang may kakaibang sigla ang mukha nito. Mamula-mula ang mga labi at
pisngi. Pati buhok nito ay ayos na ayos ang pagkakapuyod.
"Kap, may makeup ka ba?"

Napahawak sa pisngi si Alex at pinahid ng daliri ang kanyang mga labi. " W-Wala,
bakit?" medyo nahihiyang sagot niya.

"Ba't parang fresh na fresh yang mukha niyo ngayon? Kakaiba ang glow, nakakasilaw,"
usisa ng makulit na kasamahan.

"Ah nakatulog kasi ako ng maayos kagabi. Saka naglagay lang ako ng kaunting lip
gloss kanina. Bakit pangit ba?" naasiwang paliwanag ng babae.

"Sinong may sabing pangit? Ang ganda niyo nga eh!" Unti-unting gumuhit ang mga
ngiti ni Balatbat. "Napapansin ko lang kap. Umpisa nang magkasama ulit kayo ni Sir
Blake, parang araw-araw ay nagiging blooming kayo. Kayo na ba ulit?" walang pag-
aalinlangang tanong nito nang may nang-aasar na reaksiyon.

Binatukan ito ni Alex. "Um! Umandar na naman yang pagiging tsismoso mo! Wala na ba
akong karapatang maging blooming kapag walang karelasyon!"

"Aray! Simula na naman kayo kap sa pagiging bayolente niyo ha. Napaghahalata tuloy
na defensive kayo masyado! Ano namang masama kung magkabalikan kayo? Obvious naman
na patay na patay pa kayo sa isa't isa! Isa lang naman yata ang hadlang sa inyo,
yung salitang pakipot."

"Hindi ka ba titigil?!" singhal ng namumulang babae.


Natigil ang kulitan ng dalawa nang biglang may tumambad sa may pintuan. Napanganga
at nanlaki ang mga mata ni Alex pagkakita dito at ganun din ang di inaasahang
bisita nang makita ang nagulat na dalaga.

"T-Tyron?" napapangangang sambit ni Alex.

"A-Alex?" naguguluhang bigkas naman ni Tyron.

"A-Anong ginagawa mo dito?" di makapaniwalang tanong ng babaeng pulis.

"I followed him until here." Sabay tingin ng lalaki kay Balatbat. "H-How about you?
Why are you here?"

"Ah-eh...." di malaman ni Alex kung papaano sasagutin ang tanong. Tumingin muna
siya kay Balatbat upang senyasan itong lumabas muna ng opisina. Sumunod naman ang
tauhan.

"Wait. Can I talk to you for a while?" pigil ni Tyron sa papalabas na si Balatbat.
"I saw you in Divine's grave and I want to ask you something."

"Ah si Captain Valdemor na ho ang bahalang makipag-usap sa inyo."

Naguguluhang tumingin si Tyron kay Alex. "C-Captain Valdemor?"


Tumango si Alex , ngumiti at inialok ang silya sa harap ng mesa niya. "Maupo ka
muna."

Naupo ang lalaki habang hindi maalis-alis ang mga mata sa dalaga. "Y-You're a
police woman?" puno ng pagtatakang usal nito.

Tumango si Alex. "Pasensiya ka na kung nagsinungaling ako, nasa sitwasyon kasi


akong hindi ko masabi-sabi sayo ang totoong trabaho ko," naaasiwang paliwanag nito.

Bagama't hirap maniwala, idinaan na lamang ni Tyron sa tawa ang pagkabigla. "Kaya
pala ang galing mong makipag-away."

Tumawa rin ng mahina si Alex.

"That's why I had this feeling na hindi ka naman mukhang engineer. Pero hindi rin
naman sumagi sa isip ko na isa kang pulis so it's still a big surprise for me."
tatawa-tawang pahayag ng lalaki sabay gala nito ng mga mata sa silid. "Dito ka ba
nakadestino sa presintong ito?"

"Oo. Mahigit anim na taon na ako dito," sagot ni Alex. "Ano nga palang ipinunta mo
dito? Narinig kong nabanggit mo ang pangalan ni Divine kanina," ungkat niya.

"Sinundan ko yung kausap mong lalaki kanina. Pulis din ba yun?"

"Oo."
"I saw him sa puntod ni Divine kahapon and I followed him until here but I had an
urgent appointment yesterday kaya ngayon lang ako pumasok dito sa loob to inquire
about him."

"Bakit ka interesado sa taong yun?" medyo may kaseryosohang tanong ni Alex.

"I want to know if what was he doing in that cemetery."

"Inutusan ko siyang magmanman,"diretsong sabi ng dalaga.

Natigilan si Tyron.

"What for? And by the way how did you know Divine? Was it because of Sophia? Akala
ko nung time na pinakilala ka niya sa akin was also the first time you met each
other since her college days? Divine was her assistant after she finished her
college," sunud-sunod na pag-usisa ng naguguluhang binata.

Sumagot muna ng simpleng ngiti si Alex. "Mahabang kuwento pero coincidentally halos
magkasabay kong nakilala sina Divine at Sophia. At sa mga panahong iyon, silang
dalawa ang hindi pa personal na magkakilala."

"You mean mas nauna mong naging kaibigan si Divine?"


Tumango ang dalaga.

"What a small world," napapailing na tugon ni Tyron. "But why are you sending spy
in her grave?"

"Dahil may tao akong gustong makausap na baka sakaling nagpupunta doon," seryosong
sagot ni Alex habang pinag-aaralan ang reaksiyon ng kaharap.

"If police officers are looking for that person, does that mean he did something
against the law? Are you saying that Divine had some connection with a criminal?"
bigkas ni Tyron na noon ay wala pa ring mapaglagyan ng pagtataka.

Bumuntong-hininga si Alex. Sa nababasa niya sa mga mata ng kausap, mukhang wala nga
itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa likod ng pagkamatay ni Grace.

"Tyron hinahawakan ko ang suicide case ni Ms. Francisco. Inimbestigahan namin ito
dahil may mga posibilidad na maaring hindi simpleng pagpapakamatay lamang ang
nangyari. Pero nadismiss na ang kasong ito sapagkat wala akong naipakitang matibay
na ebidensiya. Ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa panaka-nakang pag-iimbestiga,
nagbabakasakali na makakatiyempo rin ako ng matibay na katibayan na susuporta sa
mga alegasyon ko para muli kong mabuhay ang kaso. Kaibigan ko si Divine kaya't
gusto kong malaman ang buong katotohanan sa pagkamatay niya. At kung may krimeng
naganap, dapat magbayad ang mga taong may kasalanan," pahayag niya nang hindi
inaalis ang mga paningin sa mukha ng kausap.

Napalunok si Tyron sa mga narinig. Halatang kumislap ang mga mata nito sa nalaman
subalit sa likod nito ay kita ring kabado ito. "S-So you mean right after her body
was found dead, you were already investigating kung ano ang mga nangyari prior to
her death?" napapalunok na tanong nito nang may pilit na ngiti.
"Yap."

"D-Did you find anything?"

"Kung meron man, sa amin na lang muna iyon," may ngiting sagot ni Alex.

" I see... sorry if I asked too much," bahagyang napapaprenong tugon ng lalaki. "B-
But do you really think she didn't kill herself?" di pa rin nakatiis na dugtong
nito.

"Ikaw, Tyron. Sa pagkakakilala mo kay Divine sa tingin mo ba magagawa niya iyon sa


sarili niya?" balik ni Alex sa tanong.

Pansamantalang hindi nakaimik si Tyron. Bumilang muna ang ilang segundo bago ito
nakasagot. "W-Well sa una, ayoko ring isiping nagawa niya yun pero all of us has
their own secret to keep. Minsan, what we see in a person isn't enough para masabi
mong kilalang-kilala mo na siya," naninimbang na sagot nito habang nakatingin din
sa mga mata ng dalaga.

Tumango si Alex bilang kunway pagsang-ayon sa kausap ngunit ramdam niyang tila may
gustong lumabas sa bibig ng lalaki.

"Oo nga pala. Ano ang ginagawa mo sa sementeryo kahapon? biglang pag-iba niya sa
usapan nang mahalatang hindi naging komportable ang lalaki sa naunang tanong niya.
"I'm visiting her grave."

Napaisip bigla si Alex. "Kahapon ka lang ba bumisita sa kanya?"

"No. I think I visited her four or five times already. Gusto kong makabawi sa hindi
pagpunta sa burol at libing niya."

"Ibig mong sabihin dala mo yung mga nakikita kong bulaklak doon at hindi yun galing
sa bestfriend niya nung college?"

Kumunot ang noo ni Tyron. "B-Bestfriend? Hindi ko alam kung sinong tinutukoy mo but
yeah I always bring flower whenener I go there."

Nadismaya si Alex sa nalaman. "Haist, akala ko pa naman ay may paraan na para


makita ko ang taong yun," napapakamot sa ulong sambit niya ngunit bigla siya uling
napaisip nang ibinalik ang mga mata sa kaharap.

"Alam kong mas nauna mong nakilala si Divine kaysa kay Sophia, may mga naging
kaibigan ka rin ba mula sa mga naging kaibigan ni Divine?" dugtong niya.

Halatang nagdalawang-isip muna ang lalaki bago sumagot. "Y-Yeah, I know some of her
close friends and I'd been an acquaintance to them for a while."

Nagliwanag ang mukha ni Alex. Dali-dali siyang nagbukas ng drawer at hinalukay ang
mga lamang gamit nito. Napangiti siya nang makita ang hinahanap. Inilabas niya ang
larawang ibinigay sa kanya ng empleyada ng Golden Pacific at agad na ipinakita ito
sa kausap.
"Ito, ito..." namimilog ang mga matang itinuro niya ang litrato ng tinutukoy na
babae."Kilala mo ba ito?"

Kinuha ni Tyron ang larawan at kunot-noo itong tinitigan ng mabuti. "Yes, I know
her."

"Talaga?! Anong pangalan niya? Taga-saan siya? Alam mo ba kung saan ko siya pwedeng
makita?"

"I don't remember her name. I think I met her thrice or four times only but that
was years ago, hindi ko pa karelasyon si Sophia. Ang naalala ko lang ay sinamahan
ko si Divine to go to a certain event and doon ko unang nakilala ang taong yan,"
pahayag ni Tyron habang tila pilit may inaalala.

Nawala ang mga ngiti ni Alex. "Ganun ba?" medyo may kahinaang sagot niya.

"But don't worry, I'll try to remember everything. Pag may naalala ako, I'll inform
you immediately. I'm willing to help you to find this woman," nakangiting sambit ng
lalaki.

Bumalik ang sigla sa mukha ng dalaga. "Talaga?!"

"Yes. Kung totoo ngang may foul play sa pagkamatay ni Divine, I'm willing to help
to give justice to her death."
Unti-unting naging ngisi ang mga ngiti ni Alex. Napapailing siya sa isipan.
Tutulungan pa kaya siya nito kapag nalamang ang sariling ama ang kinakalaban?

"I want to talk to you ng mas mahabang oras pero hindi ako pwedeng magtagal. May
lakad pa ako," wika ng lalaki pagkatapos nitong tumingin sa suot na relos.

"Okay lang, pwede kang pumunta dito anytime kung gusto mo akong kausapin."

Sinabayan ng babaeng pulis ang pagtayo ng bisita.

"Nice to see you again," wika ni Tyron bago pa ito tuluyang magpaalam. "I think
seeing that policeman in Divine's grave is a blessing in disguise para muli tayong
magkita. Honestly, nagulat ako na iniimbestigahan pala ang pagkamatay ni Divine but
at the same time I'm glad that you're the one who's handling it."

Ngumiti si Alex. "Ako rin ay natutuwa na muli kang makita. Halika ihahatid na kita
papalabas."

Sinamahan niya papalabas ng headquarters ang lalaki. "Bakit nga pala naisipan mo
pang sundan si Balatbat hanggang dito?" tanong niya habang naglalakad.

"I-I thought he was the boyfriend of Divine. I-I was curious about that guy since I
only heard about him from her but actually never met him even once."
"Totoong may karelasyon si Divine?" gulat na wika ni Alex.

"T-That's what she told me."

Natahimik si Alex. Kung ganun may posibilidad nga kayang boyfriend ni Grace ang
suspect?

"Paano I'll be leaving now." Paalam muli ni Tyron pagdating sa labasan ng


headquartes. "Are you using the same number. I'll call you kapag may naalala ako
tungkol sa babae sa picture."

"Oo yun pa rin ang gamit kong number."

Nakipagkamay muna ang binata bago ito tuluyang umalis. Napapabuntong-hininga at


napapaisip naman ng malalim si Alex habang tinitingnan ang naglalakad na lalaki
pabalik ng sasakyan nito.

"Kap di ba siya yung anak ni Pablo Garcia?"

Napaigtad siya sa bigla-biglang pagsulpot ni Balatbat sa tabi niya. At lalo siyang


nagulat nang mapalingon siya sa halos nakadikit ng mukha nito sa mukha niya.
Masungit na itinulak niya ito papalayo.

"May araw pa kaya pwede ba huwag ka munang manakot!"


"Kayo talaga Kap ang hirap niyong biruin. Ginto ba yang mga ngiti niyo?"
napapakamot sa ulong sabi nito. "Pero seryoso Kap, di ba siya yung anak ni Pablo
Garcia?"

"Oo."

"Anong ginagawa niya dito? Bakit kusa siyang pumunta dito sa headquarters?" takang-
takang tanong nito.

Tumingala sa kalangitan si Alex at ngumiti. "Isa siyang hulog ng langit para sa


atin sa araw na ito. Sabi ko naman sayo maghintay lang tayo't darating din ang alas
natin."

"Alas? Ibig mong sabihin ipanlalaban mo siya sa mismong ama niya?" nanlalaki ang
mga matang tugon ni Balatbat.

Sumagot ng simpleng ngisi si Alex. Nabuhay ang lahat ng ugat niya sa utak sa
biglang paglitaw ni Tyron sa harap niya. Samu't saring mga ideya ang nagsusulputan
sa kanyang isipan kung papaano paiigtingin ang galit ni Garcia gamit ang anak nito.
Pansamantala siyang pumikit at humugot ng malalim na buntong-hininga. Maaga pa lang
ay maganda na agad ang araw niya.

Napamulat agad siya nang maramdamang sinisiko siya ng katabi.

"Kap, kap.." bulong nito. "Naglalakad pabalik dito yung alas mo," sabay nguso nito
sa papalapit uling si Tyron.
Sinalubong ni Alex ng ngiti ang binata. "Oh Tyron may nakalimutan ka bang itanong?"

"Ah..." sambit nito nang may naasiwang ngiti sabay napasuklay ng kamay sa buhok.
"A-Are you busy tonight?"

"Bakit?" takang tanong niya.

"I'm free this evening so I'm wondering if I can invite you to a dinner so that we
can talk more about Divine's matter."

"Sure!Sure! No problem. Hindi ako busy!" mabilis pa sa alas-kuwatrong sagot niya


nang may namimilog pang mga mata.

"Really?" masiglang sagot ng binata habang lumalaki ang ngiti sa mga labi.

"Oo naman!"

Samantala, nakanganga lamang si Balatbat habang nakikinig. Palipat-lipat ang mga


mata nito sa dalawang nag-uusap.

"Meron ka bang gustong isuggest na restaurant?" tanong ni Tyron.


Nakangiting umiling ang dalaga. "Bahala ka na. Kahit sa turo-turo okay lang!"

"Then, I'll inform you the place later or kung gusto mo, daanan na lang kita dito."

"Naku huwag na! Magsasayang ka pa ng oras at pagod papunta dito! Ako na lang ang
pupunta basta't sabihin mo lang sa akin ang lugar."

"Are you sure?"

"Sure na sure!"

"If that's what you want then sige tatawagan na lang kita later. I'll go ahead,"
masayang paalam ulit ng binata.

"Bye!" kumakaway na sagot ng babae.

Hinintay ni Alex na makaalis ang sasakyan ni Tyron. At habang tinatanaw ang


papalayong kotse, hindi mabura-bura ang mga ngiti nito sa labi.

"Ang bilis mo namang magdesisyon kap. Payag ka kaagad. Hindi ka man lang
nagpakipot!" banat agad ni Balatbat pagkaalis ni Tyron.
Umirap si Alex. "Bakit naman ako magpapakipot eh pagkakataon ko na para mapalapit
sa taong iyon. Tatanggihan ko pa ba ang isang magandang opurtunidad?"

"Kap buti sana kung makapulot ka ng magandang impormasyon sa kaso, eh paano kung
bagong boyfriend ang mapulot mo."

Nanggigigil na iniamba ni Alex ang kamay. Babatukan niya na sana ang malisyosong
tauhan ngunit agad itong nakalayo at nagtakip ng ulo. "Opps! Ayan na naman kayo,
mananakit na naman kayo!"

"Ikaw talaga kahit kailan punung-puno ng basura yang utak mo!"

"Totoo naman eh! Hindi niyo ba nakikita, maliwanag pa sa kislap ng mga bituin ang
ningning ng mga mata ng lalaking yun nang pumayag kang makipagdate," depensa ng
tauhan.

"Anong date ang pinagsasabi mo?! Hindi mo ba narinig ang sinabi niyang pag-uusapan
namin ang tungkol kay Grace?!"

"Yan ang problema sa inyo Kap! Magaling nga kayo sa aksiyon eh napakahina niyo
namang magbasa ng utak ng lalaki. Kitang-kita namang nagyaya ng date ang Tyron na
iyon," lumalayong pahayag ni Balatbat. "Saka ang bilis niyong pumayag ah, wala daw
gagawin mamaya. Eh papaano si Sir Blake?"

Natigilan si Alex at pansamantalang napatanga. "Oo nga no?"


"Ayan na nga bang sinasabi ko. Ang bilis niyong magdesisyon nakalimutan niyong
dadaan muna kayo sa dambuhalang pader!"

Dinukot ni Alex ang cellphone at sinenyasan si Balatbat na tumahimik. Tumikhim muna


siya at huminga ng malalim. Dinayal niya ang numero ni Blake. Hindi pa man
sumasagot ang binata, nakaabang na ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Hello, I'm busy so talk faster," supladong bungad nito.

Ngumiti siya at kinausap ang lalaki nang may malambing na tono. "P-Pasensiya na sa
istorbo. K-Kasi Blake may biglaang importanteng lakad ako mamaya kaya si Balatbat
na lang muna ang susundo sa iyo."

"Anong lakad?"

"Meron akong kakausaping mahalagang tao na pwedeng makatulong sa kaso."

"Okay," walang pagdadalawang-isip na sagot nito. "But tell Balatbat to be here one
hour earlier."

"Talaga okay lang saiyo? Salamat! Sige sasabihin ko kay Balatbat na agahan ang
pagpunta diyan."

"Wait a minute. You're excited now pero kanina lang you sound uneasy. Are you sure,
you're excuse is work related?" biglang nagdududang tono ng kausap.
Unti-unting uminit ang mga pisngi ni Alex. "Oo naman!" depensa niya.

"My instinct is telling me that you're going out with a guy," sabi nito nang hindi
niya alam kung nang-aasar o nanghuhuli.

Kunwa'y natawa siya. "Sinasabi mo bang makikipagdate ako?"

"That words voluntarily came from your own mouth."

"Hah! Sa tingin mo ba may panahon pa ako sa ganyang mga bagay?!" madiing


pagtatanggol niya sa sarili.

"Well, it's up to you. Besides you have the freedom to do anything you want," sagot
nito nang hindi niya alam kong sarkastiko ba o sadyang wala ngang pakialam. "I'm in
the middle of a meeting so I can't waste time talking to you about this matter."

"O s-sige na bye. Pasensiya na ulit sa istorbo," nahihiyang paalam niya.

Nakasimangot na ibinaba ni Alex ang telepono. Pansamantala na sana siyang natuwa


dahil sa mabilis na pagpayag ng lalaki ngunit sa bandang dulo pala ay magmamaasim
din ito.

Napatingin siya kay Balatbat na noon ay may nagrereklamo na ring mukha. "Narinig mo
yung sinabi ko? Maaga ka raw dapat pumunta doon," simangot na sabi niya.

"Naku patay na! Tiyak na ako na naman ang sasalo ng init ng ulo nun," napapakamot
sa bumbunang sambit nito.

"Huwag kang mag-alala siya na ang nagsabing pwede kong gawin anuman ang gusto ko
kaya ibig sabihin hindi yun bad mood. Ang bilis ngang pumayag eh!"

"Naniwala naman kayo!"

"Basta tandaan mo, huwag na huwag mong babanggitin kong nasaan ako. Kilala kita,
ang bilis mong tumiklop pagdating kay Blake!"

"Sino kaya sa ating dalawa? Kitam takot rin naman kayong mahuling may kasamang
ibang lalaki."

"Anong sabi mo?! Wala ka nang respeto ha porket hindi kita pinapatulan!"

Tumakbo papasok ng headquarters si Balatbat. "Kasi naman masama rin ho sa katawan


ang sobrang pakipot!" habol na hirit pa nito.

Mas lalong napikon si Alex. Nanggigil na hinabol niya ang nang-aasar na tauhan.
"Humanda ka pag inabutan kita mas mauuna pang magkamalay sayo si Manang Cresencia!"
"Hindi niyo ako pwedeng saktan, walang duduty kay Sir Blake mamaya!"

Binilisan pa lalo ni Alex ang takbo hanggang sa may mabangga siyang katawan na
bigla na lamang lumabas mula sa isang silid.

"VALDEMOR! What the hell are you doing?!"

Napayuko agad siya nang malamang ang hepe pala ito. "Sorry po chief, si Balatbat
kasi..."

"Anong palagay niyo dito sa presinto, playground?! Go back to your desk!"

"Yes chief. Eto na po babalik na," nakatungo at malumanay na sagot niya....

------

Nakaramdam ng hiya si Alex habang pumapasok sa isang mamahalin at sosyal na


restaurant. Hindi niya akalaing doon siya papupuntahin ni Tyron. Hindi man lang
siya nag-ayos ng sarili at ni manalamin bago umalis ng headquarters ay hindi niya
ginawa.

Naasiwang iginala niya ang mga mata at nakita niya naman agad si Tyron na
nakangiting kumakaway sa kanya. Nakapwesto ito sa isang nasa bandang gilid na
table.
"Kanina ka pa ba? Pasensiya na may inayos pa kasi akong reklamo sa presinto,"
despensa niya habang umuupo.

"It's okay. Kadarating ko din lang naman."

Napansin niya ang ayos ng lalaki. Napakaayos at napakalinis nitong tingnan kumpara
sa hitsura niyang parang kakain lamang sa isang karenderya sa kanto.

"H-Hindi na ako nakapag-ayos, akala ko kasi sa simpleng restaurant lang tayo


magkikita," kusa at naasiwang paliwanag niya habang inuunat ang laylayan ng suot
niyang leather jacket.

Ngumiti ang binata."No problem. Besides, there's nothing wrong with your get up.
You look even cooler now than the first time I saw you wearing that kind of
clothes."

"S-Salamat," tugon niya kahit hindi naniniwala sa sinabi ng kausap.

"Do you want to order now? Since you came directly from work, I bet you're hungry
already," wika ni Tyron at sabay abot sa kanya ng menu.

"S-Sige..."

Pasimpleng iginala muna ni Alex ang mga mata sa paligid at nang ibinalik niya ang
mga paningin sa menu, bigla siyang napalunok nang makita ang mga presyo. Nalulula
siya sa sobrang mamahal nito. Agad niyang inalala kung magkano ang laman ng kanyang
wallet. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang maalalang kakawithdraw niya nga lang
pala ng sweldo. Pero naisip niya pa rin ang mga babayaran sa hospital, kaya't
naghanap pa rin siya ng murang maoorder.

"Can I call the waiter now?" nakangiting tanong ni Tyron.

"S-Sure."

"Let's eat first before we proceed to our talking. Hindi ka naman siguro
nagmamadali," pabirong bigkas ng binata.

"H-Hindi naman," sagot niya sabay inom sa libreng tubig na nasa mesa.

Iginala niya muli ang mga paningin at muntik niya nang mabitawan ang hawak na baso
nang mapalingon siya sa may pintuan. Parang biglang may sumabog sa dibdib niya nang
makita kung sino ang pumapasok sa restaurant. Ramdam niya ang panlalamig ng buong
katawan. Kung hindi lang mabilis na gumana ang utak niya, baka nawala na siya sa
sarili sa sobrang pagkataranta.

Dali-dali niyang itinakip ang menu sa kanyang mukha at mabilis na nag-isip ng


paraan kung papaano magtatago. Isisiksik niya ba ang sarili sa ilalim ng mesa? Pero
ano na lang ang sasabihin sa kanya ng kasama? Pupunta ba siya ng CR? Pero
magmumukha namang tanga si Tyron kung magtatagal siya sa banyo.

"Are you okay?" tanong ni Tyron nang mapansin ang nababahala niyang kilos.
"Ah wala naman. Naaalala kong may nakalimutan pala akong ipagbilin sa kasamahan ko
sa headquarters," sagot niya nang hindi inaalis ang menu sa pagkakatakip sa kanyang
mukha

"You can call your office, if you want to."

Tatayo na sana siya para pumuntang banyo at doon na lamang mag-isip ng paraan kung
papaano lulusot ngunit biglang nagsalita ang kasama.

"Hi Bro!" bati nito sa isang kakilala.

Nanigas ang mga tuhod niya kaya't hindi na siya nakaalis ng upuan. Wala siyang
nagawa kundi alisin na lamang ang nakatakip sa kanyang mukha tutal siguradong
mabubuking na rin naman siya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang menu. Ngunit laking
gulat niya nang makitang nakaupo si Blake sa isang malapit na mesa na nasa bandang
kanan nila at may kasama rin itong maganda't seksing babae. Namumukhaan niya ang
babae, ito yung madalas kaharutan ni Blake dati sa karerahan.

Nawala ang pagpapanic niya at unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ano
ang ginagawa ng mga ito dito? Nasa date din ba ang lalaki at nagkataon na pareho
sila ng restaurant na pinuntahan?

Napalingon sa mesa nila si Blake. Nakita siya nito ngunit pahapyaw lamang na dumaan
ang mga mata nito sa kanya. Walang reaksiyon ang mukha at ni hindi man lang ito
nagulat. Pagkuwa'y tumingin ito kay Tyron at nakangiting tumango dito saka muling
nakipagkuwentuhan sa kasamang babae.

"He's someone I know," kusang sabi ni Tyron.


"G-Ganun ba?"sagot niya ng may kabadong ngiti.

Pasimpleng ipinaling niya sa ibang direksiyon ang ulo at muling napainom ng tubig.
Lumapit sa kanila ang waiter. At dahil sa nararamdamang kaba nagturo na lamang siya
ng kung anu-anong pagkain.

"Did Sophia contacted you already?" tanong ni Tyron pagkakuha ng waiter sa order
nila.

"H-Hindi pa siya tumatawag pero madalas siyang mag e-mail."

"How is she doing?"

"Huh? Hindi ba siya komokontak sayo?" takang tanong niya.

"She broke up with me so maybe she has no more reason to contact me," may pait na
sabi ng kausap.

Gusto niya sanang makipag-usap ng seryoso sa kasama subalit hindi pa rin siya
mapalagay habang maya't mayang napapalingon sa direksiyon nina Blake. Nahuhuli niya
ring sumusulyap sa kanya ang binata ngunit agad din naman nitong ibinabalik ang
atensiyon sa ka-date.

"Do you know him?" seryosong tanong sa kanya ni Tyron nang mahuling nakatingin siya
kay Blake.

Sumagot lamang siya ng ngiti at mabilis na umayos ng upo.

"He's Sophia's ex-boyfriend and they had their relationship during her college days
so maybe you know him."

Ngiti ulit ang isinagot niya. Natutukso siyang sabihin dito ang totoo niyang
relasyon kay Blake ngunit habang tinitimbang pa ang sitwasyon, muling lumakas ang
kaba ng dibdib niya nang makitang tumatayo si Blake sa upuan. At inihanda niya na
ang sarili nang humakbang ito papalapit sa kanila.

Natural na natural pa rin ang reaksiyon nito at habang papalapit sa mesa nila, kay
Tyron lamang ito nakatingin. Muli siyang uminom ng tubig at patay malisyang
tumingin sa ibang direksiyon.

"Hi Bro! Nice to see you here," nakangiting bati nito at sabay na iniabot ang palad
sa kausap upang makipagkamay.

Tumayo si Tyron at malugod ding binati ang lalaki. "Yeah me too. It's been a long
time since we saw each other. Kumusta ka na?"

"I'm fine," tipid na sagot ni Blake.

"Congrats bro! I heard you're doing well in Golden Pacific."


"Thanks."

Tumingin si Tyron kay Alex. "Ah by the way I want you to meet..."

"Alexandra Michaela Preciousa Valdemor." Mabilis na pagdugtong ni Blake sa sinasabi


ng kausap at saka lamang ito napatingin ng may katagalan sa di mapakaling dalaga.

Muntik nang maibuga ni Alex ang iniinom na tubig. Iniwasan niyang magkatagpo ang
mga mata nila ni Blake kaya't pasimple siyang tumungo upang itago rin ang tiyak na
namumula niyang mga pisngi.

"Huh? You know her," gulat na sambit ni Tyron.

"Of course I know her very well," nakangising sagot ni Blake nang hindi inaalis ang
pagkakatitig sa dalaga. "Didn't you hear the famous news that I was supposed to get
married to a police officer?"

Natigilan si Tyron at pansamatalang napanganga. "Y-You mean..." naguguluhang sambit


nito habang palipat-lipat na napapatingin sa napapahiyang mukha ni Alex at sa
ngingisi-ngising si Blake.

Hindi na sumagot pa si Blake. Sa halip ay tinapik na lamang nito sa braso ang gulat
pa ring kausap. "I'll go back to our table now. My date is waiting for me. Lumapit
lang ako to say hi. Enjoy your dinner," sabay bigay ulit ito ng mabilis na sulyap
sa di makaimik na babae.
Hindi na nasagot ni Tyron ang lalaki. Sa halip ay napapangangang bumalik na lamang
ito sa pagkakaupo habang nakatingin sa namumulang mukha ni Alex.

"Sandali lang Tyron ha. Tatawagan ko muna yung kasamahan ko para sabihin yung
nakalimutan kong ihabilin," mabilis na pag-iwas ng dalaga.

Nagmamadaling tumayo si Alex at mabilis na nagpunta ng banyo. Pagkapasok niya sa


loob, agad niyang tinawagan si Balatbat.

"Talaga bang kinakati lagi yang dila mo! Di ba sinabi ko namang huwag na huwag mong
sasabihin kay Blake kung nasaan ako?!" singhal niya agad sa kasamahan.

"T-Teka lang kap? A-Anong pinagsasabi niyo?"

"Bakit mo sinabi kay Blake kung nasaan ako?!"

"Anong sinabi? Papaano ko sasabihin eh hindi ko nga alam kung saan kayo pupunta.
Alam kong makikipagkita kayo sa anak ni Garcia pero hindi niyo naman binanggit
kung saan?"

Napaisip bigla si Alex. Oo nga naman, hindi niya nga pala nabanggit dito kung saan
siya pupunta.

"Nasaan ka ba?" biglang hinahong tanong niya sa tauhan.


"Andito sa kotse ni Sir Blake.T-Teka nagkita kayo? Ibig sabihin nandiyan din kayo
sa restaurant na yan? Nahuli mo siyang may ka-date at nahuli ka rin niyang may
kasamang ibang pogi? Naku patay!"

"Sigurado kang wala kang sinabi sa kanya?!" pagpapaamin niya sa kausap.

"Wala ho sabi. Paano yan Kap baka pag nagkabukingan eh hindi na ulit magpakita sayo
ang Tyron na iyan?" nag-aalalang tugon nito.

Nanahimik ng ilang saglit si Alex. "Sige na. Ako nang bahala mag-ayos nito."

Takang-takang ibinaba niya ang cellphone. Paano nalaman ni Blake kung nasaan siya?
Sa kakaibang reaksiyon nito parang alam nito ang lahat.

Napailing siya.

Imposibleng nagkataon lamang na dito rin ito pumunta. Sa dinami-daming restaurant


sa buong Metro Manila, talaga bang dito pa ito dinala ng mga paa?

Naghilamos muna siya bago lumabas para malamigan ang kanina pa nag-iinit na mga
pisngi. Pagkatapos ay paulit-ulit siyang bumuntong-hininga sa harap ng salamin.
Hanggang sa napagtanto niyang bakit nga ba siya nagpapanic samantalang may kasama
ring ibang babae ang lalaki.
Ano naman kung isipin nitong nakikipagdate siya sa ibang lalaki? Wala na siyang
obligasyong magpaliwanag dito at wala na rin itong karapatang humingi ng paliwanag
sa kanya. Bahala na itong mag-isip ng kahit ano basta't alam niya sa sarili na wala
siyang ginagawang masama. Na ang mahalaga ngayon ay mapalapit siya kay Tyron. Isang
malaking hakbang na ito upang mailagay sa bitag si Pablo Garcia. Hindi siya pwedeng
panghinaan ng loob dahil lamang natatakot siya sa pwedeng isipin sa kanya ni Blake.
Ngayon pa ba siya magpapatalo sa damdamin?

Matapang na bumalik siya sa kanilang mesa at doon ay halatang nakarecover na si


Tyron mula sa naranasang pagkabigla.

"Are you okay?" tanong nito.

Ngumiti siya at tumango. "Pasensiya ka na ha mukhang nagulat ka."

"It's okay that's you're privacy. Naiintindihan ko if you want to keep that matter
to yourself."

"Salamat."

"Do you want to transfer to another restaurant?" alok nito.

"Naku huwag na! Naka-order na tayo sayang naman."

"Sigurado ka baka hindi ka komportable," sabay lingon nito sa mesa nina Blake. "Yan
ba ang babaeng naging dahilan ng paghihiwalay niyo?"
Natigilan si Alex.

"I heard that he broke off the engangement because of other woman," paliwanag ng
lalaki nang makita ang kanyang nagtatanong na mukha.

"Hindi babae ang dahilan kung bakit kami naghiwalay," mahina ngunit diretsong sagot
niya.

Dumating ang order nila at kaswal silang nag-usap ng binata habang kumakain. Hindi
na rin nagtanong pa ang kasama tungkol sa personal na buhay niya.

Samantala, palihim pa rin siyang sumusulyap sa mesa nina Blake. Kitang-kita niya
kung paano nakikipaglandian ang binata sa kasama. May pasubu-subo pang nalalaman
ang malanding babae. Nahuhuli niyang numanakaw din ng tingin sa kanya ang lalaki
ngunit wala pa ring karea-reaksiyon ito sa tuwing tumitingin sa kanya. Mukhang
lutang na lutang ito sa pakikipagharutan. Gigil na gigil siya sa selos ngunit sa
tuwing napapalingon naman sa kanya si Blake ay bigla siyang nakokonsensiya dahil sa
pagsisinungaling niya dito.

"O baka mabali yang kutsara't tinidor," ngingiti-ngiting puna ni Tyron habang
nakatitig sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kobyertos.

Bigla siyang natauhan. "Sorry," napapahiyang sambit niya at sabay subo ng pagkain.

"It's alright. I understand how it feels."


Gustong batukan ni Alex ang sarili. Kaharap niya nga si Tyron pero hindi niya ito
matanong-tanong ng mga bagay na dapat ay kanina niya pa naisisingit sa pag-uusap
nila. Nawawala siya sa konsentrasyon sa tuwing sumasagi sa isip niyang nasa
kabilang mesa lamang si Blake at may kaharutan itong ibang babae.

Lumipas ang halos isang oras pa ng pagpipigil niya ng damdamin, tumayo na si Blake
at ang kasama nito. Sumenyas muna ang lalaki kay Tyron ipang ipahiwatig ditong
aalis na sila. Ni hindi man lang siya nito tiningnan at mas lalo siyang nairita
nang makita pumulupot sa braso nito ang maarteng ka-date.

Natutukso siyang habulin ang mga ito. Sa pagkakakilala niya sa dating Blake,
kinukutuban siya kung saan malamang ang mga ito susunod na pupunta. Imposibleng
umuwi na ito ng bahay.

Palihim niyang tinext si Balatbat upang ipaalalang bantayang mabuti ang binata at
ipaalam agad sa kanya kapag may napansing mga kahina-hinalang umaaligid-aligid
dito. Ang selos na nararamdaman niya ay unti-unting napalitan ng pag-aalala nang
mapagtantong baka abutin ito ng mga alanganing oras sa labas.

"Do you want to have a few drink after this?"

Napaisip siya sa alok ng kasama. Sa totoo lang ay gusto niya ng umuwi. Pakiramdam
niya ay nasira na ang diskarte niya buong gabi. Wala siyang mapiga-pigang
importanteng mga impormasyon dahil sa nangyari. At kahit pa may malaman siya,
mukhang hindi rin ito tatatak sa magulong isip niya. Mas mabuti sigurong sa ibang
araw na lang ulit sila mag-usap.

Tatanggi na sana siya ngunit napagtanto niyang hindi niya kailangang madaliin ang
sarili na makakuha agad ng impormasyon mula sa kausap. Ang mahalaga ay kunin niya
muna ang loob nito at samantalahin ang pagkakataon upang mapalapit ito sa kanya.
"Maybe we can have a bottle of wine and listen to some great music in a lounge
bar," dagdag sabi pa ng kasama.

"Okay, bahala ka," pagpayag niya nang may nag-aalangang ngiti.

Nagliwanag ang mukha ng lalaki at mabilis nitong kinuha ang bill para lisanin na
nila ang lugar. Pagdating ng bill ay nag-alok siyang magbigay ng kalahating bayad
subalit tumanggi ang kasama.

"Hey don't embarass me," pabirong sabi nito. "I'm the one who invited you tonight
so let me handle the payments."

"Hati tayo," pagpupumilit niya. "Kaya mo naman ako niyaya dahil may kinalaman ito
sa trabaho ko di ba?"

"No, I invited you as a friend," diretsong sabi nito sa kanya.

Natahimik siya ng ilang saglit ngunit nagpumilit pa rin siyang magbigay ng kalahati
ng bayad. Pakiramdam niya kasi ay magmumukhang date nga ang nangyari kapag sinagot
ng lalaki lahat ng gastos nila.

"Ganito na lang. I pay for this dinner. And you pay for our drinks later?"
nakangiting sugggestion ni Tyron.
Saka lamang tumigil sa pagpupumilit si Alex. "Okay, ako na lang ang taya mamaya,"
kuntentong sabi niya.

Lumabas sila ng restaurant at pagdating sa tapat nito, panandalian muna silang nag-
usap.

"Did you bring a car?" tanong ni Tyron.

Umiling siya.

"Let's use my car then."

"O-Okay."

"Do you have a bar in mind na gusto mong puntahan?"

Umiling ulit siya. "Ikaw na lang ang bahala."

"Okay."

"P-Pero pwede bang yung bar na medyo bagay naman sa suot ko ngayon," hirit niya.
"Sure," tatawa-tawang sagot ni Tyron sabay tingin nito sa kanya mula ulo hanggang
paa. "Although wala naman akong makitang mali sa suot mo," dugtong nito.

"Let's go," yaya ng lalaki.

Lumapit sila sa sasakyan. Pinagbuksan muna siya ni Tyron ng pinto at inalalayang


sumakay. Ngunit nang papasakay na sa kotse ang kasama, nagulat siya nang bigla na
lamang nagbukas ang pinto sa tabi niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nagbukas nito.

"B-Blake?...."

"Get out," matigas na utos nito habang nakatunghay sa kanya nang may matatapang na
mga mata.

Hindi siya nakakibo sa matinding pagkagulat kaya't hinablot nito ang kanyang braso
at hinila siya papalabas ng sasakyan.

"S-Sandali, Blake," natatarantang sambit niya habang lumalabas ng sasakyan.

Mahigpit na hinawakan ng binata ang kamay niya at tinangka siyang hilahin papalayo
ngunit bigla siyang natigilan nang maramdaman niyang may nakahawak din sa kabilang
braso niya.

"T-Tyron?"

Halatang naguguluhan ang kasamang lalaki sa biglang pagsulpot ni Blake.

"Get your hands off her." matapang na utos dito ni Blake.

"What's your problem Blake?" medyo galit na ring tono ni Tyron.

Ngumiti ng nakakaloko si Blake at lumapit kay Tyron. Nangangalit ang pangang


tinanggal nito ang kamay ng lalaki sa pagkakahawak sa kabilang braso niya.
Pagkuwa'y tinapik nito ng isa sa dibdib si Tyron at ngingisi-ngisi itong kinausap.

"I don't care if you have the habit of dating my ex-girlfriends...But sad to say,
this woman still belongs to me," sabay akbay at kabig ng malakas sa kanya ni Blake
kaya di sinasadyang napaakap siya sa katawan nito.

"Let's go home wifey," may kalakasang yakag nito habang naiwang hindi makapagsalita
si Tyron...

•••••
Naiinis na naghubad ng jacket si Alex at ibinato ang damit sa kama. Nagtanggal din
siya ng sapatos at pagkuway isa-isa itong sinipa patungo sa isang sulok. Walang
tigil siya sa pagpaparoo't parito sa apat na sulok ng kanyang kuwarto.
Napapasabunot siya sa sarili habang nag-iisip kung papaano magpapaliwanag kay
Tyron. Pinangangambahan niyang baka umiwas na ito sa kanya dahil sa nangyari. Hindi
malayong nagalit ito sa ginawa niyang pang-iiwan dito.

Sinisisi niya ang sarili. Bakit ba kasi nagpaapekto siya sa pagseselos ni Blake?
Wala naman sana siyang balak sumama dito pauwi kaya lang umandar din ang selos sa
kanya. Naisip niyang baka balikan nito ang kasamang malanding babae at kung saan pa
ng mga ito maisipang pumunta.

Tumingin siya ng matapang sa direksiyon ng kuwarto ni Blake. Nanggigil na napakuyom


siya ng mga kamay. Lumabas siya ng silid at dali-daling kinatok ang binata.

Blag!Blag!Blag!

"Hoy Blake lumabas ka diyan! Mag-usap tayo!"

Blag!Blag!Blag!

Pinagbuksan siya ng lalaki at sinalubong niya agad ito ng matatapang na mga titig.

"Sisirain mo ba itong pinto ko? Can't you knock properly?" salubong ang kilay na
bungad nito sa kanya.
"Mag-usap tayo."

"Tungkol saan?" nagmamaang-maangan pang tanong nito.

"Sa ginawa mong eksena sa harap ni Tyron!"

Tumahimik ng ilang saglit si Blake. Humakbang ito papalabas ng pinto at lumapit sa


kanya. Inilapit nito ang mukha na halos dumikit na sa mukha niya at tinitigan siya
nang malapitan.

"Are you angry?" mahinang tanong nito nang may nanunuksong boses.

"Oo! Hindi pa ba obvious?!" matapang na sagot niya.

Ngumiti ang lalaki."Masyado atang delayed ang reaction mo. Kanina lang ay para kang
isang maamong tupang nakaupo lang sa kotse. What is this outburst all about wifey?"
nang-aasar pang bigkas nito.

Umatras siya papalayo sa nakatututok na mukha ng kausap. Namewang siya at tinaasan


ito ng kilay.

"Heh! Huwag mo akong matawag-tawag na wifey! Matapos mong ipangalandakan sa harap


ni Tyron na ex-fiancee mo ako tapos sa bandang dulo tatawagin mo akong wifey!"
Ngumisi si Blake. Umayos ito ng tayo at humalukipkip. "What makes you angry? Ang
pagtawag ko sayo ng wifey o ex-fiancee?"

Napaisip muna si Alex ng ilang saglit. Ano nga ba? Seseryosohin niya na sana ang
tanong ngunit nang makitang ngingisi-ngisi na naman ang kaharap ay muli siyang
napikon.

"Wala sa dalawa ang ikinagagalit ko! Tawagin mo ako kahit sa anong pangalan na
gusto mo, wala akong pakialam! Ang pinuputok ng butse ko ay ang pangingialam mo
kanina! Ano na lang ang iisipin sa akin ni Tyron? Na pinagkatuwaan ko lang siya?
Paano na lang kung nagalit siya sa akin at hindi na muling magpakita pa?!"

Nawala ang mga ngisi ni Blake at dahan-dahan itong nagseryoso. Inilapit ulit nito
ang mukha sa dalaga at tumitig ng diretso sa mga mata. "Inaaway mo ba ako ngayon ng
dahil lang kay Tyron?" madiing tanong nito habang unti-unting tumatapang ang mga
mata.

Napalunok si Alex habang nakatingin sa titig na titig na seryosong kausap. Biglang


humupa ang panggigigil niya dahil sa tanong. Di makaimik na tumingin siya sa ibang
direksiyon at pasimpleng humakbang papaatras. Inaaway niya nga ba si Blake dahil sa
ibang lalaki? Ito ba ang pagkakaintindi ng kausap kung bakit siya nagagalit?

"Sinisigawan mo na ba ako nang dahil sa ibang lalaki? I tried to control my


jealousy but my pride went off after I recalled you lied. You told me clearly that
you weren't going out with a guy and assured me that it was definitely not a date,"
nagpapakonsensiya pa lalong dugtong nito.

Natameme siya ng ilang sandali ngunit nang makabawi sa pansamantalang


pagkakonsensiya ,pinanindigan pa rin niya ang paggagalit-galitan. "S-Sinasabi ko
bang nagagalit ako dahil mismo kay Tyron? Ang ikinagagalit ko ay ang basta ka na
lang susulpot at mangingialam nang hindi inaalam ang totoong sitwasyon! A-Alam mo
bang kailangang mapalapit ako sa taong iyon dahil isa siya sa maaring makatulong sa
akin sa kaso? Papaano na ngayon yan? Sa palagay mo ba lalapit pa sa akin yun
matapos mo akong kaladkarin pauwi sa harap niya?"
"Importante pala siya sayo, eh bakit ka sumama sa akin? You have a choice to stay.
Nagagawa mo naman kahit anong gusto mo di ba?"

Muling natigilan si Alex at unti-unting bumaba ang nakataas na isang kilay. "E-Ewan
ko...H-Hindi na ako nakapag-isip ng mabuti. G-Ginulat mo kasi ako," nauutal na
sagot niya.

Mahinahong humakbang patungo sa kanya ang binata. Hinawakan siya nito sa


magkabilaang balikat. Pinaharap siya ng maayos, hinawakan sa baba at iniangat ang
kanyang mukha upang tingnan ng diretso sa mga mata.

"If you don't want this to happen again, then don't lie. Wala namang masama kung
sinabi mong may kadinner kang ibang lalaki at si Tyron yun. But since you lied, I
couldn't help but doubt your intention," kalmadong paliwanag nito habang hinihimas
siya sa pisngi.

Nanlambot ang puso niya. Pansamantala na naman siyang nadadala sa istilo ng


pagpapaamo nito sa kanya. Napatanga na lamang siyang parang isang maamong tuta
habang gumaganti sa malagkit na mga titig ng lalaki at ninanamnam ang marahang
paghaplos nito sa kanyang pisngi.

Sa loob-loob niya ay gusto niyang tahasang sabihin ditong ano naman ngayon kung may
kasama siyang ibang lalaki, may kadate o kahit pa may manligaw sa kanya. Bakit ba
kung makaasta ito ay parang sila na ulit?

Balak niyang ipamukha ditong lumalampas na ito sa boundary ng pangingialam at


pagseselos... Subalit ayaw bumuka ng kanyang bibig. Madaling magmatigas pero hindi
niya kayang pasinungalingan ang sarili na kayang-kaya pa rin siyang pasunurin ng
lalaki.
"T-Totoo naman ang sinabi kong may kakausapin akong taong makakatulong sa akin sa
kaso..." maamong katwiran niya.

"That's the only truth you said but the rest were lies."

"H-Hindi ko na sinabi k-kasi baka mag-isip ka ng masama," paliwanag niya.

"So, maganda ba ang kinalabasan ng pagsisinungaling mo?"

Parang bata siyang umiling.

"Next time tell me everything para hindi nasisira yang mga plano mo."

Masunurin siyang tumango.

"P-Pero Blake bakit parang ako lang ang may mali. Di ba ikaw din may mali ka rin?
K-Kahit na nagseselos ka dapat hindi mo pa rin yun ginawa...." tila nahihipnotismo
pa ring tugon niya habang nanatili silang magkatitig sa isa't isa.

Naputol ang sinasabi niya nang idinampi ng lalaki ang hintuturo nito sa kanyang mga
labi upang patahimikin siya.
"Ssshhh..."

Tikom naman agad siya ng bibig. Naiinis siya sa sarili. Dapat siyang kilabutan sa
kung papaano siya magreact sa kanilang pag-uusap. Pakiramdam niya sa mga sandaling
iyon ay isa siyang babaeng di makabasag pinggan. Kapag naglambing na ng ganito si
Blake at tinitigan na siya ng malagkit, isa-isa nang nagsisilayasan ang natitirang
tapang niya para sa lalaki.

Hindi niya ito gaanong napaghandaan, buong tapang siyang nagdesisyong magbabobody
guard dahil akala niya ay pawang hinanakit at galit ang ipapakita sa kanya ng
lalaki. Di niya inasahang sa kabila ng lahat ay pag-aalala at malasakit pa rin ang
ipinararamdam nito sa kanya. Kaya habang dumadaan ang araw, pakiramdam niya ay
unti-unti silang bumabalik sa dati. Mas lalo siyang nahihirapang labanan ang
sariling damdamin. Lumalaki ang takot sa kanyang dibdib na baka dumating na lang
ang araw na hindi niya na ito kayang tiisin at layuan.

Sumagot ng tango si Blake sa sinabi niya at maingat na hinawi nito ang buhok na
humaharang sa kanyang mukha. "I'm sorry. I did my best to control myself. I wanted
to trust and believe you but seeing you getting inside his car was too much for me
to handle. Malay ko ba kung saan ka niya dalhin," puno ng pag-aalalang paliwanag
nito habang nakatitig sa kanya na para bang anumang oras ay nanakawan na naman siya
ng halik.

Nababasa niya sa mga mata nito na mukhang tama ang kanyang hinala. Mang-iisa na
naman ito. Humakbang pa siya ng isa paatras. Nakahanda na siyang umiwas habang kaya
pa niya.

"What is this scene all about?"

Napaigtad si Alex nang marinig ang pamilyar na boses. Dahil sa matinding takot,
mabilis na lumapit siya kay Blake at yumakap sa katawan nito. Kulang na lang ay
magtago siya sa likod ng lalaki.
"Grandpa..." gulat na sambit ni Blake. "W-When did you arrive?" napapalunok nitong
sabi sabay kabig ng mahigpit sa beywang ng kabadong babae upang idikit pa ito sa
kanya.

Tiningnan muna sila ni Don Henry ng ilang saglit. Kunot-noong ipinako nito ang mga
mata sa nakapulupot na mga kamay ni Alex sa katawan ni Blake.

Napansin ni Alex kung saan nakatingin ang matanda. Patay-malisya at mainit ang mga
pisngi na kumalas siya sa pagkakayakap sa apo nito ngunit hindi pa rin siya lumayo
sa tabi ng binata.

"Ngayon lang.... This must be the reason kung bakit kinakati ang paa ko na puntahan
agad kita. Meron palang surpresang naghihintay sa akin," sabi ni Don Henry na di
mabakas sa mukha kung natutuwa o hindi sa nakikita.

Umakbay si Blake sa namumulang dalaga. Idinikit niya ulit ito sa kanya at


pasimpleng inilapit dito ang mukha at bumulong.

"Are you ready to talk to him?"

Dahan-dahang umiling ang dalaga habang nakasiksik sa kanya. "Hindi pa," bulong
nito.

"Then sakyan mo lang ako."


Umayos si Blake ng tayo at kumpiyansang hinarap ang nagtatakang lolo.

"Grandpa, Alex is back," sabay marahang tapik niya sa balikat ng babae.

"How did it happen?" naguguluhang tanong ng matanda.

"I'll tell you the details later. I know you're tired kaya't magpahinga na lang ho
muna kayo." Humakbang siya patungong kuwarto. Ramdam niya ang bahagyang pagpalag ni
Alex kaya't mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakaakbay dito. Lumingon ulit siya sa
di makapagreklamong lolo. "We're still making up for lost time," sabay kindat at
ngiti niya sa matanda.

Pagkapasok nila sa loob ay agad niyang inilock ang pinto. Mabilis namang kumawala
sa akbay niya si Alex. Umalpas na naman ang pagkamainitin ng ulo nito.

"Ba't mo ako dinala dito sa loob?!"

Tinakpan niya ng kamay ang bibig nito at marahang binulungan sa tenga.


"Sssh...quiet. Lolo might still be outside. Pwede namang mabuking tayo... but you
have to explain to him the situation right away. Gusto mo ba?"

Napapalunok na umiling si Alex. Nagmistulang tuod na naman siya habang nararamdaman


sa kanyang tenga ang mainit na hininga ng lalaki. Nakatayo ito sa kanyang likuran
at nakapulupot sa balikat niya ang kamay na pinantatakip sa kanyang bibig. Alam
niyang halos nakadikit na sa kanyang tenga ang mga labi nito kaya't natatakot
siyang gumalaw. Palihim na napapakagat siya sa labi habang pinipigilang mahalata
ang paglalim ng kanyang paghinga.
Tinutukso ka niya Alex at nasa loob ka ng kuwarto niya. Huwag kang padadaig!

Tinanggal nito ang nakatakip na kamay, saka dahan-dahang umalis sa pagkakadikit sa


kanya. At nang maramdamang wala na ito sa tabi niya, dali-dali siyang tumungo sa
pinto. Natatarantang pinihit niya ang door knob.

"Where are you going?" takang tanong ng lalaki.

"S-Sa kuwarto ko. S-Siguro naman ay wala na ang lolo mo sa labas," di mapakaling
sagot niya habang hindi maintindihan ang tamang pagpihit sa pinto dahil sa
nanginginig na kamay.

"You can't leave. Stay here for a while," napapabuntong-hiningang utos nito.

Natigilan siya sa narinig. Nagsalubong ang kilay niya sa kahina-hinalang intensiyon


ng kausap. Nagdududang tiningnan niya ito.

"You know lolo, bigla-bigla na lang yung kumakatok dito. What will he think kung
maabutan niyang wala ka dito?" napapakibit-balikat pang sabi nito.

Napaisip siya. Oo nga naman paano kung bumalik si Don Henry at mahuling sa kabilang
kuwarto siya tumutuloy? Obligado na agad siyang sabihin dito ang totoo. Paano siya
magpapaliwanag ng tama kung dinadaga pa ang dibdib niya.
Binitawan niya ang door knob at kusa itong inilock uli. Lumapit siya sa silya ng
working table ni Blake at kunway mahinano't tahimik na naupo doon. Napahawak siya
sa mga tuhod at iginala niya ang mga paningin sa kuwarto. Noon lamang siya
nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ito ng maiigi. Ganun pa rin ito. Walang nalipat
at walang nabago, maliban siyempre sa mga gamit niyang tinanggal na dito.

Naghahalo ang kiro't saya sa kanyang dibdib habang nakatingin sa paligid. Isa-isang
bumabalik ang masasaya at sariwa pang mga alaala nila ni Blake sa kuwartong iyon.
Ang lambingan, tampuhan, away, asaran at higit sa lahat ang walang sawang
pagpaparamdam nila ng pagmamahal sa isa't isa.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Ang pansamantala niyang pananatili dito bilang halos isa ng asawa ng lalaki ay
isang bagay na hindi na magagampanan ng isang babaeng kagaya niya ngayon. Inaamin
niyang sa bawat pagdaan ng araw, natutukso siyang mahalin ulit si Blake...ngunit
papaano niya iaalok ang sarili kung alam niyang sa bawat hakbang niya ay nakaabang
lagi ang hukay sa isa niyang paa.

Ibinaling niya ang mga mata sa mga librong nasa ibabaw ng kaharap na mesa at kunway
nagbasa upang mailihis ang sarili sa unti-unting pagiging madamdamin.

"You stay here hanggang sa oras ng pagtulog ni Lolo para sigurado. Don't worry,
galing yun sa mahabang flight so malamang he'll sleep earlier than usual," wika ni
Blake.

Tumango siya at tumingin sa oras. Alas dose ng hatinggabi natutulog si Don Henry.
Alas diyes pa lamang kaya't may dalawang oras pa siyang maghihintay sa kuwarto ng
lalaki.
"Uupo ka lang ba diyan?" tanong sa kanya ni Blake at nanlaki ang mga mata niya nang
nakitang naghuhubad ito ng T-shirt.

"A-Anong ginagawa mo? B-Bakit ka naghuhubad sa harap ko?" kabadong usal niya.

"Have you forgotten my routine. I take shower before I go to bed," kaswal na sagot
nito.

Napapikit siya at mabilis na nagkunwaring magbasa nang ibinababa na rin ni Blake


ang zipper ng pantalon nito. "Bakit dito ka nagtatanggal ng damit pwede naman sa
banyo ah!" reklamo niya habang tinatakpan ang namumula niyang mga pisngi.

"It's my room so I'll do whatever I want to do.... This is the view you used to
see. Ang bilis mo namang manibago," nang-aasar pang sabi nito.

Hindi na siya sumagot pa. Nagririgudon ang ingay sa kanyang dibdib. Natutukso
siyang lisanin na ang silid bago pa man siya sa lalaki mismo matukso. Ngunit kapag
ginawa niya iyon baka isipin na naman nitong masyado siyang apektado. Pinigil
niyang ipahalata ang pagkaasiwa. Nakapangalumbabang tumungo siya at pilit ibinaling
ang atensiyon sa binuklat na pahina ng libro. Pinapakiramdaman niya kung nakapasok
na ng banyo ang kasama.

"I'll be taking shower. I know you're tired, mahiga ka muna if you want to."

Mabilis siyang nag-angat ng mukha at tiningnan ng masama si Blake. Ngunit binawi


niya din ang mga mata nang tumambad sa kanya ang nakatapis na lamang nitong
matipunong katawan.

"Bakit naman ako mahihiga sa kama mo?!" ingus niya.

"Uupo ka na lang ba diyan habang naghihintay ng oras? Kung ayaw mo naman, you can
join me in the shower," ngingisi-ngisi nitong sabi.

"BLAKE!!!"

"I'm joking. But it's fine if you'll take it seriously. I won't lock the door for
you."

Binigyan niya ito ng nakakahiwang mga titig at saka lamang ito tatawa-tawang
tumungo ng banyo. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matiyak na nakapasok na ito
sa loob ng banyo. Napatapik siya sa dibdib kasabay ng ilang beses na paghinga ng
malalim

Nang bahagyang mahimasmasan mula sa matinding kaba, muli niyang iginala ang mga
mata sa kuwarto. Tumaas ang kilay niya nang mapansin ang pinaghubaran ng lalaki na
nakakalat lamang sa sahig. Tumayo siya at pinagdadampot ito.

"Kahit kailan talaga ang taong ito akala ay laging may nakabuntot na katulong sa
kanya," bulong niya.

Iniligpit niya ang mga damit at inilagay ang mga ito sa lagayan ng tubal.
Pagkatapos ay naglakad-lakad siya sa loob. Lumapit siya sa dresser at tiningnan ang
mga gamit na nakalagay doon. Napansin niya ang nakahilerang mga mamahaling
perfumes. Kinuha niya ang isa sa mga pabango. Nag spray siya sa hangin at nakapikit
na sinimsim ang mabangong amoy nito. Napangiti siya. Ito ang paborito niyang
perfume na ginagamit ni Blake. Naalala niyang paminsan-minsan ay naglalambing pa
siya sa binata na mag-spray nito bago matulog.

Ibinalik niya ang pabango at di sinasadyang may nasagi siyang isang maliit na kulay
itim na kahon. Nalaglag ito sa sahig at dali-dali niya itong dinampot. Bago ibalik
sa kinalalagyan, umusbong ang pagtataka niya kung ano ang laman nito. Natukso
siyang buksan ito. Tumingin muna siya sa direksiyon ng banyo upang tiyaking walang
nakatingin sa kanya. Dahan-dahan niya itong binuksan at daig pa niya ang binuhusan
ng malamig na tubig pagkakita sa laman nito. Ito ay ang singsing na isinuli niya
kay Blake. Medyo nanginginig ang kamay na isinara niya ang kahon at ibinalik ito sa
dating kinalalagyan.

Unti-unti na naman siyang inuusig ng konsensiya. Nagbalik ang masakit na mga alaala
nang pagsasauli niya sa singsing. Agad siyang napaalalahanan na wala na siyang ni
katiting na lugar sa kuwartong iyon. Matamlay na bumalik siya sa silyang
kinauupuan. Doon ay tahimik na lamang siyang nag-isip ng paraan kung papaano
ipapaliwanag kay Don Henry ang totoong sitwasyon nila ni Blake ngayon.

Samantala sa shower room, nag-iisip ng malalim si Blake. Nakasandal ang kamay niya
sa dingding habang nakatungo't ninanamnam ang malakas na buhos ng shower na
tumatama sa bahagi ng kanyang ulo't batok. Gusto niyang iumpog ang ulo sa
katangahang ginawa. Sising-sisi siya dahil nagpadala siya sa selos.

Alam niyang dahil sa kagagawan niya ay nasira ang isang importanteng bagay na
makakatulong sana sa kaso ni Alex. Hindi ito ang gusto niyang mangyari. Nasaan na
ang ipinangako niya sa sariling iintindihin ito, poprotektahan at susuportahan sa
trabaho? Wala siyang balak mangialam kanina. Inaamin niyang nahihirapan siyang
sanayin ang sarili. Pagkatanggap niya ng impormasyong si Tyron ang makakasama ni
Alex, nag-isip agad siya ng paraan kung papaano mababantayan ang dalaga.

Wala sa plano niyang guluhin ang lakad nito. Gusto niya lang tiyaking simpleng pag-
uusap nga lang ang mangyayari. Lihim pa siyang natuwa sapagkat nabakas niya sa
mukha ni Alex na pinagseselosan nito ang babaeng kasama niya. Ang ikinabahala niya
lamang ay ang paraan kung papaano titigan ni Tyron ang dalaga. Sa mga tingin at
ngiti pa lamang nito, napansin niyang may ibang interes ang lalaki sa kausap. Kaya
naman nang makita niyang isinasakay na nito si Alex sa kotse, nilamon agad siya ng
selos.

At ngayon ay nakokonsensiya siya sa tuwing nakikita ang malaking panghihinayang sa


mga mata ni Alex. Imbis na matulungan ito mukhang problema pa ang ibinibigay niya
sa babae. Kailangang mag-isip siya ng paraan kung papaano makakabawi dito. Bagama't
nadadaan niya ito sa pasimpleng paglalambing, alam niyang namomroblema ito dahil sa
ginawa niya. Ngayon niya mas lalong naintindihan ang hirap at bigat sa dibdib na
pinagdaanan nito nung mga panahong kailangan nilang magpanggap ni Debbie alang-
alang sa trabaho. Mukhang ganun din ang pagdadaanan niya sa kamay ni Tyron alang-
alang sa kasong hawak ng babae...

----

Tumungo pa ng mas mababa si Alex nang marinig ang mga yapak ni Blake mula sa banyo.
Napapakagat siya ng labi habang nagkukunwaring abala sa pagbabasa. Unti-unti na
namang nag-iingay ang kanyang dibdib.

"Didn't you hate reading?" tukso agad nito sa kanya.

"Ano namang gagawin ko? Panoorin ka sa pagbibihis mo?" sarkastikong sagot niya nang
hindi tumitingin sa nang-uuyam na kasama.

"You're free to do so. I won't charge you anything," tatawa-tawang bigkas nito.

Hindi siya nakatiis. Nginiwian niya ito ngunit mabilis din siyang bumalik sa
pagkakatungo. Nagbasa ulit siya hanggang sa naramdaman niya sa mga yapak nito na
papalapit ito sa dresser. Bigla siyang kinabahan nang maalalang nag-spray nga pala
siya ng pabango.
"Did you miss this smell?" puna agad nito bago pa man niya matapos ang pagrereact
sa sarili.

Nagkunwari siyang walang narinig. Patay-malisya niyang itinuloy ang pagbabasa.

Kringggggg. Kringgggg.

Nanatiling nakatutok si Alex sa libro. Walang pakialam kahit may naririnig na tawag
sa telepono. Hanggang sa maagaw ang atensyon niya ng mabangong amoy mula sa tabi
niya. Kinakabog ang dibdib na nag-angat siya ng mga mata na siya namang pag-abot ni
Blake sa cellphone nitong nasa ibabaw ng mesa. Halos sumagi ang katawan nito sa
mukha niya. Langhap na langhap ng ilong niya ang bagong ligong amoy nito. Hindi
niya napigilang huwag mag-angat ng mukha. Nakangangang napatitig siya sa katawan ng
lalaki na noon ay nakatapis pa rin ng tuwalya. Napapalunok na napako ang mga mata
niya sa matipunong dibdib nito.

"It's not mine."

Hindi siya sumagot. Ayaw magrehistro sa utak niya ng mga sinasabi ng kausap.
Nanatili siyang nakatanga sa magandang tanawing nasa harap ng mga mata niya.

"Alex.."

"Alex!"

Saka lang siya natauhan. Napakurap siya ng ilang beses ngunit bahagyang nakatulala
pa rin na tumingin sa mukha ng lalaking nakatunghay sa kanya.
"B-Bakit?" tanong niya.

"I think it's your phone."

"A-Anong meron sa phone ko?"

"The one that's ringing is your phone. Are you with yourself?" kunot-noong tanong
nito sa kanya.

"Ahhh..." napapatangong sambit niya sabay kapa sa cellphone sa bulsa ng pantalon.

Wala pa rin sa sariling inilabas niya ang telepono. Subalit nang makita kung sino
ang tumatawag, agad siyang bumalik sa reyalidad. Sasagutin niya na sana ito ngunit
naputol na ang tawag. Nagmamadaling hinanap niya ang missed call upang siya na ang
tumawag subalit naalala niyang nasa tabi niya nga pala si Blake.

Tiningnan niya ang lalaki nang may nagpapaalam na mukha. Alam niyang nakita rin
nito kung sino ang tumawag sa kanya.

"Go ahead," seryosong sagot nito sabay alis patungong closet.

Muling tumunog ang cellphone. Sinagot niya agad ito nang hindi na pinatapos pa ang
isang ring.

"Hello, Tyron!" masiglang bungad niya.

"Hi! Are you home now?"

Bigla siyang naasiwa sa tanong ng kausap. Tumingin muna siya kay Blake na noon ay
nasa aktong nagsusuot ng paborito nitong pantulog na manipis na V-neck T-shirt.

"Ah oo nasa bahay na ako," may kahinaang sagot niya.

"Tama ba ang narinig ko kanina na you're staying at Blake's place?"

"P-Parang ganun na nga...T-Temporary lang," pabulong na paliwanag niya habang


pasulyap-sulyap sa kasama sa pag-aalalang baka mahalata nito ang takbo ng
pakikipag-usap niya.

"Uhhhmm... no wonder why he was jealous. Mukhang nagkabalikan na kayo."

"M-mali ang iniisip mo. Kaya ako nandidito dahil may kinalaman sa trabaho,"
mahinang-mahinang bigkas niya. "Sorry nga pala kanina ha iniwanan kita nang wala
man lang paliwanag."
"It's fine. You're a great catch so no wonder why Blake is still into you,"
pabirong sabi nito.

"S-Salamat sa pag-intindi.." tipid na sagot niya.

"Oo nga pala kaya ako tumawag to tell you that I was able to find from my e-mail
files the letter that I received from that friend of Divine..."

Nabuhay bigla ang dugo ni Alex sa narinig. "Talaga!" nakangiting bulalas niya at
napatayo pa siya sa kinauupuan.

"Yeah, naalala ko while driving home kung ano yung event na pinuntahan namin ni
Divine dati. It was the golden wedding anniversary of that friend's parents. By the
way her name is Charlene Magdayao. I saw the attached invitation card and the venue
address was somewhere in Muntinlupa at sa pagkakatanda ko malapit din lang doon ang
bahay nila."

Napasuntok siya sa hangin sa tuwa. "Naku salamat Tyron! Ang makuha lang ang
pangalan ng taong iyon ay malaking tulong na!"

"Tomorrow is weekend, free ka ba bukas?"

Napaisip siya sa lihis na tanong ng kausap. "A-Ah wala sana pero dahil sa sinabi mo
baka hanapin ko na ang taong yan..."

"Tamang-tama I'm also free tomorrow. We can go together," masayang pahayag nito.
"S-Sasamahan mo ako sa paghahanap?"

"Yap. Mas mapapabilis ang paghahanap mo kung sasamahan kita since nakapunta na ako
sa lugar nila and besides I personally know that friend."

Napatingin ulit siya kay Blake. Nakaupo ito sa kama habang pinupunasan pa rin ng
tuwalya ang basang buhok. Hindi ito tumitingin sa kanya ngunit duda niyang
pinapakinggan nito ang mga sinasabi niya.

"G-Ganun ba? Salamat. Okay lang ba sayo? Baka naman nakakaabala ako," nag-aalangang
sagot niya.

"I'm doing it for Divine," diretsong katwiran ng kausap.

"K-Kunsabagay..."

"So saan at anong oras tayo magkikita?" tanong ni Tyron.

Napamaang muna ng ilang sandali si Alex at muling tumingin kay Blake na nagkataon
namang nahuli niyang nakatingin din sa kanya. Natural lang naman ang reaksiyon nito
pero ramdam niyang obligado muna siyang sabihin dito ang plano niya.

"T-Tatawagan na lang kita Tyron," sabay hina sa kanyang boses. "K-Kakausapin ko


muna si hepe para ipaalam sa kanyang may lakad ako bukas. Minsan kasi binibigyan
ako nun ng biglaang assignment."

"Okay. Hintayin ko na lang ang tawag mo."

"Okay. Salamat Tyron ha."

"You're welcome. Bye. See you tomorrow."

"S-See you....Bye."

Ibinaba niya ang telepono. Napapalunok na tumingin agad siya kay Blake. Nasa kama
na ito. Nakaupo't komportableng nakasandal sa headboard habang nakapatong ang
laptop sa mga hita. Tumingin ito sa kanya na halatang nag-aabang ng sasabihin niya.
Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

"You're not allowed to give me that kind of smile after talking to another guy,"
kaswal na komento nito at sabay baling ulit ng atensiyon sa laptop.

Ngumiti pa rin siya. Lumapit siya sa lalaki at naupo sa gilid ng kama sa tabi nito.

"Blake Sabado bukas di ba? May lakad ka ba?" medyo may lambing na tanong niya.
"I can't tell. As of now wala, pero alam mo namang minsan bigla-bigla na lang akong
nagkaka-appointment kahit weekend," sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya.

"Pwede bang huwag ka na munang tumanggap ng appointment bukas?" maamong pakiusap


niya.

"Why?" saka lamang ito tumingin ng seryoso sa mukha niya.

"K-Kasi Blake ... yung kausap ko si Tyron yun.."

"I know. So?"

"Ano kasi...t-tinulungan niya akong malocate ang isang kaibigan ni Grace. May lakad
kami bukas... s-sasamahan niya ako sa paghahanap," kabadong pagpapahapyaw niya ng
paghingi ng permiso. "Pwede bang dito ka na lang muna sa bahay bukas?"

Tiniklop ni Blake ang laptop at inilapag ito sa kama. Humikab ito't nag-inat-inat
ng leeg at mga braso na para bang wala lang dito ang mga sinabi niya.

"My back is aching I think I need a massage," kunway sabi nito sa sarili.

Sumimangot si Alex at tiningnan ng masama ang kanina lang ay inaamong kausap.


Tinitigan din siya ni Blake nang may nangungusap na mga mata at sabay nguso nito sa
bandang likuran.
"Sabi mo pag sinabi ko sayo ang totoo, okay na!" reklamo niya.

"I'm tired. Sa palagay ko wala akong masaheng matatanggap kaya mabuti pang matulog
na lang ako." Hinila nito ang kumot at umaktong hihiga na. "You can sit on my
working table kahit hanggang anong oras mo gusto but make sure to turn-off the
light before you leave."

Napangiwi si Alex. Nagngingitngit ang mga ngipin niya sa inis subalit kahit kitang-
kita na ang napipikong hitsura niya balewala pa rin ito sa lalaki. Nang magtataklob
na ito ng comforter, napipilitang inagaw niya dito ang nasabing kumot.

"Ano ba ako? Bodyguard o masahista?!" apela niya.

"Goodnight,"pagbabalewala nito sa tanong niya at sabay hila ulit sa comforter na


inagaw niya.

"Teka muna huwag mo akong tulugan! Nakikipag-usap ako sayo ng maayos!"

"Keep quiet. Gusto ko nang matulog," sagot nito at saka nagtakip ng unan sa mukha.

Gigil na tinanggal niya ang unan sa mukha at hinila ulit ang kumot dito. "Talikod!"

Napatingin si Blake sa kanya na para bang sinisigurado kung tama ang narinig.
"Dapa na! Masahe di ba?!" asar na asar na sabi niya habang pinandidilatan ang
lalaki.

Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi ng binata at inginuso nito ang isang
tokador. "Mint oil."

Nanlalaki ang butas ng ilong na tumayo naman si Alex at kinuha ang massage oil na
tinutukoy ni Blake. Paglingon niya uli sa kama, wala ng T-shirt ang lalaki at
nakadapa na ito. Naniningkit ang mga matang lumapit siya dito habang higpit na
higpit ang pagkakahawak sa bote ng langis. Sadyang mang-iisa at mang-iisa ito
basta't nakakita ng pagkakataon.

"Same pressure," paalala pa ng lalaki.

"Yes boss," sarkastikong sagot niya.

Masama ang loob na itinaktak niya sa kamay ang massage oil. Humugot muna siya ng
isang malalim na buntong-hininga at saka dahan-dahang idinampi ang mga kamay sa
likod ng binata. Napapikit muna siya hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng
mga palad sa balat nito. Paulit-ulit siyang napalunok kasabay ng unti-unting
paggapang ng mga kamay niya.

"Ooohhhh....I miss this wifey," nakapikit na ungol ni Blake nang may nang-aakit na
boses.

Nanunuyo ang lalamunan ni Alex sa ginagawa. Malamig ang aircon ng kuwarto pero
parang siyang pagpapawisan. Para maibsan ang dahan-dahang paggapang ng init
papaakyat sa kanyang mga pisngi, iniwas niya ang mga mata sa minamasaheng katawan.
Alam niyang sinusubukan siya ni Blake kung hanggang saan ang kaya niyang gawing
pagpipigil.

"Can't you sit on my back, that is how you used to do it. Or maybe you want to
change into your sexy nighties. I'm still keeping some of yours," pilyo ngunit may
halong lambing na sambit nito.

Tumaas ang kanyang kilay. "Magdedemand ka pa ng iba o gusto mong idislocate ko


itong mga buto mo?!"

"Stop threating. Just do it if you want to."

Natameme siya at tumikhim ngunit palihim na inismiran ang lalaki. Palibhasa alam
nitong hindi niya kayang gawin! Pagkatapos may gana pa itong hawakan ang kamay niya
upang dalhin ito sa parteng balikat kung saan nito pinakagustong minamasahe ng mas
matagal at madiiin. Sumunod naman siya!

"Where are you going tomorrow?" biglang ungkat nito.

Natauhan siya. Oo nga pala. Iyon nga pala ang dahilan kung bakit siya
nagpapakagagang magmasahe tapos yun pa ang nakalimutan niya.

"Sa muntinlupa..."

"Bakit kailangang kasama pa siya? Pwede namang hindi di ba? Marami ka namang
pwedeng isamang kapwa pulis."
"Eh nakakahiya naman kasi kung tanggihan ko pa ang alok niya. Saka siya ang
nagbigay sa akin ng impormasyon at siya rin ang personal na nakakakilala dun sa
taong hinahanap ko," malumanay na paliwanag niya nang hindi namamalayang pati
paghaplos niya sa katawan ng lalaki ay may kasama na ring lambing.

"Do you trust that guy? What if he's lying?"

"Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Malakas ang instinct ko pagdating sa ganyang
mga bagay."

"Are you going to ride in his car?"

"Depende... Kung walang available na kotse sa headquarters bukas, malamang na


makisakay na lang ako sa kanya."

"No! Use one of my cars," madiing tutol ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Alex. "Sigurado ka? Okay lang na gamitin ko ang isa sa
pinakamamahal mong mga kotse?"

"I don't mind kesa makisabay ka sa taong yun. Paano kung sa ibang lugar ka nun
dalhin? Makakapalag ka pa ba kung siya ang nagmamaneho?"
Napangiti siya. Kahit mas madalas na masakit sa ulo, minsan masarap pa rin sa
pakiramdam kapag nakikita niyang nagseselos ang lalaki.

"Dahil ipapahiram mo sa akin ang kotse mo, ibig bang sabihin okay lang na hindi ka
lalabas bukas?" ngingiti-ngiting tanong niya habang mas dinidiinan pa ang
pagmamasahe.

"Do I have a choice?"

"Hindi mo guguluhin ang lakad ko? Hindi ka basta-basta na lang susulpot ulit?" may
lambing na tanong niya.

"Bakit mukha ba akong kontrabida sa mga plano mo?" kunot-noong tanong ni Blake na
noon ay napalingon sa kanya.

"Hindi naman. Gusto ko lang makasigurado..."

"I told you as long as you don't lie, I won't mess up your plan.... Buong araw ka
bang wala tomorrow?"

"Hmmmm depende. Sana makita namin agad yung taong hahanapin namin at makausap ko
ito para maaga akong makauwi."

"Try your best to be back before night time."


"Bakit?"

"We're having dinner outside."

Natigilan sa pagmamasahe si Alex. "Huh? Nagdesisyon kang kumain tayo sa labas nang
hindi mo man lang ako tinatanong."

"What's the use of asking your permission? You're my bodyguard. You go wherever I
go."

Nilakasan niya ang pagkakadiin sa likod ng lalaki.

"Ouch!"

"Ah pag sa ganyang mga bagay bodyguard lang ako pero sa ibang aspeto pwede pa rin
akong maging cook, masahista, driver, yaya o kaya'y replacement sa mga babae mo!"
kunway gigil na wika niya.

"Ouch Alex! I warn you may kapalit yang pananakit mo!"

Tumigil si Alex sa ginagawa at pabatong itinakip niya ang comforter sa katawan ng


lalaki. "Tapos na! Nakuha mo na ang masaheng gusto mo, nakuha ko na rin ang gusto
ko. Huwag na huwag kang sisira sa usapan natin."
Humarap si Blake sa kanya at laking gulat niya nang bigla na lang siya nitong
hinatak papahiga. Diretso siyang napayakap siya sa katawan nito. Natutulalang
napasubsob siya sa dibdib ng binata at bigla siyang nanghina nang masinghot ang
pamilyar na mabangong amoy nito. Ramdam na ramdam niya ang paggapang ng kuryente sa
kanyang katawan. Inangat nito ang kanyang mukha at mapang-akit na tinitigan siya sa
mga mata.

"Who said I already get what I want," nanunuksong bulong nito habang unti-unting
inilalapit ang mga labi sa mga labi niya.

Gumanti rin siya ng malagkit na mga titig hanggang di niya namamalayang kusa niya
na ring inilalapit at iniuumang ang mga labi. Napakahaba na ng oras ng pagpipigil
niya sa sarili kaya't sa pagkakataong ito parang hindi niya na kayang tiisin ang
panunukso ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay na maglapat ang
kanilang mga labi...ngunit biglang tumigil si Blake. Hinaplos muna nito ang pisngi
niya at marahang idinaan ang daliri sa kanyang nakaumang na mga labi.

"Gusto mo na bang bumalik sa kuwartong ito?" seryosong bulong nito.

Napakurap si Alex. Bigla siyang natauhan sa tanong. "P-Punta na ako sa kabilang


kuwarto..."

Pinigilan siya ni Blake at niyakap pa ng mas mahigpit. "Gising pa si lolo."

"O-Okay lang. R-Ready na ako mag-explain."

Kumawala siya sa yakap ng lalaki at dali-daling tumayo. Nilabanan niya ang


nanlalambot na mga tuhod at nagmadaling lumabas ng kuwarto nang hindi na nilingon
pa ang binata.

Pansamantalang napanganga si Blake sa biglaang pag-atras ng babae. Hindi siya


makapaniwalang nawala ang isang bagay na akala niya ay abot-kamay na lamang.

"SHIT!" madiing mura niya sa matinding panghihinayang. "AHHH! Until when I'm gonna
endure this!" sabay diin niya ng unan sa nanakit na puson...

••••••

Nakabuntot si Alex sa sasakyan ni Tyron. Papunta silang Sta. Rosa, Laguna. Galing
na silang Muntinlupa pero doon ay nalaman nila mula sa kapatid ng babaeng hinahanap
na lumipat na daw ito sa Laguna kung saan malapit sa kasalukuyang pinagtatrabahuan
nito.

Huminto ang sasakyan ng sinusundang kasama sa tapat ng isang coffee shop kaya't
huminto rin si Alex. Magkasunod nilang itinabi at ipinarada ang kani-kanilang mga
sasakyan sa harap ng nasabing lugar.

"Care to have a break?" salubong sa kanya ni Tyron pagkalabas niya ng sasakyan.

Tumingin siya sa relos. Kaya pa ng oras. Inaalala niya kasi ang pangako kay Blake
na pipilitin niyang makauwi bago lumubog ang araw.
"Okay lang," sagot niya nang may ngiti.

Pumuwesto sila sa mesa sa labas ng coffee shop. Magkaharap silang naupo at omorder
ng tig-isang kape. Pagkuway naglabas ng isang paketeng sigarilyo si Tyron. Nagsindi
ng isa at nagdekuwatro.

"You want?" alok nito.

"Hindi ako naninigarilyo," tanggi niya.

"Good girl," biro ng lalaki.

Sumagot siya ng simpleng ngiti. Walang naganap na pag-uusap habang hinihintay nila
ang order. At nang dumating ito tahimik siyang humigop sa tasa at palihim na
pinagmasdan ang kasamang maya't mayang napapabuntong-hininga habang nakatingin sa
kalsada. Sa bawat buga nito ng usok, pansin niyang nag-iisip ito ng malalim.

"Naninigarilyo ka pala," komento niya.

"I quitted when Sophia and I were still together. She didn't like it. But since we
broke up already, I occassionally smoke again. Sometimes I couldn't help it
specially when I'm stressed."

"Pagod ka na ba sa pag-iikot natin?" nag-aalalang tanong niya.


Ngumiti ang lalaki. "Not really. I'm actually enjoying it. Ganito pala ang buhay ng
isang detective. How about you? Are you tired?"

"Balewala ito. Sanay na ako sa ganito," ngingiti-ngiting tugon niya.

Uminom ulit siya ng kape at humitit naman ng sigarilyo ang lalaki. Muling dumaan
ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pasimpleng sinusulyapan niya ang kasama.
Napansin niyang maya't maya pa rin itong humihinga ng malalim.

"Paano mo nakilala si Grace? I mean, si Divine," pagbasag niya sa katahimikan na


may kasamang pagkakadulas ng dila.

Napatingin bigla sa kanya si Tyron. "Y-You knew that her name used to be Grace?"

Natigilan din siya at napanganga ng bahagya. "A-Alam mo rin?"

"Yeah she confessed to me about her past. Ikaw pano mo nalaman?"

Pinatay ni Tyron ang sigarilyo sa ashtray at bigla itong nagseryoso sa pakikipag-


usap sa kanya.

"Nabanggit ko sayo sa headquarters na matagal ko na siyang kakilala. Actually,


naging kaibigan ko siya nung Grace pa lang siya, nung nag-aaral pa lang siya sa
college."

"You mean you know her face when she was still Grace?" puno nang pagkamanghang
bigkas ni Tyron.

Tumango si Alex.

"How come I never met you even once from her circle of friends?"

"Sandaling panahon lang kaming naging malapit sa isa't isa dahil bigla na lang
siyang naglaho. Nakita ko na lang siya ulit nang makatanggap ang opisina ng isang
report tungkol sa isang dalagang nagpakamatay," may tamlay na pahayag niya.

"Buti nakilala mo siya. I saw her old pictures and I say she totally looks
different, parang ibang tao."

"Parte ng expertise ko ang mangilatis ng tao. Kailangan yan para ma-identify kahit
ang nagdidisguise na mga kriminal. Sa mga mata pa lang ni Divine, alam ko nang siya
si Grace."

Uminom ng kape si Tyron at ngumiti. "Magaling ka ngang pulis. Although I didn't


know your face, I heard about you when you save Blake Monteverde from kidnappers."

"Hindi naman. Team effort ang nangyaring pagliligtas kay Blake noon,"
mapagkumbabang sagot ni Alex. "Oo nga pala hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung
papaano kayo nagkakilala ni Grace. Tsaka ganun ba talaga kayo kaclose, to a point
na nagsasabi siya ng sekreto sayo?" simpleng pang-uungkat niya.
Gumuhit ang pait sa mga ngiti ni Tyron. "Actually there's a story behind her
confession," sabay higop ulit nito sa kape at saka tumingin ng seryoso sa kausap.
"I was hesitating all night if I should tell you this but since gusto kong
makatulong sa pag-iimbestiga mo siguro mas mabuting malaman mo kung ano ang mga
nangyari between me and her," napapabuntong-hiningang sabi nito.

Tumuwid ng upo si Alex at kunot noong humanda sa seryosong pakikinig sa kausap.


"Anong totoong relasyon niyo ni Gra..D-Divine?" di makapaghintay na tanong niya.

Kumuha muna ng isang stick ng sigarilyo si Tyron ngunit bago ito masindihan ay
hinablot ito ni Alex. "Huwag ka ng manigarilyo, tama si Sophia na masama yan.
Magkuwento ka na lang."

Tatawa-tawang pinagbigyan naman siya ng binata. Ibinalik nito ang pakete ng


sigarilyo't lighter sa bulsa at sabay hugot ulit ng isang malalim na buntong-
hininga.

"Divine and I used to date," walang pag-aalinlangang pag-amin nito habang diretsong
nakatingin sa mga mata niya. "I met her at the disco bar. She was this wild,
pretty, sexy and hot woman who was dancing on the floor. And because nang mga
panahong yun ay kasagsagan ng kapusukan ko, she caught my attention. I dated her
for fun for I guess two months. Madali akong magsawa sa mga babae and that didn't
exempt her. Pero may pagkakaiba siya dahil sa lahat ng mga naging flings ko, siya
lang ang naging kaibigan ko...."

Habang nakikinig, di sinasadyang napatingin si Alex sa isang mesang nakapuwesto rin


sa labas ng coffee shop. May layo itong apat na mesa mula sa kinauupuan nila.
Nahuli niyang nakatingin sa kanila ang isang lalaking halos kaedaran niya lang na
may hawak na isang diyaryo. Mabilis itong bumalik sa pagbabasa matapos magsalubong
ang kanilang mga mata. Pansin niyang matikas ang pangangatawan nito kahit pa
nakasuot ito ng pormal na pang-opisinang slacks at long sleeves. Binalewala niya
ang lalaki at ipinagpatuloy ang seryosong pakikinig sa kasama.
"Siya lang ang babaeng hiniwalayan ko na hindi nagpamalas sa akin ng sama ng loob.
She acted cool and easily accepted my decision. She didn't cut our communication
kahit pa most of the time I ignored her calls. At habang tumatagal, I started to
see her different side. She was actually a shy and reserve type of woman. I saw her
hidden kindness which was totally different from the personality she portrayed when
we were still dating and because of that we developed a good friendship..."

Palihim na sumulyap ulit si Alex sa mesa ng estrangherong lalaki. Nagbabasa pa rin


ito ng diyaryo ngunit ramdam niyang nagnanakaw ito ng mga tingin sa tuwing na kay
Tyron ang kanyang mga mata.

"Mas lalo pa akong naging malapit sa kanya nang mag-umpisa siyang magtrabaho kay
Sophia. Sophia was my long time crush kaya naman nang maging assistant niya si
Divine, I took that opportunity na mapalapit sa kanya. Hanggang sa maging kami na
nga...."

"Minahal mo ba si Sophia?" diretsong tanong niya.

"Of course....I changed a lot because of her. Paminsan-minsan na lang akong lumabas
kasama ng mga barkada, nagseryoso na rin ako sa trabaho and most importantly, I
stopped being a womanizer."

"Kung ganun bakit mo hinayaang mawala siya sayo?"

Tumahimik ng ilang sandali si Tyron at bakas sa mga mata nito ang unti-unting
pagsilip ng kalungkutan. "When she broke up with me, may inamin siyang isang
napakasakit na bagay. She told me she never loved me at all. Na ginamit niya lang
ako at ang impluwensiya ng pamilya ko para lalong gumanda ang career niya. And
since she decided to have a new life, she told me that there's no more reason for
us to be still in a relationship."
Napataas ng kilay si Alex. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Sophia bago
ito umalis ng bansa. Bagama't inamin rin nito sa kanya na ang alok ni Pablo Garcia
ang pangunahing rason kung bakit siya nakipagrelasyon sa anak nito, subalit nakita
niya pa rin sa mukha ng kaibigan na may pagmamahal din ito para kay Tyron. Na totoo
ang nararamdaman nito para sa lalaki kaya nga hindi nito magawang aminin ang
pananakot na ginagawa ng ama ng binata dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin
nito.

"Naniniwala ka bang hindi ka niya mahal? Baka naman may ibang rason kung bakit ka
niya iniwan?"

"I didn't want to believe her words and I wanted to win her back. But since
Divine's death, I was a little bit lost also. I got weak and unfocused hanggang sa
natauhan akong wala na pala talaga si Sophia sa tabi ko. She's gone and I did
nothing para pigilan siya," sagot nito na halatang puno ng pagsisisi.

"M-May kinalaman ba ang pagkamatay ni Divine sa pagkakasira ng relasyon niyo ni


Sophia?"

Pansamantalang tumahimik si Tyron. Kita sa mukha nito ang pagdadalawang-isip kung


sasagutin ang tanong.

"A-Actually I am being haunted by Divine's death even until now. Five days before
she died, she talked to me and told me a very unexpected confession. That was the
time na sinabi niya sa akin ang tungkol sa nakaraan niya. She told me she undergone
some surgeries to improve her looks. Noon ko rin nalaman ang tungkol sa dati niyang
pangalan and her real family background...It was a big shock, pero wala naman akong
magagawa kundi ang tanggapin at igalang ang desisyon niya para sa sarili niya. It
was her life and she had her reasons for doing it...."

Seryosong-seryoso na sanang nakikinig si Alex subalit kinukutuban pa rin siyang may


mga matang nakatingin sa kanila. Mabilis niyang nilingon ulit ang lalaking
nagbabasa nang diyaryo. May kausap na ito sa cellphone ngunit sa kanila pa rin
nakatingin. Saka lamang nito ipinaling ang ulo sa ibang direksiyon nang makitang
nakatingin ulit siya.

"I asked Divine kung ano ang dahilan sa bigla-bigla na lamang pagtatapat niya
tungkol sa kanyang mga sekreto... And then she gave me an unexpected answer. She
said she wanted to be honest with me because she still cares for me. Inamin niyang
all throughout may nararamdaman pa rin siya para sa akin. At kasabay ng pagtatapat
niya na yun, she asked me if we still have a chance to be together again...."

Napaisip si Alex. Kung si Tyron na ang mahal ni Grace, ano ang purpose ng muli
nitong pang-iistalk kay Blake?

"A-Anong isinagot mo?"

"Divine is a special woman to me. She's a friend whom I care but I'm already in
love with Sophia. Alam ko ring may boyfriend din siya. Things should be in their
right places kaya I couldn't do anything but to reject her...."

Lumungkot muli ang mukha ng lalaki. "We didn't talk after that... hanggang sa
nabalitaan ko na lang na nagpakamatay siya. My conscience was killing me. I wish I
didn't get too harsh to her. It makes me feel bad na sa huling pag-uusap namin ay
nasaktan ko siya. I had sleepless nights blaming myself na baka nakadagdag ako sa
mga rason kung bakit niya nagawa yun sa sarili....Kaya nung narinig ko sayong may
posibilidad na hindi siya nagpakamatay, somehow nabawasan ang bigat sa dibdib ko."

"Sa pagkakakilala mo kay Divine, may naiisip ka ba na pwedeng gumawa ng masama sa


kanya?" napapalunok na tanong ni Alex sabay inom sa kape upang iiwas ang mga mata
sa kausap.

"I don't want to be judgemental but the only doubtful person na nasa tabi niya sa
mga panahong iyon ay ang boyfriend niya. When Divine quitted from Sophia, ang
dahilan niya ay gusto na ng bagong boyfriend niya na magkaroon siya ng seryosong
trabaho na may kaugnayan sa tinapos niyang course. So she entered Golden Pacific
but all throughout their relationship, I never met that man. I was curious about
his personality and why was he so silent after what happened to her girlfriend,"
pahayag ni Tyron habang napapaisip ng malalim.

Sumagot ng ngiti si Alex. Ngunit sa kalooban niya ay nakaramdam siya kahit papaano
ng awa sa lalaki. Ano na lang ang mararamdaman nito kapag nalamang maaring
kagagawan ang lahat ng sariling ama? Na pati ang pagmamahal nito kay Sophia ay
naging isang tila laro at nauwi lamang sa wala dahil sa manipulasyon ng ama.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Tama lang ang naging desisyon mong panindigan
ang totoong nararamdaman mo. Walang hatid na maganda ang isang relasyon na nag-
umpisa dahil lamang sa awa at lalong hindi magandang may masasaktan kayong ibang
tao," pampagaan ng loob na bigkas niya. "Hindi ba ang boyfriend ni Divine ay isa sa
mga empleyado ng tatay mo, wala bang naging pagkakataon na nagkita kayo kahit
aksidente man lang?"

Umiling ang lalaki. "Kaunti lamang ang mga kilala ko sa mga empleyado ni Daddy. I
don't really give much attention to his businesses. I have my own life and work.
Iniiwasan kong ma-attach sa mga negosyo niya since I don't want him to get the idea
na willing akong manahin ang mga ito. I want to be successful in my own way."

Bumuntong-hininga si Alex. Ipinagpapasalamat niyang hindi nagmana sa kademonyohan


ng tatay ang kausap. Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang kanyang cellphone.
Pasimpleng binasa at sinagot niya ang natanggap na text.

'Avoid talking intimately with him.'

'Pano mo naman nasabi yan?'

'It's an ex-boyfriend's instinct.'


Ngingiti-ngiting isiniksik ni Alex ang cellphone sa bulsa ng jacket. Tiningnan niya
uli ang estrangherong lalaki. Hindi na ito nakatingin at natatakpan na ng
binabasang diyaryo ang mukha. Napapailing na tumingin siya sa relos at saka niyaya
si Tyron upang ipagpatuloy na ang kanilang paghahanap....

----

Nag doorbell sina Alex at Tyron sa pinto ng isang duplex townhouse. Pinagbuksan
sila ng isang may katabaang ginang. Sa kanilang sapantaha, isa itong kasambahay.

"Ano po yun?" tanong ng ginang habang papalit-palit sa kanilang dalawa ang mga
tingin.

"Ah, nandiyan ba si Charlene?" tanong ni Tyron.

"Sino sila?" nagdududang tugon ng kaharap.

"Please tell her Tyron Garcia is looking for her."

"Sandali lang ho ha. Titingnan ko muna sa kuwarto niya kung hindi pa nakakaalis."

Isinara ng ginang ang pinto. Naghintay sila ng mga sampung minuto hanggang sa muli
sila nitong pagbuksan.
"Wala na po pala, nakaalis na."

"Saan siya nagpunta baka pwedeng dun na lang namin siya puntahan?" giit ni Alex.

"Hindi ko rin ho alam eh," napapakamot sa ulong sagot ng kasambahay.

"Mga anong oras ho ba siya umuuwi? Babalik na lang ho kami," nakangiting


pangungulit ulit ng dalaga.

"Naku! Minsan madaling araw na kung umuwi yun. Lalo na't sabado ngayon, madalas na
nakikipagkita yun sa mga kaibigan niyang taga-Maynila pag ganitong araw."

Nagkatinginan sina Alex at Tyron. Parehong nadismaya ang kanilang mga mukha sa
narinig.

"Ganun ho ba?" Dumukot si Alex ng calling card sa kanyang wallet at ibinigay ito sa
kausap. "Pakibigay na lang ho nito sa kanya at pakisabing importanteng-importante
na makausap ko siya. Hihintayin ko ho ang tawag niya...."

"Sige." sabay sarado ng kausap sa pinto nang hindi man lang hinintay na makatapos
si Alex sa sasabihin.

"What's the plan now?" tanong agad ni Tyron.


Siniksik ni Alex ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at huminga ng malalim.

"Mauna ka nang bumalik ng Maynila. Hihintayin kong makabalik si Charlene tutal


nandito na rin lang ako."

"Didn't yout hear what that woman told us? Maghihintay ka dito hanggang madaling
araw?"

Ngumiti si Alex. "Huwag kang mag-alala sanay na ako sa ganito. Minsan inaabot pa
nga ako ng linggo sa pagmamanman lang. Ito pa kaya."

Matamlay na naglakad ang dalawa papabalik ng kanilang mga sasakyan.

"Are you sure you'll be okay?" nag-aalalang urirat muli ni Tyron.

"Oo. Salamat sa pagsama mo sa akin dito. Napakalaking tulong na na sinamahan mo


akong matunton ang bahay niya," kuntentong sagot ng dalaga.

"Teka lang ho!"

Huminto sa paglalakad ang dalawa at sabay na napalingon sa ginang na noon ay


nagbukas ulit ng pintuan. Patakbo itong lumapit kay Alex at bumulong.
"Ma'am kayo lang daw ho ang gusto niyang kausapin," sabi nito malapit sa tenga ng
dalaga.

Nakuha agad ni Alex ang ibig sabihin ng kasambahay. Tumingin siya kay Tyron at
kinausap ito sa mga mata.

"Go ahead. I'll wait in the car," nakangiting tugon naman ng lalaki matapos makuha
ang ibig ipakahulugan ng mga tingin niya.

Pinatuloy si Alex sa bahay at iminuwestra sa kanya ng katulong ang sopa.

"Ano pong gusto niyo ma'am? Coffee or juice?"

"Huwag na ho katatapos lang namin magkape ng kasama ko. Salamat."

Naupo siya sa sopa at inilibot ang mga paningin sa paligid. Simple lamang ang bahay
ngunit napakalinis nito. Sa mga display at pagkakaayos nito, halatang dalaga pa ang
nakatira dito. Maya-maya lang ay lumapit sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng
maluwang na T-shirt, sweatpants, nakapusod ang buhok, walang bahid ni pulbos ang
mukha at nakasalamin ng makapal na may kulay itim na frame.

"C-Charlene?" nagtatakang sambit niya.

Halos di niya makilala ang dalaga. Malayong-malayo ang hitsura nito sa litratong
ibinigay sa kanya ni Hazel kung saan ayos na ayos at sosyalin ang hitsura nito.
Kunsabagay, ang ayos ng kaharap niya ngayon ay ang tipo ng personalidad ng magiging
matalik na kaibigan ng Grace na nakilala niya.

"Ako nga ho," sabay upo ng babae sa couch na nasa tabi ng inuupuan niyang mahabang
sopa. "Kayo ba si Alex Valdemor?" pormal na tanong nito.

"Ako nga."

"Nagpunta ba kayo dito dahil kay Grace?" walang paliguy-ligoy na tanong nito.

"Oo."

"B-Bakit kasama mo si Tyron Garcia?" may takot sa mga matang sabi ng babae.

"Ah siya ang tumulong sa akin para matagpuan kita," may ngiting paliwanag ni Alex.

"B-Bakit niyo naman ho ako kailangang hanapin?" takang tanong nito.

"Marami kasi akong gustong itanong sayo tungkol kay Grace?"

"Ano pa po bang gusto niyong malaman? Hindi ba matagal na rin kayong magkakilala at
nagkausap pa kayo bago siya namatay?"
Napakunot ng noo si Alex. "Hindi ko siya nakausap Charlene. Patay na si Grace nang
muli ko siyang makita."

Halatang nagulat si Charlene sa narinig pero pinilit pa rin nitong maging kalmado
at kimi. "A-Ano bang mga itatanong niyo? Ayoko pong madamay sa gulong pinasok niya
kaya pwede bang huwag niyo na ulit akong puntahan," may kabang bigkas nito.

Gulong pinasok? Napaisip si Alex. Subalit hindi niya agad pinuwersa ng tanong ang
kausap. Sa halip ay dinaan niya ito sa mahinahong mga pasakalye.

"Huwag kang matakot may mga bagay-bagay lang akong gustong malaman kay Grace. Ang
laki kasi ng pinagbago niya simula nang huli naming pagkikita. Gusto ko lang
maintindihan ang bagong personalidad niya at kung ano ang mga pinagdaanan niya kaya
siya nagpakamatay," nakangiting pahayag niya.

"Naniniwala ba kayong magagawa niya yun sa sarili niya?" sambit ni Charlene.

Napakibit ng balikat si Alex. " Ayokong isiping nagawa niya yun pero mas mahirap
isiping may pumatay sa kanya. Di ba Charlene?"

Hindi sumagot si Charlene. Napapalunok na pansamantalang ibinaling nito ang mga


mata sa ibang direksiyon.

"Totoo bang magkaibigan na kayo ni Grace noong college pa lang?" umpisa niya sa
seryosong pagtatanong.
Tumango ang kaharap.

"Transferee siya from UP Diliman di ba?" dagdag niya.

"Oo," mahinang sagot ng babae.

"Kung ganun mula't sapul ay nasaksihan mo ang malaking pinagbago ni Grace."

"Oo."

"Ang Grace na nakilala ko ay isang mahiyain, palaaral, nerd at conservative. Anong


nangyari sa kanya at parang biglang naging kabaliktaran siya ng buong pagkatao
niya?"

Tumingin sa kanya si Charlene at ngumiti ng matamlay. "Dahil sa sinabi mo sa


kanya."

"S-Sinabi ko?" napakunot siya ng noo.

"Malaki ang paghanga sayo ni Grace. Sabi niya isa ka sa mga iniidolo niya.
Matapang, malaki ang tiwala sa sarili at may sariling istilo ng ganda. Kaya bawat
payo't mga sinabi mo ay nakatanim sa kanyang isipan. Ipinagmamalaki niyang may
naging kaibigan siyang isang cool na cool at magaling na pulis. Na maging ang
napakapihikang lalaking kinabaliwan niya ng mahabang panahon ay nagawa mong
paibigin."
Napangiti sa isipan si Alex. Hindi niya akalaing may impact din pala siya sa dating
kaibigan. "Ano ba yung sinabi ko sa kanya para magbago siya ng ganito?"

"Na sabi mo may itinatago rin siyang sariling kagandahan. Na darating din ang araw
na kaya niya na ring makipagsabayan sa mga magagandang babaeng hinahangaan ng mga
gwapong lalaki."

Tumaas ang isang kilay niya. At pilit inalala kung kelan ito nasabi kay Grace
hanggang sa bumalik sa isipan niya ang sandaling kumakain sila sa isang canteen sa
UP habang pinagmamasdan ang grupo nina Blake at Marianne. Bakas sa mukha noon ni
Grace ang matinding inferiority complex kaya nagbitiw siya ng mga salitang
makakapag-paangat ng self-esteem nito.

"Ibig mong sabihin pati pagpaparetoke ginawa niya dahil sa sinabi ko?!" may
pagsising turan niya.

Umiling si Charlene. "Ang sinabi mo sa kanya ang naging inspirasyon niya para
magpaganda. Pero nagparetoke siya dahil may iba siyang dahilan."

"Anong dahilan niya?"

"Nagagalit siya sa kanyang sarili sa tuwing nakikita ang mukha sa salamin. Naalala
niya ang isang napakalaking kasalanang nagawa niya kay Blake Monteverde. Sabi niya
walang kapatawaran ang ginawa niya, nalagay sa panganib si Blake dahil sa
pagkamakasarili niya. Inisip niya lang ang sariling damdamin. Hiyang-hiya siya sa
mga nagawa niya at hindi siya matahi-tahimik sa tuwing naalala ito. Gusto niya pa
sana makipagkita sayo noon para magpaliwanag. Umasa din siyang matutulungan mo siya
sa paghingi ng tawad kay Blake kaya lang natakot siya nang malamang girlfriend ka
na pala ni Blake. Naisip niyang baka pati ikaw ay nagalit na rin sa kanya."
"Kelan siya nagpabago ng mukha?"

"Pagkagraduate namin ng college. Kung anu-anong pagpapartime job at mga raket ang
pinasok niya habang nag-aaral para lamang makaipon para dito. At nang mabago na nga
ang hitsura niya. Nangako siya sa sarili na mag-uumpisa siya ng panibagong buhay.
Kakalimutan niya ang pangit na nakaraan. At simula nga noon kinalimutan niya na ang
dating si Grace. Naging confident na siya at nagawa niya nang makipagsabayan sa mga
magagandang babaeng dati ay kinaiinggitan niya lamang. Kaya nga siya nag-apply
bilang assistant ni Sophia kasi gusto niyang maramdaman kung papaano maging malapit
sa isa sa mga babaeng pinakakinaiinggitan niya noon. Kung papaano maging kaibigan
ang mga tipo ng taong dati ay pinagmamasdan niya lamang sa malayo."

Nakausli ang ngusong napapatango si Alex habang nakikinig ng mabuti. Natatandaan


niyang madalas ngang purihin ni Grace si Sophia noon. Bilib na bilib ito kay Sophia
sapagkat nagustuhan ito ni Blake.

"Napansin kong parang asiwa ka kay Tyron. Di ba pansamantala mo rin siyang naging
kaibigan dahil kay Grace pero bakit ayaw mo siyang harapin ngayon?"

Tumayo si Charlene at kabadong tumingin sa kanya. "Ang sabi mo ay itatanong mo kung


ano ang dahilan ng mga pinagbago ni Grace. Nasabi ko na lahat ng mga nalalaman ko,
m-makakaalis ka na. Simula nang magbago siya hindi na rin kami gaanong nagkikita
kaya't wala na akong alam sa mga pinagagawa niya."

Tumayo rin si Alex. Nang tatalikod na ang kausap ay bigla niya itong pinigilan sa
braso. Matigas ang mukhang tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata.

"Matalino si Grace kaya't alam kong matalino ka rin. Naniniwala ka bang magsasayang
ako ng oras at pagod na pumunta dito kung yang bagay na yan lang ang itatanong ko?"
"A-Ano bang gusto mong marinig?" kinakabahang usal ng kausap.

"Ang mga dahilan kung bakit nababasa ko sa mukha mong hindi ka naniniwalang
nagpakamatay si Grace. Ang kasagutan kung bakit natatakot kang harapin si Tyron
Garcia. At ang paliwanag kung bakit sa kabila ng takot mo ay pinili mo pa ring
kausapin ako," madiing pahayag niya habang nakatitig sa babae.

Unti-unting nawalan ng kulay ang mukha ni Charlene. Paulit-ulit itong umiling.


"Ayokong madamay! Huwag niyo akong idamay! Nangyari sa kanya yan dahil pinili
niyang magkaganyan! Ikaw, kaya ka lang naman nandidito hindi dahil kay Grace di ba?
Kundi dahil kay Blake. Dahil siya ang puno't dulo ng lahat ng ito!" biglang
paghihisterya nito nang may nangingilid na mga luha sa takot.

Nataranta si Alex. Niyakap niya ng mahigpit ang babae at maamong pinakalma ito.
"Huminahon ka Charlene. Hindi ako pumunta dito para takutin o idamay ka. Andito ako
dahil higit sa lahat gusto kong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Grace.
Matalik ka niyang kaibigan, siguro naman gusto mo ring matahimik siya. Ayaw mo bang
maparusahan ang mga taong gumawa nito sa kanya?" mahinahong pag-alo niya.

Saka lamang unti-unting kumalma ang babae. Kumawala ito sa yakap niya at tumingin
sa kanya ng puno ng takot ang mga mata."P-Papaano kung matulad ako sa kanya?
Natatakot akong baka may masama ring mangyari sa akin."

"Charlene kaya lumalakas lalo ang loob ng mga taong nag-aasal demonyo dahil
maraming taong mas pinipiling magpatalo sa kanilang takot kaysa ipaglaban kung ano
ang tama," mahina ngunit madiing bigkas niya habang nakahawak sa magkabilaang
balikat ng kausap.

Nanghihinang bumalik sa pagkakaupo ang babae. Pinipisil-pisil nito ang mga diliri
ng nanginginig na mga kamay. Yumuko ito at pansamantalang tumahimik.
Naupo rin si Alex. "Kailangan ko ang tulong mo Charlene. Hindi ko hinihingi sayong
lumantad ka. Gusto ko lang marinig kung ano ang mga nalalaman mo sa sinasabi mong
gulong pinasok ni Grace dahil kailangan kong maintindihang mabuti ang lahat para
alam ko kung papaano hahawakan ang kasong ito," pagkumbinsi niya.

"P-Pag nagsalita ba ako, maipapangako mo bang kaya mong mapakulong ang mga taong
gumawa nito?"

"Sumusugal ako Charlene. Hindi ko hawak ang hustisya kaya hindi ko masasagot ng
diretso ang tanong mo pero naniniwala akong dapat pa ring maparusahan ang mga
makasalanan. Kung hindi tayo magtitiwala sa batas natin, saan natin pwedeng
ipagkatiwala ang katahimikan at kaligtasan ng paligid natin?"

Muling tumahimik ng ilang saglit si Charlene. Lumapit naman ang kasambahay.


Inilapag nito ang dalawang baso at isang pitsel ng tubig sa center table. Dali-
daling nagsalin ng tubig ang kabadong babae at dire-diretsong ininom ang laman ng
baso.

"Ano pa bang mga itatanong mo?" mahinang-mahinang ngunit bahagyang may tapang na na
bigkas nito.

"Bakit ka natatakot kay Tyron?"

"H-Hindi ako natatakot sa kanya kundi sa tatay niya."

Natigilan si Alex sa sagot. " Nakaharap mo na ba ang tatay niya?"


Ang takot sa mga mata ni Charlene ay unti-unting napalitan ng galit. "Dahil alam
kong siya ang nagpapatay kay Grace. Hindi ako naniniwalang nagpakamatay ang
kaibigan ko. Pinapatay siya ng taong yun," matigas na salita nito.

"Paanong napasok ang tatay ni Tyron dito?" kunway walang alam na untag niya.

Bumuntong-hininga ang babae at naniningkit ang mga matang tumingin ng diretso sa


dingding.

"Pagkalipas ng ilang buwang hindi pagpapakita, bigla na lang akong dinalaw ni Grace
at niyayang lumabas. Akala ko ay simpleng pagkikita lang yun ngunit laking gulat ko
nang may ipinagtapat siya sa akin. Sabi niya ay nasa panganib daw ang buhay niya.
Pinasok niya ang isang bagay na hindi niya alam kung papaano lulusutan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"After Blake, si Tyron ang sumunod na lalaking minahal ni Grace ng totoo.


Nagkunwari siyang okay lang sa kanya ang laro-laro nilang relasyon. Pinilit niyang
papaniwalain ang sariling kaya niya nang makipagsabayan sa pakikipagfling ngunit sa
bandang dulo siya pa rin ang natalo dahil mas umiiral pa rin sa kanya ang puso.
Tinikis niya ang damdamin at nakuntento na lang bilang isang kaibigan ni Tyron.
Katwiran niya'y mas mabuti na ito kesa dati na tinatanaw niya lang mula sa malayo
ang taong mahal niya...."

Uminom ulit ng tubig ang babae bago ituloy ang pagkukuwento. Pagkatapos ay
sinalinan naman agad ni Alex ng tubig ang naubusan nang laman na baso nito.

"Kaya nung naging magkarelasyon na si Sophia at Tyron, tiniis niya ang lahat ng
sakit at hirap na nararamdaman. Madalas niya ngang pabirong sabihin sa akin na
siguro ay nakatadhanang mahulog siya sa mga lalaking karelasyon ni Sophia dahil
nung panahong nahumaling siya kay Blake, si Sophia din ang karelasyon nito,"
napapangiting sabi ni Charlene.

"Saan pumasok si Pablo Garcia dito? I mean ang tatay ni Tyron," di makapaghintay na
untag ni Alex.

"Napaamin niya si Grace sa totoong nararamdaman nito para sa anak niya. Batid sa
kaalaman ni Grace, pinamamanmanan pala siya ni Mr. Garcia. Hindi kasi ito kampante
sa pagiging magkaibigan nila ni Tyron."

Napangisi sa isipan si Alex. Nakikini-kinita niya ang pagtutol ni Garcia. "Tiyak na


tinakot at pinalayo siya nito kay Tyron," pangunguna niya.

Umiling si Charlene. "Pinalayo siya kay Sophia at pinangakuang ipapakasal siya kay
Tyron kung susunod siya sa gusto ni Mr. Garcia."

Napamaang si Alex sa narinig. "T-Teka lang... anong sinabi mo? Si Tyron ipinangako
ng kasal ng ama niya kay Grace?" gulat na gulat na sambit niya.

"Oo."

Bigla siyang naguluhan. Ayaw ni Garcia na humiwalay si Sophia kay Tyron pero
ipinangako niya naman ito ng kasal kay Grace. Napailing siya sa kasamaan ng taong
naiisip. Ibig sabihin ay pinaglalaruan nito ang lahat para sa sariling kapakanan.
Kaya nitong isaalang-alang pati kaligayahan ni Tyron. Kung ganun, hindi pala
totoong malalim ang pagmamahal nito sa anak.
"Ano ang kapalit ng pagpapakasal niya kay Tyron?" usisa niya.

"Una pinagbitiw siya bilang assistant ni Sophia. Pinatira siya sa marangyang condo,
binihisan at binigyan ng marangyang buhay. Ang paniwala niya ay unti-unti lang
siyang sinasanay sa buhay na naayon kay Tyron. Hanggang sa dumating ang araw na
ipinasok siya ni Mr. Garcia sa Golden Pacific upang maging spy at mapalapit kay
Blake Monteverde..."

Dahan-dahang naningkit ang mga mata ni Alex habang nakikinig nang inumpisahang
banggitin ng kausap ang pangalan ni Blake.

"Sa una ay matindi ang pagtutol ni Grace. Alang-alang kay Tyron, masisikmura niyang
magkasala ulit kay Blake pero ang hindi niya kaya ay ang kalabanin ka. Alam niyang
ikaw ang makakabangga niya pag ginawa niya iyon. Binalak niyang umatras. Sinabi
niya ang totoo kay Mr. Garcia at doon na nag-umpisa ang pananakot nito sa kanya.
Binantaan siya nitong ilalantad kay Tyron ang totoong pagkatao niya. At tiniyak ng
ama na sisiguraduhin nitong itatakwil si Grace ni Tyron. Kaya napilitan ang
kaibigan ko na sundin ang mga utos sa kanya..."

"Sinubukan niyang mapalapit kay Blake ngunit sabi niya ay malaki na ang pinagbago
ng lalaki. Ni tumingin man lamang ng matagal sa ibang babae ay hindi na nito
magawa. Kung nahirapan siyang abutin ito noon, mas lalo siyang nahirapang makuha
ito ngayon. Hanggang sa dumating ang sandaling may inutos sa kanya si Mr. Garcia na
hindi niya ginawa..."

"Anong utos?"

"Ang alukin ng alak na may gamot si Blake sa isang company party. Doon niya lamang
napagtanto na sa ikalawang pagkakataon pala ay inilalagay niya sa kapahamakan ang
buhay ni Blake. Hindi niya na ito kayang sikmurain. Nagdesisyon siyang itigil ang
lahat. Nang gabi bago siya natagpuang bangkay sa condo, tinawagan niya ako sa
opisina habang nag-oovertime ako. Sinabi niya sa aking ibubunyag niya ang mga plano
ni Mr. Garcia. Na hindi lamang ang Golden Pacific ang gusto nitong makuha kundi may
masamang balak din ito sa buhay ni Blake. Pinanindigan niyang sa pagkakataong iyon
ay kay Blake na siya papanig at hindi sa kalaban..."

Tumingin si Charlene kay Alex. "Nung gabi ding yun ay nag-iisip siya ng paraan kung
papaano ka hahagilapin. Ikaw lang daw ang pulis na pwede niyang pagkatiwalaan. At
tungkol sa tanong mo kanina kung bakit sa kabila ng takot ko ay hinarap kita
ngayon...dahil ibinilin ito ni Grace. Sinabi niya sa akin na kung sakaling may
mangyaring masama sa kanya at hindi ka pa niya nakakausap, huwag na huwag daw akong
magkakamaling magsalita sa ibang pulis maliban lamang sayo, Captain Valdemor."

Napainom ng dalawang magkasunod na baso ng tubig si Alex sa mga nalaman. Ngayong


sigurado na siyang si Garcia nga ang may pakana ng lahat, ibabalik niya ang pang-
uudyok dito hanggang sa ito na mismo ang kusang maglantad ng mga sungay sa harap
niya.

"Totoo bang may boyfriend si Grace bago ito mamatay?" naalala niya bigla.

Umiling ang kausap. "Totoong may nakarelasyon siyang isa sa mga tauhan ni Mr.
Garcia. Pero kagaya ng dati, isang laro laro lamang ito para sa kanya. At matapos
ngang magkaroon ng pag-asa kay Tyron, hiniwalayan niya agad ang lalaking iyun.
Inamin niya ditong may iba siyang totoo mahal."

Naalala ni Alex ang mga nagbabantang mensaheng nabasa niya sa cellphone ni Grace.
Ibig sabihin ay si Tyron pala ang tinutukoy ng mga text at hindi si Blake. Muli
siyang uminom ng tubig at saka nakangiting tumingin sa kiming kausap.

"Maraming salamat sa mga sinabi mo, Charlene"....

-----
Wala pang sampung minutong tumatakbo ang sasakyan ni Alex, tumatawag na agad si
Blake. Ngingiti-ngiti at napapailing na nagsuot ng headseat ang dalaga.

"Are you done?" tanong agad ng binata.

"Oo. Pabalik na kami ng Manila."

"Makakarating ka ba bago mag six o'clock?"

Tumingin si Alex sa oras. Alas kuwatro y medya na ng hapon at tiyak na matrapik na


dahil aabutan na siya ng rush hour.

"Baka mga alas siyete na ako makarating. Bukas na lang tayo magdinner sa labas,"
kaswal na sagot niya.

"Since you move it tomorrow, dapat hindi lang sa dinner kundi buong araw tayong
magkasama bukas."

"Hindi pwede magi-stay ako ng hospital bukas," diretsong tanggi niya.

"Then, I'll go with you. Tamang-tama medyo namimiss ko na rin si Val."


"Bakit pagtsitsismisan niyo na naman ako? Pangungunahan na kita ha. Isinama ko dun
kanina si Tyron kaya tiyak na may report agad sayo ang batang yun!" nakairap ngunit
may ngiting wika niya.

"If that's the case, mas dapat pala akong sumama sa pagdalaw mo. I need to hear his
opinion tungkol sa bago naming karibal," tatawa-tawang sagot ng binata. "By the
way, kumusta ang lakad mo?"

"Okay naman," tamad at napapabuntong-hiningang sagot niya.

"Did you get better hints this time?"

"Oo," matamlay na tugon niya. Sa totoo lang ay mas lalo siyang kinakabahan para kay
Blake. Mukhang hindi titigil si Garcia sa masamang balak nito. Naudlot na ito kay
Grace, sa hitman kaya ano naman kaya ang susunod? "Blake kahit sa opisina mag-
iingat ka rin ha. Malay mo may mga nakakalusot pa rin na spy ang taong gustong
pumatay sayo. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa kahit na sino. At huwag na
huwag na huwag na huwag kang tatanggap ng anumang inuming iaalok sayo ng kahit
sinumang empleyado o kaopisina. Kung magkakape ka magtake-out ka na lang o kaya
magtimpla ka ng sarili mo."

"Are you saying that Divine Francisco was a spy?" mabilis na bigkas ng kausap.

"Oo," nanghihinang sagot niya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Blake sa kabilang linya. "Wow, I guess that
woman spent most of her time spying on me."
"Huwag mo siyang pagtawanan. Kaya siya namatay dahil mas pinili ka niyang iligtas
kesa magpadaig sa takot."

Tumahimik ng ilang sandali si Blake. "Kasama mo pa rin ba si Tyron ngayon?"


pagseseryoso nito.

"Oo."

"Did he know about it?"

"Hindi. Ako lang ang kinausap ng bestfriend ni Grace. Isa pa, sadyang walang
sibilyang pwedeng makinig pag gumagawa ako ng interview."

"Okay, hintayin na lang kita dito sa bahay. I won't eat dinner until you arrive,
sabay na tayo. Be careful on your way home."

"Salamat," napapangiting tugon ni Alex.

"Huwag kang magkakamaling makipag-dinner diyan sa kasama mo. Umuwi ka agad or else
I'll starve," pahabol pa ng lalaki.

"Oo na, oo na!" sagot niya nang may iritableng tono ngunit ang totoo ay hindi pa
rin nawawala ang mga ngiti niya.
Pagkababa ng telepono, tumingin siya sa sasakyan ni Tyron na nasa unahan niya.
Dahil maluwang ang kalsada at walang ibang naroroon maliban sa kanila, medyo may
kabilisan ang takbo ng lalaki. Naisip niyang baka nagmamadali na rin ito. Binilisan
niya rin ang takbo hanggang sa sabay silang napamenor nang may matanaw na
nagbanggaang kotse at van. Nakaharang ang dalawang sasakyan sa dadaanan nila kaya't
napilitan silang huminto. Nakita niyang nagtatalo ang parehong lalaking driver.
Nagsisigawan ito at ramdam niyang kaunting oras na lang ay tiyak na magsusuntukan
na ang dalawa.

Lumabas siya ng kotse para alamin ang nangyayari. Lumabas din ng sasakyan si Tyron
na halatang aawatin din ang dalawa. Naunang lumapit sa nagtatalo ang kasamang
binata at laking gulat niya nang biglang dumukot ng armas ang isa sa mga lalaki at
pinalo nito ng malakas sa ulo si Tyron. Nawalan agad ng ulirat ang lalaki.

Bubunot na sana siya ng baril ngunit may naramdaman siyang pagkilos sa bandang
likuran at nang napalingon siya'y biglang may sumalubong sa kanyang mukha na isang
malakas na suntok.

Napahandusay siya sa kalsada sa lakas ng suntok na tumama sa kanya. Bahagyang


umikot ang kanyang mga paningin subalit naaninag niya pa rin ang tatlong
kalalakihan na bigla na lang sumulpot sa bandang likuran niya. Lumapit sa kanya ang
isa at sinipa siya sa tiyan. Napapilipit siya sa sakit. Magtatangka na naman sana
itong manipa ngunit mabilis niyang sinalubong ng sipa ang sipa nito at sabay patid
sa isa nitong paa.

Bumulagta ang lalaki at kasabay nito humupa na rin ang naramdaman niyang pagkahilo.
Mabilis siyang dumukot ng baril subalit nang itutok niya ito sa mga di kilalang
lalaki, natigilan siya dahil pawang nakaumang na ang mga baril nito sa kanya.

"Ibaba mo yan!" sigaw ng isang balbas saradong mama.

Napilitan siyang sumunod. Binitawan niya ang baril. Pagkalapag niya dito ay agad
itong dinampot ng isang lalaki. Itinayo siya ng dalawa at hinawakan sa magkabilaang
braso. pagtayo niya ay nakita niya ang walang malay na si Tyron na isinasakay
pabalik sa kotse nito ng dalawang lalaking kanina'y nagpapanggap na magkaaway.

Bumangon ang nasipa niyang lalaki. Ngingisi-ngising lumapit ito sa kanya. Pagkuway
walang pasabing sinampal siya ng malakas.

"Ikaw ba ang pinagmamalaki nilang si Valdemor! Eh wala ka naman pala eh!" sabay
sampal ulit nito ng isa.

Hindi siya nagpatinag. Dinuraan niya ito ng dugo at gumanti ng ngisi't matatalim na
titig. "Kung wala ako bakit lima kayo laban sa isang babaeng gaya ko?"

Napikon ang lalaki at bigla na lang siyang sinikmuraan. Napapikit at napakagat siya
sa labi sa sakit subalit hindi pa rin siya nagpamalas ng takot.

"Tama na yan! Isakay na yan! Malaki ang kapalit ng buhay ng babaeng yan kaya't
hindi natin pwedeng galawin yan!" sigaw ng lalaking pumalo sa ulo ni Tyron.

Tinulak siya ng dalawang nakahawak sa braso niya at sinisipa-sipa patungo sa van.


Pagkapasok nila sa sasakyan ay tinalian siya sa mga kamay, tinapalan ng duct tape
sa bibig at tinutukan ng baril sa tagiliran. Umandar ang van at naiwan naman sa
sariling kotse ang walang ulirat na si Tyron....
•••••

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Kalmadong nakaupo si Alex sa gitnang bahagi ng


van habang tinatandaan ang daang tinatahak ng sasakyan. Napapagitnaan siya ng
dalawang lalaki. Ang nasa kaliwa ay tinututukan siya ng baril samantalang ang nasa
kanan naman ay binabantayan kahit pagkurap niya. Kung hindi ba naman tanga't
kalahati ang mga dumukot sa kanya, mas pinili pa ng mga itong takpan ang bibig niya
kaysa piringan siya. O baka naman kampante ang mga itong hindi na siya makakabalik
ng buhay kaya hindi na nag-alala pa kung matandaan man niya ang mga daan.

Masukal na kalsada ang kanilang tinatahak. Pinili ng mga lalaki ang mas mahabang
daan kesa sa shortcut na mga kabayanan naman ang dadaanan. Nagdadalawang-isip si
Alex kung mag-iisip ng paraang makakatakas o hahayaan ang sariling mabitbit sa kung
saan man siya dadalhin ng mga lalaki. Malakas ang kutob niyang ito na ang
pagkakataong makaharap ang totoong salarin.... subalit naiisip niya si Blake.
Nakapangako siyang uuwi ng maaga. Baka totohanin nitong hindi kumain habang
naghihintay sa kanya.

"Putek! May checkpoint!" bulalas ng driver.

"Ano?! Paano nangyari yan?! Akala ko ba klarado ang daang ito!" sabi ng lalaking
tumututok ng baril sa dalagang pulis.

Nadagdagan ang lukso ng adrinaline ni Alex. Pagkakataon niya nang gumawa ng paraan
para makatakas. Natanaw niya ang limang mga kalalakihang nakauniporme ng pang
militar. Nakatayo ang mga ito sa kalsada na pawang nakahanda na sa pagharang sa
paparating na sasakyan. Lahat ng mga ito ay may bitbit na m16 armalite.

"Anong gagawin natin?" tarantang sabi ng driver habang binabagalan ang takbo.
"Babalik ba tayo?!"
"Hindi pwede! Mahahalata tayo!" tutol ng lalaking balbas sarado. "Alam ko na ang
gagawin natin!"

Kinalagan si Alex ng tali sa mga kamay ng lalaki at tinanggalan ng tape sa bibig.


Subalit nanatiling may nakatutok na baril sa tagiliran niya. Pinahiran din ang
gilid ng duguang mga labi niya.

"Kumilos ka lang ng natural. Huwag na huwag kang magkakamaling magsalita kung ayaw
mong kalabitin ko ang baril na ito," babala sa kanya ng katabi.

Tumango siya at umaktong tila isang maamong tupa subalit alerto ang kanyang mga
mata. Nakita niyang maliban sa baril na patagong nakatutok sa kanya ay isiniksik ng
mga kidnappers ang kani-kanilang mga armas sa isang lihim na taguan sa ilalim ng
upuan. Maya-maya lamang ay narating nila ang checkpoint. Kumaway ang mga armadong
militar upang patigilin ang van.

Huminto ang driver at ibinaba nito ang bintana. "Kumusta mga pare? May problema ba
sa lugar na ito?" kunway palakaibigang bati nito.

Sumilip sa bintana ang isang militar. "Checkpoint lang ho. Nakatanggap kasi kami ng
report na may ipinupuslit na mga droga dito."

Tumingin ang militar sa mga sakay ng van. Nag-uusap ng normal ang mga kidnappers at
medyo nagtatawanan pa ang mga ito. Pilit pinapakita ng mga lalaki na walang kaduda-
duda sa mga kilos nila. Samantala, tahimik lamang si Alex habang nakikiramdam.
Napako sa kanya ang mga mata ng militar at napakunot ito ng noo nang mapansin ang
mga pasa niya sa mukha.

"Anong nangyari sa kasama niyo?" sabay nguso nito sa kanya.

"Ahh kapatid ko boss. Sinundo namin galing Maynila, binubugbog kasi ng asawa,"
nakangiting sagot ng lalaking katabi niya habang ramdam niyang idinidiin lalo nito
sa katawan niya ang pagkakatutok ng nakatagong baril. Pagkuway pansamatalang
binitawan nito ang baril, inakbayan siya at nginitian. "Di ba Teresa?" kunway tawag
nito sa kanya.

"O-Oo..." napipilitang sagot niya.

"Ganun ba?" paniwala ng militar ngunit nakatingin pa rin ito sa kanya. "Sir tingnan
lang ho namin ang loob ng sasakyan ha. Pasensiya na SOP ho ito," sabi nito sa
drayber.

"Walang problema." Tumingin ang drayber sa salamin. "O mga kasama titingnan lang
daw ang loob!" tapos sabay harap ulit nito sa kausap. "Tingnan niyo na bossing.
Huwag kayong mag-alala, wala hong kahit na anong bakas ng droga sa van namin.
Mabubuting mamamayan ho kami."
Nagbukas ang sliding na pintuan ng sasakyan at bumungad kay Alex ang isang militar
na may pamilyar na mukha. Sinilip muna nito nang mabilisan ang ilalim ng mga upuan
at saka siya binigyan ng isang mabilis na sulyap. Unti-unting nagsalubong ang kilay
ng dalaga nang matandaan kung sino ang militar. Ito ang lalaking nakita niya sa
coffee shop.

"Klarado sir!" sigaw nito sa kasamahan at muli siya nitong tiningnan.

Noon lamang naintindihan ni Alex ang ibig sabihin ng checkpoint. Tumingin din siya
ng makahulugan sa estrangherong lalaki sa coffee shop at pansin niyang pasimpleng
sumagot ito ng tango.

"Pwede bang bumaba muna kayo? Kakapkapan lang namin kayo," utos nito.

Nawala ang sigla sa mukha ng mga kidnappers. Nagtinginan ang mga ito at halatang
naalarma sa kanilang narinig.

"Eh boss pwede bang huwag na kaming bumaba nitong kapatid ko. May pilay kasi ito
kaya medyo inaalalayan ko," sabi ng lalaking may nakatagong hawak na baril. Ito ang
siyang pinakanabahala sa utos ng militar.

Tumingin kay Alex ang militar. Sumagot ng isang dahang-dahang tango ang dalaga
kasabay ng mabilis na pagnguso sa kanyang tagiliran. Tahimik na tiningnan isa-isa
ng militar ang mga sakay pagkatapos ay pinadaan nito ang mga mata sa tagiliran ng
babae na nakadikit at nakatakip sa kanang kamay ng katabing lalaki. Ramdam nitong
may bagay na pumapagitna sa pagkakadikit na iyon.

"Sige, huwag na kayong bumaba," biglang bawing wika nito.

Muling sumigla ang mukha ng mga kalalakihan. "Salamat sir!" napapasaludo pang tugon
ng ilan sa mga ito.

"Paano sir? Tuloy na kami?" wika ng drayber sa militar na nakapwesto sa tabi ng


bintana.

"Sige ho!" sagot ng army at sabay saludo.

Inalis ng mga militar ang harang sa kalsada at maluwag na pinadaan ang van.
Pagkalagpas na pagkalagpas sa checkpoint ay mabilis na pinagkukuha ng mga
kidnappers ang isiniksik na mga baril sa ilalim ng upuan.

"Wooh! Muntik na tayo dun ah!" napapabuga ng hinga ng sabi ng balbas sarado. "Oh
akina ang tali, talian ulit natin ang babaeng ito. Tsaka ang tape!" dugtong nito.
"Eh masunurin naman pala ang babaeng ito! Akala ko ba matapang ka eh bakit parang
takot na takot kang mamatay!" komento ng isa at sabay batok kay Alex.

Tiningnan ni Alex ng matalim ang lalaking nambatok sa kanya at nginisian. Ito rin
ang taong nanampal at sumuntok sa kanya. Lihim na nagngitngit ang kanyang mga
ngipin. Ang lalaking ito ang unang -una niyang kakaladkarin papasok ng kulungan.

Pinaharap siya sa kaliwa ng katabing nasa kanan upang muling talian patalikod ang
mga kamay subalit nagulat ang lahat nang biglang tumigil ang sasakyan.

"Anong nangyari?!" Halos sabay-sabay na bigkas ng mga lalaki.

"Putragis mukha pumutok ang isang gulong natin!" napapamurang sagot ng drayber.

Napangisi sa isipan si Alex. Palihim na tumaas ang isang kilay niya habang
natataranta ang mga kasama. Bumaba ang katabi niya sa kanan para tingnan ang lagay
ng gulong. Hindi na nito natuloy ang pagtatali sa kamay niya at iniwan pa nitong
nakabukas ang pintuan sa tapat niya.

"Anong lagay?" tanong ng lalaking nasa kaliwa niya. Binuksan nito ang bintana sa
tabi at sumilip.

"FLAT LAHAT NG GULONG!"

"Putsa natunugan tayo ng mga militar na iyon!"

Kasabay ng pagkataranta ng lahat at ilang sandaling pagkawala ng pagkakatutok sa


kanya ng baril, parang kidlat sa bilis na sinamantala ni Alex ang pagkakataong
tumalon ng papadapa palabas ng iniwang nakaumang na pintuan.

Pansamantalang natulala ang lalaking katabi ni Alex sa bilis ng babae ngunit nang
matauhan ay sunud-sunod nitong inasinta ng putok ang tumakas na bihag.

"PUTSA NAKAWALA ANG LINTIK!"

Nagpagulung- gulong si Alex sa damuhan at mabilis na nagtago sa isang malapit na


puno na nasa tabing kalsada lamang. Wala siyang baril kaya't wala siyang laban sa
mga armadong kriminal. Ang tanging magagawa niya para iligtas ang sarili ay ang
tumakas at magtago. Maingat siyang sumilip siya sa pinagtataguan. Nakita niyang
sabay-sabay na bumababa ang mga kalalakihan hawak ang kani-kanilang mga baril.
Madilim na ang paligid at tanging isang makulimlim na ilaw ng poste lamang ang
nagbibigay liwanag sa masukal na kalsada.

"Hanapin niyo! Hindi pwedeng makatakas ang babaeng iyon malilintikan tayo kay
boss!" sigaw ng lalaking balbas sarado habang nakaasinta ang baril sa iba't ibang
direksiyon.

Naghiwa-hiwalay ang mga lalaki at dalawa sa mga ito ang patungo sa pinagtataguan
niya. Hahakbang sana siya patungo sa isang madilim na bahagi ng mistulang bukana
patungo sa isang gubat ngunit napansin niyang nakatayo pala siya malapit sa isang
bangin.

Idinikit niyang mabuti ang katawan sa punong pinagtataguan. Hindi na siya lalayo.
Isa lang naman ang importante ang makakuha siya ng baril. Hinintay niyang makalapit
ang dalawang lalaking papunta sa direksiyon niya. Pinapakinggan niyang mabuti ang
mga yabag nito, ang tunog ng bawat tuyong mga dahong naapakan. Papalapit na ng
papalapit ang mga ito. Huminga siya ng malalim at inihanda ang sarili sa surpresang
pag-atake.

Subalit tumigil ang mga yabag na inaabangan niya. May narinig siyang manipis na
tunog ng isang ihip ng hangin. Para bang may dumaang lumilipad na bagay.
Nagtatakang napasilip siya sa pinagtataguan at nagulat siya nang makakita ng mga
lumilipad na lubid na hindi alam kung saan nagmumula. Dumapo ang mga ito at
pumulupot sa mga kamay na nakahawak sa baril ng dalawang lalaki. Nabitawan ng mga
kriminal ang mga armas at pagkuway lumantad ang dalawang lalaking nakafatigue na
pantalon at naka t-shirt ng itim.

Namumukhaan niyang iyon pa rin ang mga militar. Nagtig-isa ito sa dalawang
kidnappers. Base sa galaw at pakikipaglaban ng mga ito, halatang bihasa sa martial
arts ang di kilalang mga lalaki. Ngunit may itinatagong galing din ang mga
demonyong nandukot sa kanya. Bagama't hindi magawang makipagsabayan sa bilis ng mga
di-kilalang lalaki, ngunit kaya ng katawan ng mga ito ang sipa't suntok na
natatanggap. Kahit papaano ay nakakaganti rin ang mga ito kahit paisa-isang sipa at
suntok.
Lumantad siya mula sa pinagtataguan subalit wala na ang atensiyon sa kanya ng
dalawang kidnappers. Abala na ang mga ito sa pagtatanggol sa sarili. Mabilis siyang
lumapit sa nagsasagupaang mga lalaki. Dinampot niya ang isa sa mga nabitawang baril
ng mga kriminal at sinipa naman papalayo ang isa. Pagkuway tumakbo siya para
hanapin pa ang ibang mga kidnappers ngunit laking gulat niya nang makitang may
tigitig-isa na rin itong kalaban.

Napamaang siya habang nakatayo sa gitna ng kalsada. Naguguluhang tumingin siya sa


paligid. Siya na tuloy ngayon ang walang kasagupa. Nag-isip siya ng gagawin
hanggang sa unti-unting tumaas ang isang sulok ng kanyang bibig. Hinanap ng mga
mata niya ang taong nanakit sa kanya. Nakita niyang kalaban nito ang lalaki sa
coffee shop. Napapangising lumapit siya sa dalawang nagsusuntukan. Magaling ang
estrangherong lalaki ngunit magaling ding umiwas ang kriminal.

Walang kamalay-malay ang mga ito sa paglapit niya at nagulat na lang ang lalaki sa
coffee shop nang bigla niyang pigilan ang kamay nitong nakahanda na sanang magbitiw
ng isang malakas na suntok sa kalaban.

"M-Ma'am Alex..." gulat na sambit nito.

Ngumisi siya. "Ibalato mo na sa akin ang taong ito," sabay tingin niya ng
nakakaloko sa kalaban. Gumanti din ng ngisi ang kidnapper at halatang natuwa ito
nang marinig ang sinabi niya.

"Ma'am hindi po pwede...Ako na ang bahala sa kanya," tutol ng kakamping lalaki.


"Diyan ka lang! Huwag kang makialam," matigas na utos niya.

Walang nagawa ang lalaki kundi sumunod. Ngunit anumang oras ay nakahanda ito para
tulungan ang dalaga.

Humakbang si Alex papalapit sa ngingisi-ngising kalaban. Binigyan niya ito ng


matatapang na mga tingin. Itinapon niya sa mapunong bahagi ng tabing kalsada ang
bitbit na baril.

"Ngayong walang nakahawak sa magkabilaang kamay ko saka mo patunayan ang sinabi


mong wala akong binatbat," ngingiti-ngiting sabi niya.

Pomorma ang kidnapper. Ikinuyom nito ang mga kamao para bigyan agad siya ng isang
suntok ngunit pareho silang natigilan nang biglang lumiwanag ang kinatatayuan nila.
Tinamaan sila ng ilaw ng van na noon ay nabuhay nang masagi ang pihitan nito ng isa
sa binubugbog na mga kidnappers.

Napalingon ang mga tagapagligtas ni Alex sa kinaroroonan ng dalaga. Madaliang


pinatumba ng mga ito ang kalaban upang pigilan ang babae. Pagkatapos ay nag-
aalalang nagsilapitan ang mga ito.
"WALANG MAKIKIALAM!" matapang na babala ni Alex.

Kasabay ng sigaw niya ay ang pagpakawala ng isang malakas na suntok ng kalaban.


Mabilis siyang yumuko't napaupo. Sinipa niya ito nang papatid sa paa. Natumba ang
lalaki at pagkalapag ng likod nito sa lupa ay agad niyang itinaas ng unat na una't
ang kaliwang paa at malakas itong ibinagsak sa tiyan ng lalaki habang nakatukod ang
mga kamay sa lupa. Akrobatikong bumaligtad siya ng patalikod sabay diretsong tayo
na tanging ang mga paa at kamay ang sumayad sa lupa.

Tinunghayan niya ang lalaking napapilit sa sakit. "Tayo!" sigaw niya nang may
matatalim na mga titig.

Pinagbigyan niya ng kaunting oras para makabawi sa sakit ang kalaban at hinintay
itong makatayo.

"Matapang ka lang dahil may mga nakaabang kang tutulong sayo," pang-uudyok ng
kalaban.

"Meron akong isang salita. Pag sinabi kong walang makikialam, walang pwedeng
makialam...Tutal wala ka na ring matatakbuhan, binibigyan kita ng pagkakataong
patayin ako sa bugbog. Alin man sa dalawa, ang mapatay mo ako o ang mabulok ka sa
bilangguan," ngingisi-ngising wika niya habang tumatayo ang lalaki.
Sinugod ulit siya ng suntok ng kidnapper ngunit sinalo niya ang paparating na kamao
nito. Pagkuway hinawakan ng dalawang kamay ang nakaunat nitong braso at ibinalibag
ito ng malakas sa kalsada.

Napapaigtad sa gulat ang mga kaalyado ni Alex. Napapanganga ang mga ito sa
nasasaksihang lakas, galing at tapang ng inililigtas na babae.

"TAYO!!!" sigaw ulit ni Alex sa nakahandusay na kalaban.

Tumayo ulit ang lalaki subalit halatang napuruhan ito sa pagkakabalibag sa kanya.
Napansin nitong mabilis umiwas sa suntok ang babae kaya't iniangat nito ang paa
para bigyan ito ng isang malakas na sipa.

Nakita agad ni Alex ang papasipang paa ng lalaki. Mag-aangat pa lamang ito ng paa
ay sinalubong niya na agad ng tadyak ang tuhod nito. Tumunog ang buto sa tuhod ng
lalaki. Pagkatapos ay sumipa papaikot sa ere si Alex. "YAAAAAA!" at walang kahabag-
habag na dumapo ang paa niya sa mukha ng kalaban.

Tila nayupi ang pisngi ng lalaki sa lakas ng sipa. Tumalsik sa ere ang dugo mula sa
bibig nito. Pansamantala muna itong naduling hanggang sa dahan-dahan itong pumikit
at bumagsak sa lupa. Ilang tiktak lamang ng segundo ay tuluyan na itong nawalan ng
ulirat.
Nagpagpag si Alex ng mga kamay at parang walang nangyaring inunat ang laylayan ng
suot na jacket. Pagkatapos ay saka lamang napatingin sa di makapagsalitang mga
lalaking nanonood sa kanya. Hindi makapaniwala ang mga ito sa nasaksihan. Kung
hindi man kasinghusay ay mas mahusay pa sa kanila sa pakikipaglaban ang babae.

Napatingin si Alex sa lalaki sa coffee shop. Napapatanga pa rin ito. Lumapit siya
dito upang tapikin sa balikat.

"Nahirapan ka pa sa lagay na iyan ha," pang-aasar niya na may halong pagmamayabang.


Bagama't niligtas siya ng mga ito pero hindi niya maikakailang nasaktan ang pride
niya. Iyon kasi ang kauna-unahang labanan kung saan una niyang naramdamang hindi
dito kinailangan ang tulong niya.

Natigilan silang lahat nang nadagdagan ang liwanag ng kalsada. Napalingon sila sa
isang paparating na sasakyan. Napakunot ng noo si Alex nang makilala ang kotse.

"ALEX!"

Nanghina bigla ang mga tuhod niya nang marinig ang boses ni Blake. Nakita niyang
lumalabas ng sasakyan ang binata at noon siya unti-unting bumalik sa reyalidad.
Dahan-dahang nabuhay ang kaba sa kanyang dibdib, saka niya lamang napagtanto kung
gaano nalagay sa alanganin ang kanyang buhay. Habang papalapit si Blake na puno ng
pag-aalala ang mukha, pakiramdam niya ay para siyang batang nasa gitna ng isang
away na biglang na lang nakahanap ng tunay na kakampi. Sa sandaling muling nalagay
ang buhay niya sa kapahamakan, ang kauna-unahang taong gusto niyang lapitan at
hugutan ng lakas ay walang iba kundi ang lalaking iniibig.
"BLAKE!"

Tumatakbong sinalubong niya ang binata. Yumakap siya ng mahigpit sa katawan ng


lalaki at nanghihinang napasandal sa dibdib nito.

"B-Blake..." may bakas ng takot na sambit niya.

Gumanti si Blake ng isang napakihigpit na yakap. Nang mayakap at mahawakan ang


dalaga, saka lamang nabawasan ang matinding pag-aalala niya. Napapikit siya at
napabuntong-hininga sa matinding kaluwagan sa dibdib na naramdaman. Kanina lamang
habang nagmamaneho ay parang humihiwalay na ang kaluluwa niya sa katawan sa tindi
ng takot at nerbiyos.

Kinalas niya sa katawan si Alex. Hinawakan niya ito sa magkabilaang balikat at


tinitigan ang mukha. Nag-init ang dugo niya nang makita ang mga pasa nito sa pisngi
pati na ang sugatang gilid ng labi. Hinawakan niya ang baba nito at ipinaling ang
ulo sa kaliwa't kanan.

"Are you hurt?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.


Parang maamong batang tumango si Alex nang may malungkot at nagsusumbong na mukha.

"D-Did they do something bad to you? Hinarass ka ba, binugbog or whatever?!"

"H-Hindi naman gaano," mahinang sagot ni Alex nang may nagpapaawang tono.

Nangalit ang mga panga ni Blake at itinuon niya ang mga mata sa unipormadong mga
kalalakihang nanonood sa kanila. Yumukod ang mga ito at halatang nag-aabang ng
sasabihin niya.

"I told you I don't want to see any single scratch in her body!" nanggagaliting
sabi niya.

"Eh sori po sir medyo mahirap po ang gusto niyong mangyari kasi mga armado ang
dumukot sa kanya...Hindi pwedeng magpadalos-dalos...tapos si Ma'am naman..."
napapakamot sa ulong paliwanag ng lider ng mga inupahang tao habang puno ng
pagtataka kung bakit sa kabila ng husay sa pakikipaglaban ng dalagang iniligtas ay
ganun na lamang katindi ang proteksiyong ibinibigay dito ni Blake. Sa personalidad
ng babae, imposible ang gustong mangyari ng binata na huwag man lamang itong
magalusan.

"You're all an experts! You're supposed to do a perfect job!" pagalit pa rin ni


Blake.

Muling yumakap si Alex sa katawan ng galit na binata at niyakag ito papabalik sa


sasakyan. "Tama na yan Blake. Okay na naman ako at saka nagawa naman nila ang
trabaho nila. Naiintindihan kong hindi madali ang gusto mong mangyari ," may
lambing na pagkumbinsi niya dito sabay lingon sa napapakamot sa ulong mga
kalalakihan "Sorrriiii...Salamat," pabulong na bigkas niya sa mga ito at sabay
senyas na bitbitin ang katawan ng walang malay na mga kriminal.

Napapailing na sumunod sa senyas ni Alex ang mga inupahang tao. Hirap maniwala ang
mga itong ang kanina'y animo'y tigre sa tapang na babae ay ngayo'y nagmistulang
walang kalaban-labang dalagang Pilipina na nakakunyapit sa katawan ng isang
lalaking magtatanggol sa kanya.

Hindi maipaliwanag ni Alex ang sayang nararamdaman. Parang nabalewala lahat ng


hirap at sakit na dinanas niya sa kamay ng mga kriminal. Lumulutang ang kanyang
pakiramdam habang ninanamnam ang pagkakakapit sa katawan ni Blake. Ganito pala
kasarap sa pakiramdam kapag ikaw naman ang inililigtas at pinoprotektahan ng taong
mahal mo. Parang wala na atang lugar sa dibdib niya na magmatigas pa sa lalaki.
Dapat sana'y lalong nagiging bato ang kanyang pakiramdam habang tumatagal na
hinahayaan siya nito sa trabaho ngunit kabaliktaran nito ang nangyayari. Sa halip
ay mas tumindi lalo ang panghihina at panlalambot ng kanyang kalooban kapag ito na
ang kanyang kasama.

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang maramdamang mayroon pang ibang taong
nakatingin sa kanila. Nagulat siya nang makita kung sino ang nakatayo sa labas ng
kotse ni Blake.

"T-Tyron?"
Dali-dali siyang kumawala sa pagkakayapos kay Blake. Nag-alala siya bigla para sa
lalaki dahil sa pagkakapalo nito sa ulo. Hahakbang na sana siya papalapit dito
subalit inakbayan siya ni Blake at ibinalik ang mga kamay niya sa pagkakayakap sa
katawan nito. Wala siyang nagawa kundi kausapin si Tyron habang nasa tabi ni Blake.

"Anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong niya dito.

"Blake brought me here. I insisted to join him dahil gusto ko ring makatulong,"
sagot nito habang tinitingnan mula taas hanggang baba ang sweet na sweet na hitsura
nila ni Blake. "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito nang makita ang mga galos
sa mukha niya.

"Okay lang. Salamat. Ikaw okay ka lang ba?" sabay tingin niya sa napalong parte ng
ulo nito.

"Yeah I'm alright."

Humigpit ang pagkakaakbay sa kanya ni Blake. Hinawakan siya nito sa pisngi at


ipinihit ang kanyang ulo sa direksiyon ng mukha nito. "Let's leave now," yaya nito
nang may bahid na selos ang tono.
"O-Okay," tanging nasagot niya kahit ang totoo'y gusto niya pang lapitan at
kausapin si Tyron.

Pinagbuksan siya ng binata ng pinto ng kotse at pinasakay sa likurang upuan.


Samantalang nanatiling nakatayo naman ng ilang saglit si Tyron sa labas habang
naguguluhang tinitingnan ang tanawing nasa harapan niya. Napapakunot ito kasabay ng
panonood sa pagbuhat ng mga unipormadong lalaki sa walang ulirat na mga kriminal
patungo sa isang nakaabang na sasakyan....

----

"Ay kabayong may kaibigang palaka! Anong ginagawa mo dito?!"

Napahawak si Alex sa parteng dibdib niya. Kalalabas niya lang ng banyo at nakatapis
lamang siya ng tuwalya. Halos malaglag ang puso niya sa pagkagulat nang maabutan si
Blake na seryosong-seryosong nakatayo't nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang
painting na nakasabit sa kuwarto.

"B-Ba't nandito ka? P-Paano ka nakapasok?" napapalunok at kinakabahang sambit niya


sabay hinto sa paglalakad.

Inginuso ni Blake ang pinto. "You left the door unlocked," tipid na paliwanag nito.
"M-May kailangan ka ba?" tanong niya.

Tumingin ang binata sa dalang medicine kit na nasa ibabaw ng kama. "Sit," madiing
utos nito sabay nguso sa kama.

Hindi agad kumilos si Alex. Nagdadalawang-isip siyang sumunod. Samantalang


humakbang naman si Blake papalapit ng higaan at naupo kalapit ng mga gamot.

"Lalapit ka ba or bubuhatin pa kita papunta dito?" may kasungitang tugon ng lalaki.

Naasiwang ngumiti si Alex. "Ah Blake pwede bang magbihis muna ako..."

"Later. Mas mabuti nang nakaganyan ka lang so we can see clearly kung saan ang mga
galos mo."

"Ah-eh wala naman akong gaanong galos mga pasa lang," hindi komportableng katwiran
ng dalaga.

Lumipas na ang pansamantalang pagkalutang ni Alex sa alapaap. Ipinagpapasalamat


niyang kasama nila sa sasakyan si Tyron papabalik ng Maynila dahil kung hindi baka
sa sobrang pagkaantig sa ginawa ni Blake ay siya na mismo ang kusang nag-alok dito
ng pakikipagbalikan. Kaya naman pagkarating ng bahay dumiretso siya sa kuwarto
upang mahimasmasan sa pansamantalang pagkakadala sa damdamin. Diretso ligo agad
siya hanggang sa ang mga nanakit na kasu-kasuan at hapdi ng mga suga't galos na
lang ang kanyang nararamdaman.

"Tatayo ka na lang ba diyan o mauupo ka dito sa tabi ko? I'm not going to leave
this room unless ipagamot mo sa akin yang mga galos mo," banta ni Blake.

Napipilitang lumapit si Alex. At nang maupo siya sa tabi ng lalaki, hinigpitan niya
pa lalo ang pagkakahawak sa tuwalyang tapis.

Hinawi ni Blake ang basang buhok ng dalaga na nakaharang sa parteng leeg at balikat
nito. Pagkatapos ay tinitigan niya ang mukha nito. May gasgas sa bandang baba ng
kanang kilay, namumula ang kanang pisngi, may maliit na hiwa sa taas ng kaliwang
mata at may sugat sa kaliwang sulok ng mga labi. Idinaan niya na lamang sa lunok
ang kirot na nararamdaman para sa babae. Kasama ito sa ginagawa niyang pagtanggap
sa buong pagkatao nito. Kailangang masanay siya sa ganitong tanawin. Pinipilit niya
ang sarili na magtiwala sa kakayahan nitong pangalagaan ang sarili dahil kung hindi
baka mauna siyang mamatay o di kaya'y mabaliw sa pag-aalala. At sa pagdaan nga ng
bawat araw, unti-unti na ring tumitibay ang kanyang dibdib.

Kinuha niya ang bulak at pinatakan ito ng gamot. Pinahiran niya ang galos nito sa
may kilay. Napangiwi ang dalaga sa hapdi kaya't marahan niya itong hinipan.
Pagkuway napansin niya ang seryosong pagkakatitig sa kanya ni Alex.
"Why do you keep staring at me?" natural na tanong niya habang nilalagyan ulit ng
gamot ang bulak.

"S-Salamat ha. B-Baka kung hindi dahil sayo ay nasa kamay pa rin ako ng mga
kidnappers ngayon," mahinang bigkas nito habang pinapanood siya sa ginagawa.

"Why? Do you think I'll laid-back and watch you comfortably while you're performing
your suicidal acts?" sagot niya sabay pahid naman sa hiwang malapit sa kaliwang
mata.

"K-Kelan mo pa ako pinasusundan?"

Tiningnan niya sa mga mata ang babae. "Since the day you decide to become my
bodyguard. Funny isn't it? I'm secretly hiring bodyguards for my bodyguard."

Natawa ng mahina si Alex sa sinabi niya ngunit agad din naman itong nagseryoso.
"Blake sa susunod huwag mo na uli akong pasusundan ha. Hindi kasi tamang may
nakikialam na mga private squads sa problema ng mga pulis," malumanay na paliwanag
ng dalaga.
Kumunot ang noo ni Blake."Did they ever interfere in your police matters? Hindi
naman di ba? They were there to protect you as a private individual at hindi dahil
police ka. Kung wala sila kanina baka kung ano na ang masamang nangyari sayo sa
kamay ng mga kriminal na yun."

"P-Pero mukhang may pangingialam pa ring nangyari kasi paano nila nalaman ang
planong pagdukot sa akin? Impossibleng hindi planado ang lahat dahil pati dadaanan
ng mga kidnappers ay alam nila," maamong paliwanag ni Alex na halatang ingat na
ingat na baka ma-offend ang kausap.

"They knew because their good. What's the use of having money kung hindi ko ito
gagamitin ng tama para sa proteksiyon ng taong mahalaga sa akin."

Hinawakan ni Blake sa baba si Alex at pinahiran ng gamot ang sugat sa gilid ng mga
labi.

"Ahhh aray..." daing ng dalaga.

Hinipan ulit ng binata ang sugat. Batid ni Alex kung gaano kalapit ang mga labi
nila sa isa't isa habang hinihipan siya nito. Nag-umpisang tumahip ang kanyang
dibdib at mas lalo itong nag-ingay nang di sinasadyang nagkasalubong nang malapitan
ang kanilang mga mata. Napapalunok na inilayo niya ang mukha sa binata.
"B-Bakit nga pala kasama mo si Tyron? P-Paano kayo nagkita?" paglihis niya sa
namumuong tensiyon sa katawan niya.

"I kept calling your cellphone and he was the one who answered. He said you left
your phone in the car and you were no where to be found. I decided na puntahan siya
at isama."

"Bakit kailangan mo pa siyang isama?" naguguluhang tanong ni Alex.

"Because if the scenario becomes worst, hindi ka nila pwedeng galawin since our
side also got a hostage," walang pag-aalinlangang sagot ni Blake.

"B-Blake?..." napapamaang na sambit ni Alex.

Binigyan ng makahulugang tingin ni Blake ang kausap. "Do you think I'm stupid
enough para hindi magkaroon ng idea kung sino ang may pakana ng lahat ng ito?"

"Anong ibig mong sabihin?"


Kinuha ni Blake ang braso ng babae at pinahiran ang galos nito sa siko. "I'm not
just a mere audience here Alex. Pinapabayaan kita sa pag-iimbestiga mo but it
doesn't mean that I don't work on my own."

Hindi na dinetalye pa ni Blake ang sagot pero ang totoo pagkatapos nang tangkang
pagpapatay sa kanya, kumuha na agad siya ng mga di kalibreng private investigators.
Nagbayad na rin siya ng mga retirado at ex-marines na magbabantay sa kanila ni
Alex. Nagpadala siya ng mga spies sa bawat kumpanya ni Pablo Garcia para alamin ang
plano't galaw nito. Ito rin ang dahilan kung bakit nalaman ng mga tao niya ang
kumpletong detalye ng plano ng pagdukot ng mga tauhan nito kay Alex. Mas demonyo
lang sa kanya ang kalaban pero mas marami siyang perang handang ubusin para manalo
sa labang ito.

Nakausap niya na rin ang kanyang lolo at nasabi niya na dito ang buong kuwento.
Suportado siya nito sa lahat ng mga plano niya at tumutulong din ito sa pamamagitan
ng lihim na paggamit ng sariling mga koneksiyon. Isa lang ang ayaw nitong
pakialaman sa ngayon, si Alex. Ayaw siya nitong tulungan o pakialaman sa anumang
balak niya para sa dalaga. Maghihintay na lamang ito kung ano ang magiging
kalalabasan nang muli nilang pagkakalapit. Ang katwiran ng matanda ay naiintindihan
pa rin nito ang rason ni Alex lalo na't nalaman ang buong katotohanan sa likod ng
pakikipaghiwalay ng babae. Kaya't makipagbalikan man ito o hindi ay igagalang pa
rin ng lolo ang desisyon ng dalaga.

Hinawi ni Blake ang basang buhok ni Alex patungo sa kanang balikat nito upang
tingnan kung may mga pasa at sugat pa ito sa likod at batok. Noon niya lamang
napansin ang mahigpit na pagkakahawak ng babae sa tuwalyang tapis. Nagsalubong ang
kanyang mga kilay.

"Wait a minute. Are you uncomfortable being around me wearing only a towel? Meron
pa bang parte ng katawan mo na hindi ko nakita?"

Namula ang mga pisngi ni Alex sa narinig. Bigla siyang nataranta kung saan huhugot
ng isasagot.

"H-Hindi naman sa ganun. K-Kaya lang hindi na tayo kagaya ng dati na p-pwede pang
maging komportable sa isa't isa kahit ganito lang ang suot..."

Napangiti ng pilyo si Blake. Binitawan niya ang hawak na gamot at bulak. Tinitigan
niya ang kinakabahang dalaga at inilapit dito ang mukha. "Bakit may pagkakaiba ba
tayo sa dati?" nang-aakit na bulong niya. "Meron bang nagbago sa ating dalawa?"

Wala siyang balak landiin ang babae dahil sa kalagayan nito. Pero nang mabakas niya
sa mga mata ang dahilan ng pagkaasiwa nito'y unti-unting nabuhay ang init sa
kanyang katawan. Nabasa niyang natatakot at nagpipigil lamang ito ng sariling
damdamin kaya't nakasilip siya ng magandang pagkakataon. Pasimpleng ibinaba niya sa
sahig ang kahon ng mga gamot at umisod papalapit sa dalaga. Hinawakan niya ito sa
kanang balikat at marahang hinaplos ng daliri sa leeg, papaakyat sa likod ng tenga,
pababa sa braso.

"B-Blake...."

"Kanina lang you hugged me na para bang bawal akong kumawala sayo. What happened
now? Nag-expired na naman ba ang sweetness mo?" bulong ni Blake at sabay halik ng
marahan sa leeg ng dalaga.

"B-Blake ano ba.... i-itigil mo yan."

Palihim na napakagat sa labi si Alex. Nagsimulang gumapang ang kuryente sa kanyang


katawan. Nananalangin siyang sana'y biro lang ang pang-aakit na ginagawa ng lalaki.
Alam niyang wala na siyang natitirang tapang para tanggihan pa ito kaya't sana'y
kusa na lang itong tumigil.

"Ahh B-Blake ano ba..." sambit niya nang dahan-dahang umakyat ang mga labi ng
binata sa likod ng kanyang tenga. Nakaramdam siya ng hiya nang mapagtantong may
kasamang ungol ang sinabi niya.

"Let go of that feeling wifey...."

Mas lalo siyang nanghina nang mapatapat sa kanyang tenga ang mainit na hininga
nito. Napapikit siya at sabay na tumingala na para bang binibigyan ng kalayaan ang
mga labi nito na gumapang sa kanyang leeg. Nagsimulang manginig ang kanyang mga
kamay. Dinidiktahan siya nitong yakapin ang binata subalit sa halip na pagbigyan
ang daing ng katawan ay pareho niyang inihawak ng mahigpit ang mga kamay sa
tuwalya. Ngunit mukhang nabasa ni Blake ang laman ng isip niya. Tinanggal nito ang
nakaguwardiyang mga kamay sa tuwalya at ipinulupot sa katawan nito.
Tumigil sa paghalik si Blake at tinitigan siya nang may mga matang puno ng init at
pagmamahal.

"I miss you so badly wifey..."

Ang makahulugang titig na iyon ang nagbigay laya sa pinipigilang damdamin ni Alex.
Tuluyan nitong tinunaw ang natitirang matigas na bahagi ng kanyang puso. Hindi siya
sumagot sa sinabi ng kayakap ngunit gumanti siya ng titig at saka kusa itong siniil
ng halik sa mga labi. Gumapang ang kanyang mga kamay sa likod nito hanggang sa
umakyat ang isa sa batok. Punong-puno ng pananabik na nag-usap ang kanilang
matatamis na mga dila. Ginagalugad ang bawat sulok ng isa't isa. Diniinan niya pa
ang pagkakahawak sa leeg ng lalaki. Sana'y huwag nang maghiwalay ang kanilang mga
labi. Nawala ang anumang hapdi't sakit sa kanyang mga kalamnan at ang tanging
nangingibabaw sa buong katauhan niya ay init, pananabik at pagmamahal.

Dahan-dahang naging agresibo ang mga halik ni Blake. Ramdam ni Alex ang panaka-
nakang pagkagat nito sa kanyang mga labi ngunit ang panggigigil na iyon ng lalaki
ay mas lalong nakakadagdag sa init na bumabalot sa kanyang katawan. Hinaltak ng
binata ang suot niyang tapis at itinapon ito sa sahig habang nanatiling magkalapat
ang kanilang mga labi. Tumambad ang walang saplot niyang katawan at kasabay nito'y
walang pag-aalinlangang hinubaran niya rin ng t-shirt ang binata. Pansamantalang
naghiwalay ang kanilang mga labi dahil sa pagdaan ng damit ngunit agad din nilang
itinuloy ang malalim na halikan na tila baga'y nakikipaghabulan sila sa oras. Ilang
saglit pa ay napaigtad siya nang maramdamang nasa dibdib niya na ang kamay ng
lalaki.

"Ahhh...."
Bumaba ang mga labi ni Blake. Dahan-dahan itong tumungo sa kanyang leeg...sa
balikat... sa hita....sa braso na para bang nilalasahan siyang mabuti hanggang sa
napasabunot siya dito nang pansamantalang nanatili ang mga basang labi nito sa
kanyang dibdib.

"B-Blake..." ungol niya habang napapakagat ng madiin sa labi.

Dahan-dahan siyang inihiga ng lalaki. Muli siya nitong siniil ng mga halik sa labi
at nagtanggal ito hanggang sa kahuli-hulihang saplot nang hindi tumitigil sa
malalim na paghalik. Muling gumapang ang mga kamay nito at napaungol siya ng may
kalakasan nang maramdaman ang kamay nito sa gitna ng kanyang mga hita.

"Ahhh," napapaarkong ingay niya.

Lalo siyang nawala sa sarili nang bumaba ulit ang mga labi ni Blake sa kanyang
dibdib at sumabay sa galaw ng malikot na kamay nito. Ilang sandali siya nitong
nilunod sa nakakalutang na kaligayahan at maya-maya lamang ay marahan na nitong
pinaghiwalay ang kanyang mga hita. Ngunit nang papaibabaw na ito ay bigla itong
tumigil.

"Is it okay? Hindi ba nanakit ang likod mo?" nag-aalala pa ring bulong nito nang
may mainit na hininga.
"Okay lang," humahangos na sagot niya at kulang na lang ay hatakin niya papalapit
ang kaniig bago pa man magbago ang isip nito.

Hindi nakinig si Blake. Sa halip ay hinila siya nito at pinaupo sa kandungan.


Ipinulupot nito ang kanyang mga kamay sa leeg at ang kanyang mga binti sa beywang.
Hinaplos nito ang kanyang pisngi habang hinihimas-himas ang kanyang hita. Tinitigan
siya nito sa mga mata nang may pilyong ngiti sa mga labi.

"Your officially mine again, Captain Valdemor..."

Ngumiti siya. Inipit niya ng mga kamay ang magkabilaang pisngi ng binata at sinagot
ito ng madiing halik. Gumanti rin ito ng halik at marahang hinaplos ang kanyang
likod. Dahan-dahang gumapang pababa sa likuran niya ang mga kamay nito hanggang sa
bigla na lang siya nitong kinabig papalapit. Napabitiw siya sa kanilang halikan.
Napaiktad siya at napaarko ng katawan nang maramdaman ang pagpasok sa kanya ng
lalaki. Humigpit ang pagkakapulupot ng mga hita niya sa katawan nito. Napakapit
siya sa batok ng binata at isinubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib habang
nakapikit na paalong sinasalubong ang galaw ng katawan nito.

"Aaahh...I love you Alex..."

"I love you too Blake..."....


•••••

Masigla't maaliwalas ang mukha ni Alex habang tinititingnan ang hapag kainan na
puno ng mga pagkain. Natutuwa siya't wala ni isang mang piraso sa mga pagkain ang
nasunog. Madaling araw pa lang ay gising na siya para makapagluto ng almusal.
Ginawa niya ito hindi para kay blake kundi sa lolo ng kasintahan.

"Ma'am Alex may kailangan pa po ba kayo?" tanong ng isa sa mga katulong na


nakahilera sa likod niya.

"Wala na ata....Ah teka! Naku hindi pa pala ako nakapaghanda ng brewed coffee?"
biglang tarantang sabi niya.

"Tapos na po Ma'am. Inihanda na po namin. Di po pwedeng kalimutan yun dahil yun ang
unang hinihingi ni Don Henry," sagot ng katulong.

"Naku mabuti naman. Salamat ha."

Maraming nakapaligid kay Alex na mga katulong habang nagluluto kanina. Nakahanda
ang mga itong umalalay sa kanya ngunit di siya humingi ng anumang tulong sa
mismong pagluluto. Dapat ay sariling sikap at pagod niya ang lahat pag ganitong
gumagawa siya ng paraan upang makuha ulit ang loob ni Don Henry. Kailangang
makabawi siya sa mga naging pagkukulang niya at sa lahat ng sama ng loob na
ibinigay niya dito.

Sa pagbabalik niya sa bahay na iyon, ngayon lang siya maglalakas loob na harapin
ang lolo ni Blake. Iniwasan niya ito dahil sa takot na baka masumbatan o
mapagalitan din gaya ng naging reaksiyon ng mga magulang sa hindi niya pagtupad sa
kanyang pangako. Pero ngayong nakipagbalikan na siya kay Blake wala na siyang
magagawa kundi harapin na ang matanda. At dapat ay mas amuhin niya pa ito upang
huwag na nitong ungkatin ang trabaho niya. Gaya ni Blake, sana'y tanggapin na rin
nito ang totoong pagkatao niya. Sana'y hindi ito katulad ng ina na matatanggap
lamang siya kapag binitawan niya ang uri ng trabaho niya ngayon.

Naghubad ng apron si Alex at iniabot ito sa katulong nang makitang paparating na sa


kusina si Blake. Ilang saglit lang ay kasunod na rin ng binata si Don Henry.
Umusbong ang kaba sa dibdib niya pagkakita sa matanda.

"G-Good morning po Don Henry! Pinaghanda ko po kayo ng almusal," nakangiting


salubong niya.

Tumayo muna ang maglolo sa harap ng hapag kainan at pansin na pansin ang hirap
makapaniwalang reaksiyon ng mga ito pagkakita sa mga pagkain. Mukha kasing
perpektong-perpekto ang pagkakaluto. May hamon, fried chicken, sunny side-up na
wala ni isa mang nabasagan ng pula, pancake na tamang-tama ang kulay, toasted
breads ala pizza na may toppings na sausage, cheese, ham, kamatis at green pepper
at yang chow fried rice na umaalingawngaw pa ang nakakatakam na mabangong amoy ng
butter.

Lumapit si Blake kay Alex at nakangiting umakbay sa kasintahan. "Did you cook all
this wifey?" tanong nito na halatang proud na proud sa babae.

"Ah oo," medyo nahihiyang sagot ng dalaga na noon ay bahagyang sumiksik ng


pagkakatabi sa boyfriend na para bang naghahanda ng panangga kung sakaling bigla na
lamang siyang pagalitan ni Don Henry.
"I didn't expect your cooking skill to improve sa kabila ng busy schedules mo,"
napapahangang ika ulit ng binata.

"S-Salamat," sabay tingin ni Alex nang may nahihiyang ngiti kay Don Henry na noon
ay nakatingin lamang sa kanila at halatang nagdududa pa rin kung totoo nga ang
nakikitang mga lambingan sa harap niya.

"Let's eat," pormal na yaya ng matanda at sabay upo.

Hinatak ni Blake ang silyang uupuan ni Alex at naupo sa tabi ng dalaga. Napatingin
ulit si Don Henry sa dalawa. Kita sa mukha nitong naninigurong hindi nga isang
palabas lang ang ibinalita ng apo na nangyaring balikan. Sa dami ng mga
nakakalitong sitwasyong dumaan sa dalawang kaharap hindi niya na alam kung alin sa
mga nakikita ang dapat paniwalaan.

Kumuha ng toasted bread si Don Henry. At nang kumagat dito'y muntik nang mabali ang
ngipin niya sa tigas. Ngunit sa halip na madismaya ay muntik pa siyang matawa.
Totoo ngang si Alex ang nagluto. Ibig sabihi'y pinaggugulan nga ito ng babae ng
oras at pagod. Siguro nga'y totooo ang masayang balita ng apo at ngayo'y nagsisikap
ang dalaga para amuin din siya. Napatingin siya sa magkasintahan. Sinusubuan ni
Alex si Blake habang maya't mayang pasimpleng tinutulak ng tubig ng apo ang bawat
isinusubo sa kanya . Lihim siyang napangiti. Bumalik na nga sa kanila si Alex. Pero
sa kabila ng magandang balita may ipinag-aalala pa rin siya lalo't lalo'y nakikita
niya ang mga galos sa mukha ng dalaga.
"What happened to your face?"

"Ho?!"

Biglang natigilan si Alex at napahawak sa mukha. Patay! Nakalimutan niya nga palang
lagyan ng concealer ang mga pasa niya. Bakit ba hindi muna siya nanalamin bago
humarap sa matanda?

"Nadulas ho sa banyo lolo," pagsalo ni Blake sa girlfriend.

"Ganun ba. Next time mag-iingat ka," kunway paalala niya pero ang totoo'y nahalata
niya agad na pinagtatakpan na ito ng apo kaya't di na siya nangulit.

"O-Oho," napapatungong sagot ni Alex.

"Alex, Hija when can I meet your parents para pag-usapan na ulit natin ang tungko
sa kasal niyo?" kaswal na kaswal na tanong ni Don Henry habang sumusubo ng pagkain.
"Ano ho?"

"What?!"

Parehong nagulat ang magkasintahan sa walang kaabog-abog na pahayag ng matanda.

"Lolo yan ba talaga ang dapat pag-usapan agad?" protesta ni Blake.

"Why? Is there anything na dapat pang pag-usapan? It's not like you're relationship
is going back to zero this time," katwiran ng matanda.

"But Lolo hindi pa nga lumalagpas ng 24 hours ang pagbabalikan namin ni Alex. Isn't
it too soon para ungkatin ang tungkol diyan? Let's take things slowly here and
allow us to take one step at a time," paliwanag ng binata.

"Okay kung yan ang gusto mo apo. But Alex, I still want to meet your family. Can I
invite them for a family dinner next weekend?" untag pa rin ni Don Henry.
"Ah-eh sige ho. Sasabihin ko po sa kanila," nag-aalanga't napipilitang sagot ni
Alex.

Nagtatanong ang mukhang napatingin si Blake sa girlfriend. Nagtaka siya sa isinagot


ng dalaga. Sa relasyon nito ngayon sa ina papaano nila ito maiibitahan at
mapapapunta.

"Bahala na," bulong sa kanya ng girlfriend.

Problemadong-problemado si Alex habang naglalakad patungong garahe. Nagsisisi siya


bigla sa ginawang pag-oo kay Don Henry. Papaano niya maiimbitahan ang pamilya eh
makita pa lang ng ina ang kanyang anino'y pinagtatabuyan na siya nito. Kahit pa
ipangalandakan nilang dalawa ni Blake na sila na ulit hindi pa rin nito
mapapalambot ang ina.

Napansin ni Blake ang pamomroblema niya. Tumabi ito sa kanya sa paglalakad at


umakbay. Kinabig siya nito papalapit at iniikot niya naman ang isang kamay sa
beywang nito.

"If you want we can go now to your house and let's give them the good news baka
sakaling maging okay na si Tita," mungkahi ng lalaki.
"Huwag na muna. Pag-isipan muna nating mabuti ang sasabihin bago sila kausapin."

"I can do the talking if you want to. Ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat baka
sakaling maintindihan ka na rin nila the way I understand you now."

Umiling si Alex nang may matamlay na ngiti. "Ako na ang mag-iisip ng paraan Blake.
Alam mo namang hindi pa rin makukumbinsi si Mama hangga't hindi ako tumitigil sa
trabaho ko ngayon."

"Ikaw ang bahala but if you think you can't let them attend the dinner, sabihin mo
lang. Ako na ang mag-iisip ng excuse kay lolo."

Tumigil sa paglalakad ang lalaki kaya't napahinto rin si Alex. Pinaharap siya nito
at hinawakan sa magkabilang braso. "Let's not bring bad vibes to this wonderful
day. I don't want to see your upset face, is that okay?" nakatitig sa mga matang
sabi nito.

Matamlay pa ring tumango ang dalaga kaya napataas ng kilay si Blake. "Look at that
sad face again."
Saka lamang ngumiti si Alex.

"Promise me if you're going to have a problem, sasabihin mo ito sa akin so that we


can solve it together?"

"Opo."

"Good girl," ngingiti-ngiting ika ng binata.

Itutuloy na sana ni Alex ang paglalakad ngunit nang kumilos siya'y hinigpitan lalo
ni Blake ang pagkakahawak sa braso niya.

"Ops, I'm not done yet," anito.

Dahan-dahang lumapit sa mga labi niya ang lalaki at hinalikan siya ng malalim.
Buong pusong tinanggap at ginantihan naman niya ang matamis na halik nito. Umpisa
kagabi, hindi niya na mabilang kung ilang ulit siyang siniil nito ng halik sa mga
labi. Pero kahit libo-libong beses man nitong gawin, ito ang isang bagay na
kailanman ay hindi niya tatanggihan at pagsasawaan.
"Oh my! Oh my! Totoo ba ang nakikita ng aking mga mata? You're finally back in each
other arms," wika ni Balatbat nang maghiwalay ang mga labi ng magkasintahan.

Nagsalubong agad ang mga kilay ni Alex nang marinig ang pilit na pilit na pag-
eenglis ng tauhan. Samantalang tatawa-tawa naman si Blake at sinagot ng magkasabay
na tango't kindat ang palihim na pagtathumbs-up sa kanya ni Balatbat.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ni Alex na sa isang pitik lamang ng
daliri ay bumalik na naman ang matitigas na tono. Nagtatakang binigyan nito ng
matatapang na tingin si Balatbat na noon ay nakatayo't nag-aabang sa kanila sa
garahe.

Nagbago ang hulma ng mukha ni Balatbat at kitang-kitang bigla itong nag-alala.

"KAAAAPPPPP!" sigaw nito habang lumalapit sa dalagang pulis.

Walang pasintabing hinawi nito si Blake mula sa pagkakatabi kay Alex at hinawakan
ang opisyal sa magkabilaang balikat. "Okay lang ba kayo? Narinig kong nakidnap daw
kayo kahapon? Nasaktan ba kayo? Nabugbog ka ba? May tama ba kayo? Napuruhan ba kayo
ng mga kalaban?! KAAPPPP!" palahaw nito at sabay yakap na animo'y nag-aagaw buhay
ang kausap.
Binatukan ni Alex ang eksaheradong tauhan. "Uhm! Kung makangawa ka akala mo patay
na ako!"

Napahawak sa ulo si Balatbat. "Aray naman Kap! Masama bang mag-alala ako sa inyo?"

"Masama! Dahil kung makaarte ka para kang hindi pulis! Nakikita mo nang ang lakas-
lakas ko, nagtatanong ka pa kung okay lang ako. At tinanong mo pa talaga kung may
tama ako. Ikaw yata ang may tama eh. May tama sa utak!"

Lalapit sana ulit ang tauhang pulis upang muli na namang humawak sa dalaga ngunit
mabilis na itong pinigilan ni Blake. "That's enough. Pwede ka namang mag-alala
without touching her."

"Huh? Ang taas naman agad ng bakod," napapakamot sa ulong reklamo ni Balatbat.

"Tama na yang drama mo. Ano bang totoong ipinunta mo dito?" tanong ni Alex.

Sumilay ang abot-tengang ngiti ni Balatbat. "KAAAPPP!!" sabay aktong yayakap na


naman sana ito sa babae ngunit mabilis na iniharang ni Alex ang kamay.
"Hep diyan ka lang!" utos ng dalaga.

"S-Sorry Kap naki-carried away lang. May magandang balita kasi ako at talagang
pumunta pa ako dito para personal na sabihin sa inyo. Gusto ko kasing aktuwal na
makita ang magiging reaksiyon niyo." sabik na wika ng pulis.

"Anong balita?" nakakunot ang noo ngunit naeexcite na ring tanong ni Alex.

Bumwelo muna ng isang malalim na hinga si Balatbat."Kap si Tyron Garcia kagagaling


lang ng headquarters. Nakipag-appointment kay hepe ng maaga upang sabihing
magwiwitness siya sa kaso ni Grace dahil sa nangyari sa inyo kagabi. Patototohanan
niya daw na may kinalaman sa pagkamatay ng biktima ang pagkakadukot sa inyo dahil
sa mismong araw na nakakuha kayo ng mahalagang impormasyon ay yun din ang araw na
tinambangan kayo ng mga kidnappers."

Namilog ang mga mata ni Alex at unti-unting gumuhit ang mga ngiti sa labi nito. "T-
Talaga?"

"Yes Kap! Ibig sabihin Kap pwede na ulit nating buhayin ang kaso at
makakapagimbistiga na tayo ng walang gaanong limitasyon."
Napatili sa saya ang dalaga at wala sa sariling napayakap sa tauhan. "Totoo ba yang
balita mo?!"

"Oo naman Kap kung gusto niyo tawagan niyo pa mismo si Chief!" masayang sagot ng
pulis ngunit ilang saglit lang ay biglang hininaan nito ng boses. "Pero huwag
niyong sasabihing ibinalita ko na sa inyo ha. Alam ko si hepe mismo ang personal na
magsasabi sa inyo."

Natuwa rin si Blake sa balita ngunit ang hindi niya ikinatutuwa ay ang pagyayakapan
ng tila dalawang batang mga pulis na naglulundag sa tuwa. Kunwa'y mahinahong
pinaghiwalay niya ang mga ito. "Uhm Alex I think we should leave now. I'm almost
late and para makapunta ka na rin sa headquarters niyo. You can talk to your chief
there, no need to call him," sabay bigay niya ng nagbababalang mga tingin kay
Balatbat.

"O-Oo nga pala malilate ka na..." natatauhang sambit ni Alex.

"Sabi ko na nga ba naiinsecure talaga kayo Sir Blake sa hitsura ko eh! Hay ang
hirap talagang maging cute... lagi ka na lang pinagseselosan," napapabuntong-
hininga't napapailing na reklamo ni Balatbat....

-----

Sa parking lot ng Golden Pacific, dalawampung minuto nang nagpapaalaman sina Blake
at Alex ngunit tila ayaw pa ring pakawalan ng binata ang girlfriend. Maya't maya
nitong sinisiil ng mga halik sa labi ang dalaga na para bang hindi na sila
magkikita pang muli.

"This is hard wifey, I'm starting to miss you already. How I wish we could both lay
in bed the whole day," pilyong bulong ng lalaki sabay halik sa leeg ng girlfriend.

"B-Blake tama na yan...Anong oras na, late ka na." Maya't maya nang sinasaway ni
Alex ang boyfriend ngunit sa tuwing hahalik naman ito'y di siya makatanggi't agad
siyang nanghihina. "B-Blake ako na dyan sa manibela b-baka umalis si chief ng
headquarters. K-Kailangan ko siyang makausap..."

Tumigil sa paghalik sa leeg si Blake ngunit muling tumitig sa mga labi ng dalaga.
"This is the final one..."

"Last na talaga ha?" paninigurado ni Alex.

"Yap."

Inipit ng lalaki ng kamay ang magkabilaang pisngi ng girlfriend at muling siniil


ito ng mga halik sa labi. At dahil nangakong panghuli na, itinodo naman ni Alex ang
pagganti ng halik. Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg ng binata subalit sa
panghuling beses na halikang iyon ay doon naman magkasabay na nabuhay ang kani-
kanilang init sa katawan. Nag-umpisang gumapang ang mga kamay ni Blake sa loob ng
hapit na t-shirt ng babae. Unti-unti namang nakalimot sa sarili si Alex na kulang
na lang ay umupo na sa kandungan ng lalaki. Natauhan lamang siya nang dahan-dahan
nang inaangat ni Blake ang pantaas niya at nasa hook na ng suot na bra ang isa
nitong kamay.

Kinakapos ang hiningang humiwalay siya sa kanilang malalim na halikan at pinigilan


ang malikot na mga kamay ng boyfriend.

"B-Blake hindi pwede..." saway niya.

"Why not?"tanong ng binatang may namumula nang pisngi.

"Anong why not? Gusto mo bang may kumalat na namang hindi magagandang litrato sayo?
Wala tayo sa kuwarto..."

"Sinong may sabing pwede lang itong gawin sa kuwarto?" pilyong bulong ng lalaki at
sabay halik sa likod ng tenga ng girlfriend. "I don't care about the
pictures....ipagkalat nila kung gusto nilang ipagkalat as long as it's with you."

Tinapik ni Alex sa braso ang pilyong kasintahan. "Uhm! Ikaw talaga puro kalokohan
yang laman ng utak mo. Pumasok ka na't tiyak na hinihintay ka na ng mga staff mo!"
kunway pagsusungit niya.
Saka lamang tatawa-tawang lumayo't umayos ng upo si Blake. "Sandali lang. Give me
time to recover."

Magkasabay na lumabas ng sasakyan ang dalawa. Lilipat ng driver seat si Alex at sa


wakas ay nakaalpas na rin sa nararamdamang init si Blake kaya't nagdesisyon na
itong pumasok sa loob ng gusali.

"Bye! See you later wifey," hahalik pa sana ang binata ngunit mabilis na umiwas si
Alex.

"Hep! Sige na baka kung saan na naman mauwi yan. Kaway na lang."

Natawa si Blake ngunit sumunod din naman sa gusto ng dalaga. Naglakad ito papasok
ng building habang maya't mayang lumilingon at kumakaway sa babaeng nakatayo pa rin
sa tabi ng pinto ng sasakyan.

Gumanti rin ng kaway at matatamis na ngiti si Alex ngunit bigla siyang natigilan
nang matanaw ang isa pang naglalakad sa parking lot papasok ng building. Si Debbie.
Napatingin siya kay Blake at biglang umusbong ang pag-aalala sa dibdib niya. Tiyak
na makakasabay ng lalaki sa pagpasok ng gusali ang paparating na babae.
"Blake!" nakangiting tawag niya sa boyfriend.

Nakita niyang natigilan si Debbie pagkakita kay Blake at mas lalo itong nagulat
nang makita siya. Lumingon sa kanya si Blake at noon ay nahagip ng mga mata nito
ang natitigilang babae. Napansin niyang pansamantalang nagulat din ang boyfriend
pagkakita kay Debbie ngunit itinuloy pa rin nito paglingon sa kanya.

Nakangiting lumapit siya sa binata at malambing na inayos ang damit nito. "Basta ka
na lang lumabas ng sasakyan nang hindi man lang inaayos ang damit mo," malambing na
wika niya habang itinutuwid ang suot na kuwelyo ng lalaki. Pinagpagan niya rin ang
wala namang kagusot-gusot na suot nitong polo shirt.

"I thought I already fixed it," mahinang sagot ni Blake na tila ba'y sadyang
iniiwas na marinig ng papalapit na babae.

Malambing na inayos din ni Alex ang buhok ng binata. At saka ipinulupot ang mga
kamay sa leeg nito. "Super last.." bigkas niya nang may pilyang ngiti sabay
nakapikit na humalik ng malalim sa mga labi ng boyfriend.

Nanatiling nakamulat si Blake. Naasiwa siya't nasa kalagitnaan sila ng parking lot
lalo pa't alam niyang nakatingin sa kanila si Debbie. Ngunit sa likod nito'y
lumulundag ang puso niya. Natatawa siya sa isipan sa pinapakitang pagseselos ng
girlfriend. Sinagot niya ang madiing halik nito habang hinahanap ng mga mata kung
saan nakapuwesto ang mga CCTV. Bigla siyang nagsisi kung bakit pati parteng iyon ng
kumpanya ay pinakabitan pa niya.
"Ahh ouch.." mahinang daing niya nang maramdamang nanggigil na kinagat ni Alex ang
labi niya.

Tumigil sa paghalik si Alex at hinawakan ang bahagi ng nakagat na labi ng


kasintahan. "Simula ngayon walang pwedeng makahalik diyan maliban sa akin," malakas
na pasaring niya at sabay bigay ulit ng isang damping halik sa labi. "Bye... mamaya
ulit sa bahay," mapang-akit na bulong niya sa natatawang lalaki at sabay bigay ng
isang nakakalokong ngisi sa natutulalang si Debbie.

Ngingiti-ngiting bumalik si Alex ng kotse. Nakapuntos na rin siya sa ahas na babae.


Mula sa loob ng sasakyan ay tahimik niyang tinanaw ang magkasunod na pagpasok ng
dalawa sa loob ng Golden Pacific hanggang pareho ang mga itong nawala sa kanyang
mga paningin. Binuhay niya ang makina upang lisanin na ang lugar ngunit nang
hahawak na siya sa kambyo, natigilan siya nang makilala ang taong papasok ng
parking lot. Si Pablo Garcia at may kabuntot itong dalawang mga bodyguards.

Dali-dali siyang lumabas ng sasakyan at walang pagdadalawang-isip na sinalubong ang


nakitang negosyante.

"Hi! Mr. Garcia!" malugod na bati niya dito nang may sarkastikong ngiti.

Nagulat ito pagkakita sa kanya. "Oh! Officer Valdemor! What brought you here?" puno
ng pagtatakang wika nito.
"Bumisita lang sa kumpanya ng boyfriend ko. Papaalis na rin ako, lumapit lang ako
para batiin kayo," sarkastikong sagot niya.

"B-Boyfriend? Who? Blake?" naguguluhang tugon ng matandang lalaki.

"Oho. Natutuwa ho akong ibalita sa inyo yan dahil alam kong kayo ang isa sa mga
magiging masaya sa muli naming pagkakaayos di gaya ng ibang mga board members na
walang ibang ginusto kundi ang magkahiwalay kami. Actually napagisip-isip ko nga ho
na siguro ang concern talaga nila ay ang malayo ako sa tabi ni Blake para mas
magawa nila ang masasama nilang balak sa kanya. Pero kahit naman noong magkahiwalay
kami, hindi naman ako nawala sa tabi ng lalaking mahal ko."

"G-Ganun ba? It's good to hear that news," tugon ng direktor nang may plastik na
ngiti. "Nice to see you again. Hope you and Blake will get stronger this time,"
dagdag pa nito at sabay lakad sa harap niya upang tumungo na sa sasakyan.

"Ah! Oo nga pala Mr. Garcia. Pwede bang pakiabot kay Tyron ng pasasalamat ko!"
malakas na pagkakasabi niya.

Huminto ang matanda at agad na napalingon sa kanya. "What do you mean?" nagtataka't
naniningkit ang mga matang tanong nito.
"Tinulungan niya kasi ako sa pag-iimbestigang ginagawa ko sa kaso ni Ms. Francisco
at ngayon nga lang ay nabalitaan kong gusto niya daw magwitness sa pangingidnap na
ginawa sa akin. Hindi niyo ba narinig mula sa kanya na may dumukot sa akin kagabi
at pati siya ay sinaktan ng mga kriminal?"

Nakita ni Alex ang lihim na pagkuyom ng mga kamao ni Garcia. Dahan-dahan ding
nangalit ang mga panga nito. Bumalik ito at lumapit sa kanya. Pinipilit ng
matandang itago ang galit ngunit nababakas niya pa rin ito sa mga mata nito.

"I stated my support in your investigation about that dead employee but I am not
happy to hear na idinadamay mo dito ang anak ko," madiing wika nito nang may
nagbabantang mga titig.

Sumagot siya ng inosenteng ngiti. " Hindi ko naman ho siya gustong idamay kaso ang
anak niyo ho ang nag-volunteer na tumulong. Narinig kong malapit na malapit din
pala siya kay Divine kaya gusto niya ring mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng
kaibigan niya," depensa niya.

Hindi na naikubli ni Pablo Garcia ang galit. Nagngingit lalo ang mga ngipin nito
lalo't nakita ang tatawa-tawang reaksiyon ng kausap. "Are you flirting with my son?
Huwag mo siyang kaladkarin sa magulong relasyon niyo ni Blake."

Tumawa si Alex. "Ako, finiflirt ang anak niyo? Bakit di niyo tanungin si Tyron kung
sino ang lumalapit kanino?" pang-uudyok niya pa lalo sa matanda.

"Stay away from my son...or else I'll make you stay away from him," sobrang tigas
na babala sa kanya ng kausap at sabay lakad ulit nito patungong sasakyan.

Napangisi siya. " Gaya ng ginawa niyo kay Divine at Sophia?" pahabol na sagot niya.

Muling tumingin sa kanya ang kausap at ginantihan lamang siya ng ngisi saka
tuluyang sumakay sa isang nakaparadang SUV.

"Sorry ka hindi ako si Sophia o si Grace na madadala sa pananakot mo," bulong niya
sa sarili sabay ngingisi-ngising naglakad na rin papabalik ng sasakyan...

-------

Samatala, nagkasabay si Blake at Debbie sa paghihintay ng elevator. Tahimik na


nagtabi ang dalawa habang nakikiramdam sa isa't isa. Ilang minuto silang hindi
nagpapansinan. Maya't mayang napapalunok ang babae samantalang napapatikhim naman
ng ilang beses ang binata.

"H-Hi.." hindi nakatiis na bati ni Blake.


"H-Hi!" ganting bati ni Debbie.

"Kumusta ka na?" usisa ng lalaki.

"I'm fine...quite busy with works lately," nakangiti ngunit asiwang sagot ng babae.

"I've heard that your projects are going well. Congratulations."

"T-Thanks..." medyo nahihiyang sagot ng dalaga. " How about you? Totoo ba yung
nakita ko kanina? Mukhang nagkabalikan na kayo ni Alex?"

Agad na kumislap ang mga mata ni Blake pagkarinig sa pangalan ng girlfriend. "
Yeah. It happened recently," masayang sagot niya.

"I'm glad to hear that. I'm happy to see that you're happier now," nakangiting
tugon ni Debbie habang unti-unti nang nawawala ang pagkaasiwa sa kausap.
"Thank you. Siguro nga ay totoo yung sinasabi nilang love is happier the second
time around," pabirong sagot ng lalaki.

Natawa si Debbie. Palihim namang sinulyapan ni Blake ang katabi. Lumuwag ang
pakiramdam niya nang makita ang mga ngiti sa mukha nito. Nababakas niyang bahagyang
nakakamove on na ito sa nararamdaman para sa kanya. Natutuwa siyang makitang may
kakaibang kislap at sigla na ulit sa mga mata nito.

Nagbukas ang elevator. Pumasok si Blake samantalang nanatiling nakatayo lamang sa


labas si Debbie. "Aren't you going to get inside?"

"O-Okay lang ba?" nag-aalangang tanong ng babae.

"Of course!" natatawang sagot ng binata.

Humakbang papasok ng elevator si Debbie. Silang dalawa lang ang sakay nito ngunit
hindi na sila muling nag-usap pa hanggang sa makarating sa pinapasukang palapag ng
babae.

"B-Bye.." nahihiyang paalam ng dalaga.


"Bye!" kaswal at nakangiting sagot ni Blake sabay kaway sa kausap.

Humakbang papalabas si Debbie ngunit bago magsarado ang elevator pinigilan nito ang
pinto at muing humarap sa binata.

"B-Blake do you want to have a coffee later?"

Natigilan ng ilang saglit si Blake. Pagkuwa'y sumagot muna siya ng ngiti.

"Thank you...but no," lakas loob na tanggi niya.

"O-Okay...Thanks. Nice to see you again," may ngiti ngunit halatang napapahiyang
tugon ni Debbie.

"Nice to see you too."


Saka lamang binitawan ni Debbie ang pinto ng elevator. Kita ni Blake habang
papasara ang pinto na nanatiling nakatingin sa kanya ang babae. Humugot siya ng
isang malalim na buntong-hininga nang tumuloy sa pag-akyat ang elevator patungo sa
palapag ng sariling opisina. Nasasaktan at nanghihinayang siya sa paglayo sa isang
kaibigan. Ngunit ang relasyon nila ni Alex ang pinakamahalaga sa kanya ngayon kaya
nangako siya sa sariling mag-iingat na at handa siyang umiwas sa anumang bagay na
pwedeng ikasira nito...

A/N: I know this chapter is a bit shorter than the usual so I'll try to update the
soonest possible. Thank you :) Thanks for the votes and comments too...God bless
everyone. Happy Easter!

•••••

Sa loob ng interrogation room, nakahilera ang mga kalalakihang dumukot kay Alex.
Naroroon din sa silid si Alex, James, Balatbat at ang hitman na nagtangkang pumatay
kay Blake.

Nakaupo ang hitman sa isang mahabang mesa.

Inilinya ni Balatbat ang mga kidnappers sa harap ng nasabing lalaki. "TIKAS


PAHINGA!" sigaw nito sa nakahanay na mga kriminal ngunit nang mapansing nakaposas
na pala ang mga ito sa harap ay agad nitong binago ang utos. "HANDA HARAP!"Isa-isa
nitong nilapitan ang mga kidnappers. Hinawakan sa baba ang may hindi maayos na
pagkakaharap sa hitman at itinuwid ang mga mukha nito. "Sinabi ng handa harap!"
Nakahalukipkip na lumapit si Alex sa hitman at inginuso nito ang mga kidnappers. Si
James naman ay nakasunod lamang sa likod ng dalaga upang alalayan ito kung sakaling
may magwalang kriminal.

"May namumukhaan ka ba sa kanila?" tanong ni Alex.

Isa-isang tiningnan nang maiigi ng lalaki ang mukha ng mga nasa harap niya. Una
niyang tinitigan si Balatbat.

"Hindi ako kasali!" protesta agad ng pulis.

Inilipat ng hitman ang mga mata sa ibang lalaki. Kumunot ang noo nito na halatang
walang nakikilala sa sinuman dito. Sumenyas si James kay Balatbat na paharapin sa
ibang direksiyon ang mga lalaki.

"HARAP SA KANAAAN! HARAP!"

Sumunod ang mga nakahilerang lalaki ngunit nakakunot pa rin ang noo ng hitman.
Sumenyas ulit si James kay Balatbat.

"HARAP SA KALIWAA!HARAP!"

Sumunod ulit ang mga lalaki kaya't muli ang mga itong bumalik sa dating pwesto kung
saan nakaharap uli sa hitman. Magkasabay na napailing sina James at Alex sa
mapalabok ngunit mali-maling pagmamando ng tauhan. Napagtanto ni Balatbat ang mali
niya pagkakita sa reaksiyon ng dalawang opisyal kaya't dali-dali ulit itong
sumigaw.

"HARAP SA KALIWA ULIT! HARAP ULIT!" Napapikit ang katabing kriminal ng sumigaw na
pulis nang matamaan ito sa mukha ng mga nagtatalsikang laway.

"Ano may nakikilala ka na ba sa kanila?" tanong ni Alex sa hitman.

"W-Wala ho."

"Sigurado ka?"

"Sabi ko naman ho sa inyo na sa telepono ko lang nakakausap ang nagbigay ng utos sa


akin?"

"Wala ka bang natatandaang umaali-aligid sayo o sa bahay mo? Malay mo naman ay


pinamanmanan ka kung totoong susunod ka sa utos. Mas maraming kriminal ang walang
tiwala sa kapwa kriminal," giit ni Alex.

Muling tumingin ang hitman sa mga lalaking nasa harap at nang magkamaling tumigil
ang mga mata nito kay Balatbat. Pinandilatan ito ng nasabing pulis. "Hindi sabi ako
kasali! Babarilin na kita diyan eh!"

Dali-daling tumingin sa ibang mukha ang pinatitestigong lalaki. "Wala ho talaga


akong nakikilala isa man sa kanila," umiiling na sabi nito matapos ulit titigan
isa-isa ang mga kidnappers.
Sumenyas si Alex na palabasin na ang mga nakapilang kriminal. May pumasok na tatlo
pang pulis upang tulungan si Balatbat na ibalik ang mga ito sa selda. Inilabas
naman ni James ang isang landline na may recording. Ipinarinig sa hitman ang naka-
save na mga boses ng pinapilang mga kalalakihan.

"May pamilyar ba na boses sa pandinig mo?" urirat ni Alex matapos mapakinggan ang
mga nakarecord.

"Pwede hong paulit nung panghuli," sambit ng lalaki na noo'y napapailing dahil
hindi pa rin masigurado kung nabobosesan nga ang isa sa mga kidnappers.

Pinarinig ulit nila ang nasabing boses ngunit naantala ang ginagawa nilang
interogasyon nang may pumasok sa silid na isang kasamahang pulis.

"Kap Valdemor! Kap Corpuz! May kusang loob na sumukong wanted!" humahangos na
balita nito.

"Saan sumuko?" tila hindi apektadong reaksiyon ng dalagang kapitan.

"Dito Kap sa headquarters. Pinapatawag po kayo ni hepe para asikasuhin ito!"

Tumaas ang kilay ni Alex. Alam naman ng lahat na abala siya sa pag-iinterrogate
tapos siya pa rin ang pag-aasikasuhin sa ibang trabaho. "Alam niyo namang may
ginagawa ako bakit di niyo agad sinabi kay chief?" reklamo niya.
Napakamot sa ulo ang pulis na excited pa naman sa ibinalita ngunit wala naman
palang kaepe-epekto ito sa mga pinagsabihan. "Eh sinabi na nga po namin kaso gusto
niyang ikaw daw ang mag-asikaso sa wanted na iyon."

"Anong kaso ba nang taong yun?" tanong ni James.

"Siya po yung suspect na pinalagay ni Kapitan Valdemor sa wanted list. Yung para
dun sa nadismiss na kaso ng nagsuicide na babae...."

Nanlaki bigla ang mga mata ni Alex sa narinig. Nabuhay ang dugo niya kasama na yata
maging ang dumadaloy hanggang sa kaliit-liitan niyang mga ugat. "Bakit di mo sinabi
agad!" pagalit niya.

"Eh mukha kasing hindi kayo interesado."

Dali-daling naglakad papalabas ng interrogation room si Alex. "James ikaw na muna


bahala dito," ika niya bago lumabas ng pintuan sabay baling sa nagbalitang
kasamahan. "Samahan mo si Captain Corpuz dito."

"Sige po Kap."

Patakbo siyang bumalik sa kanilang pinakatanggapan at halos magkandatisod-tisod


siya sa pagmamadali. Papalakas ng papalakas ang ingay ng kanyang dibdib. Naghahalo
ang nararamdamang pagkasabik kung totoo ngang ang suspect ang naroroon sa kanilang
headquarters at ang pagtataka kung bakit ito kusang sumuko.
Pagdating niya sa kanilang pinakaopisina, agad na hinanap ng mga mata niya ang
sumukong wanted. Halos sabay-sabay na napatingin sa kanya ang lahat ng naroroon
maliban sa isang lalaking nakatungo't nakaupo sa isang silyang nakatapat sa mesang
kinauupuan ni Chief Martinez. Nakasuot ito ng isang rugged na pantalong maong, itim
na t-shirt at asul na rubber shoes. Napansin niyang may suot na itong posas.

"Valdemor! May bisita ka!" tawag sa kanya ng hepe.

Kasabay ng paghakbang niya papalapit ay ang dahan-dahang pag-angat ng mukha ng


lalaki. Lumingon ito sa kanya at tinayuan siya ng mga balahibo nang makompirmang
ito nga ang suspect. Anong nangyari? Bakit ito naroroon sa kanilang
headquarters?....

------

Bumalik si Alex sa interrogation room ngunit hindi na ang hitman o ang mga
kalalakihang dumukot sa kanya ang kaharap kundi ang wanted na kakasuko lamang. Noon
lang niya nakita sa malapitan ang nasabing lalaki. Kung tutuusin hindi gaanong pang
hoodlum ang dating nito. May hitsura, may kaputian at may pagkatsinito. Kahit pa
rugged ang kasuotan nito, pulido at maayos itong magdala ng damit.

Humalukipkip siya habang tinititigan ang kaharap. "Anong pangalan mo?"

"Harold Conchada," walang garalgal pero may kahinaang sagot ng suspect.

"Ilang taon?"

"Thirty two."
"Anong trabaho?"

"Businessman."

"Taga-saan ka?"

"Lumaki ako sa Cebu. Pero nung bente dos ako, dito na ako sa Maynila tumira. Right
now I have business back in Cebu kaya't pabalik-balik lang ako from here to my old
home."

Napansin niyang may pangmayamang diin o di kaya'y natural na matatas itong


magsalita ng ingles. Pero medyo kakaiba itong magsalita ng tagalog. Hindi naman
punto ng isang probinsiyano ngunit halatang hindi rin ito komportableng managalog.

Inilabas niya ang isang pirasong papel mula sa folder na nasa ibabaw ng mesa at
binasa ito ng tahimik sa harap ng lalaki.

"Sinasabi mong ikaw ay ex-boyfriend ni Divine Francisco at inaamin mong ikaw ang
pumatay sa kanya."

"Y-Yes."
Bumuntong-hininga si Alex. Wala pa rin siyang mapaglagyan ng pagdududa sa
intensiyon ng pagsuko ng suspek.

"Paano mo siya pinatay?"

Bagamat nakasulat na ang lahat sa sinumpaang salaysay ng suspect, dapat pa rin


niyang marinig ang pag-amin sa mismong bibig ng kaharap. Babasahin niya sa mga
reaksiyon nito ang maaring mga nakatagong katotohanan sa bigla na lamang nitong
paglitaw.

"I had her key duplicate kaya pumunta ako sa condo niya habang nasa trabaho siya.
Pinalitan ko ang lahat ng mga naka-stock na inumin sa kanyang refregirator at lahat
ng ipinalit ko ay mga inuming may content na pampatulog. Inabangan ko sa labas ng
condominium building ang pagdating niya mula trabaho and I estimated from the time
of her arrival hanggang sa oras ng pag epekto ng gamot in case she drank right
after she arrived. By then, I went to her unit at doon ay naabutan ko na siyang
tulog..." tumigil ang lalaki sa pagkuwento at nababasa niyang inuusig ito ng
konsensiya. "A-At habang natutulog siya tinurukan ko siya ng concentrated solution
na may content ng zoplicone sleeping pills which was enough for her to get
overdosed..."

Napansin ni Alex ang nanginginig na mga kamay ng lalaki at ang pagkuyakoy nito.
Pasimple rin itong tumungo na halatang umiiwas tumingin sa mga mata niya.

"I-I undressed her at inilagay ko siya sa bathtub na pinuno ko ng tubig. Ikinalat


ko ang bote at ilang mga capsules ng sleeping pills sa sahig so it would look like
a suicide. Pagkatapos ay nilinisan ko ang lahat na pwedeng magkabakas ng aking mga
fingerprints."

"Ano ang rason mo para patayin ang dati mong girlfriend?"


"Jealousy."

Tumaas ang isang kilay niya. "Sino ang pinagseselosan mo?"

"Si Blake Monteverde at ako rin ang nag-hire sa hitman na nagtakang pumatay sa
kanya. Mga tao ko rin ang nagtangkang kumidnap sayo."

Lalong lumakas ang pagdududa ni Alex sa sabay-sabay na pag-amin ng lalaki sa lahat


ng mga pangyayari.

"Bakit mo pinagseselosan si Blake Monteverde?"

"Divine broke-up with me because of him. Inamin niya sa akin na si Blake Monteverde
ang kaisa-isang lalaking minahal niya kaya't gagawa ulit siya ng paraan to finally
steal his heart. I-I'm a very jealous guy and I loved her so much. Naghalo-halo ang
sakit, selos at pansamantalang pagkawala sa katinuan, kaya nagawa ko siyang
patayin."

"Kung pansamantala ka lang nawala sa katinuan, bakit pagkatapos ng ilang buwang


pagkakamatay ni Divine ay nagawa mo pa ring planuhing ipapatay si Blake
Monteverde?" naniningkit ang mga matang tanong niya.

"I-I blame him for everything... and I hate him. A-At kahit ngayon ay galit pa rin
ako sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami maghihiwalay ni Divine..."

Napakuyom ng mga kamay sa ilalim ng mesa si Alex at humugot ng isang malalim na


buntong-hininga habang unti-unting nangangalit ang kanyang mga panga. Pinipilit
niya ang sarili na magtimpi sa kabila ng maraming butas na nakikita sa mga
testimonya ng lalaki kumpara sa mga testimonya nina Charlene at Tyron. Sa mga
narinig na kuwento mula sa tatlong tao, alam niya kung kanino siya dapat mas
maniwala.

"Natatandaan mo ba kung kailan tayo unang nagkaharap?" aniya.

Tumango ang lalaki. "Sa isang fashion show ni Sophia..."

"Bakit pati si Sophia ay pinagbabantaan mo?" mabilis na tanong niya.

"Dahil nalaman kong tinanggap niya ang isang project ni Blake Monteverde."

Napangisi siya. "Napakalawak naman ng impormasyong napagkukuha mo para malamang


pati ang sikat na modelo ay konektado sa mga sandaling iyon kay Blake Monteverde.

"Siya talaga ang sinubaybayan ko dahil sa mga malalapit kay Divine, she's the
person who had connection with Blake Monteverde."

"Uh-uh," napapailing na sambit niya. "Dati kang empleyado ni Mr. Pablo Garcia di
ba? Hindi ka pwedeng magkaila dahil napagtanong-tanong na namin yan."

"Yes. I was but only for a while," walang pagdadalawang-isip na sagot ng lalaki.
"Hindi mo ba alam na mas konektado si Mr. Garcia kay Blake Monteverde? O kaya ang
anak nitong si Tyron Garcia? Kung sadyang seloso ka, hindi mo ba napansin na mas
malapit si Tyron kay Divine at mas dapat mo itong pagselosan kaysa kay Blake?"
sarkastikong mga tanong niya.

Wala agad maisagot ang suspek kaya't simpleng umiling na lamang ito. "I didn't
notice their closeness," pahabol nito matapos ang ilang saglit na pag-iisip.

Umigting ang pinipigilang galit ni Alex. Kumpirmadong nagsisinungaling ang kausap.


Gusto na niyang baliktarin ang mesang pumapagitna sa kanila subalit malakas pa rin
ang naging kontrol niya. Kailangang matapos niya nang maayos ang pagtatanong upang
lalong mapagtibay sa sarili na tama ang hinalang namumuo sa kanyang isipan. Humugot
ulit siya ng isang malalim na buntong-hininga upang manatiling kalmado sa
pakikipag-usap.

"Naaalala mo pa bang meron kang isang naudlot na sasabihin sa akin? Pwede mo na


bang ituloy yun ngayon?" turan niya sa kausap.

Naguguluhang tumingin sa kanya ang lalaki.

Ngumisi siya at nagdekuwatro. "Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa abandonadong


gusali? Ang pagdukot mo sa janitress?"

Kunwa'y napangiti ang suspect ngunit pansin niyang nag-isip ito ng mabilisan ng
isasagot. "Ah yun ba? Gusto kitang pagbantaan nang mga sandaling iyon para itigil
mo na ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Divine. But it seemed that you brought
someone with you..."
Hindi na nakapagpigil si Alex. Sinipa niya ng malakas mula sa ilalim ng mesa ang
silyang inuupuan ng kausap. Napaatras ito ng ilang metro ngunit magaling bumalanse
ang lalaki kaya't napahinto nito ang silya nang hindi natutumba. Tumalon siya nang
mataas upang laktawan ang mesa at napipikong lumapit sa suspek.

Inihanda niya ang sarili. Alam niyang magaling makipaglaban ang lalaki. Hindi niya
pa rin nakakalimutan nakayanan nitong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng gusali
at nagawa pa ring makatakas. Gigil na itinayo niya ito at sinipa sa tiyan.

"Alam mong hindi ko kasama ang namaril na lalaking yun! Sino siya at pati ikaw ay
gusto niyang barilin?!"

Tumilapon sa dingding ang lalaki ngunit tila hindi nito ininda ang sipa niya.
Nilapitan niya ito at sinuntok sa panga. Hindi ito umiwas.

"Alam mo ba kung ano ang nangyari sa janitress na dinukot mo? Hanggang ngayon ay
comatose pa rin! Dahil nabaril siya ng taong yun! SINO ANG TAONG YUN?!" namumula at
nanlalaki ang mga matang sigaw niya.

"I-I don't know... A-Akala ko pulis din yun kaya ako tumakas," katwiran nito habang
inihahanda ang mga nakaposas na kamay na panangga sa susunod na suntok na
matatanggap.

"ANG NAG-UTOS SA LALAKING YUN, SIYA DIN BA ANG NAG-UTOS SAYO NA SUMUKO KA! HINDI MO
MABIBILOG ANG ULO KO! BAKIT KA UMAAKO NG KASALANAN NG IBA?!"

Natigilan ang suspect ng ilang saglit at pagkatapos ay natawa ito ng mahina na


tila'y di makapaniwala sa ibinibintang niya. "A-Anong pinagsasabi niyo? I'm the one
who killed Divine. I was the one who hired the hitman at ako rin ang nag-utos na
ipadukot ka para gawing bitag laban kay Blake. Why would I go to jail in behalf of
other people? Andidito ako dahil sa mga kasalanang ginawa ko."
"SINUNGALING!"

Lalong umigting ang galit ni Alex. Napuna niya ang gagawing pagsangga ng suspek sa
mga suntok niya kaya't sinipa niya ito ng malakas sa hita. Napaluhod ang lalaki.
Sinipa niya ulit ito sa panga hanggang sa may dugong lumabas sa bibig nito.

"LUMABAN KA! MAGALING KA DI BA?! MAY SA ASWANG KA DI BA? HUWAG MO AKONG ARTEHAN
GAYA NG PAGPAPANGGAP MO NGAYON BILANG KRIMINAL? SINO KA?!! MAGSABI KA NG TOTOO!!!"

Nagsipasok sina James at Balatbat kasama ang tatlo pang mga pulis para pigilan ang
nawawala na naman sa sariling galit na babae. Hinawakan ito nina James at Balatbat
sa magkabilaang braso. Samantalang binuhat naman ng iba ang nakaupo sa sahig na
lalaki.

"That's enough Captain Valdemor," awat ni James.

"Bitawan niyo ako! Hindi ko titigilan ang taong yan hangga't hindi yan nagsasabi ng
totoo!" pagpupumiglas pa rin ni Alex.

"Kap tama na yan baka masuspende kayo," paalala naman ni Balatbat.

"Di baleng masuspende kesa maabswelto ang totoong kriminal dahil sa kagagawan ng
taong yan!"
Nagpumilit kumawala si Alex ngunit hindi siya pinagbigyan ng dalawang kasamahang
nakahawak sa kanya.

"Sige na... Ibalik niyo na ang suspect sa selda," utos ni James habang mahigpit pa
ring nakahawak sa babae....

-----

Mangiyak-ngiyak si Alex sa sama ng loob habang hinihintay si Blake sa parking lot.


Ilang beses siyang napapalo sa manibela sa matinding panggigigil. Kanina niya pa
gustong pumasok sa loob ng Golden Pacific upang sugurin sa opisina si Pablo Garcia.
Subalit kailangan niyan pigilan ang sarili, hindi siya pwedeng magwala sa teritoryo
ng boyfriend. Sumubsob siya sa manibela, kailangan niya yatang idaan kahit man
lamang sa tahimik na iyak ang nararamdaman dahil kung hindi'y baka mapasigaw siya
ng ubod ng lakas nang wala sa oras.

Malaki ang posibilidad na tuluyang makawala si Pablo Garcia sa lahat ng kasong


inako ng lalaking sumuko. Lahat ng mga testimonya ng lalaki ay kapani-paniwala at
tumutugma sa lahat ng mga nangyari. Siya lang ang nakakakita ng mga butas dito
dahil meron siyang pinagdugtong-dugtong na mga kuwento mula sa mga malalapit kay
Grace. Ngunit ang mga impormasyong nakuha niya ay walang sapat na katibayan kumpara
sa testimonya ni Harold Conchada. May sumusuportang mga pangyayari sa detalyadong
kuwento ng lalaki. At ang pinakamahirap paniwalaan sa lahat, personal na kinumpirma
at itinuro ng mga kalalakihang dumukot sa kanya na si Harold Conchada ang nag-utos
sa kanila. Pati ang hitman ay naidentify din ang boses nito na siya ngang
nakakausap sa telepono. Imposible nagkaroon ng sabwatan dahil walang naging
pagkakataon na magkausap-usap ang mga ito.

Ano ang gagawin niya ngayon? Sinabihan na siya ni Chief Martinez na maaring matigil
na ang imbestigasyon niya dahil lumitaw na ang kriminal at malakas ang
sumusuportang katibayan na ito nga ang may sala. Pati siya ay naguguluhan kung
paano nangyari ang lahat ng iyon. Ano na ang mangyayari ngayon? Mauuwi na lang ba
sa wala ang lahat ng mga paghihirap at sakripisyo niya?

Gusto niyang mapamura sa galit. Napakadunong talaga ng Garcia na yun! Tiyak na


plinano nito ang lahat matapos malamang tumitestigo si Tyron. Ito na siguro ang
pinakahuling hakbang nito upang tuluyang huwag maipit ang pangalan sa mga krimeng
ginawa.

Pero hindi pa rin siya dapat mawalan ng pag-asa. Malakas ang kutob niyang pwede pa
ring bumaliktad ang sumukong lalaki. Alam niya na nung araw na dinukot nito si
Aling Cresencia ay may balak itong sumuko o tumestigo. Maaring tinakot o binayaran
lamang ito ng malaki ngayon ni Garcia para akuin lahat ng kasalanan.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa tabi niya kaya't agad siyang nag-angat ng
mukha at pinahiran ang mamasa-masang mga mata. Agad siyang lumipat sa katabing
upuan nang makitang nakatunghay sa kanya si Blake.

"H-Hi..." bati niya nang may pilit na ngiti.

"Kanina ka pa ba? Sorry my meeting was extended."

Naupo si Blake sa driver seat at inilagay sa likurang upuan ang dalang leather
attache case at ilang mga bitbit na files. Pagkuway dumampi ito ng halik sa kanyang
mga labi.

"What's wrong with your face? May problema ka ba?" puna nito.

"W-Wala. Bakit ano bang meron sa mukha ko?" kunway napapangiting sagot niya.

"Your eyes tell me that you have a problem."


Natutukso si Alex na sabihin sa lalaki ang problema. Gusto niyang may mahingahan
pero baka pati ito ay madismaya kapag nalaman ang itinatakbo ng kaso. Kung kelan pa
naman nagtitiwala na ito sa kanya ay saka naman yata siya mapapahiya.

"Pagod lang ako. Ang dami ko kasing ginawang interrogation sa headquarters puro pa
mga pasaway, wala man lang umaamin," himaktol niya.

Kinuha ni Blake ang palad niya ngunit napakunot ito ng noo nang mapansin ang
namumula at may kaunting galos niyang kamay. Napasuntok siya kanina sa dingding
matapos paalisin nina James sa interrogation room ang sumukong suspect.

"What happened to your hand? Nakipagsuntukan ka na naman ba?" sabay hawak nito sa
kanyang pisngi at ipinaling sa kaliwa't kanan ang kanyang mukha upang suriin kung
may mga pasa na naman ito.

Umiling siya pero gusto nang bumuka ng bibig niya at magsalita tungkol sa nangyari.
Napatungo siya nang maramdamang parang babagsak na ang kanyang mga luha. Gusto
niyang magsumbong sa lalaki. Gusto niyang iparating dito ang pang-iisang ginagawa
na naman ng kaaway.

"May sasabihin ka ba sa akin?" malumanay na tanong ni Blake habang pinagmamasdan


ang kanyang malungkot na mukha.

Tahimik lamang si Alex. Naninimbang ito. Nakakahiyang amining naisahan siya ng


kalaban pero nangako siya kay Blake na sasabihin dito anuman ang maging problema
niya. Hanggang sa tuluyan na ngang tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi.

"K-Kasi Blake... si Mr. Garcia," sabay yakap niya at tila batang umiiyak habang
nagsusumbong.
Nag-aalalang hinawakan ni Blake sa magkabilaang balikat ang dalaga. Inalis ito sa
pagkakayakap at kinakabahang tinitigan ang umiiyak na hitsura nito.

"Why? What did he do to you?!"

"K-Kasi may lalaking sumuko para sa kanya... Inako lahat ng mga kasalanan niya. G-
Gusto ko mang patunayang nagsisinungaling ito kaya lang planado lahat. P-Pati nga
yung hitman na nagtangkang pumatay sayo at mga kidnappers na dumukot sa akin, yung
sumuko rin na yun ang tinuturo nilang mastermind," humihikbi habang tuloy sa pag-
iyak na sumbong ni Alex. "S-Sabi ni chief baka patigilin na raw ako sa pag-
iimbestiga at sampahan na lang daw ng final na kaso ang lalaking yun."

Nawala ang mga kunot sa noo ni Blake at unti-unting nagseryoso ng mukha. Pinahid
niya ang luha ng humihikbing girlfriend at niyakap ito.

"Shhh...don't get too depressed about it," marahang pag-alo niya habang tinatapik-
tapik si Alex sa likod.

"Papaanong hindi ako madidepress? Eh ibig sabihin niyan malaya na naman ang
masamang tao na yan na pagtangkaan ka ulit ng masama. Tsaka paano na lang yung
nangyari kay Grace at Aling Cresencia?" nakasubsob sa balikat niya na ika ng
dalaga.

"That won't happen dahil ang pagsuko ng lalaking iyon ay hindi nangangahulugang
tapos na ang mga problema ni Mr. Garcia."
Natigilan sa paghikbi si Alex. Nag-angat ito ng mukha at pinahiran ng isang kamay
ang mga mata habang nagtatakang napatingin kay Blake.

"Anong ibig mong sabihin?"

Kumawala si Blake sa pagkakayakap sa babae at kinuha ang kanyang attache case sa


likurang upuan. Inilabas niya dito ang isang naka clear file na mga dokumento at
iniabot ito sa malungkot na girlfriend.

"This is for you."

"Ano to?" naguguluhang tanong ni Alex na habang medyo sumisinghot-singhot pa.

"The real identity of the person who surrendered."

"Huh? Kilala mo kung sino ang taong sinasabi kong sumuko?"

Seryosong tumango si Blake. "His real name is Wilson Chen, 32 years old, a Hongkong
national. His father is Chinese and his mother is Filipino."

Dali-daling binuklat ni Alex ang mga dokumento at nanlalaki ang mga matang binasa
nang mabilisan ang ilang pahina nito. Napapanganga siya nang makita ang mga larawan
ng lalaki. Iyon nga ang sumukong wanted.
"W-Wilson Chen? Hongkong citizen siya? Kaya pala wala akong mabuklat-buklat na
impormasyon tungkol sa taong ito. T-Teka paano mo nakuha ang mga detalyeng ito?"
litong-litong reaksiyon ng dalaga.

Kumibit ng balikat si Blake nang may kaunting pagyayabang. "Because I know that
you'll be needing that in time like this."

"Anong ibig mong sabihin?" napapamulagat na tanong ni Alex na noo'y di na makitaan


ng anumang bakas na kagagaling lang nito sa pag-iyak.

"I told you I had spies in Garcia's camp. I already received an information tungkol
sa balak na pagpapasuko sa taong yan kung sadyang magkagipitan," kalmadong pahayag
ng binata.

"I-Ibig mong sabihin matagal mo ng alam kung saan nagtatago ang lalaking ito?"

Tumango si Blake. Nagtatampong pinalo naman ng marahan ni Alex sa braso ang


boyfriend. "Uhm! Alam mo bang hirap na hirap ako sa paghahanap ng taong ito yun
pala ay alam mo kung nasan!"

"Hindi ko pwedeng sabihin. That man is a very skilled fighter. He's a martial arts
expert and I'd say he's far better than you. Paano kung umiral na naman yang
pagiging padalos-dalos mo at hanapin mo siya ng hindi nagpaplanong mabuti? Besides,
Mr. Garcia is the one who was hiding him. I won't allow you to be trapped in his
lair dahil lamang sa paghahanap sa lalaking yan. So, I waited for this time to
happen and instead prepared that documents para magamit mo upang sirain ang
kredibilidad ng testimonya ng taong yan. Lahat ng mga properties ng taong yan dito
at pati na ang identity na ginagamit niya are all fabricated by Pablo Garcia's
camp."
Napangiti ng abot tenga si Alex at mabilis na yumakap sa nobyo. "I love you!" sabay
pupog niya ng halik sa mukha ng lalaki. "The best talaga ang mahal ko! Bukas na
bukas din ay ibibigay ko to kay hepe para hindi matuloy ang pagpapasara sa kaso!"

Tumikhim si Blake at medyo matamlay na tumingin sa masayang babae. "Hindi mo pa


pwedeng ilabas yan...Not now."

"B-Bakit?"

"Check the file. There's a picture of an eight-year-old girl there."

Naguguluhang sumunod si Alex. Binulatlat niya ulit ang mga papel at nahanap niya
nga ang litrato ng isang cute at tsinitang batang babae.

"Sino tong batang to?"

"She' s Wilson Chen's daughter to his former Filipina girlfriend. That child is in
Garcia's costudy right now. You can't make an action right now that will put that
girl's life in danger."

"Binablack-mail nila ang lalaking yun?"

"Yap."
"Kung ganun hindi totoong nakarelasyon siya ni Grace at ang totoo'y may pamilya na
siya dito sa Pilipinas?"

"Totoong naging karelasyon siya ni Grace. And he's actually the main witness sa
pagpapatay ni Mr. Garcia kay Grace. Since he had personal connection with her,
inilihim ni Garcia ang masamang plano but unfortunately naabutan sila ni Wilson
nang di inaasahang dumalaw ito sa condo ni Grace. At simula noon gumawa na ng
strategy si Mr. Garcia upang palabasing si Wilson ang mastermind ng lahat. Siya na
ang nakafront sa lahat ng mga plano. That explains kung bakit siya ang itinuturo ng
iba pang mga nahuling criminals."

Napanganga si Alex sa mga narinig...At puno ng paghangang napatitig sa boyfriend.


"P-Paano mo nalaman ang lahat ng iyan?"

"That's the combine power of intelligence and money," sabay ngiti at kindat ng
binata sa katipan. "I told you when I hired people, there's no room for
incompetence."

Tuwang-tuwang yumakap sa leeg ng lalaki si Alex. "Ang guwapo ng mahal ko!" at


hinalikan ito ng madiin sa mga labi. "Thank you!"

"Thank you at gwapo lang? Wala ba akong ibang reward?" pilyong bigkas ni Blake.

"Anong reward ba ang gusto mo?" tatawa-tawang tugon ng babae.

"Let's have a date tonight. Kalimutan muna natin ang mga problema sa trabaho na
yan. Let's have a nice dinner and some drinks afterward. Hindi ko na halos maalala
ang huling beses na nag-inuman tayo."
Napanguso si Alex at nag-isip. "Uhmm..diretso na ba tayo? Pwede bang magpalit muna
ako ng damit?"

"No need baka pag nasa bahay na tayo ay magbago pa yang isip mo. Sigurado akong
maaatat ka nang basahin yang binigay ko sayong files."

"Hmmm... Sige pero huwag tayong pumunta sa masyadong sosyal na mga lugar ha. Kita
mo naman itong hitsura ko ngayon," sabay tingin ni Alex sa salamin upang alamin
kung halata bang galing siya sa pag-iyak saka nagmadaling mag-ayos ng buhok.

"Sure. Glad to hear na nacoconcious na ulit ang wifey ko," tatawa-tawang komento ni
Blake...

------

Napapanganga si Blake habang binabasa ang mga di-kilalang pangalan na nakalagay sa


billboard sa labas ng bar na pupuntahan nila ni Alex.

"What is this place?" takang tanong ng binata.

"Comedy bar!" masayang sagot ni Alex.

"A-Anong meron diyan?" halatang atubiling wika ng lalaki.


"Mga baklang komedyante. Dali!! Halika pasok tayo, masaya dito!" puno ng excitement
na yaya ng babae sabay hila nito sa kamay ng boyfriend.

"G-Gays?" gulat na sambit ni Blake. "Wifey can we go to a different place. Music


bar is alright but not this one. I haven't been in a place like this so I have no
idea if I'll enjoy here."

Tila batang nagpapapadyak si Alex nang may nakikiusap na mukha. "Dito na lang tayo
please...Masaya dito promise. Umuulan ng jokes. Di ba nakita mo naman akong
malungkot kanina kaya gusto kong tumawa ngayon. Sige na, tsaka dito walang dress
code-dress code. Sige na naman..."

"Okay, let's go inside," walang magawang sagot ng binata.

"Thank you!" abot-tengang ngiting sabi ng dalaga sabay akap sa katawan ng


boyfriend.

Magkahawak kamay na pumasok ang magkatipan sa lugar. Napapalunok na tumingin si


Blake sa paligid at mas lalo siyang naasiwa nang makita ang tatlong mga baklang
komedyanteng nagdadaldalan sa entablado. Hindi kalakihan ang bar ngunit hindi rin
naman kaliitan. Marami ding mga tao at bilang na bilang na lamang ang mga bakanteng
mesa. Umaalingawngaw ang tawanan ng mga kostumer sa tuwing nagbibitiw ng biro ang
mga komedyante.

"Kelan ka pa nagpupunta sa ganitong lugar?" usisa niya sa girlfriend na di pa man


nakakaupo'y kita niya na ang mga ngiti sa mukha habang nakatingin sa stage.
"Hindi pa tayo magkakilala," maiksing sagot nito.

Sumenyas sa waiter si Blake at omorder ng maiinom. "What do you want to drink?"

"Beer," diretsong sagot ng babae.

"Ayaw mo ba mag-wine?"

"Hindi bagay ang wine dito. Mas masarap uminom ng beer kapag tumatawa."

"Okay if you say so then let's drink beer.."

Napapailing na pinanonood ni Blake ang masayang mukha ng kasama habang tahimik


siyang umiinom. Pinagbibigyan niya ang babae na mag-enjoy. Medyo natatawa din siya
sa biro ng mga komedyante ngunit mas natatawa siyang tingnan ang reaksiyon ni Alex
na dalang-dala sa mga pagpapatawa ng mga bakla.

Enjoy na enjoy si Alex at halos hindi niya na nga gaanong pinapansin si Blake sa
sobrang pagkaaliw sa nakakatuwang mga komedyante. Ngunit biglang napawi ang mga
tawa niya nang may mamukhaan sa isang may kalayuang mesa. Ang kanyang nakatatandang
kapatid na si Dennis. Nakabihis ito ng kulay asul na bulaklaking medyo hapit na
long sleeve. Pulidong-pulido ang pagkakaayos ng buhok na halatang binusog sa gel o
di kaya'y sa hair mousse. May mga kasama itong tatlo pang mga kalalakihan na napaka
neat din ng mga hitsura.

Anong ginagawa ng kanyang kuya dito? Akala niya ba'y wala itong panahong maglalabas
dahil sobrang busy ito sa hospital? Tumaas ang isang kilay niya nang mapansing
dikit na dikit ito sa pagkakatabi sa kasamang may hitsurang lalaki na halos
kaedaran lang ni Blake.

"What are you looking at?" puna ni Blake.

Inginuso ng dalaga ang mesang tinitingnan.

"That's Dennis."

"Yap."

"Who's with him? F-Friends?" naguguluhang tanong ng binata lalo na nang makitang
nagtatawanan ang grupo ni Dennis at ang ilan ay napapatakip pa sa kamay ang bibig
habang tumatawa.

Napainom ng diretso si Alex sa bote ng beer. At sabay silang nagkatinginan nang


makahulagan ni Blake matapos makitang inakbayan si Dennis ng katabing lalaki.

"Are you thinking what I'm thinking?" di nakatiis na wika ni Blake.

Sumagot ng tango si Alex.

"Should we say hi to them?"


"Mamaya na... nag-iisip pa ako ng approach," seryosong sagot ng dalaga.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Blake na baka nabigla masyado ang babae sa
nalaman.

"Okay lang ako," napapabuntong-hiningang sagot ni Alex at sabay inom ulit ng beer.

Hinayaan ni Blake na makapagisip-isip ng ilang saglit ang kasintahan. Nanahimik ito


ngunit naiintindihan niya. Hindi man nito aminin, alam niyang nabigla pa rin ito.
Ibinaling niya ang atensiyon sa menu upang omorder ulit ng maiinom. Aaliwin niya na
lamang ang sarili sa beer kaysa panoorin ang mga baklang nakabihis pambabae na may
makakapal na make-up, meron din namang isang nakabihis lalaki at maporma pang
manamit ngunit kulot na kulot naman ang boses. Hindi niya rin gaanong maatim
tingnan ng matagal ang isang host na seksing-seksi ang kasuotan sa kabila ng mga
apaw na apaw na taba nito sa katawan. First time niyang makapunta sa ganitong lugar
kaya't naweweirduhan siya sa buong paligid.

"OMG may napakagwapong nilalang dito!"

Nagulat siya nang biglang may humawak sa balikat niya at nagsalita sa kanyang tabi.
Wala siyang kamalay-malay na nakatayo pala sa likuran niya ang isang komedyanteng
host.

"DJ itutok mo dito ang spotlight. Bilis!!!" napapatiling sabi ng bakla. Ito yung
host na nakabihis panlalaki ngunit napakalambot ng boses.
Itinutok ang ilaw sa direksiyon ni Blake at sabay-sabay na tumili ang mga
kabaklaan. "Bakla yayain mo dito sa stage daliii!!!!"

"Handsome pwede ka ba naming maimbitahan sa stage para naman masilayan ng buong


madla ang kagwapuhan mo?" salita ng host nang nakamikropono.

"No, I'm fine here," diretsong tanggi ni Blake.

"Ay ayaw! Mga girls gusto niyo ba siyang umakyat sa stage?" wika sa audience ng
isang baklang nasa entablado.

Tumili ang mga kababaihan. "YES!!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga ito.

"O pano ba yan papa? Bibiguin mo ba ang buong sambayanan?" untag ng host na nasa
tabi ng binata.

Tumingin si Blake kay Alex para humingi ng tulong ngunit imbes na sawayin ang
baklang nangungulit ay tumawa pa ito at pinagtulakan pa siyang sumama sa stage.

"Sige na pagbigyan mo na, katuwaan lang naman yan."

"Alex!"
"Sige na para maexperience mo namang mabiro ng mga bakla" pilit sa kanya ni Alex at
kulang na lang ay itayo pa siya nito.

"Sumama ka na. Biru-biruan lang naman ang paglalanding ginagawa namin pero sa gaya
mong saksakan sa gwapo gagawin ko ang lahat para magkatotoo," pahayag ng baklang
pwede ng pagkamalang babae at sabay tawanan ng mga tao.

Napipilitang tumayo si Blake dahil na rin sa kagustuhan ni Alex. Hindi siya


makapaniwalang sa sobrang pagka-aliw sa lugar ay nagawa siyang ibenta ng sariling
girlfriend. Napapakamot sa batok na naglakad siya patungong stage habang walang
kaide-ideya kung ano ang mangyayari sa kanya. Maya't maya niyang nililingon si Alex
subalit wala na sa kanya ang mga mata nito kundi nasa mesa nina Dennis.

Nagsipagtilian ang mga kababaihan nang makarating si Blake sa entablado at makita


ang hitsura nito sa ilalim ng maliwanag na mga ilaw. Ganun din ang mga bakla na
halos napapakandirit pa sa kakiligan habang maya't mayang napapamaang sa tuwing
titigan ang mukha ng lalaki.

Hinahawakan ng mga komedyante si Blake subalit agad namang umiiwas ang binata at
inilalayo ang sarili.

"My gosh tao ka ba?!" tanong ng isang bakla.

"I think so," sagot ni Blake habang pilit itinatago ang pagkaasiwa.

Nagtawanan ang mga tao.


"Pero bakit sobrang guwapo mo?...Wait lang, amoy mayaman ito kaya dapat sosyal ang
pakikipag-usap natin," bida ng matabang bakla. "What's your name fafa?"

"I'm Blake."

"Blake?" Humarap ang nasabing bakla sa audience habang napapakagat sa labi. "Shit
pangalan pa lang mukhang lalabasan na ako!" napapapikit pa nitong sabi at
nagtawanan ulit ang mga tao.

"Do you want to sing?" tanong naman ng host na hitsurang babae.

"No I don't sing."

"How about I sing you? You like?" sabay luhod nito sa harap ni Blake at itinapat
ang mukha sa zipper ng pantalon ng lalaki.

Napangiti si Blake at agad na humakbang paatras mula sa nagbibirong komedyante.

"OH MY GOD ANG GWAPO NIYANG NGUMITI!!!!" tila napoposses sa kilig na sabi ng
matabang bakla at umalingawngaw din ang tili ng mga babaeng kustomer.

"W-What does you....work? A-Are you... model? Putsa ang hirap mag-ingles hindi lang
ata tissue ang kailangan ko sa pakikipag-usap dito kundi pasador!"
"Office work," tipid na sagot ni Blake na halatang hindi nakuha ang biro ng kausap.

"Where?"

"Golden Pacific."

"Oh the multi-million oil company. How old are you?"

"Twenty four."

"Do you have a girlfriend?"

"Yes."

Sabay-sabay na nawala ang ngiti ng mga bakla. "Tinanong-tanong mo pa kasi! Nasaktan


tuloy tayo! Pag mga ganyang hitsura sa tingin mo ba mababakante yan?!" paninisi ng
isa sa nagtanong na kasamahan.

"Okay lang kahit may girlfriend ka. Understanding naman ako handa akong
magpakamartir alang-alang sa pag-ibig," malanding sabi ng matabang bakla.

"What does your girlfriend do? Is she a model? An actress? A beauty queen?"
"She's a police officer."

Parang mga langgam na nabugabog mula sa pagkakakumpul-kumpol malapit sa binata ang


mga komedyante at sabay-sabay na lumayo ang mga ito.

"Sige landiin niyo yan kung gusto niyong may bumaong bala sa mga bahay-bata niyo!"
sigaw ng matabang bakla na tila baga'y hindi siya kasali sa mga nanghaharot.

"Siya ba yung kasama mo sa table?" tanong ng host na nakabihis lalaki.

"Yes."

"Asan siya? Tingnan natin ang ganda ng pinagpalang babae sa lahat!" sabi ng mataba.

Itinuro ni Blake ang table nila subalit wala doon si Alex.

"Ay wala siya. Iniwan ka na! Amin ka na lang daw," landi ng komedyanteng mukhang
babae.

"Gaga! Huwag kang ganyan gusto mo bang matambangan sa labas ng bar!" saway ng
matabang host.
"Di abangan niya ako. Akala niya matatakot ako. Magbantay siya sa labas hangga't
gusto niya. Heler! Stay in kaya ako dito."

Iginala ni Blake ang mga mata at nagulat siya nang makitang nasa table na pala nina
Dennis ang katipan. Nakangiting kinawayan siya nito.

"She's over there," nakangiting turo niya.

"Oh kasama siya ng friendship nating sina Dok Dennis," sabi naman ng host na
lumapit sa table nila kanina. "Do you guys know Dr. Valdemor?"

"Yes. He's my girlfriend's brother."

"OMG! Layuan niyo ang lalaking yan! Nakalimutan niyo na ba ang kuwento ng kaibigan
nating doktor na ang kapatid niyang girl ay inampon ng pamilya nila mula sa lahi
nina Lara Croft! Sige landiin niyo pa!"

Natawa ng mahina si Blake sa komento.

"Sandali! Sandali gusto kong tumili! Kung ikaw ang boyfriend ng kapatid ng kaibigan
namin. Ibig sabihin ikaw ang bilyonaryong si Blake Monteverde. Ang may-ari ng
Golden Pacific!" napapatiling wika ng matabang bakla.
Nahihiyang tumango ang binata.

"Eeeeeeeeeeeeeeeeeee!" sabay-sabay na tili ng mga bakla.

Walang pagdadalawang isip na nag-unahan ang mga ito sa pagyakap kay Blake. Hindi
naman nakapalag ang binata sa bilis ng mga bakla.

"Sister, payakap sa mamahalin mong boyfriend ha," sabi kay Alex ng mukhang babaeng
bakla.

"Diyos ko po sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakayakap ng bilyonaryong gwapo!"

"Tutal mayaman ka naman pwede bang ilibre mo na lang lahat ng costumers dito? O
kung gusto mo ako na lang manlilibre sa kanila in your behalf pero iwanan mo yang
jowa mo at ako na lang ang ipalit mo. Pramis mas masarap akong magmahal kaysa
kanya!" harot naman ng matabang host.

Napapakamot na lang sa ulo si Blake habang natatawa at napapailing.

Samantala, kampanteng nakpwesto naman si Alex sa gitna ng kapatid at ng kanina'y


umaakbay ditong lalaki. Nakahalukipkip na pinapanood niya ang boyfriend na
pinapapak ng biro't landi ng mga komedyante habang pinapakiramdaman ang
nakatatandang kapatid.

"Bakla ka ba?" di na nakatiis na sabi ni Alex sa kapatid.


"What's wrong with being gay? Do you have a problem with that?" depensa agad ng
napapalunok na si Dennis na kanina sana'y tatakas na nang matutukan ng spotlight si
Blake subalit sinenyasan agad siya ni Alex upang ipahiwatig na nakita na siya nito.

"Wala naman. Matagal ko na namang nahahalata yan eh. Ngayon hindi na ako magtataka
kung bakit simula pa lang nung bata tayo ay lalampa-lampa ka na," ngingiti-ngiting
anas ng babae nang hindi inaalis ang mga mata sa entablado. "Kaya pala sa edad mong
yan ay wala ka pa ring pinapakilalang girlfriend sa bahay. Sino tong katabi mo?
Boyfriend mo?"

"Alex!"

"Oh bakit? Okay lang naman sa akin yan eh. Walang problema kung ano ka man. Pero
paano na lang pag nalaman ito sa bahay lalong-lalo na ni lolo. Tiyak na hahabulin
ka nun ng bala," pahayag ng dalaga nang may nakakalokong ngiti.

Namumutlang nilingon ni Dennis ang nakangising kapatid. "They won't know because
you won't tell them!"

"Hmmm...depende," kunwa'y napapaisip na sambit ni Alex.

"W-What do you mean?"

"Nagyaya si Don Henry ng family dinner ngayong darating na Sabado..."


"So?"

"Gumawa ka ng paraan para mapapunta lahat lalong-lalo na si Mama."

"Alex! You know that's impossible! Papaano ko mapapapunta si Mommy eh ni pangalan


mo nga ay pansamatalang bawal banggitin ngayon sa bahay!" protesta ni Dennis.

"Problema mo na iyon," kampanteng sagot ng dalaga sabay inom ng beer.

"Ayoko!" nakataas ang isang kilay, nakahalukipkip at nakadekuwatrong tanggi ng


nakatatandang kapatid.

"Alin ang mas mahirap? Ang kumbinsihin si Mama o ang makipaghabulan sa bala?"
mahinahong pambablackmail pa rin ng babae.

"Alexandra!"

"Binibigyan lang kita ng choice," napapakibit ng balikat na sambit ng dalaga.

"Hindi mo ako binibigyan ng choice. Binablackmail mo ako!"

"Kapatid mo naman ako di ba? Pwes, magtulungan tayo.Tulungan mo ako kay Mama,
itatago ko naman yang sekreto mo."

Natigil ang palihim na pag-uusap ng magkapatid nang bumaba na ng stage si Blake at


lumapit sa kanila. Pansin ni Alex na nagliwanag ang mukha ng mga kasama ng kapatid
sa mesa.

"Hi Dennis!" bati ni Blake at sabay abot nito sa kamay.

Nakipagkamay si Dennis ngunit agad na pinaghiwalay ng dalaga ang kamay ng dalawa.


At nang ibubuka na ng doktor ang bibig upang ipakilala sa mga kasama ang boyfriend
ng kapatid ay siya namang pagtayo ni Alex at sabay aya kay Blake pabalik sa
kanilang mesa.

"Ops tama na yan! Quotang-quota na ang pagpapahiram ko sa boyfriend ko sa mga


bakla," sabay lapit at kapit ng babae sa braso ng katipan.

"Pinagseselosan mo ba ako Alexandra? Anong tingin mo sa akin? Nanunulot ng jowa ng


kapatid! Hindi kita tutulungan sa dinner na sinasabi mo!" pagsusungit ni Dennis.

"Subukan mo lang... Marami akong pwedeng isuggest kay Lolo na mga trainings para
gawin kang tunay na lalaki."

"Maldita!"

Nakakalokong dumila si Alex sa kapatid at sabay hila kay Blake pabalik ng mesa
habang pinagtitinginan pa rin ang binata ng mga kababaiha't kabaklaan.
"How could you do that to me?" agad na reklamo ni Blake sa panunulak sa kanya ng
girlfriend sa mga bakla.

"Shhh...huwag ka ng magreklamo. Charge it to experience."....

*****

Hinahalungkat ni Alex ang bawat makitang drawer habang naliligo si Blake. Simula
nang bumalik siya sa kanilang kuwarto hindi niya na muling nakita ang itim na
kahong kinalalagyan ng singsing sa dating pinagpatungan nito. Kalabisan man pero
masama bang umasang ibabalik ito sa kanya ng katipan? Simula nang mawala ito sa
kinalalagyan, inisip niya na siguro'y ibibigay na ulit ito sa kanya. Walang araw na
hindi niya inabangang isuot ulit ito sa daliri niya ng nobyo subalit hanggang
ngayon ay hindi pa rin ito nangyayari.

Itinapon na ba ito ni Blake dahil sa sama ng loob? Hindi pwede. Ang singsing na yun
ang kaisa-isang alahas na ni minsan ay hindi niya hinubad sa loob ng mahigit
dalawang taon. Ito din ang isa sa mga nakakapag-paalala sa kanya na may dahilan
para maging masaya siya kahit sirang-sira na ang kanyang araw. Walang ibang
singsing na pwedeng pumalit dito.

"May hinahanap ka ba?"

Napaigtad siya at pagkuway mabilis na isinara ang hinahalukay na tokador matapos


marinig ang boses ni Blake. Kalalabas lang nito sa banyo. Nakatapis lamang ito ng
tuwalya at nagpupunas pa ng basang buhok.
"Naalala kong may naiwan pala akong hikaw dito dati...Hinahanap ko. Y-Yun kasi sa
tingin ko ang bagay dito sa suot ko," palusot niya.

Naghahanda sila para sa pupuntahang family dinner na plinano ni Don Henry. Nag-
arkila pa ang matanda ng mamahaling restaurant sa isang five star hotel na para kay
Alex ay sana'y sa isang simpleng disenteng restaurant na lamang. Wala rin kasing
katiyakan kung kumpletong makakapunta ang kanyang pamilya. Bagama't nangako si
Dennis na mapapapunta ang ina pero hindi pa rin siya lubusang nagtitiwala sa
kakayahan ng kapatid na makumbinsi ang kanilang nanay.

"Ah ang damit mo nga pala!" bulalas niya pagkatapos maalalang hindi niya pa nga
pala nailalabas ang susuoting damit ng lalaki.

Samantala lihim na napangiti si Blake pagkakita sa ayos ng babae. Nakapusod ng


mataas ang mahaba nitong buhok. Nakabihis ito ng itim na coat na may makintab na
puting panloob na blouse, miniskirt at sapatos na may matataas na takong. Nag-abala
rin itong mag-makeup ng maayos. Natutuwa siyang makita ulit itong nagbihis ng
babaeng-babaeng damit pagkalipas ng mahaba-haba ring panahon.

Inilabas ni Alex mula sa closet ang navy blue na long sleeve, brown na pantalon,
panyo, medyas, at ilan pang mga abubot niya sa katawan. Tinulungan siya ng
girlfriend sa pagbibihis at habang binubutones nito ang pantaas niya, napansin
niyang panay buntong-hininga nito.

"You look tensed," puna niya.

Ngumiti nang pilit ang babae. "Kinakabahan kasi ako na baka hindi pumunta sina
Mama. Nakakahiya sa lolo mo." Ang totoo'y gustong-gusto ng ibuka ni Alex ang bibig
at itanong sa lalaki kung saan nito dinala ang singsing.
"Cheer up. Ang ganda mo pa naman tonight, sayang kung mai-stress ka lang,"
pampalubag-loob na wika ni Blake. "Think positive. Kung hindi man sila dumating
then let's enjoy the dinner by ourselves. Grandpa will understand. I already
informed him that you weren't in good terms yet with your parents especially your
mom." Yumakap ang lalaki sa beywang ng matamlay na dalaga.

"A-Anong sabi ng lolo mo?"

"He said it's okay but he's still hoping they can attend. Sabi niya it's a good
oppurtunity para magkaayos na kayo ni Tita," sabay kabig ng lalaki sa beywang ng
girlfriend ngunit tinanggal ng huli sa katawan nito ang nakapulupot na kamay ng
binata.

"Blake, magugusot ang damit ko."

Kumunot ang noo ni Blake. Pansin niyang medyo nakasimangot ang babae. Hindi dahil
sa kinakabahan ito sa dinner kaya ito matamlay mukhang sadyang masama ang timpla ng
mood nito.

"What did Dennis said about your mom?" pilit niyang pakikipag-usap dito kahit
nahahalatang wala ito sa mood.

"Pupunta daw," mahinang sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya habang
tinutulungan siya sa pag-aayos ng kuwelyo ng damit.

"How about your grandpa and dad?"


"Nakausap ko na sila. Sumaglit ako sa bahay kahapon habang nagsa-shopping si Mama.
Madali namang kausap si lolo. Tsaka si Dad naman konting lambing ko lang dun okay
na pero as usual may kaunting sermon pa rin tungkol sa trabaho ko," matamlay na
sagot pa rin nito sabay kuha sa sapatos niya.

"Thanks," tugon niya pagkalapag ng dalaga sa kanyang tabi ng gagamiting sapatos.

Lumapit si Alex sa dresser at nagpahid pa ng kaunting lipstick. Sinundan naman ito


ni Blake at niyakap mula sa likuran.

"What's your plan about your brother?" tanong ng binata habang tinitingnan sa
salamin ang girlfriend.

"Plan saan?"

"About him being you know. Kukunsintihin mo ba siya na maglihim sa family niyo?"

"Siyempre hindi. Pero bibigyan ko siya ng sapat na panahon para magkalakas ng loob
na sabihin ito. Alam ko namang walang sekretong habambuhay na naitatago," walang
ganang sagot ni Alex.

Naglalambing na humalik ng marahan si Blake sa batok ng matamlay na katipan.

"Blake magugulo yung buhok ko."


Hindi tumigil ang lalaki. "Masyado atang nagpapaganda ngayon si Captain Valdemor
ha?" sambit nito na tuloy lamang sa paghalik sa leeg ng babae.

"Blake ano ba? Itigil mo yan, ang buhok ko sabi."

"Don't worry even you have messy hair, you're still beautiful in my eyes."

Iniharap ni Blake sa kanya si Alex at tinangka itong halikan sa mga labi ngunit
mabilis na umiwas ang dalaga. Napakunot siya ng noo sa reaksiyon ng babae.
Hinawakan niya ito sa baba at pinatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Y-Yung lipstick ko, baka malagyan ka," kusang paliwanag ni Alex sa ikinilos nang
mahalatang nagtataka na ang boyfriend. Hindi niya kasi mapigilan ang pagkadismaya
sa tuwing naiisip na baka winala nito ang singsing.

"Do you have your period?" takang tanong ni Blake.

Umiling ang dalaga.

"Then, bakit mukhang mainit ang ulo ng wifey ko?" may lambing ulit na sabi ng
binata.

"H-Hindi ko kasi makita yung hinahanap ko."


"The earrings?" medyo gulat na tugon ng lalaki.

"O-Oo."

Natawa ng bahagya si Blake. "Because of that kaya ka nagmamaktol?"

"Yun lang kasing hikaw na yun ang pinakabagay dito sa damit ko. Dito lang kasi dati
nakalagay yun tapos hindi ko na makita. Wala ka bang naitapon na nakalagay dito
dati?" pilit na pagpapasaring ni Alex sa naguguluhang kausap habang itinuturo ang
pwesto sa dresser kung saan dating nakapatong ang kahon ng singsing.

Napakamot sa ulo ang binata. "No I didn't."

"Sigurado ka?" may kasungitang tugon ni Alex.

"Yes. Why would I throw away something that belongs to you?"

"Malay ko baka itinapon mo yun nung mga panahong galit ka sa akin!" mataas ang
boses na ika ng dalaga.

Unti-unting pomormal ang mukha ni Blake. "I was hurt but I was never angry at you,"
seryosong pagtuwid nito sa sinabi ng nagsusungit na kausap. "Wait a minute...
Inaaway mo ba ako ng dahil lang sa hikaw na yan?"
Napatikom ng bibig si Alex pagkakita sa seryosong mukha ng boyfriend. Noon lamang
niya napagtantong wala sa lugar ang pagtataray niya. Dahan-dahan siyang umiling.

"S-Sorry..." mahina't napapatungong anas niya.

"If that earrings bother you that much. We can drop by to a jewelry shop para
maghanap ng mas babagay pa diyan sa damit mo."

"Huwag na. Yung nawawalang hikaw na yun lang ang gusto ko."

Napabuntong-hininga si Blake sa di maintindihang pagmamaktol ng babae. "Did you


check in my accessories closet baka naihalo dun ng maid?"

Nabuhayan ng dugo si Alex. Hindi niya pa nga pala natitingnan ang nabanggit na
closet kaya dali-dali niya itong pinuntahan.

Naiwan sa harap ng salamin si Blake na napapailing. Itinuloy niya na lang muna ang
pag-aayos ng sarili. Inayos niya ang buhok at nagsuot ng relos. Nakita niya ang
kanyang pabangong paboritong amuyin ng babae. Nag-spray siya nito baka sakali
makatulong ito na mapaganda ang mood ng girlfriend.

Maya-maya lamang ay paparating na ulit ang babae. Dismayado pa rin ang mukha nito.
"Did you find it?"

"Hindi."

Nilapitan ni Blake ang dalaga at walang pasabing binuhat ito.

"AYY! Blake ano ba? Ibaba mo ako!"

Ngumiti lamang ng nakakaloko ang binata at dinala patungong kama ang girlfriend.
Itinulak niya ito papahiga at pinaibabawan. Hinawakan niya ang magkabilaang pulso
nito para hindi makapaglaban at saka pinupog ng halik sa leeg.

"Blakeee! Magugusot ang mga damit natin! Wala na tayong oras para mag-ayos ulit!"

"I'm not going to stop unless you smile."

"Malilate na tayo sa dinner!"

"I told you I won't stop..."

Naramdaman ni Alex na gumagapang na sa kanyang hita ang kamay ng binata. Napatili


siya ng wala sa oras sa kaba na baka may namumuong balak gawin ang lalaki bago sila
umalis.
"Eeeee! Eto na, eto na ngingiti na!"

"Hindi mo na ako susungitan for the rest of the night?" nanunuksong bigkas ni Blake
habang patuloy sa paghalik na noon ay umaakyat na ang mga labi sa likod ng tenga ng
babae.

"Hindi na po. Ngingiti na promise! Ayan o nakangiti na, sorry na....Eeee! Blake
tama na sabi!" nakikiliting tili ni Alex....

-----

"Kumain kang mabuti ha baka inaabuso mo na yang katawan mo dahil sa trabaho?"

Napapanganga sina Blake at Alex sa hindi kapani-paniwalang pagtrato ng ina sa


dalaga. Kung kanina ay nanlalamig ang mga kamay ni Alex sa kaba na baka gumawa ng
eksena ang nanay pagkakita sa kanya ngayon naman ay siya na mismo ang naaasiwa sa
kakaibang pag-aalalang pinaparamdam nito sa kanya.

Parang may maling nangyayari. Ano ang ginawa ng kapatid upang magkaganito ang
kanilang ina? Tiningnan niya ng makahulugan si Dennis subalit sinagot lamang siya
nito ng simpleng kibit ng balikat.

Hindi magkandaugaga si Sylvia sa paglagay ng pagkain sa plato ni Alex na animo'y


nasa bahay lamang at mga kapamilya lang ang mga kasama sa mesa. Pagdating na
pagdating nito sa restaurant kanina ay walang pagdadalawang-isip nitong tinabihan
agad ang anak na dalaga. Binati lamang nito ng madalian si Don Henry at pagkuway
naging abala na ito sa pag-aasikaso kay Alex.
"Ayan kumain kang mabuti ha. Mukhang nangangayayat ka na. O yung pisngi mo
namumutla na baka naman nasosobrahan ka sa puyat," wika nito habang hinahaplos-
haplos pa sa pisngi ang anak.

Pinapanood ng mga kasama ang ginang. Magkatabi si Don Henry at Gen. Valdemor na
maya't mayang naabala ang pagkukuwentuhan sapagkat naagaw ang atensiyon ng mga ito
sa tuwing kinakausap at inaasikaso ng ina si Alex na para bang isa lamang itong
maliit na bata.

Tiningnan ni Don Henry si Blake nang may nagtatanong na mukha kung bakit taliwas sa
sinasabi ng magkasintahan na galit ang nanay sa dalaga samantalang iba naman ang
kanyang nakikita. Sumagot si Blake ng simpleng iling upang ipahiwatig sa lolo na
hindi niya rin alam.

Ang ama ng dalaga na si Mr. Lauro Valdemor ay siyang nahihiya sa ikinikilos ng


asawa. Sinasaway na nito ang misis sa pamamagitan ng tingin ngunit hindi ito
iniintindi ng ginang. Si Dennis naman na siyang katabi ng ama ay tahimik lamang na
kumakain at hangga't maari ay hindi tumitingin sa direksiyon ng ina't kapatid.
Pormal at tahimik lang nitong ninanamnam ang pagkain.

"Wala namang masama kung seryosohin mo yang pagtatrabaho mo pero huwag na huwag
mong pabayaan yang kalusugan mo. Mas importanteng unahin mo ito dahil paano mo pa
magagawa ang ibang bagay kung nanghihina ka," sabi ulit ng ginang. "Blake," sabay
tawag nito sa boyfriend ng anak.

"Yes Tita?" gulat na tugon ng binata.

"Kahit pareho kayong busy sa trabaho, huwag niyong pababayaan ang mga katawan niyo.
Lalong-lalo na itong si Alex, huwag mong hayaang magpagutom ito."
"O-Opo Tita."

"Ma, tama na ho yan. Okay lang naman ako at hindi ko pinababayaan ang sarili ko.
Kumain na ho kayo," pag-awat ni Alex sa labis-labis na pagbibigay ng atensiyon sa
kanya ng ina na sa mga sandaling iyon ay kulang na lang subuan pa siya nito.

Tiningnan ulit ni Alex ang kapatid at palihim na pinandilatan ito. Malakas ang
kutob niyang may kakaibang sinabi ito sa ina. Ngunit balewala pa rin kay Dennis ang
panlalaki ng mga mata niya. Tila sarap na sarap pa rin ito sa pagkain.

"It's good to see that finally all of us learned to accept the true nature of Alex
job," nakangiting komento ni Don Henry.

"I'm an exception to that," tatawa-tawang dugtong ng matandang heneral.

Natawa si Don Henry. "Yes I know that you were not just a grandfather to her but a
mentor and a buddy since she was a little girl. No wonder why she turned out to be
a great police officer."

"Same with you to your grandson. I heard that Blake is getting better in managing
your company," may ngiting sagot ni Gen. Valdemor.

"Dapat meron ring kasabihan, kung ano ang lolo ay siya ang apo," tugon ni Don Henry
at sabay na tumawa ang dalawang matanda.

"By the way, Alex, Blake ano na ngayon ang plano niyong dalawa? Kelan niyo itutuloy
ang naudlot niyong planong pagpapakasal?" biglang ungkat ng ama ng dalaga.

Nagkatinginan ang magkatipan subalit hinayaan ni Alex na si Blake ang sumagot.

"Hindi pa po namin napag-uusapan ulit ni Alex ang tungkol diyan. After what we've
been through, we want to plan everything carefully."

Bahagyang tumamlay ang mukha ng dalaga sa sagot ng boyfriend. Sa simula't simula pa


lamang ng pagbabalikan nila, ni hindi sumagi sa isip niyang iwasan ang usapin
tungkol sa kasal. Kasama sa desisyon niyang pakikipagbalikan dito ang pagtuloy sa
anumang mga naudlot nilang plano. Kung tutuusin, ngayong tanggap na ni Blake ang
trabaho niya ay nakahanda siyang magpakasal dito anumang oras.

Subalit ang mga isiping ito ay sinasarili niya lamang. Alam niyang wala siya sa
lugar na magbigay ng opinyon tungkol sa kasal dahil siya ang nagkulang at may
kasalanan. Ngunit hindi kaila sa kanya na madalas umiwas si Blake kapag ito na ang
pinag-uusapan. Tipid at hindi malinaw lagi ang sagot nito. Pakiramdam niya na sa
kabila ng pagbabalikan nila ay dama pa rin nito ang dalang sakit at takot na hatid
ng pagsauli niya dito ng singsing.

"Tama lang yan. Huwag niyong madaliin ang kasal na yan. May tamang panahon para
diyan..."

Napalingon bigla ang lahat ng sabay-sabay sa ginang dahil sa nakakagulat na opinyon


nito.

"Alex, ienjoy mo muna ang pagkadalaga mo at pagbigyan mo muna ang sarili mo diyan
sa hilig mo sa trabaho dahil pag nagkapamilya ka na napakalaki ng posibilidad na
isasakripisyo mo ang lahat ng iyan. Tsaka di ba ikakasal na si Margareth. Parang
kapatid mo na rin yun kaya't hindi pwedeng magsabay kayo sa iisang taon. Sukob yan,
masama.."
Hindi na nakatiis si Alex sa pinagsasabi ng ina. Marahang tinakpan niya ang bibig
nito nang may naaasiwang ngiti. Nag-aalala siyang baka mabigyan pa lalo ng ideya si
Blake na patagalin ang kasal nila dahil sa pinagsasabi ng magulang.

"Ma, tama na po. Naiintindihan ko kayo p-pero hindi ako naniniwala sa sukob sukob
na iyan," sabay tingin niya kay Blake. "B-Basta kung ano po yung desisyon ni Blake,
susundin ko," pasaring niya sa nobyo.

Sinagot siya ni Blake ng simpleng ngiti. Ni wala man lang itong dinugtong sa sinabi
niya kaya't nakaramdam na naman siya ng kaunting pagkadismaya.

"I am not worrying about Blake and Alex right now. I don't doubt their love for one
another. If it's god's will na makasal sila then I'll be the happiest people kapag
nangyari yun. Wala naman akong ibang hangad kundi ang kaligayahan ng aking apo,"
ika ni Gen.Valdemor. " Ang mas ipinag-aalala ko ngayon ay ang panganay kung apo,"
sabay tingin ng matanda sa nanahimik na si Dennis. " Dennis iho, when are you going
to introduce a woman in our family? Tumatakbo na ang edad mo konting panahon na
lang ay huling-huli ka na sa biyahe."

Magkasabay na napaubo si Dennis at Alex. Halos maibuga ng magkapatid ang kinakain


at sabay din ang mga ito sa pag-inom ng tubig. Maging si Blake ay napatikhim din sa
narinig.

"What's wrong with what I just said?" takang tanong ng matanda.

"Lolo naman, dinner to para kina Alex at Blake. Bakit naman ako nasali sa usapan?"
protesta ni Dennis sabay biglang punas sa noo ng tissue paper.
"It's a dinner for the whole family so we want to know also what's your plan with
your life," giit pa rin ng matandang heneral. "Pinagbigyan na kita diyan sa
pagdodoktor mo imbes na ikaw ang magmana sa propesyon ko o sa negosyo ng dad mo.
Pero hindi ko naman hahayaang putulin mo ang apelyido natin sapagkat hanggang
ngayon ay napapansin kong tila wala ka pa ring kabalak-balak mag-asawa."

"Oo nga naman porke't madalas na nasa kapatid mo ngayon ang atensiyon namin ay
nililibang mo na kami. Ikaw ang dapat na magbigay muna sa amin ng apo," dugtong ni
Sylvia.

"W-Wala pa sigurong panahon si Dennis dahil alam niyo naman kung gaano kademanding
sa oras ang trabaho niya," pagtatanggol ni Alex sa kapatid.

"Maybe Dennis is a choosy guy," nakangiting komento ni Don Henry. "Don't worry when
he meets the right woman, I'm sure he can't wait to get married too."

Napainom ulit ng tubig si Dennis at nang medyo malihis sa ibang bagay ang pinag-
uusapan ng mga kasalo sa mesa ay agad niyang sinamantala ang pagkakataong pumunta
ng CR. Iiwasan niyang bumalik ulit sa kanya ang atensiyon ng mga kasama lalong-lalo
na ng kanyang lolo.

Napansin naman ni Alex ang pagtayo ni Dennis. Nagpaalam din siyang pupunta ng banyo
upang sundan ang kapatid. Naghintay siya sa labas ng CR ng lalaki at nang makalabas
dito ang kanyang kuya ay agad niya itong kinorner.

"Anong sinabi mo kay Mama? Bakit nagkakaganun yun sa akin?" diretsong pagtatanong
niya.

"Sa akin na lang yun at huwag kang mag-alala pagkatapos na pagkatapos din ng dinner
na ito ay babawiin ko ang mga sinabi ko. At kung anuman yun, yun lang ang naisip ko
para mapapunta siya dito."

"Ano ngang sinabi mo?" kulit ng babae.

"I won't tell you," nakataas ang kilay at nakangising tugon ni Dennis.

"Ah ganun? Pwes, sasabihin ko sa kanila kung bakit hindi ka pa nag-aasawa,"


diretsong banta ni Alex sabay talikod nito.

Mabilis na hinaltak ng nakatatandang kapatid ang damit ng dalaga. "Oops! Saan ka


pupunta? Eto na sasabihin ko na!"

Humarap ulit si Alex sa kapatid at humalukipkip habang hinihintay ang sasabihin


nito. "Anong ginawa mo?"

"Since I'm a neurologist..." umpisa ni Dennis na napapakumpas pa ng kamay. "I came


up with a medical certificate that you have symptoms of early dementia and showed
it to mom."

"D-Dementia? A-Ano yun?" naguguluhang sambit ni Alex.

"It's an incurable brain disease that will later result to loss of memory and a
total decline of mental ability. I told her that you're secretly seeing me in the
hospital dahil may napapansin ka ng mga lapses in your memories. I told Mom na
pagbigyan ka nang gawin lahat ng mga nakakapagpasaya sayo ngayon dahil later on
makakalimutan mo na ang lahat ng mga ito."
"Ano?! Para lang mapapunta dito si Mama binigyan mo ako ng sakit!"

"Wala na akong ibang maisip. Ikaw may mas maganda ka bang ideya?"

Tumahimik ng ilang sandali si Alex. Ngunit kahit wala siyang maisip na ibang
paraan, hindi pa rin siya sang-ayon sa ginawa ng kapatid.

"See hindi ka makapagsalita. Kaya't sumakay ka na lang muna... and one more thing,
humanda ka na rin sa iyakan pagkatapos ng dinner na ito."

"Hindi ka na naawa kay Mama. Nag-aalala na nga sa akin dahil sa trabaho ko,
dinagdagan mo pa!" walang magawa ngunit nakasimangot na reklamo ni Alex.

"Dapat naisip mo yan nang bumalik-balik ka diyan sa pagiging stuntwoman mo!"


pagalit pa ng kapatid at sabay alis nito pabalik ng kanilang mesa.

-----

Pagkatapos ng dinner ay masayang nagpaalaman ang tila magkakapamilya na sa entrance


ng hotel habang hinihintay ang paghahatid ng valet sa kani-kanilang mga sasakyan.
Maaliwalas ang mukha ng lahat maliban kay Sylvia. Maya't maya nitong tinitingnan ng
puno ng awa ang anak na babae hanggang sa hindi na ito nakatiis. Mangiyak-ngiyak na
niyakap nito ang dalaga.

Nagulat ang lahat lalong-lalo na si Alex. Agad namang sinenyasan ni Dennis ang
kapatid sa pamamagitan ng kindat na sakyan lamang ang ina.
"Alex anak ko. Patawarin mo si Mama kung nagalit sayo ha. Hayaan mo simula ngayon
uunawain at susuportahan na kita diyan sa mga hilig mo. Gawin mo lahat ng mga bagay
na makakapagpasaya sayo basta ang mahalaga ay ingatan mo lang ang sarili mo,"
madramang sambit ng ina habang mahigpit na nakayapos sa anak.

Nahihiyang napangiti si Alex sa mga kasamang nakatingin sa kanilang mag-ina ngunit


wala naman siyang magawa kundi tapikin na lamang sa likod ang malungkot na nanay.

"What's going on?" pabulong na sambit ni Blake.

Kunway sumagot ng inosenteng iling ang dalaga sa boyfriend at sabay tingin sa


nakatatandang kapatid. Nginusuan niya ito para ipahiwatig na sabihin na sa ina ang
totoo tutal tapos na ang dinner.

Kumalas sa pagkakayakap ang ginang. Hinawakan nito ang pisngi ng anak at tinitigan.
"Kumusta ang pakiramdam mo ngayon? May mga nakakalimutan ka na ba? Huwag kang
mahiyang magsabi kay Mama ha kapag may nararamdaman kang hindi maganda. Gusto mo
bang bumalik na sa bahay para maalagaan kita?"

"Ma, kasama po sa kasong hawak ko ngayon ang pansamantalang pagtira ko kina Blake.
H-Hayaan niyo po pagkatapos na pagkatapos ng kaso, uuwi din agad ako sa atin,"
napapalunok at nakokonsensiyang tugon ni Alex.

Maluha-luhang tumingin si Sylvia kay Blake. "Blake, alagaan mong mabuti itong anak
ko ha."
"Y-Yes. I-I will Tita," naguguluhang sagot ng lalaki.

Yumakap ulit ng mahigpit ang ina at pagkuway humagulhol ito ng malakas. Naglingunan
bigla ang ibang mga taong naroroon din sa entrada ng hotel. Nanggigigil na
iningusan naman ni Alex ang kapatid upang senyasan itong sabihin na ang totoo.

"Ano bang nangyayari sayo hon? Tama na yan, nakakahiya pinagtitinginan tayo ng mga
tao," saway ni Lauro sa asawa.

"Wala akong pakialam. Huwag mo akong pagsabihan dahil wala kang alam. Hindi mo alam
kung ano ang pinagdadaanan ng anak natin ngayon," sabay hagulhol ulit ng ginang
nang hindi kumakawala sa mahigpit na pagkakayakap sa anak.

"Ano bang hindi ko alam?" naguguluhang tanong ng mister.

Saka lang bumitiw ang ina sa pagkakayapos kay Alex para harapin ang asawa. Inabutan
naman ni Lauro ng panyo ang lumuluhang misis.

"May malubhang sakit ang bunso natin," sumisinghot-singhot na wika nito sabay singa
sa iniabot sa kanyang panyo.

"You're sick?!!!" halos sabay-sabay na bulalas nina Blake, Don Henry at Gen.
Valdemor sa dalaga nang may nanlalaking mga mata.

Napatapik sa noo niya si Alex sa hindi malamang isasagot sa mga gulat na gulat na
kasama.
"Sabihin mo na sa kanila ang totoo anak para gaya ko mabigyan din sila ng
pagkakataong unawain at alagaan ka," pagkumbinsi ng ginang sa hindi makapagsalitang
anak.

Hindi na nakayanan ni Dennis ang eksenang nakikita kaya naman napilitan na itong
lumapit sa ina.

"Mom that's enough. H-Hindi po totoong maysakit si Alex," kinakabahan ngunit walang
kaabog-abog na pagbasag nito sa pagdadrama ng ina.

Napatanga si Sylvia at naguguluhang tumingin sa panganay. "A-Anong ibig mong


sabihin?"

"P-Peke ho yung pinakita ko sa inyong medical certificate. P-Pinagawa ko lang yun


sa isa sa mga kasamahan ko sa neuro para may maipakita ako sa inyo."

Sabay-sabay na nakahinga ng maluwag ang mga nagulat na kasama sa narinig.

"T-Teka lang... ibig mong sabihin nagsinungaling ka sa akin?" hindi makapaniwalang


turan ng ina.

"Y-Yes Mom," kabadong pag-amin ng doktor.


"P-Papaano mo ako n-nagawang biruin ng ganito?"

"S-Sorry Mom. Humingi kasi sa akin ng tulong si Alex na mapapunta kayo dito. Eh
wala na akong ibang maisip na paraan para makumbinsi kayong makipagkita sa kanya
ngayon."

"Uulitin ko lang. So, walang sakit ang kapatid mo?" paninigurado pa rin ng ina.

"W-Wala ho?"

"Malusog at malakas pa sa kalabaw ang pangangatawan niya?"

"Y-Yes mom."

Napangisi si Sylvia nang may hindi makapaniwalang mukha. Pansamantala itong


tumahimik at kunway kumalma habang paulit-ulit na humihinga ng malalim.

"How could you lie to your mom about such thing?!" pagalit ng ama sa panganay.

"Sorry Dad," napapayukong sambit ni Dennis.

"Tama na yan hon. Ang importante'y walang sakit si Alex," kunway saway ni Sylvia sa
asawa.
Pansamantalang nanahimik ang ginang at nagkunwaring kalmado. Maya-maya pa'y
dumating na ang sasakyan ni Don Henry. At pagkaalis na pagkaalis din ng nasabing
matanda, walang pasabing sinugod ni Sylvia ang nagsinungaling na anak at
pinaghahampas ito sa braso.

"Paano mo nagawang magsinungaling sa akin ha! Alam mo bang halos mabaliw-baliw ako
sa pag-iisip diyan sa kapatid mo! Hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip sa
punyetang sakit na yan! Nakukulangan ka pa ba sa problemang dinadala ko ngayon kaya
dinadagdagan mo pa?!"

"Aray Mom! Sorry na eh kung hindi ko sinabi yun di sana wala kayo ngayon dito."

"Mas importante pa ba itong dinner na to kaysa sa pag-aalalang mararamdaman ng ina


mo!"

"Aray Mom! Tama na.! Sorry na ho!"

"That's enough hon. Sa bahay mo na lang pagalitan yang anak mo, huwag dito," awat
ni Lauro.

"Sylvia I know Dennis is wrong pero hindi na yan bata para pagalitan mo ng ganyan
sa ganitong lugar," payo naman ng matandang heneral.

"Dad hindi na makapaghihintay ang galit na nararamdaman ko sa batang ito," lakas


loob na katwiran ni Sylvia.
Samantala sunod namang dumating ang sasakyan nina Blake at Alex. Binabalak na sana
ng dalaga na tumakas ngunit bago pa man siya makakilos ay pinuna na agad siya ng
ina.

"Saan ka pupunta?" nakamulagat na wika ng ginang.

"S-Sa sasakyan ho," kabadong sagot ni Alex.

"Dito ka lang!"

"Sabi ko nga ho," napapakapit sa braso ng boyfriend na tugon ng dalaga. "S-Sige na


Blake antayin mo na lang ako sa kotse," bulong nito sa lalaki.

"Are you gonna be okay here?" nag-aalalang bulong din ng binata.

"Sige na ako nang bahala. Kaya ko to sanay na ako sa ganitong mga eksena,"
kumpiyansang sagot ni Alex.

Sumunod si Blake at pagkasakay na pagkasakay nito agad namang hinarap at


pinandilatan ni Sylvia ang mga anak.

"Sinong may pakana ng lahat ng ito?"


"Siya!" sabay turo ng magkapatid sa isa't isa.

"Bakit ako ang tinuturo mo? Sinabi ko ba sayong magsinungaling ka?!" reklamo agad
ni Alex.

"Hindi naman ako magsisinungaling kung hindi ka nam-blackmail!" katwiran ni Dennis.

"A-Anong blackmail ang pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ng ina sa panganay.

"Yes mom! She blackmailed me kaya ko nagawang magsinungaling sa inyo! She forced me
to think of a way para lang mapapunta kayo dito ngayon," matapang na sumbong ni
Dennis.

"Ah ganun nilalaglag mo ako," ngingiti-ngiting ika ni Alex at sabay tingin nito sa
lolo. "Lolo si Dennis alam niyo bang...."

Nagmamadaling lumapit si Dennis sa kapatid at natatarantang tinakpan ng kamay ang


bibig nito sabay bulong sa tenga.

"Ang usapan natin papupuntahin ko lang dito si Mommy. Ngayong napapunta ko na, pwes
sumunod ka sa kasunduan natin. Akala ko ba may isang salita ang mga dakilang pulis
na gaya mo."
"Anong pinagbubulungan niyo diyan?! Sinasabi ko na nga ba't nagsasabwatan kayo sa
panloloko niyo sa akin!"

Sapilitang tinanggal ni Alex ang nakatakip na kamay sa bibig. Mangangatwiran pa


sana siya ngunit bigla siyang kinutuban nang makitang pasimpleng hinuhubad ng ina
habang nagbubunganga ang sapatos na may pagkatulis-tulis na takong.

"Wala na talaga kayong respeto sa mga magulang niyo! Hindi niyo na nga nagagawang
sumunod sa kagustuhan namin, nagagawa niyo pang magsinungaling ng ganito! Ano ang
susunod na birong gagawin niyo? Ang papasok na ang isa sa inyo sa kabaong?! May mga
pinag-aralan naman kayo pero bakit hindi kayo marunong gumalang sa ina niyo ha!"

Nagkatinginan si Alex at Dennis nang makitang hinahawakan na ng ina ang hinubad na


sapatos. Kabadong nag-usap ang kanilang mga mata at nagpakiramdaman.

"TAKBO NA!" sabay na sigaw ng magkapatid at mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo


papalayo ang mga ito bago pa man bumaon sa katawan ng isa man sa kanila ang
nakaambang takong ng nanggagalaiting magulang.

"Hoy bumalik kayo dito! Hindi pa tayo tapos! Mga pasaway na anak!!!"

Tumigil lamang sa pagtakbo ang magkapatid nang medyo makalayo-layo na ng hotel at


masiguradong hindi sila sinundan ng ina. Humahangos na kinuha ni Alex ang cellphone
para tawagan si Blake.

"Blake nasan ka?"


"I'm still here in the hotel entrance. Why did you guys run?"

"Lumayo na kami bago pa man makapag-amok si mama? Sunduin mo kami, andito lang kami
sa ikalawang kanto."

"Okay but I'll say goodbye first to your parents and grandpa."

"Huwag ka ng magpaalam baka sundan ka pa ni Mama. Pumunta ka na dito ngayon na,


bilisss!"

"O-Okay."

Hinintay ng magkapatid si Blake. Habang hindi pa dumadating ang binata ay maya't


mayang nagsisisihan ang mga ito. Ilang sandali pa ay natigil ang kanilang pagtatalo
nang huminto sa tapat ang hinihintay na sasakyan.

Nakahinga ng maluwag si Alex at gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha subalit agad din
itong naglaho nang makitang sabay na bumababa ng kotse ang ina at si Blake.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang boyfriend.

"BLAKEEEEE!"

"I'm sorry but I couldn't say no."....


•••••

"Kap, ano nang gagawin natin ngayon? Tuluyan ng ibinasura ang order sa pag-
iimbestiga natin sa kaso ni Ms. Capulong? Pati ang kaso ng pamamaril kay Manang ay
pinapatigil na rin sa atin," ubod ng tamlay na wika ni Balatbat na noon ay
nanghihinang nakaupo sa harapan ng mesa ni Alex.

Tahimik lang ang dalagang pulis. Nakatungo ito at nakapangalumbaba habang


natatakpan ang kalahati ng mukha ng suot na sombrero. Tila nag-iisip ito ng
malalim.

"Kunin niyo ulit ako sa susunod na kasong hahawakan niyo ha. Ayokong bumalik sa
pagtatrapik."

Hindi pa rin sumagot si Alex. Nahalata ni Balatbat ang katahimikan ng kausap at


inakalang sanhi ng kalungkutan ang pananahimik nito.

"Kap alam kong masyado kayong nalulungkot. Naiintindihan ko kung gaano kalaki ang
hirap at dedikasyon niyo sa kasong ito. Pero minsan ganun talaga hindi lahat ng
kagustuhan natin ay madaling nakukuha. Alam niyo naman ang hustisya, mas
pinapanigan kung ano ang mas malinaw sa kanilang mga mata," pag-alo ng tauhan.

Naghintay ng sagot si Balatbat ngunit wala pa ring imik ang kausap.

"Hayaan niyo Kap. May araw din yan si Pablo Garcia. Wala namang kasamaang hindi
nabubunyag di ba?"
Wala pa ring sagot si Alex. Umayos ng upo ang kanina pa nagsasalitang tauhan at
tiningnang mabuti ang nakatungong babae.

"K-Kap...umiiyak ba kayo?"

Lakas loob at dahan-dahang iniangat ni Balatbat ang sumbrero ng opisyal.

"KAP!" sigaw nito sabay palo sa mesa matapos malamang natutulog lang pala ang
kausap.

Napaiktad si Alex at dumulas ang kanyang pisngi mula sa pagkakapangalumbaba. Muntik


ng malaglag ang puso niya nang ang unang makita pagkamulat ay ang tutok na tutok na
mukha ni Balatbat. Sisigawan niya sana ang tauhan subalit nang mapagtantong
nakatulog siya'y nahiya siya ng kaunti. Tumikhim na lamang siya at umayos ng upo.

"Pambihira naman Kap oh! Kanina pa ako nag-eemote dito eh sarili ko lang pala ang
kausap ko!" reklamo ni Balatbat na kung maka-react ay parang napakalaki ng atraso
sa kanya ng kausap.

"Ano ba kasing iminomonologue mo diyan?" tanong ng dalaga sabay hubad sa sombrero


at mabilisang kinusot ng kamay ang mga mata.

Unti-unting lumungkot ang mukha ni Balatbat. Humawak ito sa noo, tumungo at umiling
na tila naiiyak.

"K-Kasi Kap..." napapakumpas pa ito ng kamay at pagkatapos ay tinapik-tapik ang


dibdib. "N-Nasasaktan ako na tapos na ang kaso natin. Magkakahiwalay na tayo at
siguradong bihira na tayong magkikita... nalulungkot din ako para sa inyo dahil
mawawalan na kayo ng gwapong sidekick. Ang lungkot-lungkot ko kap...." sabay angat
nito ng mukha at tingin ng masama kay Alex. "Samantalang kayo ay kalmadong-
kalmadong natutulog! Akala ko ba ay hindi niyo susukuan ang kasong ito pero bakit
parang tanggap na tanggap niyo na ang naging resulta?" may tonong panunumbat nito.

"Hindi pa ako sumusuko. Yan nga ang iniisip ko bago ako makatulog," sabay hikab ni
Alex na noo'y di mapigilang huwag ipahalata ang nararamdamang antok.

Napakunot ng noo si Balatbat nang mahuling humihikab ang kaharap. Tinitigan niya ng
maiigi ang hitsura ng babae at napansing may kalakihan ang eyebag nito. Itinukod
niya ang siko sa mesa at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kapitan saka ngumiti ng
nakakaloko.

"Pinuyat ka ba ni Sir Blake?"

Binatukan ni Alex ang kaharap. "Ugok!"

"Ouch!"

"Galing akong bridal shower ni Margareth kagabi kaya ako inaantok! Yang utak mo
talaga iisa lang ang kulay!

Napangisi uli si Balatbat. "Lagot eh di meron kayong ganito," sabay ikot nito ng
mga kamay sa tapat ng dibdib at umiktad na parang macho dancer.

"Porke ba't bridal shower may sumasayaw nang lalaki?! Tsaka anong palagay mo sa
akin, maninibago pa sa ganyan. Hoy nasa kolehiyo ka pa lang ay sandamakmak nang gay
bar ang na-undercover ko!" nagmamalaking salita ni Alex.

Bumuntong-hininga si Balatbat at muling tumamlay ang mukha nang maisip ulit ang
pagkakadismiss ng kaso. "Sa mga ganitong pagkakataon ko namimiss si Captain Corpuz.
Sana nandito siya para may nahihingahan tayo ng problema ngayon."

"Huwag mo ngang hanapin ang wala. Bigyan mo naman yung tao ng karapatan na
asikasuhin ang kasal niya!" pagalit ng dalaga at sabay taas ng isang kilay.

Humalukipkip si Alex at seryoso ang mukhang sumandal sa upuan. Aaminin niyang


pareho ng kaharap, inaasam-asam niya ring sana naroroon si James sa headquarters.
Ito ang tanging malapit na kasamahan na pinakikinggan niya ang opinyon. Ngayong
opisyal na pinatigil na siya ni Chief Martinez sa pag-iimbestiga, may tumatakbong
plano sa utak niya at gusto niyang ibahagi muna ito sa kasamahang kapitan para
mapakinggan ang magiging payo nito. Isang buwan pa manding nakaleave ito. Ikalawang
araw pa lamang na wala ito sa opisina ramdam niya nang napipilayan siya sa trabaho.

Bumuntong-hininga siya at umiling. Tiyak na papatayin siya ni Margareth kapag


nalaman nito kung ano ang iniisip niya. Kabilin-bilinan pa mandin ng kaibigan na
huwag na huwag niyang iistorbohin si James ng dahil sa trabaho.

Hindi pa rin niya isinusuko ang kaso. Hangga't hawak niya ang mga dokumento tungkol
kay Wilson Chen, nakasisigurado siyang mabubuksan ulit ang imbestigasyon ng kaso.
At pag nangyari ito, tiyak na madadawit na ang pangalan ni Pablo Garcia. Hindi niya
pa rin pinapakita sa sinumang kasamahan at maging sa hepe ang nasabing mga
dokumento. Hinihintay niya kasi ang abiso ni Blake. Pinayuhan siya ng nobyo na
huwag maging padalos-dalos dahil gumagawa na ng plano ang mga tao nito sa pagligtas
sa anak ng sumukong lalaki. Ang nakarating sa kanya'y mukhang itinatago ito sa
malayong lugar ng kampo ni Garcia. Nahahalata niya na sa tuwing dumarating ang
abogado ni Wilson Chen ay palihim na may ipinapakita itong larawan. Kutob niyang
paraan ito para ipaabot sa lalaki na nasa mabuting kalagayan ang bata.

Subalit, nababagot na siya sa paghihintay ng go signal nina Blake. May naiisip


siyang plano para mabulabog si Garcia at muli itong magparamdam. Gagamitin niya na
ang kanyang huling alas...si Tyron. Masakit para sa kanya na ipaalam sa lalaking
kaibigan ang katotohanan tungkol sa ama nito pero kailangan niya ng gawin dahil ito
na lamang ang pag-asa niya para makanti ulit ang pansamantalang nanahimik na
demonyo. Dito niya rin masusukat kung hanggang saan ang tulong na kayang ibigay sa
kanya ni Tyron kung sakaling malalamang ang ama pala ang totoong salarin.

"Kap ang cellphone niyo nagvavibrate. Mukhang namimiss na naman kayo ng prince
charming niyo," nguso ni Balatbat sa telepono ng dalaga na nakapatong sa mesa.

Iningusan ni Alex ang tauhan. "Pag may tumawag, si Blake agad? Ayan o number lang
ang lumalabas! Tsimoso!" sabay sagot niya sa telepono habang iniirapan ang makulit
na kaharap.

"Good morning, is this Captain Alexandra Valdemor?"

"Oo, si Captain Valdemor nga ito."

"Ma'am si Ms. Trinidad po ito, ang attending nurse ni Mrs. Cresencia Flores."

"O Ms. Trinidad napatawag kayo," napapalunok na sagot ni Alex sa pag-aakalang


inutusan na naman ito ng accounting na paalalahanan siya tungkol sa bill.

"Ma'am gusto ko po kayong iinform na nagkamalay na po yung pasyente."

Halos mabitawan ni Alex ang telepono sa balitang natanggap. Parang biglang may
malakas na musikang umalingawngaw sa kanyang tenga. Hindi niya alam kung
mapapalundag, sisigaw o maiiyak siya sa tuwa.
"T-Talaga?! K-Kelan pa?"

"Ngayong umaga lang ho."

"Kumusta siya? Nakakapagsalita na ba? Normal ba ang lahat sa kanya? Natatandaan


niya ba lahat? Nakakalakad ba siya?!"

"Ah-eh..."

"Di bale pupunta na lang ako diyan ngayon din! Bye!"

Nagmamadaling ibinaba niya ang telepono.

"Gising na si Manang!" tuwang-tuwang bulalas niya.

"Talaga Kap?!" di makapaniwalang reaksiyon ni Balatbat.

Ibinato ng dalaga ang susi ng sasakyan sa tauhan. "Kunin mo ang kotse bilis! Punta
tayong hospital ngayon din!" Pagkatapos ay natatarantang dinampot niya uli ang
cellphone at halos nanginginig ang kamay sa excitement na nagdial. Hindi na siya
makapaghintay na ipaalam kay Blake ang magandang balita...
-----

Ganadong-ganado si Alex sa pagmamasahe kay Blake. Nakaupo siya sa likod ng lalaki


habang dinidiinan ng siko ang balikat nito. Sinisigurado niyang nakukuha niya ang
pwersang gusto ng nobyo. Kahit man lang sa simpleng masahe ay gusto niyang
makabawi.

"Blake salamat sa pagpapatuloy mo dito kina Manang ha. A-At salamat na rin sa
binayaran mong bill," may lambing na sabi niya.

"That's nothing. Thanks too for putting aside your pride this time. Pwede ba naman
kitang paproblemahin ng dahil lang sa pera. What's mine is yours wifey," sagot ni
Blake nang may inaantok na boses na halatang nasasarapan sa masaheng ginagawa ng
babae.

"Salamat," simpleng sagot ni Alex na gusto pa sanang magpasaring na ayaw pa niyang


maging depende sa lalaki pagdating sa pera dahil hindi pa naman sila mag-asawa.

"Stop saying thank you. Kung tutuusin Manang is also my responsibility. The tragedy
that happened to her was indirectly because of me. Kaya I want to have my share of
helping. She and her grandchildren can stay here hangga't nagpapalakas pa siya."

"Ang bait talaga ng mahal ko," puno ng lambing na sagot ni Alex at sabay pupog ng
halik sa leeg at balikat ng binata.

"More," sambit ni Blake.


"Alin, ang diin?"

"No, the kiss."

Walang pasabing hinila ng lalaki papahiga si Alex. Niyakap ito ng mahigpit at


nanunuksong hinalikan sa tenga. Napatili ang dalaga.

"Eeee! Blake ano ba? Hindi pa ako tapos magmasahe."

"Mamaya na yang masahe. Merong mas masarap kesa diyan."

Siniil ng halik ni Blake sa mga labi ang kasintahan. Wala namang nagawa si Alex
kundi ang manghina at gantihan din ng halik ang lalaki. Pinulupot niya ang mga
kamay sa katawan nito habang naramramdaman niya na rin ang gumagapang nitong mga
kamay sa katawan niya.

Waaaaaahhh!

Biglang naghiwalay ang mga labi ng magkasintahan at parehong natigilan.


Nagkatitigan ang mga ito at sabay na napakunot ng noo.

"May naririnig ka bang parang iyak ng bata?" tanong ni Alex.


Waaaaaaah!

"Yeah I heard it."

Nagtatakang bumangon si Alex.

"Hey where are you going?"

"Sandali, titingnan ko lang. Parang malapit lang dito sa atin eh."

Lumabas ng kuwarto si Alex at iginala ang mga mata. Nagulat siya nang makita ang
batang si Val na pumapalahaw ng iyak sa may hallway. Tumakbo agad papalapit sa
kanya ang bata at yumakap ito sa beywang niya.

"Oh bakit ka umiiyak Val?" malumanay na tanong niya.

"Waaaaah! Naliligaw po ako! Hindi ko na mahanap yung kuwarto namin! Waaah! Uminom
lang po ako ng tubig sa kusina tapos hindi ko na po makita kung nasaang room sina
kuya't lola!"

"Tahan na. Tahan na... Huwag ka ng umiyak. Ihahatid kita sa kuwarto niyo."

Humina ang pag-iyak ni Val at pinahiran ang luha sa mga mata. Kumawala ito sa
pagkakayakap kay Alex at naguguluhang tumingin sa babae.

"Bakit andito kayo officer? Naliligaw din ba kayo?" humihikbing tanong nito.

"Hindi. Nandiyan lang kasi ang kuwarto namin oh," natatawang sagot ni Alex at sabay
turo sa nakaumang na pinto ng kanilang kuwarto.

Biglang umaliwalas ang mukha ng bata. Suminghot-singhot muna ito at saka


nagpakawala ng isang abot-tengang ngiti.

"Andiyan po ba si Tito Blake?"

"Oo."

"Pwede pong mag-hello sa kanya?"

"Oo naman. Halika puntahan natin."

Isinama ni Alex sa kanilang kuwarto si Val. Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob


ng silid ay napanganga agad ang bata.

"Huwaaaaaw! Ang lakiiii at ang gandaaa naman ng kuwarto niyo. Parang kasing laki na
po ito ng bahay ng pinakamayaman dun sa lugar namin ah!"
Nakangiting pinagmasdan lamang ni Alex ang reaksiyon ng maliit na bisita.
Samantalang, bumangon naman si Blake, naupo sa kama at mabilis na nagsuot ng t-
shirt pagkakita sa bata.

"Hi Val!"

Muling gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Val pagkarinig sa boses ng binata.

"Tito Blake!!!" tuwang-tuwang wika nito nang may namimilog na mga mata sabay lapit
at yakap kay Blake.

"Ikaw ba yung narinig kong umiyak?"

"Opo." Naupo si Val sa kama katabi ng binata. Napapaindak ito na halatang


ninanamnam ang kalambutan ng higaan.

"Why were you crying?"

"Naligaw po ako... Tito Blake bakit ganito po yung bahay niyo? Parang mall ang
laki-laki, eh ang konti-konti niyo namang nakatira dito."

"I used to ask that question too to my grandfather. Sabi niya since he has only one
child. Nirequest niya sa Dad ko na magkaroon ito ng maraming anak. Tapos lahat daw
ng pamilya ng magiging apo niya gusto niya ay sa bahay na ito titira. He built this
house in anticipation na magkakaroon siya ng maraming mga apo. He wanted a big
happy family but unfortunately it turned out na ako lang ang naging apo niya tapos
until now wala pa rin akong anak."

"Ah ganun po ba?" Tumingin si Val kay Alex na noon ay nakatayo lamang at
nakahalukipkip habang pinagmamasdan silang nag-uusap. "Eh di mag-baby na lang kayo
ni officer ng maraming-marami, mga fifteen!"

Naubo si Alex sa narinig at natawa naman ng malakas si Blake.

"Why don't you ask Tita Alex kung okay lang sa kanyang magkababy ng ganyan kadami,"
tatawa-tawang bigkas ng binata.

"Officer okay na po ba sa inyo ang fifteen na anak?" inosenteng tanong ng bata.

"Val tao ako. Hindi ako baboy," sabay na pinandilatan ni Alex ang kasintahang nang-
uudyok sa bata. "Halika na ngang bata ka! Ihahatid na kita sa kuwarto niyo."

Tumayo si Val. Ngumiti ito at kumaway kay Blake. "Bye Tito Blake, goodnight po."

"Good night. Don't play around too much. Bantayan mo yung lola niyo."

"Opo."
Lalapit na sana ang bata kay Alex subalit biglang nahagip ng mga mata nito ang
isang mac desktop. Patakbong pinuntahan nito ang computer at nanlalaki ang mga
matang hinipo-hipo ito.

"Whoah! Ang ganda naman ng computer niyo Tito Blake! Sino pong gumagamit nito?"
nakamulagat na wika nito.

"Me," tipid na sagot ni Blake sabay senyas sa girlfriend na bilisan ang paghahatid
sa bata upang maipagpatuloy ang natigil na paglalambingan.

Lumingon si Val sa binata at nagbitiw ng ubod ng lambing na ngiti. " May games po
ba ito?"

"Yap."

"Pwede pong palaro?"

"When? Right now?"

Tumango ang bata. "Okay lang po ba? Namimiss ko na po kasing maglaro ng computer.
Dati po kasi nung hindi pa nahohospital si lola, madalas kaming maglaro ni kuya dun
sa may computer shop malapit sa amin."

"Ah-eh," nagdadalawang-isip na sambit ni Blake habang nakatingin kay Alex na


halatang hinihintay ang opinyon ng babae.

Napapalunok na tiningnan ni Alex ang boyfriend. Sa reaksiyon nito kita niyang hindi
na ito makapaghintay na umalis ang bata sa kuwarto.

"Sige na pleasssee Tito Blake."

"Ah...a-ask your Tita Alex."

"Sige na po officer pleasssseee. Sandali lang po ako."

Walang nagawa si Alex kundi pagbigyan ang batang may nagmamakaawang mukha.

"Okay pero sandali lang ha," paalala ng dalaga.

"Yehey! Opo promise sandali lang po!"

"Alex!" pabulong na tutol ni Blake.

"Sandali lang naman. Pagbigyan na natin yung bata," bulong din ng babae at sabay
senyas sa lalaki na manahimik ito.
Napilitang magsawalang-kibo si Blake at tiniis ang pananabik na nararamdaman sa
girlfriend. Kumuha na lamang siya ng babasahin, naupo sa kama at sumandal sa
headboard habang hiihintay ang pag-alis ng bata. Naupo rin si Alex sa tabi niya
bitbit ang mga files tungkol kay Wilson Chen. Komportableng sumandal din siya sa
headboard at seryosong nagbasa.

"I can notice na maya't maya mong binabasa yang documents na yan," puna ng lalaki.

"Uhm. Inaaral kong mabuti. Sarado na ang kaso at malilipat na ang taong ito sa
muntinlupa kaya nag-iisip ako ng magandang paraan para mapigilan ang paglipat sa
kanya ng kulungan. Pag nagkataon kasi kahit pa muling buksan ang imbestigasyon baka
hindi na ito ibigay sa akin."

"Are you planning on something now?" kunot noong tanong ni Blake.

Napatingin si Alex sa nakakunot na nobyo. "Ah-eh...." natutukso siyang sagutin ito


ng meron pero tiyak na hahaba lang ang usapan nilan at baka pagtalunan pa nila ito.
"Wala, inihahanda ko lang ang sarili ko. Mabuti na yung prepared anytime. Ang tagal
na kasi nito sa akin pero hindi ko pa rin nababasa lahat," paliwanag niya nang may
nag-aalangang ngiti.

"I thought you're making a move now. I told you not to do anything yet."

Biglang sumama ang tingin ni Alex sa katipan. Sino ba sa kanilang dalawa ang pulis?
Bakit para yatang pati sa diskarte sa trabaho ay minamanduhan na siya nito? Papayag
ba siya sa ganito?

"What? May sasabihin ka ba?" tanong ni Blake nang mapansin ang unti-unting
pagsalubong ng kilay ng girlfriend habang nakatitig sa kanya.

Napakurap bigla ang dalaga. Dali-daling bumalik sa normal ang titig nito at mabilis
na nagbitiw ng malambing na ngiti. "Wala. S-Sabi ko nga hihintayin ko ang advise
mo. S-Sige basa na ulit ako."

Habang nagbabasa ang dalawa, maya't mayang nagnanakaw ng haplos at halik si Blake
sa kasintahan.

"Blake baka makita ka ng bata," pabulong na saway ni Alex sa pilyong katabi.

"He's not looking."

"Eh pano pag biglang lumingon?"

"He's concentrating on his game," sabay halik ulit ng lalaki sa leeg ni Alex.

"Blake naman eh!"

Napalakas ang boses ng dalaga kaya naman biglang napalingon sa kanila ang
naglalarong bata.

"Okay lang po ba kayo?"


"Yeah we're fine. Ikaw okay ka lang ba diyan?" sagot ni Blake.

"Opo. Hindi po ba kayo nag-aaway?"

Sabay na sumagot ng iling ang magkasintahan at parehong nagkunwaring bumalik sa


seryosong pagbabasa na para bang sila pa ang nahiya sa maliit na bisita.

Lumipas ang mahigit tatlumpung minuto at enjoy na enjoy pa rin si Val sa paglalaro.

"It's getting late. Hindi ka pa rin ba tapos?" hindi na nakatiis na tanong ni


Blake.

Umiling ang bata.

"Di ba dapat natutulog ka na? May pasok ka ba bukas," sabi naman ni Alex.

"Bakasyon po ngayon nakalimutan niyo po ba?" tatawa-tawang tugon ng bata.

"Hmmm how about taking care of your grandma instead of spending too much time in
computer," hirit ulit ni Blake.
"Andun naman po si Kuya. Bukas ako naman po ang magbabantay kay lola kasi aalis ang
kuya ko," katwiran ni Val.

"Sige pagbibigyan ka pa namin pero konting oras na lang ha," wika ng dalaga.

"Opo. Thank you po!"

Dumaan ulit ang tatlumpung minuto ngunit parang wala pa ring balak tumigil si Val
sa paglalaro.

"Hindi pa rin ba tapos?" puna ulit ni Blake.

"Malapit na po promise! Two levels na lang."

"Ilang levels na ba ang natatapos mo?" tanong ni Alex.

"Isa po."

Binitawan ni Blake ang binabasa, inayos ang unan at hinila ang kumot sabay higa.
"That's it. Gisingin mo na lang ako pag tapos na ang batang yan," mahinang sabi
nito na halatang medyo napipikon na.
Tumawa naman ng mahina si Alex para asarin lalo ang nagmamaktol na lalaki.

"Sinasadya mo yatang mag-stay ng matagal ang batang yan dito para makaiwas eh,"
nagdududang anas ng binata.

"Aba't pagbintangan ba talaga ako? Matulog ka na nga lang diyan!" natatawang wika
ni Alex.

Nakasimangot na nagtalukbong ng kumot si Blake at dumapa sa kama. Tinakpan niya ng


unan ang mukha. Pinilit niyang ipikit ang mga mata subalit ayaw pa rin siyang
patahimikin ng nararamdamang init sa katawan.

Bigla siyang bumangon at walang kaabog-abog na hinila patayo ang babae.

"Blake?" naguguluhang sambit ni Alex habang sumusunod sa kasintahan.

"Let's go to the other room," matigas na wika ng lalaki.

Natigilan naman si Val nang makita ang dalawang papalabas ng kuwarto.

"Saan po kayo pupunta?"


"Kakain lang muna si Tito Blake," mabilis na sagot ng binata.

Nagliwanag ang mukha ng bata. "Pagkain?! Wow! Sama ako!" sabay tayo nito.

Timping-timping hinarap ni Blake ang bata at gigil na gigil na dinuro ang silya.
"Sit. Maglaro ka lang diyan. Padadalhan kita ng maraming pagkain sa maid. Huwag
kang aalis at lalong huwag na huwag na huwag kang iiyak. Understand?" madiing
bigkas nito.

"O-Opo," napapatangang sagot ng bata.

Napansin ni Val ang napipikong mukha ni Blake kaya naman agad siyang bumalik sa
upuan. At pagkasara ng dalawa sa pinto ay napakamot siya sa ulo. Naguguluhang
bumalik siya sa paglalaro ngunit maya-maya lamang ay unti-unting bumalik ang
malaking ngiti sa kanyang mukha nang mapagtantong wala ng sasaway sa kanya....

----

Palingon-lingon sa kanyang kaliwa't kanan si Alex upang tiyaking walang mga matang
nakatingin. Nasa likod siya ng headquarters at tinatakasan ang mga lihim na
bumubuntot sa kanyang mga tauhan ni Blake. Tatakas siya ng kaunting oras at gusto
niyang isipin ng mga ito na nasa loob lamang siya ng presinto. Makikipagkita siya
kay Tyron at ayaw niyang makarating ito sa nobyo.

Pinaplano niya nang sabihin sa anak ng kaaway ang katotohanan sa ama nito. Hindi
niya na mahihintay ang mga ginagawang hakbang ng mga private investigators ni
Blake. Sa makalawa ay ililipat na ng detention ang mga involve sa kaso at mawawala
na ang mga ito sa jurisdiction niya kaya kailangang-kailangan niya ng gumawa ng
aksiyon. Siya ang awtoridad kaya't nasa kanya ang higit na responsibilidad at hindi
sa mga pribadong tao ni Blake.
Nang makitang walang nakatingin sa kanya, bumuwelo siya at mabilis na tinalon ang
mataas na pader. Pagbagsak niya sa kabilang side ay may nakaabang na agad na
motorsiklo. Sumakay siya dito at pinatakbo ng mabilis bago pa man siya mapansin ng
mga sekretong bodyguards.

Magkikita sila ni Tyron sa isang japanese restobar. Nagpareserve siya ng isang VIP
room para makausap ng mabuti ang lalaki. Nauna siyang dumating sa nasabing lugar
ngunit makalipas lamang ang sampung minuto ay dumating na rin ang binata.

"Hi! How are you?" masayang bungad sa kanya ng lalaki.

"Mabuti naman."

"I was surprised by your call. Ba't bigla mong naisipang makipagkita sa akin?"
sabay kuha ni Tyron sa menu.

Ngumiti si Alex ng pilit. Bakas sa mukha ng babae na kumukuha ito ng buwelo para
kausapin ang binata tungkol sa ama nito.

"Wala naman gusto lang kitang kumustahin. Hindi pa kasi tayo nagkakausap simula
nang sumuko yung suspect sa kaso ni Grace."

"'Never feel greater after hearing that good news," nakangiting turan ni Tyron. "At
least all the efforts had been paid. Our friend could finally have her peace up
there."
Sumagot ng matamlay na ngiti si Alex.

"You don't look happy," puna ng lalaki. "Hindi ka ba natutuwa that finally you'd
proven yourself correct that Divine didn't really die in suicide."

"Natutuwa pero ayoko pang magsaya ng lubusan hangga't hindi pa nahahatulan ang mga
kriminal. Marami pang pwedeng mangyari," napapalunok na sagot ng dalaga.

Kunot noong tiningnan ni Tyron ang kausap nang mahalatang medyo tensiyonado ito.
"Hey what's wrong with the cool police woman? I can see pessimism all over your
face," biro niya. "Mabuti pa omorder na lang muna tayo. Let's eat and drink first
to loosen up a little."

"S-Sige," atubiling sagot ni Alex sabay tingin sa relos upang tantiyahin kung ilang
oras lang siya pwedeng mawala sa mga paningin ng mga bantay niya.

Tumawag ng waiter si Tyron at malugod na kumuha ng order. "What do you want?"


tanong niya sa babae.

"Tempura at kani salad."

"Yan lang?"

"Hindi ako gaanong nagugutom."


"Unbelievable. Where's that woman who can eat four extra rice?" biro ulit ni Tyron.
" How about drinks? Gusto mo bang mag-beer?"

"Orange juice na lang. Di ako pwedeng uminom ng alak, babalik pa kasi ako ng
headquarters."

Ibinigay ni Tyron ang order nila sa waiter pagkatapos ay nahuli niyang pinapatay ng
dalaga ang cellphone nito.

"How's Blake?"

"Okay naman."

"He doesn't know about this meeting, right?"

"Ah- eh hindi ko na pinaalam tutal simpleng pagkikita lang naman ito," paliwanag ni
Alex.

Naniningkit na tumingin si Tyron sa babaeng may kakaibang ikinikilos habang


nakahawak sa baba. "Hmm... you know I want to be honest with you. At first I was
actually attracted to you because you're the coolest woman I've ever met. In fact,
there were this moment that my feeling for Sophia wavered because of you..."
'T-Tyron?..." napapangangang sambit ni Alex sa tila kaswal na kaswal na pag-amin ng
lalaki.

"But...But..." madiing wika ng binata habang umiiling. "After I learned that you
were that mysterious woman in Blake Monteverde's life and witnessed how he still
cares for you, I automatically told myself 'There's no way I can have a chance
against that billionaire cassanova'... Surprisingly my early acceptance weren't bad
at all because I realized that what I felt for you is simply an adoration. I adore
you're coolness, your tough but kind heart and your never ending bravery. And with
your personality, napatunayan kong mas masaya at komportable kang kasama bilang
kaibigan. And therefore..." sabay labas nito ng cellphone. "..let's not give Blake
a reason para pagdudahan tayo. You're boyfriend could have his eyes everywhere."

"Anong ginagawa mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Alex nang makitang may
dinadayal ang kasama.

"I'm calling your boyfriend para ipaalam sa kanyang kasama kita ngayon. I don't
want to be misunderstood. Mahirap na baka maya-maya lang ay bigla na namang
sumulpot yun dito at kaladkarin ka na naman pauwi."

Mabilis na inagaw ni Alex ang cellphone ng lalaki.

"Hey! What are you doing?"

"Hindi mo pwedeng tawagan si Blake. Hindi ako nakipagkita sayo dahil lamang gusto
kong makipagkumustahan," seryosong wika ng dalaga.

"W-What do you mean?" puno ng pagtatakang tanong ng binata.


"Mayroon akong dahilan kung bakit hindi ko pwedeng ipaalam kay Blake na nakipagkita
ako sayo ngayon."

Naguguluhang tiningnan ni Tyron ang seryosong mukha ng kausap.

"T-Tyron... may dapat kang malaman tungkol sa kaso ni Grace," umpisa ni Alex habang
unti-unting lumalakas ang tahip ng dibdib. "H-Hindi pa ako o tayo dapat magsaya
dahil malaya pa rin ang totoong salarin sa pagkamatay ng ating ..."

Naputol ang sasabihin niya nang biglang may tumawag sa hawak-hawak na telepono.
Tiningnan siya ni Tyron habang hinihintay ang kusang pagsuli niya sa cellphone.
Napapahiyang ibinalik niya ang gamit ng lalaki at binigyan ito ng pagkakataong
sagutin ang tawag.

"Yes, dad?"

Napaupo siya ng tuwid nang malaman kung sino ang kausap ng binata.

"You're outside? Right now? Okay bye."

Bigla siyang kinutuban sa huling narinig sa kasama. Nasa labas ng restaurant si


Pablo Garcia?

"Excuse me for a while Alex. Imimeet ko lang si Dad. He told me earlier na


kailangan niya ang pirma ko sa isang realty documents."
"S-Saan mo siya imimeet? D-Dito ba?" lihim na natatarantang tanong ng babae.

"No," tatawa-tawang tugon ni Tyron matapos mapansin ang nag-aalalang mukha ng


dalaga. "Don't worry ayokong may isipin siyang masama kapag nakita niyang kasama ko
ang girlfriend ng boss niya. I'll meet him in his car outside. I won't take long."

"Okay, hintayin kita dito," nakahingang maluwag na tugon ni Alex.

Lumabas ng silid si Tyron at kasabay nito ay siya namang pagpasok ng lalaking


waiter bitbit ang mga order nila. Inilapag ng waiter ang mga pagkain sa mesa.

"Here's your order ma'am," nakangiting sabi ng tagapagsilbi.

"Salamat."

"May kulang pa po ba, mam?"

"Okay na, thank you."

Lumabas ang waiter at agad na nakuha ng malamig na juice ang atensiyon ni Alex.
Sabik na ininom niya ito matapos makaramdam ng uhaw sa biglaang pagsulpot ni Pablo
Garcia. Unti-unti siyang napaisip na baka alam nitong siya ang kasama ng anak.
Bigla siyang kinutuban. Kung alam nitong magkasama sila ni Tyron hindi imposibleng
may gagawin itong hakbang laban sa kanya.

Tumayo siya upang pumunta ng CR. Tatawagan niya doon si Balatbat para papuntahin
ito sa restaurant. Habang naglalakad at nag-iisip lalong lumalakas ang kaba sa
dibdib niya. Pakiramdam niya'y alam na ni Pablo Garcia ang balak niya. Impossibleng
nagkataon lamang dinaanan nito ang anak para sa simpleng dokumento.

Nagbago ang kanyang isip. Imbes na ang tauhan ay si Blake na lamang ang tatawagan
niya. Malakas ang kutob niyang may pinaplano ang kalaban kaya't anumang oras ay
baka kailanganin niya ang tulong ng boyfriend. Malapit na siya sa CR kaya't
inilabas at binuhay niya na ang telepono. Sunud-sunod na text ang natanggap niya
mula sa kasintahan. Hindi niya muna binasa ang mga mensahe sa halip ay nagmadali
siyang magdial para tawagan ang lalaki. Subalit pagkapindot niya ng tawag ay unti-
unting lumabo ang kanyang mga paningin. Dahan-dahang naging doble ang tingin niya
sa mga bagay na nakapaligid sa kanya. Nanghihinang pumasok siya ng banyo kasabay ng
pag-ikot ng kanyang paningin.

"Hello Alex?"

Di niya magawang sagutin ang telepono sapagkat bumibilis ang pag-ikot ng paligid.
Tila binabaliktad ang sikmura niya. Lumapit siya sa lababo at ipinatong dito ang
cellphone para maghilamos.Mahigpit na napakapit siya sa gripo upang labanan ang
pagkahilo.

"Alex what's going on?"

Binasa niya ang mukha ngunit hindi pa rin nagbago ang kanyang pakiramdam.
Nanlalamig ang kanyang buong katawan at dahan-dahan siyang nahihirapang huminga.
Nanghihinang napaluhod siya sa harap ng sink. Pinagpapawisan siya ng malamig.
Nanginginig ang kamay na kinapa niya ang cellphone. Pinilit niyang ilapit ito sa
kanyang tenga habang sinusubukang ibuka ang bibig.
"Alex are you alright?!"

"B-B-Bla...ke...."

Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin. Nagmistulang elesi na sa bilis ang ikot
ng kanyang mga paningin hanggang sa tuluyang magdilim ang buong paligid.

Bumagsak ang telepono sa sahig at kasunod nito'y ang pagbagsak din ng katawan ng
dalaga.

"ALEX! ALEX! ALEXX!!!"

Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan. Nanatiling walang malay na nakahandusay


si Alex sa sahig ng banyo. May isang mahinang ingay na nagmula sa pihitan ng pinto.
Nagbukas ito at dahan-dahang pumasok ang lalaking waiter na naghatid ng pagkain sa
mesa ng magkaibigan. Pagkuway dahan-dahan at walang ingay nitong binuhat ang
dalagang pulis...

••••

Ala-una ng madaling araw, nasa opisina pa rin si Blake kasama sina Don Henry, ang
buong pamilya ni Alex at apat sa ilang mga tauhan niyang marine bodyguards. Walong
oras na silang naghihintay sa isang napakahalagang tawag. Sa kahabaan ng kanilang
paghihintay, halos lahat ay nanlalambot na sa panghihina't pag-aalala. Tanging si
Blake lamang ang gising na gising pa rin ang diwa habang hindi pinapakawalan ang
cellphone sa kanyang mga kamay. Samantalang maya't maya namang umiiyak at
hinihimatay ang ina ng nawawalang dalaga.

'Nasa mga kamay ko si Captain Alexandra Valdemor. Kung gusto mo pa siyang makita
ng buhay, sumunod ka sa mga sasabihin ko. Huwag na huwag kang magkakamaling
magsumbong sa mga kabaro ng syota mo.'

Paulit-ulit na binabasa ni Blake ang isang natanggap na text mula sa numero ni Alex
ilang minuto lamang matapos siyang tawagan ng girlfriend at marinig ang
nahihirapang boses nito. Pagkatanggap niya ng mensahe ay agad niyang tinawagan ito
ngunit nakapatay na ang telepono. Sa una'y itinatanggi niya pa sa sariling maaring
nasa bingit ng panganib ang babae. Gumawa muna siya ng paraan para hanapin ito.
Nagpunta siya sa headquarters, sa shooting range, sa bakery ni Margareth, sa
hospital nina Dennis hanggang sa mismong bahay nina Alex na siyang dahilan para
malaman ng buong pamilya ang posibilidad na nawawala ang dalaga.

Ang tanging impormasyong nakuha niya ay mula kay SPO1 Balatbat . Sinabi ng pulis na
mga bandang alas-tres ng hapon ay inutusan siya ng dalagang kapitan na iparada sa
likuran ng headquarters ang motorsiklo ng opisina na madalas nitong gamitin. Hindi
nagbanggit ang babae sa sinumang kasamahan na meron pala itong pupuntahan. Ang
pagkakaalam ng lahat ay wala lang ito sa mesa subalit nasa paligid lamang ito.

Nagtaka ang mga kasamahan ni Alex sa biglaang paghahanap niya sa girlfriend.


Tinanong siya ng mga ito kung may problema ba. Maging si Chief Martinez na balak
sanang kausapin ang babae ay nagtaka rin sa may kahabaang oras na nitong
pagkakawala sa desk. Nais sanang sabihin ni Blake ang totoo subalit naalala niya
ang natanggap na text. Hirap man siyang tanggaping isa nga itong banta, hindi niya
pa rin isusugal ang kahit na pinakamaliit na posibilidad na mapahamak si Alex kaya
minabuti niyang itago muna sa mga pulis ang katotohanan.

Tatlong oras pa siyang naghanap habang paulit-ulit na sinusubukang tawagan ang


telepono ni Alex ngunit bigo pa rin siyang makita o makontak man lamang ang dalaga.
Hanggang sa unti-unti niya nang matanggap na totoo nga ang nagbabantang text. Kung
kandila lamang siya, tiyak na kanina pa siya naupos at kung isa siyang bomba
siguradong kanina pa siya sumabog sa tindi ng kabang nararamdaman. Subalit kahit
puno ng takot at kaba ang dibdib, mas higit niyang pinairal ang tapang at pagiging
kalmado alang-alang kay Alex. Hindi siya pwedeng magpatalo sa anumang bagay na
makakaapekto sa pag-iisip niya. Sa ganitong pagkakataon mas dapat tuwid ang utak
niya upang manatiling tama sa mga kritikal na desisyong gagawin niya.

"Papa utang na loob gumawa ka na ng paraan! Gamitin mo na ang lahat ng mga


koneksiyon mo para sa apo mo!" umiiyak na pakiusap ni Sylvia kay General Valdemor
habang hinang-hinang pinapaypayan ang sarili.

"Don't do anything yet!" mabilis na tutol ni Blake. "Let's be patient. I know they
won't do anything to Alex until they get what they want. Ako ang pinadalhan nila ng
text kaya siguradong sa akin sila may kailangan. Surely, it's all about money."

"Tama si Blake. Mabilis gumawa ng paraan para hanapin si Alex but we need a perfect
plan to save her and we have to be very careful with our action para matiyak ang
kaligtasan niya. Unang-una kailangang may marinig muna tayong feedback mula sa mga
kidnappers. We have to psychoanalyze them kung ano o bakit nila kinidnap si Alex.
To have the courage to abduct a police officer means that they are not ordinary
kidnappers," paliwanag ng matandang heneral.

"Papa paano kung hindi naman pera ang habol ng mga kriminal na yun! Paano kung
gusto lang talaga nilang gantihan ang anak ko dahil isa sila sa mga nakabangga ni
Alex sa trabaho! Hihintayin pa ba nating may lumutang na lang na balita na may
natagpuang bangkay ng isang babae...." sabay haguhol ulit ng ginang.

Napapikit si Blake at napamasahe sa batok nang dumaan sa mga tenga niya ang sinabi
ng ina ng dalaga. "Tita, please. Stop saying negative things," mahina ngunit
madiing pakiusap niya.

"Oo nga naman Mom! Pwede ba kinakabahan na nga ang lahat tapos nag-iimagine ka pa
ng mga brutal na eksena," sabat ni Dennis na noon ay nakatayo sa tapat ng salaming
dingding nang nakahalukipkip at napapakutkot ng mga kuko sa daliri habang tinatanaw
ang tanawin ng lungsod.

Tumunog ang telepono ng isa sa mga bodyguards. Sabay-sabay na napalingon sa lalaki


ang lahat.

"Who's calling?" di makapaghantay na tanong ni Blake.

"Sir, si Ocampo po, yung isa sa mga naglolocate ng motor ni Capt. Valdemor."

Magkasalubong ang kilay na inagaw ni Blake sa tauhan ang cellphone. "Hello. What's
the update?" agad niyang tanong.

"Sir natagpuan na po namin ang ginamit na motorsiklo ni Ma'am Alex!"

"Where? Is Alex there?" tarantang wika niya.

"Nakaparada sa tapat ng isang Japanese restaurant dito sa may Pasay Road pero wala
po si Ma'am Alex dito," may katamlayang sagot ng tauhan.
"Nakapagtanong-tanong ba kayo?"

"Yes Sir kaso ang manager lang ho ang nakausap namin. Pasarado na kasi ang
restaurant tapos siya na lang ang natitirang nakaduty simula kaninang umaga. May
kakaiba nga raw na nangyari kaninang mga alas singko ng hapon. Meron daw dalawang
kostumer na nag occupy ng isang vip room tapos bigla na lang nawala nang hindi man
lang ginalaw ang mga inorder na pagkain. Basta na lang daw nag-iwan ng bayad sa
ibabaw ng mesa."

"Does she remember the face of those two costumers?Or do they have a CCTV?"

"Wala silang CCTV pero natatandaan ng manager ang hitsura ng mga kustomer. Isang
babae at isang lalaki daw po. Base sa pagkakadescribe niya sa babae, malaki ang
possibilidad na si Ma'am Alex ito. Sakto naman kay Tyron Garcia ang description ng
lalaking costumer."

"S-Si Tyron Garcia?" napapangangang bigkas ni Blake.

"Yes sir. Yan lang po muna ang update namin ngayon. Tatawag na lang ulit kami pag
may bagong balita."
Nanghihinang ibinaba ni Blake ang telepono. Tumayo agad ang ina ng dalaga mula sa
nanlalatang pagkakaupo sa sopa habang naghihintay naman ang iba na ibahagi niya ang
natanggap na update.

"Anong sabi?" namimilog ang mga matang wika ng ginang.

"It looks like she had meeting with Tyron Garcia earlier." Makahulugang tumingin si
Blake kay Don Henry at sumagot naman ng isang malalim na buntong-hininga ang
matanda.

"Who's that man?" tanong ni Mr. Lauro Valdemor.

"Anak siya ng isa sa mga director ng Golden Pacific," sagot ni Don Henry.

"Anong koneksiyon niya sa anak ko? Blake are you saying she met a man without your
knowledge?" wika ng ama ng dalaga.

Lumakas ang paypay ni Sylvia sa sarili. "D-Diyos ko po ano bang parusa ang ginagawa
sa atin ng anak mong yan! A-Ahhh...sumasakit ang batok ko! Dennis, ang ammonia
hihimatayin na naman ata ako!"
Dali-Daling lumapit si Dennis sa ina at inalalayan ito na muling umupo sa sopa.

"Tyron is Alex friend," paglilinaw ni Blake sa naguguluhang mga magulang ng


girlfriend. "He was also one of the witnesses in her latest case."

Kinuha ni Blake ang numero ni Tyron sa sariling cellphone at tinawagan ito gamit
ang telepono ng tauhan. Hindi niya pwedeng gamitin ang kanyang cellphone dahil sa
hinihintay na tawag. Unti-unting nanginig ang kamay niya sa galit. Pagkarinig pa
lang sa pangalan ni Tyron, nagduda agad siya na kasabwat ito sa nangyayari. Sabi na
nga ba't sa umpisa pa lang ay hindi na maganda ang motibo nito sa pakikipaglapit
kay Alex.

Nakapatay ang telepono ng lalaki. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi ito
makontak.

"Ask our spies in Mr. Garcia's house if Tyron is there. Kung siya nga ang kasama ni
Alex, it means na magkasama pa sila when I received the last call from her."

"Yes sir."

"S-Spy? A-At sino naman si Mr. Garcia?" nalilitong sabi ni Sylvia.


"Mom! Pwede bang huwag na po muna kayong sumabat," saway ni Dennis sa ina.

Nanlalatang umupo si Blake sa silyang nasa harap ng mesa niya. Napahilamos siya ng
kamay sa mukha at saka tumingin sa retiradong heneral. "Maybe it's because of her
case..." nag-aalangan at napapalunok na sambit niya.

"I know...but it can be about money too," anas ng matanda habang ginagantihan si
Blake ng naniningkit na mga tingin.

"Ano ba kasi yang kasong hinahawakan niya?!" bulalas ulit ng ina. Tatayo sana ito
ngunit mabilis itong pinigilan ni Dennis.

"Mom! Nakakahawa na yang pagiging OA mo ha!"

Nanahimik ulit ang lahat. Maya't maya ang mga itong umiinom ng tubig. Nagsasal-itan
sa pagpaparoo't parito sa loob ng opisina. Nagpapalitan ng malalalim na mga
buntong-hininga. Hanggang sa muling tumunog ang telepono ng isang bodyguard. Sabay-
sabay na napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng tunog.

"Who's that?" tanong ni Blake hindi pa man natatapos ang isang ring.

"Si Torres, ang spy natin mula kay Garcia."


Inagaw agad ng binata ang cellphone para kausapin ang tauhan. "What's going on
there? Did you hear any news about Tyron?"

"Sir wala po akong nasagap na balita kung nasaan si Tyron. Hindi pa rin nga daw
umuuwi simula kanina....Pero sir kung siya nga ang kasama kanina ni Ma'am Alex,
malamang na si Pablo Garcia ang may pakana ng lahat," pabulong na sagot ng spy.

"What do you mean?"

"Naka-tap ang cellphone ni Tyron Garcia simula nang magwitness ito sa kaso."

Natigilan si Blake sa narinig. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa


cellphone at dahan-dahang naningkit ang mga mata. "How come you only knew about it
now?"

"Eh k-kasi ho nagkokoncentrate muna kami sa anak ni Wilson Cheng t-tutal


napagkasunduan na naman natin nina Ma'am Alex na hindi muna siya gagawa ng anumang
hakbang hangga't hindi natin narerescue yung bata. D-Di po ba kasama na sa pinag-
usapan natin ang hindi muna siya makikipagkita kay Tyron?"

Nagsimulang kumulo ang dugo ng binata sa katwiran ng tauhan."Do you think that's a
valid excuse?" nagngingitngit ang mga ngiping sabi niya.

Hindi sumagot ang kausap. Humugot ng isang malalim na hinga si Blake. Pinipilit
niyang maging kalmado ngunit hindi niya na nakayanang itago ang kanina pang
nararamdamang galit, takot at pagkadismaya.
"LOOK WHAT HAPPENED NOW! YOU ALL KNOW HOW STUBBORN SHE IS! SA UNA PA LANG ALAM NIYO
NA KUNG GAANO SIYA KABILIS MAGPALIT NG DESISYON! YOU KNOW SHE HAS THE TENDENCY TO
BECOME IMPATIENT ABOUT JOBS! KAYA PAANONG NANGYARI NA PINABAYAAN NIYONG MAKALAMPAS
ANG GANYANG KLASENG IMPORMASYON!!!" pulang-pula ang mukhang sigaw niya.

Lumapit ang isang tauhan kay Blake at tinangkang kunin ang cellphone sa galit na
galit na lalaki. "Sir tama na po yan. Hindi makakatulong sa atin ngayon kung
magpapadala ho tayo sa galit."

"ISA KA PA! HOW THE HELL IT HAPPENED NA NATAKASAN KAYO NI ALEX? I HIRED YOU BECAUSE
YOU'RE SUPPOSED TO BE BETTER AND SMARTER THAN HER! BUT HOW COME YOU BECAME SO
STUPID ESPECIALLY DURING THIS CRUCIAL TIME!!!" nandudurong sumbat ng binata.

"Sorry po sir," nakatungong wika ng tauhan.

"Sorry? MAY MAGAGAWA BA YANG SORRY MO PAG MAY NANGYARING MASAMA KAY ALEX?!!!"

Makikisawsaw pa sana si Sylvia subalit nang magsimulang sumigaw si Blake at makita


kung gaano katindi ang galit nito, napapalunok na nanahimik na lamang siya sa
upuan. Si Don Henry naman na siyang nakaupo sa working table ng apo ay napapalo sa
mesa dahil sa inaasal ng lalaki.

"That's enough Blake! Tama siya you shouldn't concede to your anger if you want to
come up with the right plan on saving Alex!"
Nanahimik ang binata. Bumalik ito sa upuan, itinukod sa magkabilaang hita ang mga
siko, yumuko at minasahe ang noo. "I'm sorry. I'm trying my best to remain calm but
the whole situation is pushing me to the edge of my sanity."

Nanatiling nakayuko si Blake hangga't hindi tuluyang napapakalma ang sarili. Batid
niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lahat. Unti-unti siyang nakaramdam ng hiya sa
inasal sa harap ng pamilya ni Alex.

"B-Blake?..."

Natigilan siya nang makilala ang boses. Agad siyang nag-angat ng mukha at tumingin
sa pinanggalingan ng boses. Muling nabuhay ang galit sa kanyang dibdib nang makita
si Tyron na nakatayo sa bungad ng opisina. Nakahawak pa ito sa pinto at halatang
naguguluhan habang isa-isang tinitingnan ang mga di kilalang mukhang naroroon sa
silid.

"Are you busy? W-Why are you still in your office at this hour?" dagdag pa nito.

Hindi sumagot si Blake sa halip ay napakuyom siya ng mga kamao. Mabilis siyang
tumayo, lumapit sa di inaasahang bagong dating at walang bahid ng pagtitimping
sinuntok ito sa mukha.
"WHAT DID YOU DO TO ALEX?! SAAN MO SIYA DINALA HA?!!" nanlalaki ang mga matang
sigaw niya.

Humambalos ang katawan ni Tyron sa glass door. Napatili si Sylvia at mabilis namang
inawat ng apat na tauhan si Blake. Hinawakan ng mga ito sa magkabilaang braso ang
nanggagalaiting binata.

"BITAWAN NIYO AKO. I'M GOING TO KILL THAT TRAITOR!"

Napahawak si Tyron sa tinamaang pisngi at umayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa


pinto. Nalilitong tiningnan niya si Blake.

"What are you talking about?"

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa! I'm not going to buy your acting! Alam kong ikaw
ang kasama kanina ni Alex! Why are you here? Para kumuha na naman ng impormasyon!"
salita ni Blake habang nagpupumiglas sa mga kamay na nakahawak sa kanya.
"Yeah I was with her this afternoon," kaswal na pag-amin ni Tyron. "And I'm here to
ask you if she's okay. I was attacked by some robbers and I just woke up. I'm
worried that Alex might be upset dahil sa pag-aakalang bigla ko na lang siyang
iniwan sa restaurant."

"Stop acting innocent! I know na kasabwat ka sa pangingidnap kay Alex!"

Napamaang ng ilang sandali si Tyron sa narinig. "N-Nakidnap si Alex?" hirap


makapaniwalang tanong nito hanggang sa unti-unti itong natawa nang may naguguluhan
pa ring reaksiyon. "How can she be harmed when I was the one who was abducted?"
Sabay tingin niya sa mga taong naroroon at base sa mga nag-aalalang hitsura ng mga
ito mukhang totoo nga ang sinasabi ng kaharap.

"I'm Captain Valdemor's grandfather." Sumali ang matandang heneral sa tensiyonadong


pag-uusap ng dalawang binata. "Anong ibig mong sabihin? If you were abducted, how
come you're here?" usisa nito.

Saka lamang nanahimik si Blake para bigyan ng pagkakataong makapagtanong ang


matanda at kasabay nito bigla rin siyang nagkainteres pakinggan ang mga sasabihin
ni Tyron.

"Before having our meal, nagpaalam muna ako ilang sandali kay Alex to meet someone
outside the restaurant. Pero habang naglalakad ako sa labas ng restaurant, somebody
grabbed me from behind and covered my face with a piece of cloth. That was the last
thing I remember from that place. And two hours ago, nagising na lang ako sa isang
maliit at maduming kuwarto ng isang mumurahing hotel. My wallet, cellphone and
watch were gone. I asked the reception, they said that a guy brought me there and
told them I was his drunk friend. Though I was robbed, I'm thankful that I'm not
hurt. I called my house to inform everyone that I'm fine and told them to bring a
car and some money. I planned to pick-up first the car I left in that restaurant
pero naalala ko si Alex kaya naisipan ko munang dumaan dito. I thought I could find
some ways to get Blake's contact but unfortunately wala na akong mapagtanungan
maliban sa mga guwardiya at pailan-ilang nag-oovertime na emplayado na imposible
namang magkaroon ng contact number niya. I planned to go to Alex headquarters but
before leaving I decided to pass by at Blake's personal office para magbakasakaling
may tao pa tutal nandidito na rin lang naman ako. And what a coincident that you're
still here...B-But now you're telling me that Alex is kidnapped. Are you sure it's
kidnapping? M-Maybe just like me, she was victimized also by the same group who
robbed me. I-I know it's still a bad thing but at least it's lighter than being
kidnapped..."

Tila muling hihimatayin si Sylvia sa narinig. "Ah ang batok ko....Anong lighter ang
pinagsasabi mo? Papaano kung kagaya mo ay dinala din sa kung saang hotel ang anak
ko? Mabuti na lang sana kung iniwan din siya dun para matulog lamang. P-Paano kung
pinagsamantalahan nila si Alex habang wala itong malay...."

"MOM! Nag-uumpisa ka na naman!" saway ni Dennis.

"Pero Dennis hindi imposibleng mangyari yun..."

"STOP IT TITA!" hindi na nakatiis na sigaw ni Blake. "That's not going to happen!
Walang masamang mangyayari kay Alex!"

Pansamantalang nanahimik ang ginang lalo na't nakita nito ang nanginginig na mga
kamay ni Blake ngunit hindi pa rin siya naawat sa pag-uusisa kay Tyron.
"Sino ka ba? Bakit nakipagkita sayo ang anak ko? Kaibigan ka lang ba niya talaga?"

"Alex is my ex-girlfriend's friend and I had a chance to get closer to her too
because the victim of the case she was handling was also my friend. She asked me to
meet her kanina sapagkat may sasabihin daw siyang mahalang bagay sa akin tungkol sa
kaso. But sadly bago pa man niya masabi ang dahilan ng pagkikita namin ay nakuha na
nga ako ng mga magnanakaw," malumanay ngunit seryosong paliwanag ni Tyron.

"Who is the person you're supposed to meet outside the restaurant?" tanong ni Gen.
Valdemor.

"My father."

Napapikit at napakagat ng labi si Blake sa narinig. Lihim na napakuyom ulit siya ng


mga kamay. At nang maramdamang hindi na mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng mga
tauhan, bigla siyang umalpas at kinuwelyuhan si Tyron.

"Sinasabi ko na nga ba! Admit it! Kasabwat ka ng ama mo sa planong pagdukot kay
Alex!" nanlalaki ang mga matang paratang niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Tyron at dahan-dahang nagseryoso ito ng mukha. "Anong
pinagsasabi mo? Why are you dragging my father into this situation?" bahagyang may
galit sa tono nito.

Nakangising tinitigan ni Blake ang noon ay matapang na ring mukha ni Tyron.


Pinagdududahan niya pa rin ito subalit hindi niya maikakailang tila wala nga itong
alam sa nangyayari.

"You don't know? Or you're just acting stupid para mapasakay mo lang kami at si
Alex?" tanong niya nang may nakakalokong ngiti.

Nangalit ang mga panga ni Tyron at kinuwelyuhan din si Blake. "Diretsahin mo ako!
What the hell are you talking about?!"

"It was your father who's behind all this mess! Siya ang nagpapatay kay Grace!
Nagpadukot dati kay Alex! At nagtangkang magpapatay sa akin! Your greedy Dad will
do everything just to get what he wants!"

Nanlaki ang mga mata ni Tyron. Unti-unting nanginig ang mga kamay nito at walang
pasabing sinuntok sa mukha si Blake. "HOW DARE YOU ACCUSE MY FATHER!!! HINDI
MASAMANG TAO ANG AMA KO!!!"

Natumba si Blake ngunit agad din siyang bumangon para gumanti sa lalaki. Iniamba
niya ang kamao subalit bago pa man siya makapagpakawala ng isang suntok ay sinaway
siya ni Gen. Valdemor.
"Stop that Blake! You're not in the position yet to say those things. Don't forget
the fact that you still ain't got solid proof for your accusation!"

Napilitang sumunod si Blake ngunit binigyan niya ng matatalim na mga titig si


Tyron. "Wait here and stay with my men. I'll let your own eyes witness how evil
your father is," madiin at ngingisi-ngising tugon niya sa nanginginig pa rin sa
galit na kaharap....

----

Naalimpungatan si Alex nang maramdamang may humampas na malamig na bagay sa kanyang


mukha. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at iminulat ang mga mata. Malabo ang
tingin niya sa paligid. Napakurap siya ng ilang beses hanggang sa unti-unting
luminaw ang kanyang mga paningin. Nasa harapan niya ang isang lalaking may hawak na
balde at ngingisi-ngisi itong nakatunghay sa kanya. Naramdaman niya ang pag-agos ng
tubig sa kanyang katawan mula sa nabasang pisngi at ulo.

"Tama na ang tulog. Naka-quota ka na. Oras na para kumustahin mo si loverboy,"


nakangising sabi ng lalaki.

Namumukhaan niya ang kaharap. Ito yung waiter sa restaurant na pinuntahan nila ni
Tyron. Tuluyan siyang nagising nang maalala ang restaurant. Iginala niya ang mga
mata. May kadiliman ang paligid at tanging ang makulimlim na bombilya sa tapat niya
ang nagbibigay ng liwanag sa lugar. Hindi pamilyar sa kanya ang kinaroroonan pero
base sa mga naaaninag niya, nasa isang maliit at lumang warehouse sila. At sa
hanging nalalanghap niya, batid niyang malapit sila sa isang palayan o kaya'y
kabundukan sapagkat may naamoy siyang mga sinusunog na dayami.

Nagpumiglas siya mula sa kinauupuang silya pero hindi niya maigalaw ang katawan.
Noon niya lang napagtantong nakagapos sa likuran ang kanyang mga kamay. Maging ang
mga paa niya ay nakatali rin. Sinubukan niyang magsalita ngunit may takip rin ang
kanyang bibig.

Ibinaba ng lalaki ang hawak na balde at mula sa bandang likuran niya, may sumulpot
ulit na isang mama. May bigote ito, matipuno ang pangangatawan at mga nasa kwarenta
y singko ang edad. Kita niya ang nakasiksik na baril sa beywang nito. Pinilit
niyang alalahanin at pagtagpi-tagpiin ang mga natatandaang huling nangyari sa
restaurant. Bumalik sa ala-ala niya ang ininom na juice, saka niya napagtantong
nakainom siya ng may halong gamot. At ngayo'y naiintindihan niya na kung ano ang
nangyayari. Nadukot siya ng mga di kilalang kalalakihan.

Naglabas ng cellphone ang mamang may bigote at may tinatawagan. Tumingin muna ito
sa kanya at ngumiti ng nakakaloko bago kausapin ang nasa kabilang linya.

"Kumusta Mr. Monteverde?..."

Nanlaki ang mga mata niya nang malaman kung sino ang kausap ng mama. Sinubukan
niyang magpumiglas ulit at magsalita ngunit sadyang hindi niya maikilos ang
katawan. Noon lamang unti-unting umusbong ang kaba sa kanyang dibdib. Kagagawan ang
lahat ni Pablo Garcia at ngayo'y ipinapain siya nito kay Blake.

"Alam kong namimiss mo na ang pinakamamahal at napakadakila mong syota. Ngayon mo


patunayan kung gaano mo siya kamahal," tatawa-tawang sabi ng lalaki.
"Where is she? What have you done to her?!"

"Relax. Nasa mabuting mga kamay siya. Sa totoo lang ay kagigising niya lang mula sa
napakasarap na tulog..."

"Don't hurt her please. What do you want? Money? I'll give you any amount you want
huwag niyo lang siyang sasaktan!"

Tumawa ng malakas ang mama. "Tsk,tsk, tsk...Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng
pag-ibig. Pero paano ba yan hindi lang pera mo ang habol namin sayo."

"W-What do you mean?"

"Kung gusto mong iligtas ang babaeng ito, makipagkita ka sa amin. Pakakawalan namin
ito kapalit ng pagdalaw mo sa amin."

Muling nagpumiglas si Alex habang unti-unting nangingilid ang mga luha. Hinding-
hindi siya makakapayag sa gusto ng mga kidnappers.
"I'll do whatever you want. But let me talk to her. I want to make sure she's
fine."

Tumingin ang mama kay Alex. "Tanggalan niyo ng takip sa bibig yan!" utos nito.

May isa uling lalaking sumulpot mula sa likuran ni Alex. Tinanggal nito ang tape sa
bibig ng dalagang bihag. Pagkatapos ay idinikit ng mamang may bigote ang telepono
sa tenga ng babae.

"B-Blake..." naluluhang sambit ni Alex.

"W-Wifey are you okay? Sinaktan ka ba nila?"

Di napigilan ng dalaga ang pagtulo ng mga luha matapos marinig ang puno ng pag-
aalalang boses ng kasintahan. Pinilit niyang magmukhang masigla kahit pa
nanginginig ang kanyang mga labi. "O-Okay lang ako... H-Hindi nila ako sinaktan. K-
Kanina ka pa ba nag-aalala? Nakatulog lang ako pero uuwi na rin ako....Blake huwag
na huwag kang pupunta dito please. Huwag mong sundin ang sinasabi ng kausap mo...M-
Mga pipitsuging holdaper lang ang mga ito, kayang-kaya ko ito," tatawa-tawang sabi
niya habang tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha.
"Don't think about me. I'll save you wifey...I'll do everything to get you out of
that place so don't be afraid of anything. Walang masamang mangyayari sayo."

"Blake huwag kang pupunta dito! Mapapahamak ka lang! Ako nang bahala sa sarili ko!
Blake makinig ka sa akin please!" lumuluhang pakiusap ni Alex.

Inilayo na ng mama ang telepono sa dalaga. "Tama na yang drama!" singhal nito kay
Alex at saka muling kinausap si Blake. "Walang masamang mangyayari sa babaeng ito
basta't susunod ka lang sa gusto namin."

"What do you want me to do now?"

"BLAKE HUWAG KANG MAKINIG SA KANILA!" tutol ni Alex.

"Pumunta ka sa isang villang nagngangalang Arkanghela sa may Binangonan, may mga


naghihintay sayong tao doon. Huwag na huwag kang magkakamaling magsumbong sa kahit
kanino. May maamoy lang kaming nakabuntot sayo, hindi kami magdadalawang-isip
patayin ang pinakamamahal mong babae."

"I'll go there alone. Pero bago yan, siguraduhin niyong tutupad kayo sa usapan
natin. Dahil kung hindi, I won't bat an eyelid na ubusin ang kayamanan ko mapulbos
lang kayo."

Ngumisi ang lalaki. "Mamaya, patunayan mong nakahanda kang ubusin ang kayamanan mo
alang-alang sa babaeng ito. Hihintayin ka namin sa villa. Huwag mong masyadong
tagalan, mainipin kami."

"PARANG AWA MO NA BLAKE! HUWAG MO SILANG SUNDIN!"

Pinutol ng mama ang tawag at ibinaba ang telepono. Tiningnan nito ng matalim ang
nagsisigaw na si Alex. Pagkuway walang pag-aalinlangang sinampal nito ng malakas
ang babae.

"TUMAHIMIK KA!"

Hindi nagpakita ng pagkatinag si Alex sa sampal. Sa halip ay nginisian niya at


ginantihan din ng matatalim na titig ang mama. Hinawakan siya nito sa ulo at hinila
ang buhok niya upang sapilitan siyang patingalain patungo sa direksiyon ng mukha
nito.

"Ikaw ba ang sinasabi nilang may sa palos na pulis? Eh wala pala yang
ipinagmamalaking galing mo! Lalaki lang pala ang katapat mo!" nanlalaki ang mga
matang sabi nito habang hinihila pa lalo ang buhok niya pababa.
Sinagot niya ito ng ngisi at walang kakurap-kurap na sinalubong ng titig ang
matatalim nitong mga mata. "Payong kaibigan. Siguraduhin niyong mapapatay niyo ako
dahil pag hindi titiyakin ko sayong ikaw ang unang makakaharap ni satanas sa ating
dalawa."

"Huwag kang atat, darating tayo diyan! Hinihintay lang natin ang prince charming mo
para may makakasabay ka sa impiyerno!"

"Hindi dapat kayo nagsasayang ng oras. Kahit nakagapos ako huwag kang
pakakasiguradong ligtas kayo dahil hangga't humihinga ako nasa panganib pa rin ang
buhay niyo!"

Sinampal ulit siya ng lalaki. "Ang yabang mo! Tingnan na lang natin kung hindi ka
magmakaawa mamaya sa gagawin namin sa lalaking pinakaiingat-ingatan mo! Alam mo
hindi ka naman sana kasama sa plano namin eh kaya lang masyado kang pakialamera.
Ubod ka na ng yabang na pulis, maepal ka pang girlfriend. Eh kung nanahimik ka na
lang sana sa isang tabi, di sana hindi ka na nadamay. Pinaghiwalay na nga namin
kayo, kumapit ka pa ulit. Ayan tuloy mas lalo kaming ginanahan sa pang-iisa sa mga
Monteverde lalo na't nadiskubre naming ikaw lang pala ang kaisa-isang susi para
makuha namin ang mga kayamanan nila."

"Walang kayamanang mapupunta sa inyo! At subukan niyong saktan si Blake, ibabalik


ko sa inyo ng doble ang pananakit na gagawin niyo sa kanya at kahit kaluluwa na
lang kayo sisiguraduhin kong pagsisihan niyo pa rin ang kasamaang ginawa niyo!"
Nagngingitngit sa pagkapikon na napakuyom ng kamay ang lalaki. Susuntukin na sana
siya nito subalit biglang pinigilan ang nakaambang kamay nito ng nagpanggap na
waiter. "Tama na iyan. Hindi pa natin pwedeng galusan yan baka mamaya hindi natin
mapasunod si Blake Monteverde. Pag nakuha na natin ang gusto natin saka mo gawin
lahat ng gusto mo sa babaeng yan."

Nagtitimping ibinaba ng mama ang kanyang nakaumang na kamao. "Busalan niyo ulit ang
bibig ng babaeng ito! Ayokong makarinig ng kahit isang salita sa mayabang na dila
nito!"

Napipikong umalis sa harap ni Alex ang mama. Ganun din ang nagpanggap na waiter.
Naramdaman niya na lang na may isa uling naglalakad papalapit mula sa likuran niya.
Dinig niya ang pagtuklap nito sa duct tape. Mula sa kanyang likod, tinakpan nito
ang kanyang bibig. Sinubukan niyang pumalag ngunit mahigpit na ipinulupot nito ang
kamay sa kanyang balikat. At bigla na lang siyang natigilan nang may maramdaman
siyang isang bagay na inilagay nito sa kanyang kanang palad. Itinikom ng lalaki ang
kamay niya.

"Huwag na huwag kang gagawa ng maling desisyon," tila banta ngunit sa kabilang
banda ay may tono rin ng pagpapaalala na bulong nito.

Tumayo sa harap niya ang lalaki at ilang saglit siyang pinagmasdan. Kumunot ang
kanyang mga noo sa kakaibang mga titig nito na tila may ibig sabihin. Pasimpleng
kinapa niya ang maliit na bagay na inilagay nito sa kanyang kamay. Nakaramdam siya
ng hapdi na para bang nasugatan ang kanyang palad. Nang mapagtantong isa itong
matalim na bagay, gumanti siya ng makahulugang tingin sa lalaki. Napangiti siya sa
likod ng kanyang isipan. Agad siyang nabuhayan ng pag-asa nang malamang may naligaw
na tao si Blake sa kinaroroonang lugar.
Nilingon niya ang buong paligid ng bulok na warehouse at nakitang may tatlong
lalaking nakabantay sa may pintuan. Dalawa ang nakatayo sa kanyang likuran at may
apat pang kalalakihang nakaupo sa mesang nasa isang gilid at may pinagsasaluhan ang
mga ito na isang bote ng alak. Kasama sa nag-iinuman ang mamang may bigote at ang
lalaking nagpanggap na waiter. Muli niyang tiningnan ang spy ni Blake. Pasimple
itong umiling para ipahiwatig sa kanyang hindi pa sila pwedeng kumilos. Sumagot din
siya ng simpleng tango at saka niya ikinuyom ng maiigi ang mga kamay upang huwag
mahalatang mayroon siyang itinatago.

"Bantayan niyong mabuti ang babaeng yan!" paalala ng mamang may bigote sa mga
lalaking nakatayo sa likod niya.

Umalis ang spy sa harap ni Alex at tumayo ito sa hilera ng mga nakatayong
kidnappers sa likod niya. Hinabol niya ito ng tingin ngunit hindi na siya nito
muling tiningnan at nagpanggap ng isa sa mga nagbabantay sa kanyang kidnappers.
Pinagmasdan niya itong mabuti at napansin niyang may nakasukbit na dalawang baril
sa beywang nito.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" kunway galit na sigaw nito sa kanya.

Mabilis niyang binawi ang mga mata at umarteng tila natakot sa sigaw. Sumagot siya
ng ilang ulit na iling at sabay ngisi sa kabila ng nakaduct tape na bibig...
•••••

"Anong gagawin mo Blake?! Saan ka pupunta?" puno ng pag-aalalang tanong ni Sylvia


habang inihaharang ang sarili sa daraanan ng binata.

Kahit natataranta, nakuha pa ring maghagilap ni Blake ng ligtas na sagot. Hindi


niya pwedeng ipaalam sa mga kasama ang tungkol sa balak niyang pakikipagkita sa mga
kidnappers. Tibay ng loob at talas ng utak lamang ang tanging panlaban niya. Wala
siyang ibang plano kundi ang isugal ang sariling kaligtasan alang-alang kay Alex.
Nanalangin na lamang siya na sana sa bandang dulo'y palayain din siya kapag
naibigay niya na ang gusto ng mga kriminal.

"I need to prepare the money they're asking."

"T-Teka sandali Blake. Pag-usapan muna natin yan. Magkano ba ang hinihingi nila?"
giit ng ginang.

"We don't have time to discuss it. They told me to prepare the money within an hour
and they will call me again kung saan ito dadalhin," pagsisinungaling ng lalaki.

Tinangka ulit ni Blake na lumabas ngunit pinigilan pa rin siya ng ginang. "Mag-isa
ka lang? Paano kung ikaw naman ang malagay sa panganib?"

"They are kidnap for ransom group. They only kill their hostages if they don't get
the amount of money they're asking at walang magsusumbong sa mga pulis. Let's talk
about another plan later, after I received their instruction kung saan ko dadalhin
ang pera. For now, allow me to prepare the money alone."

"Bakit kailangang mag-isa ka?" tanong ni Tyron. "If you want I can help you with
everything to prove you na walang kinalaman dito ang Dad ko," kumpiyansang dagdag
nito.

"I don't need the help of someone I don't trust," diretsong sagot ni Blake.

"Let him go," sabay na wika nina Don Henry at General Valdemor.

Naguguluhang tumingin si Sylvia sa dalawang matanda. "P-Pero Dad, Don Henry.... sa


ganitong delikadong sitwasyon hindi pwedeng lumakad mag-isa si Blake."

"Don't worry Tita. I won't be meeting the kidnappers yet. Ihahanda ko lang ang
pera. Inaalala ko lang na baka paglabas ko dito ay may mga matang nakamanman sa
akin and if they see me na may kasama ako baka pagdudahan nilang nagsinungaling ako
sa kanila at nakapagsumbong na ako sa pulis. Baka hindi na sila makipagnegotiate
pa, mas lalong malalagay sa panganib si Alex," pagkumbinsi ni Blake sa ginang.

Umalis ang binata na walang nagawa ang mga tumututol kundi ang hayaan itong lumakad
mag-isa. Tinangka sanang sumunod ng mga bodyguards ngunit mahigpit na binalaan ang
mga ito ni Blake na walang magkakamaling bumuntot sa kanya.

Nang makaalis si Blake, pinalabas nina General Valdemor at Don Henry sina Sylvia,
Dennis at Tyron sa silid. Pinaghintay ang mga ito ng matatanda sa opisina ng mga
empleyado nang walang binibitawang paliwanag. Pagkatapos ay agad na may tinawagan
si Gen. Valdemor. Kausap nito ang mismong kasalukuyang Director General ng PNP.
Ibinigay ng matandang heneral ang numero ng plaka ng sasakyan ni Blake at iniutos
sa kausap na ialerto ang lahat ng mga presinto sa buong Luzon kasama na ang mga
pulis na nakaassign sa kalsada't traffic lights upang imonitor ang nasabing
sasakyan.
Dahil sa magandang reputasyong iniwan ni General Valdemor sa trabaho, nirerespeto
pa rin ito ng lahat ng mga kasalukuyang matataas na opisyal ng pulisya na
karamiha'y dating nasa ilalim ng pangangalaga nito. Bihira lamang humingi ng pabor
ang retiradong heneral kaya naman kapag may ipinakiusap ito'y hindi na ito
nagdadalawang salita pa. Walang tumatangging tumulong dito sapagkat ni minsa'y wala
itong hiningi na para sa sariling kapakanan lamang. Kaya't ngayong mismong pamilya
na nito at kapwa pulis din ang nasa panganib, lihim na nakared-alert ang buong
kapulisan. Maging ang mga koneksiyon ng pinaghihinalaang kalaban ay piniling huwag
nang makialam dahil alam nilang kapag kinalaban nila ang nasabing heneral, posisyon
na nila ang malalagay sa alanganin. Kahit matagal na itong wala sa tungkulin, ang
impluwensiya at respetong natatanggap ng bawat salitang binibitawan nito'y wala pa
ring pinagbago.

Matapos kausapin ang pinakamataas na opisyal ng pulisya, may sunod na tinawagan ang
heneral.

"Chief Martinez, kumusta ang sitwasyon diyan?" tanong nito.

"May nakadeploy ng bente katao sa paligid ng pinagdalhan kay Captain Valdemor.


Hindi pa natin mainfiltrate ang lugar sapagkat hindi pa matiyak ang lagay ni
Captain Valdemor sa loob. Wala na kaming natanggap na report mula sa spy, mukhang
hindi na ito makahanap ng tiyempo para gumamit ng telepono. Isa pa'y di pa rin
namin makita ang anino ng mastermind. Kailangang mahuli namin ito sa akto para
siguradong diretso na ito sa kulungan."

"Blake will be meeting the kidnappers and definitely he will be brought there to
execute their plan. Pagdating niya tiyak na mahahati ang atensiyon ng mga kriminal
sa pagsasagawa ng plano nila kaya't may pagkakataon na si Captain Valdemor at ang
spy na dumiskarte. That time get ready to attack."

"Yes, general. We're just one kilometer away from the place. Naghihintay lang kami
ng signal mula kay Captain Corpuz. He's the one heading the twenty men."

Nagpalitan ang magkausap ng opinyon para maisagawa ng tama at malinis ang pag-atake
sa lugar. Pagkatapos ng seryosong pag-uusap ay humugot ng isang malalim na buntong-
hininga si General Valdemor.

"Chief Martinez, please save Blake and my granddaughter," pahabol na bilin nito
nang puno ng pag-aalala.

"General, you don't have to tell me that. I treat Alex as a daughter too, not just
me but all of us in the team sincerely cares for her. We are willing to do our best
to save her and Mr. Monteverde. And a police officer as skilled as your
grandaughter, I have huge faith that she'll get out of this situation unharmed."

"Thank you. By the way, Chief Martinez. We'll be on our way there."

"B-But you don't have to come here. You're health is not in a very good condition
now."

"Huwag kang mag-alala kaya ko pa. I can still hold a gun if needed. Besides, I'm
bringing an important weapon with me," sabay tingin ng heneral kay Tyron mula sa
salaming dingding.

"I'm going with you. I want to be there in case I need to negotiate to that man in
behalf of my grandson," wika ni Don Henry na diing-diin ang pagkakasabi sa salitang
'that man' pagkatapos ibaba ni General Valdemor ang telepono. "Prepare the car.
We're leaving now," seryosong utos nito sa mga naiwang bodyguards ng apo.
"Sasama rin ako Papa. Gusto kong may maitulong din sa pagliligtas sa anak ko,"
salita ni Ginoong Lauro.

"Just stay here. Your wife and your son also need someone who can give them
strength right now," sagot ng matandang heneral.

Bandang alas siyete ng gabi ay nakatanggap na ng report ang leader ng private


investigation team ni Blake mula sa spy na nakasama sa lugar ng pinagdalhan kay
Alex. Inireport din sa lider kung ano ang mga dahilan at kabuuang plano ng pagdukot
sa dalagang pulis. Sa halip na ipaalam kay Blake, mas piniling sabihin ng leader
kay Don Henry at General Valdemor ang tungkol sa napakaimportanteng impormasyong
natanggap. Matapos himayin ang buong sitwasyon napagtanto nilang ginagamit si Alex
ng mga kidnappers upang mapapunta mismo nang mag-isa si Blake sa lugar na
pinagdalhan sa babae. Na si Blake ang sadyang pakay ng mga kriminal.

Maaga pa lamang ang gabi at habang naghihintay si Blake sa tawag ng mga kidnappers,
walang kamalay-malay ang binata na nakikipagmeeting na pala si General Valdemor,Don
Henry at ang leader ng sariling investigation team para planuhin ang pag-atake sa
mga kidnappers. Pinili nilang huwag ipaalam sa binata at sa ina ng dalaga ang totoo
sapagkat alam nilang hindi sasang-ayon ang mga ito sa kanilang plano. Lalo na si
Blake, isasakripisyo nito ang sariling kaligtasan para sa kapakanan ng kasintahan.
Kagaya nga ng ginawa nito ngayon, hindi sila nagkamaling nakahanda itong
makipagkita ng palihim sa mga kriminal ng walang anumang planong nakahain.

Kanina sa headquarters nina Chief Martinez, bawat kasamahan ng dalaga ay nagpamalas


ng pag-aalala. Lahat ay halos gustong sumama sa operasyon. Maging si James na
kasalukuyan sanang nasa leave of absence dahil sa nalalapit na kasal ay walang
pagdadalawang-isip na nagboluntaryong sumama sa meeting matapos makarating sa kanya
ang balita. Ipinadala rin ng mataas na pamunuan ng pulisya ang mga sharpshooters
na pulis upang sila ang ipronta sa gagawing pag-atake.

Dinala si Alex sa isang hideout sa kabundukan ng Sierra Madre na nasasakupan ng


lalawigan ng Real, Quezon. Pinaghihinalaang ang nasabing lugar ay isang lihim na
kuta ng mga illegal loggers na pinamamahalaan din ni Pablo Garcia. Bandang alas
onse ng gabi ay napapalibutan na ng mga pulis ang buong hideout. Nakatago ang mga
awtoridad sa mga malalaking punong nakapalibot sa lugar. Ingat na ingat at walang
ingay na nagmamanman ang mga ito habang naghihintay ng tamang tiyempo o senyales
mula sa spy na pwede na silang sumalakay. Bukod sa mga nakaposteng pulis sa
paligid, nasa may di kalayuan din ng bahagi ng bundok ang grupo nina Chief Martinez
na binubuo ng mahigit trenta pang mga kapulisan.

------

Tinanggalan ng piring si Blake matapos ang mahigit dalawang oras ng biyahe. Patulak
siyang pinababa sa van ng tatlong mga kalalakihang kasama. Ang pakikipagkita niya
sa mga lalaki ay isang paraan lamang pala ng pagsundo sa kanya. Pagdating niya sa
tinurong Arkanghela Villa ay piniringan, kinapkapan at pinalipat agad siya ng mga
ito sa isang van. Itinago rin ang kotseng ginamit niya upang huwag magamit na
ebidensiya.

Sa gitna ng masukal na kagubatan, ibinaba siya sa tapat ng isang konkretong pader


na may taas na mga dalawa't kalahating metro. Di na siya makahaghintay na malaman
kung ano ang nasa likod nito at makita ang kalagayan ng kasintahan. Madilim pa rin
ang buong paligid ngunit nakakarinig na siya ng pagtilaok ng mga manok. Naamoy niya
rin ang simoy ng hangin na nagmumula sa tila bagong kaingin na bahagi ng
kabundukan.

Nahinto siya sa paglinga sa paligid nang itulak siya papasok ng isang malaking gate
na gawa sa magaspang at makapal na kahoy. Nagulat siya nang makita kung ano ang
nasa likod ng mataas na pader. Isa itong pinatag na bahagi ng bundok na mahigit
dalawang hektarya ang laki. May patong-patong na higanteng mga troso sa bawat
gilid. May limang maliliit na tambayang kubo kung saan may mga alertong nakatayong
armadong kalalakihan at sa bandang kalagitnaan ng lugar ay may isang sementadong
bodega na gawa sa pinagdikit-dikit na hindi pa nakakatamang mga tabla ng niyog ang
bubungan.

Naglakad sila patungong bodega habang nakatingin sa kanya ang mga armadong
kalalakihan. Nakahawak ito sa mga sukbit na mahahabang baril na animo'y handa
siyang barilin anumang oras na magkamali siya ng galaw. Papalakas ng papalakas ang
kabog ng kanyang dibdib habang papalapit sila sa bodega. Kung hindi lang siya
kailangang mag-ingat ng galaw, kanina niya pa tinakbo ito upang makita agad si
Alex.

Kinapkapan ulit siya ng mga bantay sa pintuan. Hinubad ang suot niyang sinturon at
relos bago siya pinapasok. Nakakailang hakbang pa lamang siya sa loob, nakita niya
agad si Alex na nakatali sa silya habang nakatakip ang bibig. Nanlaki ang mga mata
nito pagkakita sa kanya at paulit-ulit na umiling bilang pahiwatig ng pagtutol sa
pagsama niya sa mga kidnappers.

"A-Alex..." hinihiwa ang dibdib na sambit niya. Tinangka niyang lumapit sa


kasintahan subalit pinigilan siya ng mga lalaki.

"Let her go! Andito na ako kaya pakawalan niyo na siya!" pagpupumiglas niya.

Nagbukas ng isa pang ilaw malapit sa mesa kung saan kanina'y nag-iinuman ang mga
bantay. Hinawi ang mga bote't upos ng sigarilyo sa ibabaw nito at sapilitang
pinaupo si Blake sa isang mahabang silya.

"Hindi pa siya pakakawalan hangga't hindi pa namin nakukuha ang kailangan namin
sayo!" sabi ng mamang may bigote. Sa kilos at pagmamando nito sa mga kasamahan
halatang ito ang may pinakamataas na posisyon sa mga naroroon.

"What do you want? Let me do it now!" di makapaghintay na singhal ni Blake habang


pilit iniiwasang tumingin sa direksiyon ni Alex sapagkat alam niyang hindi ito
sumasang-ayon sa ginagawa niya.

Nagbitiw ng isang malakas na paswit ang mamang may bigote. Pumasok ang isang
tauhang may bitbit na attache case. Inilabas nito ang file ng mga dokumento at
inilapag ito sa harap ni Blake. Nagtaka ang binata habang pinagmamasdan ang
lalaking nagdala ng attache case. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang mamukhaan
ito. Isa ito sa mga spy niya kay Garcia. Tinitigan niya ito ng mabuti habang hindi
alam kung matutuwa o magdududa. Bakit walang nakarating na report sa kanyang
naririto pala ito? Ilang oras siyang naghahagilap ng impormasyon para malaman kung
nasaan si Alex samantalang may tauhan pala siyang kasama sa mismong pinagdalhan ng
babae. Umigting ang galit sa kanyang dibdib at nais niyang tawaging traydor ang
tauhan subalit nang mapatingin siya kay Alex, umiling ang kasintahan na animo'y
alam ang kasalukuyang nararamdaman niya. Tiningnan siya nito ng makahulugan habang
umiiling. Hindi niya makuha ang ibig ipahiwatig nito tungkol sa lalaki pero isa
lang ang sigurado niya; na inuutusan siya ng girlfriend na huwag magpadala sa
galit. Pinigilan niya ang sarili at saka napagtantong posibleng nasa panig niya pa
rin ang spy. Na maaring malagay sila sa alanganin kapag nabukong may tauhan siya
dito.

"Ano tong mga papeles na ito?"

"Basahin mo. Kanina pa naghihintay sa pirma mo ang mga yan," nakangising sagot ng
mamang may bigote.
Dinampot ni Blake ang mga papel at mabilis na nagbasa. Nanlaki ang mga mata niya sa
nilalaman ng mga dokumentong kailangan niyang pirmahan. Isinasaad ditong
idinodonate niya ang lahat ng share niya sa Golden Pacific sa isang Caring Palm
Foundation. Sinasabi din ditong lahat ng pagmamay-ari niya kasama ang mga
kayamanang nakatago sa bangko ay bukal sa loob na ibibigay niya sa nasabing
foundation kung sakaling may mangyaring masama sa kanya nang walang naiwang legal
na tagapagmana. Nanggigigil na itinapon niya ang mga papeles sa mesa.

"Where's your boss?!" galit na wika niya. "I want to talk to him!"

"Andito ka ba para humiling ng kung ano-ano o para tubusin ang girlfriend mo?"

"You're ripping me off my wealth I have at least the right to demand things I
want!"

Nakangising pinisil ng isang kamay ng mamang may bigote ang magkabilaang pisngi ni
Blake. "Akala ko ba nakahanda kang ipagpalit lahat ng kayamanan mo alang-alang sa
pinakamamahal mong babae. Bakit mukhang nagdadalawang-isip ka na ngayon? Huwag mong
sabihing lumalabas na ang totoong kulay mo?"

"Do you think what you're doing is legal?! It won't be honored because any signed
documents you acquired by force will be considered void and invalid by law!"

"I know it's void ....if it's proven that we forced you to sign it. But the
question is, how are you going to prove it if you don't exist anymore?"

Natigilan ang lahat nang biglang may pumasok sa bodega. Tumalim ang mga mata ni
Blake habang tinitingnan ang papalapit na si Pablo Garcia. Kakaiba sa nakasanayan
niyang hitsura nito na kadalasa'y nakabihis ng suit, nakasuot ito ng maong na
pantalon, leather boots, jacket na itim at sumbrerong gawa sa rattan. Naninigarilyo
ito ng tabako habang ngingisi-ngising lumalapit sa kanya.

"Finally, Satan showed up," nakakalokong komento niya. "I pity you. Gaano ka ba
kadesperado na mapasakamay ang Golden Pacific?!"

Binunot ni Garcia ang baril na nakasukbit sa beywang ng isa sa mga tauhan at walang
pasabing itinutok ito sa binata.

"To a point of killing you if you won't sign that documents!"

Nakaramdam ng kaba si Blake habang tinitingnan ang baril na nakatutok sa kanya


ngunit hindi niya ito pinahalata. Alam niyang wala pang gagawin sa kanyang masama
ang mga kriminal hangga't hindi ng mga ito nakukuha ang gusto. Di siya pwedeng
magpatinag sa mga pananakot hangga't hindi napapakawalan si Alex.

Nagkukunwari namang kalmadong si Alex sa kabila ng nagpupumiglas na galit at pag-


aalalang nararamdaman. Habang nasa kay Blake ang atensiyon ng lahat, pasimpleng
ginugutgot niya ang makapal na lubid na nakatali sa kanyang mga kamay. Kanina niya
pa ito ginagawa sa tuwing walang nakatingin subalit nahihirapan siya dahil sa
matibay na panali ang ginamit kumpara sa maliit na patalim na gamit niya.
Sinamantala niya ang pagkakataon habang abala ang lahat kay Blake para bilisan ang
paggutgot sa tali kahit pa ramdam niyang nagkakanda sugat-sugat na rin ang kamay
niya.

"Whose foundation is this? Kahit pa ibigay ko lahat ng kayamanan ko dito if the


court traced that this is connected to you, don't you think they will find it
questionable? How can I donate my share to a foundation owned by a member of the
board of directors whom from the start had shown interest on taking over the
company?" mahinahong pahayag ni Blake na animo'y walang bakas ng takot ang mukha
kahit pa tutok na tutok sa sintido niya ang baril.

Tumawa ng malakas si Garcia. "Blake, Blake, Blake you're maybe a smart young man
but don't ever assume that your intelligence could already surpass mine. I won't be
who I am today kung hindi dahil sa talino ko unlike you who just because born with
a golden spoon in his mouth, akala'y alam na ang lahat. Kahit sa isang pinakamaliit
na dokumento ng foundation na yan ay walang pangalang Pablo Garcia na lulutang. But
guess what? That foundation listens to every word I say and every penny that
belongs to it, belongs to me. Just like the other companies I have right now."

"Makuha mo man lahat ng mga pag-aari ko but aren't you forgetting that my Grandpa
is still alive?"

"But what does your idiot grandfather has? Except from his share in the Golden
Pacific, I know he already transferred all his wealth under his beloved grandson's
name. Di sana ang matandang iyon ngayon ang naririto at hindi ikaw. Your share, my
share and the shares of those directors who support me are enough para mawalan ng
kapangyarihan sa Golden Pacific ang ipinagmamalaki mong lolo. And therefore what
are you waiting for Blake? Be a good boy. Pirmahan mo na ang mga dokumentong iyan!"

Seryoso ang mukhang tumingin si Blake sa direksiyon ni Alex at saka matigas na


muling tumingin kay Garcia. "Let her go first."

"Ano ako tanga? Hindi ko pakakawalan yan hangga't hindi mo pinipirmahan ang mga
dokumento!"

"I don't trust you. If you won't release her before I sign this then do whatever
you wish to do with us! But I assure you that everything you've done today will be
wasted! You won't get a single cent from me!"

Ibinaba ni Pablo Garcia ang hawak na baril at ibinalik ito sa tauhan. Humitit ito
ng tabako at tahimik na nagbuga ng pabilog na mga usok. Mukha itong kalmado ngunit
ang totoo'y nagngingitngit na ito sa pagmamatigas ng binata. Tinanguan nito ang
dalawa sa mga tauhan.

"Do what I told you earlier," utos nito.

Lumapit kay Blake ang dalawang lalaki at hinawakan siya ng mga ito sa magkabilaang
braso. Lumapit ulit ang spy ng binata sa attache case at inilabas nito ang isang
stamp pad.

"Get off me! What are you doing?!"

"Akala mo ba'y hindi ko inasahang magmamatigas ka?" ngingiti-ngiting wika ni


Garcia.

"I told you I'll sign unless you let go of Alex first!"

Nanlaban si Blake ngunit balewala ang lakas niya kumpara sa dalawa. Sapilitang
hinawakan ng isang lalaki ang kanang kamay niya at puwersadong idiniin ang
hinlalaki niya sa stamp pad. Nakapulupot naman sa balikat niya ang kamay ng isa
pang lalaki at ang kabilang kamay nito ay nakahawak sa kaliwang kamay niya.

"Bitawan niyo ako!"

Isa-isang nilagyan ng thumbark niya ang bawat pahina ng mga dokumento. Nang matapos
ay saka lamang siya binitawan ng dalawang lalaki. Humahangos na tumingin siya ng
matapang kay Garcia.
"Sa palagay mo my thumbmark is enough? I am a person who's capable of writing and
therefore that documents will never be honored!"

"With my excellent mind, sa tingin mo ba I'm not capable of making a very good
story why you only have your thumbmark in the papers? Yes, it's may be questioned
but it doesn't completely mean that it's void. Kaya kung ako sayo pipirmahan ko na
yan tutal naselyuhan na rin naman yan ng daliri mo," nakakalokong sagot ni Garcia.

"After what you've just done. I won't give a single amount of trust to your words
anymore unless pakawalan mo muna si Alex!"

Tinanguan ulit ni Garcia ang isa sa mga tauhan at nagkataong ang spy na ito ni
Blake. Inginuso nito si Alex at agad namang nakuha ng tauhan ang ibig ipakahulugan
ng tangong iyon. Lumapit ang spy kay Alex. Ikinasa nito ang baril at tinutukan sa
sintido ang dalaga.

Unti-unting nawalan ng kulay ang mukha ni Blake sa nakita. Naglaho ang natitirang
tapang sa kanyang dibdib habang tinitingnan ang nakatutok na baril sa babae.
Bagama't ang spy niya ang gumagawa nito pero sa mga ipinamalas ng lalaki malaki ang
posibilidad na bumaliktad na ito.

"Mamili ka. You sign that papers and hope for the chance na pakakawalan namin ang
babaeng yan or you'll personally witness how we blow her brain dahil sa
pagmamatigas mo," babala ni Garcia.

Bahagyang nanginginig ang kamay na dinampot ni Blake ang ballpen. Umiling si Alex
bilang pagtutol subalit inalis din agad ng binata ang mga mata sa kasintahan.
Napapalunok na pinirmahan niya isa-isa ang mga dokumento habang ngingisi-ngising
pinapanood siya Garcia. Itinapon niya sa mesa ang mga napirmahang papel pagkatapos
ay dali-dali siyang tumayo para lapitan si Alex. Ngayong nakuha na ng direktor ang
gusto nito umaasa siyang pakakawalan na nito ang dalaga. Ngunit biglang diniinan
ang magkabilaang balikat niya ng dalawang lalaking nakatayo sa likuran niya.

"Saan ka pupunta?"

"I'll untie her. NAKUHA NIYO NA ANG GUSTO NIYO! NOW IT'S YOUR TURN TO FULLFIL YOUR
PROMISE!" namumulang sigaw niya.

Tatawa-tawang dinampot ni Pablo Garcia ang mga pinimarhang dokumento at isa-isang


sinuri kung walang nakaligtaang pirma. Pagkuway tiningnan niya si Blake. "Tsk, tsk,
tsk... you should have listened to me when I advised you that this woman doesn't
suit you. Look what she'd done to you. She was never been good to your image and
now she caused you to die as a poor man."

Nangangalit ang panga na tinitigan ni Blake si Garcia. "How could you live like
this? Don't you have a single ounce of compassion left inside your heart?"

Humalakhak si Pablo Garcia at sabay tapon sa sahig ng tabako. "Compassion? Kagaya


mo? You lost everything just to save this woman who doesn't even deserve a guy like
you! Pero huwag kang mag-alala since you're a young man who believes in true love
I'm going to put a beautiful ending in your love story. Both of you will die today
in each other's arm," sabay tawa ulit nito ng malakas na halatang tuwang-tuwa sa
galit na galit na reaksiyon ni Blake.

"Pagbabayaran mo rin lahat ng mga kasamaan mo! You can't get away forever from the
law!"

Sinenyasan ni Garcia ang mga tauhan para bitbitin na sa labas ang binata. Ngunit
nang mapadaan ito sa harap niya ay bigla siyang napalingon sa babaeng nakatingin sa
kanya nang may nanlilisik na mga mata.

"Wait," pigil niya sa mga tauhan. Lumapit siya kay Alex at tinanggalan ito ng takip
sa bibig. "I'm giving you a chance to say your last words to him," nangugutyang
wika niya.

Nagkatitigan ang magkasintahan. Gustong dumungaw ng mga luha ni Alex habang


tinitingnan si Blake. Bagama't hindi pinapakita ng boyfriend, pero ramdam niya ang
takot sa dibdib nito para sa kanilang dalawa. Malaki ang pag-asa niyang makakalabas
sila ng buhay sa kuta ni Garcia ngunit ang isiping posible pa ring may mangyari
masama sa sinuman sa kanilang dalawa ay nagtutulak sa kanya upang ibuka ang bibig.

Hindi niya napigilang mangilid ang mga luha habang tahimik na nakikipagtitigan sa
kasintahan. Nais niyang sabihin sa lalaki na sa buong buhay niya at sa mga natitira
niya pang sandali'y wala siyang ibang gustong gawin kundi ang mahalin ito. Na
nagpapasalamat siya sa pagmamahal na ibinigay nito sa kabila ng maraming dahilan
upang huwag siyang mahalin. Ipinapangako niyang pupunuan ang lahat ng mga naging
pagkukulang niya at wala na siyang ibang hangad ngayon kundi ang makasama ito
habangbuhay. Na pagsisilbihan niya ito at gagawin niya ang lahat para maging
karapat-dapat na babae para sa kanya. Na magiging mabuting ina siya sa kanilang
magiging mga anak. Handa siyang ibigay ang mga bagay na hindi nito naranasan sa
isang pamilya.... At higit sa lahat gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng mga
naging pagkakamali niya at kung bakit sila humantong sa ganitong trahedya.

Ibubuka niya na sana ang bibig subalit naisip niyang kapag ginawa niya ang mungkahi
ni Garcia ay parang tinatanggap niya na magkakatotoo ang sinabi nito. Umatras ang
mga nakadungaw na luha sa kanyang mga mata at matapang na nginisian niya ang
kaharap nang walang anumang binibitawang salita.

"Tsk, you are really one tough woman. Let's test kung talaga bang wala nang
natitirang kalambutan diyan sa dibdib mo. I'm going to give you a good show as your
reward for messing up with all my plans."

Lumayo si Garcia sa babae ngunit binilinan nito ang spy na manatili sa pagtutok ng
baril. Pagkuway sinenyasan nito ang tatlong tauhan kasama ang mamang may bigote.
Dinala si Blake sa tapat ng ilaw at ipinuwesto sa kung saan kitang-kita ito ni
Alex. Dumukot si Garcia sa jacket ng tabako at muling nagsindi sabay kumpas nito ng
isa sa tatlong kalalakihan. Walang kaabog-abog na sinuntok ng mamang may bigote si
Blake sa magkabilaang panga. Ang isa naman ay nagpakawala ng isang kamao sa sikmura
ng binata habang ang isa'y malakas na siniko ito sa batok. Buong tapang na
tinanggap ni Blake ang pambubugbog sa kanya. Pinigilan niyang huwag dumaing alang-
alang sa mararamdaman ng katipan.

Napayuko't napapikit si Alex habang tila tinatarakan ang puso niya sa tuwing
naririnig ang mga suntok at sipang natatanggap ni Blake. Natutukso siyang sumigaw
at magmakaawa ngunit pinilit niya pa ring manahimik upang huwag makakuha ng
atensiyon. Nakapikit na nagconcentrate siya sa paggutgot ng tali sa kanyang mga
kamay. Nang malapit niya na itong mapigtas saka lamang siya nagmulat at nag-angat
ng mukha. Matapang na tiniis niya ang tanawing nakikita. Una'y tiningnan niya nang
makahulugan ang lalaking tumututok sa kanya ng baril at saka niya inilipat ang mga
mata sa isa pang baril na nakaipit sa beywang nito. Iginala niya ang mga paningin
upang tantiyahin ang mga kalabang naroroon. Tatlo ang nasa pintuan, dalawa ang nasa
tabi ni Garcia, kung saan nasa bandang kanan ang mga ito mula sa bugbugang
nagaganap, at ang tatlong kalalakihang nambubugbog kay Blake.
Iniwasan sanang tingnan ni Alex ang kasintahan ngunit nahagip ng mga mata niya ang
nakahandusay na katawan nito sa sahig. Duguan ang mukha at kaunting pananakit na
lamang ay maaring mawalan na ito ng malay. Nangilid ang kanyang mga luha at ramdam
niya ang panginginig ng mga kalamnan niya sa galit. Napigtas niya ang tali sa mga
kamay at napansin din ito ng spy. Nagkatinginan sila ng lalaki at simpleng nag-usap
ang kanilang mga mata. Inginuso niya sa spy kung sinu-sino ang mapupunta sa kanya
at kung sinu-sino ang para sa lalaki.

Sa aktong hahambalusin ng mamang may bigote si Blake ng silya, mabilis na binunot


ni Alex ang ekstrang baril mula sa beywang ng spy. Lumundag siya papahiga sa sahig
at parang kidlat sa bilis na asintadong pinagbabaril sa mga kamay at paa ang
tatlong mga kalalakihang bumubugbog kay Blake. Mabilis namang inalis ng spy ang
pagkakatutok ng baril kay Alex sa halip ay inasinta ang mga lalaking nakabantay sa
pintuan. Pinagbabaril niya ang mga ito bago pa man makalabit ang kani-kanilang mga
armas. Nakita ni Alex na bumunot ng baril ang dalawang katabi ni Garcia ngunit
inunahan niya na ang mga itong paputukan sa kanilang balikat at parehong nabitawan
ng mga lalaki ang hawak na armas. Dadamputin sana ni Garcia ang nabitawang baril ng
tauhan ngunit bigla siyang tinutukan ng spy. Pinagsisipa ng spy ang mga nabitawang
baril papalayo sa mga kriminal.

Kasabay ng unang putok na pinakawalan ni Alex ay ang pagsugod ng mga nakapaligid na


pulis. Magkakasunod na inakyat ng mga ito ang mataas na pader at winasak ang gawa
sa kahoy na gate. Dumating na rin ang grupo nina Chief Martinez kaya't wala nang
nakapunta pang kalaban sa loob ng bodega dahil abala na rin ang mga ito sa
pakikipagbarilan.

Dinig ni Alex ang barilang nagaganap sa labas. Nagtatakang tumingin siya sa spy na
noon ay nanatiling nakatutok ang baril kay Garcia.

"May back-up tayo. Nandito ang mga pulis," kusang paliwanag nito.

"Sinong tumawag ng pulis? Sino kang traydor ka!" galit na galit na singhal ni
Garcia sa spy.

Nagmamadaling tinanggal ni Alex ang tali sa mga paa. Parang sasabog ang dibdib sa
pag-aalalang nakatingin sa tila walang malay at nakahandusay na kasintahan. Patakbo
siyang lumapit sa binata at nanginginig ang mga kamay na inihiga ito sa kanyang mga
hita.

"B-Blake..." tawag niya sa nakapikit na lalaki. Maingat na pinunasan niya ng


kanyang damit ang duguang mukha nito. Unti-unting pumatak ang kanyang luha habang
tinitingnan ang nakakaawang hitsura nito. Gumalaw ang binata at dahan-dahan itong
nagmulat. Agad siyang nagpahid ng luha at sinalubong ng pilit na ngiti ang pagmulat
ng boyfriend.

"W-Wifey..." nahihirapang bigkas nito. "A-Are you hurt?"

Napakagat sa labi si Alex sa tinuran ng kasintahan. Pinilit niyang huwag maiyak


muli. Pasimpleng tumingala siya upang paaatrasin ang mga namumuong luha sa mga mata
saka siya bumuntong-hininga at muling tumingin sa binata.

"O-Okay lang ako Blake..." may ngiting sagot niya.

Napaubo't daing ang mamang may bigote. Napapangiwi ito sa sakit ng tama ng baril.
Napatingin si Alex sa mama at unti-unting tumapang ang kanyang mukha. Muling
nabuhay ang pansamantalang humupang galit sa dibdib niya. Dahan-dahang inalis niya
si Blake sa kanyang mga hita at matatalim ang mga matang dinampot niya ang baril.

" A-Alex..."

Hindi niya pinansin ang tawag ni Blake sa halip ay tinutukan niya ang tatlong
lalaking bumugbog sa kasintahan. Nanlalaki ang mga matang pinagsisipa niya ang mga
tama nito. Inapakan at pinagdidiinan ang mga sugat hanggang sa mamilipit ang mga
ito sa sakit.

"Masakit ba?! Kulang pa yan! Titiyakin kong pagdudusahan niyo ang mga tama ng
balang yan. Habambuhay niyong maalala ang araw na ito!" namumula sa galit na wika
niya.

Lumipat ang mga mata niya kay Pablo Garcia na noon ay tahimik na nakatingin sa
kanya. Bakas sa hitsura nito ang kaba at takot habang tinututukan pa rin ng spy.
Sinenyasan niya ang kakampi na ibaba nito ang baril. Pagkuwa'y lumapit ang lalaki
kay Blake at inalalayan itong tumayo.

Tila sinasaniban ng ibang kaluluwa si Alex habang lumalapit kay Garcia. Namumula
ang mukha, nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang buong kalamnan na itinutok
niya ang baril sa ulo ng kriminal. Hindi siya nanakot. Sadyang balak niyang
kalabitin ang gatilyo.

"Ngayon lang ako hindi magdadalawang-isip pumatay ng kriminal," nanginginig ang


boses at nangingilid ang luha na wika niya.

"Please don't kill me. Maawa ka sa pamilya ko. Aren't you a good friend of my son?
Hindi mo magagawang patayin ang ama ng kaibigan mo," nakikiusap na bigkas ni
Garcia.

Ngumisi si Alex. "Bakit ako maawa? Ikaw nga na sariling ama ay hindi marunong maawa
sa anak mo! Pinatay mo ang kaibigan niya! Tinakot, sinaktan at pinalayo mo ang
babaeng mahal niya! Higit sa lahat pinaniwala mo siyang mabuti kang ama, na mabuti
kang tao! Ngayon, anong karapatan mong gamitin ang anak mo para kaawaan kita?!"
natatawang tugon niya habang unti-unti nang namumuo ang mga luha sa kanyang mga
mata.

Nakahanda na siyang kalabitin ang baril. Wala ni anumang pag-aalinlangan sa dibdib


niya. Buo ang desisyon at loob niyang patayin ang demonyong kaharap.

"S-Stop it Alex."

Natauhan siya mula sa pansamantalang pagkalason ng utak sa galit. Unti-unting


bumalik sa normal ang matatalim niyang mga mata nang marinig ang boses ni Blake
ngunit nanatili pa ring nakatutok kay Garcia ang hawak niyang baril.

"D-Don't ever c-commit a mistake that will haunt you for the rest of your life..."

Saka lamang tuluyang natauhan si Alex matapos mapaalalahanan ng nobyo. Bakit nga
naman siya gagawa ng isang kasalanan dahil lamang sa bulok na taong gaya ni Pablo
Garcia? Mas mabuting habambuhay na pagbayaran nito sa miserableng kulungan ang mga
nagawang kasalanan. Ang maranasan nitong harapin ang panghuhusga ng publiko matapos
mailabas lahat ng mga nakatagong baho.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na baril. Bago tumalikod, biglang binigyan
niya ng isang paikot na sipa sa panga si Garcia. Natumba ang negosyante at pagkuway
nginisian niya ito.

"Pasensiya na po Mr. Garcia pero pagdating sa krimen wala akong kinikilalang edad,"
sarkastikong wika niya sabay kuha sa attache case. Inilabas niya ang mga
dokumentong pinirmahan ni Blake at pinagpupunit ito sa harap ni Garcia.

Naririnig niya pa rin ang palitan ng putok sa labas ng bodega. Naisip niyang ilabas
na ang mastermind at ipahiwatig sa mga tauhan nitong magsisuko na lamang sapagkat
hawak na nila ang kanilang pinuno. Tumalikod siya upang lumapit kina Blake.
Nakipagpalit siya sa pag-akay sa boyfriend at inutusan ang spy na siyang maglabas
kay Garcia sa bodega. Yumakap sa kanya si Blake at niyakap niya rin ito ng
mahigpit. Sinabi niya sa lalaking huwag ng gaanong mag-alala dahil may mga pulis sa
labas na tumutulong sa kanila. Noon lamang sila bumalik sa reyalidad at sa mga
sandaling iyon pakiramdam nila ay mahalaga pa sa ginto ang bawat segundong
magkasama sila. Kumapit sa kanya si Blake ng mahigpit na para bang ipinahihiwatig
nitong hinding-hindi na siya pwedeng lumayo sa tabi nito.

"C-Captain Valdemor..." sambit ng spy.

Napalingon ang magkasintahan at nagulat ang mga ito nang makitang may hawak na
granada si Garcia na nakapa nito sa bulsa ng jacket ng nakahadusay ring
tauhan.Hindi na tumuloy pa sa paglapit ang spy sa kriminal sa halip ay dahan-dahan
itong napaatras pagkakita sa bomba.

"Who said you can outwit me?" nakangising wika ni Pablo Garcia habang tumatayo at
nakahawak sa pin ng granada. " Sundin niyo ang lahat ng sasabihin ko or else sabay-
sabay tayong mamatay sa loob ng warehouse na to!"

"W-What else do you want? Y-You're already sorrounded by the authorities. Why don't
you just surrender and face your reality," tugon ni Blake.

"Surrender? I'd rather die kaysa sa makulong kaya't kung mahuhuli din lang ako,
pare-pareho na tayong mamatay!"

"A-Ano bang gusto niyo? Ipaparating ko sa mga pulis," boluntaryong wika ng spy.

"Sabihin mong lisanin nila ang lugar na ito kung ayaw nilang maabutang bangkay ang
mga taong inililigtas nila!"

Pumunta sa may pintuan ang spy at sumigaw. Ipinaalam nito ang sitwasyon sa loob ng
bodega. Agad na nakilala ni Chief Martinez at James ang lalaki kaya't nagbigay ito
ng utos sa mga kasamahang itigil ang pagpapaputok.

"TELL THEM TO BRING A ESCAPE CAR AND ALL OF THEM SHOULD LEAVE THE PREMISES!" sigaw
ni Garcia.
Ipinarating ulit ng spy ang kahilingan ni Pablo Garcia. Napipilitang uling mag-utos
ang hepe na magdala ng sasakyan at sumenyas sa mga tauhan na pansamantalang lisanin
ang lugar. Sa pagkakataong ito, hindi nila pwedeng galitin ang nanghohostage. Isa-
isang nag-atrasan ang mga pulis subalit bago pa man makaalis ang mga ito sa kuta ng
mga kidnappers biglang sumulpot si Tyron sa gate. Pinigilan ng binata ang hepe sa
pagsunod sa kahilingan ng ama sa halip ay buong tapang itong naglakad papasok ng
bodega. Tumakbo ang isang pulis papalapit kay Tyron upang pigilan ito sa binabalak
ngunit iginiit ng binata ang kagustuhang makausap ang ama.

"TELL THEM I'M ONLY GIVING THEM 15 MINUTES TO FOLLOW MY ORDERS!" sigaw ulit ni
Garcia.

"Walang sasakyang darating and you're not going anywhere."

Sabay-sabay na napalingon sina Blake, Alex at Pablo Garcia sa nagsalita. Lahat ay


nagulat sa biglang paglitaw ni Tyron sa pintuan.

"S-Son?..." maamong sambit ng ama.

Parang binabarena ang dibdib ni Tyron habang pinagmamasdan Si Pablo Garcia.


Nasisindak siya sa nasasaksihang hitsura nito na para bang isang taong sinasapian
ng demonyo habang nakahawak sa granada. Hirap siyang papaniwalain ang sarili na ama
niya nga ang nakikita.

"You have only two choice. Either you surrender or all of us will die together
here," madiing wika niya.

"T-Tyron.... don't get me wrong son. I'll explain to you everything. Nagawa ko lang
ang lahat ng ito para sa inyo," paliwanag ni Garcia.

"Ang alin? Ang pumatay? Ang mag-extort? Ang mangidnap? Ano pang mga kasamaan ang
pinaggawa mo Dad para sa amin? Should we start blaming ourselves now why you turned
out this way?"

"You won't understand Tyron. I did all these to give you the best life so just help
your father escape. Leave this place now!"

Sumagot si Tyron ng ngisi sa tila ibang taong ama. "I'm not leaving. If you kill
them, then kill me too. Let's all die together here!"

"GET THE HELL OUT OF HERE!" namumula sa galit na sigaw ni Pablo Garcia.

"I WON'T! I'D RATHER DIE THAN SPEND MY WHOLE LIFE LIVING UNDER THE SHAME OF HAVING
A FATHER LIKE YOU!!!" buong tapang ngunit naluluha-luhang sagot ni Tyron.

Natigilan si Garcia sa narinig. Ang mga binitawang salita ni Tyron na yata ang
pinakamasakit na narinig niya sa tanang buhay niya....Ang ikahiya siya ng sariling
anak.

Unti-unting huminahon hanggang sa ipinakita na ni Tyron ang totoong nararamdaman.


Ang lungkot, kabiguan at awa para sa ama. "I'm begging you Dad. Face your
punishments and pay for your sins. Iyan na lang ang pinakahuling bagay na pwede
mong maibigay para may matira namang dignidad sa pamilya natin... Please stop doing
this to yourself. Be a real father to me this time. Show me that you're willing to
take responsibility of your wrong decisions," seryosong pakiusap niya.

Ilang saglit na natahimik si Pablo Garcia. Nanghihina itong napaupo hanggang sa


dahan-dahan nitong binitawan ang hawak na granada. Pagkalapag sa sahig ng bomba,
mabilis na lumapit ang spy sa nanlalatang lalaki at hinawakan ito sa magkabilaang
braso. Lumapit din si Alex at tinulungan ang spy na ilabas ng bodega si Garcia.
Pagkakita ng mga tauhan na nahuli na ang kanilang amo agad na nagsipagsukuan ang
mga ito. Lumapit ang mga pulis kina Alex. Nangunguna na dito sina James, Balatbat
at Chief Martinez upang kumustahin ang kalagayan ng dalagang pulis. Pinosasan agad
si Garcia at ang mga kasabwat nito saka pinagtulung-tulungang dalhin sa sasakyan.

Naantig ang damdamin ni Alex habang pinagmamasdan ang abalang paligid, ang mga nag-
aalalang reaksiyon ng mga kasamahan lalong-lalo na ng mga malalapit sa kanya.
Ramdam na ramdam niya ang suporta at pag-aalala ng mga ito sa kanya. Sa kabila ng
hirap na pinagdaanan, lumulundag ang puso niya sa saya dahil noon niya lang
napagtantong higit pa pala sa kanyang inaakala ang dami ng mga taong nagmamahal sa
kanya. Unti-unti ring gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita kung sino
ang naglalakad papalapit sa direksiyon niya. Ang kanyang lolo at si Don Henry.
Tumatakbong sinalubong niya ang mga ito at parehong binigyan ng tig-isang mahigpit
na yakap.

Samantala, sa loob ng bodega. Hindi magawang iwan ni Blake si Tyron. Tahimik niya
itong pinagmamasdan habang nakaupo ang lalaki sa silya at sapo ng mga palad ang
mukha. Alam niyang tahimik itong umiiyak. Naaawa siya sa kaibigan. Naiintindihan
niya kung gaano kalalim ang sakit na nararamradaman nito. Napapalunok na lumapit
siya dito. Nagdalawang-isip siya kung hahayaan niya ba muna itong mag-isa ngunit sa
kalauna'y tinapik niya ito sa balikat.

Mabilis na nagpahid ng luha si Tyron at tumingala. Nakita nito ang pasa-pasang


mukha ni Blake na matamlay na nakangiti sa kanya.

"W-What?" napapalunok na tanong nito habang nakakaramdam ng hiya sa kaharap dahil


sa ginawa ng ama.

Muling tinapik ni Blake sa balikat ang malungkot na kausap.

"Thank you for saving us.....A-And I'm sorry for everything," taos-pusong bigkas
niya saka dahan-dahang tumalikod upang bigyan ng pagkakataong mapag-isa ang
nasasaktang kaibigan...

•••••

Bitbit ni Alex patungo sa desk ni James ang santambak na files. Mula beywang
hanggang leeg ang hawak niyang mga pinagpatung-patong na folders kaya't ingat na
ingat siyang huwag mabangga.

"Yan na lahat ang mga records na ituturn-over ko sayo," hinihingal na bigkas niya
matapos mailapag ang mga bitbit sa mesa ng lalaki.

"Okay. Ilagay mo lang diyan at mamaya ko na aayusin," sagot ni James nang hindi
tumitingin sa kanya habang abala sa computer.
"Kumusta pala ang bakasyon niyo ni Margareth?" tanong niya sa kasamahang mukhang
hindi interesadong makipag-usap sa kanya.

"We had fun," tipid na sagot nito habang nakatingin pa rin sa computer.

Kababalik lang nito mula sa honeymoon at noon din lang siya nagkaroon ng
pagkakataong kumustahin ito.

Napabuntong-hininga siya sa walang ganang pakikipag-usap sa kanya ng lalaki. Kanina


pa halos ganito ang reaksiyon ng mga tao sa paligid niya.

"Now that you're going to have a lot of free time, I hope you'll visit my wife
often para naman hindi laging ako na lang ang napapansin pag nababagot," wika ni
James.

"Oo naman! Hindi mo na kailangang sabihin yan. Baka bukas nga eh maghapon na akong
nakatambay sa bakery," nakangiting tugon niya.

Wala siyang natanggap na sagot mula sa kausap. Parang hindi nito narinig ang sinabi
niya at patuloy pa rin sa ginagawa sa computer. Matamlay na bumalik siya sa kanyang
mesa at napapabuntong-hiningang naupo. Huling araw niya na sa opisina at batid
niyang binabalewala siya ng mga kasama dahil nalulungkot din ang mga ito sa
pamamaalam niya sa trabaho. Napakabigat ng naging desisyon niyang iwan ang
pinakamamahal na propesyon subalit kailangan niyang tuparin ang pangako sa kanyang
pamilya at higit sa lahat kay Blake.

Naghahalo ang saya at lungkot sa kanyang dibdib. Inasahan niya man an pagdating ng
araw na ito pero hindi pa rin ganun kadaling iwan ang trabahong minahal niya ng
higit pa sa sarili. Subali't natutuwa rin siya dahil aalis siya ng may magandang
pangalang maiiwan. Na wala siyang pagsisihan dahil hanggang sa mga huling sandali
niya bilang pulis ay nagampanan niya ng mabuti ang kanyang mga tungkulin. Dagdag pa
dito'y hindi na rin siya makapaghintay na tuparin ang pangako sa pamilya't kay
Blake at iparamdam sa mga ito na handa na siyang humarap sa anumang mga pagbabagong
darating sa buhay niya.

Isa't kalahating buwan pa lang ang nakakalipas simula nang mahuli si Pablo Garcia
ngunit marami na ang nangyari sa loob lamang ng maiksing panahong iyun. Pormal nang
nasampahan ng mga kaso ang lahat ng kasabwat sa mga krimeng ginawa ni Garcia.
Natanggal na rin ito bilang director ng Golden Pacific. Boluntaryong nagwitness si
Charlene Magdayao para sa kaso ng pamamaslang kay Grace at bumaliktad na rin si
Wilson Chen matapos mailigtas ang anak nito mula sa mga tauhan ni Garcia. Dahil sa
testimonya ng dalawa, pormal ng inihayag na murder at hindi suicide ang sanhi ng
pagkamatay ni Grace.

Tumayo ring witness si Tyron laban sa sariling ama. Subalit matapos makapagbigay ng
testimonya ay umalis din agad ito ng bansa para sundan at muling suyuin si Sophia
sa Amerika. Nabanggit sa kanya ng binata na hindi ito babalik ng Pilipinas hangga't
hindi kasama ang dating kasintahan.

Bumalik na rin siya sa kanilang bahay pagkatapos mismo ng insidente ng pagkakadukot


sa kanya. Pinauwi na siya ng ina at sa loob lamang ng isang linggo, nag-file siya
ng resignation dahil na rin sa walang tigil nitong pagbubunganga at pagpapaalala.
Wala naman siyang balak baliin ang pangakong pagbibitiw pero dahil sa magulang,
napilitan siyang magresign ng mas maaga.

Si Blake naman ay naappoint ng CEO nung nakaraang dalawang linggo. Simula nang
bumalik siya sa kanilang bahay ay siya namang biglang pagiging sobrang abala ng
boyfriend sa trabaho. Hindi nito inungkat ang tungkol sa pagreresign niya sa halip
ay siya pa ang kusang nagsabi tungkol sa desisyon niya. Binigyan din siya nito ng
pagkakataong pag-isipan pa ang kanyang desisyon. Ipinahayag ng boyfriend ang totong
saloobing hindi nito kayang ipagkait ang isang bagay na nakapagpapasaya sa kanya
kung kaya't nakahanda itong umintindi kung gustuhin man niyang habambuhay na maging
isang pulis.

Ang totoo'y natukso siyang huwag iwan ang trabaho dahil sa sinabi ng kasintahan
subalit ayaw niyang maging makasarili. Sapat na ang sakit at hirap na pinagdaanan
ng relasyon nila dahil hindi niya agad maisakripisyo ang propesyon. Masaya na siya
na inintindi at pinagbigyan siya ni Blake sa kanyang huling kaso. At bagama't parte
ng trabaho, hindi niya pa rin maiwasang huwag sisihin ang sarili sa huling
insidenteng nangyari. Nalagay sa panganib ang buhay nilang magkasintahan at muntik
ng makuha ni Garcia ang lahat ng pag-aari ni Blake ng dahil sa kanya. Naipakita na
ng boyfriend kung hanggang saan ang kaya nitong isakripisyo para sa kanya, ngayon
naman ay pagkakataon niya nang ibigay ang pagmamahal at kapanatagan ng loob na
inaasam ng lalaki.

Isang bagay na lang ang nararamdaman niyang kulang sa sarili. Ang alukin ulit siya
ng kasal ni Blake. Hindi niya alam kung dahil lamang sa abala ang boyfriend sa bago
nitong posisyon sa kumpanya o palihim na pinaparusahan siya nito dahil sa mga
pagkakamali niya. Ni pag-usapan o banggitin ang salitang kasal ay hindi nito
ginagawa. Ang totoo'y bahagyang nagtatampo na siya sa lalaki. Napapansin niyang
nitong dalawang huling linggo ay wala na itong gaanong panahon sa kanya. Isang
linggo na siya nitong hindi dinadalaw sa bahay at kung makipagkita man ito'y
pinakamatagal na ang isang oras sa loob ng isang araw. Lagi itong nagmamadali dahil
sa mga meetings at mga nakabinbing pang trabaho. Ngunit kahit mahirap sa kalooban
ay wala siyang magawa kundi unawain ang sitwasyon nito, kagaya ng ginawa nitong
pag-intindi sa kanya.

Nahinto siya sa pag-iisip nang mapatingin sa relos. Alas-sais na ng hapon at


kaunting oras na lang ang itatagal niya sa headquarters. Bigla na naman siyang
inatake ng lungkot sapagkat parang isang normal na araw lang ang pag-alis niya sa
opisina. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat. Siguro kahit umuwi na siya sa mga
sandaling iyon ay walang makakapansin sa paglabas niya.

"VALDEMOR!" sigaw ni Chief Martinez na biglang bumungad sa pintuan.

"Yes Chief!" sabay tayo at saludo ng dalaga.

"Don't go home yet. May lakad tayo mamaya."

"L-Lakad? Raid ho ba?" kunot noong tanong ni Alex.

"No. We're going somewhere for your farewell party."

Sumigla ang mukha ni Alex. Hindi naman pala siya tuluyang nakalimutan ng mga
kasamahan. "Ganun po ba? Saan po tayo pupunta? Uuwi muna ako para magbihis."

"Huwag na sayang ang oras! Tama na yang damit mo," matigas na wika ng hepe.

"Ah... s-sige ho."

"Don't leave. Sabay-sabay tayong aalis," paalala ng opisyal bago umalis pabalik ng
opisina nito.

"Yes chief."

Natutuwang muling naupo si Alex. Nagtaka siya kung saan sila pupunta pero ang hula
niya'y sa paboritong tambayang inuman ng mga kasamahan malapit sa headquarters
sapagkat hindi na siya pinagbihis ng hepe. Okay lang sa kanya kahit sa simple o
pipitsuging lugar basta't ang importante ay makasalamuha niya pa nang mas matagal
ang mga kasamahan.

Mas lalong nadagdagan ang naramdaman niyang saya nang tumawag naman ang nobyo.
"How's your last day?" pangungumusta nito.

"Okay naman medyo napagod lang ng kaunti dahil sa dami ng iniligpit na mga gamit at
tinurn-over na mga files."

"Are you really decided to quit your job?"

"Oo. Hindi na magbabago ang isip ko," kumpiyansang sagot niya. "Ah Blake lalabas
nga pala ako mamaya. Mukhang magpapadespedida yata si Chief sa akin."

"Ah really. Okay... Sorry wifey pero hindi ako pwedeng makipag-usap ng matagal
sayo. I'm in the middle of a meeting right now. Talk to you later. Bye," paalam
agad ng lalaki.

"O-Okay. Bye."

Dismayadong ibinaba ni Alex ang telepono. Unti-unti na nga bang nagbabago ang
kasintahan? Dati-rati'y sangkaterbang mga tanong muna ang binibitawan nito bago
siya payagang lumabas. Ni hindi man lang siya pinaalalahanang mag-ingat.
Nakasimangot na nangalumbaba siya sa desk at tinitigan ang cellphone, umaasang
tatawag ulit ang boyfriend upang sabihin ang nakaligtaang mga katagang madalas
nitong banggitin bago ibaba ang telepono.

"TSADAAAN! Captain Valdemor! Are you ready to party?!!!"

Nagulat si Alex sa biglaang pagsulpot ni SPO1 Balatbat. Pansamantala siyang


napanganga sa hitsura nito na nakasuot ng itim na coat and tie at naka sunglasses
pa kahit maggagabi na.

"A-Anong meron? Isa ka na bang presidential guard ngayon?" napapatangang tanong


niya.

Umikot si Balatbat, ngumiti at tinanggal ang suot na salamin. "Okay ba ang outfit
ko Kap? Ano naguguwapuhan ka na naman ba sa akin?" sabay kindat pa nito.

"Teka ba't ganyan ang suot mo? May bago ka bang undercover?"
Mayabang na naupo si Balatbat sa tapat ni Alex at nagdekuwatro. "Wala naman.
Sinadya ko talagang magbihis ng maayos sa despedida mo para naman masilayan mo pa
sa huling pagkakataon ang kaguwapuhan ko."

"Ang sarap taktakan ng bunganga mo ng isang pack ng purong kape! Di ka man lang ba
nininerbiyos diyan sa mga ilusyon mo! Magbihis ka nga? Nakakahiya ka parang ikaw
ang may farewell party ah!" kunsumidong salita ng babae.

"Ayoko. Kabilin-bilinan ni hepe na dapat daw ay medyo pormal ang suot ng mga
pupunta. Eh medyo sinobrahan ko lang ng kaunti."

"Anong pormal ang pinagsasabi mo. Huwag ka ngang magsinungaling. Hoy Balatbat
porke't last day ko na eh ganyan na ang trato mo sa akin ha. Sinong may sabing
pormal eh kung ako nga ay hindi na pinagbihis ni hepe ikaw pa kaya!"

"Aba di ko alam kung bakit ganun ang sinabi sa inyo pero ang nakarating sa akin,
formal attire daw."

Napapailing na itinigil ni Alex ang pakikipagtalo sa kausap. Sasakit lang ang ulo
niya kung papatulan niya ang kabaliwan nito.

Pagpatak ng alas siyete ay nagkayayaan nang umalis ang mga sasama sa despedida.
Nagtipon-tipon ang nasa sampung mga kasamahan sa tapat ng headquarters habang
naghihintay sa pagdating ng gagamiting sasakyan. Nagtaka si Alex sa mga kasama
lahat ng mga ito ay nakabihis ng pormal lalo na ang hepe at si James. Bigla siyang
nanliit sa kanyang hitsura na noo'y wala man lang kahit bahid ng pulbos ang mukha.
Ni hindi niya na matandaan kung anong oras siya huling nagsuklay sa araw na yun. At
sa mga magkakasama, siya lang ang nakasuot ng sneakers. Lahat ay nakabalat na
makikintab na sapatos. Siya lang ang nakamaong na pantalon, nakajacket at pulis na
pulis ang porma.

"Chief saan niyo po kami ititreat?" pabirong wika niya.

"We're going to a nice place."

"Talaga! Pero chief bakit naman di mo na ako pinagbihis mukha tuloy akong kawawa sa
grupo natin," may lambing na sambit niya.
Tiningnan siya ng hepe mula ulo hanggang paa. "Wala akong makitang mali sa hitsura
mo. Don't you like it that you seem to be one of the boys?"

Tumahimik siya sapagkat may punto ang hepe. Kung mag-aayos nga naman siya ay lutang
na lutang na siya lang ang babae sa grupo. Di na siya nagreklamo at malugod na
sumakay na lamang sa kotse kasama nina Chief Martinez at James.

Napakunot siya ng noo nang bumaba sila sa The Peninsula Hotel sa Makati.

"Ba't andito tayo?" takang tanong niya kay James.

"We're going to attend an important event."

"E-Event? Akala ko ba sabi ni chief despedida ko?"

Napakibit ng balikat si James. "Maybe after here..."

Pumasok sila ng lobby. At nahagip ng mga mata niya ang isang bulletin board.
Nakasulat ang 'Golden Pacific Oil Corp. Party' sa tapat ng pangalan ng
pinakamalaking function hall. Hindi muna siya nangusisa baka nagkataon lang na may
party rin sa hotel ang kumpanya nina Blake.

Tahimik na bumuntot siya sa mga kasama at saka lamang siya nagtaka nang mapansing
papalapit sila sa function hall kung saan ginaganap ang party ng Golden Pacific.

"Chief ba't dito tayo pupunta?" di nakatiis na usisa niya.

"Our headquartes received an invitation."

"P-Pero..." napapakamot na sambit niya nang may tumututol na mukha.

"Opisyal na lakad ito so don't take this personally. You'll be joining our table,"
pahayag ng hepe.
"Kap! Hindi mo ba alam na dito tayo pupunta?" singit ni Balatbat.

"Hindi. Ni hindi ko nga alam na may party ngayon ang Golden Pacific," sagot niya.

"Grabe naman yan si Sir Blake! Hindi man lang nag-abalang iinform kayong
inimbitahan niya ang headquarters!"

Napahiya si Alex pero dinepensahan niya pa rin ang boyfriend. "Ah nakalimutan lang
siguro. Pagdating kasi sa Golden Pacific, hindi naman kasi ako masyadong nag-
uurirat. Wala naman kasi akong gaanong alam tungkol sa business-business na yan."

"Kahit pa! Dapat sinabihan ka pa rin. Pwede ba naman yung nagkaoras siyang
magpadala ng imbitasyon sa headquarters pero nakalimutan niyang banggitin sayo!" di
kumbinsidong sagot ni Balatbat.

Pinandilatan ni Chief Martinez ang maingay na tauhan. "Tumahimik ka!"

Mabilis na itinikom ni Balatbat ang bibig at saka lamang dumiretso ang grupo sa
pagpasok ng venue. Napansin naman ni Alex kung gaano kaayos at kaelegante ang
hitsura ng mga babaeng pumapasok sa lugar. Karamihan sa mga ito ay nakasuot ng gown
o di kaya'y cocktail dress. Naisip niya agad si Blake. Baka mainsulto ito kapag
nakitang basta na lang siyang sumulpot at hindi man lang nag-abalang mag-ayos ng
sarili.

Agad na hinabol niya ang hepe at pinigilan ito sa pagpasok. "Teka lang chief! Pwede
bang huwag na akong sumama sa loob, tingnan niyo naman ang hitsura ko baka magalit
si Blake. Hintayin ko na lang kayo sa may lobby tutal sabi ni Capt. Corpuz eh
dadaan lang tayo dito."

"Valdemor, bukas pa effective ang resignation mo kaya't sa mga sandaling ito ay isa
ka pa ring pulis. Kung naiintimidate ka dahil hindi ka nakagown just bear in your
mind that you're here as a police officer at hindi kandidata sa isang beauty
contest. Baka nga hindi ka pa mapansin ni Blake sa dami ng mga bisita. Don't worry
we're only here out of courtesy coz it was Don Henry himself who invited us
personally pero hindi rin tayo magtatagal."

Naintindihan ni Alex ang katwiran ng opisyal kaya't sumunod siya sa gusto nito pero
kasabay nito'y nakaramdam naman siya ng bahagyang panliliit sa sarili. Ganito ba
siya ka-invisible at ka-irrelevant pagdating sa kumpanya ng nobyo? Kunsabagay
bilang na bilang lang naman ang nakakakilala sa kanya dito bilang girlfriend ng
mayamang binata.

Nakayukong pumasok siya sa hall. Mananahimik na lamang siya sa mesa nang walang
makapansin sa kanya at sana nga'y huwag din siyang makita ni Blake, lalo na ni Don
Henry.

Nabawasan ang pag-aalala niya nang makita kung gaano kalaki ang venue. Mayroon
itong nasa mga limampung tables. Marami ng tao at tiyak na marami pang darating
dahil madami-dami pa ang mga bakanteng mesa. Laking pasasalamat niya nang marating
ang nakareserbang mesa para sa kanila. Nasa bandang dulong likuran ito mula sa
stage kung saan may magaling na pianist at jazz singer na nagtatanghal. Sa dami ng
bisita, malaki nga ang posibilidad na hindi siya mapansin ni Blake.

Kampante at tahimik siyang naupo. Tumabi sa kaliwa niya si James at sa kanan naman
si Balatbat. Nangalumbaba siya gamit ang dalawang kamay upang pasimpleng takpan ang
mukha. Patay malisyang hinanap ng mga mata niya ang boyfriend.

"Para saan ba ang party na to Kap?" bulong ni Balatbat.

"Hindi ko nga alam na may party, malaman ko pa kaya ang dahilan?" nakaismid na
sagot ng dalaga.

"It's the official celebration of Blake's appointment as CEO," kusang pahayag ni


James.

Biglang may naramdamang kirot si Alex sa nalaman. Oo nga't hindi siya gaanong
nakikialam pagdating sa Golden Pacific pero hindi naman ata tama na pati ang
ganitong bagay ay hindi pinapaalam sa kanya ni Blake. Siya nga kahit simpleng lakad
ay nagpapaalam muna dito.

"Hala! Di ba dapat may partisipasyon ka dito Kap? Dapat escort ka ni Sir Blake!"
gatong pa lalo ni Balatbat.

Inirapan ni Alex ang madaldal na katabi at pinilit huwag ipahalata ang namumuong
pagtatampo sa dibdib. "May partisipasyon naman ako ah bilang representative ng
headquarters natin. Tsaka alam ni Blake na hindi ako mahilig sa party kaya hindi na
ako sinabihan nun," nakataas ang kilay na katwiran niya.
Nanlaki bigla ang mga mata niya nang mapalingon sa may entrance, pumapasok ang
kanyang buong pamilya. Nakapormal lahat ang mga ito lalong-lalo na ang ina.
Nakataas ang buhok nito at may suot na ternong malalaking diyamanteng hikaw at
necklace. Nakabihis ito ng fushia tube dress na pinaibabawan ng puting fur coat.
Ang kanyang Lolo, Daddy at si Dennis ay pare-parehong mga naka-amerikana. Nagulat
din siya nang makitang kasama ng pamilya ang kaibigang si Margareth.

"Huh? Si Margareth, ayun oh!" turo niya kay James.

"I know. She'll be joining your family since I'm here at our table," normal na
normal na reaksiyon ng kausap.

Nakita niyang iginala ng ina ang mga paningin kaya mabilis siyang yumuko at nagtago
sa baba ng mesa. Siguradong kakaladkarin siya nito papalabas pag nakita ang hitsura
niya.

"Kap anong ginagawa niyo?" puna ni Balatbat.

"Shhh...huwag kang maingay at huwag mo akong titingnan. Nandiyan ang nanay ko,
patay ako pag nakita niyang hindi man lang ako nag-ayos. Sabihin mo sa akin
pagnakapwesto na sila sa kanilang table."

Hinanap ni Balatbat ang pamilya ng dalaga. "Whoah, Kap ang sosyal ng nanay mo.
Magmumukha kang alalay pag tumabi ka sa kanya," komento nito.

"Ano, nakaupo na ba?" tarantang tanong ni Alex.

"Nakaupo na."

"Saang parte? Malayo ba o malapit lang sa atin?"

"Malayo. Malapit sila sa stage."

"Tumitingin-tingin pa ba sa paligid?"
"Hindi na. Nanonood sa singer."

Saka lamang dahan-dahang bumalik sa upuan si Alex. "Huwag na huwag mong tatawagin
ang atensiyon ni Marge kung ayaw mong mabulabog ni Mama itong table natin," paalala
niya kay James.

"Okay," kalmadong sagot ng lalaki.

Muling niyang iginala ang mga paningin para hanapin si Blake ngunit imbes na ang
boyfriend ang makita ay ang kinaasarang babae ang nahagip ng mga mata. Naroroon din
pala ang Debbie at mukhang ito pa ang punong-abala. Nakabihis ito ng mini black
dress na pinaresan ng pulang stilleto. Kinakausap nito ang mga waiters at halatang
nagbibigay ng mga instructions. Lumalapit din ito sa mga bisita at nakangiting
nakikipag-usap. Maging sa table ng pamilya niya ay lumapit ito nang may masayang
mukha. Bigla siyang nag-alala na baka gumawa ng eksena ang ina.

"Kap kaunting titig pa, may lalabas ng laser beam diyan sa mga mata niyo. Maawa
naman kayo dun sa tao baka matunaw," hirit ni Balatbat.

Lumipat sa katabi ang matatapang na tingin ni Alex. "Ikaw ba'y walang ibang gagawin
kundi pansinin ako?" napipikong sambit niya.

"Kap gusto niyo humingi na lang tayo ng wine sa waiter at iinom na lang natin yang
sama ng loob mo?" nang-aasar pa lalong wika ng kasama.

Iningusan ni Alex ang kausap ngunit sabay kaway din naman sa waiter. Mukhang tama
ang suhestiyon ng makulit na katabi na idaan na lamang sa inom ang sama ng loob.
Pati pamilya niya sinabihan, si Margareth inimbitahan at bakit parang si Debbie ang
siyang nag-aasikaso ng mga bagay na dapat ay ginagawa niya.

"I just saw Gen. Valdemor. Pupuntahan ko lang muna siya," pahayag ni Chief
Martinez.

Agad na naalarma siya sa narinig. "Chief huwag na ho. Kasama niya si Mama. Baka
itakwil na naman ako ng nanay ko pag nakita niya ang hitsura ko ngayon."

"Don't worry I won't tell them na kasama kita," sabay tayo ng hepe.
"Chief huwag niyong ituturo ang table natin ha!" pahabol na paalala niya.

"Alright."

"Grabe Kap! Sa astig mong yan takot ka sa nanay mo!" hirit ulit ni Balatbat.

"Subukan mong tumira sa bahay ng isang linggo para malaman mo kung bakit. Ah oo
nga... tamang-tama gusto ko siyang ikuha ng bodyguard, dodoblehin ko sweldo mo
tapos magsimula ka na bukas.Tutal gusto mo rin namang lagi tayong nagkikita di ba?"

Biglang napalunok ang makulit na pulis dahil tila seryoso sa sinabi ang dalagang
opisyal. "Ah-eh huwag na Kap. Iba na lang ang kunin niyo. Mahal ko ang pagpupulis
di bale nang minsan lang tayo magkita. Makakapagtiyaga naman akong maghintay na
dalawin mo kami sa headquarters," ngingiti-ngiting tugon nito sabay inom ng wine.

Nanahimik si Alex matapos masupla ang madaldal na katabi at ilang sandali pa'y
namataan niya na si Blake. Mukhang galing ito sa isang pribadong silid ng hall
dahil hindi niya naman ito nakitang dumaan sa entrance. Masiglang nakikipagkamay
ito sa mga bisita. Pansamantalang nawala ang tampo niya pagkakita sa hitsura ng
boyfriend. Nakasuot ito ng dark blue navy suit, puting long sleeve na panloob, sky
blue printed tie at black leather shoes. Napakaguwapo, napakalinis at napakabangong
tingnan. Napapangiti siya sa isipan habang tinatanaw ang kasintahan, hindi masukat
kung gaano siya ka-proud sa lalaki. Ito ang isa sa mga pagkakataong pakiramdam
niya'y isa lang siyang tagahanga ng binata at tipong kailangan niya pang kurutin
ang sarili para maniwalang pag-aari niya ang puso nito.

Nangalumbaba siya at tila nakalutang sa alapaap na pinagmasdan ang boyfriend mula


sa malayo hanggang sa nakita niyang lumapit si Debbie at bumulong sa tenga ng
lalaki. Tumango naman si Blake bilang tugon dito. Dahan-dahang lumaki ang butas ng
ilong niya, naningkit ang mga mata at tumulis ang nguso.

"Ehem! Nangangamoy selos na naman. Move on, move on din pag may time," pasaring na
naman ni Balatbat.

Hindi pinansin ni Alex ang nang-aasar na katabi. Nanatili siyang nakatingin kay
Blake at kay Debbie hanggang sa lumingon ang boyfriend sa direksiyon ng table nila.
Bigla siyang nataranta at dali-dali uling nagtago sa baba ng mesa.

"Ano na namang problema Kap?" naguguluhang tanong ng madaldal na pulis.


"Si Blake parang napalingon dito."

"Ano naman ngayon?"

"Hindi pwedeng makita niya ang hitsura ko baka isipin niyang pinapahiya ko siya!"

"Kunsabagay kahit ako man ang nasa kalagayan ni Sir Blake, I'll be offended. Ano na
lang ang iisipin ng mga tao sa girlfriend ko? Lusyang kumpara sa mga nagagandahang
dalaga dito lalong-lalo na dun sa bumulong kanina."

"Sige manggatong ka pa at nang makapanakit ako ng kasama ngayon!" gigil na salita


ni Alex.

"Naku Kap! Papalapit dito si Sir Blake at kumaway pa kay Captain Corpuz!"

Mas lalong nataranta si Alex. Walang pagdadalawang-isip na hinawi niya ang


tablecloth at gumapang patungo sa ilalim ng mesa. "Pag nagtanong kung nasaan ako.
Sabihin mo may pinuntahan muna at magkikita-kita na lang tayo mamaya pagkagaling
niyo dito," bilin niya kay James.

"No problem," natatawang sagot ng lalaki habang pinagmamasdan ang nagpapanik na


reaksiyon ng dalaga.

Nakatalungkong nagtago si Alex sa ilalim ng mesa at pinakinggan ang pag-uusap nina


Blake at James.

"Thank you guys. I know you were busy but you still find time to attend this
party," dinig niyang sabi ni Blake.

"How can we say no to this very important occasion?" sagot ni James.

Umingos siya. Importante pala pero bakit di man lang siya sinabihan?!
"Nagpapasalamat nga ako Sir Blake sa imbitasyon niyo dahil nakapasok ako sa ganito
kagandang lugar. First time kong makaattend ng ganitong sosyal na party. Kung hindi
dahil sa inyo baka hanggang ngayon ay JS Prom pa rin pinakamatinong party na
napuntahan ko," hirit ni Balatbat.

Narinig niyang tumawa ng mahina si Blake. Teka lang, ano to? Parang nahahalata
niyang hindi man lang yata siya hinanap ng lalaki. Ni tanungin man lang kahit
pahapyaw kung nasaang lupalop ba siya ay hindi nito ginawa.

"Iwan ko na muna kayo. I'll meet the other guests too. Enjoy yourself and see you
again later."

Sinipa siya ni Balatbat nang makalayo si Blake. "Wala na Kap!"

Nasaktan siya ng bahagya sa ginawa ng tauhan kaya't napipikang hinampas niya ng


kamao ang paa nito na bigla namang napalakas hatid ng nararamdamang pagka-irita kay
Blake.

"Aray!"

Lumabas siya sa pinagtataguan at muling naupo sa silya. Napahawak si Balatbat sa


paa at nakangiwing tumingin sa kanya.

"Kap naman kita mo ng outfit na outfit ako ngayon tapos nananakit ka pa rin!"
reklamo nito.

"Sino bang nauna?" nakataas ang kilay na depensa niya.

"Hindi ko naman kayo sinaktan ah? Warning lang yun para lumabas na kayo."

"Bakit sinaktan ba kita? Tinapik lang naman kita ah," nakairap pa ring wika niya.

"Tapik ba yun eh muntik nang madurog ang mga daliri ko sa paa!"


"Sssh, quiet guys. Pabalik na ng mesa si hepe," awat ni James.

Tumahimik ang dalawa ngunit pagkaupong-pakaupo ni Chief Martinez ay sinalubong agad


ito ng aya ni Alex.

"Chief tara na! Tutal nagkita na kayo ni lolo at alam na rin ni Blake na pumunta
ang opisina baka pwede na tayong umalis."

"It's too early to leave. The party hasn't even started yet," sagot ng opisyal.

Nanahimik ulit si Alex pero sadyang di pa rin siya mapakali. Kung hindi lang bastos
ang magsuot ng sumbrero ay kanina pa niya ginawa. Kinakabahan siyang may makakilala
sa kanyang taga Golden Pacific. Naguguluhan pa rin siya sa nangyayari. Parang may
mali. Hindi siya hinanap ni Blake, nandodoon ang pamilya't mga kaibigan nila.
Imbitado yata lahat ng mga kakilala nila maliban sa kanya. Hindi niya tuloy alam
kung saan ilulugar ang sarili. Magpapakagirlfriend ba siya o makukuntento na lamang
bilang isang imbitadong pulis?

Nahinto siya sa pag-iisip nang tumigil sa pagkanta ang singer at nagsalita sa stage
si Debbie. Mabuti pa ang hitad at may papel sa party ng boyfriend samantalang
siya'y nasa isang sulok lamang.

"Good evening. Thank you everyone for coming to this very special occasion. I hope
you're all having fun. But forgive us for this interruption in order to give way to
the speech of Golden Pacific's newly appointed CEO. Ladies and gentlemen please
give a big hand to Mr. Blake Marlon Monteverde!"

Nagpalakpakan at nagtayuan ang lahat maliban kay Alex na noon ay naniningkit ang
mga mata habang tinitingnan ang dalawang nasa stage. Ibinigay ni Debbie ang
mikropono kay Blake ngunit bago magsalita ang binata ay binigyan muna nito ng
matamis na ngiti ang babae. Mas lalong uminit pa ang mga pisngi niya nang marinig
ang mga tili ng kinikilig na mga kadalagahan. Maging si Debbie ay abot tenga ang
ngiti habang umaalis sa entablado.

"SPO1 humingi ka na ng pagkain sa waiter. Nagugutom na ako!" iritableng utos niya


sa kasama nang magsiupuan ang mga ito.

"Mamaya na Kap. Makinig muna tayo kay Sir Blake," tutol ni Balatbat.
"Bakit hindi ba gumagana yang tenga mo pag kumakain ka?" mas inis na sabi niya.

"Hindi naman sa ganun kaya lang iba pa rin pag focus ka sa nagsasalita."

"The food can wait Alexandra. Mamaya ka na kumain," matigas na utos ng hepe na noon
pala ay nakikinig sa usapan nilang magkatabi.

Salubong ang kilay na nanahimik ulit si Alex. Humalukipkip siya at matatalim ang
mga matang pinanood si Blake.

"Good evening everyone. Thank you for taking part on this precious day of my life.
Though I'm not really sure yet kung papaano magtatapos ang espesyal na gabing ito.
But I'm hoping na gaya ko sana lahat kayo ay umaasang maging maganda...."

Nagtawanan ang lahat. Nagtaka si Alex sapagkat wala namang nakakatawa sa sinabi ng
lalaki.

"But before I proceed to the main course of the evening. Allow me to thank the
people who influenced, helped and put me to where I am today. Siyempre nangunguna
na dito ang Chairman ng Golden Pacific Corporation na walang iba kundi ang aking
pinakamamahal na lolo na si Mr. Henry Monteverde...."

Nagpalakpakan ulit ang mga bisita at kiming tumayo naman ang nabanggit na matanda
upang yumukod sa mga nagsisipagpalakpakan.

"Grandpa, I'd like to tell you that no word can describe how thankful and proud I
am as your grandson. Napakasuwerte ko at ipinanganak ako bilang apo niyo. Thank you
for being rich..."

Nagtawanan ang mga bisita sa biro.

"Thank you for all your hard works, for taking care of me, for assuring that I grow
up as a better person, for the never ending guidance. And most importantly, thank
you for being a wonderful grandfather."

Pinalakpakan muli ng mga bisita si Don Henry at tila naluluha-luha ito habang
pinakikinggan at pinagmamasdan ang nagsasalitang apo.
"Gusto ko rin hong pasalamatan ang aking mga kapwa Board of Directors sa Golden
Pacific para sa pagtitiwalang ibinigay niyo sa aking kakayahan. I promise to do my
best to manage and to elevate the good image of the company... To all my friends
who are always there in bad times and in good times."

Naghiyawan ang grupo ng mga kalalakihan mula sa isang mesa. Di sinasadyang


napangiti si Alex nang makilalang sina Hayden at ang iba pang mga kabarkada ni
Blake simula pa nung college ang mga ito.

"To Miss Debbie Madrigal, an excellent employee and a very good friend to me.
Salamat sa lahat ng mga tulong mo sa bawat proyekto ko. Every project turned a
success because of your efforts and remarkable intelligence. Thank you also for
helping me plan this event."

Muling nagpanting ang tenga ni Alex sa narinig. Nauna pa talagang pasalamatan ang
babae kesa sa kanya. At saka anong ibig sabihin ng katulong ito sa pagpaplano. Kaya
ba medyo wala ng panahon ulit sa kanya ang boyfriend dahil busy na naman ito lagi
kasama ang hitad?

"To Tita Sylvia, Dennis, Tito Lauro and General Valdemor. Thank you for accepting
me and for giving me a chance to experience how it feels to have a bigger family."

Napayuko't napahawak sa noo niya si Alex nang makitang tumayo talaga ang ina at
nakangiting kumaway upang ipahiwatig sa lahat na sila ang pinasasalamatan ni Blake.

"To Chief Martinez and his team, thank you for always saving me and ensuring my
safety. Dahil sa mga dakila't mabubuting bagay na ipinakita ninyo, natuto akong
magtiwala ng walang pag-aalinlangan sa mga pulis."

Pinakamalakas na pumalakpak si Balatbat ngunit agad din itong nanahimik nang


mapansing nakatitig sa kanya ng masama si Alex.

"To all the employees of Golden Pacific, thank you for putting your faith in me.
Huwag kayong mag-alala mas lalo kong pauunlarin ang kumpanya. I'll make sure that
even your children can still find jobs on us...."

Naghiyawan ang mga empleyadong naroroon na may kasama ring mga pagtili mula sa mga
babaeng tagahanga ng binata.
"Everyone, thank you for being part of my life. Sana as we grow older tayo pa rin
ang magkakasama."

Nanlalamig na si Alex. Pikon na pikon na siya at sagad-sagaran na ang insultong


nararamdaman. Pinasalamatan ang lahat maliban sa kanya? Ahhhh... baka naman kasama
na kasi siya dun sa team ni Chief Martinez! Di niya na nakayanang itago ang
saloobin. Tumayo siya para lisanin ang lugar. Naghahalo ang kanyang galit at awa sa
sarili.

"Where are you going?" kunot noong tanong ni James.

"Hintayin ko na lang kayo sa lobby," pormal na sagot niya habang di nakatingin sa


kausap at saka dire-diretsong naglakad papalabas nang hindi binigyan ng pagkakataon
ang mga kasamahang pigilan siya.

Mabilis siyang naglakad at di lingid sa kanya na may mga matang nakatingin dahil
siya lang ang nakatayo't naglalakad habang nagi-speech ang binata. Wala siyang
pakialam ang importante'y makalabas siya kesa naman tumagal pa ang pagmumukhang
tanga niya sa okasyong yun.

Pagdating sa entrance ay bigla siyang natigilan nang harangin siya ng mga


bodyguards ni Blake.

"Ma'am Alex di po kayo pwedeng lumabas."

"At bakit? Sino kayo para pigilan ako?!" galit na wika niya.

Itinuloy niya ang paglalakad ngunit sinundan siya ng dalawang bodyguards at


hinwakan ang magkabilaang braso niya.

"Bitawan niyo ako kung ayaw niyong sabay ko kayong ibalibag!" matigas na babala
niya.

Hindi sumunod ang dalawa at nang papalag na siya'y biglang may humawak na isa pang
bodyguard sa kanyang mga paa at saka walang pasabing binuhat siya ng mga ito.
"Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako sabi kung hindi'y malalagot kayong tatlo sa
akin!" malakas na pagpupumiglas niya.

Tila walang narinig ang tatlo lalaki at nanatiling buhat-buhat siya ng mga ito
habang dinadala siya papabalik sa loob. Sa mga oras na yun ay batid niya nang
nakalikha siya ng eksena. Kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ng lahat.

"Ano ba?! Bitawan niyo sabi ako!"

Ibinaba siya ng tatlo ngunit laking gulat niya nang malamang nasa stage na siya at
nakatingin sa kanya ang lahat. Ngingiti-ngiti namang tiningnan siya ni Blake.

"Stop making a fuss wifey."

"Blake..." nagtatakang sambit niya nang may namumulang pisngi dahil sa hiya. Dali-
dali niyang inipit sa magkabilaang tenga ang alam niyang gulu-gulong buhok at sabay
pagpag agad sa kanyang damit.

Lumapit sa kanya ang nobyo at nakangiting sinipat siya mula ulo hanggang paa.
Pagkatapos ay saka ito muling humarap sa mga tao habang ang pakiramdam niya naman
ay lalamunin siya ng stage anumang oras dahil sa kahihiyan.

"Everyone I'd like to introduce to you the most beautiful and the most important
woman in my life, Captain Alexandra Michaela Preciousa Valdemor."

Nagpalakpakan at nagtayuan ang lahat habang si Alex ay hindi maintindihan kung ano
ang gagawin. Nakanganga siya habang tinitingnan ang lahat ng nagpapalakpakang mga
bisita. Ang kanyang pamilya, si Margareth, ang kanyang mga kapwa pulis, si Don
Henry, lahat ay tila mga tuwang-tuwa sa ginawang pagpapakilala sa kanya ng
kasintahan. Ibig bang sabihi'y planado ang lahat? Napahawak siya sa noo nang
mapagtantong sinusurpresa siya ng boyfriend. Napakagat siya sa labi at nahihiyang
ngumiti. Napahiya din siya sa sarili sa pinag-aasta kanina. Lahat ng naramdamang
pagtatampo ay agad na napalitan ng walang pagsidlang kaligayahan. Kiming kumaway
siya nang may asiwang ngiti bilang pagbati sa mga bisita.

"She's my life support. Pag nawala po siya sa buhay ko. I'll be as good as dead,"
seryoso ngunit pabirong pagkakahayag ni Blake nang humupa ang palakpakan. "She's my
girlfriend, my friend, my savior and my heroine. It's not only me who's indebted to
her but also the Golden Pacific . Kung hindi dahil sa kanya, baka nasa masasamang
kamay na ang kumpanya. Her perseverance, dedication and unselfish intentions saved
our company from the invasion of greed and evil. So let us thank her for risking
her life for the sake of many people."

Nagpalakpakan at nag-ingay ulit ang mga tao. Sinamantala naman ni Alex ang
pagkakataon na humakbang ng mas malapit kay Blake at dumikit dito upang mabawasan
ang hiya at kabang nararamdaman. Inakbayan siya ng boyfriend at ikinawit niya naman
ang isang kamay sa beywang nito. Nakarinig siya ng malalakas na tili at panunukso
na animo'y kinikilig ang ilan.

"Blake tama na nakakahiya...bababa na ako," pasimpleng bulong niya sa boyfriend.

Hindi siya pinakinggan ng lalaki sa halip ay hinigpitan pa lalo ang pagkakaakbay


sabay kabig sa kanya ng mas malapit. Di niya na alintana ang hitsura. Sa ginagawa
ni Blake, pakiramdam niya'y siya na ang may pinakamagandang gown at pinakamahabang
buhok sa party. Isama na rin ang may pinakamagandang mukha. Ultimo ata kadulu-
duluhan ng mga kuko niya ay kinikilig.

"Maybe you're all wondering why she's not wearing fancy clothes right now. Aside
from the fact of course na sinusurpresa ko siya, I want to show you that this is
what she is. Simple, tough, strong, fighter but goodhearted and beautiful. And I
love everything about her..."

"Blake tama na..." namumulang bulong niya habang palihim na kinakalabit ang
boyfriend. Pag nagpatuloy pa ito sa kakapuri sa kanya baka sumabog na ang puso niya
sa kaligayahan.

"Sa mga hindi pa po nakakaalam. She is one dangerous police officer. Well...at
least until midnight because tomorrow she is going to be a full-time girlfriend and
a full-pledge daughter," sabay tingin ni Blake sa kasintahan."Am I right wifey?"

Dahan-dahang tumango si Alex nang may ngiti ngunit hindi pa rin siya komportable na
pinagtitinginan sila ng lahat.

Hinanap ng mga mata ni Blake ang mesa ng grupo ni Alex. "I'm sorry Chief Martinez.
I know your team will be losing a great officer but it's due time para babawin ko
na ho ang aking girlfriend..."

Nagtawanan ang mga pulis maliban kay Balatbat na noon ay nangilid ang mga luha
habang unti-unting tumatanim sa utak na tuluy-tuloy na nga ang pagbibitiw ng dating
partner.
"Now to finally reveal the reason of this party, I'd like to be honest to
everyone," patuloy na salita ni Blake. "I invited you all not because of the
celebration of my appointment as a CEO but instead to witness and help me, in case
I need one, in what I'm about to do next..."

Hinarap ng binata ang di makapagsalitang kasintahan at tinitigan ito ng seryoso.

"I did it once but there were no audience back then so maybe it was one of the
reasons why things didn't turn out the way it should be. That's why I did my best
to gather audience as many as I could to be my witness tonight...."

Nag-umpisang tumugtog ang piyanista ng madamdaming musika at unti-unti namang


lumakas ang tahip ng dibdib ni Alex. Kinukutuban na siya sa susunod na gagawin ng
lalaki.

"B-Blake..."

Hinawakan ng boyfriend ang kamay niya nang hindi bumibitiw sa pagkakatitig sa


kanya.

"No more hesitation. No more room for fears. No more work related excuses...This
time wifey, let's do it again with nothing else to reconsider except our feelings.
Ngayong gabi sa harap ng pamilya natin, mga kaibigan at mga kasamahan sa
trabaho....I'm begging you again to love me forever."

Hindi makapagsalita si Alex. Hihimatayin na ata siya sa sobrang pagka-antig at


saya. Tunaw na tunaw na ang kanyang puso at hinang-hina na ang kanyang mga tuhod.
Kung hindi lang sila nakaharap sa maraming tao kanina niya pa niyakap at siniil ng
halik ang nobyo upang tumigil na ito sa pagbibitiw ng mga matatamis na salita bago
pa man siya tuluyang mawalan ng malay sa kakiligan. Dumungaw ang mga luha niya nang
makitang inilalabas ni Blake ang maliit na itim na kahong matagal niya ng
hinahanap.

"Sa harap ng lahat ng mga bisita and for the second time around, I'd like to ask
you again...." binuksan ng lalaki ang kahon saka dahan-dahang lumuhod sa harap ni
Alex at muling nasilayan ng dalaga ang singsing na dati'y nakasuot na sa kanyang
daliri.
"Captain Alexandra Valdemor, will you marry me?"

Tila naglaho ang lahat ng tao sa paligid matapos mapakinggan ni Alex ang tanong.
Pakiramdam niya ay sila na lamang magkasintahan ang naroroon sa loob ng malaking
hall. Maliban sa magandang musikang pumapailanlang, madilim na ang buong paligid at
tanging ang kinaroroonan nilang dalawa ang maliwanag.

Hindi niya maibuka ang bibig sa kaligayahang nararamdaman. Nanatili lang siyang
nakatitig sa nakaluhod na kasintahan habang naghihintay ito ng kasagutan.
Lumulutang siya sa ulap at natauhan lamang siya nang maramdamang may basang bagay
na dumaloy sa kanyang pisngi. Di niya na napigilang huwag umiyak.

"W-Wifey, is it a yes or no?" biglang kabadong tanong ni Blake nang medyo may
katagalan na ang pananahimik ng girlfriend.

Dahan-dahang tumango si Alex habang nagpapahid ng mga luhang ayaw pa rin papigil sa
pagtulo. "Oo naman, magpapakipot pa ba ako?" natatawa't naiiyak na sagot niya sabay
kuha sa singsing at siya na mismo ang nagsuot nito sa sarili.

Gumuhit ang abot tengang ngiti sa mukha ni Blake. Dahan-dahan siyang tumayo at
muling tumitig sa babae. Ipinulupot niya ang mga kamay sa beywang ni Alex at
idinikit ito sa katawan niya.

"Thank you....Thank you for everything wifey," bulong niya at sabay inilapit ang
mga labi sa dalaga. "I love you."

"I love you too, Blake."

Kusang sinalubong ni Alex ang mga labi ng kasintahan at nakapikit na hinalikan ito
ng malalim. Ilang sandaling naglapat ang kanilang mga labi habang hindi namamalayan
ang malakas na palakpakan sa buong paligid.

"Kelan ang kasal?" sabik at nakangiting tanong ni Alex na halatang limot pa rin ang
mga taong nanonood sa kanila.

"Kelan mo gusto? If you want after this party we can go directly to the church,"
ngingiti-ngiti sagot ni Blake.
Sumimangot ang dalaga. "Huwag naman ganyan kabilis. Siyempre gusto ko pa rin
magsuot ng magandang wedding gown. Di mo na nga ako binigyan ng chance na
makapagbihis sa engagement, pati ba naman sa kasal ayaw mo pa rin akong maging
maganda," kunway nagtatampong wika nito.

Natawa si Blake at pagkuway muli itong humarap sa mga bisita. "Although the result
is obvious but still I want to confirm her answer. She said yes. Please be my
witness, in case she changed her mind again."

Nagtawanan at nagpalakpakan ulit ang mga tao.

"My fiancee is making a fuss right now about her appearance. So please excuse us
for a while. We'll try to greet everyone later."

Kinuha ni Blake ang kamay ni Alex upang lisanin na nila ang entablado subalit bigla
siyang may naalala kaya't muli siyang nagsalita sa mikropono. " By the way, before
I forgot. I'd like to remind those people who are planning to do bad things behind
my back, bear in your minds that Supergirl is my future wife."

Naghalakhakan ang mga bisita at pinalakpakan ulit ang magkasintahan habang bumababa
ng stage.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ni Alex nang inakay siya ng boyfriend papalabas
ng venue.

"You're changing clothes. I want the guests to see how you transform yourself into
a goddess."

Hawak-kamay na pumasok sila sa pinakamalaking suite room ng kinaroroonang hotel.


Nakangangang iginala ni Alex ang mga mata habang naglalakad papasok ng magarang
kuwarto.

"Anong ginagawa natin dito?"

"We're going to spend here your first three days of being a full-time girlfriend."
"Bakit naman dito?"

"Well, just consider it as our advance honeymoon," ngingisi-ngising sagot ng


lalaki.

"Ang bilis mo namang maningil!" nakaismid na reklamo ni Alex.

Natigil sa kulitan ang dalawa nang maabutan ang designer at make-up artist na
naghihintay sa sitting area. Nakahanda na sana ang mga ito para bihisan si Alex
ngunit biglang bumulong ang dalaga sa katipan.

"Bakit sila ang magbibihis sa akin eh pwede namang ikaw na lang," pilyang sambit ni
Alex.

Biglang natigilan si Blake at napaisip. Naniningkit na tiningnan niya mula ulo


hanggang paa ang ngingiti-ngiting girlfriend. Hanggang sa unti-unting lumagkit ang
pagkakatitig niya sa babae habang napapakagat sa labi. Tumikhim siya at hinarap ang
mga taong naghihintay sa kanila.

"Ah I'm sorry nakalimutan kong ayaw nga pala ng girlfriend ko na nagpapaayos sa
iba. She loves fixing herself on her own," bigla-biglang paliwanag niya samantalang
lumalaki naman ang butas ng ilong ni Alex at nagpipigil ng tawa sa tabi niya.

"Okay po Mr. Monteverde. So, what shall we do now?" tanong ng designer.

"You can go down to the party. I'll call you guys if Alex needs any help," medyo
mamula-mula na ang pisngi na sagot ng binata habang hinihimas-himas ang baba.

Walang reklamong umalis ang mga taga-ayos. At pagkalabas na pagkalabas ng mga ito'y
tumawa ng malakas si Alex. Tumaas ang kilay ni Blake at agad na binuhat ang babae
papasok ng kuwarto.

"You better get ready temptress ..." gigil na sambit nito

"Eeeei Blake nagbibiro lang ako. Hindi tayo pwedeng magtagal dito maraming bisita
ang naghihintay sa party!"

Itinapon ni Blake ang girlfriend sa malambot na kama at tinabihan ito. Biglang


naglaho ang mga pilyong ngiti niya nang nagkalapit ang kanilang mukha. Unti-unti
niya itong tinitigan ng seryoso at marahang hinawi ng kamay ang nakaharang na buhok
sa pisngi nito.

"Are you happy?" mahinang tanong niya.

"Sobra," sagot ni Alex

"Everything will be fine starting today, right?"

Tumango ang dalaga.

"Hindi ka ba nagsisisi sa naging desisyon mo sa trabaho?"

Nakangiting umiling si Alex.

Muling tinitigan ni Blake ang walang bahid ng makeup na mukha ng girlfriend habang
isa-isang binabaybay ng daliri ang bawat bahagi nito.

"You're beautiful...Thank you for choosing me."

"Salamat din...s-sapagkat hindi ka napagod na mahalin ako sa kabila ng mga


pagkukulang ko. Mahal na mahal kita Blake at ipinapangako kong magiging isa akong
mabuting asawa sayo."

Yumakap ng mahigpit si Alex sa katawan ng nobyo at ganun din ang lalaki. Isiniksik
niya ang mukha sa dibdib nito habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. Nanatili
sila sa ganoong puwesto habang tahimik na pinapakingga't pinapakiramdaman ang tibok
ng dibdib ng bawat isa.

"We're going to be like this forever wifey. I promise to give you a happy life....
I love you more than anything else in this world," bulong ni Blake at saka humalik
sa noo ng nakapikit na kasintahan.

*****

"Hon, huwag na lang nating ilagay yang picture frame na yan," salita ni Alex.

Natigilan si Blake na noon ay nasa ibabaw ng step ladder at napatingin sa asawang


nakatingala sa kanya habang hinahaplos-haplos nito ang bilog na bilog ng tiyan.
Pinagpapawisan na siya sa maya't mayang pagsunod sa utos nito.

"Bakit?"

"Ayoko ng kulay. Medyo nangingibabaw masyado ang blue. Ayokong mabahiran ng kahit
konting panlalaking taste ang kuwarto ng magiging baby girl natin."

Nanghina bigla si Blake. Nakakailang akyat-baba na siya sa kakasabit sa larawan sa


kung saan-saang pwesto tapos ipapatanggal lang pala.

"What's wrong with that color? Lagyan naman natin ng kaunting variety itong
kuwarto. Lahat pink and purple na lang ang nandidito and besides it's a baby blue
so not really that boyish," kumbinsi niya.

"Ah basta ayoko pa rin! Tanggalin mo yan!" pagmamatigas ng misis.

Wala siyang nagawa kundi sundin ang buntis na asawa. Bumaba siya ng hagdan bitbit
ang malaking frame. Hinihingal na inilapag niya ito sa sahig at agad na nagpunas ng
pawis habang si Alex ay inililibot pa rin ang mga paningin sa kuwarto na halatang
naghahanap pa rin ng aayusin. Lahat na ata ng mga gamit sa nasabing silid ay
nabuhat niya na dahil sa ginagawang pagre-rearrange ng asawa.
"Hon, ilipat mo yung crib sa kabilang side ng kama," utos na naman nito.

Uminom muna siya ng tubig at saka muling sumunod. "Hon madami pa bang aayusin?" di
na nakatiis na tanong niya habang buhat-buhat ang crib.

"Hmmm..." iginala ni Alex ang mga mata. "Wala na, last na yan."

Nakahinga ng kaunti si Blake. Magtatatlong oras na silang nag-aayos ng kuwarto


dahil sa pabago-bagong desisyon ng misis. Hindi lang siya makapagreklamo dahil
itong huling buwan ng pagbubuntis nito ay nagiging masyado na itong madamdamin.

"Finally, we're done!" nakangiting ika niya matapos ilipat ang kuna.

Lumapit sa kanya si Alex at malambing na pinunasan siya ng pawis. Ngunit biglang


nagbago ang hilatsa ng mukha nito nang mapansin ang frame na nakasabit sa tabi ng
crib.

"Huh?May picture pala ng naglalaro ng basketball."

Muling kinabahan si Blake. "It's a picture of a happy family and it's a common
scene that the father and son are playing basketball while the mother and daughter
are picking flowers," paliwanag niya habang tinitingnan ang picture frame.

"Tanggalin mo yan diyan. Pagpalitin mo nung painting na nasa kabilang dingding."

Napakagat sa labi si Blake at huminga ng malalim. Hindi biro ang laki at bigat ng
painting na pinapalipat sa kanya. Pagod na pagod na siya kaya't medyo napipikon na
rin sa asawa. "I don't see any problem in that picture," nagtitimping tugon niya
nang may pilit na ngiti.

Tiningnan siya ng masama ni Alex. "Katabi ng crib ng baby natin yan tapos ang
nakikita niya naglalaro ng basketball," pairap na sagot nito.

"What's the big deal about that picture as if makakaapekto yan sa paglaki ng anak
natin."
Tumingin si Alex sa tiyan at hinimas-himas ito. "Ayaw kong maliit pa lang ay
naeexpose na ang anak natin sa mga panlalaking bagay. Gusto kong lumaki siyang
babaeng-babae."

"Hon, we're going to have a baby girl. If she's a girl then she'll grow up as one.
Anong kinalaman ng mga boyish color or pictures tungkol diyan?"

Simangot na hinarap ni Alex ang mister. "Eh paano kung magaya siya sa akin? Maliit
pa lang ako ay na-expose na ako sa mga panlalaking bagay dahil kay lolo, kaya ayan
tuloy lumaki akong puro panlalaki ang interes. Ayokong matulad sa akin ang magiging
anak natin."

Simula nang magbuntis, unti-unting naunawaan ni Alex ang ina kung bakit galit na
galit ito sa pagpupulis niya. Ngayong magkakaanak na siya at kahit nasa tiyan niya
pa lamang ito'y punum-puno na siya ng pangarap para sa bata. Kung papaano ito
palalakihin, aalagaan at poprotektahan. Gusto niyang lumaki itong mabait at
magandang bata. Hinding-hindi siya papayag na may manakit dito kaya naman lubusan
ang pananalangin niya na sana'y huwag itong magmana sa kanya.

"You were exposed in an actual boyish activities that's why you grew up that way
which will not happen to our daughter. So stop worrying over a picture and a color,
okay?" paliwanag ni Blake hanggang sa unti-unting kumunot ang noo niya. "And by the
way, what's wrong with being boyish? Nakalimutan mo na bang I fell in love with you
because of that type of personality?"

"Walang mali pero iba pa rin kung lumaking normal na babae ang anak natin,"
katwiran ni Alex. "Teka nga muna kanina ka pa nahahalata yang pagrarason mo. Siguro
ayaw mo lang sundin yung utos ko."

Bumuntong hininga si blake at pagod na namewang. "To be honest wifey, kanina pa ako
napapagod. I told you to get an interior designer for this room para mas
mainterpret ng mabuti yang gusto mo."

"Ano ka ba? Para sa anak natin to kaya dapat tayong mga magulang ang personal na
nag-aayos nito."

"I know pero ilang beses na natin tong inayos but there's always something that
you're not satisfied about," napapakamot sa batok na sambit ni Blake.
Tumaas ang isang kilay ni Alex at nagtatampong tumingin sa asawa. "Kung ayaw mong
sumunod, pwes ako ang gagawa!"

Agad na naalarma si Blake at mabilis na pinigilan ang misis na inuumpisahan na


sanang hilahin ang step ladder. "Ako na! Ako na! Nagbibiro lang ako. Pwede ba
namang hindi ko sundin ang mahal ko," biglang lambing niya.

"Napipilitan ka lang ata eh," may tampong sagot ng asawa.

"Ako mapipilitan? Ano ka ba naman eh sabi mo nga this is for our baby," masiglang
sagot ni Blake. "But before I carry that painting, give me an energizer first,"
sabay turo niya sa pisngi.

Saka lamang ngumiti si Alex at lumapit sa naglalambing na lalaki para bigyan ito ng
isang halik. Ngingiti-ngiting pinanood niya ang mister habang muli itong umaakyat
ng hagdan upang pagbigyan ang gusto niya ngunit maya-maya lamang ay nakaramdam siya
ng pananakit ng balakang. Hanggang sa tila may basang bagay na tumulo sa kanyang
mga hita. Napahawak siya sa balakang at nang yumuko siya'y may tubig nga sa kanyang
paanan.

"B-Blake.....m-manganganak na ata ako."

Katulong ni Blake ang isang maid at ang driver sa pagsugod kay Alex sa hospital.
Wala ng bihis-bihis na naganap dahil sa sobrang pagkataranta. Nakapambahay lang na
dumating sila sa hospital at doon ay naabutan na nilang naghihintay ang buong
pamilya ni Alex at si Don Henry na nag-aabang sa entrance. Isinakay si Alex sa
stretcher at sumunod naman agad si Blake sa asawa habang tinutulak ng mga nurses
patungo sa loob ng hospital.

Napapakagat sa mga labi si Alex habang maya't mayang bumubuga ng hinga. Kanina niya
pa tinitiis ang sakit ngunit habang tumatagal lalo itong tumitindi hanggang sa
hindi niya na napigilan ang sarili na huwag mag-ingay nang binabaybay na nila ang
pasilyo patungo sa delivery room.

"TANGINA ANG SAKIIIIITTTT!!!!!"napapamurang sigaw niya. "BLAKE TULUNGAN MO AKO!!!


HUWAG KANG AALIS SA TABI KO!!!"

"Yes Hon andito lang ako. I won't leave your side," natatarantang sagot ni Blake
habang hinahawakan ng mahigpit ang palad ng asawa.

Bumuntot din sa stretcher si Ginang Sylvia.

"MA ANG SAKIT!!!HINDI KO ATA KAYA TO!!! TULUNGAN NIYO AKO!"

Hinawakan ng ginang ang kabilang kamay ng anak. "Kaya mo yan anak, inhale exhale
lang. Inhale...exhale, inhale...exhale," namumutla sa nerbyos na paggabay ng ina.

"Wooh!Woooh! Ang sakit talaga! MAAAAAA! HINDI KO KAYA!"

"Huwag kang OA! Kung tama nga ng bala nakayanan mo, yan pa kayang panganganak! I-
ere mo lang yan!" biglang pagalit ng ina ngunit kitang-kitang mas tila kinakabahan
pa ito kesa sa manganganak.

"BLAKE KUNG ALAM KO LANG NA GANITO TO KASAKIT!!! TANDAAN MO HINDING-HINDI KA NA


MAKAKAULIT! HUMANDA KA PAGKATAPOS NITO PIPILIPITIN KO YANG KAMAY MO!!!!! ANG SAKIT
SAKIIIIT!!!!"

-----

Nakatulog si Alex matapos pagdaanan ang hirap ng panganganak. At nang magmulat siya
ng mga mata'y mukha agad ng asawa ang dumungaw sa kanya.

"How are you Hon?" puno ng pag-aalalang tanong nito habang hinahaplos-haplos ang
buhok niya at mahigpit na nakahawak sa palad niya.

Iginala niya ang mga paningin. Nasa loob na siya ng private room ng hospital at
silang dalawa lang ni Blake ang naroroon.

"Are you still in pain?" tanong ulit ni Blake.

Umiling si Alex at ngumiti. "Hindi na.... N-Nasaan ang baby natin?"


"She's in the nursery," may ngiting sagot ni Blake.

"K-Kumusta siya?"

"She's healthy...and just like you, she's beautiful," puno ng damdaming sagot ni
Blake sabay halik sa noo ng bagong panganak na asawa at mas lalong hinigpitan pa
ang pagkakahawak sa palad nito.

"Gusto ko na siyang makita."

"Don't worry dadalhin na siya dito ng mga nurses."

"Nasaan sina Mama?"

"Andun silang lahat sa nursery. They're all looking at the windows. It seems that
they're more excited than us," tatawa-tawang sagot ni Blake.

Nagkatitigan ang mag-asawa at ngumiti si Alex. Hinaplos niya ang pisngi ng lalaki
at sinuklay ng kamay ang buhok nito. "Mukhang pagod na pagod ka na. Gusto mo bang
umidlip muna't magpahinga?"

"Don't worry about me. You're the one who's in pain right now. Besides, I can't
afford to take a rest hanggang hindi ako sure na okay ka."

"Salamat...Sorry kanina ha, ang ingay ko. Nakakahiya."

"No big deal. Kaunti lang naman ang pinagkaiba nun sa bahay," biro ng lalaki.

Kinurot ni Alex ang mister. "Uhm loko-loko. Kelan pa ako naging maingay sa bahay?"

Natawa si Blake. "Uhm minsan lang naman... like every morning, noontime and
sometimes even at bedtime."
"Kunyari ka pa pero hindi naman kumpleto ang araw mo pag hindi naririnig ang boses
ko," nakairap na wika ng babae.

"I'm not complaining. Do I sound like I'm complaining? Bakit naman ako magrereklamo
sa tanging bagay na nagbibigay buhay sa bahay....But wifey, I have one concern
about what you said earlier?"

"Ano yun?"

"You're not being serious when you said na hindi na ako makakaulit, right?" bulong
ni Blake nang may pilyong ngiti.

Biglang sumakit ang balakang ni Alex. "Ahhh aray. Blake kapapanganak ko lang, pwede
bang huwag na muna nating pag-usapan yan," nakangiwi ngunit natatawang sagot niya.

"But you said we're going to make a big family."

Natigil ang dalawa sa paglalambingan nang dumating ang nurse karga ang bagong
silang na sanggol. Sabay na napangiti ang mag-asawa. Inalalayan ni Blake sa pag-upo
sa higaan ang misis. Iniunat ni Alex ang mga kamay nang puno ng pananabik na
makarga't masilayan ang anak.

"Ang baby ko--"

Subalit siya namang biglang pagsulpot ng buong pamilya. Kinuha agad ni Sylvia ang
sanggol sa nurse.

"Ang cute-cute naman ng apo ko! Tingnan mo honey parang ang laki ng hawig niya sa
akin," walang pagsidlan ng kaligayahang wika ng ginang sa mister habang nakatitig
sa bata.

"I think her looks is more of Blake," prangkang sagot ni ginoong Lauro.

Inismiran muna ng ginang ang asawa at saka muling nilambing ang bata. "Baby,
aalagaan kang mabuti ni lola."
"Can I carry my grandchild too?" wika naman ni General Valdemor.

Ibinigay ng ginang ang sanggol sa matanda. "Dahan-dahan Papa baka mabalian si


baby," paalala nito.

"I'm happy that finally may laruan na rin kami sa bahay," pahayag naman ni Don
Henry habang tinutunghayan ang bata.

Pinagpasa-pasahan ng buong pamilya ang sanggol habang si Alex ay nanatiling


nakaunat ang mga kamay at nakanganga. Hindi makapagsalitang pinapanood niya ang mga
ito habang nagkakagulo sa bata. Wala man lang ni isang nakaalalang kumustahin siya.

"Oh my god. Ang ganda ng pamangkin ko. Finally magkakaroon na rin ng beauty queen
sa pamilya natin. Titiyakin kong magkakakorona ka paglaki mo!" may kalambutang wika
ni Dennis habang karga-karga ang bata.

"Dennis Valdemor!" matigas na tawag ni General Valdemor. "Umayos ka kung ayaw mong
pagapangin ulit kita sa ilalim ng barbwire. Kahit na umamin ka na tungkol diyan sa
pagkatao mo, hindi pa rin ako sumusuko na gawin kang isang tunay na lalaki kaya't
huwag kang lalambot-lambot sa harap ko!"

Mabilis na tumikhim si Dennis at umayos ng tayo. "Ang ganda mo baby," lalaking-


lalaki at bilog na bilog ang boses na pagkakasabi nito.

"Ah kung hindi niyo masasamain....pwede bang makita ko naman ang anak ko?"
malumanay na pagkakasabi ni Alex.

Saka lamang napatingin sa direksiyon ng mag-asawa ang buong pamilya.

"Ay nandyan ka pala!" komento ni Dennis.

"Okay lang ba na ako naman ang magkarga sa bata? Kung hindi nakakahiya,"
sarkastikong sambit ni Alex.

"Sure!" may kalambutan ulit na wika ni Dennis ngunit nang makitang nakatingin ulit
sa kanya ng masama ang lolo ay agad siyang tumikhim. "S-Sure," sabay bigay sa bata
sa ina nito.

Parang mabibingi si Alex sa lakas ng kabog ng dibdib habang inaabot sa kanya ang
bata. At nang mahawakan niya na ito ay unti-unting dumungaw ang luha sa kanyang mga
mata. Parang may isang anghel na dumikit sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag
ang sayang nararamdaman. Nakalimutan niya lahat ng sakit at hirap na dinanas sa
panganganak. Kahit paulit niyang maranasan yun ay titiisin niya kung ganito naman
kasarap sa pakiramdam na makita ang batang iniluwal niya.

Nagmulat ang sanggol at bahagyang ngumiti na tila alam na ang ina ang kumakarga sa
kanya. Lumabas ang magkabilaang biloy nito sa pisngi. Napakagandang bata. Maputi,
makapal ang buhok, matangos ang ilong, itim na itim ang bilog ng mga mata at
maganda ang hugis ng mapupulang labi.

"Hon, kamukhang-kamukha mo nga," bigkas ni Alex habang tinitingnan ang asawa't anak
upang pagkumparahin ang dalawa.

Ngumiti si Blake na noon ay parang nakalutang din sa ulap sa saya habang


pinagmamasdan ang kanyang mag-ina. "She looks like you too."

"Baby kamukhang-kamukha ka ng Daddy," nakangiting sabi ni Alex sa sanggol sabay


halik dito.

"Teka, ano nga pala ang pangalan ng apo ko?" tanong ni Sylvia.

"Cassandra Marlene," sagot ni Blake.

"Maganda. Pwede bang ako ang magbigay ng nickname?" sabat ni Dennis. "Anong gusto
niyo? Cass, Cassie, Sandra o Sandy?"

Naistorbo ang pag-uusap ng lahat nang biglang dumating sina Margareth at James
kasama ang mag-iisang taong gulang na anak na lalaki. Karga ni Margareth ang anak
samantalang may bitbit namang lobo at mga bulaklak si James.

"Nasan ang pamangkin ko?!" di makapaghintay na bungad agad ni Margareth kahit nasa
pinto pa lamang.
Dali-dali itong lumapit sa bata at ni hindi man lamang kinumusta muna ang kaibigan.

"Woah! Ang gandang bata!" namimilog ang mga matang ika nito. "Baby Harry look. You
have a little sister already," masayang sabi nito sa anak.

Inilapag naman ni James sa mesa ang mga dala-dala at pagkuwa'y nilapitan si Blake.
"Congrats pare!"

"Thank you," nakangiting tugon ni Blake.

"Teka lang! Tamang-tama kumpleto na ang casting!" bulalas ni Dennis na ikinagulat


ng lahat. "Nurse pwede bang kunan mo kami ng litrato?" sabay abot nito sa
cellphone.

"Yes Doc."

Pumuwesto ang nurse sa unahan ng kama at nagsitayuan ang lahat sa bandang likuran
ng higaan. Bakas sa mukha ng bawat isa ang tuwa't saya. Naupo naman si Blake sa
kama para tabihan ang kanyang mag-ina. Nang nakangiti na ang lahat ay saka humanda
ang nurse sa pagkuha ng litrato.

"Ready....One...two..."

At pagpatak ng tatlo, surpresang hinalikan ni Blake sa mga labi ang asawa.

----- The End-----

Maraming maraming salamat po sa lahat ng natuwa, nagalit, naiyak at na-inlove sa


kuwentong ito. Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya sa pagmamahal at suportang
ibinigay niyo sa story na ito. Kagaya ng karamihan sa inyo, masaya na malungkot rin
ako dahil napamahal na rin sa akin sina Blake at Alex. Pero ganito talaga, bawat
kuwento ay may katapusan...So thank you everyone for loving Blake Monteverde &
Captain Alexandra Valdemor. I hope their characters will remain in your hearts for
a long time (teary-eyed). God bless you all and I love you guys! ---- Sweetmagnolia
**********************************
CONVERTED BY WATTPAD2ANY VERSION 1
----------------------------------

ALL RIGHTS RESERVED TO THE OWNER


OF WATTPAD.COM AND ALSO
ALL RIGHTS RESERVED TO THE AUTHOR
OF THIS BOOK

BY CONVERTING THE BOOK, YOU HAVE


ACCEPTED TO THE TOS OF WATTPAD
AND ALSO
WOULDN'T POST ANY OF THE CONTENTS
CONTAINED IN THIS FILE BY ANY MEANS
ELECTRONIC OR PRINTED, WITHOUT
THE CONSENT OF THE AUTHOR.

COPYRIGHT 2013
**********************************

You might also like