Professional Documents
Culture Documents
LP-LS-4-Live-Jeannette (2) (AutoRecovered)
LP-LS-4-Live-Jeannette (2) (AutoRecovered)
Department of Education
Region I
Schools Division Office of San Carlos City
San Carlos City, Pangasinan
I. MGA LAYUNIN
II. NILALAMAN
a. Paksa: Karapatang Pambata
b. Sanggunian: ALS Modyul: Karapatang Pambata
c. Mga Kagamitan: powerpoint, kagamitan sa webcast, mga larawan
d. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa karapatan ng mga bata
e. Platform: CCN Broadcast
III. PAMAMARAAN
A. Balik- Aral
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Kilalanin kung anu-ano sa mga
sumusunod na tungkulin ang napapabilang sa mga magulang, sa paaralan, o sa
komunidad. Isulat ang Mga Magulang kung ang pangungusap ay naglalarawan
ng tungkulin ng mga magulang sa bata. Isulat ang Paaralan kung ang
pangungusap ay naglalarawan ng tungkulin ng paaralan sa bata. Isulat ang
Komunidad kung ang pangungusap ay naglalarawan ng tungkulin ng komunidad
sa bata. Isulat ang mga sagot mo sa mga nakalaang patlang sa bawat
pangungusap.
______1. Magbigay sa mga bata ng pagmamahal, mabuting samahan, at
pang-unawa.
______2. Magbigay sa mga mag-aaral ng sapat na silid-aralan at pasilidad,
kasama ang palaruan, espasyo at pasilidad para sa paglilibang.
______3. Tulungan ang pamahalaan sa pakikipaglaban sa mga krimeng
pambata at sa pagrehabilita sa mga batang lumabag sa batas.
______4. Payuhan ang kanilang mga anak nang maayos sa mga bagay na
makakaapekto sa kanilang paglaki at pagkatao.
______5. Magtatag at maghikayat ng mga gawain para sa kalinangan ng mga
interes ng kabataan.
______6. Ang magkaroon ng mga special classes sa bawat probinsiya at
paaralang special para sa mga may kapasanang pisikal, mga mentally
retarded, mga emotionally disturbed, at mga batang may di-karaniwang
kakayahan.
______7. Maging isang mabuting halimbawa para sa kanilang anak.
______8. Tiyakin ang isang maayos na kapaligiran na kailangan para
maitaguyod ang normal na paglaki ng mga bata at ang pag-unlad ng kanilang
pisikal, mental, at ispirituwal na pagkatao.
B. Pagganyak
Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang pahayag ay isang halimbawa ng
karapatan ng bata at lagyan ng ekis (X) kung hindi .
C. Paglalahad
Tukuyin ang dalawang karaniwang paglabag sa karapatan ng mga bata sa
Pilipinas. Maaari kang pumili mula sa listahan sa ibaba. Isulat ang mga
Prostitusyon ng Pag-ampon ng
Bata Bata
Child Labor Child Care Systems
sagot sa mga patlang na inilaan sa ibaba. Ipaliwanag ang mga piniling
kasagutan.
Ang dalawang karaniwang paglabag sa karapatan ng mga bata ay ang:
1.
________________________________________________________2.
________________________________________________________
D. Pagtatalakay
E. Pagsasanay
Tingnan ang bawat larawan sa ibaba. Alin sa mga karapatan ng bata ang
nilalarawan ng mga nakaguhit? Maaaring tingnan ang listahan ng mga karapatan sa
nakaraang pahina kung hindi mo sila matandaang lahat. Isulat ang mga sagot mo sa
mga nakalaang patlang sa ibaba ng bawat larawan.
F. Paglalapat
May ilang pahayag sa ibaba tungkol sa mga bata. Kung ang pahayag ay naglalarawan
ng karapatan ng bata, isulat ang Sang-ayon sa patlang bago ang bawat pahayag. Kung
ang pahayag ay hindi naglalarawan ng karapatan ng bata, isulat ang Di Sang-ayon.
1. Ayon sa United Nations, ang bata ay kahit sinong ang
edad ay 18 pababa, maliban kung mayroong batas na
nagsasabing ang bata ay magiging maygulang sa mas
mababang edad.
____________2. Ang bata ay talagang hindi mahalaga sa bayan.
____________3. Ang pagpapalaki sa bata ay nagsisimula sa tahanan.
____________4. Ang mga bata ay walang karapatan dahil hindi talaga
sila mamamayan ng bayan.
____________5. Ang tanging responsable para sa pagpapalaki ng bata
ay ang bata lamang.
IV. Pagtataya
A. Magbanggit ng kahit 5 lamang sa mga karapatan ng bata. Isulat ang mga sagot mo
sa mga nakalaang patlang sa ibaba.
1.________________
2.________________
3.________________
4.________________
5.________________
B. Sumulat ng sanaysay tungkol sa Karapatang Pambata.
V. TAKDANG ARALIN
Para mas lalo mong maintindihan ang mga karapatan ng mga bata, patugtugin ang kanta
na ang pamagat ay “Bawat Bata” (Every Child) na inawit ng Apo Hiking Society.
Basahin at unawain ang mga liriko ng kanta habang sumasabay sa pagkanta.
Nagustuhan mo ba ang kanta? Subukan mong sagutin ang tanong.
1. Ano ang mensahe ng kanta?
Ipaliwanag ang iyong sagot sa limang pangugusap
Validated by:
Recommending Approval:
EDITHA R. PRIDAS, PhD MARILU N. CARDENAS, PhD
Chief- Curriculum Implementation Division Assistant Schools Division Superintendent
Approved:
LOURDES D. SERVITO, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent