Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 65

INIHANDA NI:

MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng leksiyong ito,
ikaw ay inaasahang:

A- Nabibigyang pagpapahalaga ang


Kulturang Pinoy at Kulturang Popular
bilang isang Pilipino.

S-Nakagagawa ng bidyong
nagpapakita ng mga Kulturang Pinoy
na isinasagawa noon hanggang
ngayon.

K- Komprehensibong naipaliliwanag
ang kontekstong kulturang Pinoy at
kulturang popular.
Kumusta?

Isang bagong kaalaman ang iyong


matutuhan sa araw na ito!

GAWIN ITO

Panuto: Pansinin at suriin muna


ang nasa larawan.
Hulaan kung ano ito. Ito
ba’y may kabuluhan sa
buhay ng mga
Pilipino?

Magaling ka! Ngayon, halina’t ating alamin ang kahulugan ng kultura at


ang iba’t ibang kulturang Pilipino.
➢ Ang kultura ay ang
pagsalin-salin ng mga
tradisyon ng isang grupo
ng tao o komunidad. Sa
Pilipinas naman, ang
kultura ay pinaghalong
mga tradisyon, paniniwala
at pamumuhay ng mga
dayuhang sumakop at ang
mga katutubong Pilipino.

➢ Ang lahat ng lugar sa


mundo ay may sariling ➢ Ito rin ang paraan ng pamumuhay ng mga
kultura na magsisilbing taong nagpapakita ng kaugalian, tradisyon,
pagkakakilanlan ng mga sining, sistema ng edukasyon, musika
isang lugar. at pamahalaan.
ANO NGA BA ANG
KULTURANG POPULAR?
Kung noon ay radyo,
dyaryo, telebisyon at
magasin lang ang ating
media para malaman kung
anong uso, anong sikat at
ano ang popular, sa
panahon ngayon,
napakamoderno na ng
teknolohiya at napakadali
na para sa mga tao na
makiuso at magpauso sa
pamamagitan ng lahat ng
uri ng media --lahat ng
nabanggit kanina at
idinagdag pa ang internet.
Bakit ba napakaimportante
sa mga taong makasabay
sa uso? Ano nga ba talaga
ang kulturang popular?
Ang kulturang popular
ay masasabi nating isang
paraan ng mga tao para
maramdaman ang
pagtanggap sa kanila ng
nakararami. Ang pag-
ayon sa kulturang
popular, ang
nagpapadama sa mga
tao na tanggap sila sa
modernismo dahil ang
kulturang popular ay
kadalasang nagmumula
sa mga modernong
produkto ng mga
kumpanya at modernong
mga bansa.
Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay
ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano
ang katanggap-tanggap. Ito ay maaaring
teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa.
Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na
itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya
at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao
para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa
isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang
sarili.
Ilan sa mga bagay na
bumubuo sa kultura
AWIT
SINING
KASABIHAN
KAGAMITAN
MGA SELEBRASYON
Karamihan sa kultura ng
Pilipino ay nakuha mula sa mga
Espanyol na sumakop sa bansa.
Subalit, kahit matagal ang
pagsakop nila sa Pilipinas, ang
kulturang Pilipino ay patuloy
pa ring makikita.

HALIMBAWA:
Bayanihan o
pagtulong sa kapwa
Malaking pagpapahalaga ng Pilipino sa
pamilya
Mga bagay na nakaiimpluwensya sa kultura
Bago pa man dumating ang mga unang
mananakop, ang mga mangangalakal
galing sa India, Malaysia, Indonesia,
Tsina at Hapon ay may malaking
kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas.
Ang Hinduismo at Budismo ay may
impluwensiya sa mga katutubong
paniniwala ng mga Pilipino bago dumating
ang mga Kastila at ang mga
mangangalakal na Muslim. Ang wikang
Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay
maraming hiniram sa wikang Sanskrito.
Isang mabuting halimbawa ang karma, na
hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin
ng mga Pilipino. Marami sa mga
pamahiin, hiniram na salita at pagkain,
tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana
sa mga mangangalakal na Tsino.
RELIHIYON

KRISTIYANISMO

Naimpluwensyahan ng
Kristiyanismo ang
kulturang Pilipino sa halos
lahat ng mga tapyas, mula
sa visual art, arkitektura,
sayaw, at musika. Sa
kasalukuyan, ang Pilipinas
ay isa sa dalawang
nakararaming Katolikong
Romanong (80.58%)
nasyon sa Asya-Pasipiko,
East Timor ang isa pa.
ISLAM

Dumating ang mitolohiyang Islam


sa Pilipinas noong ika-13 siglo sa
pamamagitan ng mga daan ng
pangangalakal sa Timog-Silangang
Asya. Itinatag ang paglago ng Islam
ng iba't ibang uri ng mga sistema
ng paniniwala, lalo na sa mga
timog-kanlurang bahagi ng
kapuluan, kung saan niyakap ang
sistemang sultanato ng mga
katutubo nang walang
pangangailangan ng sapilitang
pagbabagong-loob, dahil hindi
binalak ng mga relihiyosong
mangangalakal na sakupin ang
kapuluan. Sa kasalukuyan, halos 6%
ng populasyon ay Muslim at
nakatipon ang karamihan sa
rehiyong Bangsamoro sa Mindanao.
Nasa ilalim ng Sunni Islam ang
karamihan ng mga Pilipinong Muslim
ayon sa paaralan ng Shafi'i.
ARKITEKTURA

Bilang kolonya ng
Imperyong Kastila nang
333 taon, ipinakilala ng
mga Kastila ang
Europeong arkitekturang
kolonyal sa Pilipinas.
Naging dahilan ang
pagkilala ng Kristiyanismo
sa pagdala ng mga
Europeong simbahan at
arkitektura na naging
sentro ng karamihan ng
mga bayan at lungsod sa
bansa.
SINING-BISWAL

Nagsimulang lumikha ang mga


Pilipino ng mga pinta sa tradisyong
Europeo sa panahong Kastila noong
ika-17 siglo. Ang mga pinakamaaga
sa mga ito ang presko sa simbahan,
larawang relihiyoso mula sa mga
sangguniang Biblikal, pati na rin
ang mga pag-ukit, iskultura, at
litograpiya na nagtatampok ng mga
imaheng Kristiyano at
kamaharlikaan ng Europa.
Karamihan sa mga pinta at iskulutra
mula sa ika-19 at ika-20 siglo ay
nakalikha ng halo ng mga likhang-
sining na relihiyoso, pampulitika, at
paisahe na may mga katangian ng
katamisan, kadiliman, at
katingkaran.
SINING NG PAGGANAP

PAGSASAYAW

Kabilang sa mga Pilipinong


katutubong sayaw ang Tinikling
at Cariñosa. Sa timugang
rehiyon ng Mindanao, ang
Singkil ay isang sikat na sayaw
na nagpapahayag ng kwento ng
isang prinsipe at prinsesa sa
gubat. Nakaayos ang mga
kawayan sa isang huwarang tic-
tac-toe kung saan
kumakasangkapan ang mga
tagasayaw sa lahat ng mga
posisyon ng mga
magkasalungat na kawayan.
MUSIKA

Itinampok ng antigong musika


ng Pilipinas ang pagkahalo ng
tunog katutubo, Islamiko, at iba
pang tunog Asyano na
yumabong bago ang
kolonisasyong Europeo at
Amerikano sa mga ika-16 at ika-
20 siglo. Tumugtog ang mga
dayuhang Kastila at mga Pilipino
ng mga iba't ibang
instrumentong pangmusika,
kabilang ang mga plauta, gitara,
yukulele, biyolin, trumpeta, at
tambo.
PANITIKAN

Magkakaiba at masagana ang


panitikan ng Pilipinas, at
nagbabago nang nagbabago ito
sa mga siglo. Nagsimula ito sa
mga tradisyonal na alamat na
nilikha ng mga sinaunang
Pilipino bago ang panahon ng
mga Kastila. Nakatuon ang
panitikang Filipino sa
tradisyong kultural ng bansa
bago ang kolonisasyon at ang
mga kasasayang sosyo-politikal
ng kanyang kolonyal at
kapanahong tradisyon.
SINE AT MIDYA

➢ Ang mga taon ng paghubog


ng pelikulang Pilipino, na
nagsimula noong dekada
1870, ay naging panahon
para sa pagkatuklas ng
pelikula bilang bagong
paraan para ipahayag ang
mga likhang-sining. Nagmula
ang mga iskrip at
karakterisasyon sa mga
pelikula sa mga sikat na
dulaan at panitikang Pilipino.
➢ Dahil sa mabilisang paglabas
ng mga pelikula sa nakaraan,
lumitaw ang iilang mga
artista sa higit sa 100+ papel
sa Pelikulang Pilipino at
ikinalugod ang pagkilala sa
kanila mula sa mga tagahanga
at manonood.
LUTUIN

Nagluluto ang mga


Pilipino ng sari-saring
pagkain na
naimpluwensyahan ng
Indyano, Tsino, at ng
mga katutubong
sangkap.
RITWAL NG PAGTULI

Bawat taon, madalas sa


Abril at Mayo, pinapatuli
ang libu-libong mga
Pilipinong batang lalaki.
Ayon sa Pandaigdigang
Organisasyon sa
Kalusugan (WHO), halos
90% ng lalaking Pilipino
ay natuli, isa sa
pinakamataas na antas ng
pagtutuli.
EDUKASYON

Naimpluwensyahan ang
edukasyon sa Pilipinas ng
mga ideolohiyang at
pilosopiyang Kanluranin at
Silanganin mula sa Estados
Unidos, Espanya, at ng
kanyang mga karatig na
Asyanong bansa.
LARO

Ang arnis, isang uri ng


sining panlaban, ay ang
pambansang laro sa
Pilipinas. Kabilang sa mga
pinakasikat na laro ang
basketbol, boksing, putbol,
bilyar, ahedres, ten-pin
bowling, balibol, karera ng
kabayo, Sepak Takraw at
sabong. Sikat din ang
dodgeball, badminton, at
tenis.
Ang isang laro ng lahing
Pilipino ay ang luksong
tinik. Ito ay isang
napakasikat na laro sa mga
kabataang Pilipino kung
saan kailangang lumundag
sa tinik at tumawid sa
kabila nang hindi
masaktan. Kabilang din sa
mga ibang laro ng lahing
Pilipino ang yo-yo, piko,
patintero, bahay kubo,
pusoy, at sungka.
PAGDIRIWANG

Nagmula ang mga


pagdiriwang sa Pilipinas,
kilala bilang mga pista sa
Pilipinas mula sa
kapanahunang kolonyal ng
Espanya noong ipinakilala
ng mga Kastila ang
Kristiyanismo sa bansa.
Mayroong nakatalagang
patrong santo ang
karamihan ng mga
Pilipinong bayan at
lungsod. Panrelihiyon o
pangkultura ang mga pista
sa Pilipinas.
Mga Katangian
ng isang
indibidwal na
100% Pinoy
BAYANIHAN

➢ Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng


mga magkakapitbahay na nagtutulungan
kahit kailan o saan man kailanganin ng
tulong.
➢ Kadalasan makikita ang bayanihan sa
mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang
mga tambay at ang mga taong-bayang na
malapit dito ay agad agad ding
tutulungan ang drayber kahit ano pa man
ang mangyari maayos lamang ang
nasirang sasakyan. O kaya naman mas
kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat
bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang
mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng
mga kalalakihan na sinasabayan pa kung
minsan ng awitin upang di gaanong
madama ang kabigatan nito.
➢ Ito ay kabaligtaran ng
ugaling indibidwalismo ng mga lipunang
Europeo at Amerikano.
MATINDING PAGKAKABUKLOD-BUKLOD
NG MAG-ANAK

Ang mga Pilipino ay kadalasang


malalapit sa kanilang mag-anak at iba
pang kamag-anak. Ang pangunahing
sistemang panlipunan ng mga Pilipino
ay mag-anak. Maraming mga Pilipino
ang tumitira malapit sa kanilang mga
kamag-anak, kahit pa sila ay may edad
na o kaya naman ay may sarili na ring
mag-anak. Kadalasan ang isang bahay
sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa
dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan,
ang mga nayon ay kadalasang binubuo
ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-
kakakilala
PAKIKISAMA

Ang pakikisama ay ang


kaugaliang Pilipino na
nagnanais magkaroon
ng maganda at
mabuting pakikitungo
sa iba.
HIYA UTANG NA LOOB

Ang kaugaliang Hiya ay isang Ang Utang na Loob,


panlipunang kaugalian. Ang mga
Pilipino kasi ay naniniwala na ay isang utang ng tao
dapat na kumilos sila kung ano ang sa taong tumulong sa
mga tinatanggap na kaugalian ng
lipunan; at kung sila ay nakagawa
kanya sa mga
ng kaugaliang hindi tanggap, ang pagsubok na
kahihiyan na ginawa nila ay hindi kanyang dinaanan.
lang para sa kanilang sarili kundi
kahihiyan din ito para sa kanilang May mga kasabihan
mag-anak. Isang halimbawa ay ang nga na: Ang hindi
pagiging magarbo ng paghahanda
kahit na hindi dapat sapat ang
lumingon sa
kabuhayan niya. Kung ang isa ay pinanggalingan ay
pinahiya sa maraming tao, sila ay hindi makararating
nakararamdam ng hiya at
nawawalan ng lakas ng loob. sa paroroonan
AMOR PROPIO DELICADEZA

Pagpapahalaga Isang ugali na dapat


ng isang tao sa ang isang tao ay
kumilos sa tama at
kanyang
nasa lugar.
dignidad. Kailangang ang
pagkilos ay tanggap
ng lipunan upang
hindi marumihan
ang dignidad ng
mag-anak.
Palabra de Honor

"May isang salita" Isang kaugalian ng


mga Pilipino na kailangan tuparin ang
mga sinabi nitong mga salita o pangako.

Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya”


Sa Nakatatandang Kapatid

Kung sa ibang bansa ay sa pangalan lang


tinatawag ng mga bata ang mga nakatatanda
nilang kapatid, dito sa Pilipinas, ang tawag sa
kapatid na matandang babae ay “ate” habang
“kuya” naman ang tawag sa kapatid na
matandang lalaki. Simbolo ito ng respeto sa
mga nakatatandang kapatid. Isa ito sa mga
ipinagmamalaking tradisyon ng mga Pilipino.
PANGHAHARANA

Isa pang tradisyong nakaukit sa


kulturang Pilipino ay ang
panghaharana. Karaniwan itong
ginagawa ng lalaki para sa kaniyang
nililigawan pero ngayon, ginagawa
na rin ito sa panunuyo at
pakikipagbalikan sa mga
magkasintahang nagkalabuan.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng
pagkanta ng lalaki sa babaeng
kaniyang sinusuyo. Puwede itong
gawin nang may tugtog o acapella.
Kaya kung naghahanap ka kung ano
ang kaugalian ng mga Pilipino para
sa mga romantiko, harana ang sagot
d’yan.
MALUGOD NA
PAGTANGGAP SA BISITA

Gustong-gusto ng mga
banyagang bumibisita sa
Pilipinas ang magandang asal
ng mga Pilipino gaya ng
malugod na pagtanggap sa
bisita. Sa katunayan nga,
kilalang isa sa pinaka
hospitable locals ang mga
Pilipino. Dahil dito, talagang
binabalik-balikan nila ang
Pilipinas. Ang malugod na
pagtanggap sa bisita ay isa sa
mga kaugalian ng Pilipino na
ipinagmamalaki.
Lubos na magalang ang mga
Pilipino, mapamatanda man o
bata, kahit sino pa ang
kausap, magalang ang
pananalita ng mga lokal. Ilan
sa mga tanda ng paggalang sa
matatanda ay ang
pagmamano, pagsasabi ng
“po” at “opo”, pagtulong sa
kapwa, at marami pang iba.

PAGGALANG SA
MATATANDA
PAGMAMANO

Isa pa sa mga kaugalian ng


mga Pilipino na hanggang
ngayon ay hindi pa rin
nawawala ay ang pagmamano.
Tinutukoy nito ang pagkuha sa
kamay ng nakatatanda at
ilalapat ito sa noo ng
nagmamano, sabay sasabihing
“mano po.” Madalas itong
isinasagawa bilang pagbati sa
pagdating o bago umalis. Bata
pa lang ay tinuturuan na ng
matatanda ang kaugalian na
ito.
PAMAMANHIKAN

Isinasagawa ang
pamamanhikan kapag ang
isang babae at lalaki ay
nagkasundong magpakasal.
Pormal na hinihingi ng lalaki
ang kamay ng kaniyang nobya
sa harap ng kanilang mga
magulang at iba pang
malalapit na kaanak o
kaibigan. Pagkatapos nito ay
may salo-salo at sa hapag
pinag-uusapan ang detalye ng
kasal. Bagamat moderno na
ang panahon ngayon, isa ito sa
nananatili pa ring mga
kaugalian ng mga Pilipino.
PAGDARASAL
BAGO KUMAIN

Bago kumain, nakagawian


na ng mga Pilipino ang
pagdarasal. Dito ay
nagpapasalamat sila sa mga
pagkaing nakahain, ang
pagsasama-sama nila, at iba
pang mga biyayang
natanggap nila. Likas
kasing relihiyoso ang mga
Pilipino kaya isa ito sa
magagandang halimbawa
ng kultura sa bansa.
1. Lumilingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa
pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa
mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi
mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6.“Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina
niyo. at
8. May dalawang malalaking kutsara
at tinidor na nakasabit sa dingding ng
kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga
nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng
buong pamilya niyo na nakasabit sa
dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa
bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng
carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng
tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok,
adidas (paa ng manok), isaw ng manok,
balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo,
asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag Sabado at Linggo, pati na
rin Lunes, Martes, Miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung
saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item
kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang
eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang
hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin
papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at
gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at
iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para
hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa
palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi
mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate”
naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng
bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang
pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso,
kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang
nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy
hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-
Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na
panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa
pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik
kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa
birthday party para iuwi.
48. Nag-uuwi ka ng mga tira-tirang buto at
tinik sa birthday party para ipakain sa
alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa
lahat ng nabasa mo.
KAKAIBANG
GAWAIN NG
ISANG PINOY
HINDI
PAGPAPAKITA NG
LALAKI SA BABAE
PAMAMANHIKAN BAGO ANG KASAL

Isa ito sa mga mahahalagang


tradisyong Pilipino. Kalimitang ang
Ang hindi pagpapakita ng
pamilya ng babae ang nangangasiwa
nito. Ang ikakasal na lalaki at ang lalaki sa babae bago ang
kaniyang mga magulang ay dadalaw kasal ay kaugalian ng
sa pamilya ng babae para pormal na mga taga Mindanao at
hingin ang kamay ng dalaga bilang maging ng mga taga
mapapangasawa at para mapag
ibang rehiyon. Paniniwala
usapan ang darating na kasalan.
Kaugalian nang may dalang regalo kasi ng mga Pilipino,
ang bumibisitang pamilya. Isang malas daw kapag nagkita
magandang daan ito para sa ang magsing-irog bago
dalawang partido na magkakilala. ang kanilang kasal.
PAGSAMA-SAMA
NG PAMILYA

Karaniwang sa mga pagtitipon


nagkakasama-sama ang pamilya PAGKAHILIG SA
gaya ng Pasko, kasalan, PISTA
pagkamatay ng isang mahal sa
buhay, Bagong Taon, at araw ng
kapanganakan. May mga Karaniwang may handaan
pamilya namang nagtitipon- tuwing pista sa isang lugar.
tipon kahit walang espesyal na Maliban sa salo-salo ng
okasyon. Layunin ng pagtitipon- pamilya at bisita, may misa,
tipon na mapanatili ang malapit parada, at iba-iba pang
na pag-uugnayan ng mga kasapi programa tuwing pista.
ng pamilya na lubhang
pinahahalagahan ng mga
Pilipino.
Gawain # 1
Panuto: Sa mga Kulturang Pinoy, alin sa mga ito ang labis mong
pinahahalagahan at isinasagawa pa rin sa inyong tahanan?
Gawan ito ng maikling sanaysay na may 2-3 talata (na may
tatlo o limang pangungusap lamang). Pansinin ang
sumusunod na krayterya sa ibaba upang magabayan sa
gagawing pagmamarka.
Krayterya
Kaangkupan ng nilalaman sa paksa 35%
at tanong
Pagkakasunod-sunod ng mga 10%
kaisipang inilahad
Pagkakabuo ng mga pangungusap 5%
batay sa baybay, grammar, bantas at
gamit ng malaki at maliit na titik.
KABUUAN 50%
Gawain # 2
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing bidyo na
may 3-5 minuto na naglalaman o
nagpapakita ng iba’t ibang Kulturang
Pinoy na isinasagawa noon hanggang
ngayon. Pansinin ang sumusunod na
krayterya sa ibaba upang magabayan sa
gagawing pagmamarka.
Krayterya
NILALAMAN 30%
(Malinaw na naipapakita sa bidyo ang layunin
ng gawain)
TEKNIKAL 10%
( Malinaw at hindi magalaw ang pagbidyo)
Pagkamalikhain 10%
.

KABUUAN 50%
I. PAGKILALA
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang sagot sa inilaang patlang
bago ang bilang. (5pts.)

_____1. Ito ay isang paraan ng tao para maramdaman ang


pagtanggap sa kanila ng nakararami.
_____2. Ito ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng
tao o komunidad.
_____3. Ito ang pambansang laro sa Pilipinas.
_____4. Ito ay kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at
mabuting pakikitungo.
_____5. Ito ay isang napakasikat na laro sa mga kabataang Pilipino na
kung saan kailangang lumundag sa tinik at tumawid sa kabila
upang hindi masaktan.
II. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod sa tatlo o limang
pangungusap lamang. (Limang puntos bawat bilang
na may kabuuang 20 puntos).

1. Bakit mahalagang mabatid at pag-aralan ng ilang


estudyanteng kagaya mo ang mga Kulturang Pinoy
at Kulturang Popular? Ipaliwanag.
2. Makikita pa ba sa kasalukuyang panahon ang mga
Kulturang Pinoy na natalakay? Patunayan.
3. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga
sa Kulturang Pinoy? Patunayan.
4. Ano sa palagay mo ang sinasalamin ng kultura?
RUBRICS SA PAGPAPALIWANAG

Iskor Pagkakasunod-sunod Kaangkupan ng Pagkakabuo ng mga


ng mga kaisipang paliwanag sa paksa at pangungusap batay
inilahad tanong sa baybay, grammar,
bantas at gamit ng
malaki at maliit na
titik

Mahusay at malinaw ang Lahat ng paliwanag ay angkop at Lahat ng pangungusap ay mahusay


pagkasunod-sunod ng punto at mahusay na nailalahad ang mga ideya na nabuo sa pamamagitan ng
5 paliwanag at madaling maunawaan. na sumusuporta sa paksang wastong paggamit ng baybay,
tinalakay/tanong. bantas at gamit ng malaki at maliit na
titik.
Malinaw ang pagkasunod-sunod ng Ang paliwanag ay angkop at malinaw Maayos na nabuo ang mga
4 punto at paliwanag na nailalahad ang mga ideya na pangungusap sa pamamagitan ng
sumusuporta sa paksang wastong paggamit ng baybay,
tinalakay/tanong. bantas at gamit ng malaki at maliit na
titik.
Hindi gaanong malinaw ang Karamihan sa mga paliwanag at Karamihan sa mga pangungusap ay
pagkasunod-sunod ng punto. halimbawang ibinigay ay angkop at maayos na nabuo sa pamamagitan
mahalaga sa paksang tinalakay. ng wastong paggamit ng baybay,
3 bantas at gamit ng malaki at maliit na
titik.
Hindi maayos ang pagkasunod- May kulang ang pagpapaliwanag at Maraming pangungusap na hindi
sunod ng mga punto na halos hindi karamihan ay hindi naaangkop sa mahusay o maayos na nabuo o may
na maunawaan ang puntong paksa. mali sa grammar at paggamit ng
2 ipinababatid. wasto sa mga bantas, baybay at
malaki o maliit na titik.

Nakalilito at walang kaugnayan ang Lahat ng pagpapaliwanag ay hindi Lahat ng pangungusap ay hindi
1 pagkakasunod-sunod ng puntong angkop sa paksa/tanong. maayos ang pagkakabuo.
ipinababatid.
Takdang-aralin
Panuto: Ano ang mga makabuluhang kaalaman na iyong
natutuhan mula sa pag-aaral ng leksiyong ito?
Isalaysay sa tatlo o limang pangungusap lamang.
(15 puntos).
___________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
RUBRICS SA PAGPAPALIWANAG

Iskor Pagkakasunod-sunod Kaangkupan ng Pagkakabuo ng mga


ng mga kaisipang paliwanag sa paksa at pangungusap batay
inilahad tanong sa baybay, grammar,
bantas at gamit ng
malaki at maliit na
titik

Mahusay at malinaw ang Lahat ng paliwanag ay angkop at Lahat ng pangungusap ay mahusay


pagkasunod-sunod ng punto at mahusay na nailalahad ang mga ideya na nabuo sa pamamagitan ng
5 paliwanag at madaling maunawaan. na sumusuporta sa paksang wastong paggamit ng baybay,
tinalakay/tanong. bantas at gamit ng malaki at maliit na
titik.
Malinaw ang pagkasunod-sunod ng Ang paliwanag ay angkop at malinaw Maayos na nabuo ang mga
4 punto at paliwanag na nailalahad ang mga ideya na pangungusap sa pamamagitan ng
sumusuporta sa paksang wastong paggamit ng baybay,
tinalakay/tanong. bantas at gamit ng malaki at maliit na
titik.
Hindi gaanong malinaw ang Karamihan sa mga paliwanag at Karamihan sa mga pangungusap ay
pagkasunod-sunod ng punto. halimbawang ibinigay ay angkop at maayos na nabuo sa pamamagitan
mahalaga sa paksang tinalakay. ng wastong paggamit ng baybay,
3 bantas at gamit ng malaki at maliit na
titik.
Hindi maayos ang pagkasunod- May kulang ang pagpapaliwanag at Maraming pangungusap na hindi
sunod ng mga punto na halos hindi karamihan ay hindi naaangkop sa mahusay o maayos na nabuo o may
na maunawaan ang puntong paksa. mali sa grammar at paggamit ng
2 ipinababatid. wasto sa mga bantas, baybay at
malaki o maliit na titik.

Nakalilito at walang kaugnayan ang Lahat ng pagpapaliwanag ay hindi Lahat ng pangungusap ay hindi
1 pagkakasunod-sunod ng puntong angkop sa paksa/tanong. maayos ang pagkakabuo.
ipinababatid.
Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakilanlang Pilipino. (2016, October 8).
Slideshare. https://www.slideshare.net/edithahonradez/araling-panlipunan-
yunit-ii-aralin-15-ang-kultura-at-pagbubuo-ng-pagkakakilanlang-pilipino
Ang Pambansang Awit ng Pilipinas (n.d). Pilipinas bid.
https://www.pilipinas.bid/2019/06/ang-pambansang-awit-ng-pilipinas.html
Ano Ang Kultura? – Kulturang Pilipino. (2020, January 6). Philippine News.
https://philnews.ph/2020/02/06/ano-ang-kultura-kulturang-pilipino-
philippine-culture/
Awitin noon at ngayon (n.d). Wordpress. com.
https://kulturanoonbuhaypabangayon.wordpress.com/2019/02/24/mga-
awitin-noon-at-ngayon/
Dableo, W. (n.d). Top 10 Relihiyon sa Pilipinas. AffordableCebu.com.
https://www.affordablecebu.com/load/spiritual_religion/top_10_relihiyon_s
a_pilipinas_at_kanilang_paniniwala/12-1-0-30883
IQuestionPh. (2020, August 18). Ano ang mga Kasuotan sa Pilipinas na Bahagi
ng Ating Kulturang Materyal? [Video]. Youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=2mdMo3kWSWc
MARAMING SALAMAT AT NAWA’Y
MAY NATUTUHAN KA SA
LEKSIYONG ITO! ☺

You might also like