Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“IBANG BANSA”

Sa ating buhay
Hanggad natin ang mabuhay
Bukas dapat ang ating isipan
Lalo na sa mundong ating ginagawalan

Ibang bansa kung saan


Tao ay pumupunta para sa kaginhawaan
Lalo na sa matinding kahirapan
Sila ay nakikipagsapalaran

Sa matinding pangangailangan
Magulang ay naghahanap ng mapagkakakitaan
Tanging anak at pamilya ang kinakapitan
Upang mabigyan ng magandang kinabukasan

Sabi nila madaling mawalay sa pamilya


Matinding sakripisyo ang kanilang kinakaya
May iba, gusto nilang kunin at doon manirahan
Upang magkakaroon ng magandang buhay at tahanan

Nasa tao ang desisyon kung saan sila manirahan


Kaya wala tayong karapatan na husgahan
Ipakita ang pagtanggap at maging masaya
Na tayo ay aangat at magiging malaya

Ang mundo ay puno ng problema at trahidya


Tanging mayroon ka ay ang iyong pamilya
Isipin ang makakabuti sa lahat
Upang buhay ay maging payapa para sa lahat

You might also like