Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

001
[PAGBASA]

PAGBASA
LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng Pagbasa sa pagunawa
ng iba’t ibang teksto
2. Naiuugnay ang mga paraan at teknik sa pagbasa sa pagkaunawa ng
teksto.
3. Nagagamit ang kakayahan sa pagbasa sa pag-aanalisa ng iba’t
ibang uri ng teksto

PANIMULA
Gaano ba kahalaga sa isang indibidwal ang magkaroon ng kasanayan sa pagbasa? Sa
Pagbasa nakukuha ng mga mambasasa ang kaalaman na kanilang nais na maunawaan.
Isang masalimuot at komplikadong Gawain ang pagbasa, sapagkat maraminng kasanayan
ang nililinang nito at kailangang dito upang maging epektibo ang pagbabasa, masasabing
isa kang mahusay na mambabasa kung naibibigay ang mga pagpapakahulugan na nais
ipaunawa ng mga manunulat.

Masasabing isang mahalagang sangkap sa pagkatuto at pag-unlad ng isang


indibidwal ang pagkamaalam nito sa pagbasa ng iba’t ibang uri ng babasahin, masasabi rin
na isa itong hantungan ng kanilang mas malalim na pagtatasa ng mga kaalaman.

PAGBASA

 pagkaunawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng isang nakalimbag na simbolo.


 nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal, ito ang tutugon sa pagkatuto
tungo sa mas malawak na kaalaman sa kapaligiran.
 isa sa mga kasanayang pangwika na tulay upang mapahusay at malinang ang kasanayan
sa mabisang pag-unawa sa teksto.

 isang kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais nakalimbag o anumang


pasulat na wika.
Course Module
 Ayon Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa
iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sinsabing 90% na natutunan ng isang indibidwal ay
mula sa kanyang kakayahang bumasa.
 Ipinaliwanag ni Jonhson(1990) ito ay isang masalimuot na kompleks na nangagailangan
ng konyus at di-konyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan upang makabuo ng
kahulugang ninanais ng ihatid ng manunnulat sa mambabasa
 Ipinahayag ni Urquhart at Wieir(1998), Ang Pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap,
pag-analisa at pag-interpreta ng mga inpormasyon nakasulat sa pamamagitan ng
nakalimbag na midyum.
 Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas ng pasalita
 ito ay pag-unawa sa wika ng actor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo, Paraan
din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga simbolong nakalimbag.
 Ayon kay Terrado, (2000), ang pagbasa ay isang kakayahang kumilala at umunawa ng
mga nakalimbag na simbolo ng talasalitaan ng mga batang mag-aaral sa pagsasalita. Ito
ang kasunod matapos malinang ang kakayahan sa pakikinig at pagsasalita sa paglinang ng
wika.
 Ayon kay Yonson, (2001) ang karunungan ay lalong mapapalawak sa pamamagitan ng
pag-eehersisyo ng utak, sa sa pagbasa at pagsulat. Ito ang mabisang paraan din upang
higit na tumalas ang memorya ng isang tao. Ang utak ng mga bata ay maraming “neurons”
na halos walang limitasyon sa pagtuklas ng karunungan. Kung gayon, malaki ang
maitutulong ng pag-iisip sa pagbasa at pagsasalita dahil ito ay nagpapalawak ng kaalam
ng isang mag-aaral.

Ang utak at ang Pagbasa

 Ang utak ang pinak sentro ng lahat ng organ sa katawan ng tao, dito pinoproseso ang mga
bagay na may kaugnayan sa gingawa ng tao isa na rito ang Pagbasa
 Nahahati sa dalawa ang utak ang kanan at ang kaliwang bahagi, bawat bahagi ay nahahati
sa apat na pangkat:
 Ang Frontal, Parietal, Temporal at Occipital ang bumubuo sa kaliwang bahagi ng utak.
 ayon sa pag-aaral ni shsywitz(2003) ang kaliwang bahagi ng utak ay siyang nagsasagawa
ng pagpoproseso kaugnay sa wika at pagbasa
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
001
[PAGBASA]

1. Frontal Lobe- ang komokontrol sa pagsasalita, pagrarason,pagpapaplano at kamalayan


2. Temporal Lobe- ang komokontrol sa berbal na memorya ng mambabasa
3. Occipital Lobe- isa sa pinakamahalang bahagi , ito ang komokontrol sa pagkilala sa mga
letra
4. Parietal Lobe- ang nag-aanalisa ng mga salita sa pamamagitan ng pag-uugnay ng letra sa
kani-kanilang tunog.

Hakbang sa Pagbasa

Course Module
Ipinakilala ni William S. Gray (1950) tinaguriang “ Ama ng Pagbasa” na ang Kasanayan sa
Pagbasa ay isang prosesong pagbibigay-kahulugan sa mga simbolo at salita, ayon dinsa
kanya ito ay may apat na hakbang

Persepsyon – I to ay kakayahan sa pagbigkas ng salita at pagkilala ng mga nakalimbag na


simbolo, Sa unang hakbang ng pag-aaral , kinundisyon na ang isip natin ditto, kaya naman
kapg nagbabasa tayo, may ipinakikita munang simbolo, kasabay ng pagpaparinig ng
tunog nito sa gayon Makita natin ang porma ng bibig sa pagpapalabas nito, at atin
naming gagayahin, kaya naman kahit tahimik o malakas tayong magbasa alam na natin
ang bawat simbolo at ang katumbas na tunog.
Sa paagsasalita , may tunog ang bawat usal, kung tawagin ito ay Ponema, ito ang
pinakamaliit nay unit ng tunog na may kahulugan. Nirerepresenta ang bawat tunog o
kumbinasyon ng mga tunog na ito kapag binibigkas ang bawat letra ng alpabeto.

Pag-unawa – Pag-unawa sa mga kaisipang ipinahahayag ng mga simbolo, Naisasagawa


ito sa literal at maasosasyong pamamaraan. Sa pamamaraang literal, nakukuha at
naiitindihan ang kahulugan sa diksyunaryo mismo, samantalang ayon sa mga personal na
karanasan ng bumabasa nakasalalay ang maasosasyong pamamaraan. Denotasyon ang
tawag sa kahulugang literal, samantalang, konotasyon naman yaong mga kaisipan o
konsepto kaya’y mensaheng nakukuha sa teksto sa pamamaraang maasosasyon.

Reaksyon – kapag nauunawaan na ng mambabasa ang mga konsepto o mensaheng


ipinaparting ng nakalimbag na teksto. Nagagawa na rin ng mambabasa ang magtulad at
mag-iba ng mga kaisipan o mensaheng ito ayon sa kanyang mga pansariling pananaw,
kaalaman at paniniwala. Magkakaroon na siya rito ng reaksyon. Magtataya na siya
ngayon. Maaaring positibo o negatibo. Positibo ang reaksyon kung inaayunan at
tinatanggap nang buong kaluwagan ang mensahe, negatibo naman kung hindi kaya
maaring mag-alinlangan o pasubalian.

Asimilasyon – Pagsasama-sama at pag-uugnay ng binasang teksto sa karanasan ng


mambabasa. Iniugnay ng mambabasa ang napag-alaman niyang kaisipan o mensahe sa
kanyang sariling pananaw, kaalaman at paniniwala. Sa bahaging ito lubos nang
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
001
[PAGBASA]

napahahalagahan ng mambabasa ang akda kaya maari na niya itong iaplay sa sariling
buhay.

Inilarawan ni Badayos (1999) ang apat na hakbang sa pagbasa na ipinakilala ni Gray

a. Ang pagbabasa ay walang kaningiang imposible para hindi ito maisagawa ng isang
mambabasa

b. ito ay proseso ng pag-iisip. utak ang gingamit dito hindi ang mga mata. sinasabi na ang ay
ginagamit lamang sa pagbabasa habang ang utak ang nagpoproseso ng mensahe ng
binasa

c. ang apektib na mambabasa ay isang interaktibong mambabasa, kung ang mambabasa ay


nakagagawa ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo

d. ang magaling na mambabasa ay sensitibo sa kayariang balangkas ng tekstong binasa

e. ang mabilis nap ag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbas

Limang Dimensyon sa Pagbasa

“Ang pagbabasa ay isang psycholinguistic game, sapagkat ang mambabasa ay bumubuong


muli ng isang kaisipan o mensahe hango sa kanyang tekstong binasa” – Goodman

May limang Dimensyon sa pagbasa na makatutulong na malinang ang kakayahan ng mga


mambabasa

I. Pag-unawang Literal

Course Module
 pagkuha ng pangunahing literal at tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap
 pagkuha ng mga ideya at impormasyon tuwirang sinasabi ng babasahin
 pagsasalin ng kaisipan ng awtor sa sariling pagkaunawa ng mambabasa
 pagkilala (recognizing) ng mga ideya o impormasyon na malinaw na nakasaad sa
Pagteksto
a. Detalye o nilalaman ng kwento (Pangalan ng mga tauhan, pook)
b. Pangunahing kaisipan ng talata (malaking bahagi ng kwento)
c. Paghahambing- pagkakapareho o pagkakaiba (mga tauhan,pook)
d. Sanhi at Bunga ( dahilan ng mga tiyak na pangyayari,kilos sa loob ng teksto)
e. Mga katangian ng tauhan
 Paggunita(Recalling) makagawa ng sariling pangungusap at maipaliwanag ng mabuti ang
mga sinasabi sa loob ng teksto
 Pagbuo ng kaisipan (Reorganization)
a. Pagbubuklod-buklod ayon sa kategorya (Classifying)
1. tao
2. bagay
3. pook
4. pangyayari
b. Pagbabalangkas

1. pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas


2. tuwirang pahayag
3. pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng teksto
c. Paglalagom( summarizing)
1. Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapajahulugan sa
mga pahayag sa loob ng akda.
d. Pagsasama-sama (synthesizing)
1. Pagsasama-sama ng mga impormasyon o ideyang nanggaling sa iba’t ibang pananaliksik.

II. Interpretasyon
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
001
[PAGBASA]

 Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga taludtod kung tula.
 Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na kahulugan.
 Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinasabi sa aklat.
 Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati karagdagang kahulugan nito.
 Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda
 Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda
 Makilalaat mabigyan nng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at paggamit ng
mga tayutay.
 Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag ng mga akda
 Paghinuha(Inferring)
a. pagpapatunay o pagtatangol sa detalye
b. pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaring naisama ng may akda na
nakakatulong upang ito’y makapagturo, maging kawili-wili at makatawag pansin.

III. Mapanuring Pagbasa (critical reading)


 Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa
 Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular na suliranin
 Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa
a. katangian
b.kabuluhan
c.katumpakan
d.pagkamakatotohanan
 Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang
nabasa
a. naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda
b. sang-ayon o di-sang-ayon sa kababasang akda
c. makikita ng mga kaispang nakagugulo ng damdamin o kaya’y nakapagpapalubag ng
loob.
 Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng material na ginamit ayon sa:
a. katumpakan
b.pagiging kasiya-siya
Course Module
c. kung ito’y kinalulugdan
d. kalimitan ng pangyayari
IV. Aplikasyon sa Binasa / Paglalapat

 Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong


pananaw at pagkaunawa.
 Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa
 Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili
 Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema.
V. Pagpapahalaga (appreciation)

 Paglikha ng sariling kasipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon


 Pagdama sa kagandahan ng ipinahiwatig ng nilalaman ng kwento
 Madama ang damdamin kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin sa mga tauhan sa
kanilang pakikipagtunggali, pagpupunyagi at paghihirap
 Maipahayag ang mga damdamin (kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo,
pagkadakila o kabalktiran nito) ayon sa pmamaraan ng may akda sa kanyang
a. mabisang pagpapahayag
b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan
 Pagdama sa nilalaman ng seleksyon, masabi ang mga damdaming napapaloob sa
seleksyon ayon sa:
a. interes
b. kagalakan
c. pagkainip
d. pagkatakot
e. pagkayamot
f. pagkagalit
g. pagkasuklam
h. kalungkutan
i. iba pa.
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
001
[PAGBASA]

Teknik sa Pagbasa

Iba’t iba ang patern o uri ng pagbabasa o kadalasang binabanggit


bilang mga Teknik ng Pagbasa

 Maaring isagawa ng mambabasa ang pagb


 asa ng may manonood o ang pampublikong pagbasa, maari din ang
tahimik na pagbabasa o ang pagbabasa sa loob ng mga aklatan o
pribadong mga lugar
 Maari din magbasa ng dahan-dahan o iyong tipong inuunawa ang
bawat salita katulad na lamang kung ang babasahin ay aklat na
pansiyensya,
 o di naman kaya ang mabilisang pagbabasa, tulad ng pagbabasa ng
tabloid o ang pagbabasa ng subtitle ng isang banyagang na panoorin
 nalalaman ang iba’t ibang teknik sa pagbasa ayon sa layunin ng
bumabasa
 Nagbabasa ang isang indibidwal upang makakuha ng impormasyon o
mapalawak ang kaalaman, maglibang, magpalipas oras at matuto.

References and Supplementary Materials


Books and Journals
Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo sa Pananaliksik,
JFS Publishing Services, Inc.
Arogante, Jose A. et.al (2010) Pinaunlad na Pagbassa at Pagsulat, Cacho Hermanos Inc.
Mendoza, Zenaida M. PhD. At Romero Marcela L. (2007) Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang
Disiplina sa Antas Tersarya Unang Edisyon, Rex Bookstore,INC. 856 Nicanor Reyes,Sr.St.
MM, Philippines
Bill Honig Linda Diamond and Linda Gutlohn (2013) Teaching Reading Sourcebook, Arena
Press Novato, California
Online Supplementary Reading Materials
(https://www.scribd.com/doc/76703264/LimangDimensyon)
Retrieved October 8, 2016

Course Module

You might also like