Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

(Antas ng Wika)

1. Itinuturing itong pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.

A. Kolokyal

B. Pampanitikan
C. Balbal

D. Jargon
RATIONALIZATION:
Ang tamang sagot ay balbal ito ay itinuturing na pinakamababang antas ng wika dahil maaaring ang
usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas (halimbawa: petmalu - malupit). Ang kolokyal naman ay
wikang ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyong impormal (halimbawa: Saan - nasaan). Ang
pampanitikan naman ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan.
Samantalang ang jargon ay lipon ng mga salitang karaniwang naririnig sa mga ekslusibong grupo
(halimbawa: ang salitang pisara at banghay aralin na ginagamit lamang ng mga guro.)

2. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

A. Pormal

B. Sosyolek

C. Impormal

D. Dayalek

RATIONALIZATION:

Ang sagot ay impormal dahil ito ang kategorya ng wikang kinabibilangan ng mga salitang ginagamit ng
tao sa araw-araw na pakikipag-ugnayan. Sa pormal na antas ng wika naman nakabilang ang mga salitang
kinikilala, tinatanggap, at higit sa lahat ginagamit ng mga taong nakapag-aral ng wika. Samantalang ang
dayalek ay barayti ng wikang ginagamit ng mga tao ayon sa kanilang lokasyong heograpikal. Sosyolek
naman ang tawag sa barayti ng wikang ginagamit ng mga tao ayon sa kanilang personalidad, edad,
katayuang sosyo-ekonomiko, kasarian, at maging paniniwala sa buhay (halimbawa: mUZt4 (kumusta) -
jejemon at jowa (kasintahan) - gay lingo)

3. Anong antas ng wika ang itinuturing na pinakamayaman?


A. Pambansa

B. Pampanitikan

C. Wikang Filipino

D. Wikang Ingles

RATIONALIZATION:

Ang itinuturing na pinakamayamang antas ng wika ay ang pampanitikan dahil ito ang mga salitang
karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining na kadalasang ginagamit sa mga akdang
pampanitikan. Ang pambansa ay isang antas ng wika na ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalana.
Ang wikang Filipino at wikang Ingles ang opisyal na wikang ginagamit sa pagtuturo at
pakikipagkomunikasyon.

4. Saang antas ng wika nakapaloob ang lingua franca?

A. Ilokano

B. Dayalek

C. Panlalawiganin

D. Cebuano

RATIONALIZATION:

Ang Ilokano at Cebuano ay halimbawa lamang ng lingua franca o native language (sa salitang Ingles). Ang
dayalek naman ay barayti ng wikang kinabibilangan ng mga katutubong wika. Ang sagot sa katanungan
ay panlalawiganin dahil ito ang antas ng wikang kinabibilangan ng mga salitang katutubo sa lalawigan o
lalawiganing salita.

5. Ang salitang sa'yo at sa'kin ay halimbawa ng anong antas ng wika?

A. Idyolek

B. Ekolek

C. Balbal

D. Kolokyal

RATIONALIZATION:
Ang idyolek ay isang barayti ng wikang nagpapakita sa nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang
indibidwal (halimbawa: ang "magandang gabi bayan" ni Noli De Castro.) Ang Ekolek naman ay barayti ng
wikang kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ang babal ay antas ng wikang itinuturing na
pinakamababa na karaniwang ginagamit sa mga lansangan (halimbawa: Karak - Pulis). Ang tamang sagot
ay kolokyal dahil ito ay antas ng wika kung saan pinapaiksi ang mga salita o grupo ng mga salitang
ginagamit sa araw-araw (halimbawa: Ay hesus! - Aysus!)

You might also like