Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro


Pinagsamang Paaralang Laboratoryo
Departamento Sekundarya
Lungsod Zamboanga

Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon:
Paaralan:
PAKSA: Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal.

Aralin  (1) ng YUNIT IV

  PANIMULA
Sa pag-usbong ng yugto ng Renaissance, Eksplorasyon at Repormasyon naging malawak ang
pag-aaral ng mga pilosopo, imbentor, at siyentista sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman ukol sa
katuwiran ng mundo at sansinukob. Sa likod ng mga teknolohiya at makaagham na kagamitang ating
tinatamasa ngayon ay isang makabuluhang kasaysayan ang naganap sa pagsisimula ng panibagong
pamamaraan ng pamumuhay.  

PAMANTAYANG PAGKATUTO:
Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Enlightenment pati ng Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal.

  LAYUNIN

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at


pag-unawa:

a). nasusuri ang mga salik at kaganapan at epekto sa pagusbong ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at    Industriyal,
b). naiitatala ang mga mahahalagang personalidad at nang kanilang kontribusyon sa mga
panahong ito, at
c). napapahalagahan ang paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsasanay.
PAGHAHALAW
(Abstraksyon)
ANG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO 
Natuklasan ang agham hindi lamang sa
panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Sa halip,
malaon na itong ginagamit ng mga Greek bilang
scientia na nangangahulugang “kaalaman”. Subalit
wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina
at hindi pa nila tinawag ang sarili bilang siyentista. 

Noong ika-15 siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa
aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang
nagtatanong sa tradisyunal na kahiwagaan ng sansinukob. 
Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng
panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa
sansinukob. Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong
pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo.
Ang Renaissance, Repormasyon at mga eksplorasyon ng mga Europeong manlalakbay ang naging
mga salik sa pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age
of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong
paglalarawan at depinisyon ng lipunan. 

Narito ang mahahalagang personalidad at ang kanilang kontribusyon sa paglilinang ng


siyensya. 

Nagsimula sa larangan ng astronomiya ang hamon na iwasto


ang mga sinaunang kaisipan. Paniniwala ng Simbahang
Katoliko ang teorya ni Ptolemy (100-170 CE) na ang kalawakan
ay nakaayos  sa  paraang  geocentric  –  ang  mga  planeta, 
araw,at  mga bituin   ay   umiikot  sa   mundo.   

(Ptolemy c. 100 ce—died c. 170 ce)


Hindi  sinang-ayunan   ang   ganitong   kaisipan   ng astronomo ng  
taga   Poland   na   si  Nicolaus Copernicus  (1473 1543)   sa  
kanyang   aklat na  “Six   Books   Concerning   the Revolutions of
the Heavenly Orbs” noong 1543. Ayon sa kanya, Heliocentric  ang  
pagkaka ayos   ng sandaigdigan, kung saan ang araw ay ang
sentro ng mga planeta at umiikot ang mundo rito sa kanyang
sariling axis.
Nicolaus Copernicus  (1473 1543)

Inilabas  sa  palimbagan  noong  1632 ang  isinulat  ng  Italyanong


siyentista  at  matematiko na si Galileo Galilei (1564-1642). Ito ay
pinamagatang “Dialogue Concerning the Two Chief World
Systems, Ptolemaic & Copernican” na naghahambing sa mga
teoryang  heliocentric at geocentric. Dito sinang-ayunan ni Galileo
ang teorya ni Copernicus. Dahil dito, nilitis si Galileo ng Roman
inquisition at hinatulan siya ng pagkabilanggo habang buhay sa
kanyang bahay. 
Galileo Galilei (1564-1642)

Kabilang sa kanyang pinakatanyag na kontribusyon ay ang pagpapabuti ng teleskopyo at ang unang


batas ng paggalaw; Ang kanyang suporta para sa Copernicus Revolution ay naging mapagpasyahan
din. Gayundin, ang Galilei ay kredito sa paglikha ng balanse ng hydrostatic o ang thermometer ng
tubig, bukod sa iba pang mga artifact.

Isa sa sumusuporta at lalong nagpatibay ng teorya ni Copernicus ay


si Trycho Brahe mula sa Denmark. Pinatunayan niyang ang kometa
ay hindi lamang phenomenong atmosperiko o gas na nagliliyab sa
atmospera tulad ng pahayag ni Aristotle. Masusi rin niyang
inobserbahan ang pagkilos ng buwan at mga planeta. Maging ang
kabuuan ng orbit nito ay pinag-aralan din niya. Dahil dito, nakita niya
ang irregularidad sa orbit ng mga ito. Nakatulong ang kanyang mga
obserbasyon sa pagkakatuklas ni Kepler na eliptikal ang orbit ng
mga planeta. Nakadiskubre din siya ng bagong bituin sa Cassiopeia.

Trycho Brahe (1546 – 1601)


Mula sa Germany at naging katuwang ni Brahe, Johannes Kepler
ay syang naglathala ng akda ni Brahe pagkamatay nito noong 1601.
Iminungkahi ni Kepler na hindi pabilog o sirkular ang orbit ng mga
planeta sa araw kundi eliptikal.Pinatunayan rin niya na ang kometa
ay hindi lamang phenomenong atmosperiko o gas na nagliliyab sa
atmospera tulad ng pahayag ni Aristotle.

Johannes Kepler (1571- 1630)

Mula   sa   Inglatera,   ipinaliwanag naman ng   siyentistang   si 


Isaac Newton (1642-1727) ang pagkilos ng mga planeta.
Ipinaliwanag ni  Newton   na   ang  lahat   ng bagay, mula sa mga
planeta hanggang sa maliit  na  bato  ay  sumusunod  sa  mga batas
ng  gravity  at  inertia.  Si  Newton din ang kilalang imbentor ng
calculus.

Isaac Newton (1642-1727)

Nakatulong din sa pagsulong ng Rebolusiyong siyentipiko ang mga suporta ng dalawang pilosopo –
ang isang  Ingles,  si  Francis  Bacon  (1561-1626)  at  si  Rene  Descartes(1596- 1650), isang
Pranses.

Si Francis Bacon ang siyentistang nagbuo ng makabagong


pamamaraan sa pag-iimbestiga sa larangan ng siyensya o
“scientific method”. Sa  pilosopiya  ni  Bacon, ang   kaisipan   ng  
tao   ay   hindi   isang   blangkong   slate   na awtomatikong mag-
synthesize at makatanggap ng impormasyon sa isang obhektibong
paraan, sa gayon makapaglikha ng isang perpektong  larawan  ng 
mundo  sa  paligid  nito. 

Francis  Bacon  (1561-1626) 

Sa  halip,  ang isipan ng tao ay puno ng mga bias sa pang-unawa at hindi mapagkakatiwalaan  
upang   makabuo   ng   isang   malinaw   na   imahe   ng   anumang   binigay   na pangyayari. Kaya
binou niya ang paniniwalang "Novum Organum", isang giya para sa pagtaguyod ng pinaka malinaw,
pinakakumpleto, at pinakamataas na imahe ng katotohanan batay sa pagmamasid, bago sagutin ang
anumang problema. Sa pamamagitan ng lens na ito na nagawang bumuo ng mga wasto at
maaasahang data, hipotesis, at teorya.

Sa Pransiya, ipinahayag naman ni Rene Descartes na kailangang


kumawala ang mga siyentista  sa   mga   sinaunang   paniniwala.  
Sa   aklat   niya   n “Discourse   on   Method”  (1637), mababasa
na ang lahat ay dapat may pag-aalinlangan hangga’t hindi
napapatunayan sa tulong ng scientific method. Ipinaliwanag niya
ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang
pamamaraang matematikal. Tanyag sa kanyang linyang, “Cogito,
ergo sum” (“I think, therefore I am.”). Naniniwala siya na ang
katuwiran ang susi sa pagkakamit ng kaalaman.

Rene  Descartes (1596- 1650)

EPEKTO NG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

Nagdala   ng   malawakang   pagbabago   sa   pamumuhay   ng   tao   ang   Rebolusyong Siyentipiko


dahil lalong lumawak ang kaalaman at pag-unawa ng tao tungkol sa mundo. Natutunan din ng tao na
magtanong at mag-usisa sa bagay-bagay at hindi na lamang maniniwala sa mga nakagisnang sulatin
ng mga sinaunang nag-aaral ng siyensya. Ang kaalaman  sa  medisina  ay nakatulong  din  sa 
pagpapabuti  sa  kalidad  ng  pamumuhay.Sa tulong  ng  mga  siyentista,  masugpo  ang  mga 
karamdaman  at  mapabuti  ang  kaalaman  sa anatomiya at kalusugan ng mga tao.

ANG PANAHON NG ENLIGHTENMENT (1685-1815)


Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang
epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa
larangan ng pangkabuhayan, pampolitika,
panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong
Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Ito rin ang
naging bunga ng Renaissance.

Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Bagama’t ang Enlightenment ay
tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang
kilusang intelektwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga
Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag
na paniniwala noong Middle Ages.

Sa panahon ng  Enlightenment,  ginagamit ng mga politiko ang rason at siyentipikong kaalaman sa
pamamahala. Naniniwala sila na may likas na batas na maaaring magamit sa lahat na maaring
maunawaan sa pamamagitan ng rason. Ang batas na ito ay siyang susi upang maunawaan ang
gobyerno. Ang  likas  na  batas  ay  ginagamit  na  ni  Thomas  Hobbes (1588- 1679) at John Locke
(1632-1704) sa simula pa lamang ng 1600, upang linangin ang mga ideya sa pamamahala.

Ang ideyang political ay makikita sa kanyang akdang Levithian


kung saan tinalakay niya ang katangian ng tao at ng estado. Sinabi
niya ang tao ay likas na maksarili kung kaya’t palagi niyang
katunggali ang kapwa tao. Ang takot sa marahas na kamatayan
ang nagbunsod sa tao upang lumukha ng estado kung saan niya
ibinigay ang kanyang Karapatan at nagpasailalim sa kapangyarihan
ng Hari.

Thomas  Hobbes (1588- 1679)


Bagamat ang kapangyarihan ng Hari ay nangagaling sa tao, hindi napapasailalim ang Hari sa batas.
Para kay Hobbes, monarkiya ang pinakamabisang paraan ng pamumuno. Siya ang unang tumalakay
sa ideya ng kasunduang panlipunan o Social Contract sa pagitan ng mamamayan at pinuno.

Si John Locke (1632-1704) Isang pilosopong Ingles na sumulat


 
ng Two Treatises of Government (1689). Binigyang diin niya ang
ang paniniwalang mahalaga ang gitnang uri at ang kanilang sa
pamamay-ari, pananampalataya sa agham at pagtitiwala sa
kabutihan ng sangkatauhan. Kaiba kay Hobbes, naniniwala si
John Locke (1632-1704)

Si Jean Jacques Rousseau ay isang Swiss-French na


pilosopo, manunulat at kompositor. Ipinahayag niya sa
kanyang akdang Emile(1762) ang kanyang ideya tungkol sa
edukasyon. Tinuligsa niya ang tradisyunal na ideya na ang
edukasyon ay pagtuturo ng lahat ng bagay sa isang bata. Sa
katotohanan, ito ay pagpapalabas o pagpapalitaw ng kung
anuman ang naroon na.

Jean Jacques Rousseau (1712 - 1778)

ANG ENLIGHTENMENT AT ANG MGA KABABAIHAN

Bihirang mabanggit ng mga pilosopo ang Karapatan at kakayahan ng mga kababaihan sa panahong
ito. Parang kay Rousseaue, halimbawa, magkaiba ang saklaw ng gawain ng kalalakihan at
bkababaihan at ang huli ay hindi dapat pagkalooban ng parehong edukasyon gaya ng tinatamasa ng
kalalakihan.

Isang babae, Si Mary Wollstonecraft, and tumalakay sa karaptan


na sa kanyang A Vindication of the Rights of Women, (1792) kung
saan sinabi niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng
karapatang bumuto at magkaroon ng posisiyon sa pamahalaan. Sa
nasabing akda, inilahad ni Mary ang mga kadahilanan kung bakit
ang pag-iisip ng kalalakihan at pag-iisip ng kababaihan ay
magkapantay. Dahil sa mga paniniwalang ito, maaaring ituring si
Mary bilang unang feminist o tagapagtaguyod ng pantay na
karaptan sa pagitan ng lalaki at babae.
Mary Wollstonecraft (1759-1797)

PAMANA NG REBOLUSYONG ENLIGHTENMENT


Sa kabuuan, ang Enlightenment ang humubog sa mga modernong ideya, hinggil sa
pamahalaan, demokrasya, edukasyon, demokrasya, maging sa sining at panitikan. Ito ang nagluwal
sa mga henyo ng musika tulad nina Haydn. Mozart, at Beethoven. Higit sa lahat, ito ang nagluwal sa
‘naliwanagang pamumuno’ at sa dalawang dakilang republika- ang France at United States. Ang
Enlightenment ang tulay sa Modernong Daigdig, dahil ito ang nagsilbing transisyon mula sa daigdig
kung saan ang mga ideyang itinuturo ng simbahan ay boung pusong tinatangaap tungo sa daigdig
kung saan ang arkitekto ng kanyang kapalaran.

REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Taong 1700 at 1800 nang nagsimulang umusbong


ang rebolusyong industriyal sa Great Britain
nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong
agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at
sa United States. Ang transpormasyon na ito ay
nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil
pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran
ng mga bagong imbentong makinarya.

Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga
yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga
siyudad at namasukan sa mga industriya upang kumita nang malaki. Ang tunog ng ingay ng mga
tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang
panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan
gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng
mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at ito’y lumaki. Naging daan ito upang
sila’y magkaroon ng malaking kita at napaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ilan sa mga nakilalang imbentor sa panahong ito ang mga sumusunod:

 James Watt (1736 – 1819)

Mahalaga sa rebolusyong industriyal


ang paggamit ng Steam para sa
pagbibigay ng enerhiya sa mga
makinarya. Malaki ang naitulong ng
Steam Engine (1769) ni James Watt
na nagbigay daan upang mapalitan
ng makinarya ang mga hand tool.

James Watt (1736 – 1819) Steam Engine (1769)

 George Washington Carver

Itinaguyod ang siyentipikong pamamaraan ng agrikultura – Tinuruan ang


mga magsasaka ng Crop Rotation - Gumagamit sila ng pataba,
bumubungkal sila ng malalim na tudling, at gumagamit ng siyentipikong
pamamaraan ng agrikuktura.

George Washington Carver

 Robert Fulton (1765-1815)

Amerikanong imbentor nakabuo ng


isang steamboat (Clermont) higit na
malalaking gulong na sumasagwan at
pinaaandar ng steam engine ginamit
ito bilang transportasyon sa mga ilog
at sapa Ginamit narin ito ng mga
kalakal sa ibayong dagat. Steamboat (Clermont 1807)

Robert Fulton (1765-1815)

 George Stephenson (1781- 1848)

Naimbento ni George Stephenson


noong 1814 ang unang Steam-
powered locomotive na nagbigay-daan
sa pagbubukas ng mga riles.

Steam-powered locomotive
George Stephenson (1781- 1848)

 Samuel F.B. Morse (1791 – 1872)

Naimbento naman ni Samuel F.B.


Morse noong dekada 1830 ang
Telegraph at Morse Code na nag-
paunlad naman sa komunikasyon.

Electric Telegraph Samuel F.B. Morse (1791 – 1872)

Ilan pa sa mga pangunaing imbentor;


 Alessandro Volta - italyanong propesor na nakaimbento ng bagong baterya na kayang
tumustus ng sapat na elektrisidad.
 Andre Ampere - isang pranses na nagpanukala ng mga prinsipyo na nagsasaad sa epekto ng
magneto sa electric current.
 Alexander Graham Bell - isang propesor sa Boston na nakatuklas sa telepono (1876).
 Eli Whitney – nakaimbento ng cotton gin na nakakatulong sa madaliang paghihiwalay ng buto
ng bulak mula sa hibla.
 John Kay - Noong 1733, siya ay nakaimbento ng Flying Shuttle na nagpabilis sa paikid ng
sinulid.

EPEKTO NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL


Ang mga pagbabagi sa produksiyong industriyal, transportasyon at grikultura ay may malaking
implikasyon sa pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan. Lalong lumaki ang pupolasyon
ng Europa at naging mabilisan ang paglaki nito. Umunlad ang maging bilang at laki ng mga
lungsod Malapit sa pabrika, minahan at daungan. Ito ang naging dahilan ng paglaki ng
pupolasyon sa lungsod dulot ng pagdagsa rito ng mga tao mula sa kanayunan. Samantala,
dalawang uring panlipunan naman ang nakilala dahil sa rebolusyong Industriyal – ang uring
manggagawa na tinanatawag na Proletariat at ang gitnang uri o Bourgeoisie na binubou ng mga
negosyante, may-ari ng pabrika, mananalapi at abogado. Nagbago rin ang ekonomikong
pamumuhay at ang mga manggagawa ay napasailalim sa kapangyarihan ng mga kapitalista.

Sa Kabuuan, maipapaliwanang ng Rebolusyong Industriyal ang pangunguna sa kalakalang


pandaigdigan ng teknolohiyang Kanluranin. Ang teknolohiyang ito ay may kakayahang maglabas
o gumawa ng mga produkto nang maramihan (mass production) sa mas murang halaga at mas
mataas na kalidad. Dahil sa Rebolusyong Industriyal, nahikayat ang mga kanluranin na paigtingin
ang pananakop ng mga kolonya.

SANGGUNIAN:

A. Ikatlong Markahan – Modyul 4: Ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at


Industriyal (2021) Manunulat: Asia-Phil T. Binongo.
B. Kabihasnang Daigdig: Kasaysayan at Kultura, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon
(Updated Edition).

Palatandaan: Sagutan ang mga pagsasanay na nasa susunod na pahina.


ANSWER SHEET

ARALING PANLIPUNAN
KASASAYAN NG DAIGDIG
Ikaapat na Markahan- Aralin 1
Pangalan: Marka:
Baitang at bilang: Petsa:

PAKSA: Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal.

Aralin  (1) ng YUNIT IV

SUBUKAN MO! (5pts)


(Gawain)
Panuto: Bumuo ng mga salita mula sa mga nagulong letra sa kaliwang bahagi ng bawat aytem.
Gawing gabay ang mga kahulugan o deskripsyon sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. SOCNPEIRUC - Naniniwala ang ang araw ay sentro ng mga planeta at umiikot ang mundo
rito.
2. CTISCEINFI EODTMH - Si Francis Bacon ang siyentistang nagbuo ng makabagong
pamamaraan sa pag-iimbestiga sa larangang ito.
3. NECERANISAS – ito ay isa sa mga bunga nang pag-usbong ng Rebolusyong Enlightenment.
4. LYNAIUTRISD- Pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong
imbentong makinarya.
5. AMSET NGEENI - Inimbento ni James Watt na nagbigay daan upang mapalitan ng
makinarya ang mga hand tool.
PAGSUSURI! (10pts)
(Analysis)
1. Sa palagay mo, alin sa mga kaisipan o imbensyon na nabanggit sa araling ito ang may
pinakamalaking kontribusyon sa kasalukuyang panahon? Paano ito nakakatulong?

2. May mabuti o hindi-mabuting epekto ba ang pagtuklas ng mga bagong bagay at kaisipan?
Pangatwiran ang sagot.
PAGLALAPAT (15pts)
             (Application)
Personalidad – Imbensyon – Kontribusyon

Panuto: Itala sa data chart ang mga iba’t Ibang Personalidad sa bawat Rebolusyong naganap at
ilagay ang kanilang naging imbensyon at kung paano ito nakatulong sa pagpapayaman ng
pamumuhay noon at ngayon.

KONTRIBUSYON SA PAMUMUHAY
PERSONALIDAD IMBENSYON/KONTRIBUSYON
NOON AT NGAYON

1.

2.

3.

4.

5.
  KARAGDAGANG IMPORMASYON(5pts)

Magbasa ng iba pang impormasyon tungkol sa mga epekto ng rebolusyong Siyentipiko,


Enlightenment at Industriyal sa pagpapayaman ng agham, teknolohiya, komunikasyon, pilosopiya at
politika sa panahon noon. At ilagay ang mga impormasyon sa kahon na nasa ibaba.

You might also like